You are on page 1of 22

MAGANDANG HAPON!!!

May Isang Bata …


“Huwag husgahan ang kapwa sa
panlabas na anyo lamang.”
May isang bata
mukha’y kaawa-awa
Mga sugat sa mukha’y
Talagang nakapagkit.
Walang nagnanais
sa kanya’y umimik
Kaya’t sa isang sulok
Napilitang manahimik.
Ngunit ito palang
munting batang ito,
Sa kabila ng itsura’y
May ginintuang puso.
Isang araw sa paglalakad
isang matanda nasumpungan,
Nagpapalimos ng pagkain
para gutom ay mapawi.
Pagkaing isusubo’y
ibinigay pa sa matanda
Kaya’t puso’y nag-umapaw
sa galak ay natuwa.
Bilang pasasalamat
matanda ay nagwika:
“Anak, humiling ka at
ito’y iyong makukuha.”
Bata ay tumanggi
at saka nagsabing:
“Ang aking pagtulong
walang hintay na kapalit.”
Paligid ay nagliwanag
Mga mata’y kumislap
Isang magandang diwata
bumungad at nagwika:
“Sa iyong kabutihan,
at ganda ng iyong puso,
Ngayon di’y kahilingan
makita sa mukhang maamo.”
Simula sa araw na iyon
ang batang tahimik
Anyo ay nagbago
mukha’y singganda
ng kanyang puso.
Kaya nga, mga bata,
Payo ko ay tandaan
“huwag husgahan ang kapwa
Sa panlabas na anyo lamang”.
Hanapin sa pangungusap ang
kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit. Bilugan ito.
1. Nasugatan ang bata kaya
sumakit ang binti niyang
nagalusan.
2. Nabuwal ang matanda kaya
natumba rin ang katabi niya.

3. Tinapay na isusubo,
ipakakain pa sa matanda.
4. Tumanggi ang batang kaya’t
umayaw siyang magpabayad.

5. Ang batang tahimik ay di-


umiimik.
Pagtukoy sa Tiyak na Detalye
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bakit walang gustong makipag-
usap sa bata?
a. dahil siya ay maganda
b. dahil siya ay malinis
c. dahil kakaiba ang kanyang itsura
2. Anong ugali mayroon ang
bata?
a. masipag
b. matulungin
c. tahimik
3. Sino ang nanghingi ng tulong
sa bata?
a. Kaibigan
b. Kapwa bata
c. matanda
4. Anong bagay ang hiniling ng
bata bilang kapalit ng kanyang
pagtulong?
a. kahandahan
b. kayamanan
c. wala
5. Ano palang uri ng nilikha ang
nagkunwaring pulubi?
a. diwati
b. diyosa
c. mangkukulam
Maraming
Salamat
sa

You might also like