Nasa masikap na pag-aaral ang tagumpay na inaasam-asam.
Mag-aaral akong mabuti upang di kami laging kumain ng lugaw. Ang kahirapan ang inspirasyon ko upang maabot ko ang aking mithiin sa buhay.
Ito ang mumunting butil ng kaisipan na naging gabay ni William Cortez
upang magtagumpay sa buhay.
Mag-aaral akong mabuti upang matulungan si Itay sa
paghahanapbuhay…..upang hindi na siya magpasada….upang hindi na siya kikilan. Hindi sa lahat ng oras ay nasa ilalim kami.
Ang tinedyer na si William na nag-aaral noon sa ilalim posting may ilaw
ay tinanghal na balediktoryan sa elementarya at sekundarya. Batid ni William na mahihirapan siyang manguna sa haiskul pagkat section one siya at naroon ang halos lahat ng kaklase niya na pawang may karangalan din nang magtapos sa kani-kanilang paaralan. Ngunit nabasa niya ang aklat na sinulat ni Napoleon Bonaparte: Sa aking bokabulryo, walang puwang ang mga bagay na imposible. May pagdududa pa rin sa kanyang dibdib. Paano siya magiging balidektoryan gayong kulang ang kanyang mga aklat? Gayong sa ilalim lamang ng posting may ilaw siya nag-aaral kung gabi? Gayong gumising pa siya nang madaling-araw upang salukan ng tubig ang dram na ipanlalaba ng kanyang tiya na siya niyang tinutuluyan mula nang lumipat ang kanyang mga magulang sa Bicutan.
Noong unang taon ni William sa haiskul, nawalan ng trabaho ang
kanyang ama. Nagtayo ng barungbarong ang kanyang ama sa Sitio Imelda sa Bicutan. Pawang iskuwater ang mga naninirahan doon. Nagtitinda sa kariton ang kanyang ama at ina ng mga lutong ulam at kanin. May tinda rin silang sigarilyo. Ang kumakain doon ay pawang mga tsuper at konduktor ng Metro Manila Transit bago umuwi ang mga ito.
Kitang-kita ni William ang ginagawang pang-aabuso ng mga pulis at
security guard doon kung tumutulong siya tuwing Sabado at Linggo. Hindi po iyong pagkain nila nang walang bayad ang iniluluha ng aking mga magulang kundi magpapabalot pa sila ng iuuwing pagkain at kukuha pa ng sigarilyo. Hindi po makapalag ang aking mga magulang sa takot na baka sila paalisin tulad ng nangyari sa kasamahan nilang nagtitinda.
Napupunta sa mga nang-aabusong ito ang kanilang tubo. Ang tanging
pakinabang nila ay yaong natitirang pagkain ng kanilang piangsasaluhan at ang maliit na puhunang ipinamimiling muli para sa kinabukasan. Kinalunisan, sa pagbabalik ni William sa bahay ng kanyang tiyahin sa Sampaloc, baon niya ang nag-aalab na ambisyong magtapos sana siya nang may karangalan nang hindi na siya magmatrikula sa unibersidad. Nais niyang hanguin sa kahirapan ang mutya niyang mga magulang.
Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-aaral. Ang kailangan lamang ay
ibayong kasipagan. Ito ang inihasik ng mga magulang ni William sa kanyang isipan mula sa kanyang pagkabata. Sa kanyang pangunguna sa pag-aaral, tiyak na maganda ang kanyang kinabukasan. Iyan ang ipinunla sa kanyang puso ng kanyang ina.
Nakamit nga niya ang kanyang mithiin. Nagtapos siyang baledektoryan
sa haiskul. Apat ang naipasa niyang scholarship. Sa apat na ito, napili niya ang Experimental Democratization on Students sa Pamantasan ng Pilipinas. Ang tinanggap niya ay P600.00 buwan-buwan. Ang mga ito ay ibinigay niya sa kanyang mga magulang at humingi na lamang siya ng pamasahe. Dahil may angkin siyang kakayahan sa matematika, engineering ang kinuha niyang kurso.
Ang batang nakaranas na magtinda ng diyaryo at maglako ng icedrop…..
ang batang laging laman ng library…. Ang batang hindi nahihiyang maglaba, tiyak na papatnubayan ng Panginoon ngayon at sa darating pang panahon.
Iyan si William Cortez, and estudyanteng puring-puri ng kanyang mga
guro sa haiskul dahil sa kanyang kabaitan at katarungan. Iyan si William, ang nagkaloob ng isang kahong medalya sa kanyang mga magulang na napanalunan niya sa mga paligsahan sa iba’t ibang kategorya.
Iyan sa William, isa na ngayong propesyonal…. Ang tinedyer na nag-