You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
GAPAN EAST INTEGRATED SCHOOL

Fourth Quarter Assessment Test in EsP


Grade 6

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik na tamang sagot.

1. Nagulat ang pinsan mo sa malakas na tambol. Mayroon palang isang prosesyon na


dumaan dahil pista ni San Isidro Labrador, ang patron sa masaganang ani. Sinabihan ka
niya na naiinis siya sa mga ginagawa ng mga Katoliko. Ano ang gagawin mo?

A. Hindi na lamang siya papansinin.


B. Babawalin at pagsasabihan siya na huwag mainis at ipaliwanag ang dahilan nito.
C. Bibigyan na lamang siya ng pantakip sa tainga.
D. Ipagbibigay alam sa kinauukulan na itigil ang malakas na tambol.

2. Sinabihan ka ng iyong kaklase na mas maganda na magpasakop ka sa kanilang


relihiyon. Pinilit ka niyang sumama upang marinig ang pag-aaral sa salita ng Diyos. Ano
ang gagawin mo?

A. Hindi nalang sasama sa kaklase sayang lang oras sakanya.


B. Sasama ka sakanya at babalewalain ang mga mapapakinggan.
C. Ipapaliwanag nang maayos na may paninindigan sa relihiyong kinabibilangan.
D. Isusumbong ang kaklase sa guro.

3. Ang pananalig ay ang pagtitiwala sa Diyos. Naniniwala tayo na may Diyos na


pumapatnubay sa lahat ng ating mga gawain. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
ng pananalig sa Diyos?

A. Ang pananalig sa Diyos ay taglay ng isang indibidwal lamang.


B. Lahat tayo ay pantay na antas ng pananampalataya sa Diyos.
C. Maaaring pare-pareho ang paniniwala ng isa kaysa sa isa.
D. Ang bawat isa ay may paniniwala sa Diyos kahit iba’t iba ang relihiyon nito.

4. Aktibong nakikilahok si Jose sa iba’t ibang panrelihiyong pagdiriwang ng kaniyang


pamilya. Piliin ang pagdiriwang na isinasagawa tuwing mahal na araw.

A. Araw ng pagsilang ni Jesus


B. Araw ng mga patay
C. Bagong taon
D. Pabasa at Visita Iglesia

5. Si Liezel ay nagdarasal araw-araw. Nagbabasa siya ng mga salita ng Diyos at


ibinabahagi niya ito sa kapuwa. Inaalam din niya ang mga dapat na maging gawi upang
higit pang makilala ang Panginoon at ang tamang pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
Tukuyin ang katangian ni Liezel.
A. May pananampalataya sa Panginoon.
B. May mabuting puso sa kamag-aral.
C. May pagtitiyaga sa buhay.
D. Walang pakelam sa kaniyang kapuwa.

6.Nahihiya kang umamin na ang tiyahin mo ang nagpapaaral at nagpalaki sa iyo. Marami
kayong magkakapatid at hindi kayo kayang suportahan lahat ng magulang ninyo. Ano
ang gagawin mo?

A. Ipagmamalaki na may tumutulong sa iyo na kapamilya mo.


B. Ikakahiya sa mga kamag-aral na may nagpapaaral lang sa iyo.
C. Sisisihin ang mga magulang sa sitwasyon sa buhay.
D. Ipagsasabi sa social media ang kalagayan sa buhay.

7. Dahil sa kahirapang iyong nararanasan, nakalimutan mo nang manalangin at


magpasalamat sa Diyos. Ayaw mo na rin tumulong sa iba dahil katwiran mo, hindi ka
naman tinutulungan ng Diyos. Ano ang gagawin mo?

A. Sasangguni sa mga kaibigan dahil sa sitwasyon.


B. Ipagbibigay alam ang sitwasyon sa mga kalaro.
C. Babaguhin ang pananaw at magbabalik loob sa panginoon.
D. Sisisihin ang lahat ng pangyayari sa panginoon.

8. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi nagpapakita ng pananampalataya sa


Diyos?

A. Pagkakaroon ng oras para magdasal at magpunta sa pook dalanginan.


B. Hindi pagpansin sa mga taong humihingi ng tulong.
C. Pagdarasal bago at pagkatapos kumain bilang pasasalamat sa mga biyayang
natatanggap.
D. Pagkilos ng maayos sa loob at labas ng bahay sambahan.

9. Mayroong gaganaping prusisyon sa inyong lugar para sa Flores De Mayo at ikaw


ang napiling Reyna Elena. Ano ang iyong gagawin?

A. Tatanggihan ko ang alok sapagkat may iba pang bagay na mas mahalaga rito.
B. Maluwag sa loob kong tatanggapin ang alok.
C. Tatanggapin ko ang alok kapag mayroon perang ibibigay.
D. Susumbatan sila bakit ikaw ang pinili.

10. Napagkasunduan ng iyong pangkat na gagawin niyo ang inyong proyekto ngayong
Sabado. Nakiusap ang isa sa iyong miyembro na siya ay liliban muna dahil ito ay
araw ng kanilang pagsamba, Ano ang iyong gagawin?

A. Hindi ko siya papayagan dahil nakasalalay dito ang aming marka.


B. Sasabin ko siya na maghanap ng ibang pangkat.
C. Papayagan ko siya ngunit mayroon akong ibang ipapagawa sa kanya para
magkaroon siya ng ambag.
D. Buong puso ko siyang papayagan at ipagawa nalang sakanya ang gawain
pagkatapos ng samba.

11.Dumating ang takdang oras ng pagpapasa ng proyekto na isusumite sa iyong guro.


Nakalimutan mong bumili ng mga kagamitan na gagamitin dito.
A. Bibili na lang ako ng mga kagamitan sa paaralan
B. Manghihingi ako sa aking kamag-aral
C. Hindi na lang ako papasok
D. Gagamitin ko ang mga lumang kagamitang maari pang gamitin.

12. Sinulatan ng iyong kapatid ang ilang pahina ng ulat na ipapasa mo sa iyong
guro. Wala ka nang panahon upang ulitin ito. Ano ang gagawin mo?

A. Iiyak na lang ako sa guro habang kasama ko ang aking kapatid na


Magpaliwanag sa kanya.
B. Hindi na ko papasok at magpapasa ng ulat
C. Sasabihin sa guro ang sitwasyong nangyari at gagawa na lang ulit
D. Sasaktan ko ang aking kapatid

13. Nakita mo na namamalimos sa kalsada ang isang kamag-aral mo kaya di siya


nakapasok nung araw na iyon dahil wala silang pambili ng gamot ng kanyang ina.

A. Sasabihin ko sa kanya na bawal mamalimos


B. Pagtatawanan ko sya habang namamalimos
C. Ipagbibigay alam ko sa aming guro ang kanyang kalagayan
D. Sasamahan ko siyang mamalimos

14. Nasa loob kayo ng kapilya ng mapansin mo ang kaibigan mong pumasok na
maiksi ang suot at nagcecelphone lamang.

A. Kakausapin ko sya at pagsasabihan


B. Makikipanood din ako sa celpon niya
C. Ipagsasabi ko sa iba ang suot niya ay maiksi
D. Ipapahiya ko sya sa harap ng pari.

15. Magkakaroon ng pagtataya bukas ngunit hindi ka pa nakapag-aral dahil sa gawain


sa bahay. Kahit konti lang ang oras na pinili mo na magbasa at mag-aral pa rin dahil
naniniwala ka na kaya mo. Tama ba ito? Pangatwiranan.

A. Mali, dapat ay inuna muna ang pag aaral.


B. Tama, dahil nais mong tumaas ang iyong marka.
C. Tama, dahil gusto mong malamanagan ang iyong kaklase.
D. Mali, wala akong pakielam sap ag-aaral.

16. Nawalan ka ng gana na mag-aral dahil hindi mo kaya ang mga gawain sa paaralan.
Ano ang dapat mong gawin?

A. Magsisiskap ako at magpapaturo sa nakakatanda sa akin.


B. Ipawawalang bahala na lamang ang lahat
C. Sasangguni ako sa nakakatanda sa akin
D. Isasama ko ang aking kapatid para mag aral.

17. Maraming suliranin sa inyong pamilya kaya pinili mong gumala at sumama sa mga
tambay na mag-inuman dahil sila lang ang makakatulong sa iyong mga pinagdadaanan.
Paano ito makakaapekto sa iyong buhay?

A. makakalimutan ang lahat ng problema


b. magiging masaya ang buhay
c. masisira lamang ang pamilya at buhay dahil sa bisyo
d. tagumpay ang makakamit dito
18. Si Tricia ay batang masikap sa buhay at may pangarap na makapagtapos ngunit wala
silang pera na pambayad sa kanyang bayarin sa paaralan. Ano ang dapat niyang gawin?

A. Maghintay na lamang ng biyaya na darating.


b. Hintayin ang bigay ng mga kamag-anak.
c. Humingi ng tulong sa mga nakaluluwag sa buhay.
d. Mag-iipon ng pera upang makatulong sa magulang na pambayad sa paaralan.

19. Oras ng recess, inilabas mo ang iyong baon, nang buksan mo, nakita mong wlang
kutsara at tinidor. Malayo ang kantina sa inyong silid-aralan.

A. Maghuhugas ng kamay at magkakamay na lang.


B. Manghihiram ng ginamit na kutsara ng kamag-aral.
C. Hihintayin ang kamag-aral na pahiramin ka ng kutsara niya.
D. Hindi ka na lang kakain.

20. Pinagsaing ka ng kapatid mo. Nilagyan mo ng bigas ang saingan at hinugasan.


Nagmamadali kang isalang ang kaldero dahil parating na ang iyong mga kalaro.
Nakalimutan mong buksan ang kalan.

A. Pagalitan ang kapatid dahil pinagsaing ka.


B. Babalik sa bahay at bubuksan ang kalan.
C. Hahayaan na lang na buksan ni nanay angkalan pagbalik nito.
D. Magdadahilan ka na masakit ang tiyan kaya d mo ito nabuksan.

21. Iniwanan kayo ng gawain ng inyong guro. Inihabilin kayo sa pangulo ng inyong
klase. Ano ang dapat ninyong gawin?

A. makikipag-usap sa katabi
B. sisigawan ang pangulo ng klase upang ikaw ang maging lider
C. susundin ang ipinagagawa ng guro
D. maglalaro sa klase habang wla ang guro

22. Lunch break na, nakita mong walang baon ang katabi mo,gutom na gutom na sya.
Ano ang gagawin mo?

A. Hahayaan siyang tingnan akong kumain


B. Babahaginan ko sya ng aking pagkain
C. Sisigawan ko sya at sasabihang lumayo sa kin dahil siya ay nakatunganga
D. Tatapunan ko sya ng pagkain ko

23. Niregaluhan ka ng iyong nanay ng laruang babasagin, sa hindi sinsadyang


pangyayari nabitawan mo ito at nabasag. Ano ang magiging tugon mo?

A. Hihingi ulit ng bagong regalo


B. Pababayaan ang nabasag na laruan para makita ng nanay
C. Magdadahilan para di mapagalitan
D. Ihihingi ngpaumanhin sa nanay ang nangyari.

24. Narining mo ang balita na humihingi ng tulong ang mga nasalanta ng pagputok ng
Bulkang Taal sa Batanggas. Ano ang magiging tugon mo?
A. Magdadala ako ng mga damit na punit na punit at marurumi.
B. Magdadala ako ng mga de lata at pagkain na malapit ng maexpired.
C. Maghahanda ako ng mga damit na hindi ko na ginagamit na maaari pang isuot.
D. Magkukunwari akong wala akong narinig para di ako magdala.

25. Ito ay tulong-tulong at sama-samang pagsasagawa ng isang gawain.

A. Bayanihan
B. Patrabaho
C. Paglalaro
D. Pagpapagod

26. Alin sa mga sumusunod ang hindi kanais-nais na katangian ng isang Pilipino.

A. Pagka-magalang
B. Maka-diyos
C. Matakaw
D. Makabansa

27. Ang pagmamano sa mga nakatatanda ay tanda ng pagiging ________.

A. Kawalang respeto
B. Magalang
C. Mapagmahal
D. Matipid

28. Nais ng pangkat na magkaroon ng proyekto. Ano ang dapat gawin?

A. Tumawag ng pulong at magtalakayan.


B. Pabayaan ang pangulo na mag-isip ng paraan.
C. Sumunod na lamang sa kagustuhan ng karamihan.
D. Ipagwalang bahala ang lahat.

29. Sa di- inaasahang pagkakataon,biglang tumama ang pandemya sa inyong lugar at


magsasagawa sana kayo ng pagpupulong. Ano ang gagawin mo?

A. Itutuloy ito at magsasagawa nalang ng online meeting.


b. Itutuloy parin ang pulong.
c. Sasabihan ang mga kasama na magkita-kita sa tagong lugar.
d. Babalewalain ang pandemya.

30. Araw ng Linngo,nakagayak kana ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan ngunit
nakagayak na kayong pamilya na pumunta sa simbahan. Ano ang gagawin mo?

A. Pabayaan nalang na mabasa ng ulan.


B. Itutuloy ang pagsamba at magdadala nalang ng paying.
C. Patitilain nalang ang ulan kahit tapos na ang samba.
D. Itatawag nalang sa sekretarya na ma le late sa pagsamba.

31. Sino sa mga sumusunod ang kilala sa buong mundo sa larangan ng musika?

A. Manny Pacquiao
B. Lea Salonga
C. Alden Richards
D. Benigno Aquino
32. Sino sa mga sumusunod ang kilala sa buong mundo sa larangan ng isports?

A. Manny Pacquiao
B. Lea Salonga
C. Alden Richards
D. Benigno Aquino

33. Sino ang kauna-unahang Pilipino na naging pangulo ng United nations?

A. Carlos P. Romulo
B. Carlos P. Garcia
C. Ninoy Aquino
D. Ferdinand Marcos

Karanasan
Isinulat ni: Christia Mae P. Iso
Maliit pa lamang si Kara ay marami na itong pangarap sa buhay. Maraming
pagkakataon na siya ay nakararanas ng problema sa buhay. Ang kanyang mga magulang
ay mahirap lamang at hindi kaya na pag-aralin. Kung kaya, noong hayskul pa laman ay
sinabihan na siya na hindi siya makakapag-kolehiyo. Nalungkot si Kara ng lubos dahil ang
kanyang mga pangarap ay hindi na matutupad. Gumuho ang kaniyang mundo at umiyak ng
umiyak.
Habang palapit ng palapit ang pagtatapos ng huling taon niya sa hayskul,
pinagsikapan ni Kara na maging mataas ang kaniyang mga marka. Nagsumikap siya at
pinagdaanan ang mga pagsubok ng walang takot. Marami man ang balakid na kaniyang
kinakaharap, nanalig siya na makakayanan niya ito para sa sarili at sa pamilya. Muntik na
siyang sumuko dahil sa mga panghuhusga at pambabatikos ng kanyang kapwa kamag-aral,
ngunit mas nangibabaw ang pag-asa niya sa buhay na may katapusan ang lahat ng
pagsubok.
Sa nagdaang araw siya ay nagbalik tanaw sa kanyang pinagdaanan. Hindi niya wari
ang mga pagsubok at nalampasan niya ito. Ang saya sa mga mata ng kaniyang pamilya ay
kaniyang nakita habang siya ay sinasabitan ng gintong medalyon sa kaniyang pagtatapos.
Hawak-hawak niya ang diploma at sambit niya sa kaniyang sarili
“ako’y muling mangangarap at sa pagkakataong ito mas pagbubutihin ko, ito ang aking

34. Ano ang nagging karanasan ni Kara sa kaniyang buhay?

A. Ang hirap na kaniyang dinanas upang makamit lamang ang kaniyang pangarap.
B. Ang pagiging masayahing bata
C. Ang saya ng kaniyang karanasan
D. Pagsuko sa mga pangarap

35. Ano ang kabutihang dulot ng kaniyang pagiging positibo sa buhay?

A. Nakasalalay sa iba ang mga suliranin sa buhay


B. Pinapanampalatayaan ang lahat sa buhay
C. Lahat ng problema ay isang laro lamang
D. Lahat ng problema ay itinuturing na hamon na malalampasan rin
B. Tukuyin ang salitang naglalarawan sa sitwasyon. Isulat ang titik sa patlang.

A. PAG-ASA
B. RESPETO/ PAGGALANG
C. PANANAMPALATAYA
D. PAG-IBIG/PAGMAMAHAL
E. PANINIWALA

___36. Ang isang ugaling dapat na pairalin ng bawat isa nang mundo ay pumayapa. Ito
ang pinakadakilang utos ng Diyos.

___37. Ang buhay ay puno ng pagsubok, subalit habang nabubuhay ang kaisipang ito ay
di dapat na mawala.

___38. Dapat na maging gawi ng lahat ng tao sa paniniwala at pananampalataya ng ibang


relihiyon.

___39. Laging isaisip na ang pananalig sa Diyos ay kabahagi ng buhay.

___40. Bagay na tinuturing na katotohanan

C. Piliin ang tamang saloobin hinggil sa mga pangyayari. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa bawat patlang.

A. Pakikihalubilo sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala


B. Inaalam ang mga ritwal na ginagawa ng iyong kinabibilangang relihiyon
C. Nag-iisip ng paraan paano mapauunlad ang pananampalataya
D. Nakikilahok sa mga gawaing simbahan

__41. Si Ana ay nagdarasal araw-araw. Nagbabasa siya ng mga salita ng Diyos at


ibinabahagi niya ito sa kapuwa. Inaalam din niya ang mga dapat na maging gawi upang
higit pang makilala ang Panginoon at ang tamang pakikipag-ugnayan sa kapuwa.

__42. Miyembro ng choir ng simbahan si Madonna. Siya din ay katuwang ng pari sa pag-
aayos ng mga kailangan sa mga gagawing pagdiriwang ng simbahan. Masaya niyang
ginagawa ang mga ito ng walang kapalit.

__43. Si Rex ay isang Katoliko, may kaibigan siyang Muslim na si Janissa. Madalas
silang maglaro at mag kwentuhan ng mga may kaugnayan sa Diyos kahit na sila ay
magkaiba ng paniniwala.

__44. Sama-samang nagsisimba ang pamilya Mendoza. Dumadalo din sila sa mga
prusisyon at mga novena ng kanilang simbahan. Pag-uwi ng bahay ay nagdarasal silang
sabay-sabay.
D. Pagtambalin ang larawan ayon sa ipinahihiwatig nitong pananampalataya. Isulat
sa patlang ang titikna tamang sagot.

____45. Pista ng Nazareno A.

____46. Ramadan B.

____47. Chinese New Year C.

____48. Pagsamba ng Iglesia Ni Cristo D.

____49. Stacruzan E.

____50. Obando Fertility Rites F.

Prepared by:
MARC JASON S. GARCES
Teacher III
Gapan East I/S
Evaluated by:
MARILYN S. SANTIAGO
Master Teacher II
Gapan East I/S

Noted by:

MYLENE Y. VALENCIA
OIC/ Teacher III
Bagong Silang ES
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
GAPAN EAST INTEGRATED SCHOOL

ESP 6 Fourth Quarter

Key to Corrections:

1. A 21. C 41. C
2. C 22 B 42. D
3. D 23. D 43. A
4. D 24. C 45. B
5. A 25. A 46. A
6. A 26. C 47. B
7. C 27. B 48. C
8. B 28. A 49. F
9. B 29. A 50. E
10. D 30. B
11. D 31. B
12. C 32. A
13. C 33. A
14. A 34. A
15. A 35. D
16. A 36. D
17. C 37. A
18. D 38. B
19. C 39. C
20. B 40. E

ESP 6 Fourth Quarter


Two-way Table of Specification

Learning Area: Edukasyon Sa Pagpapakatao 6


Quarter: 4
Content No. No. % Level of Behavior, Format, No.&
of of Placement of Items and the
Hou Items Dimension of Knowledge
rs R U Ap An E C
Tau
ght
Napatutunayan na nagpapaunlad ng 5 5 11% 1-5
pagkatao ang ispiritwalidad (P)
Natutukoy kung paano maisabubuhay ang 5 6 11% 6-11
pananalig sa Diyos (F)
Nakapagbibigay ng solusyon sa mga 4 4 9% 12-15
suliranin sa malikhaing pamamaraan (P)
Natutukoy ang pag-unawa sa kahalagahan 4 5 9% 16-20
ng pagkakaroon ng positibong pananaw na (C)
may pananalig sa Diyos.
Naisasagawa ang tamang desisyon sa 9 10 20% 21-
buhay nang may 30
positibong pananaw. (P)
Nakikilala ang mga Pilipinong nagbigay 3 3 7% 31-33
karangalan sa bansa (F)
Nakagagawa ng abuti sa kapwa anuman 2 2 4% 34-35
ang paniniwala. (F)
Natutukoy ang mga salitang naglalarawan 5 5 11% 36-
sa bawat sitwasyon 40
(C)
Naipapamalas ang saloobin hinggil sa 4 4 9% 41-44
pagkakaroon ng sariling kapayapaan (C)
Natutukoy ang mga gawaing panrelihiyon 4 6 9% 45-50
sa iba’t ibang panig ng bansa. (F)
45 50 100
%
Total no. of Items
Scoring 1pt. each item
Total no. of Points
Prepared by:

MARC JASON S. GARCES


Teacher III
Gapan East I/S
Evaluated by:

MARILYN S. SANTIAGO
Master Teacher II
Gapan East I/S
Noted by:

MYLENE Y. VALENCIA
OIC/ Teacher III

You might also like