You are on page 1of 2

Future: Fates are Destined

Personal na Impormasyon:
Pangalan: Jemima Francin I. Navarro
Bilang at Section: 10 – Nobel
Edad: 15 years old
Tirahan: Brgy. Calogcog Tanauan, Leyte

Ang mga katangian ko ay ang mga sumusunod: Hindi ako nagpapaliban ng mga gawain,
masipag, mayroong sapat na sa kabutihan at pasensiya upang malampasan ang mga pagsubok na
ihaharap sa akin, at hindi umaasa sa kahit anong bagay upang hindi ako mabigo.

Sampung taon mula sa kasalukuyan, makikita ko ang aking sarili na nag-aaral upang
maging dalubhasang abogado/doktor/astronaut. Makikita ko ang aking sarili na masaya at
kontento kung ano ang nakalaan para sa kaniya kasama ang aking kaibigan at pamilya.
Mangyayari lang ang ganiyang mga bagay kung ang aking mga pasiya sa aking buhay ay nagawa
ko ng maayos, pero ang tao ay hindi perpekto kung kaya’t walang nakakaalam sa kinabukasan
kundi ang ating sarili sa kinabukasan.

Upang maging mahusay/epektibo ang isang tao, dapat taglay niya ang mga katangiang
sumusunod: kasanayan sa komunikasyon, kakayahan sa pamumuno, karunungang umintdi sa
isang sitwasyon, kakayahang gumawa ng pasiyang makakatulong sa lahat, diskarte, katalinuhan,
at pagiging handa kung ano man ang mga balakid na dumating sayong buhay.

Ang mahahalagang magiging kontribusyon ko sa kipunan bilang isang doktor ay


makakatulong akong mapabuti ang mga kalagayan na mga taong may sakit. Bilang isang
abogado, ako ay makakatulong na mabigyan ng tamang hustisya ang mga taong inosente at
maari kung maayos ang Sistema ng hustisya dito sa ating bansa dahil sabi pa nga nila, walang
imposible sayong imahinasyon, ang isang tao ay maaring gumawa ng malaking deperensiya.
Bilang isang astronaut, maari kung matuklasan ang mga bagay na maaring magligtas sa mga tao,
kagaya ng matiitrahan na bagong planeta.
Mahal kong sarili,

Hindi man ako perpekto ngunit asahan mo na sa akin na natututo ako sa aking mga maling
pasiya. Marahil hindi mo gusto ang taong naging ikaw ngayon, ngunit huwag kang mag-alala.
Ang Jemima na alam ko ay tiyak na makakatagpo ng solusyon sa iyong problema. Ang buhay ay
puno ng mga balakid na hindi natin maiiwasan, kung kaya’t huwag kanang tumakas sayong mga
problema kagaya ng ginagawa ko ngayon. Harapin mo ang lahat ng iyong problema nang may
katapangan at kabutihan.

Kung ikaw ay mabigo, umiyak ka lang diyan, tayo, at ipagpatuloy ang laban na magsasabi ng
iyong kapalaran. Alamin mo na hindi mo kailangang baguhin ang iyong sarili para sa iba. Huwag
matakot gawin ang tama at maging makasarili. Hindi natin matatanggal ng pangmatagalan ang
ating masamang ugali ngunit huminga ka lang at pag-isipan ang iyong mga desisyon sa buhay
lalo na sa mga pagsusulit.

Jemima, huwag mong pagurin ang iyong sarili ng tudo kagaya ng ginagawa ko ngayon habang
sinusulat itong sulat para sayo. Magpahinga ka kahit sandali lamang, isipin mo ang mga taong
may pakialam sayo. Ang buhay ay mas Malaki pa sa panaginip, ito ay mayroong hangganan
kung kaya’t huwag kang mag-aksaya ng oras at sulitin ang iyong mga nalalabing oras sa mundo.

You might also like