You are on page 1of 3

Tula

Ang Aking Pag-ibig ni Elizabeth Browning

Hele ng Ina sa kanyang Panganay ni


Jack H. Drilberg sa salin ni Mary Grace Tabora

ANG AKING PAG-IBIG


( INGLATERA)
(“ HOW DO I LOVE THEE” ni Elizabeth Barrett Browning)
( Anonima)
Ibig mong mabatid,ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal
Tuturuan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin,ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim.
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kalul`wang ibig marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko`y katugon,kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan.
Laging nakahandang pag-utos-utusan,
Maging sa liwabag,maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira`y hindi paaapi.
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko`y isang matinding damdamin


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako`y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti,luha,buhay, at aking hininga:
Kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma`y lalong iibigin kita
GABAY NA TANONG SA PAG-UNAWA SA AKDA:
1. Ano ang kahulugan ng pag-ibig batay sa akda?
2. Ano-ano ang mga katangian ng isang taong umiibig batay sa may-akda?
3. Ano ang mga karanasan ni Elizabeth Browning at naisulat niya ang tula?

Ang tula o poem ay isang anyo ng panitikan kung saan binubuo ito ng taludtod o verse at saknong o
stanza sa wikang Ingles. Ito ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, o ginagawa ng isang tao sa
pamamagitan ng paggamit ng mga maririkit na salita.

Ang pag-uulit ng salitang "Pag-ibig ko’y" sa tula ay nagsisilbing isang paalala, sapagkat iang linyang
ito ay nagpapakita ng lalim ng pag-ibig, hindi lamang ang dami ng pagmamahal, na siyang
nagbibigay ng kapangyarihan sa tula.
The repetition of “I love thee” serves as a constant reminder, but it is the depth of love, not the
quantity of love, that gives the poem its power: She loves. for example, “the depth and breadth and
height / My soul can reach,” and “To the level of every day's / Most quiet need.
Ipinapahayag sa tulang pinamagatang “Ang aking pag-ibig?” ang walang hanggang pag-ibig at ang
kapangyarihan nito upang madaig ang lahat, kabilang na dito ang kamatayan. Bilang karagdagan,
ang pag-uulit ng salitang "Pag-ibig ko" sa tula ay nagsisilbing isang paalala, sapagkat ang linyang ito
ay nagpapakita ng lalim ng pag-ibig ni Elizabeth sa asawa niyang si Robert at hindi din masusukat
ang kanyang pagmamahal para sa asawa, na siyang nagbibigay ng kapangyarihan sa tula.

Elizabeth Barret Browning in “How do I Love Thee” expresses the eternal nature of love and
its power to overcome everything, including death.

You might also like