You are on page 1of 8

GROUP 3

TULA
 AY ISANG ANYO NG PANITIKAN NA
MAY MATALINHAGANG
PAGPAPAHAYAG NG ISIPAN AT
DAMDAMIN.
 ISA SA ELEMENTO NG TULA ANG
KARIKTAN.
 MAY APAT NA PANGKALAHATANG URI
ANG TULA.
ELIZABETH BARRET BROWNING
 SIYA ANG MAY AKDA NG TULANG
ANG AKING PAG IBIG.
 KILALA DAHIL SA KANYANG TULA
TUNGKOL SA PAG IBIG. SONETO
MULA SA PORTUGES AT AURORA
LEIGH AT DAHIL NADIN SA PAG IBIG
NILA NG KAPWANG MAKATA NA SI
ROBERT BROWNING.
ANG AKING PAG IBIG
(HOW DO I LOVE THEE-SONNET XLIII NI
ELIZABETH BROWNING ISINALIN NI
ALFONSO O SANTIAGO SA FILIPINO)
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinaka mamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita ng buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliitliitan,
Laging nakahandang pag-utos-utusan, maging
sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mga wala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at paghihinayang .
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

You might also like