You are on page 1of 1

Alam nating lahat na ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay magbibigay ng

pagbabago sa mga mag-aaral at guro sa pagkatuto ang paggamit ng wikang Filipino sa iba't ibang
pakikipagtalastasan. Madaming maidudulot na negatibo ang pagkatanggal niyo isa ang kalituhan
ng mga mag-aaral  sa kadahilanan na mawawalan sila ng ideya tungkol sa maayos na paggamit
ng wika. Gayundin, mahihirapan din ang mga ito sa pag-intindi ng wika dahil sa paglipas ng
panahon maaaring mabawasan sila ng kamalayan sa wastong paggamit ng wikang Filipino at
malito sila sa mga matatalinhagang mga salita na nakapaloob dito. 

Ang komunikasyon ang nagbibigay buhay sa ating lahat. Ito ay naghahatid ng iba't ibang
nating gustong iparating sa ating kapwa, ito ay ang mga mensahe, emosyon. Ayon sa kasabihan
na "No Man is an Island". Walang taong nabubuhay para sa sarili lamang. Bilang tao, kailangan
natin ng tulong ng iba at kailangan nating tumulong sa iba. At sa pakikipagtulungan na ito,
nangangailangan tayo ng komunikasyon at wikang magagamit upang maunawaan ang isa't isa.
Kaya't kung ang asignaturang Filipino ay tatanggalin sa kolehiyo ay maaari itong magdulot ng
matinding balakid sa pagkakakilanlan nating mga Pilipino, sapagkat ako bilang estudyante,
aaminin ko na hindi pa sapat ang aking mga natutunan noong ako'y elementarya at sekondarya.
May parte pa rin akong nahihirapan sa asignaturang Filipino ngunit bukas ang aking isip at puso
upang mapalawak pa ang kaalaman ko sa asignaturang ito. 

Bilang konklusyon, maihahalintulad ko ito sa isang ibon. Ang ibon ay malayang lumilipad,
para itong ating wika, malaya at ipinaglaban. Ang wika natin ay simbolo ng ating
pagkakakilanlan, malaya tayong malinang ito ngunit sa paraang tatanggalin ito bilang asignatura
sa kolehiyo ay parang binura natin ang tanging yaman ng ating inang bayan. Mawawalan tayo ng
pagkakakilanlan. Walang pagkakaunawaan at magdudulot ito ng pagkamatay ng ating wikang
pinaglaban. 

You might also like