You are on page 1of 2

CRE 3: Bakit Hindi Namin Pigilan Ang Ating Nararamdaman

Ang literatura ay isang representasyon ng ating lipunan dahil nagpapahayag ito ng maraming
aspekto na laging nakakaapekto sa buhay ng maraming tao. Laging kabilang sa aspektong ito ang
paksa ng pag-ibig na hindi nawawala sa anumang uri at anyo ng literatura. Kabilang dito ang isang
maikling kuwento ng pag-ibig na sinulat ni Anton Chekhov na siya kong tatalakayin sa aking
sanaysay. Sa kuwentong " Hinggil sa Pag-ibig", ipinakita niya ang totoong ideya ng masasabing
isang dakila at wagas na pagmamahalan.

Maraming sitwasyon sa kuwentong "Hinggil sa Pag-ibig" ang lumikha ng malaking epekto sa


aking pagkatao. Sina Anna, Alyokhin at Luganovich ang mga pangunahing tauhan sa kuwento,
Nagkakilala sina Anna at Alyokhin dahil sa pag-imbita ni Luganovich at pagdala sa kaibigan niyang
si Alyokhin sa kanilang tahanan ni Anna. Dito nagsimula ang madalas na pagdalaw at pagkikita ng
dalawa na humantong sa pagkagiliw nila sa isa't isa. Naging ironiya pa sa kuwento, na ang asawa pa
ng babae ang parang naging tulay upang magkakilala at magkalapit ang kanyang asawa at ang
kanyang kaibigan. Gayunpaman, masasabi ring ang presensiya ni Luganovich at ang dalawang anak
nila ang naging dahilan din upang hindi tuluyang mabuo ang pag-iibigan nina Anna at Alyokhin. Sa
paglakad ng panahon, makikita natin na kahit lumalago ang kanilang pag-ibig, nakakaya nilang
pigilan ang isang romantikong relasyon dahil sa maraming paktor katulad ng kultura, kalagayan at
katayuan nila sa lipunan. Mataas ang pagkakakilala ng mga tao sa estado ng pamilya na
kinabibilangan ng pamilya ni Luganovich nang panahong iyon. Ang mabisang paggamit ng ironiya
na ginamit ni Chekhov upang maipakita rin ang katayuan nila sa lipunan at kalagayan ni Anna bilang
may-asawa ay isang dahilan din upang hindi mailantad nina Anna at Alyokhin ang lihim nilang
pag-ibig sa isa't isa. Bukod sa mga dahilang ito, nasasakop sila ng isang kulturang nagbibigay-diin sa
katapatan ng kasal. Ang relasyong maaring mabuo sa pagitan nina Anna at Alyokhin ay maituturing
na may paglabag sa kulturang Ruso kaya sa kabila ng pagkahumaling nila sa isa't isa, dapat itong
pigilan dahil hindi tama sa paningin ng lipunang Ruso. Sa wakas ng kuwento, naging malungkot ang
pagtatapos ng kanilang pagmamahalan. Nagkasakit si Anna at naging dahilan ito upang ipadala siya
upang magpagamot sa Crimea. Malumbay sina Anna at Alyokhin subalit naipadama rin nila ang
pagmamahal sa isa't isa sa pamamagitan ng yakap, halik at pag-amin sa nilalaman ng kanilang
dibdib. Malaki ang kahalagahan ng eksenang ito dahil gustong ipakita ni Chekhov, na kung mahal ninyo
ang isa't isa, ipakita ito at huwag pigilan ang sarili ng ibang kadahilanan sa iyong buhay. Ilantad at
ipahayag ang iyong nararamdaman, para pwede kang mabuhay na walang pagsisisi sa iyong buhay.

Sa aking pagwawakas, masasabi kong mabisang naipahayag ni Anton Chekhov sa


literaturang kanyang sinulat ang totoong representasyon ng pag-ibig at ang epektong nagagawa nito
sa buhay ng mga tao at sa lipunang kinabibilangan nila. Ipinakita rin niya na kahit sobrang malakas
at malalim ang pag-ibig, maaari itong pigilan dahil sa maraming panlabas na kadahilanan. Masasabi
ko naman na ang literaturang may paksa ng pag-ibig ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng mga
mababasa upang turuang gumanap at kumilos ang mga ito nang naaayon sa pakikisalamuha nila sa
kapwa-tao at sa lipunang kanilang ginagalawan.

You might also like