You are on page 1of 6

Pananaw sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo ng mga mag-aaral na

SHS sa LNHS-Main

Jhanielle May U. Bola

Trungks Quialquial

Edsy Herrera

Introduksyon

Layunin

Malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa LNHS-Main sa pagtanggal ng asignaturang

Filipino sa Kolehiyo.

Suliranin

1. Ano-ano ag pananw ng mga mag-aaral sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa

Kolehiyo?

2.

3.
Hypothesis

Ang mga mananaliksik ay inaasahang malaman ang bawat pananaw ng mga

estudyante ng Senior High School sa Lumampong National High School-Main ukol sa

pagtanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Maaaring hindi sumang-ayon ang mga

mag-aaral sa pagtanggal ng asignaturag Filipino sa Kolehiyo sapagkat ito ang

nakasanayang gamitin sa larangahn ng komunikasyon. Sa kabilag banda, maaaring

mayroong sumang-ayon sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo sa

kadahilanang personal ng mag-aaral. Lubos na rerespetuhin at igagalang ang bawat

opinyon ng mga estudyante.

Konseptwal na Balangkas

Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng Input-Process-

Output model. Inilahad ng input frame ang profyl ng mga respondent tulad ng strand,

baiting, pangkat a kasarian. Ang process frame naman ay tumutukoy sa hakbang na

gagawin ng mananaliksik ukol sa pagkuha ng opinyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan

ng sarbey kwestuyuner, dokumentasyon at analysis ng mga nakalap na resulta. Ang

output frame ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na datos at pananaw ng mga

mag-aaral sa SHS ukol sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo.

Input Process Output

Ang profyl ng mga Sarbey Kwestyuner Pananaw sa pagtanggal ng

respondente: Dokumentasyon asignaturang Filipino sa

1. Strand Analysis akolehiyo ng mga mag-


2. Baitang aaral sa SHS sa LNHS-

3. Pangkat Main.

4. Kasarian

Saklaw at Limitasyon

Depinisyon ng mga Terminolohiya

General Education- tumutukoy sa pang-edukasyon na pundasyon ng mga kasanayan,

kaalaman, gawi ng pag iisip at mga halagag naghahanda sa mga mag-aaral para sa

tagumpay sa kanilang mga napiling kurso at sa kanilang personal at propesyonal na

buhay pagkatapos ng pagtatapos sa kolehiyo.

Korte Suprema- ito ang pinakamataas na Korte sa Pilipnas na itinatag ng ikalawang

komisyon ng Pilipinas noong Hunyo 11. 1901 sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Batas

Blg. 163, isang Batas na tinanggal ang Audiencia de Manila.

Memorandum- isang dokumento na nagtatala ng mga termino ng isnag kontrata o iba

pang mga legal na detalye.

Core Subjects-

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ayon sa Wordpress.com ang mga hakbang na isinasagawa ng CHED ay hindi

konkreto at walang pinagbasehan. Inilahad ditto ang mga dahilan kung bakit nararapat na

panatilihin ang asignaturang Filipino sa Kolehiyo, unang dahilan ay ang pagkawala ng

hanapbuhay ng mga gurong nagtuturo ng asignatnNg ito. Pangalawa, hindi ganoon


kalawak ang kaalaman ukol sa pormal na wika. Pangatlo, nagdudulot ito ng paggamit sa

ilang kataga ng sariling wika. At ang pang-apat , dapat na mas mapayabong ang

kakayahan sa pamamagitan ng pagpapakadalubhasa sa nasabing asignatura. “Paano mo

maipapakita ang identidad kung pinapatay mo ang wika at panitika? Paano

mapapahalagahan ng mga bata kung ang mismong nakaupo sa gobyerno ang siyang

nagtataggal nito at nagbabalewala” (Ampil, 2018).”Mababansot ang pag-unlad ng

Filipino sa iba’t ibang disiplina. Nasa kolehiyo ang tamang pagtalakay ng Filipino na

nakatali sa antas teknikal. Kung magpapatuloy ito, magbubunga tayo ng henerasyon ng

mga Filipinong hindi kayang iangkop ang propesyon nila sa kontekstong Filipino”

(Reyes, 2018).

Ayon kay De la Cruz, iba’t ibang organisayon ang bumatikos sa pagtanggal ng

asignatura tulad ng Departamento ng Literatura at Filipino at Unibersidad. Naghain nama

ng Motion for Reconsideration ang Tanggol Wika, mga guro, manunulat, mag-aaral at

mga tagapagtaguyod ng wika at kultura para sa CHED Memorandum Order No. 20

noong ika-26 ng Nobyembre,kasabay ng protesta sa Plaza Salamanca, Batay kay Rizare,

hindi pwedeng paghiwalayin ang wika at kulturadahil nagsisilbi itong pagkakakilanlan ng

bansa. Ginagamit ang wika sa pakikipagtalastasan at pagbibigay impormasyon. Ito rin

ang nakakapagbuklod sa atin mula sa mga dayuhan, “Sa Kolehiyo makikita ang

kahalagahan ng koneksyon ng wika sa kultura at tradisyon, ditto matatalakay ng husto

ang pagkabuo ng wika at kung gaano dapat bigyang halaga at respeto ang wika. Ang

CMO No. 20 ay hindi lamang nagdudulot ng malawakang pagbabago sa sistema ng

edukasyon, kundi maging sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng tao” (Arguelles, et. al. 2015).

“Ni hindi niyo yata nakita ang syllabus namin, kung anong kaibahan nito sa Elementarya,
Sekundarya at Kolehiyo. Bigla na lamang sila nag desisyon na nauulit lang ‘yan na hindi

naman totoo. Makipagdiyalogo kayo samin para makita ninyo ang epekto ng ginwa

ninyong mga polisiya mismo sa grassroots levels” (Rodriguez, 2018).

Ayon kay Reyno, makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit n gating wika,

matataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino at magpapakita ng

kakayahan, kahusayan at kabutihan nating mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtuturo sa

mga kabataan. Ayon kay Dr. Contreras ang isyu ng pagsasalin ng mga terminong teknikal

na wala na naman katumbas sa Filipino ang “Cellular Automata” o “Vulnerability

Management”. Una, mas madaling matututo ang estudyante kapag ginagamit ang wikang

lokal dahil wala nang paglipat ng code ang tinawag. Napatunayan na itong argumenrong

to sa iba’t ibang pahayagan kung saan ang isang hindi kilalang pamantasan sa Bicol ay

nakapagtala ng maraming pumapasa sa Board Exams sa Engineering. Pangalawa ay

masyadong pang bata an gating wika kaya marami pa itong oportunidad upang lumago.

Ngunit darating ang panahon na sa tulong ng mga eksperto ng wikang Filipno ay

madadagdagan an gating bokabularyo sa mga teknikal na salira na sinlain na. Ayon sa

mga administrador at iba’t ibang mga pamantasan maging ang CHED. Ayon rin sa

statistic ni Prof. David San Juan ng DLSU, mahigit kumulang 10.000 full time at 20,000

part time na mga professor ang mawawalan ng trabaho o mababwasan ang kita. Dahil

mababawasan ang kanilang kita ay mapipilitan slang lumipat sa SHS upang magturo lalo

pa’t walang ranking ditto hindi tulad sa pamantasan.

Ayon kay Garcia, hindi bago ang kilusang nagbibigay halaga sa iba’t ibang wika ng

Pilipnas. Halimbwa, ang Unibersidad ng Pilipinas Diliman, na isang Unibersida na

malimit gumamit ng wikang Ingles ay dumaan sa radikal na pagbagao kaugnay ng


paggamit ng wikang Pilipino. Ang Philippiine Collegian, mula sa pagiging isang

publikasyong Ingles ay nagging kombinasyon Ingles at Pilipino, naging Pilipino noong

dekada 70 sa mithiing hindi lamang ito maging diyaryo ng mga taga-UP kundi maging ng

mga taong mabibigyan sa labas ng kampus, halimbawa’y mga manggagawa at iba pang

maralitang taga-lungsod. Malaki ang pagkakaiba ng pag-aaral ng isang wikang global sa

isang banda at ang pagdididktang Ingles ang maging wikang panturo.

Disenyo

Populasyon at Lugar ng Pananaliksik

Pumili ang mga mananaliksik ng 50 na mga respondente sa pamamagitan ng

Purposive Sampling upang makakuha ng mga nararapat na mag-aaral na makapagbibigay

ng kanilang sariling pananaw sa bawat baiting at seksyon. Sila ay magmumula sa mga

enroladong estudyante sa Lumampong National High School sa mga Senior High School

na may Strand na Agri-Crops, HUMSS at Cookery.

You might also like