You are on page 1of 3

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Asignatura: EsP 10 Guro: __________________________________ Puntos: ____________

Aralin : Kuwarter 1 Linggo 3 LAS 1


Pamagat ng Gawain: Paghubog Ng Konsensiya Batay Sa Likas Na Batas Moral
Layunin : Natutukoy ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral EsP10-Ic-2.1
Sanggunian: SLM EsP 10, MELC
Manunulat : Jona C. Carmona

Mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

Unang Prinsipyo
1. Gawin ang Mabuti, iwasan ang masama. Ang tao ay may likas na kakayahang kilalaning mabuti at
iwasan ang masama. Mahalagang maging matibay na nakakapit ang tao sa prinsipyong ito upang maging
matatag siya laban sa pagtatalo ng isipan laban sa mabuti at masama.

Pangalawang Prinsipyo
2. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
Tinutukoy ng prinsipyong ito ang obligasyon ng tao na pangalagaan ang kanyang sarili upang mapanatili
itong malusog. Sa prinsipyong ito alam ng tao na di lamang ang pagkitil ng sariling buhay ang masama
kundi ang kitilin ang buhay ng kanyang kapuwa.

3. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas sa tao (nilikhang may
kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak. Kalikasan ng tao ang
pagnanais na magkaroon ng anak ngunit kaakibat ng prinsipyong ito ang responsibilidad na bigyan ng
edukasyon ang kanyang anak. Ang prinsipyong ito ay dapat na nakatanim sa mga magulang sa paggabay
at paghubog sa kanilang anak.

4. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at
mabuhay sa lipunan. Ito ay sumasaklaw sa obligasyon ng tao na harapin ang katotohanan sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman at obligasyong ibahagi sa kapuwa. Kaya itinuturing na
masama ang pagsisinungaling dahil ipinagkakait at napipigilan nito ang iyong kapuwa sa paghahanap ng
katotohanan.

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Pagkatapos, tukuyin at bilugan ang titik ng pinakaangkop
na sagot.

1. Ano ang nag-uudyok sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?


A. Pagmamahal C. Kamalayan sa sarili
B. Pagmamalasakit D. Kakayahang mag-abstraksiyon

2.” Nabibigyang ng kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-
abstraksiyon”. Ano ang mahihinuhang kaisipan dito?
A. Napauunlad ang kakayahang mag-isip
B. Nagkakaroon ng pagpipilianang kilos-loob
C. Nabibigyan ng daan ang pagtulong sa kapuwa
D. Nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo
3. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
A. Hustisya C. Paglilingkod
B. Paggalang D. Pagmamahal

4. Ito ay mga katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:


A. Ito ay sukatan ng kilos C. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
B. Ito ay nauunawaan ng kaisipan D. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao

5. Alin ang hindi kasama sa mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
A. Kasama ng hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at pag-aralin ang mga anak
B. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay
C. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotothanan, lalo na tungkol sa Diyos at
mabuhay sa lipunan
D. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas
yumayaman
ang kaalaman at karanasan ng tao

Gawain 2: Timbangin Mo!


Panuto. Tukuyin ang ipinapahiwatig ng kasabihan sa ibaba. Ipaliwanag ang sariling pagkaunawa. (20 pts)

“ Yakapin ang mabuti,itakwil ang masama”

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Asignatura: EsP 10 Guro: __________________________________ Puntos: ____________

Aralin : Kuwarter 1 Linggo 3 LAS 2


Pamagat ng Gawain: Paghubog Ng Konsensiya Batay Sa Likas Na Batas Moral
Layunin : Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginawa sa araw-araw batay sa
paghusga ng konsensiya EsP10MP-Ic-2.2
Sanggunian: SLM EsP 10, MELC,
Manunulat : Jona C. Carmona

Konsensiya
Sa ating pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay, ginagamit natin ang ating konsensiya
nang hindi natin namamalayan. Mahalagang maunawaan nang mabuti kung ano talaga ito dahil
malaki ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng ating pagkatao at ng ating ugnayan sa ating
kapuwa at sa Diyos.
Ang konsensiya ay ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-
uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang
kongkretong sitwasyon (Clark, 1979). Waring bumubulong ito palagi sa tagong bahagi ng ating
sarili na “ito ay mabuti, ito ay ang kinakailangan mong gawin, ito ang nararapat” o kaya naman “ito
ay masama, hindi mo ito nararapat na gawin.” Ang munting tinig na ito ay hindi lamang nagsasabi
ng mabuting dapat gawin o ng masamang dapat iwasan kundi nagpapahayag ng isang obligasyon
na gawin ang mabuti, naghahayag nang may awtoridad at nagmumula sa isang mataas na
kapangyarihan.
Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos ay suriin mo ang mga pasiyang
iyong gagawin. Isulat sa likod ng papel ang iyong ginawang pagpasiya batay sa paghusga ng
konsensiya.

Sitwasyon 1 Sitwasyon2.
1. Ang ama ni Charlie ay isang Heneral ng Nagbigay ka ng pera sa isang matandang
mga sundalo. Ninanais niyang tularan ang namamalimos sa harap ng simbahan dahil sa
ama dahil iniidolo niya ito. Lingid sa kaalaman labis na awa. Masaya at magaan sa loob mo
ni Charlie, pangarap din pala ng kanyang ama
na ikaw ay nakatutulong sa iyong kapuwa.
na sundan ang mga yapak nito. Kaya, noong
sinabi ni Charlie na gusto niya ring maging Pero nalaman mo mula sa matalik mong
isang sundalo ay tuwang-tuwa ang ama nito kaibigan na kapitbahay ng matandang
sa naging pasiya niya. Ninanais ng ama ni namamalimos na ang ang perang kinikita sa
Charlie na kumuha ng pagsusulit upang pagpapalimos ay ginagamit niya sa
makapasok sa Philippine Military Academy. pagsusugal at pambili ng alak. Ano ang
Sinabi niya rin na ang pinsan nito ang kukuha gagawin mo?
ng pagsusulit upang masiguradong siya ay
makapasa at makapasok sa PMA. Lumabas
ang resulta ng pagsusulit at isa nga si Charlie
sa mga nakapasa at may mataas na markang
nakuha. Hindi alam ni Charlie kung matutuwa
sa nangyayari o malulungkot dahil naiisip niya
na parang may mali. Kung ikaw ang nasa
kalagayan ni Charlie, ano ang iyong gagawin?

You might also like