You are on page 1of 1

Pangalan: __________________________________________Baitang at Seksyon: _________

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8 Guro: __________________Iskor: ______


Aralin : Quarter 3 Week 2 LAS 1
Pamagat ng Gawain : Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa
Layunin : Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng
pasasalamat o kawalan nito
Sanggunian :Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM LM, p. 240-248, MELC EsP8PBllla-9.1
Manunulat : Cherilyn C. Manlulu, T-3

Ang pagpapakita ng pasasalamat ay hindi lamang sa taong pinagkakautangan ng loob,


maaaring ituon ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa ng
mabuti sa ibang tao.
Pasasalamat sa Kabutihang-loob ng Kapwa
Ang taong marunong magpasalamat ay nagpapakita na sya ay punong-puno ng biyaya, at
marunong magbigay kahalagahan sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanya. Ang mapagpapasalamat
ay tanda ng pagkilala sa lahat ng bagay na pinagkaloob sayo ng Diyos na may likha, at pagkilala na
hindi lahat ng mga magagandang nangyayari sa buhay mo ay dahil lamang sa sarili mong kakayahan
o pagsisikap, mahalagang kilalanin rin ang tulong na natatanggap mula sa mga taong nakapaligid
sayo, sapagkat sa pamamagitan ng kanilang mga tulong malaki man o maliit, naging bahagi ito ng
iyong tagumpay. Mahalagang tandaan ang salita ng Diyos na makikita sa 1 Cronicas 16:8
“Pasalamatan n’yo ang Panginoon, Sambahin n’yo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga
ginawa.” Maging positibong sa anumang bahagi ng buhay sa kabila ng mga pagsubok sapagkat
maroong dakilang Diyos na patuloy na gumagabay sa kanyang mga nilikha.
Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat:
1. Ugaliing magpasalamat sa araw-araw. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng repleksyon o
pagnilay-nilay. Alalahanin ang mga mabubuting bagay na nangyayari sa buhay sa bawat araw ng
iyong pagising.
2. killalanin ang mga taong nagpakita ng kabutihan sayo. Bigyang halaga ang mga taong
nagging bahagi ng iyong tagumpay o nakagawa ng kabutihan sayo kahit sa anong paraan.
3. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan. Ito ay pagpapakita ng
pagpapahalaga sa magandang ginawa nila sa iyo.
4. Iwasan ang pagiging negatibo, bagkus magpasalamat. Alisin sa isipan ang mga negatibong
kaisipan bagkus isaisip ang kagandahan at layunin sa buhay.
5. Magbasa ng mga quotations sa social media o libro na magpapabuti sa iyong pakiramdam.
Marami tayong mga naririnig o nababasang mga quotations na nagpapabago sa ating kamalayan o
nagpapaganda sa ating pakiramdam.
6. Gumawa ng mabuti sa kapwa ng hindi naghihintay ng kapalit. Kung ikaw ay may birtud ng
pasasalamat, magagawa mong maging ang mga simpleng gawain na ikatutuwa ng ibang tao.
Gawain:
A. Magbigay ng mga paraan ng pagpapakita ng Pasasalamat. Gumamit ng ibang papel kung
kinakailangan.
B. Alin sa mga paraang ito ang nagawa mo na sa mga taong gumawa sa iyo ng kabutihan?
Ipaliwanag.

You might also like