You are on page 1of 3

"Sana sa kabilang pahina nakaabang ka pa"

Dampi ng hangin saaking malamig.

Pinadamang yapos ako ng iyong pag-ibig.

Ang bawat titig ng mga matang ginagapos ako

sa boses mong may magandang himig.

At ang pinta ng iyong mga ngiting may pinapahiwatig.

Kasama kita sa pagbuo ng kwento sa libro,

Na maaring balik-balikan kapag may pagbabago.

Nakaabang palagi ang mga alaalang binubuo.

Mabubuklat at mababasa kung saan nagsimula ang ating kwento.

Ikaw ang kulang na pyesa ng aking mga tula.

Ang iyong gandang nagpipinta ng mga letra sa isinusulat kong mga talata.

Hindi maaaring mabuo ang pangungusap kung wala ka.

Marahil ikaw ang tinta ng pluma.

Sa unang araw ng pagdampi ng ating mga labi.

Pinadama mong may puwang pala ako sa mundong puno nang pagkukubli.

Ang paglapat ng mga palad saiyong mga kamay at sabay ng pag ngiti.

Na dama kong hindi pa huli.

Ikaw ang pagtatagpong hindi inasahan ng mga paa.

Parehong naglalakabay sa magkabilang pahina.


Pinagtagpo sa hindi inasahang pagtugma ng mga mata.

Ito ang pinaka masayang kahulugang na basa ko sa parirala.

Kung maaaring humiling sa mga bituin.

Hihilingin ko ng paulit-ulit na sana ang iyong pag-ibig sa akin ay hindi pahintuin.

Kahit sa sitwasyong mahirap na akong piliin,

Saakin parin pagsapit ng dilim.

Lumipas man ang araw.

Sana ako pa rin ang paborito mong natatanaw.

At ikaw pa rin ang aking saklaw.

Protektahan pa rin sana natin ang pag-ibig upang hindi malusaw.

Nakaabang ka pa rin sana sa kabilang pahina.

Ang mga tula ko pa rin sana ang pinaka paborito mong binabasa.

Dahil para sa akin ikaw lang ang bumubuo sa aking mga talata.

Ang pangalan mo lang ang tumutugma sa salitang tula.

-Tugma sa salitang tula,

Mahal kita ᜋᜇᜒ ᜐ᜔ᜆᜒ ᜎ .

You might also like