You are on page 1of 2

Mary Kimberly A.

Villajos
2MKTG-2
TAKDANG ARALIN 7

Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na konsepto:

1. Filipino bilang wikang panturo

2. Pagsasaling siyentipiko-teknikal

3. Intelektwalisasyon ng Filipino

FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO Sa kasalukuyan, Ingles ang nangungunang


wikang panturo sa loob ng paaralan at
unibersidad. Ang mga aklat ay nasa wikang
ingles at ang iba pang ang pribadong
paaralan ay nagpapatupad ng “ English only
policy”. Kung titingnan ito ay makikitang
halos ingles na ang nakasanayan ng mga
mag aaral sa kanilang buhay eskwela. Ngunit
hindi nangangahulugang lahat ay
makakakuha ng mataas na marka sa lahat ng
asignatura dahil dito. Maraming mga
estudyante ang hanggang sa ngayon ay
nahihirapan umunawa ng ingles, kung kayat
sila ay nahuhuli sa loob ng klase. Dahil dito ay
isinusulong ng mga eksperto sa wika ang
pagpapatupad ng paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo. Nakikita nila itong mabisang
solusyon upang maitaguyod ang ating
sariling wika sa ating sariling bansa. At upang
mas madaling maintindihan ng mga mag
aaral ang kanilang mga asignatura, dahil ito
ay nasa kanila ng kinalakihan lengguwahe.
Kung mapapatupad ito ay magkakaroon din
ng mas malawak na diskusyon sa loob ng
silid aralan dahil mas hindi mahihiyang
makipag talastasan ng mga mag aaral.

PAGSASALING SIYENTIPIKO-TEKNIKAL Isa sa mga naging hakbang ng mga eksperto


sa wika upang maisulong ang paggamit ng
Filipino bilang wikang panturo sa paaralan at
mga unibersidad, ay ang pagsasalin ng mga
salitang siyentipiko-teknikal na kadalasan
nasa anyong Ingles. Sa pagbuo ng mga
salitang ito ay unti unting mababago ang
kinalakihan mga ingles na terminong
ginagamit natin sa ibat’ibang aklat ng ating
mga asignatura. Ngunit hindi magiging
madali ang mga pagtatangka ng pagsasalin
na ito sa mga eksperto, dahil mayroong mga
piling mga ingles na salitang mahirap
tumbasan sa Filipino. Kung maiba man ito ay
madalas ay maiiba rin ang kahulugan nito.
Para sa mga piling salita na ito ay madalas
iniiwan na lamang ito sa kanilang orihinal na
wika o gumagamit na lamang ng malapit na
kahulugan nito sa Filipino.

INTELEKTWALISASYON NG FILIPINO Isa sa mga dahilan parin ng pagkakaroon ng


asignaturang Filipino sa lahat ng baitang sa
paaralan, ay upang matuto ang mga mag
aaral na gamitin ang ating wika sa intelektwal
na paraan. Ang nakasulat at nagpapakita ng
kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino
upang makagawa ng mga obra maestrang
mga sulating makakapag pakita ng ganda at
kultura ng ating bansa. Isa rin itong
magandang hakbang upang hindi mamatay o
malimutan ang ating wika, at upang
masilayan at magamit pa ito ng mga susunod
na henerasyon.

You might also like