You are on page 1of 2

"Pagkabilad sa Teknolohiya ay bawasan, Oras sa Pagbabasa ay dagdagan, tungo sa magandang

kinabukasan ng mga Kabataan"

Isang dahilan kung bakit marami sa kabataan ang nakalimot sa tradisyunal na Pagbasa ay ang
modernisasyon. Ayon kay Gmanumbas (2014), patuloy na dumarami ang mga taong gumagamit ng mga
gadgets sa kahit saang sulok ng mundo sa kasalukuyan. Bagamat ang Pilipinas ay nabibilang sa mga
pinaka mahirap na bansa, tayong mga Pilipino naman ay di nagpapahuli sa paggamit ng teknolohiya. Ang
ilang teknolohiya sa Pilipinas na hatid sa atin ng mga dayuhan ay nagdudulot ng malaking epekto lalo't
higit sa mga kabataan. Una, ang oras ng mga kabataan ay nasasayang dahil sa mga teknolohiyang ito.
Ikalawa, Hindi na nila pinapansin ang mga importanteng gawain na kailangan nilang tapusin dahil sa
sobrang paggamit ng mga gadgets. At ikatlo, nawawalan na sila ng oras sa pagbabasa ng mga libro. May
mga babasahing apps nga sa Cellphone ngunit kadalasa'y hindi na ito nababasa o napakalimit ang
nailalaan nating oras dito sapagkat mas nabibigyang pansin o nakukunan ng ating atensyon ang
messenger, tiktok, ml, youtube o mapa telebisyon, laptop at iba pang klaseng technological devices.
Kaya naman, layunin naming magkaroon ng Symposium o isang pagpupulong sa bawat barangay ng
munisipyo kung saan titipunin ang mga magulang na may anak na 10 years old o higit pa at doon namin
tatalakayin ang aming plano hinggil sa kung paano magkakaroon ng interes sa Pagbasa ang kanilang mga
anak.

Deskripsyon ng Proyekto:

Ang aming proyekto na "Pagkabilad sa Teknolohiya ay bawasan, Oras sa Pagbabasa ay dagdagan, tungo
sa magandang kinabukasan ng mga Kabataan" ay naghahangad na magkaroon ng interes ang mga
kabataan sa Pagbasa, dahil ayon nga sa makata na si Dr. Jose Rizal, Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan.
Magsasagawa kami ng Symposium sa talakayan na yan at ang aming mga tagapanood ay mga magulang
na may anak na sampung taon o higit pa. Ipagbibigay-alam namin sa mga magulang na ang kawalan ng
interes ng kanilang mga anak sa Pagbasa ay sanhi ng pagkabilad ng mga bata sa Teknolohiya partikular
sa mga mobile gadgets at telebisyon. Bukod pa riyan, sasabihin namin sa mga magulang na patnubayan
maigi at ikontrol nila ang paggamit ng gadgets ng kanilang mga anak sapagkat ang teknolohiya ay
nakakaapekto ng negatibo sa mga kabataan na hindi pa ganap na matured ang pag-iisip. Ito'y
nakakasayang ng kanilang oras dahil karamihan sakanila ay walang time management o pamamahala ng
oras. Dagdag pa riyan, gagabayan rin namin ang mga magulang na ipakita sakanilang mga anak ang
ugaling Pagbasa, dapat ay maglaan rin sila ng oras sa pagbasa upang tularan sila ng mga anak nila.
Kadalasan, ang ugali ng isang bata ay batay sa environment na kinapapalooban niya. Kaya naman dapat
ay ipakita rin ng ama't ina na sila'y nagbabasa. Ayon nga sa kasabihan ni Geoffrey Holder, "Education
begins at home. You can't blame the school for not putting into your child what you don't put into him."
Iyan ang mga bagay na tatalakayin namin sa aming Symposium.
Proseso ng Proyekto:

Batay sa mga nabanggit na layunin, ang dokumentong ito ay naglalayong maisagawa ang proyekto sa
pamamagitan ng paglapit sa mga opisina at ahensya para hingin ang kanilang aproba, mga komento, at
mga ideya hinggil sa pagpapatupad ng proyektong ito. Sa pagpapatupad ng inisyatiba na ito, ang alkalde
ng isang munisipyo, ang Local Government Unit, at ang mga tagapangulo sa bawat barangay ay lubhang
makatutulong na mga opisyal at organisasyon. Sa pamamagitan ng mga ito, ang ipapatupad naming
symposium gamit ang pamagat na "Pagkabilad sa Teknolohiya ay bawasan, Oras sa Pagbabasa ay
dagdagan, tungo sa magandang kinabukasan ng mga Kabataan" ay maisasakatuparan.

Mga materyales:

1. Invitation card program - 10, 000

2. Tarpaulin - 500

3. Venue at technical(sound system) - 15,000

4. Chargeable Sound system (backup kung sakaling mawala ang ilaw) - 15,000

5. Pagkain para sa lahat - 50, 000

TOTAL = 90, 500 bawat isang munisipyo

You might also like