You are on page 1of 649

The Spaces in Between

by shirlengtearjerky

"The space between your heart and mine, is the space we'll fill with time."

The Space Between by Dave Matthews (Andreau & Zade's back story)

=================

Write The Saddest Lines

Twenty Four

by T. V.

Noong unang panahon, may isang manunulat ang mahilig gumawa ng mga salita. Araw-
araw niyang kinakausap ang mga letra mula sa iba’t ibang lenggwahe. Inaalam niya
ang mga kwento sa likod ng mga letra: mga pasakit, saya, pangarap at kahilingan. Sa
mga kwentong ito niya nakukuha ang mga salitang binubuo niya. Binabagay niya ang
mga kwento sa bawat letra, hinahabol ang mga emosyon para maka makabuo ng isang
makabuluhang salita.

---

May isa siyang paboritong letra.

Si A.

Kakaiba si A sa lahat ng letrang ginagamit niya. Wala nang ibang alam ang manunulat
tungkol kay A. Kahit anong salita, sabi nito sa kanya noong unang beses silang
magtagpo, babagay ako. Kaya kong maging masaya, malungkot, nakakatakot,
nakakakilig.. lahat kakayanin ko. Madali lang sa’kin yan.

Totoo nga. Madaling nakibagay si A sa ibang letra. Sinubukan niyang isama ang
paboritong letra sa iba’t ibang salita. Nagulat siya na totoo ang ipinangako sa
kanya.

Sa unang tingin ay aakalain mong mayabang si A, dala ng tangkad nito. Maraming


letra ang naiilang sa kanya noong una, o natatakot na baka masapawan ang kwento
nila at si A na lang ang magdala ng kahulugan ng salita.

Pero hindi ganoon ang ang nangyayari. Laging kinakausap at sinasamahan ni A ang
ibang letra, sinisiguradong walang lamangan o ilangan sa kanila. Dahil dun, naging
maayos ang samahan nila at nakabuo sila ng mga magagandang salita.

Di kalaunan ay nagkaroon ng mga matatalik na kaibigan si A: sina E, I, O at U. Wala


namang pagkakasunud-sunod ng mga letra pero madalas silang magsamang lima.

---

Isang araw, may isang letra ang nakatawag ng atensyon ng manunulat.

Si Z.

Kailanman ay hindi niya nagamit si Z sa anumang salita. Mahiyain kasi ito, laging
nagtatago sa pinakasulok. Ni hindi niya alam kung saan ito nanggaling, o ang mga
salitang kasama niya.

Nalungkot siya para kay Z. Naniniwala siya na may magandang kwento ito na dapat
ipahayag sa buong mundo.

---

Isang gabi ay naabutan ni A na namomroblema ang manunulat. Ilang araw na rin kasi
itong hindi nakakagawa ng bagong salita. Nag-aalala na ang mga lupon ng letra, baka
raw may sakit na ang kanilang pinakamamahal na manunulat.

Sinabi ng manunulat sa kanyang paborito ang problema niya. May isang salita siyang
hindi mabuo.

May kulang na kwento, mahina niyang sabi. Gusto ko na sanang tigilan pero kailangan
koi tong tapusin.

Hindi kayang tiisin ni A na malungkot ang manunulat.

Sige po, ako na ang bahalang maghanap ng iba pang letra. Ilan na lamang ba ang
kulang niyo?

Isa na lang, A. Kaya mo ba akong hanapan ng iba pang letra?

Walang reklamong naghanap si A ng panibagong letra. Inisa-isa niya ang mga kakilala
niya, tiningnan kung sasakto ang mga kwento nito sa salitang binubuo ng manunulat.
Sa kasamaang palad, wala sa mga kakilala niya ang sakto para sa salitang ‘yon. May
ilang letra siyang gustong ipilit ngunit alam niyang hindi rin ito katanggap-
tanggap. Natatakot siyang bumalik sa manunulat na bigo.

Pabalik na siya sa kanila nang may nakatawag sa kanyang atensyon.

Teka, sandali lang! sigaw niya. Gulat at kaba ang naramdaman niya nang lumingon sa
kanya ito.
Ngayon lang niya nakita ang letrang ‘yon. Hindi niya maipaliwanag pero nahihiwagaan
siya rito. Maingat niyang nilapitan ang letra. Ayaw niyang matakot ito sa kanya at
umalis bigla.

Bakit? Walang takot na tanong sa kanya ng letra. Mas namangha siya, matapang pala
ito.

Anong pangalan mo?

Lumayo nang kaunti ang letra kay A. Alam ko ang pakay mo. Sa tingin ko.. ako ang
hinahanap mo.

Napangiti siya sa pinakitang katapangan nito. Hindi siya katulad ng iba na


nayayabangan agad sa kanya. Talaga? Paano ka naman nakakasigurado?

Kasi alam kong ako ang dahilan kung bakit ginawa ng manunulat ang salitang ‘yan.

Sino ka ba?

Nginitian siya nito.

Ako si Z.

---

Tama nga si Z, para sa kanya nga ang salitang ginagawa ng manunulat. Ito ang
pinakamagandang salita na ginawa ng manunulat sa lahat. Magkahalong saya, lungkot
at sakit ang dulot nito sa mga mambabasa. Dinala ng kwento ni Z ang salita.
Saktong-sakto ito sa kanya.

May ilang letra ang nagalit kay Z, kesyo bakit daw siya ang pinili ng manunulat
para sa pinakamagandang salita sa mundo. Parang kailan lang ay hindi siya kilala ng
tao, tapos ngayon siya na ang paborito. Pinabayaan na lang ni Z ang mga masasamang
sinasabi ng iba at nagpatuloy sa kanyang buhay. Wala rin naman siyang mapapala kung
papatulan niya ang mga ito.

Si A lang ang tuwang-tuwa kay Z. Araw-araw niyang binibisita ito sa lugar nito para
mangamusta o mangulit. Gusto man niyang pigilan ang sarili pero hindi niya magawa.
May kung anong bagay na kakaiba kay Z na wala sa ibang letra. Simpleng pag-uusap
lang nila ay tuwang-tuwa na siya. Hindi nga nakukumpleto ang araw niya kapag hindi
niya nakakausap si Z.

Maging ang manunulat ay masaya sa namuong pagkakaibigan nina A at Z. Ginamit niya


ang dalawa sa iba’t ibang salita, at gaya ng sabi ng karamihan, bagay silang
dalawa.

---                                                                                 
                                                 

Di kalaunan ay nagselos ang mga kaibigang letra ni A kay Z. Sinubukan ni A na


kausapin ang mga kaibigan ngunit nagkibit-balikat lamang sila. Masyado ka nang
naaaliw sa kanya, A, nambibintang na sabi ni E, Kinalimutan mo na kaming mga
kaibigan mo. Akala naming hindi ka ganyan.

Pinagtanggol ni A ang pagkakaibigan nila ni Z. Hindi naman namin kasalanan na


bumabagay sa’ming dalawa ang mga salitang ginagawa ng manunulat!

Bahala ka na, A. Kung diyan ka masaya.. wala na kaming magagawa. Pero sana.. hindi
mo kami kalimutan.

---

Hindi niya kayang magsinungaling kay Z. Kahit alam niyang masasaktan ito, sinabi pa
rin niya ang totoo.

Kalmadong tinanggap ni Z ang sinabi ni A. Mali ba ‘tong ginagawa natin? Inosente


niyang tanong. Ayokong may masaktan. Gusto ko lang namang maging parte ng mga
salita. Gusto ko.. kasama ka.

Ako rin naman. Kaso..

Mas importante sila kaysa sa’kin. Walang halong pagtatampo sa boses ni Z. Sinasabi
lang niya ang totoo.

Wag mong sabihin yan. Importante ka rin naman sa’kin.

Ngayon lang nakaramdam ng ganitong sakit si Z. Dati, noong siya lang mag-isa, wala
siyang nararamdamang ganito. Kuntento lang siya na nagmamasid sa ibang letra.
Madalas niyang marinig si A, at minsang pumasok sa isip niya paano kaya kung
makausap ko siya?

Imposible, Z. Magkaiba kayong dalawa. Kahit ano pang gawin mo, hindi ka niya
mapapansin. Magkaiba kayong dalawa.

Pero iba pala pag naranasan mo na ang bagay na dati’y pinapangarap mo lang.

Ayaw na niyang pakawalan si A. Pero kailangan.


---

Ilang araw matapos ang away sa pagitan nina A at mga kaibigan nila, may nangyaring
hindi inaasahan.

Sa kalagitnaan ng paggawa niya ng isa sa pinakamagandang salita, tahimik na pumanaw


ang manunulat.

Punung-puno ng kalungkutan ang bawat pahina, tinta at letra noong araw na ‘yon.
Lahat ng letra ay nakiramay sa pagkamatay ng kanilang pinakamamahal na manunulat.
Malungkot man ang paligid, walang sumubok na umiyak sa kanilang lahat. Ayaw kasi ng
manunulat na malungkot ang mga mahal niyang letra.

Sina A at Z ang namahala sa burol at libing ng manunulat. Gustuhin man nila na mag-
usap, maraming mga nakamatyag sa kanilang dalawa. Gusto nilang yakapin ang mga
salitang iniwan sa kanila ng manunulat, sariwain ang mga kwento sa likod nito.
Gusto nilang maramdaman na buhay ang mga alaala ng mga salita.

Ngunit hanggang gusto na lamang sila.

Alam nila na hindi ito dapat.

---

Kumalat ang usap-usapan sa mga letra. May pinili na bagong manunulat ang mga tao.
Mas mahigpit daw ito, mas mapili kumpara sa mahal nilang manunulat. Ayon sa
tsismis, magtatanggal daw ng mga letra. Masyado raw kasing marami ang mga ito, sabi
ng mga tao, hindi naman nagagamit lahat.

Unang naisip ni A ay si Z. Siya ang pinakamadalang na ginagamit sa kanilang


lahat. Baka mawala ka, bulong niya dito habang nasa pagpupulong sila kasama ang
ibang mga letra. Hindi ka pwedeng mawala sa'min.

Tanggap na ni Z ang magiging kapalaran niya. Minsan nang nabanggit ng dating


manunulat na baka magkaroon ng malaking pagbabago sa kanila kapag namatay siya, at
maaaring si Z ang isa sa matanggal. Dapat ay sasabihin niya kay A 'yon kaso mas
pinili niyang tumahimik. Hindi makakatulong sa sitwasyon nila ang dagdag na
problema.

Ayos lang ako, A. Tanggap ko na. Hindi naman talaga ako ginagamit sa mga salita eh.
Ikaw ang mas kailangan. Wag mo na akong problemahin pa.

Z..

May mga bagay na dapat hindi patagalin, A. Dapat alam mo yan. Lahat may hangganan.
Malay mo.. kung.. ako man ang mawawala.. baka magkasama pa rin tayo sa ibang
salita. Sabi nga ng manunulat.. bagay tayo, di ba? Ang mga bagay na bagay sa isa't
isa.. kahit anong mangyayari.. dadating sa puntong magkakasama tayong muli.
Magtiwala ka lang, A. Malakas ang mga salita. Pagsasamahin ulit nila tayo. Hindi
man ngayon, o bukas. Maniwala ka lang. Dadating din ang panahon natin.

---

Nagkatotoo nga ang mga haka-haka, mas mahigpit ang bagong manunulat.

Katulad ng mga taong pumili sa kanya, wala siyang pagmamahal sa mga letra. Kung ano
lang ang maisipan niyang letra para sa isang salita, yun ang gagamitin niya. Hindi
niya tinitingnan ang mga kwento ng letra.

Wala siya siyang awa.

Unti-unting namatay ang ilang letra dahil sa kapabayaan ng bagong manunulat. May
iilan na ang umalis at hindi na kailanman pang bumalik. Para sa kanila, wala nang
saysay ang pagbuo ng mga salita kung walang pagmamahal ang manunulat.

---

Dalawampu't anim na lang silang natira sa dulo.

Ang mga tao na ang nagdesisyon na gumawa ng pagkakasunud-sunod ng mga letra.

Pinakauna si A. Nasa dulo si Z.

--

Lumipas ang maraming taon, nasanay sina A at Z na magkalayo sa isa't isa.

Dalawampu't apat na letra sa pagitan nila. 

At kailanman, hindi na sila magtatagpong muli.

----

Ang bawat pagtatapos ay may kaakibat na bagong simula.

Natapos man ang kanilang kwento, may bagong magsisimula.

Maaaring sila pa rin ang bida, maaaring hindi sila pero parehas ng katapusan.
Maaaring masaya, masakit o malungkot.

O maaari ring wala nang kwento.

Nasa kamay ng manunulat ang tadhana ng mga salita.

Sa kanya ka manawagan.

*****

A/N: Okay, FYI: ang most used letter sa English alphabet ay ang letter E, at least
used naman ang letter Z. For this story, ginawa kong letter A kasi for me, yun ang
popular letter (and of course, for the story's purpose HAHAHAHA)

=================

[1] Of Massacres, Saints and Coffee

 CHAPTER 1: Of Massacres, Saints and Coffee

Sorry, pero hindi ako naniniwala sa Valentine’s Day.

Naniniwala naman ako sa true love, destiny at forever. Pero itong Valentine’s
season? I’m not buying it. Oo na, medyo romantic na nga ‘tong February 14 with its
quirks like bouquet of roses, chocolates and surprises. Pero.. ang commercialized
na masyado! Nasaan na talaga ang essence of romance? Kelan pa naging equivalent ng
true love ang chocolates (Well.. this is debatable, though) at flowers? Kelan pa
nabibili ang true love?

Tsaka.. hindi naman talaga super romantic ang origin ng Valentine’s Day! Nagsimula
talaga yan kay St. Valentine eh. Ang legend, umayaw daw siya na maging sacrifice sa
pagan gods. Ayun, nakulong. Tapos dahil sa prayers niya, napagaling niya yung anak
ng jailer niya na bulag. Then before he was executed, nag-iwan siya ng note dun sa
pinagaling niya, ending with Your Valentine.

May isa pang version na pinatay daw si St. Valentine dahil nagkakasal daw ito ng
Christian couples in secret. In the end, he was beheaded. Of course, people would
opt for the romantic story. Kelan pa ba naging appealing ang pagpugot ng ulo, ha?

Idagdag mo pa si Shakespeare! Nakisali siya sa bandwagon ng Valentine’s shit na


‘to. Check out Hamlet, Act IV Scene 5 and you’ll see what I mean.

Hindi ako anti-Valentine’s ha. May point din naman sa buhay ko na nag-enjoy ako sa
season na ‘to. Natutuwa kasi akong makakita ng couples in love, yung tipong
simpleng ngiti nila ramdam mo na sila na forever. I still do feel that sometimes!

Pero nakakainis kasi yung World History lesson namin nung high school! Yung teacher
kasi namin, sobrang bitter sa love. Ayun, para sa kanya, wala namang romantic sa
Valentine’s Day kasi according to history, naganap ang worst gangland slaying noong
February 14, 1929. Seven men were killed with 90 bullets from submachine guns,
shotguns and a revolver. St. Valentine’s Day Massacre ang sine-celebrate ng teacher
ko, at hindi ang romantic shit na yan.

“Hoy Zade!” panggulat sa’kin ni Kesh, friend ko. Binato pa niya ako ng tissue.
“Okay lang? Tulala ka na naman eh. Makita ka dyan ni Sir, lagot ka na naman!”

“May naisip lang ako, girl. Wala naman si Sir eh!”

Kanina pa kasi kaming walang customer dito sa mumunting café na pinapasukan namin,
ang Café Feliz.  2PM naman kasi, kalagitnaan ng dull hours ng café. Malapit kasi sa
university na pinapasukan namin ‘tong Café Feliz, and karamihan sa customers namin
ay students and professors. Iilan lang ang customers namin pag 1PM-3PM. Wala kaming
ginagawa, nakikinig lang ng music o pasimpleng nakiki-wifi. Ang ginagawa ko ngayon?
Nakatunganga lang sa Cupid na décor dito sa may counter. Nung July pa nga ‘tong
décor na ‘to dito eh! In fairness, todo design kami dito sa apartment para sa
occasion na ‘to. Red paper hearts everywhere! May cupid figurines din sa bawat
table. Tapos yung playlist namin na usually bossa nova songs, napalitan ng love
songs na sobrang cheesy and too good to be true.

Expected namin na wala masyadong tao dito sa café ngayong araw. Valentine’s Day
kasi ngayon, busy ang mga lalaki na maghanap ng roses para sa special someones
nila, at ang mga babae naman todo nagpapaganda para mabigyan ng chocolates. And
besides, hindi naman kami masyadong pansinin, unlike other very established cafés.

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit forever baby-like si Cupid?” I asked her


curiously. “Di ba? Come to think of it. Tumatanda din naman ang gods and goddesses,
right?”

Kesh rolled her eyes at me as she placed the last piece of cheesecake inside the
ref. “Ibang klase talaga nagagawa ng boredom sa’yo, Zade! Saan mo hinugot yan?”

“As usual, eto!” tinuro ko si Cupid na nakasabit sa kisame. “I really don’t get it.
Sobrang worked up ang mga tao sa araw na ‘to. Can’t they just celebrate love
everyday?” Sasabihin ko pa sana yung mga iniisip ko kanina kaso may hawak si Kesh
na mainit na coffee pot, so nevermind.

“Bayaan mo na. Si Sir TJ ata naglagay niya, lucky charm daw ng café,” she replied,
completely ignoring my snide remark about V-Day. Umay na ata siya sa lectures ko.

Lucky charm? Mukha ngang hindi nilalabhan ni Manager ‘tong si Cupid! “Aha! Mamaya
bago ako umuwi tatanggalin ko yan diyan! Nandyan naman yung gunti—“
“Scheherazade Pascual! Keisha Manzano! Anong pinag-uusapan niyo dyan?”

Ugh. So bawal na pala talagang mag-usap ngayon? Nilingon naming si Sir TJ, na
kakapasok lang sa café. As usual, grumpy siya. Lahat ng staff dito sa Café Feliz
(except kay Kuya Rico, yung guard) ay estudyante sa university na katabi namin.
Undergrads kami ni Kesh (me taking up Comparative Lit, tapos BS Psych naman si
Kesh) at si Sir TJ naman, konting push na lang at matatapos na niya ang graduate
thesis niya sa Art Studies. Mainit ulo niyan kasi binasted na naman siya ng
nililigawan niya. Hay.

“Wala po, Sir! Inaadmire lang namin ni Zade yung cuteness nung Cupid display!” sabi
ni Kesh na pinipigilang tumawa nang malakas. Hindi na lang ako umimik, at
nagpanggap na lang na nagpupunas ng counter.

Sir TJ eyed us suspiciously. “Sigurado kayo? Baka naman nakiki-wifi na naman kayo
ha!”

“No, Sir! We’re just talking. That’s all.”

Buti na lang tinigilan na niya kami at bumalik sa may mini-office niya sa likod
kung saan siya gumagawa ng thesis niya. Ganun ba talaga pag gumagawa ng thesis,
masyadong worked up? Ngayon lang sa’kin nagsink in na magti-thesis din pala ako,
two years from now pa naman. Kung paano o anong thesis ang gagawin ko, that I don’t
know. First year college pa lang pero na-nosebleed na ako sa theories na
pinapalamon sa’min ng professors namin, which I doubt na magagamit ko. Don’t ask me
why I picked this course. Comparative Literature lang talaga ang naging swak sa
grade ko nung entrance exam. Pwede naman akong magshift kaso sayang sa pera, at
gusto ko namang makagraduate nang maaga. Nae-enjoy ko naman ang course ko kaso
minsan.. meh. Mas gusto ko pang matulog kesa magbasa ng theories and what nots.

Araw-araw ganito ang routine ko this second sem. May klase ako ng 7am-12nn, then
didiretso ako dito sa café for my shift ng 1PM-8PM. After that uuwi ako sa
apartment namin ni Kesh para mag-aral, matulog.. yun lang. Five times a week ‘tong
routine ko. Yeah, boring akong working student.

Pero may inaabangan ako araw-araw sa boring routine ko. That something makes my
day.. well, a little bit bearable.

Alam na naming tatlo dito sa café ang drill. Once na nag-alarm ang phone ko ng
exactly 2:45 PM, nagiging alert kaming lahat. Si Kesh, gagawa ng BLT sandwich (or
minsan tuna sandwich, depende sa mood ng oorder), si Sir TJ (kahit wala namang
dapat gawin sa drill) naman ang nagpapatugtog ng jazz CDs, at ako, ang ever in
charge sa espresso. Before 3 PM dapat nakalagay na sa brown paper bag ang order at
ready na for pickup ng 3:00-3:05PM. Ganun ka-precise ang drill. Bawal ang tatanga-
tanga. We’ve been doing this drill since November, and I’ve had my fair share of
booboos. Buti na lang, yung assistant na cute ang kumukuha at hindi siya.

Hah. As if may time siya para lumabas sa Dodge niya. He’s always on the go. I don’t
really understand VIPs.
“Pssst Zade!” tawag sa’kin ni Sir TJ. Andun siya sa may mini-bookshelf ng café,
kunwaring nag-aayos ng libro. Simpleng tsismoso rin ‘tong si Sir. “Don’t forget the
tissue!”

Shit. Yun pala ang lagi kong nakakalimutan, ang lagyan ng tissue ang mga to go
orders. Nasanay kasi ako na laging may dalang tissue sa bag kaya hindi ko na
nilalagyan ang takeouts, not unless magrequest ang customer. Well, siya lang (or
his assistant, but still!) ang nagreklamo one time na wag kalimutan ang tissue. I’m
starting to think he has OCD. Who am I to judge, anyway?

Ang malas ko pa, walang tissue sa may counter. Nakalimutan ni Kesh na magrestock ng
tissue! I had to go back inside the pantry to get a new pack. Pati tuloy ako
nagiging OC!

My heart skipped when I heard the startling sound of the wind chime. Shit, he’s
here. Dali-dali kong dinampot yung isang pack ng tissue, sabay bukas at kuha ng
ilang piraso. Sa lahat pa naman ng ayaw niya, I think, ay yung babagal-bagal at
late.

“Good afternoon, Sir! Here’s y—“

Oh my Lord. I carelessly dropped the tissue on the floor. To be honest, ilang beses
ko nang naimagine ‘tong scene na ‘to. In those scenarios, I envisioned myself to be
this chillax girl. Casual ko lang na iaabot sa kanya ang brown paper, with minimal
eye contact and a small smile. Of course, as if he has the time to engage in a
small chat. As if he’s that chatty at all.

But this is the reality. Hindi siya katulad ng iniimagine ko. I’m way far from that
chillax girl with a small smile. My palms are sweating profusely. At kamusta naman
ang kabog ng dibdib ko!

Muntik nang bumigay ang puso ko nang ngitian niya ako. Ba’t ganun? Mas attractive
pala ang ngiti niya compared dun sa toothpaste commercial niya months ago? And
bakit hindi na pinapalabas ang commercial na yun?

I tried my best to snap out of my starstrucked daze and crouched to pick up the
tissue. Kumuha ulit ako ng bagong tissue from the plastic at parang tanga kong
nilagay sa paper bag yun. "H-here’s y-your order, S-sir,” of all times, ba’t ngayon
pa ako nautal? Akala niya siguro robot ako, dahan-dahan ko pa kasing inabot sa
kanya ang paper bag.

God, he’s staring at me. Bakit naman? Namumukhaan ba niya ako? Kilala ba niya ako?
Oh god. Please na—

“Zade Pascual, right?”


Shit.

BAKIT NIYA AKO KILALA!?!? I surmise he knew my first name thanks to this nametag
clipped on my shirt. Pero yung last name ko? SAAN NIYA NALAMAN YUN!?

He made my name sound like a church hymn. Damn it, Zade! Ano bang pinag-iisip mo
dyan? Nasobrahan ka na ata sa kakabasa kay Shakespeare!

Awkwardly, I nodded at him. “B-bakit?”

Shit. Hindi talaga ako normally ganito. Ask Kesh, bihira akong matameme. Sa daldal
ko ba naman! Marami na akong nakitang gwapong lalaki sa buong buhay ko.. pero siya
lang ang pinakaappealing sa lahat.

His smile grew wider. Oo na, ginagamit ko na yung ineendorse mong toothpaste. No
need to lure me with those pearly whites of yours! “Can I talk to you for awhile?”
he almost whispered.

Triple shit. This can’t be happening.

He wants to talk to me.

Andreau Cortez.

There's nothing romantic about his intonation or his words yet.. he made my stomach
flip. In simpler terms, kinikilig ako.

This could be the best Valentine's Day ever. Forget about the massacres and
beheadings.

Un-fucking-believable.

***

A/N: Up for revision pa 'tong Write The Saddest Lines & Chapter 1! Happy
Valentine's Day, guys! <3

=================

[2] So Not A Fangirl

Disclaimer: I’m not an Andreau Cortez fangirl.


Hindi ako tulad ng ibang teenage girls na titili pag nakakita ng gwapong artista. I
rarely watch TV, so hindi ako makarelate sa kinaadikan ng karamihan. Si Kesh lang
naman ang nagsasabi sa’kin ng mga chismis. Madalas kong nagpapalit ang mga pangalan
ng artista, so kailangan niyang ipakilala sa’kin lahat bago siya magkwento ng
chismis. I’m not that ignorant. Showbizness isn’t really my thing.

But he is Andreau Cortez. Kilala ko siya kahit hindi ako nanonood ng TV,

Well, kung sino man ang hindi nakakakilala sa kanya ngayon, malamang nagtatago yun
sa ilalim ng bato.

He is everywhere. TV, magazines, billboards, radio ads, pati sa likuran ng mga bus
nandun ang mukha ni Andreau. Makikita siya sa TV mula madaling-araw (I saw their TV
station’s music video for Lupang Hinirang, he’s there) hanggang sa sign off part ng
station (I don’t have any idea kung bakit isa pa siya sa nasa video na yun). Halos
maumay na ako sa kabi-kabila niyang endorsements!

Saying that Andreau Cortez is the best actor of his generation is quite an
understatement for me. Compared naman sa batchmates niya na puro pagpapacute ang
alam, seryoso si Andreau sa trabaho niya. Pwede bang bestest? As in, level sa
veterans ang acting skills niya! He’s that good.

Four years ago lang siya naging mainstream actor. Nadiscover siya sa isang fast
food commercial. Sabi nga ni Kesh, never niyang inakalang mapapakain siya ng
shanghai dun sa ineendorse na fast food chain dahil kay Andreau. To quote her, “He
made eating lumpiang shanghai more appetizing for me.” Coming from a vegetarian..
that’s something.

As a newcomer, many people believed that he’s just a pretty face. I was one of
them. Ganun naman talaga ang first impression sa teen actors and actresses, right?
Pa-tweetums, ila-loveteam sa girly na teen actress tapos gagawan ng magkakasunod na
teleserye. Tapos pag naging successful ang show, igu-guest sa noontime variety show
every Sunday para lang maglipsynch. Isa yan sa reasons kung bakit ayaw kong manood
ng TV. Ang pathetic lang kasi! 

Of course, Andreau is different. Although siya ang pinakagwapo sa batch nila sa


home network niya, hindi siya nabigyan agad ng teleserye. According to Kesh, hindi
pa raw magaling umarte si Andreau nun. Paextra-extra lang siya sa teleseryes,
kapatid ni ganito, schoolmate ni ganun..

Until mabigyan siya ng isang role para sa isang indie film.

Waiting Shed was his first film, and doon ko rin siya unang nakita na umarte.
Pinapanood ng Values Ed teacher namin yung film sa klase namin. He played the role
of Dino, a teenager na may isang degenerative disease. Tinatago sa family and
parents ang condition niya kasi gusto niyang makagraduate ng high school with
honors. Lagi niyang hinihintay sa may waiting shed si Mrs. Evasco, isang elementary
teacher, para sa meds niya. Nagkakilala silang dalawa sa ospital; may cancer din
kasi ang asawa ni Mrs. Evasco at siya ang dumamay kay Dino nung lumabas ang lab
results nito.

I don’t really watch movies, lalo na ang indie kasi.. wala lang. I prefer books,
mas malawak kasi ang imagination sa ganun eh. Pero yung Waiting Shed.. shit talaga.
Nakakadala ng emosyon! Hindi ako iyakin pero naluha talaga ako. Ang galing ni
Andreau dun. Maling-mali ang first impression ko sa kanya! Ang yabang niya kasing
tinginan eh, at mapapaisip ka kung kaya ba niyang dalhin ang role. He delivered so
well! Tsaka bumilib ako sa kanya, nagawa niya yung kissing scene with Mrs. Evasco
sa film. The actress is old enough to be his grandmother!! Wala lang, naamaze
talaga ako sa kanya.

Nanalo siya ng best actor sa isang indie film festival, besting other veteran
mainstream actors. He gained my respect ever since. Minsan nga naluluha ako pag
natatandaan ko yung last scene sa movie. That was my favorite part ever.

After Waiting Shed, dun lang siya binigyan ng big projects ng network niya. First
was a supporting role in this primetime teleserye where he played as the son of a
business tycoon. Doon siya unang napartner kay Jillian Cabrera, ang sort-of
loveteam niya. Nang medyo nagclick ang loveteam nila, nagkaron sila ng sarilli
nilang teleserye. I caught some of the episodes and it was.. okay. Hindi ko trip
yung acting nung Jillian, medyo may pagkapilit eh. Si Andreau lang naman ang
nagdala sa show nila!

Lumaki ang fanbase ni Andreau in a span of four years. As in. Just last December,
naabutan namin ang mall tour niya sa SM North.. my god. Parang may rabies yung mga
babaeng fans niya sa sobrang wild! Kung makatili wagas! Thank god at pagod na si
Kesh nun, kundi baka nakisali na siya sa Andreau Cortez craze that day. Mapa-bata
(I think yung ilan dun wala pa sa puberty stage. Wild, huh?) o mapa-matanda (May
ilang lola sa event. Di namin sure kung binabantayan ba nila ang mga apo nila o
nanonood talaga sila) ang fans ni Andreau. Lahat sila nahuhumaling sa Cortez Charm
Smile.

Ugh.

Isa pa sa nagustuhan ko kay Andreau ay ang pagbibigay importansya niya sa studies.


Believe it or not, schoolmate ko siya! BA Film, to be exact. Second year pa lang
siya, although two batches older siya sa’min ni Kesh. Last year kasi ang busiest
year ever niya (two movies, one indie film at isang napakahabang teleserye!) nag-
leave of absence siya sa university. Paano kaya niya napagsasabay ang career at
studies? Grabe, siya na!

Wala akong clue na dito siya pumapasok sa university up until last June, nung
nakasabay ko siyang kumuha ng class cards. Akala ko nga namalik-mata lang ako eh.
Artista tapos pipila nang sobrang matagal para kumuha ng class cards? Wow, humble!
After that hindi ko na siya masyadong nakita sa campus. Una, sobrang laki nitong
university para magkasalubong kami. Pangalawa, naglalakad lang ako tapos siya may
Chedeng. Pangatlo, magkaiba kami ng college. Pang-apat.. of course, kahit
magkasalubong kami, there’s no chance that he would notice me. Hay.

Then three months ago.. something happened. Dahil medyo short ang pinapadala sa’kin
ni Mima (tawag ko sa nanay ko, sorry), naghanap ako ng part time job. Buti na lang
nai-refer ako ni Kesh sa café na pinagtatrabahuhan niya, itong Café Feliz. November
nang magstart ako sa café. Okay naman yung bayad, and I really liked the place.
Sakto naman sa class sked ko yung shift.

I can never forget that day. November 13. Patapos na ang shift ko nun, around
8:15PM, nang may pumasok na lalaki sa café namin. Marami kaming customer nun kaya
hindi ako ang nakausap niya. Actually wala akong clue kung sino yun, not until
minutes later nang makalabas ang lalaki at hinila ako ni Kesh papuntang pantry. She
looked so excited, at nagbublush pa.

“Oh my god you saw that!?” kulang na lang ay yugyugin niya ako. Delikado at
nakakatakot maexcite si Kesh.

“Sino? Yung pumasok? Hindi eh. Well I saw his back though. Does that count?”

“Baliw. Si Roldan del Rosario yun!” I threw her my I don’t know who’s that look.
“Yung best friend ni Andreau!”

“So?”

Kesh rolled her eyes. “Ugh. Hindi mo ba gets?”

“So what kung pumunta siya dito?”

“God you’re so slow sometimes!”

“Pangalan lang naman niya ang sinabi mo eh. What gives?”

Sinabi niya sa’kin yung pakay ni Roldan. It turned out na narinig ni Andreau na
masarap daw ang kape sa Café Feliz and he wants to try it. Masyado na kasing
pinagkakaguluhan si Andreau dun sa isang café kaya mas gusto sana namin ng place na
tahimik. Tinanong niya kung anong daw ang dull hours ng café para dun na lang sila
pumunta. Of course, pumayag si Sir TJ. Dakilang famewhore dun yun eh (sorry sir!).
Sino ba namang tatanggi dun, di ba? I admit, hindi naman kasing sikat ng Starbucks
or CBTL ang Café Feliz pero masarap din naman ang mga pagkain namin dito!

Kaya kami nagkaron ng routine tuwing 3PM, araw-araw. Nakakahiya naman kung tatanga-
tanga kami, di ba? Well ako, medyo naging tanga. Yung first order niya ng kape,
nilagyan ko ng creamer. I forgot na black coffee with two packets of sugar and no
creamer ang preference niya. Todo sorry ako kay Roldan nun!

Laging si Roldan ang kumukuha ng order, habang naghihintay siya sa loob ng Chedeng
niya. Ni hindi ko nga siya nakikita e! Once, nabanggit ni Roldan na diretso sa
studio si Andreau kaya hindi na siya nakakababa ng sasakyan. Sige, nakalusot na
siya. Siya na busy!
Gusto ko siyang mameet in person at magthank you. Halos two years na rin since
mapanood ko ang Waiting Shed, and amazed pa rin ako sa galing niya. The movie
somehow changed my view in life. Dapat lang akong magthank you! Kaso siyempre
ayokong tratuhin niya akong fangirl. Kaya araw-araw kong pinaplano ang magiging
reaction ko sa meeting namin: dapat chill lang ako and casual na magcocomment about
his movie. Big no no ang pagtaas ng boses, ang mautal at of course, ang sumigaw.
Nakakahiya!

Pero.. nilamon ko lahat ng sinabi ko.

Ngayong nasa harapan ko sa si Andreau Cortez.. nawala na lahat ng plano ko.

And he knows my name. My name.

Hindi ko alam kung ano ba ang una kong dapat maramdaman: excitement, kilig o kaba.

AT ANONG SASABIHIN NIYA SA’KIN?

I know I must not expect too much.. but I can’t help it.

 ****

A/N: Attached here is the photo of my Andreau Cortez. Dalawa kasi silang nasa
imagination ko (Hi Ninya! I can't post his picture here, though hihihi) so I'm
posting this other one instead. Andreau Cortez's character portrayer is Fred Lo.
Please, wag po muna kayong gumawa ng Facebook acct or Twitter acct ni Andreau. I
know Zade has one, pero authorized ko po yun. Pinag-iisipan ko pa kung gagawan ko
siya ng social media accts, okay? :)

Sino nga palang marunong gumawa ng book cover for TSIB? Sorry, hindi talaga ako
marunong! Kung meron mang mabuting loob, labyu <3

=================

[3] The Proposal

A/N: Had to change the title four times! Eto na talaga yung bagay na title for this
one. Thank you so much for reading my new baby. Special talaga sa'kin 'tong The
Spaces in Between (originally titled Crash Into Me. Anyareh? Hahaha) dahil three
years bago ko 'to nafigure out. Hahaha!

Sana ma-enjoy niyo! This is quite long :)

PS: May familiar character/s dito sa chapter na 'to. If you're reading my other
stories.. you'll see! :>
-A&Z-

Chapter 3: The Proposal

Minsan talaga may pagka-OA si Kesh. Sabi niya sa’kin, kaya niya kinuha ang BS Psych
ay para maintindihan ang sarili niya. That and herl superb math skills. Ang dami na
niyang alam na psych theories and whatnots kahit first year pa lang kami. Paano ba
naman, nasa library lang siya pag free time niya nung high school, nagbabasa ng
psych books! What a nerd.

Sabi niya sa’kin, isa raw akong sanguine dahil ako raw ay: spontaneous, hogs
limelight (I beg to differ!), excitable, extrovert, impulsive, charismatic,
confident and not shy. Siya naman yung choleric sa’ming dalawa: OC, bossy,
perfectionist, workaholic, organized, visionary, task-oriented, efficient,
ambitious and energetic. Hindi ko nga alam kung paano kami nagkakasundo!

8 months ko na siyang roommate and utang ko sa kanya ang survival ko sa university.


High school wasn’t that easy for me since every year akong palipat-lipat ng school.
Meron naman akong naging mga kaibigan kaso siyempre hindi gaanong nagtagal yun.
She’s like my second mom, kahit matanda ako sa kanya ng three months. Lagi siyang
nakabantay sa’kin! Thank God, hindi siya masyadong clingy.

Pero may instances na sobrang clingy ni Kesh. For example, kanina nung kinausap ako
ni Andreau Cortez at tinakas nila ako ng best friend niya sa trabaho. Yes, tinakas.

Paakyat na ako sa dorm naming nang tingnan ko ang phone ko. Shit, ang daming texts
ni Kesh!

Text #1: What the fuck’s going on, Zade? San ka nila dadalhin? Sumali Don’t tell me
sumali ka sa win a Vday Date contest with Him!?

Text #2: Parang awa pls magreply ka. Napapraning ako dito. Muntik ko nang mabigyan
ng espresso yung buntis kanina!

Text #3: SHIT SCHEHERAZADE PASCUAL WHERE DID THEY TAKE YOU? I know Andreau’s gwapo
and all PERO SHIT KA BA’T KA KALADKARIN!!!!!!

Text #4: You know that I didn’t mean to call you kaladkarin. Pero magreply ka or
else seryoso na yun

Text #5: Dammit, tuwang-tuwa pa si Sir TJ sa pagtakas nila sa’yo. Walangya talaga
‘tong siraulong ‘to

Text #6: Dumaan dito sina Anya at Lean!!! Where the fuck are you?
Text #7: Fine. Kung kamomol mo na silang dalawa... I hate you. Umuwi ka na sa dorm.

Text #8: Shit. Ibato mo na nga yang phone mong walang load! Nyeta.

She’s really scary. Hay.

Naabutan ko si Kesh na naglalagay ng lotion sa braso niya nang pumasok ako sa room.
10:30 PM na, muntik pa akong maabutan ng curfew.

“Wow, naisipan mo pang umuwi,” she said, pretending to be angry. Hanggang salita
lang naman yang galit ni Kesh! “Hinatid ka naman ba nila?”

Humiga ako sa kama at nagtanggal ng sapatos. “Sa kanto lang. Agaw-eksena pa kung
dito ako nagpahatid di ba?”

“Dapat sinulit mo na! Baka hindi na maulit yon!”

I smirked a little. “I don’t think so.”

Seconds later ay may tumama na sa’king Winnie the Pooh na stuff toy, na sinundan ng
isang makapal na bundle ng handouts. “What’s with that smirk, Scheherazade? Anong
ginawa sa’yo nina Andreau?” agad niya akong nilapitan at chineck ang katawan ko.
“Did they.. defile you?” she asked me, looking mortified and silly at the same
time. Kung anu-ano na sinabi niya, rape kit, fertilization, blastocyst, unwanted
pregnancy...

Instead of freaking out with her, I laughed. “Kalma lang, girl! I’m okay! Hindi ako
dinefile or something!”

“Eh ba’t ngiting tagumpay yang ngiti mo? Anong meron?” sobrang nafufrustrate na
siya sa’kin. This is good!

Umayos muna ako ng upo sa kama ko at nagtali ng buhok bago sumagot. “Chill lang! We
just.. talked.”

“About what?”

“Whoa. Don’t be too eager! Kalma lang!”

Kesh’s eyes grew wide in frustration. “Tangina naman, Pascual! Almost 8 hours kang
kasama nina Andreau at Roldan, ni hindi ka sumasagot sa mga tawag at text ko tapos
sasabihan mo akong kumalma lang!? Alam mo namang ang daming nangyaya—“
“Kinausap lang nila ako for a project! Kalma nga lang, okay! Hindi kami pumunta sa
kung saan!”

Natigilan si Kesh dun, at obviously kumalma siya. “What? Project? For what?”

Ako rin nga, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kanina.

xxxx

Flashback

“Zade Pascual, right?”

“B-bakit?”

May instances pala talaga na saglit kang makakalimot pag nginitian ka ng isang tao.
That happened to me when Andreau Cortez smiled at me. Andreau Cortez smiled at me.
Yes, his smile was so surreal that it bears repeating.

 “Uhmm.. Zade? Are you okay?”

Shit, nakakahiya! Medyo napatagal ata ang pagtitig ko sa kanya! “Y-yeah,” I


stupidly stammered. Nakakainis naman oh!

He was about to say something nang lumapit si Sir TJ sa’kin, obviously gustong
makisali at maki-agaw ng limelight. “Mr. Cortez! Is there any problem?” he asked,
then briefly turned to me and whispered, “Ano na namang ginawa mo?”

“Si—“

“Everything’s fine,” Andreau answered, flashing his Cortez Charm Smile. Shocks,
ba’t ganun. Nakakakilig na ewan! “She didn’t do anything wrong. Uhmm.. patapos na
ba ang shift ni Zade?”

Napalitan ng kaba ang kilig ko. Bakit niya tinatanong? Is this a joke? Shit, nasaan
na ba si Kesh? Ba’t bigla siyang nawala? Hindi ko na narinig ang sagot ni Sir TJ,
basta tinulak na lang niya ako palayo sa counter. “Sir! What are you doing!?” I
protested hastily. “Anong meron?”

Andreau suddenly beside me at inalalayan ako. He lightly gripped my arm. Gosh,


what’s happening to me? Kaya ba ako ganito makareact kasi sobrang gwapo niya? “Hey,
no need to push her,” sabi niya kay Sir TJ. “Hindi ka naman ba busy, Zade? Gusto
lang kasi kitang kausapin.”
Napatingin ako sa may entrance ng café, si Kuya Rico nagulat din sa nangyayari. No
sight of Roldan and Kesh. Nasaan sila?

“Uh.. wait lang ha,” I replied, holding up my hand. Hindi na ako makahinga, swear.
He’s smiling at me for no reason. Nakakainis, anong akala niya sa’kin, madadaan
niya sa ngiting yan? You’ve got to be kidding me! Well.. he looked so damn
attractive in that blue long sleeves and dark washed jeans. And bagay sa kanya yung
five o’clock shadow niya ha! “Ano ba ‘tong pag-uusapan natin? Is this really
important?”

Hindi siya sumagot, at hinila niya ako palabas ng café. Walang nagawa sina Sir TJ
at Kuya Rico para pigilan si Andreau. Mas lalo naman ako! Para akong bata na
hinihila ng tatay niya palayo sa Toy Kingdom! I couldn’t do anything to stop him
from dragging me away from my job. Suot ko pa nga ang cap and apron ko eh!

Sinalubong kami ni Roldan sa may Chedeng ni Andreau, nakangiti pa sa’min. “Hi,


Zade!” he greeted us cheerily as he opened the car door. Gentleman naman si
Andreau, pinauna pa niya akong pumasok sa sasakyan niya. Ang bango sa loob ng
sasakyan niya in fairness! It smelled.. really masculine. Must be his perfume.

Nagpaikot-ikot saglit si Roldan sa campus, naghahanap ata ng ‘secluded’ place.


Shit, masama na talaga ang kutob ko ngayon. Nasa backpack ko pa naman yung pepper
spray ko! My god. Valentine’s na Valentine’s then this? Nakakaloka!

Sa likod ng Fine Arts building nagpark si Roldan. Ito pa naman ang isa sa mga hindi
pinupuntahan ng mga tao dito sa campus. Shit talaga, ayoko na. Naiiyak na ako!

Finally, Andreau turned to me and forced a little smile. “Are you okay?”

“I’m not fine, okay? You came in our cafe and dragged me out. Sa tingin mo anong
okay dun, ha?” I couldn’t help but blurt out, my eyes zooming in incredulously.
Forget it, hindi na ako kinikilig sa kanya. Kahit pa ang bango bango niya and may
approximately 10 inches lang layo niya sa’kin.. I don’t care.

Napalingon sa’min si Roldan. “Pakyu ka, Dreau! Tinakas mo siya sa shift niya? May
pagkaneurotic pa naman ata boss nun!” natatawa pa siya.

Umayos ng upo si Andreau para tuluyan na siyang nakaharap sa’kin. At last, he


seemed to be embarrassed by his actions. Buti naman! “Look Zade, I’m really sorry
about that,” he said, looking at me expectantly. “Medyo personal matter kasi ‘to
kaya hindi pwedeng pag-usapan dun sa café. Sorry for dragging you out here.”

“Fine. Ano ba yang personal matter na yan, ha?” I added an urgent tone para
matauhan siya.

“Dalian mo na diyan,” Roldan cut in, coolly. “Baka may date pa yan mamaya. Lagot ka
sa boyfriend niya.”
I didn’t bother to correct him; instead, I gave Andreau my challenging stare. Aba,
kung sa tingin niya mabubully niya ako dahil isa siyang gwapong artista, he’s
freaking wrong. Nastuck saglit si Andreau, parang pinag-iisipan pang mabuti ang
sasabihin niya.

“Lean recommended you to me.”

“What? Are we talking about the same Lean here? Leandro Abarquez?”

He nodded in solemn agreement. “The varsity basketball player? Yes. Siya lang naman
ang Lean na kilala ko. Bakit, may kilala ka pa bang iba?” He didn’t bother to hide
that arrogant smirk from me. Bwiset!

Ignoring his snide remark, I continued. “Bakit ako? What’s this project ba?
Freshman lang ako! I think mali ka ng taong hinig—“

“You’re from San Ignacio, right?”

Oh God, this is really really creepy. Paano niya nalaman yun? “Yes,” I replied,
trying not to sound so surprised. Close friends ko lang sa university ang
nakakaalam kung saan ang province ko. Mga five years na rin nung huli akong umuwi
sa San Ignacio. “How’s that relevant to your personal matter? And really, Lean?
Lagot sa’kin yun pag nagkita kami!”

“Si Anya sisihin mo, wag si Lee!” extra ulit ni Roldan. “Actually, si Anya talaga
ang nagrecommend sa’yo. Dapat nga siya na kakausap sa’yo kaso busy siya sa
preparations for next week’s Fair tsaka sa elections.”

“Si Ate Anya talaga?”

“Yes. We’re friends,” casual na sabi ni Andreau sa’kin, which surprised me. I never
expected na may kaibigang artista si Ate Anya. Kilala siya sa university: student
council vice chairperson, university scholar (god, Architecture pa ang course!) and
the girlfriend of the most sought after basketball player in campus, Lean Abarquez.
So now idadagdag ko na sa list of accomplishments niya ang friends with Andreau
Cortez. Bongga!

Ay loka ka, Zade. Six degress of separation pala ang peg niyo ni Andreau!

So Andreau proposed me a project. May isang documentary-making contest siyang


gustong salihan, and ang theme ay tungkol sa social development issues. Being a
film student, gusto niya ng something na hindi pa natatackle before. Someone
suggested him to pick an aquatic-related issue since bibihira lang daw ang pumipili
nun. Kay Ate Anya siya unang nagtanong since member ito ng socio-civic orgs
(orgmate ko pala si Ate A!). She immediately suggested San Ignacio dahil isa yun sa
sites na bibisitahin ng isa niyang org for an outreach program, and based on their
needs assessment, kailangan ng tulong ng government. Tamang-tama raw ang place para
kay Andreau, it could raise awareness dahil sa celebrity status nito.

Tama nga yung sinabi ni Roldan, busy si Ate Anya kaya di niya ako nakausap
personally about this matter. Sinabihan daw niya si Kuya Lean na samahan sina
Andreau and Roldan para puntahan ako sa café. Nang nalaman nila na sa Café Feliz
ako nagtatrabaho, Roldan suggested napuntahan ako ni Andreau personally.

Wow, I couldn’t believe this is happening to me.

A hope smile was formed on his lips. “So.. are you in?”

Yes, I am, yan ang gusto kong sabihin. Kaso.. “Kelan mo planong pumunta sa San
Ignacio?” came out of my mouth.

“April sana, since dun ako free. Inaayos ko na ngayon kasi wala na akong free time
sa March.” Magtatapos na pala yung teleserye nila ni Jillian. Sa wakas! Nakakaumay
makita yung babaeng yun sa TV!

“So.. what exactly do you want me to do?”

Kinuha ni Andreau ang iPad niya at pinakita sa’kin ang Gantt Chart niya. Wow, he’s
using a Gantt Chart for everything! Choleric alert! “Eto sana.. sa coordination ng
mga tao dun. Wala kasi akong time para personal sil—“

“Five years na akong di nakakauwi dun, Andreau.”

“Pero may contacts ka naman dun, di ba? Kailangan kasi ng permit sa LGU to shoot. I
need someone to coordinate with that.”

“You want me to go there?”

He gave an Are you serious? look. Shit Zade, tanga mo rin minsan. “Of course not.
Siguro naman may internet dun, di ba? I could send them a letter via courier. Your
job is to know kung feasible ba ang project ko sa lugar na yun. Ask if totoo nga
yung issues na sinabi sa’kin ni Anya. Since five years ka nang wala dun.. mas okay
na yun ang gawin mo.”

Was that sarcasm? Ugh. Andreau Cortez is definitely a choleric.

Pinag-isipan kong mabuti ang proposal niya. I have to admit, this one’s very
tempting. Sobrang namimiss ko na ang San Ignacio! Makikita ko na rin sina Nana
Tinang! Tsaka makakakain na ulit ako ng paborito kong seaweed! And the beach! How I
miss those things!

Kaso.. kinakabahan ako. This is Andreau Cortez I’m negotiating with. Artista ‘to,
malamang maraming demands and shits sa buhay. Ayoko pa namang inaalila ako ng mga
feeling superior (But he is superior, Zade. Get a grip!).

“All expense paid, Zade,” Andreau said, pulling me out of my thoughts. “Pamasahe,
allowance.. lahat. And you’ll be paid for your contribution.”

God, he’s so sure of himself. Andreau wants this project badly. Ganun ba talaga ang
film students: sobrang agit, mayaman at competitive? O siya lang ang ganun? Ay
ewan. Sa April na ‘to.. pwedeng-pwede na akong magpaiwan dun after ng shoot nila.
Libre na pamasahe ko! Mima would be so thrilled about this!

“Fine,” I replied with a sure smile. “April, right? Pahingi na lang ako ng copies
ng papers and other shits para makausap ko na yung kakilala ko dun. Nga pala..
ilang araw kayo magsi-stay dun?”

Parehas na may ngiting tagumpay sa mga mukha nina Roldan at Andreau. I assume na
hindi nila inaasahan na papayag ako sa proposal nila. Oh well, muntikan nang hindi!

Andreau was smiling at me now differently. This smile was his genuine smile, walang
sinabi ang Cortez Charm Smile dun. Parang.. ang saya saya niya na pumayag ako? O
imagination ko lang yun? “Shit seryoso ka ba?”

I rolled my eyes, still smiling. “Oo nga. I miss San Ignacio so much, I’m not
letting this chance pass!”

I was expecting him to hug me pero he settled for a business-like handshake. Way to
go, Zade’s malanding imagination. Asa ka pang yayakapin ka niyan!

“You didn’t answer my question, Andreau,” sabi ko after niyang ilagay sa isang
flash drive yung files na kailangan niya. Nagtaka pa siya sa sinabi ko. “Ilang araw
kayo dun?”

“Oh. We’re planning to immerse in the area. Two weeks.”

WHAT!? Immersion? Two freaking weeks!? Yung totoo, hindi na ba ‘to ang malandi kong
imagination? The way he said it.. god he’s serious. akala ko pa naman buong weekend
lang sila magsi-stay dun!

My god, I can’t wait to tell this to Kesh. She’ll definitely flip.

-End-

Hindi lang flip ang ginawa ni Kesh. May additional pa siyang paggulong sa kama,
sipa at rape-like scream after kong ikwento ang nangyari kanina. Kinatok pa nga
kami ng dorm manager sa sobrang ingay niya!
“Oh my god you bitch!” sigaw niya habang pinagkukurot ako sa braso. “You’re so damn
lucky! And this happened on Valentine’s Day pa! Ni hindi ka man lang kinilig?”

Gumanti ako ng kurot sa hita, and she winced. Hay nako Kesh kung alam mo lang ang
inabot ng kilig ko! Umabot sa villi! (Okay exagge, I know. Pero nakakakilig
talaga!) “May kilig na onti pero of course this is work!”

Finally, bumalik na siya sa kama niya pero hindi nabawasan ang excitement niya.
“Dammit work your ass! Girl imagine, beach front yun. For two weeks, nakatopeless
sina Andreau at Roldan! Can you get my visual here?”

“Hinuhubaran mo na ata sila sa utak mo, girl. No x-rated thoughts in my brain!!!”

“Hah! Tingnan natin kung after two weeks yan pa rin ang masasabi mo!” she stated
proudly. Naiimagine ko na ang mga iniisip niya.. oh god no. Don’t think of topless
men and abs, Scheherazade. Bad ‘yun!

“Sumama ka kasi sa’kin! It’ll be fun!”

Kesh frowned. “Ano ka ba, you know I can’t! Naka-book na ako ng flight! Kaasar
naman kasi ‘tong si Dreau eh!” Uuwi kasi siya ng Cebu after ng finals week and
kakabook lang niya ng ticket last week! Sayang talaga!

Mas kinabahan tuloy ako. Baka magmukha lang akong tanga kina Andreau nun? Lord, ano
‘tong pinasok ko?

“Hoy Zade,” biglang naging seryoso si Kesh. Uh oh, sabi na nga ba pag-uusapan namin
‘to. “Alam mo na gagawin mo dun ha? Matanglawin ka dapat!”

“No,” I firmly said. “Ikaw lang naman ang interested sa mga ganyan! Wag mo nga
akong idamay!”

“Come on! You’re with them earlier! Wala ka bang napansin na something.. you know..
weird?”

Pinatay ko na ang ilaw at humiga sa kama. “I’m not having this conversation with
you, Keisha. I’m beat.”

“Eto naman ang daya! Hoy!” binato niya ulit sa’kin si Winnie the Pooh. “Meron kang
napansin ano? Dammit Scheherazade share naman!”

“They look.. normal to me, Kesh. Yun lang, wala namang weird or something. Actually
hindi ko nga natandaan yun nung magkasama kaming tatlo kanina. Ikaw lang talaga
yun.”
Tumahimik ang room namin. Finally, makakatulog na rin!

“Zades?”

“Hmm?”

“Alam kong matagal pa yung project pero.. alam kong curious ka rin. Don’t forget to
text me, okay?”

“Kesh.. shut up.”

“I just.. want to know. Hindi naman natin sasabihin sa Chismis Squad or something.
Please?”

I sighed. “Fine fine. Pero ako na nagsasabi sa’yo, wala talaga.”

Thank God she didn’t answer back. Ayoko nang balikan yung araw na lumabas yung
balitang ‘yon. Hindi kami (mostly si Kesh) halos nakatulog sa kakaisip kung totoo
ba yun o hindi. Feeling Sherlock Holmes kami that night: sinuyod buong internet
para malaman ang totoo.

Well.. I might have the chance to know the truth in April.

Malalaman ko kung totoo bang bading si Andreau Cortez.

-A&Z-

Will post the next chapter tomorrow, February 25, 2014! Yey! <3

#TSIB sa Twitter kung may reactions kayo <3

=================

[4] Rumor Has It

Okay, clarification time!

Si Zade Pascual ay character din ngayon sa This Might End Up A Story (If I Fall
sequel), and 4th year college siya doon. Dito sa TSIB, 1st year college pa lang
siya. Si Lean naman, 3rd year college na dito. So hindi sila overlap ng TMEUAS,
okay? In this timeline, 2nd year high school pa lang sina Barbs and the Charleston
kids. Sana klaro 'tong explanation ko XD
I think some of you are expecting na ito na ang immersion chapter. Sa Chapter 5 pa
yun! Meanwhile.. medyo history muna tayo. Shall we? :)

-A&Z-

Chapter 4: Rumor Has It

Hindi naman nawawalan ng chismis ang mga artista. Mas sikat, mas maraming intriga.
Isa na dun si Andreau.

Wala naman talaga akong pakialam sa mga chismis, lalo na sa showbiz. Hindi naman
tinatanong sa exams kung sino ang young actor na nakabuntis, starlet na tumatanggap
ng sexual favors for TV roles at palitan ng boyfriend-girlfriend. Rumors won’t do
any good. Nakakasakit at nakakasira lang yan ng mga tao.

Pero iba ang atake ni Kesh sa rumors. According to her, may positive aspects rin
daw ang rumors and gossip. Gossip builds social bonds. Mas strong daw ang bonds
from shared dislikes than positive ones. Isa rin daw paraan ang rumors and gossip
para i-demonstrate ang shared values and sense of humor. It also boosts self-esteem
and can be a stress reducer. But of course, may negative effect din ang gossip. It
is risky and may lead to awkwardness and distrust.

I don’t know how celebrities handle it, lalo na yung Hollywood stars. Sa kanila
kasi merong TMZ, Perez Hilton and paparazzi (I don’t have any clue about the first
two, not until Kesh told me about those sites) na araw-araw tini-terrorize ang
Hollywood stars. Dito sa Pinas? Nandyan yung Sunday talkshows, radio programs,
gossip sites at kwentuhan ng mga tambay sa kanto at binguhan. Bata, matanda, at
kahit anong gender, may alam yang chismis. Ako, wala akong pakialam sa showbiz
(Fine, kay Andreau meron but what the hell), may alam kahit paano. Viral talaga
masyado ang chismis!

Paano ba nagsimula ‘tong rumor kay Andreau? Just like the other rumors, it started
with an observation.

Si Andreau ay under ng talent management ng isa sa pinakamalaking media network sa


Pinas. Every year ay required ang artists ng management nila na umattend sa isang
charity ball to thank their partners etc (hindi ko talaga alam kung bakit, sorry).
So.. four years na si Andreau sa network.. at four years na rin siyang walang date
sa charity ball.

Okay lang na wala siyang date nung first year niya, he was just 15 years old and
kasama niya ang cast ng teleserye niya (na according sa Dreausters, not counted as
a date). The second year, everyone’s expecting na si Jillian Cabrera ang dadalhin
niya as a date(this was the time na hit na hit ang first teleserye nila) kaso date
ni girl ang then-boyfriend niya na basketball star. Third year was no luck, wala pa
ring date si Andreau kahit single na si Jillian (she went alone). Last year.. as
expected.. wala rin.
Walang nagtanong sa kanya nung first two years kung bakit wala siyang date. Mas
gusto pa nga ng fans niya na wala kasi that means he’s available for everyone.
Although may onscreen chemistry sina Andreau at Jillian, maraming fans ang may ayaw
sa kanila na ma-involve off screen. Nakay Jillian ang mali, sabi ni Kesh. I kinda
agree with that. May something kasing.. off dun sa babaeng ‘yun. Ah ewan!

So the first rumor was.. may secret girlfriend si Andreau Cortez. Maraming
speculations kung sino ang lucky girl: isang commercial model, isang bossa nova
singer, yung batchmate niya sa management.. at kung sinu-sino pa. Halos lahat ng
kaibigang babae ni Andreau.. nalink na sa kanya pero walang umamin. Andreau neither
denied nor confirmed it. Tahimik lang siya sa issue, maybe an order from his
superiors.

Then.. last year.. napalitan ng secret boyfriend ang secret girlfriend ni Andreau.

Sabi sa chismis.. si Roldan del Rosario raw ang secret boyfriend.

Sa website na Chismis Squad unang lumabas ang blind item tungkol kina Andreau at
Roldan. May blurred picture na pinost sa site, dalawang lalaki na magkaakbay and
mukhang magkahalikan. Ang daming comments na sina Andreau at Roldan yun, which rose
the suspicion of the rumormongers. I saw the picture, blurred and unblurred
versions.. ka-body built lang naman nilang dalawa. But that’s not the point.

Based sa extensive stalking skills ni Kesh, best friends ang dalawa since they were
kids. Both grew up in Los Angeles, and best friends daw ang dads nila.
Magkapitbahay din daw sila dito sa Pinas (Mas naunang bumalik si Roldan kesa kay
Andreau) and went to the same high school (kaso hindi raw grumaduate si Andreau?
What?). Sa iisang university din sila nakapasok, Roldan is taking up Broadcast
Communication and Film si Andreau. Kahit saan magkasama silang dalawa, mostly
iisang sasakyan (Andreau’s) ang dala nila. They go to the same gym, same hair
salon.. basta, lagi silang magkasama! Wala ring girlfriend si Roldan so.. mas
lumakas ang hinala ng detractors ni Andreau.

Maraming pictures ng dalawa ang lumabas sa internet, lahat naging curious sa status
nila. Sabi ng older dormmates namin, ang dami ring nag-uusap about sa dalawa sa
bulungan lang ang mga tao sa campus. No one dared to confront them about the issue.
Una, nakakahiya. Pangalawa.. anong mapapala nila?

Walang pakialam sina Andreau at Roldan sa rumors. Pumapasok pa rin sila despite
viral na sa internet ang chismis. Sina Ate Anya at Kuya Lean nga, cool lang dun.
Tinanong nga ni Kesh last year ang couple kung anong totoo at tumawa lang sila.
Don’t believe the rumors, sabi ni Ate Anya. Nakakasira lang ng ulo yan. So what if
they’re close? Choice nilang maging single at yung mga nag-iisip ng masama? Fuck
them all.

Gets namin ni Kesh ang point ni Ate Anya kaso.. pag paulit-ulit mong naririnig..
mas lalo mong paniniwalaan. Some people tend to believe bad things about the people
they hate or envy, and frankly, I don’t get that.
Inagapan naman ng management ang rumors by partnering Andreau to a different
actress, Sarah Morales, earlier last year. Box office hit ang movie nilang dalawa
pero hindi na naulit ang team up nila since malakas ang hakot ng fans ng Jildreau
love team (Kadiri, right?). Bumalik ang gay issue nung pinartner ulit sina Jillian
at Andreau sa teleserye nila ngayon. Naging friends kasi off screen sina Andreau
and Sarah, unlike with Jillian na obviously reel lang. Too bad, may steady
boyfriend si Sarah kaya hindi mai-push ng fans.

Then.. the climax?

Yung guesting ni Andreau sa Minutes with Beau Perez.

Isa sa respetadong talk show hosts ng Pilipinas si Beau Perez. At kilala rin siya
sa matinik niyang interviews. He always wants the truth, and he will get it
whatever it takes. Matatapang nga raw ang mga artistang nagi-guest sa Minutes kasi
dito pinag-uusapan ang controversial issues. No holds barred kung no holds barred.
Marami nang artista ang napaamin ng secret relationships, break ups at kung anu-ano
pang issues sa program na ‘yun.

Kaya excited ang lahat sa interview ni Andreau Cortez. He guested there para
ipromote ang teleserye nila ni Jillian. Yun lang dapat.

Hindi namin napanood ni Kesh nang live ang interview ni Andreau kasi nasa trip kami
for NSTP. Nagulat na lang kami sa text ni Tita Mel, ang dorm manager namin, the
night of the interview.

Nagwalkout si Andreau! ang laman ng text niya.

May point kasi dun sa Minutes na pwede kang magwalkout pag ayaw o hindi mo kayang
sagutin ang tanong ni Beau. End of the interview na pag ganun.

Agad naming sinearch sa Youtube ang interview pagkauwi namin from the trip. May
250,000 views na ang video noong napanood namin! Maayos naman ang start ng
interview, wala masyadong mabigat na questions. Then bumigat na ang mga tanong.

Sarah or Jillian? They’re both great actresses and I enjoyed working with them.
Pero.. mas close ako kay Jillian so.. Jillian. (Napakashowbiz naman ng sagot! Of
course si Jillian ang pipiliin niya, he’s there to promote their show!)

Are you still a virgin? Yes. Not ashamed of that. (No comment!)

Hindi kami nakahinga ni Kesh sa susunod na tanong. Finlash sa flat screen ang
unblurred photo na lumabas sa Chismis Squad, ang alleged picture nila ni Roldan na
naghahalikan.

Andreau.. kayo ba ng best friend mo ang nasa picture?


No. Hindi kaming dalawa yan. 100% sure it’s not us.

My god, he said it with conviction! Sobrang tapang niya! Nakatitig pa siya sa mga
mata ni Beau while saying it! Lakas!

Andreau.. ilang buwan nang umiikot sa internet ang haka-haka tungkol sa iyong
sexual orientation. Maraming nagtatanong, maraming kuwento ang umiikot tungkol
sa’yo. Yet.. we haven’t heard a confirmation or denial from you. So.. you can
either answer this question or walk out.. I will respect your decision..

Andreau Cortez.. are you gay?

Napakapit ako nang mahigpit kay Kesh nun sa sobrang intense ng atmosphere.
Andreau’s face was blank. Then he stood up and walked out in a heartbeat.

Intense kung intense.

Mas lumakas tuloy ang issue after ng interview. Nagtrend buong araw si Andreau sa
Twitter. Dumagsa ang theories at comments sa Chismis Squad website. Ang mga fans ni
Andreau na may rabies, naging mas wild at warfreak para awayin ang bashers ng idol
nila. Hindi sila naniniwala na admission sa issue ang walkout ni Andreau. Respect
Andreau ang isa sa pinakamatagal trending topics sa Twitter. Wild!

I had a crash course about Pinoy Showbiz that night. Kung anu-anong kinwento sa’kin
ni Kesh about kay Andreau at sa kung sinu-sinong artista. She even made a timeline
of Andreau’s career para mapatunayan kung totoo ba ang chismis. Denial na Dreauster
‘tong roommate ko.

Nagbago ba ang paghanga ko kay Andreau dahil sa chismis? No. Sa mga mata ko, siya
pa rin ang actor na nagpahanga at nagpaiyak sa’kin sa Waiting Shed. Siya pa rin
yung may Cortez Charm Smile. Wala akong pakialam kung bading man siya or what, at
least nakikita kong seryoso at mahal niya ang trabaho niya. Marami ngang straight
na artista pero hindi naman kagalingan o walang pakialam sa trabaho nila. At least
Andreau loves his craft and job.

Kaya nga ibang gulat at excitement ang naramdaman ni Kesh nung unang beses pumunta
si Roldan sa café nung November. At least we would know the truth firsthand, sabi
niya sa’kin bago kami matulog that night. Baka mamaya maging madalas yung pagpunta
nila sa café! Oh God, kaya ba ang café natin yung pinili nila kasi.. tago tayo?
Secret hideout nila OMG!

Obviously that didn’t happen, laging si Roldan ang nag-oorder para sa kanilang
dalawa. Nahirapan lalo kaming i-confirm ang chismis. Nakakahiya at ang kapal namin
kung magtatanong kami tungkol sa kanila.

Medyo hindi na pinag-uusapan ang gay issue ngayon dahil may nagcome out na actor
last month na sobrang unexpected. Nabanggit pa nga si Andreau, baka raw ex siya
nung actor. See, kahit anong gawin ni Andreau na bago, laging ididikit sa kanya
yung issue na yun. Ang dami talagang walang magawa sa mundo, ano? Nakakairita.

I’m having doubts about this project of his. Two weeks ko silang kasama for
heaven’s sake! Paano ko kakayanin yun, ha? Sure akong hihingi ng hourly update si
Kesh sa mga gagawin ng couple na ‘to. Nakakailang tuloy. What if bigla akong
madulas at masabi sa kanila ang suspicions namin? I bet Andreau knows that I know
about this shit. Hindi naman siya manhid. But as his.. apprentice, I have to draw a
line between us. A professional line.

I have to treat him with respect para hindi niya ako tratuhin bilang fan. Wala
akong rabies, unlike those fangirls of his.

Okay Zade, two weeks with them. Two. Ang dami kong makikita, maririnig and
possibly, mararamdaman.

This could either be my best or worst summer.. ever.

-A&Z-

Immersion chapter will be posted tomorrow, February 26! Araw-araw update yes! <3

=================

[5] The Education of Andreau Cortez

One thing I love about this chapter: nakapagshare ako kahit papaano ng dalawang
bagay na hilig ko: ang major ko (Social Technology for the win!) and also, words.
Supposedly 5k words lang 'to but I got so carried away.. kaya naging 7,200+ words
(this AN included!)

Sana magustuhan niyo! Yay!

-A&Z-

Chapter 5: The Education of Andreau Cortez

April 10. Day 1

This is it.

After almost two months na pag-aasikaso at kabaliwan para sa aking sort of boss na
si Andreau Cortez, tuloy na tuloy na ang immersion nila.
Madali lang naman ang paglalakad ng papers sa San Ignacio, lalo na sikat si
Andreau. Agad na pumayag ang mayor ng San Ignacio sa request ni Big Boss (Kesh’s
nickname for him, not mine) at nagprisinta pang maging host ng team nila.
Surprisingly, Andreau declined the offer. Thank you po pero kailangan ko pong
makisama po sa mga tao ng San Ignacio, I heard him say nung kausap niya si Mayor
Pablo sa phone. Kailangan ko pong lumublob sa community para malaman ang totoong
problema at mga kailangan nila.

Big words! In fairness, parang Community Development ang course ni Andreau dun sa
sinabi niya ha. Galing umacting!

Naging bali-balita ang immersion ni Andreau sa internet (Thank God wala sa national
news ‘to! Hindi na ako maniniwala sa responsible journalism pag nangyari ‘to) at
maraming nagbabalak na pumunta sa San Ignacio para makita si Andreau. Wild.

“Sabihin mo nga kay Nana Tinang mo na gawing adventure park si Andreau,” comment ni
Kesh nang makita niya ang ilang tweets ng rabies-infected Dreausters. “I’m sure
yayaman kaagad kayo. Look, naghahanap na sila ng van o bus papunta sa inyo eh!”

Alam kong sikat si Andreau pero may times na nagugulat ako sa extent ng kasikatan
niya. Si Nana Tinang nga, lola ko at ang kapitana ng barangay namin, sobrang
excited na makita siya. I didn’t know fan pala ni Andreau ang lola ko!  Nagtext ba
naman sa’kin, pinapatanong kay Andreau kung anong favourite nitong ulam para
maipagluto niya. My god, dagdag sakit ng ulo ‘to!

Nga pala, Andreau never asked for my cellphone number. Habang nagpapakahirap akong
makipagcoordinate sa LGU ng San Ignacio, siya naman ay nakikipaghalikan kay Jillian
sa may Palace in the Sky para sa teleserye nila. Si Roldan ang lagi kong tinetext
about sa updates and other concerns. Pakialam ko naman sa number niya? Nainis pa
nga sa’kin si Kesh na wala akong number ni Andreau. Plano raw niyang ibenta ang
number nito sa fangirls just in case kailanganin niya ng pera sa Cebu trip niya.
Hmm.. nice idea!

6 AM, sa gas station malapit sa campus ang meeting place namin ngayong umaga.
Sinadya kong magpalate kasi expected ko nang malelate sina Andreau. Hello, artista
yun! Sanay maging VIP at cause of delay. Ayoko naman magmukhang tanga sa may gas
station dahil sobrang early bird ko. Isang sakay ng tricycle lang ang layo ng gas
station sa dorm namin kaya chill lang ako. Nasa Cebu na pala si Kesh since last
week, pero di siya naubusan ng reminders sa’kin.

Girl pag may weird thing ha? Text me agad! Pag confirmed, itext mo ako ng !!!!!.
Pag waley, tadtarin mo ako ng sad face!

Matanglawin, Scheherazade. Sa laki ng mga mata mo hindi naman siguro makakatakas


sina Roldan at Andreau di ba? Idilat mo pa!

Lastly, wag kang tanga. Paobvious ka pa naman! Remember that, okay?


Nahawa na ata si Kesh sa pagiging neurotic ni Sir TJ!

Five minutes na tricycle ride ang layo ng dorm sa gas station, at dahil
nagmamaganda ako, saktong 6 AM ako umalis. I’m sure maghihintay ako ng mga.. 45
minutes bago sila dumating. Okay na ‘to, at least hindi ako mukhang excited!

Siyempre excited akong umuwi sa’min! Five years na rin akong hindi nakakauwi. Ang
dami kong namimi—

Ay shit.

Sabi ni Roldan, white na Urvan daw ang sasakyan namin. Ba’t may ganun na agad dito
sa gas station?

“Uy Zadeeeee!”

Ay shit talaga. Nandito na nga sila!

Roldan rushed to me as I got out of the tricycle. Tinulungan pa niya akong ibaba
ang mga gamit ko. “Puyat ka ba kagabi?” he inquired casually. Aasarin pa ata ako
nito.

“H-hindi naman. Mahirap lang talaga makahanap ng tricycle sa may dorm namin.”
Pasimple ko pang pinandilatan si Kuyang Driver para di na magcomment. Ugh,
nakakahiya! Ba’t ang aga nila?

“Sana pala dinaanan ka na lang namin! Namasahe ka pa!”

Kukunin na agad ni Lord ‘tong si Roldan, sobra kung makangiti at ang bait pa! Siya
na mismo ang naglagay ng duffel bag ko sa likod ng van. I peered inside the van,
checking if Andreau’s already there. Baka mamaya wala pa siya dito, hihintayin pa
namin na dumating with matching bodyguards. Hah!

Kaso.. I was wrong. Doon pala siya sa shotgun seat nakaupo. Saktong pagkasilip ko
sa loob ng van, napalingon siya sa’kin. “Good morning!” he greeted me warmly.

Grabe ‘tong Good morning ni Andreau, talo pa ang kapeng barako sa tapang! Nagising
ako dun ha! “G-good morning din!” Ugh, parang siraulo lang. “Sorry late ako.
Tricycle kasi,” I added sheepishly. Kakahiya!

Sa pinakalikuran ako umupo, katabi ang favorite Jansport backpack ko. Mahirap na,
baka iwan nila ako sa expressway eh! Pinakilala rin ako ni Andreau sa iba naming
kasama, sina Gerald at Addie, film students din. So ang position namin sa van: si
Roldan ang driver, katabi niya si Andreau. Sa gitna naman sina Gerald at Addie at
ako ang emo sa likod.
“Okay ka lang, Zade?” tanong sa’kin ni Roldan once na nakaalis na kami ng gas
station. “Parang may hinahanap ka pa na ewan eh.”

“Uhmm.. wala kayong dalang..” Shit, do I really have to ask this? “Dalang ano...”

I saw Andreau looking at me thru the rear view mirror. God, ingat ingat din ako sa
pagtulog ko mamaya. Mahuli pa niya akong nakanganga, mawalan pa ako ng dangal.
“Bodyguard ba?” he supplied. I nodded dumbly in reply. Kelan pa siya naging mind
reader? “Hindi na kailangan nun. I’m there for academics, not showbiz shits.”

Whoa, showbiz shits!? May rebellious side rin pala si Kuya! I didn’t push any
further, feel ko hanggang dun lang ang kaya niyang isagot sa’kin. Sabagay, agaw
atensyon nga masyado kung may bodyguards siya. As if may magpapa-assassinate sa
kanya sa lugar namin!

Five hours ang biyahe mula Manila hanggang San Ignacio. That means five hours ding
napanis ang laway ko. The trip was very quiet but not awkward. Narinig ko sa usapan
nina Gerald at Addie na kakatapos lang pala ng finals nila kahapon sa isang major,
na whole day exam. Wow, may ganun pala sila? Intense!

Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi ako matutulog sa biyahe, baka mamaya kunan nila
akong ng stolen shot o iwan somewhere. Kaso nakakaantok yung soundtrip ni Andreau..
puro saxophone. I’ve always pegged him as the indie guy, after all ganun ang mga
trip ng Film students (maka-generalize naman ako!). So.. he’s a jazz guy, huh.
Interesting, wala sa itsura niya!

--

“Zade..”

“Hmmm?”

“We’re already here.”

Agad akong napabangon, hindi kasi si Kesh yung narinig ko. It took me awhile to
realize kung nasaan ako. Nasa van pa rin ako! Oh god, hindi nila ako iniwan! Si
Addie pala ang nanggising sa’kin, at kaming dalawa na lang ang nasa loob ng van.

“Sina Andreau?” tanong ko habang nagtatali ako ng buhok. Shit, naeexcite na


natatakot ako bumaba ng van. This is it!

“Ayun.. dinumog na. Tingnan mo.”

Sumilip ako sa labas ng van.. shit. No way. Ang dami ngang tao! Sa may barangay
hall pala kami tumigil, and kagulo nga! May mga barangay tanod na humaharang sa mga
tao pero wild pa rin. Si Andreau, ayun sa gitna ng mga kababayan (lalim!) ko na
biglang nagkaron ata ng rabies, todo smile at kamay. Politician tuloy ang dating
niya!

Tahimik kaming lumabas ni Addie ng van at dumiretso sa loob ng barangay hall. Kaya
na nina Andreau ang mga sarili nila, ginusto niya ‘to eh. At last.. I’m home!
Naaamoy ko na yung lansa ng dagat.. yung lamig ng hangin.. at my god, may naaamoy
akong inihaw! Kaso.. iiwan ko na lang basta si Andreau sa gitna ng mga may rabies?

“Saysay!!!!”

I immediately spun around and saw Nana Tinang. “Nanaaaaa!” agad akong tumakbo at
niyakap siya nang mahigpit. Five long years kong hindi nakita ang isa sa mga
nagpalaki sa’kin! “Nanaaaaaaa!”

Aba, kung may fangirls with rabies si Andreau, may Nana Tinang naman ako.

**

After almost an hour (45 minutes traffic dahil sa kaguluhan kay Andreau, 15 minutes
travel time), nakarating na rin kami sa barangay namin. Sinalubong kami ng mga cute
na apo ni Nana, sina Butchoy, Kelly at Adrian.

Tahimik lang si Andreau, halos si Roldan na nga ang kumausap sa mga tao. Shit,
suplado moves? Naku, ayaw pa naman ni Nana ng maangas! Patay si Big Boss nito!

“Andreau, okay ka lang?” tanong sa kanya ni Nana sabay abot ng orange juice. “May
problema ba?”

Andreau smiled sheepishly at Nana and almost whispered, “Saan po CR niyo dito?
Nature break.”

God, he’s so.. adorable.

**

Ihi lang pala ang katapat ng katahimikan ni Cortez. Siya na ang todong dumaldal sa
mga tao sa bahay after ng nature break niya. Geez, can’t he just say ihi or jingle?
Ang weird kasing marinig ang nature break sa lalaki.

Uh oh. Is this a sign?

Kesh, nasaan ka na!?


**

Bandang hapon ko na ulit nakita sina Andreau at ang team niya. Inikot kasi sila ni
Nana Tinang sa barangay right after lunch. Eh ang init masyado kaya hindi na ako
sumama. I have the whole summer vacation to spend here! Tsaka na ako mag-iikot!

Nakikipaglaro ako ng bangsak kina Butchoy nang nakita kong pabalik na ang white
Urvan sa bahay ni Nana. God, hanggang dito ba naman sinusundan ng mga tao si
Andreau? Like seriously?

Hindi ko na sila masyadong pinansin, mukhang busy sila at apparently, the kids are
very handful today. Baby pa lang halos ‘tong mga bagets bago ako umalis tapos..

Drama rama, Zade? Hindi bagay. Kahit mas maganda ka kay Jillian Cabrera.

xxxx

April 11-13 (Days 2-4)

Sobrang uneventful ng tatlong araw ko, Andreau-speak. Inuna nilang i-shoot yung
scenes sa kabilang side ng San Ignacio, kung saan malala ang damage ng toxic
wastes. Akala ko nga saglit lang sila dun, whole day or what. Nagtext sa’kin si
Gerald (kinuha nila ni Addie ang number ko. Si Andreau, kelan kaya?) na doon na raw
sila pinapatulog muna ng mga tao. Andreau couldn’t say no, tsaka may nakuha silang
additional material. Hay, creative minds!

Joke lang, hindi naman sobrang uneventful. Nakabonding ko rin sina Nana Tinang at
mga apo niya. Nagswimming kami, sumakay sa Bangka, naglaro ng tumbang preso at kung
anu-ano pa. Sobrang namiss ko ang childhood days ko dito! Kung pwede nga lang hindi
ako bumalik ng Manila.. oh shut up, Zades. Papagalitan ka lang ni Nana Tinang! At
ni Mima!

Thank god hindi na nanghihingi ng hourly updates sa’kin si Kesh. Tatlong text
messages lang ang nareceive ko sa kanya sa loob ng tatlong araw:

Ba’t hindi ka sumama? Nakakahiya kay Kuya Kim! (Ugh, idol talaga niya si Kuya Kim!)

Hindi pa ba bumabalik? Sundan mo na kaya?

Scheherazade... you’re a hopeless spy.

I am not a spy. Damn it.

xxxx
April 14 (Day 5)

Isa sa favorite kong gawin dito sa probinsya ay ang magpuyat. Wala kasing
mangigising sa’yo at sisigaw ng Tanghali na, ano ba! Hindi ganun si Nana Tinang.
Gustung-gusto niya na matulog kami! Pero siyempre nakakahiya naman kung buong araw
kami matutulog. Maaga na ang 10 AM para magising kami pag bakasyon dito.

I'm not sure kung ngayong araw ang balik nina Andreau, hindi kasi sila nagtetext
sa'kin. Honestly, nagtatampo ako sa kanilang apat. Akala ko kasi part ako ng team
for this docu. I thought kasama nila ako sa shooting, assistant or kahit tagapunas
man lang ng pawis or gaffer (Hah. As if!). Yun pala, binabayaran lang ako ni
Andreau para ayusin ang papers for his project. Wow lang.

Is this because I've been away from San Ignacio for a long time kaya hindi niya ako
matanong ng something? Look, matagal man akong nawala dito pero kilala ko naman ng
mga kababayan ko. Hey Andreau, I'm not dumb! Hindi nga lang ako nage-excel sa
academics pero street smart naman ako!

10:15 AM na sa relo ko, time to get up and take a bath. I was mentally listing down
my schedule for today: swimming, swimming, hiking, eating.. eating.. Ugh. Limang
araw pa lang ako dito sa San Ignacio tapos wala na akong magawa? Sana matapos agad
ang shooting nila dito para pwede na akong magbuhay baboy! Ang hirap namang ipakita
ang tunay na kulay sa harap ng isang superstar. Yuck.

I was busy picking my outfit for the day (outfit = tokong, sando or shirt) when I
heard children laughing outside. Sino naman kaya ang kalaro nila? Hindi pwedeng si
Nana Tinang, nagluluto na yun ng lunch namin. Amoy na amoy ko na ang sinigang na
hipon niya dito sa kwarto! Curiously, I peered outside the window and inmediately
spotted the white Urvan.

White Urvan!? Shit, they're back.

Panic started to arise inside me. Nandito na agad sila? Ba't wala man lang akong
nareceive na text from them? I checked my phone and damn, nagtext pala sa'kin si
Addie last night. I must've opened it while half-asleep. Balik kami ng 6AM dyan!
See you!

My god. Kamusta naman ang itsura ko? Mukha akong bruha at ang lala pa ng morning
breath ko! What if nasa sala sina Andreau pagbaba ko? Malas, madadaanan ko pa ang
sala bago makapunta sa CR! Damn it!

Sumilip ulit ako sa bintana para icheck kung nasaan sina Andreau. Sana wala sila sa
sala. Sana wala. Sa--

Oh. My. God.

Unlike Kesh, I don't like men with abs. Sign of vanity para sa'kin yang mga mala-
pandesal na abs eh. Most men only do it for ego boost, using fitness as their
alibi. Hindi naman nakikita lagi ang mga abs nila, not unless kung trip nilang
magtopless araw-araw. Ugh, Neanderthals!

PERO OH MY GOD.

The thing that I just saw..

Kesh warned me about this. Nasa beach nga kami and there's a huge possibility na
makita kong nakatopless si Andreau. Heck, I've seen some topless photos of him from
a fashion show and it didn't affect me like this.

My god. Andreau Cortez. Topless. Toned. Wet. Gleaming. Mostly naked.. if not for
his wet red swimming trunks.

Triple shit, Kesh. Where in the hell are you?

My throat went dry, eyes fixated on him. Shit, I'm already ogling at him. Siguro
matatawa si Kesh sa scenario na 'to: mula sa second floor ng ancestral house nila
ay minamanyak ni Scheherazade Pascual si Andreau Cortez na tahimik at inosenteng
naglalakad sa may seashore. I could picture her face now. Lord.

Kesh told me that he has a perfect acromion, and boy was she right. Other than
that, I can see the strong line of shoulders, the trim narrowness of his hips, his
strong legs.. and damn, his adonis belt.

Listing down his sexy features made me blush profusely, and continuing the list
would turn me into an erotica novelist.

Yes. Andreau Cortez took my breath and sanity away.

Napako na ang mga paa ko sa bintana. My mind tells me to stop staring but my eyes
won't cooperate.  Napapadalas tuloy ang pagbanggit ko kay God ngayon, thanks to
Andreau. Sana hindi niya ako makita. Sana hi--

"Zade!"

Muntikan na akong mahulog sa bintana, thanks to whoever broke the Cortez evil
spell. Si Roldan pala yun, nakaupo sa may hagdanan ng kubo nila. Shit shit shit!
Kanina pa ba siya dun!?!? Did he see me.. ogle at Andreau!?

Oh my god nakakahiya!

"Uy Roldan!" I let out an awkward smile, eyes avoiding him. What to do? What to
say? "What time kayo nakarating?"
Hindi ko mahulaan kung yung ngiti ba niya e nang-aasar o sadyang walang meaning
yun. "Mga 7:30! Grabe tulog mantika ka pala! Ang ingay namin kanina dito, tas sabi
ni Butchoy tulog ka pa rin."

Come on Roldan, just say it! Nakita mo ba ako o hindi? My god ang awk--

"Good morning, Zade."

Shit, that Good morning voice again! Ganun ba talaga dapat ang tono niya? Parang
nang-aakit na ewan! My eyes slowly drifted to Andreau, the topless Andreau and, of
all things, I nodded at him. "Good morning din!"

Swallow me now, Earth. That image would forever be etched in my mind.

**

The rest of the day passed by like a blur. Natulog lang silang apat right after ng
lunch. I tried my best to distance myself from Andreau para makarecover ako from
that shock. I molested him inside my head, baka siya pa ang mangailangan ng
counseling at di ako.

Pero.. medyo nalungkot ako sa narinig ko kanina. According kasi sa Gantt Chart ni
Andreau, nasa 75% na sila ng shoot and material needed nila for the docu. Marami
silang nakuhang kwento and footages sa three-day stay nila sa kabilang barangay.
Dahil dun, they will leave four days earlier than scheduled.

Mas obvious ang lungkot kay Nana Tinang, tuwang-tuwa kasi siya sa apat. Hindi kasi
sila palaasa at demanding, lalo na si Andreau. Akalain mong siya pa ang naghugas ng
pinagkainan namin kanina?! Nagulat nga ako na alam niya kung paano gamitin ang
dishwashing liquid!

Pinilit ni Nana Tinang na tapusin nila ang two week stay nila sa'min kaso tumanggi
sila. May taping daw kasi si Andreau para sa isang episode ng drama anthology ng
network nila. Si Roldan naman babalik ng US for vacation, at sina Ge at Addie (na
couple pala! I didn't notice!) naman ay may summer class. Pero nagpromise si
Andreau na dito sila magsi-stay sa last four days nila since hindi pa nila
naiinterview ang barangay namin.

Ako? Of course I'm kinda sad. Una, wala pa akong participation sa mismong docu.
Pangalawa.. mamimiss ko rin silang apat. Sana bago sila umalis makapagbonding kami
dito!

**

Habang himbing na himbing ang mga bisita namin sa pagtulog, kabaligtaran naman ang
nangyari sa’kin. Naging yaya lang naman ako ng mga apo ni Nana Tinang! After ng
siesta, para nakalunok ng unli Energizer ‘tong mga bagets. Ako nga hindi
nakapagsiesta! May inayos pa akong paperworks para sa bracketing ko sa upcoming
school year. Thank goodness may signal dito ng broadband!

Maghapon kaming naglaro ng mga bagets: habulan, piko, tumbang preso, luksong baka
(of course, ako ang baka), langit-lupa.. lahat ng larong kalye na alam ko tinuro ko
na sa kanila. Nakakamiss ang childhood dito sa probinsya! Ngayon lang ulit ako
nakaapak sa buhangin! Kanina pa nga ako pinapagalitan ni Nana, buong araw na raw
akong nakapaa. Eh sa masarap sa paa yung buhangin! Dati.. kakaunti lang kaming bata
dito eh. Karamihan sa mga kababata ko wala na dito, nasa Manila na rin at nag-aaral
ng college. Yung iba naman, nagtrabaho na raw. Ako lang ang bumalik dito ngayong
summer.

Naglalaro kami ng langit-lupa ng bandang 5:30 PM nang lumabas sina Ge at Addie sa


kubo nila. Wow, halata sa kanila ang pagod! Dumiretso sila sa bahay ni Nana Tinang
para maki-inom ng malamig na tubig. Sina Andreau kaya?

“Ate Saysay!” tawag sa’kin ni Butchoy. “Pwede ba natin isali sina Kuya Andreau sa
laro natin? Gising na sila eh!”

Bigla kong naalala yung image ni Andreau.. oh god. “Uhmm.. wag na muna, Choy.
Tingnan mo, pagod pa sila eh. Bukas baka pwede na!”

“Wow.. spokesperson na pala kita ngayon?”

I froze. Shit, ba’t habit nila ni Roldan ang sumulpot!?

Nagsitakbuhan ang mga bagets sa likuran ko, todo sigaw ng Kuya Andreau Kuya
Andreau! Ah shit! This is really really embarrassing! I slowly turned around to
face him. Triple shit, his Cortez Charm Smile greeted me. “Ah.. sorry! Akala ko
tulog pa kayo.”

“Nagising kami sa ingay niyo,” Andreau teased, still flashing that smile of his.
Medyo annoying pala ang Cortez Charm Smile pag lumagpas ng one minute!

He looked so.. normal right now in his white cotton shirt, khaki shorts and flip
flops. Normal nga pero shit, bakit parang pupunta pa rin siya sa pictorial? Ganito
ba talaga pag artista, kahit newspaper lang ipasuot mo magmumukha pa ring haute
couture? Uhm lately medyo nagiging exaggerated na ata ako.

“Kuya Andreau Kuya Andreau tara laro tayo!” yaya sa kanya ni Butchoy sabay hila ng
manggas ng t-shirt niya.

Andreau crouched down, levelling his height to the kids. “Pass muna ako ngayon,
kids. Masakit kasi likod ko. Bukas na lang, ha?” natigilan siya saglit at
napatingin sa kubo. “Wait lang, may kukunin lang ako sa loob. Saglit lang talaga!”
Dali-dali siyang bumalik sa loob ng kubo, leaving me and the children wondering.
Ano naman kaya ang kukunin niya? Moments later he came back with his dSLR. Wow..
photoshoot?

“Okay lang ba na picturan ko sila?” ako na pala kinakausap ni Andreau! “I have this
folio an—“

I can’t help but smile. Ang cute rin pala niya pag medyo nahihiya. Okay saan galing
yun, Pascual? “Ask the children, not me.”

Bago matanong ni Andreau ang mga bagets, nagsitalon na ito sa tuwa. “Dali kuya
gusto namin ng picture!”

Wala nang nagawa si Andreau kundi picturan sina Butchoy. Nakakatuwa siyang
panoorin.. makikita mo talagang passion niya ang photography. He’s laughing with
the kids! New fact: Andreau Cortez is good with kids.

“Say!!! Say!!!” tawag sa’kin ni Nana Tinang, papunta sa’min. At kasama pa niya si
Roldan! Dala-dala pa niya yung tsinelas ko. “Sabi ko sa’yo magsuot ka ng tsinelas!
Mabubog ka dyan!”

Kinuha ko sa kanya yung tsinelas ko. “Nana naman! Namiss ko lang ‘tong sand!”

“The sand here is great,” comment ni Andreau. “Greater than Boracay’s, I think.”
Whoa, English na naman!

Nana Tinang kinda blushed. Wow, 58 years old and blushing! Lakas ni Cortez! “Eh
kasi ‘tong si Zade, lagi na lang nakapaa! Parang bata!”

“Ganun talaga, Nana. I’m a born nelipot,” I stated proudly. All of them shot me
weird looks. “What? May mali ba akong sinabi?”

Roldan grinned at me. “Anong nelipot?”

Ah okay, they want me to explain! “Uhmm.. nelipot is someone who loves to walk
barefoot.”

Butchoy whispered something to Andreau, then the latter spoke, “Sabi ng ate mo,
mahilig daw siyang maglakad nang nakapaa.” His gaze turned to me afterwards. Okay..
ba’t amused na amused siya? “Bad example yan sa mga bata, Zade. They should wear
slippers all the time, lalo na sa sandy areas. They might contract ascaris or other
kind of worms.”

Sa salitang worms pa lang nandiri na agad ang mga bagets at agad silang nagsuot ng
tsinelas nila. The kids bombarded Andreau questions about worms and stuff. Hah,
know-it-all kasi eh! Pakialam mo ba kung mahilig akong magpaa?

While he wasn’t looking, I secretly put on my slippers. Hindi naman ako takot sa
worms, baka mabubog lang ang mga paa ko.

xxxx

April 15 (Day 6)

 “Hala Roldan teka lang,” nahihiyang sabi ni Nana Tinang habang inaayusan siya ni
Addie ng buhok. “Baka mabulol ako sa camera! Kinakabahan ako.”

“Naku naman Nana! Okay lang po yan! Hindi niyo naman po kailangang tumingin sa
camera eh. Kwentuhan lang po ‘to, pramis!”

“Sure ka dyan ha? Baka mamaya magmukha akong bruha!” her eyes searched for Andreau,
who was just standing behind her. “Andreau.. kinakabahan talaga ako. Sorry sa
abala!”

“No worries, Na,” he replied with a smile. “You’ll do great! Wag niyo na lang ho
pansinin ang cameras. Okay lang po yan.”

Hay, he can really get away with everything because of that smile! Sana naman
mapagod ang facial muscles niya di ba!

Tinupad nga nina Andreau ang promise nila, sa barangay na namin ang huling shooting
place para sa docu. They spent the whole day filming around our barangay pero hindi
pa rin nila ako sinama. Nakakapagtampo naman ‘tong si Andreau! Apat na araw na nga
lang sila dito tapos.. okay fine wag na umasa!

Isa si Nana Tinang sa pinakamatapang na babaeng kilala ko, along with my Mima. She
may look frail but once she opened her mouth.. bam! Matalas ang dila niyan, kaya
nga siya ang barangay captain dito sa’min. Yin at yang sa kanya ang tapang at bait.
Kaya nga bilib ako kay Andreau, napapayag niya si Nana sa isang video interview.
Ilang beses na siyang umayaw sa mga ganyan, si Andreau lang pala ang katapat niya.
She’s also harboring a teenage crush on him, and that’s a big plus.

I kept my distance from them, baka kasi pag nakita ako ni Nana biglang magbackout
yun. Tahimik kong pinanood si Andreau habang bini-brief niya si Nana sa interview.
Ibang-iba siya dun sa napanood ko sa Waiting Shed at ibang pelikula niya.. he’s
more serious. And damn, a serious Andreau Cortez is very very attract—

My annoying ringtone—which I assigned for Kesh—disrupted my little fantasy. Lumayo


ako sa kanila at nagtago sa likod ng kubo. “What?” I said, a little annoyed.

“Okay.. bakit ka galit dyan ha?”


“May ginagawa kasi ak—“

“So.. any news?”

Her eagerness annoyed me more. “Wala akong napansin, okay? They’ve been working so
hard on this project. Actually they’re interviewing Nana no—“

“As in WALA!? Come on, girl! Baka may so—“

“Wala nga!” tuluyan na akong nainis. Ano bang magagawa ko, wala namang something
fishy sa magbest friend. My mind can be imaginative enough.. but Andreau’s so nice
to me, to us.. nakakaguilty na pag-isipan siya ng masama!

“Whoa Zades sorry!” Kesh sounded kinda hurt. “I’m just asking!”

“Sorry about that, K. Hindi kasi magandang.. pag-isipan sila ng masama. They’re
good people. Tsaka.. so what if may something sa kanilang dalawa? What if they’re
really in love with each other? Masama na bang mainlove ngayon sa same sex? Gra—“

“Sinong in love with the same sex?”

For the nth time this week, muntik ko nang mahulog ang mumurahin kong phone.
“Roldan ano ba!!!” I screamed at him. The cocky grin on his face irked me more.
“Not funny. Sa susunod nga wag kang manggulat!” Pero shit.. what if kanina pa siya
nakikinig!? Lagi na lang akong hinuhuli nito!

“Sorry naman!” he didn’t sound apologetic at all. “So.. sino naman yang binibigyan
mo ng love advice?”

Shit, he heard it alright! “Uhmm.. just a friend. Actually.. I’m having a hard time
giving her advice...”

“Advice? About what?”

“Uhmmm..” wala na, Zade. Ituloy mo na ‘to. “Kasi yung crush niya.. she’s.. kind of
heartbroken right now. She just found out her crush is gay.”

Roldan slightly nodded, looking more interested now. “O tapos? Let me guess.. may
boyfriend yung crush niya?”

“Yup! Ang problema.. hindi niya alam kung paano siya magrereact. See, ayaw niyang
maging awkward sila nung crush niya. Magkaibigan din sila eh..”
Collecting his thoughts, Roldan fell silent. Did I trigger something? “Ah! She must
respect his decision,” he simply said, face showing no emotion. “Tayo lang naman
ang masusunod kung sino ang dapat nating mahalin eh. Fuck what society thinks!”
naging agitated siya bigla. Uh oh.. “As for your friend.. marami namang iba dyan.
She mustn’t waste her time for someone unworthy.”

Gusto ko sanang sabihin Hugot pa ba, Roldan? kaso baka soplahin ako nito.

**

Roldan’s answer bothered me the whole day. Sinasadya ba talagang ganun ang isagot
para maguluhan ako o yun talaga ang stand niya regarding same sex relationships?
Mukha naman siyang seryoso.. or not. Ugh, napapala ko talaga!

Nanahimik na lang ako buong araw at nagtago sa bahay. Feeling ko kasi sinabi niya
kay Andreau yung tinanong ko sa kanya kanina at baka.. iniisip na nila na sila ang
tinutukoy ko. This is so frustrating!

Sinadya kong matulog throughout dinner para hindi ako makasabay sa kanilang lahat.
Kung anu-ano kasing naiimagine ko kina Andreau at.. oh god brain shut the hell up.
Respect nga raw, sabi ni Roldan. Fine, kung may something man sa kanila, I must
respect them.

Pinakiramdaman ko munang mabuti ang paligid bago ako lumabas ng kwarto ko. It’s
already 9:30 PM, and surprisingly tahimik na sa labas. Tulog na siguro sina
Andreau! Pwede na rin akong kumain sa wakas!

I heard a familiar laugh as I walk down the stairs. Shit, wrong move. Kaya pala
tahimik sa labas, nasa kusina sila. Hindi pa ba sila pagod? Matulog naman sila,
please?

Taking a deep breath, I emerged casually inside the kitchen. “Uy gising pa pala
kayo?” sabi ko. Lumapit ako kay Nana para magmano. “Sorry nga pala, Na. Masama
pakiramdam ko kanina, di ko na napanood yung interview niyo.” Nginitian lang ako ni
Nana at inabutan niya ako ng plato na may pagkain na. “Thanks Na!”

She bade us goodnight, leaving the five of us in the kitchen. Isa-isa na rin silang
nagsi-tayo sa kinauupuan nila at nag-good night na rin sa’kin. Oh great, anong
meron? Pinag-usapan ba nila ako kanina? Dagdag pa ‘to sa paranoia ko!

I didn’t notice Andreau was still there, sitting on his chair and looking at me.
Bigla tuloy akong naconscious. Sinabi kaya sa kanya ni Roldan yung kanina? I’m
doomed.

“Di ka pa inaantok?” I asked him casually. Hindi tuloy ako makakain!


“Ano kasi..” Wait a minute.. tama ba yung narinig ko or imagination ko lang?
Nahihiya ba si Andreau?

Natawa ako sa itsura niya, parang nahihiyang ewan. “Ano yun?”

“Gusto mo bang sumama sa’min bukas?”

Whoa. Ba’t siya nahihiya sa’kin? May sinabi dito si Roldan! “Saan naman?” chill
kong tanong. Deep inside kinakabahan ako! Ba’t siya biglang naging ganito?

“Sabi ni Mang Nestor.. pwede raw maglakad sa dagat bukas since.. low tide? Am I
right?”

Okay, the shy Andreau Cortez is now my official favorite. He looked so lost and
innocent.. ang sarap niyang iligaw o pagtripan! “Ah oo bukas ng umaga. Pwede niyo
makita yung corals and starfish. You should be up by 7, mga 10 or 11 kasi tataas na
ulit yung tubig.”

“So sasama ka?”

Smiling at him, I nodded. “Oo na sige na. Wala naman akong ginagawa dito, tsaka
miss ko na rin yung feeling na maglakad sa dagat.”

Todo ngiti rin siya sa’kin. Wow, what’s wrong with him? Ang weird weird lang! “Okay
then. See you tomorrow!” dali-dali siyang tumayo at lumabas ng kusina, leaving me
confused and happy at the same time.

Hay, Andreau Cortez is such a confusing guy.

xxxx

April 19 (Day 10)

I grimaced at my phone when I saw the date today.

Last day na nina Andreau dito sa San Ignacio.

Araw-araw ko namang ikinukondisyon ang sarili ko para sa last day na ‘to. Kulang na
nga lang na i-chant ko ang Aalis din sila, Zade. Wag kang masyadong maattach sa
kanila, okay? Lalo na kay Andreau!

Pero.. nakakalungkot pa rin.


Kasalanan ko kasi ‘to, pumayag pa ako na sumama sa kanila dun sa ocean walktrip
nila. Sinadya ko na ngang magpahuli pero etong si Andreau.. sinamahan pa ako.
Tahimik nga lang siya the whole trip dahil sobrang engrossed siya dun sa sea
creatures na nakita niya. He took photos of almost everything he saw! Para siyang
bata nung nakakita siya ng starfish at sea anemone! Mas magaan ang aura niya ngayon
compared dun sa Andreau na nakilala ko two months ago noong Valentine’s Day. He
seemed well rested now and happier. Ako lang ata ang nag-iimagine nung last one.

Akala ko huling gala ko na yung ocean walktrip na kasama sila. The next day niyaya
niya ako sa trekking site ng San Ignacio. Buong araw kaming nasa bundok! Doon ko
nalaman ang isang secret ni Andreau Cortez: he’s afraid of heights. Sobrang namutla
siya nung tumawid kami sa hanging bridge! Ang higpit nga ng kapit niya sa ropes!
Ang dami kong tawa nung nakita ko yun. Luckily Gerald took a video of him while
crossing the bridge. Pag hindi raw sila nanalo sa contest, pamblackmail daw ni Ge
yun kay Andreau. Hah, beat that!

Three days ko lang sila nakasama pero ang lapit na ng loob ko sa kanila. Those
first impressions I had about them? Maling-mali pala. Akala ko sobrang yabang yng
mga taong kagaya nila, the artsy and yammings (I learned that term from Kesh. Akala
ko kung ano, mayaman lang pala ang meaning non!). Nakakatuwa nga, ang bilis nilang
maka-adapt dito sa community namin, lalo na si Andreau. Ni isang reklamo wala
kaming narinig sa kanya. Ang galing din niyang makisama sa mga tao dito sa’min. Oo
na, everyone loved him here. May ilan ngang ayaw na siyang pabalikin sa Manila!
Wild!

I was lucky enough to have a chance to see the different faces of Andreau Cortez.
Mas lalo akong humanga sa kanya bilang tao. Sure, he’s a very popular actor and all
but to see him in his simplest makes me proud of him. Hindi lahat ng artista ganito
sa likod ng camera, buti na lang may kagaya niya.

Oo na, malungkot na ako. Ang dami ko ngang nalaman tungkol sa kanya pero siya.. may
nalaman ba tungkol sa’kin? Well, he’s not here to get to know me personally..
kaso.. gusto ko lang naman na may matandaan siya tungkol sa’kin. Ayokong matandaan
niya ako na si Zade, yung babaeng naglakad ng papers namin at muntikan nang
makaapak ng sea urchin sa San Ignacio. Ayoko ng ganun. I believe I did something
great for him, and I don’t like him to forget about that easily.

Masama bang humiling na sana.. matandaan ka ng taong hinahangaan mo? Ang dami kong
naipong pictures niya sa utak ko, and sure akong hinding-hindi ko makakalimutan yun
agad. Eh siya kaya? Sa dami ng kinunan niyang pictures dito.. nahagip naman kaya
ako? And if ever man kayang nahagip ako, would he still remember me months from
now? O lalagpasan lang niya ang picture ko?

Ugh. I so don’t like the dramaqueen Zade. Itutulog ko na nga lang ‘to.

**

Just as expected, uneventful ang last day nila dito sa’min. Buong araw na nasa
kapitolyo sina Andreau para mag-interview ng local officials at nag-ayos ulit ng
ilang papers. Actually niyayaya nila akong sumama but I declined. Ang sakit talaga
ng katawan ko sa kakagala namin. At ayokong mamiss silang masyado.
Dahil ayaw kong madepress, pinuntahan ko na lang yung mga kababata ko sa kabilang
barangay at dun ako tumambay the whole day. Kaso nakakainis, hanggang dun ba naman
si Andreau ang topic namin! Kelan pa nagkaron ng rabies ‘tong mga kaibigan ko? Five
years lang kaming di nagkita tapos fans na sila ni Andreau!? They even asked me
about the Roldan-Andreau thing. Unbelievable.

Sa totoo lang.. ayokong umuwi sa bahay nina Nana. Shit, ngayon lang ako nagkaron ng
separation anxiety! As if namang super close ako sa kanila! Ngayon ko lang kasi
ulit nakitang buhay na buhay ‘tong barangay namin eh. Pag umalis sila.. balik na
ulit sa dati. Wala nang thrill.

Naabutan kong naglalagay ng bags si Gerald pagkauwi ko ng bahay, around 10 PM. “Aga
ng uwi natin ah!” biro niya sa’kin. “Hindi ka ba papagalitan ni Nana?”

I shook my head in reply. “Sanay na yun sa’kin. So.. how did your interview go?
Maayos naman ba silang kausap?”

“Yep! We got more than we wanted. Ay nga pala, hinahanap ka ni Andreau!


Iinterviewhin ka raw niya.”

He.. what!?! Interview!? Ngayong GABI!? Triple shit naman, Cortez! Is he serious?
Kung kelan aalis na sila tsaka.. Oh well, at least iinterviewhin na niya ako!
Nakakakaba naman ‘to!

Sa may dampa raw niya ako iinterviewhin so pinuntahan ko siya dun. Lord, ano namang
sasabihin ko dito? Baka magmukha akong tanga! Nandun nga siya, nakaupo at inaayos
ang video camera niya.

I silently sat beside him and he didn’t flinch. Kaasar, gugulatin ko pa naman sana.
“Sure kang iinterviewhin mo ako?” paninigurado ko. “Why now? I mean.. you had the
chances days ago.. why only now?”

“I need you to adjust first,” Andreau replied while adjusting the camera. “Five
years kang nawala dito, I just thought.. it would be easier for you to answer
questions after few days.” Finally, naayos na rin niya ang camera niya. “Ready?”

Damn, he’s smart. Kung tinanong niya ako nung unang araw pa lang.. I’m sure wala
akong maisasagot na matino. I admit, nashock ako sa ilang pagbabago dito sa lugar
namin. Buti pa siya naisip yun!

“Naka-on na yan?” turo ko sa camera sa harapan ko. He nodded and encouraged me to


say something. “Ha? Anong sasabihin ko? Wala ka bang question or something?”

Pinause muna ni Andreau ang camera. “Just.. say your name.. and tell me about your
childhood here.” Then he pressed the record button again.
“Uhmm.. I’m Scheherazade Pascual.. 16 years old.. uhmm. Ano ba? Wait lang,” I
cleared my throat, and Andreau laughed faintly. “Five years old ako nung lumipat
kami ni Mima dito sa San Ignacio. I call my mom Mima. Infant thing, it stuck till
now. Anyway.. at first ayaw ko dito sa’min, wala akong kalaro at ayoko talaga ng
buhangin dati. Lumipat kami dito dahil kay Nana Tinang. She offered us to stay here
since.. ang hirap ng buhay namin sa Manila. So ayun..”

“What’s it like growing up here?”

“Mahirap, syempre. Before.. nung buhay pa si Tata Greg.. asawa ni Nana.. mahirap na
eh. Halos lahat ng tao dito sa barangay namin nakadepende sa dagat. Back then hindi
pa kagandahan yung mga bangka nila pero grabe yung huli. Nakita niyo ba yung cargo
ships kaninang umaga? Wala yan dati. Tapos.. one thing that amazed me was pag bored
sina Tata Greg, magbababa lang sila ng lambat sa may tabi ng bangka tapos iiwan
nila for three hours. Pag binalikan nila, may huli na agad!

Medyo mahirap yung buhay namin ni Mima sa Manila dati. Tinapa everyday! Imagine my
surprise nang makita ko na nagtitinapa pala sila dito! Nana Tinang taught us how to
dry fish and squids. Too bad, wala masyadong budget ang barangay para magawan ng
social enterprise ‘tong pagtitinapa. They used to have a small place beside the
barangay hall, nandun pa yun bago ako umalis. Ewan ko na kung anong nangyari.”

Himala, nakikinig sa’kin si Andreau. Akala ko mabobore lang siya sa kwento ko.
“Where’s your mom, anyway? Is she in Manila?”

“Nasa New York si Mima ngayon,” proud kong sagot. “Chef na siya dun for 6 years.”

“So si Nana Tinang ang nag-alaga sa’yo the whole time?”

“For a year lang. Mag-isa lang ako sa Manila nung high school.” Hindi naniniwala si
Andreau sa sinabi ko. “Palipat-lipat ako ng schools before. Long story, completely
irrelevant to the topic.”

He was about to ask something, baka follow up question, kaso di na niya tinuloy.
Inusog niya ang camera palapit sa’kin. “Based from what you’ve seen.. ano sa tingin
mo ang malaking threat dito sa inyo?”

“Obviously those cargo ships! Sa dagat nila nirerelease yung wastes and toxins
nila. Ewan ko ba kung mga tanga sila o ano. Hindi ata nila alam na kumakapit sa mga
isda yung toxins, and it’s harmful for humans!”

“Seryoso?” he sounded so shocked by my revelation. “Pati yung mga galunggong na


kinain natin kahapon?”

The look on his face.. PRICELESS! Parang maduduwal na ewan si Andreau! “My god
don’t worry about it! Live your life dangerously kahit ngayon lang! Tsaka alam mo
ba na ang nagpapasarap sa mga pagkain ay yung mga dumi?” He was terrified already
so I had to do something. “Joke lang! Eto naman, masyadong health conscious!”

Gaining his composure, he replied, “Ayoko lang na mamatay dahil sa fish poisoning.
At hindi ka magaling magjoke.”

Wow, was that an Andreau Cortez bitch slap? Pasalamat siya nage-enjoy akong
kausapin siya ha! “Hindi na ako uulit, promise. Anyway, can I ask you a question?
What made you decide to pick our place in the first place?”

“I told you, Any—“

“Aside from Ate Anya’s suggestion. I won’t buy that anymore.”

“Fine. This place.. somehow reminded me of California. Happy?”

“California? Bangag ka ba? I’ve never been there pero I’m sure ang layo nitong
lugar namin sa California!”

Bigla siyang nalungkot. May inaalala ba siya or something? “Physically it isn’t the
same.. but.. there’s something..” he trailed off. Ano ba ‘to, pabitin!

“Aha! Querencia!” I exclaimed proudly. Nagtaka na naman siya sa sinabi ko. “It’s a
Spanish word which means a place where one feels at home, the place where you are
your most authentic self.”

Shit, that smile again. Ba’t ba hindi na lang yung Cortez Charm Smile niya ang
gamitin niya sa’kin? Kinikilabutan ako sa ngiti niyang ‘to eh!!! He’s.. really
amused. “Do you always do that?” tanong niya sa’kin.

“I do what?”

“That thing with words.”

“What thing with words?”

“Do you always have a word for everything?”

“That would be impossible. Hindi lahat ng salita sa mundo ay may direct translation
sa ibang languages.”

 “I know tha—“

“And we’re having a logomachy right now.  An argument over words.”


Parehas kaming tumawa. God, ang layo na ng napuntahan ng usapan namin! Talking to
him like this is actually great. Thank goodness at hindi awkward ang atmosphere.

“Nawiweirduhan ka na sa’kin ano?”

Umiling siya. “Not at all. I find your love for weird words.. amusing. Ano nga
course mo?”

“Comparative Literature.”

“Epekto ba yan ng pagbabasa ng lumang libro?”

“Judgemental ka! Hindi naman puro lumang libro ang binabasa namin!”

“Oh I see.. so never ka nagkaron ng judgement sa’ming Film students?”

He caught me there. Uso kasi sa university ang stereotypes sa bawat course. Sa


course namin lagi nilang sinasabi na nakakatamad, daming binabasa, nosebleed etc.

“Fine. You want the truth? I think.. kayong Film students.. gusto niyo lang gumawa
ng poverty porn para matawa na art film. Hey, I know what poverty porn means!”

Nagulat siya sa sinabi ko pero hindi naman naasar. “So sa tingin mo.. poverty porn
‘tong ginagawa namin?”

“Is that a trick question?”

“Just answer me, Zade.”

“Actually..” shit ayoko na. Answer him daw eh! “At first.. yes. This is for a
contest after all. I was a little bit reluctant about this. Ayokong maexploit ‘tong
lugar namin, sobrang exploited na nga ang dagat, pati ba naman mga tao. It’s kinda
sad to know na maraming filmmakers ang gumagawa ng poverty porn just for the heck
of it. They don’t even know what it’s like living and breathing poverty everyday.”

“Hindi ‘to magiging poverty porn, promise,” the assurance on his tone calmed me
somehow. Cortez charm talaga! “I actually hate poverty porn. Pwede naming gumawa ng
pelikula o dokyu na hindi tungkol sa kahirapan.”

“Kalma lang, boss. No one’s arguing with you,” I paused for a while, ang lamig
kasi. “Sa totoo lang, I’m thankful na dito niyo napili gawin ‘tong dokyu niyo.”
“Bakit naman?”

“Aside from nakauwi ako nang libre..” natawa siya. “I believe that this docu could
help us a lot. Maraming artsy fartsy activists and environmentalist ang sure na
manonood niyan, plus your rabid fangirls.. nako, sobrang ganda niyan!”

“Don’t patronize it yet, wala pang editing. But yeah, I can picture the final
product clearly. Thank you for this, Zade. You made this possible.”

Ay walang hiya uwian na! Quotang-quota na ako sa kilig! Grabe, this shameless crush
on Andreau Cortez is really wild.

Sa sobrang wild, hindi ako nakatulog nang mahimbing sa kakaisip ng ngiting ‘yon.

At dahil sa ngiting ‘yon, hindi ko na nakita ang pag-alis nila kinabukasan.

-A&Z-

Two updates tomorrow! Yay! <3

=================

[6] What's In A Name

Maraming nagtatanong kung bakit araw-araw akong nag-uupdate ng TSIB pero sa TMEUAS
hindi. Gusto ko lang ilabas ang ideas na pinigilan ko for three years kaya
sinusulit ko habang masipag pa ako XD

Two chapters tonight! <3

-A&Z-

Chapter 6: What’s In A Name

Two months later..

First week of June

“Are you excited, superstar?”

I rolled my eyes at Kuya Lean’s sly remark as we entered the Film Institute’s
auditorium. “Superstar ka dyan. Baka five seconds lang ang exposure ko sa docu,
don’t expect too much.”

“Aba malay mo ikaw nasa start ng docu! Ang nega mo ata ngayon, Zades.”

Sa bandang likuran kami umupo, doon na lang kasi may available seats. May ilang
girls ang napatingin kay Kuya Lean at naghello. He smiled back at them. “I’m cranky
okay?” I complained as I gingerly sat on the chair. “Dapat sa Saturday pa ang balik
ko! Thank your lucky stars I like you and Ate Anya a lot.”

He chuckled in delight. “Sorry for hauling you back here, Ms. Pascual. Napag-utusan
lang ni Commander Casabueno. Magrereport pa ako dun mamaya, noted yang reklamo mo.”
Nasa student council meeting si Ate Anya ngayon, siya kasi ang na-elect na vice
chairperson last elections. Kung last school year mas madalas kong kasama si Ate
Anya, feeling ko mas mapapadalas kong kasama ang goofball/basketball heartthrob na
‘to ngayong sem. Graduating na kasi sila sa April! Ang bilis ng oras!

“Ba’t ba hindi mo iniwan sa sasakyan yan?” he pointed at my large Jansport


backpack. “May laman bang ginto yan?”

“Hah, funny. May tinapa ako dito sa bag, baka kasi mangamoy sa kotse mo.”

“So you brought your bag with tinapa inside the auditorium? Unbelievable.”

Next week pa ang start ng first semester (finally, I’m a sophomore!) pero etong
sina Kuya pinabalik ako kaagad. May special screening kasi ang entries ng docufest
na sinalihan nina Andreau ngayon at dahil walang date si Kuya Lean, pinilit ako ni
Ate Anya na samahan siya. Maraming babaeng may rabies dito sa campus, she told me
over the phone two nights ago. Mahirap na, baka maulol pa ang boyfriend ko bago ang
graduation. Bantayan mong mabuti, okay? Intense, ang dami na talagang nagkakaroon
ng rabies dahil sa kagwapuhan ng ilang nilalang!

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon para sa docu. Halos two
months na rin kasi mula nung nagshoot sila sa San Ignacio and we haven’t heard a
word about it since. Well, hindi ko naman masisisi sina Andreau, sobrang jampacked
ang schedule niya! After matapos ng teleserye nila ni Jillian, may kasunod na naman
siyang project, but this time, si Sarah Morales ulit ang kapartner niya. Nakakaawa
nga eh, naospital si Andreau last month dahil sa fatigue. Bilib nga ako sa kanya,
kahit ganun ang schedule niya, nagawa pa niyang maging hands on sa page-edit ng
docu. Sabi ni Ate Anya, right after ng tapings ay dumidiretso raw si Andreau sa
apartment nina Gerald at Addie para mag-edit. See, dedication!

Kaya hindi na ako nagulat nang mabalitaan ko last week na nanalo sina Andreau ng
first place sa docufest na ‘yun. Tuwang-tuwa sina Nana Tinang at ang buong
fisherfolk community ng San Ignacio sa balita! Sinubukan nga nilang ininvite si
Andreau para magpasalamat kaso hindi kaya ng schedule ni Big Boss. After pa ng
special screening na ‘to magpapadala si Andreau ng DVD copy ng docu, as per contest
rules. Actually, kanina pa ako kinukulit ni Nana Tinang thru text. Gawan ko raw ng
paraan para makausap niya si Andreau at magpapasalamat daw siya. Mas namiss pa niya
ata si Andreau kesa sa’kin!
“Male-late raw siya,” Kuya Lean whispered to me minutes later. He was referring to
Andreau. “Kakagaling lang niya sa dubbing for their next episode. Man, buti buhay
pa siya sa schedule niya!”

“Saan kaya natin siya pwede i-meet?”

“Sa dark room daw, second floor.”              

I scanned the auditorium, hoping to spot Roldan, Gerald and Addie. Wala rin sila.
Bakit kaya?

Lights dimmed as the first documentary started to roll. Six documentaries ang
ipapalabas ngayon, at pinakahuli ang kina Andreau. Save the best for last!

Interesting naman ang ibang documentaries kaso.. poverty porn sila para sa’kin. Two
of them featured street kids/informal settlers, may isa namang tungkol sa Payatas.
Tama nga si Ate Anya, bihirang inaaddress sa mga docu ang fisherfolk. Dagat Ng
Buhay ang title ng docu about sa San Ignacio, and I think ito ang pinaka-
anticipated sa screening. May ilan ngang high school kids dito, obviously gusto
lang nilang makita si Andreau. At least may matututunan sila kahit paano habang
nagihihintay sila sa idol nila.

Bglang naging wild ang kaninang serious atmosphere sa loob ng auditorium.


Confirmed, halos lahat nga ng nanonood dito ay Dreausters! Sino nga bang matinong
estudyante ang babalik sa campus para manood ng mga docu kahit di pa officially
start ang sem? Apparently hindi kami kasama ni Kuya Lean dun, napilitan lang kaming
pumunta dito.

“Tangina talaga nitong si Andreau,” Kuya Lean said to himself, laughing and shaking
his head at the same time. “Wild kung wild ang fangirls pucha! Tingnan mo yun,”
tinuro niya yung dalawang babae sa may kanan namin. Muntik na atang himatayin si
Ate!

“Wala pa naman si Andre—“

Ah kaya naman pala. Nasa stage na ang Man of the Hour! Yung totoo, galing ba siya
ng dubbing? Ganyan ba suot niya sa dubbing LANG!? The blue v-neck shirt he’s
wearing perfectly fits his body.  And boy, he definitely rocked that dark washed
jeans!

Kaya naman pala grabe makatili ang mga babae dito. Ang gwapo pala niya ngayon!
(Kelan ba hindi?)

Wala na kaming naintindihan sa sinabi ni Andreau dahil sa mga irit ng mga


malalanding ‘to. He said something about San Ignacio, I think. Sa susunod nga
magdadala ako ng tranquilizer pag pupunta ako sa Andreau Cortez-related events!
Eventually tumahimik din ang mga malalandi nang nagstart na ang Dagat ng Buhay.
Shit, intro pa lang naiiyak na ako! Alam kong may sariling ganda ang San Ignacio
pero.. nakikita rin pala yun sa video. Ang ganda ng shots nina Ge at Addie! Pwede
pa palang makita sa ibang view ang bayan namin. I saw familiar faces: sina Butchoy,
mga kapitbahay namin, si Mayor Pablo.. yung mga kaibigan ni Nana Tinang.. pati yung
nagbebenta ng balot sa’min, kinunan nila! The cinematography’s good, plus ang swabe
pa ng voice over ni Andreau. Para kang nanonood ng informative music video! Even
the girls in front of us were amazed by the information they’re hearing.

No words could express my happiness right now. Gusto ko na ngang takbuhin si


Andreau para magpasalamat. Sigurado akong matutuwa si Nana Tinang nito!

A light tap on my shoulder brought me back to reality. “Nasaan ka na dyan?” tanong


sa’kin ni Kuya Lean. “Malapit na ata ‘tong matapos pero wala ka pa rin.”

“Baka nasa dulo pa ako? I don’t know.” Pero oo nga.. wala yung interview ko sa
naunang scenes. Logically it was supposed to be there. Ang panget naman kung dun pa
sa dulo yung akin! Nonsense na nga pinagsasabi ko tapos yun pa ang closing.

Natapos ang docu na hindi ko nakita ang sarili ko. Nakakalungkot naman, akala ko
isasama ni Andreau yun! Sabagay, wala namang kwenta pinagsasabi ko dun, bakit niya
ilalagay? But still.. it’s kinda sad. Dapat pala hindi ako nag-expect.

“Okay lang yan, Zades,” Kuya Lean tried to cheer me up. “Next time pa ang time to
shine mo. Magaling ang pagkakagawa nila!”

I ignored his ramblings as I watched the credits closely. I’m sure kasama ako di—

What the hell. Wala ako sa credits.

Wala ang pangalan ko.

Nandun lahat ng pangalan ng mga ininterview nila: sina Nana Tinang, Mang Nestor,
Mayor Pablo, mga babae sa tinapahan, yung mangbabalot.. pati nga mga pangalan nina
Butchoy nandun eh! Pero bakit yung pangalan ko, ako na nag-asikaso ng lahat ng
paperworks para magawa nila yang docu na ‘yan.. wala?

I’m beyond mad. I know, this is so irrational of me but.. damn it! I just bared a
part of my soul to Andreau Cortez, a complete stranger. Hindi ko basta-basta
kinukwento sa mga kakilala ang buhay ko yet I trusted him that information. Okay
lang naman sa’kin na hindi niya gamitin yung interview niya sa’kin.. but not
acknowledging my name? Ibang kwento na yun.

I angrily stormed off the auditorium, leaving Kuya Lean behind, confused.
Nakakainis, pati ba naman ‘to iiyakan ko. Pahamak pa ‘tong backpack ko, ang bigat!
Sa may gilid ng stairs ako pumunta, thank god walang tao. May Q&A portion pa naman,
mamaya lalabas ang mga tao.
Why in the hell am I crying? Ayan kasi Zade, ang hilig mong umasa. Hindi ka na
natuto!

“Zades!” I heard Kuya Lean shouted from a distance. I have no energy to answer so
pumulot na lang ako ng mineral water bottle sa may paanan ng stairs at binato sa
hallway. He appeared seconds later, looking so worried. “Tangina anong nangyari?”

“W-wala naman Kuya,” sagot ko. I gingerly wiped the tears off my face. Damn Andreau
Cortez! Dati acting lang niya iniiyakan ko, ngayon siya na mismo!

“Bakit k—“

“Lee!”

GREAT. JUST GREAT.

Andreau suddenly appeared behind Kuya Lean, and he was surprised to see me there.
“Za—“

Kasama ba sa pagiging sanguine ang prone to rage blackouts? Hindi ata, pero yun ang
nangyari sa’kin. Forget his attractive looks and sexy stance, Zade. He’s an enemy
right now. It all happened so fast that it even shocked me. Kanina alam kong nasa
stairs ako, umiiyak at nagdadrama.. tapos ngayon..

Nasa harapan na ako ni Andreau Cortez..

And with all my might, hinampas ko sa kanya ang backpack ko.

Wala akong pakialam kung saan siya tinamaan o kung nasaktan man siya. Boy, I am
really really relieved! Seeing him crouching in front of me is definitely worth it.
Kelan pa ako naging sadista? Kay Andreau lang.

“What the hell!?” he whimpered, hands massaging his belly. Hah, wala palang sinabi
yang abs mo eh! Weak! “What was that for!?”

“May Gantt chart Gantt chart ka pang nalalaman!” I shouted at him angrily. “What
the hell, Andreau? Do you think you can toy me around because you’re so freaking
popular? Excuse me, kung hindi dahil sa’kin..” huminga muna ako ng malalim. Naiiyak
na ulit ako leche. “Kundi sa’kin.. hindi mo magagawa yang docu mo, which is by the
way, beautiful BUT!!! What the hell, Andreau?” Hahampasin ko sana siya ulit ng
backpack kaso pinigilan ako ni Kuya Lean. “Damn it kuya isa na lang! Pagbigyan mo
na ako!”

“Zades tama na,” natatawang sabi sa’kin ni Kuya Lean. Hinila niya ako palayo kay
Andreau. “Kalma ka—“

“Hindi ako kakalma hanggang di nagsosorry yang epal na yan!”

“Why are you fucking mad at me, anyway?” Andreau screamed back. Whoa, he’s cussing
now. I really pissed him off.

“Don’t you dare cuss at me! Nakakairita ka!”

He then turned to Lean, who was obviously enjoying this. “Ano bang problema niyan
ha?”

“Wala raw yung interview mo sa kanya sa vi—“

“That’s not it!” bumitaw ako sa hawak sa’kin ni Kuya Lean at lumapit ulit kay
Andreau, “Tanggap ko naman na wala yung interview ko eh. Pero damn it, Andreau! I
know this is irrational but I am mad at you.”

“For what!? Look, about the video..” he sighed. Medyo kumalma na siya. “Your
interview.. I’m sorry about it. The camera I used for your interview was stolen
when I went to Miami last month. That was my personal camera, by the way. Nandun
din lahat ng pictures nina Butchoy at Nana. Believe me, gusto ko talagang ilagay sa
docu yung interview mo.”

Ang tanga naman nito, hindi nagback up! “That’s not my point! My name wasn’t
included in the credits!” Ugh, ang babaw pala ng pinaglalaban ko dito. Pero gusto
kong magsorry siya sa’kin. “Bakit wala dun yung pangalan ko?”

Mas naguluhan ata si Andreau sa pinagsasabi ko. “What? Nandun kaya pangalan mo!”

“Wala dun!” I turned to Kuya Lean for support. “Kuya, did you see my name there?”

Siguro natakot siya sa’kin kaya umiling siya. “Wala dun, Dreau. But.. I did see a
Shaira Pascual there.”

SHAIRA PASCUAL!?!?! Shaira? Meron nga akong nakitang ganun sa credits niya. So that
was.. me? Triple shit, ang layo naman ng Scheherazade sa Shaira!!

My irritated gaze shifted to Andreau, na parang gulat na ewan. “Care to explain


that, direk? Sino si Shaira Pascual? Was that.. me?”

“Fuck this,” he mumbled angrily. “You’re Shaira, right?”

Oh my God, this is ridiculous. “I’m going to pretend that you didn’t say that.”
Nang hindi siya nagreact.. “Oh my god. You thought my name was Shaira, didn’t you?”

Two months ago I witnessed the different faces of Andreau Cortez. Kabisado ko pa
lahat nang yun until now. Pero nothing would ever compare to his embarrassed face.
I’m staring at it right now, and it’s really epic.

Kuya Lean’s laughter broke the tension between us. Galak na galak siya sa away
namin ngayon. “Puta, seryoso ka Dreau?” he managed to blurt out breathlessly,
“Hindi Shaira pangalan niyan! Lagot ka!”

“Bakit Shaira, Andreau? Saan mo napulot yun?” kalmado kong tanong sa kanya.

Then.. I heard the most absurd answer of all time.

“I.. I forgot your name.”

 “You what?!” pinagtitripan lang ba ako ng lokong ‘to? Unti-unting bumalik ang inis
ko sa kanya. “Pano mo nakalimutan ang pangalan ko, ha? I was with you the whole
time! You could’ve asked me my name! Sina Addie nga alam ang full name ko!”

Hiyang-hiya na si Andreau ngayon, he kept looking at the floor and he’s fidgeting
his fingers. “I’m so sorry. Una kong ginawa yung credits than the editing so.. I..”

“You think my name’s not worth knowing, huh? You think my name’s ugly?”

His eyes grew wide in annoyance. “Hey! I didn’t say that! Saysay lang kasi ang
narinig kong tawag nila dun sa inyo. I.. just guessed your name. I’m sorry.”

“Hindi panget ang pangalan ko, Andreau. Tandaan mo yan.”

“What’s your name, then?”

“Ikaw ‘tong pumunta sa café namin months ago tapos hindi mo matandaan ang pangalan
ko?” My angry tone didn’t affect him that much anymore. Umaacting lang ba siya
kanina at seryoso na ‘to ngayon? “My name’s Scheherazade Pascual. Don’t you ever
forget that.”

Natawa siya sa sinabi ko pero nung pinandilatan ko siya.. “Oh, you’re serious?
That’s your name?”

“Kung nabubulol ka, Zade na lang,” singit ni Kuya Lean.

Realization hit him upon hearing my nickname. “I knew it! I k—“


“Don’t bother to cover up your ass, asshole. Just don’t talk or ask favors from me
anymore. Ipadala mo na lang kina Nana yung DVD copy and make sure Zade na yung
nakalagay dun.” Wow, I stood up against a celebrity. Saan ko naman nahugot ‘tong
tapang ko? Tama nga si Kesh, anger can drive you to do anything.

I was about to leave when Andreau caught my arm and gripped it lightly. “Look
Zade,” he sounds really sorry now. “I’m very very sorry fo—“

“Nga pala,” barado pala sa’kin ‘to. Inabot ko sa kanya ang isang plastic ng tinapa.
“Pinapabigay nga pala ni Nana yan sa’yo. Bisita ka raw sa’min ulit. Apparently,
nakakamiss ka raw.”

Low blow naman ata ang sarcasm ko, mukhang nahurt si Andreau. Buti nga! Sakitan ng
feelings pala ang theme ngayong araw eh! “Zade..”

“Let go of me right now, Andreau. You don’t want a scene di ba? Just.. don’t talk
to me anymore and we’re good.”

With that, he let me go. Aray, akala ko pa naman magsosorry pa rin siya sa’kin.
Shooting ng pelikula, Zade? Umalis na ako sa vicinity bago pa magsilabasan ang mga
tao sa audi.

Lesson learned: Wag masyadong umasa, Zade. Lalo na sa mga katulad niya.

Artista nga naman si Andreau. Sa mga mata niya, isa lang akong fan.

And just like other celebrities, kahit ilang beses mo pang ipagsigawan at ipaaalala
ang pangalan mo, hindi nila maaalala yun.

Because.. you’re just a fan.

-A&Z-

Next chapter's there!!! >>>

=================

[7] Miscalculation

You asked.. :)

-A&Z-
Chapter 7: Miscalculation

A week later...

THURSDAY. 8:30 PM. Café Feliz.

It’s official, sophomore na ako!

Hah, ako lang ata ang excited pumasok ngayong school year. Halos ng blocmates ko
tinatamad o kinakabahan para sa year na ‘to. Puro majors at core courses na kasi
kami pag second year, unlike last year na puro general education subjects lang. Mas
naeenjoy ko pa nga ang majors kesa sa GE subjects, paimportante minsan.

Last day of enrolment na ngayon, at isa ako sa mga humabol kanina sa cashier para
magbayad. Nalate kasi ng padala si Mima ng tuition ko at blockbuster ang pila sa
Cebuana kanina. Buti na lang inextend nila ang registration period until 7 PM! Iba
na pala ang oras ng shift ko dito sa café. From 1PM – 8PM, naging 10 AM – 2PM dahil
may class ako ng 3-7 araw-araw. Nakakaasar naman ‘tong binigay sa’kin na sked!

Hindi namin shift ngayon pero nandito pa rin kami ni Kesh. Paano ba naman, nacorner
ako nina Ate Anya at Kuya Lean sa cashier right after kong magbayad. I’ve been
avoiding her calls and texts for a week now. Malakas ang pakiramdam ko na may
sinabi ‘tong si Kuya Lean sa kanya. Imposible namang org stuff ‘to, wala namang
announcements sa Facebook group namin about the activities and stuff. What’s going
on?

Well.. tama pala ako sa hinala ko. Kasalanan nga talaga ni Kuya Lean kung bakit ako
gustong kausapin ni Ate Anya.

Oh, make that may pinakitang video si Leandro Abarquez.

Tanggap ko naman na wala yung interview ko eh. Pero damn it, Andreau! I know this
is irrational but I am mad at you.

Care to explain that, direk? Sino si Shaira Pascual? Was that.. me?

Fuck this. You’re Shaira, right?

I.. I forgot your name.

I couldn’t believe it. In front of me was a video footage of that embarrassing


encounter I had with Andreau Cortez. I don’t know how Kuya Lean managed to record
this! Ni hindi ko nga matingnan yung phone! Ugh, I sounded so childish that time!
Seven days kong sinubukang kalimutan yung moment na yun. Seven days na rin akong
hiyang-hiya sa ginawa ko.

Ate Anya didn’t hide her disappointment on me. She kept on shaking her head
profusely as she let me watch the footage. “My god, Zade! Why’d you do that?”

“Babe come on,” Kuya Lean piped in. “Self defe—“

“Andreau didn’t even attack her.”

“Oo nga but you have to admit it’s so damn funny. Right?” tuwang-tuwa pa siya
habang pinapanood ang footage. “Ano Zade, bilib ka na ba sa’kin? Nakunan ko ng vide
—“

I sighed, on the verge of crying again. “I said sorry na—“

Kuya Lean shook his head. “She didn’t. Don’t dare to lie, Zades. You walked out
after that.”

Never akong napapunta sa Principal’s office nung elementary at high school and I’ve
always wondered kung anong feeling nun. Now, meron na akong clue kung ano.
Nakakaiyak pala. “Oo na, nagwalk out na ako! Fine! Eh sa nakakaasar talaga siya
eh!” I grabbed Kuya Lean’s phone and deleted the video. “Alam kong may kopya ka pa
sa laptop mo. Suit yourself.”

“How did y—“

“You two shut the fuck up!” nagulat kami sa sudden outburst ni Ate Anya.
Nakonsensya ako, kakagaling lang niya sa student council meeting tapos.. ganito pa
kami ni Kuya Lean. She removed her glasses and massaged her temples. “Ikaw Leandro,
manahimik ka muna. You have a big part on this one. Better shut up or els—“

“Hindi ka naman makikipagbreak sa’kin eh. Don’t dare to us—“

“Fuck you, Abarquez. I mean it.” Kuya Lean clammed up instantly. She’s scary.
“Zade, I know na iniisip mong pinapagalitan kita. Which is obviously what’s
happening right now. Gets ko naman yung point mo, you have every right to be hurt.
But why’d you have to resort to physical violence?”

“I-I.. did it on impulse.”

“Ang laki pa naman ng bag mo, Zades! Lee, was he hurt?”

“Hindi naman. Pero yung ego niya siguro.. basag.”


I rolled my eyes at that statement. “Ako lang may karapatan na mahurt sa’ming
dalawa noh! Kapal din niya kaasar. Buong araw na kaming magkasama tapos hindi niya
raw natatandaan ang pangalan ko? What a lame excuse!”

“Mahirap naman talaga matandaan pangalan mo eh! Pati ipronounce!”

Here we go again! Sa dami ng taong kilala ko, si Ate Anya lang ang tumama sa
pronunciation ng Scheherazade pag nagpapakilala ako. Cheherazade nga ang sabi ni
Kuya Lean nung binasa niya ang ID ko last year.

A thin concentration line was formed on Ate Anya’s forehead. Oops, genius mind
working! “Pero that’s weird.. I know Andreau’s busy pero organized siyang tao. And
he’s good with names!”

“Tsaka sinabi niya dati yung pangalan ko, nung pumunta siya dito. And Shaira?
Unbelieva—“

“Don’t change the subject, Zades,” Ate Anya said sternly. “Sinaktan mo pa rin yung
tao. Dapat magsorry ka sa kanya. Sa laki at bigat ng bag mo, baka nagkapasa si
Andreau.”

Pumasok na naman sa isip ko yung topless na Andreau. My god, what if nga nagkapasa
siya? Yung abs ni—Okay manyak Zade, tama na. Hindi na healthy para sa’yo ang mag-
isip ng mga ganyang bagay.

“Sige na nga, magsosorry na ako,” halos ibulong ko sa sobrang hiya. “But how? Ang
ilap niya kaya dito sa campus!”

Finally, Ate Anya smiled at me. “You’ll find a way. Magkikita naman kayo siguro
somewhere.”

“Nako Babe, imposible ata yan,” Kuya Lean interjected. “Zade kinda banished him
from her life.”

“Naaah. We’ll never know what will happen, babe. Pero.. I’m really curious about
this. I’m not buying Andreau’s reason..”

“Stop thinking about it, Yan. Kaya na yan ni Zade. Di ba Zades?” pinandilatan niya
ako so I just nodded. “See? No reason to get worked up.”

“You know him, Lee. Magtatanong kay Roldan yun. He always does! Kaya nga sila
naiissue eh!” tumigil na siya bago pa may madulas sa bibig niya. “Sorry, Zades.
Alam kong hindi pa oras pag-usapan ‘tong issue. I just had to know. Ayoko lang
magkaron ng rift between my friends.”
Teka alam kong wala sa lugar pero kinilig ako don. Feeling ko magkabarkada na rin
kami ni Andreau! “Okay lang, Ate. You’re just trying to help. I understand.”

“Don’t worry. Kakausapin ko yang si Cortez once na magkita kami. I’m curious about
his reason. Subukan niyang magsinuna—“

Kuya Lean placed his arms over her shoulders and pulled her closer. “Haay babe..
wag mo munang paandarin yang genius mind mo, okay? Let them be. Curiosity killed
the cat, you know.”

“And satisfaction brought it back to life, babe.”

Lord, ba’t ang sweet bigla? Kanina kami ni Andreau ang topic tapos ngayon.. PDA
galore na sila!

**

The next week.

Tuesday. 8:30 PM. Skyline Condominium Suites

Unit # 4700, 47th floor. Marisse Valerio.

Why am I even here, anyway?

Oh yeah. For a client.

Hindi ako call girl ha. Legit na trabaho ‘to! Si Ate Anya ang kumuha sa’kin for
this job. You see, mahilig magtutor si Ate ng mga kids pag may free time siya. High
school pa lang siya nung nagstart siyang magtutor sa mga kapitbahay nila sa
Muntinlupa. At first ginagawa niya yun because of boredom pero eventually nag-enjoy
na rin siya. Dun niya nadiscover na mahilig siya sa kids. Ginawa niyang sideline
ang tutoring ngayong college, and because of her excellence in academics, nakilala
siya sa campus bilang isang magaling na tutor. May ilang professors na ang naghire
sa kanya para magtutor ng mga anak nila. She’s really good at this.

Kaya nga nagulat ako nung nagtext siya sa’kin kagabi about this client. Hindi raw
niya maaccommodate dahil Graduating na ako, Zades. Tsaka may council pa. Isang
client lang naman eh. Don’t worry, recommended kita. Mabait naman yan!

Of course I couldn’t say no.

I’m not really sure about this thing. Okay naman ako sa mga bata, pwede rin akong
tutor kaso.. mayaman ‘tong client ko. Hello, Skyline Suites ba naman! Ito ang
pinakamalapit na condominium sa university at pinakamahal. Yung rich kids sa
kabilang university ang halos nakatira dito. Pangarap nga ni Kesh ang magrent dito
after graduation kaso sobrang labo. Unreasonable naman para sa’ming mga yagit ‘tong
lugar na ‘to!

Sobrang kabado ako para sa trabahong ‘to. Baka mataray yung nanay ng tutee ko. The
client’s name is kinda familiar. Marisse Valerio? I think I’ve heard the name
before.. saan kaya?

Pinindot ko na ang buzzer para matapos na ang kabaliwan ko. Papagalitan na naman
ako ng dorm manager namin pag late ako nakauwi! Stress!

Magdodoorbell ulit sana ako nang biglang bumukas ang pinto. There stood a woman, a
very familiar woman, smiling sweetly at me. Wait.. siya ba si..

“Zade Pascual, right?” tanong niya sa’kin. I dumbly nodded in reply.

Shit.. I’ve seen her somewhere. So—

“Oh my god,” I blurted out too quickly. “Wanderlust?”

Her chuckle answered my question. Triple shit, isa siya sa hosts ng Wanderlust, ang
favorite travel show ni Kesh during Saturdays. Grabe, inggit na inggit kami sa
kanya kasi kung saan-saan siya nakakarating! Ang ganda pa lagi ng content ng
palabas niya, nagca-cater sa lahat ng klase ng travellers. Nahahati sa two sections
ang isang episode ng Wanderlust, isa ay travel tips for the yammings, then the
other ones ay para sa mga nagtitipid pero gusto ng adventure.

God, hihimatayin si Kesh kung siya ang nandito.

“Yes, I’m that one. Come in!”

Nakakahiya, nagmukha na naman akong tanga sa harap ng isang celebrity. Amazing lang
kasi, dati nakikita ko lang sila sa TV tapos.. OMG lang. Ang ganda at ang laki ng
unit niya! Kitang-kita na isa siyang traveller, nakadisplay kasi ang souvenirs
kahit saan sa unit. May pictures, figurines.. basta ang dami! Nakakainggit! She
motioned me to sit down on the couch. “Wait lang ha? I’ll get Tristan,” sabi niya
sa’kin bago siya pumasok sa isang kwarto.

Minutes later, pinakilala sa’kin ni Ms. Marisse ang tutee ko, si Tristan, only son
niya. Meydo mahiyain ang bata, ayaw lumapit sa’kin. Pero ang pogi ha! I assume
half-American ‘to. “Tristan.. come on! Ate Zade wants to meet you!” paglalambing
niya sa anak kaso walang epek. “Sorry Zade, ha? Sira ang cable signal namin, di
siya nakapanood ng Spongebob kaya tinotopak.” Binaba niya si Tristan sa may carpet
para maglaro ng toy cars. Aba, mas natuwa pa sa plastic kesa sa’kin!

“Ah okay lang po! Ilan taon na po si Tristan?”


“Five! Ang gwapo, ano?” she said proudly. “Kaso ayaw pa niyang pumasok sa school.
Medyo loner kasi yan eh, laging may kasamang yaya since busy ako with my show. Anya
recommended you to me so tiwala na ako dun. She said that you’re friends and
orgmates, right?”

“Opo. Siya nga po yung ate ko sa campus, alongside with her boyfriend, Kuya Lean.”

Medyo kinilig si Ms. Marisse nung binanggit ko si Kuya Lean. Wow ha! “Hay nako yang
si Leandro! Ang tanga niya pag ‘di pa niya pinakasalan si Anya! They’re really good
together, right?”

Tama siya, sobrang tanga talaga ni Kuya Lean kung hindi niya papakasalan si Ate.
Pero doon din naman ang punta nun! Pustahan pa nga namin ni Kesh na magpopropose si
Kuya sa graduation eh! Aaahh kinikilig tuloy ako!

The shrill sound from the doorbell interrupted our chitchat. Napailing na lang si
Ms. Marisse. “Late na naman siya. Lagi na lang!” medyo irita niyang sabi. I offered
to open the door but she stopped me. “Bayaan mo na. Kunwari nagtatampo ako sa
kanya.”

Ay, she’s expecting someone other than me pala. Sino kaya yun? Daddy ni Tristan?
Bago ko pa malaman kung sino yun, naramdaman ko na parang sasabog na ang pantog ko.
I immediately asked kung nasaan ang CR at tinuro naman agad ni Ms. Marisse. Buti na
lang malapit lang!

Dinig ko hanggang sa CR ang boses ng isang lalaki, kaso di ko maintindihan ang


sinasabi niya. Wrong timing naman ata ako nito eh, family time!

Next time nga, I heard Ms. Marisse say, may pagtatampo, wag ka nang dumaan dito.
Tagal mo nang di nagparamdam ha! Miss ka na ni Tristan!

Damn, ang hina naman ng boses nung lalaki! Nahiya tuloy akong lumabas! Pero baka
naman pag-isipan nila ako ng masama, magnanakaw or something. Lumabas agad ako ng
CR after kong maghugas ng kamay. “Thank you po pala Ms. Ma—“

OH MY GOD.

OH MY GOD.

Nabanggit na ‘to ni Ricky Lee sa Para Kay B. Good Lord, eto na ba ang feeling ng
conjure?

I froze right on that spot, mouth wide open. Hindi ko na naintindihan kung ano ang
sinabi sa’kin ni Ms. Marisse. Damn it. No way.
A pair of eyes stared at mine, completely shocked as well.

My god. This is insane.

I think I just saw Andreau Cortez hugging Marisse Valerio.

=================

[8] That Awkward Moment..

Last update na bukas! Magreresume ako ng TSIB updates sa March 10! :)

-A&Z-

Chapter 8: That Awkward Moment..

Come on, Zade. Be rational.

So what now if they’re hugging each other? It was just a hug, a non-romantic one.
Bakit bibigyan ng malisya 'to? Bawal na bang magyakapan ang mga tao ngayon,
Pascual?

What are the possibilities anyway? Maybe they're colleagues (pwede, same network
lang naman sila) or they could be relatives. Ganun nga siguro.

Stop staring at them, eyes. Right now. It’s not your freaking business, anyway.

Eh bakit iba agad ang pumasok sa isip ko?

Si Andreau kasi 'to, at pag dating sa kanya.. ayoko nang mag-assume, nadala na ako.

Siya 'tong nas nagulat kesa sa'kin, nganga siya eh. Hala, baka isipin nito na
stalker ako! He awkwardly let go of Ms. Marisse's hold and cleared his throat.
"What are you doing here?" he asked me cautiously. Wow, ang taray!

Ms. Marisse glanced at me, then to Andreau. She's really confused right now. "You
know each other?"

"Yes," we both said at the same time. Uhm medyo agit lang tayo, Boss?

"Kuya Andreau!" di ko napansin si Tristan sa tabi ni Andreau, hila-hila ang manggas


ng polo nito. "Kain na tayo ng pizza! Gutom na 'ko!"
Andreau's stare made me super uncomfortable. Hindi ko siya masigawan dito,
nakakahiya kay Ms. Marisse. At ako naman si Fierce, gumanti ng titig. Saan ko kaya
nahugot 'tong tapang ko?

Pumunta sa table si Ms. Marisse at binuksan ang box ng pizza. “Nagdinner ka na,
Zade? Tara, join us! Di pa tayo tapos mag-usap.”

God, I am really hungry! Tsaka Hawaiian pizza pa yun.. tatanggi pa ba ako? “Si-sige
po. Thank you.” Ano ba uunahin ko, umiwas sa tiitg ni Andreau o kumain? Of course,
libre ang pagkain kaya doon ako. It took me two and a half seconds to break my
stare off him and headed towards the table. Umupo ako sa pinakamalapit na upuan sa
may table. Takot ko na lang na higitin niya ako palabas dito.

Andreau disappeared to the kitchen for awhile and returned with plates on hand.
Wordlessly, he put slices of pizza on the plates and handed them to us. For a
second there inexpect ko na hindi niya ako bibigyan ng pagkain! Naglagay siya ng
tatlong slices sa plato niya at binalikan si Tristan sa may sala. Thank god hindi
siya kakain dito sa table!

Ms. Marisse took the chair in front of me and sat down, grinning. “Small world,
right? Paano kayo nagkakilala ng pamangkin ko?”

Pamangkin. Pamangkin.

Lord, thank you for the patience and endurance you gave me. Buti na lang hindi ko
tinuloy ang bad thoughts ko about them kanina!!! I’m very relieved!

“Ano p—“

“Siya yung nag-asikaso nung sa San Ignacio,” Andreau interjected without looking
back at us. “Sa lola niya galing yung tinapa last week.”

What’s with him? Is he mad at me for being here? Malay ko bang tita niya si Ms.
Marisse! Okay that’s it, quota na siya sa’kin! Isa pang pagtataray niya.. lagot na
siya!

Ms. Marisse’s eyes widened with excitement. “Talaga? Oh my god ang sarap nung
tinapa! Pakisabi sa lola mo and the whole community thank you ha! That was
Andreau’s first directing award so sobrang happy ako for him!” Obvious sa kanya na
sobrang proud siya kay Andreau. Wait.. hindi niya alam yung ginawa ko kay Andreau?
Dapat ba akong matuwa o kabahan dun?

Triple shit talaga

Andreau completely ignored me afterwards, busy sila ni Tristan sa paglalaro ng


Candy Crush sa iPad nito (Hah, alam ko na iPad ni Andreau yun. Siya lang naman ang
may Captain America na iPad case dito sa Earth. Okay, exagge). Wala na akong pake,
mas masaya naman kakuwentuhan si Ms. Marisse kesa problemahin siya! We talked about
the tutoring schedule, mga gusto at ayaw ni Tristan.. the likes. Magkahalong kaba
at excitement ang naramdaman ko habang nag-uusap kaming dalawa. Spending more time
with Tristan means spending more time with Andreau

Teka.. paano ba ako nap—

Triple shit. Now I know why.

You’ll find a way. Magkikita naman kayo siguro somewhere.

Ate Anya set us up.

***

Ngayon alam ko na kung bakit host si Marisse Valerio. She’s so damn talkative.

Hindi ako naiinis or what. In fact, tuwang-tuwa ako sa mga kwento niya sa’kin.
Ininterview niya ako about sa San Ignacio after naming mag-usap about kay Tristan.
Sobrang nagandahan siya sa docu ni Andreau at dahil dun nacurious siya. Ang
nakakagulat pa, halos bukambibig ni Andreau ang lugar namin for days at pinipilit
pa siyang i-feature ito sa Wanderlust.

Ugh, ba’t ba ang bait mo, Cortez? Hello, nagtatampo pa dapat ako sa’yo ngayon!
Isumbong ko kaya siya sa tita niya? What a juvenile move, Pascual. Mawalan ka pa ng
trabaho eh!

Nagkwento rin siya about sa favorite travel destinations niya, and even showed me
pictures! Call me crazy pero feeling ko close na kami kaagad ni Ms. Marisse. Ang
dali lang niya kasing pakisamahan, at walang halong arte sa katawan niya. Attentive
rin siya sa mga kinukwento ko. At least siya, matatandaan ang pangalan ko. Di tulad
ng iba dyan...

Kaso natigil ang kwentuhan namin nang lumapit sa’min si Andreau, bitbit si Tristan
na tulog na. Dun lang naming narealize na 10:30 PM na. “Take him to his room na
lang, Dreau,” utos sa kanya ni Ms. Marisse habang tinatawagan sa phone niya. “Hello
Kuya Mike? Nandyan po ba kayo sa may lobby? May ipapahatid po sana ako sa inyo if
it’s okay lang... Ah okay. Sige thank you!”

Sinukbit ko na ang bag ko at nagready sa pag-uwi. Hah, hindi na ako kabado kay
Andreau! As if lagi kaming magkikita! I heard may bago siyang teleserye kaya
goodbye and good riddance sa’yo, Big Boss!

“Dreau,” I heard Ms. Marisse say as Andreau got out of Tristan’s room. “Ihatid mo
naman si Zade o. It’s kinda la—“
“Akala ko ba si Kuya Mike maghahatid?”

“Ay wag na po!” umepal na ako, baka kung saan pa mapunta ‘to. “Kaya ko na pong
umuwi mag-isa.”

“Ay hindi pwede, Zade. Responsibility na rin kita ngayon kaya you need to go home
safely. I called my driver already and he’s waiting outside,” pagpipilit ni Ms.
Marisse. Si Andreau naman ang kinulit niya. “Sige na, Dreau. Kahit hanggang lobby
lang! Hindi ka naman aalis ng elevator eh!”

Geez, ayaw talaga niya akong makasama ha. Kitang-kita sa mukha niya na inis siya
sa’kin. Hindi ba niya narinig yung usapan namin ng tita niya kanina? Nakakaloka
naman ‘tong lalaking ‘to!

“Baka naman po out of the wa—“

“Fine, ihahatid ko siya sa lobby,” he curtly said, halatang napilitan. Ang sama
naman nito.. nakakasakit na siya ha!

Tuwang-tuwa si Ms. Marisse sa pagsang-ayon ni Andreau. “Yey! Di naman out of the


way. Taga-19th floor lang naman ‘tong si Andreau, kebs na niya yan!”

SAY WHAT!? DITO RIN SIYA NAKATIRA!?!?!

Surprises, my heart. Aatakihin ata ako sa puso nito.

**

I could say na magaling akong maghandle ng awkward situations. Usually I know the
right things to say para mawala kahit paano ang awkwardness sa atmosphere. Minsan
nagbibigay ako ng trivias, quotes, pero ang default na sinasabi ko ay weird words.
Di ba, nadidivert ang awkwardness into something na pwedeng mapag-usapan? At least
effective!

Pero.. sa awkward moment na 'to, wala akong masabing trivia or word. Bibingo na ata
ako kay Andreau. Feeling ko sisigawan niya ako kapag nagsalita ako. Medyo traumatic
kaya yung pagmumura niya two weeks ago!

Walang tao sa hallway. Great, mas naging awkward. Kung titingnan parang hindi kami
galing sa iisang unit; mukha lang kaming nagkasabay sa paglalakad. He was
completely silent, face impassive and hands tucked in his jacket's pockets. Ano
kayang iniisip nito? Sana hindi murder plot against me! Matagal-tagal na
awkwardness 'to, mga 46 floors. Ayokong mapanis ang laway ko.
Damn, Andreau. Just.. say something.

As if he read my mind, Andreau glanced at me and mumbled something. "What?" tanong


ko. Wala akong naintindihan!

He shook his head. "Wala lang. Ang tahimik eh."

Ugh. Hindi ata siya magaling sa small talk.

Saktong kakabukas lang ng elevator nang dumating kami. Badtrip, walang laman. In
fairness, gentleman ata siya ngayon at pinauna pa akong pumasok. Please sana may
sumakay na iba. Please sana may sumakay. Plea--

Malas, walang sumakay na iba.

What to talk about? God this is so frustrating! Madali lang naman ang small talk,
Andreau. Try mo rin minsan para di ka magmukhang suplado! Umusog ako sa
pinakalikuran ng elevator, leaving him beside the controls. 46.. 45.. 44..

"Nga pala," at last! "I already sent the DVD to them. Napalitan na yung pangalan
mo." Hah, he's trying to sound casual but I could sense na kabado siya. "I'm really
sorry about that. And the whole team, too."

Medyo naguilty ako sa sinabi niya. Nung Friday kasi, pinuntahan ako nina Gerald at
Addie sa cafe para magsorry. Dumaan din si Roldan kaso tapos na ang shift ko kaya
tinext na lang niya ako. It was very sweet of them to apologize, kahit wala naman
silang kasalanan sa nangyari. Tapos eto ako, sobrang mapride at ayaw magsorry sa
ginawa ko kay Andreau. Kelan ka pa naging ganyan, Zades? Magagalit sina Papa at
Tata Greg sa'yo sa heaven nito!

"Uhmm.. Andreau.. ano.." ngayon pa ako nautal. 39th floor na aba! "S-sorry nga pala
dun sa.. bag.. di ko sinasadyang laksan yun. Dapat medyo mahina lang.." What the
hell did you just say, Zade!? Apology ba yun? God this is way more embarrassing!

“Okay lang,” he replied with a chuckle. Goodness at last tumawa rin siya! “I
deserve that one. It hurts a lot, though.”

“Ugh please okay lang bang wag na nating pag-usapan yun?”

“Fine by me. Wag mo lang uulitin ha? Lethal weapon mo yang backpack mo.”

Normalcy, I missed you so much.

Parang.. naiiyak ako sa.. saya? Sobrang relieved ako kasi kahit paano okay kaming
dalawa ngayon. Ngayon ko lang narealize na para akong sira para magtampo sa kanya
kahit nagsorry na siya. Kelan pa ba naging fair ang manakit pabalik, Zade?

Ugh, I’m such a girl.

“Sorry kung nasungitan kita kanina,” nilingon na niya ako. “I just had a bad day at
work and.. akala ko nandun ka kasi sinumbong mo na ako kay Tita.. Mali pala. I’m
really sorry.”

Napangiti ako sa confession niya. Grabe, his unguarded actions are so.. cute.
“Hindi ko nga alam na tita mo siya eh.”

“Seryoso?” he sounded so surprised.

“I don’t watch TV that much. Kilala ko kayong dalawa pero.. I didn’t know she’s
your aunt.” Napatingin ako sa position indicator ng elevator. 22nd floor na! “Hey..
19th floor ka, right?”

He nodded. “Ihahatid na kita sa lobby. Order ni tita, not mine.”

“Kaya—“

“Kilala mo ba si Kuya Mike?” Bwiset, binara pa ako. “Wag ka nang tumanggi. Ako
lagot kay Tita pag nalam—“

“Okay okay I get it,” I started to laugh, then he followed. Ayan na, naiiyak na
talaga ako sa sobrang tuwa! Okay na kami ni Andreau!

“Nga pala, thank you ha?” nagtaka siya sa sinabi ko. “Ano.. thank you kasi hindi mo
sinabi sa tita mo yung sa bag thingy. I need this job badly a—“

Andreau looked at me as if I said a bad joke or something. “Why would I do that?


Look, nakakalimot ako ng pangalan pero hindi ako naninira ng tao.”

BAKIT KA GANYAN NAKAKALOKA KA.

“And..” he added with a toothy smile. “You’re a good person, Zade. I saw the way
you cared for Butchoy and the other kids. I know you’d be a good tutor for Tristan.
Just don’t let him watch too much cartoons. Hindi makikinig yun sa’yo.”

AAAHHH GUSTO KO SIYANG YAKAPIN! Nananaginip lang ba ako habang hawak ang picture
niya kaya ako ganito? He’s being a sweetheart and sarcastic at the same time. How’s
that even possible?

My heart sank when the elevator reached the ground. Wow, namiss ko kaagad e katabi
ko lang? Intense lang! Ayoko na umalis dito sa elevator!

“Zade? Ayun si Kuya Mike oh,” tinuro niya ang lalaking nakablue na polo sa may
gilid. “Pakilala ka na lang ha? Tell him your nickname, not that weird name of
yours.”

Wala na, ayos na talaga kami nito. Ginagawa na niyang joke ang pangalan ko! Kung
yun ang ikakaayos naming dalawa, wala na akong pake. “Ah sige. Thank you nga pala
ulit. Pati na rink ay Ms. Marisse!” I stepped out of the elevator and waved him
goodbye. One last look, Zades. Matagal pa bago mo ulit makikita yan.

Just before the elevator closed, he shouted something.

“Scheherazade, right?”

Akala ko mali lang ako ng dinig.. It took me three seconds to understand what he
just said.

Damn.. he pronounced my name right. Unbelievable.

-A&Z-

:)

=================

[9] 72 Seconds With You

Gusto ko lang magthank you sa pagbabasa niyo ng The Spaces In Between! Kinakabahan
talaga ako sa magiging reaction niyo sa kwentong 'to. Thank you for your time! <3

Attached here is the pronunciation of Scheherazade. Right side, Youtube video! Alam
kong curious kayo! #TSIB pala sa Twitter for the lurkers hahaha :)

-A&Z-

Chapter 9: 72 Seconds With You

Two months later

August
Last year, I’ve developed a love-hate relationship sa August. Mababaw lang naman
ang mga dahilan ko: maulan at gitna na ng sem ang buwan na ‘to. Excited ang ibang
students dahil two months na lang before ang sembreak. Ako? Hindi masyado. As if 
may pupuntahan naman ako sa one month break na yun.

Two months went by so fast. Ang dami pang nangyari sa loob ng dalawang buwan na
‘yun: I turned 17 last July, nagpadala ng package si Mima, umuwi ako saglit sa San
Ignacio for Nana Tinang’s birthday, pasadong scores sa mga first exam at syempre,
ang tutor thing ko with Tristan. Everything’s doing great! Nakakainspire tuloy
gumawa ng mga bagay bagay!

“Uhmm.. Kuya Lean? Ba’t nga pala tayo nandito?” I asked him as we entered this
small grocery store outside the campus. Sinundo niya ako sa last class ko kanina
para sabay na kaming pumunta sa org meeting ng 7:30 PM. I’m not really sure kung
bakit tumigil kami dito sa grocery na ‘to. Nakabili na siya ng snacks ah?

Sinundan ko siya sa isang familiar na aisle. Oh gosh, seriously?

“Nangangailangan si Commander eh,” sabi niya habang kumukuha ng dalawang pack ng


sanitary napkins mula sa shelf. Grabe, hindi ba siya naaawkwardan sa ginagawa niya?
Kasi ako.. oo! Ako pa ang nagbublush kesa sa kanya!

He caught me staring at him, and laughed at my perplexed expression. “Don’t judge


me. I’ve been doing this for two years already.”

“I-isn’t that.. weird?” I murmured, too embarrassed to say more. Siya ang first guy
na nakilala ko na hindi nawiweirduhan sa sanitary napkins at menstruation. Nung
elementary kasi, pinagtatawanan ng mga kaklase kong lalaki yung mga friends ko na
may menstruation na, lalo na pag may tagos. Tapos nung high school naman, puro
eeeww ang sinasabi ng ilang boys sa lesson about menstrual cycle na. Bumili pa nga
sila ng napkin sa tindahan para makita kung anong itsura nun. Males.

“Sanayan lang, Zades. Tsaka takot ko na lang na hindi siya bilhan nito. She’s been
so hormonal since yesterday.” Casual niyang nilapag sa may cashier ang sanitary
napkins, na ikinagulat ni Ateng Cashier. Sarap sanang picturan nito, si Leandro
Abarquez, basketball player, bumibili ng sanitary napkins para sa girlfriend!
Hilarious!

Umuulan na nang dumating kami sa tambayan ng org namin malapit sa Arki building. We
saw Ate Anya waiting for us by the door, nakatitig pa sa cellphone niya. 7:25 pa
lang, hindi pa kami late!

“Yan!” Kuya Lean called her. Tinaas pa nito ang plastic bag na may laman na napkin.
“Nandito na nap—“

Ate Anya rushed to us and grabbed the bag from him. “Thank you so much ba’t hindi
ka nagrereply sa texts ko,” she hurriedly exclaimed before planting a quick kiss on
his lips. “Pay you later.” Nagmamadali na siyang tumakbo papunta sa CR.
Whoa, PDA level to the max na ba ‘to? Ganito ba talaga sa college, bigla na lang
naghahalikan ang couples sa public? Unbelievable. Ibang-iba talaga si Ate Anya pag
kasama niya si Kuya Lean, mas approachable at relaxed siya. Ugh, wag kang mainggit,
Zades! Baby ka pa!

“See? Worth the hassle!” Kuya Lean said, grinning.

Napailing na lang ako at dumiretso na lang sa tambayan. Hindi ko talaga gets ang
mga taong in love.

**

Aroudn 9PM natapos ang meeting namin, and as usual, Ate Anya insisted na samahan ko
silang magdinner ni Kuya Lean. Sa Mcdo kami pumunta at dahil sabit ako, libre nila
ang pagkain ko.

Last month marked the first year of our friendship. Parang kailan lang nung
tinulungan ako ni Ate Anya na magpagawa ng ID, at dahil sa’kin nalate siya sa
klase. Nung una nga natatakot ako sa kanya. She’s too.. intimidating. Isang tingin
mo lang sa kanya alam mong respetado siya dito sa campus, plus she’s beauty and
brains. Mas lalo akong bumilib sa kanya nung nalaman kong boyfriend niya si Kuya
Lean. Well.. more of nagulat. They’re super opposites!

Five minutes na nilang pinag-aawayan ang pag-absent ni Kuya Lean sa basketball


practice nila kanina (“Dapat umattend ka pa rin kahit wala kayong chance na manalo,
babe. At least nabanat yang mga buto mo. You’re getting fat already.” “Gee thanks
ha.) nang marealize nilang kasama nila ako sa table.

“Sorry, Zades,” natatawang sabi ni Kuya Lean. “See? She’s really hormonal right
now.”

Ignoring his side comment, Ate Anya stole some of his fries and turned to me. “Nga
pala, how’s the tutor thing? Okay lang ba si Tristan?”

Sabi na nga ba pag-uusapan namin ‘to. Last time na pinag-usapan namin ‘to ay the
day after I went to Ms. Marisse’s condo. Kakausapin ko pa lang siya about sa
Andreau thing pero may nakaready na siyang sagot for me. Told you so. Somewhere,
right? Topic closed na since then.

“Uhhmm.. okay naman. Mabilis namang matuto si Tristan! Gusto na nga ngayong
magpaturo ng addition sa’kin eh!”

Sa umpisa lang pala tahimik si Tristan. Uneventul ang first day ko sa kanya since
gusto lang niyang manood ng cartoons the whole time. Ayun, three hours kaming
nanood ng cartoons! The next day, hindi na ako nagpatalo.Taking Andreau’s advice,
nagdala ako ng cupcakes from the café para may suhol ako kay Tristan. Bawat lesson
na natatapos namin binibigyan ko siya ng cupcake. Himalang naging effective!
Ngayon? Chums na kami ni Tristan! Matalino siyang bata, madaling makapickup ng
lessons at very attentive. Mahilig din siya sa numbers! Kaso minsan nosebleed ako
sa kanya, ini-English ako. Tinuruan siguro ni Cortez!

“Eh si Andreau? Nagkita na kayo ulit? Ba’t wala ka dun sa birthday party niya?”

Hah. That’s a different story.

--

FLASHBACK

Wala akong kaalam-alam na birthday pala ni Andreau three days after naming magkita
sa condo ng tita niya. June 21. Si Tristan pa nga ang nagsabi sa’kin na birthday ng
pinsan niya. Nakakahiya.

Medyo nag-expect ako na dadaan siya sa condo nina Ms. Marisse nung araw na yun.
Masama bang bumati ng Happy Birthday? Si Kesh nga, pinipilit na akong isama siya sa
tutor session para makita si Andreau. Kaso.. hindi nangyari. Nasa Korea pala si Big
Boss, may shooting. Dun na siya nagcelebrate ng 20th birthday niya.

Kay Sir TJ pa namin nalaman na nagkaron ng surprise birthday party para kay Andreau
sa isang sikat na superclub. Speaking of, medyo nainis ata sa’kin si Sir TJ. Hindi
na kasi bumalik sina Andreau sa café ngayong sem, at medyo humina ang sales namin.
Tapos nalaman pa niya kay Kesh yung bag incident.. at inassume niyang yun ang
dahilan kung bakit di na sila bumibisita sa’min. Hay.

Invited ba ako sa birthday party? Of course not. It wasn’t my crowd and thing
anyway. Ni hindi pa nga ako nakakapagparty sa buong buhay ko! Of course, invited
sina Ate Anya at Kuya Lean dun. Asa namang imbitahan ako nun. Nakalimutan nga niya
pangalan!

A week after ng birthday ko nang nagkita ka kami ulit. Wednesday 1PM, last hour ng
shift ko sa café, nang bigla na lang silang sumulpot ni Roldan sa café. Inaayos ko
ang inventory nun habang si Kesh ang tao sa counter. Akala ko naimagine ko lang ang
boses nilang dalawa. Pero nang..

“Asan si Zade?” I heard Roldan asked Kesh.

Whoa gising, Scheherazade. Totoo nga sila.

It brought me back to that night.. that elevator shit. Kinikilabutan ako (in a good
way) pag naaalala ko yun. He pronounced my name right. He’s second person, aside
from my parents, who got it right. Kinilig ba ako? TINATANONG PA BA YAN?
Pero talo ako ni Kesh. Mas kinilig pa ang baliw kesa sa’kin! “Nako girl!!! Feeling
ko ni-Youtube ni Andreau yang lintek mong pangalan!!!!” halos mabingi ako sa sigaw
niya.

“Youtube? Bakit naman?”

She dramatically rolled her eyes. “Duh! Paano ko kaya nalaman ang pronunciation ng
pangalan mo? Niresearch pa niya yun! Pustahan! Kiligin ka naman!”

Kung alam lang niya.

Hinihtay ko muna silang umalis sa may counter bago ako lumabas sa office ni Sir TJ.
Ngiting tagumpay at kilig ang nakita ko sa mukha ni Kesh. “Para kang sira,” asar ko
sa kanya. She scowled at me in reply.

Tiningnan ko ang orders nila. The usual coffee plus.. cupcakes? Ngayon lang sila
umorder ng cupcakes ha! Naumay na siguro sila sa BLT sandwich ni Sir TJ!

“Hoy girl,” inabot sa’kin ni Kesh ang tray na may order nila. “Ikaw na magbigay.”

“What? Off na ako in a while!”

“Aarte ka pa ba? Ikaw na! Gusto mo ba si Sir TJ pa mag-abot? I bet tatanungin niya
si Andreau about that bag inc—“

“Shut up!” kinuha ko na sa kanya yung tray. Ginawa na rin niyang blackmail ang bag
incident na yun. “Kasalanan mo kasi! Kinwento mo pa kay Sir!”

“Eh nagtanong siya! You know I don’t lie. Psychologists don’t li—“

“Wag kang feeling.”

“Basta.. don’t forget to greet him belated Happy Birthday!”

Sa sobrang inis, di ko na napigilan na kurutin siya sa braso. She yelped in pain.


“Ayoko ngang batiin yon! Baka isiping FC ako!”

“First name basis na nga kayo di ba? Scheherazade?”

Ugh. Ba’t ko nga ba siya kaibigan?

Sa pinakadulong part ng café pumwesto ang dalawa. Ano ba ‘to, nagtatago pa sila!
Kaya naiissue eh! Si Roldan ang unang nakakita sa’kin. “Yo Zade!” he waved at him
happily. Anong meron?

Shit, hindi ko matingnan si Andreau. Naconscious ako bigla! “Hi guys!” bati ko sa
kanila sabay lapag ng drinks nila sa table. Busy si Andreau sa iPad niya kaya di
ako pinansin. Gumagawa na naman ba siya ng Gantt chart? Hanep.

“Kanino ‘tong cupcakes?” tanong ko.

“Mine,” sabi ni Andreau. He turned off his iPad and looked at me smiling. “Hi,
Scheherazade.”

Holy mother. Did he just say my name.. again?

Please sana hindi ako nagblush! Muntik ko nang mabitawan ang platito ng cupcakes sa
sobrang gulat.. at kilig. Kumuha siya ng isang cupcake at tinikman ito. Shit..
hindi naman ako nag-iimagine, di ba?

“Seryoso, pangalan mo talaga yun?” natatawang sabi ni Roldan. “Cool! Pero hirap
bigkasin ha!”

“I-Youtube mo, merong tutorial dun,” Andreau managed to say while munching the
cupcake. “This is really good. Now I know kung bakit tumaba si Tristan.”

Oh my god.. paano niya nalaman yun? Nagsumbong ba si Tristan sa kanya?

Napansin ata ni Andreau na natahimik ako. “Relax lang, Zade. I won’t tell Tita
about it.”

“Eh paa—“

“Two weeks ago ko pa nakain yung naiwan mong cupcakes. You’re not good at hiding
things, by the way.” Bwiset, nang-asar pa. Tinago ko kasi sa pinakasulok ng
malaking ref nina Ms. Marisse yung natirang cupcakes last time. Sorry na!

Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan kaso malelate na ako sa klase ko. I immediately


excused myself bago pa sila magbukas ng bagong topic. Lord, ba’t ganun niya
banggitin ang pangalan ko? It came out of his mouth so naturally that it scared me
a little. At totoo nga, niresearch niya yung pronunciation!!! Nag-aksaya pa siya ng
oras! Hah, at least ngayon natatandaan na niya pangalan ko!

Kaso may nakalimutan akong gawin..

Hindi ko siya nabati ng belated happy birthday.


END FLASHBACK

--

Three days later...

Triple shit, I’m late.

Iisa na nga lang ang klase na papasukan ko ngayong araw tapos malelate pa ako.
Hindi na nga ako pumasok sa shift ko para tapusin ‘tong lintek na analysis paper
about Machiavelli’s The Prince. Ilang araw kong pinagpuyatan ‘to pero wala akong
mapiga sa utak ko. Naluto ata sa sobrang kilig.

Ang kilig kasi, sabi sa’kin ni Kesh kagabi habang iniiyakan ko ang paper kong ayaw
isulat ang sarili niya, ginagawang inspiration, hindi distraction! Look at you,
kilig kiligan kay Big Boss! May napala ka? Naisulat ba ng kilig yan nosebleed mong
paper?

Ugh. Kainis.

Badtrip pa, 2:30 PM ang klase ko, sa Arts & Letters building. Dismissal pa naman
halos lahat ng klase ngayong oras! Traffic na naman sa hallway! Bakit kaya ganun,
kung kelan ka nagmamadali sa paglalakad tsaka ginagawang Luneta ng mga
nakakasalubong mo ang daan? Wrong timing talaga!

Patay ako pag nalate ako sa klase. Kahit may allowance na 15 minutes after the time
ang considered na late dito sa university, saktong 2:30 PM ang pasahan ng paper
namin. May one point deduction per minute na late ka. Grabe talaga si Ma’am, hindi
na nga nagtuturo ng maayos, Hitler pa sa pagpasa ng requirements!

Saktong nagsisilabasan na ang mga estudyante from lecture classes nang makarating
ako sa second floor. Shit, imba ang siksikan level! Malas, sa dulo pa ang classroom
namin. Hindi ko ata araw ‘to! Less than two minutes na lang malelate na ako! Badt—

“Scheherazade!”

Triple. Shit.

Pangatlong beses ko pa lang naririnig na banggitin niya ang pangalan ko pero.. god,
kabisado ko na ang intonation ng boses niya. Himalang narinig ko pa ang boses niya
dito sa maingay na hallway na ‘to! Kelan pa ako nagkaron ng bionic hearing?

I instantly turned around, hoping to see him. Lately kasi hindi ako sure kung totoo
pa ba ang mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ko. Shit, totoo ba ‘tong nakikita
ko?
Si Andreau. Papunta sa’kin. Nakikipagsiksikan pa sa mga pawisan at problemadong
estudyante.

Shooting ba ‘to?

Ang galing lang, para siyang normal na tao sa gitna ng mga nagkakagulong
estudyante. Pag nandito siya sa campus.. normal siya. Hindi siya nakakastarstruck
na ewan. Pero.. lutang pa rin ang face! Si Andreau lang naman ang may ngiting
ganyan! And he’s not using the Cortez Charm Smile on me. Bakit kaya?

“Zade!” nagmamadali niyang sabi nang nakalapit na siya sa’kin. “Pupunta ka naman
kina Tita mamaya, di ba?”

I dumbly nodded. “B-bakit?”

May kinuha siyang paperbag sa backpack niya at inabot sa’kin. “Pabigay naman kay
Tristan. Sorry sa abala, ha? May emergency taping ako sa Bulacan so..”

“I get it. Ako na bahala.” With him around.. ang daling ngumiti. Palangiti talaga
ako pero.. basta, mas madali lang ngumiti ngayon.

“Thanks so much! I owe you one!” he flashed that mysterious smile again.
Nagpopromote ba siya ng bagong brand ng toothpaste kaya ganyan ang ngiti niya? In
fairness, effective! “I gotta go. See you around!” Kumaway pa siya sa’kin bago siya
tumakbo pababa ng hagdan. Nakakatuwa, ang normal niya dito sa campus!

Eto na naman po ang kilig na dulot ni Andreau Cortez! Grabe intense hind—

Ay shit. Anong oras na ba?

2:35 PM. Late na pala ako. Five point deduction na.

Okay lang, bawing-bawi naman.

---

March 10 pa ang next update! See you! <3

=================

[10] Unscripted
The shortest chapter.. ever (I think). Filler lang 'to since medyo mahabang
chapters ang 11 & 12! May updates ng March 11 & 13!

Nga pala, anong kanta ang sa tingin niyo na bagay sa Alphabet Couple (yes, eto na
ang tawag sa kanila hahaha!) Comment pag may naisip kayo! <3

-A&Z-

Chapter 10: Unscripted

Two months later...

OCTOBER

“Naku Zade, thank you so much for coming!,” bati sa’kin ni Ms. Marisse pagkabukas
niya ng front door nila. “I’m so sorry for the short notice. Wala kasi si Yaya
today. May sakit.”

I automatically smiled as I went inside her unit. “Okay lang po! Grabe, namiss ko
nga pong pumunta dito eh!” God, parang ang daming nagbago sa loob ng one month na
hindi ko pagpunta dito! Namiss ko ‘tong malambot na sofa! Haaaay life!

Last month kasi tumigil ako sa pagtututor kay Tristan. Hey, I wasn’t fired!
Nagpunta sila ni Ms. Marisse sa Chicago para bisitahin ang daddy ni Tristan. Every
year nilang ginagawa yun, part daw ng agreement nina Ms. Marisse at Sir Shane. See,
they’re not married, and wala rin silang planong magpakasal. Hindi kasi naniniwala
ang dalawa sa marriage (Weird, I know) and kuntento na sila sa status nila.

Pwede naman siyang magkagirlfriend eh, she told me habang tinutulungan ko siyang
mag-empake ng gamit ni Tristan last month. Nagulat kasi ako sa setup nila, akala ko
single mom siya! Kaso.. I don’t know about him! Ang daming girls ang nagkakagusto
sa kanya dun sa firm nila sa Chicago. Ako naman.. pwede ring magkajowa dito kaso..
kasing edad na halos ni Dreau ang actors ngayon. I’m so not a cougar!

First time kong makarinig ng ganung setup. I was about to drop it when she added, I
don’t know.. but that setup works for us. Di ko lang alam kung ganito ba kami
forever. I know one day Tristan will ask why are we doing this.. kaso.. it works
eh. Tsaka, we’re not the marrying kind. You’ll understand when you’re older, Zade.
Don’t think about this too much.

Iba-iba rin talaga ang takbo ng utak ng mga tao pagdating sa relationships, ano?
Mukha namang masaya si Ms. Marisse sa arrangement nila ni Sir Shane.. and she’s in
love with him. The way her eyes gleamed when she said his name.. hah. What am I
even saying? Kelan pa ako naging love doctor?

Anyway, one month nga akong hindi nagtutor. Sakto nga ang timing nun, last month
nagkaron ako ng malupit na analysis paper dun sa subject ni Prof Hitler! Makeup
project yun para sa paper ko na late kong pinasa dahil kay Andreau. Next time
talaga hindi na ako magpapadala sa kakiligan! Ibang klaseng consequences eh! Other
than that, umikot ang isang buwan ko sa café at dorm. Yeah, boring.

Tinulungan ko si Ms. Marisse na magbuhat ng malalaking boxes mula sa storage room


nila papunta sa sala. Bakit nga ba ako nandito? Tinext ako ni Ms. Marisse kagabi,
tulungan ko raw siya na maglagay ng Christmas decors sa unit nila. Sino ba naman
ako para tumanggi, di ba? Tsaka miss ko na rin si Tristan!

“Sa Monday na ang finals niyo, right?” tanong sa’kin ni Ms. Marisse habang sinosort
niya ang Christmas balls according to color. “Sorry for dragging you here. Dapat
nagrereview ka ngayon!”

“Tapos na po akong magreview kagabi. Isa lang naman po ang final exam ko.”

“Naku.. si Andreau kaya?” she muttered anxiously, biting her lip. “Sana naman hindi
siya excessive sa ibang subjects niya. Tatlo na nga lang ang kinukuha niya this
sem!”

Wow.. medyo nakalimutan ko si Andreau ha. Siguro effective ang prayer ko na wag
niyang iinvade ang thoughts ko for a month. Matagal-tagal ding dasal yun ah.
Nakakainis kasi, palaging nagpe-play sa utak ko yung Scheherazade niya! Ang hirap
magconcentrate!

Hindi ko masyadong nakita si Andreau sa campus after that run in. Busy sa acads at
teleserye si Big Boss last month. Actually, kakatapos lang ng teleserye nila ni
Sarah last night! As usual, nagkatuluyan silang dalawa sa huli. So predictable.

And as expected, wala na namang date si Andreau nung charity ball last month.
Kaso.. ang nakakagulat.. hindi niya niyaya si Sarah na maging date niya. Single na
si atey prior the charity ball! No wonder nagresurface ang gay issue last month.
Hay.

Nagkwento si Ms. Marisse tungkol sa trip nila habang naglalagay kami ng décor sa
9ft tall nilang Christmas tree. Ganito pala pag mayayaman, ano? Lahat na lang ng
binibiling bagay kailangan malaki! Sakto lang ang excitement ko sa Christmas. Hindi
naman kami masyadong pala-celebrate ng holidays eh. Una, wala si Mima dito.
Pangalawa, wala kaming permanent na bahay. Why bother?

Kaya nang sabihin ko kay Ms. Marisse na nasa dorm lang ako this sembreak at
Christmas, nalungkot siya.

“Join us this Christmas!” she exclaimed eagerly. “Dito lang kami sa condo every
Christmas eh. Kami-kami lang naman nina Andreau at Tristan ang nandito. Well.. some
friends drop by pero after na ng Christmas Eve yun.” Sensing my hesitation, she
pressed on. “Come on, it’ll be fun! I could be a very entertaining drunk!”
“Uhh..” Shit, ang hirap naman nito. I really want to say yes kaso.. nakakahiya, di
ba? For me sobrang intimate ng Noche Buena, and being invited to theirs is kinda..
I don’t know.. too much? Kasi medyo stranger ako sa kanila?

“Sige ka.. hahanapin ka ni Tristan. He already bought a gift for you,” Ms. Marisse
singsonged. What? Ano ba yan.. blackmail pa si Tristan! Naalala ko tuloy yung
picture ni Tristan sa kwarto niya. He’s too cute in his Little Reindeer costume!
Aaahhh!!

“Sige po,” I finally gave in. Her mega-watt smile almost blinded me. “Pero
tatanungin ko po muna sina Nana, okay lang po ba? Baka po kasi pauwiin nila ako
eh.”

“It’s okay! Basta kahit 24 or 25 andito ka, it’s up to you. Magpakita ka lang kay
Tristan.. I’m sure matutuwa yun!”Awww.. sobrang napalapit na sa’kin si Tristan
kahit three months pa lang kaming magkakilala. Sayang, gusto ko sana siyang kurutin
sa pisngi ngayon kaso tulog na tulog ito sa kwarto niya.

Kaso.. gusto ko ring magPasko sa San Ignacio. Kakausapin ko nga si Mima mamaya para
maliwanagan ako!

“Sana nga lang walang work si Andreau that day,” biglang sabi ni Ms. Marisse habang
umaakyat siya sa steel ladder para ilagay ang star sa Christmas tree. “Last year
kasi kaming dalawa lang ni Tristan dito. He was so sad.”

Silang dalawa lang? Out of curiosity, I asked, “Hindi po ba umuuwi ang parents ni
Andreau pag Christmas?”

Natigilan si Ms. Marisse sa paglalagay ng star sa Christmas tree. I swear I saw


sadness in her eyes, but her solemn smile immediately brushed it off. Triple shit,
Zade. Invasion of privacy! Ano ba yang mga tanong mo!

“Naku sorry po! I didn’t mean to pry,” I babbled, not looking at her. Nakakahiya!
Baka mamaya i-uninvite ako nito!

Nginitian lang niya ako kaso obvious sa mga mata niya ang.. why is she sad? “So..
you weren’t kidding about the TV thing, huh,” Ha? Ano raw? “I mean.. you told me
you don’t watch television that much.”

Nanlamig ako sa sobrang hiya. “Oh god I’m so sorry. I didn’t know na sensiti—“

“No, it’s okay,” she shook her head, still smiling. “I was just shocked. It’s been
a while since someone asked about that.”

Oh my god.. did I just land on an emotional landmine? Wala naman akong matandaan na
chismis about Andreau’s parents. Wala ring sinabi si Kesh about them. What’s going
on? Divorced ba sila? Or anak ba sa labas si Andreau ng isang politician?
My questions stopped when Ms. Marisse answered them.

”Andreau’s parents passed away nine years ago, Zade.”

xxxx

Sinubukan kong magreview kinagabihan kaso.. hindi ko pa rin matanggal sa isip ko


yung kwento ni Ms. Marisse.

It was a car crash somewhere in Arizona. Sinamahan ni Ate Lianne, my sister, si


Victor para magshoot ng something. You see, Andreau’s father was a cinematographer.
My sister was.. was a scriptwriter. Nasa dugo na talaga namin ang media, I guess.

You know what.. I couldn’t forget that day. I was just 26 years old, kakakuha lang
sa’kin ng network para maging host ng isang talk show. Nasa bar kami ng friends ko
nun, planning to get wasted when I received a call from their roommate. Dead on
arrival lang ang nagregister sa utak ko that night. Siguro dahil sa alcohol or
something.

Si Andreau ang una akong naisip that time. Close na close kaming dalawa niyan.
Pinilit kong umuwi kahit medyo buzzed ako nun. He was sleeping when I got back in
their house. Uuwi na dapat sila that week. Pwede ngang episode sa drama yung ginawa
ko that night. I cried in front of Andreau’s door all night. How can you even tell
an 11-year old about his parents’ death? I wasn’t prepared. I was just.. 26.
College kami ni Ate Lianne nung namatay ang parents namin so we were able to
compartmentalize it. He’s just 11 that time, Zade. I didn’t know how to break it to
him.

Naabutan niya ako sa labas ng pinto niya the next morning and I told him the truth.
Iyakin si Andreau nung bata siya,pero once lang niyang iniyakan sina Ate. I
couldn’t blame him, ayaw talaga ni Ate ng drama. That was the first and last time I
saw Andreau cry for real.

Last night was.. the 9th death anniversary of his parents. Bumisita kami sa puntod
kahapon ng umaga.. I don’t know kung saan siya pumunta after, Maybe he studied for
his finals or may cast party sila. Lagi siyang nawawala after naming bumisita kina
Ate. Never asked him about it, anyway. We all have our ways to manage grief, and I
respect that.

Natakot na akong magtanong pa after niyang magkwento. I know it’s wrong pero naawa
ako kay Andreau. Akala ko.. normal lang siya. Normal in a sense na kagaya siya ng
iba na gustong maiahon sa hirap ang family or bored sa buhay kaya pumasok sa
showbiz. I’ve always pegged him as the academic type. Nung una ko siyang nakita..
hindi talaga ako convinced kung bakit siya nag-artista.

Now I understand why.


He’s doing this for his parents.

Lalong lumalim ang respeto ko sa kanya. He has something to live for. Ngayon..
gusto kong malaman kung ano ba talagang nararamdaman niya. Malungkot ba siya?
Namimiss ba niya ang parents niya? Is he handling this well? Saan siya pumupunta
after ng visit nila? Iniiyakan pa rin ba niya ang parents niya?

God, Zade. This is absurd. As if masasagot ni Andreau yang mga tanong mo.

Who am I, anyway?

=================

[11] Zade, Meet Heisenberg

Halloween chapter. Hmmm.. Kung If I Fall timeline 'to, 3rd year highschool sina
Barbs. Ano kayang nangyari dun, ano?

March 14, Friday ang next update! :) That would be the Christmas chapter <3

#TSIB GUYS! <3

-A&Z-

Chapter 11: Zade, Meet Heisenberg

HALLOWEEN

Next to Valentine’s Day, isa sa least favorite events ko ay Halloween. Laking


probinsya kasi ako, wala namang trick or treat o cable sa San Ignacio kaya hindi
ako exposed sa mga ganyan. Bihira rin akong manood ng horror movies dahil sabi ni
Nana Tinang, bad influence raw yun. Well.. nung high school nakapanood ako ng ilang
movies at di naman ako natakot. I even laughed at some, sobrang unrealistic kasi ng
story at hello ang panget ng prosthetics!

But since medyo affiliated na ako sa yamings (ex. Andreau & Ms. Marisse), I have to
conform with their norms. Apparently, Tristan insisted to go trick-or-treating
tonight and he wants me to go with him. May trip kasi sa Siargao sina Ms. Marisse
kaya hindi niya masasamahan si Tristan. Aayaw sana ako kaso.. vampire raw ang
costume ni Tristan. How could I say no to such cute thing?

“Aaahh ang cute cute mo naman Tristan!!!” agad kong kinuha ang digicam ni Kesh at
pinicturan si Little Vampire. Tristan flashed a fangy smile and even tried a
menacing look. He’s too adorable! Thanks to his genes, effortless sa kanya ang
paper white skin! Ang cute rin ng fake blood sa may baba niya. Aahh cuteness
overload!

Ms. Marisse watched as his son tried to bite my neck. In fairness, nakakakiliti!
“Tristan, don’t hurt Ate Zade, okay?” paalala niya. Maya-maya ay aalis na siya
papuntang airport. “Zade, ano nga palang costume mo?” she asked.

Aww patay tayo dyan. Baka magtampo sa’kin si Tristan pag sinabi kong wala akong
costume! “Uhmm.. meron po. Magpapalit ako mamaya bago umalis!”

Tristan sat on my lap and pinched my cheeks. “Magiging si Bella ka na ba pag


kinagat kita sa leeg?”

Ms. Marisse and I exchanged shocked looks and laughed. “Naku where did you learn
that, Tristan?” tanong ko sa kanya. Nakitawa na rin siya.

“Kay Kuya Andreau! We watched that movie last week!”

Whoa, that was news. Who would’ve thought Andreau likes Twilight? Hah, feeling ko
for the love of film ang idadahilan niya pag tinanong ko siya about this!

I excused myself for awhile para makapagpalit na sa costume ko. Dahil sobrang wala
ako sa mood na gumastos para sa costume, sinuot ko ang ever default costume ko:
pajamas. Fine, I’m not that creative.

May kausap sa phone si Ms. Marisse pagkalabas ko ng CR. She gave me a weird look
when she saw me. Si Tristan naman..

“Ate Zade.. yan na ang costume mo?”

Shit, he sounded so disappointed. He obviously loves Halloween and here I am,


crushing his cute, little hopes. At yung tingin pa niya sa’kin.. nakakakonsensya.
Ba’t ganito ang mga bata, Lord?

“Ah ano ka—“

“Relax lang, baby,” Ms. Marisse came in to the rescue. Kinarga niya si Tristan and
hinalikan ito sa pisngi. “Okay naman ang costume ni Ate, di ba?”

“But.. it’s a pajama..” Aray naman, cutiepie! Stating the obvious!

“Pero she looks great, right? Besides it’s Halloween! You can wear whatever you
want. Di ba you don’t normally wear your pajamas outside? But today.. you can!
Right, Ate Zade?” kinindatan niya ako, as if saying na sakyan ko ang spiel niya.
“O-oo nga, Tristan! Ang cute naman ng pajama ko, di ba?” Yuck, anong cute dyan
Pascual? Saang banda ang cute sa red pajamas mo na may teddy bears? Nakakahiya ka
talaga.

Mukhang bumenta naman kay Tristan ang reasons namin ng Mama niya. “Okay.. pero next
year Ate Zade.. dapat magcocostume ka na ng maganda ha? You can be Bella!” God
Andreau, anong ginawa mo sa batang ‘to?

Minutes later Ms. Marisse bade us goodbye. Naghihintay na sa lobby ang crew niya.
Wait a second.. sino ang maghahatid sa’min dun sa village? Baka hindi kami
papasukin dun!

“Nga pala, Zade,” sabi niya bago siya lumabas ng unit, “Si Andreau ang kasama niyo
later. He’s on his way now. Pakihintay na lang siya, okay? Have fun!”

O-kay.. now what?

xxxx

I’m trying not to freak out.

What’s wrong with me, anyway? Ba’t ba ako kabado na makita si Andreau ngayon? It’s
been months since we last saw each other. That was normal. Kahit madalas ako kina
Ms. Marisse ngayong sembreak hindi ko siya nakitang bumisita. I heard may tour
something si Big Boss with Sarah right after ng finals namin. Ano kayang nangyari?
Hmm..

Ayoko nang bumaba dito sa elevator na ‘to. Shit, elevator na naman. Kung pwede lang
na si Tristan lang ang magtrick or treat mag-isa!

Nakaupo si Andreau sa may waiting area ng lobby nang makababa kami. Eto namang si
Tristan sobrang galak na tumakbo sa pinsan niya. They look so cute together! Medyo
binagalan ko pa ang paglalakad para panoorin silang magkulitan. Kung hindi ko lang
kilala ‘tong si Andreau, pagkakamalan ko silang mag-ama.

“O Zade ka—“ Andreau stopped in mid-sentence and gave me his really now look.
“Costume mo na yan?!”

Ouch, strike two na! Nakakahiya naman sa kanila! “Can you please not mock my poor
choice?”

“Hey I’m not mocking you. I was just asking kung yan ba talaga ang costume mo.
Parang kakagisi—“ natigilan ulit siya. Ano bang problema nito? He was staring at
me.. or something behind my back. Ah,, yung backpack ko!
“Wag kang maparanoid dyan,” biro ko sa kanya. “Wala ako sa mood para mamalo ng bag
ngayon promise.”

Si Tristan lang ang pinansin niya habang naglalakad kami palabas ng building. Real
mature, Big Boss. Uulitin ko lang naman yung paghampas na yun kapag kailangan
sobrang galit ako. Medyo irita lang ako sa kanya! Makapanlait ng costume!

“This isn’t your car,” I commented once Tristan and I seated at the backseat. He
owned a Mercedes-Benz, not this Ford one. Well.. mayaman naman siya, baka marami
siyang kotse.

“Kay Roldan ‘to,” Andreau replied with a shrug. O-kay.. someone’s grumpy.

Halos 25 minutes ang layo ng exclusive village mula sa Skyline, pero Friday ngayon
at Halloween pa kaya inexpect kong maiipit kami sa traffic. Isa ‘to sa ayaw kong
mangyari, ang maipit sa traffic na kasama si Andreau. Baka kasi hindi ko mapigilan
ang sarili ko at maitanong ko sa kanya yung mga nakakairita kong naisip last time.

Three weeks na mula nung ikwento sa’kin ni Ms. Marisse yung nangyari sa parents ni
Andreau. Three weeks na rin akong paranoid para sa mga sagot. I’m not the obsessive
type pero may something talaga sa kwento ni Andreau na gusto kong malaman. Ang
sarap mag-ala Sherlock Holmes di—

“Scheherazade!”

That voice brought me back in a jolt. Nakatingin pala sa’kin ang magpinsan. “W-
what?”

“Yun ang name mo, Ate Zade?” tanong sa’kin ni Tristan. “Ba’t ang hirap i-
pronounce?”

Tawang-tawa si Andreau sa comment ng pinsan niya. Nauntog pa nga siya sa bintana sa


kakatawa! “Walang nakakatawa dun, Andreau!” I pretended to be angry pero di
effective sa kanya. Tawa lang siya nang tawa. Si Tristan na lang muna ang pinansin
ko.

“Yes, that’s my name. Zade na lang itawag mo sa’kin, okay? Para di ka mabulol.”

“Your name’s cute!” Tristan chuckled. Buti pa ‘tong bata cute! Si Andreau.. grrr
nakakagigil sa sobrang asar!

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko siya kinausap. “Ba’t mo nga pala ako
tinawag?”

“I know I’ll regret asking this bu—“


“Ask anyway.”

“Ba’t yan nga ang costume mo?”

I rolled my eyes. “Ba’t ba agit ka sa costume ko, ha? Ikaw, what’s your costume?”
Naka-red long sleeves lang siya at black pants. Mas corny ang costume niya compared
sa’kin!

“Don’t change the subject here.”

“Answer my ques—“

“Mamaya pa ako magpapalit, okay?” medyo irita niyang sagot. “Now.. answer me.”

Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng kotse. Hay traffic please medyo
gumalaw ka naman! “I.. I don’t really like Halloween.”

Nagulat ang dalawang kasama ko sa sinabi ko. Tristan gaped at me with wide eyes.
“Talaga ate? Why?”

Okay super uncomfortable na titigan ka ng dalawang ‘to. “Uhh.. more of hindi ako
sanay sa Halloween. I grew up in the province so.. I guess we weren’t that
enthusiastic to events like th—.”

“Halloween is not just an event,” Andreau interjected with a defensive tone. “It’s
a holiday, Zade. Kids and adults enjoy wearing costumes once a year.”

“I don’t enjoy wearing costumes.”

“Halata naman, no need to defend yourself.”

What’s with him, really? Napalitan ng inis ang excitement ko kanina! I was
expecting na medyo okay na kami after everything pero.. he’s too worked up because
of a costume? Weirdo talaga ‘to.

Silence enveloped us the whole drive to the village. Wala ako sa mood para makipag-
away kay Andreau, at ayokong maspoil ang Halloween spirit ni Tristan kaya tumahimik
na lang ako. Later, I will give him a piece of my mind. Lagot siya sa’kin!

xxxx

Ganito ba talaga ang mga mayayaman, willing gumastos ng malaking pera para sa
temporary happiness?
Literal na napanganga ko nang makarating kami sa  gate ng exclusive village na ‘to.
Career talaga ang Halloween theme! May Jack-o-Lanterns sa may gate, mga fake na
agiw sa guard house, mga paniki na nakasabit sa gate.. at syempre hindi nagpatalo
ang guards! Zombie guards ang peg nila ngayon.

Ako lang ba talaga ang hindi makagets ng Halloween high? Unbelievable.

As I expected, Andreau didn’t need thorough inspection dito sa village. He just


rolled down the windows and greeted the guards. Ayun, pinagbuksan agad siya. Eto
namang katabi ko, mas naexcite nang makita niya yung mga bahay na may Halloween
decors. Binaba rin niya ang windows at kinawayan ang ilang trick or treaters. God,
sana mahawahan nila ako ng enthusiasm for Halloween!

After few turns, tumigil kami sa tapat ng isang three-storey house. Compared sa
karamihan ng bahay dito na may pagka-modern, this house is smaller and has a rustic
appeal. Nagstand out ‘to in a weird way. Plus, color brown halos ang kulay ng labas
ng bahay kaya type ko!

Pinagbuksan kami ng gate ng isang lalaking nakasuot ng Grim Reaper costume. Okay..
kaninong bahay ‘to? Pati ba naman helper nakacostume?

“Tristan,” Andreau turned to his cousin after he shut off the car’s engine. “May
cookies sa loob. Do you want to eat first?”

Umiling si Tristan. “Trick or treat! Trick or treat!” he chanted. Kinuha pa nito


ang mini Jack-o-Lantern basket niya. Ang cute ni Little Vampire!

I didn’t notice na nakatingin sa’kin si Andreau. He cleared his throat para tingnan
ko siya. “What?”

“Ano nga palang cellphone number mo?” he casually asked as he fiddled his phone.

Wait.. what!?

Wag kang masyadong maexcite, Pascual. Wag ka munang mag-isip ng romantic situations
dyan! Baka may iba siyang motive ano!

“Uhmm.. I don’t give my numb—“

“Parang ewan ‘to. Tinatanong ko lang para mapuntahan ko kayo mamaya. May
aasikasuhin lang ako dito sa bahay. Di ko naman ibebenta yan kung kanino.”

Fine, you win. Binigay ko sa kanya ang cellphone number ko. Medyo natempt pa nga
ako na palitan ang last digit kaso baka mamaya mawala kami ni Tristan, mahirap na.
Cookies kaagad ang naamoy ko pagkalabas namin ng kotse. I’m starting to love this
house already!

“Kaninong bahay ‘to?” I absentmindedly asked Andreau.

Andreau stopped for awhile before replying. “This is my parents’ house.”

Parents’ house.

He was sleeping when I got back in their house. I cried in front of Andreau’s door
all night.

Triple shit.

This is the house.

xxxx

Halos 20 minutes na kaming nag-iikot ni Tristan sa village na ‘to pero hindi pa rin
siya pagod.

I’m not complaining. Nadidistract lang ako sa iniisip ko kaya medyo irritable ako.
May ilang bata kasi na ginulat ako kanina. Pasalamat sila cute ang costumes nila!
At dahil biased ako, si Tristan ang pinakagwapong vampire sa lahat ng vampire kids
na nakasalubong namin.

Speaking of, tuwang-tuwa si Tristan sa pagsabi ng trick or treat sa bawat bahay na


pinupuntahan namin. May ilan na nakarecognize sa kanya na anak ni Ms. Marisse at
nagpapicture pa! He seemed to love the attention, though. Halloween is really for
kids, anyway. I don’t understand why Andreau’s making a big deal out of this.

On the way na kami sa susunod na bahay nang magvibrate ang phone ko. Huh, a text
from an unknown number.

Where are you?

Sino naman kaya ‘to? Baka mamaya pra— Ah. Must be Andreau. Nakalimutan ko na
binigay ko nga pala sa kanya ang cellphone number ko!

London St, I think? In front of this crazy house.

What crazy house?


Lord, hanggang sa text kailangang English!?

Basta yung bahay na OA ang décor. You can’t miss it.

Gusto kong makauwi ng may sufficient blood supply pa, thank you.

Hinintay ko si Tristan sa may sidewalk habang nagpapacute siya sa current house na


pinuntahan niya. Nakakaamaze talaga ang Halloween high ha. Ang gaganda ng
decorations ng halos lahat ng bahay dito sa village na ‘to. Itong bahay sa tapat
ko, ginawang graveyard ang front lawn nila, with tombstones and coffins alike. Pag
ako talaga yumama—

I felt someone tapped my shoulder. “Tapos ka na agad, Tristan?” I asked, not


looking back. Pero nang humigpit ang grip ng kamay niya sa balikat ko.. ohmygod.
This is definitely not Tristan. Kelan pa lumaki ang kamay niya?

“Happy Halloween,” a deep, husky male voice whispered to my ear. Tumayo ang mga
balahibo sa batok ko! Ohmygod.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!” Hinigit ko ang kamay ng lokong yon


at kinurot ng sobrang diin. Triple shit, Pascual! Tama bang ganun ang gawin mo in
case of emergency? Mangurot!? Bago pa ako makatakbo, he grabbed my wrists. Shit, si
Tristan! I can’t stop screaming! And natatakot din akong tingnan kung sino si—

“Relax, it’s me.”

Shit. Shit. Eyes still firmly closed, I spoke. “I-I don’t kno—“

“Scheherazade, it’s me.”

Only one person could utter my name like that. I opened my eyes instantly, hoping
to see his charming face. Lord, ibang klaseng kaba ang dinulot sa’kin nun, baka
pwedeng gwapong Andreau naman ang makita ko pagka—

“Andreau!?! What the hell happened to you!?”

Imbis na gwapong Andreau Cortez ang makita ko.. oh god. An old guy’s staring at me
intently. Old guy. balbas-sarado, with matching eyeglasses and a weird black hat.
The thing that most scared me was his black leather jacket. Ganito ang exact
description ni Nana Tinang ng goons.

His eyes softened.. and.. he laughed. Loudly. Napaupo pa siya sa tabi ko habang
feel na feel niya ang pagtawa nang wagas. Napatingin tuloy sa’min yung mga batang
nagti-trick or treat!
“Oh.. God, the look on your face was.. oh god,” he managed to say, almost out of
breath. Ibang klase pa rin ang adrenaline sa katawan ko. My heart’s still pounding
like crazy, and I could clearly picture what I look like right now. I’m sure
namumutla ako sa galit at takot.

Fighting the urge to strangle him to death, kinurot ko na lang ang sarili ko.
“You... you are not a funny person.”

Andreau stopped laughing and threw me a look. “What? I beg to differ,” he scoffed
while trying to catch his breath. “People say I’m damn funny.”

I rolled my eyes. Grabeng self confidence ha! “Well, I’m not people.” Hindi ko muna
siya pinansin at kinalma ko ang sarili ko. I closed my eyes and did the breathing
exercises Kesh told me. Matagal-tagal pa ata bago ako makarecover dito!

“Hey Zade.. look..” Andreau was standing in front of me when I opened my eyes. He
looked so.. guilty. Acting ba ‘to o ano? “I’m sorry, okay? I thought you’re
expecting m—“

“Hindi ko naman alam na ganyan ang costume mo!” I angrily spat out. Okay walang
kwenta ang breathing exercises. “What the hell! You almost gave me a heart attack!”

“I said I was sorry..” Goodness sige gamitan mo pa ako ng puppy dog eyes mo! Hindi
ka na nakakatuwa! “Gusto mo ba ng tubig? I cou—“

“No I’m fine. I.. I just need to breathe.”

Damn it.

xx

“Ano ba yang costume mo ha?” I asked him as we walked around the village again.
It’s already 8 PM at mas dumami na ang mga bata sa streets. May mini-program sa
clubhouse ng 9 PM para sa mga bata and since sobrang aga pa, nagdecide kami na
samahang mag-ikot si Tristan sa ibang part ng village.

“What?”

Bingi talaga ‘to. “For someone who loves Halloween.. I was kinda expecting your
costume would be something.. more extravangant. You look like a goon.”

He was obviously surprised at my bluntness. Buti nga. “What?” replied with a


chuckle.
Tumigil kami sa harap ng isang bahay sa Yemen St., at tumakbo na si Tristan papunta
sa pinto. At first I was kinda scared na pabayaan siyang basta pumunta sa mga
bahay, but Andreau assured me na safe ang village na ‘to. Sa gate kami nagbantay ni
Andreau.

“Mukha kang goon na pupunta sa meeting sa isang lumang warehouse.”

Tinawanan na naman ako ng loko. “Don’t you recognize me?” I shook my head in reply.
Andreau sighed and said, “I’m Walter White from Breaking Bad!”

“Who?”

Ba’t gulat na gulat siya sa reaction ko? As if president ng Pilipinas ang binanggit
niya! “Heisenberg.. I am the danger.. I am the one who knocks.. Blue meth..”

“I don’t know what you’re talking about.”

Napahawak siya sa gate. Wow, hihimatayin agad siya dahil dun? “He’s a TV show
character from Breaking Bad, the awesomest TV show ever.”

“Awesomest isn’t even a real word, Andreau. Most awesome dapat.”

His eyes blinked at me twice before he retorted back. “I know. I was just exagg—“

“Baka akalain ni Tristan na may word na awesomest. He’s in his formative years,
Andreau. He’ll believe in everything you say.”

“Tristan is a smart kid, Ma’am,” he stressed on the word Ma’am to annoy me. well,
he succeeded. “And since when did you become a Psych major? Formative years,
really?”

“Psych major ang roommate ko. And oh really? Paki-explain nga kung bakit ineexpect
niya na magiging si Bella Swan ako after niya akong kagatin sa leeg?”

Aha! I missed seeing this embarrassed Andreau Cortez! Ni hindi siya makatingin
sa’kin ng matino. So damn funny! “Uhmmm...”

Good thing naligtas siya ni Tristan na gusto nang lumipat sa kabilang bahay. Di ko
na napigilan ang tawa ko sa itsura ni Andreau. Ano kayang kinakahiya niya, ang
panonood ng Twilight or the fact na alam ko yun? Hilarious.

“Don’t be ashamed about it. I’ve been there, too,” I whispered to him once we got
to the next house. Natameme na kasi si Big Boss.
“What?”

Nakakairita na ‘tong What what niya ha. “I’m a girl. I’ve been through the Twilight
phase but got over it after watching the movie. It kinda killed my enthusiasm for
the whole book series.”

He appeared to be so confused right now that it took him a full minute to react.
“I’m not a fan,” he said defensively. “I ju—“

“You don’t have to justify yourself to me. Okay lang naman na magkaron ng weird li
—“

“Stop it, okay? I only watched that for research.”

“Talagang standard excuse yan ng Film students ano? Research!” tiningnan niya ako
ng masama. “Fine. If you say so.”

“Yo don’t believe me.”

“Sakto lang,” I told him nonchalantly. Mas na-agit siya sa sagot ko. “I’m not
judgemental. Unlike you...”

Andreau let out an exasperated sigh and groaned. “Can you please let it go?”

“I just did. You’re the one bringing it up.”

Hindi na siya nagsalita pa.

xxx

Medyo out of place kami ni Andreau sa mini Halloween party sa clubhouse. Una, halos
lahat ng attendees ay bata and pangalawa.. kami lang ang under dressed sa mga
matatanda. Spell effort talaga ang ilan sa chaperones dito! May nakacostume ng Ice
Queen, Zorro and thanks to Andreau, na-acquaint ako sa Star Wars reference. May
napapala naman pala pag sumama ako sa kanya.

Tahimik kaming umupo sa may bench malapit sa playground habang tuwang-tuwa si


Tristan na makipaglaro sa ibang bata. He is a happy kid pero ngayon ko lang siya
nakita na ganyan kasaya. Kakaunti lang kasi ang mga bata sa Skyline, and bihira
pang makipagsocialize so minsan lang siya nakakapaglaro kasama ang ibang bata.

“Can I ask you a question?” bigla kong nasabi kay Andreau. Ayoko kasing magkaron ng
awkward silence sa’min. “Why’d you choose Heisenberg as your costume?”
He hesistantly glimpsed at me. “Why’d you ask?”

“Wearing costumes is a way to explore who you aren’t. So.. my real question is..
your costume is communicating what exactly?”

Saglit siyang napaisip sa sinabi ko. Medyo cute yung concentration line sa noo
niya. Hah, dapat pala madalas ko siyang tinatanong ng ganito. “Hmm.. actually,
favorite TV character ko si Heisenberg. Ang galing kasi ni Bryan Cranston, the
actor. If given a chance, I want to play that kind of role, or direct a movie like
Breaking Bad.”

“So.. ano bang kwento nyan?”

Grabe, hindi ko kinaya ang excitement ni Andreau habang kinukwento niya ang
synopsis ng Breaking Bad. He talked about chemistry, drugs, adultery, Mexican drug
cartel and lots of killing with gleaming eyes.

“Pretty awesome, huh?” he exclaimed after.

“Ugh. That sounds so gruesome.”

He pretended to look hurt but chuckled moments later. “Hey, don’t judge the show.
Try to watch it first. I could lend you DVDs.”

Not this.. again. “I don’t watch TV that much.”

“Seryoso?” May judgement sa pagkagulat niya ha! “How come you know me and Marisse?”

At that moment gusto kong sabihin sa kanya na tuwang-tuwa ako sa role niya sa
Waiting Shed, na namove niya ako dahil sa acting niya. Na si Kesh ang dahilan kung
bakit ko siya nakilala talaga.. at..

Naaah, Zade. That would make you sound like his rabies-infected Dreausters.
Besides, I’m not a big fan of him, anyway. Don’t act like a fan around him, Zade.
Don’t.

“Ah. My roommate knows you,” was my curt reply.

“Really?”

“So.. gusto mong maging isang drug lord sa next movie mo or something?” I said,
changing the subject. Mahirap na, baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.
“Isn’t that bad for your image? I mean.. I think na karamihan sa fans mo ay
adolescents.”
Nginitian niya ako.. for what? Dahil ba napansin niya ang diversion ko? “Dream role
lang naman. Sana may mag-offer sna indie film with that kind of role. I’ll
definitely take it.”

Wow, dream role. Hearing that from him somehow made me.. sad. Sabi kasi ni Kesh,
ayon daw sa chismis, medyo mahigpit daw ang management kay Andreau kasi siya ang
largest asset nila ngayon. Sobrang effort sila para pagandahin ang image ni Big
Boss. Kaso.. ba’t ganun ang nangyari sa Minutes With Beau Perez? Andreau walked
out! Hay showbiz, sakit ka sa ulo!

“Nga pala, 5 years ka na sa showbiz ano?” I remarked. Bigla ko kasing naalala yung
interview niya last month sa showbiz segment ng isang evening news program. “Parang
ang dami moa tang free time ngayon?”

“Busy na ulit ako sa summer. Mini-vacation muna ako ngayon. Come January or
February.. back to normal na.”

“Graduating ka na ba?”

Napailing siya. “I wish. Next year pa ako gagraduate. I’m doing a movie with
Jillian this summer. You know her, right?”

Ugh, not that girl! Every year ba dapat sila magkaron ng movie together? The girl
can’t even act! Insulto sa superb acting skills ni Andreau ang maging partner si
Jillian! “Ahh.. the annoying one?” my reply made him laugh. “Sorry. Naiirita lang
talaga ako sa kanya. Bihira na nga lang ako manood ng TV tapos siya pa ang madalas
na naabutan ko.”

“You’re so blunt! Don’t worry, hindi kita isusumbong. Promise.”

Our chat was temporarily interrupted by my phone. It took me a while to locate my


phone inside my backpack. Three missed calls and a text from Kesh. The message
simply said Please tell me you’re not with Andreau right now or else... Umuwi kasi
siya ulit sa Cebu ngayong sembreak at araw-araw niya akong tinatanong kung nakikita
ko si Andreau kina Tristan. Hah, hindi ko siya nirereplyan para matorture siya!

I caught Andreau staring at me and he seemed to be unfazed. “Hoy. May problema ka


ba sa’kin?”

“What’s the deal with your backpack, anyway?”

Whoa, I didn’t expect that one coming. “Ha? May kinukuha lang ako dito! I’m not
gonna hit you!”

“Lagi mo bang dala yan? Hindi ka man lang nabibigatan?”


Is he concerned about me or.. okay imagination, wag maging wild. Tinatanong lang
niya sa takot na baka mamaya paluin mo ulit siya. “Naaahh.. sanay na ako. Gusto ko
lang magdala lagi ng bag. Masama ba?”

Naalala ko na naman yung incident almost four months ago. Traumatized kaya siya
dun? Oh god I’m doomed.

“That bag can seriously kill people,” he said matter-of-factly as he stretched his
legs.

“It didn’t kill you, right?”

Parehas kaming natahimik, probably naalala rin niya yung incident. Lagi ba naming
babalik-balikan yun pag magkasama kami? Hindi ba pwedeng tawanan na lang namin yun?
I already atoned for my sins!

“Can we please not go back there?” I muttered.

“Noted. I’m sorry.”

Case closed.

xx

“Hoy! Wag mo ngang pagnakawan yung bata!”

Ugh. May bagong rason na ako para mainis sa Halloween: isang isip-batang Andreau
Cortez. Mga quarter to 10 nang magyayang umuwi si Tristan dahil inaantok na raw
siya. On the way home he volunteered to carry the kid’s basket of treats, baka raw
mabigatan si Tristan. Siya ‘tong lalaki tapos sa’kin iniwan ‘tong bata! Buti na
lang hindi nagpakarga si Tristan sa’kin ngayon, baka mapunit ‘tong pajama ko.

“Tinitingnan ko lang yung nakuha niyang chocolates!” he replied innocently. Hah,


walang inosente sa ginagawa niyang inventory ng chocolates!

“Okay lang Ate Zade. Kuha ka na rin ng chocolates! They’re too many for me anyway,”
Tristan piped in sweetly. He rubbed his eyes and yawned. Kulang na lang tumumba
siya eh.

I heard Andreau sniggered beside me. “Hah. Buti pa si Tristan marunong magshare.”
At ang bwiset, nag-asal bata na naman nang makakita ng Kitkat! “Trist, dibs ko na
‘to ha?” Of course, may magagawa pa ba si Tristan?
Binuksan niya ang Kitkat at inalok pa ako. At least ako may hiya! “No, thanks. Ako
na lang kukuha ng akin.” Inagaw ko sa kanya ang basket at naghanap ng gusto kong
chocolate. I spotted my favorite chocolate of all time, Cadbury Fruits and Nuts.
“Yay may taste mga tao sa village na ‘to!”

Andreau stared at me weirdly as I munched the chocolate. Lahat na lang ba ng gawin


ko weird para sa kanya? Unbelievable. “Yuck.”

“Maka-yuck ka dyan! Masarap ‘tong fruits and nuts!”

“I don’t like chocolates with nuts.”

WHAT!? IS HE SERIOUS ABOUT THAT? “Paano ka nabubuhay sa mundong ‘to?” That was a
rhetorical question. Akala ko sasagutin niya e!

Kinuha niya sa’kin ang basket at naghanap ng chocolate. “Uy Twix!” he exclaimed,
parang ginto ang nakita niya ah.

“Aaahh I want that too!”

Binelatan niya ako. “Eh di magtrick or treat ka rin!”

“Andreau.. hindi ka talaga pwede maging comedian. Promise.”

“Kaya nga nagpapakilig na lang ako, di ba?” he winked and flashed his Cortez Charm
Smile at me. Lord, lethal combination pala yun! That left me dazzled for a moment.
Before I knew it, binuksan na niya ang Twix at kinain ito.

Damn.. nabiktima pa ako.

xxx

After some prodding and Tristan’s beautiful eyes, nagstay ako sa bahay nina Andreau
para kumain ng late dinner.

Gumala na naman ang imagination ko habang naghihintay kami ng pagkain sa dining


table nila. Is this really the house? Okay Zade stop thinking about it. Sige, nag-
uusap nga kayo ni Andreau about things pero hindi pa kayo ganung kaclose. Baka mga
magalit pa siya pag nagtanong ako about his parents!

Dumating na ang dinner namin, courtesy ng fastfood chain na ineendorse niya. Perks
talaga ng pagiging artista! Binuksan pa niya ang TV, sumaktong sa isang horror
movie marathon ang palabas ng channel.
“Alam mo ba yan?” tanong niya sa’kin, sabay turo sa palabas sa TV. May lalaking
suot na leathermask at bitbit na chainsaw.

Umiling ako. “I don’t watch too much movies.”

Parang awang-awa sa’kin si Andreau na di ko alam yun. Ugh, sorry naman! Mas trip ko
pang magbasa ng libro kesa manood ng horror movies!

“Ate Zade,” Tristan called me out. “Nakakamiss yung cupcakes na dinadala mo. kelan
ka ulit babalik ng café?”

“Hmm.. I really don’t know eh..”

Andreau cocked his head and looked at me. “Wala pa kayong sched?”

“No.. I’m resigning.” Nagulat silang dalawa sa announcement. “Conflict s asked ko


this sem ang sched sa café so..”

“But why?” Andreau questioned. His shock shocked me too. Anong meron?

“21 units ako next sem. I don’t want my studies to suffer. Ikaw, papasok ka ba this
sem?”

“Of course. OJT ko na this sem.”

Pwede ba yun? Akala ko sum— oh well. Artista nga naman siya, magagawa ko di ba?

“What about the cupcakes?” tanong niya ulit sa’kin.

“What about them?”

He smiled at me sheepishly. Ugh kaasar napapangiti din ako! “Wala na akong


maaabutang free cupcakes sa ref.”

“Kaya nalulugi café namin eh!” I joked. “Bumili ka na lang dun!”

“Hindi ka ba marunonng magbake, Ate?” tanong ulit ni Tristan. Hala, nalungkot ba


siya dun sa announcement ko?

“Nope. Bibili na lang 'ko kesa magbake. I didn’t inherit my mom’s cooking skills
eh.”
“Mas okay pang mamana ang genes ng taga-kain kesa sa taga-luto, ano?” Andreau
joked, and for the first time tonight, I laughed.

 Medyo funny naman pala siya. Medyo.

xxx

Persistence really runs in their family.

Ang dapat dinner lang ay naextend hanggang 11:30 PM, at nakilala ko na rin si
Leatherface. Hindi ko talaga trip ang movies na ganun, too much gore. Well we’ve
watched the 1974 movie kaya medyo tinawanan ko lang. Andreau told me na marami pang
movies ang Texas Chainsaw Massacre, at pinapahiram pa niya ako ng DVDs. Hindi pa
naman ako naiinis sa mga pamimilit niya sa’kin.

Pinagpilitan pa ng magpinsan na ihatid ako sa dorm namin. Ayoko nang makipag-away,


matatalo rin naman ako kaya pumayag na ako. Andreau and I listened as Tristan
recounted his trick or treat experience earlier. Grabe, ang cute nilang panoorin,
para talaga silang magtatay!

“Ate Zade.. dito ka nakatira?” Tristan asked as Andreau pulled up in front of our
dorm. Ilaw na lang sa may front door ang nakabukas kaya mukhang haunted house ang
dorm namin. “Na..nakakatakot naman dyan...”

“May tao ba dyan?” It was Andreau’s turn to question me now, brows furrowed in
curiosity.

“Meron naman, malamang tulog na sila. Anong oras na kaya oh.” I lied. Kaming dalawa
lang ni Tita Mel ang tao sa dorm buong sembreak. Ako lang naman ang hindi umuwi sa
probinsya sa’ming lahat eh. Tinatamad kasi ako. Bu— mamaya, November 1, ako lang
mag-isa dahil bibisitahin ni Tita Mel ang puntod ng nanay niya sa Cavite. Of
course, they must not know about that.

“Kuya Andreau.. sa bahay na lang natin patulugin si Ate Zade.. baka kunin siya ni
Leatherface sa loob..” may takot sa boses ni Tristan. Awww..

Andreau and I traded glances, and awkwardly laughed. MATUTULOG AKO SA BAHAY NIYA?
NO. FREAKING. WAY. I don’t want to cross that line. Ni hindi nga kami close!

Sinukbit ko na ang bag ko tsaka ako sumagot. “Don’t worry about me, Tristan. I
could defend myself. And malakas naman akong sumigaw, I’m pretty sure matatakot na
dun si Leatherface.” Tiningan ko si Andreau, requesting for backup.

“Oo nga, Tristan. I think.. she’s safe there. Di ba, Zade?”

“Safe ako dyan, Tristan! Paano.. I have to go. Goodnight sa inyong dalawa!”
Ayaw pa akong paalisin ni Tristan at ilang beses din niyang tinry na akitin ako ng
beautiful eyes niya kaso.. ayokong matulog sa bahay ni Andreau. Natatakot ako na
baka may masabi ako tapos.. masira ko ‘tong.. something na meron sa’min.

Hay, life.

xxx

Papikit na ang mga mata ko nang nagvibrate ang phone sa tabi ko.

Unknown number na naman.

Triple shit.

Okay Zade, irrational na matakot ka sa isang unknown number. Sa movies lang naman
nangyayari ang mga ganung ba—

Movies are based from real life happenings, Zade. Kay Ed Gein based ang characters
nina Leatherface, Norman Bates at Jason Voorhees. Serial killer si Ed Gein sa US
noong 1950s. Laugh all you want.. baka mamaya.

Damn you, Andreau Cortez and your horror movie knowledge!

Matapang naman ako kaya sinagot ko tawag. Sana hindi ‘to prank call, tapos na ang
Halloween at malayo pa ang April Fools!

“Ate Zade!”

Halos malaglag ang puso ko sa boses ni Tristan! In fairness kinabahan ako dun ah!
“Ohmygod Tristan! You scared me!”

His giggle somehow calmed me. Kay Andreau pala yung number. “Safe ka ba dyan? Wala
bang mama na nakaka—“

“Calm down, Tristan. I’m fine. Actually I’m about to sleep. Ikaw dapat matulog ka
na rin ha? It’s too late na!”

As if on cue, Tristan yawned loudly. “S-sige na nga ate. Basta be safe ha? See you
soon!” Muntik ko nang i-end call nang.. “Kuya Andreau! Maggoodnight ka na kay Ate
Zade!”

Triple shit.
Nawala ang antok at takot ko dun ah. Hindi naman siguro naka-speakerphone si Tri—

“Zade?”

Oh dear lord.

“A-andreau! Okay lang ako dito,” I took a deep breath and continued, “No need to
worry about me.” God, ang sexy ng chuckle niya pag sa phone! Wait mas okay pang si
Leatherface ang isipin ko!

“Sorry sa abala. Hindi kasi makatulog si Tristan until di siya sure na safe ka dyan
sa dorm mo.”

“Ah.. ganun ba..” Parang sira na mga sagot ko but what the hell!!! Hindi ka dapat
kiligin, Scheherazade! Quota ka na dati pa!

“Pero..” he paused for awhile. “sure kang okay ka dyan? Kasi pag hindi raw..
babantayan ka raw ni Tris—“

“I’m fine! Promise! I locked my doors already. Please tell him don’t worry about
me. I’m fine.” Nakakaiyak naman ‘tong si Tristan.. masyadong adorable! Bigla ko
tuloy namiss sina Butchoy!

“Sure. Okay..”

“Okay.. I have to sle—“

“Alam mo ba kung anong number one rule ang laging kinakalimutan sa horror movies?”

Saan na naman niya ‘to hinugot ha? “Are you insulting my indifference towards
movies? You clearly know I do—“

“Rule number one.. don’t ever ask.. Who’s there.”

Shit he’s using that Heisenberg voice again! Nakakatakot talaga! Nagtaklubong na
ako ng kumot  sa sobrang takot. Ayoko na ring tumingin sa salamin!

“I take it back. You’re not really funny, Andreau Cortez. Buti na lang hindi ka
binibigyan ng management mo ng comedy s—“

His boisterous laughter cut me off.. and surprisingly soothed me. Ang galing talaga
niyang magtago ng emotions. Dahil ba dun kaya siya nag-artista?
Hours from now alam kong bibisitahin ulit niya ang puntod ng parents niya. Maingat
niyang ilalagay sa gilid ng tombstones nina Lianne and Victor Cortez ang isang
bouquet ng tulips (I saw them on his kitchen counter earlier. Looks expensive.) at
baka kakausapin ang mga ito. Kahit alam niyang walang sasagot sa kanya.

But he won’t cry. He’s too strong for that.

“Goodnight, Scheherazade,” I heard him whisper from the other end.

Someday. Someday.

-A&Z-

=================

[12] Eggnogs and Ballpens

Ang chapters 12 & 13 ay medyo filler chapters dahil I'm preparing for the 14th
chapter! Sorry if masyadong mataas ang expectations niyo for this Christmas
chapter. Pero.. first Christmas nila together.. I think may second Christmas pa XD

Enjoy! :)

-A&Z-

Chapter 12: Eggnogs and Ballpens

DECEMBER 24

From: Ms. Marisse Valerio

Hey Zade! What time are you swinging by? J

Gosh, ba’t ba ako napressure sa text ni Ms. Marisse? I’m on my way to their condo
right now, nasa jeep na ako actually. It must be the smiley, Zade. Yeah, the
smiley.

O sadyang paranoid ka lang ngayon.

It’s Christmas in a three hours yet I’m nervous. Dahil ba ngayon lang ulit ako
magpa-Pasko ng may kasama? My Christmases for the past five years were kinda
bland.. and lonely. May kasama naman akong iba kaso.. yung feeling na kasama mo
lang sila para mairaos mo lang ang occasion.. basta ganun ang feeling ko.

Ngayon lang ako magpa-Pasko na may kasamang.. okay sa’kin.

Four years akong nakitira sa iba’t ibang kaibigan nina Mima at Nana Tinang dito sa
Manila. Lahat naman sila mababait, very accommodating and itinuring akong pamilya.
Kaso.. pag may family-oriented occasions like Christmas, I can’t help but to feel
left out. Hinahanap ko kasi yung authentic Christmas feel, the domestic one. Hindi
yung parang nakibisita lang ako. Sige pa sa drama!

Last year, sa dorm ako nagcelebrate ng Pasko. Bumisita kasi ang family ni Tita Mel
at dun na rin nagcelebrate kaya medyo okay na sa’kin. This year.. I’m spending it
with a family I’ve come to love. Bago ako umalis papuntang San Ignacio two weeks
ago nung nagstart ang Christmas vacation, todo paalala sina Tristan and Ms. Marisse
about my Christmas with them. Buti pinayagan ako nina Nana na bumalik ng Manila sa
mismong Pasko para kina Tristan, they’re so grateful na mabait ang family nila
sa’kin. I promised na sa San Ignacio ako ang magcecelebrate ng New Year.

Welcome naman ako sa bahay nina Ms. Marisse pero ba’t kabado pa rin ako?

Ugh. Dahil siguro sa sinabi ni Andreau two weeks ago, nung nagkasalubong kami sa
lobby ng building nila. Palabas na ako tapos siya pasakay ng elevator.

Zade.. kina Marisse ka sa Christmas, right?

Uhmm.. yes. Bakit?

Ah. Nothing. Sinisigurado ko lang.

What’s that supposed to mean?

Nothing.

Come on. Sinisigurado ang ano?

Na.. masaya si Tristan sa Pasko? Yun lang. He can’t stop talking about you, you
know.

Really? That’s all?

Do you think there’s more?

Uhmm.. w-wala na. Naninigurado lang.


Hm. See you on the 24th, then. Bye.

So may karapatan naman akong maparanoid dahil diyan. He never texted me about that,
either. Talagang ineexpect ko na itetext niya ako ha. The last text I received from
him was a month ago, November 1. Tinanong niya ako if buhay pa raw ako, as per
Tristan’s request. And that’s it. Feel na feel ko namang pag-aaksayahan niya ako ng
load!

It’s Christmas, Zade. Chill ka lang.

xxx

WHOA.

Yung totoo.. alam ko apat lang kami ngayong gabi pero bakit.. parang buffet ‘tong
nadatnan ko?

Grabe lang.. ang daming handa nina Ms. Marisse! May turkey, smoked ham, carbonara,
lasagne, fried chicken.. I could go on but damn, I’m hungry! Nakatulog ba ako sa
jeep at panaginip lang lahat ng ito?

“Come on, Zade! Don’t be shy. Sa’tin lang yan tonight,” Ms. Marisse said, handing
me a plate. Nasa family din siguro nila ang pagkahilig sa costumes. Naka-Mrs. Claus
costume siya ngayon tapos si Tristan naman ay sobrang cute sa elf costume niya.
Hah, nagcocostume rin kaya si Andreau pag Pasko? Siya kaya si Rudolph? Sometimes I
crack myself up.

Kahit malakas ang taga-kain genes ko, kaunti lang muna ang kinuha kong food. Baka
kasi maturn off sa’kin si Ms. Marisse at di na ako makaulit sa kanila. Still.. this
is too much for four people. Pwede mo nang mapakain ang barangay dito sa handa
nila!

Bitbit ang mapagpanggap kong plato, tinabihan ko si Tristan sa may couch. Busy siya
sa panonood ng Christmas movies sa HBO at sa pagkain ng cupcakes na regalo ko sa
kanila. Yep, I suck at giving gifts. Si Tristan na mismo ang nagsabi na gusto niya
ang cupcakes ngayong Pasko, and I delivered well, right?

“Ms. Marisse? Si Andreau po pala nasaan?”

Bukod sa pagkain, ikinagulat ko rin na wala si Andreau dito. I’m expecting na


magkasama silang nanonood ni Tristan ng The Grinch at matutuwa sa cupcakes na dala
ko. Nasa trabaho pa kaya siya? Wow, walang kapaguran!

“As usual, caught up with work,” she replied casually. “Tinatapos lang niya yung
shoot ng guesting niya. Don’t worry, tinabi ko na yung cupcakes niya. That little
elf might eat them in one sitting.” Narinig yun ni Tristan at binelatan niya ang
mama niya. Adorbs!

So.. no Andreau Cortez for tonight, huh?

xxx

Ibang klase ang Pasko sa Valerio household, promise.

11:30 PM nang magpatugtog si Ms. Marisse ng Christmas songs and bigla siyang
sumayaw. As in sayaw. Sinundan siya ni Tristan na nag-imbento ng sarili niyang
groovy steps. Hindi ako sumasayaw, pero napasayaw ako sa ginagawa nilang mag-ina.
The three of us danced and laughed to every Christmas song kahit mukha na kaming
mga engot dun.

Then come 11:55 PM, may tumunog na alarm sa may TV. May kinuhang mistletoe si Ms.
Marisse at sinabit sa may chandelier ng sala. When the clock struck 12 midnight,
Tristan kissed her mother on the cheeks and vice-versa. Maya-maya sabay nila akong
hinalikan sa cheeks! My god nakakahiya! Niyakap ko na lang sila in return. Tawang-
tawa sila sa reaction ko!

“So Zade, kelan balik mo sa San Ignacio?” tanong sa’kin ni Ms. Marisse habang
sinisimot niya ang pudding sa container. Isa pang custom nila ang pagkain ng
chocolate pudding after midnight. Nakaupo kaming tatlo sa carpet ng sala, sobrang
pagod at hinihingal pa dahil sa pagsayaw kanina. “Sure kang okay lang sa lola mo na
dito ka ngayon?”

“Okay naman sa kanila, Ms. Marisse. Medyo sanay naman sila na wala ako dun for
Christmas,” sabi ko. She frowned at my answer. “It’s not a big deal, really. Gusto
kasi nina Nana na lumaki akong independent. Tsaka nandun naman ako sa New Year. I
can’t miss that one.” Nakapangako kasi ako kay Butchoy na manonood kami ng
fireworks sa bayan, magtatampo yun pag wala na naman ako.

“Is your mom coming home for New Year?”

I shook my head. “She wants to watch the ball drop in person. Pero uuwi siya next
year!” Naalala ko tuloy yung usapan namin ni Mima sa Skype two days ago. Ilang taon
na rin siya sa New York pero hindi pa niya napapanood ang ball drop sa Times
Square. Busy kasi lagi ang restaurant nila kapag New Years Eve kaya hanggang TV
lang siya nakakanood.

“Naku I would love to meet your mom, ha! Make sure may dala kayo nung buffalo wings
you’re talking about!”

“Noted na raw po sabi niya sa’kin. She’s excited to meet you. Lagi niyang
pinapanood ang Wanderlust!” Minsan nga napapaisip ako kung anak ba talaga ako ng
nanay ko o si Kesh. Parehas kasi silang showbiz fanatics!
Around 12:35 AM nang magdecide ang mag-ina na matulog na. I was expecting na
bubuksan nila ang napakaraming regalo sa ilalim ng Christmas tree nila kaso sabi ni
Tristan hihintayin daw niya ang Kuya Andreau niya. Wala akong choice kundi matulog
dito sa kanila ngayon, wala kasing tao sa dorm at takot akong mag-isa dun (Thanks
to Andreau and Tristan, of course).

“Ate Zade, no peeking ha?” paalala sa’kin ni Tristan bago siya pumasok sa kwarto ni
Ms. Marisse. Ang cute ng suot niyang green pajamas na may red Christmas tree
prints! “Magagalit si Santa Claus sa’yo!”

Nasa ilalim ng Christmas tree ang isang red medium-sized box na may tag na Ate
Zade. Last month ko pa kinukulit si Tristan para magbigay ng clue kung ano ba ang
regalo niya sa’kin kaso di siya nagsasalita. Malamang imported ‘to, sabi ni Big
Boss nung September pa raw binili ni Little Boss ang gift na yun.

“Promise! Hindi ko sisilipin!” tinaas ko pa ang right hand ko. “Good night,
Tristan!”

“Good night Ate Zade! Merry Christmas ulit!”

Hay. Merry Christmas, indeed.

xxx

As expected, hindi ako dinalaw ng antok.

First time ko lang makikitulog dito sa condo nina Ms. Marisse. Hindi naman ako
namamahay or something. Baka siguro dahil sa aircon ng guest room nila. Or sa
malambot na kama. Weird.

After tossing and turning for awhile, I decided to go out and watch some TV. God,
ibang klase talaga ang epekto sa’kin ng reaction ni Andreau nung sinabi ko sa kanya
na hindi ako mahilig manood ng TV shows. Parang kinaawaan niya ako! That guy! Eh sa
busy ako sa trabaho at studies! Nanonood naman ako minsan ng balita. Counted na
siguro yun!

Walang masyadong mapanood sa cable ngayon, puro Christmas themed shows ang meron.
Napadaan na ako sa Animal Planet kaso tungkol sa spiders ang show kaya skip! No
choice akong manood ng Home Alone marathon sa HBO. How apt.

Sa kalagitnaan ng Home Alone 3 (around 3:30 PM) ako dinalaw ng antok. Wrong timing
naman ‘tong body clock ko! Plano ko pa namang umalis ng 9 AM mama—

Shit. What’s that sound?


Hininaan ko ang volume ng TV at pinakinggan ulit ang paligid. Parang.. may
gumagalaw ng doorknob ng front door. Shocks ang bilis ko naman atang maparanoid
ngayon! Kasalanan ‘to ng pinapanood ko! Sana pala binuksan ko ‘tong chandelier
kanina, ilaw lang kasi ng Christmas tree ang gamit ko ngayon. Ang creepy tuloy.

Bumukas na ang pinto. Shit, nilock naman ni Ms. Marisse yun kanina ah? Baka naman
si Andreau ‘to? God please sana siya nga!

Ni hindi ako makatingin sa may pinto, baka iba ang makita ko. Titig pa sa TV,
Pascual. Ang cute nung bidang bata. Sa TV lang ang tingin. Sa T—

“Zade? Ikaw ba yan?”

Thank you sweet Jesus. Si Andreau nga.

Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon niya. Ooohhh.. he looked so.. tired. First
time ko siyang nakitang haggard talaga. Pero gwapo pa rin!! I therefore conclude na
pasok sa top 5 ko ang Haggard Andreau (#1 ang Embarrassed Andreau!)

“Yeah. Sorry, did I scare you?” Ako pa talaga ang nagtanong nito ha.

Binaba niya ang gym bag niya sa floor at tumabi sa’kin sa sofa. Nanlaki mata ko
bigla. Bakit siya tumabi sa’kin? Anong meron? May ibang upuan naman ah, ba’t dito
pa?

“Wow. You’re watching TV!”

I smugly smiled at him. “Ba’t gulat na gulat ka?”

“You said you don’t watch TV. I’m just.. surprised.”

“I can’t sleep. In fairness, magandang pampaantok ang channel surfing. Animal


Planet scared me though. Spiders.”

Natawa si Andreau. “Pero sa horror movies hindi ka takot. You’re weird.”

“It’s spiders, they’re definitely real. Unlike ghosts and disfigured men with
chainsaws,” I paused for a moment para hinaan ang volume ng TV. “So.. galing ka sa
taping?”

 “Yeah, last minute re-shoot. Okay lang, sanay na ako. Natapos kami around
midnight.”

“Eh ba—“
“Nagpa-Noche Buena ako sa staff and crew kaya ngayon lang ako nakauwi. It sucks to
celebrate Christmas Eve without your family, pati ba naman Noche Buena wala sila?”

Whoa saan nanggaling yon? Siya na nagsabi niyan ha, ni hindi ko siya tinatanong!
May habit talaga ‘tong si Andreau na mag-overshare. Is it a good thing or not?

Saglit kaming natahimik, nasa climax na kasi ang movie. I have to admit.. wala nang
awkwardness sa’ming dalawa ngayon. O wala naman talaga, at ako lang ang nag-aassume
na awkward kaming dalawa. If that’s the case, ba’t siya ang unang namamansin? Ang
feeling ko na naman, baka loading lang ang utak ko pag nakikita ko siya kaya hindi
ako ang nauunang pumansin.

“Psst Zade?”

“Hmm?”

“May dala kang cupcakes?”

Ah gets ko na kung ba’t niya ako tinabihan! Dahil lang sa cupcakes! “Uhmm.. wait
lang ah? Tinago kasi ni Ms. Marisse kay Tristan yung box mo. Muntik nang maubos ng
elf kanina.”

I stood up and went to the fridge. Really, cupcakes? Kaya lang ba niya sinabi yun
kasi tahimik o gutom siya? Aalukin ko ba siyang kumain ng late Noche Buena? God
Zade, hindi bagay sa’yo ang maging domestic! Nirequest pa nga niya ang gusto niyang
flavors: salted caramel, Kitkat, blueberry cheese & oreo. Tuwang-tuwa si Sir TJ na
nagustuhan ni Andreau ang cupcakes kaya free ang box na ‘to for him. Fanboy talaga
si Sir!

Pabalik na ako sa sa sala nang.. may mapansin ako.

Sa chandelier.

Yung mistletoe. Nasa ulunan lang pala namin ni Andreau yun.

Triple shit. Napansin kaya niya yun? God tradition nga pala nila yun dito sa
kanila. Malamang alam niyang nandun nakapwesto yun. Shit bigla akong kinabahan!
Ayoko nang lumapit dun! Baka mamaya..

Gosh come to think of it.. kung nandito rin siya kaninang Noche Buena.. Baka..
nahalikan niya rin ako sa pisngi.

MygodZadeanobayangimaginationmomasgreenpakesakayGrinch.
“Hoy. Okay ka lang?” Andreau called out to me. Nakatingin na pala siya sa’kin.
Shit. Am I staring at him? O sa mistletoe? Ah ewan basta ang nasa isip ko lang yung
non-existent mistletoe kiss namin!

“Y-yeah,” I replied, faking a yawn. Ako pa ang umacting sa harap ng artista. Ibang
klase ka talaga, Pascual. Chill lang akong bumalik sa sofa at umupo sa tabi niya.
“O, knock yourself out,” I said as I handed him the box of cupcakes. Ngiting
tagumpay ang nireply sa’kin ni Andreau. Shit, another side of him. Childish
Andreau. Para siyang si Tristan kanina nung kumakain ng cupcakes: nakangiti tapos
may gleam sa mga mata niya. Parang bata.

“Hindi ka ba kumakain nito?” tanong niya sa’kin habang kinakain niya ang Kitkat
cupcake.

“Naaah.. too sweet for my taste. Mas gusto ko yung banana cake nila.” Wow.. nila.
Two months na rin pala akong hindi nagtatrabaho sa Café Feliz. Dumadaan naman ako
dun once in awhile para kay Kesh. Medyo namimiss ko rin ang lugar na yun!

Sa wakas, natapos na rin ang movie. May excuse na ako para matulog! Kaso.. paano
ako magpapaalam kay Andreau? Natural lang ba, or medyo weird? Should I greet him
Merry Christma—

“Uy, Love Actually!” sabi bigla ni Andreau. I gave him a questioning look. “Uhmm..
the movie? Next na sa HBO.”

Okay may plano pa pala siyang manood ng movie, time to go. Scoot, Pascual. “Ah
okay. Sige.. una na ako,” shit, akala ko ba hindi na awkward? “Merry Christmas, by
the way.”

“Okay. Goodnight. Merry Christmas!” he greeted me with a toothy smile. Kaso.. shit,
may chocolate siya sa ngipin niya. Di ko napigilang matawa sa itsura ni Andreau.
“Oy, okay ka lang?”

“Y-yu.. May.. chocolate ka sa ngipin mo!”

“Tss. Wala namang camera. Okay lang yan.”

Our gaze locked for a moment, making me feel more awkward than ever. Umalis ka na
Zade bago mo pa gawan ng masama yang si Andreau. a—

“Gusto mo?” sabi niya ulit. Inabot niya ang salted caramel cupcake sa’kin. “Masarap
yan, promise.”

Wow.. Art of Seduction using cupcakes? Yung totoo, Andreau, may binabalak ka ba?
“Nag..toothbrush na ako. Sige, I gotta go. I’m really beat.”
“Okay. Thanks for the cupcakes, Zade. Goodnight.”

Dala ko hanggang sa panaginip ang image ni Andreau na nakangiti with chocolate sa


ngipin. Unbelievable.

xxx

Todo sorry ako kay Ms. Marisse pagkagising ko. Pano naman kasi, 10 am na ako
nagising. Nakakahiya, di ko siya natulungan na mag-ayos ng kalat kagabi. Kasalanan
kasi ‘to ni Andreau eh!

Wala na si Big Boss sa apartment. Sabi na nga ba, cupcakes lang ang habol niya!
Anyway, binuksan ko na rin ang regalo sa’kin ni Tristan: isang green cashmere
sweater. ”I chose that color, Ate!” proud na sabi ni Tristan habang sinusukat ko
ang sweater.

Lunch na nang bumalik si Andreau sa condo nina Ms. Marisse. Over the reheated food
last night ay nagkwentuhan sila about sa latest project ni A for next year. Ugh,
romcom movie with Jillian Cabrera. Hindi ko talaga magets kung bakit may fans
silang dalawa! They have no chemistry at all! Kunwari wala akong naririnig na
spoilers! Maiinggit na naman si Kesh nito sa’kin!

After lunch ay niyaya ako ni Tristan na magpractice magsulat habang may ginagawang
drink sina Marisse at Andreau sa kitchen. Marunong na magsulat si Tristan bago ko
pa siya naging tutee, pero dahil sa’kin, mas umayos ang sulat niya. Ako pa, ang
ganda rin kaya ng sulat ko!

“Why are you using brown pens?”

Muntik ko nang mabato ang ballpen na hawak k okay Tristan. Andreau suddenly
appeared behind the couch where we were seated. Amused pa ang loko dahil nagulat
niya ulit ako.

“Uhmm.. bakit? Masama ba?” Brown ballpens and pentel pens talaga ang ginagamit ko
since high school, except sa times na kailangang gumamit ng black pens. Sa paningin
ko kasi mas maganda ang sulat ko pag brown ang tinta ng ballpen ko. Handwriting
talaga ang pinakavanity ko sa lahat.

“Wala naman. Naweirduhan lang ako,” he admitted. “I only use black pens.”

Ugh Andreau, have you heard about TMI? Thank you for sharing pero.. hindi ko
tinatanong. “Why?”

Naging confident siya sa sinagot niya. “Mas maganda ang sulat ko pag black ang
tinta.”
“We have the same reason. My handwriting looks so much better in brown. Wait lang..
what if sa isang signing event tapos walang black pen? Would you go diva and order
someone to find a black pen for you?”

Seryosong tanong yon pero tinawanan niya ako. Logical naman yun, di ba? Artista
siya, ergo may demands din siguro siya kahit paano. “I always bring my own pen
during signings. Ikaw, what if walang brown pen sa bookstore? What would you do?”

“Ilang beses na sa’king nangyari yan so I always buy my brown pens in bulk.”

He looked at me skeptically. “Matutuyo yung ink pag matagal na di ginagamit,


right?”

“Yes. Tinatry kong gamitin sila in rotation sa loob ng one week. Teka nga.. what’s
with this interrogation? What’s wrong with brown pens anyway?”

“The color’s so.. dull. And it reminds me of mud.”

“Brown’s my favorite color.”

“Just an opinion. Sorry.” But he didn’t sound apologetic at all. Nakakairita.

We were so caught up with this mini argument na hindi namin napansin na pinapanood
pala kami ni Ms. Marisse sa gilid. Nang hindi na nagsalita ulit si Andreau,
inabutan niya ito ng basong gatas. “Chill ka lang, Dreau. It’s just a color,” she
commented with an amused smile. “That’s Zade’s quirk. You have lots of quirks,
too.”

Ooohh, burn! Buti nga sa’yo, Big Boss! Binigyan din ako ni Ms. Marisse nung gatas.
God, I was deceived! Hindi pala ‘to gatas! I could smell alcohol from this drink!
“Ms. Marisse..” I almost whispered to her. Nahiya naman kasi ako kay Andreau,
naubos yung gatas sa isang lunukan lang! “I.. don’t drink alcohol.”

Well.. may bionic hearing pala si Big Boss at narinig pa niya ang sinabi ko.
“You’re not a minor. Pwede ka namang uminom, right?”

“There’s difference between I don’t and I can’t, Andreau. I can drink but I don’t.
Makes sense, right?” Hindi ko sinasadya na magtaray pero.. ang annoying niya kasi.
First, he dissed my favorite color then.. he wants me to drink alcohol? Two jabs
within 10 minutes, Andreau. nakakairita.

“There’s no diff—“ he was cut off my Ms. Marisse’s death glare. Hah, babarahin mo
pa ba ako? Eh para sa’kin may difference yung dalawa, pake ba niya? “Hindi ko naman
alam na di ka umiinom. This is just eggnog, Zade.”
Eggnog. God, inumin ng yamings ito. Mukha siya frappe sa paningin ko pero.. amoy
alak. Amoy pa lang parang malalasing na ako!

“Meron pang eggnog without alcohol sa fridge, Andreau. Can you get her some,
please?” pinandilatan pa ni Ms. Marisse ang pamangkin niya para ikuha ako ng
eggnog. No choice si Andreau, mas kakampi ko ngayon ang Bigger Boss.

He returned with my non-alcoholic eggnog and smiled at me. “Sorry about that. Pero
wala talagang sense yung sinabi mo kanina.” So.. kaya pala nakangiti kasi mang-
aasar? Nginitian ko na lang siya, ayoko na ng away.

Masarap naman yung eggnog kaso.. hindi lang ako sanay sa lasa. Pang-yamings lang
talaga ‘tong inumin na ‘to! Si Andreau.. boy he had 8 cups of it! May alcohol
problem ba siya? Inasar nga siya ni Ms. Marisse na 75% rum ang iniinom ni Andreau.
Ayoko na lang mag-isip ng masama..

We spent the whole afternoon watching Christmas movies and eating leftovers. May
ilang tawag ding nareceive sina Ms. Marisse and Andreau from their celebrity
friends, na ikinagulat ko ang ilan. Bilib din ako sa kanila, busy silang dalawa
pero pinipilit nilang magkaron ng time para magkasama-sama silang tatlo. Hay,
namiss ko tuloy si Mima! Sana umuwi rin siya next year!

Namimiss din kaya ni Andreau ang parents niya ngayong Pasko? 9 years na rin siyang
nagcecelebrate without his parents. Naimagine ko tuloy ang first Christmas niya
without them. Mag-isa lang kaya siya o kasama niya si Marisse? Ano kayang handa
nila? Dun kaya naisip ni Ms. Marisse ang weird Christmas traditions nila sa Noche
Buena? That night din kaya natutong uminom si Andreau ng very alcoholic eggnog? The
last one’s impossible but.. what do I know, right?

God, amoy pa lang ng alak parang lasing na ako. Kung anu-ano na ang naiisip ko!

xxx

Around 5:30 PM na nang makalabas ako sa condo nina Ms. Marisse. Si Andreau kasi,
pinilit akong manood ng While You Were Sleeping. I was a bit skeptical at first
because of the movie title.

 Is that really a Christmas movie?

Oo naman! Di ka naniniwala?

It sounds like a stalker film for me. While You Were Sleeping ba naman ang title
eh. Reminded me of Edward Cullen.

Just.. watch the film, will you?


In fairness, maganda naman yung movie. I teared up a little, much to Andreau and
Ms. Marisse’s amusement. Kaso..

I still don’t get it. Christmas movie ba talaga yan? The guy had the accident
during Christmas. It could happen anywhere, anytime.

Zade.. 1995 pa yung movie. I don’t think your rants would make a difference.

But..

Just admit the movie’s great.

It was b—

See? Now you’re done.

Darn it.

Hanggang sa elevator (yes, pinahatid na naman ako ni Ms. Marisse kay Big Boss)
inaasar ako ni Andreau dahil sa pag-iyak ko.

“Hindi ka pa rin makamove on, ano?” sarcastic kong sabi habang papasok kami sa
elevator. “Sorry if ginamitan ko ng logic yung film but..”

“Fine, but you still cried.”

I rolled my eyes and he laughed again. “What’s funny?”

“Wala lang. I find it ironic that you hate Halloween and love Christmas.”

“I don’t hate Halloween. I just don’t like it. There’s difference,” I pointed out
seriously. Lalo siyang tumawa! Nako, lasing na ‘to. “Are you okay? Hindi naman
nakakatawa yung sinabi ko ah!”

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. “God, we’re both speaking English but we
mean different things. It’s quite.. amusing.”

“Hate is a strong word, compared to the the phrase don’t like which connotes a
slight dislike towards something.”

“Okay, I stand corrected. So you don’t like Halloween?” he asked seriously.


“Yes, and Valentine’s Day, too.”

Nashock pa siya sa sinabi ko. “What’s with you and holidays? Christmas lang ba ang
gusto mo?”

“Christmas and New Year. And what’s with you and my quirks? Nawiweirduhan ka na ba
sa’kin?”

He shook his head solemnly. “It’s just.. amusing. Girls love those holidays.”

“Wow, how sexist of you.”

“So.. uuwi ka pa ng San Ignacio tonight?” he grinned at me, as if telling na


pabayaan na siya. “Limang oras kang nakaupo sa bus. That sucks.”

“Sanayan lang! Tsaka mabilis lang naman ang byahe. Inaabangan na rin ako nina
Butchoy ngayong gabi eh.” Lumagpas na naman kami sa 19th floor. Damn, hanggang
lobby ba niya ako ihahatid? May sasabihin ‘to!

“May gagawin ka ba sa New Year?” he asked me casually. “I mean.. kayo sa San


Ignacio. May.. gagawin ba kayo?”

OKAY TURNING OFF MY IMAGINATION RIGHT NOW. “Uhmm.. the usual New Year stuff lang
naman. Bakit?”

Bigla siyang nahiya sa sagot ko. “Ano kasi... si Marisse. She wants to go there and
meet the people. Free naman kaming dalawa sa New Year so.. kung okay lang sana.. sa
inyo kami sa January 1?”

WHAT.

Seriously? New Year.. with them? Halos lahat na lang ba ng occasion makakasama ko
siya? Universe.. anong meron? Hindi na ako umaasa kay Andreau pero ikaw.. ang lakas
mong magpaasa!

Bumukas na ang elevator door bago pa ako makapagreply. I thought papabayaan na lang
ako ni Andreau na umalis kaso lumabas din siya kasabay ko. “Uhm.. wait.. hindi ko
sure ah? Baka kasi may gawin sina Nana.. ayoko namang maging spokesperson nila.
Pero sasabihin ko sa kanila mamaya pagkauwi ko then I’ll text you. Is that okay?”

His eyes lit up kahit medyo downer ang sinabi ko. “Talaga? Please do text me pag
okay kina Nana Tinang. Gusto ko ring magthank you sa kanila for the docu’s
success.”

“Sige. Basta magtetext na lang ako mamaya ha? I really have to go, 7PM yung alis ng
bus sa terminal. 8 PM pa a—“

Tinawanan na naman niya ako. Nag-eemit ba ako ng laughing gas at tawa siya nang
tawa pag nagsasalita ako? “Sige na, itext mo na lang ako. Ingat sa biyahe!”

I was expecting na babanggitin niya ulit ang pangalan ko but naaahh.. okay lang.
Quotang-quota naman ako sa interaction with him today.

Shocks. Valentine’s Day. Halloween. Christmas and now.. New Year.

Buti na lang malamig sa San Ignacio pag January, hindi ko siya makakapagtopless.

-A&Z-

=================

[13] Another Day in Paradise

Again, a filler chapter! Before anything else, gusto ko lang i-clarify ang
pronunciations ng names nina A&Z. Zade is pronounced as Zay-dee, tapos ang Andreau
naman ay "Andrew" lang talaga. Haha! 

Then.. ang San Ignacio po ay ficitional place, for me. It was inspired by a place
na napuntahan ko this year. And if may katulad siyang place (Hi Diana!), accidental
lang yun!

Okay, let's get it on! (BTW, ang daming lurkers ng story na 'to. Hi guys, don't be
shy!)

 Check out the external link (right side) for The Alphabet Couple Playlist on
Youtube! 8tracks and Dropbox links will be available tomorrow, March 22! :)

#TSIB!

Chapter 13: Another Day in Paradise

I therefore conclude that Andreau Cortez is a choleric.

Ibang-iba siya ngayon compared dun sa immersion thing nila last year. Well, hindi
ko naman talaga siya nakausap nun, puro si Roldan na lang, kaya hindi ko talaga
alam kung paano siya magfunction as a leader or boss. Nung nagpunta sila dito sa
San Ignacio nung summer naman, saglit ko lang sila nakabonding and he was okay.
Pero shit lang, nakakastress si Andreau pag nag-oorganize ng events.

Ano nga ba ang characteristics ng mga choleric na nakita ko kay Big Boss?

doer, likes to lead and are usually good at making decisions, goal-oriented and
enjoys  challenges, too bossy, logical, pushes plans through, doesn't explain
emotions , can be defensive and prideful, self-confident, self-reliant, private,
argumentative..

See what I mean?

December 26 nang tinext ko siya sa sagot ni Nana Tinang tungkol sa plano nila. Of
course, pumayag si Nana, lalo na nung nalaman niyang kasama si Ms. Marisse.
Naexcite ang barangay namin sa balita na yun. After kasi ng release ng Dagat ng
Buhay, may ilang NGOs na ang tumutulong sa fishefolks ng San Ignacio. For them,
hero nila si Big Boss. Sosyal lang!

Akala ko hanggang dun na lang ang participation niya sa preparations. I was


expecting na may assistant or something na tatawag sa'kin para makipagcoordinate
about this. Kaso.. gabi ng December 26, tinawagan niya ako. He sounded very
business-like on the phone, boss na boss ang dating. Kung anu-ano ang sinabi niya:
head count, allergies, beach party, fireworks, overnight, Gantt Chart (def a
choleric move!), games... his list is endless. Pinaulit pa nga niya sa'kin lahat
bago niya i-end ang tawag. At least he said goodbye nicely and in an Andreau-like
manner.

Ganun din ang drama namin sa mga sumunod na araw. Utos dito, utos dun. Nagpareserve
sila ng super daming seafoods para sa beach party. May dumating na ring organizer
para magsurvey ng beach front. Beach party pala ang gustong mangyari ni Ms. Marisse
dito sa'min! Iooccupy daw ang buong beachfront sa tapat ng bahay ni Nana Tinang
para sa party. I was surprised na may invitations pang dala ang organizer, para raw
sa 6 na barangay ng San Ignacio. Nakakalula, feeling ko ang daming pupunta dito!

Maliit lang naman ang population ng San Ignacio kaso.. wow. Talagang gagastusan
nila 'to para lang magthank you sa mga tao? Ibang klase rin sina Ms. Marisse!
Sabagay, last August nagpaparty din sa isang children's hospital si Ms. Marisse
para sa birthday celebration niya. Hindi nga lang ako nakapunta dun dahil may
midterms ako. Nakakita ako ng pictures and ang dami ngang handa and giveaway para
sa mga bata. Mas okay naman yun kesa pinambayad niya sa isang bar yun, di ba? Eh
dito kaya sa beach party, magkano ang magagastos nila? Kung mayaman na si Ms.
Marisse, I'm sure twice dun si Andreau. Sa dami ba namang endorsements at projects
ni Big Boss, kayang-kaya niyang bayaran 'tong lahat!

Pero... bakit nga kaya nila 'to ginagawa? Hmmm...

xxx

DECEMBER 31
THAT'S IT. LAST NA TRABAHO KO NA 'TO WITH BIG BOSS.

Hindi ako aware na ako pala ang executive liaison officer niya or something! 4 AM,
freaking 4 AM ba naman ako ginising nung organizer para tulungan daw siya!?!?! Wala
nga akong matinong tulog dahil dun sa project ko sa Creative Writing subject namin
na deadline na next week tapos.. gigisingin ako dahil hindi niya alam kung nasaan
yung schedule ng beach party!?

Unbelievable.

Ayoko pa naman ng iniistorbo ang tulog ko, hindi na ulit ako binabalikan ng antok!
Tinulungan ko na lang siyang ayusin ang gift packs na ipamimigay nina Ms. Marisse
mamaya sa attendees. Sosyal, galing sa sponsors nilang dalawa ang halos lahat ng
laman ng gift bag! Over two hundred gift bags ang nakatambak sa sala ng bahay nina
Nana. Feeling ko tuloy relief center kami or something.

Kaugalian na dito sa San Ignacio ang all day long celebration ng New Year. Umaga pa
lang, may nagluluto na ng mga handa nila. Ang New Year breakfast dito kina Nana
Tinang ay composed of sapin-sapin, puto with cheese, champorado at hot chocolate.
Sa tanghalian naman di nawawala ang sugpo at alimango. New Year's Eve dinner? Aba,
lechong manok yan!

But this New Year.. ibang-iba ang nangyayari. 7 AM pa lang, ang dami nang nagluluto
para sa beach party mamayang gabi. Napagkasunduan kasi na magdadala ang bawat
barangay ng pagkain para sa party mamaya, by request ni Mayor Pablo. Nakakahiya nga
naman kina Andreau kung sila pa ang gagastos sa pagkain. Nung una ayaw pa ni Ms.
Marisse ang idea, pa-thank you raw nila ni Andreau ang beach party. Pero ang sabi
naman ng mga taga-rito, kami dapat ang magpasalamat. Nagcompromise sila ba hati-
hati sa pagkain in the end. Ang saya, parang fiesta! Ngayon lang ulit ako nakakita
ng nagluluto sa malalaking kawa at pansigang kahoy! Pinapanood ko silang magluto
kahit antok na antok ako!

Around 10:30 AM nang tawagan ulit ako ni Andreau. Nasa kalagitnaan kami nina
Butchoy ng paglalaro ng pogs nang magring ang phone ko.

Busy ka? Third time ko na 'tong tumatawag.

Shit, sorry. Naglalaro kasi kami ng mga bagets. Sup?

Tumawa na naman ang bwiset. What's happening there? Ayos lang ba dyan? Do you need
he—

We're doing great here, Boss. Ang dami nang nagluluto dito. Wait.. what time raw
kayo dadating? Pinapatanong ni Nana.

I'm on my way to pickup Marisse at the studio. May last minute voice over recording
siya for Wanderlust. Diretso na kami dyan after.
Noted! Uhmm.. warning lang ha? Medyo traffic ngayon sa expressway. Maraming bibili
ng fireworks dito sa North.. baka ma--

Don't worry, I'm an excellent driver. I could manage.

Wow, confidence. I don't think F1 drivers could pass that road patiently. It's New
Year, Andreau. Kahit gaano ka pa kagaling magdrive, wala kang panama sa traffic.

He laughed again. You know about F1 drivers yet you don't know who Brad Pitt is?
Unbelievable.

Hey, that's foul! Napagpapalit ko lang silang dalawa ni Tom Cruise.

But still.. ang layo ng it--

Hanging up right now.

Uy Zade wai—

Wagas na naman siyang makalait. Ugh.

xxx

Isang malakas na putok ang gumising sa'kin. Shit, di ko nakatulog pala ako. After
lunch ay binalikan ko ang paper ko. I was doing fine until I.. fell asleep. May one
week pa naman ako bago 'to ipasa!

Chineck ko kaagad ang phone ko, baka nagtext or nagmisscall si Andreau. Hah, 4
messagess lang. Three from him, one from Ms. Marisse.

Text #1: Andreau Answer your phone. Naligaw ata kami.

Text #2: Andreau Wala na ba kayong kailangan dyan? Dadaan si Marisse sa


supermarket.

Text #3: Andreau Wala ka bang load?

Text #4: Ms. Marisse Hi Zade! We're already here! Too bad you're sleeping. Iikot
lang kami sa place w/ the mayor. See you l8r!

Aaahh they're here! Nakakahiya, hindi naman siguro nila ako sinilip dito sa kwarto
habang natutulog!? OMG kakahiya!!!!

xxx

Mga 8:30 PM na nang nakabalik sina Ms. Marisse dito sa bahay. Apparently after
nilang ikutin ang area, niyaya sila ni Mayor Pablo na magdinner sa bahay nila.
Saktong kumakain na kami nina Nana ng dinner nang dumating sila.

"Ate Zadeeee!" tumakbo siya papunta sa'kin sabay yakap. "Namiss kita ate!"

Kinalong ko si Tristan. Wow, lalo siyang bumigat! One week lang ang lumipas ha.
"Awww hello Trist! I miss you too! Did you eat already?" I looked up and said hi to
Ms. Marisse and Andreau na busy sa pakikipag-usap kay Nana. Haaayy.. looks like ako
ang yaya ng mga bata tonight!

xxx

I didn't expect this to be this big.

Okay, akala ko talaga kakaunti lang ang pupunta dito sa beach party. Kaunti, mga
less than a hundred people. Tipong kami-kami lang dito sa barangay tapos ilang tao
lang galing sa ibang lugar. Baka kasi mas gusto nilang magcelebrate ng New Year sa
mga bahay nila.. kaso..

Sobrang daming tao dito.

I've never been to Boracay pero ganito siguro ang itsura nun pag summer: maraming
taong nag-eenjoy, may bonfire.. tapos may mga nag-iihaw sa gilid, overflowing food
and drinks.. at live music.

Goodness, this is awesome.

Nag-eenjoy ang mga tao, bata man o matanda. Sina Nana, nonstop ang
pakikipagkwentuhan kina Ms. Marisse at sa mga kakabaihan na in charge sa tinapa
business. Tumatagay naman si Big Boss kasama ng ilang mangingisida sa may gilid ng
kubo. Ako? Bantay nina Tristan at mga bagets. In fairness, madaling nakibagay si
Tristan kina Butchoy ha! Sobrang amazed siya sa pogs to the point na nagpabili si
Ms. Marisse ng ilang plastic nun sa bayan kanina. Wild, right?

After ng first dinner (yes, una pa lang 'to. Mamayang 12nn kakain ulit!), nagsimula
na ang mini-program na nirequest ni Ms. Marisse. Nagprepare ng performances ang
bawat barangay at kung anu-ano pang pakulo just for fun. Syempre pambato ng
barangay namin ang dance number ng mga bagets at nina Nana Tinang! Hindi ako dancer
pero napilitan akong sumayaw kahit backup lang. Nakakahawa kasi ang energy nina
Butchoy at Nana sa pagsasayaw!
Bumalik ako sa bahay para mag-CR after ng performance namin. Nasobrahan ata ako sa
four seasons na pinainom sa’kin ni Ms. Marisse kanina, ang sarap kasi!

Palabas na ako ng bahay nang mapansin kong bukas ang ilaw sa kubo nina Andreau.
Hindi naman siguro ‘to magnanakaw, may dala kayang bodyguards sina Ms. Marisse!
Sumilip ako sa may pinto at nakita ko si Andreau na nag-aayos ng buhok niya. Ooohh,
medyo vain din pala siya ha. Hindi kaya siya nabulag sa dami ng nagpapicture sa
kanya kanina?

“Zade?” he exclaimed, still look at the mirror. Shit, napansin niya talaga ako?
“Nagstart na ba yung next performance?”

“I think so. Iba na yung kumakanta eh,” I replied, not looking at him. Hinintay ko
siyang lumabas ng kubo para magsabay na kami sa pagbalik sa bonfire. But.. ugh.
“Yuck, amoy alak ka!”

He smirked at me. “Hindi naman masyado! Amoy usok ako.”

“God, are you drunk?” Medyo namumula ang cheeks niya. “You’re definitely drunk!
Grabe how ire—“

“Hey, I can control my alcohol intake! Tsaka.. hindi ako makatanggi dun sa mga tao.
They’re really happy about this.” He flashed that mysterious smile again. Ilang
beses ko nang nakikita yun yet di ko pa rin magets kung para saan ang ngiting yon.
Hmmm..

“Wag ka lang magsusuka ha? Nakakahiya yun! At baka magtrend ka sa Twitter dahil sa
pagsusuka mo.”

“That’s very unlikely to happen, but thanks for the advice. 10:30 pa lang naman,
masyado pang maaga para maglasing.”

“Medyo konti na lang maniniwala na ako kay Ms. Marisse about your alcoholic tende—
ouch!” siniko ba naman niya ako! Dun ko lang napansin na may bitbit siyang... “Ano
yan? Ba’t ang liit ng gitara?”

“Ah eto ba? Ukulele tawag dito,” tinaas pa niya yung instrument. “Si Marisse kasi..
gustong kumanta.”

“So you’re going to sing, too?” I teased.

“Kaya nga may ganito ako eh, ako na lang tutugtog.

Tapos na ang last performance nang makabalik kami ni Andreau sa may bonfire. Ganun
katagal ba kami nawala? Ba’t ang bilis naman ata? Dumiretso si Andreau sa tabi ni
Ms. Marisse at tinabihan ko naman sina Butchoy at Tristan. Kakanta na ba sila? OMG
sayang wala akong camera!

Inintroduce ng organizer sina Andreau at Ms. Marisse para sa special number nila.
Puro palakpak (Ms. Marisse) at tilian (Andreau) kaming lahat para sa kanila.

“Pagpasensyahan niyo na po ang boses ko,” panimula ni Ms. Marisse, “pipilitin kong
kumanta ngayong gabi. Sana po hindi umulan, ano?” She signalled something to
Andreau, na kaagad tumugtog. “Isa po ‘to sa favorite songs ko. Kung alam niyo po,
sabayan niyo ako ha?”

Swaying room as the music starts

Strangers making the most of the dark

Two by two their bodies become one..

Wow.. maganda naman ang boses ni Ms. Marisse! Pero si Andreau talaga ang nakakuha
ng atensyon ko. He looked so.. relaxed while playing that little instrument.
Maganda rin naman pala yung tunog nun, mas gusto ko kesa sa acoustic guitar. May
ilan na ring naki-singalong kay Ms. Marisse (including me!), at naglabas na rin ng
lighter si Nana Tinang. Maya-maya nagsilabasan na ang lahat ng lighter. What a
beautiful sight! Sana pala hindi na lang tumugtog si Andreau para navideohan niya
‘to!

Ang daming humirit ng isa pang kanta from Ms. Marisse, kaya kumanta naman siya ng
Landslide by Fleetwood Mac (favorite song ni Mima ‘to!). I saw Andreau singing
along with us, and that made me smile. Ang saya ko na makita rin siyang masaya.
Querencia nga naman.

Hala, ano raw Pascual? Lasing ka na rin ba?

xxx

“Ate Saysay, matagal pa ba yung fireworks? Excited na ako!”

“Oo nga Ate Zade! Di ba close naman kayo nung babaeng naka-red? Ask her naman kung
anong oras yung fireworks!”

Goodness, this is hard. Apat na cute na bata ang nagrerequest sa’kin.. pano na ‘to?
30 minutes na lang bago mag-New Year at kinukulit pa rin nila ako. May ilan kasi na
nagpaputok na kaso nagpromise si Ms. Marisse na nagprepare sila ng 3 minute
fireworks display for tonight. Tinatago ko lang ang excitement ko from the kids,
baka lalong magligalig ‘to! Tinuruan ko na nga lang si Tristan gumawa ng sandcastle
para madivert ang attention niya kaso walang epekto. Hay.

“Mamaya pa yun, kids. Hintayin niyo lang,” Andreau said out of nowhere. Aba, parang
kanina lang nandun siya kasama nina Nana Tinang tapos ngayon.. nandito na siya? Ang
bilis naman atang maglakad nito! Umupo siya sa tabi naming lima, at nagulat pa na
may napuan siyang basa.

“Eh Kuya Andreau.. ba’t ang tagal naman?” nayayamot na tanong ni Butchoy. “Yung mga
kapitbahay nagpaputok na.. tayo hindi pa..”

Andreau smiled at him. “Save the best for last, di ba Ate Zade?”

“Oo nga, Choy. Hintay lang! Tsaka hindi pa naman New Year, may 24 minutes pa!”

Nanahimik na lang ang apat na bagets sa buhangin nila. I took this opportunity to
talk to Andreau, para walang awkward moment ulit. “So.. kamusta naman?” I asked him
casually. “Are you having fun?”

“Yes. Spending this holiday here today is a very wise decision. Though isa sa New
Year’s resolution ko ang bawasan ang pag-inom.. sinusulit ko lang ngayon.”

Ay parang gusto kong makita ang drunk Andreau! Wait.. what? Baliw na ata ako.
“Sabay next week may pasok na ano? It sucks. Kamusta pala OJT? Matatapos ka na ba?”
Sa isang production company siya (an indie one, though I heard nag-offer ang
network nila na dun na lang mag-apply but he declined) ngayon, friend niya ata ang
may-ari.

“Ah. 2 weeks to go then I’m off. ‘twas actually fun but.. I missed the campus.
Akalain mo yun.”

“Nasan nga pala si Roldan? Nasa California pa rin?”

He nodded. “He rarely celebrates holidays here. Siya na lang naman ang naiwan dito
sa Manila. I don’t know kung dun ba siya mags-stay after graduation.” Shoot,
gagraduate na pala sa April sina Ate Anya, Kuya Lean at Roldan. So that means..
mag-isa na lang si Andreau sa campus. That’s kinda.. sad.

“Oh, I almost forgot,” may kinuha siya sa back pocket ng pants niya. Mga.. lusis?
“Para hindi mainip sina Butchoy. Sindihan mo na lang.”

Binigyan niya rin ako ng lighter at sinindihan ko ang isang stick. “Pssst Choy!!!
Look!” Agad na nagsilapitan sa’min at nakikuha at nagsindi rin ng lusis nila.
Andreau just sat there watching us, laughing.

Without a doubt, this is the happiest New Year’s Eve ever.

xxx
“Burahin mo nga sabi eh.”

“Anong buburahin ko? Wag ka ngang feeling! And why are you whispering?”

Nakaka-pitong irap na ako kay Andreau sa loob ng 10 minutes. Paano ba naman,


sinumbong ni Adrian sa’kin kanina na may stolen shot daw ako sa camera ni Andreau.
Pinicturan daw ako ng loko habang tumatawa dahil sa lusis! Hindi ako photogenic or
what kaya alam kong panget ako lalo sa stolen shot na yun!

I tried to grab his camera but he swatted my hand. “Wala ka ngang stolen sa camera
ko. Ba’t ayaw mong maniwala?”

“Because children don’t lie. That’s a fact.”

It’s his turn to roll eyes. “Naniniwala ka pa rin dun hanggang ngayon?”

“Yeah. Wala namang masama, di ba?”

Tiningan kami ni Nana Tinang at pinandilatan niya kami. Five minutes na lang kasi
bago mag-New Year kaya tinipon kaming lahat (over a hundred people!) sa may
seashore para manood ng fireworks display. First time na mangyayari sa’min 'to kaya
medyo big deal. Lahat kami sobrang excited kaya ang ingay sa paligid!

“O mga bata!” sabi ni Nana Tinang gamit ang speakerphone, “Wag niyong kakalimutang
tumalon mamaya ha? Para tumangkad kayo!”

“Hoy Zade, talon ka rin mamaya ha?” pang-asar sa’kin ni Andreau. “Baka kailangan mo
pa eh.”

“Excuse me? Hello, konti lang kaya ang height difference natin!” Well, totoo naman
yun. Lagpas balikat kaya ako ni Andreau kapag nakapaa ako! And he’s tall ha! At ang
bwiset, nginitian lang ako!

Two minutes to go!

Nagsiksikan lalo ang mga tao dahil sa excitement. Correction, mas sumiksik si
Andreau sa tabi ko. Okay.. wala atang epekto ang concept ng personal space ngayong
New Year? Hindi ata ako informed!

Andreau suddenly leaned towards me and whispered something. “Wala ba kayong


traditions dito?”

“What!?” parang sira naman kasi ‘to, magtatanong kung kelan ang ingay sa paligid!
Ang daming sumisigaw at nagpapatunog ng torotot dito o!
“Wala ba kayong traditions dito? When the clock strikes twelve or something?” at
last naisipan din niyang sumigaw.

“Wala!!! Kayo ba, may tradition?”

A smirk was his only answer. Tradition pag New Year? Hmm..bukod sa pagtalon at
pagsaboy ng barya, wala na kaming ibang ginagawa dito. Sila kayang mga yamings?
Malamang meron!

Mas lumakas ang ingay ng mga torotot at kaldero (we’re awesome like that) nang
nagsimula na ang 30 second countdown. Sina Tristan at yung ibang mga bata,
nagsimula na ring tumalon!

10.. 9.. 8..

“Talon na Zade!” epal na naman ni Andreau.

“Ikaw may gusto e di itry mo!”

7.. 6.. 5..

“Ang sungit mo naman, magn-New Year na oh!”

“ANG INGAY MO KASI!!!!”

4.. 3.. 2..

“I’m s—“

HAPPY NEW YEAR!!!

At that moment.. parang nag-mute ang ingay sa paligid ko. It’s just me and the
fireworks in the sky. Bagong taon na naman, bagong experiences. Every year kong
kini-claim na taon ko ‘to yet I could feel something different this year.

Hmm.. bakit kaya?

Ah. Alam ko na.

That difference is standing right next to me, taking pictures of the fires in the
sky.
xxx

JANUARY 1

Last night was really a blast!

Well.. wala na akong masyadong matandaan kasi sobrang inantok na ako right after ng
fireworks display. Ibang klaseng relaxation ang naramdaman ko after seeing the
fireworks! Kahit hindi pa tapos ang party nauna na akong matulog sa kanila. At
ayoko ring maimbyerna ni Andreau ang first few minutes ng bagong taon ko.

Naabutan kong naglalagay na ng gamit ang bodyguards nina Ms. Marisse sa van
paglabas ko ng bahay. Shit, I overslept again. Lagi na lang ba pag paalis ang mga
bisita, Zade?

May taping pa raw ng Wanderlust si Ms. Marisse mamayang gabi at dadating si Sir
Shane kaya nagmamadali na silang umalis. Tulog sa loob ng sasakyan, na around 4AM
na raw nakatulog. Kina Ms. Marisse at Andreau na lang tuloy ako nakapagpaalam.

Pero.. bago sila makaalis, tinawag ako ni Andreau sa may gilid ng kubo. He seemed a
little bit agitated. Weird.

“O ba—“ he handed me a blue paperbag. “Okay what’s this?”

“Open it.”

Sinilip ko yung loob ng paperbag. May color pink akong nakita sa loob. “What’s..
this?”

Aha, I met embarrassed Andreau again! “Ano.. that’s a gift for all seasons.”

“What?”

“Uhmm.. you can call that a sorry/thank you/you’re welcome/Happy Halloween/Merry


Christmas/Happy New Year gift.”

“I.. I wasn’t aware that you should give gifts on Halloween.”

“Okay, hindi kasama ang Halloween but.. that’s a gift,” he paused. “In exchange for
the cupcakes.”

It was my turn to be embarrassed. “Andreau.. I can’t accept this. This is to—“


“That’s just a little thing. Wag na wag mong ibabalik sa’kin yan, okay?” he flashed
his mysterious smile again. “Gotta go! See you soon and Happy New Year,
Scheherazade.”

Alam kaya niya na natatameme ako pag binabanggit niya ang full first name ko? Is he
doing that on purpose or what?

Kinagabihan ko na binuksan ang paperbag. Eto ang nakita ko sa tag:

I don’t care if you’re a nelipot. Don’t forget to wear this.

-          A

At yung laman ng paperbag?

Strawberry-shaped fluffy slippers lang naman.

Siya kaya talaga ang bumili nito?

-A&Z-

Chapter 14 is one of my favorites! Wala pang update date yet, so hintay na lang po!
Maraming salamat <3

=================

[14] Drinking Games

I wrote this right after watching HIMYM's finale. Sana magustuhan niyo <3

#TSIB

-A&Z-

Chapter 14: Drinking Games

February 13

"Siguro ang sarap humalik ni Andreau!"


Muntik ko nang mabagsak ang laptop ko sa floor dahil sa sinabi ni Kesh. Buti na
lang nakahiga ako sa kama ko, kundi pati ako nasa sahig na ngayon.

"What the hell, Kesh?” My sleepy eyes grew wide in an instant. Kanina pa kaming
walang imikan dito sa dorm tapos.. bigla-bigla siyang magsasabi ng ganyan. Nawala
tuloy antok ko!

Tinanggal ni Kesh ang earphones niya. "Ha? Kinakausap mo ba ako?"

"Are you kidding me?"

"Ang tahimik ko kayang nanonood dito!" hinarap niya sa'kin ang laptop niya. Ugh,
pinapanood na naman niya yung movie nina Andreau at Sarah na No Ordinary Love.
Kadiri, ba't ba kanta ang title ng halos lahat ng Filipino romance movies? Tagtipid
sa OST?

Tinago ko ang laptop ko sa ilalim ng kama bago ko siya sinagot. "Di ka pa ba


nagsasawa dyan ha? You've watched that for like nine times already!"

"OA ka naman, 7 times lang!" she corrected. "Eh sa Valentine's Day na bukas at
kailangan kong kiligin!"

Rolling my eyes, I stood up and sat on her bed. Tinanggal niya ang earphones sa
laptop niya at pinlay ang video. Saktong dun sa confession and kissing scene pala
ang pinapanood ng roommate kong eskandalosa. "Just look at him here! Is it just me
or parang mas kissable siya in person?" Kesh mused, totally giddy about the idea of
Andreau's kissing prowess. "Is his lips redder like thi-"

"Keisha.. parang awa magtigil ka."

"Nagtatanong lang! Oh wait, here's my favorite part!"

Ugh. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako mahilig manood ng movies ay yung
paglilimit niya sa imagination ng tao. I mean, with books, may makikita kang iba
every time na binabasa mo di ba? Sa movies kasi.. damn, lahat na halos na dun.

Gusto kong gumagala ang imagination ko!

I've seen this movie thrice and I gotta say may chemistry sina Andreau and Sarah.
The story is quite good and pretty much Andreau-like. The only thing I hated about
this is the kiss in the rain scene. Fine, kinilig din ako sa scene na 'to kaso..
may something na kulang. Well, mas gugustuhin ko pang mapanood 'tong movie na 'to
kesa sa mga pelikula ni Jillian. Nakakapagtaka na may fans siya despite her acting
skills.

As usual, iniyakan na naman ni Kesh ang sad ending ng movie (di nagkatuluyan sina
Andreau at Sarah) at nagdrama tungkol sa true love, happiness and moving on. Ganito
rin namin sinalubong ang Valentine's last year.

"Nga pala Zades?" sabi niya bago niya patayin ang ilaw. "Bukas ha. Don't forget."

I groaned. May Valentine's Day party na pupuntahan si Kesh bukas dahil sponsor ang
Psych Soc, ang org na pinag-aapplyan niya. Required pumunta ang applicants sa party
and since medyo clingy ang roommate ko, pinapasama niya ako sa party. "Kesh.. sorry
pero di ko talaga feel pumarty. It isn't my scene!"

"Lahat na lang di mo scene! Dali na, it'll be fun! Pambawi mo na rin 'to last year,
since iniwan mo akong mag-isa sa cafe para samahan sina Andreau at Roldan! Dali na,
please?"

Oh. One year na pala mula nung magkakilala kami ni Andreau. Wow, unbelievable.
Things pretty much changed since the day we've met. First, medyo close na kaming
dalawa though di kami masyadong nagkikita since busy siya sa special OJT niya.
Second, I found new friends in Ms. Marisse and Tristan. Nakakahiya man pero I treat
them as my second family (of course, I didn't tell them this. Baka kilabutan sila!)
And third.. mas masaya ako ngayon. Pretty good change, huh.

"Fine! Pero saglit lang tayo dun ha? Uwi tayo ng 11:30!"

"Wag ka ngang manang! Friday bukas and hello, 10PM ang start ng party. Nobody shows
up on time. And this is our first college party! Don't be such a buzzkill."

"Keep calling me a buzzkill then you'll definitely go alone tomorrow."

"Eto naman masyadong matampuhin! Basta bukas ha? Don't worry about the clothes, ako
na bahala dun."

"God please tell me hindi ako magsusuot ng skimpy dress or what."

A fake snore answered me quickly. Sometimes I really really want to strangle my


roommate.

xxx

FEBRUARY 14.

"I'm not sure about this, Kesh."

"Zades please trust me on this one? You look great, by the way. Now woman up and
walk faster!"
Ugh. Buong araw kong pilit iniintindi kung bakit kailangan pa ng party to celebrate
Valentine's Day. I was surprised na maraming students ang papunta sa bar ngayong
gabi. So maraming single sa campus? Ba't di ko naman ata ramdam yun?

This day sucked as ever. Ang dami na namang may hawak na roses, teddy bears and
chocolates kanina sa campus. Ang bagay na bago lang ay yung prof na nagpropose sa
girlfriend niya habang nasa klase. Student assistant niya ang girlfriend so..
nevermind. If I was in that class, magagalit ako. Di nagbabayad ng buwis ang mga
tao para magpropose lang ang professors during class hours. Please lang, I want to
learn.

Speaking of the party.. Kesh made me wear this navy blue dress and heels.
Apparently may color coding pala ngayong gabi: red pag in a relationship, blue pag
single, yellow pag it's complicated, pink pag heartbroken, and green.. well.. pag
gusto mong makahanap ng goodtime. Sana may option na white for nevermind napilitan
lang akong umattend ng party na 'to.

Medyo kinakabahan ako sa mangyayari ngayong gabi. I really don't like parties and
alcohol. Nung high school marami sa classmates ko ang excited pumarty pagdating
nila sa college. Exercising their new found freedom and crap. Ako? Takot nga akong
malasing eh! Impulsive na nga ako kahit di pa nakakainom, what more kung lasing di
ba?

Mahaba ang pila sa labas ng bar at ang daming nakablue. May ilang malalakas (at
makakapal ang mukha) na nakagreen, mostly guys. I glanced at my watch, 10:45PM. The
night's still young pero ang sakit na ng paa ko dahil sa heels na 'to.

"Kailangan pa ba nating pumila dito?" bulong ko kay Kesh. "Sponsor naman kayo di
ba? Can we just tell the guards that or w--"

"Whoa, Scheherazade is that you?"

Kesh and I turned around and spotted Roldan and Andreau walking towards us. Shit.
Bakit ngayon pa? Bigla tuloy akong naconscious sa suot kong damit. God I wish mas
mahaba 'tong dress!

"Hi Roldan! Andreau!" Kesh greeted them happily. "Wow.. is this for real? Dito rin
kayo tonight?"

"Sponsor ang BroadSoc eh," Roldan replied, smiling. "I guess blue wins tonight huh.
Looking good, guys!"

Nakablue rin ang magbestfriend but.. good lord.. may something na iba sa porma ni
Andreau ngayon. Come on Zade, anong iba sa blue polo at jeans na suot niya? Wala
naman ah! But damn.. ba't may something na iba? Whoa, he's avoiding my gaze.
Really? What did I do now?
"Tara, pasok na tayo!" yaya sa'min ni Roldan. Magrereklamo sana ako nang nagsalita
siya ulit. "Major sponsor ang org ko. Plus.. we have the superstar here so VIP na
tayo. Come on, let's go!"

Medyo reluctant akong sumunod kina Roldan at Kesh. Ang sama kasi ng tingin nung
ibang nakapila nang makita nilang kasama namin si Andreau. Not that I'm intimidated
or scared of them. I'm more concerned of Andreau because he's too quiet. The Quiet
and Very Serious Andreau is my least favorite.

Ayokong sayangin 'tong gabi na 'to kung tahimik lang din si Andreau. I'm not
expecting na siya ang mag-iinitiate ang conversation or what.. ugh. Nakakapanibago
lang. Today, exactly one year ago nung nagkakilala kaming dalawa. Looks like
bumalik ulit kami dun sa araw na yun, completely strangers.

xxx

First time kong pumasok sa isang bar.. and oh my god. Last ko na 'to. Hindi ko
kinakaya ang amoy yosi at ingay ng music. Is that even music? And wala na halos
space sa dance floor! Akala ko nga blackhole ang pinasukan namin kanina, muntik na
akong mawala! Buti na lang kasama namin sina Andreau (na tahimik pa rin) at si
Roldan (na kanina pa nilalapitan ng girls), kundi sobrang OP kami dito. Good thing
na sa VIP area rin kami, wala na talagang maupuan sa baba.

Pero.. ang awkward. Ano bang topak nitong Cortez na 'to? Ang saya ng kwentuhan nina
Kesh at Roldan dito sa tabi namin tapos itong si Big Boss.. nakakatatlong glass na
ata ng red wine. Shit, may problema ba siya? Brokenhearted ba siya?

"Pssst Dreau," sigaw ni Roldan sa bestfriend niya. Andreau looked up and tilted his
head. "Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik ah."

Andreau shrugged as he emptied his drink. "Nah. Meron lang kaming di pinagkasunduan
ni Mars kanina. No big deal."

Nagkatinginan kami ni Kesh. Who the hell's Mars? Oh my god.. girlfriend or


boyfriend? Oh g--

"RM ni Andreau si Mars," natatawang sabi ni Roldan. "Road manager."

Road manager? May ganun pala? Sosyal! Inobserbahan ko saglit si Andreau. He's too
agitated and.. tired. Ano naman kaya ang pinag-awayan nila? Okay ang dami kong
tanong.

Hindi ata naintriga si Kesh sa away na yun. Instead, nginitian niya si Andreau.
"Cheer up, Andreau! It's Valentine's Day, dapat chill and enjoy ka lang!"

Napailing si Roldan. "Buong gabing bugnutin yan, Kesh. Napilitan lang yan sumama
dito. Alcohol lang magpasaya sa kanya ngayon."
"Fuck you. I'm not getting drunk tonight."

"Ah!" an amused smile formed on her lips. "See, Zades? Hindi lang ikaw ang
magsusuffer ngayong gabi!"

"Hey, I'm not grumpy! Si Andreau kaya yun!"

"Whoa, woman. I am not grumpy. I'm just.. tired," Andreau shot at me defensively.
Nagkatinginan kaming dalawa.. and oh god, for the first time tonight, he smiled at
me. "Fine, I'm grumpy. I just want this night to end."

Inilayo ni Roldan ang wine glass sa best friend niya. "Then don't drink too much,
Dreau. Suck it up."

Frowning, Andreau reached for a glass of iced tea and ate his French fries
silently. I can’t stand him being grumpy so I stole one fry from his plate. At
first he didn’t mind.. pero nung kumuha ako ng tatlong fries.. “Stop stealing my
fries,” he murmured.

“Stop being grumpy, then.”

He shoved the plate of fries to me. “Fine. Let’s share this fries and eat in
silence. It’s not our crowd anyway.” Dinagdagan niya ng asin yung fries and inabot
pa sa’kin ang ketchup. Did he just read my mind? I love salty fries!

“Man, salty fries rule!” Andreau suddenly exclaimed.

This is gonna be a long night.

xxx

"Oh my god. Hahahahaha!"

"It's not funny, Zade. Stop laughing." Andreau shot me an annoyed look but I didn't
budge. Ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito! Ang sakit na ng pisngi at tiyan ko
sa kakatawa!

"Zades.. why are you laughing?" Kesh asked me,  weirded out. Nagkatingnan pa silang
tatlo nang mas tumawa pa ako. "Okay Andreau.. ano bang kinwento mo dyan?"

Big Boss huffed. Mas lumakas ang tawa ko. "Uhmm.. nagkukwento lang ako tungkol sa
OJT k—“
"HINDI SIYA MARUNONG GUMAMIT NG PHOTOCOPYING MACHINE!" I bursted out laughing
again. My god, that's so funny! I could imagine his confused state habang nasa
harap siya ng photocopier! Kulang na lang siguro sipain niya ang machine sa sobrang
inis! "My god Andreau, I'm taking it back. Pwede ka na maging comedian!"

Tumawa na rin si Kesh, hindi ko sure kung dun ba sa kwento o dahil sa'kin.
"Malamang di niya alam yun, artista siya eh! Hey Andreau no offense ha, I'm
defending you here."

Kinalma ko ang sarili ko bago sila kausapin ulit. Andreau wasn't even looking at
me; kain lang siya ng kain ng (third plate) French fries. "Hoy sorry na!" I nudged
him lightly and he didn't flinch. "It's really funny for me. Ngayon lang ako
nakarinig ng celebrity tanga moment!"

"Hah, thank you that you find me amusing and funny."

"Come on, you can laugh at my camping trip mishaps."

Before I could start my storytelling, I saw a certain couple heading towards my


direction. "Kuya Lee! Ate Anya!" I called out. Napatingin din ang mga kasama ko sa
kanila.

Nakakamiss silang dalawa! Madalang ko na silang nakakasama ever since this sem
started. Busy si Kuya Lean sa thesis niya, tapos si Ate Anya naman sa student
council and well.. acads. I'm actually surprised to see them here tonight. Hindi
naman sila mukhang party people.

"Sorry we're late," Ate Anya said as she sat down beside Andreau. "May inayos lang
ako for the elections next week. And this guy over here.. god. It took him forever
to pick a red polo for crissakes."

Kuya Lean playfully rolled his eyes. "Sorry naman ha? Ang dami kasing shades of
red, I'm not informed which shade is appropriate."

"Since when did you pay attention to my color wheels?"

"Your palettes are boring, babe. Hah, Zade di ba maraming shades ang red?" he
winked at me, telling that I should play along.

"Yeah, as a matter of fact, there ar--" everyone laughed before I could finish my
sentence. "Oh. That sounded so nerdy."

Suddenly Kuya Lean stood up and raised Andreau's glass. "Please, no nerdy modes
tonight, guys! Let's have some fun!"
xxx

Mas naging okay ang mood ni Andreau nang makausap niya sina Kuya Lean at Ate Anya.
I was completely out of place for awhile (ni hindi ako pinapansin ni Kesh!) which
is fine dahil nakakakain ako ng French fries ni Andreau. It was his fourth plate
already, and since busy sila sa pag-uusap tungkol sa graduation and stuff, he
didn't mind me devouring all the fries.

I've known the couple for two years already pero ngayon.. may kakaiba sa kanilang
dalawa. Mas intimate sila ngayong dalawa. The way Kuya Lean looked at his
girlfriend was full of passion and sincerity. Dati pa namang ganun ang mga tingin
niya pero mas intense ngayon. Yung mga ngiti naman sa kanya ni Ate Anya..
priceless. Bulag na lang ang di makakapansin na sobrang saya nila. Dahil ba nakared
sila kaya iba ang feeling ko? They're.. perfect for each other. Next to my parents
(of course!), sila ang love story peg ko. This is.. real. I wish I could find a
love like this in the future. Ang swerte nilang dalawa sa isa't isa.

Oorder pa sana ako ng fifth plate of fries nang bigla akong naihi. Ugh, wrong
timing. And kasalanan 'to ng masarap nilang iced tea!

"Guys, saan ang restroom dito?" Tinuro ni Roldan ang pinakadulo ng VIP area. God,
ba't dumami ang tao dito sa taas? Lahat ba ng nandito VIP? Bahala na nga,
makikipagsiksikan na ako sa mga taong 'to para sa pantog ko.

Andreau stood up and went after me. "Wait, I'm going with you."

Natigil sa pagkukwentuhan sina Ate Anya at ako naman.. speechless. Seriously? Did
we hear him right? All of us looked at him weirdly, well except sa best friend niya
na nakangiti pa.

"What? It's the iced tea's fault!" was his measly defense. Hinigit na niya ako
palayo sa table namin bago pa sila magreact.

Akala ko hindi na siya dudumugin dito sa VIP area since I expected na mga kilalang
tao ang nandito. You know, school celebrities and varsity players. Pero wow, bawat
step ata namin may humaharang sa kanya para magpapicture! Some girls even asked him
to dance with them. Andreau politely refused, picture na lang daw. Those girls were
too tipsy to care anyway.

"Seriously, that girl just grabbed your ass," bulong ko sa kanya after magpapicture
ng isang babae sa kanya. Konti na lang malapit na kami sa restroom.. pero kitang-
kita ko na ang haba ng pila. Great!

Andreau laughed humorlessly. "I know. I was there."

"Do you always ge-- oh my god!!" agad kong tinakpan ang mga mata ko. My god!
"What happene-- Oh. Oh.."

Nagtago ako sa likuran ni Andreau. I think may naapakan pa akong paa or whatever!
"Goodness, what are they doing?!"

"Uhmm.. apparently they're making out," Andreau snorted, unsurprised.

Good Lord.. first time ko lang makakita ng ganun in person. Sa movies ko lang
nakikita yung mga ganung eksena pero.. my god.. they're practically swapping saliva
and tongues (if possible). Ako ang nahihiya para sa kanila! VIP area nga 'to pero
public pa rin!

"Zades.. they're done. You can look now."

"Please don't laugh at me," I sounded lightly horrified. Sinilip ko ulit yung
dalawang yun and.. tapos na nga ang show nila. "Shit, sorry Andreau. I'm not used
to this."

He whirled around to face me and boy.. first time ever na as in magka-face to face
kami. Di ko alam kung dahil ba sa sobrang sikip ng daanan papunta sa rest room
kaya.. naiinvade namin ang personal space ng isa't isa. We're so close to each
other that I could feel his breath on my face. He smelled wine, iced tea and.. wow,
ang bango ng aftershave niya in fairness.

"How tall are you?" he asked me in a low voice.

"Uhmmm.. 5'7? I think?"

With that, lumayo siya sa'kin at napailing. "And I surmise you're wearing three
inch heels tonight?"

Naawkwardan ba siya dun? Kasi ako oo! Thank you at pinansin mo ang heels ko! "Yeah.
Himala ngang nakakalakad ako sa sapatos na 'to."

"You look great, by the way. Blue looks good on you."

Hah, red looks good on us, don't you think? Okay Zade what was that? "Thank you.
You're a dapper gentleman tonight, Boss."

He gave me a smug smile. "Dapper? You're Shakespearing me?"

"Shakespearing is not a ve-- oh. Sorry. I should've said, you look sharp tonight,
boss."
The mysteriously smile appeared again and it made my stomach flutter. Ano bang
meron dyan sa ngiting yan ha? "That's more I like it."

xxx

Five minutes na kaming nakapila sa may restroom pero hindi pa rin gumagalaw ang
pila. Dapat lilipat kami sa CR sa baba kaso mas marami nang tao dun. No choice.

"So.. how are you holding up?" he asked me, breaking the comfortable silence.

"Uhmm I'm fine considering the fact that I lost my innocence minutes ago. So that
was momol. At least I saw a different side of Valentine's today."

"What?" he croaked out.

"You asked me how am I holding up.. then I answered.. wait.. you're not asking me
that, are you?"

He nodded. "I'm referring to your.. pee."

"Oh.. oh.. I'm fine. Kaya ko pa naman. Thanks for asking." Medyo nakalimutan ko ata
ang TMI kanina ah.

"So.. you really have a thing against events, huh?"

"What do you mean?"

"Sabi mo kanina.. you saw a different side of Valentine's Day. What's that about?"

"Uhmm.. I just.. don't like the idea of Valentine's Day. It's too commercialized
and.. overrated. Although it gives some people livelihood.. it.. simply sucks."

Natawa si Andreau sa sinabi ko. "Have you watched Eternal Sunshine of a Spotless
Mind?"

"Nope. Why?"

"Uhh.. the lead star said the same thi.. never mind. So.. you don't believe in love
and romance?"

"Of course, I do. I believe in true love, destiny and soulmates. Ayoko lang yung
materialistic shits like flowers, chocolates and those things.. Sayang lang sa
pera."
"You hate chocolates?"

"No. I love chocolates. I really don't like flowers, though."

His eyes shot up to me and smiled. "Are you allergic to flowers or something?
You're a girl. You're supposed to love flowers."

"Wow, stereotyping."

"Eh bakit ayaw mo? Girls like cute things."

"I'm not like most girls. Sorry."

Ayaw patalo ni Andreau sa usapan na 'to. He moved closer beside me and hushed. "Why
don't you like flowers?"

I sighed. "Fine. Kaya lang naman nagugustuhan ng mga babae ang flowers dahol sa
aesthetic value nito. After few days nawawala rin yun. Malalanta sa vase tapos
mabubulok at gagawing pataba sa lupa. Ayokong binibigyan ng mga bagay na maganda
lang sa mata ar di nagtatagal."

Natahimik kaming dalawa for awhile. Okay.. I think I shared too much.

"So.."

"Uhmm.."

We stared each other for awhile and laughed. "Well Zade.. you liked the slippers,
right?"

Oh, that was straightforward. "Yeah.. why?"

Andreau sheepishly smiled at me. "Akala ko ayaw mo nun kasi cute."

"Yeah.. ginagamit ko kina Tristan. Ms. Marisse found it cute, though."

"Ah, you told her. Kaya pala niya ako inaasar last time."

"Wait.. did you buy it yourself?" Gustung-gusto kong itanong sa kanya kung siya ba
talaga ang bumili nun or what. Alam ko namang hindi siya ang bumili nun. I just
want to know.
"Yes, Mars helped me choose. Mas okay naman siguro yung strawberry kesa sa frog, di
ba?" he replied casually. Gosh, he is a constant surprise! He bought.. okay stop
imagining things, Pascual.

"Any design will do. Nagagamit naman eh. Exception na yun."

"So.. no flowers then?" his tone became serious.

"Why are you curious, anyway?"

He smiled at me innocently and shrugged. "Character reference. I might use your


quirks for my future movies. Is it okay?"

"Oh. Okay, no problem. Be sure na maayos na character yan ah."

xxx

We returned to our table 15 minutes later. Naabutan naming umiinom ng beer ang
apat.

"Hey, wanna drink?" tanong sa'min ni Ate Anya.

Tumanggi si Andreau. "Naahh.. I have to drive home later."

Ate Anya grimaced at his reply. "Sober Andreau isn't fun. Remember our sembreak
getaway two years ago? You're pretty drunk tha-"

Andreau suddenly went red. "Okay Anya, stop. I don't want to relive that night,
okay?" Binato niya ng french fry si Roldan na tawa nang tawa.

"Aww come on, Dreau! Gagraduate na kaming tatlo. Let's get drunk tonight!" Kuya
Lean egged on. Nag-agree naman ang dalawang graduating din.

Andreau looked at me for a moment and smiled. "Oh, Zade doesn't drink. Let's go ano
—“

"Zade come on! You can drink iced tea," Ate Anya suggested, eyes widened in
persuasion. "May iced tea naman sa condo mo Dreau, di ba?"

Nagulat si Andreau sa sinabi ni Ate Anya. Ako rin! My god.. is this really
happening? We're really going to his place and drink? Ba't ako biglang kinabahan?
Saglit na natahimik si Andreau, probably thinking about the riot that might happen.
"Okay fine. But you're buying the booze."

Kesh and I exchanged alarmed looks. What the hell’s going to happen?

xxx

This is way better than hanging out inside that crampy and loud bar.

Entering Andreau’s condo confirmed that he’s definitely a choleric. Mas maayos pa
ang condo niya kesa kina Ms. Marisse, na araw-araw pang inaayos ng housekeeper. His
place is as big as his aunt’s, though minimalist ang style ng kay Andreau. May
thing siya sa black and white motif, plus ang ganda ng movie posters sa living room
walls niya. He has this wall for his photographs (also black and white) and this
ridiculously big cabinet full of blu-ray DVDs. Damn, he’s rich.

True to their words, bumili nga sila ng alcohol bago kami pumunta dito sa condo ni
Andreau. Beers and tequila, to be exact.  Binili rin nila ako (Kesh decided to
drink with them after all) ng chocolate drink (Roldan’s brilliant idea) and some
iced tea. Agad silang naglaro ng beer pong (Andreau, Kuya Lean, Ate Anya and
Roldan) pagkadating dito sa condo. Pinanood lang namin sila ni Kesh and I gotta say
Andreau sucks at beer pong.

45 minutes and a dozen of beer cups later, Roldan announced something.

“Let’s play Century Club!”

Siniksik ni Andreau ang sarili niya sa gitna namin ni Kesh sa sofa niya. He’s
kinda.. pink already. “Damn, you really want me to get drunk are you?” he remarked,
speech somehow slurred. Tinawanan lang namin siya.

Ate Anya set out six red cups and filled them with beer. Six red cups. Oh god.
“Uhmm.. I’m not going to drink. I don’t drink,” I informed them but my plea fell on
deaf ears. I saw Andreau smiling like a fool so siya ang kinausap ko. “Hey. Can you
drink my share? I don’t want to get drunk.”

“C’mon, Zades. It’s a fun game. We’ll just take a shot of beer, an ounce per cup,
every minute for 100 minutes. Since hindi ako madaling malasing, I’ll be the
timekeeper,” nilabas ni Ate Anya ang cellphone niya at inayos ang timer.

Inabot sa’kin ni Kuya Lean ang cup ko and winked at me. “You’re gonna be fine,
Zades. Hindi ka malalasing kagaya niyang katabi mo.”

Unang uminom si Roldan, followed by me, Andreau, Kesh, Kuya Lean and Ate Anya. The
beer tastes like hate and bitterness, by the way. In fairness, na-eenjoy ko ‘tong
Century Club. We kept on singing (yes, Andreau too) random songs, which some of
them I didn’t know. Medyo nahilo na ako sa fourth cup ko pa lang. Pero ‘tong si
Andreau.. my god ginagawang tubig ang beer! I lost count on how many cups he drank
during their beer pong game and now.. this? Unbelievable.

90 minutes later.. sina Andreau at Roldan na lang ang natitirang umiinom. Ako ang
unang tumigil sa pag-inom (5 shots), Kesh (7 shots), Ate Anya (12 shots), Kuya Lean
(15) and tig-29 shots ang magbest friend. Parang wala lang sa kanila yung tama! May
atay pa ba sila?

“Uhmm guys?” sabi ko sa kanila minutes after matapos ang Century Club (and after
sumuka ni Roldan sa CR). “It’s already 1:30 AM. Can we.. go home?”

“Aww Zades!” Andreau playfully exclaimed as he tugged my arm. “The night’s still
young. And you’re not even drunk yet!”

“But you’re drunk.”

“Naahh. A little drunk.”

God, Drunk Andreau’s pretty cute. Maybe this is the alcohol’s talking but he looks
sexy when drunk. The red tinge on his cheeks.. ang cute! I think.. I’m drunk.

"Tara guys, let's play more!" yaya ni Roldan pagkagaling niya sa CR. May dala rin
siyang bagong bukas na beer bottle.

Kesh stopped eating her onion rings and asked, "Anong  naman ngayon ha? May alcohol
pa bang involved?"

"Of course! Let's play Vegetable Game."

So the game goes like this: pipili kami ng vegetable na magiging code name namin
for the game. Ang objective ng game ay sabihin ang veggie codename namin without
showing our teeth. The first person to go will say their name twice then choose
another person by their name twice. For example: Amplaya amplaya calls patatas
patatas. You lose if you laugh and show your teeth. We chose our codenames:
Broccoli (Andreau), Bell pepper (me), Carrot (Kesh), Radish (Roldan), Squash (Ate
Anya) and Potato (Kuya Lean).

Akala ko madali lang ang game na 'to since hindi naman ako madaling matawa. But
since I have alcohol coursing over my system.. I  was wrong.

"Broccoli, broccoli calls.. bell pepper, bell pepper!!"

"Bell pepper, bell pepper calls.. squash, squash!!"


"Squash, squash, calls.. broccoli broccoli!"

Sumama ang tingin sa'kin ni Andreau. Triple shit. "Broccoli, broccoli calls.. bell
pepper bell pepper!!" Binelatan niya ako and.. I laughed.

Inabot sa'kin ni Kesh ang red cup with tequila. "Drink up, Zades!"

Ugh. I hate tequila more than beer! It tastes like anguish! Andreau laughed at my
pained expression after gulping that shot. "Getting drunk already, Pascual?" he
teased.

My bad luck repeated for four times until my stomach hurled and spilled my guts out
in Andreau's toilet. So ganito pala ang feeling ng lasing. My head's spinning and
boy.. my throat hurts like hell.

Never na ulit akong iinom. Never.

xxx

The next thing I knew.. I was beside Kesh in a comfortable bed. I couldn't even
fully open my eyes. Ang sakit ng ulo ko and shit.. wala akong matandaan. The last
thing I remember was me puking inside Andreau's toilet. God, what happened? Sinong
nagdala sa'min (or sa'kin) dito sa kwarto na 'to? Are we still in Andreau's pad?
Thank goodness I'm still wearing my dress!

Silently I went out of the room, leaving Kesh lightly snoring and in deep slumber.
Ang sakit talaga ng ulo ko! I need co--

"Andreau? Is that you?"

Nakapatay ang ilaw sa sala pero bukas ang TV. I'm pretty sure Breaking Bad ang
palabas since nag-uusap sila about blue meth or something. Sinilip ko kung sino ang
nakahiga sa sofa.. and si Andreau nga. He's asleep, I think. Kahit alam kong
mayaman siya, I couldn't stand leaving the TV on.

Andreau stirred as soon as I turned off the TV. Shoot, I woke him up.

"Zade?" he croaked out. Sinubukan niyang umupo nang maayos kaso bumagsak din siya.
"Damn, I'm drunk."

Saan ba ang cellphone ko? I want to take a picture of him while drunk. "Uhh.. hey?
Are you okay?"

“Fuck, I just broke my New Year’s Resolution! Dammit!”


“Aww okay lang yan Big Boss! People always do that.”

“I’m not.. people. I’m drunk.”

Oh boy.. this is trouble. “Hey.. you can’t fall asleep, Andreau. Come on, let me
make you some coffee.”

My heart almost melted because of that toothy grin of his. Para siyang.. bata.
“Really? You’d do that?”

“Well yes. You’re kinda annoying when you’re drunk.”

Sinamahan niya ako sa kitchen kahit pasuray-suray ang lakad niya. He sat on the
chair near their counter and slumped there. Hindi ko muna siya pinansin for awhile
kasi wow, I love his coffee beans collection. He has beans from all over the world!

“Uhmm.. Andreau?”

“Yeah?”

“Anong coffee bea—“

“The one inside the brown container. That’s heaven.”

While waiting for the coffee to brew, I opened his fridge and surveyed its
contents. Wow, matakaw pala siya!? Hindi halata sa katawan niya ah! He has a lot of
chocolates! My god this is heaven!

“Stop ogling at my chocolates, Zades. It’s Valentine’s Day, you can get one,” he
murmured. Oh well, may consent naman niya so.. I got as many as I want. He didn’t
seem to mind. Kumuha rin ako ng bagels, Nutella and cream cheese para makakain
siya. And of course, me. I’m really hungry.

Minutes later we ate in silence. Wala ring talab sa kanya ang coffee since nilagyan
niya ng rum yun. I didn’t mind at first, pero nang pangatlong cup na niya ng kape..
inagaw ko na ang bote ng rum.

“Can I ask you a question, Andreau?”

“Hm?”

“Why do you.. drink so much?”


He gave me this really now look. “I don’t drink too much. I drink.. occasionally.”

“But.. this much?”

He fell silent for awhile, maybe weighing the things he was about to say. “Uhmm.. I
was.. just trying to forget some things. Especially this Valentine’s Day. It’s my
parents’ anniversary so.. it kinda sucks.”

“Oh.. I’m sorry.”

He smiled ruefully. “Naah. Don’t be. Bukas paggising ko hangover lang ‘to. Thanks
for the coffee, anyway.”

“You’re welcome, boss. Glad to help you.”

Kumuha ulit siya ng kape at tahimik na uminom. Lasing pa ba siya? Or umaacting


lang? Well.. nakain naman niya ng maayos ang bagel so mukhang nawawala na ang amats
niya. I could leave him here.. right?

“Uhmm.. sina Ate Anya pala nasa—“

“Sleeping in my room. Si Roldan nasa.. somewhere. I think he’s inside the tub.”

Damn, he’s funny. Wait.. wala namang nakakatawa dun ah. “Do you want to sleep now?
Does your head still hurt?”

“Yeah. I’m still drunk. God, hangover will be a bitch tomorrow morning.”

“Technically.. it’s morning, Andreau. 5:30AM na.”

“Sorry kung pinagtripan kita kanina. I just really wanted to see you drunk.”

He’s being annoying or what? So sinadya niya talaga yun kanina? “Dammit, you got me
drunk. That’s the first and last time, Andreau. Don’t ever do that again.”

“I won’t. Medyo magtatagal pa yung image ng pagsuka mo sa utak ko. Did you eat
hotdogs this mo—“

“Hey that’s foul!”

Andreau almost fell over his chair, laughing his ass off. “It’s a Valentine’s
secret, Zades. And I’m good at keeping secrets.”
God, ngayon ko lang naalala. Yesterday marked the first year since we first met.
And.. he didn’t remember it at all. Malamang hindi niya matatandaan yun, Pascual.
Guys don’t remember dates at all. Bakit ba babae na lang ang laging nakakaalala ng
mga bagay-bagay? Hay.

“Still hurling, Zades?”

“Uh.. no. In fairness, ang sarap ng bagels ha. Can I get more?” tumayo na agad ako
at pumunta sa ref bago siya sumagot. Am I still drunk? Ba’t ang emotional ko ata?
Inaliw ko na lang ang sarili ko sa laman ng ref niya. Pwede bang pumasok na lang
ako sa loob nito at magstay forever?

“Hey Andreau? Can I have so— whoa. Why are you standing there?” Muntik na akong
masubsob sa loob ng ref dahil sa kanya. He’s standing right behind me, and pinasok
niya ang ulo niya sa freezer. God, he’s still drunk.

“Shit this feels so good!” he shouted inside the freezer. Tuwang-tuwa pa talaga
siya ah!

I yanked him off the freezer and closed the fridge. “Are you out of your mind?
Itapat mo na lang ang sarili mo sa aircon!” Andreau stepped forward, grabbed my arm
and whirled me around. Napasandal tuloy ako sa fridge. “Okay.. are you hurling? Do
you want to pu—“

“Happy anniversary.”

I blinked multiple times. “W-what?”

He rested his forehead on mine and flashed that mysterious smile. “Do you think I
could forget?”

Gusto kong kiligin, believe me. Pero.. he’s drunk. This is the alcohol speaking. He
would definitely forget about this later. “Andreau.. you’re definitely drunk.”

“I maybe drunk but I don’t forget important dates. February 14, last year. Around 3
PM. Don’t you remember?”

He just sucker punched me right there. How could he just.. say those things? It was
supposed to mean nothing to him. Dates don’t matter to guys, right? And why did he
remember that?

“Ah. Okay.. H-happy anniversary, too.”

“It was really a memorable day for me, you know.”


Oh god please stop. “Uhmm.. why exactly?” I could feel his sweat on my forehead for
crissakes.

“Because.. I met you. If that didn’t happen.. my life wouldn’t be as awesome as


now.”

Thud. Thud. Thud.

“Really? Why?” Hey, Zade. You could push him off you, you know.

“Just because.”

His childish reply made me smile. Nevermind the stink of alcohol or the sweat..
this is just pure.. madness. ‘Yeah.. just because?”

“Because.. of you.. I was able to reach my dream, met new good people and.. I knew
you. I owe it everything to you.”

My gaze landed on his lips. Kahit medyo madilim ang kitchen niya kitang-kita ko
yung.. oh god Kesh was right. It’s really kissable. Naglilipbalm kaya siya? Or..

“Zade.. why are you looking at me like that?”

Oh god. Busted. “Uhmm.. I.. I’m not looking at you.”

“Yes.. you are. I can see you closely. Stop.. looking at me.”

“Then.. back off.”

“Wait.. I’m.. kinda dizzy. P—”

 His voice started to irritate me, must be the hangover or something. I couldn’t
push him off so I did the next best thing.

I shut him up.

Using my lips.

And I’m never gonna drink.. again.


-A&Z-

=================

[15.1] Twenty Questions

Chapter 15.1: Twenty Questions (Part 1)

Quick question: sinong naiimagine niyong Alphabet Couple? May ilan kasing nagsabi
(or nabasa ko sa tweets nila) na Kathniel daw ang naiimagine nilang A&Z. Ako kasi
sina Ritz Azul at Fred Lo. Hahaha!

Since Palanca Awards season na ulit (and I'm currently writing my one act play
script!), inspired ang Chapter 15.1 & .2 by "Twenty Questions" ni Juan Ekis.
Basahin niyo yun, isa sa favorite Palanca winners ko yun :)

May tinweet akong AZ dialogue last Monday sa Twitter! Positive ba yun or negative?
Hmmm

#TSIB

-A&Z-

APRIL

Number 4 sa New Year's Resolution ko ang try new and exciting things. So far ito
ang resolution na lagi kong ginagawa. Four months pa lang ang taong 'to pero ang
dami ko nang nagawang new ang exciting: maglasing (that turned out very well),
sumali sa isang quizcon (we lost), nagpasa ng article sa university paper under a
pseudonym, kumain ng day-old chick (masarap pala!), sumakay sa eroplano, nagpa-wax
ng underarms (kasalanan ni Kesh!) at..

nagnakaw ng halik kay Andreau Cortez.

Way to go, new and exciting.

I tried so hard to forget that moment. Sana pala malakas pa ang tama ko nung
ninakawan ko siya ng halik. Ako 'tong mas may malay sa'ming dalawa nun! Porke
maingay lang siya nanakawan na ng halik?

Pangarap ko pa naman dati na lalaki ang mag-iinitiate ng first kiss ko. Hah, asa.
Ako ata ang lalaki sa'ming dalawa. Ako pa ang nag-initiate.

It was just.. a smack. Nothing more. The minute my lips touched his.. I froze.
Natigilan din si Andreau nun. Hindi siya.. nakakakilig. Nakakatakot ang kiss na
yun.

Siya ang unang lumayo sa'ming dalawa. Akala ko sisigawan niya ako or what. Hindi
ako makapag-isip ng idadahilan sa kanya. Wait mali pala, wala na akong ibang maisip
kundi Hinalikan ko si Andreau Cortez. He's your first kiss, Pascual.

Then.. he vomitted. Wildly. Di ko kinaya ang trajectory ng pagsuka niya. Good thing
hindi siya sa'kin tumapat. Ugh. I could never forget the smell of his vomit and the
embarrassment I experienced that moment. Ginising ko sina Ate Anya at Kuya Lean
para tulungan akong buhatin si Andreau. More of sila na ang nagbuhat kay Andreau at
nagpaiwan ako para linisin ang suka niya.

I was so scared. I kissed.. him. Andreau Cortez. Si Big Boss. Siguro kung siya ang
humalik sa'kin kikiligin pa ako. Pero.. ako 'tong loka-loka na unang humalik. I..
took advantage of him. Buti sana kung willing siya kaso.. he's drunk.

Tulog pa rin si Andreau nang umalis kami ni Kesh sa pad niya. Sabi nina Ate Anya
buong araw natutulog si Andreau pag lasing. God.. sana hindi niya matandaan 'yon.
Sana hindi.. kasi natatakot ako. Baka kasi magalit siya tapos madamay pa sina
Tristan at Ms. Marisse. Ayoko namang matapos sa ganun 'tong whatever na meron
sa'min.

Good thing na hindi kami nagkita afterwards. Well.. iniiwasan ko talaga siya. Buti
na lang busy siya sa acads at sa movie nila ni Jillian. Ilang beses din kaming
nagkasalisi sa condo nina Ms. Marisse. Wala rin akong natanggap na text galing sa
kanya, saying na "Scheherazade, let's talk" or something intimidating. Hinintay ko
rin siyang puntahan ako sa dorm at kausapin ako. Kaso.. walang dumating. A month
and a half akong naghintay pero.. wala.

God, a kiss made me super neurotic.

xxx

I couldn't hide from him forever, though.

Akala ko safe na ako from him pag natapos na ang semester. Nakaplano na didiretso
ako sa San Ignacio after ng final exams Kaso.. pinilit ako nina Ms. Marisse at
Tristan na sumama sa kanila sa Coron, Palawan ngayong Holy Week. May taping kasi
ang Wanderlust dun at vacation na rin ng family nila.

Yes.. kasama si Andreau.

Sa airport pa lang plano ko na siyang iwasan kaso.. asa. Siya ang unang pumansin
sa'kin. Todo ngiti pa siya sa'kin nang ipakilala niya si Mars, yung road manager
niya na friend ni Ms. Marisse. In fairness nakakatakot si Mars. Ramdam ko na hindi
ako feel ni Mars kasi.. inirapan niya ako.
I spent my first flight worrying about Andreau and the kiss. Sa lahat pa ng taong
hinalikan ko, artista pa. Hindi ko tuloy malaman kung umaacting lang ba siya na
walang alam or what. Nakakaloka!

Mas okay sa'kin na hindi ako pansinin ni Andreau. Ayokong maging awkward kami. Ang
hirap kayang itawid from awkward to normal! Inabot ako ng isang taon tapos dahil
lang sa isang halik.. mawawala yun?

Baliw ka talaga, Pascual. You just dug your own grave.

xxx

I never expected na si Tristan pa ang magpapa-awkward sa'kin sa harap bi Andreau.

It started with an innocent question.

"May boyfriend ka ba Ate Zade?"

Lahat ng tao sa van (Ms. Marisse, Andreau, Mars, driver at PAs) napatingin sa'kin.
Binasag kasi ng tanong ni Tristan ang comfortable silence sa van namin.

"Uhmm.. wala. Bakit mo naman natanong, Tristan?" Buti na lang nasa likod ng van
sina Andreau at Mars, nakakahiyang makita  niya akong nabublush dito.

"May nagpapatanong lang," sabi ni Ms. Marisse. May something sa smile niya na..
weird. "Don't mind Tristan, Zade. Apparently that guy's trying to make Tristan as
his bridge to you."

Bridge? Ano 'to, high school? At sa isang six year old pa talaga! Ang pathetic
naman nun! Magtatanong sana ako nang biglang natawa si Andreau sa likuran ko. Akala
niya papansinin ko siya ha!

"Grabe, sino naman yun Tristan? You're too young to be a bridge!"

"Eh.. ano pong isasagot ko pag tinanong ako ulit?"

Saglit akong napaisip sa tanong niya. Golly, ang weak naman ng lalaking gumagamit
ng mga bata para makakuha ng babae! "Tell him I'm not interested. Ah, you know
what? I might tell him that personally. If he's really interested, sana siya na ang
nagtanong." Andreau's snort interrupted my short lecture so I had to look back at
him. "What's funny?" I asked him, not hiding my annoyance.

"Kakausapin mo talaga siya?"


Sa mata ko na lang siya tiningnan, any body part beyond that ay nakakadistract na
(ex. his lips). "Wala namang masama dun, di ba? I'll just give him a piece of my
mind!" Napangiti si Mars sa sinabi ko. Barado kasi si Andreau.

"Fine," he conceded. "Just don't correct his grammar or something, he hates that."

"Hey di ko na-- wait a minute. You know this guy?"

Andreau pretended he didn't hear anything and went back to sleep. I turned to Ms.
Marisse for support pero tulog na rin ito.

Pinagtitripan ba ako ng buong pamilya nila?

Nakarating na kami sa resort pero wala pa ring sumasagot sa tanong ko. Grabe palang
mambully ang Cortez-Valerio clan! Pati si Tristan napunta na sa dark side!

Hindi ko napansin na nasa tabi ko si Andreau habang kinukuha ko ang bag ko sa


kabilang van. "Hey Zades. Why don't you say it now?"

"Ha? Anong pinagsasabi mo dy-- Oh god. Ikaw yung nagpapatanong!?" gulat kong sabi.
Triple shit, seryoso ba yun? So alam nga niya ang tungkol sa kiss at alam din  nina
Ms. Marisse!

Kaya ba nila ako pinagtitripan? Oh god.

Tawang-tawa si Andreau sa reaction ko, to the point na hindi ko siya makausap nang
matino. Nilapitan ko na lang si Tristan. "Tristan.. si Andreau ba yung
nagpapatanong sa'yo?"

Umiling si Tristan. "Yung taga-kabilang unit po Ate Zade. Wag niyo pong sasabihin
kay Mama na sinabi ko sa inyo ha?"

Ay shit. I remember that guy now. Nakasabay namin siya ni Tristan sa elevator once,
months back. Hindi naman siya nagpakilala sa'kin or what tapos.. god ang creepy ni
Kuya!

My gaze landed on Andreau, na kakatapos lang tumawa. "Ugh, ang bully mo! Sana
makagat ka ng jellyfish!"

"Ate Zade.. ba't niyo inakala na si Kuya Andreau yon?" inosenteng tanong sa'kin ni
Tristan.

Kill me now.
xxx

Nagsimula ang taping ng Wanderlust habang kumakain kami ng dinner. Dun lang din
nagsink in sa'kin na eto ang first TV appearance ko pagnagkataon.

At katabi ko pa sa table si Andreau. Ano ba 'to.

Ang daming hinandang pagkain ng resort para sa'min (feel ko na talaga ano?) kaya
feeling ko nasa fiesta ako. Malamang nakafocus kay Ms. Marisse ang camera, asa pa
akong mabigyan ako ng matagal na exposure!

Tahimik kong ineenjoy ang pagkain ko (kailangang tahimik talaga pag kumakain ng
seafoods, swear!) nang bigla akong kausapin ni Ms. Marisse. "Zade, what do you
think about the dish?" tinuro niya ang ginataang hipon na kinakain ko.

Shit, magsasalita ba talaga ako? Sa'kin na pala nakafocus ang camera. Baka may
tinga ako! Ang hirap magsalita!

"Uhmm.. masarap siya Ms. Marisse," parang tanga kong sagot. "I mean.. yung texture
niya sakto yung pagkacreamy then gusto ko yung pagkaanghang niya."

Anong sinabi ko!? May sense ba yun? My golly ayoko na ta--

"Zade's right," biglang singit ni Andreau. Di ko napansin na parehas pala kami ng


kinakain. "Bagay 'tong ginataang hipon sa yellow fried rice na 'to."

Wow. Did he just agree with me? O kasama yung sa script? May script ba? God
nakakaparanoid 'to! Magmumukha akong tanga sa nationwide! Si Tristan naman ngayon
ang kinakausap nina Ms. Marisse at Mars. Tuwang-tuwa si Little Boss sa chicken
lollipop na infairness nga naman, ang sarap!

Nang dumating na sa dessert, parang biglang naexcite si Andreau. Halos tinikman


niya lahat (syempre pasimple siya!) ng inihanda sa’min! Pasimpleng patay gutom din
pala ‘tong PG na ‘to!

Huling nilabas ng waiter ang house special na halo-halo, na sobrang paborito ko.
Well, leche flan, ice cream at ube lang naman ang kinakain ko dun. Proud pa ang
chef sa pag-aannounce na iba’t ibang ice cream flavour ang ginagamit nila sa halo-
halo nila. I was aiming for the one with the melon ice cream nang.. biglang may paa
na tumapak sa paa ko.

“Ouch!” sinamaan ko ng tingin si Andreau. Wow, painosente pa siya! Maya-maya nakita


ko na lang na kinakain niya yung halo-halo ko. Napunta tuloy sa’kin yung may buko
pandan ice cream! Kadiri!
Hah. Two people can play this game, Cortez. Todo puri si Ms. Marisse sa sarap ng
halo-halo kaya inexpect kong tatanungin din niya kaming dalawa. Kay Andreau siya
unang bumaling. “Favorite kasi ni Andreau ang halo-halo,” kwento ni Ms. Marisse.
“So.. what’s your verdict, Dreau?”

“It tastes go—aww!” nabitawan niya ang kutsarang may nalaman na melon ice cream.
Masyado atang napadiin yung pag-apak ko sa paa niya. Good job, Pascual!

“Everything okay?” I asked him with mock innocence. Hah, pwede na rin ata akong
mag-artista! Nag-alala tuloy sina Ms. Marisse at Mars sa reaksyon ni Andreau, lalo
na ang head chef.

Andreau nodded quickly and continued speaking. “It.. tastes good. Masarap pala ang
melon ice cream sa halo-halo. Kaya bawal i-share ‘to sa iba.” Pasimple niyang
sinipa ang binti ko, buti di masyadong malakas.

Akala niya cute siya sa pasipa-sipa niya? Hell no. Kanina pa siyang nakakairita!
Para sa finale, inapakan ko ulit ang paa niya, but this time sobrang diin na. He
yelped in pain, at ang excuse niya? Leg cramps.

Yeah right, leg cramps. Lesson learned: wag na wag niyo akong aagawan ng melon ice
cream.

xxx

As usual, late akong nagising kinabukasan. Hindi ko inakalang sobrang pagod ako sa
biyahe namin, plus ang sarap sa pakiramdam nung malambot na kama. Kung pwede nga
lang na dito na lang ako at hindi na lumabas!

Nag-iikot na sa resort sina Ms. Marisse pagbaba ko sa restaurant ng hotel. 11 AM


na, sakto lang ang dating ko para sa lunch buffet. Yes, pagkakataon ko na ‘to para
makakain ng anumang gusto ko at walang manghuhusga sa’kin! Tsaka matitikman ko na
rin ang halo-halo with melon ice cream!

Sa pinakadulong part ako ng restaurant pumwesto para hindi ako mapansin ng ibang
tao. Ang dami ko kasing kinuhang dessert! Nasa menu rin kasi ngayong lunch yung mga
dessert na pinatikim sa’min kagabi. Ngayon, wala akong kaagaw na Andreau Cortez sa
pabo—

“Are you hiding from everybody?”

Or not.

Agad kong tinabi ang halo-halo ko, baka kunin na naman niya. Tinawanan niya ako at
walang paalam na nakiupo sa table ko. “Wow.. ang dami nating pagkain ah,” pang-asar
niya.
“Whatever. Wag mo akong kausapin.”

“Ah.. okay..”

Parang tanga ka lang, Pascual. Alam mo namang pag sinabi mong wag ka niyang
kausapin eh gagawin niya ang opposite nun. Kaya bago pa niya ako kulitin, inunahan
ko na siya. “If you’re thinking na magsosorry ako sa’yo dahil dun sa kagabi, asa
ka,” I told him while eating the halo-halo. “Ikaw muna ang magsorry sa’kin.”

“For what, exactly?”

Ang bilis naman atang makalimot nito! Eh yung kiss kaya nakalimutan na rin niya?
“Inasar mo ako kahapon. About that guy thing.”

“Kailangan ko pang magsorry para dun?” Pinandilatan ko ang loko. Is he trying to be


funny? Fail na naman kung oo. “Okay fine. I’m sorry. Nakakatuwa ka lang kasing
pagtripan. You went red in an instant.”

Oh god he saw me yesterday. Okay Zade magpanggap ka na wala lang yan! “Apology
accepted. Sorry din sa pag-apak ko sa paa mo. You kinda deserve it. After all.. you
stole my ice cream.”

Muntikan na siyang masamid sa sinabi ko. “Was that really an apology or an insult?”

“Both. Take your pick.”

“Apology accepted,” he paused to drink some water. “Teka, sabi mo hindi ka magsos—“

“Gusto mo bang bawiin ko yung sinabi ko o hindi?”

“Fair point.”

Thank goodness sa dulo kami nakapwesto kundi pagtitinginan na siguro kami ng mga
tao. Teka, ba’t ba ako ang naiirita sa kanya eh ako nga ang may atraso? Is this the
guilt talking?

We finished our meals in silence. Sobrang sarap kasi ng desserts kaya nakalimutan
ko saglit na may kasama pala ako. Ganun din naman ata siya. May papikit-mata pang
nalalaman habang kumakain ng ice cream! Parang sira.

“So.. saan ang punta mo?” tanong niya sa’kin habang naglalakd kami palabas ng
restaurant. In fairness, hindi masyadong mainit ngayon kahit tanghaling-tapat na
halos.
“Naahh.. baka matulog na lang ako. Pagod pa rin ako from the flight.”

He chuckled. “Patty B.”

“Excuse me?

“Patty B. Patabaing baboy.”

Nanlaki ang mata ko sa insult na yon. He was the first one who called me fat..
ever. Hindi naman ako offended or what, nagulat lang ako na sa kanya pa
manggagaling yon. “What the hell?”

“Hey, that nickname’s cute,” he tried his charm smile on me again.

“Cute mo mukha mo!”

“Di nga seryoso, saan nga punta mo?”

I stopped walking and faced him. Shit, not again. Ba’t ganun.. feeling ko parang
may magnet siya sa katawan niya tapos.. naattract ako? Siguro may jutes yung halo-
halo dito kaya kung anu-ano ang naiimagine ko. “I.. really don’t know,” I
confessed. “Marami namang pwedeng puntahan dito kaso.. wala ako sa mood.”

“Oh.. so.. wala kang gagawin?”

“Matutulog na nga lang ako.”

“Wag na! C’mon, join me.”

Lord ayan na naman siya sa  join me niya. Hindi mo ba napapansin na naiilang ako
sa’yo at iniiwasan kita? Ganyan ka ba kamanhid? O ako ‘tong may problema? Nawala na
ata ang bluntness ko dahil sa kiss na yun. Eh di sana nasabi ko na sa kanya ngayon
na Nga pala Andreau, tanda mo nung nalasing ka? Sobrang ingay mo kasi to the point
na nairita ako kaya hinalikan kita. Hindi naman big deal yon. I just want you to
know para updated ka. Okay, matutulog na ako!

“Uhmm.. where to?”

Saglit siyang napaisip. Wow, this is new. Wala siyang plano o Gantt chart sa trip
na ‘to? Himala! “Ah! Basta.. pupuntahan natin yung mga hindi pa napuntahan nina
Marisse ngayon. Is that okay?”

“Sana sumama ka na lang sa kanila, di ba? Mukhang bored ka n—“


“Wag ka ngang killjoy. I always do this during out of town trips. Kaso wala si
Roldan so..” Busy nga pala ang best friend niya sa pag-aayos ng requirements for
graduation kaya hindi ito nakasama ngayon sa trip.

“Andreau..”

“Think about it. Bukas pupuntahan din nina Marisse yung mga lugar na ‘yon.. kaso
hindi mo maeenjoy kasi may cameras na nakapalibot sa’yo. Bawal kang magcomment ng
kung anu-ano.. So?”

Ugh. Ang galing niyang mangumbinsi! May lahi siguro ‘tong budol-budol gang. “Wait
te—“

“You can be my temporary best friend.”

Whoa. That was.. unexpected. “Oh. Is there such thing?”

“Of course. We can be best friends for this trip. Limited offer lang ‘to, Zade.
Expires in three minutes.”

Wag kang papayag, Pascual. Alam mo namang madudulas ka tungkol sa kiss pag kasama
mo siya. Wag kang tanga, please? Wag. Wa—

“Okay. Temporary best friend sounds.. fine. Let me just get my bag.”

xxx

Marami akong alam na synonyms para sa word na beautiful. I could enumerate them
right now but they weren’t enough to describe this place.

Dahil feeling explorer si Big Boss, niyaya niya akong sumakay sa bangka para
puntahan ang isang island malapit sa resort. Hindi ko naman first time sumakay sa
bangka pero kinabahan ako kasi kasama ko siya. Yuck, ang cheesy ko ata ngayon
masyado.

He couldn’t stop taking pictures. Okay na sa’kin yon kesa mag-usap kaming dalawa.
What was there to talk about, anyway? Nothing. This place rendered me speechless.
Ang puti at pino ng sand, ang linaw ng tubig.. ang tahimik ng lugar.. grabe, ang
perfect nitong lugar na ‘to. Kung pwede nga lang ilagay sa bote tapos iuwi ko sa
Manila!

Tahimik kaming naglalakad ni Andreau sa may beachfront, and I’m trailing behind
him. I know this is very irrational pero nairita ako nang makita kong nakasando
siya. Hello, hindi tinatago ang mga abs na ganyan dito sa sobrang gandang beach na
‘to! Dapat sini-share yan sa nature! For a minute there sinapian ata ako ng
kaluluwa ni Kesh. Creepy.

Tumigil kami sa isang rock formation sa may shore. Grabe, nakakaamaze talaga ang
nature! Hindi nakakasawang tingnan!

“Okay ka lang?” his question brought me back to reality. “Titig na titig ka sa


dagat ah.”

“Yeah, okay lang. Ang.. ganda lang kasi nitong island na ‘to. Parang.. gusto mong
ipagdamot sa mga tao sa sobrang ganda. Gets mo ba?” Tinawanan na naman niya ako.
“What’s so funny?”

“You. You’re so innocent.”

May double meaning ba yun? Wala naman siguro di ba? “Hah. Sinusubukan mo na namang
maging comedian. Epic fail ka na naman.”

“Hindi ako nagpapatawa, Zade. I’m just telling you what I see.”

“So.. eto lang gagawin natin dito? Tutunganga sa dagat? I’m not complaining, I
could do that all day ka—“

“So.. what do you want to do?”

Ano nga bang pwedeng gawin sa mga ganitong awkward moments? Ayoko namang
magswimming. Ayoko ring matulog. A—

“Alam mo yung Twenty Questions?”

His question surprised me a little. “Uhhmm.. the game? Oo naman. Why?”

“Tara, laro tayo!”

Ba’t ang energetic niya ata ngayon? Imbis na mahawa ako, natatakot ako sa energy
niya. Baka mamaya biglang magtanong ‘to ng sobrang personal na tanong! “Uhmm.. sure
ka ba? I mean.. hindi ka ba natatakot na baka ipagkalat ko yung mga isasagot mo?
I’m a curious girl, I ask controversial questions.” Effective kaya ‘tong pananakot
ko sa kanya? God I hope so.

“Naah. You’re not into gossip, anyway. Pampalipas oras lang naman ‘to. After all,
you’re my temporary best friend. And best friends should know things about each
other, right?”
He’s acting weird. Nakagat kaya siya ng jellyfish kanina at di lang niya sinabi
sa’kin? Ang creepy niya kasi. “Seryoso ba talaga ‘to?”

“You said it yourself, you’re a curious girl. I’m sure marami kang gustong itanong
sa’kin. I’m giving you a chance right now.”

Grabe.. natetempt ako. Pwedeng-pwede kong itanong sa kanya yung issue about sa
kanila ni Roldan. Kaso.. “Pwede bang magsinungaling?”

“What? No. Honesty plays a big role in this game. Don’t worry, I won’t tell anyone
about your answers. As long as you don’t tell mine. Deal?”

Well.. three hours pa kami dito sa island. Bumalik sa resort yung bangka.. wala
naman sigurong mawawala kung maglalaro kami, di ba?

”Okay fine. Basta secret lang natin ‘to ha?”

He flashed that mysterious smile again. “Of course.”

xxx

We took a five minute break to think about our twenty questions. Akala ko madali
lang ‘tong larong ‘to! Ngayon ko lang narealize na marami pala akong gustong
malaman tungkol sa kanya. Ugh.

“Ready ka na?” tanong niya sa’kin. “Siguraduhin mong mapapaisip ako sa mga tanong
mo ha?”

“Ako pa! Curious girl, remember?”

Napailing si Andreau. “I’ll start, okay?”

Are you having fun right now?

“What kind of question is that?” reklamo ko sa kanya.

“Pwede ka namang magtanong ng kahit ano ah! Sagutin mo na lang!”

“Fine. Actually.. yes. Okay na ba yun?”

Tumango si Andreau. “Pasang-awa. Your question?”


Shit, eto na.

Bakit mo ako inasar kahapon? Dun sa bridge shit?

“Whoa.. bigat agad ng unang tanong ah! Ano kasi.. kasama ako ni Tristan nung..
tinanong siya. Nacurious lang ako sa magiging reaction mo.. and I was right.
Besides, I know the answer to his question. Gusto ko lang na ikaw ang magsabi sa
kanya nun personally.”

Wait.. what? Paano mo nalaman na wala akong boyfriend?

He shot me an amused look. “Counted yan,” magrereklamo sana ulit ako kaso.. “Kahit
anong tanong, counted. Easy answer: you said it yourself. And I’ve kind of inferred
it from our early conversations. You don’t like Valentine’s Day, wala kang laging
load and.. sa dalawang Valentine’s Day na magkasama tayo wala akong nakikitang date
mo. And your blue dress kind of gave it away.”

Sa haba ng sinabi niya isa lang ang nagstick sa utak ko: sa dalawang Valentine’s
Day na magkasama tayo.

When was the last time you cried and why?

“Uhmm.. three nights ago?” di ko na pinansin ang pagkaweird ng tanong niya. “But..
I’m not really sure why. Sometimes.. you just have to let out the things that are
hurting you, even if you don’t know what they are. Sorry, ang weird ko.”

Bakit Andreau ang spelling ng pangalan mo?

“My parents are weird. They don’t want me to have a common name.”

“Wow, spelling lang naman ang naiba sa pangalan mo. Andrew pa rin naman ang
pronunciation niyan.”

Why Scheherazade?

“Uhmm.. you see, my dad’s an illustrator. He used to draw for children’s


storybooks. Sabi ni Mima sa’kin.. favorite story daw ni Papa yung Arabian Nights.
Scheherazade yung name ng storyteller dun. Tas sabi niya sa sarili niya na if ever
magkakaanak siya, Scheherazade ang ipapangalan niya. Hindi niya siguro naisip na
mahihirapan akong i-explain ang pronunciation ng pangalan ko. Oh well, I love my
name!”

Ineexpect kong tatawanan niya ang sagot ko. I was wrong. Nginitian lang niya ako.
“Wow. Talo ang kwento ng pangalan ko ah.”
Gutom ka na ba?

“What kind— uhmm. Yes.” Binuksan ko ang shoulder bag ko at kumuha ng protein bar.
“May dala kang ganito sa beach?”

“Hah! Counted yan! Of course, I always bring food with me in case of emergency.
Case in point, right now.”

What’s the deal with your big backpack?

“Talagang itatanong mo yan ah.”

“I’m just.. curious. Besides.. you hit me with your backpack. Lagi mong dala yun.
Napansin ko lang na.. lagi kang kang may dalang bag.”

“Hmm.. mahilig kasi kaming lumipat ng lugar ni Mima. Nung bata pa ako.. never
kaming nagtatagal sa isang place, maximum na ang 3 months. So.. laging nakaready
yung backpack ko just in case lilipat kami. It.. kinda stuck. I always bring a lot
of things with me. Gusto ko prepared ako lagi. Medyo OC lang.”

Have you ever been in love?

Kulang na lang mahulog si Andreau sa kinauupuan niya dahil sa kakatawa sa tanong


ko. “Wala namang nakakatawa sa tanong ko ah! Sabi mo kahit ano!”

“S-sorry. I was just surprised. Mga dulo pa kasi dapat tinatanong yan.”

“Don’t stall.”

“Okay.. no.”

Why?

“You just wasted a turn on that question, Zade. Sasaguti—“

“Answer the question!”

“Because.. there’s work. And.. actually.. there’s no one worth the trouble anyway
so why bother.”

WHOA BIG NEWS YON! Mababaliw si Kesh sa sagot ni Andreau woooo!!!


Ikaw Zade, have you ever been in love?

“No. And to answer the unspoken question.. I’m waiting for my soulmate.”

Naniniwala ka sa soulmates? natatawa niyang tanong.

“You shouldn’t really laugh at other people’s beliefs!”

“Oh. You’re serious?”

“Yes. I believe in soulmates, true love, destiny. The girly stuff. Wala namang
masama dun ah.”

Sarah or Jillian?

“Sarah.”

“Whoa. That was fast. But I can’t really blame you for liking Sarah than Jillian.
Mas maganda naman siya dun eh. And mukhang mas mabait.”

“Judgemental!”

Nakakuha ka na ba ng singko?

“Never. Pinakamababa ko na yung 2.5.”

“WHAT!? Are you kidding me!”

“Yeah. This sem lang, actually. Scriptwriting II. Badtrip nga eh, akala ko line of
1 ako dun. Ang hirap kayang gumawa ng script!”

Masama ba ako kung inisip ko na bagsakin si Andreau? Hello, lagi kaya siyang
absent! Tapos.. 2.5! Yan nga ang grade ko sa lahat ng subject ko ngayong sem!

Do you miss your father?

I wasn’t expecting that question. “How did you know about my father?”

“Again, I inferred from your stories. And you kept talking about him in past tense.
Plus,, Nana Tinang kind of mention it to me.”
“Masama ba kung sasabihin kong.. hindi? I don’t know. At some point.. siguro.
Kasi.. Papa died when I was.. 8 months old. I don’t have memories of him with me.
So.. there’s nothing to miss about. Tsaka lumaki ako na si Tata Greg na yung tatay
ko. He filled up the hole Papa left. Pero gusto ko siyang mameet, if given a
chance. Nakakainggit din kasi yung iba na.. may totoong daddy. Aahh ewan! I’ve
compartmentalized this since I was young kaya ang gulo ng sagot ko. Sorry.”

“I understand. Sorry for asking the question.”

“I have to admit, it’s better than the Sarah-Jillian question, kung sa level of
surprise pagbabasehan.”

“11 questions to go, Zade. I still have.. 12.”

Why Comparative Literature?

“I love words. I love imagination. I love to read. I live for books and literature.
I want to pursue something I’m passionate about. Nakakahiya man pero mas naiinlove
pa ako sa fictional characters kesa sa totoong tao. Kasi.. they’re easy to learn
and love. I can relate to them. I love losing myself to words. Kaya nga ang dami
kong alam na words.”

“Wow. Mindblown. Very well said, Zades.”

Ugh, Zades. Sarap pakinggan pag siya ang nagsasabi! “Thank you. So.. why Film?”

“It’s my parents’ passion. My mom’s a scriptwriter, dad’s a cinematographer.


Pursuing film.. makes me feel they are still alive. That they’re with me.  Kaya
kahit ang hirap ng schedule ko, sinusubukan ko pa ring pumasok. Kahit alam ko na
yung ibang lessons. I’m studying because I know that would make my parents proud.”

Shit naman ‘tong si Andreau, di ako prepared na pabonggahan pala ng tanong ‘to!
Nakakahiya namang umiyak dito! Pinag-isipan ko pa siya ng masama!

Parehas kaming natahimk after his answer. Ano pa bang irereklamo ko dun sa sagot
niya?

“I believe it’s my turn,” bigla niyang sabi.

“Okay, shoot.”

“Since we’re already in the subject...

Who’s your first kiss?


-A&Z-

Sasabihin ba ni Zade o hindi? Haha! Anyway, kung may gusto kayong itanong sa
characters for this Twenty Questions (10 each na lang ata sila?), please do comment
or tweet me :)

See you bukas sa meetup!

=================

[15.2] Twenty Questions

Chapter 15.2: Twenty Questions

Okay, just to be clear: hindi Kathniel ang character portrayers nina A&Z. Naitanong
ko lang kung sinong naiimagine niyo hahaha. Calm your tatas, guys <3

Kaya ko favorite ngayon ang TSIB (bukod sa sobrang light niya, unlike ng the-story-
which-must-not-be-named) kasi nakakapagfocus ako sa build up ng isang relationship,
na I think hindi ko masyadong nagawa sa TDG, IIF at TMEUAS. Step by step process
ba. Okay feeling ko ako lang ‘to hahaha

Here we go! Mapapadalas ang updates nitong TSIB sa mga susunod na linggo, until
mareach ko ang 20th chapter. After that, writing break ako! :>

-A&Z-

Malamang, ikaw. Tanga ka ba?

Yan ang gusto kong isagot sa tanong niya. Ikaw, Andreau. Ako pa nga humalik sa’yo
eh. Bago ka sumuka. Don’t you remember?

Pinalaki ako nina Nana Tinang at Mima na nagsasabi lagi ng totoo. Masama raw
magsinungaling. Sakto pang Holy Week ngayon kaya.. pressure.

Lord.. anong isasagot ko?

He was patiently waiting for my answer. Hindi ko naman mabasa kung hinuhuli lang ba
niya ako o talagang curious lang siya sa’kin. And hello, ba’t niya itatanong ‘to?
He has a motive behind this.

Kung magsasabi ako ng totoo.. malamang may magbabago sa’ming dalawa, better or
worse. Kung magsisinungaling man ako.. may dalawang bagay na dapat i-consider:
a.     I’ll tell him na wala pa akong first kiss (which may lead to another
possibility na bigla niya akong halikan dito. Dear Lord! I might die here.)

b.     I’ll tell him na meron na... pero sa friend ko (na hindi naman totoo)

The last one’s the most appealing. Hindi naman niya kilala mga kaibigan ko nung
high school, at imposible namang ipahanap na niya ang mga ‘yon. Kung alam man niya
na nahalikan ko siya.. hindi na magiging big deal para sa kanya yun. Ako na lang
ang magdadala ng burden ng kiss na ‘yon.

God, mas pinag-isipan ko pa ‘to kesa sa final exams ko.

“Uhmm.. my high school friend,” nahihiya kong sagot sa kanya. Mapansin kaya niya na
nagsisinungaling ako? “Nung JS Prom.. 4th year high school.”

“Oh.. sneaky guy,” yan lang ang sinabi niya. Pumasa na ba ako? Okay na ba? Ako na
ba magtatanong? Ba’t.. wala naman siyang reaksyon? Ang hirap naman niyang basahin!

Eh ikaw.. sinong first kiss mo?

Imposibleng ako ang isasagot niya dyan. Ilang beses na kaya niyang nahalikan sina
Jillian at Sarah! Plus yung iba pang napartner sa kanya sa drama anthology show ng
network nila. Sana hindi si Jillian, kadiri naman!

Andreau fell silent and his face went red. As in red. “Sabi na nga ba.. gaganti ka.
Fine.. basta.. hindi si Jillian.”

“That’s not a valid answer. Alam kong sasabihin mong hindi ko binanggit yung
pangalan ng friend ko. Fine, si Jake,” May classmate akong Jake nung high school
kaso bading. As if Andreau will know.

“Just.. promise you won’t laugh. Ikaw lang ang pagsasabihan ko nito.”

Shit, this is serious. O baka naman pinagtitripan lang niya ako? Wag kang masyadong
magpadala sa acting niya, Pascual. “Okay.. I promise.”

He took a deep breath before answering. “I.. did this indie film.. once. My very
first film. Anyway.. there’s this scene.. sa..” Andreau paused. Gosh, he’s too
embarrassed! Ni hindi niya ako matinginan sa mata! “Sa.. ospital. Basta.. si Ms.
Klara Abelardo ang first kiss ko.”

Klara Abelardo.. wait, that name sounds fa—


Oh my god. Si.. Mrs. Evasco sa Waiting Shed!

“Oh my god.. I know her! Ka-edad lang siya ni Nana Tinang!”

Napayuko si Andreau sa sinabi ko. “Salamat ha, Zades. I only did it because.. the
script was good. I won my first acting award for that role. I was just.. 15. People
assumed I already kissed a girl because I grew up in the States. Hindi ko naman
nasabi sa kanila, baka bawiin sa’kin yung role. Besides.. acting lang yon. Nothing
more.”

Why.. is he telling me this? Medyo napressure pa ako kasi.. ako lang ang
pinagsabihan niya nito. Anong sabi ng first kiss ko sa first kiss niya ha?
Nakakaguilty tuloy na nagsinungaling ako! Parang sira naman kung babawiin ko yung
sinabi ko di ba? Hindi naman ikakagaan ng loob niya yu—

Have you ever watched any of my movies?

Bwiset, nag-iisip ako eh. “Uhmm.. yes. I don’t know if you know but fan mo si Kesh.
Halos lahat siguro napanood ko na.. kaso hindi ko talaga dig ang movies, you know.
And romcom pa ang genre mo so.. ilag ako dun.”

He kinda flinched at my answer. Ay, nahurt ba siya dun? “Yeah, I forgot. You hate
Valentine’s and stuff. Halos lahat pa naman ng pelikula ko romco—“

“Pero.. favorite ko yung Waiting Shed,” I finally confessed. Nagulat siya sa sinabi
ko. “Pinanood namin yun sa Values class namin nung 3rd year high school. I haven’t
seen many movies pero believe me, yun ang favorite movie ko ever.”

“Really?” sabi niya, na parang hindi makapaniwala sa explanation ko.

“Oo nga. Nakakatouch yung movie. Dino was fighting for his dreams and life. Ang
saya na malungkot na ewan. Alam mo.. lagi akong naiiyak pag naaalala ko yung last
scene dun. Lalim ng hugot eh!”

“That’s also my favorite. Dun ko napatunayan na marunong pala akong umarte,” he


chuckled and looked at me. “I couldn’t believe you saw that. Isang taon na tayong
magkakilala tapos ngayon mo lang sinabi. Wow.”

Kasi nga.. ayokong tratuhin mo akong fan. Ayoko ng ganun. Kasi kung sinabi ko na
napanood ko yung movie mo the first time na nagkausap tayo.. wala tayo dito ngayon.
Hindi mo na siguro matatandaan ang pangalan ko.

“I kinda forgot to mention it. Sorry.”

Anong type mo sa lalaki?


Nakakagulat naman ‘tong magtanong! Hindi pa nga ako nakakarecover dun sa tanong
niya kanina tapos.. pang-quiz bee agad ‘to!

“Actually.. I haven’t thought about that. I could name a lot of fictional


characters that I really like but.. ang hirap kasing gawing standard yun. I love
literature kaso ang perfect masyado nung characters dun. Mahirap hanapin sa totoong
tao. Ayoko lang siguro madisappoint. Basta, kung mamimeet ko siya, e di siya.”

Andreau shook his head and smiled. “Hopeless romantic.”

“Shut up.”

Ikaw.. anong type mo sa babae?

“I don’t have a type. Like you, ayoko ring madisappoint pag hindi ko siya nakilala.
I just want her to.. understand me.”

Whoa lalim alert! Understand him daw, eh mukha ngang ayaw mong magpaintindi!

Kung hindi ka artista..ano ka siguro ngayon?

“A normal person. Siguro.. graduate na ako ngayon then mag-aaral ng masteral sa New
York. Maybe may part time job din ako tulad mo. Kahit hindi ako naging artista..
gusto ko pa rin maging director. Nothing could change that.”

Am I attractive?

“I’m not blind, Andreau. You’re a very attractive man. Kaya ka nga artista, di ba?”
I said matter-of-factly. Buti na lang nacontrol ko ang boses mo.

“Hah. Sabi na nga ba, looks trumps talent,” he pouted. Shit, ang cute niya pag
nagpout! Badtrip.

“No no.. of course, you are a great actor. You made me cry!”

“You haven’t seen many movies, Zades. Wala kang basis.”

“Fair point. But.. I appreciate your talent more than your looks. For me, yun ang
edge mo sa ibang actors ngayon. So what kung magaganda nga katawan at mukha nila,
panget naman silang umacting? Ikaw.. you have it all. Well.. I couldn’t quantify
everything kasi hindi ko naman talaga alam lahat but.. you get my point? Ang dami
mo nang napatunayan sa kanila. At di bagay sa’yo na magdrama pag walang camera at
script.”
Damn, that mysterious smile again. In fairness, nagiging immune na ako sa ngiting
yon. “Coming from the girl who almost murdered me with her backpack.. I’m touched.
Thank you, Zades.”

“Sabi nang wag na nating pag-usapan yang backpack eh!”

“I said it nicely!”

“Hindi! May hidden insu—“

Nagkacrush ka ba sa’kin?

“No,” I spat out too quickly, which surprised the both of us. Totoo naman, hindi
ako nagkacrush sa kanya. “I find you attractive pero yung tipong crush crush?
Naaah. Imposible.”

Why?

“You wasted a turn!”

“Just answer my question. I’m curious.”

Whoa.. ba’t hapit siya? Akala ba niya may crush ako sa kanya? I admit.. kinikilig
ako pag kasama ko siya. Porke ba kinilig crush na agad? “You’re not my type.”

“Yun lang? What do you hate about me?”

“Whoa slow down, Andreau. Kalma, okay?” What’s with him? Is he upset because hindi
ko siya naging crush? “Honestly.. I hate it when you’re too much of a planner. The
Gantt charts.. to do lists.. you’re too organized. Too.. choleric. Sometimes..
napapaisip ako kung nag-eenjoy ka ba sa buhay mo o hindi. I can’t blame you if you
work too much. It’s just.. you’re just.. twenty. You should be doing things people
your age do. Nakita lang kitang relaxed nung New Year at Valentine’s. Hindi yung
araw-araw kang puyat tapos nag-aaral ka pa. I’m.. You really amaze me. The heart
you have.. I admire that.”

Akala ko pa naman tatawanan niya ako sa sinabi ko pero.. napatulala lang siya..
sa’kin. Nagsosolve ba siya ng Math equations? Ba’t parang ang lalim ng iniisip
niya? “Earth to Andreau! Helloooooooo?” kumuha ako ng maliit na bato sa paanan ko
at binato ko sa kanya. “Nakatulog ka ata!”

“Aahh.. nothing. I just thought of something.”

“I believe it’s my turn.. since apat na sunod na beses ka nang nagtanong. Bakit..
ka umiinom? I mean.. nagjoke dati si Ms. Marisse about you being an alcoholic..
pero mukha nga. Why?”

“Ah. I knew you would ask me this,” he smiled ruefully. “15 ako nung una akong
uminom. I really drink occasionally, Zades, but in huge amounts. Pampatanggal
stress lang. It kinda relaxes the body, right? Nalasing ka na, alam mo na siguro
yung tinutukoy ko.”

Ah so pwede kong idahilan na kaya kita hinalikan kasi relaxed ako? Okay, noted!

If ever.. magkakagirlfriend ka.. would you prefer if she’s in showbiz or not?

“Pwedeng-pwede ka nang pumalit kay Beau sa Minutes,” natatawa niyang sabi. “Uhh..
may pros and cons pareho eh. Pag artista rin.. madali lang kasi pwede kaming
magkatrabaho, maybe sa same network lang din. But knowing the world we’re in..
mahirap din pag sobrang busy. Pag non-showbiz naman.. her privacy’s the big
concern, lalo na pag ayaw niya sa attention o pag private talaga siya. It’s risky..
But.. naah. It really depends on the person, if she’s worth the trouble.. mapa-
showbiz man o hindi, I’ll do it.”

Grabe.. intense. Seryoso siya! Kung sino man ‘tong future ate na ‘to.. swerte mo!
Kasi you’re worth the trouble! Taray!

Are you still mad at me? About the name thing?

Napangiti na lang ako sa tanong niya. “Hindi mo talaga ‘to lulubayan ano?” he
nodded. “Sa tingin mo ba.. papayag akong sumama sa’yo dito kung galit pa ako? I
think tayo lang ang tao dito sa island.. kung galit pa ako sa’yo e di sana.. kanina
pa ako gumanti sa’yo. No one’s gonna help you here.”

Biglang kinakabahan si Andreau sa sagot ko. “Not funny.”

“Hindi na ako galit sa’yo. Promise. Wala nang sense kung magagalit pa ako sa’yo, di
ba? But I was really hurt. Past is past.”

“Really?” I was about to protest when he cut me off. “That’s not counted.”

“Yeah. You’re not that bad after all. Lesson learned na lang sa’yo na alalahanin
ang mga pangalan ng mga taong katrabaho mo, okay?”

“Yes, Ma’am!”

Since napag-usapan na rin natin ‘to.. bakit Shaira?

“Oh god, not again.”


“Walang masama dun sa tanong ko, Andreau. Follow up lang ‘to!”

“Honestly? I didn’t catch your first name. Si Anya kasi nagsabi nun, and you know
her, she always speaks gibberish,” natawa kaming pareho. “I only remembered the
first two syllables of your name.. kaya yun lang. Random lang yung Shaira, medyo
malapit kasi sa Scheherazade. You know what, I really felt bad the night after you
hit me. Hindi dahil sa masakit yung ribs ko or what. I saw you cry. I hate seeing
people cry because I hurt them. I hurt you. You were really nice, correction, super
nice to us during our stay. May karapatan ka talagang mabadtrip dun.”

“Buti alam mo. Tapos a week later, susungitan mo ako sa bahay nina Ms. Marisse.”

He groaned. “Nagsorry na ako dun di ba? Sa elevator!”

Wow.. tanda pa niya. Hindi nga nagbibiro si Ate Anya na matalas ang memorya ni Big
Boss. “Just checking. Baka kasi nakalimutan mo na.”

“Hah. I don’t forget things easily.”

Jusko ano na namang iniisip niya? Nagpapahiwatig na ba siya? Kung diretsuhin ko na


ka—

I remember your interview, the night before we left. You said.. mag-isa ka lang sa
Manila nung high school. How did that happen?

Nakakainis na yang memory niya ha. Hindi na masaya. “Ano kasi.. may choice naman
akong sa San Ignacio mag-high school kaso.. ayoko talaga. You see, namana ko kay
Mima yung pagiging free-spirited. So.. sabi ko sa kanila.. gusto kong bumalik ng
Manila para mag-aral. Hindi naman maiwan ni Nana yung San Ignacio kaya ako na lang.
Buti na lang maraming friends si Mima kaya nakituloy ako sa kanila. Every year
akong lumilipat ng bahay at school. Hindi rin ako umuuwi sa San Ignacio kasi.. I
don’t know.. ayokong masanay dun? Kasi.. gusto kong iprepare ang sarili ko for the
real world, whatever that is. Don’t get me wrong, I love that place so much. Ang
dami naming utang ni Mima kina Nana Tinang nung namatay si Papa. Kaya nga ngayon
pag may free time ako, bumabalik ako dun. Sila na lang naman ang family namin ni
Mima eh. Hirap na pag nawala pa sila.”

Andreau.. wag kang magagalit sa itatanong ko ha. Pero.. I’m curious.. nagkagusto ka
na ba sa co-star mo?

Halata sa body language niya na ayaw niyang sagutin yung tanong. Saglit siyang
natahimik kaya nakonsensya ako. “Uy sige.. wag na lang yon. Masyado atang pe—“

“You’re my temporary best friend.. and best friends share things, right? Fine, I’ll
answer.”
Oh god. Hindi ako prepared dito. Akala ko ko pa naman tatanggi siya!

“When I first worked with Sarah.. I almost.. fell in love with her.”

WHOA. THAT’S NEWS. Eh.. may boyfriend si Sarah nun! Oh god. “Really?”

“Y-yeah. I know it was wrong, sila pa ni Kraig nun. We became close friends during
our first movie, lagi kaming magkasama kahit tapos na yung shooting. Magkausap..
the likes. She’s so nice that I almost fell in love with her. But I didn’t. I woke
up one day and realized.. I could love her but.. I didn’t do anything about it.
There are certain lines that you shouldn’t cross with people, especially if they’re
important to you. Looking back.. I really could love her. It’s just that.. she
wasn’t worth the trouble.”

How would you know if someone’s worth the trouble anyway?

Napangiti ulit siya. “You just know.”

“Labo naman nito!”

“Wala namang malabo dun ah! Sometimes.. you just know things. They don’t require
any mind-boggling explanations or shits. If it’s right, then go for it.”

“Wow, I’m surprised. I didn’t know you’re a gut person. Parang sobrang rational mo
kasi eh, lalo na choleric ka.”

“Alam ko yang sinasabi mo. Hindi ako choleric.”

“Yes, you are.”

“I’m not.”

Bakit brown ang favorite color mo?

“This may sound too cheesy but.. it has something to do with my father. Ano kasi..
college nagkakilala ang parents ko. Si Mima ang unang nakakita kay Papa sa isang
art exhibit. You know, yung mga love at first sight scenes sa movies, parang ganun
yon. She fell in love because of his brown eyes. Sadly.. I didn’t inherit those
eyes. Height lang ang nakuha ko kay Papa. So.. kaya ko nagustuhan yung brown kasi..
it reminds me of my father. Hindi ko man siya nakilala, ayoko siyang makalimutan.
Cheesy, right?”

“Not cheesy at all. I’m sorry about that. Nilait ko pa yung brown nung New Year.
Hey, I only have one question left.”
ISANG TANONG NA LANG SA KANYA!? YUNG TOTOO? “D-dalawa na lang akin, right?”

“Yep. So ask wisely. I already have my last question.”

Mauubusan ata ako ng laway sa kakalunok dito. Patay. Baka itatanong niya sa’kin..
Bakit ka nagsinungaling nung about sa Valentine’s? Or.. Are you ashamed that you
kissed me? Jusko magpapaanod na lang ako sa dagat!

Andreau.. bakit ka nagwalk out sa Minutes With Beau Perez?

Hindi niya ata ineexpect na itatanong ko yon sa kanya. Muntik na siyang matumba
ulit. “Magaling ka sa larong ‘to ha,” he remarked. “Sa huli talaga yung mabibigat
na tanong. Nice.”

“Okay lang ka—“

“Temporary best friend, remember? Just promise you won’t tell this to anyone. Not
even Kesh. Please?”

Shit.. anong meron? “O-of course.”

“The.. network.. made me do it. It was part of a.. deal.”

WHAT.

WHAT.

“WHAT!? Are you kidding me? They made you do that?!”

He nodded solemnly. “The ratings went down because of the gay issue. Araw-araw nga
akong nagt-trend pero puro negative naman. Ang daming bashers sa gossip sites etc.
They.. decided to guest me there and promote the show.. hindi ko alam na ipagagawa
nila sa’kin yun. Ni si Beau nga, ayaw. i.. just had to do it. Para mas umingay ang
tao, mas macurious.“

“But.. Andreau..”

“May kapalit naman yon.. we made a deal before taping that episode. Magwawalk out
ako.. then.. papayagan ako ng network na magleave for one year. The movie I’m doing
with Jillian is my last.. for now.”

Teka.. information overload ‘to ha. Magle-leave siya.. for a year? “Kung
magtatanong ako, counted yon. So.. i-explain mo na lang kung para saan yung one
year leave.”

“One year to finish my studies. Next year.. full time student na ako. Kailangan ko
rin namang grumaduate, di ba?”

Full time stu.. Shit. Magkikita kami nang madalas sa campus. Lord, eto na ba ang
parusa mo sa’kin? One year?! Makikita ko na nga siya sa Skyline tapos.. pati sa
campus? Bakit hindi ako masaya!?

“I can’t believe it! Pumayag ka sa ganon.. my go—“

“It was unfair, I know. Nagalit nga sa’kin sina Mars at Marisse dahil pumayag ako.
The ratings went up after that interview, kahit lumakas yung issue. Hindi ko na
lang masyadong pinansin. I know the truth, anyway. I don’t need to please them. Two
years ago na yun, Zade. Don’t worry about it. Ang daming natsi-tsismis na bading sa
showbiz, masanay ka na.”

Hello, pagdating sa’yo.. NEVER! My god.. he sacrificed his.. reputation for a year
break. To finish his studies.. Naalog ba utak nito? I don’t understand him at all!
Napaka- self sacrificing naman niya! Hindi ko kinaya!

“Hey.. don’t think about it. Sabi mo nga.. past is past,” Andreau assured me. “2
months na lang and I’m done. Pwede na akong magpanggap na normal na tao. At hindi
ka na maiinis sa’kin.”

“Grabe sineryoso mo naman masyado!”

“Stop stalling, Zades. Ask me your last question.”

“Bakit ako? Ikaw muna!” Wow, tapang-tapangan ulit!

“This game is my idea.. I asked the first question.. so I might as well.. close
this thing. Logical enough?”

“O..okay.” Shit, anong itatanong ko? Wala na akong maisip!!!

Uhmm.. Andreau.. wala ka bang natatandaan nung Valentine’s? I mean.. after nung
Vegetable Game?

Masyado kayang obvious ‘to? Ba’t eto pa tinanong ko? Gusto ko lang makasigurado
kung.. may naaalala ba siya o wala. Para hindi na ako maparanoid. Nakakaloka naman
‘to!

“Valentine’s? After ng Vegetable Game.. ah! Meron!” tumigil ang paghinga ko dito.
“Sumuka ka sa CR.. tapos mga 20 minutes ka naming hinintay lumabas sa CR. I
remember si Roldan ang nagbuhat sa’yo papuntang guest room. I was too drunk to do
that. Sorry.”

“Anything else? And this is not counted.”

“Ano pa ba.. Hmm.. after that.. I remember.. watching Breaking Bad.. and.. oh! I
talked to you!”

OH MY GOD. MAY NAAALALA SIYA. Kung naaalala niya ‘to.. baka.. OMG. “What else?
Still.. not counted.”

“What’s with you and Valentine’s anyway? I thou—“

“Still my turn, Andreau. Answer the question.”

He threw me a weird look. “Sorry Zades.. I’m blackout drunk that night. Wala akong
maalala. Basta.. tanda ko.. kinausap mo ako sa couch.. and that’s all. Gabi na ulit
nung nagising ako. Can’t remember anything.”

God.. he’s not lying. Kitang-kita ko sa mga mata niya na wala siyang alam. Kelan pa
ako naging expert sa eye movement niya? Ewan. Ramdam ko na.. wala talaga siyang
matandaan. Shit..

I’m safe!

Pero.. ba’t.. malungkot ako?

Siguro may karapatan naman akong malungkot kasi first kiss ko yun. Correction:
nagnakaw ako ng halik kay Andreau Cortez, na first kiss ko, tapos hindi niya
matandaan. Pwede ko namang ipatanda sa kanya kaso.. ayokong maging weird kaming
dalawa. Ang ayos na namin oh! Kung anu-ano na nga pinagsasabi niya sa’kin! Okay na
malungkot ako ngayon, lilipas din naman ‘to. Pag kasi naging awkward kami.. mas di
ko ata kakayanin yun.

“I believe it’s my turn,” sabi niya sa’kin, todo ngiti. “I want you to answer this
honestly. So.. are you ready?”

“O-okay..”

Zade.. if I’m not an actor.. would you go out with me?

“Oh,” was all I could say.


Nagpanic bigla si Andreau. “Look.. hypothetical lang naman. What if.. we met.. as
classmates or something. Would you go out with me?”

Mindblown. Hindi ko inexpect na ito ang last question niya sa’kin. Mas nagulat pa
ako dito kesa sa tanong na kung hinalikan ko ba siya. Shit.. anong isasagot ko?

“Uh.. wow.. Grabe yang finale question mo ha,” I tried to keep my voice steady.
God.. nakakaloka talaga. “Uh.. hypothetical? Hmm. Sure, I would go out with you.”

His face lit up. “Really?”

“Oo nga. You’re a nice person, Andreau. Any girl would love to go out with you.
Besides.. masaya ka namang kasama kahit minsan inaasar mo ako. So.. yes, I would.”

“Kahit may halitosis ako?”

“What? You don’t ha— oh. Hypothetical. Hmm.. siguro naman maghahanda ka pag nagdate
tayo, di ba? I would say yes because.. I think you’re worth the shot. And  pwede
naman akong magsuot ng face ma— ouch! Masakit yon ah!”

Tawang-tawa na naman si Andreau. Seryoso naman yung sagot ko ah! Pasalamat siya
kahit hindi ko siya type, papayag ako sa hypothetical date namin. “Hoy Andreau,
anong nakakatawa?”

“W-wala. It’s just.. you’re so funny.”

“Hah. I know, right? One of us should be funny. You suck at being funny, anyway.”

xxx

Dalawang oras naming inikot ni Andreau ang island after ng game namin. In fairness,
mas maganda pala ang kabilang side ng island! Namulot ako ng iba’t ibang shells at
kumuha rin ng white sand. Si Big Boss naman, busy sa pagkuha ng pictures. Ginawa pa
akong model ng bwiset nung nakita niya yung malaking limestone formation sa
kabilang side. Kahit pinaupo lang niya ako dun, hiyang-hiya ako. Hello, paano ba
pumose? Paano ba ngumiti? Kabaliw!

Hindi na namin pinag-usapan yung mga nalaman namin kanina sa game. Marami pa akong
follow up questions kaso sa susunod ko na lang itatanong yon. Malakas ang feeling
ko na may next time pa naman na magkukwentuhan kami tulad nun. Hah, close na kami
ni Big Boss!

Normal na tao lang din pala si Andreau, nagkataon lang na lumalabas siya sa mga
pelikula at TV at mas mayaman sa mga ka-edad niya. Hindi na ako starstrucked sa
kanya ha. Sa dami kong nalamang sikreto niya!
Tama siguro ang desisyon ko na hindi sabihin sa kanya yung kiss. I don’t want him
to look at me that way. After all, ang dami kong nasabi sa kanya na hindi ko
sinasabi sa ibang tao.. mahirap na. He’s my temporary best friend, okay na yun.

Mga 4:30PM na nang balikan kami ni Kuya sa island. Dapat around 5:30 kami
magpapasundo, gusto kasing makita ni Andreau ang sunset mula dito sa island kaso
hinahanap na raw kami ni Ms. Marisse. Sayang, mukhang mas maganda nga dito ang
sunset!

“Tahimik mo ata,” tanong niya sa’kin habang papalapit na kami sa resort.


Tinitingnan niya ang pictures namin from the island.

“I’m tired. Tsaka information overload ako ano. Promise, I won’t say anything.”

“Thanks. By the way, thank you for being my temporary best friend. You’re the best
temporary best friend of all time.”

“Hah, I know. Thank you rin.”

“My pleasure.”

Papalagpasin ko na sana eh.. kaso.. “Uhmm.. did you have any temporary best friends
before?”

“Nope. Just you,” he replied, not looking up.

“Then how did you come up with me as the best temporary best friend of all time? I
mean.. you must’ve compared me to other in order to sa—“

He finally looked up at me and smiled. “I just know.”

“Oh.” That shut me up.

Walang nagsalita sa’ming dalawa nang makarating kami sa resort. Naramdaman na rin
niya siguro ang pagod. Ang lawak kaya ng inikot namin kanina! May lumapit sa’ming
resort crew, pinapapunta raw kami ni Ms. Marisse sa restaurant for the dinner.
Nagkatinginan na lang kami ni Andreau, kanina pa kasi kami gutom.

“Hey Zades?” tanong ulit niya bago kami makarating sa restaurant. “You forgot to
ask me a question.”

Shit.. akala ko okay na kami. Tapos na ang game, di ba? “W-what question?”
“Uhmm.. akala ko.. tatanungin mo kung totoo ba yung gay issue o hindi.”

God nakahinga ako nang maluwag don. Akala ko pa naman yung tungkol sa kiss!
“Naahh.. alam ko naman yung sagot dun. My gaydar didn’t detect you so you’re safe.”

As usual, tinawanan na naman niya ako. “Oh great. Buti na lang. Nagready pa naman
ako para don.”

“Hah. Wow, you’re such a Boy Scout. So.. anong hinanda mo? Queer Theory or
something?”

“Naahh. I was planning to kiss you to prove you wrong.. but you know the truth
anyway. So.. you lost your chance.”

He left me by the restaurant entrance, laughing out loud.

Hah. I’m sorry, Big Boss. Naunahan na kita dyan, nung February pa.

-A&Z-

See you sa next chapter! :)

=================

[16] Late Night Conversations

Chapter 16: Late Night Conversations

Sayang na sayang ba ang chance? Don’t worry, marami pang chance yan! Hahaha!

-A&Z-

MAY

Things went downhill after our Coron trip. Bumalik ako ng San Ignacio habang
nagpatuloy sa shooting si Big Boss para sa movie nila ni Jillian. At least, good
kind of downhill naman. Hindi na niya ako masyadong inasar sa last days ng stay
namin sa Coron. Buong trip niya akong naging temporary best friend, na nag-enjoy
naman ako.

Hah, the plan to kiss you shit was never mentioned, either.
Ang kapal ko naman kung magtatanong ako about that! Magmumukha akong assumera at
bitin if ever. Lalo pa siyang magtaka kung bakit ako curious. Lagi naman akong
curious pero.. ugh. Here I go again, overthinking about the kiss!

Kung tinanong ko nga yon.. hahalikan ba niya kaya talaga niya ako? O joke lang yon
at pinagtitripan niya ako? Medyo naoffend nga ako sa sinabi niya eh. Parang.. ready
siya na i-risk ‘tong kakarampot na something na meron kami. He planned to kiss me
just to prove a point. How juvenile is that?

Wow, mas juvenile kaya yung hinalikan para tumahimik, Pascual.

Three weeks akong nagstay sa San Ignacio. Hindi na nga ako nakabalik ng Manila para
makapanood ng graduation nina Ate Anya, Kuya Lee at Roldan. Mukhang hindi rin
nakapanood si Andreau, stinalk ko ang pictures ni Roldan sa Facebook (yes, friends
na kami don. Kami ni Andreau hindi pa!), wala siya don.

A week after ng Coron trip namin lumabas ang Wanderlust episode na kasama ako. My
first ever TV appearance. Wala akong pinagsabihan kina Nana Tinang na kasama ako
dun kaya gulat na gulat sila nung makita nila ako sa TV. Intense nga eh, parang
nanalo siya sa lotto sa sobrang gulat at saya. Pati tuloy mga kapitbahay namin
naging wild, as if nagkaron ako ng movie or something. Si Mima naman tuwang-tuwa
sa’kin, abot Skype pa! Anyway, hindi pala halata na nag-aaway ang mga paa namin ni
Andreau sa ilalim ng table. Oh well, pwede na ata akong mag-artista.

Bakit ang sasaya ata ng summers ko lately? Last year.. nangyari yung Dagat ng
Buhay. This year naman, Coron trip. Next year, ano kaya?

Follow up question: kasama ko pa kaya nun si Andreau?

Okay where did that come from? Sa sobrang init ata kung anu-ano nang nasasabi ko.

xxx

Bumalik ako ng Manila ng 3rd week of May para ayusin ang ilang papers ko for the
enrolment. As usual, bracketing system shits na naman. Parang nagbabago yung akin
every year ah? Mahirap pa rin po kami, university. Sana tumawag na lang kayo para
i-update na lang namin kayo!

Sa bus papuntang Manila ko nabalitaan (actually sa tabloid ng katabi ko sa bus) na


nasa ospital si Andreau.

Hiniram ko yung tabloid after niyang basahin (buti na lang babae ‘to) at naki-
tsismis ako. Nagbabasa naman ako ng tabloid kaso first 4 pages langS. Hindi ko
naman kasi kilala ang mga artista na nasa tsismis part ng tabloid. Hinanap ko na
lang ang article tungkol kay Andreau. Ah, maikli lang pala.

Nasa St. Luke’s Medical Center daw si Big Boss, sinugod yesterday afternoon dahil
nagcollapse sa set due to fatigue. Wala raw siyang tulog dahil nirurush ang
shooting ng movie nila ni Jillian. First week of June na pala ang showing ng movie
nila. Hah, merely two weeks to go! Lagot na lagot sila sa Jildreau fans nila. Hay.

Kina Ms. Marisse agad ako dumiretso pagkarating ko ng Manila. Naabutan ko siyang
nag-eempake ng gamit sa sala, tapos si Tristan nanonood ng Spongebob sa TV.

“Hey Zade! Long time no see ah!” bati sa’kin ni Ms. Marisse. “Oh, you’ve tanned
pretty good. Bagay sa’yo!”

My god di naman ako pumunta dito para magfish ng comments! “Thank you po! Sina
Butchoy kasi, laro nang laro sa dagat! Naiwan ko rin yung sunscreen ko sa dorm.”
Tinabihan ko si Tristan sa may lapag at kinurot ko siya sa pisngi. “Hey, Mr. T! How
you doin’?” Wow, first time! Hindi niya ako pinansin! Nakapout pa si Little Boss at
mukhang nagtataray!

Ms. Marisse laughed at her son’s behavior. “Nagtatampo yan. Hindi ko kasi
pinayagang bisitahin si Andreau ngayon. Have you heard about that?”

“Uhmm opo, kanina lang sa bus. Kamusta na siya?”

Napailing si Ms. Marisse habang sinasara ang suitcase niya. “As always, gusto na
ulit magtrabaho. Every year na lang siya nagcocollapse sa trabaho! Gets ko naman na
crunch time na sila sa movie.. kaso imbis magpahinga sa free time, kung anu-ano
pang ginawa,” she sighed. “He got that from his mom. Si Ate kasi.. kahit pagod na
go pa rin with work. Cholerics!”

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. “I told Andreau na choleric siya. He


denied it.”

“Eh Denial King naman yon! I’ve been telling him that for m— oh. Hindi ka naman ba
busy this afternoon, Zade? You can take Tristan to the hospital if you like.”

Uy, tempting yon ah. Another side of Big Boss ang pwede kong makita: Sick Andreau.
Sinilip ko ang reaksyon ni Tristan sa tabi ko, nakatingin na pala siya sa’kin.
“Well.. wala naman akong ga—“

“Dali na Ate Zade please samahan mo na ako please please!” kulang na lang mahubaran
na ako ni Tristan sa sobrang paghigit niya sa damit ko. “Please please Ate miss ko
na si Kuya Andreau please please!”

Wow.. ang swerte naman ni Andreau at super nag-aalala sa kanya si Tristan! I looked
at Ms. Marisse for approval and she just smiled at me. “Okay fine! Let’s go! Pero
wag kang hihiwalay sa’kin dun ha? Mahirap mag-hide and seek sa osp—“

Bago pa ako matapos ay tumakbo na si Tristan papunta sa kwarto niya para magpalit
ng damit.
Kids.

xxx

Hindi lang sa pagsama kay Tristan ako napapayag ni Ms. Marisse, pati sa pagbabantay
sa anak niya for two days napasubo ako. Papunta siya ng Malaysia ngayon para sa
isang product shoot at magsi-stay siya dun for three days. May yaya naman si
Tristan pero he insisted na ako na lang ang magbantay sa kanya for two days. Ang
adorbs talaga nitong batang ‘to!

Hinatid kami ni Kuya Mike sa ospital gamit ang sasakyan ni Ms. Marisse. Aahh.. so
kay Ms. Marisse pala yung Chedeng na ginagamit ni Andreau! So yung Dodge talaga ang
kotse niya? Surprising.

I rarely go to hospitals. Well.. iniiwasan ko talagang pumunta ng mga ospital eh.


Ayoko lang talaga sa ambiance. Tsaka.. ang daming namamatay dito at.. germs! Who
likes germs, anyway?

Akala ko malala na ang reaksyon ko pagdating sa germs. Si Tristan pala.. intense.

Ate Zade.. okay lang ba hawakan ko hands mo later sa ospital?

Uhm.. sure. Bakit naman?

Kasi.. baka kunin ako ng germs.

Ha? Germs? Tristan.. hindi mo makikita ang germs kung wala kang gamit na
microscope.

Eh kasi.. baka lumaki sila tapos kunin nila ako.

Uhmm.. that’s impossible, Tristan.

Sabi kasi ni Kuya Andreau.. pag bumitaw daw ako pag nasa ospital ako.. pag nawala
daw ako.. kukunin daw ako ng mga malalaking germs.

Ah.. joke lang yon ng Kuya Andreau mo. Kakausapin natin siya mamaya, okay?

Sige po.. basta.. kakapit lang ako sa inyo mamaya Ate Zade. Ayoko sa germs.

Tinamaan ng kalokohan ‘tong Andreau Cortez na ‘to! Kung anu-anong pinagsasabi sa


bata! Una, yung Bella vampire shit. Tapos eto? Bad parenting!
Tapos na ang visiting hours na nang makarating kami sa ospital (thanks, traffic!)
pero buti na lang at family doctor nina Andreau ang doctor-in-charge kaya nakalusot
kami. Intense ha, ganito ba pag naoospital ang mga artista? O si Andreau lang? Ang
daming tao, correction, teenage girls, sa floor ng room ni Big Boss. Pinapaalis na
nga sila ng mga guard kaso ayaw. Sinamahan na kami ni Kuya Mike hanggang sa pintuan
para safe kaming makapasok. Lakas maka-death glare nitong mga nirabies na
Dreausters sa’kin eh. Sa inyo na yang idol niyo!

“Wow.. hindi naman ako informed na Dangwa na pala dito,” yan ang nasabi ko
pagkabukas ko ng pinto ni Andreau. I kinda said it a little too loud kaya
napatingin sa’kin lahat ng tao sa room. Eh sa nakakagulat, ang daming bulaklak at
balloons! Parang babae ang naospital! Tinamaan na ako ng hiya. “Uhhmm.. g-good
afternoon po.”

Ineexpect ko rin  na maraming kasamang alalay ‘tong si Andreau dito sa room niya.
Di ba ganun naman pag naoospital ang mga yamings? Kaso.. tatlong tao lang ang
kasama niya, at si Mars lang ang kilala ko.

“Kuya Andreau!” sigaw ni Tristan sabay takbo papunta sa kama ni Big Boss.
Tinulungan pa siya ni Mars para makaupo siya sa kama. “Okay ka na? Masakit ba yung
needle? Are you still sick?”

Doon ko lang tiningnan si Andreau.. and.. boy..

“Yuck,” was all I could say. He looked like.. death. Pwede na siyang maging panda
dahil sa eyebags niya. At may ipuputla pa pala siya! At.. ngayon lang hindi bumagay
sa kanya ang five o’clock shadow niya.

Hah, Sick Andreau = Unglamorous Andreau. Ang sarap picturan nito!

“Yuck?” Andreau managed to ask me, his voice sounded raspy. Goodbye, suave voice!

“Yuck.. ka. You’re death.. personified.” I heard Mars chuckle behind me. Eh sa
totoo naman!

Inirapan ako ng bwiset. “This is what sick looks like.”

“I know. Ang panget mo pala pag may sakit ka.”

“Are you trying to make me feel better? If yes, you’re not doi—“

“No. That was an insult. Oh, naalog ata utak mo. Nagpa-CT scan ka na?”

“Why are you so.. crabby today? I’m a sick person. You didn’t even ask me if I’m
okay.”

“Kitang-kita naman na hindi ka okay. Hello, look at that,” tinuro ko ang half-empty
na dextrose sa may kanan niya. “You’re definitely not okay.”

Pascual, pigilan mo ang sarili mong asarin si Andreau. May sakit yung tao. Andreau
huffed and turned his attention to Tristan. Umupo na lang ako sa sofa, katabi ni
Mars. In fairness, pang-yamings ‘tong room niya ha. Ang ganda ng sofa, may malaking
TV.. at may ref! Hotel ba ‘to? Nanood na lang ako ng crap show (di ko alam at ayaw
kong alamin ang title) sa TV habang nagkukwentuhan ang magpinsan. Mukha talaga
silang magtatay!

“Kuya Andreau.. sabi ni Ate Zade nakikita lang daw yung germs pag tinitignan sa
microscope.. tsaka raw wala raw malalaking germs na kasing laki ng tao.”

Triple shit. I’m doomed. Manood ka lang ng TV, Pascual. Walang sinabi si Tristan.
Nananaginip ka lang. Manood ka lang ng TV cra—

“Scheherazade.”

I’m dead meat.

Dahan-dahan akong lumingon kay Andreau, and nakangiti sa’kin ang loko. “What now? I
told him the truth!”

“He’s a kid!”

“Kids deserve to know the truth, Andreau.”

“That’s what teachers are for!”

“Hindi pa nga siya pumapasok sa school!”

“Well.. sa June papasok na siya. That point’s mine!”

“My god, schoolmates ba talaga tayo? Ba’t ganyan ka mag-isip! Dapat sa bahay pa
lang nagsisimula nang magsabi ng totoo! And the truth, Mr. Cortez, is that.. YOU
CAN’T SEE GERMS WITH THE NAKED EYE!”

“Kelan ka pa naging Biology major?”

“Nag-aral ako ng Bio nung high school! Don’t change the subject!”
“I’m not!”

“Why did you lie?”

“It’s much easier, okay? 3 years old lang si Tristan non!” he groaned. “How am I
supposed explain to him the complexities of Biology?”

“Saan mo naman kasi nakuha yon ha? Nag-iisip ka ba?” natawa nang malakas si Mars sa
tabi ko. God, anong nakakatawa dito? “I know imaginat—“

“Ghostbusters, okay?” he retorted shyly. “Medyo inspired ng Ghostbuste—

“Anong Ghostbusters?”

Andreau’s tired eyes widened in surprise. “Pati ba naman yun hindi mo alam?”

“Ano ba yun?”

“It’s a movie.. may cartoons din,” he was waiting for me to react pero I just threw
him my what the hell look. “Seriously.. never ka nakapa—“

“Province girl here. Ba’t naman Ghostbusters? Really, Andreau? Anong konek ng
Ghostbusters sa germs? E di sana Germbusters na lang yon!” My god ngayon lang ulit
ako nairita sa kanya nang ganito! Pasalamat siya hindi ko dala ang backpack ko!

Akala ko sisigawan niya ako.. pero.. that infuriating man! He laughed at me!
Tawang-tawa siya sa sinabi ko! “Oh my god,” he exclaimed, almost out of breath.
Naluluha na rin siya. “G-germ..busters! God Zade, ibang klase ka talaga!” Pati yung
dalawang kasama ni Mars at si Tristan.. tawang-tawa rin.

Wala naman akong ginawang masama ah!

xxx

Two days later.. something happened.

Naextend ng isang araw ang stay ni Ms. Marisse sa Malaysia dahil nagkaproblema sa
place or something. She requested me na magstay ng isa pang araw para mabantayan si
Tristan. Good thing natapos ko nang ayusin ang bracketing papers ko (took me two
long days!) kaya wala na akong masyadong gagawin.

At hindi na namin pinuntahan si Andreau sa ospital.


Hello, nakakairita kaya siya! Well.. medyo sanay na ako but c'mon! Ano bang
kamalayan ko sa Ghostbusters? I just corrected him dun sa sinabi niya kay Tristan!
Ginagamitan niya ako ng movie references niya para mapahiya ako. Ugh.

So.. ayokong magpatalo sa kanya. Thanks sa ultra bilis na wifi dito sa condo, I
downloaded Ghostbusters. Fine, the movie's funny. No wonder gustung-gusto 'to ng
magpinsan. Pero.. my point is... HINDI NGA LUMALAKI NG KASING SIZE NG TAO ANG
GERMS!

On my last day as Tristan's guardian (feel na feel!), nagulat ako nang biglang
dumating sina Andreau at ang entourage niya sa condo nina Ms. Marisse. I wasn't
informed na lalabas na siya sa ospital. Gulat na gulat ako, to the point na
pinabayaan ko lang silang pumasok at dumiretso sila sa guest room. Naiwan lang ako
sa may sala, tulala. Buti hindi nagising si Tristan sa drama nila.

Okay.. what just happened?

Sinundan ko sila sa guest room five minutes later. Si Andreau agad ang napansin ko.
Hmm.. mas okay na ang itsura niya kesa sa last na visit namin. Todo asikaso sina
Mars at mga PA ni Big Boss para comfortable ang higa nito sa kama.

"Zade, can you get Andreau a bottle of water?" utos sa'kin ni Mars. Karipas agad
ako papuntang kitchen at kumuha ng tubig. Ba't ang seryoso nilang lahat? Lumala ba
ang sakit ni Andreau?

Tulog na si Andreau nang makabalik sa guest room. Hala ang bilis naman ata nun!
Wala pa nga akong one minute na nawala eh!

"Uhmm Mars? Okay lang ba si Andreau?"

Mars shrugged. "Dapat.. kaso alam mo naman yan, hindi marunong makinig. He almost
drove to the set earlier." Napailing na lang siya. "Nagalit nga si Marisse eh. Doc
instructed na 2 days rest pa bago siya makabalik sa shoot."

"But.. he didn't listen."

"Tsk. Na-adjust na nga nina Direk yung sked ng shooting para sakto pa rin sa
premiere night. Eto namang hero na 'to, ayaw maging pabigat. Hay."

Ay, ngayon ko lang narealize na first time kong makikita ang Sleeping Andreau.
Weird ba kung sasabihin kong mas.. gwapo siya pag tulog? May sakit pa siya niyan
ah! Paano pa kaya kung wala?

"Zade!" Mars' voice pulled me out of my indecent thoughts. Thank god. "Okay lang ba
na pabantayan si Andreau? May aayusin pa kasi kami for Wanderlust."
Oh god please don't leave me here with him! "Uhmm.. sure po ba ka--"

"You'll do fine," his smile was supposed to assure me pero mas kinabahan ako.
"Isipin mo na lang lumaki bigla si Tristan. Nakaya mo naman yung bata eh! He'll be
up after four hours, I think. So pwede ka pang mag-enjoy dyan."

Hindi na nga ako nag-eenjoy dito eh. Pihadong riot 'to pag nagising siya! "Pero
Mar--"

"Sabi ni Marisse yan, Zade. She's counting on you."

Ibang klase talaga pag ginagawang pamblackmail si Ms. Marisse. Hay.

xxx

Four hours pa raw magigising si Andreau so ginawa ko na ang lahat ng gusto kong
gawin. Nagchannel surf ako (wala namang magandang palabas), nag-internet (tumingin
lang ako ng libro), nakipaglaro kay Tristan (na napagod agad kaya nanood na lang
kami ng Spongebob) at.. kumain.

Gisingin ko na lang kaya si Andreau para may gawin ako? Ang tumal eh!

Masyado akong pre-occupied sa pagbabantay kay Big Boss na nakalimutan kong may
lulutuin ako for dinner. Kaninang umaga kasi dumaan kami ni Tristan sa supermarket
para bumili ng ingredients for bicol express. Bigla kasi akong nagcrave ng
something maanghang, at eto lang naman ang alam kong lutuin.

Binilinan ko si Tristan na wag papabayaang lumabas si Andreau sa condo nila.


Pinagpromise ko pa siya, alam kong kayang-kaya ni Big Boss na paikutin ang batang
'to.

Magaling na chef ang Mima ko.. kaso lumaktaw sa'kin ang genes na yun. Bicol express
lang talaga ang alam kong lutuin na ulam, pati syempre mga prito. Tamad kasi akong
magluto pero na-eenjoy ko ang pagbabasa ng cook books. Ayaw ko kasi sa mea--

"What are you cooking?"

Muntik ko nang mabitawan ang kutsilyong hawak ko sa sobrang gulat. I saw Andreau
standing by the fridge with arms crossed. Mas umayos ang itsura niya compared
kanina. Ganun ba talaga ang nagagawa ng tulog?

"H-how long have you been there?"

"Saglit lang naman. Ano yan?" lumapit siya sa may gas range at sinilip ang kaldero.
"Ba't may gata?"
"Wag mong pakialaman. Hindi para sa'yo yan."

"Weh?"

"Gutom ka na ba?" he nodded. "Fine, 3 minutes."

Kumuha siya ng plato at kanin at dumiretso sa dining table. Weird, he's not
argumentative right now. Baka side effect ng meds niya! Good, at least hindi ako
mapapaaway dito.

After three minutes, nakahain na ang favorite kong bicol express, just in time for
dinner.

"Ate Zade.. pwede ko bang tikman?" chicken nuggets kasi ang niluto kong ulam for
Tristan. Baka kasi maanghangan siya sa luto ko.

Naglagay ako ng kaunting sabaw sa kutsara ko at pinatikim sa kanya. "Careful,


Trist. Maanghang yan!"

Kaunti lang ang tinikman ni Tristan na sabaw pero umayaw kaagad siya at uminom ng
iced tea. "Ayaw ko nyan! Anghang!"

Andreau and I laughed at his reaction. Ang cute niya kasi! Maiiyak na ata na ewan!
"Trist hindi naman maanghang eh. Look at me," kumuha siya ng maraming ulam at
hinalo sa kanin niya. Ang laking serving pa ng nilagay niya sa kutsara niya ha!
"This is mil— holy shit woman!" napainom din siya ng iced tea after niyang isubo
yung pagkain. "Anong nilagay mo dito, jalapeno?"

Turn naman namin ni Tristan na tawanan siya. Namula agad si Big Boss! "Walang
jalapeno yan pero tinadtad ko ng sili," tinikman ko ang ulam at nagulat siya na
wala akong reaction. "See? Hindi naman maanghang!"

Andreau waa astonished and pissed at the same time. "Of course hindi maanghang. You
cooked it. Ano ba 'to, Devil's Food?"

God, what a lame joke. "Bicol express yan. And don't call my favorite Devil's Food.
Lame joke by the way."

"Hindi ako nagjojoke, okay?" si Tristan naman ang inabala niya. "Trist.. pwedenh
share tayo sa chicken nugg--"

"Wag mong pakialaman ang chicken nuggets niya! Yan nga lang ang kinakain niya the
whole day!"
"That's not healthy. Alam ba yan ni Marisse?" Andreau smirked when I froze. Hindi
nga alam ni Ms. Marisse na chicken nuggets lang ang kinakain ni Tristan for two
days. "See? Papakainin mo ba ako ng chicken nuggets o hindi?"

"Ubos na yung nuggets!"

"Then I'll buy! Is that a problem?"

"Hah. You think you can outsmart me? Excuse mo lang yan para makatakas ka dito at
makabalik sa shooting!"

Andreau scoffed at me as he took a sip of his iced tea. "Ha? What're you talking
about? I'm sick."

"Wag ka nga, Cortez. Sinumbong ka sa'kin ni Mars kanina. Akala mo makakatakas ka sa


'kin? Nuh uh. So.. kumain ka na lang ng kung anong meron dyan. Talo ka pa ng bata!"
Napangiti pa sa'kin si Tristan habang 'tong si Big Boss todo simangot.

No choice siya, aba. Kamay na bakal ito.

xxx

Ayaw daw niya ng bicol express pero nakatatlong balik sa kanin! Passive-aggressive
talaga 'tong si Andreau kahit kelan.

Since wala siyang magawa kina Ms. Marisse, pinilit niya kami ni Tristan na sa condo
niya magstay. As usual, siya ang boss! Lagot ako kay Mars pag pinabayaan ko lang
siya na mag-isa don. Baka biglang himatayin si Andreau tapos.. alam na.

His condo, his rules. Wala rin akong choice sa activity na gagawin. E di ano pa,
ang paborito niyang movie marathon! Feeling ko talaga show off siya sa knowledge
niya about films and shit. Kung anu-anong sinasabi eh! Buti na lang cartoons ang
pinili ni Tristan. We settled for Shrek marathon, na kinagulat ng magpinsan na alam
ko. Ganun ba talaga ako ka-clueless sa paningin nila? Kawawa naman ako. Pero in
fairness ha, maalagang host si Andreau. Ang daming pagkain!

Uy Tristan, bawal ka ng chocolates after ng dinner. Sabi ni Mama m—

Trist o, Kitkat.

Andreau! Kakasabi ko la—

Wala naman si Marisse dito ah? Secret lang natin ‘to.


You’re spoiling the kid!

He’s a kid.

Ugh. Bad parenting!

Ewan ko sa’yo. O eto, manahimik ka na lang dyan.

Ah, so suhol ‘tong chocolate? Ano ako, bata?

You’re welcome.

Suhulan daw ba ako ng Cadbury Fruits and Nuts! I didn’t expect na matatandaan pa
niya ang favorite chocolate ko? Hmm.. feeling ko stalker ko ‘tong si Andreau!
Dumistansya kaya ako sa kanya? Ang creepy na eh!

Malapit nang matapos ang Shrek 3 nang biglang may nagdoorbell. Nagkatinginan kaming
dalawa ni Andreau.

“Pupunta ba si Mars dito?”

Napailing si Andreau. “Magtetext naman yon eh. Wait lang ha?” He stood up and
walked towards the door. Si Tristan naman, sumiksik nang todo sa’kin. May sinabi
kaya si Andreau tungkol sa doorbell kaya natakot ‘to? Hay.

“Hi Andreau.”

OH MY GOD.

Agad akong napatingin sa may pintuan. Oh my god.

Anong ginagawa ni Jillian Cabrera dito?

xxx

Magaling na actor si Andreau, pero in this scenario.. hindi siya umaacting na


nagulat siya.

Triple shit... anong ginagawa ni Jillian dito? Malapit nang mag-alas dose o!
Gumagala pa rin siya sa oras na ‘to? Wala bang mga magulang na nag-aalala sa kanya?
God, why do I even care about those things?
Bakit siya nandito?

“Jillian,” Andreau’s voice tried to sound casual as possible. “What are you do—“

Walang paalam na pumasok si Jillian sa loob ng condo ni Andreau. Wow, bitchesa!


“Kamusta ka na? I hea—“ she stopped walking when she saw me staring at her. “Oh.
You have company pala.”

Andreau closed the door and dragged Jillian towards his kitchen. “Wait lang. Mamaya
na tayo mag-usap,” he almost snarled at her. Wow.. ngayon ko lang nakitang un-
gentleman si Andreau ha. I can’t blame him, nakakaasar nga naman na biglang papasok
si Jillian sa condo niya nang walang paalam!

At etong ham actress na ‘to! Grabe kung tingnan ako. She gave me a once-over sabay
irap! I rarely cuss but.. that bitch! Excuse me, yang ganda mo dinaan lang sa
derma, ako natural! Nakakainis!

“Ate Zades.. sino yun?” bulong sa’kin ni Tristan. Sabay naming tinanaw sina Andreau
at Jillian mula dito sa may sofa. “Si Jillian ba yun ate?”

“Uhmm.. oo, Tristan. Ano.. balik na tayo sa inyo?”

“Eh.. paano kung umalis si Kuya Andreau? Lagot tayo kina Mama at Tita Mars!”

“Uhmm.. wait la—“

“Zade.”

Ay shit naman ‘tong si Andreau, ba’t di ko naramdaman ang presence niya? Lahing
ninja ata ‘to. “Uhmm An—“

“Pwedeng.. bumalik na lang kayo ni Tristan sa taas?”

Is he.. kicking us out because of that.. girl? Okay ang irrational nito pero
iritang-irita ako kay Jillian ngayon ha. Nanonood kami ng Shrek! Matatapos na!
Sabay umepal siya!

“Andreau.. sabi ni Mars baw—“

“I won’t go out, I promise,” ouch naman. Natarayan pa ako! “May.. kailangan lang
kaming pag-usapan.” He threw me a knowing look. Anong ibig sabihin nun?

Ayoko talaga siyang iwanan para mabwisit si Jillian pero.. ayoko namang magalit
siya sa’kin. Kinarga ko na si Tristan tsaka ko siya kinausap. “Just promise me..
hindi ka pupunta ng shooting, okay?”

“Deal. Tristan.. goodnight.”

Lumabas ako ng condo niya na walang nakukuhang goodnight. Hah, ako pa tinarayan mo.
Bwisit.

xxx

Mabuti akong tao, kaya ayokong mag-isip ng masama sa kung anumang pag-uusapan nina
Andreau at Jillian don sa baba..

Pero.. ano kaya yun?

Ang mahirap pa nito, nagsinungaling pa ako kay Tristan. Kanina pa kasi siya tanong
nang tanong sa’kin.

Ate ba’t tayo pinabalik ni Kuya dito sa taas?

Di ba.. sabi niya mag-uusap lang sila ni Jillian?

Eh.. why do we have to leave the room? Bawal ba tayong makinig sa usapan nila?

Uhmm.. yes. I think.. para sa movie nila yon.

Eh kung para sa movie.. ba’t di natin pwede malaman? Mapapanood din naman natin
yun, right?

Baka.. secret pa muna nila. Para masurprise tayo pag pinanood na natin.

Ah okay. Sayang, hindi natin natapos ang Shrek.

God I hope tungkol nga sa movie ang pag-uusapan nila. Ba’t ba ako lagi ang nag-
eexplain dito kay Tristan ng mga bagay-bagay?

Tinapos na lang namin ni Tristan sa sala nila ang Shrek 3, thanks to Andreau’s blu-
ray DVD (talo ang Divisoria sa dami ng original Blu-ray niya ha!). Hindi na rin
siya nagtanong pa tungkol dun sa Jildreau shit na yon. Sa tabi na rin ako ni
Tristan nakatulog, sobrang inaantok na ako para lumipat pa ng guest room.

Naalimpungatan ako around 4am, nang marinig kong bumukas ang front door. I
immediately went outside, dala ang light saber ni Tristan (na feeling ko kay
Andreau talaga. Anong kamalayan ni Tristan sa Star Wars?).

“Ba’t mo dala yan?”

Whew. Si Big Boss lang pala. Nilapag ko sa isang upuan yung light saber, baka
mapalo ko pa siya.

Unang napansin ko sa kanya yung damit niya. He.. changed clothes. At mukha ring
bagong ligo siya. Uh oh.. Zade.. ano ‘tong iniisip mo..

Sabi niya sa interview niya sa Minutes, virgin pa raw siya. Sa panahon na ‘to.. ano
pa nga bang totoo o hindi, di ba? Lalo na sa TV?

“Psst Zade, okay ka lang?”

He was walking towards me so my initial reaction? Lumakad ako papuntang kusina. Ano
ba kasi ‘tong pinag-iisip ko! Bad, Zade! Sa ref pa talaga ako pumunta. Okay baliw
na talaga ako. Sana wag niya akong sundan dito sa ref please. Baka kung ano pang
maamin ko dito nang di oras!

“Nasan yung bicol express?” tanong niya sa’kin. Napalingon ako, nasa may gas range
pala siya, may dalang plato at utensils. Gutom na naman siya? Naku sabi na nga ba!
Afraid to say something stupid, tinuro ko na lang sa kanya yung microwave. Dun ko
kasi nilagay yung tirang ulam, plano ko kasing kainin pagkagising ko. Sayang, may
iba pang kakain.

Tahimik kaming naupo sa dining table; siya enjoy na enjoy sa pagkain ng ulam ko
habang ako.. nagtitiis sa isang bagel with Nutella. Nagsusungit na naman siya! Mas
lalo tuloy akong nacurious sa pinag-usapan nila ni Jillian!

Bibilang ako hanggang sampu, after that magtatanong ako about sa nangyari kanina.
One.. two.. thr—

“That was for the movie shit,” he murmured, eyes fixated on his food. “Nagtampo ba
si Tristan?”

“Nope. But he asked so many questions.” His head snapped up. “Okay lang, I managed
to answer them.. vaguely. Pero i-explain mo rin sa kanya bukas. Baka hindi
naniniwala sa’kin yon.” Medyo obvious kaya ang disappointment ko? Hah sana nga!
Para makaramdam naman ‘to!

Inubos muna niya ang pagkain sa plato niya bago siya nagsalita ulit. “Kung tungkol
sa movie ang sinabi mo.. okay na yun. That’s the truth anyway.”

“Pero.. ba’t gabing-gabi naman ata? Sorry if I’m prying too much pero.. “
“Okay lang. It’s for promos and shit. Abangan mo bukas o two days later, may blind
item na kami sa Chismis Squad.”

Andreau tried to sound sarcastic but.. ano ba talaga? Magkakaron ba talaga ng


chismis about them? Para sa promo ng movie? Hindi pa ba sapat yung guestings sa TV
at may ganito pa? I don’t understand showbiz, really.

“Don’t think about it too much, Zades,” napatingin ako sa kanya and he smiled.
“Konti na lang, matatapos na rin ‘to.”

“Hindi ka ba.. pwedeng.. magreklamo man lang or something?” Andreau shook his head.
“Right. The deal and shits.”

“We just talked. Nothing else happened.”

“Oh..kay. No need to be defensive there, sir.” Talagang siya na ang nagsabi! Ba’t
naguilty ‘to?

“Oh. So.. wag na lang natin pag-usapan, okay?”

“Fine.”

Nawalan na ako ng ganang kumain. Effective way na pagpapayat pala ang pag-iisip kay
Jillian Cabrera. Masabi nga yon kay Kesh!

In fairness, comfortable silence na kami ngayon ha. Parehas naming tinititigan yung
painting na nakasabit sa pader. Hinihintay ko lang siyang mag-open ng topic, wag
lang movies and TV shit.

As if reading my mind, Andreau broke the silence. “Have you heard from Anya or
Lee?”

Shit. Wag din ‘tong topic na ‘to. Bigla na naman akong nalungkot. Ilang linggo rin
naming dinamdam ni Kesh ang breakup nina Kuya Lee at Ate Anya. Ang matindi pa.. sa
Facebook pa namin nalaman. Wasak ang puso namin eh.

“Wala eh.. Nag-deactivate si Ate Anya ng Facebook. I messaged Kuya Lee.. kaso wala
rin. Ikaw?”

“Same. I tried calling them both.. wala. Si Leandro.. ewan ko kung saan na
nagpunta, basta nasa Pilipinas lang yon. Si Anya.. nasa California raw,” dun ko
lang narinig ang pinakamalalim na buntong-hininga sa buong buhay ko. Unbelievable.
Affected much ka lang, Andreau?
“Dapat pala.. umattend ako ng grad. I.. feel really bad.”

Nagsimula ang rumors na break na ang dalawa nung graduation. Ni hindi sila nagtabi
or nagpapicture na magkasama. Both of them graduated magna cum laude at expected ng
lahat na magpopropose na si Kuya Lee right there.

But.. nothing happened.

“Good thing Roldan was there. He told me everything he saw. Family lang nila ang
kasama nila kahit after ng ceremony. There’s tension between them.”

“What.. happened? Okay naman sila nung Valentine’s di ba? Lalo na nung elections,
magkasama sila araw-araw!”

Andreau sighed again. “Alam mo naman yung dalawang yon, secretive masyado. Tsaka
tingnan mo Zades, kung hindi malala ang reason nila.. ba’t nagtatago silang dalawa
ngayon? I know Lean, he would talk about this. Anya wouldn’t, kikimkimin lang niya
yon.”

Natawa ako sa frustration ni Andreau over this breakup. “My god.. ba’t ka masyadong
affected, Andreau? This may sound harsh but.. they’re done. Wala na tayong magagawa
don.”

Nagulat siya sa sinabi ko. “For someone who believes in true love and soulmates..
that’s very unfeeling of you, Zade.”

“What?” aray, ang sakit non ha! “Look, I care for them, okay? OTP ko silang dalawa!
Naiyak kami ni Kesh nung nabalitaan namin.. pero anong magagawa non? Hindi naman
sila magkakabalikan sa simpleng ganun eh. Iniisip ko na lang ang positive side ng
breakup nila. You know, the if you’re meant to be, then you’ll find a way whatever
it takes shit. It’s just..” I paused for awhile. Konti na lang at maiiyak na ako.
“Sometimes.. you just know better than anyone else when it’s time to let them go.”

Andreau smiled a little, maybe because I used his words against him. “You’re right.
It’s hard for us to deal with this. Just.. don’t tell anybody I said that.”

“I won’t. Kaibigan natin sila.. at mahirap talaga ‘tong part na ‘to.”

“I was one of them,” Andreau pushed his chair back a little and placed his long
lengs on the dining table. “Nag-eexpect din ako na magpopropose si Lee sa
graduation. Then a year later, groomsmen kami ni Roldan sa kasal nila.. four years
later, ninong naman kami sa binyag. I.. imagine those things. Isn’t it silly?”

“No, that’s what you call being choleric!” He was about to rebut so I continued.
“Hindi ka pa rin ba naniniwala? Look, you just planned their lives! Ni hindi nga
natin alam na may problema s—“
“Oh c’mon Zades! Don’t tell me you’ve never thought about that! Girls think of
those things since they’re what.. four years old!”

“I told you, I’m not like those girls! Ugh do you even listen to me?” Andreau just
rolled his eyes at me. Nice! “Of course, naisip ko na rin. I was hoping na sila
hanggang dulo. But face it, Andreau. Their story.. ended. Why.. can’t you just
accept it?” Ang hypocrite ko masyado, ako nga hindi ko pa nga tanggap.

“I was with them right from the beginning, Zade. That’s why it’s hard to accept
this,” he almost whispered. “Nandun ako nung.. inaasar-asar pa lang ni Lee si
Anya.. nanghihiram siya ng notes sa Kas 1 kahit may handouts naman siya. Yung tawa
ni Anya sa corny jokes ni Lee.. mga asar namin sa kanilang dalawa.. yung itsura ni
Lee bago ang first date nila.. unang iyak ni Anya dahil sa away nila.. I was there.
We were there. We’ve seen them grow.

You see two people, and just a glimpse at them.. you know that what they have is
real. Something inside you is hoping that one day they could make it through
everything and tell the world Yes, we made it. So can you! You also hope that they
would spend their entire lifetime proving each other that they’re worth all the
trouble. Even in their last moments.. they would say everything’s worth it.”

I’ve never seen Andreau like this before. Akala ko nakilala ko na siya nung naglaro
kami ng Twenty Questions sa Coron. Nakakaiyak.. ang lalim pala niyang tao. Akala ko
rin.. na hindi masyadong nagmamatter sa kanya ang friendship nila nina Kuya Lee at
Ate Anya. Ang alam ko lang kasi magkaibigan lang sila, yun lang. Nahihiya akong
magtanong kung paano sila nagkakilala. He cares for them so much I could feel his
pain. This is not acting anymore.

Kinuha ni Andreau ang wallet niya at pinakita sa’kin ang isang lumang picture. May
nakasulat na date, August 17, almost four years ago. Hindi ko napigilang matawa,
ang bata pa nina Andreau dito sa picture na ‘to. Nakaupo pa sila sa isang army tank
or something.

“Corregidor yan, fieldtrip namin sa Kas 1. Magkakaklase kaming lima dyan,” lumapit
pa siya sa’kin para maituro kung sinu-sino ang nasa picture. “Kami ni Roldan,
before Gold’s Gym, Badz before derma, Lean as a Baby Fighting Maroon.. and Anya..
she never changed.”

“Si Badz.. ba’t di niyo na laging kasama?” Pinakilala siya sa’kin ni Ate Anya nung
umattend ako ng orientation ng org namin. After that bihira ko na siyang nakita.

“Ah. Busy sa frat. Pero nagkikita rin kami minsan, inom ganon.”

“My god.. you look.. so young!”

Andreau scoffed then smiled. “Yeah right. Those were the times. You know what, kami
ni Anya ang pini-pair nung prof namin sa Kas 1. She’s gorgeous, alright, but I
wasn’t interested. Si Lean talaga yung dakilang epal. Ayun, sa kakaepal.. naging
sila.” His smile turned into a frown, aray naman. “Naah. You’re right. I should get
over this shit. They’re adults anyway. Kaya na nila sarili nila.” Kinuha niya
sa’kin ang picture at binalik sa wallet niya. Sayang, sarap pa namang ipa-scan nun!

“Uy grabe naman ‘to. I’m so sorry if I sounded a little bit insensitive earlier.
Hindi ko naman alam na super lalim pala ng hugot mo. Don’t be too sad about it.
This, too, shall pass.”

In fairness, kahit hindi nakakatawa ang sinabi ko tumawa siya. “They are the ones
who made me realize that loving someone is worth the trouble. I think.. I should
reassess my principles no—“

“OA mo naman!” muntik ko na siyang maitulak. “Kung hindi nagwork sa kanila, wag
kang mawalan ng pag-asa na mangyayari yon sa’yo! And you said it yourself, we made
it, so can you! At least sa ibang tao.. inspiration ka! And hello, hindi mo pa nga
nata-try! Ba’t ka susuko? Love is for the brave, and you must be brave enough to
face that trouble.”

We stared at each other for a moment, and laughed. “Akalain mo yun,” he exclaimed
with amusement, “malalim ka rin palang kausap. Dapat iniipon mo yan para mapalitan
mo na si Oscar Wilde.”

“Oh tha— you know Oscar Wilde!?”

“Of course, I know him. The Picture of Dorian Gray? I like that book.”

Oh-kay.. palagpasin na lang natin ang fact na bading si Oscar Wilde at medyo
homoerotic ang Dorian Gray. Zade, he’s not gay, okay? “Oh. And since we’re talking
about this.. napanood ko na yung Ghostbusters.”

Bigla siyang naging excited sa sinabi ko. “So.. how was it?”

“It’s funny, though medyo hindi ko nagets ang ilang parts. I hope gawan nila ng
remake para ma—“

He snorted loudly. “Oh no no, don’t say a remake. Alam mo bang minsan sinisira ng
remakes ang original?” Okay wala na ang emotional Andreau, balik na sa Director
Andreau. Kaasar ba’t ko pa sinabi? “Tristan loves that film. Oh, we could watch it
sometime para maexplain namin sa’yo yung mga di mo nagets.”

“Sounds good! Pero.. bago ka na naman magplano.. tapusin mo muna yung movie mo,
okay?”

“Oo na po. Tatapusin na. Okay na siguro ako mamaya, ano? Para sa shooting?”

“Uhmm.. iyak ka muna, then you’re good.”


Tinawanan lang niya ako at tumayo siya para ilagay ang pinagkainan niya sa sink.
Ako ata ang dapat umiyak, ang bigat ng sinabi niya sa’kin. Hugot kung hugot eh!

“Andreau?” I called him out. Bumalik siya sa dining area na dala-dala ang mabulang
sponge. “Wag kang pessi, okay? Trouble will come and find you before you know it.”

“Thanks. I’ll take note of that.”

Me too.

=================

[17] Francisco

Chapter 17: Francisco

Time to combat the angst of TMEUAS! Filler chapter lang po ito. Sana magustuhan
niyo!

 Take note na mas nauna ang timeline ng TSIB sa IIF. Then tapos na ang TSIB bago pa
magstart ang TMEUAS. Magulo ba? Ako rin naguguluhan minsan eh! :)

xxx

JUNE

Remind me to never watch a Jildreau movie again.

I tried to like Love Will Lead You Back. I tried. Kaso.. hindi talaga ako
nagandahan. Sa acting ni Jillian.

“Grabe ka naman Zades! It isn’t that bad!” Kesh exclaimed as she devoured the
spaghetti on her plate. Kadiri talaga siya kumain minsan. “Ito na nga ang
pinakamaayos na acting ni Jillian!”

Muntik ko nang maibuga ang juice sa bibig ko. “Are you kidding me? Same acting pa
rin yon! Expressionless pa rin siya tas yung boses niya ang robo— ouch!” I glared
at her for kicking my leg under the table. “Anong problema mo?”

“Ang lakas ng boses mo! Sige ka, awayin ka ng Dreausters dyan!”


Sinilip ko ang ibang customers dito sa fastfood chain (hindi yung ineendorse ni
Andreau ha) sa tabi namin. Mukhang hindi naman sila fans ng Jildreau or what. “I
don’t care. I’m just stating my opinion! Ugh. Bakit ba sinamahan pa kita dito? Sana
natulog na lang ako sa dorm!”

First week of showing ng movie nila ngayon. Dapat manonood kami nung premiere night
dahil binigyan ako ni Mars ng tickets, kaso nasa Cebu pa si Kesh last week kaya we
declined. Okay na rin nga na hindi kami nakanood nun, baka mamaya kay Jillian pa
mismo ako magreklamo. Ang irrational talaga ng pagkainis ko sa kanya! Grr!

“Sus, kaya mo lang nasasabi yan kasi close na kayo ni Big Boss,” the grin on her
face annoyed me like hell. “Dati kinikillig ka naman kina Ji—“

“Excuse me, sa Sardreau ako kinikilig. Ni wala ngang chemistry sina Jillian at
Andreau!” Ugh, nawalan tuloy ako ng ganang kumain ng chicken. Nagc-crave pa naman
ako dito!

“Well.. may point ka dyan. Kaso mas wild ang fans ng Jildreau, girl. Handang
makipagpatayan yun para ipaglaban na real silang dalawa.”

Ugh. Natandaan ko na naman nung pumunta siya sa condo ni Andreau almost three weeks
ago. Totoo nga ang sabi ni Big Boss, na-issue nga sila ni Jillian. May blind item
na kumalat two days later, saying na may isang young actress ang dumadalaw sa condo
ng kaloveteam niya ng dis-oras ng gabi. Exagge naman yung dumadalaw, isang beses
lang naman yon!

Siguro kaya ako nainis kay Jillian kasi.. feel na feel niya masyado? I’m not sure
kung ganun ba ang instructions sa kanila o sadyang malandi lang yung babaeng yon.
After kasi ng blind item, nagpost ang babae sa Instagram ng picture ng bouquet of
flowers na may caption na: Thank you, A.

Malakas ang feeling ko, ay hindi, alam ko talaga na hindi kay Andreau galing yon.
Feelingera. Anything for publicity nga naman.

After naming kumain ay sinamahan ko si Kesh sa bookstore para bumili ng gamit for
this sem. As usual hindi niya ako pinapunta sa mga libro, sanay na siyang
nagtatagal ako sa part na yun. Gets naman niya na mahilig akong magbasa ng libro,
kaso may isang bagay lang siya na ayaw sa’kin when it comes to books.

Zades.. kanina mo pa hawak yan. Bibilhin mo ba?

Wait lang.

Oh god. Ba’t mo ba inaamoy yung pages ng libro? Papel lang yan! Pare-parehas ang a—

I won’t buy this one. Hindi mabango yung papel.


What? Kanina mo pa hawak, tinanggal mo na sa plastic tapos.. hindi mo bibilhin?
Siraulo ka ba?

Uhmm.. no. Gusto ko lang mabango ang mga libro ko.

Pero siya pagdating sa pagfafangirl kay Andreau.. hindi ko siya pinipigilan. For
example, bumili siya nung teen magazine na cover si Andreau for June. Kilig na
kilig pa ang baliw habang nagbabayad siya sa cashier.

Saktong katapat ng bookstore ang clothing brand na ineendorse nina Andreau, Jillian
at Sarah. Of course, Jildreau pictures ang nakadisplay sa store ngayon, part of the
movie production. In fairness ha, bagay talaga kay Andreau ang dark blue, mas lalo
siyang pumuputi. Nevermind yung katabi niya sa picture. Naiirita talaga ako.

Titig na titig si Kesh sa picture ni Andreau. Alam ko na ang pumapasok sa isip


niyan: Sana binuksan pa yung buttons sa baba! More abs more abs! Jusko, nakakasawa
kayang tingnan ang abs niyan! “Pinag-uusapan sa registrar’s office yung sabbatical
ni Andreau kanina. Excited sina Tita, mas makikita raw nila si Andreau sa campus.
Tatanda na humaharot pa rin!”

Medyo nanghihinayang ako na hindi ako nanood ng premiere night dahil dun inannounce
ni Andreau yung one year shit niya. From what I’ve heard from Ms. Marisse, nagsi-
iyakan daw ang karamihan sa Dreausters dahil don. My god, ang epic siguro nun! Kids
these days!

“Meh. Wala namang kaexcite-excite dun!” Kesh glowered at me. “Eh totoo naman.
Magiging busy si A—“

“Kaya mo lang nasasabi yan kasi madalas mo siyang nakikita outside the campus!
Paano naman kaming mga mortal lamang?”

“Baliw ka talaga. As if sobrang close kami ni Andreau!”

“Hmmm.. if I know.. nakatsansing ka na sa kanya!”

Okay Zades iwas ng tingin kay Kesh! Alam mo namang gumagaling yan sa psychology
shizz niya! “Nakita ko lang siyang nakatopless. I don’t even like abs. Anong pake
ko dun?” At hinalikan ko rin siya, girl. Ibang kwento na yun!

She looked at me skeptically for a moment then smiled. “Oh well, may point ka don.
Pero pag nalaman ng Dreausters sa campus na close kayo.. lagot ka. Alam mo naman
sila, may Cortez rabies strain.”

Siguro months ago hindi ako kakabahan sa sinabi ni Kesh. Hindi pa naman kasi kami
close ni Andreau nun. Nag-iba ang level ng closeness namin nung Coron trip at nung
talk namin last time. Oo nga, ano kayang status ng friendship namin ngayon? Last
time.. temporary best friend ako. Malamang ngayon na nandito na ang totoong best
friend, simpleng friend na lang ako.

Kinakabahan ako na ewan. Hindi ako natatakot sa fangirls niya or what. Kayang-kaya
kong ipagtanggol ang sarili ko sa kanila. Ako pa, kapal kaya ng mukha ko!

Ang kinakatakutan ko lang naman.. na if ever mang siya ang tanungin kung anong
meron man sa’min.. baka i-deny niya at sabihing.. wala lang.

Sabi na nga ba, dapat nag-artista na rin ako. Ang dami kong hugot!

xxx

Two days later..

Ibang klase pala ang pagod pag junior year ng Comparative Lit. Puro majors na ang
subjects ko plus isang language elective. French ang kinuha ko para magamit ko sa
major ko. Finally, pikit-mata kong pinili ang European Literatures as my major.
Plano ko kasing magmasteral sa New York at yun lang ang merong offering na
subjects. Naks, taas talaga ng mga pangarap ko!

Second day of classes ngayon at ngayon pa lang ako magbabayad ng tuition, ito na
ang pinakamaaga kong pagbabayad in fairness. Usually kasi sa last day ng late reg
ako nagbabayad. Nagulat nga ako kay Mima, nagpadala ng perang pang-enroll!

Kaso ang tanga ko, naiwan ko ang forms ko sa condo nina Ms. Marisse. First day of
school kasi ni Tristan ngayon kaya medyo nagreview kami ng lessons kagabi. One year
na niya akong tutor! Nakakaiyak, grade 1 na siya sa isang international school
(malamang!). Sayang, hindi ko siya nakitang nakaschool uniform kanina, late kasi
ako nagising!

Bandang 9 AM nasa Skyline na ako para kunin yung forms ko. Good thing Tuesday
ngayon, maluwag ang sked ko kaya pwede akong magbayad ng tuition. Basta makuha ko
la—

Okay.. that’s weird. May kumakanta sa loob ng condo nina Ms. Marisse!

A male voice.

Si Sir Shane kaya yun? Jusko, mapapalaban ako ng English dito kung siya nga. Wala
namang nabanggit si Ms. Marisse na dadating si Sir Shane this week ah? Baka
isusurprise niya sina Tristan? Oh god. Paano ko kukunin yung forms ko? Nakakahiya
naman kung bigla na lang akong papasok!

Dinikit ko ang tenga ko sa front door, baka sakaling mabosesan ko kung sino nga
yung kumakanta. Well hindi ko naman alam kung singing voice nga ni Sir Shane yon.
Once ko pa lang siya nameet nang personal, at hindi siya kumakanta non. Pero
maganda ang boses niya!

Itong kumakanta? Meh. Medyo wala sa tono ang boses eh. Baka naman si Mars ‘to?

Ah bahala na nga. Gusto ko nang makapag-enroll! Pikit-mata kong binuksan ang front
door ng unit nila at..

I don’t know what to do and I’m always in the dark

We’re living on a powder keg and giving off sparks

I really need you to—

OH. MY. GOD.

OH. GOD.

I blinked thrice to be sure. Deep inside hinihiling ko na sana siya nga yung
kumakanta. Wow, ang lakas ko naman ata kay Lord. Nagkatotoo nga.

Andreau stood there, completely caught offguard, mouth wide open. Hawak niya ang
iPhone niya at nakasaksak pa ang isang earbud sa left ear niya.

He was the one singing. Off tune. At..

Total Eclipse of the Heart pa talaga ang kanta niya.

Hindi ko alam kung anong emotion ang uunahin ko, kung tatawa, mahihiya, magsosorry
o aalis na lang para hind imaging awkward. Napako ata ng boses niya ‘tong mga paa
ko at di ako makagalaw.

We remained speechless for a minute till I couldn’t stand it anymore. “I-I.. I


think I’m gonna go,” I babbled. Nang hindi siya sumagot, mabilis akong lumabas ng
unit.

Oh my god. Bakit nahihiya ako para sa kanya? No wonder nagstick siya sa ukulele!
Ang panget ng boses ni Andreau Cortez! Bumukas ang pinto sa likuran ko bago pa ako
makaalis. Shit, ayoko talaga ng awkward confrontations eh!

“Zade.”

Triple shit. Ayoko na. Ayokong lumingon sa kanya. Hindi ko alam kung anong unang
reaksyon ang lalabas sa’kin pag nangyari yon.

He gently grabbed my shoulder and turned me around. Yumuko ako agad. My goodness
nakakahiya ‘to! “Zade.. you can laugh now.”

“A-ayoko, Andreau. Please.. w-wa—“

“Sige ka, sa ibang lugar lalabas yan.” Aba, talagang hindi niya tinanggal yung
kamay niya sa balikat ko! Ginawang hand rest?

“P-plea—“ then the floodgates of laughter opened. My body convulsed profusely as I


guffawed my heart out in front of him. Grabe, ang tagal ko ring pinigil yung tawa
ko, mga three minutes! Madali pa naman akong matawa kaya world record para sa’kin
‘to!

Maya-maya tumawa na rin si Andreau, as in tawa. Mukha kaming siraulo sa pintuan!


“God, I’m so embarrassed,” he muttered, catching his breath. Ngayon ko lang siya
nakita na namula sa kakatawa. Aha, Blushing Andreau, pasok ka sa Top 5 ko!

Pumasok kami sa loob ng unit, baka maweirduhan na yung kapitbahay nila sa’min.
Dumiretso si Andreau sa kitchen at bumalik sa sala na may dalang dalawang can ng
soda. He gave me the orange-flavored one, sakto.

Sa carpet ako umupo tapos siya sa may sofa. “Uy sorry talaga ha!” ulit ko, this
time seryoso na. “I.. didn’t mean to laugh like that.”

“Lagi mo naman akong tinatawanan eh. Medyo nasasanay na ako,” he replied, obviously
na nagpapanggap na nahurt siya sa sinabi ko.

“Kapal mo please. Ikaw kaya yun! Halos lahat na lang ng sinasabi ko tinatawanan
mo!”

“Not true!”

“Wala ka bang pasok ngayon? Akala ko ba.. school mode ka na?”

He glanced at his watch. “2 PM pa. Ikaw, anong ginagawa mo dito? Wala kang klase?”

“Hapon pa. Magrereg sana ako this morning kaso naiwan ko dito yung envelope ko.
Nakita mo ba?”

Tinuro ni Andreau ang center table sa tabi ko. “Is that yours?”

Hah, ang linaw naman ng mata nito! Nahanap niya agad yun? “Uy thanks! Makakaabot pa
ako sa cashier nito yey! Ikaw, reg’d ka na?”

“Kahapon lang. Someone did it for me.” Of course, ikaw pa. Big Boss ka nga, di ba?
“So.. did you watch the movie already?”

Pag-usapan na namin lahat wag lang yung movie nila ni Jillian. Tatabil na naman ang
dila ko. “Uhmm.. pinanood namin ni Kesh last Sunday,” he raised his eyebrow,
signalling me to go on. “Okay ka dun. Yung leading lady mo.. hindi.”

Shaking his head, Andreau chuckled. “Ayaw mo talaga kay Jillian ano?”

“My god. Iisa lang naman ang sinasabi ko pag siya ang topic natin, di ba? Sorry,
I’m being honest here.”

“Honesty accepted. Actually.. nakukulangan ako sa performance ko dun,” he


confessed. Wow ang bilis magshift ng mood ng usapan namin ha, seryoso na agad! “I
should’ve be—“

“Ano ka ba, nagkasakit ka eh. You did.. okay, Andreau. Pero ang laki ng kinita ng
movie niyo ha! 100 million in a four days? May mali talaga sa mga ma—“ tumigil na
ako, masama na naman sasabihin ko tungkol kay Jillian eh. “Sorry. I’ll stop.”

“Thank you for watching our movie, Zade. I know hindi mo type yung mga ganun.”

“Grabe ka naman! It was tolerable, and may ilang scenes din naman na natawa ako.
Okay lang, promise.”

From his movie nalipat ang topic namin sa changes ngayong academic year, subjects
niya (may language elective rin siya! Italian naman, na natake ko na), subjects ko
(nalula siya sa reading list namin) at sa first day ni Tristan sa school. Saglit na
natigil ang usapan namin nang maubusan kami ng drinks. Bumalik siya sa kitchen para
kumuha pa ng soda at makakain.

Hah, 10 AM na. Tinatamad na akong mag-reg! My eyes landed on the center table, ang
daming papel na nakakalat. Sinilip ko yung papel sa pinakatuktok. Ah.. forms ni
Andreau ‘to! Dahil tsismosa ako, pinakialaman ko na. Yuck, puro Film shit pala ‘to.
Course outlines, requirements,proposals.. at.. whoa. What do we have here?

His university ID.

Shit lang, ang totoy pa niya sa ID picture! Mas totoy pa dun sa picture nila sa
Corregidor! Before Gold’s Gym talaga ‘to!

“Zades okay na sa’yo ‘tong gra—“ he stopped walking when he saw me holding his ID.
“Wow, alam mo bang iilan lang nakakakita niyan?” In fairness hindi siya nagalit ha.
Inabot niya sa’kin ang grape soda at umupo sa sofa. “Sabi sa’yo, before Gold’s
Gym.”

Tinitigan ko ang isang portion ng ID niya.

CORTEZ, Andreau Francis V.

BA FILM

Pang-artista nga ang pangalan niya ha. Nung una akala ko screen name lang niya ang
Andreau, arte kasi ng spelling!

Ang weird, natatawa ako. Francisco. Hahaha minsan ang funny ko talaga.

“Whoa. I’m not yours.”

“Ha?”

Siya pa ‘tong takang-taka sa’ming dalawa! “I said.. I’m not yours. I didn’t know
you’re possessive.”

“Mukha mo. Anong pinagsasabi mo dyan?”

Wala na, parehas na kaming nalost dito. “You said.. Francis ko while staring at my
ID. You’re weird.”

Whoa, nasabi ko pala yon? Parang di naman bumukas ang bibig ko kanina! “Baliw ka!
Feel mo naman! Ang sabi ko Francisco, as in yung pangalan. Hindi Francis ko. Walang
space yung sinabi ko!”

Bumalik na naman ang Blushing Andreau matapos ang isang oras! Ang adorable niyang
tingnan pag namumula siya! “God, what’s wrong with me today?” tinampal niya ang noo
niya. “Sorry, I really thought you sa—“

“Okay lang, Andreau. I’ll let that one pass.” Hindi naman nakakatawa yun, in fact,
I find it really amusing. “Sa susunod kasi wag kang masyadong kakanta ha? Sa panget
ng boses mo, feeling ko nagkaron na ng damage ang eardrums mo.”

Andreau scoffed, naoffend ko ata. “Excuse me, next time practice on your
enunciation skills. I certainly heard Francis ko earlier.” Wow, akala ko ba okay na
kami?

“My enunciation skills has nothing to do with this! Tenga mo na ang may problema,
hindi ako!” Ugh nakakairita ang ayos na ng usapan namin eh. “Francisco!”
“Don’t call me that! That’s not my name!”

“Tse! Kainis ka!”

“Hah. Ikaw ang nakakainis! Ang ganda ng pangalan ko, Francis. I was named after
Francis Coppola,” proud pa niyang sabi.

“Who the hell’s that?”

A shocked and scandalized look appeared on his face. OA din ‘to minsan. “You don’t
know him? He directed The Godfather 1 & 2!” Poker faced lang ako sa sinabi niya
kaya mas nainis siya. “Of course, you don’t know him.” He let out a disappointed
sigh. Kapal talaga!

“Lagi mo na lang ba akong aasarin sa film handicap ko ha? Nagiging luma na eh.”

Bigla siyang naguilty sa sinabi ko. Nakaka-offend din kasi siya minsan. So what
kung hindi ko kilala yon? “I’m sorry.. I overreacted,” lumipat siya sa upuan
malapit sa’kin at kinuha ang ID niya. “Favorite namin ni Papa si Coppola, and he’s
my father’s hero. So..” he trailed off.

Ano namang laban ko dun ha? May hugot naman pala! “Apology accepted. I’m sorry..
about the name thing, I didn’t know.”

“Naaah. It’s okay. Hindi mo naman alam eh. So.. we’re solid?”

“Solid?”

He fought the urge to roll his eyes. I could tell that kasi saglit niya akong
pinandilatan. May ugali rin ‘tong si Andreau ha. “Solid. Kung okay na tayo. Ganun.”

“Ah. Gets.”

“One more time. Are we solid?”

“Yeah, solid.”

Pero.. Francisco. From now on yun na ang secret nickname ko para sa’yo.

xxx

That afternoon dumiretso ako sa Café Feliz after ng klase ko. Hindi ako nakaabot sa
pila ng registrar dahil napasarap ang kwentuhan namin ni Andreau. Solid solid pa
kasing nalalaman eh!

I was surprised to see a familiar person inside the café. In fairness, namiss ko
ring mabulag sa ngiti niya ha.

“Hey Zades!”

“Hey Roldan!” nagfistbump pa kaming dalawa. Mukha akong tanga nung first time
niyang ginawa ‘to, malay ko bang may ganung bagay na nag-eexist sa mundo. “Kamusta
buhay tambay?”

“Tss. Sama talaga ng ugali mo. Eto okay lang, feeling estudyante pa rin!” umupo
kami sa may bandang dulo ng café, sa favorite spot nila ni Andreau. “Ikaw? Kamusta?
Reg’d ka na?”

“Hindi pa! Naabutan ako ng cut off kanina! Napasarap kwentuhan namin ni A—“ tumigil
na ako bago pa ako mahuli. “I mean.. ano..”

Roldan flashed his huli ka don’t dare deny anything smile. “I know you’re with
Andreau earlier.”

“What? Okay fine. Dumaan ako sa condo nina Ms. Marisse kanina. Naiwan ko papers
ko,” I paused, natawa kasi siya. “Grabe kayong dalawa, magbest friend nga kayo. Ang
bully niyo.”

“Hey, we’re not bullies! And from what I’ve heard.. naging temporary best friend ka
raw sa Coron ah?”

CRAP. LAHAT NA LANG BA NG MEETINGS NAMIN KINUKWENTO NI ANDREAU SA KANYA? Ganun ba


talaga pag magbest friend, dapat malaman lahat? Wala kasi akong best friend. Ang
closest na maituturing ko na best friend ay si Kesh, because duh, she’s my
roommate. Pero may best friend din si Kesh na taga-Manila kaya baka hindi counted
yon.

“Aahh.. yeah,” I replied casually. Deep inside kinakabahan ako. Baka kasi kung anu-
ano na sinabi ni Andreau sa kanya. “Uhmm.. did he tell you anything else?”

“Wala naman. He said something like.. it would violate the creed of temporary best
friendship or something. Akala ko nga nagbabasa na naman siya ng Lord of the Rings
kaya ganun sinabi niya. May ganun ba kayong ginawa?”

Creed of what? Anong kalokohan yon? Pero thankful na rin ako at hindi niya sinabi
ang secrets ko! “Yeah. Nerd stuff. I didn’t understand it either.” Isip ng ibang
topic, Zade! Mahuhuli ka nito eh! “So.. Roldan.. ba’t ka nandito? Don’t tell me
hinihintay mo si Kesh?”
Nanlaki ang mga mata ni Roldan sa sinabi ko. “What? Ikaw ha, nahahawa ka na kay
Lee. May girlfriend ako sa States.”

Ako naman ang nagulat sa sinabi niya. “What!? Yung totoo!?”

“Oo nga. Ah.. isa ka rin sa kanila ano?” tumango-tango pa siya as if may naprove
siyang theory or something.

“Isa sa ano?”

“Sa mga naniwala sa blind item before.”

Okay pwede na siyang pumalit kay Beau Perez sa Minutes! Grabe naman magtanong ‘to.
“Oo, I was one of them,” I shamelessly admitted. Medyo nagulat pa siya sa sagot ko.
“Kasi naman hello, ang close niyong dalawa! Sino bang hindi magiging curious di
ba?”

Tawang-tawa si Roldan sa’kin, parang si Andreau. Konti na lang maiinsulto na ako sa


pagtawa nila ha. “Did Andreau tell you about the deal fuckery?” I nodded. “Wow, he
told you. That’s a first.”

“What do you mean?”

“Uy, don’t get me wrong. Bihira lang siyang magshare ng ganyan. That means he
trusts you.”

Trust. Lintek na salita yan oh. Naguilty na naman ako dun sa kiss! “Ahh.. so.. the
girlfriend.. alam ba niya yung deal?”

“Nainform naman siya, Zades. She was against it at first pero.. things are doing
great right now.” Ah, kaya pala laging wala dito si Roldan pag holidays! Sayang,
hindi ko na pwedeng i-push ang Roldan-Kesh!

Akala ko tapos na ang usapan namin about this shit nang..

“Zade. May gusto ka ba sa best friend ko?”

Didn’t see that one coming.

xxx

Everything is relative, yan ang isa sa paniniwala ko sa buhay. So pag may ganyang
mga tanong..
”What do you mean by gusto?” tanong ko kay Roldan. “I mean.. liking someone is
relative. Baka magkaiba tayo ng meaning don.”

“Hmmm... you’re smart.”

“I know.”

Pinag-isipang mabuti ni Roldan ang sasabihin niya. Thank God, pwede rin akong mag-
isip pa ng isasagot.

“Gusto.. meaning.. tipong.. more than friends?”

As expected. “No.”

“I don’t believe you.”

“I don’t lie.”

“Sige nga. Sabihin mo yung pangalan ni Andreau.”

What? Ano namang kinalaman nun sa tanong niya? “Aling pangalan? Whole name or yung
artista shit?”

“The artista shit will do.”

Here goes nothing. “Andreau Cortez.”

“Aha!” Roldan exclaimed loudly, ala-Eureka moment ang peg niya. “You like my best
friend!”

“WHAT!?!?! Paano mo naman nasabi? I just said his name!”

“You smiled when you said his name.” Ngiting tagumpay pa ang loko!

“You’ve got to be kidding me there, Roldan.”

“No, I’m not.”

“I don’t like your best friend!”


“Then why did you smile?”

“BroadComm ka di ba? Nagtake ka naman ng Speech Comm subjects? Cortez, for heaven’s
sake! Pag sinabi mo yun, it’s natural for your lips to curl up, as if you’re
smiling a little. BUT I AM NOT SMILING!!!” Way to go for the defensive shit,
Pascual. Magmumukha kang guilty kahit hindi. Bakit ba niya binebenta ang best
friend niya sa’kin? This is weird.

Roldan folded his arms and fell silent for awhile. “Hmm.. is there any chance for
you to like him? Kahit konti lang?”

“The future is unpredictable, Roldan. Everything must flow according to its natural
course. Destiny shit.”

Akala ko tatawanan din niya ako sa destiny shit ko, gaya ni Andreau. Napangiti na
lang siya. “Eh ngayon? Is there a chance?”

“Wala.” Totoo naman eh. “Look, don’t get me wrong. Andreau’s a great guy. I’m
actually fond of him. I like talking to him because he challenges me and stuff..
but that isn’t enough for me to like him.”

“What if.. it’s the other way around? What if Andreau likes you? What would you
do?”

God ang sakit sa ulo nito ah. “That’s impossible. He likes someone else.”

Natawa si Roldan. “Si Sarah? He’s over her. Ang tagal na.”

“Ganyan din sinabi niya sa’kin but I beg to differ. He still likes her.”

“But he doesn’t love her. He can still like you.”

“Ba’t mo ba pinupush ‘to Roldan? Look, I’m not offended or what pero
nakakafrustrate kasi. Andreau and I are friends. Ex-temporary best friends pa nga.
It would be awkward for us kung may ganitong shit.”

Akala ko titigil na si Roldan, natahimik kasi siya. Just like his best friend,
gusto niya na sa kanya ang last point sa bawat conversation.

“Zade.. I think Andreau could like you. Not just in a close friend way. If you know
what I mean.”

Hah, si Francisco at ako? My god. That would be the greatest joke of all time.
=================

[18] That Is Such A Cortez Move

Chapter 18: That Is Such A Cortez Move

Isa sa mga paborito kong chapter 'to. You'll see why :)

-A&Z-

"Zade, ngiti ka nga."

"Wag mo nga kaming guluhin ni Tristan. Shoo!" Medyo tinulak ko pa siya para lumayo
siya sa'min ng tutee ko. Busy kami ni Tristan sa first assignment niya sa Math (na
chicken lang sa'kin) tapos etong magaling na Big Boss walang magawa.

Andreau huffed and sat beside Tristan, still holding his new dSLR. Kanina pa niya
ako pinipilit picturan. Ano kayang topak nito? Sorry siya, hindi ako madaling
maimpress sa gadgets. Kung libro pa yan, baka pansinin ko pa siya.

"Isang smile lang, please?"

Tumigil ako sa pagsusulat at siniringan siya. "Ba't ba ako kinukulit mo? Maghanap
ka ng ibang gustong magpapicture. Alam ko namang maganda ak--"

"I know. That's why I want to take a picture of you."

What? "Baliw. Umalis ka nga dyan!" Pinandilatan ko na si Andreau kaso ang loko,
kinunan ako ng picture. "What the hell, Francisco! Hindi ako natutuwa sa kalokohan
mo ah!"

"Don't call me that," he hissed. "Isang smile lang eh! I'm just testing my new
camera. Be a sport."

Godbless this infuriating man! Binitawan ko ang hawak kong ballpen, baka matusok ko
sa mata niya ‘to sa sobrang irita. “Iba na nga lang guluhin mo! Isa pa Andreau
matatamaan ka na sa’kin!” I made this ugly mad face at saktong doon niya ako
kinunan ng picture. Medyo malapit sa mukha ko ang camera niya kaya halos mabulag
ako sa flash. “What the hell!?!? Ang sakit non ha!”

It took me awhile to recover from that flash. Bwiset ang sakit talaga! I heard
Andreau laughing beside me. “Hoy! Burahin mo nga yan!” sinubukan kong agawin yung
camera niya kaso medyo malabo pa rin paningin ko kaya sumala ako. “Damn it,
Andreau! You’re not funny!”
“I was right. Maganda ka nga dito sa picture!”

Hindi na talaga ako natutuwa! I was about to punch him when Tristan cleared his
throat. Natigilan kaming dalawa ni Andreau, nasa gitna nga pala namin si Little
Boss. “Kuya Andreau,” he turned to his cousin and gave him a serious look, “okay
lang po bang gumawa muna kami ni Ate Zade ng assignment? Medyo marami pa po kasi
‘to oh.”

Oh god. Totoo ba ‘to, sinopla ni Tristan ang pinsan niya? We exchanged stunned
looks, never pang ginawa yun ni Tristan habang kasama kami. “Uhh.. okay. Sorry for
interrupting,” nahihiyang sabi ni Andreau. He got up and headed back to his unit. I
can’t discern if he’s embarrassed, annoyed or both. Ikaw ba naman soplahin ng bata
eh!

Todo ngiti si Tristan after isara ni Andreau ang front door. “Okay na Ate Zade!
Gawa na tayo ng assignment!” He picked up his pencil and started rewriting his
answers. Ba’t tuwang-tuwa ‘tong si Tristan? Hmm..

xxx

TUESDAY EVENING

Tahimik akong gumagawa ng assignment ko sa Café Feliz nang may kumalabit sa’kin.

“Tss. Ba’t ka nandito?”

Andreau smugly smiled as he sat on the chair in front of me. May dala siyang isang
plato ng cupcakes, his favorites salted caramel, Kitkat, blueberry cheese & oreo.
Tig-dalawang cupcakes per flavor! “Bakit, masama ba?”

Sinarado ko ang binder ko, baka makialam na naman siya. “Hindi naman. Pumasok ka sa
klase?”

“Oo naman. Sabbatical, remember?” kinain niya ang Kitkat cupcake niya. “Ikaw, ba’t
andito ka?”

“You didn’t answer my question.”

“I just did. Pumasok ako sa kla—“

“Why are you here?”

Inubos muna niya ang cupcake bago sumagot. Damn, the way he licked his li— okay
manyak Zade magtago ka na. “I was looking for you. Sabi ni Kesh baka andito ka.”

Ugh, that girl sold me out again. Wala na kasi akong pwedeng pagtambayan para
magreview kaya dito ako pumunta. Tapos.. susundan pa ako ng bwiset na ‘to. Buti na
lang sa may bandang dulo ako pumwesto at wala masyadong tao. “What do you want?”

“You took Italian, right?”

Oh. “Let me guess.. you need some help?”

Nagdalawang-isip pa ata siya kung aamin o hindi, ang tagal bago sumagot eh. “Yeah.
Kinda.”

Grinning at him, I stole one of his salted caramel cupcakes. Subukan lang niya na
mag-inarte! “I thought.. ayaw mo ng tulong?” I teased. “If I remember correctly..
sabi mo.. mapapasa mo ang Italian 1 without help from anyone.” Niyabangan ko kasi
siya na 1.5 ako sa subject na yun nung freshman ako. Dugo’t pawis ang nilaan ko
dun!

Andreau looked a little queasy and shy. Uy, namiss ko ang shy Andreau ha! “Fine,
I’m taking it back. I find Italian.. a little difficult.”

“Okay lang naman bumagsak, Andreau. Barya lang naman sa’yo yung tuition natin
dito.” A glare was thrown at my direction. “What? Totoo naman di ba?”

“Tutulungan mo ba ako o hindi?”

Hmm.. a chance to control Big Boss.. Aba, hindi ako papatalo dito! “Fine, I’ll
teach you the basics, okay?”

Unang tinuro ko sa kanya ang basic phrases na alam ko Buon giorno (Good
morning/afternoon), Buona sera (Good evening), Ciao (hello), Grazie (thank you),
Come ti chiami? (What’s your name?), Come sta? (How are you?), Sta zitto! (Be
quiet) at kung anu-ano pa. Konti lang ang sinabi ko sa kanya, baka mamaya hindi na
‘to pumasok sa mismong klase eh!

“Sige nga, let’s test your knowledge on words! Anong ibig sabihin ng gibigianna?”

“What? Hindi ko alam but I think Italian word yan.”

Proud na proud pa siya na hindi ko nasagot ang tanong niya. Yabang! “That means a
woman who flaunts her charm or who wishes to dazzle you with her elegance.”

In fairness, impressive ha. “Have you been googling word porn, Andreau?”
His smile gave the answer away. “I was.. curious. May nabasa akong ilang words na
interesting. Do you know what floccinaucinihilipilification is?”

“Duh, that’s easy. The act of deciding that something is useless, right?” Dahil
competitive ako, siya naman ang tinanong ko. “What is lethologica?”

As expected hindi niya alam. “Fine, I lost,” he held up his hands in surrender.
“Anong meaning nun?”

”That’s when you can’t think of a word for something. Sneaky, huh?”

Tumango na lang siya. “Kailangan ko pang magresearch ng words! You’re good.”

“Ba’t ka nga pala nagresearch ng words, Andreau? If I remember correctly.. you


don’t like words.”

Medyo naoffend siya sa sinabi ko. “Bawal na bang macurious ngayon, Zades?”

“Uhmm no bu—“

May tinatype siya sa iPad niya nang.. “Di ba Ti amo ay I love you?” he asked
innocently.

“Uhhmm.. yes.” Weird. Common knowledge na siguro yon ah.

Class dismissed.

xxx

WEDNESDAY EVENING

Niyaya ako ni Tristan na manood ng Spongebob after ng review namin. Maagang


dumating si Ms. Marisse mula sa dubbing ng Wanderlust kaya maaga rin siyang
natulog. Good thing she brought pizza for dinner, wala nang problema sa’min ni
Tristan.

Andreau arrived 30 minutes later, galing din ata sa isang event. Dumiretso siya sa
kitchen para i-microwave ang natirang pizza. Akala ko sa unit niya siya kakain,
pero tumabi siya sa’min ni Tristan sa sofa.

“Alam ba ni Marisse yan?” he asked me, pointing at the big Cadbury bar na kinakain
ni Tristan. “You kno—“
“Pinagpaalam ko. Eto naman ang killjoy!” I retorted back. Reward ko kay Tristan ang
chocolate bar kasi naperfect niya ang assignment niya sa Math. “Wag mo nga kaming
guluhin dito, ang ganda ng palabas eh.”

Saglit siyang tumahimik para ubusin ang tatlong slices ng pizza sa plato niya.
Pagkatapos nun.. “Uy. Pengeng chocolate,” bulong niya sa’kin.

“Ayoko nga,” I replied, eyes transfixed on the TV. “Tsaka ayaw mo naman nito eh.
May nuts ‘to. See?” pinakita ko pa sa kanya ang wrapper, Cadbury Fruits and Nuts.

“Eh pahingi pa rin. Nakakaumay yung pizza. Konti lang please?”

Okay this is getting really creepy now. “Wait.. may chocolate ka naman sa ref mo
ah? Umuwi ka na lang tapos dun ka kumain ng chocolate.”

“Walang nuts yung chocolate ko dun.”

“Di ba ayaw mo ng chocolates na may nuts? Sabi mo yan nung Halloween ah!”

“I did. Bawal na bang tumikim nyan?”

“God, you’re annoying.”

Nainis ata sa’kin si Andreau. “Fine. If you say so,” he muttered as he stood up and
walked towards the kitchen. Ni hindi na siya nagpaalam sa’min ni Tristan at lumabas
na siya ng unit.

What the hell?

xxx

FRIDAY AFTERNOON

“Thanks talaga Andreau ha!” halos masira na ang mga mata ni Kesh sa kaka-beautiful
eyes niya kay Andreau. “Savior ka talaga!”

The Cortez Charm Smile appeared again. Yuck, buti na lang hindi tumatalab sa’kin
yan. “You’re welcome. Madali lang naman yang Film 10! Makinig ka lang kay Sir,
papasa ka na.”

Ugh, ang lalandi naman ng mga kasama ko, lalo na ng roommate ko. Paano ba naman,
kinuha ni Kesh ang Film 10 ngayong sem. Si Andreau talaga ang dahilan niya kung
bakit niya kinuha ang subject na yun nung pinag-ayos kami ng plan of study. Malay
ba niyang magiging chums kami ni Andreau two years later? Ayun, naki-kopya na siya
ng prescribed movies ng prof para sa klase nila. “Sus Andreau matinding anti-virus
ang kailangan mo dyan. Ang da— ouch! Ano ba Kesh!” akmang kukuritin ulit ako ni
Kesh nang gumanti ako ng sipa sa binti niya. “Oo na tatahimik na! I just warned
him!”

Tiningnan kami ni Andreau, nagtataka kung sino ba sa’min ang seryoso o hindi. “Naku
don’t mind her!” pabidang sabi ni Kesh. “Wala namang virus yang laptop ko. Safe
yang external mo!” Ngiti lang ang sagot ni Andreau dun. Hah, akala niya madadaan
niya ako sa mga pacute cute niya!

“Hoy Zades, pupunta ka ba sa book signing bukas?” tanong sa’kin ng roommate ko.
“Baka kasi hindi kita masamahan. You know.. conflict sa shift ko.”

Ano ba yan, ang tagal na naming plano ni Kesh na pumunta sa book signing ng
favorite author naming si Tessa Tobias. Fan kami ng True Crime series niya. Wala
akong interest sa forensics or detective cases pero damn, she’s so good. Plus ang
pogi pa nung description niya sa book!

“Gusto mo kausapin ko si Sir TJ? Saglit lang naman yun eh! Makakabalik ka rin on
time!”

“Mahaba yung pila kay Tessa Tobias bukas kaya agahan niyo,” napatingin agad kami
kay Andreau na busy sa pag-aayos ng movie files niya. Nang mapansin niyang takang-
taka kami ni Kesh.. “What? Did I say something wrong?”

“You also read True Crime series!?” okay kulang na lang himatayin na ‘tong
Dreauster roommate ko.

“He doesn’t read any books,” sabi ko. “Hoy Andreau wag ka nga. Sabi mo ayaw dati
ayaw mo ng crime dramas kasi hindi naman factual! Tsaka wala ka namang libro ni
Tessa Tobias ah!”

“May e-books ako ng True Crime, miss,” he replied curtly, mukhang naoffend sa
comment ko. “Well.. Tessa Tobias is different. She’s a forensics expert, thus her
stories are somehow factual. Hindi katulad nung ibang writers. 10 AM ang start ng
pila sa signing, right? Matulog ka ng maaga kung pupunta ka.” Minutes later ineject
niya ang external hard drive niya at nagpaalam na sa’min.

“O ba’t ganyan ka makatingin?” natatawang tanong sa’kin ni Kesh habang sina-


shutdown niya ang laptop niya. Di ko nga namalayan na sinusundan ko ng tingin si
Andreau hanggang sa sasakyan niya. “Okay ka lang?”

I shrugged. “He’s acting weird this week. Sobra, nakakakilabot na.”

Kesh tried to hold back her smile. “Talaga? Bakit naman?”


Should I tell her? Lahat na lang kasi ng sinabi ko kay Kesh ginagawa niya ng
psychological explanation blah blah. “Okay.. last Sunday. Ang kulit niya! Pinipilit
niya akong magsmile sa camera. Pake ko ba sa bagong camera niya, okay? He said
something like he knows I’m beautiful bla—“

“Andreau said that!?” she exclaimed loudly. “Wow. Really?”

“I know, right? Parang siraulo! Tapos stolen din pala ang gusto niyang kunin!
Pinalayas na nga siya ni Tristan eh! Then days ago, pinuntahan niya ako dito sa
café. Nagpaturo siya sa’kin ng Italian. Eh before sinabihan ko na siya na pwede ko
siyang tulungan kaso umayaw siya. See, he’s so passive-aggressive! Then nagulat pa
ako na nagsearch siya ng word porn. My god that totally creeped me out.”

“Oh.”

“Then last Thursday! He hates chocolates with nuts. I clearly remember he said that
last Halloween, naoffend pa nga ako kasi gusto ko nun di ba? So he insisted na
kahit tikim lang. Di ako pumayag. Ayun, nagwalk out!” I paused for a while.
Nakakahigh blood ang drama ni Andreau ngayon eh. “Tapos ayan, kay Tessa Tobias.
It’s so weird! Hindi nga siya nagbabasa ng libro! I don’t know if may ebooks nga
siya sa iPad niya but.. how come ngayon lang niya sinabi sa’kin yun, right? Isn’t
that weird?”

“Zades.. don’t you get it?”

I rolled my eyes at her smug expression. “Wow, so you’ve already psyched it all up?
What gives?”

Kesh leaned back to her seat and flashed that knowing smile. “God, pasalamat ka
kaibigan kita kundi kanina pa kita sinakal.”

“Huh? Ba’t mo naman ako sasakalin?”

“You do realize na pag nalaman ng Dreausters ‘tong pinaggagawa ni Andreau..


maraming magagalit sa’yo? Or.. maraming maiinggit sa’yo.”

“You’re a Dreauster! So galit ka sa’kin?”

“No. I’m actually amused. God Zade, you are so dense.”

“Okay just cut the chase, will you? Kinakabahan ako sa sinasabi mo eh.”

“I figured it out after you told me he called you beautiful.” May mysterious smile
pa si Kesh.
“Zade, Andreau Cortez is flirting with you.”

xxx

Zade, Andreau Cortez is flirting with you.

You’ve got to be kidding me.

Of all people, hindi ako ang tipong lalandiin ni Andreau.

Fine, rationalizing this won’t help me get over this. Kung titignan nga ang mga
ebidensya.. god.. He was really flirting with me.

That’s impossible, Kesh. Andreau doesn’t flirt! Lalo na sa’kin!

Bakit, have you seen him flirt before?

No but..

See? I have a point. Swerte ka, girl. Wag ka lang papahuli sa mga Dreausters. Baka
ma-Chismis Squad ka nyan.

Oh crap.

So.. totoo nga yung sinabi sa’kin ni Roldan last week? Zade.. I think Andreau could
like you. Not just in a close friend way. If you know what I mean.

Triple shit.

Baka naman pinagtitripan ako ng magbest friend na ‘to? Damn it! Is this a test? A
prank? O alam talaga ni Andreau na hinalikan ko siya at eto ang ganti niya sa’kin!

Andreau isn’t the vengeful type. So.. ano ba talaga?

Hindi ko na kinaya ang paranoia kaya imbes na pumunta sa book signing ni Tessa
Tobias, dumiretso ako sa 19th floor ng Skyline. Bahala na kung mapahiya man ako sa
gagawin kong ‘to. I just want to know the truth.

It took three knocks for him to open the door. In fairness, nakabihis na pang-alis
si Andreau kahit 9 AM pa lang. Saan kaya lakad nito?

“Zade? Why ar—“


“Can I come in?” hindi ko na hinintay ang sagot niya, basta pumasok na lang ako sa
loob. Shit, can I do this? Ang kapal din ng mu—

“Anong pabango mo?”

I whirled around, only to find Andreau standing so close behind me. The last time
na ganito kami ka-close.. hinalikan ko siya. Lord help me please.

“W-what?”

“What’s your perfume?”

“Uhmm.. I don’t use any perfume. Why?”

He raised an eyebrow at me. “Really?”

“Y-yeah. Sensitive ang ilong ko sa mga pabango. Why?”

He immediately stepped back and paced around the room. Okay ang weird na. “Uhhmm..
nothing,” he said, totally avoiding my gaze.

Now or never na, Pascual. Shoot it. “Andreau.. stop walking please.”

Tumigil siya sa paglalakad. “Bakit?”

Okay here it goes. “Uhmm.. don’t get me wrong, okay?” I started with an even tone.
“Gusto ko lang malaman kung anong totoo kasi frankly, I’m totally weirded out.”

“About what?”

“Andreau.. have you been flirting?”

His eyes snapped to mine. “What?”

“Have you been flirting.. with me, Andreau?” God that sounded so ridiculous. His
eyes went huge and he blushed. He freaking blushed.

Oh god. I already have my answer.

“Zade.. wait a minute,” lumapit siya sa’kin. Shit ba’t ako kinakabahan? I wasn’t
expecting this! Si Big Boss.. “Zade.. wag kang magagalit, okay?”

“I-I’m not.”

He raked a hand through his hair. “Oh god. I’m busted.”

“What are you talking about?”

On a huffed breath, Andreau answered. “Tanda mo pa yung sinabi ko sa’yo sa Coron?


Yung subject na nakakuha ako ng 2?” Yeah, paano ko makakalimutan yon? Pinagmukha
niya akong dimwit non. “That was for Scriptwriting II. Since.. magt-thesis na ako..
my adviser suggested that I should produce that script. For my thesis.”

“Oh. Okay..”

“Then.. the problem was.. maraming mali dun sa script ko, kaya mababa yung grade
ko.” Aray ha. Last sem puro dos kaya ang grade ko! Sorry naman kung mababa nay un
para sa’yo! “Uhh.. my adviser suggested na i-edit ko yung script according to my
professor’s suggestions. So..”

“O eh bakit mo ako nilalandi? Anong konek nun?”

Napapikit na lang siya sa sinabi ko. “God sorry. I flirted with you for research.”

Research. Resea— “Ginawa mo akong lab rat!?” I almost screamed at him. Okay, medyo
naoffend ako dun ha. “What the hell, Andreau! Anong klase yon?”

“Please wag kang magalit. I’m very sorry,” hala paiyak na ata ‘to. Sus, artista ka.
Hindi ko ako maloloko. “Yung bida kasi sa script.. magaling sa.. ano..”

“Flirting?” I completed. Unting-unti na nawawala ang inis ko sa kanya. Helpless


Andreau is cute!

“Y-yeah. You see.. I’m not quite adept with flirting so.. my script wasn’t that
great. First time kong magventure sa ganung character. So..”

“Teka lang ha, let me get this straight. Yung mga pinaggagagawa mo last time.. part
yun ng script?”

“N-no. I mean.. I was planning to add them if they have good results.”

“Anong nangyari sa results mo?”


“Uhmm.. I was expecting you would.. you know..”

Nakakatawa si Andreau ngayon, seryoso. “Flirt back? Na hindi ko ginawa?” he nodded.


“Oh god. I’m so—“

“No, I’m sorry. You don’t have to say anything. It’s all my fault. I’m so so—“

“Para sa thesis mo talaga ‘to?”

“Yes.”

“May I see your script?”

Nagulat siya sa sinabi ko. “Okay.. susunugin mo ba yu—“

“Don’t be ridiculous, Andreau. Ba’t ko susunugin? May free time ako bukas.. wala
akong mabasa.. Kung gusto mo.. pwede akong magbigay ng comment. From a literature
perspective.”

His face lit up, parang si Tristan lang pag nakakakain ng chocolate. “Really? You
would do that?”

“Nag-alok na ako, di ba? Yes or no?”

Agad siyang tumakbo sa kwarto niya at lumabas na may hawak na makapal na envelope.
Wow, script nga kung script. “Okay.. so.. medyo iba ang format niyan sa boo—“

“I’ve seen a film script before. Relax, I know what I’m doing.” Wala kasi akong
mabasa sa library one time kaya nagsearch ako ng sample film scripts. This happened
months before Andreau and I met. “Don’t worry, I’ll be honest. Kelan ko pwedeng
ibalik sa’yo ‘to?”

Kinuha ni Andreau ang phone niya at tiningnan ang calendar. “Uhhmm.. perhaps.. next
Saturday? Aalis kasi ako bukas.”

“Ha? Where to?”

“USA. California, Vegas.. Florida.. international movie screening.”

Bongga, international screening! Ay yuck pala, kasama niya si Jillian. “Eh paano
yung classes mo?”

“Last commitment ko na ‘to then I’m free,” he flashed that mysterious smile again.
“Sorry ulit, Zade. And thank you for this. Don’t worry, uuwian kita ng maraming
chocolates with nuts.”

“Okay. You had me at chocolates.”

xxx

SATURDAY EVENING

Kakabalik lang ni Andreau sa Manila yesterday morning. According sa balita,


successful ang international screening ng Love Will Lead You Back. Naglipana rin sa
Instagram ang pictures nilang dalawa ni Jillian. God, anything for publicity nga
naman.

Sa Café Feliz ang meeting place namin ni Andreau. Wala kasing masyadong tao rito
pag Saturday nights kaya magandang venue ‘to for discussion. Sana nga lang wala
nang jetlag si Andreau para hindi siya maoffend sa mga comment ko.

Tila ang title ng script ni Andreau. Tungkol siya sa isang photographer na curious
sa isang babae na kilala lang sa tawag na Tila. Bakit kamo nacurious? Kasi kung
anu-anong role ang ginagampanan ni Tila araw-araw. Ngayon pwede siyang maging
madre, bukas naman policewoman. Some say na isa siyang failed theater actress na
naagawan ng malaking role dati. Ayun, ginawa niyang stage ang kalye ng Maynila.
Walang nakakakilala sa totoo niyang pagkatao, kaya nacurious si Benny, ang
photographer.

Maganda ang script niya. Sobrang refreshing. It somehow reminded me of Haruki


Murakami dahil sa may touch ito ng magical realism. Kaso..

“What the hell, Zade!? Anong ginawa mo?”

Shit, wrong move. May jetlag nga si Andreau. At ginalit ko pa siya.

Laking pasalamat ko na kami lang ang customer dito sa café. Issue ‘to pag
nagkataon. “Andreau.. kalma ka lang, okay? I can ex—“

Andreau removed his sunglasses (parang tanga, gabi naman) and tossed it on the
table. “Sabi ko comments, as in verbal comments. Look what you’ve done! Hindi ako
nagpapaproofread! Baka may reaction paper ka ring ginawa!” Binuklat niya ang script
niya. Nung binigay niya sa’kin ‘to walang marka o gusot. Ngayon.. puro pula dahil
sa comments at edits ko.

“Sorry, I couldn’t help it! I had to rephrase some sentences para mas okay
pakinggan. Ang dami ring grammatical errors and typos.”

Huminga ng malalim si Andreau. Uh oh, he’s mad at me. “So.. anong comment mo sa
story? Should I change it? Anong babaguhin?”

“Sabi ko sa’yo magiging honest ako di ba?” He nodded. “Very well, then. Andreau.. I
hate this script.”

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. “What!?”

“Sabi mo maging honest ako, di ba? There, I said it! I didn’t like it at all.”

“What?” halata sa kanya na hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “But.. why?”

Kinuha ko ang maliit kong notepad kung saan ko sinulat ang points ko. “First of
all, nagtataka ako kung bakit naka-dos ka dito sa script na ‘to. Siguro may crush
sa’yo yung pr—“

“Scheherazade, go straight to the point.”

Okay ngayon lang niya ako ulit tinawag sa first name ko, and natakot ako dun ha.
“Okay fine. Maganda yung idea, Andreau. May ilang parts akong naiimagine na pwedeng
isapelikula. Kaso yun lang yung solo parts nina Tila at Benny. While reading the
script.. ramdam ko na hesitant ka sa interaction between the characters. Eh yun pa
naman ang main drive ng story, kung paano mag-oopen up si Tila kay Benny and paano
magagawa ni Benny yon. The script.. sounded so technical. The dialogues are good,
pwedeng pang-GM yung ilang lines pero.. kulang sa emotion. Wala akong alam sa film
or what, pwedeng baka pag inacting na ‘to ng actors magkaron ng emotion.. pero
kasi.. gosh. Ang hirap imaginin eh.”

Natameme si Andreau, at nakatitig lang siya sa’kin. Galit kaya siya? Bahala na,
honest ako eh. Itutuloy ko na ‘to.

“Tsaka.. masyadong stereotyped ang mga babae dito sa kwento mo. Una sa lahat, not
all girls like color pink. Pangalawa, yung scene na tutulungan ni Benny si Tila na
magbuhat ng makeup kit. Wala sa character ni Tila ang paghingi ng tulong pero
nandun. And hello, makeup kit lang naman yon! Kayang-kaya ni Tila yon based sa
description mo sa kanya. Hindi ako feminist pero.. sana fair naman yung ginawa mo
sa character ni Tila. After all, siya ang starring role dito. The rest.. nakasulat
na sa mismong script. Ikaw na lang bahalang magbasa.”

Inaabangan kong sisigawan ako ni Andreau after kong laitin ang gawa niya kaso..
nakatulala lang siya sa’kin. Anong sapak nito? “Hoy Andreau!” hinagisan ko siya ng
tissue. “Anyareh na sa’yo?”

“Kinausap mo ba yung prof ko?”

“What? Baliw ka ba? Ni hindi ko nga alam pasikot-sikot sa Mass Comm! Bakit?”
Andreau shook his head and smiled. Sa dami ng ngiti niya hindi ko alam ang meaning
non. “You have the same comments. Akala ko kinausap mo siya.”

“Ah. Oh. I didn’t. Promise.”

Natahimik ulit siya, mukhang ang lalim ng iniisip. Hala, anong ginawa ko? Sabi na
nga ba dapat bawasan ko ang pagkaprangka ko. I think I just crushed his dream! “Uy
Andreau.. sorry na,” I almost whispered. “Uh.. ka—“

“It’s alright. Actually may point ka naman, kayo ni Sir Felix. Ayoko lang pakinggan
nung una kasi.. baby ko ‘tong si Tila eh. This is my first ever script. Five years
nang nasa utak ko yan, and I thought it was perfect.”

“Sabi sa’yo chole—“

“Zade.. can I ask you a favor?”

Uh oh. Last time na humingi siya sa’kin ng favor? Nakalimutan niya ang pangalan ko.
Ano kaya this time? “Andreau.. I know you want to graduate pero.. I don’t think
that’s a good idea.”

“Ha? Wala pa nga akong sinasa—“

“My answer’s no.”

Andreau groaned. “Grabe, wala pa nga akong sinasabi! Fine, can you help me with my
script?”

“You heard me. I said no.”

“Bakit?”

“Bakit kasi ako?” it was my turn to groan. Grabe nakakafrustrate tingnan si


Andreau. Willing siyang makipagdebate para mapapayag ako. “Look, I’m a literature
major. Magkaiba tayo ng perspec—“

“This is not about pers—“

“Give me three reasons why I should say yes.” Pascual, saan mo napulot yan? Akala
ko ba ayaw mo?

Binigyan ko siya ng ilang minute para mag-isip ng isasagot. Lord sana wala siyang
maisip na sagot please. Hindi ko ‘to kakayanin, mas masi-stress lang ak—
“Okay,” aba ba’t siya excited? “One, you’re a girl.”

“Anong klase sag—“

“I mean, you can give me a girl’s perspective. Wala akong friends na lower Film
students, lahat sila grumaduate na.”

“So last resort ak—“

“Shut up, I’m talking. Two, you’re damn smart. And honestly, you can keep up with
me in terms of thinking and rationalizing. That’s a good thing.” Whoa, a compliment
from him? Flirting ba ‘to o seryoso na?

“And three..” huzzah, that smile again! Wala na, alam ba niyang iba ang epekto
sa’kin nung ngiting yon? Sana yung Cortez Charm Smile na lang para kaya ko pang
pigilan. Pero eto? My god. I’m sold. “You’re the only one I could trust with my
script. After hearing your comments.. I concluded that.. makakatulong ka nga sa
script ko.”

How could he say these things casually? Hindi ba niya alam na parang atomic bomb
ang epekto ng lahat ng sinabi niya sa’kin? Damn it, Cortez. Napangiti na lang ako.

Smiling back at me, he teased. “Do you want more? I have more.”

“Fine fine,” I said, finally giving in. “In one condition.”

Yung saya niya napalitan agad ng kaba. “What?”

“Wag na wag mong kakalimutan ang pangalan ko sa credits, okay?”

He let out a hearty laugh. “Of course. I learned my lesson the hard way. Mahirap na
kalimutan ang Scheherazade Pascual.”

God.. the way he says my name sometimes.

=================

[19] Gift-giving For Dummies

Chapter 19: Gift-giving for Dummies

So.. Happy birthday Andreau Francis V. Cortez!


I know, I promised a TMEUAS update this week. Medyo nahihirapan lang akong isulat
yung mga kasunod na chapters so.. bear with me. I’ll post it soon. Promise!

Second to the last update bago ako magwriting break. I can’t believe na three
months na ‘tong kwento ko and finally, we’re halfway through! Hopefully matapos ko
na ‘to by June or July. Haha!

A short and kinda filler-ish update! Karamihan nga pala sa mga susunod na chapter
ng TSIB ay medyo one shot length na lang, around 1k-2.5k words. Para mas mabilis
ang updates. Okay, here we go!

-A&Z-

JUNE 17

Maayos naman ang first meeting namin ni Andreau about sa pagrerevise. Maayos,
meaning we’re being polite to each other. As in. Konting comments, puro yeah that
sounds great na lang sinabi ko. He kinda scared me the last time we talked about
the script. Sigawan daw ba ako! May mental note na ako na wag na wag gagamit ng red
ballpen sa pagcocomment sa kahit anong papel na ibibigay sa’kin ni Andreau. Stick
to brown pens forever, Pascual.

I don’t know if it was just him being polite or what.. pero bago matapos ang
meeting namin.. he said something like this.

Uhmm Zades? Are you free on the 20th?

Morning or night?

Night.

Uhh..yes free ako. Bakit?

I.. would like to invite you to.. uhh..

Wala kang matatapos dyan kung puro uhh and uhmm ang sasabihin m—

—to my birthday party. Actually, birthday salubong.

Oh. Birthday. Wow.

Yeah. That is, if you’re really free. If you’re not.. it’s ok—
Sure I’ll go. Can I bring Kesh?

Of course! Sure ka? I mean.. makakapunta ka ba?

Good thing sinabi mo para mablock ko ang date na yun. So.. saan ‘to?

Sa Prive.

Hindi naman formal? You know, evening gowns and tux?

What? No. Just dress casually. You’ll be fine. So.. we’re solid?

Yeah. Solid. See you on the 20th, Francisco.

I told you not...

Tsaka ko lang narealize na big deal ang pag-imbita niya sa’min ni Kesh sa birthday
niya nang makauwi ako sa dorm.

“Grabe girl, para kang si San Chai! Lakas maka-Meteor Garden nito ha!” comment ni
Kesh habang nagsusuklay siya at iniinvade ang kama ko. Sa kama niya tuloy ako
tumambay. “Ugh. Baka hindi mo rin alam ang Meteor Garden?”

“OA ka naman! Napanood ko naman yun nung elementary!”

“Eh ba’t ka walang react?”

I fought the urge to throw my things at her. Eto na naman siya sa reaching out for
feelings and reactions. “The Meteor Garden reference is really irrelevant, Kesh.
Sobrang layo.”

She dramatically rolled her eyes. “Anong malayo? Look ha. Si Andreau si Dao Ming
Si! Ikaw si San Chai! He invited you to his birthday. The—“

“Hindi kami sina San Chai at Dao Ming Si, okay?” I cut her off, totally irritated
at her comparison. “Sure, sa social status pwede pa. But we’re not romantically
involved!”

“Not yet!”

“Have you been talking to Roldan lately?” A sly smile from her was my answer. “My
god, Kesh! Would you stop it? There’s nothing going on! At wala ring mangyayari sa
future!”

A forced laugh came out of her wide mouth. “Okay fine, sister. Hindi ko na
ipipilit! Pero.. may regalo ka na ba para kay Big Boss?”

Triple shit. Yun pa pala ang problema. Anong ibibigay ko kay Andreau? “Uhhmm..
kailangan ba talaga magregalo?”

“Hoy Scheherazade mahiya ka naman! Of course! It’s his birthday! And you’re his
friend,” she purposefully stressed on the word friend to annoy me. As always, she
succeeded. “Binigyan ka nga niya ng fluffy slippers nung New Year di ba? Magbigay
ka rin ng kahit ano!”

“Eh ano naman ibibigay ko sa kanya, ha? I barely know him.” Well, I kinda know him
kaso.. natatakot ako na baka hindi niya magustuhan ang ireregalo ko. I suck at
giving gifts! Kesh knows this, ilang beses ko na rin siyang niregaluhan ng mga
walang kwentang bagay kaya nanghihingi ako ng wishlist sa kanya instead manghula.

“Magtanong ka kay Roldan or Tristan?” she suggested.

“Naahh.. sasabihin nila kay Andreau na nagtanong ako. That would kill the
surprise.”

Umalis na siya sa kama ko at umupo sa tabi ko. “I know you hate giving gifts.. pero
I think dapat mo talagang bigyan si Andreau. Kasi sobrang bait niya sa’yo. Para
makapag-thank you ka naman kahit pano.”

“Ano ngang ibibigay ko?”

“You tell me. You know him more than I do. Basta.. don’t bake him cookies.”

“For the love of god Keisha Manzano, hindi ako si San Chai! Okay!?”

As always, tumagos lang sa tenga niya ang sinabi ko.

-A&Z-

JUNE 18

Only two days left before Andreau’s birthday celebration at nganga pa rin ako sa
ireregalo sa kanya.

Ano pa bang ibibigay mo sa tao na kayang makuha ang anumang gusto niya? I’m sure
maraming magbibigay sa kanya ng regalo, lalo na ang Dreausters na may special
birthday party pa sa kanya ngayong gabi. I doubt mabubuksan niya lahat ng regalong
yon. Magkakasya kaya yun sa condo niya? Hmmm..

Nakakainis, sana katulad na lang last year na hindi ako invited sa birthday niya.
Less hassle at less gastos pa para sa’kin. After pa ng birthday niya ang next
meeting namin about his script, ang dami ko kasing required readings na kailangang
tapusin this week. Aarrgh this is too frustrating!

Dagdag pa sa frustration ko ‘tong lalaking nagngangalang Roldan del Rosario, na


lately ay stalker ko na ata.

“Whoa, ibang klase rin yang confidence mo, Zades!” he exclaimed. Nahuli ko kasi
siyang nakatambay sa Café Feliz after ng klase ko. Tapos na ang shift ni Kesh
ngayon so wala nang ibang dahilan kundi.. well.. confidence ko lang ata yon.

“Ba’t ka ba nandito? Sorry naman ha. Napansin ko lang na pag nandito ako, nandito
ka rin.”

Ngiting nakakaloko lang ang sagot sa’kin ni Roldan. Ugh. “So.. I’ve heard pupunta
ka raw sa Friday?”

“Lahat ba ng bagay sinasabi sa’yo ni Andreau?”

Roldan shrugged nonchalantly. “Nah. Kesh asked me if I could fetch you on Friday.
Tinatamad daw kayong magcommute. Is that right?”

Wala naman akong sinabing ganun! Si Kesh talaga! “Uhh.. yeah right. So.. is Kuya
Lee coming?”

Agad na napasimangot si Roldan nang marinig ang pangalan ni Kuya Lee. Ang last na
balita namin sa kanya? Ayun, nagtuturo raw ng Creative Writing sa high school
somewhere sa South. Akala ko nga nagbibiro lang si Andreau nung sinabi niya sa’kin
yon. I wasn’t expecting na mapupunta si Kuya Lee sa teaching. Sure, he’s a good
writer pero.. really? Sir Leandro Abarquez? It sounds so.. weird.

“Nah. He’s been dodging our calls,” he tried to sound unaffected but his eyes were
pretty much sad. “Wag na raw pilitin sabi ni Dreau. Baka lalo raw magtago si Lee.”

“Eh si Ate Anya?”

He shook his head. “Zero. No one knows where she is. I tried talking to Rei.. ayaw
rin magsalita. Hirap din talagang intindihin ng mga Casabueno. Hay.”

Wala sa lugar na malungkot ka ngayon, Zade. Kahit ano pang gawin mo, break na
talaga silang dalawa. Kahit ano pang panghihinayang mo, hindi na sila babalik.
“Well.. that sucks,” I mumbled, also shaking my head. “Wait.. what time nga pala sa
Friday? I forgot to ask Andreau.”

“10 PM. I’ll pick you up at around.. quarter to ten? Okay?”

“Yeah, sounds good.”

“So.. may regalo ka na ba para kay Andreau?”

“Wala pa. Bahala na sa Friday.” I saw his eyes widened for a second. “Oh knock it
off, Roldan. Lahat na lang ba ng reaction ko sa Andreau-related things bibigyan mo
ng meaning?”

He smiled innocently. Hah, akala niya maloloko niya ako dyan! “Wala akong binibigay
na meaning, Zades! If you’re having a hard time, I could help you.”

“No. I appreciate your concern but.. no. Kaya kong maghanap ng regalo for him.”

“Fine. But for your information.. wala namang pakialam si Andreau sa kung gaano
kamahal or kaganda yung regalo. He’s a simple guy. A kid, actually. Bigyan mo lang
ng kung ano yun, matutuwa siya. The thought matters so much to him than the actual
gift.”

Thanks Roldan, dahil dyan mas napressure ako sa ireregalo ko kay Andreau.

-A&Z-

JUNE 20

“For the nth time guys, I’m not telling you,” I pretended to zip my lips and throw
away the key outside the car window. Two pairs of eyes shot me a disapproving look.
Hay life, pwede talagang maging magbest friend ‘tong sina Roldan at Kesh.

Nagdadalawang isip ako kung good call bang dito ako umupo sa backseat ng sasakyan
ni Roldan. Hindi ko kinaya ang probing powers nilang dalawa, lalo na nasa shotgun
seat si Kesh. Kanina pa nila ako tinatanong kung anong laman ng box na dala-dala
ko. Ayaw makuntento ng dalawa sa sagot ko na regalo nga for Andreau, gusto nilang
malaman kung anong nasa loob.

“You’re no fun,” Kesh scowled as she checked her watch. “Ilang minute na lang nasa
Prive na tayo oh! Share ka naman!”

“Hindi naman kayo yung may birthday.”


“I’m Andreau’s best friend,” Roldan butted in.  “Baka hindi niya magus—“

“Whatever, Roldan. Sabi mo kahit anong regalo matatanggap niya, di ba? Trust me on
this one.”

The two exchanged meaningful gazes and fell silent. Ba’t mas excited pa sila sa
regalo ko? Hello, kabado nga ako dito eh. Kahapon ko lang ‘to pinagawa.. and I’m
not sure kung magugustuhan ba ‘to ni Andreau. Ngayon pa lang nanghihinayang na ako
sa effort ko para sa regalo na ‘to.

God, Kesh’s right. Para nga akong si San Chai. Kinikilabutan ako.

Andreau said casual, so muntikan na akong pumunta sa party niya wearing my usual
clothes: jeans and shirt. Kaso umepal ang best friend ni Big Boss, mag-effort naman
daw kami sa pagdadamit. Lo and behold, naka-cocktail dress kami ngayon ni Kesh,
another bawas sa ipon ko. Maroon isn’t even my color!

Ang daming sasakyan sa labas ng Prive pagdating namin. Sina Ms. Marisse, Mars and
Sir Ed (Andreau’s manager) ang nag-ayos ng birthday party ni Andreau. From what
I’ve heard, they rented the whole place just for the party. Sabagay, 21st birthday
nga naman, big deal sa mga lalaki. I don’t really get the deal with birthdays,
normal na araw lang naman yon para sa’kin.

But Andreau isn’t normal. For the whole week ilang birthday celebrations ang
pinuntahan niya, lahat ginastusan ng Dreausters fan club or something. Trending nga
sa Twitter at nabalita pa sa evening news ang grand birthday bash para sa Prince of
Drama. Yuck, kadiri. Big Boss na lang okay na ako!

Okay, kahit binwisit ako ni Roldan kanina, thankful ako na sinundo niya kami.
Magmumukha kaming tanga ni Kesh dito kung wala siya. Sa labas pa lang nagkalat na
ang mga yamings at artista. Ang daming tao. Kaibigan naman kaya lahat ni Andreau
‘to?

At least ako, I know I’m his friend. Heck, I was his temporary best friend. Who
sucks at giving gifts.

xxx

Hindi naman kami informed na taping pala ‘to ng Sunday variety show ng network
nila.

Understatement pa pala ang maraming artista sa labas ng venue. Mas marami dito sa
loob. Kulang na lang himatayin si Kesh sa sobrang fangirling nang makita niya halos
lahat ng crush niya dito. May perk din pala ang indifference ko sa showbiz, at
least hindi ako madaling madistract ng mga yamings na ‘to.
The truth is.. parang hindi si Andreau ang may birthday ngayon. I know this isn’t
his scene: club music, people gyrating their privates on each other(also known as
club dancing, I love my words), club music(this one really bears repeating.
Andreau’s a jazz kind of guy) and.. tons of people. Sa tingin ko, mas pipiliin pa
ni Andreau ang simpleng dinner with close friends and family members kesa sa
ganitong party. Well, what do I know? He’s 21 years old, the guy’s rite of passage
or whatever. Naimbitahan lang naman ako dito so I might as well shut my trap.

Sa may sulok kami pumwesto ni Kesh since wala naman kaming kilalang kaibigan dito.
Medyo nadisappoint nga ako kasi iniwan kami ni Roldan, tinawag kasi siya ng friends
nila ni Andreau. In fairness, diverse ang guests ni Andreau ha. Meron from showbiz,
politics (very surprising), Film kids, univ kids, friends.. and us. Sa ganitong
panahon namimiss ko sina Kuya Lee at Ate Anya. I’m sure kaming apat ang magkakasama
dito at lalaitin namin ang mga artista friends ni Andreau.

“Hey Zade!” I heard someone called me from a distance. Well hindi ako nahirapang
alamin kung sino siya. Mars walked towards me, holding a glass of champagne. “Ba’t
kayo nandito sa sulok?”

Pinakilala ko muna si Kesh sa kanya, who by the way squealed upon seeing Mars.
“Ahh.. wala naman kaming masyadong kilala dito eh. “

“Yun ba? Well.. I want you to meet someone.” Okay.. ba’t may glint of excitement sa
mata ni Mars? Ang weird. Before I could even protest, Mars grabbed my hand and
dragged me out of our seats. Sa VIP area upstairs niya ako dinala.

“Uhmm Mars? Ba—“

“Ayan. He wants to see you,” he announced when we reached the area.

“Ate Zade!”

Tristan bolted towards me in glee. Ba’t siya nandito? Four days ko na rin siyang di
nakikita! “Ate Zade Ate Zade Ate Zadeeeeeeeee!” todo sigaw siya sabay yakap sa’kin.
“Buti nandito ka!”

“Zades naiwa—“ natigilan si Kesh sa pag-akyat sa VIP area. Her eyes landed on me
then to Tristan. “Oh. Hi, little man,” she greeted sweetly. Talagang binagalan pa
niya ang paglakad papunta sa’kin. Oh, hawak niya yung regalo ko! Sana hindi niya
binuksan!

Doon ko lang napansin na kami lang ang tao dito sa VIP area. Akala ko pa naman
nandito si Andreau! Wala nang pumansin sa’kin dito, sinolo na ni Kesh si Tristan.
God, this kid could charm anyone. Napatawa niya si Kesh sa mga kwento niya tungkol
sa Grade 1 Chronicles. Hindi na ako magtataka kung mag-aartista rin siya in the
future.
Bumaba saglit si Mars para kumuha ng pagkain namin ni Kesh. Nag-iimprove na talaga
ang relationship naming dalawa. Kinakausap na niya ako! Minsan nakakata—

“Nandito lang pala kayo!”

Napalingon kaming tatlo sa may stairs. Lo and behold, the birthday boy’s grinning
at us. Nasa likuran niya si Roldan na todo ngiti rin.

“Happy birthday Kuya Andreau!” nagtatalon si Tristan papunta sa kanya. Kinarga siya
ni Andreau at naghigh five ang dalawa. “Hindi pa ba pwedeng kainin yung cake?”

“Mamaya pang 12, Trist. We still have 45 minutes.” Napatingin sa’kin si Andreau,
giving me a once over. “Wow, yan pala ang casual mo?”

“Are you drunk?”

He shook his head. “I had few drinks. I’m not drunk.”

“Happy birthday, boss.”

“Thank you.”

We were interrupted by Mars’ arrival and Andreau’s phone. Hello, that was our
moment there! Hindi ko pa nga ako nakakaporma para maabot sa kanya yung regalo ko.
Ugh ang hirap naman!

“Sino yun?” tanong ni Roldan nang matapos yung tawag.

“Uhh. Si Sarah. Excuse me, guys.” Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan, leaving us
slightly stunned. What’s with the urgency anyway? Nagkatinginan na lang kami ni
Roldan. Hah, I was right.

xxx

Good thing nasa VIP area kami, mas madaling mangstalk. Kitang-kita namin dito sa
taas na nag-uusap sina Andreau at Sarah sa may sulok. She’s so pretty kahit sa
malayo. Sinungaling din ‘tong si Big Boss, may type pala talaga siya. Petite at
chinita.

“Sayang hindi natin pinagpustahan,” bulong ko kay Roldan. Thank god busy si Kesh sa
pakikipagkwentuhan kina Mars at Tristan sa sofa, kundi makikisali siya sa usapan.
“I could’ve easily won, you know.”

Roldan snarled as he emptied his third glass of champagne. “Wala na kasi yan.
They’re just talking.”

“So kailangang sa sulok pa mag-usap?”

“Duh, maingay. We can barely hear each other!”

“Ano kayang pinag-uusapan nila?”

“Why are you curious?” he asked with a smirk. “Akala ko ba.. wala kang pakialam?”

“Hindi mo ako mahuhuli sa ganyan mo, Roldan. I’m just plain cur—“

“Anong pinag-uusapan niyo?” biglang singit ni Kesh. Tumahimik na lang ako pero
‘tong si Roldan tinuro pa ang subjects namin. “Oh. Andreau and Sarah?” she wiggled
her eyebrows in amusement. “Who would’ve thought?”

“See? Even Kesh could see it!”

“Wala ngang meron dyan sa dalawang yan. Ba’t ba masyado kang worked up, Zades?”

Todo observe pa rin si Kesh sa dalawa. Saktong tumawa sina Andreau at Sarah over
something. “Naah.. I think it’s one sided.”

“Andreau’s, right?” I added, hoping na madivert sa iba ang usapan at di na sa’kin.

“No.. I think.. Sarah likes Andreau.”

“What!?” sabay naming sabi ni Roldan.

Kesh wickedly smiled at us. “Well.. opinion ko lang naman ha. Pag may gusto ka kasi
sa tao.. iba yung actions mo towards him or her. Unconsciously, nagiging touchy ka.
I maybe wrong but.. nah. It’s just a lucky guess.”

Pinagmasdan ko ulit ang dalawa. Medyo touchy nga si Sarah kay Andreau. Kailangan ba
talagang manghampas pag tumatawa? Well.. ganun din naman ako minsan. So pag ganun
may gusto na ako kay Andreau? Dahil hinahampas ko ang braso niya?

Sometimes I hate Kesh and her psychology.

xxx

The rest of the party went by too fast.


Hindi ako mahilig pumarty or what kaya siguro mabilis lang para sa’kin. Savior ko
rin si Tristan na kasama ko habang pumaparty sina Kesh at Roldan sa baba.

11:55 PM nang umakyat si Ms. Marisse para kunin si Tristan. Apparently mas excited
pa si Little Boss sa cake kesa sa mismong birthday celebrant. Of course, pinilit
ako ng bagets na sumama sa baba. Ayokong makisali sa baba, ang daming tao. Pero..
baka hanapin ako ni Andreau so.. sumunod na lang ako.

Pinalibutan naming mga guest si Andreau at ang pang-yamings niyang cake. Director’s
chair ang design ng cake niya, ang cute! I distanced myself from Ms. Marisse and
Tristan, obvious naman na family moment ito. Aside from them, katabi ni Andreau
sina Roldan, Sarah, Mars, Sir Ed at ilang close friends niya sa showbiz. Tinabihan
ko na lang si Kesh sa bandang likuran nila, masira pa namin ang picture eh.

Happy Birthday Andreau.. Happy Birthday Andreau.. Happy Birthday Happy Birthday..

Happy Birthday Andreau!

Ang.. weird. Nakangiti nga si Andreau pero yung mga mata niya.. parang may kulang.
His eyes didn’t crinkle. It’s his birthday for crissakes. Bakit siya nagpapanggap
na masaya?

I found out why thirty minutes later.

After ng cake blowing moment ni Andreau, nagresume na ulit ang party mode sa baba.
Nawalan na ako ng gana pumarty, plus inaantok na rin ako kaya niyaya ko nang umuwi
si Kesh. Eh napasarap lalo ang kwentuhan ni Kesh at Mars, so sinabihan niya akong
maghintay sa may entrance ng Prive.

I can’t really blame him kung hindi siya masaya sa party niya. Material things
can’t always bring us happiness. Siguro magiging masaya tayo for awhile pero.. yung
long term? Wala yan sa mga bagay.

Ten minutes later, wala pa rin si Kesh. I tried calling her phone pero hindi siya
sumasagot. Ugh, so best friends na sila ni Mars ngayon? Babalik na sana ako sa loob
nang..

“O, ba’t ka nandito?”

I gaped at him. Anong ginagawa niya dito? “Uh.. waiting for Kesh. Uuwi na sana
kami.”

Napangiti na lang sa’kin si Andreau. Hinigit niya ako sa may sulok. Okay.. ang
weird. “Goodluck with that. Ang sarap pa ng usapan nila ni Mars sa loob.”
“I know. Na-OP nga agad ako kanina eh,” I paused. He looked so.. tired. Sumandal
siya sa pader at napapikit. “Hey, are you okay?”

Andreau nodded. “Yeah. Pagod lang. And I’m not drunk.”

A small smile formed on my lips. “Really now?”

“You must congratulate me. Hindi ako masyadong uminom kanina.”

“Yeah right. Mamaya pag-uwi mo tsaka ka babawi ano?”

“Hey. Don’t insult the birthday boy.”

“You’re not a boy anymore, Andreau,” I corrected him. “You’re a man. Yuck, 21 years
old.”

“I’m not that old. Ang sama mo naman!” he opened his eyes and his gaze landed on
the box I was holding. Triple shit, of all things na pwedeng makita. Ba’t ba hindi
ko na lang ‘to iniwan sa gift pile sa loob? Bago ko pa maitago ang regalo ko.. “Is
that for me?”

I’m doomed.

“Uh.. yeah.”

“Wow.. Zade’s shy,” he teased, that smug look of his became quite appealing in an
instant. “Hindi mo ibibigay sa’kin yan?”

Inabot ko sa kanya ang regalo ko at umiwas ng tingin. Nakakahiya, eto na ang moment
of truth. “Okay. I suck at giving gifts. And.. I.. I’m sorry. Yan lang talaga
naisip kong ire—“ nadistract ako ng tunog ng napunit na papel. Shit, baka hindi
niya magustuhan. “Andreau sorry na. Alam kong marami kang ga—“

“Wow this is cool!”

WHAT.

I peeked at him and wow.. he’s smiling. Ano namang ikakangiti niya dun sa regalo
ko? His eyes were gleaming, as if niregaluhan ko siya ng Ferrari or what. “C’mon,
Andreau. You don’t have to be polite. It’s okay kung ayaw mo nung regalo. Sino ba
namang matutuwa kapag niregaluhan ka ng mug?”

“I am!” tinanggal niya isa-isa ang mga mug na regalo ko sa kanya. Yeah, I gave him
mugs. Napansin ko kasi na iisa lang ang mug niya sa apartment niya. Meron siyang
collection ng coffee beans pero iisang mug lang ang meron siya. Weird, right?

Mas lalo akong nahiya na natuwa siya sa regalo ko. Todo titig siya sa mugs na may
design ng Breaking Bad, The Godfather at Ghostbusters. Magbibigay na nga lang ako
ng mug dapat ayusin ko na at siguraduhin kong gusto rin niya ang design, di ba?

Thank goodness I’m smart.

Nakangiti pa rin siya habang binabalik sa box yung mga mug. “Thanks for this,
Zades. Sakto, nabasag ko yung mug ko last night.”

“You serious?”

“Damn right. Just in time. Thanks again.”

One year and four months na kaming magkakilala ni Andreau. Ilang beses na niya
akong nginitian ng ganun pero never nagbago ang effect sa’kin. But this time, it’s
different. I smiled back at him.

The smiles on our faces lingered for awhile until I felt my phone vibrated inside
my purse. “Ah. Nagpapasama sa’kin si Kesh sa CR. I have to go back inside.”

Nawala ang ngiti sa mukha ni Andreau. “Okay. I’m gonna stay here for awhile.”

“You sure? The party’s in full swing. Your party,” I reminded him.

“Hindi naman nila mapapansin na wala ako dun.”

Okay. Ang emo ni Birthday.. boy. “Sige.. I’m gonna.. go inside. Happy birthday
ulit, Andreau.”

He smiled once again but it didn’t reach his eyes. “Thanks again, Zades.”

Bigla tuloy akong natorn na samahan si Andreau o puntahan si Kesh. He looked so


sad. Hindi rin ako fan ng birthday celebrations pero deserving naman si Andreau na
maging ma—

“Zades?”

I stopped walking and turned back to him. Aww.. now he really looked sad. “Bakit?”

“I miss my parents.”
Oh Andreau.

Siguro.. kanina naisip niya na 9th birthday na wala ang parents niya. Baka nga
nireplay pa niya sa utak niya ang last birthday na kasama niya ang mga ito at ang
first birthday na wala sila.

Naalala ko rin ang first birthday ko na wala si Tata Greg, ang kinilala kong tatay.
Ineexpect ko nung araw na yun na may arroz caldo na naghihintay sa’kin sa table
paggising ko. Pero..wala. Nakakamiss.

I extended both of my arms to him. “Come here.”

“Huh?”

Aarte pa eh! Lumapit ako at niyakap siya. Wala na akong pakialam kung sinong
makakita sa’min. Andreau’s sad.. and I don’t want to see him sad. Lalo na sa
birthday niya. He froze when I tightened my arms around him.

“Zades?” he whispered to my ear. At last, he hugged back. “W-why?”

“Coz you’re sad. Sad people deserve hugs.”

“Really?” he sounded amused.

“Yeah. Just because.”

The hug lasted for about 30 seconds. It wasn’t an awkward hug. Kaya ko ginawa yun
para macomfort siya pero pati ako.. gumaan ang loob. Siya ang unang bumitaw sa
yakap ko. Napangiti na lang sa’min yung napadaan. Okay medyo nakakahiya yung ginawa
ko. Andreau looked much better after the hug. “How’d you know I needed that?”
tanong niya sa’kin.

“Ehh.. birthday boys deserve hugs.”

“I thought I’m already a man?”

“Oh shut up.”

Andreau caught my right hand and clasped it firmly. “I’m glad you’re here.”

“Me too. Happy birthday, Andreau.”


=================

[20] Saved By The Word

Chapter 20: Saved By The Word

At dahil hindi ko kinaya (at kakayanin) ang TMEUAS, I decided na paabutin na


hanggang Chapter 23 ‘tong TSIB bago ako magwriting break. Pampatanggal lang ng
angst haha!

This is a short one yet.. a turning point. You’ll know why <3

-A&Z-

May instances talaga na bigla-bigla ka na lang makakaisip ng magagandang idea.


Tipong nanahimik ka lang sa tabi, nakatunganga tapos.. kebem! Bigla siyang maghe-
hello sa’yo. Sabi nila, dun daw minsan nanggagaling ang best ideas.

Yung iba dinadapuan ng ideas habang nagbabasa, kumakain, nasa CR, naglalakad,
tumatakbo, nanonood ng kung ano.. basta sa moments na hindi mo inaakalang susulpot
yung light bulb.

Ako? Lagi akong may ganyan.

And usually nangyayari sa’kin yan sa panaginip ko.

Maraming books ang inspired by dreams. Of course, every Twilight fan knows na
napanaginipan ni Stephenie Meyer ang meadow scene nina Edward at Bella. But did you
know that Mary Shelley wrote Frankenstein because of a dream? Bago raw matulog sina
Mary Shelley and company ay napag-usapan nila ang possibility ng pagbubuhay ng
patay gamit ang electric current. Ayun, hanggang panaginip nadala rin niya ang
images ng bangkay at eventually doon niya nakita ang itsura ni Frankenstein. The
next day, sinulat niya ang isang short story about that dream. A year after that,
she made it into a novel. Sosyal!

So.. anong konek ng Frankenstein sa pinaglalaban ko?

Kasi dahil sa isang panaginip ko.. nalaman ko na ang sagot sa problema ng script ni
Andreau.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog (tinapos ko kasi yung War and Peace.
Ayoko nang ulitin pa yun!) nang dumating sa panaginip ko yung idea. Ang main
problem kasi ng script ni Andreau (I think, na hindi niya pinaniniwalaan) is yung
attraction between Tila and Benny. Mailap si Tila sa tao yet gusto siyang lapitan
ni Benny. Wala namang ginagawa si Tila. So.. anong attraction dun?
Kinuha ko kaagad ang phone ko pagkagising. I have to tell this to Andreau bago pa
mawala sa utak ko ‘to! Kaso.. ang tagal niya bago sagutin. I called him five more
times bago niya sagutin ang tawag ko.

“Andreau! You won’t beli—“

“What the fuck!?”

WHOA. I didn’t see that one coming. He just.. screamed and cussed at me. At me.
Anong problema nito?

“Bakit ba ang taray mo Andr—“

“Zade. What the hell!?”

Aba.. loko ‘to ah. Sabi niya kailangan niya ng tulong ko tapos umaattitude siya
ngayon! Ang kapal ng mukha niya! “Hoy Cortez,” nilakasan ko na ang boses ko. I
don’t care kung magising ko man si Kesh. Nakakairita ‘tong Francisco na ‘to!
“Pumayag akong tulungan ka pero hindi ko binigay ang rights para murahin mo a—“

He let out a long groan. Ba’t ba sobrang bad trip nito? “You’ve got to be kidding
me!” he said angrily. “Ikaw ‘tong nanggagambala! I have the right to be mad!”

“Ano bang pinaglalaban m—“

“It’s 3 fucking AM, Scheherazade! I had a long day at work and school tapos.. God,
may orasan naman yang phone mo di ba? Kakatulog ko lang!”

Tiningnan ko ang oras sa alarm clock ni Kesh sa bedside table.

3:08 AM

Triple shit. I’m doomed.

Nakakahiya!! Of all times.. ba’t ngayon pa!!! Nakakahiya!!!! Kill me now kill me
now! “Oh my god Andreau I’m sorry di ko napa—“

And just like that, his line went dead.

What the hell? Did he just cancel my call?


xxx

6:35 AM

Andreau. Are you mad?

7:16 AM

Mamansin ka naman oh. I’m very sorry. I didn’t notice the time. Baka kasi
makalimutan ko yung idea. Please reply.

8:05 AM

Okay nakakairita ka na. I know kakatapos lang ng 7AM class mo ngayon so mababasa mo
‘to. Maawa ka naman sa de-prepaid oh.

10:47 AM

FINE. TALO MO PA BABAE. Ang arte mo.

Francisco.

2:30 PM

I’m sorry for the Francisco thing. And I’m really really sorry about the call
earlier. Please don’t be mad? And reply?

4:23 PM

Fine. Here’s a deal. If hindi ka na galit sa’kin, meet tayo sa Café? Meeting? If
hindi ka pumunta.. that’s okay. I understand. 7PM?

4:55 PM

K.

Anong “k”? As in k pupunta ka or k hindi?

I’ll be there.

Are we solid?
Yeah. Solid :D

xxx

“He’s not coming.”

Kung ilang beses kong sinabi ‘tong line na ‘to, ganun ding karaming beses akong
inirapan ni Kesh. Hindi na kasi nagreply si Andreau sa follow up texts ko. Grabe,
ganun pala magalit si Andreau? Nasampulan ako eh. Nakakatakot na nga yung Angry
Andreau sa phone, paano pa kaya pag in person?

Note to self: Wag tatawagan si Andreau pag madaling araw.

Kesh signalled me to pick up my order on the counter. Oo na, ako ang lalaki ngayong
araw. Inorder ko lahat ng favorite cupcakes ni Big Boss at ang favorite coffee niya
as peace offering. Well bahala siya kung di siya pupunta, ako kakain nito.

“Gaga ka kasi,” salubong sa’kin ng roommate ko, todo taas pa ng kilay. “Kung ako
yung tinawagan mo ng 3AM at wala akong tulog.. mabibwisit din ako sa’yo.”

I frowned. “Thanks for making me feel so much better, Keisha. I appreciate it.”

Nagflying kiss pa ang loka sa’kin. “You’re welcome.”

Wala pa ring text sa’kin si Andreau. 7:14 na. He’s never late without an excuse.
Magtetext naman yon kung pupunta siya o hindi. Kaasar, nag-unli pa ako para maitext
siya! Nag-iPhone pa ang bwiset di naman ata marunong magtext!

Andreau. Pupunta ka pa ba?

Forget it. I’ll go home. Tsaka na tayo mag-usap pag hindi ka na isip bata!

Babalik na sana ako sa counter para manghingi ng box kay Kesh nang bumukas ang
pinto ng café. Agad akong lumingon at.. isang Andreau Cortez na nakashades ang
pumasok.

“Isip bata? Really?” he immediately snarled at me. Okay.. looks like hindi pa rin
siya nakakatulog nang maayos.

Naglakad ako pabalik sa table ko kanina. Hah, akala niya maiintimidate ako sa
kanya! Kapal mo please. “Ay nagbabasa ka pala ng text. Eh di sana nagrereply ka
rin.”
“Shut up.” Lakas din nitong Cortez na ‘to ha. Matapos akong asar-asarin at murahin
kagabi, feel na feel pa niya ang pagkain ng cupcakes! Para sa kanya naman talaga
yon kaso.. feel na niya agad?

Pinabayaan ko muna siyang kumain ng cupcakes bago ko siya awayin. “So.. ba’t ka
late? First time yon ha, considering na choleric ka.”

“I bought this.” May kinuha siyang something sa back pocket ng pants niya. Isang
bar ng Cadbury Fruits and Nuts. “I’m sorry for my outburst earlier. Kakatulog ko
lang kasi nun. I shouldn’t have shouted like that.”

TEKA LANG HA. Kaya ba niya ‘to ginagawa para magmukha akong masama? God Zade, ikaw
nga may kasalanan talaga nito. Tapos siya pa ang nagsosorry sa’yo. “Uhh,, thanks.
I’m sorry din. Nawala sa isip ko yung oras.”

He tried to use his charm smile on me but no avail. Immune ako dyan, Andreau.
“Apology accepted. So.. what’s your idea?”

Oh my god this is it! At last masi-share ko na rin ang golden idea ko sa kanya!
Kinuha ko ang yellow pad sa back pack ko at pinakita sa kanya ang naisulat ko
kaninang madaling araw. “Sorry for my handwriting. Maganda talaga sul—“

“I know. You don’t have to brag.”

“Baka kasi hindi mo main— Ba’t ka ba nakasunglasses? Nakakabasa ka ba dyan?”


sinubukan kong tanggalin yung glasses niya kaso tinapik niya ang kamay ko. “Wow,
sensitive much?”

Lumayo siya sa’kin nang kaunti at pinagpatuloy ang pagbabasa. “So.. this is the
solution for their attraction shit?”

“Don’t change the subject. Ba’t ka nga nakasuot niyan?”

“Di ba meeting ‘to for the script? Why are you so intrigued with my sunglasses?”

“Because I can’t see your eyes.”

Nabitawan ni Andreau ang yellow pad ko. “What?”

Shit. Ang awkward. Baka pagkamalan niya akong may crush sa kanya. Okay lang kung
sina Roldan at Kesh ang mang-asar sa’kin, kaya ko pang i-tolerate yon. Pero pag
siya na mismo? My god magkamatayan na. “Uhh kasi.. hindi ako mapalagay pag
nakikipag-usap sa mga naka-eyeglasses. Pag nakikipag-usap ako.. gusto kong makita
yung mga mata.”
In a huff, Andreau removed his sunglasses and placed it on top of the table. “Okay
na, Zades?” he smiled at me shyly.

“Y-yeah. Much better.”

xxx

“That’s impossible. Benny couldn’t do that. He’s a photographer!”

“Bakit, bawal na bang matutong bumaril ang mga photographer? We can add a back
story on this! You know, dating pulis si Be—“

“That’s ridiculous.”

“Can you just please imagine this for awhile? Bagay kay Benny yun! Astig nga eh!
Ballistics and stu—“

“Don’t forget the budget, Zades. I’m not that rich.”

“Hah. I don’t believe you.”

“Zades, please be serious.”

“Seryoso naman ako dito Andreau! Maganda yung idea ko!”

Well.. Andreau wasn’t impressed at all with my golden idea. Para siyang thesis
adviser na todo magtanong sa prinesent ko. Masyado raw imaginative at pang magical
realism ang naisip kong idea. Hello, medyo ganun kaya ang feels ng kwento niya!
Siya ba talaga yung gumawa nung script na yun or alien?

Inagaw niya sa’kin ang yellow pad at may sinulat na something. Thank god nilabas
niya ang kanyang black pen. Kanina pa siya nagrereklamo na ang hirap daw basahin ng
sulat ko gamit ang brown ink. “Take a look at this, okay? This is their
relationship web. Sa tingin mo saan papasok dyan ang gun arc ni Benny?”

“Uhh.. wait dito!” tinuro ko sa kanya yung scene sa simbahan. “Pwede rito! “

He gave me an incredulous look. “Are you crazy? Magdadala ka ng baril sa simbahan?”

“Marami nang gumawa nun, Andreau.”

“Okay name a few.”


Ugh. Kapal kong magsabi nito ha. “Fine, I don’t kno—“

“Wag na lang kayang baril?” may something na kumislap sa mga mata ni Andreau. “What
if.. an arnis stick? Para hindi masyadong mahal! Mura lang naman yun di ba?”

Saglit kong inimagine kung magwowork ba ang arnis sa golden idea ko. “Hmmm.. pwede
rin. Ay, oh my god. Mas okay siya! Kasi pwede kang maglagay ng fight sequence! May
kilala ka naman sigurong marunong mag-arnis?”

“Si.. Roldan! Holy shit sa wakas magagamit na rin niya yung PE skills niya!”

Grabe, ibang klase talaga si Andreau pag may Eureka moment. Todo ngiti at iba yung
kislap ng mga mata niya. “So.. solid na ‘to? Arnis instead of gun?”

“Of course! I’m liking this!” akala ko sasabihan lang niya ako ng Good job, Zades!
Kaso wow.. he gave me a half hug. A half hug. Yakap pa rin yun, di ba? “Good job,
Zades!”

“Hehehe salamat!” Lord, niyakap ko lang siya last week tapos ngayon.. nag-enjoy
naman ata siya! Hindi naman siya malungkot ah? I must set hugging ground rules!

Minutes later sobrang immersed kami ni Andreau sa pagbabatuhan ng lines nina Tila
at Benny. Nakakatuwa kasi ito yung first scene na medyo nakakakilig sina Tila at
Benny. Ang ayos na ng practice namin ni Andreau nang..

“Excuse me?”

Napatingin kami ni Andreau sa likuran namin. Si Sir TJ pala. Aba.. ba’t may dalang
frappe ‘to? At dalawa pa!

Medyo nahiya ako sa ginagawa namin ni Andreau. Kahit nasa sulok kaming dalawa
kitang-kita pala kami ng ibang customers. “S-sir TJ! Sorry po. Maingay po ba kami?”

“Ay hindi naman! Ano.. kasi.. gusto ko lang kayo i-congratulate!”

“What?” sabay naming sabi ni Andreau. Anong pinagsasabi nito?

Mukhang nahihiya na excited pa si Sir TJ. “Oh c’mon guys! I could keep a secret!
You know me, Zade. Hindi naman ako madaldal!” he even winked at me! What the hell’s
going on?

“Uh.. what are you talking about?” malumanay na tanong ni Andreau.


“Sorry Andreau pero tuwang-tuwa lang ako for Zade. I mean.. Parang Serendipity lang
‘to!”

Nanlaki ang mga mata ni Andreau sa sinabi ni Sir TJ. Anong Serendipity? “Andreau..
ano yun?”

“Guys.. I’m really really happy for you. Who would’ve thought na sa lahat ng lugar
dito sa campus, dito pa kayo maiinlove sa isa’t isa?”

SAY WHAT!?

xxx

Ibang klase rin ‘tong si Sir TJ. May hopeless romantic side pala siya.

“Uhmm.. Sir TJ?” halos bumulong na ako sa kanya. “A-ano pong pinagsasabi niyo
dyan?”

At last, naguluhan din si Sir TJ. “Huh? Dapat ba secret ‘tong date niyo? You know..
with the media an—“

“WHAT!?” I let out in a scandalous way. “Sir TJ naman! Anong akala niyo, nagdi-date
kami ni Andreau?”

Andreau mirrored the same horrified expression on my face. What. The. Hell. Akala
niya.. nagdi-date kami ni Andreau?

“Uh.. yes? Kasi lagi kayong magkasama dito.. tapos lagi kayong nakapwesto sa may
sulok.. then lagi kayong tumatawa. Hindi ba date yun?”

Nagkatinginan na lang kami ni Andreau. Date? Kaming dalawa? My god. Oh my god. Sana
hindi ‘to marinig ni Kesh!

Okay brain, think think think. “Uh.. sir.. Andreau and I aren’t together.”

Tiningnan nang masama ni Sir TJ si Andreau. “Zade’s right. We’re not a couple.”

“Are you sur—“ tumango kaming dalawa. Sir TJ became red in an instant. “Oh shit. I-
I’m s-sorry. A-akala ko.. date ‘to.”

“This isn’t a date. This is a fika.”


“What the hell’s a fika, Zades?” naiiritang tanong sa’kin ni Andreau. Akala na niya
naman nag-iimbento ako ng salita.

“Fika is a Swedish noun that means a social coffee break with a colleague or
friend, usually accompanied with sweet baked goods. Since may coffee at cupcakes
kami dito.. this isn’t a date, Sir. Fika.”

Napatulala na lang sa’kin ang dalawang kausap ko. Si Andreau, gusto atang matawa o
ewan. Si Sir TJ? Hiyang-hiya.

“Oh god. I’m so sorry Andreau!” todo yuko pa siya sa pagsosorry. “I only assumed na
nagdi-date kayo ni Za—“

“It’s okay,” nakangiting sabi ni Andreau sa kanya. “Pero gumagawa lang kami ni Zade
ng script. And of course.. fika.”

Nasundan pa yan ng ilang ulit na pagsosorry ni Sir TJ at ilang it’s okay ni Andreau
bago natahimik ang table namin. God.. that was so.. embarrassing for Sir TJ. Okay
lang sana kung normal na tao si Andreau pero.. my god.

“I guess he’s feeling pretty silly right now,” he said with a whistle. “But really,
is there such word?”

“What word?”

“Fika.”

Pinalo ko siya ng pad paper ko. “Of course. I don’t invent words.”

“Pero ang defensive mo dun Zade ha. Nice.”

I turned to him and punched his arm. “What’s that supposed to mean?”

Andreau plastered that boyish grin on his face again. “You could’ve simply said
We’re not on a date yet you whipped that fika thing of yours. Nice.”

“It isn’t nice! Bahala ka pag natsismis tayong nagdi-date. Ikaw rin mapapahamak.”

“So.. this isn’t a date?” he asked seriously.

“Why, is this a date for you?”

“NO!” he blurted out too loudly. “Why, is this a date for you?”
“I’m not a cheap date, Andreau. Kape lang? Hah. Excuse me.” He stared at me for
awhile then smiled mysteriously. “What now?”

“Let me guess.. never ka pang nakipagdate ano?”

Busted. “W-what?” I tried my best to hide my nervousness. Shit, eh ano ngayon kung
hindi pa? Eh sa studies first muna ako! “Okay fine! Never pa! No one asked me on a
date. Ever. Siguro ikaw marami na ano?” ngumisi lang siya. “Yabang mo.”

“Hey.. I asked you once, right? Hypothetically. Does that count?”

Not that question again. Really Andreau, gaano ba ka-sharp ang memory mo at
natatandaan mo pa yun? “Hypothetical, hindi counted.”

“We could go on dates, you know.”

“What? Friends don’t go on dates!”

“That’s what you call a friendly date.”

“Ugh. I don’t want to go on a date with you, Andreau.”

“Why?”

“Coz you can’t afford me and my wants.”

Tawang-tawa si Andreau sa sinabi ko. Bangag pa nga ‘to, kung anu-ano na lang
tinawanan eh! “Fine. We’ll go on a date sometime.A friendly date.”

“Fika.”

“What? No. Ayokong magkape palagi. Date.”

“Then order something else.”

“Date. Pizza date.”

“I prefer fika.”

“Date.”
“Fika.”

“Date...”

=================

[21] Of Pizzas and Listening Sticks

Chapter 21: Of Pizzas and Listening Sticks

July na sa timeline ng TSIB ngayon. So.. that means.. Happy 18th, Scheherazade
Pascual!

A little announcement! Kung nabasa niyo na ‘to sa Twitter, hindi na ‘to bago. Sabi
ko dati hanngang 40 chapters lang ‘tong TSIB. So I rechecked the outline and it
turned out na aabot pa pala ‘to sa 50 chapters. Di ko inexpect na marami pala akong
naitanong scenes for this one sa loob ng 3 years! So yay for #TeamRef!

Note: Gumamit ako ng sariling calendar ko dito. Haha!

-A&Z-

JULY 13

Marami akong favorite sides (or modes) ni Andreau Cortez. My top five would be the
following, in no particular order:

1.      Embarrassed/Shy Andreau (Need I say more?)

2.      Childish Andreau (he’s like an older version of Tristan)

3.      Bossy Andreau (to a certain extent only. Pag ginamitan na niya ako ng Gantt
chart.. never mind.)

4.      Drunk Andreau (minus the kissing!)

5.      Blushing Andreau (I’d pay a million bucks to see this everyday. Pinakacute
siya dito, promise!)

Actually, marami pa talaga akong gustong modes ni Andreau. Ang hirap nga lang i-
rank according to the most adorable mode, masisira na ulo ko dun. Pero kung
ipapalista sa’kin ang pinakaayaw kong modes niya, I have my Top 5, in particular
order:

5. Know-it-All Andreau (especially with his movie shit!)

4. Quiet Andreau

3. Angry Andreau (Sobrang scary niya dito!)

2. Forgetful Andreau (Never forget Shaira)

1. Persistent Andreau

Okay, minsan ayos lang naman ang Persistent Andreau sa’kin. Nakakachallenge siya in
a way kasi sobrang kulit talaga niya. Kaso.. Persistent Andreau + Tsismosang Kesh =
Galit Sa Mundong Zade.

“Stop pushing it, Andreau. Hindi na ako natutuwa!”

Konti na lang talaga tutusukin ko na mga mata niya ng ballpen ko. Ang ayos na ng
meeting namin kanina, naayos na ang first 10 scenes ng script niya. Sobrang ayos na
eh, kaso ‘tong si Kesh.. dapat nilalayo talaga kay Andreau minsan.

Uy teh! Nagtext si Ate Mel kanina. Ano raw gagawin dun sa cake mo sa ref?

Uhh.. kainin na kamo nila. I don’t mind.

Cake? Kaninong cake?

For no o—

Naku Andreau! 18th birthday ni Zades two days ago! Sinurprise namin siya sa dorm ng
cake kaso alam mo naman yan.. sobrang killjoy.

What? You already turned 18 and you didn’t tell me?

You’re not my keeper! So what kung nagbirthday ako? 18 na ako. That’s it. I’m a yea

And wala kang party?

Sa tingin mo meron?
Bakit wala kang party?

Ang sagot ko sa tanong niya? Kasi ayaw ko. Of course, kelan pa nakuntento ang
kaluluwa niya sa simpleng sagot na ganon? For the last 10 minutes kinukulit na ako
ng tinamaan na ‘to. Lord, pakibawasan naman ang kakulitan niya, please? Baka
makasakal ako ng artista nang wala sa oras eh!

“Fine, I’m sorry,” he held up his hands and sighed. “I can’t believe na hindi mo
sinabi sa’kin na birthday mo nung 11.”

Inabot ko sa kanya ang yellow paper na may draft ko. “Please stop it. I’m begging
you. Tapos na yun, wala na ka nang magagawa.”

“I could treat you so—“

“OH NO. Don’t do that!”

Andreau raised a haughty eyebrow. “What? It’s just a birthday treat! Simpleng dinn
—“

“No,” I immediately cut him off before anyone could hear that sentence. Hinawakan
ko na ng mahigpit ang ballpen ko just in case na kailangan ko siyang tusukin sa
mata. “Ba’t ba kailangan pang paghandaan ang birthdays, ha? Tumanda ka lang ng
isang taon, big deal na? Pag sinabi kong ayaw ko, maniwala ka sa’kin. Wag mo akong
hintaying magalit.”

“It’s just a small dinner, Zades. I won’t plan a big debut party for you. You know,
dinner wi—“ I pinched his arm and he yelped in pain. “Fine,” he grunted bitterly.
Kinuha niya ang iPad niya at may kung anong binasa don. “I just want you to have a
nice de—“

“I said drop it.”

“Pwedeng pwede ka maging principal sa sungit mo ngayon, Zades.”

“Don’t talk to me, Francisco.”

“Patty B.”

Pasalamat siya at may limang favorite Andreau Cortez modes ako. Yun na lang muna
ang iisipin ko at hindi ‘tong epal sa harapan ko.

xxx
JULY 15

Umasa pa akong papalagpasin ni Andreau ‘tong birthday issue ko. Sabi na nga ba,
ayaw niyang natatalo siya sa arguments! Gusto niya lagi siya ang may last say sa
lahat. Pag hindi pa siya naniwala na choleric siya, ewan ko na lang.

“I’m not opening that.”

Inusog ni Andreau ang isang rectangular box papunta sa direksyon ko. “Please. This
is just my birthday gift for you.” He looked at me expectantly and frowned. “Can
you please be a nice girl and accept the gift?”

“I am a woman now, Andreau,” I corrected, trying my best to avoid his gaze. Kinuha
ako ang phone ko at tinext si Kesh na kung pwedeng lakasan nang onti ang music dito
sa café para hindi ko na marinig ang boses nitong Francisco na ‘to. Ang reply niya?
Asa ka girl. Pero please lower your voices? Rinig namin kayo ni Sir TJ dito sa
likod.

Ugh, nakakahiya talaga!

“Eto naman! Ikaw na nga binibigyan ng rega—“

“Sinabi ko bang bigyan mo ako?”

“Eh ikaw? Sinabi ko bang bigyan mo ako ng regalo nung birthday ko ha? By the way, I
loved the mugs. Gamit ko ngayon yung Breaking Bad,” he remarked, smiling.

I smiled back for a second then frowned. “Wag mo ngang baligtarin ang usapan!
Hello, may birthday party ka! Ako wala! So what’s the point of giving me a gift?”

“Because.. you celebrated your birthday!” he said through clenched teeth. Okay
Zades, malapit na atang maging Angry Andreau ang Persistent Andreau mo. “Why can’t
you just accept it?”

Tinitigan ko ang box na nasa harapan ko. Ano naman kaya ‘to? Jewelry? Pera?
Malamang bubuksan ko pa ‘to bago ako patahimikin ng kaluluwa niya. Kaasar. “Okay
fine. Pag hindi ko nagustuhan, ibabalik ko sa’yo ‘to ha?”

Ngiting tagumpay na naman ‘tong epal na ‘to. “I bet you won’t return that one.”

“Wow, confident ka masyado! Give me a reason why I should open this gift.”

He was about to say something but decided against it. Ano kaya yun? Hmm. “I’m not
falling for that again. It’s your birthday. And birthday celebrants deserve gifts.”

Hah, ayaw talaga niya patalo ha. “Okay fine. I could do this all night, Andreau. I
won’t budge.”

Then he did the impossible. Andreau pouted. “Please, Zades? I really had a hard
time finding that gift for you. Please accept it?” Akala ko wala nang mas titindi
pa pout niya. Meron pa pala. Nagbeautiful eyes pa ang bwiset sa harapan ko.
“Please?”

Oh dear God. Is he for real? Did he just do that? Tell me, how am I suppose to
recover from that? Sometimes his unguarded reactions amaze and creep me out at the
same time. Lalo na yan!

“Uhh.. f-fine. I-if you insist.” I picked up the gift and tore the wrapper. Mas
excited pa nga siya kesa sa’kin. Chant siya nang chant ng openitopenitopenit! “Oh
my God. I-I ca—“

He held up his hands and smirked at me. “No, you can’t return that. Binuksan mo
na!”

“Bu-but.. I ca—“

“Come on, Zades! That’s a nice gift! I know you like them...”

My god. He just gave me a set of expensive brown pens. Ito yung pens na nakikita ko
sa glass cases sa bookstores na hanggang tingin na lang ako. Well, ba’t nga naman
ako gagastos ng almost a thousand pesos para sa mga ballpen, di ba?

He just gave me these pens. And what did I give him? Stupid and cheap mugs.

“God.. I..” I looked at him, completely overwhelmed. “T-thank you. Pero..


nakakapanghinayang gamitin ‘to!”

He looked up at me quickly and smiled softly. “What did I say? Hindi mo talaga
maibabalik yang regalo ko. Come on, try it. You can add those to your ballpen
rotation or something.”

Natandaan pa niya yung ballpen rotation shit ko? Eh nung Pasko ko pa sinabi sa
kanya yun ah! Andreau Cortez is really a constant surprise. I decided to let that
slide, baka kung saan pa mapunta ang usapan namin dito. I opened my notebook and
wrote my full name on it. “Hah! Well look at that, mas gumanda lalo sulat ko! See?”
I proudly showed him my handwriting. Maganda naman talaga ang sulat ko, gusto ko
lang purihin ni Andreau. Ego boost ba.

“Hmm.. yeah, mas umayos nga sulat mo,” he commented. “So.. okay na ha?”
“Yeah. I love this gift. Thank you so much, Andreau.”

We stared at one another, smiling. And for a second, a fraction of a second, I


thought I might kiss him. God, he just gave me pens (expensive pens!) tapos..
naisip ko yun? Kailangan ko na ata ng intervention!

“Okay guys, magsasakalan na ba kayo or what?” Kesh suddenly cut in coolly. Agad
akong umiwas ng tingin sa kanya. “Is this not a good time? Kanina pa kasi kayo nag-
aaway dito..” her voice trailed off as Andreau cleared his throat. “Everything
okay?”

“Oo naman girl, we’re good. I’m sorry kung mai— what the hell’s that?” tinuro ko
ang hawak niyang wooden stick. That looked familiar.. “Oh god. Nakita na ba ni Sir
TJ yang mop!? Sabi ko sa’yo ita—“

Kesh threw back her head and laughed at my panicked state. Last year ko pa nasira
yung mop na yun at tinago namin sa likuran ng café. Akala ko pa naman tinapon na
niya or something! “Re-relax lang girl! This is really safe. Hindi naman napansin
ni Sir TJ na nawawala yung mop. You know him.”

“Para san yan?” Andreau asked her simply, pointing out the stick she’s holding.

“Ah eto ba? This is a listening stick,” Kesh answered easily, not missing a beat.
Andreau and I frowned in confusion so she explained. “Ah. You see, kanina ko..
well, lahat kami dito sa café.. kanina pa namin napapansin na nag-aaway at—“

“We’re not fighting,” I interjected, which surprised them both. “We’re discussing.”

Napailing si Andreau sa sinabi ko. “Actually Zades, medyo nag-aaway na tayo kanina.
Ayaw mong tanggapin yung regalo ko sa’yo.”

Napangiti si Kesh sa sinabi ni Andreau, but the guy’s so oblivious. “Oh.. so medyo
nag-aaway kayo, huh? Close enough. That’s why.. ibibigay ko sa inyo ‘to.” Inabot
sa’kin ni Kesh ang wooden stick na hawak niya pero di ko kinuha. “Hoy Scheherazade
wag ka ngang maarte dyan! Ikaw nga sumira nitong mop!”

Inagaw ko na sa kanya ang stick bago pa rehash niya ang buong kwento kay Andreau.
“So.. anong ganap nito, Keisha? Anong gagawin namin dito?”

Umupo siya sa tabi ni Andreau and oh.. that look on her face. Her eyes squinted at
us as if we’re her patients. Eto ang psych face ni Kesh. “You see.. that stick will
help you improve your relationship. That,” tinuro niya ang stick, “is a listening
stick. Eto ang magiging medium niyong dalawa para makapag-usap kayo without any
pretenses or complications.”
Andreau and I exchanged glances then turned our attention to this pseudo-
psychologist. “Uhmm. What?” sabay naming sabi.

Ignoring our question, she continued. “Using this is very easy. Kunwari may
problema kayong dalawa, then gusto niyong maresolve. One of you must hold the stick
and explain his or her side. Kung sino lang ang may hawak ng stick ang pwedeng
magsalita. Pag nasabi na niya lahat ng gusto niyang sabihin, na dapat seryoso at
totoo, ibibigay niya sa kausap yung stick para magbigay ng truthful feedback. This
listening stick could serve as a channel for you guys to communicate well. Para
magkarinigan at magkaintindihan kayo ng mas maayos. Gets niyo ba?”

Both of us nodded dumbly at her lecture. Shit, wala akong naintindihan sa sinabi
niya! Anong magagawa ng isang stick (na part dati ng isang maruming mop) para
maayos ang usapan namin? And bakit namin kailangan ni Andreau nito?

Andreau cleared his throat harshly this time. “Uhmm Kesh.. have you been reading
couples’ therapy experiments?” he inquired  politely as he ran his hand through his
hair.

Kesh seemed both surprised and pleased at Andreau’s question. “Ah yes. May nabasa
kasi akong stu—

“What the hell!?” my head snapped at her direction. “Kesh we’re not a couple! Ba’t
mo kami ginagamitan ng couples’ therapy shit? Gusto mo ba kaming matsismis dito!?”
Okay I didn’t mean to implode like that pero.. my god. Hindi ko talaga trip ‘tong
mga social experiment ni Kesh!

Andreau forced a smile and said, “Kalma, Zades. We do this, too.”

“Saan naman, ha?”

“Sa.. mga workshop namin. Trust exercises, the likes.” Ugh, the mental image of
Andreau, Jillian and this stupid listening stick irritated me. Talaga bang trust
exercise ‘to? Ba’t namin kailangan nito?

“Zades medyo kailangan niyo ni Andreau ‘to, believe me,” Kesh blurted out,
answering my unspoken question. “Gumagawa kayo ng script, right? And magkaiba pa
kayo ng perspective. I bet marami kayong hindi pinagkakasundua—“

“No, okay naman kami ni Andreau. Di ba?” pinandilatan ko si Andreau pero umiling
siya. “What? We’re okay! Lagi nga tayong nagcocompromise!”

“Yeah, pero ang dami mo pa ring side comments, Zades. And that’s not very
truthful.”

Jusko, masama ito. Pwedeng gamitin ni Andreau sa’kin ‘tong stick para mapaamin ako
sa kung anu-anong bagay. Ilang beses na akong nagsisinungaling sa kanya at nagi-
guilty na ako. Hindi pwede ‘to!

“I do—“

Inagaw sa’kin ni Andreau ang listening stick at inexamine yon. “Hmmm.. this could
help us. Thanks, Kesh.”

Kesh clapped her hands in victory and chuckled. “Yey! Thanks for being such a great
sport, Andreau. Bayaan mo na yang si Zades, she’ll get by.”

“Ewan ko sa inyong dalawa! Pwe!” tinawanan na lang nila ako. What the hell? Dati
ginawa akong lab rat ni Andreau. Tapos ngayon naman si Kesh? Ba’t ba ako
nakikihalubilo sa mga taong ‘to?

“Uhm Kesh?” pahabol ni Andreau bago umalis si Kesh sa table namin. “If ever hindi
makikicooperate si Zade, pwede ko ba siyang paluin nitong stick?” Todo tango naman
ang roommate ko sa tanong na yun.

Unbelievable.

xxx

JULY 17

Usually wala kaming meeting ni Andreau pag Saturday. Hello, nakakaumay namang
makita siya four to five times a week! Natapos na namin kahapon ang first sequence
treatment ng script niya at parehas kaming nagandahan sa output namin. Kaya nga
nagtataka ako nang nakareceive ako ng text from him, saying na pumunta raw ako sa
condo niya ng bandang hapon. Tinanong ko kung bakit at anong sagot niya? Script
related. Don’t worry.

Ayan tayo sa don’t worry na yan eh, mas kinakabahan ako. Feeling ko talaga may
pakulo pa siya. First time niya akong sinundo sa lobby ng Skyline at.. iba yung
ngiti niya. Parang.. may something siyang tinatago. Sa elevator pangiti-ngiti siya
na parang baliw. Hindi naman niya ako kinakausap! Natuluyan na ata si Andreau
Cortez sa mental. Tsk.

“Are you hiding something from me?” I asked him as we got out of the elevator.

He suddenly became serious. Hah, huli ka na, Francisco. “Huh? Nothing. Kulang ka
ata sa tulog, Zades. Ang lala na ng eyebags mo.” Mas binilisan niya ang paglalakad
para mauna siya sa’kin.

Letting that snarky comment slide, I continued. “Really? Have you heard the word
binnenpretje, Andreau?”
He gave me a look of irritation, a signal na hindi niya alam ang pinagsasabi ko.
“You’re inventing words again.”

“I told you, hindi ako nag-iimbento! Binnenpretje is a Dutch word. I’m not Dutch,
how could I i—“

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa’kin. “Aba malay ko ba! Pwedeng-pwede kang
mag-imbento ng kung anu-anong words gamit ang letters. Malay ko ba.”

“It’s a Dutch noun,” I explained patiently, “meaning the amusement felt upon
thinking about something funny that one often starts smiling or giggling all by
himself, but it can’t be shared with others for some reason. In short, para kang
tanga.”

Sinamaan niya ako ng tingin. “Dutch noun ka pang nalalaman dyan, may tagalog
translation naman pala.”

“It’s not the direct translation. Dinescribe ko lang in layman terms ang
binnenpretje. That’s for your own benefit, you know.”

He walked towards his unit’s door, opened it and showed me in. I immediately
surveyed inside, baka mamaya may surprise siya sa’kin. Hmm.. everything looked
normal. Walang balloons, party poppers o kahit anong regalo. Masyado ata akong
paranoid lately!

“O, okay ka lang?” di ko napansin na papunta na si Andreau sa kitchen niya at ako


nakatanga pa rin sa may pinto. “Gusto mo ng Pepsi? Or iced tea?”

Wala naman pala akong dapat ipag-alala dito eh! Baka nga tungkol sa script ang pag-
uusapan namin ngayon. Nilapag ko ang backpack ko sa sofa at sinundan siya sa
kitchen nang..

“What the hell, Andreau!?”

I knew it! Sabi na nga ba may surprise sa’kin ‘tong si Francisco! Sa kitchen
counter niya.. nakapatong ang isang malaking box ng pizza. As in, malaki. Ayon sa
box, 36 inch pizza.

My god.

“Bakit?” tanong niya sa’kin nang makabalik siya sa may kitchen counter. Nilapag
niya ang isang pitcher ng iced tea, dalawang plato at mga baso sa table at humila
ng upuan. “Tara kain!”

“Andreau..” I said in a lowered voice. “You tricked me! I told you.. I won’t go on
a date with you!”

He stared at me weirdly before replying. “Hah? Anong pinagsasabi mo dyan?”

Ugh I want to strike his stubborn head so bad! Medyo lumayo ako sa kanya, baka
magawa ko pa eh. “Di ba napag-usapan na natin ‘to? No dates, only fika. This is a
pizza date. I said no to that, right?”

Andreau nodded at me, and I’m not sure kung bakit niya ginawa yun. “Well you’re
wrong. This isn’t a date, Zades. Calm down.”

“Eh ano ‘to?”

“Pwede bang umupo ka muna? Please?” At dahil hindi siya magpapaliwanag hangga’t di
ako umuupo, sumunod na ako. “Since it’s still your bir—“

“Last week pa yung birthday ko! Tapos na yon!”

“Wala pang one week! It’s still your birth week!”

“Really? Lahat na lang hahanapan mo ng lusot?”

Andreau sighed and got something from his back pocket. Hawak niya ang dalawang
kandila na hugis 1 at 8. “See? This isn’t a date!”

“Bakit may ganyan kang kandila!? Anong gagawin mo dyan?” I watched him as he opened
the pizza box and placed the candles in the middle of the Hawaiian pizza. Maya-maya
sinindihan niya yon.

“Can’t you see? It’s your pizza birthday cake!” he exclaimed excitedly, with
matching hand gestures pa. “See? Brilliant, huh?”

What. Bumili siya ng isang malaking pizza, sobrang laking pizza para maging.. cake?

At.. birthday cake ko raw?

“A-andreau.. Cakes are supposed to be sweet, fluffy a—“

“Mas okay naman ‘to kesa sa sweet cakes, di ba? Tell me, may kakilala ka bang
nagkaron ng pizza cake? Wala, di ba? Ayaw mo nun, ikaw ang unang nagkaron ng pizza
birthday cake?”

Bakit ba siya.. tuwang-tuwa dito sa cake na ‘to? At gumastos pa siya para sa’kin!
Nakakahiya! Feeling ko talaga ginagawa niya ‘to para ipamukha sa’kin na hindi niya
nagustuhan ang mugs na regalo ko!

“Uy dalian mo!” siniko pa niya ako. “Matutunaw na yung candles!”

Paano ba ako dapat magrespond dito? Sa totoo lang.. hindi talaga ako nagcecelebrate
ng birthdays.. lalo na after mamatay ni Tata Greg. For me, para lang sa mga bata
ang birthday celebrations. Naghahanda naman kami ng kaunti pag birthday sa San
Ignacio kaso.. hindi ganitong ka-big deal yon sa’min. Okay na sa’min ang konting
inihaw na isda, kamatis, dilis at bagoong. Birthday food na sa’min yon!

Tapos ito.. my god.

“Z-zades? Okay ka lang?”

Tumingala ako saglit para mapigil kahit paano yung luha ko. Ang bait ni Andreau
sa’kin, nakakainis na! “Uh.. yeah. Wait lang ha. Naoverwhelm kasi ako dito.”

“Wait lang din! May nakalimutan ako!” kumaripas siya ng takbo papunta sa kwarto
niya at bumalik sa table dala ang ukulele niya. “Hindi kumpleto pag walang Happy
Birthday song!”

“W-what? That’s ridiculous! You can’t sing.”

Medyo nahurt siya sa sinabi ko. “Thanks ha. Kaya nga dinala ko ‘to eh. Ikaw na lang
kumanta!”

“I don’t sing!”

“Nakita kitang kumanta nung birthday ko!”

“Hah hindi ako kumanta nun noh. Watermelon lang sinasabi ko habang kumakanta sila.
Effective, di ba?”

Ayaw na niyang pahabain ang usapan kaya tumugtog na siya ng Happy Birthday sa
ukulele niya. “Kanta na, dali! Matutunaw na yung candles!”

Wala rin akong mapapala kung aawyin ko pa siya. Kahit pangit din ang boses ko (pero
di hamak mas maayos kesa sa kanya), kumanta na rin ako ng Happy Birthday. He tried
his best not to sing along with me, maybe takot na siyang mapahiya sa’kin.

Happy birthday to me

Happy birthday to me
Happy birthday happy birthday..

Happy birthday to me!

“Happy birthday, Zade!” sigaw niya sabay palakpak. “Blow your candles! Come on!”

Kailangan pa ba? Tapatan ko na lang kaya ng electric fan ‘to? Again, wala akong
mapapala kung mag-aaway kami ni Andreau. I leaned forward and blew the candles. In
fairness, medyo magaan sa pakiramdam ha.

Wala nang nagsalita sa’min habang kumakain. Mas comfortable na ‘tong silence na ‘to
compared sa mga nauna. Hindi na namin kailangang mag-open up ng kung anu-anong
topic para may mapag-usapan lang.

“How did you know na Hawaiian pizza ang favorite ko?” tanong ko sa kanya habang
kumukuha siya ng pang-apat na slice ng pizza. Actually gusto ko talagang itanong
kung kaming dalawa lang ba ang kakain nito. Iiyak ako pag oo ang sagot niya.

“Hmm.. observation. Pag nagdadala ako kina Tristan ng pizza, I observed na mas
marami kang kinakain na Hawaiian kesa sa meatlovers. Ayun.”

Oh. Napansin pala niya yon? Ako nga hindi eh. Ayoko lang na maraming toppings ang
pizza ko kaya Hawaiian ang kinukuha ko. “Ah talaga. Good observation skills ha.”

“Pero I really don’t get it. Gusto mo ng Hawaiian pizza pero tinatanggal mo yung
mga pineapple?” tinuro niya ang kumpol ng pineapple chunks sa plato ko. “Sana ham
and cheese na lang or something, di ba?”

I shrugged. Ilang beses ko na ‘tong ineexplain sa mga tao. “Gusto ko lang yung lasa
ng pineapple pero ayokong kumakain non. Gets?”

“Fine. I just find it weird. That’s all.”

Minutes (and seven slices of pizza) later.. hindi ko na kinaya. “Andreau.. can I
confess something?”

Saglit siyang naalarma sa sinabi ko. “W-what?”

“You see..” shit Zade wag ka nang mahiya. Ngayon ka pa tinamaan ha! “Ano.. I’ve
always wanted this.”

“This?”
“This.. pizza cake. Hindi ko lang sinasabi sa iba kasi.. you know, it’s weird. Sino
bang matinong tao ang gagawing cake ang pizza, di ba?”

Andreau stopped eating and smirked at me. “Sino bang nagsabing matino tayo?”

“Funny.” Okay wag kang ganyan gumagwapo ka lalo sa pa— Focus sa pizza story, Zades!
“Pero.. thank you so much for this. Nakakahiya tuloy, mug lang binigay ko sa’yo.”

“I told you, I loved the mugs! Don’t worry about it.”

“You’re just being polite.”

“Zade.. come on. Believe me, I really appreciate the mugs!” pinandilatan na niya
ako. Fine, ang creepy non.

“Okay. I’ll keep that in mind. Pero.. this idea’s great! Next year ano kayang
pwedeng maging cake. Hmm.. aha! Meatloaf cake!”

Nasamid si Andreau sa sinabi ko. “Yuck! Ba’t naman meatloaf?”

“I like meatloaf.”

“Still, it’s gross. Think of something else.”

“Hmm.. oh! Bagels! Or donuts! I would love to have donut cakes for 19th birthday!”

He gave me an amused smile. “You love donuts, too?”

“Duh, who hates donuts anyway? Donuts are awesome!” I replied excitedly. “Ayos yun,
di ba? 19 donuts tapos may tig-iisang candles. My god is it bad na naeexcite na ako
for the donut cakes?”

Tinawanan ako ni Andreau at napailing siya. “Hindi naman. Naku, nagiging choleric
ka na rin, Zades. You’re planning ahead!”

“Excuse me, hindi ako choleric ano. Sanguine ako! Next time nga paalala mo sa’kin,
dadalhin ko yung personality test na pinasagutan sa’kin ni Kesh. Para maniwala ka
na choleric ka talaga!”

“Fine, I’ll take that stupid test para matigil ka na dyan sa kakacholeric mo,” he
said smugly, stressing the word stupid. Sisisguraduhin kong mapapahiya sa’kin si
Andreau Cortez! He’ll see!
Napunta ang usapan namin sa script, actors na pwedeng gumanap (inunahan ko na siya
na ayaw ko kay Jillian as Tila) at ang future locations. Inayos din namin ang list
ng possible sponsors for the production since hindi kakayanin ni Andreau lahat ng
gastos for his thesis. Sus, kayang-kaya naman niya talaga eh. Sa dami ng
endorsements niya noh!

Kaso.. nadidistract ako sa mga mata niya. May something siyang tinitignan sa table.
At first akala ko binabantayan niya kung nilalangaw ang pizza pero hindi naman.
Nang sundan ko ang tingin niya..

“Andreau?”

“Hmm?”

“Gusto mo ba ng pineapple?”

Agad siyang umiwas ng tingin at kumuha ng iced tea. “H-ha? Hindi naman. Why?”

“Eh kasi.. kanina mo pa tinitingnan yung pineapple chunks sa plato ko. Do you want
them?”

“What? No. Okay na ako dito.”

“Really?” I pressed on. “Okay then. I’m done eating. Itata—“ patayo na sana ako
nang pigilan niya ako.

“Okay fine. I like pineapples!” he muttered sheepishly, eyes still avoiding me.
“Actually.. it really irks me when you don’t eat those chunks. Nakakapanghinayang,
alam mo yun?”

Wow. Hello there, Adorable PG Andreau! Nice meeting you! Inusog ko sa kanya ang
plato ko. “Here you go. You can have them,” I said encouragingly. He was about to
protest kaya nilagay ko sa plato niya yung chunks. “Sayang yung chunks, remember?
Kainin mo na lang. I don’t like them anyway.”

Nahihiya pa siyang kainin yung pineapple chunks kaya iniwan ko muna siya saglit sa
table. Pumunta ako sa may ref para kumuha ng tubig nang may mapansin ako sa may
cupboard niya.

Yung tatlong mug na regalo ko.

So he really loved the mugs, huh. Sige na, naniniwala na ako.

“Hey Zades?” sabi niya sa’kin pagkabalik ko sa table. “Next time may sistema na
tayo pag may pizza ha? I’ll still order Hawaiian pero ibibigay mo sa’kin yung
pineapple chunks okay? Provided na hindi mo pa nalalawayan.”

“What?” sinamaan ko siya ng tingin. “Siraulo ka ba! Malamang hindi ko lalawayan


yan. Di ako kadiri ano!”

“Naninigurado lang! Don’t be mad. It’s still your birthday week!”

“Talagang gagamitin mo yan hanggang bukas ano?” He nodded at me, smirking. “Fine.
Hanggang bukas lang naman eh.”

To be honest, this is the best birthday week I’ve ever had. Thanks to him.

-A&Z-

=================

[22] Chismis Squad Item #4025

Chapter 22: Chismis Squad Item #4025

Kesh once told me na isa sa qualities ng isang sanguine ay ang hogs limelight.
Siguro ganun nga ang ibang sanguine, but spare me from that. Oo, prangka at makapal
ang mukha ko pero ayoko talaga ng attention. Sa mga group presentation nga lagi ako
ang taga-research at taga-gawa ng powerpoint tapos yung groupmates ko ang
reporters. Wala naman akong stage fright or what, ayoko lang talaga na tinitingnan
ako.

So.. imagine my surprise nang pumasok ako sa klase ko, one Tuesday afternoon na
pinagtitinginan ako ng ilang classmates ko.

It was so.. weird. Last week naman okay kami. Kinantahan nila ako ng Happy Birthday
tapos may nagbigay sa’kin ng Cloud 9. After that, wala na. Pero.. ano kayang meron?
Ilang beses nga ako nilingon nung dalawang babae sa unahan kanina, may bulungan
pang nalalaman. So.. big news na pala ngayon ang birthday ko? Mga two weeks late
lang mga teh? Pati yung prof namin, todo ngiti sa’kin. May pahabol pa ngang goodbye
eh!

What on earth’s happening?

Wala naman akong dumi sa mukha. Di naman inside-out ang shirt na suot ko. Nagsuklay
at naligo naman ako. Ba’t nila ako pinagtitinginan? Mas gumanda ba ako after ng
birthday ko? Ba’t di ko naman feel?
“Uhmm.. Ate Zade?” a person called me out bago pa ako makalabas ng classroom. Akala
ko ako na pinakahuling tao na aalis dito, hindi pala. Nilapitan ako ni Delle, isang
freshman Sports Science major na groupmate ko sa class. Wow, nakakagulat. Hindi nga
niya ako masyadong kinakausap eh. What gives?

Umupo ako sa monobloc na katabi ng pinto. “O bakit? May problema ba?”

Sumilip pa siya sa labas ng classroom bago siya umupo sa armchair sa harapan ko.
“Ate.. nag-online po ba kayo recently?”

Wow ha, super weird question. Hindi naman talaga ako pala-online eh, lalo na ngayon
na busy ako. “Uhmm.. hindi eh. Bakit? Wala namang pinost si Sir na bonus question
sa FB group natin ah?”

“Naku ate please.. mag-online agad kayo, okay?” halos bumulong na sa’kin si Delle.
“Check niyo yung Chismis Squad page.”

Chismis Squad? Okay, weird alert. Ba’t ko naman icheche—

Oh god. May chismis na naman ba about kay Andreau? May kumalat na naman bang
picture niya at ng rumoured boyfriend niya? Akala ko ba tapos na ang deal nila ng
management? Grabe, sobrang below the belt na ‘to!

And kung may ganitong issue nga.. bakit walang sinasabi sa’kin si Andreau?
Magkasama naman kami kagabi ah! What’s going on?

xxx

Kesh? Online ka ba?

Yup. Why?

Check mo nga yung Chismis Squad page.

Y?

Wag ka pahuli kay Sir TJ ah. Basta. Baka may blind item si Andreau. May kumausap
sa’kin na classmate kanina.
...

...

Kesh? Nahuli ka ni Sir TJ?

...

...

GET YOUR ASS HERE RIGHT NOW

Ha? Bakit? Mapapaphotocopy pa ako!

Pascual, pumunta ka na lang.

Okay. 10 minutes.

xxx

Mukhang problemado si Kesh nang makarating ako sa café. 30 minutes na lang bago ang
shift niya pero hindi pa rin siya nagreready. Nakatulala siya sa laptop niya and
she’s sporting her what the hell’s going on I’m gonna analyze this shit face. Uh
oh, this is bad. Is Andreau in trouble? Naku, nakakatakot pa naman si Kesh pag
kumukulo ang dugong Dreauster niya!

“Uy Kesh ba—“ hindi pa ako tapos magsalita nang iharap niya sa’kin ang laptop niya.
“Anong mer— oh god.”

Lumuhod pa ako sa harapan ng laptop para makasigurado kung tama ba ang nababasa ko.
No, this is wrong. My god.

Kay Andreau nga ang post sa Chismis Squad.. pero hindi siya ang bida.
Item #4025: Question: Is She Andreau Cortez’s Secret Girlfriend?

Kakapost lang  nito kahapon, saktong kakauwi ko lang galing sa meeting namin ni
Andreau. Grabe, ang bilis naman kumalat ng balita! At dito pa sa campus ha! Akala
ko pa naman wala silang pakialam sa mga chismis.

Secret.. girlfriend? Si Andreau? Kelan pa? Yung totoo.. tinago niya sa’kin ‘to? Is
this Sarah? Or some other girl na kinikita niya after ng meetings namin? Zades..
calm down. Chismis site ‘tong tinitingnan mo. Malaki ang possibility na hindi totoo
ang mga nakalagay dyan.

Pero.. secret girlfriend? Aray ha, hindi man lang nagsabi sa’kin si Andreau na
meron pala siyang ganun.

“Scroll down mo, girl. Wag mo lang tingnan yung comments,” sabi ni Kesh. Lalo akong
kinabahan. Anong meron sa comments?

Bahala na, Zades. Tingnan mo na lang ‘tong kalokohan na ‘to.

Triple shit. Totoo ba ‘to?

Ako.. yung nasa blind item?

My god. Ang.. creepy. Sobra. May nakalagay na disclaimer na pinadala raw ng isang
avid Dreauster sa ChisSqua (yeah, ang arte ng nickname nila) para raw tulungan si
Ate na malaman ang katotohanan. Yeah right, katotohanan your face!

Nagsend siya sa ChisSqua ng pictures namin ni Andreau. Unbelievable. Gumawa pa


talaga siya ng timeline ha!

Hello co-Dreausters! Gusto ko lang humingi ng tulong sa inyo. Gusto ko lang kasi
malaman ang katotohanan. Super kaduper avid Dreauster ako (omg hail King
Andreau!!!!!! yum.) Yung pinsan ko kasi nag-aaral sa school ni Dreau and nakikita
niya na laging may kasama siyang girl.  IDK kung anong isasagot sa kanya kaya I did
my research. I made a timeline based sa photos nilang dalawa. Do you know who she
is? One year na kasi silang magkasama ni Dreau eh. At sabi ng pinsan ko ang sweet
daw nilang dalawa. Please help me? Alam kong curious din kayo!

1.    Last year, April. First spotted si Andreau and the mystery girl sa San
Ignacio for Dagat ng Buhay.
(Okay hindi ko kinaya kung saan niya nakuha ‘tong group shot namin! Eto yung kuha
habang naglalakad kami sa may dalampasigan! And hello, nasa magkabilang dulo kami
ni Andreau!)

2.    New Year, sa San Ignacio ulit. See, nakaakbay si Andreau sa kanya? Kina
Jillian at Sarah nga di siya umaakbay! And mukhang close rin sila nina Marisse
Valerio and Tristan!

(Dear god ba’t ganito siya? Collage naman ‘to ng New Year pictures namin. So what
kung nakaakbay sa’kin si Andreau? Eh sa malamig nung New Year eh! Yung ibang photos
galing sa PAs and sa Instagram ni Ms. Marisse. Pero yung magkaakbay photo namin..
di ko alam kung sino kumuha non!)

3.    February, Valentine’s Party. She’s also friends with Roldan Del Rosario and
Lean Abarquez (varsity player)!

(Di niya gets yung color coding! Parehas kaming nakablue ni Andreau hello! Ugh
kasalanan ‘to ni Roldan eh, sabi nang wag ipost ‘to sa Instagram niya!)

4.    April, Wanderlust Holy Week Special in Coron, Palawan. Kasama si Mystery Girl
sa trip!

(Eto talaga yun eh. May screenshots pa siya nung mismong episode ng Wanderlust na
kinuha niya from Youtube! Group photo with the resort’s staff lang naman ‘to and
magkalayo kami ni Andreau sa picture. Hah, nasa camera ni Big Boss ang pictures
naming dalawa, girl.)

5.    June 20, Andreau’s 21st birthday @ Prive. See this? THE HUG!!!!!!!!!
OMG!!!!!!! Kuha ‘to ng friend ko na member ng Dreausters Official! Ayaw niya sanang
ipakita ‘to pero.. my god nakakacurious!!!

(Who the hell took this picture!? ANG CREEPY NA TALAGA HA. Wala naman masyadong tao
dun sa lobby ah! Side view pa ang kuha kaya medyo kita ang mukha ko. Medyo mahigpit
pala talaga yung yakap ko sa kanya ha. Akala ko imagination ko lang yon!)

6.    Spotted: Café Feliz. Lagi raw silang nandito sabi ng pinsan ko. I mean, halos
araw-araw! Ang sweet nga raw nila dito eh!!

(Hindi kaya si Sir TJ ‘tong sinasabi niyang pinsan OR mismong nagpadala ng pictures
na ‘to? Ang creepy nung shot ha. Stalker extraordinaire ata ang kumuha nito. Tamang
distance lang mula sa table namin ni Andreau. So totoo nga.. para nga kaming may
sariling mundo ni Andreau dito sa café! Kakahiya!)

7.    And ang latest.. just this Sunday! From Mars Chua’s Instagram: “Happy 18th
birthday, Z! <3” Intimate dinner with Andreau and his family! Oha!!!

(My god, Mars! Pinost pala niya ‘to!? Ugh. Since madaldal si Andreau, sinabi niya
kay Ms. Marisse na hindi ako nagcelebrate ng debut ko kaya ayun.. napilit nila ako
sa isang birthday dinner sa isang pang-yamings na restaurant. Kasama namin sina
Roldan at Kesh last Sunday. God.. magkatabi nga kami ni Andreau dito sa photo na
‘to. Pero hello wala namang something something!!!!)

See, guys? Ang daming evidence! Sino kaya siya? Sana naman may makapagsabi sa’kin
kung sino siya. I’m dying to know! Ayaw naman nating mapunta ang King Andreau natin
sa kung sino lang, right? I’ll be waiting for your answers! Thanks, Chismis Squad!

That bitch. Masakit yung kung sino lang ha!

Bakit.. ang big deal sa kanila nito? Kahit public figure si Andreau, medyo invasion
of privacy ‘tong pictures na ‘to. Ngayon lang ako natakot nang ganito sa buong
buhay ko. Ibang klase rin talaga ang nagagawa ng pagiging fangirl, ano? Isang
search mo lang sa internet, marami ka nang malalaman. At bahala na sila sa
pagbibigay ng meaning sa kung anumang mareresearch nila.

Wala pa sa kalahati ang scrollbar ng browser, so it means ang dami pang kasunod
nito. I was about to scroll down some more when Kesh grabbed my right wrist.
“Girl.. wag na,” she insisted. Ginamitan pa niya ako ng scary eyes niya. “Please..
hanggang dyan na lang sa photos.”

Bakit? Ano bang meron sa comments ha?”

She bit her lip before answering. “Zades.. harsh yung comments nila about the post.
I don’t think you can handle it very well.”

“I don’t care,” kinurot ko yung kamay niya para bitawan niya ako. “Matanda na ako,
Kesh. And hello, hindi naman talaga ako secret girlfriend ni Andreau!” Medyo
napalakas ata ang sabi ko nun, napatingin kasi yung nasa kabilang table. Hah, at
least klaro na yung issue sa kanya kahit hindi pa niya alam!

“Zades.. pl—“

Bahala na, babasahin ko na lang. Masaktan na kung masaktan, hindi naman talaga ako
girlfriend ni Andreau Cortez.

Umabot na sa 300+ comments ang post na ‘to, as expected sa Dreausters na handang


ipaglaban na single ang idol nila. Unang comment palang.. sapul na ako.

·         Sus. Girlfriend? Publicity stunt. Bading naman yang si Andreau! Cover up
lang yan. Poor girl.

·         Girl friend lang siguro. Bet ko sila pa rin ng bestfriend niya.

·         Sobrang scary ng post na ‘to, CS. Nasa katinuan pa ba yung sender? And so
what if may girlfriend si Andreau? Nananahimik na nga yung tao!

·         Fantard alert! Di naman girlfriend yan. Obvious na paminta yang idol
niyo!

·         Pake niyo ba kung bading si Andreau? Mas mayaman at mas gwapo naman siya
kesa sa mga jewa niyo!

·         Si Zade Pascual yan. Friend siya nung ex-girlfriend ni Lean Abarquez.
Dunno kung paano sila naging close ni Andreau. Magkaiba sila ng course.

·         Baka taga San Ignacio si girl. Nandun siya lagi sa pictures eh

·         Saw them sa Café Feliz sa campus once. They look cute together.

·         Mas cute pa rin sina Sarah at Andreau!

·         No. Jildreau! For reals!

·         She’s not his girlfriend. Fan lang yan.

·         Fan pero laging kasama sa pix? Kulang sa tulog teh? Magkakilala yang
dalawa! Body language pa lang

·         Wow body language pala labanan dito. Dehins kami infoooorrrmed!

·         ^ fantard!

·         Zade Pascual. Classmate ko siya last sem pero di pa sila close ni Andreau
non. Tutor siya ni Tristan.

·         ^ true! Laging nasa Skyline yang girl. Akala nga namin girlfriend ‘to ni
A. Hinahatid pa kasi hanggang sa entrance!

·         This is definitely a publicity stunt! Hello, palaos na yang si Cortez!!!!


Ginamit lang naman niya si Sarah para mas sumikat pa!

·         Wow ang agang publicity stunt naman nito, LAST YEAR PA YUNG IBANG PIX
TEH. BASA BASA RIN PAG MAY TIME

·         Punta ka sa Ideal Vision, patingin ka na dun!


·         Mas maganda pa si Jillian kesa dito sa girl. JILDREAU 5EVER!

·         Tamuuuuhh!!! Di type ni Andreau mga ganyan! She’s too plain!!! #Jildreau

·         Sige pa sa hashtag magtetrend yan dito

·         They’re just friends. Kung meron ngang something.. pakialam ba natin? If
they’re happy.. bayaan na lang natin sila!

·         After niyang gamitin si Jillian para sumikat.. may secret girlfriend!?
Puksain!!!!

·         ^ Hoy Jillian matulog ka na. May taping ka pa bukas.

·         JILDREAU pa rin!

·         SARDREAU SARDREAU SARDREAU SARDREAU

·         Mas maappeal pa rin si Sarah. Sana sila na lang ni Andreau in real life,
nakakakilig kasi talaga sila sa Love Will Lead You Back!!!!!

·         Teh No Ordinary Love yung sa Sardreau. Jildreau yang LWLYB!

·         Ngek. Mema lang ate? Itulog mo na lang yan!!

·         In fairness ha, mukhang well-rested si Andreau sa photos. Lalo siyang


gumwapo!

·         Mygod the nerve of that girl! Kung makayakap kay A!!! Pag nakita ko yan
masasabunutan ko siya!!!!

·         Jillian tulog na. Papagalitan ka ni direk bukas sige

·         HAHAHAHAAHA BURN

·      Baka friends lang sila? Andreau strikes me as the no commitment type of guy.
Baka fling fling lang si girl. Sayang, they look cute together.

·         ^ agree ako dyan sis! Mukhang playboy na nasa loob ang kulo ‘tong si
Andreau eh.

·         Etong mga lintikang Dreausters na to! Nung iniissue na bading si Andreau,
nagalit kay Roldan. Tapos ngayon na babae na ang nalilink sa kanya, galit pa rin.
Anong sapak niyo?

·         AMIN LANG KASI SI ANDREAU!!! – ultimate Dreauster!!! <3

·         ^ kahit iparetoke mo pa buong katawan at pati kaluluwa mo wala kang pag-
asa kay Andreau ok

Hindi ko kinaya.

Wala pa yan sa kalahati ng comments. Mostly nag-away lang ang Jildreau at Sardreau
fans sa kung sino ang mas bagay kay Andreau. May ilan din na nakakatakot kasi alam
nila ang course ko at ilang facts about me. Seriously, sinearch nila ako sa
Facebook? Yun nga lang ang social network account ko at wala pa ngang laman yon.
San kaya nila nakuha yung iba?

This is.. very weird for me. Ayoko ng ganitong atensyon mula sa mga tao, lalo na
pag hindi naman totoo ang iniisip nila about me. Hello, hindi ako artista! Sa
comments maraming hindi naniniwala na girlfriend ako ni Andreau. Pero paano na yung
ibang tao? Lalo na sa mga taga-campus? Oh god, sina Ms. Marisse! What if isipin
nila na ginagamit ko lang sila for some publicity?

Triple shit.

Ang sakit palang majudge ng mga tao lalo na kung sobrang walang kwentang bagay lang
ang basis nila. Oo na, a picture is worth a thousand words blah blah. Pero hindi
kami ni Andreau. Imposibleng mangyari yon, okay? Sana makabuluhang bagay na lang
ang ginawa nila imbes na makipagchismisan dito sa website na ‘to.

Inagaw sa’kin ni Kesh ang laptop niya at sinarado ang browser. “Ano.. okay ka
lang?”

A measly Yeah became my reply. May sasabihin pa sana si Kesh kaso tinawag na siya
ni Sir TJ for her shift. She threw me her Mag-uusap tayo mamaya pag-uwi stare bago
niya ako iwan sa table.

Ano namang sasabihin ko sa kanya? Ni hindi ko nga alam kung anong dapat maramdaman
dito. Buti na lang talaga wala kaming meeting ni Andreau today, magwoworkout daw
kasi siya mamaya. Wala akong natanggap na text or tawag sa kanya today. Ginagawan
na kaya niya ng paraan yung issue? May gagawin naman kaya ang management niya? I
doubt that. Kung anu-ano nga ang pinapagawa nila sa artists nila.. simpleng chismis
pa kaya aayusin nila?

Baka nga sila pa may pakana nito eh.


God, kung anu-anong conspiracy shit ang naiimagine ko. This is not good.

xxx

True to her word, piniga ako ni Kesh pagkauwi niya sa dorm kagabi. Medyo nadistract
na nga ako from the issue, thanks to William Shakespeare’s Macbeth. Ayoko na sanang
pag-usapan kaso may rule nga ‘tong roommate ko na wag matutulog hangga’t hindi
nareresolve ang isang issue, or at least mapag-usapan man lang.

Wala na ako masyadong sinabi. The usual nagulat ako pero okay lang kasi hindi totoo
yung issue sa’min ni Andreau spiel ang sinabi ko. Thank God hindi na niya pina-
elaborate pa at pinabayaan na lang akong magpakalunod sa reading assignment ko.

School today was.. weirder. Mas kumalat yung chismis so pinagtitinginan ako ng mga
tao. Feeling ko nasa isa akong teen flick pag dumadaan ako sa hallway. May ilang
nagbubulungan, tumititingin.. the likes. Pati sa klase, may pasimpleng tumitingin
sa’kin. Nakakaconscious na ewan!

Paano pa kaya sina Andreau at Roldan nung mainit pa ang issue about them? Siguro
mas malala pa sa treatment sa’kin ng mga judgemental na ‘to. Hindi ko matanong si
Andreau about that issue, baka kasi magalit siya sa’kin at isiping nakikialam ako.
Next time na siguro pag sobrang close na kami. Hah, as if dadating kami sa ganung
point.

Malapit nang matapos ang araw pero hindi pa rin nagpaparamdam sa’kin si Andreau.
Ineexpect ko kasi na pupuntahan niya ako right after lumabas nitong issue. Kaso ni
text o tawag wala. Is he.. hiding from me? If that’s the case.. ang kapal ng mukha
niya! Ugh.

Nakatanggap ako ng text from Kesh bago matapos ang last class ko. Pinapapunta niya
ako sa café para tulungan siya. Weird, ba’t pa ako ang kailangan niya? Lalaki nga
yung pumalit sa’kin eh, crushable at pogi pa! Baka mamaya ploy lang ‘to ni Sir TJ
para paaminin ako sa real score namin ni Andreau. Konti na lang macoconvince na ako
na siya yung blind item sender sa Chismis Squad!

“Okay anong gagawin ko dito?” inabot sa’kin ni Kesh ang dalawang mabigat na garbage
bag. “Pinapunta mo ako dito para magtapon ng basura?”

Kesh rolled her eyes as she pushed me towards the café’s backdoor. “Ano ka ba girl,
busy ako. Pakitulungan na lang ako okay?”

“I don’t even work here!”


“Eh nung nandito ka tuwang-tuwa ka naman sa pagtatapon ng basura. Baka kasi namiss
mo lang.”

May sasabihin pa sana ako kaso tinulak na niya ako palabas ng café. “Hoy Keisha
masa—“

Something.. or someone caught my eye. Si Andreau.

“Oo na ilagay mo lang dyan sa tabi yang bags,” utos ni Kesh na parang di nakikita
si Andreau. “Dalian mo, overdue na yang basura na yan.”

What’s going on? Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Andreau at Kesh. Wow ha,
kunwari di nila nakikita ang isa’t isa! Kesh gave me one last push before closing
the door. Muntik pa akong masubsob sa basurahan!

“Zades, okay ka lang?” he asked with a concerned tone.

Aww.. paano ako magpapanggap na galit kung ganyan ang boses niya? I restrained
myself from looking at him, at tinuon ko na lang ang focus ko sa mga basura.
Basura, Zades. Basu—

“Zade.. ba’t nakatitig ka sa basura?”

Kaasar naman ‘to! Hindi makakuha ng hint! Wala ka nang kawala, Pascual. Kausapin mo
na si Andreau para matahimik ka na. Hinagis ko sa basurahan yung dalawang garbage
bag tsaka ko siya tiningnan.

“Tapos na klase mo?”

Nabigla ata siya sa tanong ko pero nakarecover kaagad siya. “Uh.. yeah. 4:30PM ang
labas ko pag Wednesdays, di ba? Nakalimutan mo na naman.” Oo nga pala, dapat
kabisado namin ang skeds ng isa’t isa. His rule, not mine.

Lumayo ako sa may basurahan at umupo dun sa mga lumang upuan sa tabi ng storage
room. Sumunod sa’kin si Andreau at umupo sa maliit na table sa kanan ko.
Nakakailang, nakatitig lang siya sa’kin, as if pinag-aaralan niya ako. Alam niya na
ayaw kong tinititigan ako. He’s doing this on purpose!

“Ano Zade..” “Wag mo nga akong titigan!” we both spoke at the same time. Ngayon
lang ‘to ulit nangyari, and the last time this happened.. awkward pa kaming dalawa.
So bumalik ulit kami sa dati? Unbelievable.

Andreau chuckled humorlessly. “Zade.. okay ka lang ba?”


“So every sentence na lang babanggitin mo pangalan ko?” I diverted the conversation
just to buy me some time. Anong isasagot ko sa tanong niya? Magsisinungaling ba ako
o hindi?

“Don’t change the subject. Alam kong.. nabasa mo na yung blind item. Kesh told me.”

Ah, the ever good friend! “Ang bilis naman nun. Alam mo bang pangarap talaga ni Ke
—“

“Scheherazade, talk to me.”

Muntik nang tumalon ang puso ko palabas ng ribcage ko. Shit, hindi ako prepared
dito. Kay Kesh kaya ko pang magsinungaling. Pero kay Andreau? Hindi ko kaya.
Nakokonsensya ako. Okay, ibang usapan yung sa kiss!

I glanced at him and smiled. “What do you want me to say?”

His eyes softened and he smiled back at me. “Are you okay?”

“I’m upset,” I finally admitted, even to myself. Kagabi ko pa iniisip na okay lang
ako pero.. hindi talaga. Sino bang magiging okay sa ganun?

Agad na lumipat si Andreau sa upuan na katabi ko. For a second there I thought he’s
going to hug me. Sumobra naman ata ang expectations ko. “I’m so sorry, Zades.
Sinabihan ko na sina Mars about this. Aayu—“

“Okay lang, Andreau. No need. “

Nanlaki ang mga mata niya. “What do you mean okay lang? You’re upset tapos okay
lang? Nagsisinungaling ka ba?”

“Hindi ako nagsisinungaling, okay?” mas lalo akong naaagit sa tingin niya sa’kin
eh! “I think wala nang magagawa sina Mars dito. Too late. Naipost na yung pictures
and stuff. Kahit ipabura pa sa Chismis Squad yung post.. I’m sure na-isave na ng
hardcore Dreausters mo ang pictures natin. At marami na ring nakakaalam ng pangalan
ko,” I cringed as I remembered someone dissed my name in one of the comments.
“Pwede bang.. pabayaan na lang natin ‘to?”

“No,” was his curt reply.

“Why?”

He ran his hand through his hair and tugged it lightly. Classic sign ng Frustrated
Andreau. “You’re clearly upset tapos.. pababayaan lang? What gives, Zades? Why are
you upset?”

Yan yung tanong na ayaw kong sagutin. May isasagot ako kaso nakakahiya! “Ayoko lang
kasi na pinag-uusapan ako. Buong araw.. kahit kahapon pa.. sa lahat ng klase ko..
may nakatingin sa’kin. You know how much I hate that, right? Ayun lang.” Nginitian
ko siya ulit, baka sakaling i-drop na niya ‘tong topic na ‘to kaso..

“Hindi lang yan yun, di ba? There’s more.”

God.. am I that transparent? Walang magagawa ang pagsisinungaling sa isang Andreau


Cortez, Zade. Umamin ka na. “Fine. There’s definitely more. Alam mo.. okay lang
sa’kin na may magstalk sa’kin eh. Pati yung pinagtitinginan ako, ayos lang. Pero
ang hindi ko talaga matanggap..”

“What?”

“A lot of people said na mas maganda si Jillian kesa sa’kin!”

Ito na talaga ang rurok ng kakapalan ng mukha ko. Sa lahat ng comments tungkol
sa’kin sa post na yon.. ayan talaga ang dinamdam ko. Mas maganda sa’kin si Jillian
Cabrera? Please lang ha! Kung nadiscover lang ako at naging artista, walang-wala sa
kagandahan ko yang babaeng yan! Ugh. Ang irrational ng dahilan ko pero..
nakakairita talaga!

Andreau just stared at me, as if nagjoke ako. Nang tinaasan ko siya ng kilay,
umayos siya. “You’re kidding, right?”

I could feel a blush creeping into my cheeks. Ba’t ngayon ko pa naiwan ang bag ko
kay Kesh? Pinulot ko yung karton sa upuan na katabi ko at pinantakip sa namumula
kong mukha. “I’m not kidding, okay? I’m not proud of it either,” I almost shouted
in embarrassment. “Yun talaga ang hindi ko matanggap, Andreau. It may sound silly
for you pero ibang atake sa’kin nun. Sige na, siya na ang artista blahblah pero
derma lang naman yon! I’ve seen her before photos!”

Akala ko magagalit sa’kin si Andreau pero.. halos himatayin na naman siya sa


kakatawa. Natumba pa nga ang upuan sa tabi niya! “T-talaga, Zades?” he managed to
say in between laughs. “Dahil lang.. don?”

“Ugh. Oo na! Alam ko namang maganda ako. Na mas maganda ako sa kanya. Tsaka you
told me I’m beautiful. Mas navalidate ang kagandahan ko dahil sa sinabi mo.”

Andreau stopped laughing and gaped at me for a second. May mali ba sa sinabi ko?
“Uh.. y-yeah, I said that,” sabi niya sabay iwas ng tingin sa’kin. “So.. yun lang
talaga? The other things.. okay lang sa’yo yun?”

I dramatically rolled my eyes at him. “Oo nga kasi. Eh sa hindi totoo yung rumor na
yun. Porke ba lagi tayong magkasama girlfriend mo na agad ako?”
“No, absolutely.”

“Fine.. natatakot akong.. husgahan nila ako dahil don. Kasi baka isipin nilang..
papansin ako. Or user. Whatever.” Sabi ko sa sarili ko hindi ako iiyak. Hindi. Wala
naman talagang alam yung mga epal na yun. Pinapaniwalaan lang nila ang mga gusto
nilang paniwalaan. Hindi nila inaalam yung totoo.

Andreau suddenly grabbed my hand and gripped it tightly. “Kasalanan ko, Zades. I’m
sorry.”

“Baliw. Pwede naman akong tumanggi, di ba? It’s like we’re in peripeteia right
now.” He raised an eyebrow so I had to explain. “Peripeteia, a Greek word that
means point of no return. Wala na, nandito na ‘to eh. We might as well live with
it.”

He fell silent for awhile, maybe thinking about something. Naku, isa pa naman sa
ayaw ko eh pag nag-iisip ‘tong si Andreau. Masyadong mabilis mag-isip yan, di ko
masabayan minsan.

“I think.. we should stop,” he almost whispered.

“Ano?”

“Uhmm.. it’s for the best. I mean..” binitawan niya ang kamay ko. Oh no, this
sounds bad. “It’s for your own sake, Zades. Kaya ko namang mag-isa yung script eh.
Malapit na rin tayong mata—“

“No way.”

Parehas kaming nagulat sa sinabi ko. No way? Really, Zade? Hindi ka naman mukhang
eager dyan sa sagot mong yan?

God, bigla akong natakot. I could feel my stomach twisting lightly as his words
resounded inside my head. Kaya ko namang mag-isa yung script eh. So dahil sa
chismis, sa isang walang kwentang chismis.. idi-ditch niya ako? You’ve got to be
kidding me, Andreau.

He looked so frustrated. “Don’t fight me on this one, please.”

“Andreau,” kinalma ko ang sarili ko. Walang mangyayaring maganda kung magagalit
ako. “It’s just a rumor. Hindi naman totoo. Ba’t mo ako papalayuin sa’yo? We’re
doing great, right? And hello, wala pa tayo sa kalahati ng script!”

“Zade please..”
“Hindi naman ‘to ang first time na nalink ka, di ba? Sa co-stars mo, mga kaibigan
mo.. even kay Roldan! Sila ba pinalayo mo? Di ba hindi? But.. why me? Ba’t
pinapalayo mo ako?”

“Because you’re different.”

“Different why?”

“Kasi.. hindi ka naman celebrity, Zade. You’re a private person. Ayoko lang na may
nanghaharass sa’yo. You’re my responsibility now and I.. ayoko lang na mapahamak
ka, okay?”

Seryoso siya ha.. masama bang kiligin don?

“But still.. hindi ako papayag. I’m already into the script! Hindi mo ako basta
matatanggal don!”

He sighed, glancing back at me. “Hindi ko talaga mababago ang isip mo, ano?”

“Damn straight.”

We were silent for several minutes. Sana i-let go na niya ang idea na yun. In
fairness, masakit. Hindi naman laging solusyon ang pagbitaw ah? Tsaka kaya ko
namang protektahan ang sarili ko. Matanda na ako!

“Okay then,” sabi niya. His solemn look at me warmed my insides. Ayan na naman yang
mysterious smile niya! Ugh. “I suppose.. we could finish the script then.. we
could..”

“Yeah. I get it.” Ouch part two. May point nga naman siya. Ano pa bang gagawin
namin after ng script? My part’s done by then. Alangang makisiksik pa ako?

“You get what?”

“Na after ng script tapos na. I mean.. hindi na tayo maghahangout. The likes.”

“Don’t be ridiculous!” he muttered with a..tinge of hurt in his tone. “I mean..


after the script. We could hangout like normal people. You know, your fika thing.”

“Oh.”

“Ba’t mo nasabi yun, Zades? Do you really think na after ng script hindi na kita
papansinin?”

Wow, role reversal agad ha! Kanina ako ‘tong nasasaktan tapos ngayon.. siya naman?
Masama bang isipin ko na ganun nga ang mangyayari in the future? Hindi naman
malabong mangyari yun ah! “Eh kasi.. anong gagawin natin pag tapos na yung script?
Tutunganga?”

Tinawanan niya ako. “We could watch movies.”

“Or make fun of other people.”

“Or fika.”

“And pizza. I love pizza.”

“See?” he grinned at me. “Marami tayong magagawa other than the script. We’re cool
people.”

“Andreau.. ba’t ngayon mo lang ako kinausap?” his grin turned into a thin line. Uh
oh, wrong timing ata ang tanong ko. “Sorry.. kasi.. kahapon.. I was kinda expecting
na kakausapin mo ako about the rumor. Ni hindi ka tumawag or nagtext. Ayun.”

“I was trying not to crowd you,” he admitted shyly. “And hindi ko rin alam kung
paano kita iaapproach. Actually ineexpect ko na na may lalabas na ganito, Zades.
Pero hindi kagaya nung stalkerish na post na yun. I’m very sorry for that. Dapat
pala kinausap kita kaagad.”

“Actually narealize ko na tama lang na hindi mo ako kinausap kahapon. Baka nasapak
kita.”

“So.. next time, don’t hesitate to tell me if you’re upset, okay?”

“Why?”

“Because.. I’m a good listener and I say nice things all the time.”

Oo na, you say nice things all the time with that sexy voice of yours. What? “Ah
okay. So in return, you could also tell me if you’re upset.”

“Naaahh.. you’re not much of a listener anyway.”

“What? Hoy, nakikinig ako sa’yo!”


“Hindi rin. You’re the talker, I’m the listener. That’s how we work.”

“I listen to you ha!”

“Pero magcocomment ka kaagad. Hindi mo pa ako pinapatapos.”

“Hindi ka— Am I really like that?”

He nodded. “But we’ll work on it, okay? Matututo ka rin namang makinig. I’m a great
teacher as well.” The smug smile on his face surprisingly didn’t annoy me. At last
relaxed na rin siya.

“So.. anong sasabihin mo sa mga tao? Sa Dreausters mo?” I asked him casually. “May
mga kaklase akong freshmen na fans mo. Ayokong awayin nila ako.”

“Do you want me to say something?”

“Ba’t ako?”

“Kasi.. ikaw yung nasa blind item? Tsaka baka mamaya ayaw mo ng sasabihin ko,
magalit ka pa sa’kin.”

“Hindi ba makikialam yung management niyo?”

He shrugged. So there goes my answer. “Actually.. ayaw nila akong magsalita. Hindi
naman malaking issue para sa kanila yan eh. It would pass.”

“If anyone asks you.. I want you to tell them the truth.”

“And that would be?”

Lakas kong magsabi ng truth ha! Baka mamaya kung anong truth ‘tong sabihin niya
sa’kin! “Ikaw, ano ang totoo para sa’yo?”

“You can’t handle the truth!” he suddenly bursted out, medyo galit.

“What!?”

Bumalik siya agad sa usual self niya. “Uhmm.. You can’t handle the truth? Jack
Nicholson? A Few Good Men?” he groaned at my lack of reaction. “Sige, we’ll watch
that next time.”
“Ano ngang sasabihin mo?”

“That we’re friends.”

O ano pa bang truth ang hinahanap mo, Pascual? Friends daw kayo. “Oo nga naman, ano
bang sinabi ko!” keep it cool, Zades! “Idagdag mo na rin na ako ang pinakamaganda
mong kaibigan sa lahat!”

Bumenta na naman kay Andreau yung sinabi ko kahit hindi joke. “Sige sige. If
someone asks, sasabihin ko na si Zade Pascual ang pinakamagandang kaibigan ko sa
lahat. Okay na yun?”

“Aba dapat lang!”

“Kahit may supermodel friends ako, si Zade Pascual pa rin ang pinakamaganda sa
lahat. Ganun?”

Okay kailangan ba niyang sabihin yon na may ganung tingin? Dukutin ko kaya mga mata
nito?

“Eh ano naman sasabihin mo pag may nagtanong sa’yo ha?” kinurot pa niya ako sa
braso para tingnan ko siya.

Kunwari nahirapan pa akong mag-isip ng sagot. “Hmm.. wala akong maisip eh..”
Kinurot niya ulit ako, this time sa pisngi na. “Hoy OA ka na ha! Fine may isasagot
na ako! Sasabihin ko.. Si Andreau Cortez? Sus. Gandang-ganda siya sa’kin kaya siya
dikit nang dikit!”

I was expecting na tatawanan lang ni Andreau yung joke ko, kasi duh, joke lang yon.
But.. he didn’t. Instead, he stared at me with that mysterious smile of his. One
day itatanong ko sa kanya kung ano ba talagang meron sa ngiti niyang yon. Pag
nagkaron ako ng lakas ng loob. Promise.

Tinapangan ko na ang sarili ko at tinitigan ko siya pabalik. “Ba’t ka ganyan


makatingin?”

“Wala naman,” todo iling lang siya. Badtrip, magsisinungaling pa siya! Pero hindi
ko na siya pipilitin, baka kung ano pa isagot niya.

“Oy, joke lang yon ha. Sasabihin ko talaga na friends tayo kahit bully ka.”
Nakangiti pa rin siya sa’kin. Paano ba mawawala yang ngiting yan ha?

“Okay okay. I get it. You’re funny.”

“So.. solid tayo? As solid as a diamond?”


Joke yon pero hindi siya tumawa. Wala talagang sense of humor ‘tong si Andreau
kahit kelan. “Yeah, we’re solid as a diamond. Things will be okay. Trust me.”

Of course, I trust him. Nakakatakot nga eh. Cautious ako sa mga taong kino-close ko
pero pagdating sa kanya.. sobrang dali lang magtiwala. Ngitian lang niya ako..
kebem! Okay na lahat. Wala ka nang poproblemahin pa.

Sabi niya things will be okay. Naniwala ako.

Two weeks later.. bigla na lang hindi nagparamdam si Andreau.

Anong nangyari sa Trust me?

=================

[23] The One With The Surprise Visitor

Chapter 23: The One With The Surprise Visitor

For two weeks, Andreau and I played it cool.

After naming mag-usap, we agreed na wag na lang magcomment about the issue.
Magsasalita lang kami kapag may nagtanong sa’min personally.

Personally. Hah. Si Ate Mel (dorm manager namin) lang ang nagkalakas loob na
tanungin ako kung ano ba talagang score namin ni Andreau. Nagstick ako sa sagot na
napagkasunduan namin ni Andreau: We’re friends. May ginagawa lang kaming project
kaya madalas kaming magkasama. So far satisfied si Ate Mel pero may pahabol siya na
Sayang naman, akala ko totoo na. Grabe, kunwari pa siya sa pagiging hopeless
romantic!

Sa campus, no one asked me anything. Ewan ko nga. Akala ko mas ako ang tatanungin
kesa kay Andreau kasi mas approachable ako kesa kay Big Boss. Pati si Delle na nag-
inform sa’kin, aba hindi na ako nilapitan. As days passed nabawasan na rin ang
pasulya-sulyap at bulungan ng tao. At least alam dito alam nila ang mind your own
business. Hindi naman sila makakapasa sa subjects nila kung pagtsitsismisan nila
kami ni Andreau eh.

Eh yung Dreausters? Ibang usapan sila.

I don’t really get them. Ang big deal sa kanila ng personal life ni Andreau, to the
point na pati mga tao na nakadikit lang sa kanya sa pictures binibigyan agad ng
malisya. Ni hindi nga masyadong nagpopost si Andreau sa Instagram niya (na recently
ko lang nakita! Wala namang laman, puro scenery at pagkain lang!) kaya wala silang
mapiga tungkol sa’ming dalawa.

Ginambala ba ako ng Dreausters? Totally. Ang Facebook ko na dating walang nag-aadd?


Ayun, umabos na sa 500+ ang friend requests. Sumabog na rin ang messages ko. Hindi
ko na sinilip kung ano yung messages, baka death threats o kung ano lang naman yon.

Si Mars ang pinakakinulit ng Dreausters, yamang din lamang na siya ang isa sa mga
nagpost ng photos namin ni Andreau publicly. Siya na ang sumagot sa issue eight
days after mapost ang issue sa Chismis Squad. Naimbyerna si Mars sa kulit ng fans
sa kakatanong sa kanya thru Instagram at Twitter kung ano raw ba talaga kami ni
Andreau. Kaya ayun,nagtweet siya ng:

They’re not together. May project lang silang ginagawa. Okay, you can calm
yourselves now. It’s not the end of the world ;)

Kunwari pang kalmado dyan si Mars pero naiimagine ko na ang katakut-takot na mura
habang tinatype niya yan.

Siyempre, hindi papahuli ang San Ignacio sa balita. Tumawag sa’kin si Nana Tinang
the day after naming mag-usap ni Andreau. Ayun, excited pa nga siya dahil ang gwapo
raw ng boyfriend ko at bakit di raw namin sinabi nung nandun kami. Nalungkot siya
nung sinabi ko na hindi totoo. Inexpect pa naman daw ng mga tao sa’min na dun daw
kami magpapakasal ni Andreau.

Wow, mas advance pa sila kesa sa Dreausters!

In fairness, ang hirap palang maging artitsta. Bilib din ako sa patience nila sa
mga ganitong bagay. Paano pa kaya yung mga artistang nasabit sa mga OA at totally
false rumors? Next time nga iinterviewhin ko na talaga si Andreau!

Two weeks.. wow. True to his word, things became okay.

Until.. a surprise visitor showed up.

xxx

SUNDAY, JULY 27
Mahal ko ang birth month ko at ang rainy season. Kaso minsan nakakalimutan ko yung
kapag naglalaba ako at hindi natutuyo ang mga damit ko. Ayun, wala akong maisuot!
Sa sobrang lakas ng ulan, ang 3PM meeting namin kina Andreau ay nalipat ng 7PM
dinner meeting sa condo nina Ms. Marisse. Hindi pa ako nakakabisita ulit kina
Tristan since lumabas yung blind item dahil busy kaming lahat. Nagulat nga ako nang
itext ako ni Ms. Marisse, tinanong niya kung okay lang ako. Pati si Tristan,
tinawagan ako at sinabi niyang aawayin daw niya ang Dreausters pag umiyak ako.
Adorbs, right?

5PM nang bumaba ako sa visitor’s area ng dorm namin. Magtatanong sana ako kung saan
niya nilagay yung mga sinampay ko. Last time kasi nilipad ng hangin yung favorite
kong bra. Sayang, regalo pa naman sa’kin ni Mima yon.

“Ate Mel? Asan po yung sinam—“

“Saysay!” a familiar voice shouted behind me.

I froze. Mga taga San Ignacio lang naman ang tumatawag sa’kin ng Saysay. Wala rin
akong pinagsabihan dito sa dorm ng nickname ko. Pero.. yung boses na yun.. hindi
pwede. Nasa New York siya. I immediately turned around and..

“Oh my god, Mima!!!”

Hindi nga ako nananginip. Nandito na ulit ang nanay ko. After almost six years
nandito na ulit siya! She ran towards me and squeezed me into a tight hug. “Say! My
goodness, ba’t ang payat mo! Hindi ka ba kumakain?” sabi niya sa’kin. Trust my mom
to say food related things first!

Bawal umiyak, yan ang sabi sa’kin ni Mima nung huli kaming nagkita sa airport. Pero
ngayon na yakap ko na ulit siya.. hindi ko na napigilan ang luha ko. Six years din
ha! Di biro yun! “Mima naman!” inuntog ko ang noo ko sa noo niya. “Kumakain naman
ako! Ang dami nga eh!”

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa’kin at kinurot ako sa pisngi. Thank goodness at


namana ko ang height ni Papa, hanggang tenga ko lang kasi si Mima. “Yung pisngi at
braso mo lang ang tumataba! Sabi sa’yo wag kang masyadong kumain ng noodles!”

“Ba’t di ka nagsabi na uuwi ka?” nagtatampo kong sabi. “Sana nasunod kita sa
airport!”

Mima shrugged. “Nasan ang element of surprise dun, ha?” Ayaw lang talaga niya na
hinahatid at sinusundo siya sa airports, masyado raw madrama yun at di bagay sa
kanya. Baka raw hindi na siya umalis.

Pinagpaalam ko muna kay Ate Mel na papasok si Mima sa kwarto namin ni Kesh. Sayang,
wala ang napakagaling kong roommate ngayon dahil shift niya sa café. Once na
nakapasok na si Mima sa kwarto namin, humiga siya sa kama ko. Inusog ko siya at
sumiksik ako sa tabi niya.

“Ma, hanggang kelan ka dito?”

“One week lang. Malapit na matapos yung renovation ng restaurant tsaka break ko rin
from the Academy. Yun lang free time ko.” Sous chef si Mima sa isang restaurant sa
New York at nag-aaral din siya sa isang culinary academy dun. Ewan ko ba sa kanya,
gustung-gusto talaga niyang matuto.

“Eh pupuntahan mo sina Nana?”

“Yeah. Sa Tuesday ako pupunta sa kanila. C’mon, join me. Absent ka na lang sa klase
mo for the whole week!”

Kinurot ko siya sa braso. “Wow ha, parang ikaw yung nagsabi sa’kin na wag akong
umabsent!”

“Ehh.. legit naman dahilan mo. Why not? Bakit, excessive ka na ba?”

Ganyan talaga kami mag-usap ni Mima, parang magkapatid lang. Actually, maraming
nagugulat kapag sinasabi naming mag-ina kami. Just like Ms. Marisse, maraming nag-
aakalang nasa late twenties lang ang nanay ko. Ang totoo niyan, 20 years old lang
si Mima nung pinanganak niya ako, at 3rd year college siya nun. I’ve seen some
pictures of her after giving birth.. nakakaasar, parang hindi man lang ako dumaan
sa buhay niya. Ang payat niya!

Sobrang close kami ni Mima. Ang dami na naming pinagdaanan simula nung mamatay si
Papa kaya ganun. Idol ko ‘tong nanay ko eh. Sa kanya ko nakuha yung kakapalan ng
mukha, pagiging madaldal, matapang (In a way, though. She’s fiercer than me) at
free spirited. Unang tingin mo sa’min para kaming identical twins! Kaso hindi ko
namana ang cooking genes niya, hanggang taga-lamon lang talaga ako.

Kung anu-ano ang pinagkwentuhan namin: pagkain, mga crush niya (kaso ayaw na niyang
mainlove, kay Papa lang daw siya forever), hilarious moments sa resto, studies ko,
sina Nana at San Ignacio.. wala kaming natapos na iisang topic sa sobrang daldal
niya. Ate-Mama ko talaga ‘to eh!

Nasa kalagitnaan ako ng kwento ko about my Christmas vacation sa San Ignacio nang
magring ang phone ko.

“Wag mong sagutin yan,” biro ni Mima. “Ayokong nabibitin sa kwento!”

Ica-cancel ko na dapat ang tawag nang.. “Shit, si Andreau pala ‘to,” I blurted out.
Napatayo ako bigla. 7PM na pala! Patay ako kay Big Boss!
Andre—

Zade! Nasan ka na?

Uhhmm.. nasa dorm ako.

The rain stopped. Late ka na.

Ugh. Bossy Andreau pala ‘tong kausap ko. Uhhmm.. hindi pala ako makakapunta
tonight. I’m sorry.

Why?

Wow, nagtampo? Si.. Kasi.. Umuwi si Mima eh.

Your mom’s here?

Y-yeah. Actually nakatulog na siya dito sa kama ko so.. I can’t go tonight. Sorry
talaga.

Kinabahan ako nang di siya sumagot agad. Hala, hindi naman ‘to magagalit sa nanay
ko di ba? Family first before friends! Okay, I understand. Sasabihin ko na lang kay
Marisse na di ka makakapunta. Tristan says hi, by the way.

Diyan talaga siya magaling, sa paggamit kay Tristan bilang pangonsensya sa’kin!
Sorry talaga Andreau ha? Biglaa—

Don’t be ridiculous. Okay lang sa’kin, Zades. Family first.

May mind reading powers na pala siya ngayon ha. Pero bukas pwede ako. Okay lang?

More than okay. See you tomorrow then.

Okay sige. Sorry ulit.

Hey. Tell your mom I said hi.. and welcome home.

Ay may ganun? Papacute agad sa nanay ko? Okay sige. Bye!


Oo na, sweet na si Andreau. Kahit hindi pa niya namimeet ang nanay ko may ganun na
kaagad! Tulog na si Mima nang tabihan ko ulit siya sa kama. Looks like makikitabi
ako kay Kesh tonight. Mamaw sa kama ‘tong nanay ko eh.

Then.. I realized something.

Never siyang nagtanong about sa issue namin ni Andreau. I’m sure kahit busy siya
alam niya yun. Imposibleng hindi niya alam yon. Siya pa, life force niya ang Pinoy
showbiz! Minsan nga sinesendan niya ako ng links ng blind item sa Chismis Squad
para hulaan ko rin. Tsaka hello, super fangirl nina Ms. Marisse at Andreau ‘tong
nanay ko.

Oh no.. kaya ba umuwi si Mima dito dahil sa issue namin ni Andreau?

xxx

MONDAY, JULY 28. NIGHT.

Nasa pamilya talaga namin ang madaling maparanoid. I’m sure na sa mother’s side ko
namana yun dahil paranoid na rin ang nanay ko ngayon.

Kasalanan kasi ‘to ni Andreau eh. Kaninang umaga nakareceive ako ng text galing sa
kanya.

Are you free tonight?

Uhmm.. no? Wait what do you mean “free”? Di ba may meeting tayo later?

Meron nga. Kaso si Marisse kasi gusto mameet ang mom mo. She said something about
buffalo wings?

Nasabi ko nga kay Ms. Marisse yun. As in tonight?

Yup. Dinner sa kanila. Kung okay lang sa mom mo.

Sus hindi tatanggi si Mima! Will tell her. What time?


The usual. See you!

As expected, agad na nagfangirl ang nanay ko. She insisted na siya na ang magluto
ng dinner namin mamaya. Sus, tuwang-tuwa lang siya sa kitchen ni Ms. Marisse na
nafeature sa Wanderlust years ago! Kahit nasa klase ako todo text siya sa’kin ng
mga bibilhin niya, kung anong gusto nina Andreau at kung bibili ba siya ng bagong
damit. Laking inarte talaga ni Mima, ako nga didiretso dun nang hindi na nagpapalit
tapos siya plano pa atang magsuot ng evening gown!

Intense ang kaba ko habang paakyat ang elevator sa 47th floor. Wala akong pakialam
kahit namamanhid na ang mga braso ko sa pagbubuhat ng sandamukal na groceries na
dala namin. Napaka-spontaneous pa naman ng nanay ko, kung anong matripan niya basta
na lang niyang gagawin. Baka mamaya bigla niyang sabihin kay Andreau na ligawan ako
or something! That would be the death of me.

“Oh my hello!” bati sa’min ni Ms. Marisse pagkabukas niya ng pinto. Wow, well
rested ngayon si Ms. Marisse ah, wala siya sigurong taping ng Wanderlust! “I’m so
glad to finally meet you! Marisse,” she extended her hand, smiling.

Kunwari pang chill ‘tong nanay ko pero deep inside I know na hinihimatay na siya.
“Hi! I’m George. Grabe, I’m a big fan of yours!” kulang na lang maputol ang kamay
ni Ms. Marisse sa higpit ng hawak ni Mima. Georgia ang totoong pangalan ng nanay
ko. Feeling bagets lang yan kaya George. Wild.

“Gosh, nag-abala pa kayo!” Ms. Marisse exclaimed. Tinuro niya ang groceries na dala
namin. “Andreau! Come here! Tulungan mo sina Zade dito!”

Nagmamadaling lumabas ng kwarto ni Tristan si Big Boss. Madaya, nakaligo na siya


tapos ako hindi! His face suddenly lit up upon seeing us. “Good evening po!” sabi
niya kay Mima sabay extend din ng kamay sa kanya. “Andreau po.”

Okay anong nangyari sa epal na Andreau Cortez na kilala ko? Ba’t bumait ata ‘tong
nasa harapan ko? Si Andreau gumagamit ng po? Dapat nirerecord ‘to eh! Once in a
lifetime lang mangyayari ‘to!

“My god ang gwapo mo nga sa personal!” Shit.. did my mother just.. blush? Ma, 17
years ang tanda mo kay Andreau kaya wag kang magpacute dyan! Kinamayan niya si
Andreau and I swear lumagpas ng one second ang handshake na yun. Hindi ko naman sa
kanya ang ganyang da moves! “I’m a fan. I loved your recent movie!” bakas sa boses
niya ang sobrang kilig. Ugh, I forgot na Jildreau ‘tong nanay ko. Kadiri.

At ang Big Boss, nagblush din! “Thank you po. Tulungan ko na po kayo dyan.” Kinuha
niya ang plastic bags na bitbit namin (akala ko papabayaan lang niya ako!) at
pinasok sa loob.
Parang matagal na magkamure sina Ms. Marisse at Mima kung magkwentuhan sila. May
pahampas-hampas pa ‘tong nanay ko! Dumiretso sila sa kusina habang sa kwarto naman
ako ni Tristan pumunta. Naabutan ko siyang gumagawa ng assignments niya.

“Ate Zade! Ate Zade!” todo talon si Little Boss sa kama niya pagkakita sa’kin.
Lumapit na ako sa kanya bago pa siya tumalsik sa kama. “I miss you! Ba’t ngayon ka
lang pumunta dito?” he asked as he hugged me tightly. Aww, this cute kid!

“Sorry, Mr. T ha? Busy lang si Ate Zade sa school. Yaan mo next week nandito na
ulit ako! Gagawa na tayo ng assignments, okay?” I replied with an assuring smile.

Andreau came in minutes later at tinulungan niya akong ilabas ang mga gamit ni
Tristan sa sala para dun na kami gumawa ng assignments. Buti na lang naisip ni Big
Boss ang lumabas, gusto ko kasing mapakinggan ang usapan nina Ms. Marisse at Mima
sa kusina. So far about sa trabaho ang pinag-uusapan nila. God Mima, wag mo akong
ipahiya dito please.

“Para kayong magkapatid ah,” comment ni Andreau habang binabasa niya ang sagot ni
Tristan sa Math assignment nito. Nang hindi ako sumagot, ngumiti siya. “Pero mas
mukha kang ate.”

Pinalo ko siya ng Math book sa ulo. “Yabang mo. Mas matangkad lang ako sa kanya. At
mas maganda.” Sige pa Zade, i-push mo pa yang mas maganda shit sa nanay mo. Lagot
ka dun pag nalaman niya yan.

Kay Tristan lang kami nakafocus ni Andreau for almost two hours. Ayaw naming pag-
usapan ang script at ang issue sa harapan ni Little Boss. Well, sinabi naman ni
Andreau sa kanya ang lagay ng issue namin. Natuwa pa nga raw si Tristan na hindi
ako girlfriend ng kuya niya. Weird.

Mga 9PM na nang makakain kami ng dinner. My mother really outdone herself this time
ha. Hindi halatang gusto niyang magpa-impress kina Ms. Marisse at Andreau ngayon.
Nagluto ba naman siya ng buffalo wings, beef teriyaki, bicol express, kaunting
carbonara (para kay Little Boss), oreo coffee jelly (na favorite ko!) at salad for
Ms. Marisse. Medyo busog pa ako kaya kaunting buffalo wings at sobrang daming
coffee jelly lang ang kinuha ko.

Of course, bicol express ang unang kinuha ni Andreau. Adorable PG mode pala siya
ngayon.

“Wow Andreau, favorite mo pala yan?” kilig na kilig na sabi ni Mima. Nagulat siya
kasi halos makalahati ni Andreau yung bicol express. “I hope you’ll like that.
Matagal na akong di nagluluto niyan eh.”

Tinikman ni Andreau ang luto ng nanay ko and.. aba, nanlaki pa mga mata niya ha.
“Oh god, this tastes good!” he exclaimed kahit namumula na ang pisngi niya sa
sobrang anghang. Well, mas maanghang ako magtimpla kesa kay Mima! “Ang sarap po,
Tita.” May two thumbs up pa ang loko. Papansin!
Ngiting abot tenga naman si Mima. “Talaga? Oh my god thanks Andreau!”

Kumuha pa ng kanin si Andreau, nakalimutan niya atang may figure siyang dapat i-
maintain. Parang bata eh! Sunud-sunod ang subo niya ng pagkain, as if hindi siya
pinakain ng isang linggo. Hindi na ‘to Adorable PG Andreau. Monster PG Andreau  na
‘to.

“Zades,” tawag niya sa’kin habang kumukuha siya ng ulam. “This is how you cook
bicol express.”

“Wow, expert ka na sa bicol express ngayon ha?” I retorted back. “Parang last time
ayaw mo pa nyan ah!”

“Last time?” sabay na sabi nina Ms. Marisse at Mima with amused looks on their
faces.

Triple shit, Pascual. You just dug your own grave.

What to say? What to say? “Uhm ano po ka—“

“Nagluto si Zade ng bicol express dito before, Marisse,” Andreau answered casually.
Binelatan pa niya ako. “Pero Tita, mas masarap po talaga yung inyo kesa kay Zades.
Promise yan.” To prove his point, he flashed that Cortez Charm Smile. Ugh, tuwang-
tuwa naman ang nanay ko!

Throughout dinner, tahimik kong inobserbahan ang nanay ko. How I wish nababasa ko
ang utak niya! Isang tingin ko pa lang sa kanya gets ko na inoobserbahan niya kami
ni Andreau. Nakakapagtaka talaga, ba’t kaya hindi pa niya kami diretsuhin ni
Andreau ngayon? Ineexpect ko talaga na bigla na lang siyang magtatanong ng Uy kayo
na ba talaga? Don’t worry, hindi ko ipagkakalat! Let’s plan your wedding! anytime
now.

Kaso wala siyang sinasabi. All she did was laugh and tell her stories. Yun lang.

Ngayon lang ako natakot, severe na takot, sa nanay ko.

11 PM nang magpaalam kami ni Mima kina Ms. Marisse. Sobrang dami naming
napagkwentuhan at himalang naubos namin lahat ng pagkain (pwedeng sumali si Ms.
Marisse sa buffalo wings eating challenge, swear!). Syempre nagpakafangirl na ang
nanay ko at nagpapicture kina Ms. Marisse at Andreau. Hindi ko siya kinaya, may
kasama pang hug at beso kay Big Boss! Eto namang si Andreau pumayag, nagayuma ata
ng bicol express ni Mima.

“They’re all lovely,” she commented as we entered inside the elevator. Dear God 47
floors ‘to and what if tanungin niya ako about sa’min ni Andreau? Wala akong takas.
“Y-yeah. Ang cute ni Tristan ano?”

My mom flashed her own charming smile at me. “Yeah. Ang bait nila sa’yo, Say.”

At dun na natapos ang usapan namin tungkol sa kanila. Thank goodness.

xxx

TUESDAY.

Uy, baka malate ako later. May org mtg ako. Okay lang ba?

Can’t make it later, Zades. Sorry.

Ha? Akala ko ba gagawin na natin mamaya?

May pinapaayos kasi sa’kin yung adviser ko. Email ko na lang sa’yo yung naedit ko.

Ay ganun. Sige text mo na lang ako pag okay na.

WEDNESDAY.

Sorry Zades I can’t.

Na naman? Why?

Meeting. Midterm exam.


Kelan pa nagkaron ng meeting for midterms?

Group exam. Sent the script already. Check it?

Ba’t ganyan ka magtext?

Mtg.

Ewan ko sa’yo.

THURSDAY

Let me guess.. hindi ka rin pwede today?

Yes. Sorry.

Requirements?

Yeah.

Kelan ka magiging free?

I really don’t know. My adviser’s killing me.

Okay. Check your email ha?

Yeah. Thanks.

xxx

FRIDAY
That’s it. After three days of dodging me, I couldn’t take it anymore.

Sabi niya.. everything will be fine. Bakit ngayon parang iniiwasan na niya ako?

Duh Pascual, hindi lang parang. Iniiwasan ka talaga niya.

Akala ko pa naman magiging okay na ang lahat pag pumunta na si Mima sa San Ignacio.
Tuesday nung umalis siya sa dorm at sinamahan ko pa siyang bumili ng mga
pasalubong. Hindi talaga siya nagtanong ng kahit ano tungkol sa’min ni Andreau.
Sus, kapag nagtanong din naman baka hindi siya maniwala sa generic naming sagot.

Si Andreau naman ang naging problema ko ngayon. Nakakapanibago siya at hindi ako
natutuwa. Nagets ko pa siya nung Tuesday pero kahapon? Aba, may attitude na ang
texts niya. Hindi siya ganun magtext! Ang tipid ng mga reply niya. Tapos ang sungit
din niya sa inquiries ko thru e-mail. Medyo naniniwala na ako sa possibility na
pwedeng magkaron ng menstruation ang mga lalaki dahil sa kasungitan niya.

Iniintindi ko siya, I swear kaso.. I know something’s wrong. I could feel na hindi
niya gustong sungitan ako pero ginagawa niya yun dahil may nangyaring something.
Ayoko pa naman na nanghuhula! I want truth, the cutthroat truth.

Hindi ko siya tinext na pupunta ako sa condo niya after ng klase ko nung Friday.
Bahala na kung magalit siya sa’kin. Mas galit ako sa kanya.

“Andreau!” I angrily spat out as I pounded my fists against his door. “I know
you’re in there!” Subukan lang niyang hindi lumabas dito sisirain ko ‘tong doorknob
niya!

Second later bumukas ang pinto, revealing the most annoying man on earth. Nagulat
siya nang makita ako. “Zades! Why ar—“

“Iniiwasan mo ba ako?” pasigaw kong tanong sa kanya. Pumasok na ako sa condo niya
nang walang paalam. I’ll apologize later. When I turned around, nakanganga lang si
Andreau. “Hoy Cortez sumagot ka nga dyan!”

“What?”

“Are you avoiding me?”

Sinarado niya muna ang pinto at sumandal dun. “No. Ba’t naman kita iiwasan?”

“Eh yun kasi ang ginagawa mo!”


“Hindi! I told you I’m busy!”

“Really now? Ba’t ganun ka magreply?”

He took a very, very deep breath and plunged in. “Sabi ko nga busy ako, di ba? Ang
daming pinapagawa sa’min for our midterms. Why are you mad at me?”

Aray, ang sakit nun. Sampal sa’kin na magalit siya. “I-I’m sorry..” I said
contritely. “Kasi.. nabigla lang ako. Maiintindihan ko pa sana kung nangyari ‘to
days after the issue broke pero.. god. I thought everything’s not okay anymore.”

Yuck, ang babaw ng dahilan ko. Malay ko ba kung may bagong issue ulit o may
something na pinapagawa sa kanya ang management nila? O baka sinabi lang niya yung
Trust me just to make me feel better. Na hindi naman totoo yun.

Andreau let out a big sigh and walked towards me. “I’m sorry, too. Pressured lang
talaga ako sa pinapagawa ni Sir. I should’ve handled that better,” he clenched his
fist and aimed it to me for a fist bump. “Solid as a diamond?”

Naki-fist bump na rin ako. “You’re making fun of me again,” I said smugly, sticking
out my tongue.

“What? Totoo naman ah. Diamonds are solid.”

“Andreau.. hindi ka ba kinausap ni Mima?”

My question clearly caught him offguard. Dun pa lang alam ko na ang dahilang kung
bakit siya extra charming nung Monday: takot din siya sa sasabihin ng nanay ko.

“No, she didn’t. Nung Monday ko lang siya nakita. Why?”

Ako lang siguro ang super paranoid. Ba’t naman kakausapin ni Mima si Andreau kung
pwedeng ako na lang di ba? Pero duh, hindi nga niya ako kinakausap about that!
“Nothing. Actually.. I was expecting na gigisahin niya tayo nung Monday. Fan siya
ng Chismis Squad, FYI.”

Napangiti na lang siya. “Yeah, ako rin. Thank God she didn’t say anything. Baka
nilamon ko na lahat ng bicol express nun.”

“Uhm yun nga ang ginawa mo, remember?”

“Shut up. What I meant was.. nevermind. You obviously get my point.”
“Ba’t kaya siya walang react?”

“Maybe she doesn’t care at all,” he answered easily, not missing a beat. “I mean..
hindi big deal sa kanya? Kilala ka niya, Zade. Alam niya kung anong totoo at hindi.
And if she asks, we’ll answer. Just like our plan.”

Hay, parang ang dali lang ano? Keber lang sagutin yon lalo na sa mga taong hindi mo
kilala. Pero pag magulang mo na? Ang hirap. Para kang magsasagot ng essay question
sa ilang piraso ng manila paper, back to back.

xxx

SATURDAY

Last time na pumunta kami sa puntod ni Papa ay the day before umalis si Mima
papuntang New York.

And now, approximately 24 hours before her flight, bumalik kami sa puntod ni Papa.

8 months old ako nang mamatay si Papa dahil sa brain aneurysm. My mom just turned
21 a week before he died. Nagpi-paint daw si Papa nun nang atakihin siya. Dead on
arrival na siya sa ospital. Nangyari lahat nang yon habang kumukuha ng finals exam
si Mima. Tinatawanan na nga lang niya yung araw na yun pag nakukwento niya sa’kin
eh.. pero yung mga mata niya? Malungkot pa rin 18 years later.

He was her greatest love. Ang daming nanligaw kay Mima kahit nandito na ako sa
mundo. Some of them were really great guys but.. she politely rejected them. Ang
dahilan niya? Once na may nag-occupy sa puso mo, yung pinakadeserving sa lahat, sa
kanya na yun forever. Si Papa lang talaga ang para sa kanya.

We brought him daisies, ang favorite flower niya. Sa dinami-dami ng bulaklak sa


mundo, daisy ang lagi niyang pini-paint. Madalas nga raw nilang pinag-aawayan ni
Mima yun. Ba’t daw hindi roses? Kasi mainstream. Para kay Papa, nawawalan ng
meaning ang isang bagay pag paulit-ulit na ginagamit, nagiging generic. Just like
roses. Isa yun sa mga dahilan kung bakit ayaw ko ng flowers.

Tinanggal ni Mima ang mga dahon sa lapida ni Papa. Joseph Pascual. See, ang normal
ng mga pangalan nila tapos ako weird?
I gave my mom space para makausap niya si Papa. Ang weird, ba’t nila kinakausap
yung mga puntod? Hindi ba sila natatakot na baka may sumagot sa kanila? And as if
maririnig sila ng mga patay ah. Sayang sa laway! Mga 30 minutes din kinausap ni
Mima ang puntod ni Papa. Tumatawa pa nga siya eh. Baliw na ata ‘tong nanay ko.

“Say? ‘Lika dito,” she said sweetly. Nang tumabi na ako sa kanya, inakbayan niya
ako. “Do you want to talk to him?”

“It feels.. weird. Ipagdadasal ko na lang si Papa. Okay lang ba yun?”

Gets naman ni Mima ang sentiments ko sa tomb talking. “Okay. Don’t forget to pray
for him ha?”

“Of course.” Kahit hindi ko nakilala si Papa, lagi ko siyang pinagdadasal. Hindi
dahil sa habit ko na yun. Feeling ko kasi nandyan lang siya sa tabi at binabantayan
ako. I’m not scared at all.

“Say.. the thing between you and Andreau..”

Oh God, talagang dito pa sa harap ni Papa! Family meeting pala ‘to? “Mima.. ano
kasi..”

She smiled at me again. “Alam ko namang hindi kayo.. ngayon. Pero ma—“

“Mima!”

“Let me finish, okay?” she asked, blinking with disbelief. “I’m not against it. I
will never be. I just.. want you to be careful.”

Shit, eto na. Anong isasagot ko dito? “Ma.. nothing’s going on between us. We’re
just friends.”

“You really think that?”

“Ma..”

“Zade.. you can’t predict the future, okay? Sure, masasabi mong magkaibigan kayong
dalawa ngayon.. paano na bukas? Sa makalawa? Paano pag may naramdaman ka na?”

“Kung dumating man yun Ma.. I will try my best to stop it.”

“The heart wants what it wants, or else it does not care.”


I rolled my eyes. “Ba’t ginagamitan mo ako ng Emily Dickinson, Ma?”

“Because it’s the truth. Don’t lie to yourself. If you feel something.. then let
yourself feel it. It may scare you but.. it will pass.”

Is this for real? Pati nanay ko maka-Team Andreau? Kinausap kaya ‘to ni Roldan o
Kesh? “If that happens.. I don’t want to think about it. Really.”

“Why?”

“Siya na rin mismo nagsabi, Ma. There are certain lines that you shouldn‘t cross
with people, especially if they‘re important to you. If he crosses that line.. it
only means I’m not important to him.”

“Bakit, ikaw ba siya para magdecide niyan? Say.. things will change. You can’t stop
that.”

“Okay fine. Kung mangyari man yun.. I don’t think it would last.”

“Sus. Don’t underestimate the power of love, nak. It’s so powerful than you think.
Wala kang laban dun.”

Love advice from my mom in front of my dad’s tomb? Super unexpected. Sana
pinaghanda muna nila ako!

xxx

SUNDAY NIGHT.

As always, hindi nagpasama si Mima sa airport para ihatid siya. We spent the whole
day yesterday together kaya okay na siguro yun. Para kay Mima siguro, oo. Sa’kin?

Ngayon lang ako nalungkot na umalis siya to the point na muntik ko na siyang
pilitin na wag bumalik sa New York.

Eh Ma pwede ka namang magtayo ng restaurant dito, di ba? Ba’t ayaw mong i-try?
That’s my plan but.. kulang pa rin ang ipon ko, Say.

Eh..

Say.. mangyayari rin yun. Just not right now.

Iniisip ko na lang na nalulungkot din si Mima na iiwan niya ako. Magaling umacting
yan eh, kunwari wala lang sa kanya pero iiyak yan pag nasa eroplano na siya. Tapos
pagkadating niya ng New York, tatawag agad yan para kamustahin ako. Sanayan lang
kami ni Mima. Pinalaki niya ako na maging independent, I might as well show her
that she did teach me well.

Tumambay ako sa café buong maghapon, pinilit basahin ang sandamukal na readings
namin para sa midterms. Walang katao-tao dito sa café pag Sunday kaya ang sarap
magchillax. Isa pa sa pinoproblema ko ay ‘tong bagong iPhone na regalo sa’kin ni
Mima. Debut gift niya raw sa’kin. Take note, postpaid. Hindi ko alam kung dapat ba
akong matuwa na di na ako mahihirapan sa pagpapaload o ano.

“Uy, iPhone?”

Why am I not surprised that he’s here? Kanina pa ako kinukulit ni Kesh na tawagan
si Andreau para samahan ako dito kaso di ko ginawa. Apparently she did it by
herself. Kaya kami nai-issue eh!

Umupo si Andreau sa may harapan ko at kinuha ang box ng bago kong phone. “Wow, and
it’s postpaid. At least magrereply ka na sa’kin ngayon,” he tried to charm smile me
but no avail. My deep frown concerned him in an instant. “What’s wrong?”

Forcing a smile, I put away my readings and replied, “Wala. Umalis na si Mima
kanina. That’s all.”

“O, ba’t pinipigilan mong malungkot?”

“Bawal umiyak eh,” I measly replied. Kumunot ang noo ni Andreau. “May deal kasi
kami ni Mima na bawal akong umiyak pag aalis siya. Di raw bagay sa’min ang drama.
Nakakaumay na.”

“But she’s not here. Paano niya malalaman na umiiyak ka?” he asked, still not
letting up.

“Ugh. Wag ka ngang pilosopo!”

“Eh totoo naman ah! Bakit, namomonitor ba ni Tita George kung iiyak ka o hindi?”
“Funny. Don’t be such a smart ass.”

“Hindi ako nang-aasar sasabihin ko pero.. iyak na, Zades.”

Hinagisan ko siya ng tissue sa sobrang inis. “Tono mo pa lang nang-aasar ka na eh!”

“I’m serious. Promise.”

Persistent Andreau, we meet again. Hindi niya ako titigilan hangga’t di ko gagawin
ang gusto niya so.. “Fine. Pag umiyak ako.. wag kang tatawa ha?”

Tumalikod siya sa’kin. “Fine, I won’t look.”

Sabi ko bibilang ako ng one two three then after that iiyak ako. Kaso excited
masyado ‘tong luha ko, on three tumulo. Shit, ayoko talagang umiiyak in public.
Nakakahiya kasi. Tsaka mas lalo kong namimiss si Mima. Sana pinigilan ko siyang
umalis.

“O-okay lang ba talaga na.. umiyak nang ganito?” I asked him with a rasped voice.

“Yeah.”

“Hindi ba ako mukhang tanga?”

“What? No, of course not!”

“Do you cry, too? When you think about your parents?”

“Yeah,” he admitted quickly. “I miss them so much. It’s okay to cry if you miss
someone, Zades. If you truly miss them then those tears are damn worth it.”

I snorted in disagreement. “Parang lugi naman yun ah? Nagmumukha kang yagit! With
the puffy eyes and uhog!”

Natawa siya sa sinabi ko. “Itsura mo pa talaga ang inisip mo ha? Pero think about
it.. masarap sa pakiramdam after umiyak, di ba? Ang gaan sa pakiramdam. And you
said it beforesa Coron. Sometimes you just have to let out the things that are
hurting you even if you don’t know what they are.” I could tell na nakangiti siya
kahit nakatalikod siya sa’kin. Hay nako.

“Eh di ikaw na ang may matalas na memory!”


He shrugged. “Sorry. Maganda lang kasi yung sinabi mo kaya nagstick sa utak ko.”

Umiyak pa ako for few minutes hanggang sa masaid ko na lahat ng hugot ko. In
fairness, masarap nga sa pakiramdam ang umiyak. Ba’t ko nakalimutan ‘to?

“Uy,” I said, tapping his shoulder. “I’m done.”

“You sure?”

“Oo na. You can laugh now.”

Akala ko tatawa siya pagharap niya sa’kin but instead.. he just smiled. “O see?
Hindi ako tumawa! Ganun ba talaga kasama ang tingin mo sa’kin?”

“Well.. you can be douche sometimes.”

“Wow, low blow, Zades,” he said, pretending to be hurt.

“In my opinion lang naman! I swear I won’t cry in front of people anymore.”

“But I’m people. And I’m here.”

“Next time kasi yon! Ugh. Tsaka nakatalikod ka naman so hindi ka counted.”

His grin made me smile for no reason. “Smart ass.”

“Thank you, but my brain’s the smart one and not my ass.”

Andreau laughed good-naturedly, shaking his head. “So we’re clear now? It’s okay to
cry in front of other people.”

“Shut up. You’re just being polite.”

“No,” he said, rolling his eyes and smirking, but still looking soft-spoken. “Okay
here’s a deal, the next time you cry and I’m around.. I promise that I won’t laugh
at you eben though snot is coming out of your nose.” Napakuha tuloy ako ng tissue
sa sinabi niya! “Then.. maybe I will pat your back, hand you some tissue. Or.. once
you’re done, I could tell you some of my jokes.”

Hindi ko na napigilan ang matawa sa sinabi niya. “Wag ka nga! Your jokes suck. Baka
nga ako pa ang magjoke sa’ting dalawa kahit ako yung malungkot eh!”
“Sama mo. Or.. if you don’t like my jokes and you still feel sad.. I could hug
you.”

Okay that was a game changer. “Magjoke ka na lang. Okay na sa’kin yun.”

“What? I thought sad people deserve hugs?”

Ipipilit na niya naman ‘to pag sinopla ko siya. So di ko na siya aawayin. “Fine.
But first ask me if I’m really really said, okay? I don’t like surprise hugs.”

“Yeah. I think a hug could cure avor le mal de quelqu’un.”

“Ano na naman yan?”

“French phrase meaning intensely missing someone so much it literally makes you
sick. Someonesickness.”

“Whatever you say, Zades. Basta, I’ll hug you once you give me permission.”

“Wow, you weren’t kidding. You really do say nice things all the time.”

The grin he sported almost blinded me. “What can I say? Part of the Cortez Charm.”

“Tss. Feel mo naman masyado.”

“So.. are you okay now?”

“Yeah. Better.”

Much, much better.

=================

[24] Of Autocorrects and Texting Etiquette

Chapter 24: Of Autocorrects and Texting Etiquette

 <<< MAY CHAPTER 23 GUYS!!!!!


Dahil may iPhone na si Zade.. I couldn’t help but think of some text convos between
them. Remember, naka-postpaid na si Ateng! Haha! This is just a filler chapter so..
sana ma-enjoy niyo pa rin.

xxx

Convo #1:

Zade: Hello poh.

Andreau: ?

Hi poh. Pwde tau txtm8?

...

...

Masungit po ba kau kua?

Who’s this? How did you get my number?

Nakasulat po sa pinto ng cr ng mall ajejeje

...

...

Kua reply aman poh kau. Sayang sa lod ko

...

...

Kua..
...

...

Stop texting me or else I’ll report you.

Ay wag poh ganun kua gusto ko lang poh ng txtm8

...

...

Kua?

...

...

That’s it. This is a private line. If you don’t stop texting me, I’ll definitely
call the cops.

...

...

Hoy Andreau! Ang OA naman nito! Pulis agad?

...

...

Hoy Francisco! Si Zade ‘to. Joke lang yun kanina.

...

...

Nireport mo nga ba ‘tong number ko? Uy I’m sorry. Si Kesh kasi sabi biruin daw
kita. My bad.
...

...

Andreau?? Hello??

Convo #2:

Hey Andreau, si Zade ‘to. Pakisave na lang nitong bago kong number. And I’m sorry
about the thing the other day. Hindi na mauulit.

...

...

Okay.

Yun lang? Okay lang?

Yeah. What do you want me to say?

You’re mad at me?

Nope.

Ba’t ang tipid mong magreply?

...

...

...

Sorry late reply. Nakakashower ko lang.


OKAY TMI TEXT YOU LATER.

Convo #3:

Did you get it?

Yup. Am bringing it later.

Good. See you.

Tho I think we could still orgasm it later.

What!?

What the hell? Panong naging ‘orgasm’ yon? I typed organize!

Hah. Must be the autocorrect. Turn it off.

Di naman ganito last time! Si Kesh siguro nagbago nito!

Fine, I’ll fix it later. Dalian mo na please.

Oo na nagmamadali na. I’m so horny right now.

WHAT.

Dammit it! HUNGRY! I’m so HUNGRY! I hate this phone!

HAHAHAHAHAHAHA

It’s not funerary, Andreau!

HAHAHAHAHHAAHAHA!!

I don’t Bieber this!


HAHAHAHAHA!!!

I hate this phone!!

Why don’t you just call me?

...

...

Okay. In a sex!

...

...

I’m so gonna kill Kesh.

Convo #4:

Andreau! May joke ako.

...

...

Hoy Francisco! Mamansin ka!

Sana pala hindi ka na lang nagpostpaid. Mas okay pa na di ka nagrereply.

Whatever. May joke ako.

Anong tawag sa pusa na nasa gitna ng kalsada?


What?

Eh di.. matapang!

...

...

...

Is that supposed to be funny?

Tse! May isa pa. Anong tawag sa elepante na nasa taas ng puno?

What? This better be funnier than the last one.

Eh di.. magaling!

...

...

...

Andreau last one na! Anong tawag sa elepante na lumilipad?

...

...

...

...

...

...
Dumbo?

Wrong! Eh di..

...

...

...

Mas magaling!!!!

...

...

...

...

...

...

...

Andreau?

...

...

...

...

Sabi sa’yo eh. Wala kang sense of humor. Bleh!

 
 

=================

[25] Green-eyed Monster

A filler update! Hindi ko matanggal sa isip ko 'tong what if na 'to kaya.. eto
na :)

-A&Z-

Chapter 25: Green-eyed Monster

“Andreau.. interior or exterior yung scene 17? Wala ka kasing nilagay.

“...”

“Uy. Interior or exterior?”

“...”

“Andreau?”

“...”

Okay that’s it! “Francisco ano ba!” inagaw ko sa kanya ang iPad niya na totoong ka-
meeting niya ngayon at hindi ako. Titig na titig kasi siya eh. Parang may
pinapaanod ata siya or something. At ang bwiset, todo ngiti pa! Ang creepy nga ni
Andreau eh. Kung hindi ko siya kilala at nahuli ko ‘tong ginagawa niya,
pagkakamalan ko siyang baliw.

“What the hell, Zades?” he shot back at me angrily. Kinuha niya sa’kin ang iPad
niya at chineck kung may gasgas. “Ba’t mo ginawa ‘yon?”

Wow, the nerve of this guy! 45 minutes na kaming nandito sa café pero simpleng
Yeah, Tingnan mo na lang sa draft, Yeah, Uhuh lang ang nasabi niya sa’kin. Sino
bang hindi magagalit dun?
Sinilip ko ang iPad niya pero tinago niya sa’kin. “Ano ba yang pinapanood mo ha?
Sungit naman nito!”

Nilagay niya sa bag niya ang gadget para wala nang gulo. “None of your business.
And what you did earlier was rude.”

“Anong rude? Ikaw ang rude dyan excuse me! May meeting tayo dito tapos ikaw ‘tong
parang ewan na manonood ng kung ano dyan! What the hell was that anyway? Mas
importante pa ba sa meeting natin yang iPad mo?”

Andreau’s irritations was quickly replaced with guilt. “I’m sorry, Zades,” he said
earnestly. “May pinapanood lang ako.”

“Porn?”

Nanlaki agad ang mga mata niya. “What?”

“Were you watching porn earlier, Andreau?” His cheeks turned pink in an instant.
Isa sa adorable Andreau Cortez facts: madali siyang magblush. “What? No!” his
hurried tone gave me more suspicion. “Ano ba, Zades. Ba’t ako manonood ng porn in
public?”

Hah, maasar nga ‘to lalo. “Eh sa private nanonood ka?”

Naging pula na ang kaninang pink na pisngi niya. “Scheherazade Pascual!” Andreau
hissed, eyes probing around us. Wala naman kaming katabi dito sa café eh. And
that’s an odd thing ha.  Walang tumatabi sa’ming dalawa dito kahit maraming tao.
Lagi kami sa pinakadulong table pumupwesto at walang umaagaw non. Pinagsabihan kaya
ni Sir TJ ang customers dito? Weird.

“What? I’m just asking! Lalaki ka naman, so I assume you watch po—“

“Ugh shut up!” Napapikit na lang si Andreau, probably ginagawa niya ang breathing
exercise na sinuggest ni Kesh before. “That’s not up for discussion, Ms. Horny.”

Kaasar talaga ‘to! Pinatanda na naman yung autocorrect mishap ko last week! Akala
ko sa’ming dalawa lang ang convo na yun pero he found it so hilarious that he
shared it to other people. Kina Roldan, Kesh, Mars at pati kay Ms. Marisse! Buti
nga kinarma siya, narinig ni Tristan yung horny at ayun, it took him almost an hour
to explain kung anong ibig sabihin non. At napagalitan pa siya ni Ms. Marisse, na
ikinatuwa ko talaga.

Tinusok ko ng ballpen ang braso niya. “Tse! Ewan ko sa’yo! Ano nga yang pinapanood
mo?”
Defeated, nilabas ulit ni Andreau ang iPad niya at pinakita sa’kin ang kung anumang
pinagkakaabalahan niya kanina. Video pala yun ng isang.. babae.. na naglilip synch?

“Sino yan?” tanong ko sa kanya.

He tried to fight back the eye roll he perfected whenever I ask him things like
that one. “Hindi ba siya familiar sa’yo?”

“Malamang hindi. Magtatanong ba ako kung oo?”

“Si Emma Stone yan,” proud niyang sabi sa’kin. “She’s my ultimate crush.”

Tahimik at mabuti kong pinanood ang video ni Emma Stone. Wow, she’s hot. Taob ako
sa kagandahan ant hotness ni Ate. And she’s so funny! Kahit first time ko pa lang
siyang mapanood ang benta niya sa’kin. So impressive.

Tiningnan ko si Andreau habang pinapanood niya ulit ang video. He watched it with
pure adoration in his eyes. Whoa, he’s deeply enamored with this girl. Todo kislap
ang mga mata niya, parang pag nagkukwento siya tungkol sa favorite movies niya.

“That woman’s fucking awesome!” he exclaimed nang matapos na ang video. Magpi-play
pa sana siya ng isang video nang pinatay ko ang iPad niya. “What the?”

“You already had your fun. Now focus,” pinandilatan ko siya pero walang epekto.

“Ang killjoy mo naman! I’m just taking a break from the script! Relax!” His attempt
to charm smile me didn’t change my mood at all. nanood pa siya ng isa pang Emma
Stone video bago niya ako pinansin at ang script namin.

Damn this guy.

xxx

Two days later, distracted pa rin ako kay Emma Stone.

I get it. She’s talented, funny, so gorgeous and smoking hot. Pati nga si Kesh
gustung-gusto si Emma. Kulang na lang na himatayin siya sa kakakuwento ng love
story nina Emma at nung Andrew Garfield ba yun. Nagtanong lang naman ako kung meron
siyang movie ni Emma sa laptop niya, ang dami nang kwento.
I ended up watching Easy A instead of reviewing for my French quiz the next day.
Ano kayang espiritu ang sumanib sa’kin para gawin ‘to? Nakakaasar ‘tong curiosity k
okay Emma Stone ha. Kasalanan ni Andreau kapag bumagsak ako sa quiz ko!

In fairness.. she’s so funny and versatile. Nakakatuwa nga siya and fine, she’s
really hot. Nagustuhan ko rin ang Scarlett Letter reference sa movie. The ending
was okay.. though medyo cliché. Yung leading man niya (I forgot the name!), sobrang
gwapo ha. But still, Emma’s the bomb!

Ugh. Pati ba ako fangirl na rin niya? Ba’t ko ba ‘to ginagawa?

Kasi walang tigil si Andreau sa kakabanggit tungkol sa babaeng ‘to. Actually, he


was so bummed about that Spiderman advanced screening he missed last month because
of his tight schedule. Dati naman hindi niya nababanggit si Emma.

Kaya sobrang nakakairita si Andreau. Nawalan siya ng focus.

At mas sobrang nakakairita ang irrationality ko towards Emma Stone.

Kahit i-deny pa ni Andreau.. he certainly has a type. Gusto niya ng mga babaeng
petite, chinita at maputi. Just like Sarah and Jillian. Tapos si Emma Stone ang
ultimate crush niya? So inconsistent ha.

Okay Zades, tama na. Wala kang laban sa kadyosahan ni Emma Stone.

xxx

Contrary to what other people say, patient talaga ako. Kinakaya ko maging chill,
pangiti-ngiti lang habang naghihintay kahit nakakabadtrip na. Isa kasi ‘yon sa
advice sa’kin ni Tata Greg. Chill ka lang lagi, Saysay.

Kaso.. paano pa ako magiging chill kung hindi ko na talaga kaya?

Sa condo ni Andreau ang meeting namin this Saturday afternoon. Actually, namove
ngayong araw ang supposedly Friday meeting namin dahil nanood siya ng The Amazing
Spiderman kagabi kasama sina Roldan at film friends. Akala ko last straw na niya
‘yon. Na once napanoond na niya si Emma sa Spiderman ay babalik na siya sa’min ni
Tila.

But no. The mode just made his obsession worse.


For 20 minutes kinwento niya sa’kin ang buong movie kahit sinabi kong wala ako sa
mood na makinig. Puro si Emma na lang ang kinwent niya. Na mas hot daw si Ateng pag
blonde. Na perfect siya para sa role ni Gwen Stacy at.. puro papuri. Wala namang
masamang bagay na ginawa sa’kin si Emma pero naiinis ako sa kanya.

Si Andreau ang may kasalanan non.

Nasa kalagitnaan siya ng pagkukwento ng death scene ni Uncle Ben (?) nang hindi ko
na kinaya ang inis ko. Without a word, I stood up and walked towards the door.
Hinigpitan ko ang hawak sa backpack ko just in case kailangan ko siyang paluin
ulit.

“Zades! Where are you going?” mabilis siyang tumabko sa may front door para pigilan
akong makalabas. “Are you okay?” he inquired, his left hand gripped the door knob
lightly.”

Kalma lang, Pascual. You can do this. “Gusto ko na umuwi.”

“What? Hindi pa nga tayo nagsisimula eh!”

Is he that oblivious? My god. “Oo nga. Akala ko yung script ang pinunta ko dito.
Hindi ako nainform na presscon pala ng Spiderman ‘to,” I snapped back
sarcastically.

Narrowing his eyes, Andreau stepped away from the door and moved closer towards me.
He stepped inside my personal space pero wala akong pakialam. Naiirita talaga ako.

“So aalis ka dahil sa Spiderman?”

“No. Aalis ako kasi naiinis ako sa’yo.”

“Dahil sa Spiderman?”

“Sa’yo nga ako naiinis! Sa Monday na lang tayo ulit mag-usap, okay?” I managed to
walk past him but he grabbed my arm. “Andreau.. dala ko ‘tong backpack ko. Believe
me nung Lunes pa kita gustong paluin ulit nito.”

Gulung-gulo si Andreau sa drama ko. “What’s the matter, Zades?” he asked softly.
Shit, walang ganyan please. “Did I do something wrong?”

Eto tayo eh. 30%  kasalanan niya, 70% kasalanan ko. Nakakahiyang aminin kaya..
“Wala. Now please, let me go.”
Binitawan nga noya ako pero kinuha niya ang backpack ko at binuksan ‘yon. “Where’s
that goddamn stick?” he demanded.  Para siyang security guard na nagkakalkal ng
gamit sa mall entrance. “Dala mo ba yun?”

Hinila ko ang bag ko palayo sa kanya. “Ano ba! Wag mo ngang pakialaman ang bag ko!”
Nakita niya ang stick bago ko tuluyang maisara ang bag. Bigla niyang pinasok ang
kamay niya sa loob kaya naipit siya.

“Shit!” Andreau yelped in pain. Hindi niya mahila ang kamay niya dahil sinasadya ko
nang ipitin ‘yon gamit ang zipper. “Open your damn bag!”

“Eh papaluin ko ako ng stick!”

“Are you kidding me? Mag-uusap lang tayo!”

“Bakit ba kai—“

He managed to pull out his hand at hawak na niya ang listening stick. If he ever
tries to hit me with that stick.. he’ll definitely see his last moments on this
planet. “Mag-uusap lang tayo, okay? Para magamit na natin ‘tong bigay ni Kesh.”

“Makikinig naman ako! Ba’t pa ka—“

Andreau threw me his are you fucking kidding me look na alam niyang kinakatakutan
ko. “Really? Okay, let me talk first.” Mahigpit niyang hinawaan ang stick at
nagsimula na. “Zades, hindi ko alam kung bakit ka nag—“

“I’m not having this conversation with you.”

“—galit sa’kin. Okay, I’m really sorry for what I did. Gusto ko lang muna ng break
from scriptwriting. The truth is..” he sighed and looked at me with his warm brown
eyes. Oh no, not that look. Ilang beses na niyang ginamit sa’kin yan para magpaawa
and it’s freaking effective. “Medyo nabablangko na ako kay Tila. I want a break.”

Is that it? Nawawalan siya ng focus? Hindi siya inspired? What?

Hindi ko namalayan na inaabot pala niya sa’kin ang listening stick. “Your turn.”

Ano namang sasabihin ko? Andreau sorry ha kaya ako nagalit sa’yo kasi nagseselos
ako kay Emma Stone at puro siya na lang a—

Okay Zade. What was that?

Triple shit. Hindi ko pwedeng sabihin kay Andreau ‘yon. Sobrang wala sa lugar ang
dahilan ko.

So I replied.. “I have nothing to say.”

He took a step forward, hinawakan niya ang kamay ko at nilagay don ang stick. “Come
on, Zades. Tell me why you got mad. Imposible na wala lang ‘yon. Don’t lie.”

Ugh. Sabi ko pa naman sa sarili ko na last lie ko na kay Andreau yung sa kiss.
Hindi ko alam kung natupad ko ba ‘yon or recently nagsinungaling ba ako sa kanya. I
love knowing the truth so..

“Fine,” hinigpitan ko ang hawak sa stick just in case bigla niyang agawin habang
nagsasalita ako. “Bakit ako galit ha? Kasi.. damn it, Andreau! I’m jealous, okay?”

My answer left him shell shocked. Siguro iniisip niya na mababaw ang dahilan ko.
Aba, excuse me! Kung siya kaya nandito sa pwesto ko! He broke his silence after few
seconds. “What?”

“I’m.. jealous. Not in a romantic way, though,” I clarified instantly. Baka kasi
ikwento niya kay Roldan ‘to at lalo pa siyang mag-imagine ng kung ano. “Look.. I
invested a  lot in this thing.  Too invested, actually. And.. this is our thing.
Ilang linggo na nating pinag-aksayahan ng oras ‘to tapos.. siguro nasanay lang ako
na.. parehas tayo ng level ng enthusiasm kay Tila.”

Andreau’s face remained the same. Okay.. dapat ba akong magpanic dito? Baka
nastroke na siya or something. “Andreau.. I’m sorry. It’s just that.. paano ba
‘to.” Shit, ngayon na ako nawalan ng masasabi! “Kasi.. once you do something you
love, you do it with everything you have. Not that I’m blaming you pero.. you
should’ve said something para.. may alam naman ako.”

He shook his head and took a step forward. “Wait, you’re jealous?” tanong niya
sa’kin.  Nang hindi ako sumagot, he used his charm smile. “Nagseselos ka kay Emma
Stone?”

“Wag ka ngang mayabang dyan!” Marahan ko siyang tinulak palayo sa’kin. “Yeah, kay
Emma Stone. Dahil OA na ang atensyon mo sa kanya kesa sa script natin.” Wow, natin.
Co-ownership, Pascual!

Kinuha niya ang listening stick mula sa’kin at tumahimik saglit. “Okay, I have
things to say. First, I’m really sorry for what I did. I should’ve said something
but.. I didn’t. I was kinda hoping that you’ll get it. It’s obvious that subtlety
doesn’t work on you.” We both smiled at his last sentence. Tama nga naman, mas
gusto ko kapag straight to the point. “Second.. don’t be jealous of Emma Stone.
She’s just my crush.”

“Ultimate crush,” my correction made him roll his eyes.


“Yeah. Whatever. Imposible naman na makuha ko si Emma. May Andrew Garfield na
siya.”

“Well.. I do like Andrew Garfield. Gusto mo ako na bahala sa kanya? I have some
tools in my disposal that I could use.”

He ended up laughing so loud that he landed on his sofa. Ako rin, natawa sa itsura
niya. Para talagang bata si Andreau kapag tumawa siya nang ganyan. Hah, I made him
laugh. I’m getting better at this.

“Andreau.. I’m sorry,” nahihiya kong sabi. “Wala talaga sa lugar yung dahilan ko. I
promise that next time.. I’ll be more sensitive when it comes to those things. Just
promise me to tell me pag may problem aka o ano. I always want to know the truth.”
Paki-tandaan din yang sinasabi mo ha, Pascual?

“Yeah. Truth always. Kaya nga may listening stick tayo dito, right?” kinuha niya
ulit ang stick at tinitigan ito. “Hey, this thing really helped us, right? Tell
Kesh her therapy works.”

“Anong therapy ka dyan? Excuse me lang ha, ayoko nga. Lalaki na naman ulo nun pag
pinuri ko siya. Papaluin ko na lang siya ng stick.” Natawa siya sa sinabi ko.

“You’re a wild woman,” he said after his laughter subsided. “So.. solid?”

“So you’re saying that you’re unfulfilled with this script?”

“Kinda. I just want a break. We’ve been working on this nonstop.”

“Ah. Niedosyt.”

“Again?”

“Niedosyt. You’re in that state of unfulfillment or dissatisfaction.”

“Talagang inisip mo pa yun ha? So.. solid nga?”

I nodded. Makikipag-away pa ba ako? “Of course, diamond, remember?”

“Zades, pag sinabi kong solid, dapat solid din ang irereply mo. Not diamond.”

“But why? Diamond is the hardest substance. Bakit, gusto mo bang i-compare ko ang
friendship natin sa.. kahoy? Inaanay ang kahoy, Andreau.”
“Do you think I don’t know that?” he groaned. “Besides, nananakaw ang diamonds.”

“But unlike wood, buo pa rin siya as time passes. Pag ang ka—“

“Why are we fighting about this again?”

“I don’t know. You started it!”

“Me? Why me?”

And just like that.. normalcy was restored. Thanks to that listening stick.

=================

[26] She's My Girlfriend!

Chapter 26: She’s My Girlfriend!

Last time sinabi ko kay Andreau na ”Once you do something you love, you do it with
everything you have.”  I thought hindi siya nakikinig sa litanya ko nung nag-away
kami last week. I must not underestimate his sharp memory, ako lang ang napapahamak
eh.

Sa almost one year at six months na nakilala ko si Andreau, alam ko na ang mga ayaw
at gusto niya. He likes 70’s and 80’s movies, brewed coffee, jazz music,
chocolates, salty French fries.. and the list goes on.

Pero.. wala sa listahan niya ang baking.

“Ouch! Goddammit!” my head snapped to his direction and I caught him sucking his
thumb. Paano ba naman, kinuha niya ang baking pan with bare hands! Basta na lang
niyang nilapag sa counter ang pan at tinitigan ito. “Damn it, not good enough.”

Halos three hours na niyang pinapahirapan ang sarili niya sa pagbi-bake ng birthday
cake para kay Tristan. 7th birthday kasi ni Little Boss bukas at gusto ni Big Boss
na maiba naman ang regalo niya. Kung paano niya naisipan na magbake ng cake? I
don’t really wanna know and ask. Baka matawa lang ako.
Andreau gingerly removed the burnt cake from the pan and placed it on the tray with
the other failed ones. “Pwe,” sabi niya after niyang tikman ang cake. “What the
fuck’s wrong with this cake?” Muntikan na niyang ihagis ang buong tray sa sobrang
inis.

Ako? Aba wala akong gagawin dyan. Una, wala akong kaalam-alam sa baking. Ang
tanging gusto ko lang ay ang finished product. Pangalawa, sinabihan ako ni Andreau
na wag siyang pakialaman kaya sa sala ako pumirmi at nanood na lang ng TV.
Sinisilip ko lang siya mula dito sa kinauupuan ko. Ang ganda ng view ko dito in
fairness!

Seryoso na ako sa panonood nitong Phineas and Ferb (influenced by Little Boss)
nang..

“Zades, I need your help.”

Hah. Sabi ko na nga ba.

Pinatay ko muna ang TV bago ko siya pinuntahan sa kitchen. Gosh, ang dating pang-
magazine sa linis na kitchen niya.. wow. Ang gulo. Nagkalat ang utensils sa counter
at sink, may flour at eggshell bits sa floor, nakatiwangwang ang mixer, nanigas na
ang chocolate sa bowl at.. ang daming sunog na cake.

At si Big Boss? He looked.. adorable in a messy way.

May kaunting chocolate at cake batter siya sa pisngi, tapos namuti na ang ilong at
buhok niya dahil sa flour. Plus.. he totally rocked the Kitchen Nerd apron he’s
wearing. Kaso asa pa siya na marunong siya sa kusina.

I couldn’t hide my smile from him. Refreshing na makita ang unguarded moments ni
Andreau Cortez. Pasimple ko siyang kinunan ng picture habang naghuhugas siya ng
kamay. Future blackmail prop.

“So.. anong kailangan mo, Boss?”

“Tss. Don’t call me that.”

“Okay. What gives?”

With a slight frantic look, he turned back to the counter and lifted up the tray of
cake rejects. “Look at these! Damn it, I wasted three fucking hours for nothing!”
He slammed the tray down with more force than necessary. “Damn it!”

Oh, Pissed Off Andreau pala siya ngayon. Isang indicator na nasa ganung mode siya
ay kapag nagmumura na siya. Just like now. “Andreau...”

“Okay, I’m sorry,” he said quickly. ‘This is so frustrating. Bakit sa cooking shows
madali lang ‘to?

“Well experienced kas—“

“And I fucking burned every damn cake!” he confessed on a near wail. “I swear I got
the temperature right. The oven has a timer so why the hell that happened!”

Pumunta ako sa may counter at nilayo ang epic fail cakes mula sa kanya. His
frustration was so intense na feeling ko any minute ibabato niya ang tray sa pader.

“Hey, calm down,” Curving my hands over his shoulders, I began to massage gently,
trying to dispel the knots of stress. “You know, you could just buy him a ca—“

“Ugh. Don’t g— damn that feels good,” he groaned as his head lolled back. Kahit
paano naramdaman ko na narelax din siya. “Where’d you learn this?”

I took my time before replying. “Kay Nana. Magaling siya sa ganito. Dapat
nagpahilot ka sa kanya last time.” I applied gentle pressue on the back of his neck
that made him wince. “Did that hurt?”

“Sshh.. I’m thinking.”

“Is this helping you think?” I asked, moments later.

He slowly nodded. “Y-yeah. Pwede bang diinan mo dito?” he tapped his right
shoulder. Wow, hello there tight knots! Nagbake ba talaga siya o nagbuhat ng mga
sako ng bigas? “Fuck!” he muttered when I pressed on the tightest spot. “That feels
so good.”

Massaging someone like this is such an intimate act. Mahilig akong magmamasahe pero
kapag may nagrerequest lang sa’kin. Etong masahe kay Andreau? Ako lang naman ang
may paandar nito. I was surprised, hindi siya nainis sa’kin. He needed this
massage, that I could tell.

Plus, nandito ulit kami sa kitchen niya. Ba’t ba lagi dito nagaganap ang intimate
moments namin? Una, yung kiss. Tapos yung birthday celebration ko. At ngayon.. ito.
May sussunod pa ba?

The massage lasted for few more minutes. After that, Andreau turned around,
sporting that mysterious smile again. “Thanks a lot, Zades. That made me feel much
better.”
“You’re welcome, Boss. But.. the massage isn’t enough, right?”

“Yeah,” his troubled look returned for a moment and was quickly replaced with a
tired smile. “One last try. Kung panget pa rin, bibili na lang ako ng cake.”

“Okay, I’ll ask for help,” I told him as I reached for my phone. “Anong cake ba ang
gagawin mo?”

“Chocolate cake. Hey, sinong tatawagan mo?”

“Texting, actually. Si Mima. May three hours pa bago ang shift niya sa restaurant.
She could help you.” Nanahimik siya bigla nang mabanggit ko ang nanay ko. “What’s
wrong?”

“N-nothing,” mabilis niyang sagot. “I’ll clean up first.”

Tahimik na nagligpit ng kalat si Andreau habang hinihintay ko ang reply ni Mima.


Ten minutes later, a text message arrived: Facetime na lang! Good thing laging
bukas ang wifi dito sa condo ni Big Boss. “Andreau dalian mo dyan. Facetime na with
Mima!”

Nag-ayos pa ng buhok si Andreau bago siya lumapit sa’kin. Peering over my shoulder,
he impatiently asked, “Nasan na? Is she the—“

“Say!”

Dear God, muntik ko nang mabagsak ang phone ko sa gulat. Pa’no ba naman, may suot
na facial mask ‘tong nanay ko! “Ma! Ano ka ba! Ba’t di ka naman lang nagsabi na may
suot kang ganyan!”

Tinawanan na lang niya ako. “Nasan si Andreau?”

Ugh, fangirling mode na naman ang nanay ko ngayon. Inabot k okay Andreau ang phone
ko. “Magsama nga kayong dalawa! Kainis!”

Andreau cleared his throat before speaking. “Hello po Tita George,” aba ang bait
ata niya ngayon! Ganyan talaga siya pag may kailangan! “Sorry po talaga sa abala.”

“Uy ano k aba! Don’t worry! So.. baking?”

Ang dapat na 10 minutes na pagtatanong ni Andreau ay nauwi sa halos 45 minutes na


chikahan nila ng nanay ko. Kung hindi pa siguro nalowbatt ang phone ko I’m sure
aabot ng ilang oras ang kwentuhan nila!

“O, may napala ka?” tanong ko sa kanya habang naghuhugas siya ng kamay. Hindi siya
sumagot, pero tinanggal niya nag apron na suot niya at naglakad palabas ng kitchen.
“Andreau! Where are you going?”

He stopped and turned around, grinning. “Fine, you win.” Naglakad ulit siya nang
wala akong naisagot sa kanya. No choice ako kundi sundan siya.. and we stopped in
front of his bedroom.

“Ha? Nag-away ba tayo at di ako informed?”

“You’re right. I should just buy a cake.”

“What? Seryoso ka ba dyan?” okay gusto ko talaga na bumili na lang siya ng cake
pero akala ko gagawa pa siya ng last one! Gusto ko kasi siyang makita na
namomroblema sa pagbi-bake! Ang sama ko talaga.

“Yeah. Sabi ni Tita George tuturuan na lang niya ako magbake pag umuwi siya dito.”

Unbelievable. May secret relationship ba sila ng nanay ko ha? “Eh nagnotes ka pa


naman ka—“

“Just shut up and fix yourself, Zades,” he flashed his charm smile to lure me.
“We’re gonna eat lots of cakes.”

xxx

Boy, did we eat lots of cakes.

I don’t really like cakes, Andreau knows that pretty well, pero dinala niya pa rin
ako sa iba’t ibang bakeshops para maghanap ng awesomely perfect cake for Tristan.
Lahat ng pinuntahan naming shops ay nagulat sa sudden visit namin (well, ni Andreau
talaga). He definitely could charm almost everyone! Proof diyan na pumayag silang
lahat na i-taste test namin ang halos lahat ng flavors na matripan niya. nabusog
ako sa kakatikim ng cake! Kaso siya.. sobrang nag-enjoy at parang walang kabusugan.

“Andreau.. hindi ka pa ba satisfied?” I asked him seriously. Kakaalis lang namin sa


fifth bakeshop na nakita namin at halos walong cakes na ang nakaupo sa backseat ng
Dodge niya. “Anong gagawin mo sa cakes na yan?”
He chuckled at my question. “Of course, I’ll eat them. Or ibibigay ko kina Roldan
at Mars.”

“Another question.. anong ginagawa mo sa cakes na bigay sa’yo ng sponsors sa


birthday mo?” Ang tagal ko nang gustong itanong yan sa kanya after kong mapanood
ang birthday prod ni Jillian sa isang Sunday variety show recently. Ang OA sa dami
ng cakes eh!

Andreau glanced at me and smirked. “And you’re curious now?”

“Just answer me. Kinakabin mo ba lahat yun, inuuwi.. or what?”

“May iba na.. for show lang. Minsan binibigay ko sa staff ko. I keep the ones I
really like though.”

“Oh. You do love sweets, huh? Hindi ka ba natatakot na magkaron ng diabetes? Baka
nasa lahi niyo yun ah. Or tumaba?” I babbled, thinking about the amount of cakes he
consumed earlier. “That’s quite unhealthy, Andreau. Aware ka naman na nakakataba
ang sweets di ba? Kahit sponsor mo ang Gold’s Gym dapat may diet ka pa rin. Sayang
ang pagwoworkout mo thrice a week kung lagi kang kuma—“ I stopped talking nang
mapansin ko na nakatingin pa rin sa’kin si Andreau. “What now?”

“Did you just praise my physique?” he inquired with a wolfish grin.

“Ha? Saan mo naman nahugot yan? I did not say anything about your physique. Sabi ko
sayang lang ang workout mo. Totally different things.”

His grin just grew wider. “Damn you did, Zades. You don’t have to be shy about it.
I’m good at accepting compliments.”

“Ba’t naman kita icocompliment ha? I don’t even like muscular guys,” I scoffed,
avoiding his steely gaze at me.

Andreau’s jaw dropped and shook his head. “Wow. So all this time pinaplastic mo
lang ako?” he asked in mock disappointment. Okay dinadramahan ako ng lokong ‘to.
Bahala siya sa buhay niya.

“Eyes on the road, Andreau,” I retorted back, neither confirming nor denying
anything.

In the end sa isang maliit na bakeshop malapit sa campus namin nahanap ang perfect 
chocolate cake for Tristan. We found the place by accident, nagkamali kasi ng
street na nilikuan si Andreau. Ayaw pa nga niyang i-try nung una, baka raw di
masarap. Buti na lang napilit siya ng kagandahan ko. Kidding.
“Hah! What did I tell you? Worth the shot, right?” I told him once we stepped out
of the elevator. Halos mangalay na nag mga braso namin sa pagbubuhat ng cakes!

“Oo na, the credit’s all yours. The cake is so damn good.” This guy bought two
chocolate cakes, one for him and one for Tristan. Ten cakes, all in all. Anong
gagawin niya dun?

Tinulungan ko siyang magligpit ng kalat niya sa kitchen pagkadating namin sa condo


niya. Andreau’s very particular about cleanliness, to the point na binibusisi niya
ang spaces ng tiles sa kitchen counter niya kung may dumi pa o wala.  Dapat uuwi na
ako after cleaning up pero napilit niya akong magstay pa saglit para kumain ng
cake. Again.

“So.. tomorrow,” he said tentatively as he devoured the last bite of his cake.
“What time will you be there?”

Inubos ko muna ang cake sa platito ko. “An hour early siguro. Nirequest ni Tristan
eh. Kelan mo ibibigay yung cake?”

“Tomorrow, breakfast.”

“Sira ka ba? Breakfast ‘yon, at bata si Tristan. Di healthy na pakainin mo siya ng


cake sa umaga.”

His eyes grew wide in disbelief. “C’mon, Zades. He’s just a kid. And it’s his
birthday so he deserves to have that indulgence.”

“Ugh,” I groaned. Inabutan niya ako ng baso ng tubig. “I don’t wanna bring up your
fascination with birthdays right now ‘coz I know I’m gonna lose the argument.”

“No more arguments about that subject, Patty B. Birthdays are very monumental to
kids, especially if it’s their seventh.”

“Di ba dapat first birthday yon?”

“The seventh is also included. Don’t you dare give me facts about birthdays ‘coz
they’re invalid.”

“Fine. Just promise me na after breakfast siya kakain ng cake. Magagalit na naman
sa’yo si Ms. Marisse.”

In fairness, masarap talaga yung cake! Sa lahat ng cakes na natikman ko ito ang
pinakanaappreciate ko ever. Aasarin niya na naman ako once na malaman niya ‘to. He
really loves it when he’s right.
Our day ended on a different note. Recently kasi hinahatid na ako ni Andreau pauwi
sa dorm. Ilang beses din naming pinag-awayan ‘to but in the end he won the fight.
Well, gets ko naman ang point niya. Gusto niya akong magkaron ng gwapong driver for
a change.

Perks of being friends with Andreau Cortez. How convenient.

xxx

I never had a big birthday celebration for my 7th birthday. Ni hindi ko nga
matandaan kung anong nangyari non eh, kung may handa ba kami o wala. Nandito pa
kasi nun si Mima, baka nagluto yun ng something na masarap pero di ko na matandaan.
Basta sure ako na may arroz caldo ako nun na galing kay Tata Greg!

Of course, Tristan’s different. Anak siya ng isa sa pinakasikat na travel show host
dito sa Pinas at pinsan ng heartthrob ng bayan (did I just say that?) At kahit bata
pa lang siya, notable na ang awesome artista genes niya, thanks to his gorgeous
parents. Tristan is their prince. Tama si Andreau, he deserves to have every
indulgence he wants on his special day.

Kaya hindi na ako nabigla na sa isang pang-yamings na country clubhouse ang venue
ng birthday niya. Summer pa lang planado na nina Mars at Ms. Marisse ang details
for the party. Nagulat nga ako na gusto niya ng simpleng party, na may games, good
food, malaking birthday cake, bisitang classmates and lots of cotton candy. Phineas
and Ferb theme sana ang gusto nila kaso himalang umayaw si Mr. T.

Around 2PM ako dumating sa clubhouse, just as promised. Solo ang drama ko ngayon
kasi nasa fieldtrip si Kesh the whole weekend. Sana nandito rin si Roldan para may
kausap ako. Media people agad ang nakita ko, nagsesetup sila ng lights and cameras
around the area. Must be the Wanderlust crew. I heard na ifefeature raw nina Ms.
Marisse sa show ang birthday ni Big Boss.

Instead of the Phineas and Ferb theme, simpleng white and blue decors na lang ang
ginamit sa chairs, tables and even sa stage design! Ang agaw atensyon for me ay
yung AVP ni Tristan. Ang cute cute ni Little Boss sa baby pictures and vids niya!
Si Andreau siguro ang gumawa nito.

“Ate Zade! Ate Zade!”

Nakita ko si Tristan na patakbo papunta sa’kin. Wow, porma kung porma siya ha!
Nakasuot siya ng white long sleeves, dark washed jeans at black leather shoes.
Little Andreau Cortez ang peg niya today!
“Happy birthday Mr. T!” batik o sa kanya sabay yakap. God this kid smelled so good.
“How’s your day naman?” I spotted Andreau walking towards us, almost wearing the
same attire as Tristan’s. Bitbit niya ang dSLR niya, so that means siya ang
official photographer ngayon. Okay pinagmukha na naman nila akong yagit sa tabi
nila!

Todo ngiti sa’kin si Tristan. “it’s a blast, Ate! I’m really having fun! Thank you
nga po pala sa cake!”

I looked at Andreau, who just smiled at me. “You’re welcome, Mr. T! mamaya na yung
gift ko sa’yo ah?” Nilabas ko ang phone ko para magpicture kaming dalawa. “Birthda
selfie nga tayo!” I crouched down para level kami ni Tristan. “Okay Mr. T! One,
two.. smile!” Ilang shots pa ang kinuha naming selfie bago tawagin ni Andreau ang
atensyon namin for a picture.

“Kuya Andreau,” Tristan tentatively called him after a shot, “dadating ba si Ate
Sarah mamaya?” Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Big Boss.

“Uhh.. no. May taping kasi siya eh. Pero may gift siya sa’yo.”

Tristan bit his lip and nodded silently. “Okay po. Wait lang po ah? CR lang po
ako!” niyakap niya ulit ako bago siya tumakbo papunta sa CR.

Okay that was weird. Anong gagawin ni Sarah sa party na ‘to? This is a kiddie
party, and wag niyang gagawing excuse na kaibigan siya ni Andreau kaya siya
invited. Well kung ininvite siya ni Ms. Marisse pwede pa. Pero hindi naman sila
close ni Tristan so.. what gives? Pwedeng-pwede ko namang itanong dito sa katabi ko
kaso ngayon pa ata ako tinamaan ng hiya.

“Andreau?” tanong ko sa kanya moments later. “Anong meron dun sa cake?”

Nginitian niya ako at hinila palabas ng clubhouse. Sa likod ng malaking speakers


niya ako dinala. Damn this guy, muntikan pa nga akong madapa sa nagkalat na cords
sa lapag!

Tiningnan muna niya ang paligid kung may tao, the nearest ones were about 10 feet
away from us. “What’s that again?” tanong niya sa’kin.

I rolled my eyes at him, and in return he chuckled. “Sabi ko ba’t sinabi mo kay
Tristan na galing din sa’kin yung cake?”

He shook his head and smiled. “Tama naman ah? We found that bakeshop together so
you also deserve the credit.”

Trust me, I really really want to fight him with that cake thing but he looked so..
dashing. Confession time: I’ve developed this thing for Scruffy Andreau Cortez.
Ilang araw na rin siyang hindi nag-aahit kasi tinatamad daw siya. Ugh. “But it’s
your mone—“

“Zades.. don’t fight me on this.”

“Uhh.. okay,” I replied, slightly avoiding his gaze. “Question. Ba’t pupunta si
Sarah dito?” I was expecting na mag-iiba ang reaksyon niya, na may tinge of hurt or
resentment towards his almost love. Kaso mali ako. The smile never left his lips.
So masyado lang talaga akong nag-aassume ha.

“Sabi kasi ni Mars baka dumaan siya. I really don’t know why, though. Hindi naman
sila close ni Trist.”

Maraming theories ang pumasok sa isip ko about sa motive ni Sarah sa pagpunta niya
dito. Ang sama naman niya kung gagamitin niya si Tristan as a publicity stint ha. I
heard na magkakaron daw siya ng debut album next month. Good thing sobrang panget
ng boses ni Andreau kaya imposibleng magkaron siya ng album niya. Hindi maisasalba
ng kahit anong klaseng auto tune ang boses niya.

A loud clap brought me out of my trance. Isang nakangising Andreau Cortez ang
nakita ko sa harapan ko. “Penny for your thoughts?” he asked.

“W-wala. Matagal pa ba yung buffet? I’m darn hungry. I only ate a muffin on my way
here.”

“C’mon let’s go, may donuts si Mars sa tent sa likod. Let’s eat there, shall we?”

He had me at donuts so I don’t care kung pinagtitinginan kami ng media people nang
mapadaan kami sa harapan nila. Gutom ako please.

xxx

Habang pinapanood ko sina Tristan at ang friends niya na nag-eenjoy sa party, hindi
ko mapigilang mainggit sa kanila.

Siguro.. mayaman kami ngayon kung buhay pa si Papa at isa siyang successful na
painter. Eleven years ago meron din akong 7th birthday celebration, maybe Hello
Kitty themed tapos may malaki akong Hello Kitty chocolate cake. Baka siguro
nakasuot ako ng white dress na may pink na belt at black shoes. Katulad din siguro
ako ni Tristan na naglalaro as if walang bukas, as if hindi na sila tatanda.
Iniisip ko rin siguro kung anong laman ng malalaking box, kung masarap ba ang cake
ko at kung anong wish ko mamaya sa candle blowing. Siguro ang saya rin ng 7th
birthday ko.. kung nabuhay ako sa ibang circumstance.
Gosh, Zades. Pining over something you never had is pathetic. Wala kang
pinanghahawakan kung hindi imahinasyon at pangarap mo lang. Sinasaktan mo lang ang
sarili mo para sa wala.

Drama aside, nakakatuwa ‘tong party ni Tristan. Marami siyang bisitang bagets,
mostly classmates and friends niya sa Grade 1 class niya, and yung iba celebrity
sons and daughters ng friends ni Ms. Marisse. Even yung mga magulang ng mga bata
nag-eenjoy! And cuteness overload lang ang mga bagets! Sina Andreau at Mars ang
host ng program and in fairness may hosting skills ‘tong si Big Boss. Responsive sa
kanila ang mga bagets, mainly siguro sa itsura niya (okay, smooth talker talaga yan
dapat but face it, it’s the looks) and sobrang nakakatawa si Mars. Pati kami ni
Roldan walang tigil sa kakatawa dito sa table namin dahil sa mga jokes ni Mars.
Bakas kay Tristan ang happiness niya sa party.  Abot tenga ang ngiti niya, tapos
super saya pa ng mga mata. I’ve never seen him happy like this.

After ng ilang games at ng food (na sobrang sarap! Buti na lang si Roldan ang
kasama ko, sa plato niya ako nakikilagay ng extra food), dumating na rin sa
favorite part ni Tristan: ang candle blowing. Ilang araw niyang pinagpractisan ang
pagblow ng birthday candle niya kasi gusto niyang maganda sa video. Sa gitna ng
clubhouse nakapwesto ang simpleng blue & white three-layer cake ni Tristan, plus
the cute little cupcakes. Kanina pa binabantayan ni Andreau ang cupcakes, lalo na
nung narinig niyang Nutella ang filling nun. Boys.

“Okay Trist!” masiglang sabi ni Andreau nang makapwesto na sina Tristan at ang
parents niya sa harap ng cake. Nakasakay si Little Boss sa balikat ni Sir Shane
dahil di niya reach ang height ng cake. “Ready ka na ba to blow the candle?”

“Naman, Andreau! Yan pang bagets!” Mars added, laughing at Tristan’s pigil look.
“Friends, pinaghandaan po ng birthday boy ang part na ‘to! So c’mon, let’s sing
Happy Birthday for him!”

Nagsitayuan kaming guests habang pinalibutan ng mga bagets ang table na may cake.
Lahat sila excited dun sa cake ha. Sana may ganung enthusiasm din ako pag
nakakakita ako ng cakes!

“Okay let’s sta—“ Andreau was cut off by Tristan who suddenly started to clap. “O
bakit, Trist? What’s wrong?” parang ewan din ‘to, di man lang nilayo ang mic sa
bibig niya!

“Si Ate Zade! Si Ate Zade!” sigaw ni Tristan sabay turo sa’kin. Napatingin din sina
Sir Shane at Ms. Marisse sa’kin. Uh oh.. ba’t ako? Nilapit ni Andreau kay Tristan
ang mic. “Ate Zade dito ka please?” he announced sweetly.

Oh God. Seriously? Gutom pa ba ako at nag-iimagine ako ng bagay bagay? I just


stared back at Tristan, unsure of what to do next. Tumahimik din ang ibang bisita
sa request ni Tristan. Okay hindi pa ata sila nakakamove on dun sa Chismis Squad
blind item!
Agad akong tumingin kay Andreau.. and ugh. He’s using the smile again. “Zades,
punta ka raw dito. Birthday boy’s orders.” Nang hindi pa ako gumalaw siniko na ako
ni Roldan. “C’mon, kanina pa gusto kumain ng cake nitong mga bata oh.”

Wow, porke’t nasa kanya ang microphone pwede na niya akong asarin ha. I took a deep
breath before walking towards their table. Kay Ms. Marisse ako tumabi, baka mamaya
gawan ulit kami ng issue. My goodness feeling ko lahat ng mata nakatingin sa’kin
eh. That rumor really did a number on me.

Si Mars ang naglead ng Happy Birthday song, na sinabayan naming lahat. Andreau did
all of us a favor by not singing with us. Good thing he knows his boundaries. Si
Tristan lang ang tinginan ko habang kumakanta kami. Ang bilis pala talaga ng
panahon! He was just five years old nung nakilala ko siya tapos ngayon.. god I
don’t wanna tear up in front of everybody!

Bago siya magwish, bumaba si Tristan from his father’s shoulders at nagpakarga kay
Ms. Marisse. “C’mon Mr. T, make your wish na!” she whispered softly.

Tristan closed his eyes for a moment before leaning down to blow the candle. Mas
lumapad ang ngiti niya after wishing. Nagpalakpakan kaming lahat at nakisali rin
siya. Aww this boy’s so cute!

“So Tristan,” Andreau asked after the claps subsided, “what was your wish?”

Inabot sa’kin ni Mars ang mic niya para makapagsalita si Tristan. We were all
surprised to see the birthday boy blush. Totoo ba ‘to, nagbublush din pala ang
seven year olds? “Uhmm.. ano po..” nahihiyang sabi ni Tristan. Mas nacurious tuloy
ang mga bisita sa reaction niya. “Ano po.. I wished na.. sana po maging girlfriend
ko si Ate Zade!”

WHAT.

I felt Tristan’s arms enveloped my neck before I could even react. Sa gulat ko
bigla akong napalingon sa kanan ko.. and the unexpected happened.

Tristan’s lips touched mine.

xxx

Ate Zade.. galit ka po ba sa’kin?


What? No no no. I’m not! C’mon, Mr. T, don’t cry! Birthday mo ngayon oh. Dapat di
ka malungkot. And besides, you already apologized. You’re forgiven na.

...

Tristan? Please, don’t be sad.

Dapat pala.. ibang wish na lang yung sinabi ko. Marami naman akong wishes pero..
yun pa po sinabi ko.

Okay lang naman yu—

Eh kasi Ate.. sabi ni Kuya Andreau pwede magwish kahit impossible things. Kaya yun
po ang winish ko. Hindi ko naman po talaga kayo magiging girlfriend eh..

Oh God Tr—

Gusto ko lang po na magkagirlfriend na tulad mo, Ate. Sorry din po pala dun sa
kiss. Di ko po yun sinasadya.

Oh. Accident naman yung kiss eh. Wala sa’kin yun, Tristan. C’mon, smile na.

Pero Ate Zade.. di ba dapat kinikiss mo lang yung mga love mo? Lalo sa lips? Ganun
kasi sina Mommy at Daddy eh. Love nila isa’t isa kaya sa lips sila nagkikiss. Tapos
po si Mommy sa lips din ako kinikiss. Sorry po kung kiniss kita sa lips, Ate.

Hey, ano ka ba. Of course, I love you, Tristan. I won’t stick around this long if I
don’t, right?

Talaga po, Ate? Love niyo ako?

Yep. I do. I love you thiisssss big!

Sana po pala winish ko na lang na tumanda ako agad, Ate Zade. Para pwede na po kita
maging girlfriend.

Alam mo, Tristan? Bata ka pa naman. Marami ka pang makikilalang girls. Malay mo may
best girl pa dyan, na mas awesome pa kesa sa’kin.

No, I already found the best girls, Ate.

Girls?
Of course, you and Mommy. Best girls.

Ahhh don’t say that! Malay mo next time may mameet kang mas best pa sa’kin. Tingnan
mo si Kuya Andreau mo, 21 years old na pero wala pa ring girlfriend.

Oo nga po. Alam niyo po ba kung bakit wala pa siyang girlfriend?

Uhmm.. we.. don’t talk about that stuff eh. Pero baka he’s waiting for the best
girl? Kaya ikaw.. habang hinihintay mo muna si Best Girl, maging Best Boy ka muna
ha? 7 ka pa lang, Trist. Study ka muna. Kabisaduhin mo muna yung multiplication
table of 4.

Kabisado ko na po yun! Kuya Andreau helped me!

Oh okay na! Hindi na masama pakiramdam mo?

Opo, Ate. Thank you po talaga. I love you din po.

Anytime, Mr. T. I love you, too.

Ate Zade?

Yes?

Wala po namang magagalit sa’kin di ba po?

Magagalit? What do you mean?

Uhmm.. wala po. Just checking.

xxx

That last conversation with Tristan left me with mixed emotions. Bata ba talaga
yung kausap ko? Okay, nagulat talaga ako sa nangyari after ng candle blowing niya
kanina. Sino ba namang hindi? Si Andreau nga napanganga at natawa eh. Good thing
nandun si Mars to lighten up the situation. The kiss wasn’t a big deal for me.
Hell, I did worse things than that. At least kay Tristan accident. Dun sa pinsan
niya, silencer ang drama ko.
As usual Andreau drove me home after the party. Around 6:30 PM kami umalis and
inabot kami ng Sunday night traffic. Hindi naman long weekend ngayon pero ang
daming sasakyan sa EDSA. May Grand Fans day kasi sa Araneta Coliseum kaya sobrang
traffic. Nakakaasar naman!

Speaking of Andreau, tahimik lang siya sa buong drive pauwi. Actually, kanina pa
siya tahimik after ng candle blowing incident. Nakakain naman siya ng tatlong
Nutella cupcakes pero parang hinang-hina si Big Boss. Maybe he’s already tired.
Thank God for comfortable silence and relaxing jazz music!

Bigla kong naisip yung tanong sa’kin ni Tristan kanina. Bakit nga kaya walang
girlfriend si Andreau? I know na he’s looking for a girl na worth the trouble
pero.. hindi ba siya naghahanap? Lalo na ngayon na marami siyang free time? Sabi na
nga ba eh, hopeless romantic din ‘tong epal na ‘to!

“Why are you smiling like that?”

Oh shit. Am I? I glanced at Andreau, na nakatingin pala sa’kin. “What?”

“Your smile creeps me out. Penny for your thoughts?”

“Ba’t mo ba ginagamit yang saying na yan? Wala ka sa America, Andreau.”

“Ang sagwa namang pakinggan ng Bente singko for your thoughts di ba?”

The ever pilosopo ugh. “Pwede naman kasing centavo for your thoughts. Pinahirapan
mo pa sarili mo.”

“Nazi.”

“I heard that!”

He sighed. Hah, a sign of defeat! “Ano nga yung nginingiti-ngiti mo dyan ha?”

“Ano..” I paused for a second, pang-asar lang. “Tinanong kasi ako ni Tristan
kanina. Kung bakit daw wala ka pang girlfriend.”

Hindi ko maexplain ang reaction ni Andreau, kung nagulat ba siya, natuwa o ano.
“Hmm.. Really?” he said casually. “What did you say?”

“Malamang almost nothing. We don’t really talk about that stuff. Touchy ka kasi
don.”
“Huh? Me, touchy about my love life? I’m not.”

“Yes, you are. You don’t want to talk about Sara—“

Andreau stared at me with his death eyes. Creepy. “Because that was nothing.”

“You felt something for her. That’s obviously not nothing.”

“Ano ngang sinabi mo kay Tristan?”

“Na.. you know. You’re waiting for the best girl something something. I think I
kinda made things up. Sabi niya kasi kami raw ni Ms. Marisse ang best girls for him
so.. I kinda went that way.”

Shaking his head, Andreau chuckled and shifted in his seat. Hindi ko alam kung saan
siya natuwa, sa sinabi ko ba o dahil umandar na rin ‘tong traffic na ‘to. “Hmm..
nice save.”

“Heads up na yan ha! Baka mamaya magulat ka pag may sinabi siya sa’yong best girl.
Pero seryoso nga.. ba’t wala pa nga, Andreau? I know na may worth a trouble thing
ka dyan pero.. by any chance.. tinry mo bang maghanap ng trouble?”

Nagstretch muna siya bago niya ako sagutin. “I.. really don’t know,” he admitted
honestly. “Yes, there were times that I tried but.. for the wrong reasons. Those
times.. gusto ko lang ng maalagaan. Ka—“

“Eh dapat bumili ka na lang ng aso. Alagain pala gusto mo eh.”

Tawang-tawa na naman siya sa sinabi ko. Totoo naman ah! Maghanap siya ng pet kung
gusto niya ng may alagaan! “U-unbelievable, Zades,” hingal niyang sabi. “T-that
was.. my.. moment.. there!”

“Ugh sorry pero nakakaasar yung dahilan mo.”

“I know. That’s why I stopped searching and ended up waiting. I was looking for
love for the wrong reasons. And.. factor din kasi si Tristan, Zades.”

Whoa, that was new. “Ha? Ba’t si Tristan?”

“Uhmm.. I was 14 when Tristan was born. Actually I was kinda.. sad when Marisse
told me that she was pregnant. Sila pa ni Shane nun though pabalik-balik siya dito
sa Pinas. Three years pa lang wala ang parents ko nun and.. I depended a lot on
Marisse. Kaming dalawa na lang naman dito sa mundo eh. So.. I was crushed. Kahit
wala pa si Tristan dito sa mundo.. nagselos na ako sa kanya. Kasi pag nandito na
siya.. wala na sa’kin si Marisse. I’m alone again.

So.. I ate everything I’ve said after I saw him inside that nursery room, exactly
seven years ago. I cried. I was wrong to think that I’ll be alone again. In fact,
he filled some of the empty spaces inside me. Only child lang ako and that time
lahat ng friends ko nasa US. Minsan lang naman kami magkita ni Roldan that time so
wala talaga akong makakausap. Then there’s Tristan. He became my baby brother. You
know what, I really have a choice to buy my own house. But I didn’t. I can’t leave
him and Marisse.”

“Why?”

“Nagkalabuan sina Marisse at Shane nung two years old si Tristan. Don’t tell
Marisse I told you this but.. she declined Shane’s wedding proposal. Nasa peak kasi
ng career nun si Marisse kaya ayun. So Shane was heartbroken and decided to go back
to the States. Before he left.. he made me promise one thing. Na ingatan ko raw ang
family niya, lalo na si Tristan. He said that his son needs a father figure and he
chose me. Magkakilala kasi sila ni Dad kaya tiwala siya na maayos kong mapapalaki
si Tristan so.. there. Kaya ang hirap ding pumasok sa relationships, Zades. I know
this may sound silly but.. Tristan is a big part of my life. I can’t do casual
because.. it might affect him. That’s why.. I want the best.. for the both of us.
Isn’t that.. silly?” He sheepishly smiled at me and wow, Big Boss blushed. Kaya
pala ayaw niyang pag-usapan ‘tong love life stuff. Nahihiya siya!

“C’mon, I totally get your point. But.. Tristan is a smart kid! Even though.. you
teach him stupid stu—“

“Hey, I teach him informative stu—“

“Germbusters?”

He groaned. “Fine.”

“Pero.. he’s smart. He’s good with people. And I think he wants you to live your
life. You’re young. You’re entitled to make some mistakes and I think he’ll
understand. Nandyan naman kayo ni Ms. Marisse to guide him. Maiintindihan naman
niya pag pinaliwanag mo eh.”

“But still Zades..”

“Oo na, hindi ko naman gustong baguhin ang stand mo. I just want you to ponder on
some things. You want the best? Then be the best. Maybe she’s doing her best to be
the best for you, too.”

A small smile formed on his lips. “You think so?”

“Yeah. C’mon, girls must be proactive these days! We can’t expect the guys to do
everything, right?”

“Coming from the gi— woman who believes in soulmates.”

“Tss. Ewan ko sa’yo. Pero please Andreau ha? Wag si Jillian. Trouble siya pero not
the romantic way.” He eyed me for awhile with a devilish grin. “Okay, now what?”

“Alam mo Zades.. sabihin mo lang kung nagseselos ka kay Jillian. I would totally
unde—“

“EXCUSEZ-MOI!?” I was answered by a roar of laughter from him. “Hah, I admit na


nagselos ako kay Emma Stone kasi wala talaga akong panama dun. Per okay Jillian?
Hah excuse me lang Andreau, baka siya pa ang nagseselos sa’kin! Kairita ‘to!”

“Yeah right, Zades. Whatever you say,” he said in mock seriousness. “You can deny
it all you want but.. I know it when you’re jealous.”

“No, you don’t.”

“Yes I do. You’re doing something right now that indica—“

“I’m not doing anything! I’m just.. talking.. and breathing.. and.. staring into sp
—“

“You’re doing something else.”

“Wala nga! Ano bang ginagawa ko pag nagseselos ako ha?”

“Nope. Not gonna tell you.”

“Ang daya naman nito! TellmeTellmeTellme!!!”

“Nope. It’s for me to know and for you to find out.”

“Ugh. I hate you. Haharap nga ako sa salamin habang nanonood ng video ni Emma. Baka
makita ko yung sinasabi mo.”

“You do that. You do that.”

“Yeah, I will. Tapos papractisin ko na hindi gawin yon.”

“Zades?”
“Hmm?”

“Regarding Jillian? You have nothing to be jealous about.”

“I know. I’m waaaaaaay awesome than her. Of course, Emma Stone is the awesomest of
us all.”

“Yeah. She is.”

=================

[27] Cross My Heart, Hope To Die

Chapter 27: Cross My Heart, Hope To Die

“Come ti chiami?”

“Mi chiamo A—“

“No no no.. It’s mee kyah-moh, not mee chee-a-moh, Andreau.”

“Fine,” he said, giving me an eye roll before continuing. “Mi chiamo Andreau
Francis Cortez.”

“Parla Italiano?”

It took him a second to reply. “Uhmm.. Non parlo bene Italiano? Tama ba?”

“Yeah, doing good,” I praised him. Ngiting-ngiti naman siya. “Come sta?”

“Sto bene, grazie, e tu?”

“Wrong.”
“What?” Andreau said with disbelief in his voice. Kanina pa kasi niya ako
niyayabangan na magaling na siya sa Italian kaya ganito kami mag-usap. Apparently
hindi pa rin. “I answered correctly!”

“I asked you formally, Andreau. Sabi ko Come sta?”

“What a second, you didn’t! You said Come stai!”

“No, I didn’t.”

“Yes, you did,” he insisted, eyes wide and menacing. Kung hindi siguro ako babae
kanina pa niya ako sinuntok sa sobrang irita niya.

“Ugh fine. Come stai?”

Napangiti na lang si Andreau sa’kin, thinking he won the argument. Mamaya na lang
ako gaganti sa kanya. “Sto bene, grazie, e Lei?”

“Va mare.”

“What?”

“Nothing. I said nothing.” Umusog ako palayo sa kanya at dumikit sa pinto ng


sasakyan ni Roldan. He tried to pinch my cheeks kaso mas mabilis ako kaya natapik
ko ang kamay niya. “Parang tanga ‘to! Ano ba!”

Sumiksik din siya sa pinto ng kotse. “You’re not a good teacher,” he said flatly.

“Excuse me, magaling akong teacher. Ask Tristan!”

“Well Tristan’s just seven years old.”

“Mas matalino pa yung bata sa’yo, Andreau. Alam niya ang difference ng Come sta at
Come stai.” Isang beses kasi nasa condo kami nina Ms. Marisse nang nagpatulong
sa’kin si Andreau para sa quiz nila. Kakatapos lang gumawa ni Tristan ng Math
assignment niya kaya nakigulo sila sa’min. Ayun, tinuruan ko rin siya ng ilang
basic Italian sentences at mas mabilis pa siyang natuto kesa kay Big Boss,

May sasabihin pa sana siya kaso di niya tinuloy. He just glared at me. Hah, imbes
na matakot ako sa Glaring Andreau e natawa na lang ako. Akala niya madadaan niya
ako sa mga ganyang paandar ha!
“Ahemm,” Roldan interrupted us, watching us from the rear view mirror. “Are you
guys fighting again?”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Andreau. Pangatlong beses nang tinanong sa’min yan
ni Roldan sa loob ng halos four hour drive namin. And just like the first two
times, parehas lang ang sagot namin sa kanya. “We’re not fighting, we’re
discussing.”

Tinawanan lang ni Kesh (na nakaupo sa shotgun seat) ang sagot namin. “Yeah right.
Good thing hindi mo pa siya sinasakal dyan, Andreau. She could be so annoying
sometimes, di ba?” Andreau nodded in agreement. “See Zades? Bago-bago rin.”

“Bullies!” sagot ko sa kanila bago ako matulog. May pahabol pang kurot sa braso si
Andreau. Kahit kelan talaga parang bata ‘to.

Two hours pa bago namin marating ang Dasol, Pangasinan. August long weekend ngayon
at sumaktong 21st birthday din ni Roldan this Saturday kaya niyaya niya kaming
magcelebrate sa isang private resort dun. Nagulat nga kami ni Kesh na kaming apat
lang ang pupunta eh, ni hindi sila nang-imbita ng ibang friends o ano. Well,
sinubukan nilang iinvite si Kuya Lee kaso busy daw ito sa masteral niya at sa
pagiging high school teacher. Until now kinikilabutan pa rin ako pag naiimagine ko
siya na nagtuturo. Hmmm..

xxx

Narating namin ang Recudo Beach Resort sa Villa Balinmanok around 10 am. My god,
ang sakit sa likod ng biyahe ah. Ang tibay ni Roldan, hindi siya nakipagpalit kay
Andreau sa pagdidrive. Kawawang birthday boy.

Bigla kong namiss ang San Ignacio dahil sa lugar na ‘to. Ang daming coconut trees
at rinig na rinig ko mula rito sa rest house ang dagat. Sana makauwi ako kina Nana
Tinang sa sembreak! Sobrang kailangan ko ng break mula sa acads and city life!

Tumigil kami sa tapat ng rest house. In fairness, maganda ha. Para ngang mansyon sa
ganda eh. Ang ganda rin ng front porch nila, overlooking sa beach. Masyadong malaki
‘to para sa’ming apat! Kami lang ba talaga ang tao dito for the weekend?

Much to my surprise, tinulungan ako ni Andreau sa pagbubuhat ng gamit ko. Siya na


ang nagbitbit ng super laki kong backpack at ako na sa carry on ko. I’m surprised,
hindi siya natakot hawak ang bag na pinampalo ko sa kanya before.

“Susi asan na?” tanong ni Andreau sa best friend niya. “Sabi ko sa inyo wag iced
tea ang bilhin niyo eh. I can’t hand—“
Roldan looked kinda.. lost for a second. Don’t tell me wala sa kanya ang susi?
Kani-kanina lang kausap niya ang caretaker at sinabi nun sa kanya na okay na ang
lahat? Baka mamaya wala kaming matulugan dit—

The front door suddenly swung open, revealing a tall, tanned and very beautiful
girl. She stared at us with a confused expression on her face. “Dan? Is that you?”
she said, hands placed on her hips.

Dan? Si Roldan ba yung tinutukoy niya? Malamang, Pascual. Kelan pa naging Dan si
Andreau? “Ba’t di mo sinasagot ang phone mo?” Roldan angrily spat out. Pinakita pa
nito sa babae ang phone niya. “I called you 13 freaking times! Sabi ko sa’yo wa—“

“Wow, calling while driving. Super smooth there, Dan. Sana tinext mo na lang ako,
di ba?”

“Muntikan na kaming mawala kanina!”

The girl rolled her eyes at him, smirking. “I sent you a map. Sabi sa’yo kay Dreau
mo ipabasa. Wala kang sense of direction!”

“Umayos ka nga! Try mong magdrive ng almost five h—“

“I did tthat! My phone’s charging, okay? And I’m cooking lunch. Why are you
bitching around, huh?”

Nganga na lang kaming dalawa ni Kesh sa sagutan nilang dalawa. Wow, this was
really.. interesting. Sa nearly two years kong kilala si Roldan ngayon ko lang siya
nakitang iritang-irita. Usually kasi para siyang si Andreau, composed at rational,
kaso mas mapang-asar. Never naming narinig na tumaas ang boses ni Roldan kahit
kinukulit na siya ni Kesh. God knows kung gaano kakulit si Kesh! Sana mahawa rin
ako ng tolerance ni Roldan sa mga ganung bagay.

But this girl.. gosh ha. Ang ganda niya. The sun kissed skin suited her very well.
Mukha at amoy mayaman si Ate ha. Pero halatang hindi siya natural na brunette.
Bagay naman ata sa kanya kahit anong kulay ng buho—

Oh gosh. Ngayon lang nagsink in sa’kin. Siya na ba ang girlfriend ni Roldan?

“So.. sino dito ang girlfriend mo ha?” her voice brought me out of my trance. What?
Was that a joke? Doon ko lang napansin na nakatingin siya sa’ming dalawa ni Kesh.
Madalang ako maintimidate sa tingin ng ibang babae, and congrats kay Ate, isa siya
dun.

Roldan scoffed at her question and elbowed Andreau’s arm. “Are you crazy? Diane’s
not here. You told me that.”
Halatang nairita si Ate nang marinig niya ang pangalan na Diane. “Ugh. Whatever.
Akala ko pa naman may secret girlfriend ka sa kanilang dalawa. Just break up with
Diane. She’s not worth your time.” Nginitian niya kami ni Kesh, and we awkwardly
smiled back. “Uhmm hi! Sorry about my brother. Siguro hindi niya sinabi sa inyo na
may brain handic—“

“That’s it, Ninna. Shut the fuck up,” Roldan warned lightly. Mas lumapit siya sa
kapatid niya at kinurot ang braso nito. “Don’t scare my friends, okay? They’re
staying with us for the whole weekend. Don’t you dare corrupt them.”

“Hah. You did the corrupting all by yourself, I guess. With the help of your minion
best friend.”

Okay. What? Sobrang lost na kaming dalawa ni Kesh dito. May.. kapatid si Roldan?
All this time na magkasama kami never niyang nabanggit may kapatid siya. Not that I
care, hindi naman talaga namin napagkukwentuhan ang tungkol sa families namin.
Pero.. a little heads up would be nice!

Hindi ko namalayan na parehas kaming natahimik ni Kesh. The three of them looked at
us weirdly, as if naging rebulto kami or something. Goodness, Kesh. Please freaking
speak up!

As if reading my mind, Kesh opened her mouth and mustered a simple, “Are you
freaking kidding me?” Not the reaction I expected, but it’s better than gawking at
them.

“Uhmm.. Dan? You didn’t tell them about me?” Ninna inquired, eyebrows furrowed in
confusion. She turned to Kesh and asked, “Wait.. wala talagang sinabi sa inyo ‘tong
dalawa?”

Both of us shook our heads dumbly, mirroring the same confused look on her face.
Maya-maya lang narinig naming tumawa nang malakas si Roldan, na sinundan ng best
friend niya.

“W-what’s going on?” I asked them. Parang tanga ang dalawa na tuloy pa rin sa
kakatawa, to the point na naiyak si Andreau.

“Fuck, you’re right. This is so hilarious,” Andreau continued to laugh


hysterically. Napasandal na sa pinto ang best friend at todo padyak na ito.

It took Roldan a minute to recover before telling us the truth. “Uhhmm.. Zades..
Kesh.. meet Ninna. She’s my twin sister.”

Say what?
xxx

Over lunch pinag-usapan namin ang trip ng magbest friend na hindi pa rin makaget
over sa reaction naming tatlo. Apparently hindi naman sinasadya ni Roldan na hindi
sabihin sa’min na may kakambal siya. Hindi rin naman kasi kami nagtanong. So nung
nalaman nila na uuwi si Ninna galing California para magcelebrate ng 21st birthday
dito sa Pinas, sinuggest ni Andreau na gulatin kami ni Kesh. At nakuha naman nila
ang desired reaction sa’min.

“Kahit kelan ka talaga, Francisco!” sabi ko kay Andreau sabay bato sa kanya ng
balat ng saging. It landed squarely on his nose at tawang-tawa si Ninna. “Ugh,
funny your face!”

Tinanggal ni Andreau ang balat ng saging at nilagay sa plato niya. “What? It was
really funny, Zades. You should’ve seen your face. Priceless.”

Napansin kong pinapanood kami ni Ninna. Uh oh, good thing nakangiti siya. Ang
irrational man pero kinakabahan ako sa mga babaeng close kay Andreau. Ewan ko ba.
Ayoko lang kasing tratuhin niya akong competition or what. Medyo walang ganung vibe
si Ninna, thank God. Pero.. what do I really know, right? At least masarap siyang
magluto! I love her beef casserole!

“So..” Ninna started after the dessert was served. Nakatingin siya sa’kin. Shit.
“You’re the girlfriend, right” tanong niya sa’kin. She even wiggled her eyebrows
for emphasis.

“Yuck ka naman, Nins. Nagbabasa ka sa Chismis Squad?” Roldan commented.

“Shut up, Dan. I’m not talking to you. Eh kasi sina Mama,, they’re asking about
it.” Tininginan niya ulit ako. “So Zade, are you and Andreau.. you know..”

Gantihan ko kaya ‘tong si Andreau? Ay wag na, baka mamaya ibang ganti gawin niya
sa’kin! “Naahh, we’re not,” I replied casually. Nagulat pa si Andreau sa sagot ko
pero di ko na siya pinansin. “Chika lang yun, Ninna. DI totoo, promise.”

Si Andreau naman ang tinignan ni Ninna nang masama. “What now, Nins? Zade’s right.
We’re just friends.”

I heard stifled giggles from Roldan and Kesh beside me. Kaloka talaga ‘tong
dalawang ‘to! Sana wag silang magsabi ng kung anong theories kay Ninna, baka
maniwala pa eh.

Ninna accepted our answers with a nod. “Oh. Bakit naman? You look cute together.
I’ve seen your pictures.” Sabay kaming napatingin ni Andreau kay Roldan, who just
grinned at us. “Seriously? Hindi kayo?”
“Yeah, seriously.”

“Ba’t naman, Andreau? She’s so beautiful oh! Tao ka pa ba?” she joked.

Andreau shrugged. “You’re mental, Nins. I—“

“Masyado raw kasi akong maganda, Ninna. Di kaya ni Andreau kaya friends lang kami,”
I answered back jokingly. Muntikan nang masamid si Kesh sa sagot ko, so was
Andreau. “Kidding,” I added seconds later para mabawasan ang awkwardness sa’min ni
Andreau.

Bakas ang amusement sa mukha ni Ninna at natawa siya moments later. “My god, Zade.
You’re funny. I like you.”

I like her, too.

xxx

Nagstay lang kami sa rest house for the whole afternoon dahil sobrang draining ng
biyahe papunta dito. Around 5PM nang pinagpilitan ni Andreau na puntahan namin ang
beach para makita ang famous shipwreck na sinasabi niya. Kesh and I declined the
invitation, much to his dismay.

“Sayang ang beach kung di pupuntahan, Zades,” he lectured while we were at the
front porch of the house. Nakasabit sa leeg niya ang dSLR at mukhang ready na
siyang kumuha ng sunset pictures.

“Ayoko nga sabi, Andreau. Ang kulit mo.”

“But the suns—“

“I can see the sunset from here, thank you.”

“You’re no fun.”

“So may schedule ka bang ginawa para sa trip natin, ha?” he blushed, so that was a
yes. “My god, Andreau. Pwede bang kalimutan mo na yang sked mo and just go with the
flow?”

I knew a hit a nerve there; ayaw niya talagang nagcocomment ako sa paggawa niya ng
schedule sa lahat ng bagay. Hello, this is a vacation! Pwede namang random ang
pagpunta sa tourist spots, right? Ignoring my previous comment, Andreau flashed his
charm smile at me. “Dali na, Zades. Just this once. Di na ki—“

“Ganyan ba talaga sila lagi?” Ninna asked Kesh loudly. Nakatambay sila sa may
makeshift duyan malapit sa coconut trees. Wow, rinig kami hanggang dun? Mga 20 feet
ang layo namin mula sa kanila ah!

Napailing na lang si Kesh. “Yeah, lagi silang ganyan. Although laging talo si
Andreau sa mga away nila.”

“Hey, we can hear you from here, you know,” Andreau said, not looking at them.

The two girls giggled and continued their chitchat. Nagkasundo ang dalawa dahil sa
Psychology. Kakagraduate lang kasi ni Ninna last June sa UCLA-Berkeley at eto
namang roommate ko nagtatanong na tungkol sa advanced Psych lessons niya. Bakasyon
pero acads ang inatupag!

Akala ko lulubayan na ako ni Andreau, hindi pala. Wala siyang kapaguran sa


pangungulit sa’kin since sobrang himbing ng tulog ni Roldan sa kwarto nila. Bumigay
na ako nang ginamitan na niya ako ng paawa voice niya ala Tristan. My goodness, one
day this guy will be the death of me. Swear.

Tahimik kaming naglakad sa beach front and I gotta say tama lang na pumayag ako na
samahan siya. The sunset was really.. wow. I’ve seen a lot of sunsets before, lalo
na nung nasa San Ignacio ako. Pero never kong nakita na ganito ‘to. Parang may
layering of colors, from orange to peach then red. Ang dramatic pa ng paglubog ng
araw, And the water.. mas naenhance ang blue green color nito. The colors were so
stimulating that it rendered me speechless. Sobrang nakakarelax.

Umupo ako sa sand at pinanood ko lang si Andreau habang kumukuha siya ng pictures
ng sunset. Ano bang meron sa sunset at todo pilit siya sa’kin na manood nun, ha?
Oo, maganda nga pero.. ba’t pinagpilitan niyang samahan ko siya dito?

“Inaantok ka na ba?”

Di ko namalayan na palakad si Andreau palapit sa’kin. Okay, sobrang relaxing nga ng


view dito. “Nope. Masakit lang likod ko.”

He sat beside me and buried his feet under the sand. Ginaya ko rin siya. “Bearable
naman,” I continued. “So.. anong unang itinerary natin sa sked mo, Mr. Choleric?”
hindi ko mapigilang hindi asarin ang sked niya. I’m sure nasa iPad niya ang
schedule, may color coding pa para sa oras at place. He could be that organized
sometimes. Sobrang annoying.

“Colibra Island first thing in the morning, around 9. Tapos we could have lunch
then proceed to Balinmanok Cove and Cave. Afterwards preparation na for the
birthday shit.”
Aww, not again. Medyo nakalimutan ko ang thing ni Andreau sa birthdays. Akala ko pa
naman makakaligtas na si Roldan mula dun. Kawawang best friend. “So planado mo na
rin ang birthday party ni Roldan?”

“Are you making fun of me?”

“Nope. Just asking.”

“Barbeque party ang gusto ng kambal. Simple as that. No lavish preparations. Just..
barbeque.”

“Eh yung cake? Hindi ka ba nagbake?”

He glared at me for a second. “Funny you brought that up. Ninna already bought one.
At wag mo na akong asarin sa cakes. I’ve had enough.” Pinakita ko kasi kina Ms.
Marisse at Mars ang pictures ni Baker Andreau a day after Tristan’s birthday.
Bentang-benta ang pictures sa kanila, lalo na kay Mars na muntikan pang ipost sa
Instagram ang pictures.

“Don’t give up on baking, Andreau. Konting practice pa.”

“Whatever.”

Sabay naming pinanood ang paglubog ng araw hanggang sa mawala na ito nang tuluyan
sa langit. Neither of us said anything. Familiar na sa’kin ‘tong comfortable
silence naming dalawa. Naglalakad na kami pabalik nang tanungin ko siya.

“Andreau? Ba’t gusto mo mapanood yung sunset?”

He smiled tentatively before answering. “Sunsets are like magic, Zades. That’s
why.”

“But.. magic is just an illusion. A mind trick. Sunsets are.. natural occurences.”

“Magic makes you believe in something, right?” he stared into my eyes and shit.
Ba’t bigla akong kinabahan? “That’s what’s important. Believing in something.”

His statement made me confused. But what bothered me more was how my heart reacted
to his words.

xxx
I have to admit na okay ang ginawang schedule ni Andreau.

Hindi ko sinabi sa kanya yan. I’m sure sasabihin niya sa’kin na I told you so,
Zades. It really pays to plan something ahead. See, you had fun, right? Ugh. That
would totally inflate his already humongous ego. Pero walang halong biro, nag-enjoy
talaga ako.

We followed his schedule precisely. 9am ay nasa bangka na kami papuntang Colibra
Island. And thanks to Kesh (not), first time kong magsusuot ng bikini. Sa Coron nga
hanggang sando lang ako eh! Kung anu-ano talagang kalokohan ang alam nitong
roommate ko. Buti na lang nagdala ako ng extrang shorts!

In fairness, ang ganda ng Colibra Island ha. White sand and crystal clear water!
Hindi pa masyadong spoiled ang island kaya napreserve talaga ang kagandahan nito.
Sa sobrang tuwa ko sa sand ilang beses akong nagpagulong-gulong! I think navideohan
ata ako ni Andreau non. Note to self: check his camera habang tulog siya.

Sa island na rin kami naglunch, na niluto ng kambal. Sobrang revelation ng


magkapatid na ‘to ha, lalo na si Roldan. Marunong pala siyang magluto! Kung anu-
anong sikreto nina Andreau at Roldan nung nakatira pa sila sa California(Roldreau
daw ang OTP name!)ang binuking ni Ninna sa’min. My god, magbest friend nga ‘tong
dalawa, ang daming kalokohan na alam!

Hindi na kami nakapunta ng Balinmanok Cove and Cave dahil sa biglang pag-ulan.
Sayang, maganda pa naman daw ang cave, sabi ng staff ng resort. Si Andreau ang
halatang nanghinayang sa’min, kagabi pa siya excited na picturan ang cave. Hindi
siya nagsalita habang pabalik kami ng resort.

We spent the rest of the afternoon talking and watching movies, na of course si
Andreau ang pumili. Pinanood namin ang Se7en (Zades, ayan si Brad Pitt. Tom Cruise
is a different guy. Tandaan mo yan.) and White Chicks. Gulat na gulat sila, lalo na
si Ninna, nang nalaman nilang first time ko pa lang mapapanood ang White Chicks.
Aba malay ko bang may ganung movie? Basta sobrang benta sa’kin ng Yo Momma jokes
nila!

Ninna asked us to join her for a quick swim after the movie marathon. Thank God,
nag-ingay na ulit si Andreau. Mas okay na sa’kin na asarin niya ako kesa tahimik
siya. Medyo nakakakaba kasi ang Quiet Andreau mode niya. Mabilis at malalim kasi
siyang mag-isip, baka mamaya nalulunod na pala siya sa mga iniisip niya.

Nalate kami ng 30 minutes sa sked ni Andreau for dinner kaya hinati namin ang
chores into two: sina Andreau, Roldan at Kesh ang bahala sa barbeque thingy tapos
kaming dalawa ni Ninna ang nakatoka sa drinks and other dishes. Thank God
naghiwalay ang kambal, naiimagine ko nang uling ang kakainin namin if ever kaming
tatlo nina Andreau at Kesh sa barbeque!

Kwentuhan galore lang kami ni Ninna sa kitchen. Since prito lang ang alam ko, ako
na ang inassign niya sa kwek-kwek (birthday girl’s request!) at siya na bahala sa
sangria na kanina pa niya binibida sa’kin. May dala siyang limang bote ng red wine.
Uh oh, alcohol. I must stay away from you tonight,
“Uy, I’m sorry nga pala ha,” sabi ko kay Ninna habang naghahati siya ng orange. She
looked up with an crunched brows. “Uhh.. akala namin kasi ni Kesh na girlfriend ka
ni Roldan kahapon. Those guys! Nakakainis talaga!”

She smiled at me. “Sus, it’s nothing. Ganyan talaga silang dalawa ni Dreau, may
sariling mundo. Annoying minsan but what the hell, I love them both.”

Love. Okay Zade, kung anuman ang iniisip mo please wag. Oo, close sina Ninna at
Andreau. Kitang-kita ko yun kahapon. Pero.. kung may something sa kanila, dapat
sinabi sa’kin yun ni Andreau nung nag-usap kami sa Coron.

Whatever, ngayon pa nga lang nila pinakilala sa’min si Ninna. Ano pa kayang pwedeng
itago niya sa’kin?

“Zade?”

Nakatitig na pala sa’kin Ninna. “Uhmm, yes?”

“Are you dating anyone?”

Whoa. Straight to the point, huh. “God, no. Wala.”

“You serious?” she sounded.. so surprised.

“Yeah. Hindi ko talaga yan pinag-iisipan ngayon.” Na totoo naman. Acads, si Tristan
at Tila ang pinagkakaabalahan ko ngayon.

Ninna sat on the counter next to the sink. This is bad. She’s psyching me up.
“C’mon! There must be someone! Ex boyfriend, happy crush, ultimate crush.. Ganon!”

“Wala talaga,” I answered with a polite smile. Please Ninna, drop this now. Baka
mamaya may masabi na naman ako at iba ang maging interpretation mo. “I’m only 18.”

“Precisely! You’re 18! You must explore the dating world.” I gave her an uneasy
look. “Oh c’mon, don’t give me that look! I know you’re thinking na kaya ko lang
sinasabi ‘to dahil nasanay ako sa American liberated culture or what. You’re young.
You should meet people. Para malaman mo kung anong ayaw at gusto mo.”

Magkaiba kami ni Ninna ng view pagdating sa relationships. Ako, naniniwala ako sa


soulmates at destiny. Siya? Mukhang hindi. “I don’t know. Really. Wala talaga siya
sa priorities ko ngayon.”

She nodded, not sure if she accepted my answer or not. Well in any case, wala na
siyang magagawa don. “Or maybe.. you found your type. Is that it?”

Wow, parang nakikipag-usap lang ako kay Kesh ha, only a more persistent version.
Tapos na kaya siyang gumawa ng sangria? “Ha? Lasing ka na ba, Ninna?” I joked.

“Please don’t make me laugh! This is a serious conversation.”

Sagutin ko na nga lang siya para matahimik na ang kaluluwa niya? “Actually.. wala
akong type. I’ll know when the right person comes.”

Bigla na lang natawa si Ninna sa sagot ko. Okay, did I say something wrong? “Hay,”
she said moments later. “Andreau told you his worth the trouble speech, ano?”

“Y-yeah. How did you know?”

“Well.. sa’kin niya unang sinabi yon. 13 years old lang kami nun. God, that guy’s
really an old soul. 13 years old pero “the one” and “I just know” na agad ang
pinagsasabi. Me? Crush na crush ko si Chad Michael Murray! Nothing serious. But
him.. He’s really mental.”

“Yeah, he;s definitely mental. Feeling ko nga reincarnation siya ng isang Greek
philosopher or something eh. Ganun siya kacreepy minsan.”

“I know, right? Sometimes iniisip ko kung bakit niya sinabi yun eh. It was so
random. Kumakain kami ng siopao sa 711 then poof! He caught me offguard with that
creepy speech of his.”

It wasn’t creepy; sobrang raw lang talaga ng sinabi ni Andreau. Pero matagal na
silang magkakilala ni Ninna, and kung ako man ang nasa posisyon niya, baka ganun
din ang reaction ko. “Andreau and his moments. Nakakairita minsan, di ba?”

Ninna nodded in agreement. Hinintay niya munang iahon ko ang bagong lutong kwek-
kwek bago siya nagsalita ulit. “Yeah.. pero alam mo ba dati.. sinabi ni Andreau na
papakasalan niya ako?”

Another “what wait what” bomb just exploded in front of me. Seryoso ba ‘to?

“Four years old lang kami nun, Zade. Don’t worry,” she continued nang hindi ako
umimik. “Nung mga bata pa kami.. he was my shadow. Best friends ang dads namin and
we’re also neighbors so no choie na lagi kaming magkasama. Si Dan naman ang shadow
niya. One day gumagawa kami ng sandcastle tapos.. bigla niyang sinabi ‘You know
what, Ninna? I’m gonna marry you someday.’ Alam mo ba ang reply ko? ’Ah okay. I
want a pony on our wedding day. Is that okay?’”

“Really?” natatawa na ewan ako habang iniimagine ko yun. Four years old pa lang may
Cortez Charm na agad! Ibang klase!
“Yeah. How fucked up is that, right?”

“So.. what happened next?”

Napangiti na lang si Ninna. “Nah. Nothing. Eventually he forgot about it the next
day. Ako naman natatandaan ko pa rin kasi sobrang funny. Hindi na niya natatandaan
yun eh. Hey, don’t get me wrong ha. It was a funny childhood memory. Roldan was
worse, by the way. Sinabihan niya ng I love you lahat ng girl classmates niya nung
first grade.” Sabay kaming natawa don. I couldn’t believe na nagawa ni Roldan yon! 
“Pero.. I never liked Andreau that way. That would be incest. And.. besides..”

“Besides what?” she shot me that you know what I’m talking about look. “Oh no. Wala
ngang something sa’min ni Andreau! It was just a stupid rumor.” Way to sound so
defensive, Pascual!

Tumayo si Ninna at binalikan ang ginagawa niyang sangria. “Yeah yeah, I get that.
It’s just that.. something changed in him. I can’t pinpoint it out, though.”

Si Andreau, nagbago? Parang hindi naman ah. Choleric pa rin siya, minsan epal,
madalas pacharming. Ganun pa rin. “Busy lang siya. Choleric stuff.”

“Naaah. You know what I think? I think.. Andreau likes someone but he couldn’t have
her.”

A strange feeling resounded from my stomach. Her? Parang wala naman! Last week
napag-usapan namin na ayaw niya ng casual. Baka mali lang si Ninna ng basa kay
Andreau. Hindi naman laging accurate ang Psychology.

“You think so?” I supplied.

“He’s.. happy. A different kind of happy. We grew up together and I know when he’s
happy or not. This time.. it’s different. And very interesting,” she paused. “Wala
ba siyang nasasabi sa’yo? Dan mentioned na madalas daw kayong magkasama dahil sa
thesis niya?”

Ugh, ano kayang sinabi ni Roldan dito sa kambal niya? Sa Manila ko na siya
gigisahin! “Uhhm.. lagi nga kaming magkasama pero.. hindi namin pinag-uusapan ang
love life niya. I don’t want to push it, medyo sensitive kasi siya sa ganun. But he
told me things like Sarah and Tristan. Yun lang.”

A flash of disappointment appeared on her face. “Oh, si Sarah. Baka nga si Sarah pa
rin,” Ninna shrugged. Kumuha siya ng baso at tinikman ang sangria na ginawa niya.
“She’s the first girl Andreau really liked. In fairness, ang tagal na rin nun ha.”

Si Sarah? Eh hindi nga sila nagkikita ni Andreau! Wait, kelan pa ako naging
secretary ni Andreau at alam ko ang mga meeting niya? Tsaka sabi niya.. muntikan
lang kay Sarah. So.. may mga muntikan palang nagtatagal pa rin. Great.

“Baka nga si Sarah. That woman’s so gorgeous,” sabi ko. Binaling ko na lang ang
atensyon ko sa mga kwek-kwek. At least ‘to luto na.

“Well.. yeah. Honestly.. I was hoping na totoo yung rumors sa inyo,” she admitted
with a sad smile. “I.. don’t like Sarah for him. Iba ang vibes ko dun sa babaeng
‘yon. She seemed kinda.. fake?” Si Sarah, fake? Baka si Jillian yon, Ninna!
“Anyway, sayang hindi pala totoo. You two have a potential, you know.”

Bakit.. parang nahawa ako sa panghihinayang ni Ninna? Dati naman pag nakakarinig
ako ng mga taong nagsasabi ng Sayang di totoo yung inyo ni Andreau, ang cute niyo
pa naman together! wala lang sa’kin. Pero ngayon.. bakit nanghihinayang din ako?

“Uhmm Ninna? Okay na ba yang sangria? It smells great. Can I have some?”

xxx

I wasn’t sure kung anong gumising sa’kin. Basta naramdaman ko na lang na masakit
ang batok ko. The first thing I saw when I opened my eyes was the brown ceiling. Sa
kaliwa ko naman kahoy ang nakita ko. It took me few seconds to realize na sa sofa
pala ako nakatulog.

Ugh. Ang sakit ng ulo ko.. at iba pa ang panlasa ko. My mouth seemed kinda.. funny.
Hindi ko matandaan kung nakapagtoothbrush ba ako bago matulog. My white t-shirt
smelled funny, too. A huge red stain caught my attention.

Triple shit.. parang familiar yung amoy. It smelled like.. sangria.

Headache.. huge red stain.. slept on the sofa..

I was drunk. And I couldn’t remember anything from last night.

Oh my God. This can’t be. Promise ko pa naman na never na akong maglalasing. Hindi
ko naman masisisi si Ninna, sobrang sarap talaga ng sangria na ginawa niya. God,
ilang baso kaya ang nainom ko kagabi? Ang last na naalala ko ay ang pagpigil sa’kin
ni Andreau na uminom.

Shit, si Andreau pala.


Where the hell is he?

I knew it. Andreau + alcohol = disaster. Tolerable pa yung nangyari before kasi
parehas kaming lasing at nawala agad ang tama ko. Pero yung kagabi? I doubt. Sabi
ni Andreau kagabi hindi raw siya iinom kahit anong mangyari. Ni hindi nga siya
humawak ng isang baso ng sangria eh! Please sana nangyaring awkward kagabi my god!

I shut my eyes tightly and opened it to make my vision clearer. The unmade bed
adjacent to the sofa caught my attention. This isn’t our room. Tandang-tanda ko na
nilagay ni Kesh sa kama yung backpack ko bago kami tawagin ni Ninna kagabi. May
blue suitcase sa paanan ng kama. A very familiar suitcase.

This is Roldan and Andreau’s room.

I must get out of here. Fast. Paano ako nakarating dito? Sinong nagbuhat sa’kin?
Last na talaga ‘to! Hinding-hindi na talaga ako iinom! Pinilit kong bumangon kahit
masait ang ulo at katawan ko. What in the world happ—

“Ouch! What the!”

My feet landed on a hard, warm surface. A breathing.. speaking.. surface. Before I


knew it, a pair of hands grabbed my legs and gripped them tightly.

“Andreau!” napasigaw ako nang wala sa oras. “Anong ginagawa mo dyan?” Kaya pala
walang nakahiga sa kama, sa lapag pala siya nakahiga!

He shot me a sleepy but deadly look. “God, Zades. Ang bigat mo pala!” he complained
while rubbing his eyes. Napatulala na lang ako sa kanya nang bigla siyang bumangon.
Whoa, hello there Sexy Bed Hair Andreau! Bakit parang mas gwapo siya pag bagong
gising?

Tahimik siyang tumabi sa’kin sa sofa. He was about to say something when I smacked
his head with a throw pillow. “Ouch! What was that for?” sigaw niya. Inagaw niya
sa’kin ang unan at binato ‘yon sa kama.

“Ba’t ba ang inti ng ulo mo ha?” I scowled at him. “Hindi ka morning person ano?”

“Ikaw nga ‘tong masungit dyan!”

“I’m hungover. I have the right to be grumpy.” I studied him carefully to see if he
was hungover or what. Nothing. Mukha ngang mas mahimbing pa ang tulog niya kesa
sa’kin! “Hindi ka nga uminom kagabi?”

“Why are you so surprised? Ilang beses kong inulit yon kagabi. Hindi ako iinom.”
“But why?”

He sighed. “Not gonna have this conversation with you, drunkard.”

“Ako, drunkard? Excusez-moi!”

“Do you really have to say that in French? It’s annoying.”

“Hah. Nagsalita! Parang napakagaling mo sa Italian ah. Tu uomo scontoso!”

“What was that?”

At last, may advantage na rin ako sa kanya. “Nothing. Kung magaling ka sa Italian
dapat alam mo yan!” I stormed off and immediately went inside the bathroom,
slamming the door shot. Anong meron sa kanya ngayong umaga? Siya pa ang nagsungit
sa’ming dalawa at ako na nga ‘tong masakit ang ulo! Bahala na siya .  buhay niya.
Naghilamos na lang ako. I wanted to go straight to the shower kaso naalala kong
kwarto nga pala ‘to ni Andreau.

Wala na siya sa kwarto nang lumabas ako ng CR. Great, what a good morning.

xxx

Kaming dalawa lang ni Andreau ang tahimik sa table habang kumakain ng breakfast.
Yung tatlo naming kasama? Ayun, parang magbestfriends kung magkwentuhan! Pinilit ko
talagang alalahanin ang mga nangyari kagabi kaso.. wala. Ganun ba talaga ako
kalasing? It was just sangria. Naubos ko kaya yung lahat ng tinimpla ni Ninna?

Ba’t ba ako uminom? I was upset about.. something. Hindi ko alam kung ano exactly.
Basta ang alam ko bwisit na bwisit ako.

Si Andreau.. mukha na siyang normal. He’s not mad, that I could tell. He’s
something.. else. Shit, did I do something wrong last night? Baka naman may nasabi
ako sa kanya? O nahalikan ko siya? Or.. did I take advantage of him?

Dear God, kaya ko pang i-handle yung first two. Pero yung huli? Swallow me Earth
na.

“Zades, hungover pa rin?” tanong sa’kin ni Roldan. Inabutan niya ako ng isang tasa
ng kape. “Did you have fun last night?”

Pinagtitripan ba ako ni Roldan? Alam naman niyang sigurong nalasing ako kagabi.
Ba’t siya nagtatanong? “Uhhh.. I really don’t remember what happened last night.
Sorry.”

Ninakaw ni Ninna ang last piece ng bacon sa plato ng kakambal niya. “Shut up, Dan.
Wag kang magpanggap na may alam ka,” she hissed at him before turning to me. “He
was flat out drunk last night, Zade. Nauna ka lang na nagsuka ka sa kanya.
Actually, kami lang ni Andreau ang matino night.”

My eyes landed on Kesh na mukhang walang hangover. Ang unfair talaga minsan! Ba’t
si Kesh mabilis mawalan ng tama tapos ako.. hindi? Parang last time baligtad kami
ah! Oh.. so kung silang dalawa lang ni Andreau ang hindi nakainom kagabi.. that
only means..

Triple shit. Kaya ba natulog sa lapag si Andreau? Siya ang nagbantay sa’kin?

Ninna confirmed my hypothesis minutes later. “My god, hindi ko kinaya ‘tong dalawa
kagabi,” tinuro niya sina Kesh at Roldan. “Kung anu-anong pinagsasayaw niyo last
night! Take a look at this.” Nilabas ni Ninna ang phone niya at pinakita sa’min ang
video ng dalawa. Wow, dance battle! I know na sumasayaw si Kesh pero si Roldan?
Quite a revelation!

“Fucking hell I remember that one!” natatawang sabi ni Roldan habang pinapanood ang
video. “Sayang, Dreau. Di mo nakita ang harlem moves ko. Sinundan mo kasi kaagad si
Zades dito sa loob. You missed the fun.”

Oh shit.

xxx

Dumaan ang breakfast at lunch na di kami nag-uusap ni Andreau. God, I feel awful.
And scared. Kaya ba siya masungit kanina kasi may nagawa akong mali? Nakakainis
kasi, ba’t may may drunk amnesia or something? Last na yung kagabi, promise!

Ayokong matapos ‘tong long weekend na hindi kami nag-uusap ni Andreau. Feeling ko
kasi magiging polite lang kami sa isa’t isa pag dating namin sa Manila pag di namin
naayos ‘to. I hate that feeling. We’ve been there before and compared sa kung anong
meron kami ngayon.. you can’t pay me to go back there.

Clutching the listening stick wth my right hand, sinundan ko si Andreau sa may
beach. Nakatayo lang siya dun, tinititigan ang shipwreck site. Isa ‘to sa mga
panahon na hinihiling ko na sana magaling din akong magbasa ng mood ng mga tao.
Hay, life.
“Andreau?” I called him out softly. Hindi niya ata ako narinig kaya inulit ko. “Hoy
Andreau. Okay ka lang?”

He turned around and gave me a small polite smile. “Yeah. Bakit?” nakita niyang
dala ko ang listening stick at.. napasimangot siya. “So.. we really do have a
problem, huh?”

“Y-yeah. The thing earlier.. uhmm.. nung sa kwa—“

“Zades, you’re babbling. Please go straight to the—“

“I have the listening stick. Shut up.” Nagulat siya sa sinabi ko. “I’m sorry. Hindi
ako magaling maghandle ng awkward situations.”

“You’re doing fine, Zades. Go on,” he said with an assuring smile.

Gusto ko siyang kausapin kaso paano ko sisimulan? Ba’t ba kasi di muna ako
nagrehearse? “Ano kasi.. I don’t remember anything from last night’s celebration.
As in. More of wala na akong matandaan after nung uminom ako ng fourth glass ko ng
sangria. Can you tell me what happened?” I handed him the stick which he gladly
accepted. Shit, kinakabahan ako.

“Last night, you got drunk. Hindi ko matandaan kung pang-ilang baso mo na yun. Sabi
mo magc-CR ka lang. You were gone for like 10 minutes so.. I decided to check on
you. You were hugging the toilet bowl, Zades,” pinigilan pa niyang tumawa sa
harapan ko. “It was so.. funny. Pero walang videos, I swear.”

“Sumuka ako?”

He nodded. “Plenty.”

Ugh, nakakahiya! “So.. what happened next?”

“You couldn’t move so.. I carried you. Kaso nakalock ang kwarto niyo and incoherent
kausap si Kesh so sa kwarto namin kita dinala.”

“Did you change my clothes?” Napansin ko kasi na ibang white t-shirt ang suot ko.
Hindi sa’kin yun.

Namula si Andreau sa tanong ko. “Of course, no! Tinawag ko si Nins para palitan ka.
Kaso.. nung napalitan ka na.. natapunan ka ulit ng sangria. Hence the big red stain
on your shirt.”
“Bakit may sangria ulit?”

“Hawak ni Ninna yung baso niya nung tinulungan ko siyang buhatin ka papunta sa
sofa.”

“Ah. Shit, I was a mess.” Okay, eto na. Itatanong ko na sa kanya. “Did I do
something.. weird last night?”

“Nope. You were just drunk, Zades. Nothing weird happened.” Oh, he was telling the
truth. Hindi dahil sa hawak niya ang listening stick ha. Naramdaman ko na totoo ang
sinabi niya.

“Are you sure? Kasi kanina ga—“

“I’m sorry about that,” he immediately cut me off. “I’m not really a morning
person. I haven’t had my coffee when you shouted at me.”

“Hey, I di—“

“Yes, you did.” A smile formed on his lips. Oh, konti na lang magiging okay na
kami.

Kinuha ko sa kanya ang listening stick at siniksik yun sa backpocket ng shorts ko.
“So.. wala talagang weird na nangyari? As in? Hindi ako sumayaw o kumanta?”

“Nothing. Knocked out ka, Zades.”

“Ba’t ka di uminom kagabi?”

“Naah. I don’t like alcohol that much anymore.”

For a second there akala ko nagbibiro lang si Andreau. But no, he’s really
serious.  “Oh, really? Kahit isang sip wa—“

“Well.. I had a glass. Nothing much, it was just sangria.”

“So sinasabi mong weak ako? Ganon?”

He chuckled at my reaction. “You know that’s not what I meant, Zades.”

Okay, nagtatawanan na ulit kami. Maayos na kaming dalawa. Diamond na. Kaso..
“Andreau Francis Valerio Cortez, one last time. Wala bang weird na nangyari
kagabi?”

Sa lahat ng moments na pwede siyang ngumiti ng ganun, ngayon pa ang napili niya.
Alam na niya siguro na ibang epekto sa’kin ng smile niya ugh! “Scheherazade
Pascual, do you think kakausapin pa kita nang ganito kung may weird na nangyari
kagabi?”

“Well, you’re an actor. Yo—“

“Do you think I’m acting right now?”

“No. But.. gusto ko lang maging sure.”

He held up his right hand and looked at me solemnly. “Cross my heart and hope to
die. Stick a needle in my eye.”

“That was so weird. Why the hell would I stick a needle in my eye?”

It was a rhetorical question, but he answered anyway. “Zades, it was just a saying.
Don’t take it too seriously.”

“Do you think I’m stupid? Literature major ako, alam kong saying yon.”

“Oh, that was rhetorical?”

“Yeah.” Namula na naman siya. Ayan ang napapala ng mga know-it-all.

Bumalik kami sa rest house minutes later nang tawagin kami ng caretaker. Hapon ang
alis namin dito sa Dasol. God, mamimiss ko ‘tong lugar na ‘to, kahit wala akong
maalala kagabi.

“Andreau?”

“Hmm.”

“Don’t die.”

He was momentarily taken aback by my statement. “Zades, we’re human. All of us will
die.”

“I know tha—“
“But I know what you’re talking about. I won’t. Nagpahula ako dati at sabi niya..
aabot daw ako ng 89 years old.” He was trying to lighten up my morbid statement.
Yeah right, Zades. Way to break the mood.

“Basta. Don’t die.”

“Of course, I won’t,” he replied, sporting that charm smile of his.

Hindi ko rin alam kung ba’t ko biglang nasabi ‘yun sa kanya. But.. the moment the
word die escaped his lips.. I felt my chest constricted in pain. For a split second
there.. I caught a glimpse of a life without him.. and I think I won’t survive
that.

=================

[28] The Big O

A quick AN: I admit, hindi talaga ako magaling sa narration when it comes to
writing. Mas nauuna ko pang isulat ang dialogues kesa sa narrations kaya minsan
nahihirapan ako. Thank you sa nagcomment about sa narration sa last chapter (you
know who you are!) for pointing out something. Nahirapan talaga ako sa Chapter 27
heehee. I'll do better next time! :)

Sa mga nagtatanong po, purely POV ni Zade 'tong TSIB. And it's her birthday today
so.. Happy Birthday, Zades!

PS: Ito ang first chapter na pinabasa ko sa beta reader. Mas umayos 'to dahil sa
comments niya HAHAHA. This one's for you :)

PPS: Kung nabasa niyo ang Wallbanger, familiar sa inyo yang title. HAHAHA k I'll
stop.

xxx

Chapter 28: The Big O

Ano kaya ang feeling ng isang artista?

Before wala talaga akong pakialam sa showbiz. Nada. Balita nga lang ang pinapanood
ko sa TV eh. Ni hindi ko kilala kung sinong kaloveteam nino at kung anong number
one sa ratings sa primetime Wala rin akong pakialam sa movies (seriously, ba't ka
gagastos ng 200php para manood ng sine?), albums ng mga artista na di naman
marunong kumanta (sayang sa CDs), special magazines with artista covers (isumbong
ko kaya si Kesh sa Andreau Cortez magazine collection niya?) at pag-attend ng
concerts ng mga artistang nagpipilit na all-around perfomers. Kaya nga kawawa ako
ngayong college eh. Ang hilig magpabonus ng mga prof ng kung anu-anong pop culture
reference. One time nga tawang-tawa si Andreau sa'kin nung hindi ko alam ang sagot
sa tanong na Anong barko ang sinakyan nina Jack at Rose? As if requirement para
magkagraduate ng elementary ang panonood ng Titanic!

Kaya lang naman ako nagkaron ng pakialam dahil kay Andreau.

Medyo matagal na kaming magkakilala and hindi ko pa rin gets kung bakit siya nag-
artista. Alam ko namang nadiscover siya sa isang commercial blahblahblah pero.. yun
na ‘yon? Dahil sa commercial gusto na niya agad umarte?

My god. Sa sobrang rational, talented at talino ni Andreau.. gusto lang niyang


maging artista? Don’t get me wrong ha, he’s a great actor and all pero.. mas
magaling siya sa scriptwriting and directing. Mabusisi siya sa details and sobrang
imaginative niya. Plus yung dialogues na naisip niya sa Tila.. quotable talaga.
Nagulat nga ako sa sarili ko na kaya ko palang makipagsabayan sa super bilis na DSL
connection ng utak niya. Kumbaga, nasa point K na siya habang ako nganga sa point
C. See, foreign DSL service ata ang kanya.

Tinanong ko rin sa kanya yan nung pauwi kami galing Pangasinan.  Nag-iinarte pa nga
siya bago sumagot eh. As always, nganga na naman ako sa sagot niya: It’s like
seeing and living this world inside a different body, Zades. Every role is a
challenge, an adventure. Sometimes it’s tiring and frustrating; but once you get
your shit together and do it right, goddamn worth it.

I was like.. yun na ‘yon? Masama ba akong kaibigan kung sasabihin kong
nanghihinayang ako sa talent ni Andreau as a scriptwriter/director? I really don’t
get him. At. All. Maybe this is my thickheaded side speaking pero.. I’m not really
satisfied.

So.. you’re not satisfied at all?

Yeah. I thought your answer’s enough. I was wrong. May kulang. Walang Eureka moment
sa’kin.

That’s what she said.

What?

Nothing. So.. you want me to elaborate more?

Uhuh. Hindi ko talaga magets kung bakit ang dami niyong hooked sa acting. Sorry.
Well.. you don’t want me to tell you so I guess.. I have to show you.

Show me what?

At ang solusyon niya sa problema ko?

Dinala niya ako sa taping niya.

xxx

Naging busy si Andreau right after our Pangsaninan long weekend walwalan trip. Four
days before kami umalis for Dasol, nakatanggap si Andreau ng tawag galing kay Mars.
Magkasama kami nun sa library para magresearch sa ilang scenes ng Tila script.
Iniwan niya akong nag-iisa after that important phone call. Ang dami pa naman
naming kinuhang libro nun! He apologized about it the next day, pero hindi niya na
nabanggit ang phone call na ‘yon. Ayaw ko rin naman siyang kulitin, baka magalit
sa’kin.

Then three days ago, nalaman ko rin kung tungkol saan ‘yon.

Every Septmeber ang celebration ng anniversary ng talent center nina Andreau.


During this month, ginaganap ang Charity Ball at pinapalabas ang  movie of the
year. This year, since 30th anniversary nila, merong month-long special episodes
ang drama anthology show nila every Saturday. Of course, bida sa episodes ang sikat
na loveteams ng network. Una inassume kong si Jillian ang partner ni Andreau sa
episode nila kaso busy si Ham Actress (my not-so subtle nickname for her) sa bago
nitong show. Instead of her, Andreau ended up with Sarah.

Buong weekend busy si Andreau sa taping. Nagtataka ako kung bakit pumayag siya sa
project na ‘to, considering na break siya from showbiz. Baka naman may bagong deal
siya sa management or something? Uh oh, brain, don’t overthink about this. Masyado
ata akong natuwa sa showbiz conspiracy theories after nung walkout ni Andreau sa
Minutes almost two years ago.

And since wala kaming pasok pag Monday, niyaya ako ni Andreau na bumisita sa taping
nila. You might find your million dollar answer here, you know, text niya sa’kin
kagabi.  Why not? He said he’ll show me. Ako pa ba tatanggi?

Si Mars ang sumundo sa’kin sa dorm around 8 am. God, ang aga naman ng call time
nila! Actually hindi sinabi sa’kin ni Andreau ang kwento ng episode na gagawin
nila. Kasama niya si Sarah so malamang rom-com ‘to. Ang ironic nga eh, si Jillian
pa ang partner ni Andreau kapag drama tapos si Sarah sa romcom. Sobrang baligtad
talaga.
I was surprised na tumigil kami sa isang ospital, not far away from the campus. All
this time dito ang taping nila? Ba’t hindi sa’kin sinabi ni Andreau? Sana pala
kahapon pa ako pumunta dito. Ang lapit lang pala! Naabutan namin na nagsesetup ang
crew sa labas ng emergency room. Wow, parang shooting ng pelikula ‘to ha. Ang
daming tao! I surveyed the area, no sign of Andreau. Baka hindi pa sila tapos sa
scene nila sa loob.

“Zades, tara dito tayo,” Mars motioned me to follow her to this big, black truck.
Ano namang gagawin namin sa truck na ‘to? In fairness, ang sarap sa mata ng glossy
black finish ng truck. Para ngang delivery truck na customized ‘to eh, only bigger
and wider. At ang weird pa, nasa gilid ang pinto ng truck, imbes na nasa dulo.

“Uhhmm Mars baka magalit yung utility crew pag dyan tayo tumambay,” I said, not
moving at all. She turned around and faced me, arching an eyebrow. “Baka kasi
mapaaway tayo.”

Mars was slightly confused as she walked towards me. “Anong pinagsasabi mo dyan,
the? Tara, hindi ka mapapaaway! Si Andreau nga nagsabi na dito kita dalhin.”
Hinigit na niya ako papunta sa truck. Okay, don’t mess with Mars. Kahit mabait
siya, meron pa rin yang Spartan side sa loob.

Wait a minute. Dito ako pinapapunta ni Andreau? Sa utility truck na ‘to? Di ba


pwedeng sa isang tent or what? Bakit sa isang truck? Eto ba ang ibig sabihin niya
ng show? Lagot siya sa’kin mamaya pag nakita ko siya!

Eto namang si Mars, walang pakialam sa ginagawa niya. May kinuha siyang susi sa bag
niya at binuksan niya ang pinto ng truck gamit ‘yon. Okay.. seryoso ba talaga ‘tong
sa truck?

“Okay, you can go in,” sabi niya sa’kin nang tuluyan nang bumukas ang pinto. Nang
hindi ako gumalaw, nauna na siya sa’king pumasok at binuksan niya ang ilaw sa loob.
“Zades? Hello? Okay ka lang?” she asked, totally weirded out by my actions.

“Teka.. utility truck ‘to,” I said flatly. “Dito ako magsi-stay?”

“Ha? Anong utility truck ka dyan? Trailer ‘to ni Andreau! Baliw ka ba?”

What? Trailer? Ni Andreau?

Lumayo ako sa truck saglit at tinignan ang kabuuan nito. Triple shit, this is his
trailer van? Ba’t.. ang laki naman? May nakwento sa’kin si Kesh dati na simpleng
van lang ang pinapacustomize ng mga artista para maging trailer nila pero.. si
Andreau.. size ng isang cargo truck ata ‘tong kanya!

“He.. owns this one?” I gasped in awe, making Mars grin widely. I can’t believe it.
Sa tagal kong kilala si Andreau.. never niyang nabanggit sa’kin na may trailer
truck siya. Magkano kaya ‘to?
Ingat na ingat akong pumasok sa trailer truck. Maganda sa loob, in fairness. It’s
like a trailer version of Andreau’s condo: black and white ang theme, and
minimalistic. Ang pinagkaiba lang nitong trailer ay wala ditong movie posters at
cabinet ng DVDs. So mukhang rest area lang ‘to ni Andreau. Ang mahal namang rest
area nito!

Umupo ako sa sofa habang pinapanood si Mars na kumuha ng pagkain sa mini fridge.
“Okay lang ba sa’yo ‘tong Coke?” she asked. “Ewan ko ba dito kay Andreau, di man
lang nagparestock ng fridge!”

Nagkwentuhan kami sa sofa habang hinihintay si Andreau. Dun kinwento ni Mars ang
plot ng episode ng Sardreau. Doctor pala ang character ni Andreau dito, and ex-
girlfriend niya nung college si Sarah. Mahal nila ang isa’t isa kaso nakipagbreak
ang character ni Sarah dahil kailangan siya ng best friend niya. Pinakasalan ni
Sarah ang best friend niya dahil may incurable disease ito. Years later malapit
nang mamatay ang asawa ni Sarah and saktong sa ospital pa na pinagtatrabahunan ni
Andreau sila pumunta. And the rest wa—

“Ba’t mo kinwento, Mars?” a male voice interrupted our chat. Nakatayo pala si
Andreau sa may pintuan ng trailer niya. Kahit kelan scene stealer ‘to. “Hindi na
siya manonood pag nalaman niya ang ending. Kill joy yang si Zades.”

“Hey Doc!” I greeted him warmly. Pumasok na siya sa loob at tumabi sa’min ni Mars
sa sofa. Nakakapanibagong makita si Andreau na may foundation sa mukha ha, ang
sarap punasan! Pero bagay sa kanya ang blue scrubs na suot niya. He really owned
color blue. “How’s the taping?”

He sighed as he stretched his legs on the center table. “Feeling ko ang tanda ko
na,” his shy admission made us laugh. “Ang tagal ko na ring di nagtatrabaho ng
ganito. God, I forgot how stressful this job could be.”

“By the way, ang ganda nitong trailer mo ha,” napangiti siya sa comment ko. Hello,
Andreau’s ego. “Akala ko kanina utility truck ‘to, promise. Hesitant pa akong
pumasok.”

Tiningnan ni Andreau si Mars, na natawa sa sinabi ko. “Loka rin ‘tong babaeng ‘to,
ano? Baliw-baliwan din minsan!” Nag-high five pa ang dalawa. Grabe, kawawa talaga
ako pag kasama sila.

“Eh sa mukhang utility truck ‘to eh! Hindi mo naman sinabi sa’kin na may ga—“

“Hey Dreau, can I ta—“

Our heads spun towards the trailer door, spotting a very familiar face.

Oh. Si Sarah Morales pala ‘to.


First time kong makita si Sarah sa personal and I have to admit.. nakakastarstruck
siya. She reminded me of Cho Chang from Harry Potter (Kesh’s fault; nagmarathon
siya ng HP movies nung finals week, first year) because of her eyes. Maganda si
Sarah kaso.. kulang sa height. She has this girl next door charm kaya maraming
natutuwa sa kanya. Para siyang model ngayon kahit simpleng black blouse at pants
lang ang suot niya. Life is really unfair, sometimes.

“Uy Sar, come in!” yaya ni Andreau sa kanya. Reluctant pa si Sarah na pumasok sa
loob. Okay.. anong problema niya? Ba’t parang ilang na ilang siya? “Nga pala,
Sarah, this is Zade. Zade, si Sarah.”

She politely smiled at me as she extended her hand. “Hi, nice to meet you.”

“Nice to meet you rin,” sabi ko. My god, ang lambot ng kamay niya ha! Ibang klase
talaga ang nagagawa ng yamings na lotion!

Wala pa atang two seconds yung handshake namin nang bumitaw siya. Whoa, that was..
something. “Uhm Dreau? Can we talk about the next scene?,” she hushed urgently.
“Outside. Alone.”

I saw Mars rolled her eyes pero oblivious si Andreau dun. He got up and picked his
script on top of the TV. “Ah about that? Sure. Medyo mahirap nga yun.” He turned to
us, smiling apologetically. “I’m so sorry guys. Mamayang lunch na lang, okay?” With
that, the two actors left the trailer, leaving us shocked and.. a little bit
annoyed. Nakakainis yung Sarah ah. Gets ko naman na busy sila sa taping at pagod na
siya pero my god, may attitude! For a second there mas ginusto ko pa yung unang
meeting namin ni Jillilan kesa dito. Nakakairita.

“So.. that was Sarah,” I said tentatively, seconds later. “She’s.. something.”

Mars snorted loudly beside me. Halatang nairita siya sa drama ni Sarah. “Wag mo na
lang pansinin yun, Zade. May attitude talaga yan. I know hindi ka maniniwala sa’kin
pero mas mabait pa si Jillian dyan. Like a hundred times.”

Weh? Si Jillian mas mabait pa dyan? Excuse me, parang di naman kapani-paniwala
‘yon! Andreau.. liked her. He almost fell in love with her. Siguro naman may
redeeming qualities siya kaya siya nagustuhan ni Andreau, di ba?

She seemed kinda.. fake?

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Ninna last week. Totoo kaya ‘yon?

“Zade?” Mars called me out. Palabas na pala siya ng trailer. “Tara, bili tayo ng
coffee. Pampawala ng imbyerna.”
Right, kape lang ang sagot dito. Baka sakaling umayos ang attitude ni Sarah sa
kape. Bigyan ko rin kaya siya?

xxx

Hiyawan, tilian at palakpakan ang sumalubong sa’min ni Mars pagbalik namin sa set.
Dun pa lang kinabahan na ako. Nakakaamoy ako ng rabies-infested fans. This is bad.

Halos 45 minutes kaming nawala dahil sa pesteng kapeng yan. Dumayo pa kasi kami sa
Starbucks na nasa kabilang side pa ng campus. Allergic daw si Mars sa kape ng
convenience stores at miss na niya ang Starbucks. Pabalik na kami ng ospital nang
inabot kami ng traffic. Sobrang kaloka talaga, para lang sa kape.

Sa parking lot pala ang next scene na sinasabi ni Sarah kanina. That must be a big
scene dahil ang daming taong nanonood. May nakita pa akong ale na maluha-luha sa
tabi. Ano kayang scene yun? Ba’t nakakaintriga?

Sisingit sana ako sa crowd para makisilip nang may maramdaman akong mali sa paligid
ako. As if may nakatingin sa’kin nang masama. My instinct told me na sa may bandang
kanan ‘yon.. and voila, I saw pairs of eyes gawking at me. Hindi ko naman sila
kilala pero.. oh shit. May hawak silang posters na may nakalagay na Dreausters,
Sardreau forever and the likes.

Oh. Tama nga ang naamoy ko. Gusto ata akong patayin sa tingin ng Dreausters ngayon.

First time ‘to na makakita ako ng Dreausters after lumabas ng chismis samin sa
ChiSqua. Alam kong karamihan sa kanila badtrip pa rin sa’kin pero hindi ko naman
ineexpect na aabot sa super death glares ang aabutin ko. My god, ang immature naman
ng mga ‘to! Ang bilis maniwala sa chismis!

“Zade tara na,” yaya sa’kin ni Mars sabay bira sa braso ko. Hindi ko namalayan na
katabi ko siya. “Wag mo na silang pansinin, hindi yan worth it.”

May goosebumps pa rin sa batok ko kahit nakalayo na kami ni Mars sa kanila. Ang
intense nun, ha. Death glare pa lang medyo kabado na ako, paano pa kaya pag
nagsalita na sila? Feeling ko talaga iiyak ako pag nangyari yun. Sana hindi ngayon.

Sa ICU daw ang next scene so dun kami pumunta ni Mars. Buti pa dito wala masyadong
fans na makakapasok, medyo masikip na kasi. I spotted Andreau and Sarah talking to
their director, baka nagpapaalala ng cues for the scene. Hindi pala bagay kay
Andreau ang sobrang seryoso, natatawa ako sa kanya. Nagulat ako nang pinuntahan
kami ni Andreau after ng little talk nila.

“Ano, ready ka na?” tanong niya sa’kin sabay kuha ng kape ko. Tinanggal niya ang
takip at ininuman yun nang walang paalam. “Shit, ba’t walang asukal ‘to?”

Inagaw ko sa kanya ang kape ko at kinurot ang braso niya. “Wag ka kasing basta-
basta nang-aagaw! And.. ready for what?”

“I’ll show you, remember?”

“Show wha— oh. Yeah. Pag hindi ako naconvince dito sa show and tell mo gagawan mo
ng reaction paper ang tanong ko sa’yo ha?”

Tinawanan niya lang ako bago siya bumalik sa tabi ni Sarah. Pumwesto sila sa
magkabilang side ng isang hospital bed at hinawakan ni Sarah ang kamay nung
nalalaking nakahiga. He must be the best friend huh. Nakatitig lang akong maigi kay
Andreau para makita ko kung ano ba talaga ang gusto niyang ipakita sa’kin. Ano
kayang scene ‘tong kasunod? Sana maganda para di ko na kailangang panoorin ‘to sa
TV!

Scene 14. Action!

And it happened too fast that I almost missed it. Hindi ako makapaniwala na
nangyari yun.

A second there he was still Andreau, yung calm and focused guy na kilala ko. Pero
nang banggitin ang Action.. bigla siyang nag-iba. Something flickered in his eyes..
and he changed. Siya pa rin si Andreau pero.. hindi siya si Andreau. As if may
nagturn on ng switch para maging ibang tao siya.

Para siyang.. sinapian.

“Wala na talaga akong magagawa, Tessa.” Andreau said coldly while reading the
patient’s chart. “The test showed slow reco—“

Tears fell from Sarah’s eyes. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ng asawa niya.
“Carlo c’mon.. siguro naman may magagawa pang iba, di ba? Baka may kakilala kang
ibang specialist na pwedeng makatul—“

“I’m sorry pero ginawa ko na lahat ng makakaya ko. I’m afraid to say it’s too la—“

“Wag na wag mong sasabihin yan!” she angrily shot back at him. Andreau flinched
slightly but he remained stoic. “May magagawa ka pa, Carlo. Hindi mo lang ginagawa
ang lahat kasi galit ka pa rin sa’kin! Sa’min!”

“Hindi totoo yan, Tess. I did everything I c—“

“Well tingnan mo, hindi mo pa nagagawa lahat!” napaluhod si Sarah sa tabi ng kama,
hawak-hawak pa rin ang kamay ng asawa niya. “Kung.. kung ginawa mo na.. l-lahat..
sana may nagbago. Sana.. gising na siya ngayon.. sana..”
Hindi pa rin nagbago ang expression sa mukha ni Andreau. “Tessa.. ginawa ko na ang
lahat. He’s.. dying.” Nilapitan niya si Sarah at lumuhod din sa tabi nito. His face
was somehow gentler now but his eyes were still intense. “Hindi..ako galit sa’yo..
o sa inyo. Tanggap ko na mas..mahal mo siya kesa sa’kin.” Niyakap niya si Sarah
nang mahigpit, at tuluyan nang umiyak ito sa balikat niya. “Everything will be
okay. Promise..”

“I-I.. can’t lose him. H-hindi ko kakayanin..”

Andreau kissed Sarah’s hair and rested his chin on her head. “I.. can’t lose you,
too.”

CUUUUUT!

And justlikethat, natapos ang scene.

My god. Sa sobrang intense ng scene na yun di ko napansin na naluha ako. Triple


shit, hindi ko maexplain ang feeling. Ang.. bigat sa pakiramdam na.. magaan na..
ewan. Ibang klaseng experience na makitang umaarte si Andreau. Tama nga siya, hindi
lang basta acting yun. Binigyan niya ng buhay ang character niya. And it’s really
freaking surreal.

Inobserbahan ko si Andreau habang pinapanood nila ni Sarah ang kakatapos na scene


mula dun sa maliit na TV. Bumalik na ulit siya sa dating sarili niya. Siya na ulit
si Big Boss, si Francisco. Hindi na siya ang martyr at stoic (siya lang ata ang
nakakagawa nito) na si Carlo. Paano niya nagagawang i-turn on at off ang switch na
‘yon? Hindi ko pa rin maintindihan.. pero somehow nasagot niya ang tanong ko.

“Ano Zades, okay ba?”

I didn’t realize na nasa harapan ko na pala siya, nakangisi na parang ewan. Shit,
baka mamaya may bakas pa ng luha dito sa mukha ko. Aasarin ako nito pag nalaman
niyang napaiyak niya ako. Sa totoo lang.. gusto ko siyang yakapin nang mahigpit
ngayon. Gusto kong itanong kung paano niya nagagawa ang magpapalit-palit ng modes.
And frankly? I wanted to kiss him right now, para lang magthank you. Kasi ngayon
lang ako nakaramdam ng ganito. Sobrang adrenaline rush.

But instead, I did neither of those things. Sobrang inappropriate ng mga naisip ko.

“Uhmm.. yeah,” I casually shrugged, making him arch an eyebrow at me. “It’s quite
adequate for me.”

Mukhang satisfied siya sa sagot ko so case closed.


xxx

Last taping day na nila ‘to so sinagad na nila ang taping until 10 PM. Minor scenes
na lang ang shinoot nila after that ICU scene kaya medyo nakausap ko si Andreau in
between breaks. Pinapauwi na nga niya ako nung hapon kaso tumanggi ako. Ayoko pang
umuwi talaga. Fine, sobrang nag-eenjoy akong makita na umarte si Andreau. Ibang
klaseng vibe ang meron siya pag nagtatransform siya sa character niya. Mas..
naging.. hot siya sa paningin ko. Okay, stop the inappropriate thoughts, Pascual,
kung ayaw mong maglakad pauwi ng dorm.

Nagpaalam na kami ni Andreau sa production crew after ng dinner nila. Thank God
wala sa dinner si Sarah. Umalis agad after mataposlahat ng scenes niya dahil may
flight pa siya mamayang madaling araw papuntang Cebu for a mall show. Si Mars naman
umuwi na nung hapon dahil inatake siya ng migraine. No choice si Andreau na ihatid
ako pauwi, and as if papayagan niya akong sumakay ng taxi mag-isa. I’m not sure
kung favorite Andreau ko ang Protective ha. Para kasi siyang bodyguard.

“Andreau wait lang,” sabi ko sa kanya bago kami sumakay sa Dodge niya. Kinapa ko
ulit ang bulsa ko at napansin kong wala ang phone ko. “Naiwan ko ata sa trailer mo
ang phone ko. Can I bo—“

Inabot niya agad sa’kin ang susi ng trailer. Binuksan niya ang pinto sa may
driver’s seat. “Move faster. Kukunin na ni Kuya Gelo yang trailer mamaya, baka
masama ka pa.”

“Funny. Wait hintayin mo ako ha?” He nodded sleepily as I ran towards the trailer.
Agad kong nakita ang phone ko pagpasok ko sa loob. My god, patay ako kay Mima pag
nawala ko ‘tong phone! Bago ako umalis chineck ko muna kung may naiwan pa ako sa
trailer... and that’s the time when the urge to pee struck me. Shit, kasalanan ‘to
nung iced tea kaninang dinner! Dapat pala nagtubig na lang ako!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa CR ng trailer at umihi na. Napansin kong bukas
pa ang maliit na bintana sa kanan ko. Isasarado ko na sana nang may narinig akong
nag-uusap sa labas. Dalawang babae, to be exact.

Nakakamiss din si Andreau, ano? My god, sayang nagtake siya ng break!

Yaan mo na, nag-aaral eh. Graduating na siya, right?

Yeah, sabi ni Mars. Tapos.. dinala pa niya yung babae niya dito.

Who? That kid?

Yeah. Grabe.. anong nakita niya dun sa babaeng ‘yon?

Hoy admit it ha, mas maganda siya sa personal. Nakita mo ba siya nung birthday ni
Andreau?
Di ako pumunta, remember? May taping din kami nun. So.. bumenta rin sa’yo yung
excuse nila? Yung tungkol sa thesis?

Sabi kasi ni Mar—

Sus nagpapaniwala ka naman dun! Alam mo namang baby ni Mars si Andreau. Malamang
ipagtatanggol niya yun.

So naniniwala ka na secret girlfriend niya si Zade?

Puhlease, teh! Ang tagal ko nang katrabaho si Andreau ano! Nung una pa lang nilang
teleserye ni Jill! Kaya lang naman kasama ni Andreau yan kasi.. he’s bored. Di ba
tutor yan ni Tristan? Baka naaliw siya and he found her as the convenient toy to
play with.

Uy harsh mo naman teh!

Bakit, totoo naman ah! One year ka ba namang di magtrabaho eh! Mabaliw-balilw
siguro si Andreau. He befriended her just to pass time. Ang dami nang gumawa niyan
sa showbiz, teh. Hindi na siguro balita yan sa’yo.

Oh.. kaya pala ang init din ng ulo ni Sarah kanina..

Pansin mo rin pala! Eto kasi si Andreau ayaw pang aminin na di siya makaget over na
pinili ni Sarah si Kraig! Hello, ang pathetic naman ng pagpapaselos niya kanina ha.
Yung babaeng ‘yon pa ang dinala!

So gusto niya iparealize kay Sar na mali siya kay Kraig? Ganern?

Exactly!

Cute naman sila ni Zade ah?

Oo nga cute. But I know Andreau. He doesn’t date charity cases.

Baka hindi naman ganun si Andreau, teh. Grabe naman yun.

Sus, ang galing na artista niyan ni Andreau. Kayang-kaya niyang gawing tanga ang
isang tao gamit ang isang smile niya. Di ba?

Well.. tama ka dyan!


 

My god.

xxx

After we left the set, he’d asked five questions and gotten three monosyllabic
answers from me. Trying to make the car ride home not awkward, nagkwento na lang
siya tungkol sa taping nila today. All I could do was nod. It was a very childish
thing to do but.. I’m still upset. Ayokong magsalita hangga’t hindi pa humuhupa ang
pagkainis ko. Medyo unfair yun kay Andreau, lalo na’t sinusubukan niyang kausapin
ako. Baka kasi may masabi ako sa kanya na ikagalit niya.

He had enough of my silent treatment once we pulled in front of my dorm. My initial


plan was to smile and thank him for today and leave. But knowing him, hindi ako
basta makakalabas ng sasakyan niya nang hindi kami nag-uusap.

“Zades.. is there something wrong?” he asked cautiously, shifting in his seat so he


could take a good look at me. Mas sumiksik ako sa pintuan ng kotse niya.

I picked up my phone and pretended to text someone. “Uhh,, Nothing. I’m just tired.
Really.”

He nearly laughed at my ridiculous answer. Obviously he knew I wasn’t okay.


Formality lang naman kaya niya ako tinanong nun. “Kanina ka pa tahimik ah. Are you
su—“

“Andreau,” I  sighed, finally looking at him. “I’m tired. Let’s jus—“

“You’re hiding something from me. Don’t you dare lie. I know you,” he replied. His
forehead creased, a classic sign of Annoyed Andreau.

“Ugh. Wag ka ngang ganyan. Okay nga lang ako.” I know this confrontation would
happen now. Pero sa lagay na ‘to.. feeling ko ang tanga ko dahil sa pinaggagawa ko.
But this is my defense mechanism. I might be blunt about other things but this is
serious stuff. At pagdating sa mga bagay na yun, gusto kong pinag-iisipan ko muna
ang mga sasabihin ko.

“Zades.. may problema ba?” Andreau insisted, refusing to give in.

“Andreau, just drop it,” I pleaded. “You.. won’t understand. Ako lang ‘to,
promise.”

“Did something upset you earlier?” I didn’t answer. “May nangyari ba kanina sa
taping?”
“Wala.”

He unfastened his seatbelt and rested his back against the car door, facing me. “I
could guess here all night.”

“Wala kang mapapala sa—“

“Scheherazade. Talk to me.”

Bigla akong natakot at nagulat sa tono ng boses niya. Ibang klase ang epekto sa’kin
nun. We’ve only known each other for a year and seven months yet he already knew
how to push my buttons. “Wala talagang nangyari, promise.” I huffed in
exasperation. “Medyo naging OA lang ako kanina. Well, lagi naman akong OA sa mga ba
—“

“To what exactly?” Damn, he’s not gonna drop this until I spill everything.

Being evasive is one of my weakest points. Pinalaki ako nina Mima at Tata Greg na
laging magsabi ng totoo at laging alamin ang katotohanan. Andreau knew this about
me, ilang beses na siyang nainis sa’kin dahil sa truth shit ko. But this time..
it’s different, just like our kiss seven months ago. May mga bagay talaga na dapat
itago.

“May narinig lang ako kanina. Stupid thing, really.”

“Gossip?” he guessed. Tumaas ang kilay niya nang mapansin niyang nagulat ako.
“C’mon, that was petty. Di ba wala ka namang pakialam sa ganun? What was it?”

“It’s really nothing.”

“Is it about me?”

“No,” I said too quickly. “Just.. drop it, Andreau. I’m getting uncomfortable now.”

He leaned forward and grabbed my left hand, but I slapped his hand away. “Sanay na
ako sa chismis, Zades. But not just about me. It’s about us, right?” Bakit ang
galing niya sa deduction? Ugh. “That’s why you’re not telling me. Blink twice if
I’m correct.”

“I’m not blinking twice. Look, thank you for today and goodnight. I’m tired, so are
you. I’m not ready to talk right now.” Hoping I could end this conversation by
leaving, I tried to open the car door on my side. And that was my first mistake.
“You’re not going anywhere,” he whispered, reaching out and grabbing my arm firmly.
“Talk to me. Please.”

“Hindi nga tungkol yun sa’tin. That’s it.” That was my second mistake. Kung kelan
kailangan kong magsinungaling tsaka pa palyado. His eyes narrowed at me, confirming
that he didn’t buy my answer. Damn it.

“You can’t even lie to me, Zades. It was about us. Why can’t you just tell me?”

“You said it yourself earlier. It was petty. Bakit mo ba gustong mala—“

“Because you’re upset! I can’t stand seeing you upset. Isn’t that enough?” he
inhaled sharply, his voice no longer calm. This isn’t good. “Tungkol pa rin ba ‘to
dun sa Chismis Squad article? I thought wala lang yun sa’yo?”

“Hindi ‘to tungkol dun sa article. Let me go, Cortez,” I said, but his shand only
tightened on my arm. Great, Annoyed, Persistent and Stubborn Andreau pala ang
kasama ko tonight.

“I’ve got all night, Zades. Tell me or I keep on guessing.”

“Let’s talk about this tomorrow. Or whenever. Just.. not tonight.”

“Bakit ba ayaw mong sabihin sa’kin, ha? Before.. you always tell me things that
upset you. Bakit ngayon.. hindi?” he asked dejectedly with sad eyes.

“Because this thing is worse compared to the others, okay? It’s embarrassing!” I
said loudly, finally losing all composure. Sumakit na ang ulo at dibdib ko sa
sobrang inis at takot. “The gossip wasn’t about me being your secret girlfriend,
Andreau,” I said on a humourless laugh. “It was about why you are sticking with me.
That.. the reason you’re with me because you’re bored and I’m the convenient toy to
play with. That you befriended me just to pass time.” The words escaped my mouth in
a bitter rush and I couldn’t stop them. “Apparently, you’re still not over with the
Sarah thing kaya mo ako dinala sa taping niyo para pagselosin siya. And you are
deeply aware that Sarah will realize you like her because she knows that you don’t
date charity cases.”

His grip went loose and his mouth left wide open. Minsan ko lang makitang gulat na
gulat si Andreau. I hate seeing him hurt and confused. But God, those words I heard
earlier had crashed over me, leaving me nauseous and angry at the same time. Alam
kong hindi ganun si Andreau pero.. yung what if sa utak ko ang gumana. What if
totoo nga lahat ng sinabi nila? That would be the funniest prank of all time. Ang
gawin akong tanga.

“So ano.. satisfied ka na?” sabi ko sa kanya minutes later nang hindi pa rin siya
nagsasalita. The shock on his face remained but his eyes were unreadable. Must
resist looking at him, Zade. Umuwi ka na. “Look.. I’m sorry. I can’t deal with this
right now. I mu—“
“Bullshit!”

Hindi yan ang ineexpect kong reaction niya sa sinabi ko. Akala ko tatawanan lang
niya ‘yon, tapos sasabihin niya Insecure lang sila. Don’t mind me. Ganyan naman
siya eh, di niya masyadong pinapansin ang chismis tungkol sa kanya. But now? He
was.. “You’re upset.”

Andreau ran his hand roughly through his hair, face looking intense. “Of course I
am!” he almost shouted. “You’re upset, I’m upset! My God, Zades! Of all peo— do you
think any of what you heard was true?” his tone was partly accusatory, partly
concerned.

I stared at him for a moment, gathering the courage to tell him everything. “I-I..
don’t know what I am. Andreau,” I admitted shamelessly. “Hindi ko alam kung anong
dapat kong paniwalaan, okay? Kung tutuusin.. isang side lang naman ang kilala ko
sa’yo eh. Kilala lang kita as Andreau Cortez, the student, aspiring director,
friend.. ganun. Sila.. mas matagal ka na nilang kilala. Yeah, I got scared. Because
for a second there, naimagine ko kung what if totoo yun. Gusto kong masuka kanina,
Andreau. I know you can’t do that to me. Pero yung what if talaga eh. Nakakainis.”

“So.. mas naniniwala ka sa kanila kesa sa’kin? Is that it?”

Aray, ang sakit non ha. “Yeah. A little bit.”

“What the hell, Zades? You don’t know those people! Why believe in th—“

“Kasi hindi natin pinag-uusapan, okay?” I screamed, shocking him. “Oo ngayon, close
tayo. Lagi tayong magkasama. Pero bakit ba? Ay yeah, because of the script. Yun
lang ba talaga ‘yon, Andreau? Kasi.. my god! Bakit mo pa ako pinapunt—“

“Pwede ka namang hindi pumunta!”

“I don’t want to disappoint you!”

“Well that’s too late now. You disappointed me, Zades!”

Aray, mas masakit kesa dun sa una. He’s.. raging mad. “Ay sorry ha? Sorry if I
disappointed you, Boss!” pinigilan ko nang maiyak. Hinding-hindi ako iiyak sa
harapan niya pag nag-aaway kami. “Sorry kung ganito ako kasi kanina nasaktan ako sa
mga sinabi nila. Ako.. kaibigan kita. Malay ko ba kung anong tingin mo sa’ki—“

“What you just said there was utterly bullshit, Zades!”

“Don’t shout at me!”


“Stop being stupid!”

“Stop being a jerk!”

“I’m not a jerk! I’m upset!”

“Then you’re an upset jerk!”

“I’m mad!”

“Ikaw pa ang galit ngayon?”

“Hindi ako galit sa’yo! Galit ako sa mga pinagsasabi mo!”

“Bakit?”

“For fuck’s sakes, Pascual! Don’t you get it?” His eyes blazed with hurt and anger.
“I care for you! I don’t want to see you upset! Everything you heard was bullshit!”

“Wow, how dramatic of you! Magkanong talent fee ang binayad nila sa’yo para umarte
sa harap ko, ha!?”

“Scheherazade Pascual, for once, shut up!”

“Oh why? Kasi si Sarah na yung kasunod? My god, Andreau. Hindi ka na high school
para maghanap ng pretend girlfriend!”

He shot me a really scary look but I didn’t budge. Mas masakit pala ngayong pinag-
uusapan na kesa kanina na kinikimkim ko lang. “You think you have it all figured
out, right?” His cold voice felt like a sucker punch. “Because.. what you’ve heard
earlier was enough for you. They’re all facts for you, right?”

Pwedeng-pwede na akong lumabas ng sasakyan at iwan siya dito. I’m sure bukas o sa
makalawa makakalimutan din namin ‘tong away na ‘to. As if hindi kami nag-away
before. But this one’s.. different. Alam naming pareho na pag hindi namin ‘to
inayos ngayon.. baka wala na kaming balikan pa.

Andreau fell silent for a long time, calming himself. Sa totoo lang nakakatakot
makitang galit si Andreau. He’s so calmed and collected all the time kaya pag galit
siya.. it was definitely a preview of hell. “Andreau?” mahina kong sabi, minutes
later nang kalmado na siya.. Umiwas siya ng tingin sa’kin. “Look.. it did upset me
a lot but.. hindi ko naman pinaniwalaan lahat ng sinabi nila. Especially the mean
things. Alam kong madalas mo akong asarin pero.. di ka naman aabot sa point na
‘yon.”

“...”

“And.. I’m.. s-sorry. It.. just hurts.. a lot. I should’ve.. liste—“

“You’ve arrived at your conclusions and it doesn’t matter what I say. I don’t have
to explain myself to you, Zades.” His tone made my stomach drop a notch. Never had
I heard such complete lack of emotion in his voice. Never niya akong kinausap nang
ganyan. And damn, it hurts.

“O-okay,” my voice broke on a near sob as I picked up my things and opened the car
door. God, I feel so awful. “G-goodnight, Andreau. And I’m really sorry.” Ni hindi
siya gumalaw sa upuan niya nung sinarado ko ang pinto. Ba’t naging ganito na ‘to?

Nasa may gate na ako ng dorm nang may marinig akong thud sa likuran ko. Akala ko
sinarado lang niya nang maayos yung pinto ng sasakyan niya. Nang lumingon ako..
Andreau was already standing beside his car, staring at me. He remained
expressionless but somehow.. mukhang relaxed na siya.

I crossed the distance between us quickly, but stopping few steps away from him.
Kailangan ko munang makasigurado kung galit pa rin siya sa’kin o hindi na. “Is
there something wrong?” I asked him carefully. Hindi siya sumagot so I tried again.
“Andreau.. may naiwan ba ako sa loob ng sasakyan mo?”

“Yeah. Me.”

Oh, Andreau. “Uhh.. I tho—“

In just two steps he closed our distance and once again I was reminded of how manly
he smelled. My eyes narrowed at him when he stood there, just staring at me. “I’m
not gonna lie,” he started off tensely. “I’m still pissed about what happened
earlier. That was so fucked up, Zades. But.. I couldn’t stay mad at you. Not at
all.”

My heart pounded so fast, I was sure at any minute it would beat right out my
chest. His words were so freeing and relaxing. “Uh I.. are you.. su—“

His gaze softened and a tiny smile formed on his lips. He looked somewhat relieved
now. Thank God, iiyak ako kung galit pa rin siya sa’kin kahit nagpaliwanag na ako.
“Scheherazade, look at me,” he cupped my face between his hands, staring into my
eyes. His calm voice somehow soothed me. “The things you’ve heard? All bullshit.
They’re not, and will never be, true. Especially the Sarah thing. You know the real
score behind that, right? You get me?”

“Are you ser—“


“Stop right there. Don’t say things you’ll regret later.” His smile turned to a
grin. “You said it yourself, isang side lang ang kilala nila sa’kin. They don’t
know me outside of work that much.” Sighing deeply, he grazed his thumb on my
cheek. “I’m really sorry for calling you stupid earlier. And for shouting at you.
That was so uncalled for. But you know me better than anyone in that set, Zades.
Don’t let them get into you, okay? Wala lang silang magawa sa buhay nila.”

I grinned back at him, instantly pulling away from his hold. “Okay fine. I believe
you. Wag mo lang sasabihin kay Mars yan ha, magtatampo sa’yo yun.”

“What?”

“Yung I know you better than anyone in that set. She’ll definitely throw a fit!
Alam mo ba binuhos niya kanina ang galit niya sa traffic kay Sarah? Swear, ayoko
nang mastuck sa traffic kasama siya.”

He laughed a little. Thank God, he laughed. After ng ilang oras, ngayon lang ulit
ako nakahinga nang maluwag. “Okay. Secret lang nating dalawa ‘yun.”

“Sorry nga pala kung sobrang nakakairita ako mins—“

Andreau became serious in an instant. May mali ba sa sinabi ko? “Hell no! C’mon,
you may irritate me sometimes but we’re friends! You bring that bearable kind of
irritation. I could live with that.”

Wow, anong nakain nito at ibang klase na ang mga pinagsasabi niya? “You irritate
me, too,” I retorted back with a smile.

“You helped me with Tila, my dream script,” he continued. I know that o— “Paano
kita makakalimutan agad?”

It was my turn to show off my mocking eye roll. Pero goodness, ayan na naman siya.
Lord sana po hindi masyadong nakakakilig ang sinasabi niya minsan, di ba?
“Nakakainis ka rin, ano? You say nice things all the time.”

“Told you, part of the charm.” He even flashed his charm smile to prove his point.

I met his eyes and he stared at me for a moment. Unlike our stares before, this one
didn’t have any anger, annoyance, playfulness or even idleness. There’s just
acceptance.

“So.. diamond na?” I asked after I broke our stare off.

“No, not yet,” he replied quickly. He opened the car door behind him before I could
even complain. “One more thing before we close this shit, alright?”
xxx

Ice cream lang pala ang kailangan namin para sa closing ceremony ng major meltdown
ko today.

Gutom na gutom na pala siya, at hindi niya raw yun sinabi sa’kin kasi nag-aaway daw
kami. And since late na kaming nakaalis sa taping nila, no choice kami kundi
magdrive-thru sa kung anumang fastfood na bukas 24/7. I was surprised na sa rival
fastfood chain ng ine-endorse niya kami pumunta. (Don’t give me that look, Zades. I
just love their gravy and ice cream. Ikaw din naman, di ba? Yeah, he’s right.) Good
thing suot pa rin niya ang scrubs top niya at naitabi pa niya ang eyeglasses sa
compartment ng kotse so may instant disguise na siya. Medyo lutang ata yung crew sa
drive-thru kaya di niya napansin na si Andreau Cortez, ang endorser ng rival food
chain nila, ang umoorder sa kanya. Hah, if I were her, napansin ko na agad na si
Andreau yon.

Nagpark siya sa harap ng Skyline at dun na kami kumain ng late dinner/closing


ceremony takeout (his: 2 piece chicken, 2 extra rice & loads of extra gravy; mine:
double chocolate sundae, fries & cheeseburger). Tahimik lang kaming kumain, with
occasional remarks about our eating habits (hinuhuli niyang kainin ang balat ng
chicken; naweirduhan naman siya na sinisipsip ko ang ketchup straight from the
sachet) and comments about our day. We talked about everything except the argument
we had an hour ago.

Ayoko pa naman sa lahat ang ganun, yung hindi inaayos ang issue. Porke’t nakapag-
usap na it doesn’t mean na okay na ‘yon. Gusto ko napag-uusapan ng maayos ang lahat
para no regrets. Gusto ko rin ng closure.

“Andreau..” sabi ko sa kanya habang pinapapak niya ang huling balat ng fried
chicken. He glanced at me as he devoured his food. “I’m so sorry about my meltdown
earlier. I really overreacted about that thing. Next time magtatanong na talaga
muna ako sa’yo. Promise yan.”

Nagnakaw muna siya ng fries sa’kin bago niya ako sinagot. “It’s okay. I’m really
sorry if I.. made you feel that way. Sometimes. Hopefully sometimes.”

“Wag ka ngang maging self-conscious dyan!” I tried to smack his head pero umiwas
siya. “Ugh. Next time talaga hindi na ako pupunta sa mga taping mo. Pero I got my
answer na, Andreau. And.. you’re right.”

He looked at me as if hindi siya naniwala sa sinabi ko. “Wow. Kahit nasa trailer ka
lang buong araw?”

“Yeah, I’ve seen plenty. Kaso nakakaasar lang, niyaya ako ni Mars na bumili ng kape
kanina,” I said, wrinkling my nose a little. “Anong scene yung namiss ko kanina?”

“Ah yun ba? It was just nothing,” he shrugged casually while drinking his coke. He
offered his drink to me but I declined, making him laugh at me. “Wow, nandidiri ka
sa straw ko? Okay fine, we’re not that close to share drinks now, huh?” he teased.
Kung alam mo lang, hindi lang straw ang shinare natin before. God, that thought
sounded so.. dirty.

After eating, we both reclined our seats and propped our legs on the dashboard.
Tawang-tawa kami sa itsura ng legs namin, halatang pinagpilitang i-stretch sa
sobrang liit na space.

“No, hindi ko nga nakita yung mukha nila,” I insisted for the third time. Pinipilit
niya kasi akong sabihin sa kanya kung sino yung mga narinig ko kanina. “Nasa CR nga
ako ng  trailer mo eh, paano ko sila makikita?”

“You’re no fun,” he sneered. “Kakausapin ko lang naman si—“

“Tatakutin mo sila. Wag mo nang i-deny, Andreau. You were mad earlier. Makakasuntok
ka na ata eh.”

“But they de—“

“You’re not the vengeful type,” I ignored his depreciating eye roll at me. “And
trust me, finding those people will just make it worse. Verschlimmbessern.”

“What?” he said, wide-eyed. Wow, ngayon nga lang pala ulit ako nagsabi ng weird
word. He stared at me intently, na feeling ko nirerecord niya ang susunod kong
sasabihin.

“That was a German word, meaning to make something worse by a well-meaning but
misguided attempt to make it better. Sayang lang sa effort, promise.”

“Wow.. that sounded so fascinating and weird at the same time. I like that word.”

“Oh. There’s also this word, eutony,” I supplied matter-of-factly. “It means
pleasantness of a word’s sound.”

He chuckled at my professor-like tone. “I have to admit.. medyo naoffend ako sa


sinabi nila,” Andreau said in a serious tone. Ang bilis talaga magshift ng mood
nito! “Am I really like that? I have other friends, too, you know.”

“Pero lagi kasi tayong magkasama. And I don’t know your other friends.” He winced
at my statement, partly because it was true. Lagi, as in lagi, kaming magkasama ni
Andreau, at never ko pa nakitang may kasama siyang ibang kaibigan.

 “That’s because we have different schedules. I’m really friendly, and you must
know that, of all people,” he shot back defensively, crossing his arms over his
chest. “Do I really have to enumerate them all? Fine. Some from showbiz.. film
guys.. Mars.. Kesh.. You.. Marisse. Tristan.. college profs.. You.” He said that
last word with a small smile.

“You said me twice.”

“See? Hindi ko nakalimutan! Dumoble pa nga!”

I looked away for a moment, blushing a little. Nananadya ba siya o ano? “Andreau?”
he looked at me with those warm brown eyes of his. Bigla naman akong nahiya sa
sasabihin ko. “I’m sorry.  I shouldn’t have doubted you. Baka nainggit lang sila sa
kadyosahan ko kanin. Sana makarma sila.”

Andreau smiled foolishly this time. Really, ano bang meron sa ineendorse niyang
toothpaste? “See? That’s the Zade I know.”

It really amazed me how we could talk and resolve things easily. Recently lang
naman kami naging magkaibigan pero parang ang tagal na naming magkakilala. Kung
ibang tao siguro ang nakaaway ko ngayong araw, uuwi kami pareho na galit sa isa’t
isa. But with Andreau? It was really different, a good one. He knew how to push my
(metaphorical) buttons so well, at mukhang ganun din naman ako. At what point kaya
namin nadevelop ‘tong mutual tolerance and understanding sa isa’t isa? Nadevelop ba
talaga o sadyang natural na sa’min nun? Super weird, if you ask me.

“Zades?” his voice intrerrupted my thoughts. “Pag magkasama tayo.. anong feeling
mo?”

What a weird question. Ano kayang iniisip nito kanina? “Uhmm.. gutom?” I joked,
trying to keep things cool. His question kinda creeped me out.  “Joke lang. Wait..
let me think about it. Pero ikaw, anong feeling mo?”

Parehas kaming natahimik kakaisip ng pwedeng sagot. Mahirap kasing i-describe yung
feeling na ‘yon eh. Masyadong marami kaya ang iharap i-point out. Kukulitin naman
niya ako pag di ako sumagot.  And knowing him, wala namang tama o maling sagot sa
tanong niya. So I answered the first thing that came into my mind. But the surprise
was.. we both said the same thing.

“It’s like.. we’re inside each other’s heads.”

 Sabay kaming natawa sa sinabi namin. Damn, we’re getting good at this. “Gaya-gaya
ka rin, ano?” Andreau accused with a mocking glare.

“Hoy excuse me ha! Eh sa ganun din ang feeling ko! Pero.. I can’t explain it,” I
tried to stifle a grin. “Feeling ko kasi.. nababasa natin ang iniisip ng isa’t
isa.. most of the time ha. We get each other. Ang dami nating napag-uusapan.”

“Yeah. Remember Coron? That one’s fun.”


“And many others. Ni hindi nga tayo nakakagawa ng script minsan eh!”

“It’s called interpersonal intellectual orgasm,” Andreau stated matter-of-factly.

“Are you making fun of me?”

“Wha— no! There’s such thing! According to Rob Brezsny, an interpersonal


intellectual orgasm happens when your conversation becomes so intense that nothing
else matters except the dialogue you are creating together. The two of you are so
in-tune, so intellectually bonded, that the sensation is almost like.. making
love,” akala niya di ko napansin na nagblush siya! “For that time.. it’s like the
person is in you and you are in that person.. You are one because you understand
each other completely.”

“Oh. You mean it’s like brain sex?”

“Zades!” Andreau blurted out in a rush, pinkish color staining his cheeks at my
bluntness. “Don’t say it like that!”

“Why?” I couldn’t help but laugh at his embarrassed state. So.. the word sex
bothers him a lot, huh? May pang-asar na rin ako sa kanya! “Ang haba kasi ng
explanation mo eh. I made it simpler. Brain sex.”

He shot me a dirty glare. Ang cute niya kapag nahihiya siya. Ignoring my previous
comment, he continued. “Tell me you’ve ever felt this way with anyone else,” he
paused for a moment before admitting shyly, “I know I haven’t.”

“Kahit kay Roldan?” I asked. Imposibleng hindi sila ganun mag-usap ni Roldan.

He shrugged. “Yeah. I swear. Best friends talk about different things.”

“Like what?”

“Maghanap ka muna ng best friend.”

“Ugh. Welcome back, Masungit Andreau.”

“Kaya hindi totoo yung sinabi nila kanina. You’re not boring,Zades.” He flashed
that assuring smile again. Sobrang quota na ata ako sa mga ngiti niya ngayon araw
ah. “Kung.. may marinig ka mang ganito ulit.. don’t hesitate to ask me first, okay?
If you have any questions.. just ask me. I’ll answer them honestly.”

“As in? Kahit anong tanong?”


“Yeah. But please tell me if it’s rhetorical or not. You suck at that.”

I rolled my eyes. “What? Hindi ah! Ikaw lang ‘tong mahinang makagets!”

“Zades?”

“Hmm?”

Akala ko quota na ako sa mga ngiti niya, hindi pa pala. I forgot this particular
smile of his I love: that mysterious and special smile. “I like you a lot. As a
person.”

“Oh.” I didn’t see that one coming. Well, warning na siguro yung ngiti niya sa’kin.
I should’ve known. “I like you a lot, too. As a chum.”

“What’s a chum?” he asked, laughing and raising an eyebrow at the same time.

“Chum is a British slang for friend.”

“Why are you using that? You’re not British.”

“It’s just semantics, Andreau. Wag kang mastress dun.” We both laughed it off. God,
nakakapagod ‘tong araw na ‘to. He made it better by talking (forcefully, of course)
to me. That’s the thing I love about our friendship: the talking. Intellectual
orgasm or not.

“Whatever you say, Patty B,” I heard him say as he started the car’s engine. “I’m
taking you home.”

=================

[29] I Bet You Say That To All Girls

This is a very long one! <3

#TSIB

-A&Z-

Chapter 29: I Bet You Say That To All Girls


“Wow.”

I blinked thrice. Totoo ba ‘to? Kulang ba ako sa tulog kaya ako nag-iimagine ng
kung anu-ano? Si Ms. Marisse.. suot ang isang weddi—

“This isn’t a wedding dress, FYI,” she said too quickly, stifling a laugh. Pati
yung nag-aassist sa kanya natawa sa’kin. Sino bang hindi? Mukha akong horny
teenager na nahuling naninilip sa CR ng kapitbahay nila. Well, hindi naman talaga
ako naninilip. Papasok lang ako sa condo nila at di naman ako aware na may gown
fitting na nagaganap sa living room.

And.. wow.  

Hindi ko maalis ang tingin ko kay Ms. Marisse. Sobrang ganda kasi siya sa suot
niyang backless white gown. Ang flowy ng lower portion ng gown niya, plus ang cute
lang ng sequin details sa upper bodice. Kahit messy bun lang ang ayos ng buhok niya
parang ready na siyang rumampa or something. This is one of the instances na unfair
minsan ang buhay. Ugh.

“Ano, okay ba? Hindi ba masyadong maluwag?” tanong ni Ms. Marisse dun sa assistant
niya. She flawlessly turned around a little para macheck ang likod ng gown. “Hindi
naman siguro ako sisipunin dito ano?” Tumawa na lang ang assistant niya ang inaayos
ang zipper sa gilid ng gown.  Pati siya mesmerized sa ganda ni Ms. Marisse, titig
na titig eh. Sino bang hindi?

“Wow, ano pong meron Ms. Marisse?” tanong ko sa kanya habang paupo ako sa sofa.
“May awards night ba or something? Ang ganda kasi ng gown niyo!” Okay Zade shut up,
fangirling mode ka agad!

Tumayo si Ms. Marisse sa harap ng full length mirror at inadmire ang reflection
niya dun. “Thanks Zade! Nope, this is for the charity ball. Two weeks na nga lang
eh, medyo nagpapanic na ako for my gown!”

You’ve got to be kidding me. Sa ganda ng gown at ng ayos niya, nagpapanic pa siya
sa lagay na yan? Nasaan ang hustisya?

“Zades, honestly.. okay na ba ‘tong gown ko?” humarap siya sa’kin at nagtwirl pa
nang onti para makita ko ang buong ensemble ng look niya. “Isn’t it too plain? Too
much? May kulang ba? My God I’m so so—“

“You look so great, Ms. Marisse. Seriously,” I replied appreciatively. “And to


prove that, I literally spent a minute or two gawking at you earlier. Bagay na
bagay po sa inyo, promise.”

Her face lit up in an instant, flashing a wide smile at me. “Thank you! Sure ka
dyan ha? Although.. inasar ako ni Andreau kanina, baka raw pulmunyahin ako or
something. Killjoy talaga yun kahit kelan!”

“Si Sir Shane po ba? Naki—“

“Ay naku, siya pa!” she even blushed a little. Ang cute talaga ng reactions niya
pag nababanggit si Sir Shane! “He’s my biggest fan. Of course sasabihin niyang
maganda ako kahit dyaryo lang suot ko. Si Tristan na nga lang ang ‘di pa nakakakita
ng gown kaya medyo kabado ako.”

Speaking of, si Tristan talaga ang sadya ko kaya ako pumunta dito sa kanila.
Nagtext kasi siya sa’kin kagabi (using Andreau’s phone) na kailangan daw niya ng
tulong sa art project niya. Ayaw niya kasing magpatulong kina Ms. Marisse or
Andreau, and to quote him“Hindi naman kasi sila artistic, Ate Zade. Tayong dalawa
lang naman ang magaling sa colors eh! Please please please!” Sino ba naman ako para
tumanggi sa cute na please please please ni Little Boss? Sa sobrang excitement ko
napaaga ako ng punta sa condo, I completely forgot na may swimming practice pala
sila every Thursday.

While waiting for Tristan, kinuha ko na ang art materials sa room niya at inayos
ang pwesto namin sa may sala. Ms. Marisse emerged from her room moments later,
wearing an oversized shirt and shorts. Yung totoo, pambahay lang ba niya yan? Bakit
pag ako ang nagsusuot niyan mukha akong basahan?

“Hindi talaga ako marunong magdrawing at magkulay,” she told me as she sat down on
the sofa, holding a glass of wine. Pinatong niya ang legs niya sa center table at
nagstretch saglit. “But I really tried! Nung Monday nga nagpatulong siya sa’kin na
magdrawing daw ng cat. Kamukha raw ni Winnie The Pooh yung drawing ko.”

I couldn’t help but laugh at the image of her and Tristan fighting over that
drawing. In fairness naman kasi kay Little Boss, artistic talaga siya. “Nilait din
niya yung drawing ko ng teddy bear. Nagmukha raw chipmunk! Good thing marunong
akong magcolor!”

“No wonder why Tristan likes you. Dinaan mo pala sa Crayola ang baby boy ko! Sure
ka ban sa pagbasted sa kanya ha?” she teased lightly.

“Ms. Marisse naman!”

Tinawanan niya ang sudden reaction ko. Ever since nung birthday fiasco ni Tristan
lagi na niya akong nila-loveteam sa Little Boss niya. “I’m just kidding!,” she said
contritely. “Don’t worry, my Tristan will get over it. Did you know na nagpaturo pa
siya kay Andreau kung paano maglagay ng hair wax yesterday morning?” she shook her
head a little and smiled. “God, my baby’s growing up too fast. It’s hair wax, Zade.
Hair wax! Baka two weeks from now tuxedo fitting na niya for his wedding! Dear God,
baka maunahan pa niya si Andreau!”

“Prom muna, Ms. Marisse! Kasal agad?”


“Hay nako, weddings, prom.. they’re all the same! Pero at least alam kong gwapo ang
anak ko sa ganung events. Obvious naman sa genes, ‘di ba?” her smile suddenly
turned into a small frown. “Sayang, hindi ko siya pwedeng maging date for the
ball!”

“Hala, bakit po? Di ba before dinala niyo naman siya?”

She let out a deep sigh. “He’s going to Chicago with Shane. You know, the yearly
visit thing. Kaso one week lang ngayon due to school.”

Required bang may date sa charity ball? Mukha namang hindi, si Andreau nga ilang
beses pumunta dun na walang date eh. “Oohh.. so may date po ba kayo?” ‘di ko
mapigilang ngumiti, nagblush kasi siya kaagad. Si Sir Shane siguro naisip niya!

“Yang smile mo ha! Unfortunately, wala. Ako kasi ang host this year kaya ‘di na
lang. And besides.. I really want to take Shane with me kaso.. wala naman siya. Di
naman pwede yung gusto ko so why bother?”

“Eh si Andreau po ba pupunta?” Medyo obvious ata ako dun ah. Hindi naman kasi
nabanggit sa’kin ni Andreau na malapit na pala ang ball! Plano pa naman naming
sagarin na ang buong September para sa script!

“Wow, wala ba siyang nasabi sa’yo?” she asked, slightly surprised. “Hmm.. I really
don’t know. He was here last night pero wala siyang nabanggit sa’kin.”

Oh really? Kung sabagay, two weeks na lang bago ang ball and mukhang hindi pa siya
naghahanda ng tux or something. Or.. hindi lang niya sinasabi na pupunta siya para
wala masyadong issue, at may stylist or si Mars ang naghahanda ng damit niya. Hah,
sana naman magbigay ng clues si Andreau para hindi kami nanghuhula dito, ano?

“Hindi naman niya talaga trip yung charity ball,” Ms. Marisse continued as she took
a big sip of wine. “Pinipilit lang yan ni Mars na pumunta every year para hindi
maissue. Sign of rebellion niya yung wala siyang ka-date.”

“Talaga? Akala ko pa naman ayaw lang talaga niya ng may date sa ganun. Ang weird
naman.” Pero sa loob loob ko.. Holy shit, rebellion? Yung totoo, Cortez? Capable ka
palang maging ganun! Akala ko naman hindi pwede si Sarah kaya ka walang ka-date!
Ang boring naman ng dahilan mo!

Ms. Marisse stared at me for awhile bago siya tumayo at nagrefill ng wine glass
niya. “Pero alam mo Zade, feeling ko hindi siya pupunta this year. Wala pang
sinasabi sa’kin si Mars eh. Mas okay na siguro yun, pahinga muna siya from all
showbiz thingies. Tama na yung guesting niya this Saturday.” Umupo siya ulit sa
sofa with a big smile on her face. “So chill ka lang dyan, okay?”

Nginitian ko na lang siya kahit naweirduhan ako sa last statement niya. Chill lang
naman ako ah! Dapat ba akong kabahan?
xxx

Of course, agad kong chinika kay Kesh ang ”rebellion” thingy ni Andreau pagkauwi ko
sa dorm. Kahit kaibigan na namin si Andreau hindi pa rin niya mapigilang sumagap ng
chika about him. Life force talaga niya ang chismis. At ang loka, kung anu-ano na
naman ang pinagsasabi.

“Wow, lakas maka-Katniss Everdeen ni Andreau ha!” natatawa niyang sabi habang
nagwawalis siya ng room namin. “You know, I think his dateless thing is the
equivalent of the Mockingjay salute. Sign of rebellion. Tas yung management nila
yung Capitol!” Tumayo pa siya sa kama ko at nagsalute to prove her point.

“Sabi na nga ba eh! Ikaw yung nagbabasa ng Catching Fire kagabi!,” tinulak ko siya
paalis sa kama ko. “No wonder napanaginipan ko si Finnick! Ugh. Pwede ba next time
hinaan mo boses mo in case magcoclose reading ka? Di ako makatulog!”

Kesh scowled at me. “Ang bitch mo ata ngayon ha? Anong meron?”

Buti na lang at busy siya sa pagwawalis, hindi niya makikita ang pagbublush ko. Oo
na, medyo iritable ako ngayon kasi nga dun sa panaginip ko kagabi! Dahil dyan sa
close reading niya ng Catching Fire, napanaginipan ko tuloy na si Andreau as
Finnick! I couldn’t tell her that, babanatan ako ng dream interpretations at kung
anu-ano pang kalokohan para mapatunayan niya na may thing ako kay Francisco.
Kasalanan ko bang mapanaginipan si Andreau kagabi? Hindi ah. As if lagi ko siyang
napapanaginipan!

“Wala lang,” I replied curtly. Kinuha ko na lang yung makapal kong readings at
nagpanggap na nagbabasa. “Badtrip lang ako dun sa requirement ni Ma’am sa French.
Ang daming gusto!”

“Kami nga may social experiment pa bukas! Hassle talaga!” she unceremoniously
jumped on her bed and flailed her arms. Ibang klase talaga ang epekto sa kanya ng
stress! Propping herself up with her elbow, Kesh turned to my direction and asked,
“So.. kelan ang gown fitting?”

“Ni Ms. Marisse? Di ka ba nakikinig sa’kin? Kani—“

“Baliw, ikaw ang tinutukoy ko. Kelan ang gown fitting mo?”

“Ha? Ba’t ak—“ then it finally dawned to me. “Keisha Manzano! Ayan ka na naman!”
Tawang-tawa si Kesh sa sudden outburst ko. “Kalma lang, Zades! Hindi ka ba niyaya
ni Andreau?”

“No!” I shouted back, totally annoyed. Umupo ako nang maayos sa gitna ng kama ko.

“Wait.. what? Bakit naman ako aayain nun? Pang-artista lang ‘yon!”

“Ba’t si Sarah?” she reasoned out. “Non-showbiz naman yung boyfriend niyang si
Kraig!”

“Hindi naman ako girlfriend ni Andreau!”

“Duh, you’re his friend,” may kasama pang air quotes yung friend niya. “Bawal na
bang magdala ng friend as a date dun, ha?”

Glaring at her, I answered back. “Aba malay ko! And what’s with the air quotes ha?”

“Nothing. For emphasis lang yu—“

“Kesh..”

“Fine..” tinago na niya ang walis at tumabi sa’kin sa kama. She fell silent for
awhile, baka inaanalyze ang kung anumang bagong theory niya. “Feeling ko kasi ha..
aayain ka ni Andreau. Feeling ko lang. At laging tama ‘tong feelings ko.”

“Sinabi mo rin yan nung isang araw! Umulan naman” sabi ko, hoping na maiba ang
topic pero nakaramdam siya at pinandilatan lang ako. “Tsaka wala namang nasabi
sa’kin si Andreau na pupunta siya. Wait, may nasabi ba sa’yo si Roldan?”

Kesh shook her head, smirking. “Paranoid much? Ni hindi ko nga nakausap ‘yon after
ng Pangasinan eh! Baka busy siya sa work!”

Kung may paranoid sa’ming dalawa, siya ‘yon. Siya lang naman ang nagpupumilit sa
thing daw naming ni Andreau. Biglang sumakit ang ulo ko sa usapang ‘to! “Ewan ko
sa’yo! Hindi ako aayain nun.” Humiga ako at nagpanggap na magreready na sa pagtulog
para ‘di na niya ako guluhin. But knowing her, hindi siya makakatulog hangga’t ‘di
niya naitatanong ang totoong feelings ko toward this matter. Tumalikod ako sa kanya
at nagtakip ng unan para kahit paano makaligtas ako from her lecture.

I heard her groan and seconds later hinigit niya ang unan na pinangtakip ko. “Ba’t
ayaw mo bang inentertain ang possibility ha?” inis niyang tanong sa’kin. “Ayaw mong
umasa, ganun?

“Because it’s so ridiculous!”


“You wanna know what I really think?” she paused dramatically so I have no choice
but to turn around and face her. Wagas naman siyang makangiti! “Naisip na rin
siguro ni Andreau na ayain ka sa ball kaso nag-aalala siya sa magiging reaction mo.
I mean, kakagaling niyo lang sa away, di ba?” She even wiggled her thick eyebrows
for emphasis. How annoying.

“That was three days ago and hindi kami nag-away, okay? Ayos na kami.”

Sinamaan niya ako ng tingin. “Fine fine, okay na kayo. Pero kasi.. yung tipo ni
Andreau ha.. siya yung laging nag-aalala kung comfortable ka o hindi. Mas inuuna pa
niya ang magiging reaction mo. At kung hindi mo napapansin, ibang klase siyang
mahiya pag dating sa’yo. God, ang cute niyang magblush ha! He’s too thoughtful” her
eyes even gleamed in.. kilig? “Ang sweet nga nun eh! If you ask me,” she added,
sabay kurot sa braso ko.

Tama nga kaya si Kesh? May possibility kasi na kaya siya nagalit last time dahil
ayaw niyang bad terms kami bago ang ball.. at para mayaya niya ako? Pero.. bakit
hindi niya ako tinanong before that? Or even after naming mag-away? Ang daming
opportunities na pwede niyang sabihin na Zade, pwede ba kitang maging date sa
Charity Ball? Bakit ni isang beses hindi man lang siya nagtry?

“God Kesh.. anong gagawin ko if ganun nga?” I gasped in horror.

Kesh just smiled at me, hindi ako sure kung nang-aasar ba siya o natutuwa siya. “My
advice? Listen to him first. Wag ka munang magcocomment hangga’t di pa siya tapos
magsalita.”

“Then.. ano na?”

Her smile grew wider. Dyan ako kinakabahan eh, sa mga ngiti niyang ganyan. Parang
one step ahead na siya sa’kin. “Ikaw na bahala kung papayag ka o hindi.”

xxx

After ng halos isang buwan na break, balik na ulit kami ni Andreau kay Tila. We
decided na magkita sa Café Feliz ng Sunday afternoon para wala masyadong tao. In
fairness, namiss ko rin ang daily meetings namin about the script, usually dun kasi
nagaganap ang brain sex (yes, pinaninindigan ko ‘to!) moments naming dalawa. First
time din naming magkikita since our fight last Monday. Thank goodness pinag-usapan
namin agad ang issue bago pa lumala. Sa lahat pa naman ng ayaw ko e yung magiging
awkward kami ni Andreau sa isa’t isa.

Isang oras kaming nasa professional mode, meaning puro tungkol sa script lang ang
pinag-usapan namin. I don’t want to spoil Serious Big Boss Andreau kasi he’s on the
roll; kung anu-anong bagong ideas ang naipon niya over our break so wala akong
choice kung hindi makinig. Eventually napagod din siya sa kakakwento kaya umorder
siya ng second round ng pagkain namin (ham and egg sandwich for him; cinnamon roll
for me). I took this chance para kamustahin siya.

 “So.. napanood ko pala yung episode niyo kagabi ni Sarah,” sabi ko habang inaayos
ang papers na nagkalat sa table namin.

Pinatong niya dun ang food bago siya bumalik sa kinauupuan niya. “Oh, how was it?”
he inquired casually, taking a bite of his sandwich.

“Sakto lang naman. Pero I have to admit na mas gusto ko siyang mapanood ng live.
Mas malakas yung feels.”

“Really? Kahit konting scenes lang yung napanood mo nung taping?” he teased.

“Oo na. I was referring to the ICU scene.” Napangiti siya sa sinabi ko. After kasi
kunan yung scene na yun inasar ako ni Mars na nakatulala lang daw ako kay Andreau
the whole time. That really fed his ego very well. “That’s my favorite scene! And
in fairness maganda ang blocking mo pag umiiyak ka ha. Learn na learn!” He raised
his glass and motioned me to clink mine to his. Wow, may cheers agad? “So.. kamusta
pala? Anong feeling na umarte ulit?”

Andreau dreamily smiled at me. “Boy, it was really tiring. Nakalimutan ko na yung
feeling. Yung five years na trabaho ko nakalimutan ko kaagad in less than six
months! Can you believe it? But I loved the script, ‘twas really great. I had a
great time.”

“Namiss mo yung camera? Eh yung screaming and rabies-infested Dreausters mo?”

“Hah. Funny,” he retorted in a deadpan voice. “Of course, namiss ko rin. I missed a
lot of things. But that’s all for now. Next year na lang ulit!” Dali-dali niyang
inubos ang sandwich niya bago siya kumurot sa cinnamon roll ko. Wala na akong
magagawa, libre naman niya eh.

“Ay.. napansin mo ba na trending kayo ni Sarah kagabi?” ‘di ko napigilang itanong.


Usap-usapan kasi sa dorm namin yun last night, lalo na nina Ate Mel at Kesh.
Marami-rami din kaming nanood ng episode ng Sardreau sa waiting area kagabi. Si
Kesh nga naiyak pa at nakitweet na rin with the hashtag #SardreauReunited. Kung
sino man ang nag-isip ng hashtag na yun.. ang corny niya.

“Uhh.. yeah. Sinabi lang sa’kin ni Mars.” Taking a sip of his favorite coffee, he
continued, “I was watching Fight Club last night so.. I kinda forgot about our
episode. Online ko na lang pinanood kaninang umaga.”

Napailing na lang ako. Ibang klase din siya! “Wow ha. Anyway, kaya siguro kayo
nagtrend dahil dun sa kissing scene niyo sa hospital parking lot. That was pretty
intense ha,” I said simply while drowning myself with some earl grey tea.

He stopped for a moment, as if he was contemplating on something. Weird. “Oh


right,” he told me tentatively. “We had a hard time shooting that scene. Yung fans
kasi.. sigaw nang sigaw. Kinda distracting.”

He’s hiding something, that I could tell. At ayaw ko pa naman ng pag ganun, hindi
ako natatahimik. “Oohh.. so.. correct me if I’m wrong, ha? Pero yun ba yung scene
na shinoot niyo nung umalis kami ni Mars?” nagulat siya sa tanong ko so I pressed
on. “Kasi I remember yun yung top na suot ni Sarah before kami umalis eh. Am I
right?”

“Hmm wait. Yeah, I think that was the scene.” My eyebrows automatically quirked up,
and unfortunately he caught it. “Okay.. what was that?” he inquired, facing me
directly.

Umiwas naman ako ng tingin. Shit, kahit kelan talaga wrong timing ‘tong mga kilay
ko! “Nothing.”

“There’s no nothing for you, Zades. Spit it out.”

“Bakit kita duduraan? That’s so unhygien—“

“Zades.”

Isa yan sa bagay na ayaw ko sa kanya, yung tono ng boses niya pag sinasabi niya ang
Zades. He sounded too uptight, at feeling ko pinapagalitan ako pag sinasabi niya
ang pangalan ko that way. “Ugh. Gusto ko sanang tanungin kung.. kung ano.. anong
feeling na..” I babbled, nakakahiya kasi ‘tong iniisip ko.

Andreau waited for me to carry on but I didn’t so.. he finished my sentence. “What?
Halikan si Sarah?” Todo tango naman ako. Sasagutin talaga niya? No way! “It was..
okay.” It sounded too simple, too okay, na hindi ko mapigilang madisappoint sa
sagot niya.

“Okay lang?” I didn’t bother to hide my disappointment. Teka, kelan pa ba ako


naging Sardreau ha? After ng little episode ni Sarah sa trailer last Monday.. I
kinda disliked her. Ba’t ba ako masyadong affected dito?

“C’mon, I kissed her because it was a part of my job and the script said so,” he
said. “That’s professional.”

“Another question: pag kayo ba.. may kissing scene.. lagi bang professional or
minsan nagiging personal para sa inyo ‘yon? Wala bang spark or something?”

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis siya sa tanong ko. “Of course, may spark..
pero not the romantic kind,” he shrugged, trying to be nonchalant. “You see, Zades,
we’re following the script. Kung anuman ang emotions na kailangan for that scene,
yun ang ginagawa namin. We’re just acting out the characters. You had your first
kiss, right? Alam mo na yung tinutukoy kong spark. But in our case, it’s not the
romantic kind. Understand?”

“Uhh.. yeah,” I nodded slowly, kahit medyo hindi ako convinced sa sagot niya. “So
yung sa inyo ni Sarah..”

Throwing me a sharp look, he finally spat out whatever he had in mind. “Can I ask
you something? Ba’t mo ba laging bini-bring up yung thing ko kay Sarah?”

“Bakit, naiirita ka na ba?”

“Slight.”

I fell silent for awhile, taking everything in. At last, sinabi na rin niyang
naiirita siya sa’kin. “I’m sorry,” I said, taking a deep breath. Agad na naguilty
si Andreau so I cut him off before he could say anything. “Kasi.. it really
confuses and amazes me na nakakaya mo pang makatrabaho siya kahit nagkaron ka ng
unrequited feelings for her.” When he didn’t say anything, I added, “Hindi ba
awkward or something for you?”

There was a pause. Then tentatively. “You wanna know the truth?” I shot him a small
smile, so he went on. “At first.. it was really awkward. Wala siyang alam sa
feelings ko for her. Pero Zades.. we work together. I have to be professional. I
didn’t want to jeopardize my career just because of those fleeting feelings. And..
may boyfriend siya. I know Kraig and he’s a great guy for her. So.. mas okay na
kinalimutan ko na lang lahat. Look at us now, we’re still friends and colleagues.”

Okay, I really struck a nerve there. He was too defensive, too.. uncomfortable.
Feeling ko magwawalkout na siya any minute now. Bago pa mangyari yun, I asked him
my last question. “Sure ka ba talaga na walang alam si Sarah?”

“I don’t know. I don’t want to assume,” he finally admitted, shutting his eyes. “To
be honest? Sana hindi niya nalaman. Wanna know what I’ve learned from that thing?
Pag in love ang isang tao, hindi na nila mapapansin ang ibang taong in love sa
kanila.” Sumandal siya sa upuan niya at pumikit habang minamasahe yung sentido
niya.

Ang hirap siguro ng ganun, ano? Unrequited love. Nagmumukha ka nang tanga pero
hindi pa rin niya alam. Triple shit, nasa to avoid list ko na nga muna yan! Ayokong
magmukhang tanga ano!

Nakonsensya naman ako sa pinagtatanong ko kay Andreau, he looked kinda wounded


after explaining. No choice ako kundi i-divert ang usapan namin. “Wow. Anagepsis.”

Andreau opened one eye. “I’m afraid to ask.. what does that mean?”

“Anagepsis. It’s when you no longer feel any affection for someone you once loved.”
He paused then gave me a strange look. “First of all, I told you that I could’ve
loved her. Could. Hindi ko pa siya ganung kama—“

“Pero may feelings?”

“Yeah. I still do. As a friend.”

“Oohh.. dyan tayo nadadali mi—“

“Zade, can we please just drop it?” he pleaded hoarsely. Kinuha niya ulit ang papel
na pinagsusulatan niya kanina at ‘di na ako pinansin. Okay, tapos na ang mini-
commercial namin. Medyo nagalit ko pa ata siya. Nice one, Zade!

“Fine, I’m sorry. Baka magalit na sa’tin si Benny, puro love life mo na lang pinag-
usapan natin.”

xxx

He was really silent on our drive back to my dorm. No, kanina pa siya tahimik right
after naming mapag-usapan si Sarah. Umiiwas pa nga siya ng tingin sa’kin pag
sinusubukan ko siyang kausapin eh. Ay, nagalit ba siya sa’kin sa pangungulit ko?
Sabi naman niya na medyo naiirita siya sa’kin.. so ngayon nag-evolve na ‘yon sa
galit? Did I really strike his Sarah nerve earlier? Okay Zade, wag mo na kasi
silang i-push ni Sarah. Para akong kabarkada na inaasar pa rin ang mag-ex na
kaibigan kahit wala na talaga. Ako pa ang hindi makamove on.

Dapat maayos ko na ‘tong something bago ako makauwi sa dorm. Ayokong matulog na
magkagalit kami, and I think ganun din naman siya. So hinintay ko na tumigil siya
sa harap ng gate namin bago ko siya kausapin. Do the chillax approach, Zades.

“Andreau, did I sa— okay, what’s with that look?”

I was expecting na masama ang tingin niya sa’kin at sisigawan niya ako, after all
naranasan ko na ‘yon last week. But no.. he was staring at me, as if he’s trying to
figure me out or something.

Natauhan siya sa sinabi ko at biglang tumingin sa may bintana. “H-huh? What look?
I’m not looking at you,” he stammered. What the world’s going on? First time kong
makita na ganito si Andreau. Ba’t parang kabado siya?

“Ulul, wag ka nga!” pinalo ko pa siya ng notebook na hawak ko. “What was that all
about?”

“Ano.. nothing.”
“Walang nothing sa’yo, Andreau. C’mon, spill.”

Finally, my eyes caught his and I could definitely tell he’s nervous. Mas lalo
akong kinabahan sa Nervous Andreau ha, hindi ako mapakali. Anong sasabihin niya? At
bakit ba ang hilig kong magtanong?

Licking his suddenly dried lips, Andreau broke his silence. “I.. Zade.. okay, look.
This may sound a little ridiculous.. No, it’s really really ridiculous. Just don’t
hit me with you—“

“Andreau stop for a sec. You’re babbling.”

“— lease. Hindi naman ako sinabihan ng management dito so this is just my decision
and please don’t get mad at them. You can really say no to this. It’s not
compulsory or anything but.. Zades..” he exhaled, eyes bewildered. He swiftly wiped
the thin line of sweat on his forehead before continuing. “Why.. just say
something, please.”

I’ve never seen him this flustered and I have to admit, he caught me by surprise.
Ba’t ba siya kinakabahan? May atraso ba sa’kin ang management niya? Oh God, don’t
tell me may bago na namang tsismis about me? About us? Gusto ko nang sumigaw dahil
sa kaba kaso naalala ko yung sinabi sa’kin ni Kesh nung isang araw: Listen to him
first. Wag ka munang magcocomment hangga’t di pa siya tapos magsalita.

“Tapusin mo muna tsaka ako magrereact,” kalmado kong sabi. Nang hindi pa rin siya
nagsalita, nginitian ko siya. “C’mon, I could be a listener for the next ten
minutes. Go on.”

“Are you sure?” I nodded in reply.

 “Zades, you don’t have to be nice or sweet or anything. I just need a yes or no
from you, okay?”

Unting-unti nang napalita ng inis ang kaba ko. “Uhm.. ano nga ‘yon, Andreau? Can
you please just te—“

“Will you go to the charity ball with me?”

Wa.. ano raw? Ako. Charity Ball. Siya.

Pinagtitripan ba nila ako ni Kesh?

I could see a ghost-like version of Kesh standing behind Andreau na nakabelat pa


sa’kin. Ano, tama ako ‘di ba? He just asked you! Anong gagawin mo na? Nagvictory
dance pa siya. God, ano ba ‘tong naiimagine ko?
“Zades?” Andreau’s voice scared away Ghost Kesh and brought me back to reality. Mas
kabado pa siya ngayon compared kanina. Shit. “Okay.. uhmm.. you don’t have to
decide right now. Itulog mo muna tsaka m—“

“Ssshh.. I can’t think,” was all I could say.

“Okay. Sorry. Take your time.”

For the love of God, ano ulit yung sinabi niya?

I heard what he said.. hindi ko lang maintindihan. Charity ball.. Of all people,
ako? Bakit?  Ugh. This is one of the times where we weren’t even speaking the same
language. Simple lang naman ang sinabi niya, kung gusto ko raw bang pumunta sa
charity ball na kasama siya. Ano pang inaanalyze ko dito?

Expected mo na ‘to, ‘di ba? an annoying voice nagged inside my head. You even
prepared for this moment. Sinunod mo na si Kesh, nakinig ka na kay Andreau. Ano
nang next step mo?

Hindi kaya gumaganti lang siya sa’kin dahil sa interrogation ko kanina? Grabe
namang ganti ‘to if ever! Pero.. why not accept his offer, anyway? It’s just one ni

Baliw ka, Pascual. It’s not just any ordinary night. You’ll spend a night in his
world. Sa mundong hindi mo maintindihan kung bakit ang daming nagpapakabaliw. Sa
totoong mundo ni Andreau.

I have to admit, knowing one side of him isn’t enough for me. Gusto kong makilala
kung sino talaga siya pag nasa real world siya. Gusto kong malaman kung anong
tingin sa kanya ng mga taong ka-level niya. Gusto kong makita kung gaano siya kaiba
sa showbiz at sa likod ng camera.

I just want to know him better. Right now he’s giving me that chance. Ako pa ba
tatanggi?

“Zades?” his raspy voice brought me out of my trance. Halatang kabado pa rin siya
sa irereact ko. “Are you alright? You’ve been staring at me for awhile.”

Umiwas agad ako ng tingin sa kanya. “Uhm yeah okay lang ako. Sorry for staring.”

“Look, I’m sorry if I startled you about the ball. You can answer anyti—“

“Yes.” Did I say that loud enough?


“Yes.. to what exactly?” he asked, looking at me with wide, confused eyes. “Yes to
my invitation or yes to the take your time thing?”

“Yes to your.. invitation.” God, ganun ba ka-subtle ang sagot ko?

“Oh wow,” Andreau was practically speechless. “You serious?”

 “Oo nga! Although.. hindi ko alam kung anong gagawin ko du—“

Hindi pa rin siya makapaniwala sa sagot ko. It took him seconds to properly form a
coherent response. “You’re my date. You could help me make fun of other people.
That’s our expertise, remember?” he smiled sheepishly.

Actually it was my expertise; minsan ginagawa ko yun pag break namin sa pag-eedit
ng Tila. At first sinaway niya ako kasi bad daw yun pero eventually napick up din
niya at minsan siya pa ang nag-uumpisa nun. Hah, mas malala pa nga siya kesa
sa’kin!

“Oh.. so pwede rin akong makasagap ng chismis?” I ventured, “You know, for Kesh.
I’m sure kukulitin niya ako. Kilala mo naman yung roommate ko.”

Todo ngiti si Andreau, halatang naexcite na rin. “I might. We’ll see.”

“Yun lang talaga gagawin ko dun? And how about the gown? Two weeks na lang!” Nadala
naman ako masyado sa excitement niya, ayun tuloy nakalimutan ko yung damit! Syempre
bawal magsuot ng puchu-puchung damit don, yamings event eh! At saan ako kukuha ng
pera?

“It’s on me,” he assured me. “You’re my date, ergo my responsibility. Pero..


seryoso ka, Zades? Okay lang ba talaga sa’yo? If you’re uncomfortable or what..
just tell me. Okay lang talaga sa’kin.”

Tama nga si Kesh. Inaalala nga lagi ni Andreau ang magiging reaction ko. Is that a
good thing? Friends do that, right? Hindi kasi ako sanay na may ganitong nag-aalala
sa’kin. Sanay ako na mag-isa. Ayoko lang masyadong masanay. But Andreau’s
different. He made me feel incredibly secure, completely safe and protected.
Nakakapanibago na ewan.. pero masarap pala sa feeling.

“Of course okay lang sa’kin,” I replied with a sure smile. “I’m with you. Ba’t ako
matatakot?”

For the first time tonight, his mysterious smile appeared. Ba’t ganun.. it never
failed to make my heart thud faster? “Are you charming me, Zades?”

“Lagi naman, ‘di ba? Andreau.. it’s just one night. Okay lang talaga sa’kin na
maging date mo. Honestly.. kabado ako na yayayain mo ako,” he chuckled. “Ugh, oo
nga kasi! Pero.. I’m really glad you asked me. I would love to go with you.”

Then the unexpected happened. He pulled me close for a hug.. and I swear he sniffed
my hair. “Thank you, Zades. Thank you very much,” he whispered to my ear.

“Uhmm.. did you just sniff my hair?”

“Uhmm.. yes. Amoy kape. Bakit?”

I shove him off playfully sabay pitik sa tenga niya. “Weirdo. Basta I won’t change
my mind. I’m going with you.”

We exchanged meaningful grins before he whispered. “Yeah, I’m going with you, too.”

xxx

As expected, Kesh didn’t take the news very well.

Parang siya pa yung niyaya ni Andreau sa sobrang excitement niya eh. Siya pa ‘tong
nagpagulung-gulong sa kama at nagsisigaw sa sobrang kilig. Ayun, kinatok kami ni
Ate Mel dahil sa ingay niya. Hindi rin niya nakalimutang ipamukha sa’kin na tama
ang observation niya kay Andreau at gumawa pa siya ng Charity Ball Countdown! To do
lists, do’s and don’ts at mga chikang gusto niyang maconfirm! Grabe!

Si Mima naman.. okay lang sa kanya. Hindi man lang siya nagulat na niyaya ako ni
Andreau sa ball. Ang concern lang niya ay yung magiging asta ko sa event. Baka raw
lumabas ang pagkabargas ko at may masabi raw akong ‘di maganda. Talaga ‘tong nanay
ko, yun pa inalala eh! Pero at least hindi siya nagdisagree!

Tuesday afternoon, nasa kalagitnaan kami ng class discussion about Shakespeare (na
medyo nauumay na ako) nang nagvibrate ang phone sa bulsa ko. I tried to ignore it,
lalo na’t nagsisimula na ang debate nina Sir at ng pilosopo naming classmate na
laging gumagamit ng Shakesperean puns. Hah, gustung-gusto ko talaga siyang makitang
durugin ni Sir, sobrang yabang eh!

Kaso.. my phone kept vibrating. Sino ba ‘to? Sinabihan ko pa naman si Kesh na wag
na wag akong itetext habang nasa klase! Good thing nasa likuran ako kaya keber lang
na ilabas ko ‘tong phone.

Lahat ng messages galing kay Andr—

The recent one was.. what the hell?


From: Andreau

Babe, what time will I pick you up?

Babe?

What?

Si Roldan ba ‘to? Magkasama ba sila? Pinagtitripan ba nila ako? Damn it! Dali-dali
akong lumabas ng classroom at tinawagan si Andreau. Shit.. ba’t ba ako kinakabahan?
Baka naman wrong send lang siya? Wow.. pero babe? Sino naman kaya ‘to? May tinatago
ba siya sa’kin? Baka nama—

“Zade?”

Holy.. tinawagan ko nga siya. At sinagot niya. Okay Zade kalma ka lang, ha? Wala
lang yan. Just in case himatayin ako, sumandal muna ako sa pader bago ko siya
nasagot. “Babe? Ano ako, baboy?” I almost shouted at him. Pinagtinginan tuloy ako
nung mga estudyanteng naghihintay sa labas ng classroom.

“What?”

Bakit parang ang layo niya ata? And I could hear a saxophone on the background..
He’s in his car! ”Are you driving?” I asked him quietly. Isang malakas na busina,
probably from a bus, ang sumagot sa tanong ko. “Andreau I told you wag kang gagamit
ng phone habang nagdadrive!”

Rinig ko pa rin yung nakakaasar niyang tawa kahit malayo. “You called me first,
Zades,” he teased. Ugh, always stating the obvious! “Wait a minute, I’ll use my
earphones.”

It took him seconds and some curse words bago niya mahanap ang earphones niya.
Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na sa may dash lang niya ilagay ‘yon pero ayaw
niyang makinig. Buti nga sa kanya! “Oh, ano yun?” sabi niya.

“Nawrong send ka ata sa’kin kanina.”

“What?”
Hay nako, another try sa pagiging Dumb Blonde Andreau. Sorry siya, hindi effective
sa’kin ‘yon! “Yung Babe, what time will I pick you up? na text!” I snarled. Isa
pang denial mula sa kanya sisigawan ko na siya.

“Ah yun ba,” a tinge of amusement resounded in his voice, “hindi wrong send ‘yon.”

Triple shit. Pinagtitripan ba niya ako? This isn’t funny. “Hahaha c’mon, wag ka
nga,” I said dismissively, keeping my voice as natural as possible. “Seryoso nga,
ba’t nga may babe ‘yon?”

He sighed. “Nilagay ko ‘yon para magreply ka kaagad, okay? And I think my little
scheme worked. Kaso.. tumawag ka. Why’d you call?”

Uhmm kasi kinabahan ako sa babe mo? Kasi akala ko wrong send talaga? Kasi medyo..
shit, tumahimik ka nga Pascual! “Ah ano. Wala lang. I find the endearment babe so
juvenile. And it made me.. uncomfortable.”

“Oh. I’m so sorry,” he replied contritely. I could imagine na nakakunot ang noo
niya ngayon at may kagat-labi pang gesture, ganun kasi siya lagi pag nagi-guilty.
“Hindi ko naman intention na maging uncomforta—“

“I get it, I get it. Gusto mo lang ako magreply kaagad. Pero.. ba’t mo ako
susunduin? Wala naman tayong meeting mamaya ah!”

“Si Mars kasi. Gusto ka raw niya dalhin dun sa friend niya.”

“For what?”

“Uhmm. Gown fitting?”

“Oh.” Shit, seryoso na nga ‘tong Charity Ball date thing naming dalawa, involved na
si Mars. Bawal ako mag-inarte dito, lagot ako kay Mars. “Uhmm.. pwede bang mga
5:15, Arts & Letters? May meeting kasi ako saglit mamaya eh. Will text you na
lang.”

“Okay then, 5:15. You want some food? Drinks? I could bu—“

“Ginagawa mo akong si Babe, Francisco. Pag walang nagkasyang gown sa’k—“

“Napanood mo yung Babe?” he exclaimed, manghang-mangha pa. “Wow that wa—“

“Okay that’s it I’m gonna hang up now.”


“I’m just kidding. I’m sorry.”

I glanced at my watch, 5 minutes na pala akong wala sa klase! “Ugh. Dalhan mo na


lang ako ng coffee. Okay na sa’kin yun. 5:15 ha?”

“Fine fine. 5:15, Arts & Letters. Bring coffee. Got it. Later.”

“Later.”

Nakahinga lang ako ulit ng maluwag nung bumalik ako sa classroom. Ano ba yan, sa
tagal kong nawala sa klase wala rin pala akong namiss. Mukha namang walang
nakapansin sa absence ko, masyado silang engrossed sa debate nina Sir.

God.. I overreacted earlier. Siguro hindi lang ako sanay na asarin ako ni Andreau
sa ganung paraan. Kung mang-aasar naman ‘yon eh laging tungkol sa pop culture
handicap at mga kahihiyan ko. The last time he did this was.. nung.. sinubukan niya
akong i-flirt.

Dear God why am I making this a big deal? Tinawag ka niyang babe kasi gusto ka
niyang magreply agad. Don’t overanalyze it. At least hindi siya nawrong send!

Minutes later my phone vibrated again. Bumilis tuloy ang kabog ng dibdib ko. Sino
naman kaya ‘to? Sana annoying text lang about sa condos or bank loans ‘to at hindi
si Andreau. Please please please.

From: Andreau

Zades, I’m really really sorry about the babe thing. Promise, I won’t call you that
anymore. Solid?

Wala naman akong karapatang masaktan dyan ‘di ba? Nagsorry na siya. Hindi naman
foul. Ano pa bang irereklamo ko?

To: Andreau

Ano ka ba, it’s okay! Diamond tayo, promise.

Hay.

xxx
Halos araw-araw kaming magkasama ni Mars after class para maghanap ng perfect gown
para sa charity ball. Dito ko napatunayan na 30% babae, 70% nagpapanggap na babae
lang ako. Wala kasi akong kaalam-alam fashion! Dalawang dress nga lang ang meron
ako sa cabinet ko sa dorm, lahat si Kesh pa ang pumili. Basta kasya sa’kin at mukha
akong tao dun sa damit, pwede na!

Thank God at kasama ko si Mars, kundi ginupit na ako ng designers na pinuntahan


namin. Bukod sa friends niya ang designers, marami rin siyang alam sa fashion.
Nakita na rin niya ang ilang damit ng celebrities na pupunta sa ball so may clue na
ako kung anong dapat iwasan ko. Gosh, sobrang big deal pala‘tong charity ball! Ang
mamahal ng mga gown na sinukat ko, 25k na ang pinakamura! So front lang ang word na
charity, ganun? Ugh, showbiz, kelan ba kita maiintindihan talaga?

Nakapili na ako ng 5 gowns mula sa 4 designers na napuntahan namin, tatlo dun si


Mars ang pumili. I tried to pick others kaso todo lait lang ang inabot ko sa kanya.

 Teh ano ka, circus?

May lamay? Corpse Bride ka?

Sayang boobs mo, teh! Pumili ka nung may labas pa cleavage!

Ay, pornstar? Too much skin!!!

Gusto mo sapin-sapin colors, ganern?

Wag ‘to mukha kang feather duster dito!

Yuck naman, Zade! Yung totoo, color blind ka ba? Ba’t ang titingkad ng kulay mo?
Peg mo bang maging Christmas lights sa ball? Sabihin mo lang para iinform ko yung
organizers!

Hay, kaloka!

“Ano, okay na ba ‘yan?” tanong ni Mars sa’kin for the third time in ten minutes.
Nasa loob ako ng fitting room, suot ang nude ball gown na pinili ko. Hindi ako
makasagot kasi nahihirapan akong isara ang zipper sa likod. “Hoy ano buhay ka pa ba
dyan? Ano na ganap?”

Sinubukan ko ulit hilahin pataas ang zipper, ayaw pa rin masara. Nag-stomach in na
nga ako, wala pa rin! No choice ako, kailangan ko ng tulong ni Mars. “Patulong
naman oh,” sabi ko sabay hawi ng curtain. Bago pa niya ako asarin, tumalikod na ako
sa kanya. “Hindi ko masara! Maganda na naman ‘tong dress!”
Mars hastily grabbed my arm and pulled me closer to her. “Saan masikip ba ha?”
tanong niya. Mabilis niyang hinigit yung zipper at himalang sumara! Sabi na nga ba
barako ‘to! “Type mo ba ‘to? Pwede naman ipa-adjust!”

Tinignan ko ang sarili ko sa full length mirror. Hmmm.. in fairness, sa lahat ng


sinukat kong damit, eto ang favorite ko. I love the sweetheart neckline and yung
jewelled bodice cute rin! Gusto ko sana ng color brown kaso medyo patay daw ang
kulay sabi nung designer, kaya nude na lang ang binigay sa’kin. I could say na
among the dresses na sinukat ko in the past weeks, ito ang perfect dress ko. Simple
lang siya pero presentable. Ayoko namang maging fashion disaster sa charity ball!

“Wow, bagay nga sa’yo, mukha ka pa ring bagets,” comment ni Mars sa’kin na
nakatingin din pala sa salamin. “Kaso mukha ngang masikip! Ang laki ba naman ng
boobs mo!”

“Mars!” Ugh, sa two weeks naming magkasama puro comment siya sa boobs ko. Pag ‘di
kasya sa’kin ang damit ‘yun agad ang sinisisi niya. At first awkward pero nasanay
na rin ako. Si Mars lang naman yan!

Inirapan niya ako. “Wala akong pake dyan, okay? Ano na, kunin na natin?”

Tumingin ulit ako sa salamin.. damn, ito na talaga ang gown for me. Kaso.. “Ang
mahal kasi, Mars. Nakakahiya kay Andreau.”

“Tuktukan kita dyan eh! Binigay sa’tin ni Andreau yung credit card niya kaya
gamitin mo! Magtatampo ‘yun, teh. Ano, final na? Kung oo, hala bihis na ulit!
Hahanap ka pa ng heels!” kulang na lang itulak niya ako pabalik sa fitting room.

Nakakahiya nga kasi talaga kay Andreau! Okay lang na pagkagastusan niya ako ng
pagkain pero ‘tong gown na isang beses ko lang isusuot? No, thanks! But he insisted
to use his credit card, kahit magkano pa raw ang gown na gusto ko. Dati gusto kong
magkaron ng yamings na kaibigan.. kaso ngayon parang wag na lang. Masyadong
stressful!

“Grabe Mars,” sabi ko habang nagpapalit ng damit, “sobrang mahal naman pala ng
ginagastos para sa mga ganitong event noh?”

“Naku wag mo na problemahin yan! Bayaan mo sila, pera naman nila yun. Yung iba nga
sobrang mahal ng ginagastos kaso chakabells pa rin!” she snorted, baka naisip niya
si Sarah. First time na maging worst dressed ni Sarah (according to Chismis Squad)
last year sa charity ball. Nagmukha siyang.. fiesta. Kaya nga todo lait sa’kin si
Mars kapag makulay na gown ang hinahawakan ko, sabay pakita ng picture ni Sarah.
Never kong makakalimutan ‘yun. Swear.

“Oo na sige na. It’s just that.. I don’t know kung anong nakita niya sa’kin at ako
pa ang niyaya niya,” I mused. Ang tagal ko nang gustong i-open up kay Mars yan at
ngayong three days na lang bago ang ball ko lang nasabi. Weak!
“Ano ka ba! Hindi mo ako hater ha. Alam mo naman din siguro na laging dateless si
Andreau sa charity ball. Honestly.. hindi ko alam kung anong trip niya at ginawa
niya ‘yun.”

“Sabi sa’kin ni Ms. Marisse rebellion daw ‘yun ni Andreau. Weird, right?”

Natawa siya. “I’m actually thankful and relieved that he asked you. At last tao na
rin siya!”

“Hah. You should’ve seen his face nung tinanong niya ako. Ang funny niyang
kabahan!”

“Nakwento nga niya sa’kin!” Eh, ‘di nga? Pati mga ganung bagay kinukwento niya kay
Mars? “Pero.. I think I know na kung anong nakita niya sa’yo.”

“What?” hinawi ko ulit ang kurtina at sumilip sa labas. Ni hindi ko pa nga nasusuot
nang maayos yung t-shirt ko! “Ano?”

She was surprised for a second. “E ‘di yang boobs mo teh! Hala dalian mo nga dyan!
Gagabihin tayo!” tinulak niya ulit ako sa loob at hinigit ang kurtina. “Dali!
Chichika ka pa eh!”

xxx

I therefore conclude na may igaganda pa pala ako.

Oo na, ibang level na ng kakapalan ng mukha ko. Masama bang isipin na sadyang
pinanganak akong maganda? Sabi kasi ni Mima sa’kin bago siya umalis papuntang New
York, beauty radiates from the self. In short, sino pa bang maniniwala na maganda
ka kung ikaw din mismo, ‘di ba?

I look different.. in a good way. Better, actually. Hindi ko ineexpect na mas


gaganda pa pala ako kapag may make-up. Sanay lang kasi ako sa baby powder at
Chapstick. Never akong pinagamit ni Mima ng make-up kasi raw nakakasira raw yun ng
balat (Well kaya niya siguro sinabi ‘yun nung bata pa ako kasi wala kaming pambili
ng Avon products sa mga kumara niya). Pero ngayon.. wow. I love my look. Smoky and
kohled (new word!) eyes, light blush on the cheeks, newly threaded eyebrows (hindi
na ako uulit!), wonderful noseline and red lips. Tuwang-tuwa rin ako sa three-inch
black pumps na suot ko, hindi siya masakit sa paa! At least magkasingtangkad kami
ni Andreau tonight!
Sayang, wala si Kesh ngayong gabi. Ngayon kasi nila gagawin yung continuation ng
social experiment nila sa isang fastfood chain. Si Tristan din wala dito, nasa
Chicago na. Hindi ko naman naabutan si Ms. Marisse kasi sa ibang lugar siya
nagpaayos. Kaming tatlo lang nina Mars at ng make-up artist ang nandito sa condo
buong maghapon. Then ten minutes ago, nagpaalam sa’kin si Mars na may aayusin lang
sa kotse na gagamitin namin ni Andreau later.

Shit.. si Andreau nga pala.

Ang weird nga eh, excited si Andreau para sa charity ball pero ayaw niyang humingi
ng updates tungkol sa attire ko. Surprise me, yan lang ang sabi niya nung sinubukan
kong ipakita ang picture ng gown ko sa kanya two nights ago. Ni hindi man lang niya
tinanong kung anong kulay! What if mismatched kaming dalawa? E ‘di mukha kaming
tanga dun!

Nagvibrate ang phone ko habang nagseselfie ako for the nth time. Muntik ko nang ‘di
pansinin, ang ganda na kasi ng lighting at angle ko! Kaso..

From: Andreau

Are you ready? I’ll be there in 15.

7:17PM ko nareceive yung text pero.. 7:30PM na sa wall clo—

Triple shit, late receive pa ako! Of all times, ba’t ngayon pa?

Dali-dali akong naglagay ng gamit sa clutch bag ko, kung ano na lang makita ko.
Lagay ng perfume, punas ng pawis, check ng ngipin.. good God ba’t ba ako
kinakabahan? Si Andreau lang naman yan eh! Wala namang bago!

Muntik na akong madulas nang biglang tumunog ang doorbell. Shit, si Andreau na ba
yan? Never naman niyang ginamit yung doorbell dito eh! And kung si Mars yan, kanina
pa siya pumasok gamit yung susi niya!

My phone vibrated again as I reached the door. Si Andreau ulit.

From: Andreau

Okay ka na ba? I’m waiting outside.


Unti-unting lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang palapit ang kamay ko sa
doorknob. Ano ‘to, prom? Relax ka lang, Pascual. Si Andreau lang yan, chums kayo.
Kunwari pupunta lang kayo sa café para pag-usapan si Tila. Walang mawawala, Zades.
Kalma lang.

One.. two.. three..

With all my might, I opened the door with a big smile on my face.

xx

Sa totoo lang, hindi ako kinikilig dun sa scenes sa romcom movies na nakanganga
yung mga lalaki kapag nakita nilang maganda ang isang babae. I haven’t seen many
movies, pero sa mga napanood ko, ganun na lang lagi. Speechless ang lalaki, may
slomo pang effect at nakatulala lang sila. As if ngayon lang nila narealize na
maganda yung babae. Ewan ko ba, naniniwala naman ako sa romance pero ayoko talaga
ng bagay na ganyan.

Pero iba si Andreau. Hindi siya nakanganga nang makita niya ako pagkabukas ko ng
pinto.

He was smiling. That mysterious smile, again.

For a second there I wished na sana yung charm smile na lang niya ang nakita ko dun
para madali akong makarecover. But no, he chose to flash that smile.  Never namang
umepekto sa’kin yung charm smile niya eh, alam ko kasi kung kani-kanino lang niya
binibigay yun, lalo na pag may kailangan siya. It was his mysterious smile; the
wide one that displayed his dimples and crinkled his eyes, that could turn me into
a hopeless mess. That smile made me feel as if we’re the only ones who got the
inside joke, and he wanted to share that moment with me.

His real smile.

Kesh once told me that Andreau had a way of making people feel special when he
smiled. She was talking about his charm smile, not the real one. Is it bad to
assume na para sa’kin lang ‘yung ngiting ‘yon? Eh kahit nga kina Tristan hindi
ganun ang ngiti niya eh! God, things a smile could do!

“Hi,” he finally said after a long time of silence. “Are you ready?”
His voice was so soft that it made my knees weak in an instant. Ako ata ang
natameme sa’ming dalawa ngayon. “Uh.. y-yeah. I’m good.”

“Can I come in first?” I opened the door widely and stepped back to let him in.
Andreau walked in wordlessly but the smile never left his handsome face. Crap,
ngayon ko lang napansin ang suot niya. He was dressed in a sleek, tailored
blacksuit, crisp white collared shirt and a black bow tie. Those clothes plus that
smile? Paano ako makakasurvive ngayong gabi?

It took me awhile to close the door; nahihiya kasi akong tingnan siya. “You look
like a waiter,” I blurted out nang magkaharap kaming dalawa. Shit, Zade ano ka ba!

He chuckled good-naturedly. “Wow, thank you.”

“I- I mean.. a handsome waiter. Yeah, handsome waiter. Promise.”

Ano bang dapat kong gawin para matanggal yang ngiti sa labi niya? Halikan siya?
HELL NO. I’ll do anything wag lang ‘yon! Woman up, Zades! Wag kang papatalo sa
ngiti niya!

“You look great.. more than great, by the way,” he breathed out, totally unfazed
with what I just said.

Nailang naman ako bigla sa once-over niya sa’kin. What’s with his eyes tonight,
anyway?  So fixated sa’kin ang five senses niya? At ganun din ako sa kanya? “Uh..
th-thank you. You chose this one, by the way.”

His smile crooked a little in confusion. “I did?”

“Y-yeah. Uh.. sabi ‘yon ni Mars since.. credit card mo naman daw yung ginamit
namin..” Since when did I become a babbling idiot? Si Andreau lang talaga nakagawa
sa’kin nito. Ugh.

“Well, I did great,” with that he flashed his ngiting tagumpay. Nakakainis, ba’t ba
lagi siyang ngumingiti ngayon?

“Uhmm.. are you sure na okay ka lang?” hindi ko na napigilang itanong. Medyo konti
na lang bibigay na ang tuhod ko dahil sa mga ngiti niya. “Kanina ka pa kasi ngiti
nang ngiti dyan eh.. may problema ba? Is it the dress?”

“Wala naman,” he replied, turning towards me with raised eyebrows. “I’m okay..
well.. more than okay. I love the dress. You look so beautiful tonight, Zades,” For
the first time tonight nakita ko ang combination nina Shy at Blushing Andreau. Kung
siya nagblush dahil sa sinabi niya, paano pa kaya ako?
“I-it’s just the dress,” I stammered for the nth time.

“No, Zades. Believe me, it’s not the dress,” he whispered, suddenly closing the
distance between us. Sporting that smile, he stood right in front of me, dazzled.
“It’s the woman in the dress.”

“What?” Akala ko Japanese yung sinabi niya. He could turn my brain into mush just
by saying those things.

“It’s just you.”

How would you respond to that? Not by fainting In front of him, obviously. Feeling
ko may shooting kami ng romcom movie ngayon. Kailangan ko na ata ng ambulansya,
ibang klase na ‘tong kabog ng dibdib ko. Mabubutas ata ‘tong damit ko!

“Oh c’mon,” I chided smoothly, hoping to hide my nervousness. “I bet you say that
to all girls.”

The smile on his lips vanished as he slumped a little. Napailing na lang siya.
“Well.. then you’re wrong.”

“Ha? Bakit?”

“Number one, you’re a woman, not a girl. You told me that, remember?”

I remember it too well, Andreau. Anong gusto mong palabasin dito? “Uh.. yeah. Bu—“

“Two, there are no other girls.. or women, for that matter. Just you.”

Isa ‘to sa instances na hinihiling ko na sana hindi ko siya masyadong kilala, para
pagdududahan ko lahat ng actions at sinasabi niya. Sometimes ganun pa rin ako, lalo
na pag thru text at nantitrip siya.

Pero.. iba ngayon eh. Seryoso siya. Kinikilabutan ako.. sa saya. Hindi siya
nagpapaasa na importante ako sa kanya kasi ramdam ko ‘yon.

And tonight, it’s my turn to give my appreciation. Ayoko namang isipin niya na
binabalewala ko lahat ng efforts niya. Ang dami na niyang nagawa para sa’kin,
mahiya naman ako, ‘di ba?

Placing a hand on his chest, I leaned over and planted a quick kiss on his flushed
cheek. My heart went haywire upon catching a whiff of his aftershave. Does he
always have to smell so good?
“Thank you, Andreau,” I simply said as I stepped back from him. Any minute longer
baka nahalikan ko na siya. “So.. shall we?”

“Y-yeah, le-let’s go.”

This is going to be a long night.

=================

[30] Belle of the Ball

Correction sa Chapter 29: anagapesis pala yung right word!

Dialogue-heavy chapter ‘to. Sorry, ang daldal kasi nila ;)

 -A&Z-

Chapter 30: Belle of the Ball

“Kuya sure ka bang wala nang ilalakas pa ‘tong aircon?”

The driver sighed deeply for the third time tonight. Pangatlong beses na kasing
tinanong ni Mars sa kanya yan, at isa lang ang sagot niya. “Max na po yan, Ma’am,”
he answered patiently. “Pero kung gusto niyo po tigil muna tayo? Fresh air?”

Nilingon kami ni Mars dito sa backseat. “Ano Andreau, stop muna tayo? Sure ka bang
okay ka lang talaga?”

I stole a glance at my date tonight.. and boy, konti na lang talaga ‘di ko na
mapipigilan ang tawa ko. He’s still blushing profusely because of the kiss I’d
given him earlier. And that happened like what, 20 minutes ago? Ni hindi man lang
niya ako kinausap o tinignan habang nasa elevator kami, o kahit ngayon dito sa
kotse. My God, ano bang meron dun sa ginawa ko at ganyan siya?

Hah, so that was my effect on him. Good to know. Ayoko namang ako lang ang parang
siraulo ngayong gabi, dapat damay-damay na! And it was just a friendly kiss, for
heaven’s sake! Bakit ba kailangan pa niyang magblush? Akala tuloy ni Mars inaatake
si Andreau ng allergy or something dahil sa pamumula niya. Tinanong niya ako kung
napano ang baby (yes, tawag yan ni Mars kay Andreau.. pag kaming dalawa lang ang
magkausap) niya, kibit-balikat na lang ako. Aba, maissue pa eh! Masama nang
madagdag pa si Mars sa little fan club nina Roldan at Kesh!

I felt something hit my leg, only to realize that Andreau was kicking me. Umusog
ako lalo sa may pinto ng kotse at ‘di siya pinansin. Ano na naman kayang problema
nito?

Nang sinipa niya ako for the fourth (see, he could be physical sometimes?) time,
dun ko lang siya tinignan nang diretso. His face was still red, alright, pero mas
kalmado na siya ngayon. Kung ‘di pa niya ako sinipa ulit, ‘di ko mapapansin na
winawagayway niya ang phone niya.

“What?” I mouthed at him, totally annoyed. He rolled his eyes and pointed at my
clutch bag. Ah okay, tingnan ko raw ang phone ko. So kailangan pa niyang manakit
para sabihin lang sa’kin ‘yon? Weirdo.

Oh, he texted me. My head snapped right back at him but before I could even open my
mouth, he practically shoved his phone at me. Problema nito?

Tingnan ko na lang ang phone ko para walang gulo. Napataas na lang ang kilay ko sa
text niya.

Stop laughing!

Laughing? Ako? Siraulo ba ‘to? Hindi ko nga siya tinatawa— who am I kidding,
namumula na rin naman ang mukha ko sa pagpipigil sa tawa. And he noticed that?  Ni
hindi nga niya ako tinitig— damn, the rear view mirror!

I’m not laughing!

Hah. Kitang-kita kita.

Hindi nga sabi. May narinig ka ba? Btw, nice word play there.

Thanks. Don’t change the subject. Stop laughing.

I threw him a dirty look, to which he responded with an annoying smirk. Siya lang
siguro ang taong kilala ko na kayang magsmirk kahit nagbublush. Alien talaga siya
minsan.

Stop blushing! Nilagyan ko pa ng blushing emoji para mas lalo siyang mairita.

I’m not! Blame these damn blood vessels!


Don’t blame your circulatory system here, Francisco.

God I hate biology.

That made me chuckle.

Well biology def hates you, too.

Why are you blushing, anyway?

He groaned. Napalingon tuloy si Mars kanya.

You know why.Don’t make me say it.

Did I offend you or something?

I admit, that was such a brazen move. Lagi kong nakakalimutan ang vow ko na
hinding-hindi ko na siya hahalikan. Pero in my defense, sino bang makakapagpigil?
He’s being so sweet and totally handsome na gusto ko siyang gawing keychain or
something. Pasalamat siya sa pisngi lang ‘yon! What if pag sa lips ulit? E ‘di
hinimatay siya!

God Zade, kung saan-saan talaga umaabot ang imagination mo!

Medyo matagal din bago siya nakapagreply.

No. I was just surprised. I wasn’t really prepared for that.

Oh, so you’re Choleric Andreau tonight. Noted.

Pero seriously? I’m so sorry. Next time magsasabi ako. Or maybe wala nang next
time.

Parehas kaming natawa sa reply ko. At last, medyo nawala na rin ang tension sa
pagitan namin! Mababaliw siguro ako pag ganyan siya buong gabi. Hello, sinong
kakausapin ko sa yamings event na ‘to?

“Oy, okay lang kayo?”

Sabay kaming napalingon kay Mars, na nakatingin pala sa’min. “Mukha kayong sira
dyan,” she commented, smirking.
 “W-wala naman, Mars. We’re good,” sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Andreau
used his charm smile to save himself from further humiliation, and of course that
worked. Kelan ba hindi? Sa’kin lang ata ‘di tumatalab ‘yon!

“Magkatext ba kayong dalawa?” nagkatinginan kami ni Andreau, and that was mistake
#1. Mars’ eyes narrowed as she shifted again para makaluhod na siya sa upuan niya.
“Magkatabi lang kayo ah! Anong meron? Share!”

“Nag-GM lang si Kesh. Wishing us goodluck,” Andreau quickly replied with a smile.
Thank God mabilis siyang mag-isip!

Pero hindi bumenta kay Mars ang excuse niya. “Weh? Lul ka, Dreau! Kanina ko pa kayo
pinapanood dito oh!” tinuro niya ang rear view mirror. “Parang sira ‘tong dalawa,
magkasama naman buong gabi magtext pa! Mamimiss niyo agad isa’t isa, ganun?”

Always count on Mars to make every awkward situation more awkward. “O ano, Zade?
Dadahilan ka pa dyan?” pang-asar niya sa’kin.

“Uhh hi—“ I stammered. Mistake #2.

She shook her head and sighed. “Alam niyo, cute niyo sana eh. Dami niyo lang arte!
Mag-usap na lang kayo! Kunwari wala kaming naririnig ni Kuya dito sa harap. ‘Di ba,
Kuya?” Nag-agree naman si Kiya, na todo ngisi rin. So apat na sila sa little fan
club, ano? Ugh.

So we chatted a little just to humor Mars. Ayaw naman naming sabihin yung totoong
dahilan kung bakit kami weird.. kasi mas magiging issue ‘yon at may chance pang
mapickup ng iba. Pinag-usapan namin ang usual flow ng charity ball (may donations
pala ang bawat artista don, hence the event’s name) and kung sinu-sino ang usually
pumupunta. Sobrang serious ng usapan namin to the point na parang hindi kami yung
nag-uusap. It sounded so fake.. at kaming dalawa lang ang nakapansin nun.

“This is ridiculous,” he almost whispered habang binabantayan niya si Mars. Good


thing busy siya sa pagchecheck ng Twitter niya. “I’m.. sorry about earlier, Zades.
Mukhang tanga lang.”

“Okay lang, ano ba. Pero ‘di ka mukhang tanga. Talagang tanga ka kanina.”

He frowned a little. “Hindi ka galit?”

“No. Bakit naman?” nginitian ko siya. “Nakakapangit ang galit, Andreau. Ayokong
maging pangit sa pictures, nakakahiya naman.”

Natigil ang awkward chat namin thanks to Kuya Driver. “Buti naman on time tayo!”
natatawa niyang sabi. Oh no, nandito na kami sa hotel. May pila pa ng mga sasakyan
papunta sa entrance, dahil siguro sa red carpet shit.

This is it, wala nang atrasan ‘to. Five more cars then kami na.

“Kabado ka ba?” he asked me thoughtfully. “Ganito ha, kung uncomfortable ka with


anything, as in anything, sabihin mo sa’kin then we’ll go.”

“Bu—“

“Zades.. responsibility, remember?”

Okay, not gonna argue with that anymore. “I’m kinda nervous,” I confessed as the
car moved. 2 cars then kami na. Shocks. “Pero kebs lang. Sa simula lang naman big
deal, right?”

Nagtaka siya sa sinabi ko pero hindi na niya tinanong kung anong meron. He held my
hand and clasped it tightly. Kabado rin ba siya? Kung oo.. wow, ang galing niyang
magtago ng kaba. Siguro ginagawa lang niya ‘yon para ‘di ako masyadong kabahan. The
ever thoughtful Francisco.

One car left. This is it.

“Oy wait lang!” biglang sabi ni Mars sa’min. “Wala pa kayong picture sa’kin! Smile
naman kayo!”

First picture namin ni Andreau ngayong gabi, and thank goodness si Mars ang kukuha.
Using her phone, she took a picture of us and nakangiti lang siya. “Shit naman,
feeling ko prom night ‘to!” sabi niya na medyo maluha-luha pa. Pwede na rin siyang
artista ha!

The car moved again. This time mas rinig ko na ang ingay sa red carpet. Ayokong
tumingin sa labas, mas lalo akong kinakabahan. Si Andreau ang nasa right side so
siya ang unang lalabas sa’ming dalawa. Pwede ko kayang sabihin na uncomfortable na
ako?

Wag kang baliw, Scheherazade. Nandito na kayo. Wag kang duwag.

“Ready?” he asked again, flashing that smile of his. Okay, wala na takot ko.

“Of course.”

In one swift move, Andreau opened the car door.

There’s no turning back.


xxx

My first (and probably last) red carpet experience was.. I don’t know. I’m actually
lost for words.

Natatandaan ko pa naman lahat ng nangyari. Andreau got out of the car first and
left the door ajar. Agad siyang sinalubong ng photographers and reporters. Maraming
fans ang nagulat.. at nagtilian. He later informed me na two days ago lang niya
sinabi sa management na pupunta siya ng ball, at may date siya. Hindi na raw sila
nagtanong kung sino ang date, obvious naman daw. Just great.

“Andreau, dateless ka pa rin ba ngayon?” tanong sa kanya ng isang reporter. Parang


suntok sa’kin ‘yon kasi shit.. akala nilang lahat wala pa ring date si Andreau.
Nakakapressure na ewan. Ayoko nang bumaba ng sasakyan.

“Zades,” tawag sa’kin ni Mars. “Smile ka lang. Okay lang ‘yan.”

I was about to reply nang biglang buksan ni Andreau ang pinto. Halos mabulag ako sa
mga flash na sumalubong sa’kin. Dear God, this is it.

“Zades?” Andreau called out calmly, extending his hand. I was stunned (and blinded)
for awhile kaya ‘di agad ako nakagalaw. “Zades, okay ka lang ba?” tanong niya ulit
sa’kin.

Gusto kong magsalita at sabihing ”My god I cannot do this anymore I’m scared” pero
wala na talaga. Dead end.

No choice ako kundi hawakan ang kamay ni Andreau.

Marami sa kanila ang nagulat sa entrance namin ni Andreau. Gulat, in a sense na


napatigil sila saglit sa kung anumang ginagawa nila. May ilang photographers ang
tumigil sa pagkuha ng pictures, ilang reporters na nganga at marami-raming fans din
ang saglit na nagulat at..tinignan ako nang masama. Coping mechanism ko na ‘to pag
kinakabahan ako, ang maghanap ng distraction. In this case, nagfocus ako sa
reactions ng mga taong nakapaligid sa’min.

God, what was I thinking? Ayaw ko nga ng big crowds at atensyon pero nandito ako,
sa isang charity ball na puro celebrities ang pupunta. The irony, Scheherazade
Pascual. Hindi ka lang makatanggi kay Andreau eh. Magdusa ka.

Amidst all that.. nagawa ko pa ring ngumiti. Ayaw ko kasing mag-alala si Andreau
sa’kin at syempre, baka pangit ang itsura ko sa red carpet photos.
But Andreau did something na naging biggest distraction ko habang nasa red carpet
kami. He lightly pressed his hand on the small of my back.

It was a small gesture; part ‘yon ng pagiging gentleman niya, na In a way gina-
guide niya ako sa red carpet. Alangan namang tanggalin ko ‘yung kamay niya sa harap
ng maraming tao, ‘di ba? Mapapahiya siya, at ayaw kong mangyari ‘yon.

It distracted me a lot. Ramdam na ramdam ko ‘yung restraint niya sa action na ‘yon.


Sure, light lang ‘yon pero.. parang hindi ‘yon ang gusto niya. I’m not sure kung
gusto ba niyang hawakan ang bewang ko, hanggang dun na lang ba ‘yon or what. The
lightness of his touch electrified me. At dun na lang ako nagfocus.

May staff member na lumapit sa’min ni Andreau, at sinabing magpose raw kami sa
harap ng photographers habang nasa gitna ng red carpet. This alarmed me for a
second; ibig sabihin lang nun sa’min (sa’kin) lang nakatuon ang atensyon nila.

Removing his hand on my back, Andreau surprisingly leaned on me and whispered.


“Solid?”

“Hindi naman ako tumatakbo ‘di ba,” I joked. “Of course, diamond.”

A group of photographers and reporters pooled in front of us for a quick interview


and photo op. Si Andreau lang naman ang tinanong nila, mostly about sa ginagawa
niya sa sabbatical niya. Ako? Todo smile lang ako sa camera. Ayoko namang
magmukhang epal sa interview ni Andreau!

Well.. I was wrong.

“So Andreau,” panimula ng isang babaeng reporter (na sobrang active sa


pagtatanong), “first time mong magdala ng date sa charity ball. And it’s Zade,
right? So.. are you confirming anything? The rumors?”

Triple shit. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Bigla na lang akong nahilo sa
sobrang kaba. Expected ko na may magtatanong nito kaso.. iba ang feeling pag
nangyayari na mismo. Nakakaloka.

Andreau please ikaw na ang sumagot. Hindi ko ala—

Oh.

Akala ko imagination ko lang yung naramdaman ko sa may pinky finger ko. Parang may
something na biglang sumabit eh. Nang sinilip ko.. I couldn’t help but blush.
Andreau linked his pinky to mine, para siguro kalmahin ako kahit paano.

Taob ng gesture na ‘yon ang kiss ko sa kanya kanina. Di ko napigilang kiligin.


“Rumors? Anong rumors?” I heard Andreau said jokingly. Tumawa rin ang ilang
reporters sa sinabi niya. “No, seriously. Zade and I are good friends. Hindi naman
siguro masama na yayain ang isang kaibigan sa ganitong function, ‘di ba?” His
sarcastic tone was masked by his patented charm smile. Hah, ayusin niyo kasi mga
tanong niyo!

“Zade, aware ka naman siguro na dateless si Andreau sa past events. Anong reaction
mo nung niyaya ka niya?”

Ang tapang din ni Ate ah! “Uhmm.. actually.. I was a bit surprised,” I answered
truthfully, making Andreau smile like an idiot. “Pressure tuloy sa’kin ‘tong event
kasi nga ako ang first date niya ever. But Andreau’s a good friend, and it’s an
honor to be with him tonight.”

Kung paano ko nasabi ‘yon na ‘di nalulunok ang dila ko.. ewan ko na lang.

Mukhang satisfied naman ang press sa sagot ko at nagproceed sila sa ibang questions
like Andreau’s script, my involvement in his thesis, plans ni Andreau after ng
graduation and the likes. In fairness, nakakatuwa rin pala ang interviews na ‘to,
basta wag lang mala-Beau Sanchez ang tanong. Andreau definitely charmed the press
with his straightforward answers and jokes. Pinigilan ko na lang ang pag-irap sa
kakornihan niya.

Saglit na natigil ang interview namin nang may bagong dating sa red carpet. May
ilang press people ang nagpaalam sa’min para puntahan kung sino man ‘yon. As much
as I enjoyed answering their questions, mas okay na tumigil ang interviews bago pa
mapunta ulit sa rumors ang usapan. Baka kung ano pa ang masabi ko.

“Sino ba ‘yon?” tanong ko kay Andreau habang palakad kami sa dulo ng red carpet.
May lumapit sa kanya na crew at sinabi kung anong table number namin. Tahimik kong
pinagdasal na sana hindi naman ka-table si Sarah!

Andreau leaned over his shoulder to look at the commotion behind us. “Ah, sina
Sarah at Kraig ‘yon.”

Si Sarah? Napalingon agad ako at.. whoa. Bawing-bawi ang suot niya ngayon compared
last year! Natrauma siguro siya sa harsh comments dun sa suot niyang fiesta gown.
She’s wearing a black floor-length gown, na parang night sky na puno ng stars ang
peg. Akala ko wala siyang pasabog ngayon pero nung tumalikod siya, muntik ko nang
takpan ang mga mata ni Andreau. Grabe sa backless si Sarah! Abot sa base ng spine
niya ang butas ng gown. My god, hindi ba siya magkakasakit nyan?

Nilipat ko ang atensyon ko sa long-time businessman boyfriend niya na si Kraig. In


fairness kay Kuya, matangkad at chinito. No wonder Mr. & Ms. Chinatown ang tawag sa
kanila ni Mars. Ngiting-ngiti ang couple sa cameras at obvious masyado ang mahigpit
na hawak ni Kraig sa bewang ni Sarah. Hhmm.. bagay ‘tong dalawa ha!
“Zades? Let’s go,” bulong sa’kin ni Andreau. Siguro iniisip nito na kukulitin ko
siya ulit about sa unrequited love niya dati (yes, nakinig na ako) kay Sarah.
Binilisan niya nang onti ang paglalakad niya, telling me nab aka may mauna sa table
namin. Baliw din ‘to eh, alam ko kayang RSVP ‘tong event!

Pairs of eyes stared at us as we entered the function hall. Dun ko lang narealize
na magka-link pa rin ang pinky fingers namin.

Neither of us bothered to let go, anyway.

xxx

Unknown fact: Boring ang Charity Ball.

God, ganito ba talaga ang party ng yamings? Oo na, mamahalin nga ang mga suot nila,
masarap ang pagkain, maganda ang venue pero.. eto na ‘yon? O sadya talagang hindi
ko magets ang dynamics ng ganitong parties. Nagresearch naman kami ni Kesh about
this for two weeks pero ibang-iba pa rin talaga ang feels pag nandito ka na mismo.

Siguro hindi ko lang talaga feel na napapalibutan ako ng mga artista. Ngayon lang
ako naging at ease sa pagiging indifferent ko towards showbiz. May kilala naman
akong ibang celebrities, most of them ay galing sa research namin ni Kesh.
Pinakilala rin ako ni Andreau sa co-stars and showbiz friends niya. In fairness,
mukhang matitino ang showbiz barkada ni Andreau, at sobrang corny din nila. Pero
dahil biased ako sa date ko, siya ang pinakagwapo sa lahat.

I admit na takot ako sa pagpapakilala niya sa’kin sa mga yamings na ‘to. Malamang
aware silang lahat sa Chismis Squad article namin. Yung mga tingin kasi nila sa’min
parang.. inoobserbahan kami. I’m not good at reading people pero masyado kasi
silang obvious. May isa ngang actress (who played Andreau’s mom in a movie) na
nagtanong sa’min kung kelan ang anniversary namin. Andreau handled the situation
very well, using his charm and the likes.

Sayang naman, she remarked bago kami umalis, bagay pa naman kayong dalawa. Malay
niyo, kayo ang maging Couple of the Night!

Ugh. Hindi ako aware na may awards pala dito sa charity ball! Buti inannounce ni
Ms. Marisse ‘yon bago ang unang intermission number. May umiikot daw na  judges sa
paligid at mamaya bago matapos ang ball malalaman ang winners. Kaloka, ang big deal
pala nito! No wonder malaki ang ginastos nila sa mga damit! Nung tinanong ko si
Andreau kung bakit ‘di niya sinabi sa’kin na may awards, simpleng Sorry, I
completely forgot about it ang sagot niya sa’kin. Durugin ko mga paa nito eh!
Nakakapressure kaya!

Ba’t ba ako masyadong affected? As if namang mananalo ako ngayong gabi. Wala pa ako
sa kalingkingan ng ibang artista dito. Sila na mukhang runway models!
Ayaw ni Andreau na ma-out of place ako kaya dinaldal niya ako. Sinasama niya ako
kahit saan siya magpunta dahil daw hindi iniiwan ng isang gentleman ang date niya
mag-isa. I insisted na okay lang sa’kin na maiwan sa table at maglalaro na lang ako
ng kung anong game sa phone ko. Ang sagot niya sa’kin? Isang kurot sa braso at
nakakatakot na death glare. Masakit siyang mangurot!

So.. isa sa naging highlight ng gabi ko ay ang conversations namin ni Andreau. Sa


tagal naming magkakilala, 19 months naming magkakilala, isa ang gabing ‘to sa
favorite brain sex episodes ko.

Convo #1:

I was surprised na okay lang kay Andreau na magtanong ako ng kung anu-ano about sa
colleagues niya, provided na gagamit ako ng codenames. Tinawanan nga niya yung
ilang codenames na naisip ko, masyado raw weird at obvious. Hello, mas okay kaya
ang codenames na relevant sa attire! Saktong habang nakapila kami for drinks nang
makita ko ‘yun isang actor na nasa listahan ng pinapatanong ni Kesh. Super crush
niya si actor (aka Steriods Guy) at nasa priority chika list siya.

Agad kong siniko si Andreau, na busy sa pagkain ng hors d’oeuvres. “Eh ‘di ba ex-
boyfriend ni Bumblebee ‘yung kabarkada mo?” bulong ko sa kanya. I cocked my head
towards Bumblebee’s direction, na date ni Steroids Guy.

Andreau glared at me before speaking. “How’d you know th— oh, si Kesh ba
nagpapatanong niyan?”

“Duh. Pakialam ko ba sa kanila? So ano, ex nga ba niya?”

“Wait, who’s Bumblebee again?”

“Si Berna—“

“Sshh. Okay okay, I get it. Yeah, but it was a long time ago. Almost three years.”
Kinwento pa niya ang gist kung bakit nagbreak ang dalawa, baka kasi mabitin si Kesh
sa chika.

“Pero dine-date niya ngayon si Steroids Guy, right?”

“Hey, he’s my friend!” he exclaimed a little defensively.

I rolled my eyes. “Sorry na! You insisted to use codenames. Wala na akong ibang
maisip, and besides, marami namang mukhang steroid addicts dito.”
For the second time tonight, kinurot ako ni Andreau, though hindi masyadong madiin.
“Zades.”

“Okay, I’ll shut up.”

Convo #2

Because of boredom, gumawa kami ni Andreau ng isang mini game. Nagsimula ‘to sa red
carpet kanina nang mapansin kong mas maraming lalaking artista ang present sa
charity ball. Since black tie event ‘to, nagkalat ang mga mukhang waiter (naka-
bowtie) at penguin (naka-tuxedo). Hindi ako pinapansin ni Andreau sa observations
ko nung una, kaso nabore rin siya kaya nagdagdag siya ng isang category: hybrid
(bowtie + tux).

Pabalik na kami sa table namin nang..

“Spotted Hybrid #2,” bulong ko.

“Saan?” Pasimple kong tinuro sa kanya yung naspot ko at natawa siya. “He was the
sexiest man in the country last year, according to the internet polls.”

I stopped walking and stared at the guy. My god, seriously? He’s definitely in his
late twenties or early thirties, buff and.. yeah, attractive. Pero.. sexiest man?
“No shit? But.. mukha siyang penguin at waiter! Hybrid nga!”

Napailing si Andreau, halatang nagpipigil ng tawa. “Nice, Fashion Police ka na


ngayong gabi, Zades?”

“Tss. Ang awkward lang kasing tignan. Di mo siguro napapansin kasi once ka ring
naging hybrid.” He was about to answer back nang inunahan ko na siya. “Don’t bother
to deny it, nakita ko yung photos mo nung first time mo dito sa charity ball. Buti
na lang mayaman ka na ngayon at nagpalit ka na ng stylist!”

“Wow, genius,” he commented sarcastically as we sat on our seats. Sobrang busy ng


table namin ha, lahat may kausap. No choice ako kundi kausapin ‘tong date ko.

“So.. pang-ilan ka last year?”

“Sa polls? You didn’t know?” he asked. Ba’t gulat na gulat siya sa tanong ko?

“Magtatanong ba ako kung alam ko, ha?”


“Hindi nakwento sa’yo ni Kesh?”

“Ugh. Hindi pa tayo chums nun, ano. And besides wala akong pake sa showbiz non.”

He sighed. “Fine. I was.. number 4.”

Inalala ko yung itsura ni Andreau last year. Hmm.. okay naman siya last year.. pero
I have to say na mas gwapo siya ngayon. Nakakatulog na kasi siya ng mahimbing. Of
course, ‘di ko sasabihin sa kanya ‘yon. “Meh. Good enough. At least hindi ka
mukhang hybrid ngayon,” I said nonchalantly.

“I’m a handsome waiter tonight,” he stated with a soft smile.

Shit, he remembered.  Play it cool, Zades. “Wow, papuri sa sarili? Baka masobrahan
ka ha!”

“You told me that earlier. Nakalimutan mo na?”

“Ay oo nga. Sorry naman!”

We stopped talking for a while then he spoke. “So.. sa tingin mo tama lang ako sa
number 4?”

May iba sa tono ng boses niya eh. Yeah, he said it in a low voice pero..
something’s different. I looked at him and.. poof. It was his eyes. “Andreau
Cortez.. insecure ka ba kay Kuya Hybrid?”

Umiwas siya ng tingin. “What? No! I’m just asking you. Bawal na palang magtanong
ngayon?”

Damn, he’s really insecure. First time ko lang siyang makitang ganito. Oo na, gwapo
si Andreau, and he knows it. Pero ‘di naman niya pinagmamayabang ‘yun sa lahat.
Wait, sexiness pala ang labanan dito. Bulag na lang siguro ang hindi makakapansin
ng sexiness niya.

“Grrr. Fine. That depends kung sino yung 2 & 3,” I simply answered. Tinatantya ko
muna ang magiging reaction niya bago ako magsabi ng totoong comment ko.

“Really? Taga-kabliang network ‘yung 2 & 3.” Binulong niya sa’kin yung names ng mga
nauna sa kanya.

“Eh totoo? Online voting, ‘di ba? Baka nagspam sila ng votes kaya mas nauna sila. O
baka binayaran nila yung voters. That only means hindi malakas ang Dreausters mo.”
“Wow, thanks ha. Pero ‘di nga.. pang number 4 lang ba talaga ako?”

“At least you’re the fourth sexiest man!”

He scoffed. “But do you find me sexy?”

“Hah, I knew it. Ang dami mo pang sinabi eh yan lang pala gusto mong malaman.”

“Ano nga?” okay, he so serious.

“Andreau.. hindi lang naman sa physical aspect applicable ang term na sexy.
Relative ‘yun sa mga taong tumitingin. At kung ako ang tatanungin mo..” tumigil ako
para dramatic nang onti. “You’re sexier than them.. in so many levels.”

Akala ko pa naman matutuwa siya sa sagot ko pero.. mali pala. He looked so


confused. “What’s that supposed to mean?”

Of course, I didn’t answer. Quota na siya sa compliments sa oras na ‘yon.

Convo #3

First time naming maghiwalay nang saglit akong hiniram ni Ms. Marisse para
ipakilala sa friends and Wanderlust team niya. Dun talaga ako kinabahan, wala si
Andreau sa tabi ko. Ayaw pa sana akong hiwalayan ni Andreau kaso dumating ang isang
friend niya at nagyaya sa table ng barkada nila. No choice kundi maghiwalay kaming
dalawa.

It turned out na wala pala akong dapat ikatakot. Inexpect ko kasi na puro thirty-
somethings ang nasa Wanderlust team ni Ms. Marisse. Karamihan pala sa kanila mga
bagets pa, though may ilang 30’s na. Nakilala ko na ‘yung iba nung pumunta kami ni
Coron. Ang sarap nilang kausap, to the point na nakalimutan kong nasa charity ball
ako. Sana pala sila na lang ang ka-table namin ni Andreau, mas may sense pang
kausap!

Naputol ang kwentuhan namin nang tawagin na ulit si Ms. Marisse para maghost ng
program. Ugh, back to the boring times! Di ba kaya nga may party para
makipagsocialize? Ang sarap na ng kwentuhan namin eh!

As expected, sinundo ako ni Andreau sa table ng Wanderlust staff. Being his


charming self, isa-isa niyang kinamusta lahat ng nandon. God, lahat ba kilala niya?
Ba’t ako naka— okay Zade, wag na mag-isip ng nakaraan!
“So.. kamusta reunion?” tanong ko sa kanya habang palakad kami pabalik ng table
namin.

Napangiti siya. “It wasn’t that awkward. Thank goodness.”

“In fairness ha, masayang kasama yang friends mo. So mukhang totoo nga na bihira ka
lang makahanap ng true friends dito sa showbiz?” Sinilip ko pa yung table ng mga
kabarkada niya bago kami umupo. “Kaso.. ang babaw ng sense of humor nila. They
really laughed at your lame jokes.”

“They’re true friends.”

“So sinasabi mo na hindi ako true friend? Excuse me ha, pero ako pa nga ang true
friend eh.”

Andreau raised an eyebrow. “Why’s that?”

“Kasi hindi ko tinotolerate yang kakornihan mo. Your jokes suck, okay?”

“Oo na, oo na,” he rolled his eyes. “Ako na corny at ikaw na ang comedy queen.”

The program resumed with a performance from an all-girl singing group. Hindi ako
mahilig sa music pero wow ha, maganda ang boses nila. Si Andreau nga napapakanta
eh!

After ng performance nila, kinapalan ko na ang mukha ko at tinanong kay Andreau ang
kanina pang bumabagabag sa’kin. “Andreau? Did they say anything about.. me?”

“Wow, Zade Pascual. Are you.. insecure?” pang-asar pa niya. Nang pinandilatan ko
siya.. “Oh, seriously?”

“Shut up nga muna,” I said too quickly. “No, don’t shut up. Ano lang kasi.. I just
realized na high profile pala ang fri—“

“Yeah, they said me things about you.”

Oh God. Here we go. “Are they.. good things?”

He bit his bottom lip, trying not smile. “Good is relative, Zades.”

“Umayos ka nga!”
“C’mon, they like you.”

“Weh? Yung totoo?” Nakakaasar, hindi ko alam kung umaacting lang ba ‘to o hindi eh.

“Uhmm.. because you asked?” kinurot ko siya sa braso. “Ouch, woman! Masakit ‘yon
ha.”

“Paano nga?”

 “It’s a guy thing. You won’t understand,” was his measly reply.

“Andreau..”

He sighed in defeat. “You made them laugh.”

“Yun lang? Dahil sa comment kong nakakatawa kanina? So ibig sabihin mababaw din ang
sense of humor ko?”

Napailing na lang siya. “See? You won’t understand.”

Grabe, ganun lang talaga? Inalala ko yung usapan namin kanina.. tumawa sila nung
nagcomment ako sa annoying habits ni Andreau. Hindi ko naman intention na magpatawa
pero.. baliw lang talaga sila! “Ugh. So ganito pala yung feeling niyo pag sobrang
cryptic ng mga babae, noh? Parang final exam.”

Nodding slowly, Andreau chuckled. “Lalo na pag okay lang ang reply niyo. Mas
mahirap pa sa final exam ‘yon.”

“Touche.”

Convo #4

“In fairness.. I can see na iba ka talaga sa kanila.”

Nasa dulo kami ng pila para sa photobooth ng charity ball. Yes, photobooth. Never
kong inexpect na may ganito sa isang yamings event. At mas nagulat ako na pumipila
pa talaga ang mga artista para dito. Actually, tumakas lang kami saglit ni Andreau
para pumila, boring kasi sa loob at wala masyadong tao sa photobooth. Meron namang
tao, kaso puro bagets at tween stars lang. Kaso hindi pa rin kami nakatakas sa mga
tingin nila. Oh well, hanggang dun lang naman kaya nila.
“Sa kanila?”

“Sa colleagues mo. Mas.. grounded ka.”

“Some of us are still grounded too, Zades,” he replied with a small smile.

“Really? Eh ikaw lang yung bumati sa cameraman na nakasalubong natin kanina ah.”

“Yan ang basis mo? Well.. siya yung isa sa cameramen dun sa first show ko. You see,
I always remember the firsts.”

“Yeah, right. I forgot na ikaw pala si Mr. Sentimental. Pero kasi.. kung matagal na
siya sa network, I’m sure na marami na siyang nakatrabaho dito. Others might
remember his name pero ikaw, chinika mo pa siya about sa family niya. That’s what
makes you different.”

He touched my arm before answering. “You are definitely biased, but thank you. Are
you saying nice things about me just because you’re my date?”

“Maybe,” I said flatly. “But I’m a nice person, too. I’m capable of saying nice
things.”

“If that’s the case then I’ll ask you to be my date more often.”

What? Ano na namang pinagsasabi nito? Keep cool, Zades. Wag kang papaapekto dyan!
“At sure na sure kang papayag ako next time ah.”

“Of course. I could always charm you.” Tumawa siya nang inirapan ko siya. “Hey,
don’t you dare deny it!”

“Whatever, Andreau. Whatever.”

The laugh faded as he stared at me seriously. “Di nga, bawal bang yayain kita ulit,
next year?”

“Hindi pa nga tapos ‘tong gabi nag-aaya ka na?” Kung paano ko nasabi nang mahinahon
‘yon, hindi ko alam. Isang araw talaga hihimatayin ako sa mga pinagsasabi nito eh.

“Okay, I’ll play my cards right tonight so I could ask you next year. Deal?” he
said with a soft smile. “Pero okay lang din naman na tanggihan mo ak—“

“Just shut up and enjoy the night, Andreau. I might change my mind.”
“So you have an answer!” he exclaimed, a little bit proudly. Nilingon tuloy kami
nung mga bagets sa harap.

I rolled my eyes. “Tse. Wag mo akong asarin, wala ka talagang mapapala sa’kin sige
ka.”

“Opo, Ms. Pascual.”

Pero kung pinilit pa rin niyang pag-usapan ang topic na ‘yan.. sasagutin ko na siya
ng oo, kahit next year pa ang susunod na ball.

Xxx

Mag-isa akong bumalik sa function hall after naming i-invade ang photobooth. May
humarang na reporter kay Andreau sa may entrance, para raw sa isang special feature
about sa charity ball. Nauna na ako kesa magmukha akong tanga kakahintay sa kanya
don. And goodness, ang sakit na ng paa ko sa heels na ‘to!

Walang tao sa table namin pagdating ko. Great, no awkward conversations! Nilabas ko
ang phone ko at naglaro na lang ng games. Okay lang naman sa’kin ang maiwang mag-
isa eh. Ayoko namang sa’kin lang ang atensyon ni Andreau the whole night. Magkasama
na nga kami lagi tapos dito pa sa gabing babalikan niya ang professional life niya
makikisawsaw pa ako? Sobrang clingy naman non!

Minutes later may naramdaman akong umupo sa tabi ko. I didn’t bother to look, hindi
naman kasi si Andreau ‘yon. Pero..

“Hay salamat.. finally someone normal to talk to.”

Triple shit. Muntik nang dumalas sa kamay ko ang phone ko. Pasimple kong sinilip
kung sino ‘tong katabi ko.. kahit alam ko kung kanino yung annoying na boses na
‘yon.

Si Jillian pala ‘to.

Umacting na lang ako na busy sa paglalaro. God, anong problema nito at tumabi siya
sa’kin? Nasa kabilang side ng hall ang table niya ah! Anong ginagawa niya dito?

“Uhmm.. have you seen Andreau?”


Ugh, wala nang kawala ‘to. Kahit gusto kong magmukha siyang tanga dito, may manners
din naman ako. And hello, baka magsend siya ng blind item tungkol sa’kin sa Chismis
Squad!

“Uhh.. may kausap siyang reporter kanina eh,” I casually said, still not looking at
her. “I think they went outside?”

“Oh, okay. That was.. weird. He left you here.”

Seriously, kailangan pa niyang sabihin yon? I finally looked at her and.. okay,
she’s kinda decent tonight. Bagay sa kanya ang mermaid cut gown niya na red wine-
ish ang kulay. Sure akong kakanta si Mars ng Ako’y isang sirena... pag nakita niya
si Jillian ngayon. Grabe, nahawa na ata ako sa pagkabitchesa niya!

“Okay lang, mukhang importante naman yung pinag-uusapan nila.”

Inusog niya ang upuan niya palapit sa’kin. Muntik na rin akong umurong palayo sa
kanya. “Are you sure you’re okay here alone?” she asked me, not sure kung concerned
ba talaga siya o sadyang wala lang siyang makausap.

“Yup, I’m good,” I said dryly, to which I heard her chuckle.

“Okay. Uhmm.. I didn’t introduce myself properly last time. I’m Jillian Cabrera.”
She even extended her hand. Oohh, in fairness ha, ang ganda ng French tip niya!

I took her hand and shook it. Alagang lotion ang kamay nito, lambot eh. “Okay lang.
Medyo madaling araw na rin kasi nun. Zade Pascual.”

Her face immediately lit up upon hearing my name. “Oohhh.. buti ka pa ang unique ng
name mo. Is that a nickname? Sabi ni Andreau ang haba raw ng first name mo eh. But
I like your nickname. May edge and cute. Bagay sa’yo.”

Wait a minute.. did she just compliment me? Kinilabutan ako dun ha!

“Ah, thank you. I was named after a literary character.”

“Sino?”

Pakialam ba nito? Tss. “Uhhmm.. yung storyteller sa Arabia—“

“Ah! Si Scheherazade!” she cut me off excitedly. Nganga naman ako sa sinabi niya.
Alam niya yung correct pronunciation ng pangalan ko? Seriously? Baka naman sinabi
sa kanya ni Andreau. Lagot talaga siya sa’kin kung ganon!
“How di—“

“God, I should’ve known. Ilang beses namin yang naging material sa majors. Enjoyed
reading it, though.”

WHAT THE HELL. “Really?” I exclaimed, a little bit loud than I intended.

“Yup. Literature major ako nung college. I graduated last year. Ikaw ba, have you
read it?”

Gusto ko sanang sabihin na Duh, since six years old alam ko na yung kwento nun,
ano! Wag ka ngang know-it-all! pero.. shit, speechless ako. Literature major din
siya? Paano nangyari ‘yon?

“Uhh.. yeah. Kailangan ko sa course eh,” I lied, ayoko ngang isipin niya na nerd
ako!

“And that would be..”

“Comparative Literature.”

And the unexpected happened: Jillian Cabrera squealed in delight. She reminded me
of Andreau’s rabies-infested fans! Acting lang ba ‘to o ano?

“Oh my God, lit ka rin?” she exclaimed, eyes wide in surprise. “This is so
awesome!”

Yung totoo, si Jillian Cabrera ba talaga ‘to? Siya ba yung ham actress na
kinaiinisan ko? Ba’t nagbabasa ‘to ng mga libro at kaparehas ko pa halos ng course?
Hindi kaya clone lang siya na binayaran ni Andreau para pagtripan ako?

Brain, please do shut up.

May choice naman akong iwan si Jillian dito, kunwari pupunta ako ng washroom at
magtatago na lang ako dun until hanapin ako ni Andreau. Pwede rin namang diretsuhin
ko na siya at sabihing ayokong kausapin siya dahil naiirita ako sa kanya. Pwede
ring pabayaan ko na lang siya dyan na magsalita at magmukha siyang tanga.

Kaso.. hindi ko ginawa ‘yon.

For the rest of the hour, I stayed by Jillian’s side. Hindi namin napag-usapan ang
showbiz, si Andreau o kahit sinong artista na nasa loob ng function hall. Hindi
namin nabanggit ang charity ball, kung sino ang dapat manalo ng Best Dressed at
Couple of the Night.
Instead, we talked about our passion for the written word. In fairness, mindblown
ako kay Jillian. She’s so damn smart. Hindi lang halata kasi iba ang image na
pinapaproject sa kanya ng management nila.

Nagulat nga ako na parehas kami ng favorite author (Haruki Murakami) and favorite
Murakami book (Blind Willow, Sleeping Woman & What I Talk About When I Talk About
Running). She could quote George Orwell and Jane Austen novels to the dot. Si
Captain Wentworth ang favorite Austen guy niya, mine’s Mr. Darcy (of course!). We
even exchanged surprised gasps when we shared our book boyfriends: mine was Holden
Caufield from The Catcher in the Rye ; hers was Draco Malfoy from Harry Potter (bad
boys rule!). And who would’ve thought she could recite a dozen Pablo Neruda poems,
in both English and Spanish? Nagbigay din siya ng tips for my thesis (na mukhang
helpful nmaan) and even offered me some of her old college notes.

Damn, ibang-iba ‘tong Jillian na ‘to dun sa babaeng nameet ko nung summer. Hindi
siya yung annoying na lead na napanood ko sa Love Will Lead You Back na sobrang bad
acting. Hindi siya yung Jil sa Jildreau loveteam. Itong kausap ko ay si Jillian na
lit major at bibliophile.

At my goodness, nakasundo ko siya.

And that made me super guilty.

Eh malay ko bang cool pala siya? Second time ko pa lang naman siya namimeet eh.
Wala rin namang nabanggit sa’kin si Andreau na mali pala lahat ng sinabi ko. Ang
sama tuloy ng pakiramdam ko sa mga panlalait ko sa kanya before. Fine, mas maganda
siya sa personal. Ibang-iba siya dun sa artista version ni Jillian Cabrera.
Actually, ganito rin yung naramdaman ko nung nakasama ko si Andreau sa San Ignacio
last year. Yung bang nakita mo na totoong tao sila, na ka-level mo sila.

Façade lang ni Jillian yang annoying mermaid cut gown at make-up. A little part of
me wished na sana hindi na lang siya nag-artista. I’m not saying that dahil sa
opinion ko sa acting skills niya. Halata sa kanya na passion niya ang literature
eh. Iba yung aura niya habang nagkukwento siya about her thesis, and of course,
ginapang niya ang graduation despite her busy schedule. Pero kung tinuloy niya ang
Lit, anong magiging trabaho niya? Problema ko rin yun eh, trabaho after grad. The
only job na pwede ay ang pagpasok sa academia. Buti pa siya artista na! Try ko rin
kaya?

Ilang beses din kaming natigil sa kwentuhan dahil sa mga lalaking inaayang sumayaw
si Jillian. We were surprised na ganung katagal kaming nagkwentuhan at umabot kami
sa last part ng program. She politely declined them all; wala raw siya sa mood na
makipagsayaw ngayong gabi. Sinabi rin niya sa’kin na dapat hindi siya pupunta dito
sa ball, pinilit lang siya ng manager niya. And her most shocking revelation of the
night? Hindi niya feel ang ibang babae sa management nila. They’re too.. ugh. I
don’t want to say it. Basta, masyado silang UGH. Gets ko yung UGH niya, kitang-kita
naman eh.

“Ano ba yan! Porke wala akong date todo aya silang sumayaw?” she hissed after a
model almost begged her to dance with him. Kulang na lang lumuhod si Kuya sa tabi
ni Jillian for a dance. Pathetic. “Unbelievable. Ikaw nga eh.. walang nag-aaya
sa’yo!”

“S-sino naman mag-aaya sa’kin? I’m a nobody here,” natatawa kong sabi.

Jillian frowned a little. “C’mon, Zade! Stop it. Masyado kang dense ha.”

Ouch, ayoko pa namang sinasabihan ako ng dense. Pinabayaan ko na lang, bawal


mairita ngayon. “Bakit naman?”

“You should’ve seen how the guys look at you,” a teasing smile curved on her lips.
“Sa totoo lang, sobrang refreshing for us ang makakita ng bago dito, Zade. Every
year kami-kami lang din naman ang umaattend dito, iba lang ang gown at dates.”

“Eh anong connect nun sa mga tingin nila sa’kin?”

She shot me her duh ano ka ba look. “You look so pretty tonight! That cannot be
news to you.”

Okay din palang kaibiganin ‘tong si Jillian, lagi akong napupuri! “T-thank you. You
look great, too.” And I meant that.

“Alam mo, pwede ka pang manalo sa Scene Stealer of the Night.”

“My god, Jillian! I hope not. Nakakahiya naman, sabit nga lang ako dito sa ball.
I’m just a date.”

“You’re Andreau Cortez’s date,” she corrected. “And that’s why no one’s asking you
for a dance.”

What’s that supposed to mean? May inside joke ba akong hindi alam o ano? “Hah. So
big deal pala talaga ang Dateless Andreau dito sa charity ball?” pasimple kong
tanong.

“Yeah, big deal nga. Thank God hindi niya ako niyaya.. ever!” at mukha nga siyang
relieved don. “So.. you and Andreau.. huh..” she wiggled her perfectly shaped
eyebrows and gave me the look.

“Oh God no,” I immediately replied before she could say anything. “We’re not like
that. We’re just good friends.”

One thing I learned from the past hour with her: madaling basahin ang facial
expression ni Jillian Cabrera. And ngayon.. she looked very disappointed. “Oh
c’mon, seriously?”
“Y-yeah. Ba’t naman ako magbibiro? Hindi totoo yung sa Chismis Squad.”

May sasabihin sana siya kaso ‘di na lang niya tinuloy. “I’m sorry,” she said
moments later. “It’s just that.. nung pumunta ako sa co—“

“I was there for Tristan. I’m his tutor.”

“Oh.”

“Ba’t ganyan yung oh mo?”

Jillian quickly shook her head and smiled brightly at me. “Nevermind. Ako lang ‘to.
Nakita ko kasi kayo sa may photobooth kanina. Cute niyo lang. I must be imagining
things.”

Bago pa ako makapagreact sa cute comment niya ay nakita ko si Andreau na papasok ng


function hall. At last, makakawala na rin ako kay Jillian! Naenjoy ko naman ang
company niya kaso... iba pa rin pag kasama ko si Andreau. I have so many questions
to ask him!

Akala ko dito siya sa table namin didiretso. Well, he was about to kaso.. hinarang
siya ng isang babaeng nakasuot ng black backless gown. Sino pa bang may suot ng
ganon ngayong gabi?

I heard Jillian snort beside me then said, “God, how pathetic.”

“Excuse me?” Pasimple kong pinapanood ang interactions nina Andreau at Sarah. Ewan
ko ba kung anong pinag-uusapan nila pero nakangiti silang pareho. Nasaan ba yung
Kraig at pinabayaan niya ang girlfriend niya?

“Nothing,” Jillian replied sweetly. “I just saw something unpleasant. Anyway Zade,
okay lang bang picture tayo?” nilabas niya ang phone sa clutch bag niya. “Kung okay
lang naman sa’yo. And while we’re at it.. can I post this on Instagram?”

Anong mas okay, ang magselfie kasama si Jillian o panoorin ang lame attempt ni
Sarah na kausapin si Andreau? I chose the former. God, I could still surprise
myself sometimes.

xxx

So I wasn’t informed na highlight pala ng charity ball na ‘to ang social dancing sa
dulo ng program. Medyo nagkagulo pa ang mga tao sa pagsasayaw sa dance floor,
hanapan pa kasi ng partner. This happened right after Jillian and I took some
photos together at tinangay siya ng isa sa kabarkada ni Andreau. Mental note: ask
Andreau kung may thing sina Jillian at yung friend niya. They look kinda cozy
together.

After ng isang sayaw, kinuha ko na yung opportunity na ‘yon para mag-CR. Napasabak
kasi ako sa daldalan kanina kaya marami-rami rin ang iced tea na nainom ko. Pero
kung minamalas nga naman, marami ring nasa CR pagdating ko. I had to fall in line
for almost 20 minutes! Muntik na nga akong maiyak sa pagpipigil ng ihi. I even
missed the awarding ceremony! Thank God hindi ako nanalo, kundi baka sa stage ako
napaihi. Not a beautiful memory to share with everyone.

Si Andreau agad ang nakita ko nang makabalik ako sa function hall. Mag-isa lang
siya sa table namin, hawak ang phone niya. Chineck ko kaagad ang phone ko and totoo
nga, tinawagan niya ako. Five times.

I was a few paces from him when he turned around and said, “Nawala ka ba? Tagal mo
eh. Di mo rin sinasagot phone mo.” He seemed annoyed and relieved at the same time.
“San ka galing?”

Umupo ako sa may tabi niya. “Ay sorry. Marami lang tao sa ladies’ room. Anong
meron?” Dun ko lang napansin na kaming dalawa lang ang nasa table pa at lahat
sila.. nasa dance floor.

“Uhh.. look around.”

“Oh, everybody’s dancing.”

Tahimik naming pinanood yung mga tao sa dance floor.  I therefore conclude na medyo
nakakasilaw panooring magsayaw ang mga magagandang tao. Kesh would definitely love
to witness this opportunity. Mas may pakialam siya sa kung sinu-sino ang nagsasayaw
kesa sa’kin. Sina Jillian at yung friend lang naman ni Andreau ang curious ako.

“Do you fancy a dance, Ms. Pascual?”

My head snapped back to Andreau’s and nakita ko na naman ‘yung lalaking inaasar ko
hours ago. Bakit  ba siya nahihiya sa’kin ngayong gabi? “Why are you so polite?
Hindi naman ako tatanggi. After all, I’m your date,” I said.

Smiling widely, Andreau stood up and extended his hand to me. I gladly took it and
we walked towards the dance floor, ignoring all the looks from the people around
us. Sa may gitna kami pumwesto since dun na lang medyo maluwag. Magrereklamo sana
ako, kitang-kita kami masyado rito pero settled na si Andreau, no choice.

We stared at each other for awhile bago niya nilagay ang mga kamay niya sa bewang
ko. His hold was light, too light, to the point na parang ‘yung gown ko lang ang
gusto niyang hawakan. I caught his eyes and gave him a reassuring smile, and that’s
all it took for him to adjust his hold. in return, he gestured me to place my hands
on his shoulders. Our actions were so awkward and funny that we almost laughed out
loud. Nasa gitna pa naman kami, at magmumukha kaming tanga pag ginawa namin ‘yon.

The upbeat song ended before we even tried to move. Napalitan ‘yon ng isang slow
dance song na.. well.. hindi ko ineexpect.

You lift my heart up when the rest of me is down

You, you enchant me, even when you’re not around

Sadly, hindi ko namana ang dancing genes ni Mima. Naaapakan ko pa rin ang paa ni
Andreau kahit mabagal na ang movements namin. I even stepped on my dress, causing
me to stumble into his chest. Nakakahiya talaga!

“Can I confess something?” I spoke up, seconds after I fell on him. “ I really
don’t know how to dance.”

Akala ko maiinis siya sa’kin pero hindi pala. Nginitian lang niya ako. “Just follow
my lead, okay? Just sway and feel the rhythm.”

I tried to keep up with his steps, really. But the sensation of his hand lingering
on my sides, paired with the fact that he was watching me with that amused smile on
his lips, made it almost impossible. Mukhang nag-eenjoy siya sa clumsiness ko!
Kaasar ‘to.

“What a surprise, dancer ka pala. No wonder hindi maganda ang boses mo.”

“Shut up and follow me.” Sinadya kong apakan ang paa niya at bigla na lang niyang
kinurot ang tagiliran ko. That definitely shut me up.

There are boundaries

I will try to knock them down

I'm latching on, babe

Now I know what I have found

“I’m sorry you didn’t win any awards tonight,” I said contritely as possible.
Narinig ko kasi kanina na pagpasok ko ng function hall na sina Jillian at Steroids
Guy ang nanalong Best Dressed, tapos si Sarah naman sa Scene Stealer of the Night.
First time lang ata ni Andreau na walang mapalanunan sa charity ball, and I
couldn’t help to blame myself for it.

 “Huh? I don’t really care about the awards, Zades. To be honest.. they’re kinda
cheesy. Okay na sa’kin ‘yung mga napalanunan ko dati.”

“Sawa ka na sa awards?”

He rolled his eyes but a small smile played on his lips. “No. I just don’t care
this year.”

“Baka dahil hindi bongga ang suot mo ngayon? Sabi na nga ba, nanalo talaga ang mga
hybrid sa ganitong events! But still.. I’m sorry.”

“Why are you sorry, anyway? Hindi naman ikaw yung pumili sa winners ah. Gusto mo ba
talagang manalo ako dun?”

“Well.. no.”

“Why? Because I’m the only grounded celebrity here?” he teased.

“No. Kasi kung nanalo ka.. sinong magsasayaw sa’kin?”

He was momentarily taken aback with my admission. “Oh.. that’s why. But the Boss
danced with you earlier. See, kung nanalo man ako, may nakasayaw ka na!”

“I didn’t know he’s the owner of the network!” I groaned. Bago kasi ako mag-CR,
hinarang ako ng isang lalaki, early 60’s. Mukha naman siyang mabait so pinagbigyan
ko na siya kahit isang sayaw lang. Nalaman ko lang kung sino siya nang matapos na
kaming sumayaw.

Enjoy na enjoy si Andreau sa reaction ko. Humagalpak na ‘to sa kakatawa kung kaming
dalawa lang ang nandito. “So.. ano namang pinag-usapan niyo?”

“Ano pa ba e ‘di books. He overheard Jillian and I talking earlier. Nagulat siya na
may teenagers pa raw ngayon ang interested sa literature. Sayang, isang kanta lang
yung sayaw namin. Ang saya pa naman niyang kausap!”

“You and Jillian.. nice.”

“You were watching us earlier. Nahuli ka namin kaya wag kang magdeny dyan.”

He sighed. “And I thought I was being subtle..”


“Pasulyap-sulyap ka kaya!”

“So how was it? You and Jillian?”

I took my time before replying. Mahirap nang may masabi akong ‘di maganda sa
kaloveteam niya, lalo na’t ang bait niya sa’kin kanina. “I have to admit.. ,” I
started sheepishly, “I wasn’t expecting that. Nagulat ako na ibang-iba pala siya
from her onscreen persona.”

“Ano na kayo? Chums?”

“Well.. kinda. But her acting ski—“

“Real mature, Zades.”

“But at least mas gusto siya off cam.”

He chuckled. “Magtatayo na kayo ng book club or something?”

“Don’t be mean. I like Jillian now, not her act—“

“Point taken, okay? Won’t talk about it anymore.”

Tahimik lang kami nagsayaw for awhile, completely ignoring the stares thrown at us.
Obvious naman kasi ‘yung iba, lalo na yung mga katabi namin. Wagas kung makangiti
eh!

“Can I confess something?” he whispered slowly. “I’m glad that you didn’t win any
awards tonight.”

Tinignan ko siya ng masama. “Okay ka lang? Ba’t naman ako mananalo e ‘di naman ako
artista?”

“C’mon, Zades. Lahat tayo may chance na manalo kanina. Malay mo, nasa list ka
nila.”

“Wag ka nga. Hindi ka funny.”

“But seriously, I’m glad you didn’t. You’re my first date ever and.. I don’t want
others to steal you away from me tonight,” he said, flashing that special smile of
his.

Be still, my heart. Hindi pa tapos ‘tong gabi.


“Oohh.. possessive ha,” I shot back, grinning. “Besides.. getting awards isn’t
really our thing. Okay na ‘tong nagsasayaw tayo dito. Duh, may bouquet of flowers
for the girls! Anong gagawin ko du— ba’t ganyan ka makangiti?”

“So, we’re our now, huh?” he questioned playfully. Sa dami ng sinabi ko dun talaga
siya nakafocus?

“Oo, our. We came here together, right? That’s the correct pronoun to use.”

“Yeah, you’re right. Hindi talaga para sa’tin yung awards na ‘yon. Kasi hindi tayo
corny,

‘di ba?”

“I agree. Hindi tayo corny. We’re the coolest people here tonight!” Pinagtinginan
ulit kami nang tumawa si Andreau. Pahamak talaga siya kahit kelan!

I feel we're close enough

I wanna lock in your love

I think we're close enough

Could I lock in your love?

“Uhmm.. there were a lot of jealous women tonight, Andreau.”


“Oh really? Why?” he sounded too amused.

“Y-you.. didn’t dance with anyone but me, not even Ms. Marisse. I mean.. I heard na
every year sinasayaw mo ang friends mo..”

“Did Jillian tell you that?”

“Maybe.” Kinurot niya ako sa bewang para sumagot. “I did notice some looks thrown
at me earlier.. and also right now...”

“I have something to say, too.” Nanlaki ang mga mata ko sa kaba. May narinig ba
siyang something about us? Oh no. “Earlier, people asked me about..”

“Us?”

“Yeah. Especially the rumors.”

“Anong sinabi mo?”

Naging seryoso siya bigla. “That we’re secretly dating for mo—“

“Andreau Francis!” ‘di ko napigilang kurutin ang batok niya. “You did not ju—“

“I’m kidding! I’m kidding! I told them the truth. Our truth.”

“Hah, you are not funny. Mas nakakatawa pa sa’yo yung mga kaibigan mo!”

“Hindi mo ako kukurutin?”

“Nope, mamaya na lang pauwi. Ayoko namang maissue ka na naman dito. Just.. don’t do
that again.”

He shrugged. “I’m sorry. Idadagdag ko yan sa Zade’s Don’t Do That Again list ko.
Don’t call me babe. Don’t joke about us being a couple. Don’t tell me what to e—“

“Nakakaasar ka! Gumawa ka talaga ng list?”

“I’m kidding! Calm down.”

“Kalmadoako, okay?”
Now I got you in my space

I won't let go of you

Got you shackled in my embrace

I'm latching on to you

“Zades.. why isn’t this uncomfortable for us?”

The vulnerability in his tone got me. Ilang beses ko na ring tinanong yan sa sarili
ko pero until now wala pa rin akong sagot. So.. naisip din pala niya ‘yon? “Ang
alin?” I asked him innocently. “If this is about the dance, hindi naman siya
nakakailang. At least ‘di tayo mukhang tanga.“

“No, not that. I’m talking about this. Us. Bakit hindi tayo nabobother sa iniisip
ng ibang tao?”

“Ah.. yung couple thing?”

He nodded. “Yeah. Apparently a lot of people are still talking about that. Lalo na
ngayon.”

“Ba’t ba ‘di nila makita na friends lang talaga tayo?” I exclaimed louder than I
intended. “Hello, obvious naman ah! We have other friends too!”

“Roldan and Kesh? tinanong din nila ako kung double date raw ba yung Pangasinan
trip natin.”

“What? Ano ba naman sila! Masyadong.. uugghh!”

“Shhh.. wag kang maingay. They might hear you.” Pasimple kaming umusog sa may
gilid, sa part ng kakaunti lang ang tao. “So.. back to my question. Why isn’t this
uncomfortable?”

Pinag-isipan kong mabuti ang isasagot ko sa kanya. Lying isn’t an option kay
Andreau so.. “It’s not rocket science, Andreau. We’re friends. Good friends. Siguro
physically compatible lang talaga tayo kaya nila sinasabi ‘yon. And also, brain
sex.”
“Scheherazade Pascual! How many times do I have to tell you it’s called interpe—“

“Yeah right. Orgasm, sex.. parehas lang naman ‘yon!”

“Tss. Don’t do that again.”

“Okay, number 1 sa Andreau’s Don’t Do That Again list: Don’t ever say brain sex.”

“Thank you.”

“Eh ikaw.. ba’t sa tingin mo hindi tayo awkward?”

“I think other people find us cute. Yun lang.”

“Cute?” I spat out, a little bit disgusted. Natawa siya sa reaction ko. “Yun talaga
ang word na ipangdedescribe mo sa’tin? Cute?”

“I just did! Bakit, Ms. Logophile.. may iba ka pa bang word na naiisip?”

“Nah, okay na ‘yon. Tsaka wala ako sa mood na maghanap ng word sa built-in
dictionary ko.”

I'm so encaptured

Got me wrapped up in your touch

Feel so enamored

Hold me tight within your clutch

“By the way, you look very beautiful tonight, Zades.” At siya pa ang nagblush kesa
sa’kin. Great.

“Thank you. You look beautiful, too.”

“Men are not beautiful!” he countered, looking very scandalized with what I just
said. “You can call me hot, sexy.. not beautiful. You did call me a dapper
gentleman once.”
“Ha? Kelan ‘yon? Storymaker ka ha!”

“Valentine’s Day. Nung nakapila tayo sa CR, remember?”

I swear my knees went weak for a second. “Wow.. natatandaan mo pa rin ‘yon?”

“Of course. I’m good at remembering things.” Yeah, right. So pwede bang sabihin mo
sa’kin kung natatandaan mo na hinalikan kita?

“Nakainom ka ba?” I asked, testing if he would slip up or something.

Umiwas siya ng tingin and that confirmed my suspicion. “Just a little champagne,”
he admitted in a low voice. “Hey, I’m not beautiful. You can call me sexy or hot, I
won’t mind. Just not bea—“

“Teka nga.. ‘yung totoo, bothered ka ba talaga dun sa #4 spot mo? Kasi sa totoo
lang feeling ko mas bababa yung ranking mo this year since inactive ka.”

“Thank you for spoiling my mood, Zades.”

“The pleasure’s all mine. And I’m just being realistic!”

“Thank you.”

“For insulting you? Nako, lasing ka na ata! Bumaba na agad ang alcohol tolerance
mo, Andreau? Weak ka na pala!”

“No. Thank you for being here. With me.”

How do you do it

You got me losing every breath

What did you give me

To make my heart beat out my chest?

“Oh. Well.. thank you rin.. for inviting me. Hindi ko talaga ineexpect na
makakaexperience ako ng ganito ever. I won’t forget this night.”
“Me too.” I felt his hold tightened on my sides. “So.. indulge me for awhile. Can
you think of a word that could describe us?”

Few words suddenly popped inside my head. “Uh.. actually meron na akong naisip
kanina. Ayoko lang sabihin.”

“Ang daya mo. Spill!”

“Okay fine. I think.. we’re incredible.”

Andreau shook his head and laughed. “Yeah,” he murmured softly. “We are.”

I smiled sweetly, hiding the fact that I was on the verge of tears.
Nagsisinungaling na naman ako and thank God hindi niya napansin. Maybe napansin
niya pero pinabayaan na lang niya. Must be the champagne, too.

Marami akong alam na salita na pwedeng gamitin para i-describe kami ni Andreau.
Kung ano kaming dalawa. Incredible was just an out. Hindi ko na lang sinabi ‘yung
word na naisip ko para sa’ming dalawa. Ayaw kong maspoil ang mood namin (niya)
ngayong gabi dahil lang sa isang salita.

Hindi ko makakalimutan ‘tong gabing ‘to kasi.. finally, na-experience ko na rin ang
showbiz life niya. Tonight was very surreal though.. it made me realize that I
would never fit in in his world. Sure, kayang-kaya kong magsuot ng mamahaling gown,
magkipagsabayan sa usapan ng ilang artista, ngumiti sa harap ng camera and maybe,
kaya ko ring sumayaw nang mas maayos. Pero isang gabi lang ‘yon. Paano na paggising
ko bukas? Yuck, ang drama ko masyado.

Sometimes we can’t have the best of both worlds. Napatunayan ko ‘yun ngayong gabi.
Kuntento na ako na parte ako ng isang mundo ni Andreau, kahit supporting role lang.

Yes, we’re incredible but also.. impossible.

xxx

We spent the rest of the night dancing, laughing and ignoring other people.

Wala namang lumapit sa’in para yayain akong sumayaw, at ganun din kay Andreau. 
Pinabayaan lang nila kami sa maliit naming bubble sa gilid ng dance floor. Kung
anu-ano ang pinag-usapan namin habang sumasayaw, mostly about Andreau’s showbiz
career. Isa-isa niyang tinuro ang co-stars niya na nasa dance floor at nagkwento
siya ng memorable experiences niya. Pwedeng-pwede akong gumawa ng isang booklet ng
most embarrassing experiences ni Andreau Cortez dahil sa mga kwento niya.

The event ended at around two in the morning, and isa kami ni Andreau sa mga unang
umalis. Niyayaya pa nga kami ni Jillian na magcoffee muna kaso ‘tong date ko
pinilit na umuwi na kami. Pagod na raw kasi ako at may gagawin pa siya sa umaga.
Loko talaga ‘yon kahit kelan, hindi pa nga ako pagod! Nagpromise tuloy ako kay
Jillian ng isang coffee date sa sembreak. Sinasadya siguro ni Andreau na
magdecline,abot-tenga ang ngiti niya nang sumakay kami sa kotse, tapos panay asar
sa’kin ng JilZade. Medyo gets ko na ang feeling kapag pinu-push ko sila ni Sarah.
Ang annoying pala talaga!

Buhay na buhay pa rin ang diwa ni Mars kahit madaling-araw na. She monitored
Twitter and Instagram habang ongoing ang event kanina. Binalita niya na nagtrend
daw ang Sarah Morales Is Our Queen dahil sa revealing gown nito kanina. Hindi na
namin tinanong ni Andreau kung pinag-usapan ba kami sa social media o ano, given na
‘yon. Mamayang hapon ko na lang iche-check kung anuman ang comments nila sa’min.
Sana okay lang, ayoko na ng negativity!

And to end the day, nagpatugtog si Mars ng Sirena at feel na feel pa ang pagkanta.
Takang-taka pa si Andreau kung bakit kami tawang-tawa dun sa kanta. He’s a guy
after all, ‘di niya napansin ang damit ni Jillian.

“Hatid ko na kayo sa taas.”

Nagkatinginan kami ni Mars at sabay pang sumagot ng oo kay Andreau. Nag-insist kasi
si Ms. Marisse na sa condo na nila ako matulog para makapagpahinga ako kaagad.
Dumiretso kasi siya ng Davao right after ng charity ball; may taping kasi sila ng
Wanderlust. She even asked Mars to accompany me tonight.

No one said anything habang papunta kami sa condo nina Marisse. Nagsink in na
sa’kin (and maybe kay Andreau rin) na finally, tapos na ang gabi. The moment na
pumasok ako ng pintong ‘yon..  tapos na. Balik na kami sa Andreau and Zade solid
diamond chums. Ibabalik ko na ‘tong gown na suot ko at tatanggalin na ang make-up.
Siya siguro, ipapa-dry clean pa muna ang suit na suot niya bago itago sa cabinet.
Gods, ba’t ba ang sentimental ko ngayon? Magkikita naman kami sa Monday!
Everything’s gonna be fine, Zades!

Naunang pumasok ng condo si Mars, leaving us outside the door. Shit, bumalik na
naman ang medyo awkward atmosphere namin hours ago.

“C’mon, ngayon ka pa ba mahihiya sa’kin?” biro ko sa kanya. Tumawa siya sa subtle


attempt kong basagin ang awkwardness namin. “Sige, tawanan mo ako. Magaling yan.”

That special smile appeared again, making my insides churn in excitement. “I know
na medyo nagsasawa ka na sa sasabihin ko but Zades.. thank you for being there with
me.”
Kailangan ba talagang may being here/there with me? Di ba pwedeng simpleng thank
you very much na lang? Ibang impact kasi sa’kin nung additional words na ‘yon.
Hindi ko alam kung dapat bang kiligin ako o kabahan o.. something.

“Aa-aah.. thank you rin, Andreau,” way to go, Zades. Mautal ka pa para lalo siyang
magtaka kung bakit ka naging weird. “So.. goodnight. And thank you, again.”

And with that, he leaned over and kissed my cheek. Hindi pa dumadampi yung labi
niya sa pisngi ko pero ramdam kong umakyat lahat sa ulo ko ang dugo ko. Gumaganti
ba siya sa ginawa ko kanina?

He was close, tooclose, that I almost forgot the existence of air. Ganito na ang
epekto sa’kin kiss sa pisngi.. paano pa kaya pa—

“Naks, may kiss sa pisngi!”

Andreau instantly pulled away upon hearing Mars’ voice. Muntik na akong matumba sa
sobrang gulat sa pagsulpot ni Mars. Kanina pa ba siya don? Ba’t ‘di namin
namalayan? Gosh, nakakahiya!

She was grinning at us like a lunatic.  Nagbibilang lang yan up to three para
bumanat.

“Sus Andreau, si Zade lang yan aba! Ba’t ka nagbublush?” pang-asar nito sabay palo
sa braso ni Andreau. “O ikaw naman Zade, okay ka lang? Sa pisngi pa lang yan teh!
Paano pag sa lips na, tegi ka na ganon?”

Mars said it as a joke, a fleeting and embarrassing one that would haunt me for 
days. Kaso nga ‘di ba, jokes are half meant. At si Mars pa ‘yon, malamang parinig
din niya ‘yon.

But in this case, it’s a premonition.

Because seven days after Mars said it, Andreau Cortez kissed me.

=================

[31] You Kissed By The Book

Chapter 31: You Kissed By The Book


I was expecting na big deal para sa Dreausters ang charity ball stint namin ni
Andreau. Yung tipong magkakaron ako ng mas maraming bashers, may magpapadala sa'kin
ng death threats at of course, isang mahabang article sa Chismis Squad. Hinanda ko
ang sarili ko sa mga posibleng panlalait nila sa itsura ko nung ball. Nag-abang din
ako ng fans na pwedeng sumugod sa'kin sa campus at ambushin ako.

OA ba masyado? I don't think so. Ibang klase ang fans ni Andreau eh, bumu-
borderline na sa obsession minsan. Medyo may natutunan naman ako sa Dreausters
Orientation before kaya naghanda na ako kahit paano.

Kaso.. sumobra naman ang paghahanda ko.

Sa lahat ng worst case scenario na naisip ko, ni isa walang nangyari.

I couldn’t believe it. Ba't wala silang violent reaction? Dati nga, binibigyan nila
ng ibang meaning yung simpleng pagkain ni Andreau ng ramen sa isang restaurant. O
'di kaya nang-aaway sila ng mga tao na may nasabing katiting na negative comment sa
idol nila.

Ba't ngayon na nagkaron ng date sa charity ball ang Prince nila.. wala silang
react?

Well, meron naman, kaso 'di kasing severe ng ine-expect ko. Sinearch kaagad namin
ni Kesh ang Andreau Zade sa Twitter para malaman yung reactions ng fans sa'min.
Ayun, karamihan sa kanila nagulat. Hindi nila inakala na ganun kami kaclose ni
Andreau, na aabot pa sa pagiging date niya sa ball. May ilang nanlait ("God,
nagpadagdag ba siya ng boobs?" "Medyo flabby yung arms niya ano?" "Sus, ang plain
pa rin niya kahit inayusan! Chaka!") at marami-rami namang nagsabing maganda raw
ako (At last, gising na rin sila sa katotohanan!). Of course, 'di rin nawala ang
Sardreau and Jildreau fantards na medyo nagtampo kay Andreau na 'di yung mga idol
nila ang niyaya as a date. Sarap gisingin ng fantards sa mga ilusyon nila!

Pero ang kinasaya ko talaga? Yung article sa Chismis Squad. Believe it or not,
kasama ako sa Best Dressed list nila! Tuwang-tuwa si Mars sa article na ‘yon, na
para bang hindi niya nilait-lait ang damit ko before the ball.

May ilang tweets din (na galing ata sa isa sa staff or talent manager ng
management) ang medyo nagkwento sa mga ganap habang nasa ball:

@jmparedes In fairness, ang cute rin nina Andreau at ng date niya. Para silang may
sariling mundo kanina! #promnightangpeg

@jmparedes Ang light ng aura ni Andreau tonight. And he's laughing. Good to see him
like this.

@jmparedes Too bad Andreau and his date didn't win the couple of the night! Heard
'twas a close fight. Sayang, gusto ko pa naman sila!

@jmparedes Talked to Zade Pascual earlier. Nice girl. Funny din siya, in fair.

Actually hindi ko nga maalala kung sino siya sa mga nakausap ko. Marami-rami din
naman kasi ang kumausap sa’kin that night. Naghanda pa naman ako just in case na
mapanis ang laway ko sa pagiging tahimik! Yun na ata ang gabing sobrang daldal ko.
What a feat!

Syempre, si Kesh agad ang kinwentuhan ko ng mga nangyari nung charity ball. Game na
game siya sa chikahan kahit medyo bangag pa siya dahil sa social experiment nila
that night. Tuwang-tuwa ang loka sa mga nasagap kong chismis! Inasar ko nga siya na
medyo may onting tears sa mga mata niya nung pinakita ko sa kanya ang red carpet
photos namin ni Andreau (Teh next time nga pumasok ka sa campus ng nakasuot ng
gown! Para magmukha kang disente kahit minsan! Ganda mo dito oh! Boobs pa more!). I
therefore conclude na si Kesh ang stage best friend ko.

Pati si Ate Mel at ibang dormmates naming ay nacurious sa happenings nung charity
ball. At first nahihiya pa yung ilan na magtanong sa’kin nung dinner, baka raw
sungitan ko sila or what. Eh ayun, after naming kumain nagstorytelling ako sa may
TV area ng dorm. Kaunti lang naman ang kinwento ko sa kanila, ayaw kong i-divulge
ang ibang nangyari kasi.. para sa’ming dalawa lang ni Andreau ‘yon. Si Mima naman,
nagpakwentoover Skype pero kagaya sa iba.. ‘di masyadong detailed ang kwento ko.

Hindi naman siguro masamang ipagdamot yung ilang moments namin ‘di ba? Baka kasi
pag kinwento ko.. mawala yung magic nung moment na ‘yon. Baka hindi na maging
special.

That night was.. ours. We’d definitely owned it. Our thing. Call me selfish or
what, pero masyadong precious ang gabing ‘yon para sa’kin (sa’min) kaya ayaw kong
masyadong kinukwento.

Sa lahat ng bagay na pwedeng ipagdamot, si Andre— yung charity ball pa talaga ang
pinagdamot ko ano? As if sa’kin naman ‘yon in the first place.

Hindi naman kami naging awkward ni Andreau after ng charity ball. Bumalik kami sa
pagiging busy namin sa Tila dahil sa finals week (na less than three weeks na
lang!) na niya ipapasa ang final draft. Nung Monday nga lang namin napag-usapan
yung mga nangyari eh, at si Tristan pa ang nagbring up. Parehas kaya kami ng
iniisip ni Andreau? Na kaya ayaw niyang pag-usapan ang ganap nung nagsasayaw kami
(and also, that goodnight kiss my god) kasi special din ‘yon sa kanya?

Kadiri ka naman, Pascual. Lalaki si Andreau. Hindi nagiging sentimental ang mga
lalaki sa ganyang bagay. Pigilan mo rin nga ang pagiging hopeless romantic mo
minsan!
                      

xxx

Kung papipiliin ako between Choleric + Director Andreau vs. Blushing + Stammering
Andreau, I’d pick the latter in a heartbeat. As in.

Ugh, ibang klase si Andreau pag malapit na ang deadline! Mas mabilis siyang mag-
isip, ergo mas mabilis din uminit ang ulo niya. Sa loob ng one week na pagfi-
finalize (at last, dumating na rin kami sa stage na ‘to!) namin ng script, ilang
beses na niyang pinigilan na pagtaasan ako ng boses. Ginawa niyang alternative ang
pandidilat at pang-iirap niya sa’kin, na medyo nakabawas sa pogi points niya. He’s
so snappy and grumpy! Kailangan lahat perfect, on time at by step gagawin. Nagalit
nga siya sa’kin nung may nilaktawan akong apat na scenes para unahin ang final
scene.

Kaya nga may numbers ang scenes, Zades. Dapat in order! Sana hindi ko na lang
nilagyan ng number yan, ‘di ba? Goodness, we’ve been through this for the nth time!

Muntik ko nang tusukin yung mga mata niya ng brown ballpen ko. Aba, kahit nagsorry
siya medyo nagtampo pa rin ako. Parehas lang kaming pagod! Totoo bang ito yung
nagbublush at nakasayaw ko? Nagdalawang-isip nga akong tanungin si Ms. Marisse kung
bipolar ba ‘tong si Andreau o sadyang agit lang siya. Maybe both, swak na swak eh.

Sumabay pa sa pagiging choleric mode ni Andreau ang panahon. Non-stop ang ulan
since Monday kaya nakakatamad pumasok at pumunta ng meetings. Buti na lang at
hatid-sundo ako ng yamings kong friend/boss. Then nung Wednesday, half day lang
kami due to heavy rains. Gusto pa sana n Andreau na mag-edit kami ng script kaso
nahigit ko siya sa week-long book fair para sa book haul ko. He was polite the
whole time (read: taga-bitbit ng mga libro), and even bought me a random book!
Bukod sa book haul ko, achievement ko rin that day na mapilit siyang bilhin ang
boxset ng True Crime series ni Tessa Tobias! Para naman ‘di lang puro Blu-ray DVDs
ang nakikita ko sa apartment niya.
Ugh, speaking of rains! Sabi nila may bagyo raw na paparating? Sana wag naman,
ayoko kasi ng masyadong maulan! Sobrang nakakatamad gumalaw. Nakakasira ng
productivity!

Kaso ‘tong si Andreau, hindi magpapatalo sa kahit anong ibanat ni Mother Nature.
Pati ‘tong Saturday na ‘to, ang tanging free Saturday ko ng September, ninakaw pa
niya sa’kin. Ni hindi man lang niya ako tinanong kung free ako o ano, basta
inassume lang niya na pupunta kaagad ako sa Skyline para sa kanya. Choleric +
Deadline Beater Andreau is an ass sometimes.

8AM niya ako pinapunta sa condo nina Ms. Marisse (mas maraming free food) para
bantayan si Tristan ngayong umaga at tapusin na rin ang script. Hindi niya ako
sinundo kanina sa dorm kasi magkasama na sila ni Tristan and apparently tulog pa
rin siya. Ni texts ko ‘di pinansin! Nonstop pa naman yung ulan simula yesterday
afternoon. Pag ako nagkasakit nito...

Mga 7:30 pa lang nasa elevator na ako paakyat ng 47th floor. Gusto ko lang
makahanap ng excuse para masigawan o at least makaganti sa pang-aapi niya sa’kin
the whole week. Minsan lang naman ako gaganti kaya lulubusin ko na!

Ang nakakalat na gamit ni Andreau ang una kong napansin pagkapasok ko sa condo nina
Ms. Marisse. Tinambak niya ang laptop, iPad, notebooks, reams ng bond paper sa
center table ng sala. May ilang balat din ng Piattos (laging Roasted Beef, ayaw ng
ibang flavor) at yung Breaking Bad mug na regalo ko sa kanya. Himalang hindi siya
sa sofa natulog!

Mukhang nag-edit na naman siya kagabi. Seriously, subukan pa niyang i-deny na hindi
siya perfectionist, tutuktukan ko siya! Sinubukan kong buksan yung laptop at iPad
niya para maki-chika sa bagong ginawa niya kaso hindi ko alam yung password niya.
Well, alam ko ang passcode ng iPad niya (6718) before kaso pinalitan niya nung
inasar ko siya. Aba, hindi ko naman sinasadya na makita yung pagtatype niya ng code
ah. Siya ‘tong mabagal at sobrang paobvious! Mabilis lang talaga mga mata ko!

Since wala akong napala sa gadgets niya, ang notebooks niya ang pinakialaman ko.
Isa pa sa mga dinedeny ni Andreau sa’kin ay ang pagiging vain niya sa sulat niya.
Maganda ang penmanship niya (pero mas maganda pa rin ang akin!) pero lagi niyang
sinasabing kinahig ng uwak yang sulat ko, Zades. Don’t patronize me. Feeling ko
sinasadya niyang gawin yung para i-compliment ko siya. Pasimple pa ang loko!

Sa lumang Cattleya notebook niya unang sinulat ang ideas niya for Tila. At first
reluctant pa siyang ipabasa sa’kin lahat ‘yon, marami raw childish ideas at sobrang
corny. Pero sa totoo lang, mindblown ako sa mga nakalagay don, ang lalim. Medyo
childish at ridiculous nga ang ilang ideas niya pero 15 years old lang naman siya
nung naisip niya ang concept. Ano bang ginagawa ko nung 15 years old ako? Ah,
nangangarag ako sa Physics! Tapos siya.. nakagawa na ng movie script. So kailangan
ko na bang ire-evaluate ang buhay ko?

Hihiga sana ako sa sofa nang may nakita akong bunton ng crumpled paper sa gilid ng
throw pillows. Isa-isa kong binuklat ang mga ‘yon. Wow, mga scratch pala ‘to ni
Andreau! Nagdadrawing siya ng scenes para sa story board niya. Kung gaano kaganda
ang sulat niya, kabaligtaran ‘yon ng drawings niya. SOBRANG PANGET NIYANG
MAGDRAWING. Kaya pala ayaw niya sa’king ipakita ang story boards niya nung una,
nahihiyang malait ko. Eh wala siyang magagawa, ‘di ko napigilang manlait!

One crumpled paper caught my attention, though. Sa lahat ng papel na nandon, ‘yon
lang ang hindi drawing. It’s a.. note.

I am completely and utterly in love with you and there’s nothing in this damned
world that could ever change that.

I love you.

Sometimes, it feels like I was born loving you.

I’ve tried to deny it for the longest time.. but it’s no use.

I love you. I have always loved you.


 

Seryoso.. si Andreau ang nagsulat nito? This is so.. deep. Alam kong malalim na tao
‘tong si Big Boss pero my goodness, naloka ako.

At ang isa pang nakakalokang tanong: para kanino ‘tong note na ‘to?

I examined the paper carefully. Hmm.. ‘di ko madetermine kung bagong sulat ba ‘yon
o dati pa. Masyadong gusot kasi yung papel! Basta confirmed na sulat ni Andreau ‘to
for two reasons: black ballpen ang ginamit at madiin ang pagsulat.

“Ate Zade!”

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Tristan sa may harapan ko. He
was standing beside the sofa, rubbing his eyes. Ang cute niyang tignan sa Phineas
and Ferb PJs na regalo sa kanya ni Andreau!

“Good morning, Mr. T! Ang aga mo naman atang nagising? Walang school ngayon ha!” 11
AM ang gising ni Tristan pag weekends, a trait na namana niya sa kuya niya.

Tumabi siya sa’kin sa sofa at niyakap ang kaliwang braso ko. “Eh kasi si Kuya
Andreau inagaw yung kumot ko. Ang lamig sa room ko!”

“Ang aga-aga nagsusumbong ka na agad kay Zade ah,” a sleepy voice emerged from
Tristan’s room. Bumilang muna ako up to three bago ako tumingin sa direksyon ni
Andreau. Bihira ko lang siyang makita na bagong gising pero ibang klase yung epekto
sa’kin sa moments na ‘yon. May something na magnetic sa Sexy Bed Hair Andreau na
mapapatulala na lang ako sa kanya. Kaya kailangan ko ng three seconds para
magprepare sa magnetism na ‘yon.

“Uhhmm hindi naman si—“ I stopped in mid-sentence when Andreau smiled and sauntered
towards us. Oh dear God, akala ko blue ang color niya. I was so wrong. Mas gwapo
siya sa purple. Of all colors, PURPLE pa talaga. And seriously, kailangang naka-
long sleeves siya sa pagtulog?

Only Andreau Cortez could pull off a purple long sleeves and black pajama bottoms
as the sexy sleepwear. Matutulog na nga lang kailangang fashowyn pa!

His smile kinda faltered upon seating beside Tristan. “Ano yan?” tinuro niya ang
hawak kong papel. Shit, hindi ko pala nabitawan yung note!

“Aahh nakita ko lang dito sa sofa,” inabot ko sa kanya yung papel. Medyo nagulat
siya dun sa laman ng note. Oohh, something fishy. “Uhmm.. ikaw ba nagsulat niyan?”

Nilukot niya ulit ang papel at nilagay sa tabi ng iPad niya. “Yes. Corny, ano?” he
grinned a little.

“Para saan naman yan?”

“Uhm.. lines yan ni Benny,” nahihiya niyang sabi. Ni hindi nga siya makatingin
sa’kin! “Last minute addition sana kaso parang ang pangit. What do you think?”

Yung totoo? Ang sweet nung nakalagay sa note.. kung hindi ‘yon line para kay Benny.
God, what was I even thinking? As if may pagbibigyan si Andreau nung note na ‘yon!
“Naah, hindi bagay kay Benny,” I replied honestly. Napangiti siya sa sagot ko.
“Sobrang cheesy nung lines. So not him! Buti hindi mo nilagay kundi aawayin talaga
kita!”

“Aawayin mo kaagad ako? Akala ko ba listener ka na?”

I couldn’t look back at him! Ba’t ba kasi iba ang aura mo pag umaga ha? “Shut up,
magmumog ka nga muna!” tumawa si Tristan sa tabi ko. “At ikaw din, Mr. T! Kadiri
kayo, ‘di pa nagtu-toothbrush!”

The two sported similar scowls and creased foreheads. How adorable! “Magtu-
toothbrush kami in one condition,” Andreau announced with a hint of challenge in
his tone. “You’ll cook us some breakfast. Kanina pa kami gutom ni Tristan, ‘di ba?”
They exchanged conniving stares and wicked grins before looking back at me. Uh oh,
this is bad.

“Ako, magluluto?” I let out a nervous laugh. “Alam niyo namang taga-kain lang ako,
‘di ba? Baka may oatmeal dyan, kaya ko pa ‘yon!”

Sabay pang umiling ang dalawa. “Ate Zade naman! Kahit pancakes lang. Or waffles,”
Tristan pleaded, turning on his own brand of charm. Si Andreau naman may small
smile pang nalalaman. “Please please Ate Zade please please!”

Si Andreau naman pinipigilang ngumiti pero parang sinu-showoff ang dimples niya.
Kainis! “Sige na, Zades. Minsan lang naman kami magrequest dito. Ang lakas ng ulan
oh. Nakakahiya namang magpadeliver pa ng waffles sa fast fo—“

“Oo na sige na!” tumayo na ako at naglakad papunta ng kitchen. I heard the two of
them chuckled in victory. “Pasalamat kayo may awa ako sa mga delivery boy!”
“Maraming Nutella dyan sa cupboard, Zades. Thank you!” pahabol ni Andreau.

Ugh, the things I do for these boys.

xxx

Naligo muna ang magpinsan habang naiwan akong mag-isa sa kitchen kasama ang waffle
maker. Kung last month nangyari ‘tong pamimilit nilang magpinsan, malamang mukha na
akong tanga sa harap ng machine na ‘to. Si Mars pa ang nagturo sa’kin kung paano
gamitin ‘to eh! Nakakahiya, chef ang nanay ko tapos simpleng waffle maker hindi ako
marunong gumamit!

Ano nga ulit yung order nilang dalawa? Blueberry cream cheese and nutella cream
cheese ang kay Andreau, dalawang banana nutella kay Tristan and strawberry nutella
cream cheese sa’kin. Kasalanan ni Andreau kung ba’t kami nag-aadik ngayon sa
Nutella!

Twenty minutes later, tahimik naming kinain ang isang dosenang waffles sa may sala
habang nanonood ng balita. Sobrang lakas na kasi ng ulan, and it didn’t help na
nasa 47th floor pa kami ng building. I never really liked storms kahit nung bata pa
ako. Sobrang traumatic kasi ng mga na-experience kong bagyo nung nasa San Ignacio
pa ako. Imagine kung gaano kataas ang alon kapag signal #3! Buti na lang at
nakababa ang kurtina dito sa condo, kundi mas matatakot ako.

“Kuya Andreau nagtext na po ba si Mama sa inyo?” tanong ni Tristan. Kanina pa kasi


sinusubukang tawagan ni Andreau ang tita niya kaso cannot be reached lagi. “Baka
kasi hindi kami matuloy mamaya eh.”

Nilapag ni Andreau ang Breaking Bad mug niya bago sumagot. “Wala pa, Trist. We’ll
try to call her again later, alright?” He then turned to me. “Pssst, kumain ka pa.
Sayang yung niluto mo. And don’t worry, marami pang Nutella dyan. Okay lang na
ubusin mo yan.”

“Uhh nawalan na ako ng ga—“

“Okay ka lang ba?” tinignan niya ako nang maigi. Shit, should I tell him? “Zades..
hello?”

“Uhh.. I’m not a big fan of storms. That’s all,” was my curt reply. Nagfocus na
lang ako sa pagkain ko ng slightly cold na waffle ko. Ba’t naman bigla akong nahiya
na sabihin sa kanya ‘yon? As if ako lang ang tao dito sa mundo na takot sa bagyo!

“Takot din ako sa storms Ate Zade!” sabi ni Tristan sabay yakap sa braso ko. “Hindi
nga po ako makatulog kanina eh. Ang lakas po kasi ng hangin!”

At parang nang-aasar ‘tong bagyo, biglang bumanat ng isang malakas na kulog.


Napasigaw tuloy ako nang wala sa oras! “Okay ka lang, Zades?” tanong sa’kin ni
Andreau. Gusto kong sumagot kaso hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngayon lang kasi
ulit ako nakaranas ng ganitong kalakas na bagyo.

“Wait, nilalamig ka ba?” iiling sana ako kaso ‘di ko na kaya ang lamig. Partida,
nakapatay na ang centralized aircon ha. Andreau stood up and went back to Tristan’s
room.
Si Little Boss naman, kinocomfort ako habang nayakap pa rin sa braso ko. He even
held my hand tightly nang kumulog ulit. “Wag kang matakot, Ate Zade. Dito lang kami
ni Kuya Andreau ha?” he whispered softly. “Smile ka lang, Ate.”

“O, take this.” Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala namin si Andreau, bitbit
ang dalawang comforter. He gave me the blue one at kay Tristan naman ang Ben 10
comforter nito. “Don’t worry, bago yang comforter, Zades. Just in case maarte ka sa
germs,” he commented with a smile as he sat beside me. Suot niya ang gray
university hoodie niya. Wala, mas bagay talaga sa kanya ang kulay purple!

“Uhmm.. bakit dalawang comforter pa nilabas mo? Kasya naman kami ni Tristan dito sa
blue ah!” tanong ko sa kanya. Saglit kong pinanood si Tristan habang inaayos ang
Ben10 comforter niya.

“Tristan’s a blanket hog,” he replied, not looking up from his iPad. “Mamaya ‘di mo
na mamamalayan na wala ka nang comforter.”

“Really, Mr. T?” Napangiti na lang sa’kin si Tristan. “Wow ha. Di pala tayo pwedeng
magtabi sa pagtulog. Blanket hog din ako eh.” We both laughed, at humiga si Tristan
sa kandungan ko. “Ayan, much better, ‘di ba?”

“Okay lang po ba Ate Zade?” he asked politely. Tumango na lang ako at binuksan ang
TV. And I swear I heard a snort from Andreau. Ba’t ang init na naman ng ulo nito?

For the rest of the hour, Tristan and I ended up watching Spongebob and Fairly
Oddparents reruns on cable. Walang pake si Andreau sa sobrang lakas na TV volume,
masyado siyang immersed sa kung anumang binabasa niya sa iPad niya. Grabe, konti na
lang macoconvince na akong girlfriend ang turing niya dun sa iPad. Laging kasama,
laging hawak.. lagi na lang iPad! Kulang na ata ‘to sa human connection eh!
“Okay ka lang?”

Andreau shot me a weird look, at dun ko lang narealize na kanina pa ako nakatitig
sa kanya. Triple shit, Pascual! “Uhh.. yeah.” Mabilis akong naghanap ng alibi para
‘di ako masyadong mapahiya. “Uhmm.. are you cold?”

“Hindi naman. Bakit?”

“Eh kanina mo pa kasi sinusubukang takpan yang mga paa mo eh,” tinuro ko pa ang mga
paa niya. “Ba’t ayaw mong magsuot ng socks?”

He shrugged and resumed his reading. “Don’t have a clean pair here. Okay lang ak—“

“Gusto mo share tayo sa kumot?” in-extend ko pa sa kanya yung dulo ng comforter na


gamit ko. “Kasya naman tayo dito at naligo naman ako. Di kita mahahawahan ng skin
disease,” I joked.

Maybe it was just my imagination pero nagulat ata si Andreau sa offer ko sa kanya.
Well.. hindi pala imagination ‘yon kasi binaba niya saglit ang pinakmamahal niyang
iPad. “Uhhmm.. no, thanks,” he said seconds later, medyo nahihiya. “Sanay na ako sa
lamig.”

Hay, talo pa ang babae! Kailangan ipagpipilitan pa? Pinaupo ko muna saglit si
Tristan para maayos ko yung comforter at walang tanung-tanong na pinatong kay
Andreau ang kalahati. Sinadya ko talagang takpan yung iPad niya!
“Zades! What the—“

“Iba ang nagagawa sa’kin ng lamig, Francisco. Wag mo nang hintayin ‘yon, so don’t
argue.” Binaling ko na lang ang atensyon ko sa TV bago pa niya gawin ang paawa face
niya. No sir, hindi ‘yan effective ngayon.

He let out a defeated sigh and tugged the comforter closely to his chest. Hah,
takot na lang niya sa’kin!

Pero in fairness, compared kanina, mas uminit na ngayon sa ilalim ng comforter ah.

“Holy sh—“ Andreau immediately stopped in mid-sentence, noting his little cousin’s
presence. Hindi nga pala siya nagmumura kapag kasama niya si Tristan. According to
him, hindi raw magandang example ‘yon sa mga bata. That, and ayaw lang talaga niya
maulit ang horny incident last month.

Akala ko kung ano lang ‘yung pagsigaw niya, simpleng reaction lang sa isang
Facebook post. Pero nang mapansin kong titig na titig siya sa iPad niya, nag-alala
na rin ako. “Uy anong meron? Okay ka lang?”

He flashed his iPad to me and.. whoa. Holy shit talaga.

Baha sa may Skyway. SKYWAY. Yung ilang sasakyan.. lubog na sa baha, and not to
mention ang daan-daang sasakyan na stranded don.

Triple shit. Ngayon lang ako nakakita ng ganung klaseng baha.


“May.. bagyo raw,” the worry in Andreau’s voice scared me a bit. “Typhoon Nanding.
Signal #3 dito sa Metro Manila. And.. I think we’re stuck here.”

Hindi namin napansin na nakisilip si Tristan sa iPad. “Si Mama, Kuya Andreau? Paano
po sina Mama?” He looked so worried kaya pinaupo ko siya sa kandungan ko.

Andreau held Tristan’s hand and gently gripped it to calm him. “Nagtext siya
kanina, Trist. Baha rin daw sa location nila. Pinapababa pa muna nila yung baha
bago sila umalis?”

“Eh kelan po sila makakauwi dito?”

Nagkatinginan kami ni Andreau bago siya sumagot. “Maybe later tonight. I don’t
know. Mamayang hapon daw medyo titila na yung ulan eh.”

Biglang napayakap sa’kin si Tristan. “Ate Zade,” he whispered softly, “I’m scared
po. Sina Mama...”

“Sssshhh.. don’t worry, okay? Nandito kami ni Kuya Andreau mo. Di ka namin iiwan.
Tsaka marami namang kasama si Mama mo dun. Okay lang sila,” dahan-dahan kong
hinagod ang likod niya para kumalma siya. Mukhang effective naman kaya tinuluy-
tuloy ko na rin.

“Zades, is your phone off?” Andreau asked me out of the blue. Hawak na niya ngayon
ang phone niya, at mukhang may ka-text ito.
“Uhh.. wala na ata akong battery? Why?”

He glared upon hearing my reply. Glared. May ginawa na naman ba akong mali? “Kanina
ka pa tinatawagan ni Kesh eh. Akala niya lumalangoy ka na sa baha,” I could sense
irritation in his voice. “Wag ka muna raw umuwi sa dorm niyo. Baha raw dun sa
daanan ng tricycle.”

What the? Parang kanina lang nadadaanan pa yun ah! “Eh sa dorm? Baha raw ba?”

Tinype ni Andreau ang sinabi ko at naghintay ng reply from Kesh “Uhmm.. sabi ni
Kesh hindi naman daw. Pero wag ka munang umuwi sabi ni Ate Mel niyo. Wag daw
matigas ng ulo.”

Could anything get worse than this? Stranded kaming tatlo sa 47th floor ng isang
condominium at may nananalantang bagyo sa labas. Wag lang sanang mawalan ng
kuryente kundi talagang magpapanic na ako.

“Where’s your phone?” tinuro ko kay Andreau ang backpack ko. “I’ll charge this
first, okay? Bababa muna ako para kumuha ng ibang supplies. Tristan?” his cousin
looked up to him, and Andreau’s faced softened. “Do you need anything else?”

“W-wala po, Kuya. Balik lang po kayo agad.”

His gaze turned to me, but this time it was kinda.. intense. “Zades.. just do—“

“Bumaba ka na, Andreau,” sabi ko sa kanya bago pa siya mag-theatrics sa harapan ko.
“And please, don’t use the elevator, okay?”
With that, he left us with a tight smile.

This is gonna be a loooong stormy day.

xxx

Sa totoo lang, lagi kaming nagtatalo ni Andreau. Siguro kung isa-sum up lahat ng
oras na magkasama kami, roughly 60% dun ay ginamit namin sa arguments. Well,
majority naman ng pinag-aawayan namin ay script-related kaya okay lang. Sometimes
we say personal jabs to annoy the hell out of each other kaso hanggang dun lang.
Swerte rin ako na si Andreau ang kaaway ko, ayaw niya kasing natatapos ang araw
niya na hindi kayo magkaayos. Medyo na-adapt ko na rin sa kanya ‘yon kaya mas
magkasundo na kami ni Kesh ngayon. And nagulat kami na sobrang effective sa’ming
dalawa ng listening stick!

Kaso.. ngayon lang ata kami nagtalo nang ganito. Akala ko pinakamalala na yung sa
Chismis Squad article before. Clearly, I was so damn wrong.

And it was because of a kiss.

x
Just like what the news said earlier, the storm got worse as the day progressed.
Tuktok na tuktok ako sa balita habang hinihintay na bumalik si Andreau. Si Tristan
naman nakatulog na ulit sa sobrang kaba at lamig. Inihiga ko muna siya sa sofa para
matawagan ko sina Nana Tinang sa San Ignacio. Thank God, mahinang ulan lang ang
meron sa kanila!

Andreau returned to the condo 15 minutes later, carrying a huge eco-bag full of
supplies. Siya na ang nagdala kay Tristan sa room nito at iniwang bukas ang pinto
just in case kailanganin niya kami. Wala pa ngang 10 am pero ang dami na agad
ganap. Nakakastress!

We spent the next few hours checking the script for the last time. Nung una sa may
carpet nakaupo si Andreau habang solong-solo ko ang sofa. Okay lang naman sa’kin
ang mag-isa kaso nadidistract ako sa lakas ng kulog at kidlat sa labas. To my
surprise, tinabihan ako ni Andreau sa sofa, but he left a small space between us.

Dear Lord, hindi ko alam kung saan ako mas kakabahan eh. Sa bagyo o sa proximity
naming dalawa. Mind, please shut up.

Natapos namin ang script a little before lunchtime. In fairness, mixed emotions ako
after i-type ni Andreau ang End sa MS Word ha. Ayoko sanang magdrama pero.. wala
na, tapos na si Tila. Ipapasa na siya ni Andreau sa prof niya and next sem gagawin
na siyang film. And after that.. ano na ang mangyayari sa’min? Magkikita pa kaya
kami ni Andreau o kalimutan na? My overly dramatic thoughts were brushed aside nang
ilabas ni Andreau ang little celebratory treat niya for the script: baked lasagna.
Dun lang namin narealize na parehas naming favorite ang lasagna! Muntik na nga
naming maubusan si Tristan sa sobrang sarap eh!

“Ugh, not again,” narinig kong sabi ni Andreau sa tabi ko. After naming kumain ay
nagdecide kaming magpahinga muna. I opted to read the book he bought me last
Wednesday, at siya naman nagchannel surfing pa.

The Notebook ang movie na palabas sa channel. Isa ‘yun sa favorite movies ko of all
time. I loved the book (Read the book first. Always. ALWAYS.) pero mas minahal ko
ang story dahil sa movie. Ang ganda kasi ng pagkakagawa nila! Kaso ‘di ata ganun
ang sentiments ng film major na katabi ko. Napasimangot kasi si Andreau dun sa
iconic kiss in the rain scene nina Noah at Allie. Favorite scene ko pa naman ‘yon!

“Ayoko talaga sa scenes na ganyan,” Andreau blurted out suddenly, answering my


unspoken question. Ayaw daw niya pero titig na titig sa screen! “It’s too.. cheesy.
And messy.”

“Sus, ang arte naman nito! Ang romantic kaya ng scene na yan!” umiwas ako ng tingin
sa sumunod na scene, yung sexy times ng dalawa. “Isa kaya yan sa iconic kissing
scenes of all time!” He smirked, at hindi ko sure kung dahil ba ‘yun sa pag-iwas ko
sa sexy times scene o sa sinabi kong huli. So I chose to comment on the latter. “Oh
shut up. May nagreport sa Literature and Arts I class namin about that. Pinag-
aralan din namin ang books na ginawang movies!”

Tumawa siya sa sagot ko. “Easy lang, Zades. Hindi kita inaaway dyan!”

I shrugged, putting down the book I was reading and faced him. “Tse. Kahit paano
may katiting na alam din ako sa movies ano!”

“Fine, fine. I’m sorry. Ano lang kasi.. ayoko lang talaga sa ganyan.”

“Eh ‘di ba may ganyang scene kayo ni Sarah? Sa No Ordinary Love, right?” Himala,
hindi siya nagulat na alam ko yung movie nila ni Sarah!

It was his turn to shrug. “It was in the script ka—“


“Kaya mo ginawa, I get it. Pero bakit ayaw mo? Ang ganda kaya! And it’s sweet!”

“Because it’s appealing for you. Sa’kin naman kasi, hindi rainwater ang gamit sa
movies. Artificial rain lang ‘yon na galing sa fire truck o ano. That’s
unhygienic.”

Yun lang ang dahilan niya? Kasi unhygienic? Kelan pa nagging germaphobe ‘to? “Ang
arte mo naman! Pero hindi mo ba na-appreciate ang cinematography, acting and all
that film shit na pinag-aaralan mo?”

Sumama ang tingin niya sa’kin dahil sa film shit na sinabi ko. Hah, gantihan lang!
Last Wednesday kasi sinabi niya na literature shit, at hindi ko pa siya napapatawad
don. “It was.. okay,” he finally conceded after some thought. “But the rain scene
in Breakfast at Tiffany’s is better than this one.”

Trust Andreau to showcase his film knowledge this time! I don’t know kung
nagpapasikat ba siya sa’kin o gusto lang niya akong inisin. Is it too bad na
parehas ganun ang epekto ng pinagsasabi niya sa’kin?

And that started our worst argument ever.

Dapat hanggang sa The Notebook vs. Breakfast at Tiffany’s lang ang pag-uusapan
naming at magmu-move on na kami sa ibang bagay. Kaso masyadong nadala si Andreau na
nilabas niya ang maraming external hard drive niya na puno ng movies at inisa-isa
ang movies na may favorite kissing scenes niya. (In fairness, siya na ang may
extensive at super organized na film collection na nakita ko. Lahat ng films niya
ay categorized by genre and by year. May iba pa dun na by director and year na
nanalo ng Oscars. What a choleric!) Totoo nga, marami ngang movies ang may
magandang kissing scenes, kaso some of his favorites are from old movies like From
Here To Eternity (beach kissing scene), Cinema Paradiso (montage of kisses),
Sixteen Candles (really now? A teen flick?) and Gone With The Wind.

 
Gets ko yung ilang movies eh. I admit, maganda nga ang scenes na yun except for..
Gone With The Wind. I don’t get it at all. Wala namang naganap na kiss dun sa scene
na pinakita niya sa’kin eh. The actors almost kissed.. at hanggang dun lang. Ang
nagustuhan ko lang dun ay yung line ng lalaki na You need kissing badly. You should
be kissed, and often. And by someone who knows how.

My argument was this: ang nagpapaganda sa romantic movies ay ang romantic gestures.
Tama naman ako, ‘di ba? Paano madedeliver ng isang romantic movie ang essence ng
script without those cheesy and fluffy scenes? The grand proclamation of feelings?
The quotable and heart-warming lines? The I love you – I love you, too’s? And of
course, that iconic kiss! Is it just me o mas nagiging memorable sa’kin ang isang
romantic movie kapag iconic ang kissing scene?

Siyempre, iba ang point of view ni Andreau don. For him, chemistry ng actors ang
nagpapaganda sa isang movie. There are a lot of good movies with compelling scripts
but starred bad actors with zero chemistry, Zades. Pwedeng maayos ang acting kaso
wala silang chemistry, so parang itinawid lang ang movie. Maganda nga ang script
pero ‘di bagay sa actors, so wala rin. Nagiging mediocre ang effort. It’s all about
chemistry. That’s what makes the movies real for the people who watch it. They want
to see real people on that screen, doing real people stuff. Ikaw ba, gusto mong
manood ng movies na parang binasa lang ang script?

Ugh. He’s brilliant, alright. So brilliant na gusto ko na siyang sakalin.

“So ibig sabihin,” Andreau paused for awhile, eyeing me curiously. Mga 30 minutes
na kaming nagtatalo sa subject matter na ‘to pero ayaw pa rin niyang tumigil. “Kung
sa gestures lang din nakasalalay ang fate ng romantic movies, that only means na
kinilig ka sa scenes namin ni Jillian?”

My confident smile crooked a bit, making him smirk triumphantly. Oh God. He didn’t
just go there. “What? I didn’t say anything like that! And sinabi ko bang
successful ang movies niyo ni Jillian?”
Nawala ang smirk ni Andreau. “Wow, that was harsh.”

“Okay lang naman yung scenes niyo eh. Hindi lang talaga nagstick sa memory ko kasi
nga..”

“Biased ka pa nun sa opinion mo kay Jillian?”

I rolled my eyes. “Ugh! You don’t really get it at all! I’m a woman, and those
scenes appeal to us. Masama bang maging hopeless romantic, ha?”

“Pero wala ka talagang pakialam na walang chemistry yung actors? Just look at
Chochang and Harry’s kiss! Did you feel some chemistry there o kaya ka lang kinilig
kasi dun sa kiss?”

Kalma, Zades. Wag uminit ang ulo, baka kung ano pa ang magawa mo. “Nakakainis ka
naman Andreau eh! Ba’t ba hindi mo na lang tanggapin na ganun ang stand ko?”

“Curious lang ako. That’s all,” Andreau sighed deeply and massaged his temple.
Don’t tell me inis na rin siya sa’kin?

“Alam mo ba yung backpfeifengesicht, ha?”

“Minumura mo ba ako in German, Zades?”


Umiling ako. “Hindi ah. That means a person who needs to be slapped or punched.
Medyo ganun ka na sa’kin ngayon.”

Napangiti lang siya sa’kin. “You don’t mean that. May bagyo sa labas o. What if I
get a concussion or something? Marunong ka ba ng first aid?”

Ba’t napunta na kami sa ganitong usapan? He manipulated the conversation again!


“Wait a second, kanina tungkol sa kiss ang pinag-uusapan natin! Ba’t napunta tayo
sa concussion?”

“Akala ko ba ayaw mo na pag-usapan yun ha?”

“Wala pang panalo sa argument natin!”

“One last question: remember your first kiss? Was there any chemistry between you
and the guy who kissed you?”

Tameme ako sa tanong niyang ‘yon. Was that a trick question? Talagang sa vulnerable
moment niya tinanong sa’kin ha!

Hinuhuli ba niya ako? May chemistry nga ba kaming dalawa? Paano ko sasagutin yan?

Umiwas ako ng tingin sa kanya bago ako sumagot. “Uhh.. wala. Mabilis naman kasi
‘yon eh. And hello, it was a first kiss! And ilang taon lang ako nun, 15? Maiisip
ko pa ba yung chemistry na ‘yon?”
Wow, I’m really getting good at lying. Pati ako medyo napapaniwala na hini si
Andreau ang first kiss ko. Great.

Naramdaman kong may follow-up question pa siya kaya sinabi ko na lahat ng naisip
kong pangsupalpal sa kanya. “You know what? Fine, for this argument, you win. Ayoko
lang makipag-away sa’yo kasi lagi mo namang ia-assert na tama— ooof!”

Before I knew it, his lips sought mine.

His lips. And mine.

Lips. Our lips.

HE’S KISSING ME.

For a second there, I forgot to think.

No, thinking wasn’t even an opton. Nor a priority.

ANDREAU’S KISSING ME.

And I’m not kissing him back.


Hell, his lips felt different quite different now. It somehow felt softer. I could
even taste the lasagna sauce from his kiss. His lips moved experimentally, testing.
Memories of that February kiss flooded back to me. Walang-wala ‘to sa halik ko sa
kanya. Ibang klase pala kapag Sober Andreau na ang humahalik sa’yo.

His kiss wasn’t electric. Or death-defying. Or unnerving.

To simply put it, his kiss felt like home.

Pero ba’t ganun.. ba’t kakaiba siya compared sa una?

Bakit hindi ako natatakot?

In fact.. I liked it.

I really really liked it. But why the hell am I not kissing him back?

JESUS ZADE WILL YOU PLEASE KISS HIM BA—

Then he stopped. Stopped. And he broke the kiss.


Hindi ko alam kung paano niya nagawang titigan lang ako after that. I couldn’t
decipher that stare, though. Anong iniisip niya? Nagreregret ba siya na hinalikan
niya ako? O baka naman may iba na siyang iniisip?

Oh God. Please. I’m so not ready for tha—

“So, was that romantic or what?” he said casually, still staring at me.

ANO RAW?

Seryoso ba yung tanong niya? Hinalikan niya ako para.. i-prove na siya ang panalo
sa argument namin?

Staring back at him, I dumbly replied, “W-we kissed. We just kissed, at yan talaga
ang itatanong mo sa’kin?”

“Well, you’re wrong. We didn’t kiss. I kissed you. There’s difference.”

NASAANG DIMENSION NA BA AKO AT GANITO ANG USAPAN NAMIN?

A strangled What?! was my only reply.


Andreau shifted in his seat and rested his back on the couch. “You didn’t kiss me
back so technically we didn’t kiss,” he stated matter-of-factly. “Kissing requires
mutual participation, Zades. Shall I demonstrate again?”

“WHAT? NO?!” agad akong lumayo sa kanya bago pa niya ako halikan ulit. And I swear,
I saw a flash of hurt in his eyes. Aba, siya pa ‘tong hurt-hurt dito e sobrang
weirdo niya! “My God.. this is too..”

“Zades.. wa—“

Dali-dali akong tumayo at pumasok sa guest bedroom nina Ms. Marisse. Sinundan ako
ni Andreau kaso naisara ko na ang pinto bago pa siya makapasok.

“Zades?” I heard his muffled voice through the door. “Look, I’m sorry, okay? Can we
talk?”

“Can you leave me alone first? I need to think.”

“Za—“

“Andreau Francis, just go.”

Hinintay ko kung magrereklamo pa siya or what pero wala nang sumagot sa huli kong
sinabi. I was partly relieved, partly disappointed. Talagang nakinig siya sa’kin
this time, ha?
But damn, I could still feel his lips on mine.

Triple shit.

xxx

From: Andreau

Are you asleep? Can we talk now?

Zades? 20 minutes ka na nandyan. Are you okay?

Scheherazade Pascual. Talk to me.

I’m still alive. Wag kang mag-aksaya ng batt. Is Tristan awake?

 
Yeah. Hinahanap ka. Told him you’re asleep.

Zades.. okay ka lang ba dyan? Ang lakas ng kulog. Are you having any panic attacks?

I’m fine. Don’t bother me.

Zades.. lumabas ka na dyan. Please? I’m worried.

Kung worried ka sa nangyari kanina, I’m still sorting my thoughts about it. And
your text aren’t helping.

Are you mad at me?

Still sorting my thoughts. DON’T TEXT ME

..

...

..

I heard you scream. Bubuksan ko na yung pinto, Zades. No buts.

Okay nga lang ako, Andreau. Sanay na ako sa mga kulog. Hindi talaga kita kakausapin
pag binuksan mo ‘tong pinto.
 

I mean it. FO tayo sige ka.

Okay.

His last text was three hours ago yet hindi pa rin ako tapos sa pagso-sort out ng
thoughts ko. Well.. nakatulog ako saglit dahil sobrang stress at ang lambot talaga
ng kama sa room na ‘to. Ugh, sana pwede na lang itulog ang mga problema, ano? Tapos
pag nagising ka ayos na, as if walang nangyari!

Asa ka pa, Zade. Malabong mangyari ‘yon.

So recap ng nangyari kanina: Andreau Cortez kissed me. Hindi kami lasing o high at
definitely hindi ako nananaginip. He kissed me.

Oo na, tanggap ko na hinalikan niya ako. Maybe he did that to prove his point.
Maybe gusto lang niya na tumahimik ako kasi ang annoying ko na. Maybe, just maybe,
he really wanted to kiss me (Hah! Lakas makapangarap!).

Ang hindi lang talaga maarok ng utak ko ay eto: bakit hindi ako natakot nung
hinalikan? Nung hinalikan ko siya before.. halos mamuti na ang mga buhok ko sa
sobrang takot na malaman niya ‘yon. Ni hindi ko nga maamin sa kanya na siya ang
first kiss ko eh. Pero ngayon eto, siya na mismo ang nag-initiate, bakit hindi ako
natakot?

Component ba yun ng sinasabi niyang chemistry? Na feeling mo tama ang isang bagay
kahit iniisip mong mali ‘yon? Na parang iisang entity lang kayo?

Goodness, pati ata utak ko nagyeyelo na sa sobrang lamig.

Fear kicked in right after the kiss. Dalawang tanong lang naman ang nasa isip ko
kaya ganito ang reaction ko:

1.)   Bakit niya ginawa ‘yon?

2.)   Does this mean anything (something) to him?

I’ll definitely ask him the first one kasi sure akong sasagutin niya ‘yon. Wala
akong guts na itanong sa kanya yung huli kasi natatakot ako sa isasagot niya.

Kasi para sa’kin, lahat ng bagay ay may meaning. Kahit gaano ka-complicated o
simple pa ‘yan. Ang talagang kinakatakot ko ay yung possibility na wala lang sa
kanya ‘yon.

Eventually napagod din ako sa kakaisip ng feelings and thoughts (God, I’m starting
to sound like Kesh!) ko kaya lumabas na ako ng kwarto. I was expecting na nasa sala
si Andreau at naghihintay kaso walang tao sa labas. Sumilip ako sa labas ng
bintana; humina na ang ulan pero malakas pa rin ang hangin at parang gabi na ang
langit. Great, 5 PM pa lang! Matagal-tagal pa akong makukulong kasama si Andreau!

Sa kitchen ako dumiretso para kumain ng merienda. Sayang, ubos na yung lasagna kaya
nauwi ako sa bagels at Nutella. Okay na sana eh, kaso hindi ko mabuksan yung lid. I
swear ako ang huling nagsara nito, at never kong hinihigpitan ang lid ng jars.
Actually, pet peeve ko ‘yon at al—
Oh gosh. Si Andreau. He definitely did this on purpose.

To: Andreau

Wru?

Wala pang 30 seconds nagreply na siya.

Tristan’s room. Why?

Lumabas ka dyan. Kitchen.

Within a minute nasa kitchen na siya, halatang bagong gising. “Zades I’m really so
—“

“Sinadya mo ‘to ano?” gulung-gulo siya sa sinabi ko kaya binigay ko sa kanya ang
Nutella jar. “Alam mong ayaw ko sa masisikip na lids! You did this on purpose!”

“Guilty as charged,” he admitted shamelessly as he opened the jar. Nakakainis,


sobrang higpit nung lid pero effortless ang pagbukas niya! Ugh.

I hastily grabbed the jar from him and fixed us some bagels. Kumuha siya ng stool
at tumabi sa’kin sa may counter. “Zades,” panimula niya. Gusto kong matawa, ang
hina kasi ng boses niya at parang natatakot siya sa pwede kong gawin. “Pwede na ba
tayong mag-usap?”
“I’m not mad or angry o—“

“You’re reciting synonyms, Zades. Sure ka bang gusto mo nang mag-usap?”

Inabot ko sa kanya ang bagel niya. “Uh yes, okay lang ako. Really.”

He hesistantly took a bite of his food before continuing. “Look.. I’m really really
sorry about what happened earlier. I don’t normally do that to people.”

It took five awkward seconds bago kami natawa sa sinabi niya. God, I missed this
Awkward Andreau phase! “T-thank you for the disclaimer,” sabi ko, pigil na pigil
ang tawa. “Although, I think marami sa Dreausters ang matutuwa kung lagi at
randomly mo ngang ginagawa ‘yon.”

“Makukulong ata ako pag ganun nga, Zades. I’d rather not do that.”

“So.. why, Andreau? What happened back there?”

“The truth?” he flashed a small, shy smile. “I really wanted to prove you wrong.
Sobrang annoying ka kasi kanina. And.. I don’t like to lose.”

I knew it. Yun naman talaga ang dahilan niya, Zade. Ilusyonada ka para isipin na
yung pangatlong maybe mo ang sagot niya. “I don’t want to lose, too. So.. I guess..
walang nanalo?”

“Yeah, I think so. Pero ‘di nga.. hindi ka naoffend?”

“No,” I answered truthfully. All of a sudden I felt my lips burn. May aftershock pa
rin yung kiss niya? Unbelievable. “I was surprised you did that. Kasi naman, ang
bilis! Nag-aaway tayo then suddenly you’re kissing me. Feeling ko kanina nasa
alternate universe ako. Seriously.”

                                                                                    
                                   

And an unexpected thing happened, Andreau blushed. Aba, mas nauna pa siyang
magblush kesa sa’kin, ako na nga ‘tong hinalikan! “God, that was so embarrassing,”
todo iling siya. “Magiging running joke na naman ‘to kina Mars, ano?”

Oh shit. Sina Mars nga pala! What would they say pag nalaman nila ‘to? Sobrang
nakakahiya! At sina Roldan at Kesh pa! Magkakaron na naman sila ng reason para mas
asarin kaming dalawa ni Andreau!

“Uhh.. mas okay siguro kung sa’ting dalawa lang ‘to. What do you think?” sabi ko,
totally unsure kung tama ba ang phrasing ko o ano. “Para hindi na maging issue sa
kanila?”

Andreau nodded slowly. “Yeah, you’re right. Nai-imagine ko na ang tili ni Mars pag
nalaman niya ‘to. She’ll definitely flip!”

Okay. So now we have a mortal secret, na hanggang kamatayan naming dadalhin. Mas
okay na sa’kin ‘yon kesa asarin nang todo ng mga tao sa paligid namin.
“And it wasn’t even a kiss!” saglit siyang nagtaka sa sinabi ko. “Sabi mo, ‘di ba?
A kiss requires mutual—“

“— participation. Yeah. We didn’t kiss. I kissed you.”

“Uhmm Andreau?” I tried my best not to look away from him. Gusto ko makita ang
reaction niya pag sinagot niya ang question #2 ko. “Uhh.. did that mean anything to
you? I know hindi naman pla—“

“Of course it means something to me,” he replied softly. Yung tono ng boses niya..
God. Ba’t ganun, nanlambot kaagad ako.

Wait a minute. Means, hindi meant. Present tense. Okay, now move on ka na dyan,
Zade. Don’t overthink it!

“Eh anong ibig sabihin sa’yo nun?”

“That I shouldn’t kiss you again.”

Aray, ang sakit. Yun naman talaga ang logical at tamang sagot sa tanong ko. Oo nga
naman, ba’t niya ako hahalikan ulit? Sino naman ako para halikan niya ulit? Siraulo
rin ako para i-assume na mauulit pa ‘yon. Not unless malasing ulit siya at.. ugh
ang dirty!

Pero walang biro, medyo masakit. Ayan kasi, overthink pa nang ove—
“But I’m not promising anything. We’ll never know, I might do it again,” he added
seriously while staring at me.

“What the hell?” nahulog ko tuloy ang pinakamamahal kong bagel! Tama ba yung
narinig ko? “Pinagtitripan mo ba ako ha? That’s not funny!”

Tawang-tawa naman siya sa reaction ko. “I’m kidding! I’m kidding!”

“Really, you are not a funny person! You should’ve realized that by now!”

Akala niya hindi ko napansin na sinabi niya yung nakakalokang statement na ‘yon
bago bumanat si Bagyong Nanding ng isang malakas na kulog. In fairness, nadistract
ako don ah. Of all things na pwedeng sabihin na pampadistract eh!

Hours after the kiss, I could still feel his lips burning against mine.

How could I forget that?


=================

[32] Of Burgers, Movies and Roadtrips

Chapter 32: Of Burgers, Movies and Roadtrips

From: Andreau

Where are you?

ToAndreau:

Arts & Letters. Why?

Dyan ka lang. May ipapasa lang ako kay Ma’am then I’ll pick you up. See you in 10
minutes.

Ha? Bakit? May gagawin ba tayo?

Will tell you later. See you in 10.

May klase ako ng 10AM! Anong meron?

I waited for him to reply pero after five minutes wala pa rin. That annoying guy!
That was.. weird. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nag-uusap ni Andreau. First
week of October na kasi, and that only means one thing: deadlines. Limbo week bago
magfinals. Parehas kaming ngarag sa requirements na kailangang ipasa within this
week. Busy siya sa final final final (yes, thoroughly checked!) draft ng Tila,
habang ako naman nagpakalunod sa walang katapusang term papers at reaction papers.
Actually, it was his decision not to contact me at all. Nag-offer nga ako na
tulungan siya para i-review ang final final final draft kaso siya ‘tong nagpumilit
na magsarili. For this whole week, five text messages (excluding the exchange
above) lang ang natanggap ko sa kanya. That was very un-Andreau like; dati araw-
araw siyang nagti-text para mangamusta tapos ngayon..

Oh no, hindi niya ako iniiwasan dahil dun sa kiss. Case closed na ‘yon para sa’min.
History. Hindi na pag-uusapan kahit kalian. Bawal gawing inside joke. Napag-usapan
na namin siya that day so we’re good. We’re more than fine. Solid as diamond, ‘di
matitibag.

Isn’t it weird na hindi kami awkward ni Andreau after that kiss? I mean, hindi
naman sa nagtatampo ako o ano.. pero ‘di ba tapat maging weird? Friends don’t kiss
like that, right? Well, in other friendships siguro may ganung kaganapan pero
sa’ming dalawa? Dapat wala. Hindi naman kasi kami ganung ka-intimate, ano. At
hinding-hindi kami magiging intimate ni Andreau.

Okay ako lang ata ‘tong nag-iisip nang ganito eh. Mukhang okay naman si Andreau
sa’kin. Hindi naman niya ako ite-text para makipagkita kung awkward siya sa’kin,
‘di ba? Hah, Pascual! Don’t overthink this thing! Wala na ‘yon, promise. Pag dating
ng 10AM, okay na ulit kayo ni Andreau. Parang walang nangyaring kiss sa inyong
dalawa last week.

xxx

Today’s Friday, and it’s also the last day of our sem. Buti na lang talaga at
ngayong araw tumapat! Hanggang 11:30AM lang kasi ang klase ko pag Friday so.. that
means.. I’M FREE! I’M FREE!

Dumiretso kaagad ako sa Arts and Letter steps after ng first class ko. Ano kayang
topak nito ni Cortez at gustong makipagmeet? Eightminutes na lang magkaklase na ako
oh! At sa kabilang side pa ng campus ang room ko!! Pwede namang hindi umattend ng
klase ngayon (since last day nga) pero wala pa kasi akong absent so.. medyo
nanghihinayang ako. Ah, bahala na nga! Pwede naman sigurong mamayang hapon na lang
‘tong ganap ni Andreau!

Pssst. Wru? May class pa ako ng 10AM! Ayoko malate!


Hindi na naman siya nagreply. Ugh. Pag ako pinagtitripan lang nito.. sisirain ko
lahat ng Blu-Ray DVDs sa condo niya!

9:56 AM, still no reply from him. Bahala na talaga siya! Bumaba na ako papunta sa
jeepney stop at pumara ng jeep. Tinignan ko ang phone ko one last time to check if
he replied pero.. wala. Fine. Ayoko talagang malate sa klase ko! Sayang sa oras!

Saktong paakyat na ako ng jeep (as in nakaapak na ang right foot ko sa mini steps)
nang biglang nagring ang phone ko. Hindi ko na chineck kung sino ‘yon, basta ko na
lang sinagot.

“Ba’t ka pasakay ng jeep?” Andreau’s shrill voice said on the other line. “Bumaba
ka dyan. Hurry!”

Sumilip muna ako sa paligid. Wala naman siya o yung Dodge niya. Niloloko ata ako
nito eh! “Ha? Andito ka na ba? I can’t see you!” inis kong sabi.

“Hoy ate ano bang gusto mo sa buhay?” galit na tanong sa’kin ng jeepney driver.
Shocks, nakatingin na pala sa’kin lahat ng pasahero niya. “Sasakay ka ba o ano?”

“Ay kuya sorry po! Sorry po!” bumaba agad ako ng jeep at tumakbo pabalik sa steps.
Nakakahiya! Sana naman wala akong kaklase na nakasakay dun sa jeep! Ang panget
namang last impression non if ever ugh!

I completely forgot na nasa kabilang line pa rin si Andreau. Kasalanan niya ‘tong
lahat eh! “Hoy asan ka— why are you laughing?”

Parang hinihika na sa kakatawa si Andreau sa kabilang line. It took him few moments
before replying. “Holy shit, galit na galit sa’yo yung d-driver, Zades! Hahaha!”

“WHERE THE HELL ARE YOU?”

“Right side. Black car.”

Pumunta agad ako sa kanang part ng parking space ng A&L. I saw him standing beside
a black car, waving at me. Aba, he looked so.. fresh. Lagi naman siyang fresh
tignan (Duh, artista eh. Ano pa bang ine-expect ko?) pero ibang klase ngayon. Lalo
siyang nagmukhang bata sa suot niyang New York Yankees cap!

“Hey Zades!” he greeted me with a wide smile. Pumunta siya sa may passenger seat at
pinagbuksan ako ng pinto. “Tara, hop in!”

“Bumili ka na naman ng bagong kotse?” I asked him once he got inside the car. First
time kong makasakay sa kotse na ‘to, a Chevrolet, at mukhang bago pa. “What
happened to your Dodge? Akala ko ba mahal na mahal mo yun?”
He rolled his eyes at my comment. Siraulo rin ‘to, sa kanya kaya mismong nanggaling
‘yon! “Kay Roldan ‘to. We switched cars today.”

Gawain ba talaga ‘yon ng magbestfriend na mayayaman? Ang weird naman. For sure si
Roldan ang pagkakaguluhan ng fangirls ni Andreau if ever makita yung Dodge! “Fine
fine fine. Ano bang ganap mo?” tinignan ko ang oras sa phone ko. Shit, 10:04 AM!
“Dali na! Male-late na ako sa klase ko! Ihatid mo ako ha!”

“Ganap ko? God, you should spend less time with Mars. Nahahawa ka na sa language
niya.”

“Ewan ko sa’yo! Ano ngang meron?”

And boy, he flashed his Cortez Charm Smile. “Nothing.”

“Don’t charm smile me, Cortez. Ano nga?”

“Tara, let’s ditch our classes for today. Last day naman ngayon, acceptable na
siguro kung aabsent tayo, right?”

Say what?

Did I hear him right? Ditch class? Si Andreau Cortez, ang pinakacholeric na taong
nakilala ko, ba talaga ang nagsabi nun? Never siyang umaabsent nang walang dahilan!
Ang sipag nga niyang pumasok eh, kahit nilalagnat nag-eexam pa rin! Tapos.. oh God.

“Shit, are you sick?” sinamdam ko pa ang noo niya para macheck kung nilalagnat siya
o hindi. “Hindi ka naman mainit! Ano—“

Tinapik niya ang kamay ko at tinanggal ang Yankees cap. “I’m not sick. Why are you
surprised?”

“Kasi hindi ka naman umaabsent!”

“So? First time for everything, right?”

Unbelievable. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya ngayon. “Why are you really
doing this?”

“Because I want to unwind, okay?” he replied tad defensively. “Buong sem tayong
nagfocus sa Tila, and I think we deserve some relaxation. Ikaw ba, ayaw mo munang
magpahinga?”
“Gusto naman pero.. I have a cla—“

“Fuck classes! Last day na ngayon! I bet wala kayong klase.”

Okay this is getting weirder every second. Eto ba ang epekto ng last day of classes
sa isang Andreau Cortez? Tama naman siya, deserve naming ang magrelax pero..

“Eh saan naman tayo pupunta?” I couldn’t help but ask him. “Baka naman sa gym tayo
pumunta ha. Ay—“

“Where do you want to go?”

Sa lahat ng pinagsasabi niya for the past seven minutes of our conversation, yan
ang ikinagulat ko. Never kong na-imagine na darating ang point na ‘to, na
tatanungin ako ni Andreau Cortez kung saan ko gusto pumunta. “Seriously, Andreau?
Wala kang itinerary for today?”

He shook his head. “Wala. Wait.. why are you asking so many questions?”

Oh, I think I hit a nerve there. “Uy, wag ka naman maoffend. Medyo nagulat lang
ako. You don’t normally do this.” His eyebrow quirked up, signalling me to explain
further. “I mean.. lagi kang may plano pag umaalis. Bakit ngayon.. wala?”

“Well.. you told me before that I should loosen up, be spontaneous. That’s what I’m
doing right now,” he replied, smirking. Bago pa ako makareact, stinart na niya ang
sasakyan. “I’m just trying out new things, Zades. Let’s have fun today, shall we?”
His smirk then turned to a boyish grin. “I’ll try my best not to be the Annoying
Choleric Andreau for today. Thought you might like it.”

Hmmm.. a day with a non-choleric Andreau Cortez? Very tempting.

xxx

Since it’s almost lunch time, nagdecide kaming kumain muna bago kami pumunta sa
kung saan. Sinuggest kong kumain kami sa favorite places namin, like Café Feliz and
that fast food right outside the campus. Akala ko okay sa kanya ang suggestion ko,
pero..

“How about we try something new?” he said suggestively. Tumigil muna kami saglit sa
gas station sa labas ng campus. Kunwari ‘di ko napansin na pina-full tank niya ang
kotse. Nope, didn’t see anything. “Try natin dun sa village na pinuntahan natin for
Tristan’s cake. I bet may iba pang restaurants dun.”

Hindi pa rin ako makaget over sa enthusiasm ni Andreau sa araw na ‘to ha. “Wow,
ibang klase ka talaga ngayon ah. Akala ko ba miss mo na yung sandwiches sa Feliz?”

“Naah. That could wait. And besides.. going there defeats our purpose, right?”

So in the end, napadpad kami sa village na sinasabi niya. Sinuyod namin every
street doon and in fairness nga, marami ngang pwedeng kainan. After almost 30
minutes of searching (and debating), we settled for this burger shop right beside
that bake shop we visited months back. I’m not a big fan of burgers pero na-enganyo
akong kumain sa lugar na ‘to. It has this cozy retro vibe, plus nakakatuwa na may
functioning jukebox pa sila. Nagulat pa nga ang buong crew nang makitang si Andreau
ang bagong customer nila. As usual may photo op with the crew, na unfortunately
kasama ako. Good God, sana po hind imaging issue ‘to kapag pinost sa Facebook page
nila or wherever. Baka dumami na naman ang mag-add sa’kin!

“Oh God, this is good,” Andreau finally exclaimed after taking large bites of his
double bacon cheeseburger. First time kong makitang kumain nang ganito si Andreau..
messy and so careless. Hah, parang bata. Kung pwede ko lang siya kunan ng picture.
“How ‘bout that? Was it good?”

I nodded. “I actually don’t like burgers pero ang sarap nito ha!” Playing safe ako
today kaya pinili ko yung bestseller nilang four-cheese burger. God, I really
really love cheese! Plus, ang dami pang French fries sa platter so halos ‘di kami
mapakali ni Andreau kung anong una naming kakainin dito.

“Shit, namiss kong kumain nang ganito! It isn’t even my cheat day today!” Andreau
pondered. Sus, cheat day his face! Kung makakain naman siya ng fries parang ‘di
niya alam ang existence ng diet at gym sa mundo! “Hay. This is the life!”

Speaking of.. I remembered something. “Uhh.. Andreau? Ikaw yung nagbigay kay
Jillian ng number ko, right?”

Andreau stopped chewing, and a playfully smile formed on his lips. “Oh.. Jillian
texted you already?”

Binato ko siya ng fries, na naiwasan naman niya. Ugh. “Tuwang-tuwa ka naman masyado
dyan! Oo na, she texted me. Kahapon lang actually.”

Last Tuesday kasi, nagimbal ang buong Jildreau fandom nang magpost si Jillian ng
picture nilang dalawa ni Andreau sa Gold’s Gym. Nagkataon kasi na sabay silang may
training that day kaya tumambay sila sa Starbucks after to catch up. Hindi naman
ako aware na kasama ako sa catch up fiasco nilang dalawa at ayun nga, hiningi ni
Jillian ang number ko. Akala ko pa naman nakalimutan na niya yung date naming
dalawa ngayong sembreak!

Inubos muna ni Andreau ang burger niya (wow, he’s such a glutton!) bago niya
tinuloy ang pang-aasar sa’kin. “So.. kelan na ang hangout niyo?”

I threw him a sharp look, but I answered anyway. “After ng finals week. No concrete
plans though. Why are you interested?”

“Nothing,” he shrugged. Tinuon niya ang buong focus niya sa French fries for few
seconds bago niya ako pinansin ulit. “Natutuwa lang ako. Jillian’s a nice girl.
You’ll like her.”

“Parang sini-setup mo kami sa isang date ha!”

“What? No! masama bang maging masaya ako na finally magkakasundo na kayo ni
Jillian? With all your reservations and prejudices aside?”

Damn it, pasalamat siya at napasaya ako ng burger na ‘to kaya ‘di ko na siya
aawayin pa. Hah, he thinks he’s so smart! “Sabihin mo lang kung nagseselos ka,
Andreau,” biro ko sa kanya, “Ica-cancel ko na yung sa—“

“Why would I be jealous?” he said through gritted teeth. Oohh.. someone’s deeply
annoyed now.

“Uhmm.. coz I’m stealing your friend?” he shot me his really now? look. “Don’t
worry hindi ako masyadong magpapasikat sa kanya para friends pa rin kayo.”

He scowled deeply. “You’re annoying.”

“Oh. Maybe I could bring her here! I think magugustuhan dito ni Jill—“

“Jillian’s a vegetarian,” Andreau cut me off in a very irritated tone. Inis na ‘to
sa’kin, sunud-sunod ba naman kumain ng fries eh. “You should bring her to that
coffee shop we passed by earlier. She’ll love it.”

Wow ha, medyo naloka ako dun. Parang kanina galit siya tapos ngayon nagsusuggest ng
ibang lugar? “Oh, okay,” I said dryly, to which I heard him chuckle. “What now?”

“Nothing, nothing. Nai-imagine ko lang kayo ni Jillian. It would be so epic!”

“Tse manahimik ka dyan! Mas okay lang talaga akong kaibigan kesa sa’yo ano!”

“Oh shut up. Ask Kesh and see if she says yes.”

“Ba’t siya pa ang tatanungin ko eh nandito ka naman para sumagot?”


That definitely shut him up for awhile. Did I say something wrong? Eto namang si
Cortez, minsan spoil sp— “Not gonna answer that, Zades. I’m your contender,
remember?”

“Tsss. Kill joy.”

Much to my annoyance, he stole some fries from my plate. “Wag ka ngang makulit
dyan. Just finish your burger.”

“Ah basta, killjoy ka pa rin, Cortez.”

xxx

Ang downside ng walang itinerary? Mag-aaway kayo kung saan niyo gustong pumunta.

Mga 20 minutes din kaming nagdebate ni Andreau kung saan kami pupunta. Gusto ko
kasing pumunta sa beach kasi.. wala lang.. at tsaka tinanong niya ako kung saan ko
gusto pumunta kaya yun ang sinabi ko. As usual, he didn’t like my idea kaya
nagsuggest niyang maglaro kami ng duckpin bowling sa campus, na inawayan ko rin. In
the end, we compromised: siya muna pipili ng pupuntahan namin, then ako sa huling
lugar. Wala naman akong choice kundi pumayag, hindi naman ako marunong magdrive at
wala rin akong perang pampa-gas.

Kaso ‘tong si Francisco, taking advantage masyado sa turn niya. Ayaw niyang sabihin
kung saan kami pupunta! Ilang beses ko siyang kinulit (at nagbanta pa akong tatalon
palabas ng sasakyan kaso tinawanan lang niya ako. Kainis!) pero walang epekto sa
kanya. Just observe your surroundings, Zades. Magegets mo kung saan tayo papunta,
he said after ko siyang kulitin for the nth time.

So I observed. Sa South pala kami pupunta, a place na bihira kong mapuntahan since
wala naman akong masyadong kakilala dun. Sa kakatingin ko sa signboards ng mga
tindahan at establishments ko narealize kung saan kami pupunta.

“Andreau, anong gagawin natin sa Parañaque?” tanong ko sa kanya. At ang epal,


nginitian lang ako. Bwiset.

It took us 30 more minutes para marating ang next stop namin. Kung anu-ano na nga
naiisip ko eh, baka dadalhin niya ako sa isang dessert shop, art gallery or worse,
bowling alley. Ayoko talagang magbowling kasi tanga ako don!

“Okay, we’re here,” he proudly said as we pulled up in front of a black building.

Yep, a black building.


Akala ko nagkamali lang ako ng tingin pero.. wow, black nga ang building. Sobrang
distinct ng color nito since lahat ng katabi nitong establishments ay light
colored. Nang mapadpad ang mga mata ko sa signage..

“Andreau! Ba’t dito mo ako dinala?” reklamo ko sa kanya sabay hampas sa braso.
“Madaya ka naman eh!”

Saan niya ako dinala? Sa Armo’s Movie Place.

Ewan ko ba dito kay Cortez! All along I thought gusto niyang magdeviate sa mga
normal niyang ginagawa tapos.. dadalhin niya ako dito? Sus, magpapakitang gilas na
naman siya sa kaalaman niya sa movies! Not that I really hate him for doing that
ha. Sa totoo lang natutuwa ako na sobrang dami niyang alam about sa movies pero
minsan sumusobra na ang fanboy tendencies (Emma Stone ring a bell?) niya kaya
nakakairita na. Just.. ugh.

He got out of the car before I could even hit him again. “We had a deal, remember?
C’mon! Pwede kang gumanti sa’kin mamaya,” sabi niya bago niya isara ang pinto ng
sasakyan. May kindat effect pa siya! Mas lalo ako nairita!

Kaso kinain ko lahat ng reklamo ko nang makapasok ako sa loob ng Armo’s.

To be honest, hindi mo aakalaing movie theater ang Armo’s based sa façade nito. Mas
mukha nga siyang arcade eh. But once you enter inside? Mapapa-wow ka na lang. God
knows, everyone knows I don’t know a lot about pop culture (na laging pinapaalala
sa’kin ni Andreau) pero wow. This place really amazed me. Sa reception area pa lang
bubungad na ang maraming Filipino and foreign movie posters. Some of them were
obviously old, lalo na yung sa Filipino movies. Etong si Andreau, the ever film
nut, todo kwento sa’kin ng synopsis ng movies na tinuturo ko. Seryoso, alam talaga
niya halos lahat?! May alam siyang trivia sa kahit anong movie poster na ituro ko.
Good Lord, buti hindi pa siya na-information overload!

Lumapit na kami sa receptionist after ng Film 101 session with Direk Andreau. Si
Ms. Mona ang nag-asikaso sa’min at dinala niya kami sa Theater 3. In fairness,
parang chums sina Andreau at Ms. Mona ha, may kamustahan portion pa silang dalawa
eh.

Bago kami pumasok sa Theater 3, tumigil muna si Andreau sa harap ng snack bar.
“Zades, do you want anything?”

Umiling ako. “No, okay lang ako.”

“C’mon. I bet hindi ka na bu—“

“I don’t eat during movies. Sorry.”


Gulat na gulat siya sa sinabi ko. “Seryoso? As in ‘di ka bumibili ng popcorn?”

“Nope.”

“Kahit drinks? Candy?”

I glared at him. “Hindi nga. Ayokong kumain kasi maingay, okay?”

“Fine, whatever,” bumaling siya ulit dun sa tindera sa snack bar. Moments later
bumalik siya sa tabi ko dala-dala ang isang malaking lalagyan ng cheese flavored
popcorn at drinks. “Wag kang hihingi ha?” asar niya sa’kin.

“Sayong-sayo na yan!”

“I can’t believe may mga taong ‘di kumakain ng popcorn kapag nanonood ng sine,” he
mused as we went inside the theater. “Popcorn is an essential, Zades. Please do
remember that.”

Marami pa siyang sinabi about sa movie essentials niya kaso ‘di ko na pinansin.
Nagfocus ako sa set up nitong Armo’s. Akala ko joke time lang ni Ms. Mona na 50-
seater lang ‘tong theaters nila dito. Cozy nga ang place, perfect for intimate
viewing. Okay Zades, shut up. Kung anu-ano na naman yang iniisip mo!

Sinundan ko si Andreau sa middle row, ang favorite row daw niya ever. Nanibago ako
sa upuan nila dito, recliner kasi (La-Z-Boy, Zades. La-Z-Boy!), at feeling ko
anytime makakatulog ako.

We agreed to watch three films: tig-isa kami ng pick then the last one ay random
naming pipiliin. So far okay naman ang mga napili naming movies:

Andreau’s pick: The Shawshank Redemption –na akala niya hindi ko alam. Hello, it is
a Stephen King classic! Hindi pa raw niya nababasa ang novella so I ended up
narrating it habang nanonood kami. Pinansin ko rin yung scenes na iba or wala sa
novella. Eventually napikon sa’kin si Andreau at sinabihan akong wag maingay at wag
spoiler. Ugh. Anyway, maganda ang movie!! Umiyak nga ako sa ending eh! Medyo
nagkaron pa kami ng 15-minute synthesis ng difference ng novella at movie. In the
end naconvince ko si Andreau na basahin ang novella para malaman niya ang mga
pinaglalaban ko. (And I also learned na hindi na ako magsasalita habang nanonood ng
movie si Andreau kasi masakit siya mangurot. Damn it!)

My pick: Nightmare On Elm Street – the original one, Andreau pointed out. Sa totoo
lang never ko pa ‘tong napapanood (not a fan of horror movies), at pinili ko lang
‘to para asarin si Andreau. It turned out na takot pala siya kay Freddy Krueger!
Akala ko nung una nilalamig lang siya kaya dumidikit siya sa’kin, yun pala
kinakabahan siya. He couldn’t even look at the screen dun sa scene na may lumutang
sa kama tapos pinatay ni Freddy (my favorite scene of all!). In fairness ha, ang
cute ni Johnny Depp dito (na ngayon ko lang nakilala, thanks to Andreau)!
Random pick: Oceans Eleven – na ikinagulat niya na napanood ko na. Well in my
defense, nanonood naman ako ng piling movies pero wala akong pake sa pangalan ng
actors. As usual hindi nawala ang pang-aasar ni Andreau sa’kin kina Brad Pitt at
Tom Cruise. Seriously, akala ko si Tom Cruise ‘tong nasa 11! And because of this
movie, naging crush ko si George Clooney. God, that smolder though!

Nakalabas na kami ng Armo’s nang marealize ko na halos six hours kaming nanonood ni
Andreau ng movies. The last time na nanood kaming dalawa.. well.. he kissed me.

As if gagawin niya ulit ‘yon, Pascual. Dream on.

Since inatake ako ng topak ko, pinagtripan ko si Andreau habang nasa sasakyan kami.
Kanina ko pa kasi siya tinatanong kung bakit ayaw (hindi raw siya takot) kay Freddy
Krueger pero ayaw niyang sumagot. So.. I ended up singing that creepy song from the
movie just to annoy him. “One.. two.. Freddy’s coming for you..”

“Zades, stop it.”

“Three.. four.. better lock your door.”

Mas humigpit ang hawak ni Andreau sa manibela. Pinandilatan niya ako pero hah,
sorry na lang siya. “Zades.. not funny.”

“Five.. six.. grab your crucif—“

“Scheherazade Pascual, stop it right now!” he shouted angrily, much to my surprise.

Hala, nagalit na agad siya dahil sa pagkanta ko? I admit, panget din ang boses ko
pero.. grabe naman, sobrang touchy! Kaso.. nagalit nga ata siya. Oh no, baka mamaya
maglakad ako pauwi ng dorm nito! “Andreau.. sorry na,” I said contritely. Hindi pa
rin siya nakatingin sa’kin. Sungit! “Uy.. eto naman ‘di mabi—“

At ang loko, bigla na lang tumawa nang malakas! “Holy shit, Zades!” hingal niyang
sabi in between laughs, “y-you should’ve see—“

“Hindi ka nakakatuwa!!! Ihuhulog kita palabas ng sasakyan eh!” Kainis talaga ‘to!
Minsan nakakalimutan ko na award-winning actor siya! Acting lang pala ‘yon? UUGHHH
PAHINGI NGA NG ANDREAU CORTEZ MANUAL PARA MALAMAN KO KUNG UMAACTING LANG SIYA O
HINDI!

“Eto naman! I’m just kidding!” sabi niya after ng laugh-a-thon niya. “Goodness,
Zades. Ang panget pala ng boses mo, ano?”

“Tse! Nagsalita ka ha! Mas panget boses mo! Kulang lang ako sa training!”
Napailing na lang siya sa sinabi ko. “Nga pala, Armo says hi. Sayang ‘di niya tayo
naabutan kanina, may meeting siya sa Makati.”

“Armo? Yung may ari nung movie place? Friend mo?”

“Yup. Three years older sa’kin sa Film Insti ‘yon. Siya yung Director of
Photography ng Waiting Shed. You’ll like him.”

“Aahh.. kaya pala chums kayo ni Ms. Mona kanina. Akala ko random mo lang nahanap
yung Armo’s.”

Andreau chuckled lightly. “Three years pa lang yang movie place.. puro mga taga-
Film Inst yung may-ari. Okay naman yung place, ano? Admit it, tuwang-tuwa ka sa
posters.”

“Oo na! Nakakatuwa yung posters ha. Ngayon ko lang nalaman na naging Panday pala si
FPJ. Ang cool!” He shot me that incredulous look. “Yabang mo rin ah! Malay ko ba na
naging Panday siya!”

“Fine fine. Tinignan lang kita ah. Anong masama don?”

“Judgmental ka kasi! Ugh!”

“Nag-enjoy ka naman, ‘di ba?” he asked shyly. Oh. I knew it. Kanina pa niya gustong
itanong sa’kin yan! Nahiya pa siya!

“Oo naman! Sana iniwan na kita kung ‘di ako nag-enjoy, ‘di ba? Nga pala, lagi ka
bang pumupunta dun? Kasi ngayon mo lang siya nabanggit sa’kin so...”

It took him awhile before answering. “I go there whenever I want to disappear for
awhile,” he simply said with a small smile.

Oh, that was his hiding place huh? I didn’t know why he told me that pero tinandaan
ko na rin just in case kailanganin ko in the future.. and mukhang masarap yung
popcorn nila so yayayain ko si Kesh next time.

xxx

For my turn, pinili ko ang roadtrip around South. For the nth time today, muntikan
nang hindi pumayag si Andreau sa gusto ko. Wala naman daw kaming mapupuntahan don
so I suggested na dumaan na lang kami sa SLEX para masabing roadtrip. Sinagad ko na
ang kakulitan ko para mapapayag siya. Lakas din ng topak nitong si Andreau minsan
eh, parang babae na kailangang suyuin! Ugh.
 “Seriously, takot ka sa dugo? Kaya ba ayaw mong panoorin yung Nightmare On Elm
Street kanina?” Nasa Nuvali kami, kumakain ng dinner sa Yellow Cab. Hindi ko talaga
gustong kumain sa labas kasi nga kukuyugin na naman siya ng fangirls niya kaso siya
‘tong nagpumilit. Ayun, mga 20 minutes din bago kami naka-order kasi nagkaron pa ng
mini fans day sa loob nitong restaurant. Hay.

“What? No!” Andreau shrugged, trying to be nonchalant. “My fear of Freddy Krueger
has nothing to do with blood. He scared the shit out of me when I was younger. Mas
nakakatakot yung Elm Street nung 90s, Zades.”

Inubos ko muna ang pizza ko bago siya asarin. “Nyay, corny ka pala eh!”

“Mas corny ka. Hindi ka nanonood ng horror movies.”

“Tse. So.. bakit ka nga takot sa dugo?”

He paused. “I just don’t like it.”

“Really now? Stop fibbing, Andreau. Spill! Gusto mo pa bang kunin ko yung listening
st—“

“Okay okay.” He leaned towards me and whispered, “Takot.. kasi ako sa karayom. I
was hospitalized when I was.. seven or eight.. can’t really remember. Kailangan ng
blood sample for the blo—“

“I know what a blood test i—“

He sat right up. “Do you want me to continue or not?” Binelatan ko siya so no
choice siya kundi ituloy. “Where was I? Ah yeah. Blood test. I was really fucking
nervous. Tandang-tanda ko pa yung araw na yun. Tinakbuhan ko pa yung nurse na
kukuha ng dugo sa’kin. I’m sure hihimatayin ka sa kakatawa kung andun ka.”

Sinadya niya sigurong sabihin ‘yon habang umiinom ako ng iced tea para masamid ako.
Damn him. “My God, I could imagine it! Parang nasa slapstick comedy!”

“Yeah, kinda like that. Ilang beses din akong tinusok kasi ‘di raw mahanap yung
ugat sa sobrang likot ko. Nakakatakot kaya! Ayokong nakikitang tumatagos yung
karayom sa bala— holy shit I can’t even explain it,” he even shivered a bit. Wow,
ganun talaga siya katakot sa karayom? Weird.

“Ganyan din si Kesh! Hinimatay siya nung kinunan siya ng dugo last year. Eh isa
pang gaga ‘yon, nagvolunteer pa kasi sa blood drive ng Red Cross!”

“It’s damn dreadful, Zades. Akala ko masasanay ko ‘yon since madalas akong nao-
ospital. As usual, mali ako.”
“Sus, okay lang yan! Wait.. don’t tell me pati sa dextrose takot ka rin?”

Napalunok na lang siya.. and there goes my answer. “Sometimes.. yes. Well.. after
ng blood test, naconfine ako. Pahirapan din yung paglagay ng dextrose sa’kin so no
choice yung nurse na sa paa ko itusok yung dextrose.”

“Sa paa? Seriously?”

“Oo nga! Nagulat din kami dun pero nagwork naman. Di na ako nagreklamo, baka ilipat
pa sa kamay ko eh. Ang sakit non.”

“Goodness, next time nga na maospital ka iinform mo ako ha? Para makita ko—“

“Wow, very sensitive of you, Zades.”

“Eto naman, joke lang! Di na mabiro!”

“I told you to stop making jokes, right?”

“Ugh. Ikaw din, wag ka na magjoke kahit kelan.” A small giggle escape from my
(stupid) mouth. Lagot.

“What’s funny?” he questioned in a hushed tone.

“Wala lang.. naimagine ko lang na tinatakbuhan mo yung malaking karayom. My God,


please stop me from laughing!” “Namumutla ka na sa kakatakbo tapos sabi nung
malaking karayom I’m gonna get you, Francisco! I want your blood! I want your
blooooood!”

Andreau stared at me as if I was a mad woman. Well.. napatingin nga sa’min yung
ibang customers so.. medyo baliw na ata ako. “Ginawa mo namang bampira yung
karayom, Zades.”

“Kairita ka! Ang funny non hahaha! Ayan, Andreau! Learn mo na yang jokes! Nag-
improve na ng 1% yang sense of humor mo! Hahaha!”

“Ewan ko sa’yo. Baliw ka na talaga.”

xxx
As expected, inabot kami ng traffic sa EDSA nung pauwi na kami. Okay lang naman
sa’min ni Andreau, nagkwentuhan na lang kami about random stuff like acads, showbiz
chismis, lovelife ni Mars at umabot pa kami sa point na nag-usap kami in straight
Italian. In fairness, nag-improve nga ang Italian skills niya!

Nastuck kami sa Cubao, as in walang galawan ng mga sasakyan. We completely forgot


na Friday ngayon damn it!

Tahimik lang kami ni Andreau for few minutes, and no one had the courage to break
that silence. Parehas na kaming pagod sa mga pinaggagawa namin buong araw. Ang
daming ganap ha! Then, a question suddenly popped inside my head. Kasalanan ‘to
nung billboard ni Kuyang Hybrid #2 (yung sexiest man alive last year) kanina sa may
Magallanes!

Kinapalan ko na ang mukha ko. Here goes nothing. “Can I ask you a question? Have
you ever posed for a billboard? Katulad nu—“

“Ah. The underwear thing?”

Naks, mind reader si Francisco? “Uh.. yeah.”

Andreau grinned. “Ba’t ka nahihiya? It’s just underwear.”

“Pake mo ba, ha? Ikaw nga ‘tong nahihiya sa word na sex eh!”

He instantly went pink upon hearing that word. “You really went there, huh? Fine.
I’m not gonna answer your question.”

“Kill joy mo! Kainis! Just answer my question!”

“Yeah, I did.” My eyes actually widened at his admission. Di nga? Nagpose siya na
naka..underwear lang?! “Actually last year meron ah. Sa may Guadalupe. We had that
underwear and jeans fashion show last year, September. Hindi mo ba nakita ‘yon?”

I shook my head, completely averting my gaze from him. Tumingin na lang ako sa may
bintana at pinanood ang mga sasakyang nastuck sa gilid namin. “Nope. Hindi ako
pala-gala at pala-internet last year. Yun lang talaga billboard mo?”

“Well, no. Medyo marami-rami na rin akong naging billboard, Zades. The first one
was for my first teleserye. Magkasama kami ni Jillian don.”

Whew, thank goodness nilayo na niya sa underwear shit! “Anong feeling ng


magkabillboard, Andreau? Isn’t it weird?”
He paused for a moment. “The first one was okay. Pero yung mga naunang under—“

“Meron ka pang ibang underwear billboard!?”

“Why are you so scandalized?” he let out a laugh, smirk widening. “I’ve been their
endoser for almost four years now. And tatlong billboards lang yung underwear, the
rest was for jeans. Google mo na lang just in case curious ka.”

“H-ha? Hindi ako curious! Sagutin mo na nga lang tanong ko!” My god, I could feel
my cheeks burning already. Ba’t ba ako na pinagtitripan ngayon? Ugh.

“Okay. Naka-sando ako sa first billboard ko for them. If ever mang i-Google mo
‘yon, always remember that was taken before Gold’s Gy—“

“Weh? Nagbillboard ka nung totoy ka?”

“God I really really hate the word totoy,” Andreau said in disbelief. “But yes, I
did. Body conscious pa ako nun.”

“Sabi na nga ba eh! Vain ka!”

“Oh shut up. But honestly? I’m kinda.. embarrassed.”

Si Andreau.. nahiya? Sa kapal ng mukha nito kapag inaasar ako.. teka niloloko ata
ako nito eh! “Why? Buti nga may sando ka pa eh!”

“Well.. mahiyain pa ako nun. At hindi pa ganun kaayos yung katawan ko. If you met
me back then, malamang binully mo na ako.”

“Uhh.. hindi pa ba kita binubully ngayon?” he glared daggers at me. “Wait, sorry.
The before Gold’s Gym era! Dugyot ka pa nga non!”

“Now I really regret showing you that picture. And please, don’t call me dugyot. I
hate that word, too.”

“Sorry na! Eh ba’t ngayon ‘di ka na nahihiya? Kasi maganda at sexy na katawan mo?”

“Sabi na nga ba eh. You find me sexy.” That smug smile on his face annoyed and
tensed me a little.

“Kapal ng mukha nito!” sinuntok ko ang braso niya, and boy did that hurt. “Hindi
lang naman sa katawan applicable ang sexiness! We’ve been through this before!”
“Hah, try mo kasing i-Google yung pho—“

“Nope. Not gonna do that!”

“I’m just kidding! But to answer your question.. nasanay na ako. Buti na lang puro
jeans na ang minomodel ko for them lately. Ngayon, I’m really uncomfortable with
standees.”

His uneasiness towards the subject made me curious. Artista naman siya ah, ba’t ‘di
siya sanay sa mga ganun? “Seryoso? Sa totoo lang ang creepy nga non! I remember one
time kumain ako ng dinner dun sa fast food na ine-endorse mo.. my goodness nagulat
ako sa standee mo! And bakit ‘di proportion yung kamay mo dun? Mas malaki pa sa
mukha mo eh! Di ata marunong mag-Photoshop yung gumawa!”

“Meron pang isa, for a facial wash. Sa convenience stores lang meron nu—“

“Yeah, I remember! Don’t tell Kesh I told you this pero dati nagpapicture siya dun
sa standee mo sa 711. One of her lowest fangirling moments, I tell you.”

“Seriously? Si Kesh?“ tawang-tawa na naman siya.

“Oo nga! Lalasunin ako nun pag sinabi mo sa kanya! Pero naman kasi Andreau, you’re
all over the place!”

“Kakasawa mukha ko, ano?”

“Slight! Sus, tuwang-tuwa naman fangirls mo! Alam mo bang may nanghingi nung
standee mo sa 711 dati? Nakwento lang sa’kin ni Kesh. Inis na inis nga siya eh,
nahiya lang daw siyang hingin ‘yon tapos ma nakauna sa kanya!”

“Yeah, may nagtatag sa’kin sa Instagram. It’s really creepy. Anong gagawin nila
dun, ‘di ba?”

“God, may naimagine ako bigla. What if kumuha si Kesh nung standee mo tapos
nakatambay lang ‘yon sa kwarto namin,” I shuddered at that thought. “My God, para
kang si Edward Cullen na binabantayan si Bella kapag natutulog.”

Natawa si Andreau. “Oh shut up, Zades. That’s plain creepy.”

“Ibang klase talaga ang fangirls, Andreau. You should know that, ang dami mong
ganun.”

Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero bigla na lang siyang humagalpak sa


kakatawa. Hinigpitan ko ang kapit ko sa seatbelt ko just in case biglang magswerve
‘tong sasakyan. “A-ano yun?”

“W-wait lang,” he took three deep breaths before continuing. Kung ano man ‘tong
ikukwento niya... kinakabahan ako. “This happened last year, habang shooting ng
Love Will Lead You Back. Pauwi na kami ni Mars galing ng Tagaytay nun, around 3AM,
I think? Almost 20 hours na kaming gising, and imagine the drive back to Manila.
Kahit madaling araw ang layo pa rin. Anyway, ayun, Mars was driving tapos ako hindi
makatulog. We were both tired and hungry, and ang init ng ulo ni Mars. So I
suggested na tumigil muna kami sa pinakamalapit na fastfood or ano. We ended up in
711 kasi no choice na. Since mainit ulo ni Mars, ako na yung bumaba para bumili.
Shit lang, sobrang pagod na talaga ako nun. I—“

“Eh ba’t ‘di muna kayo nagpahinga ni Mars tsaka na lang umuwi nang maaga? And
nasaan trailer van mo?” I asked him.

He blinked twice before answering. “Uhh.. sira yung aircon ng van. And may guesting
ako ng 10AM so we really had to go back early. Ano, tuloy ko na?” I nodded, as if
may iba pa akong choice. “So.. where was I? Ah okay. Yun, lumabas na ako. Medyo
papikit-pikit na ako nun. I think I was half-asleep back then! Lakad ako.. tapos
maya-maya, may nabangga ako. Umiwas ako, pero nabangga ko pa rin. Susuntukin ko na
sana eh, baka nanggagago lang o ano. But when I opened my eyes.. I saw.. myself.”

“What!?”

“Yeah, I saw myself! My standee, actually. But that didn’t end there. Nung
pagkakita ko sa standee ko.. I screamed so loud and punched it,” he said quickly.
Hindi ko gets kung nahihiya ba siya o ano.

Naimagine ko yung pagsuntok at pagsigaw niya.. and oh God. Si Andre— I burst out
laughing... and crying. And then I apologized repeatedly (Ayaw ko namang magalit
siya sa’kin kasi tinawanan ko na naman siya, ‘di ba?). When I finally quieted down
after few seconds, I realized he was laughing, too.

“My-my God, Andreau,” I exclaimed as I wiped tears off my face. “Oh my God that was
so embarrassing!”

“I know! Nakita pa nung guard at ni Mars lahat at tawang-tawa kami. I swear, nawala
antok at pagod naming dalawa dahil dun!”

“O, what happened next?”

“Ayun.. bumili ako ng pagkain, kwentuhan sa cashier kasi nakita rin pala nila. It
was so hilarious! But damn, that was batshit crazy and scary. After than
kinikilabutan na ako kapag nakakakita ako ng standees ko.”

Pinaulit-ulit ko sa utak ko ang embarrassing moment ni Andreau.. sobrang funny


talaga. Ibang klase talaga nagagawa ng pagod sa tao, ano? And he’s Andreau Cortez
for heaven’s sake! Di mo aakalain na may mangyayari sa kanyang ganun!

“Sus, tuwang-tuwa ka naman dyan!” asar niya sa’kin. Pangiti-ngiti na lang siya,
parang engot. “Ganyan ka eh. Tuwang-tuwa ka sa mga kamalasan ko.”

“Ah, Schadenfreude!” I pointed out matter-of-factly. Nagtaka siya sa sinabi ko.


“Meaning enjoyment obta—“

“—obtained from the troubles of others,” he finished my sentence with a knowing


smirk. “A German noun.”

“H-how di—“

“Laging ginagamit yan nina Lee at Anya nung sophomore year. Tuwang-tuwa yung dalawa
dun sa word na ‘yun for no reason.” Wow, seriously? At nakakatan— “It’s good that I
could still surprise you, Zades. Akala mo ikaw lang may alam ng weird words ha?” he
teased, smiling like an idiot.

“Hah, ang simple naman ng word na yan! Alam mo ba yung opposite ng Schadenfreude,
ha?” Andreau looked crossed for a second. Of course, hindi niya alam! “It’s
glückschmerz. Meaning, the sorrow and discomfort felt at the good fortune of
others. Ano, alam mo yon?”

“Tsk. Of course hindi ko alam,” he hissed as he took a right turn. Oh, pabalik na
pala kami ng campus! How come ‘di ko napansin? “Thanks for the new word, Professor
Pascual.”

“Whatever. I’m just sharing new information. Friends do that, right?”

“No one likes a know-it-all, Zades.”

“Hah. Tell that to yourself.”

xxx

10:30 PM na nang makarating kami sa dorm ko. Dapat mas maaga pa kami nakarating
kaso ‘tong driver ko (feel na feel?) may dinaanan pang donut shop para sa
pasalubong niya kay Tristan. He even bought a dozen for Kesh, kasi nagdedeposit na
siya if ever madulas siya dun sa standee fiasco na sinabi ko sa kanya kanina. See,
ibang klase talagang kaibigan ‘tong si Francisco! Ang daming alam!
Tinatanggal ko ang seatbelt ko nang mapansin ko na pangiti-ngiti si Andreau habang
nakatulala. Hala, tuluyan na atang na-aning ‘tong kasama ko! “Hoy,” kinurot ko siya
sa braso. Wow hello po, muscles! “Para kang sira dyan. Why are you smiling?”

Still smiling, he slowly shook his head. “Nothing. Narealize ko lang na buong araw
kong ‘di inisip ang tila. Well.. mga 12 hours ko ring ‘di inisip ‘yon. To be
honest, I don’t really know what to feel. Almost 7 years ng buhay ko nilaan ko
dun.. and finally, I’m three steps closer to the end.”

“Akala ko pa naman one step closer na sasabihin mo!”

“Malamang three steps pa! May filming, editing and defense pa bago ako
makagraduate!”

“Eto naman ‘di mabiro! Gets ko naman yung point mo!” I sighed. Three steps to go,
huh? Mabilis na ‘yon! Sa April na ang defense ni Andreau.. and halos buong second
semester ang filming at editing. Okay siya na maraming time! “Ano na feeling mo
ngayon, ha? Na malapit mo na matapos?”

He chuckled good-naturedly. “Naks, ikaw ba yan, Zades? Nagtatanong ka na ng


feelings ngayon? Wow, what an improvement!”

“Bwiset ‘to! Seryoso naman kasi ako ano!” Pero oo nga ano, totoo bang nagtanong ako
ng nararamdaman niya? First time ba ‘to? May jutes kaya yung burger kanina kaya
ganito ako? Hay!

Andreau fell silent for awhile, completely deep in thought. Masyado naman niyang
sineryoso yung tanong ko. “Honestly? I’m shit scared,” he admitted with a shy
smile. “I’m scared of what people would say about Tila. Siguro.. ayoko lang magfail
at masayang yung seven years ko. It is my dream project. I know I could do better
but.. this is my first. Panganay ko ‘to eh. It would set the bar to my next films,
if ever meron man mga kasunod. Shit, I’m being pathetic, am I?”

“Baliw ka, of course not! Normal lang naman ang matakot, Andreau. Pero isipin mo
ha, worth it naman sa dulo, ‘di ba? Lahat ng oras at pagod mo wo—“

“Pagod ko lang? Ikaw din ah!”

“Ha?”

“We’re in this together, Zades. Don’t forget that,” he casually said, flashing that
mysterious smile again. “Hindi ko magagawa at matatapos yung Tila kung wala ka.
Partners, remember?”

Be still, my heart. And I thought immune na ako sa mga ganyan ni Andreau! “Oo na,
partners na. Kahit lagi mo akong binabara at tinawanan mo ideas k—“
“Hindi kita binabara! Ikaw ‘tong ‘di nakikin—“

“Hay nako, Cortez! Mas masungit ka pa kesa sa’k—“

“I’m not! Ikaw—“

We suddenly stopped, and laughed out loud. Ang seryoso na ng usapan namin tapos
biglang ganito? Unbelievable!

“So.. pa-thank you mo ‘tong adventure natin ngayong araw?” tanong ko sa kanya nang
nagsubside na ang mga tawa namin. Kanina ko pa talaga gustong itanong sa kanya ‘yon
kasi nakukulangan ako sa dahilan niya. Hindi naman ‘to basta-basta mag-aaya nang
walang mabigat na dahilan eh! When he didn’t say anything, I added, “Sana pala
nagpa-thank you ka rin nung Dagat ng Bu—“

“Actually, no.”

Oh. Oh. “Eh.. ano ‘to?”

“Uhh..” He couldn’t even look at me! Great, nayon pa siya naging Shy Andreau!

Facing him fully, I asked, “Is this a date, Andreau?”

“Do you want it to be?”

“Andreau.. sabi ko nga sa’yo.. hindi ako makikipagdate sa’yo, ‘di ba?”

He sighed. “You said it before, you don’t want to go on a date with me because, and
to quote you, I can’t afford you and your wants.”

“Kelan ko sinabi yan?”

“Nung pinagkamalan tayo ni TJ na nagdi-date sa Feliz? The fika thing?” he supplied.


Umiling ako kasi hindi ko talaga maaalala. “Seriously, you don’t remember? That’s
when you said the fika thing.”

Oh God. Blessing siguro sa kanya ang pagkakaroon ng sharp memory. Sa’kin? Curse
‘yon. Lahat na lang ba ng sinasabi ko eh naalala niya? “Hay nako, Francisco. I
remember na. Eh ano—“

“Relax ka lang, Zades,” natatawa niyang sabi. Ba’t sobrang chill lang niya? Hello,
nagpapanic na ako dito!! “This isn’t a date. Wag mo masyadong i-overthink ‘to,
okay?”

“Pero sabi mo kan—“

“I asked you if you want this to be a date. You said no.. so.. it’s not a date.”

“I didn’t say no—“

“You did sa—“

“What if I want this to be a date? What would you say?”

It was my turn to surprise him now. Pero shit, why did I say that? It’s too late
for me to take it back. Mas mabilis pa magfunction ang utak ni Andreau kesa sa’kin
so malamang iba na ang iniis—

“It’s alright, Zades. It’s alright,” he said dismissively. For a second there I
thought he said it in a.. sad voice. Titignan ko pa lang sana siya nang masinsinan
kaso ngumiti siya kaagad. “I’m just kidding. This isn’t a date. Pa-thank you ko
lang talaga ‘to.”

He’s smiling, alright.. kaso ba’t hindi pa rin ako mapalagay? Did I offend him?
Date ba talaga ‘to? “Andreau.. okay ka lang ba? I mean.. if this is a da—“

“No no, it’s not,” he smiled at me, too bright for my comfort. “You’re right, I
shouldn’t tell jokes. I’m not that funny.”

We fell silent for few minutes. May nasabi ba akong mali? My golly nasaan ba si
Kesh kung kelan kailangan ko siya! Ayokong maging awkward kami—

“Zades, okay ka lang ba?” Andreau asked, laughing softly. “Ba’t ang lalim at—“

“Did I offend you?”

“No. We’re solid, Zades,” he let out an assuring smile to prove his point. “Wag ka
masyadong mag-aalala.”

“As in? Diamond?”

He nodded earnestly. “Besides.. you’re right. Friends shouldn’t go on dates. Hope


you had fun today, though!” I was expecting him to flash that mysterious smile
again but.. all I got was that charm smile.
Sana yung mysterious smile na lang ang ginamit niya sa’kin. Kasi sa totoo lang..
parang pinamukha ni Andreau sa’kin na naoffend ko siya dahil sa charm smile na
‘yon.

=================

[33] Everything Is Better In Your Arms

Chapter 33: Everything Is Better In Your Arms

A week later..

Finally, natapos na rin ang pinakaayaw kong part ng sem: ang finals week.

Sino bang gustong magtake ng finals ha? Hindi naman kasi required sa ilang subjects
ko this sem ang magtake ng final exams pero may isang epal na subject ang
nagmaganda! Ugh, imbes na natutulog na lang ako nang mahimbing ngayon, namroblema
pa ako sa epal na subject na ‘yon. At sinadya pang sa last days of finals pa ang
sked, at 7am-9am pa! I admit, mahirap naman talaga ang subject na ‘yon pero feeling
ko may galit sa’kin si Sir. Insecure? (Kapal ko talaga minsan ano?)

Speaking of, eto na ang pinakahihintay na week ni Andreau. The judgement week.
Kahapon niya pinasa si baby Tila at maghihintay na lang siya ng feedback bago siya
makakuha ng go for shooting. Kunwari chill pa si Andreau pero ramdam kong
kinakabahan din ang loko. Kung ako nga na co-writer sobrang kinakabahan, paano pa
kaya ang evil mastermind? In fairness, ang galing din niyang umacting na chillax
lang siya. If I were him, wala nang natira sa mga kuko ko sa sobrang paranoia at
kaba.

Thesis kasi ‘yon eh. Dugo’t pawis na thesis! Lalo tuloy akong kinabahan sa thesis
ko next year, baka pumalpak. Kailangan ko na bang gamitin ang Jillian Cabrera
connection ko? Dear Lord, aasarin na naman ako ni Andreau non!

Wala na si Kesh pagbalik ko ng dorm. Unlike me, sinwerte ang roommate ko sa mga
prof niya this sem. Wala siyang required projects or finals! Ayun, umuwi na siya
kanina sa Cebu at iniwan na akong mag-isa dito sa dorm. Nagdadalawang-isip pa ako
kung babalik ba ako ng San Ignacio o hindi. Baka kasi may biglang gawin dito sa
Manila or kailanganin ako ni Tristan.. mahirap na.

I checked my phone for messages (I know, a new habit of mine. Kailangan palang
gumanda ang phone ko para mamansin ako ng texts!), puro kina Kesh, sa classmates ko
and nag-iisang text ng isang cash loan shit ang nareceive ko. Ni isang text from
Andreau wala. Kagabi ko pa siya tinext para kamustahin yung pagpasa niya ng script
kaso nganga pa rin. Maayos naman ang texts ko ah?

7:45 PM  Hey anong nangyari? Sinigawan ka ba ng adviser mo? Panget daw ba? Aabangan
ko na ba yan sa kanto ng Film Inst?

10:18 PM  Uy joke lang. Hindi ko aabangan yung adviser mo sa kanto ah. Sorry na.
Epic fail talaga ang sense of humor ko. Kamusta nga? Okay lang ba daw?

6:57 AM  May exam ka ba later? Kwento ka naman o! Wag sarilinin ah!

That’s weird. Mabilis namang magreply si Andreau, lalo na pag tungkol kay Tila ang
usapan. Minsan tatawag pa nga siya pag lagpas 6 hours na siyang ‘di nagrereply eh.
Ba’t ngayon ignored ako? Nanakaw ba ang phone niya?

Para matahimik na ako, tinext ko na siya one last time. Baka nagmovie marathon siya
kagabi kaya ‘di namansin. Ganon kasi siya, ayaw niyang naiistorbo ang panonood
niya.

9:28 AM  Uy gising ka na? Magreply ka naman oh. Kwento. Text me kung wala kang
gagawin mamaya. Café Feliz!

Ewan ko na lang kung anong magiging ganap pag ‘di pa siya nagreply. Ugh.

xxx

Three hours later, wala pa ring reply from Andreau. Nakatapos na ako ng 4 episodes
ng Doctor Who Series 4.. ni isang text o tawag wala.

Nakakainis, hindi talaga ako sanay na iniignore ako ni Andreau. Yuck, kelan pa ako
naging clingy? Kinakabahan din kasi ako, baka mamaya may masamang nangyari na sa
kanya or what. Tapos may makakita pa sa mga text ko sa kanya.. triple shit ano ba
‘tong mga naiisip ko!
Tinawagan ko na siya para matahimik na ang loob ko. Bahala na kung mabreak ko ang
promise ko sa kanya na tatawagan ko lang siya kapag may emergency or something
important. Siguro naman counted na emergency ‘to ‘di ba?

Kaso damn, cannot be reached.

Weird, hindi naman pinapatay ni Andreau ang phone niya. In fact, ayaw niyang
nawawalan ng battery ‘yon kaya lagi siyang may dalang extra phone or car charger.
What gives? Iba na kutob ko dito sa disappearing act ni Francisco ha. Nanay levels
na ang pag-aalala ko dito!

Una kong tinawagan si Roldan, hoping na magkasama silang dalawa ngayon. Kaso nganga
rin, last na contact ni Roldan sa best friend niya ay two days ago, nung sabay
silang nagpacarwash (Really now? Sabay pa ha?). Hindi rin daw niya alam kung nasaan
‘yon ngayon.

“Wag mo na lang hanapin, Zades,” he told me before hanging up. “Bukas magrereply
din yan sa’yo. Manood ka na lang ulit ng Who. Maganda na yan!”

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Wag ko raw hanapin si Andreau? Ba’t naman
niya ako sasabihan ng ganun? Is he in trouble? Ano ba ‘tong magbest friend na ‘to,
masyadong secretive! No wonder nai-intriga eh!

Bumalik na lang ako sa panonood ng Doctor Who kaso.. wala na ako sa focus. Masyado
akong nabagabag sa sinabi ni Roldan sa’kin. Hindi naman siya magsasabi ng ganun na
walang basis ‘di ba? At eto namang si Andreau, hindi naman siya iiwas kung wala
lang. Something’s fishy! Ano kaya ‘yon?

Dumiretso agad ako sa Skyline para i-check kung nasa condo lang si Andreau. Nako,
tutuktukan ko talaga siya pag naabutan ko siyang tulog! Ano ‘yon, 12 hours asleep?
Planong maging si Sleeping Beauty?

Pero bago pa ako makaakyat ng 19th floor, nakasalubong ko si Mars sa may lobby ng
Skyline. Kakagaling lang daw niya kina Ms. Marisse para kunin yung ilang gagamitin
nila for their Davao trip. Nang tanungin ko na siya about kay Andreau...

“Si Andreau ba?” taas kilay niyang tanong sa’kin. “Ba’t mo naman hinahanap ang baby
ko?”

“Hindi kasi siya nagrereply sa’kin since last night e—“

“Ayan eh, sa ganyang paandar kaya napagkakamalang kayo!” pinandilatan pa niya ako.
Kaasar, talagang dito pa niya ako pinagalitan! Buti na lang wala masyadong tao sa
lobby!

“Mars naman.. baka alam mo naman kung nasan siya,” I slightly pleaded. Yuck, ‘di
talaga ako convincing na magmakaawa.
Rolling her eyes, Mars checked her phone. “Wala rin siyang text sa’kin. Don’t
expect him to reply today. Bukas ka mag-abang, I’m sure sasagot ‘yon.”

That mysterious answer again! “Ba’t niyo ba sinasabi yan ha?”

“Ang alin?”

Kung ‘di lang si Mars ang kausap ko baka dinukot ko na mga mata nito eh. “Si Roldan
kasi.. tinawagan ko kanina. Sabi niya sa’kin wag ko raw hanapin si Andreau. Na
bukas pa raw magrereply ‘yon. Anong meron, Mars?”

Binaba muna ni Mars ang mga paperbag na hawak niya. Nagdadalawang-isip pa ata siya
kung sasabihin niya sa’kin ang mga nalalaman niya o hindi. “Fine,” she said,
defeated. “Dapat kasi kay Andreau manggaling ‘to para ‘di magmukhang chika.”

Shit, mas kinabahan ako dito ah. Ano na naman kaya ‘to?

“Death anniversary ng parents ni Andreau today, October 11,” Mars said solemnly.
“Laging wala si Andreau kapag 11th. After nilang bisitahin ang puntod ng parents
niya, nawawala siya for the rest of the day. Hindi na namin siya nacocontact dun.
At first nag-aalala kami kung saan siya nagpupunta, baka nagdudrugs or nag-iinom
somewhere. Thank God he didn’t do those things! Sapakin ko siya eh!”

Ay shit. Natandaan ko tuloy yung kwento ni Ms. Marisse sa’kin last year. Ganun nga
mina-manage ni Andreau ang death anniversary ng parents niya. “Uhhh.. bumisita ba
sila kanina? Sa cemetery?”

To my surprise, Mars shook her head. “Sina Ms. Marisse at Tristan lang. Wala si
Andreau. Actually kakagaling lang naming don kanina. Ilang beses naming tinawagan
kaso he turned off his phone.” Ngayon ko lang nakita si Mars na ‘di mapakali pag
dating kay Andreau. Sa mga chismis and other stuff tinatawanan lang niya, pero eto?
Mukhang hindi na abot ng powers niya.

“Hindi niyo naman ba siya hahanapin? As in?”

“Naku Zades, pabayaan mo na lang si Andreau,” napangiti siya sa’kin, as if pleading


to understand her or them. “Ayaw niyang magpahanap. It’s his own way of grieving.
Lalo na ngayon, 10th death anniversary na nina Ma’am Lianne.”

Alam kong wala sa lugar pero naiirita ako. Bakit hindi nila hinahanap si Andreau?
Yeah right, I get it. It’s his own way of grieving blah blah pero.. kailangan din
naman siguro niya ng kausap ‘di ba? 10 years na niyang ginagawa ‘yon yet.. ugh.

“Zades? Okay ka lang?” tanong sa’kin ni Mars. “I know what you’re thinking right
now. Promise, kahit hanapin mo pa siya kung saan.. wala rin. Bukas magrereply siya,
promise. Just let him be.”

Nagpaalam na sa’kin si Mars, hinahanap na raw kasi siya ni Ms. Marisse. Goodness,
what should I do? Papabayaan ko na lang ba na mag-isa si Andreau today? Wala naman
ako sa lugar para umasta nang ganito pero ‘di talaga ako mapakali. Badtrip din
‘tong drama ni Andreau ha, pakaba!

Kung nangyari ‘to months ago, malamang papabayaan ko si Andreau na mag-isa at


hihintayin na lang siyang magreply bukas. I might not even ask him kung saan siya
nagpunta o baka nagpanggap pa ako na walang alam sa drama niya.

Pero hindi na kami ganun ni Andreau ngayon.

Something already shifted between us. I can safely say na mas close na kami ngayon
at good friends despite all the rumors. Madali naming naiintindihan ang isa’t isa.
Mas nagkakasundo kami lately. Mabilis din naming nareresolve ang mga away namin.

I’d like to think that he changed me in a good way, at ganun din ako sa kanya.
Being friends with him improved me a lot in different aspects. Siguro sign of a
good and healthy friendship ‘yon, ano?

Scratch that, nasa lugar pala ako para umasta nang ganito. I’m Andreau’s friend..
and I couldn’t stand the thought of him spending this (sad) day alone.

Minsan kasi hindi sapat ang hugs para sa mga malulungkot na tao. Dapat may sincere
na presence.

So.. by hook or by crook, I need and must find Andreau Cortez. ASAP.

xxx

Kaso ang tanong, saan mo muna hahanapin ang mga taong ayaw magpahanap?

Triple shit, ang hirap din pala nito ha. Saan kaya pwedeng nagpunta si Andreau?
Nahihiya naman akong itanong kina Roldan kung nasaan nakalibing ang parents ni
Andreau (at ayoko talagang pumupunta sa mga sementeryo, to be honest). So no choice
ako kundi magsimula sa mga lugar na alam kong pinupuntahan niya madalas..

Film Inst – no sign of him; even asked the guard na kaclose niya (ugh ang friendly
nakakainis!) pero last time na punta ni Andreau don ay kahapon, nung nagpasa siya
ng script
Café Feliz – wala rin daw sabi ni Sir TJ (na may pahabol pa na “May LQ ba kayo kaya
mo siya hinahanap?” ibang klase rin ‘to ano!?)

Wala rin siya sa restaurants na kinainan namin. Tinawagan ko na nga rin yung
caretaker ng trailer van niya just in case kaso negative.

Nauubusan na ako ng lugar na paghahanapan sa kanya.

What the hell, Andreau Francis Valerio Cortez?

NASAAN KA NA BA TALAGA??

Ngayon lang talaga ako nagsisi na hindi ako listener eh. Kung ako ang nawawala at
si Andreau ang maghahanap, malamang makikita na niya agad ako (well, sa main
library lang naman ako magtatago so madali lang). Sige na nga, promise after nito,
mas magiging listener na ako. Babawasan ko na ang pagiging madaldal ako at
papansinin ko na ang small details!

Pagod na talaga akong maghanap. Halos three hours na akong nagpaikot-ikot dito sa
campus at sa labas pero wala pa rin. Pinuntahan ko na lahat ng possible hideouts ni
Andreau. Saan pa ba siya pwede pumu—

Holy mother. May isa pa pala akong hindi napupuntahan.

Armo’s Movie Place.

Then.. everything clicked.

I go here whenever I want to disappear for awhile.

Shit, that must be it.

xxx

Early on our partnership/friendship, may unspoken rules si Andreau na inilatag para


sundin ko. Why? Err.. well.. because he’s the Big Boss. Isa sa lagi kong sinusunod
ay ang rule na wag na wag akong sasakay ng taxi na mag-isa.
As if I have a choice, eh hatid-sundo naman niya ako. At sino bang hindi tatanggi
sa libre, ‘di ba? Kaya bihira akong magtaxi recently, mga thrice pa lang ata. Tsaka
hindi naman talaga ako palasakay sa ganon! Bukod sa mahal ang pamasahe at
masusungit ang drivers, nadala na ako sa mga kwento ng holdapan at kung anu-ano pa.
Mas okay na sa’kin ang makipagsiksikan sa MRT ano!

Well.. sorry Andreau, pero kailangan kitang mahanap ngayon. Pagkababa ko sa Sucat
(na surprisingly alam ko pala), sumakay na ako ng taxi.

Nakailang dasal ako habang nasa biyahe ako. Hindi naman mukhang masamang loob si
Kuya at thankfully alam niya kung saan ang Armo’s. Gusto ko sanang makipagkwentuhan
sa kanya kaso.. ang daming gumigimbal sa isip ko.

What if wala dun si Andreau? Saan ko na siya hahanapin?

God, ewan ko na lang kung ano o saan ko pa siya hahanapin. But that doesn’t mean
hindi ko na siya hahanapin. Basta.. malakas ang instinct ko na nandito siya sa
Armo’s. Siguro foreshadowing or sinasadya ni Andreau na dalhin ako dito last time
para alam ko kung saan siya hahanapin.

Baka naman ngayon lang siya nagpapahanap, at ako pa ang gusto niyang makahanap sa
kanya?

Okay Zade, masyado na atang active yang imagination mo. Kalma lang.

Minutes later tumigil ang taxi sa harap ng Armo’s. Agad kong hinanap ang kotse ni
Andreau sa parking kaso wala. Shit, baka nga wala siya rito. Ayokong maging
negative pero laging dala ni Andreau ang sasakyan niya kahit saan siya magpunta.

“May hinahanap ba kayo, Miss?” nakangiting tanong sa’kin ni Kuya Taxi Driver habang
sinusuklian niya ako. “Kanina pa kasi kayo tingin nang tingin sa bintana eh.”

“Uh.. opo eh,” I answered shyly. “Yung friend ko po kasi kahapon pa ‘di
nagpaparamdam. Baka nandito siya sa Armo’s.”

Tumango-tango si Kuya sabay silip din sa bintana. “Kung kanina ka pa naghahanap e


baka andyan talaga. Kababata mo ba?”

“H-hindi po. College friend.”

“Aahhh.. sige iha, ingat ka! Sana mahanap mo na yang kaibigan mo. Kanina ka pa kasi
nakasimangot eh.” Kinawayan pa ako ni Kuya nang makababa ako ng taxi niya. In
fairness, medyo nawala ang kaba ko sa pep talk niya ha!

Dumiretso na agad ako sa front desk ng Armo’s para ‘di na ako kabahan pa. There I
spotted Mona, yung receptionist na nameet ko last time. Nakangiti na agad siya
sa’kin bago pa ako makalapit sa kanya. “Hello Ms. Zade! Kamusta po?”

“Uh.. okay lang. Uhmm Ms. Mona? By any chance ba dumaan si Andreau dito kanina?” I
tried to keep my voice as steady as I could pero triple shit this is it. Lord
please sana nandito si Andreau. Sana nandito si—

May tinignan si Mona sa computer, the customer list maybe. “Si Sir Andreau po ba?
Naku, wala po siya dito sa listahan eh.”

Oh God. No. No.

Andreau.. nasaan ka na ba?

C’mon Pascual, do not panic. It is not an opti—

Mas lumala ang scenarios na naiisip ko dahil sa balitang ‘yon. Hindi naman
depressed si Andreau so suicide’s off the options. Baka naman nagpunta siya sa
ibang bansa? Sa Coron? O baka naman sa Bengue—

“Pero Ms. Zade?” singit ulit ni Mona. “Si Sir Armo po kasi mismo yung bantay dito
sa desk kanina. Hindi ko lang alam kung nakalimutan niyang i-record dito.”

What? “Nandito si Armo kanina?”

Mona nodded. “And.. may occupant po sa Theater 1. Kaninang umaga pa po nandun ‘yon.
Wag daw po istorbohin. Baka po si Sir Andreau ‘yon.”

Calm down, Pascual. Wag ka munang umasa. Baka hindi si Andreau ‘yon, okay?

Pero malakas ang kutob kong si Andreau ‘yon.

Ngayon lang talaga ako mage-effort para sa isang kaibigan (sorry, Kesh!). Bahala na
kung magalit man sa’kin si Armo sa gagawin ko. I must and I need to find Andreau.
He needs someone right now so screw the rules.

“Uhhmm.. Mona? Pwede ba favor?”

xxx
This isn’t exactly breaking the law, right?

Nagpaalam naman ako kay Mona na hihiramin ko ang susi ng Theater 1 para silipin
kung si Andreau nga ang nandon. I promised na babalik din ako pag mali ang hunch
ko. Silip lang naman, hindi naman siguro ‘to counted as breaking and entering, ano?

Damn it, Pascual. Dami mong satsat. Pumasok ka na lang.

Hindi ko mapaliwanag ang bilis ng kabog ng puso ko nung bumukas ang pinto ng
Theater 1. Pinapaniwala ko na kasi ang sarili ko na si Andreau ‘tong occupant na
‘to. Halos five hours ko na rin siyang hinahanap, at dala na siguro ng pagod ‘to
kaya pinapaniwala ko ang sarili ko na siya na ‘to.

The first thing that caught my eye was the movie on the screen. I was expecting na
artsy-fartsy foreign movie ang pinapanood pero hindi pala. Filipino indie film pala
kaso medyo luma na. May mga batang gusgusin na naglalaro ng teks sa tabi ng
kalsadang dinadaanan ng maraming sasakyan. Siguro 90’s ‘to ginawa, Dragon Ball Z at
Ghostfighter pa ang characters sa teks. Maya-maya finocus ang dalawang babae,
teenagers. Buntis yung isa habang kinukutuhan naman ng isa yung batang babaeng
kalong niya.

Buntis: Baka naman hindi pwede ‘yan, Tessa. Magagalit si—

Ate 2: Pwede ‘yan! Bakit, sila ba ang batas? Tayo ang batas! Kalsada natin ‘to!
Tayo ang naglilinis, nagdudumi, nag-aalaga! Kalsada natin ‘to! Tagal na natin dito,
ngayon pa ba nila tayo paalisin?

Buntis: Pano pag pinaalis na nila tayo dito? Saan tayo titira? Malapit na akong
manganak.. baka mamaya lumipat tayo sa malayo sa ospi—

Ate 2: Wag ka ngang tanga, Ester! Sa’tin ang lahat ng kalsada dito sa Maynila! At
kung ‘di ka ba naman puta’t kalahati, e ‘di sana ‘di ka buntis ngayon!

Buntis: Tessa naman...

Ate 2: Sabi na sa’yo eh, malandi lang ‘yang si Arman! Di ka naman mahal non! O,
nasan siya ngayon? Baka may tinitirang ibang puta sa kabilang kanto! Ah basta,
kahit anong mangyari ‘di tayo aalis dito!

I couldn’t really tell kung acting lang ‘to or totoong documentary ‘tong nasa
screen. Ang raw kasi ng shots, parang iisang camera lang ang gamit. The editing’s
kinda gritty though, pero bagay naman sa feel ng story. In all fairness ha, kung
movie man ‘to, ang gagaling ng mga kinuhang artista, lalo na ‘tong dalawang ate.
Natural na natural kasi silang gumalaw, plus ramdam ko yung sincerity sa usapa—
God, I sounded like Andreau already.

Pero may something na bumabagabag sa’kin. Parang nakapanood na ako ng ganito. Not
this exact thing that I’m watching pero may ka-feels siya. I’ve seen this style
recently eh.. yung ganitong editing, non-linear story flow.. and the social issu—

Holy shit. Alam ko na kung saan.

Andreau made me watch his first ever short film a few weeks back. Actually, ayaw pa
nga niyang ipapanood sa’kin ‘yon. First project niya yun as a film student so
nahihiya siyang ipakita sa’kin kasi ang immature, plus it wasn’t really his style.
Nagcomment pa nga ako na maganda naman ang cinematography and narrative nung short
film niya pero ayaw niyang maniwala.

Hindi ko nga style yan, Zades. Yan pa yung mga panahon na ‘di ko pa nadedevelop ang
style ko. I don’t like ripping off other people’s work.

Wala naman akong sinasabing rip off or what eh. Tsaka hello, evident kaya sa first
works ang influences ng idols mo!

Well.. you’re right. Inspired nga ‘to ng isa sa mga idol ko.

Eh sino naman? Si Lino Brocka?

Naah. It was inspired by my father’s style. I grew up watching his short films
before the others.

Oh God. Si Andreau nga ‘tong nanonood sa sinehan.

My eyes immediately searched for him inside this dark theater. Wala akong makitang
nakaupo dito damn it. 50 La-Z-Boys lang naman ang nandito pero hindi ko pa rin siya
mahanap. Kailangan ko na bang magsalamin?

Knowing that he’s here relieved me a lot. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
kung wala siya rito sa Armo’s. No one told me to find him yet I’m here.. and
finally, nandito lang siya.

I can finally breathe.

Eh kaso nasaan siya rito? Maayos naman lahat ng upuan. Wala rin akong naririnig na
kumakain ng popcorn. Baka naman umalis na siya rito tapos iniwan niyang nagpi-play
‘tong movie? Hay kagulo!
Last shot na ‘to. If wala pa siya sa favorite row and seat niya rito, aalis na
talaga ako at titigil na sa paghahanap sa kanya. Susundin ko na lang sina Roldan at
Mars at hihintayin ang tawag o text niya sa’kin bukas.

(Sana magawa ko talaga ‘yon ano?)

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa favorite row niya. Ibang klaseng kaba ‘tong
nararamdaman ko; my heart couldn’t stop beating like crazy. Seriously, what am I
doing here? Kaya ko ba siyang i-comfort? God, Zades. Isa yan sa waterloo mo, ang
magcomfort ng ibang tao. Awkward kasi ako sa mga taong umiiyak eh. Hindi ko alam
kung ano ba ang tamang reaction o gagawin para i-comfort ang ibang tao. Usually
nakiki-comfort lang ako kapag marami kaming nagcocomfort. Ako yung kaibigan na
taga-gatong lang.

Yet here I am, braving my weakness for Andreau’s sake. Ibang klase na talaga ‘to.

Pumikit ako nang makarating ako sa aisle malapit sa favorite row niya. Kinakabahan
kasi ako sa pwede (or wala) kong makikita. Hinahanda ko na ang sarili ko sa
possibility na wala siya sa favorite seat niya.

One. Two. Three.

xxx

I’ve seen Andreau in different modes/perspectives for the past months na


magkakilala kami. Karamihan sa modes niya ay relaxed at magaan ang aura niya, the
typical artista shit. I even have five favorites! Yung mga not-so likeable modes
niya.. well.. let’s just think about his better sides, okay?

But this mode?

I really don’t know what to feel about it.

He looked.. hollow. I couldn’t find any other word for it but.. ganun talaga eh. Sa
dami ng salitang alam at kinolekta ko throughout the years... wala akong mahanap
para sa nakikita ko ngayon.

Nakatitig lang siya sa screen, biting his thumb (a trait I really hated). Himalang
wala siyang dala-dalang popcorn o kahit anong drinks. Siya lang mag-isa, wearing
this hollow and.. sad expression on his face. And goodness, a day-old stubble.
Hindi na naman siya nag-ahit!

Andreau’s sad. Hurting. First time ko siyang makitang ganito.


It hurts me to see him like this. Sanay ako na makita siya na masaya, nang-iinis,
swabe.. brilliant. But now? He looked so vulnerable and so hurt. As if recently
lang nawala ang parents niya. As if siya lang mag-isa sa mundo.

May iba akong kakilala na ayaw makitang nasasaktan o nanghihina ang mga tao sa
buhay nila. They said na nagbabago raw ang pananaw nila sa mga taong ‘yon, yung
nasanay silang nakikitang matapang at masaya. Na gusto nilang makita ang happier
and less vulnerable side.

I really don’t get them at all. Anong masama kung makita mong vulnerable ang isang
tao? Lahat naman tayo nasasaktan, nanghihina. Lahat tayo may problema. Lahat tayo
darating sa point na kailangan na lang nating maiyak sa isang tabi o magalit o
magwala. At least makikita mo na tao rin sila, na ‘di lang puro kasiyahan ang alam
nila sa buhay.

Seeing Andreau like this didn’t make me think less of him. In fact, it made me care
for him more. He needed someone to talk to right now, and ako lang naman ang
nandito.

I don’t want him to face this day alone.

So screw it. Kahit hindi ako magaling magcomfort o ano, kakausapin ko pa rin siya.
Wala naman sigurong masama, ‘di ba?

Dahan-dahan akong lumapit sa upuan niya, still eyeing him intently. Hindi ko alam
kung napansin na niya kanina pa ang presence ko o ano. Nang hindi siya gumalaw nung
nasa tabi na niya ako, I took it as a sign (may magagawa pa ba siya?) at umupo ako
sa seat sa tabi niya.

Okay, Zades. Makapal naman ang mukha mo. Kapalan mo pa lalo.

“Hey, I’m glad you’re here,” I whispered softly in a jolly tone. I was hoping for a
little reaction, maybe a curt smile or just even a glance, pero wala. “Uhh.. ka-
kanina pa kita hinahanap. As in. I’ve been looking for you for almost five hours
already.. and I.. I’m just glad na nandito ka. Y-you.. scared me.”

I shouldn’t have said that, baka mamaya bigla niya akong sigaw— okay, still no
reaction from him. Titig na titig pa rin siya sa screen. Ngayon ko lang napansin na
closing credits na pala ang nagpi-play sa screen. Shit, ganun katagal ko ba siya
tinitigan kanina?

I expected the screen to turn black and the lights to open but they didn’t; may
kasunod na short film ulit. Umayos ako ng upo at nakinood saglit.

Lakbay
Screenplay by: Lianne Valerio-Cortez & Victor Cortez Directed by: Victor Cortez

Oh Andreau.

Tumahimik ako sandal para panoorin ‘tong short film about sa Sagada. I tried to
focus on watching it kaso nababagabag talaga ako kay Andreau. Bakit ba niya
ginagawa ‘to sa sarili niya? Masokista ba siya?

Ten minutes into the film, I couldn’t take it anymore. Humarap na ako sa kanya, not
caring if hindi niya ako papakinggan. I need to let this out.

“Andreau.. okay ka lang ba?” I asked quietly. He finally shifted a little, eyes
still transfixed on the screen. “Uhh.. can I get you anything? I-I’m sorry.. hindi
talaga ako magaling magcomfort sa mga ganitong situations. I’m really a bad
friend.” Tumawa pa ako. Great work, Pascual. Galing mong magcomfort, promise.

“Uhh.. Mars told me about.. today. Sinabi nila ni Roldan na nawawala ka raw lagi
pag, you know, 11th. I’m sorry if I intruded.. wala naman ako sa lugar pero nag-
aalala kasi ako sa’yo. Baka.. kailangan mo ng kausap or whatever. Kasama, ganun.”

Still, nothing.

“Uhh.. gusto mo ba ng makakausap?” I tried again. Wala pa rin.

Shit, ganito pala ang feeling kapag ini-ignore ka ng kaibigan mo. Ang sakit, parang
rebulto ang kausap ko. Sighing deeply, I continued, “Andreau Cortez, talk to me.
Please. It.. hurts me to see you like this. I know it hurts. Kahit magkaiba tayo ng
pinagdaanan, alam kong masakit mawalan ng magulang. Remember nung tinanong mo ako
sa Coron? Sinabi ko sa’yo na hindi ko namimiss si Papa. I.. lied. I miss him. Every
single day. I wish nakilala ko pa siya, na lumaki ako na kasama siya at makita niya
ako ngayon. Gusto kong magkaron ng tatay na mananakot ng mga manliligaw ko at
isasayaw ako sa kasal ko. Gusto mong ibalik pero wala ka nang magagawa pa.

It’s been ten years, Andreau. Ako, 18 years. I know things will never be the same
again but.. do we really have to dwell on the fact for the rest of our lives?
Masakit, oo. Araw-araw ganun. I guess that won’t really go away, mababawasan lang
pero may matitira pa rin para matandaan natin sila. Pero sa tingin mo ba Andreau..
gusto ka nilang makita na ganito? They want you to be happy. Okay lang naman
malungkot minsan.. pero... you don’t have to face this alone.”

I didn’t realize I was crying already. Ano ba yan, maiirita lang lalo sa’kin si
Andreau nito eh! Nagpunas muna ako luha bago ko tumuloy. “M-maraming taong
nagmamahal sa’yo. Sina Ms. Marisse, Tristan, Mars, Jillian, Roldan, Ninna, pati si
Kesh. Ako. We’re here for you. I’m here for you.

Just.. don’t shut us out. Please.


Don’t shut me out.”

I waited for him to react or even acknowledge my presence. Wala pa rin.

Tama nga sina Mars at Roldan, dapat hinintay ko na lang na itext ako ni Andreau
bukas para okay na kami at wala na ‘tong drama. I felt stupid for doing this, for
saying those things. Hindi pa siguro kami ganung kaclose para sa ganitong usapan ng
feelings. Ang hirap din pala nung ginagawa ni Kesh sa feelings feelings chuchu
niya, nakakastress.

“I’m so sorry,” sabi ko after almost ten minutes of silence. Inayos ko muna ang
buhok ko bago ulit humarap sa kanya. “Dapat pala hindi na lang ako pumunta. I’m
sorry for wasting your time. I shou—“ natigilan ako nang mapansin kong nakapikit na
si Andreau. God, sisigawan na ba niya ako? Hindi ako prepared na makita si Angry
Andreau nga—

“Zades?” he whispered in a raspy voice. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o
matuwa na pinansin na niya ako. Ni hindi pa rin siya makatingin sa’kin eh.

“I’m sorry. I’m leaving now. Text mo na lang ako ha?” I was about to stand up when
he finally, finally looked at me with those sad eyes, extended his right hand and
said words I never expected him to say.

“Can I hold your hand?”

Oh.

Oh.

He’d caught me off guard a few times before but not like this.

Have you ever had that moment when you can finally see a person? Hindi ‘yung basta
ay nakikita kita dyan, you’re there. Lagi nating ginagawa ‘yun eh, isang tingin
lang and akala natin kilala na natin sila. We avoided to take another look, a
deeper look, because we’re afraid of what we might see. We’re afraid to observe,
really observe, others for they might disappoint us.

I took a step back and forced myself to look at him, to observe him in a way I
hadn’t allowed myself since the day we’ve met. I’d avoided it, mainly because I
respect him as a celebrity and a friend. But right now? I could finally see right
through him, beneath those layers he’d enveloped himself for the past years.

He needs someone to be there for him.

He needs me.
“No,” I finally said seconds later. Shock and disappointment replaced the hurt in
his eyes as he inhaled sharply. He was embarrassed, I could tell. Before he could
retract his (shaking) hand, my left hand caught it and gently entwined my fingers
with his.

Andreau’s eyes widened, completely dazed and confused. I gave him the most
reassuring smile I could muster at the moment. He could still surprise me during
times like this. “But I’ll always hold yours.”

xxx

The next few hours went like a blur. Andreau and I watched short films in silence,
him holding onto my hand so tightly. I didn’t mind at all; ako naman ang
nagprisinta na hawakan ang kamay niya eh. Ilang oras din naming pinanood ang halos
lahat ng short films ng parents niya. In fairness, namana ni Andreau ang pagiging
storyteller ng mommy niya, and ang creative eye ng daddy niya. Sigurado akong
sobrang proud ng parents niya if ever mapanood nila ang Tila. Ngayon naiintindihan
ko na kung bakit mahal na mahal ni Andreau ang film. Gusto niyang ipagpatuloy ang
legacy na naiwan ng parents niya.

Around 9:30 PM nang niyaya ako ni Andreau lumabas ng Armo’s. He didn’t say much,
though. Binili niya ako ng hotdogs and drinks sa snack bar (he must’ve heard my
stomach grumbling earlier) at tubig lang ang sa kanya. Pinilit ko na nga lang siya
na kumagat sa hotdog sandwich ko, medyo namumutla na kasi siya. Nginitian naman
niya ako kaso saglit lang. Konti na lang, Pascual, magiging okay din siya.

I was surprised na may naghihintay na taxi sa’min sa labas ng Armo’s, the same taxi
na nagdala sa’kin dito kanina. Kuya Driver smiled at me warmly as we got inside his
cab. Sinadya ba niya akong balikan dito to see if I’m okay? Bait din ni Kuya ha.
“Saan po tayo?” tanong niya sa’ming dalawa.

Without looking at me, Andreau told the driver my dorm’s address. “Wait lang,” sabi
ko sa kanya pagka-andar ng sasakyan. “Saan ka pupunta after mo ako ihatid?”

“I’m going home.”

He’s lying. Malakas ang kutob ko na magpapakabasag siya sa condo niya mamaya at
ayokong gawin niya ‘yon. “Don’t bring me home. I’m staying with you,” I insisted.

“Zades.. you’re tired. Okay na—“


“Andreau.. don’t fight me on this. I’m. Staying. With. You.”

He sighed, accepting the fact that he lost our argument. Pagod na rin siguro siya
para awayin ako. Tinapik niya ang balikat ni Kuya Driver at sinabi ang isang
unfamiliar address. Hindi ko na tinanong kung saan kami dadalhin ni Kuya, as long
as hindi sa isang bar o kahit saan na pwede siyang uminom okay na sa’kin.

After a moment, I rested my head against his shoulder and held his hand again. I
felt him tense a little but one reassuring grip calmed him down. “It’s fine,
Andreau,” I whispered against him. “I’m here.”

A gentle grip on my hand was his reply. Good enough.

Nakatulog si Andreau minutes later, his head lolled against the taxi’s seat. I took
this opportunity to observe him again. God, this day really worn him out. Mas
nangitim ang eyebags niya, and maybe ito pa lang ang matino niyang tulog in 24
hours. Bagsak na bagsak ang katawan niya sa sobrang pagod. Buong araw ba naman
siyang nakaupo sa Armo’s eh!

God, Andreau. Why are you doing this to yourself?

“Siya ba yung hinahanap niyo kanina, Miss?” Kuya Driver’s voice cut through my
thoughts. Sinilip niya ako sa rear view mirror at nginitian ako. “Sabi sa’yo
mahahanap mo rin siya eh!”

Nginitian ko na lang din si Kuya. Buti na lang talaga nahanap ko siya.. or else..

xxx

“Zades, wake up.”

Dali-dali akong umupo nang marinig ko ang boses ni Andreau. Shit, bakit ako
nakatulog?! At todo sandal pa ako kay Andreau ha! Yuck, baka tulo-laway pa ako
kanina! Baka sa dorm niya ako dina—

Okay, kalma. Hindi niya pala ako sa dorm dinala.

The taxi stopped in front of a familiar house. Parang.. nakapunta na ako dito
before. Familiar kasi ‘tong three-store—
Oh God. Nandito pala kami sa bahay nila dati.. bahay ng parents niya.

Inabutan ni Andreau ng P2,000 si Kuya Driver bago kami bumaba. Ayaw pa ngang
tanggapin sana ni Kuya yung pera but Andreau insisted. May something na binulong
ang driver dito sa kasama ko na medyo nagpangiti sa kanya. Ayoko nang tanungin, for
sure ‘di sasabihin ni Andreau kung ano ‘yon.

Nakakatakot ang katahimikan sa bahay nina Andreau. Well-maintained naman ang mga
gamit kahit walang nakatira dito. Inaabangan ko ngang lumabas ulit yung caretaker
(yung nakasuot ng Grim Reaper costume last Halloween) kaso wala. Hindi kaya
pinagbakasyon muna siya ni Andreau para masolo niya ‘tong bahay? Maybe part talaga
‘to ng death anniversary routine niya, ang umuwi dito sa bahay at magkulong mag-
isa.

Sa kitchen kami dumiretso, at nanguna si Andreau sa ref. “Soda?” he asked me


casually as he rummaged inside the fridge. “May bagels and Nutella dyan sa counter.
Kumain ka muna, Zades.”

Ba’t may role reversal na nagaganap? Kaya nga ako nandito para alagaan siya tapos..
Oh well. Si Andreau nga pala ‘to, masyadong concerned sa well-being ng ibang tao
bago ang sarili. Pinakialaman ko na ang bagels at Nutella sa counter bago niya pa
ipagpilitan na kumain ako. He handed me a can of Mountain Dew before walking out of
the kitchen. Maliligo lang daw siya saglit.

Halfway through my (second) Nutella bagel, tinignan ko ang oras sa phone ko. Less
than three hours before this day would end. Magiging normal na ulit si Andreau
Cortez at magpapanggap na parang ‘di nangyari ‘tong araw na ‘to. The mere thought
of acting like this day never happened made me feel uneasy. I know na bihira kami
mag-usap about emotional stuff (Hindi talaga ako pwedeng maging si Kesh!) pero..
ang hirap namang magpanggap! At ako pa talaga ang kasama niya ngayon, as if
kakayanin kong magkunwari na normal day lang ‘to. Basta, kailangang maayos namin
‘to ni Andreau bago ako umuwi bukas!

Saktong kakasend lang ng text message ko kay Ate Mel na hindi ako uuwi sa dorm nang
bumalik si Andreau sa kitchen. Hmm.. nag-improve kahit paano ang aura at appearance
niya. Himalang nag-ahit na siya (thank God! Akala ko kukulitin ko pa siya!), at
suot niya ang College of Mass Comm shirt at black sweat pants. Kainis, wala sa
lugar pero shit gwapo pa rin ni Cortez kahit malungkot siya.

“Here you go,” inabot niya sa’kin ang isang black shirt (with a Las Vegas print)
and green pajama bottoms. “Kay Marisse yan. Sorry, that’s all I could find here.
You can use the rest room upstairs.”

Ugh Pascual, ba’t ka ba kinakabahan? Dapat nga masaya ako na kinakausap na ako ni
Andreau eh. Pagod na rin siguro ako kaya ganito. Yup, that must be it.

Sinundan ko si Andreau papunta sa second floor ng bahay nila. Diretso lang ang
tingin ko, sa batok ni Andreau ako nakafocus actually. Ayokong tignan yung mga
nadadaanan naming display kasi.. well.. baka sabihan niya akong tsimosa or
pakialamera. Mahirap na, baka palayasin niya ako bigla.
Mabilis lang akong nagpalit ng damit at naghilamos sa rest room na sinabi ni
Andreau. I’m surprised na kay Ms. Marisse ‘tong shirt na suot ko, medyo malaki
kasi. Ano ba ‘to, lahat na lang ba ng bagay papansinin ko para ma-divert ang kaba
ko? Well done, Pascual. Well done.

“Okay ka na?” Andreau asked me as I got out of the rest room. May hawak siyang
kumot at unan. “Uhh.. the guest room’s the—“

“Guest room?”

“Yep. Uh—“

“I’m not going to sleep,” ugh, stupid stupid mouth. Inaantok ka na! Anong ‘di ka
matutulog, Pascual?

Nagulat si Andreau sa sinabi ko. “Zades, don’t fight me on this. You have to sleep,
too.”

“Ano bang sinabi ko kanina, Andreau? I’m staying with you tonight. I’m not leaving
you alone,” I said a little too forcefully.

He dumbly nodded and walked towards the door on our right. Binuksan niya ang pinto
at ilaw sa loob ng kwarto, and he ushered me in. “Here’s my childhood bedroom,”
Andreau said with a small smile.

His childhood bedroom was way different than the one in his condo. Mas.. homey
‘tong kwarto niya at makulay. It’s not that I didn’t like his black and white theme
back in Skyline ha. Mas Andreau-like kasi ‘tong yellow and blue theme ng kwarto
niya. And sobrang laki naman nito for a childhood bedroom! Sunud-sunod na Star Wars
at Jurrasic Park ang nakadisplay sa mga pader ng kwarto. May ilang action figures
din at mini-cars din sa shelves. Hindi na ako nagulat na halos wala akong nakitang
libro sa kwarto niya. And his bed.. ba’t king size ‘to? Wow, bata pa lang ang luho
na talaga!

Umupo ako sa mini-sofa sa left side ng kama niya. Dito na lang ako matutulog
ngayong ga—

“Left side or right side?”

Andreau was sitting on the edge of his bed, still clutching the pillows and
blanket. He seemed.. a little embarrassed for some reason. Oh. Now I get it. Ang..
awkward nga.

“Uh.. dito na lang ako sa sofa,” I replied, patting the sofa too enthusiastically.
Sige lang, Pascual. Gawin mo pang lalong awkward ‘tong situation!
“Uh.. okay.” Inabot niya sa’kin ang kumot at unan bago siya humiga sa kama niya,
left side. “Sure kang okay ka dyan?”

“Yup yup! I’m fine. Hindi pa naman ako matutulog. May babasahin pa akong something.
Pampaantok.” Humiga na ako sa sofa (actually, sumiksik ako) at tumalikod sa kanya.
“Goodnight, Andreau.” I waited for his reply but nothing came out so I assumed he
already fell asleep.

Buti na lang may ebooks ako ni Tessa Tobias sa phone ko! My God ba’t hindi ko
naisip ‘to? Bahala na nga, kahit hindi ako sanay umupo dito sa sofa ipagsisiksikan
ko na sarili ko dito. Alam ko namang magkaibigan kami ni Andreau pero.. hindi ako
comfortable na katabi siya sa kama. Hindi ko naman siya pinag-iisipan ng masama ha!
As if namang may balak sa’kin ‘tong si Francisco. It’s just that.. I don’t want to
cross that border between us. Naviolate ko na nga siya dati, bago pa kami maging
magkaibigan talaga. I don’t want to make that mistake aga—

“I really don’t know why am I doing this.”

Shit, he scared me. Akala ko tulog na siya! Humarap ako sa kanya, and there he was,
staring at the ceiling. I sat up, curling my legs up to my chest. “Andreau, c’mo—“

“Ten years, Zades. Lagi akong ganito after bisitahin sina Mama. The first few
years.. sa Rizal Park ako nagpupunta to kill time. When that one got boring.. QC
Circle for two years. Last year.. sa Tagaytay. This year...” he laughed bitterly.
“This year’s the worst. The most.. Why am I doing this shit every year?”

“Marisse told me about this before. Last year, actually. Sabi nila.. coping
mechanism mo raw ‘yon. Baka— shit sorry, Andreau. I really suck at this.” Before he
could even say anything, tumayo ako at lumapit sa kama niya. He was confused at
first, pero umusog naman siya para bigyan ako ng space. “Pero.. this has to stop,
right? You can’t do this every year. It’s destructive,” I muttered as I steeped my
back against the bed’s headboard.

Andreau immediately rolled onto his side, facing me. Mukhang hindi pa rin siya
mapakali kahit patapos na ‘tong araw niya. “I know.. but I keep on coming back,
Zades. Here in this room.. ten years ago.. lagi kong binabalikan ‘yon. The night
when Marisse told me..” he stopped, eyes shut as if he’s trying to erase the
memory. “I don’t want to go back there anymore.. yet.. I’m still here. Ten years
later, I’m still fucking here.”

I looped my left hand to his right, relaxing him a little. “But I’m here right now,
am I?”

“Y-yeah.”

“Sometimes.. it’s okay to show other people that you’re not okay. Tignan mo..
pinabayaan ka na lang nina Ms. Marisse na mag-isa sa ganitong araw tapos
magpapakita ka sa kanila the next day na parang walang nangyari. I get it, it’s
your own way of managing the pain.. but it sucks to face this alone, Andreau. You..
need people.”

“Kaya mo ba ako hinanap, Zades?”

I looked down at him, smiling. “Yeah. Well.. more of I imposed myself—“

“Naaah, you didn’t. But you really surprised me, Zades. Hindi ko ineexpect na..
gagawin mo ‘to.”

I tried my best not to roll my eyes. Talaga ‘tong si Cortez oo! “Wow ha! Masama na
bang mag-alala ngayon?” kinurot ko yung kamay niya. “Hindi mo kasi sinasagot mga
text ko hello! Akala ko kung anong nangyari sa’yo. Sinayang mo load ko eh!”

And he chuckled. My God.. hindi ko maexplain ang tuwa ko nung narinig ko ang tawa
niya. Buong araw kong hinintay ‘to tapos.. napatawa ko siya. Tears please don’t
fall! Damn it wag kang agaw-atensyon!

“Para ‘di sayang yung postpaid mo, Zades. Sorry for not answering ha. I tur—“

“Oo na. Learn ko na naka-off ang phone mo. Next year ha, wag mo na ‘tong gagawin!
Kung nakita mo lang itsura ni Mars kanina eh. Actually, galing din umacting ni Mars
ha! Kunwari di siya kabado pero..”

“Pa-cool din yang si Mars eh. Kunwari mataray pero sa loob.. softie yan.”

We laughed lightly, shaking our heads as we adjusted the pillows beneath us. Nakita
kong napapikit na si Andreau. “Matulog ka na nga, Francisco!” sabi ko. Tinaasan
lang niya ako ng kilay. “You need to sleep. Everything’s gonna be fine tomorrow,
promise.”

“Matulog ka na rin, okay?” he clutched his blanket to his chest and slowly closed
his eyes. “Goodnight, Scheherazade. Matulog ka. Wag na makulit. We’ll talk about
this again tomorrow, okay?”

“O sige na nga. Goodnight na, Francisco.”

Finally, napanatag na rin ang loob ko. He’s gonna be fine, Pascual. Bukas okay na
si Andreau. Ilang minuto na lang matatapos na rin ang October 11. Ako? Maya-maya
muna ako matutulog. Papakalmahin ko muna ‘tong puso ko! Sobrang rollercoaster ride
para sa mga emosyon ko ‘tong araw na ‘to!

I was about to go back to the sofa when Andreau whispered something.


“Thank you for finding me, Zades.”

Hindi ako sure kung gising pa ba siya nun or what.. pero.. that meant a lot to me.
Akalain niyo yun, kahit paano may nagawang mabuti ang pagiging pakialamera ko?

Nagdecide akong hindi muna bumalik sa sofa at sa tabi muna niya magbasa. The
reading didn’t last that long, though. I spent the last few minutes of October 11
staring at him for a long, long moment before my hand slowly wrapped around his.
Andreau flinched a little, somehow oblivious to my action. His breathing evened out
when I started to draw small circles on his palm.

Andreau’s gonna be fine in the morning.

Everything’s gonna be fine.

xxx

From what I’ve heard from Roldan and Mars, heavy sleeper daw si Andreau. Tipong
hindi siya magigising kahit kilitiin siya sa talampakan at batok (his weak spots,
according to Mars). Naalala ko yun bago ako matulog so I planned to take advantage
of that. Ayoko kasing maging awkward ang atmosphere naming dalawa paggising kaya
nag-alarm ako ng 6:30 AM para mauna akong magising sa kanya. At least kahit paano
makakapagpractice pa ako ng speech ko!

Kaso.. tumambad sa’kin ang maayos na kama ni Andreau Cortez pagkagising ko ng 6:30
AM.

What the.. hell? Wasn’t he dead tired from yesterday? Ugh, nakalimutan ko na sanay
nga pala sa puyatan si Andreau! Hala, nagiging distant memory na sa’kin na artista
nga pala ‘tong kaibigan ko. Ka-aningan ko na naman!

Bumaba agad ako sa kitchen right after kong maghilamos. Sa may hagdan pa lang
naamoy ko na ang bacon at eggs.. and something sweet?

“Good morning, Zades!” Andreau greeted me with a wide smile. Nasa tapat siya ng
stove, busy sa pagluluto ng breakfast. Nagluluto siya ng breakfast. Oh Lord.

“May fire extinguisher ba dito sa kitchen niyo?” biro sa kanya habang paupo ako sa
stool ng counter nila. “Himala kasi, nagluluto ka ng breakfast.”

I could practically hear his eyes rolling from a distance. Kainis talaga ‘to.
“Yabang mo naman! I could cook my own breakfast, thank you.”
“Sus, prito lang alam mo eh. Wag kang magmagaling, Francisco! Pare-parehas lang din
tayong tanga sa kusina dito!”

“Patty B!” he teased over his shoulder. “At least marunong akong magprito!”

Mang-aasar pa sana siya kaso biglang tumunog ang microwave sa may kanan niya. He
immediately opened it, bringing out a mug full of chocolate. Todo ngiti pa siya
nang nilapag niya ang mug sa harapan ko. “There you go,” he proudly said.

I examined the mug closely.. and wait.. “Hindi ba ‘to hot choco?” tanong ko sa
kanya. Pinindot ko pa yung top layer ng chocolate, expecting na mababasa ang daliri
ko. Ay, cake pala ‘to. Cake sa mug? “What the hell is this?”

“Grabe ka naman! That’s a mug cake. A Nutella mug cake to be exact,” inusog pa niya
lalo papunta sa’kin yung mug. “Just try it. Walang lason yan, promise.”

I threw him a cautious look before trying out the “mug cake”. Pwede palang magbake
sa microwave? Kung anu-ano talagang sinesearch ni Francisco sa You—

“Holy mother, ba’t ang sarap?” Kunwari ‘di ko napansin yung smug grin sa mukha
niya. Pero triple shit, this is good. Ngayon lang ako nakatikim ng Nutella cake and
oh my god ang sarap!

Tawang-tawa siya habang pinapanood niya akong lamunin ang mug cake. “See? It tastes
good, right? I saw that on Google. Marami pa akong mug cake recipes na alam.
Favorite ni Tristan yung salted caramel and Nutella mug cake. Gawa ako next time na
bumisita ka sa’min.”

“Wow, baker ka na nyan? Dahil marunong ka nang magbake ng mug cake ha?” I couldn’t
help but tease him. At last, nakahanap na rin siya ng alternative para sa super
epic fail niyang baking skills!

Ignoring my snide remark, umupo siya sa may tapat ko. Parang nahihiya na ewan ‘to!
“Nga pala, Zades. Thank you for last night.”

Oh..

Oh..

Bigla na lang kaming natawa ni Andreau. That sounded so wrong in some levels!
Parang.. ugh!

“I’m so sorry,” he finally said after our laughter died down. Naiyak pa ang loko sa
kakatawa. “That.. sounded so wrong I..”
“Y-yeah pero okay la—“

“But you know what I’m talking about, right?”

“Oo naman. I’m smart, you know. Tsaka hello, wala ‘yun! Ano ka ba, minsan na nga
lang ako maging mabait! Sulitin mo na!”

Thank you Lord at ‘di awkward ‘tong morning after (okay, the good kind of morning
after. Not that one!) namin! In fairness umaayos na rin ang paghandle ko sa
awkwardness!

The breakfast itself was a silent affair, save from Andreau’s occasional mutterings
regarding random stuff. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa bundok ng bacon na
niluto niya. God how I love bacon so much! He finally broke the silence nang
umiinom na kami ng kape. Buti na lang, akala ko ako pa ang magbubukas ng
conversation eh!

“You’re right,” sabi niya habang nagtitimpla siya ng pangatlong tasa niya ng kape.
“I should stop doing this. I’m sure magagalit lang sa’kin sina Mama pag tinuloy ko
pa ‘to next year. It’s so exhausting.”

“Yeah. Ibang bagay na lang kaya gawin mo. Okay lang naman malungkot kapag October
11.. but remember na ayaw nilang dalawa na malungkot ka so.. opt to be happy na
lang.”

“Gulo mo rin ano?” he laughed. “I have a whole year to think about this. I can’t
believe na 10 years akong nagmukmo—“

“Slowly but surely, Francisco. Slowly but surely,” tinaas ko pa ang mug ko for a
toast. “Ano ha, kung kailangan mo ng kachikahan about this, don’t hesitate to talk
to other people. Para san pa kami nina Roldan, Mars at Ms. Marisse, ‘di ba? O pwede
rink ay Jillian, tutal chums naman kayo.”

“Hay nako, Patty B. Napapadalas na ata yang pagbanggit m okay Jillian ah! Iba na
yan!”

Tinusok ko ang braso niya gamit ang tinidor ko. “Kapal mo please! Oy teka nga,
tumayo ka nga dyan!”

“Ha? Bakit?”

Hindi ko na hinintay na makatayo siya. Tumayo na rin ako at hinigit siya patayo.
Akmang yayakapin ko na sana siya nang lumayo siya sa’kin. “Ay? Ang arte naman!”

His cheeks turned light pink. So sa lahat na lang magbublush siya? “B-bakit?”
“C’mon! Wag ka na mahiya! I’m giving you a hug!”

“But why?”

“Sad people deserve hugs, right? Well.. dapat kagabi pa ‘to kaso.. pagod ka na!”
Ako na ang lumapit sa kanya bago pa siya makatanggi. I pulled him into a huge bear
hug, and seconds later he shyly wrapped his arms around my waist. Siya pa nahiya sa
hug ko ah! “Andreau... just remember. You have us, alright? You have me. Don’t
hesitate to ask help from us. This time.. let us take care of you. That’s what
family and friends do for each other. Learn mo na?” I whispered, finally looking at
him. Andreau nodded in agreement before I broke the hug. Little did I know my
cheeks were already light pink, too.

“Thank you so much, Zades. This means a lot to me. I’ll always remember that,
promise.”

“So.. okay na tayo ha? Okay ka na?” chineck ko ang oras sa phone ko. Patay, 8AM na
pala! Sabi ko pa naman kay Ate Mel uuwi ako nang maaga! Nag-aalala na sa’kin ‘yon!
“Andre—“

“Ano ka ba, ihahatid kita pauwi. Lagot ako kay Ate Mel pag umuwi ka mag-isa,”
pinakita pa niya sa’kin yung susi ng kotse niya as a proof. Mukhang okay na talaga
siya, may driver na ulit ako eh!

“Dalian mo ah! Manonood pa ako ng Doctor Who! Dalawang episode na lang matatapos ko
na Series fo—“

“Wait a minute. You’re watching Doctor Who?!” muntik na siyang masamid sa tubig na
iniinom niya. “Seriously?”

Hah, that judgemental tone again! “Wow, masamang manood ng Doctor Who? I admit, yon
ang first TV series na pinanood ko sa buong buhay ko and I love it!”

“Kelan ka pa nanood nun?”

“Since last week. Yun lang ginawa ko instead magreview sa iisang final exam ko.
Happy?”

Napailing na lang si Andreau sabay kurot sa braso ko. “Wow, Zades. You’re really
changing. Namumulat ka na rin sa pop culture! Congrats!”

“TSE! At least may alam na ako na hindi mo alam!” I shot back at him in mock
annoyance. “Pero alam mo, okay din pala na naputol yung Doctor Who marathon ko
yesterday.”
Natigilan siya sa sinabi ko.. and that mysterious smile appeared again. “Why’s
that?”

“Wala lang.. it’s just that.. I’m extremely glad that my meddling somehow made a
little difference. Napasaya kita kahit paano.. ganun.”

That mysterious smile grew even wider.. and made him look years younger. Bakit..
ang saya niya ata? May nasabi ba akong mali?

“Zades, believe me,” he said, shaking his head lightly. “It made all the difference
in the world.”

[END OF CHAPTER]

=================

[34] Bedtime Stories

May TSIB Outtake ficlet akong pinost sa What Would Happen If entitled You Should
Listen First.. Really. Nangyari 'yon between Chs 33&34. May link sa right side!

**

Chapter 34: Bedtime Stories

Akala ko hanggang sa script lang ang participation ko sa Tila. Yun lang naman kasi
ang usapan namin ni Andreau eh. Kaso, since sembreak pa rin, hindi pa siya
nakakabuo ng team and cast, so no choice ako kundi samahan siya at maging
(temporary) assistant director niya.

I expected na magiging distant siya after ng death anniversary ng parents niya. As


usual, ginulat na naman niya ako. The next day niyaya niya akong manood ng kung
anu-anong play buong araw. Gusto raw niyang maghanap ng talents from the theater
people dahil nag-aagawan na sila ng actors ng iba niyang Film buddies.

Ugh, plays. Hindi ako mahilig manood ng movies at TV shows pero mas hindi ko kayang
manood ng plays (Sorry, theater people!). Ako kasi yung napapagod para sa actors na
nasa stage! I didn’t tell Andreau about this, though. I’m sure papagalitan na naman
niya ako about sa pagiging close-minded ko sa ibang forms of art. (Well hindi naman
ako nagpapatalo, pinapamukha ko sa kanya ang ignorance niya sa literature. That
shut him up.)

For three days nanood kami ng halos 20 plays, and we got almost all of the people
we needed for the movie.. except.. Tila. Ang dami namang magagaling (at
magagandang) theater actresses sa mga napanood namin kaso.. wala sa kanila yung may
exact Tila feels. Nagpa-audition tuloy si Andreau for two days, but we only got
more actors for other roles.

Medyo nagsisisi nga ako na ginawa naming complicated ang character ni Tila. She’s
too spontaneous, too carefree, too cray-cray (Kesh’s words) kaya ang hirap humanap.
Biniro ko nga si Andreau, sabi ko ako na lang ang gawin niyang Tila. Tinawanan niya
lang ako at bumanat ba naman ng Zades wag mo na nga i-try maging funny. Di bagay
sa’yo.

That annoying man.

So mga isang linggo na rin naming problema yang si TIla. Gusto ko pa sanang
maghanap pa ng ibang actress kaso ‘tong si Choleric Andreau mas gustong i-push ang
nasa Gantt Chart niya. According to his (annoying) chart, dapat ay maghahanap na
kami ng potential locations for the scenes.

That’s what we did today.

Gumawa siya ng listahan ng 10 simbahan na pwedeng maging main location namin for
Tila. Sa isang simbahan kasi magkakakilala sina Benny at Tila so kailangang
magandang simbahan ang piliin namin. Yung may character, edge and history. Buong
araw kaming nag-ikot sa buong Metro Manila para lang sa sampung simbahan na nilista
niya. Dear Lord, ‘di ko kinaya ang Visita Inglesia namin ngayong October ha!

(Pinag-awayan namin kung ano ba talaga ang gusto naming simbahan for the movie.
Gusto ko sana dun sa Manila Cathedral kaso ayaw niya. Baka raw matulad sina Tila at
Benny kina Sharon at Gabby. He was surprised na alam ko yung reference na ‘yon,
thanks to my Sharonian mom.)

Sa Makati City ang huling simbahan na pinuntahan naming, Nuestra Señora de Gracia
Church. Wild card nga lang ‘to sa listahan niya, sinuggest ni Mars kasi yan daw ang
favorite niyang simbahan.

Parehas kaming natameme ni Andreau nang lumabas kami ng sasakyan niya. My God.. the
church looked so much better than the photos! Sa steps talaga ako naakit eh. It
looked so grand and perfect ‘to para sa unang meeting nina Benny at Tila. Sarap
magphoto-op dito! Saktong ang ganda pa ng blue sky kaya kinunan ni Andreau ang
façade ng simbahan. Hindi ako makapili kung ano mas maganda, yung kuha sa camera o
yung mismong nasa harap namin. Halos walang pinagkaiba eh!

We stood there in silence, still admiring the church’s façade. “Andreau,” I nudged
him. “Ano na? What do you think?”

Inayos muna niya ang suot niyang baseball cap. Grinning widely, he replied, “This
is our church, Zades.” His eyes were gleaming with excitement, and I could
practically hear his thoughts out loud. Parang naging si Tristan tuloy ang kasama
ko dito!

Bago pa ako makapagreact, hinila na niya ako papasok ng simbahan. In fairness,


medyo maliit lang yung simbahan, kinda intimate in my opinion. Dramatic din ang
feeling sa loob, plus ang ganda pa ng ceiling and chandelier. Nakakaiyak, nai-
imagine ko na yung scenes na pwede naming i-shoot dito! I cannot contain myself!

May ilang tao na nagdadasal kaming naabutan sa loob. Hindi namin alam kung kailan o
tapos na ba ang misa dito so sa pinakalikod kami pumwesto ni Andreau para makakuha
siya ng photos. He kept on telling me the possible camera angles, lighting and all
those film making stuff na hindi ko maintindihan. Gets ko namang excited siya and
all, pero medyo maingay siya. A couple of people sent us disapproving looks, na
sobrang oblivious ata si Andreau. Ilang beses ko na siyang sinisiko pero ‘di niya
ako pinapansin.

Moments later tumahimik na siya at bigla na lang tumulala. Phew, akala ko mapapaawa

“Hija? Excuse me lang?”

Oh no.

Napalingon ako sa kanan ko, and there sat an old lady na nakataas pa ang kilay
sa’min. Siguro halos kaedad lang din siya ni Nana Tinang pero mukhang mas masungit.
Uh oh, she looked so pissed. Yayayain ko na sana si Andreau na lumabas na kami ng
simbahan kaso too late, tumayo na si Lola at lumapit na sa’min ni Andreau.

“Hija, hijo, mawalang galang na,” she said sternly. That caught Andreau’s
attention. Pinatay muna niya ang camera niya at tinignan si Lola. “Ano kasi.. hindi
naman sa nakikialam ako ano? Pero sana pag-isipan niyo muna ang gagawin niyo.”

Ha? Ano ‘tong pinagsasabi ni Lola? Bawal bang magshoot dito?

“... hindi madali ang pag-aasawa. Dapat pinag-iisipan niyong mabuti! Hindi yan
bagong saing na kanin na pwede niyong iluwa kapag napaso ang dila niyo!” she rolled
her eyes. “Tsaka ang babata niyo pa para magpakasal! Ikaw ba hija,” tinignan niya
ako mula ulo hanggang pa, “parang underaged ka pa ata!”

OH LORD. TOTOO BA ‘TO.

Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Andreau, completely floored with what Lola
just said. Triple shit, he’s blushing. I am blushing, too.

Akala niya nandito kami para.. tumingin ng wedding venue?

Oh dear Lord. Naloloka na ako.

Tuluy-tuloy lang si Lola sa pang-aral niya sa’min about the maagang pagpapakasal at
lifelong commitment. Wala kaming lakas ng loob ni Andreau na awatin siya. Ang dami
niyang pinaglalaban eh. Tsaka hindi ba niya namukhaan si Andreau? Oohh either hindi
na talaga siya sikat o sadyang effective ang walang kwenta niyang disguise. Maasar
nga ‘to mamaya!

“Uhmm excuse me po,” Andreau finally cut in. Tinaasan tuloy siya ni Lola ng kilay.
Napalunok na lang si Andreau bago siya nagsalita ulit. “Uhmm.. hindi po kami
magpapakasal,” he said shyly. He elbowed me on my side, asking to back him up.

“Opo hindi po kami magpapakasal,” I piped in, a bit too enthusiastically. Medyo
takot kasi ako kapag pinapagalitan ako ng mga matatanda, except kapag nasa San
Ignacio ako. “Magkaibigan lang po kami.”

May itataas pa pala ang mga kilay niya grabe. Mighty eyebrows. “Talaga? Eh bakit
pinag-uusapan niyo ‘tong simbahan? Tapos kinukunan pa niya ng picture ‘tong
simbahan?”

Andreau sighed, and before I knew it, tinanggal niya ang cap niya. Wow seriously,
gagamitan niya ng Cortez Charm ‘tong si Lola? He even ruffled his hair a bit. Damn,
medyo uhh.. okay Zades, shut up. “May gagawin po kasi sana kaming pelikula dito.
Kailangan po naming kunan ng picture para ‘di na kami magpabalik-balik,” lo and
behold, his Charm Smile appeared. Ibang klase rin ‘tong lalaking ‘to. Walang kupas!

“A-ahh.. ganun ba?” napangiti si Lola. And his charm really worked? Ano bang
problema ng mga tao at nagpapadala sila kay Andreau? Kaloka! “P-pasensya na.. akala
ko ka—“ she suddenly squinted at him, para bang minumukhaan niya ang kasama ko. Hay
finally, nakikilala na rin niya si Andreau!

“Teka lang... parang.. parang nakita na kita sa TV...” napapikit siya. God can I
just tell her already? Medyo awkward na kasi ang atmosphere dito. Hinawakan pa niya
ang braso ni Andreau. Di ko na kinakaya ‘to.

I must save Andreau from further humiliation. Bahala na nga! “Uhhmm.. La? Siya po
si—“

“ANDREAUUUUUU!!! ANDREAUUUU!” someone shouted behind us. That’s definitely a sound


of a Dreauster. Goodness, makakakita na naman ako ng rabies-infested Dreausters!

Siniko ulit ako ni Andreau. Gusto kong matawa sa itsura niya kasi sobrang obvious
na magpapanic na siya anytime. Wala sa plano niya ang pagkaguluhan dito sa
simbahan. Kaso.. wala na, pinagtitinginan na kami sa pwesto namin.

“You dug your own grave, Boss. Next time wag mo na tatanggalin yang cap mo. You
look.. rather stupid.”

Umupo na lang ulit ako at pinabayaan siyang pagkaguluhan ng mga tao. Serves him
right.
xxxx

Pumunta kami sa isang burger place somewhere sa Jupiter St. para kumain ng
merienda/dinner. His friends owned the place kaya nakakuha kami ng medyo secluded
na table sa loob. Actually gusto niya sanang kumain dun sa gotohan na nadaanan
namin kanina kaso kumalat na nasa simbahan siya kaya kailangan na naming umalis.

Good Lord, yung ibang fans hindi na pinatawad na nasa simbahan sila eh! Todo
papicture at yakap pa yung ilan. Mga ten minutes din yung fan meet niya bago kami
nakaalis sa simbahan. I was expecting na may mananabunot sa’kin dun (Ilusyonada
talaga kahit kelan!) pero thank God wala. Hindi nga nila ako pinansin kanina! Buti
na lang talaga.

Pinag-usapan ulit namin ni Andreau si Tila habang kumakain kami, this time mas
seryoso na. I had to take down some notes kahit ang bilis magsalita ng kausap ko.
The talk became so intense kaya after 30 minutes, I called for a dessert break.

“Alam mo, I really don’t get it,” sabi ko sa kanya habang inuubos ko ang salted
caramel ice cream ko. He looked up at me, spoon still inside his mouth. “Si Lola
kanina.. masyadong agit noh? Nagulat lang ako na jinudge niya tayo agad kanina. Di
ba nung mga panahon nila maaga rin sila nagpakasal? Mga 18 years old ganun?”

“World War 2 naman kasi nun, Zades. And be—“

“Sina Nana at Tata nga, 19 years old pareho nung nagpakasal sila eh. Wala namang
masama dun, ‘di ba? Don’t get me wrong, wala naman akong planong magpakasal nang
maaga ha. I just think wala namang masama kung maaga eh, basta mahal nila ang isa—“
natigilan ako kasi I noticed na nakangisi sa’kin si Andreau. “What? Did I say
something wrong?”

He shook his head, removing the spoon. “So.. hindi ka pa magpapakasal soon? Akala
ko pa naman gusto mo magpakasal agad after ng graduation.”

I’m not sure kung seryoso ba siya sa sinasabi niya o nang-iinis lang. “Ha? Sira ulo
ka ba? Wala akong plano magpakasal after graduation ano! Two years from now na ‘yon
hello, and wala pa akong boyfriend! Ba’t mo naman naisip yan ha?”

“Wala lang,” Andreau shrugged nonchalantly. “You striked me as the marrying type,
Zades. Yung tipong magsesettle down agad after makakuha ng permanent job. The
likes.”

Really now? May ganun ba akong vibe? Siya pa lang ang kauna-unahang nagsabi sa’kin
niyan ever. “Well, you read me wrong. Wala pa sa 5-year plan ko ang magpakasal ano.
Actually, I planned everything out. After ng graduation, pupunta ako ng New York
para magstay kasama si Mima. Siguro mga one to two years of waitressing then mag-
aapply ako for graduate studies, preferably sa NYU. Tapos given na matapos ko ‘yun
on time, babalik kami ni Mima dito sa Pinas para magtayo ng restaurant niya. Maybe
magtuturo ako sa university or magtayo ng sariling bookshop or café. Then tsaka
lang ako magpapakasal, around 27 or 28 years old. That’s my ideal age.” I raised my
eyebrow at him. “So.. that proves na hindi ako yung iniisip mo, Andreau. Career
before marriage ako.”

“Wow, and I thought I was the choleric one!” he teased, smiling like an idiot.
“Very well. I’m sorry for my assumption, Zades. Pero wait lang.. you’re going to
New York, too?”

Too? “Yep. Yun ang deal namin ni Mima. And bakit may too? Pupunta ka rin ba ng New
York?”

He nodded slowly. “Yep. That’s my plan. May two years pa ako sa contract ko and
after that.. I will take a break. A very, very long break. Siguro mga three years?
It’s actually my dream, to study film in New York,” he stopped for a moment, then
added. “My parents also wanted me to go there so.. I think it won’t hurt, right?”

Too much information ‘yon ah. Siya.. sa New York? Habang nandun din ako? Whoa,
Zades. Yung imagination mo kung saan-saan na naman pumupunta!! “Weh ‘di nga? Hindi
ka ba pupunta dun kasi susundan mo ako?” I blurted out quickly. Oh God, did it come
out as a joke? Stupid stupid mo—

Andreau shot me a ridiculous look while laughing like crazy. Whew, muntik na ‘yon!
“Ewan ko sa’yo! Kumain ka na nga lang!”

“Eh ikaw Andreau, kelan mo planong magpakasal?”

I definitely surprised him there. Muntikan na niyang mailuwa yung ice cream na
kinakain niya. “B-bakit mo naman naitanong yan?”

“Wala lang. I’m just curious. Given your status, work load and life plans, hindi ko
maisip kung saan mo maisisingit ang pag-aasawa. Hello, ni girlfriend nga wala kang
oras eh!”

He took his time before answering my question. Sobrang hirap ba nung tanong ko at
natameme siya kaagad? “Marriage ba? Let’s see.. I think.. mga early thirties pa ako
makakapag-asawa. Most of my friends got married at that age so I guess.. that could
happen to me, too. Who knows?” he shrugged. “I still have... a decade or so. Dami
ko pang plano, Zades. Gusto ko muna ma-enjoy lahat habang kaya ko pa.”

His answer saddened me a little. Ibang-iba pala talaga ang priorities ng mga tao,
ano? Siya.. trabaho at career agad ang iniisip. Yung ibang mga naging kaklase ko na
kasing edad niya, pinoproblema kung paano nila igi-give up ang virginity nila o
kung saan magpapakalasing the next day. Andreau could do the latter if he wants.
Kaso hindi eh, may career na siyang kailangang i-sustain.
“Eh what if nameet mo si Worth The Trouble in the middle of your great plan?” I
couldn’t help but ask. “Anong gagawin mo? Will you still pursue her if that’s the
case?”

“I bet she should understand me, Zades. Feeling ko magiging workaholic din siya.
Who knows, baka siya pa nga ang magrequest na late na kami magpakasal!”

 “God, isa ba yung pagiging choleric sa criteria mo sa paghahanap kay Worth The
Trouble? Itatanong ko nga kay Kesh kung anong possible outcome kapag nagkatuluyan
ang dalawang choleric. Update kita ha? Pero pag ‘di maganda yung sasabihin niya wag
mo na lang ako imbitahan sa kasal niyo.”

“Baliw. And we’re calling her that now?” he asked, referring to that silly nickname
I said earlier.

“Or maybe him.”

Andreau glared at me. “Scheherazade Pascual, that’s not funny,” he muttered in mock
annoyance. Bihira, as in bihira ko lang asarin si Andreau about sa chismis sa
kanila ni Roldan and.. never akong magsasawa sa reaction niya. Bigla na lang kasi
siyang magsusungit!

“Eto naman! Hindi na nasanay sa’kin!” binelatan ko siya. “Pero alam mo? Galingan mo
yung pagpili kay Worth The Trouble ha?”

“Ba’t naman?”

“Kasi.. hindi magiging madali yung kahaharapin niya. Big deal din kasi sa fans mo
kung sino makakatuluyan mo in the end. Tignan mo nga, ako na kaibigan mo lang,
sobrang issue na sa kanila. Paano pa kaya pag nagkaron ka ng legit girlfriend? E
‘di mas warla sila! Ang hirap kaya malagay sa ganung posisyon ano! Nakaka— o ba’t
natatawa ka dyan?”

Smiling, he gently shook his head. “I understand your point, Zades. Don’t worry,
ipaparating ko sa kanya yang advice mo someday.”

“Aba dapat lang! And please lang ha, kung maghahanap ka ng trouble, wag na si
Jillian ha?”

“Why not Jillian? Akala ko ba friends na kayo?”

“Friends na nga kami! Type niya yung isa niyong friend kaya wag mo na agawan!”

“How di—“
I sighed. “Jillian and I met yesterday, okay?”

Nagulat siya sa sinabi ko. “What? E magkasama ta—“

“Right after ng audition thingy. Masyado kang pre-occupied sa Doctor Who marathon
mo kaya ‘di na kita kinulit. And no, hindi ako magkukwento.”

“Share naman! I was the one who initiated this!”

I pretended to zip my lip to annoy him more. “Sorry ka na lang, Andreau. Not gonna
tell anything.” He got his phone in a huff. “And sorry, Jillian won’t tell you
anything, either. It’s a girl thing.”

Napailing na lang si Andreau, admitting defeat. “You’re stealing my friend away


from me, Zades. I’m not liking this one.”

“Well.. live with it,” I replied with a saucy grin. Akala niya ha. Gantihan lang.

xxx

Two days later...

After ng ilang araw na auditions and location hunting, tumigil din kaming dalawa ni
Andreau at bumalik sa “normal” lives namin. Normal, meaning tambay lang ako sa dorm
at nagbabasa ng random books. I also stumbled upon this website called Wattpad, na
nakita ko lang sa post ng isang classmate sa Facebook. Hmmm.. online writing
community huh? Nakakagulat na maraming Pinoy na nagbabasa dito ah. May ilang
English stories akong nilagay sa library ko para mai-try ko lang ‘tong site. Sana
maganda!

Engrossed na engrossed ako sa pagbabasa nang biglang tumawag sa’kin si Ms. Marisse.
Pinakiusapan niya akong bantayan muna si Tristan overnight dahil may shooting sila
ng Wanderlust sa Cavite. Actually, may nanny naman talaga si Tristan sa ganitong
instances kaso mas gusto niya na ako ang magbantay sa kanya. Aba, kung may Cortez
Charm, meron ding Pascual Allure ano!

So.. hinintay ko na lang na makauwi si Tristan galing ng school sa condo nila. Doon
ko na lang tinuloy ang pagbabasa sa Wattpad para libre rin wifi (gamit gamit din ng
libre!). In fairness ha, maganda yung English story na binabasa ko! Ngayon pa lang
ako kinilig sa student-teacher scenario! Aaahhh!
The door suddenly burst open, at akala ko si Tristan na yung pumasok. Mali pala.
Yung pinatandang Tristan ‘yon, si Big Boss. Aba, naka-gym attire siya! Bihira ko
lang siya makitang nakasuot ng ganun kasi usually sa texts or calls lang niya
nababanggit sa’kin ang gym. Oh well, sembreak naman so..

Zades, stop it. Wag mong titigan ang mga braso ni Andreau. Wag kang manyak.

Hindi ata ako napansin ni Andreau sa may sofa kaya dire-diretso lang siya sa
kitchen. Nako, magnanakaw na naman ng Gatorade ni Ms. Marisse! To teach him a
lesson, dahan-dahan akong naglakad sa kitchen counter para gulatin siya. One thing
I learned about Andreau: in deep concentration talaga siya kapag kumukuha ng
pagkain sa ref. (Oh God, ref. Stop it stop it!!!)

“Ano ba yan, Zade! Hindi ka na nga funny, pati ba naman sa panggugulat fail ka pa
rin?” he said without looking back at me. I froze on the spot, jaw wide open. Paano
niya ako napansin eh sobrang ninja moves na nga ako!

“B-bak—“

“I saw you earlier. Masyado ka atang busy sa phone mo. Sino katext mo?” he asked
casually. Aba, pupunta ng gym pero kumakain ng cheesecake? Dumiretso siya sa sala
at inagaw ang puwesto ko sa sofa. Ugh.

Sinundan ko siya at umupo sa other side ng sofa. “Wala akong katext. Nagbabasa ako.
Umalis ka nga dyan!”

“Ba’t ba territorial ka dyan? And what are you reading? Tessa Tobias?”

“None of your business. And hello, sa December pa ang labas ng bago niyang libro
ano!”

Bago pa kami mauwi sa isang heated discussion about Tessa Tobias novels, bumukas
ulit ang front door. Si Kuya Mike ang unang pumasok, dala-dala ang bag ni Tristan.
Nang si Tristan na ang pumasok.. I noticed two things.

One, he’s not smiling. At all. Mugto ang mga mata niya.

And.. may bandage siya sa tuhod.

“Mr. T! What happened?” I exclaimed as I rushed towards him. Andreau trailed behind
me, completely forgetting the cheesecake na parang girlfriend niya kanina.

“Naku Ms. Zade, nadapa po kaninang breaktime. Di niya raw napansin yung lunchbox sa
may canteen kaya ayun, dapa,” kwento ni Kuya Mike bago siya umalis. Sinabihan ko si
Andreau na kumuha ng tubig sa kitchen habang dinala ko si Tristan sa may sofa.

“A-ate Zade.. masakit po,” Tristan said quietly as I laid him down on the sofa.
Nilagyan ko ng unan ang ilalim ng tuhod niya, hoping na medyo comfortable siya. “D-
di ko po nakita yung lunchb—“

“Ssshh.. Tristan. Okay lang, don’t explain. Magiging okay din yan, ha? Mamaya
papalitan natin yang bandage mo bago ka matulog ha? Wag ka na umiyak, Mr. T!”

Andreau appeared again, holding a glass of water and.. chocolates. Wow, expect him
to be sweet everytime. “Trist, inom ka muna oh,” he handed me the glass of water
and sat down on the center table. “Sinabi mo na ba ‘to kay Marisse?”

Tristan panicked for a second. “H-hindi pa po. M-mamaya ko na lang po sasabihin kay
Mama, Kuya Andreau.” Kinuha niya sa’kin ang baso at uminom ng tubig. “T-thanks po,
Ate Zade. Kuya Andreau. S-sorry po kung u-umiyak ako.”

“Okay lang naman umiyak, Trist. Di ba Ate Zades?” and he did another impossible
thing. Andreau winked at me. WINKED. Ngayon pa lang niya ginawa ‘yon!

MAY JUTES SIGURO YUNG CHEESECAKE! ITATAPON KO NA ‘YON MAMAYA!

“Uhh.. aah.. y-yeah, okay lang ‘yon Tristan!” umiwas ako sa tingin ni Andreau at
tinitigan na lang ang bandage ni Tristan. Oohhh ganun pala itsura ng bandage! Cute
ha!

Binuksan ni Andreau ang TV para makapanood si Tristan ng favorite cartoons niya. Sa


carpet na lang kami naupo ni Andreau, at no choice kami na makinood na rin. Kaso
hindi ako mapakali. Tristan kept squirming uncomfortably on the sofa at nababangga
niya ang balikat ko. “Trist, okay ka lang ba?” I asked him again.

“M-masakit pa rin po Ate..”

“Do you want me to kiss it to make it feel better?” Tristan happily nodded. I
placed two soft kisses on his bandaged knee and patted his head. “Better?”

At last, ngumiti na rin s Tristan! “O-okay na po Ate Zade! Thank you po!”

Bumalik na ulit kami sa panonood, Spongebob Square Pants this time. Finally
nakapanood na rin ako nang matiwasay! Kaso..

“Zades?” Andreau quietly said, but enough for me to hear.

“Hmm?”
“Nauntog nga pala ako sa gym the other day...”

I looked at him and checked his head. “Oh? Okay ka na? Nagpacheck up ka na ba? CT
Scan?” Hmm.. kaya pala may kung anu-anong ginawa si Andreau these past few days!
Nauntog pala!

For a second there I thought I saw him blush. Oh well, it’s just me. “Uhh..
nevermind. Paano, una na ako ha? I’ll be back in two hours, okay?” he stood up and
grabbed his gym bag. “Bibili na lang ako ng pizza later ha, Tristan? Pagaling ka.”
Dumiretso siya agad sa pinto bago pa ako makapagreact

Ni hindi man lang siya nagpaalam sa’kin! That little shit! Bukas nga aayain ko
siyang magpa-CT Scan, baka naalog utak niya eh!

Xxxx

Well.. mukhang okay naman si Andreau after niyang bumalik galing ng gym. Kinulit ko
siya nang todo na magpa-CT Scan na bukas kaso ayaw niya at nasabihan pa akong OA.
Aba, masama na bang mag-alala ngayon? Kinakabahan lang naman ako na baka may
diperensya na siya ah. What if bigla na lang sumakit ang ulo niya habang sino-shoot
na ang Tila? Yung mga ganung freak accident ba! OA na ba agad ‘yon?

Sobrang ugh. Buti na lang nag-uwi siya ng favorite pizza ko. Ang cute nga eh,
nakikain na rin si Tristan ng mga tira kong pineapple! Kawawa si Andreau, kaunti
lang ang nakain niya. Serves him right!

I thought dito rin sa condo nina Ms. Marisse matutulog si Andreau, kaso raincheck
muna raw at marami pa siyang aasikasuhin para sa permits ng Tila ganun. I offered
my help kaso.. and to quote him Nurse ka ni Tristan tonight, Zades. I don’t want to
intrude. Tsaka mas kailangan ka niya ngayon. I’ll manage on my own.

Ugh. What a drama queen!

Nauwi na lang kami ni Tristan sa panonood ng cartoons. Again. Inaabangan niya kasi
ang Ben 10 movie premiere sa Cartoon Network kaso.. kung kelan malapit na
magshowing.. doon pa nagkaproblema ang cable. Tinawagan ko na ang cable company and
sadly, bukas pa raw babalik ang connection. What a bummer! Hindi ako mahilig sa
cartoon but for some reason tuwang-tuwa ako sa Ben 10! And yes, excited ako sa
movie!

Surprisingly, niyaya na ako ni Tristan na matulog niya. Hay, finally makakapaghinga


“Ate Zade! Kwentuhan mo ulit ako,” he requested nang makahiga na kami sa kama niya.
Oh. I almost forgot. Naging custom na namin ni Tristan na magkaroon ng bedtime
stories portion kapag ako ang nagbabantay sa kanya. Lagi kong kinukwento sa kanya
ang childhood ko sa San Ignacio at sa Manila, tapos yung adventures namin ni Kesh
sa university. Ikukwento ko sana sa kanya ulit yung first enrollment namin ni Kesh
nang humirit si Tristan ng ibang story.

“Ha? Ano namang ikukwento ko sa’yo, Trist? Ayaw mo na ba nung funny stories ko?”

Umiling siya. “Hindi naman po sa ganun ate. Gusto ko lang po makarinig ng ibang
stories. Sabi po kasi ni Kuya Andreau na mahilig po kayo sa books, ‘di ba?
Kwentuhan mo na lang ako ng favorite book mo, Ate Zade!”

Patay kang bat aka. Favorite book ko? Kukwentuhan ko siya ng true crime stories?
Naku baka ‘di siya makatulog kapag kinwento ko sa kanya ang Tessa Tobias novels!
Ano pa kaya ang pwede kong ikwento sa kanya?

Austen novels? Naah, he’s too young for that. Shakespeare? Definitely not that.
Sherlock Holmes? Canterbury Tales?

Wow sige Pascual, ikwento m okay Tristan yung reading list mo ha. Manosebleed siya
don eh!

“Uhh.. gusto mo ng fairy tales? Little Red Riding Hood?” I suggested.

“Ayaw. Ayaw ko ng fairy tales, ate. They’re for girls.”

Malakas ang feeling ko na si Andreau ang nagsabi non sa kanya. Kakausapin ko nga
siya bukas ng umaga abou that. “Uhhmm.. eh anong gusto mo? Marami akong pwedeng
ikwento kaso hindi for kids na katulad mo eh.”

“Wala rin ako maisip na story ate. Pwede bang gawa ka na lang ng story?”

Hala. Mahilig akong magbasa at okay din akong mag-edit pero hindi ako magaling
magsulat. Nag-improve nga lang ang writing skills ko dahil sa Tila at kay Andreau
eh. Pero ang makasulat ako ng sarili kong kwento? Not a chance.

Shit, ano bang pwedeng ikwento sa kanya? Eto ang problema ko eh. Sa sobrang dami na
ng librong nabasa ko, wala akong maisagot kapag pinapapili ako ng favorite book or
story. Ang hirap kasi na isa-isahin lah—

Oh. Oh.

Alam ko na ang ikukwento ko. How could I forget that?


Inayos ko muna ang mga unan namin ni Tristan para mas comfortable kaming dalawa. He
suddenly became excited. “Ate ano yung story mo? Nakagawa ka ba agad? Ang bilis
naman!”

“No, I just remembered this story. Favorite story ko ‘to, Trist! Sana magustuhan mo
ha?”

“Ano po yun ate?”

I paused for a moment, surprise factor ba. “Okay Tristan.. here’s a question. Gusto
mo bang malaman ang story kung bakit 26 letters lang ang English Alphabet?”

[END OF CHAPTER]

=================

[35] The Impossible Girl

Chapter 35: The Impossible Girl

October 31

Aaahh... it’s that time of the year again.

Halloween. Isa sa pinakaayaw kong holiday (well.. not a holiday, but you get what I
mean!) next to Valentine’s Day. Isang araw na puno ng horror movies, sweets and
costume parties. Obvious naman na mababa ang opinion ko sa araw na ‘to. I really
don’t get the sense of this.. thing. Gastos lang siya sa paningin ko, isang event
para sa mga yamings.

But this year, it’s different.

Believe it or not, excited ko sa Halloween.


“ANDREAU!!! Ano ba ba’t ang tagal mo?” kinatok ko ulit nang malakas ang pinto ng
kwarto niya. Mga isang oras na siyang nasa loob for heaven’s sake! Talo pa ako sa
tagal ng pagbibihis! “Ang dali-dali lang namang suotin ng costume mo! What’s taking
you so long?”

“Wait lang! Wag kang masyadong excited!” I could still hear his annoyance on the
other side of the door. Ugh, siya pa talaga ‘tong may ganang mainis sa’kin ha. Ako
na nga ‘tong pinaghihintay niya!

Pumunta na lang ako sa harap ng full length mirror sa tabi ng kwarto niya para
tignan ang sarili ko. Wow ha, I look gorgeous. Compared to last year’s Halloween na
pajama lang ang suot ko (What was I thinking, really?), bawing-bawi ako this year.
Hah, eto talaga ang nangyayari kapag nagpaplano ako! Ang hirap kayang buuin nitong
costume ko! Effort kung effort ako sa paghahanap ng costumes namin ni Andreau ha.

Yep.. ako ang naghanap ng costume ni Andreau. Wala na siyang magagawa kasi..
kasalanan niya ‘yon.

After fixing my red dress and leather jacket, and checking my black stockings,
kinatok ko ulit si Andreau sa kwarto niya. OA na sa katagalan ang pagbibihis niya
ha! Mahirap bang magsuot ng long sleeves at vest? Tuktukan ko ‘to eh!

“Andreau Francis! Ano ba malelate na tayo! Susunduin pa natin sina Dan at Kesh!” I
was about to knock again when his door opened. Muntik ko nang makatok ang muk—

Holy mother.

Alam ko namang gwapo si Andreau. Hindi ako bulag at manhid sa taglay niyang
charisma at sex err.. appeal. Sa tagal kong kasama siya may moments na mapapatigil
na lang ako at napapa-Triple shit ang gwapo pala talaga ni Andreau Cortez it’s so
unfair. Kahit makapal ang mukha ko, minsan nai-insecure ako sa itsura niya. Sinalo
na niya lahat eh!

Kaso ngayon.. my God. First time kong mapanganga sa kagwapuhan niya.

I was gobsmacked by his handsomeness. Hello, ako ang pumili ng costume niya for
tonight pero bakit.. parang.. ugh! Simpleng light blue na long sleeves, black vest,
dark blue na bowtie (with little polka dots) and dark brown Belstaff coat ang
costume na pili ko for him. But oh boy, napanganga ako sa round rimmed specs at Fez
(a brimless cone-shaped crowned hat, color red) na suot niya.

Good Lord, bagay na bagay sa kanya ang costume na napili ko.

“Hoy ano na?” his irritated voice brought me out of my trance. Nakapamewang na
siya, hinihintay ang susunod kong gagawin. Umikot siya sandali na para bang
minomodel ang costume niya. “Do I look.. okay?”
I nodded dumbly. “Uhh.. v-very much okay, A-andreau. Real okay.” Damn, I’m
stuttering. Why am I stuttering? Bakit biglang naging baligtad ang mundo namin ni
Andreau ngayon?

Giving me a suspicious look, he raised his eyebrow. “Yang bang okay mo ay yes okay
o no pangit okay?”

“Y-yes okay. Ano ka ba, I picked your costume. Of course yes okay!” umiwas na ako
ng tingin sa kanya. Please wag ka magblush, Pascual. Not. Helping. But shit, he
looked good. Parang fashion show ang pupuntahan namin at ‘di isang Halloween party!

“Bagay sa’yo yang leather jacket ah. You look like a rocker chick,” he commented,
checking out my costume. Ang weird naman ng once-over nitong si Cortez oh, hindi ko
alam kung mahalay ba o wholesome! “You should wear black more often. It looks good
on you.”

“Thanks. Learn ko na yan dati pa.”

Natawa na lang siya at pumunta sa harap ng full-length mirror. Oohh, Vain Andreau
strikes again! He fiddled his bowtie and fixed the fez on his head. “Zades seryoso
ka ba sa costume na ‘to? It’s too.. weird. I do—“

“Andreau swear to God bagay sa’yo yang costume ni Eleventh Doctor. Gusto mo pa bang
sabihin ko na ang gwapo mo? Oo na gwapo ka na kaya wag ka na mag-inarte sa costume
mo okay?” I said in a huff. He didn’t even bother to hide the blush on his cheeks!
Cute rin nito ni Andreau, ano? Nagbublush sa compliments!

“Ugh. I don’t want to be the Doctor! Gusto ko maging si—“

“Jesse Pinkman in that yellow overall suit? Sorry ka, Andreau. You lost the bet!”

He scowled at me before fixing his tie again. Bet? What bet?

Kasalanan talaga ni Andreau kung bakit yan ang costume niya ngayong Halloween.
Months ago, niyabangan niya ako na kayang-kaya niyang i-uno ang Italian 1 niya
without my help. Nairita kasi siya sa tutoring style ko, may kasamang pang-aasar at
lait (Kinompare kasi niya yung tutoring skills ko kay Tristan at yung sa kanya.
Malamang mas mabait ako sa pinsan niya, bata yun eh!). Ayun, nakipagpustahan siya
sa’kin. Kapag na-uno niya ang Italian 1, hinding-hindi ko na siya tatawagin na
Francisco kahit kailan. At kapag ako ang nanalo? Bahala na ako sa gagawin sa kanya.
Masyado siyang confident na makaka-uno siya dahil perfect niya ang midterm exams at
matataas ang quizzes niya. Ako? I don’t really care at all. Alam ko namang
tatawagin ko pa rin siyang Francisco with or without that bet.

So.. three days ago.. lumabas ang grades namin online. And guess what his grade
was?
1.75

Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak ko at sinabi kong ako ang pipili ng
Halloween costume niya para sa party ni Jillian. Tinawanan niya nga ako at
pinaalala ang I Hate Halloween spiel ko last year. Of course, a year could change a
lot of things. Ni hindi ko nga rin inexpect na matutuwa ako sa paghahanap ng
costume!

Iisang costume lang naman ang gusto kong suotin sa Halloween party. Wala kasing
makakagets ng costume ko unless may kasama akong partner. Thank my lucky stars I
won the bet!

Ano bang costume naming dalawa ni Andreau?

He’s the Eleventh Doctor and his companion, Clara Oswald from Doctor Who.

Tinabihan ko siya sa may harap ng salamin. Aba, sabi na nga ba eh, magwoworkout
talaga ‘tong costume na ‘to kapag may kasama ako! Bagay sa’ming dalawa ‘tong
costumes, plus nasuot ko na rin sa wakas ang black ankle boots na bigay sa’kin ni
Mima last year!

“Magkasingtangkad na naman pala tayo,” Andreau commented, eyes fixated on our


reflections in the mirror. He smiled softly before removing the fez off his head
and putting it on mine. “Mas bagay pala kay Clara yung fez eh. Ba’t ba si Doctor
ang laging may suot nito?”

“Funny!” binalik ko sa ulo niya yung fez. I couldn’t stop staring at ourselves,
though. First time ko kasing magcosplay and hindi naman pala siya gaanong weird or
what. In fact, I enjoyed it a lot. Kunwari pang hindi nag-eenjoy si Andreau sa
costume niya, eh titig na titig din siya sa salamin! “Hoy tama na kakatitig mo sa
sarili mo, Mr. Vain,” I nudged him to catch his attention. “Susunduin pa natin sina
Kesh at Dan. Ayokong malate sa party!”

“Yeah right. Because your new friend, Jillian, told you not to be late,” he said
with a heavy sigh , suddenly holding out his left hand before I’d had time to ask.

I stared at his hand. “Uhh.. why are you doing..” unable to say the words, I just
pointed out his hand.

“Just take it and we’ll go,” he said with a nod towards his hand. Oh, that.

“Sana sinabi mo na lang ano? Or you could’ve just taken my hand,” I teased,
stifling a laugh. He managed to let out a small smile before we went out of his
condo.

“Shut up, Zades.”


xxx

Isa sa mga napag-usapan namin ni Jillian noong nagmeet kami last time ay itong
Halloween party niya. Ayoko talaga pumunta noong una because it’s really not my
thing, pero ibang klase rin ang convincing powers niya at napa-oo ako.

Yung supposedly na oo na para sa’kin lang ay naging oo naming dalawa ni Andreau.


Ang original plan pala ni Andreau ay samahan ulit si Tristan sa trick or treating
just like last year. I didn’t know they had plans (Tristan forgot to tell me about
it. How weird, considering na lagi akong nasa kanila) and I didn’t know Jillian
thought na oo naming dalawa ni Andreau yung oo ko. So.. no choice si Andreau kundi
samahan kami nina Kesh at Dan sa party, at si Mars na lang ang sasama kay Tristan.

Ang cute nga naming apat sa costumes namin: Eleventh Doctor and Clara Oswald kaming
dalawa ni Andreau, Hermione Granger si Kesh (na bumalik pa nang maaga galing ng
Cebu para sa party na ‘to) at Indiana Jones si Dan. Tuwang-tuwa ‘tong dalawa sa
costume namin ni Andreau, to the point na todo picture sila sa’min.

Akala ko silang dalawa lang ang matutuwa sa tandem (no, not a couple) costume namin
ni Andreau. I was wrong. Kasi pagkadating namin sa party, pinagtitinginan kaming
dalawa ng guests. Hindi naman ‘yung intimidating na tingin ha. More of.. parang..
natutuwa sila sa’min ni Andreau? Wow, hindi ko inexpect na maraming nakakakilala sa
Doctor Who dito sa party na ‘to. Siguro familiar sila kay Doctor, o sadyang ang
gwapo at ang ganda lang namin ni Andreau tonight.

“Dreau! Zades!” Jillian greeted us once we reached the refreshments table. In


fairness, pinaghandaan talaga niya ang party niya with her Bellatrix Lestrange
costume! Napatulala siya saglit nang makita niya ang suot namin ni Andreau. “Wow..
Eleven and Clara, huh? Ang cute niyong dalawa!”

“Wha— Jill, you don’t watch Doctor Who,” Andreau stated dumbly, his eyes went back
and forth to the two of us.

Tumawa na lang si Jillian sa reaction ni Andreau. “My brother’s a Whovian, Dreau.


And pinipilit din ako ni Zades na manood nun. She’s been raving about it!”

Andreau couldn’t help but smirk a little as he discreetly nudged me. “Aaahh.. si
Zades pala ang may kasalanan. Just don’t watch it. It will ruin your life.”

“Wag kang makinig dito kay Francisco, Jillian! Kunwari lang siya na ayaw niya ng
Who pero deep inside nag-aadik yan,” sabi ko habang kumukuha ako ng drinks.

I saw Jillian smirked widely. Uh oh.. did I say something wrong? “Oohh..
Francisco?” she asked, totally amused. “So you two have nicknames now?”

“Pang-asar ko lang ‘yon sa kanya,” I replied before sending Andreau a death glare.
Baka kasi sabihin niya yung Patty B, delikado kapag may nakarinig na iba. Another
issue na naman sa’min! “Uy ang sarap nitong mixed drink ha! Anong nakalagay dito?”
sabi ko para maiba na ang usapan.

Nginitian na lang ako ni Jillian. Of course sobrang obvious ng diversion ko pero


naki-ride na siya. “That’s tequila sunrise! Mamaya papatapangan ko pa yung timpla.
It’s Halloween after all!”

We were interrupted by a loud screech coming from the sound system. Napatingin
kaming lahat sa may stage at doon ko lang napansin ang dalawang mic stands. Bago pa
ako makapagtanong kay Jillian, nagsalita na ang isang lalaki sa stage. Tinawag niya
si Jillian for a little welcome speech. Talaga bang may ganito sa functions ng mga
yamings?

“Uy guys! Kanina pa namin kayo hinahanap!” we spun around and saw Dan and Kesh
walking towards us. Tawang-tawa silang dalawa for no reason. Sus, nahawa na naman
si Kesh sa kabaliwan nitong best friend ni Francisco!

“Where have you been?? At ba’t kayo tumatawa?”iritang tanong ni Andreau sa dalawa.
Nagkatinginan na lang sina Dan at Kesh sabay tawa ulit nang malakas. “What. Is.
Going. On?”

Napailing na lang si Dan habang nagpupunas ng luha sa pisngi. My God, ganito ba


talaga silang magkakabarkada, iyak-tawa lagi? “Fuck, man. Alam mo ba ‘tong pinasok
niyong dalawa?”

“Kesh! What’s going on?” tanong ko sa roommate ko na parang nakasinghot ng isang


tangke ng laughing gas.

“Shit, Zades. Lagot ka. This isn’t an ordinary Halloween party. Karaoke Halloween
Party pala ‘to.””

Nagkatinginan na lang din kaming dalawa ni Andreau.

Triple shit.

xxx

MY GOD.

Isa sa pinakaayaw (at pinakapinagkakasunduan) amin ni Andrau ay kaaoke. Bukod sa


sagad sa kapangitan na boses namin, takot kami ni Andreau na magperform ng live sa
harap ng maraming tao. Wag ka, artista na ‘tong kasama ko pero ayaw niyang kumanta
(actually pagtula talaga ginagawa niya sa “singing attempts” niya) ha. Paano pa
kaya ako na hamak na mortal lamang? Dear Lord help us.
Nahiya naman kami ni Andreau na umalis agad dito sa party, lalo na’t karamihan sa
guests dito ay showbiz friends ni Andreau. Our solution para hindi matawag?
Nakihalubilo kami sa ibang tao sa party. Sa magkabilang sides kami ng room pumunta
ni Andreau. I think sumama siya sa mga Star Wars people (I saw someone holding a
lightsaber in the group. Sana mailigtas nila si Andreau).

Ako? Napunta ako sa isang group ng Whovians, na surprisingly headed ng kapatid ni


Jillian na si Jelo (how creative ng parents!). I was surprised, 16 years old lang
‘tong si Jelo at mga kabarkada niya (thank God may mga babae! Kumpleto nga kaming
companions dito except Martha Jones) pero super hardcore (their words, not mine)
Whovians sila. I found myself sharing and learning new stuff about Doctor Who! Sa
sobrang interesting ng usapan, ‘di ko napansin na si Kesh pala ang kumakanta sa
stage. Akala ko kung sinong babae yung kumakanta ng Through The Fire!

Magkukwento na sana ako about sa favorite episode ko nang..

“For the next song.. I pick.. Andreau Cortez!”

Hiyawan ang lahat ng tao sa party sabay chant ng “Andreau! Andreau!” I immediately
searched him in his spot pero wala na siya don. Shit, ba’t siya nilaglag ni Kesh?
Baliw talaga ‘yon kahit kelan!

Mas lumakas pa ang hiyawan ng crowd moments later. Bigla na lang may tinuro yung
kapatid ni Jillian.. shit. Si Andreau.. bitbit nina Dan at ibang showbiz friends!
Nasa likuran nila si Jillian na todo cheer sa mga goons na nagbubuhat kay Andreau
para iakyat sa stage.

Sa totoo lang.. hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako sa lagay ni Andreau
ngayon. He looked so helpless! Gusto ko sana siyang tulungan kaso minsan ko lang
siya makitang apihin ng mga kaibigan niya! Ganti lang ‘to sa mga pagpapahiya niya
sa’kin!

Once he got on stage, Andreau tried to go down kaso pinigilan siya ni Roldan.
Someone gave him the mic and a bowl full of red balls. Ano kaya yung laman nung
bowl? Ba’t may bola?

“Andreau! C’mon, pick four numbers!” sabi ni Jillian sa kanya. Lahat kami nakatitig
sa kanya sa stage, watching his every move. Shit, ilalabas ko na nga ang phone ko!
Sana makabunot siiya ng nakakahiyang kanta! Ang sarap ipangblac—

“Zade Pascual! Please join me here for this next song!”

WHAT.

Napanganga na lang ako sa sinabi ni Andreau. SInabi niya ‘yon gamit ang.. mic.
Everyone heard my.. na—
Before I knew it, everyone’s chanting my name. Feeling ko tuloy parang magsisimula
na sila ng rebolusyon dahil sa pagchant nila sa pangalan ko. Mga walanghiya ‘to! At
yung may pasimuno ng lahat? Ayun, todo ngisi sa stage!

“C’mon, Zades. Join me here. Please?” Pinandilatan ko siya kaso.. mas malakas yung
panlaban niya sa’kin eh. Gamitan ba naman ako ng smile niya? Walanghiya ‘to oo!

No choice na ako dito. No way out. Ni hindi man lang ako nakapagsulat ng last
letter ko para sa loved ones ko! Golly feeling ko bibitayin na ako!

Palakpakan silang lahat nang makaakyat na ako ng stage. Si Andreau tuwang-tuwa na


finally may kasama siyang mapapahiya sa gabing ‘to. “Thanks, Zades. I owe you one,”
bulong niya sa’kin. Mas lalo tuloy lumakas ang hiyawan ng mga tao dito!

“Sige lang. Babasagin ko lahat ng Blu-ray DVDs mo once makapunta ako sa condo mo
walangya ka.” Ni hindi man lang siya natakot sa kontrabida voice ko!

Jillian handed us the bowl and let us chose two balls each. Andreau got 5 & 7,
tapos ako naman 4 & 1. Si Jillian na rin ang naglagay ng numbers na ‘yon sa karaoke
machine.

7451.

I Got You Babe by Sonny and Cher.

For the nth time tonight, nakatinginan kaming dalawa ni Andreau. The song started
to play at lalo umingay ang audience namin.

“Do you know this song?” he asked me in a hurried tone. Hala, this is not good.
He’s panicking.

“Would you kill me if I say yes?” Nagulat siya sa sagot ko. Naku wala na kaming
oras para mag-explain pa ako kung ba’t ko alam ‘tong kanta. Theme song kasi ‘yan
nina Nana Tinang at Tata Greg kaya alam ko!

Kinapalan ko na talaga ang mukha ko. Baka mamaya maging Youtube sensation ako dahil
sa performance na ‘to. “Good evening po guys! Uunahan ko na po kayo. Wag kayong
mag-expect na pang-chorale po ang boses namin ni Andreau. Lumabas na po kayo kung
gusto niyo pang makarinig nang maayos,” sabi ko sa kanilang lahat. Bah, benta naman
sa kanila! Di naman ako nagjojoke ah?

Setting my eyes on the big screen, hinintay kong matapos yung countdown bago ako
kumanta.

Dear Lord, help me.


They say we're young and we don't know We won't find out until we grow

Siniko ko si Andreau para mapilitan siyang kantahin ang part niya. My God, he’s so
tensed! Feeling ko iniisip niya na wala na siyang mababalikang career after this!

Well I don't know if all that's true 'Cause you got me, and baby I got you

Babe

I got you babe I got you babe

Halos ‘di ko na marinig yung instrumental sa sobrang lakas ng sigawan nila. Aba,
ang ayos kaya ng boses namin ni Andreau! Mas okay nga yung boses niya ngayon kesa
dun sa Total Eclipse of the Heart eh!

“Am I singing it right?” Andreau mouthed at me.

“Oo!!! Di ka boses lata in fairness!”

They say our love won't pay the rent Before it's earned, our money's all been
spent

I guess that's so, we don't have a pot But at least I'm sure of all the things we
got

Babe

I got you babe, I got you babe

Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumanib sa’ming dalawa ni Andreau at sabay pa
naming nilagay sa mic stand yung hawak naming mic. Hala, feeling rockstar? Pinag-
arian na namin yung stage at feeling singers kaming dalawa. Yung takot ko kanina?
Nawala eh. Enjoy na enjoy kami ni Andreau sa pagkanta sa harap ng mga taong
nakasuot ng kung anu-anong costume.

Triple shit, this is way funny. Doctor and Clara singing a Cher song.

Si Andreau mas naging confident na sa new found voice niya. May little headbang
pang nalalaman!

I got flowers in the spring I got you to wear my ring


And when I'm sad, you're a clown And if I get scared, you're always around

So let them say your hair's too long 'Cause I don't care, with you I can't go
wrong

Then put your little hand in mine There ain't no hill or mountain we can't climb

Babe

I got you babe, I got you babe

I got you to hold my hand I got you to understand I got you to walk with me I got
you to talk with me I got you to kiss goodnight I got you to hold me tight I got
you, I won't let go I got you to love me so

Out of nowhere, Andreau held my hand (again) and squeeze it tightly before we sang
the last line.

I got you.. babe.

(Be still, my heart.)

xxx

After that infamous and humiliating karaoke number, Andreau and I found ourselves
bored as hell.

As in.

Kung sinu-sino na ang nilait namin (Of course patago at pabulong; medyo yamings ang
mga nandito sa party), natikman na naming lahat ng pagkain sa buffet (Stealth
moves, guys), uminom ng kung anu-anong mixed drinks (corny ni Andreau, tig-isang
shot lang daw ang pwede sa’kin!) at kumanta pa si Andreau sa karaoke (sadly no
vocal improvement, and sinira niya ang Drowning ng Backstreet Boys).

Maraming interesting na tao na pwedeng kausapin kaso.. naaah. May something sa’ming
dalawa (or sa’kin lang, I don’t know) na parang umay na sa mga tao. I didn’t have
to tell Andreau about this. Nagkatinginan lang kaming dalawa and the next thing I
knew, nasa elevator na kami paakyat ng rooftop.

Aaahhh.. this is how I like it. Ang sarap sa tenga ng katahimikan ng rooftop!
Kitang-kita pa rito ang Manila Skyline at ang gaganda ng ilaw sa buildings at mga
sasakyan sa ibaba. I bet nagsisisi si Andreau na hindi niya dinala ang camera niya!
Sa may edge ng rooftop kami pumwesto, dito kasi mas kita ang magandang view ng
city. We enjoyed the comfortable silence for few minutes before he broke it. “Bente
singko for your thoughts?” he asked, not sure if he’s teasing or serious.

“N-nothing.” Obviously there’s something but I couldn’t tell what. Nahihiya akong
ikwento sa kanya kung ano ‘yon.

Andreau merely turned and cocked an eyebrow. “C’mon Zades. I know it when you’re
hiding something.”

“Ugh, wag ka nga,” I shrugged, turning away from him. “How come alam mo?”

“I notice just notice things. So out with it, Patty B.”

Wala talaga akong mapapala kapag nakipag-away pa ako sa kanya. I turned around to
face him, my back resting on the small wall. “Fine fine. Yung group na kasama ko
kanina? Nakita mo ba ‘yon?”

“The Whovians?”

I nodded. “Sila nga. They asked about the usual stuff.”

“Oh. About us?”

“Yep. The usual. Nagiging boring na nga yung mga tanong nila eh. Anyway, tinanong
nila kung totoo ba yung rumors about us. I told them no. Ayaw pa nga nilang
maniwala kasi raw naka-Doctor and companion costume tayo. Mostly raw ng mga
kakilala nila na naka-ganitong cosume ay mag.. you know, mag-on.”

Natawa siya. “Really now?”

“I know right? Ang weird eh. So tinanong nila kung bakit ‘di tayo. Sabi ko hindi
talaga at malabo. The friends thing.”

“O, ‘yon ba? That’s the usual, right? Ba’t agit ka?”

Eto na. Ano bang meron sa’kin at ngayon pa ako nahiya kay Andreau? “They asked me
if.. if bakit wala pa akong boyfriend,” I admitted in a low voice. “I tried my best
not to be offended. Simpleng tanong lang naman ‘yon eh pero.. ewan. Hindi naman ako
naoffend dun sa manner ng pagsabi.. Actually hindi ko alam kung saan banda ako
naoffend.”

“Anong sinagot mo?”


“I told them the truth. Na wala pa sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend. Good
thing they dropped the topic right away. Ewan ko na lang kung anong maisasagot ko
kapag may follow up question pa sila. Ganun pala ang feeling kapag nasa hotseat
ano?”

Andreau sighed as he finally turned to face me. “Yeah.. Tell me about it. But in my
experience, thousands of people are watching, at iba-ibang interpretation ang mga
tao sa sagot mo.”

“Yeah, I agree. Ayoko na nga isipin kung anong tingin nila sa sagot ko. Nakakainis
yung tanong nila eh. Bakit wala akong boyfriend? Psh,” I angrily spat out. “Alam
kong sobrang ganda ko pero kailangan ba lahat ng mga tao ay involved sa isang
romantic relationship? Kailangaan bang majustify ng isang boyfriend or girlfriend
ang existence natin dito sa mundo? Kulang na ba ako kung wala akong legit na
kalandian? Ganun na ba kababaw ang tingin ng mga tao sa pag-ibig nowadays?”

For a brief moment, Andreau stared at me in astonishment. Then, he laughed, shaking


his head. “Zades, are you drunk? Kaunti lang yung nainom mo kanina ah!” sinuntok ko
siya sa braso niya. “Ouch! Sorry for laughing. I never expected you to be that
affected.”

Ako rin naman eh, ‘di ko akalain na ganito ang magiging reaction ko sa ganitong
issue. Medyo nagsasawa na kasi ako sa mga tanong nila sa’kin tungkol sa’min ni
Andreau eh. Lalo na yung mga tingin nila sa’kin kapag sinasabi kong hindi talaga
kami, na magkaibigan lang kami. As if their eyes were saying Shit girl, kawawa ka
naman. Lagi ka na ngang kasama ni Andreau pero ‘di pa siya nagkakagusto sa’yo! Ugh
nakakainis!

“Hindi ako lasing, okay? Naiirita lang talaga ako!” naglakad ako ng ilang steps
palayo sa kanya, raising my right fist. “Listen to this, okay? I don’t want a
boyfriend. I don’t need a boyfriend. Itaga nila yan sa mga bato. Want and need,
definitely a big no.”

An amused smile formed on his lips, as if testing me. “Be careful what you wish
for, Zades.”

Waving my hand at him, I said, “Whatever. Kung darating siya, e ‘di fine! Marami pa
namang tao ang nagmamahal sa magandang tulad ko. Kayong friends ko, my families..
family mo.. si Mars kahit inaaway niya ako lagi.. They’re with me, and I really
love them. I really love and appreciate you, guys. Bakit kailangan ko pang maghanap
ng isa pang tao? Ikaw nga eh, hinihintay mo si Worth The Trouble. Wala namang masa
—“

“Siguro kaya mo lang nasasabi yan kasi never ka pang nainlove sa isang tao, Zades.
The romantic kind of love.”

Oh-kay... medyo masakit ‘yon ha. “Sorry naman po sa taong in love! Wait lanh, are
you saying na in love ka? Yung Mars joke na naman ba ‘to?”
Napailing siya. “Araw-araw naman akong in love ah? Like what you’ve said maraming
bagay sa mundong ‘to ang pwedeng mahalin.”

“Wala akong sinabing ganun! Storymaker ka!”

“Fine, like what I’ve said. Sorry. So.. feeling any better?”

Sighing lightly, I smiled at him. “Yeah, surprisingly so. Akala ko buong gabi ako
maiimbyerna sa party na ‘to eh. Effort na effort pa naman ako sa costumes natin!”

“Speaking of.. why’d you choose Clara as your costume?”

Shit eto na nga ba eh. Curious Andreau strikes again! “Uhh.. because of the boots?”
I raised my legs to show off the boots I’m wearing. “Ang cute kaya!”

“Amy wore boots, too.”

Medyo nagsisisi na ako na pinapanood ko siya ng Doctor Who. Hindi talaga kami
nagkakasundo sa ilang favorites namin sa show. “Pake mo ba ha? Mas gusto ko yung
fashion sense ni Clara eh! Hoy, baka nakakalimutan mo, I’m taking the sonic
screwdriver. I found it.”

Andreau mock-pouted and moved towards me, the sonic screwdriver in his hand. “Eto
ba? Nuh-uh, Zades. You used my credit card to buy this so technically, it’s mine.”
He even waved the screwdriver in front of my face to prove his point.

“Tse. Panget mo. Pero Andreau.. what’s tonight all about?”

Confused, his smile dropped a little. “Huh?”

“Pumayag ka na si Eleven ang costume mo kahit ready na ang Jesse Pinkman suit mo.
Why?”

Again, he was silent, until eventually, he straightened himself up and smiled that
smile at me. “I want to say thank you.”

Now it was turn to get confused. “For what? I know you, Andreau. Nage-expect nga
akong aawayin mo pa ako para ipaglaban yang Breaking Bad cosplay mo. Bakit ka
pumayag sa kalokohan ko? Don’t tell me about the bet ha!”

“I just told you the truth, Zades. This is my way of saying thank you.” Damn that
stupid smile on his stupid face, hindi mawala-wala!

“For what?”
“For everything you’ve done for me. I—“

“Ako? Eh wala naman akong gina—“

“You know what? In a way, I think you’re like Clara Oswald. You’re my Impossible
Girl.”

“Why.. me?”

“Because.. she saved the Doctor in different times, right? That’s what you did to
me, Zades. You saved me consciously and unconsciously.” I was about to protest when
he continued. “You saved my script. You.. found me my Tila. You saved me from other
things.. and the most important thing of all?” he paused, then that mysterious
smile became brighter. Shit, ibang klase. “You saved me from the darkest moment of
my life. I could never forget that, Zades.”

How could he say those words effortlessly? Akala ba niya simpleng OMG lang ang
epekto sa’kin non? I.. didn’t know those things meant a lot to him. Ginawa ko lang
‘yon kasi alam kong ‘yon ang tama at ganon naman talaga ang ginagawa ng mga
kaibigan para sa isa’t isa. But hearing him saying thank you? It’s too much. Parang
sasabog na ‘tong puso ko sa sobrang saya at.. something. Basta. Parang sasabog na
ako any minute.

Wordlessly, I walked towards him and threw myself against him, locking my arms
around his shoulders. This is the only thing I could do to stop myself from crying.
“Andreau naman eh.. drama mo naman eh!”

“Alam kong magsasawa ka na marinig ‘to sa’kin pero Zades.. thank you for saving me.
Always,” he mumbled against my ear. He planted a soft kiss on my hair and that made
me blush like hell. Buti na lang hindi niya nakikita ang mukha ko, kundi tatawanan
ako nito.

“You’re welcome, Andreau. I’m glad to save you. Always,” I said almost out of
breath. We stayed in that embrace for few more seconds before I pulled away from
him, eyes searching his. “Wait lang.. you do realize na laging namamatay si Clara
kapag nililigtas niya si Doctor, ‘di ba? And what do you mean by other things?”

He took a step back and there it was again. That damned smile.

Only now, I was able to register just how fast my heart beat at the sight of it.
Pag pinatagal pa niya yang ngiting ‘yan, lulundag na ang puso ko palabas ng katawan
ko. “Well.. in your case, gumaganda ka kapag nililigtas mo ako. And the other
things? Naah. They’re just simple, little things.”

“Aahh.. kagaya ng mga katangahan mo sa buhay?”


He nodded, a playful smile appeared on his lips. “Yeah. Kinda like that.” Kinuha
niya ang phone niya sa bulsa. “Uhhh Zades.. can we take a picture?” the smile was
replaced by a small shy smile. Hala, ang bilis talagang magbago ng mood nito!

“Picture lang? Nahiya ka pa! Okay lang ano. Sayang naman ang costume natin!”

“Uhhh.. okay lang ba na ipost ko sa Instagram?”

Oh. Kaya pala nahihiya siya! If ever pumayag ako dito, ito ang first photo namin na
ipopost niya sa Instagram. Dapat ba akong kabahan na madadagdagan ang haters (naks,
famous?) ko sa internet? Simpleng picture lang naman ah! I think it wouldn’t hurt
that much. “Okay lang ano ba! It’s Halloween, and our costumes really go together.
I don’t see anything bad about it,” I assured him.

Todo ngiti naman siya sa sagot ko. Pinatong niya sa may space sa pader yung phone
niya. “So.. ten seconds yang timer, okay? I need you to p—“

“I got it, Andreau. Marunong naman akong ngumiti.”

We stood awkwardly in front of the camera for the first shot. Ang panget ng kuha
kasi para kaming ewan na dalawa. Sa second shot, I felt his hand grasped mine
tightly. In fairness, mas okay ang second photo kaya ‘yon ang pinost niya sa
Instagram. Muntikan ko na ngang hindi ipapost sa kanya yung photo, bigla kasi akong
kinabahan sa magiging reaction ng Dreausters. Ugh, tantanan naman nila ako pwede
ba!

Andreau received a text from Jillian, hinahanap na raw kami ng mga tao sa party.
That was our cue to go back to that boring party downstairs. Mas umokay na talaga
ang pakiramdam ko dahil sa pep talk namin ni Andreau kanina, and also his thank
you. Aaahh.. he thanked me. Lulubusin ko na ‘yon hangga’t may chance pa siyang
magthank you sa’kin!

“Uy Zades?” he said as we entered the elevator.

“Hmm?”

“Hayaan mo next time, whenever you need me, I’ll save you. You can count on me,
too, you know.”

I playfully rolled my eyes. “Psh. Fine. I’ll remember that pag nagkaroon ako ng
isang milyong utang sa karinderya. Ikaw pagbabayarin ko.”

“Sira ulo ka talaga kahit kailan ano? Pero seryoso ako, Zades. Don’t forget that.”

Tinawanan at inasar ko lang siya sa proposal na ‘yon hanggang makabalik kami sa


party. Si Cortez talaga pakilig din minsan eh!

And as for saving me? He didn’t have to remind me about that.

Because he saves me, too. Always.

*****

For this chapter, I used Timo Räisänen's version of I Got You Babe. Attached din
dito ang itsura ng costumes nina Zade and Andreau ;)

=================

[36] Twenty Four

Note: This is a 10,000 word vomit. Hindi ko alam kung bakit sobrang haba nito. I
might edit this but.. today is not that day ;)Kidding. Sobrang daldal nina Andreau
at Zade. You'll know why. All mistakes are mine!

**

Chapter 36: Twenty Four

Alam mo yung feeling na sobrang okay ng lahat ng bagay sa buhay mo, as in sobrang
okay na tipong wala kang mairereklamo? Na masaya ka, kuntento ka sa lahat ng mga
nangyayari. You’ve got everything you wanted. You couldn’t ask for more.

Then there comes the day na mabobore ka sa pagiging sobrang okay ng lahat ng bagay.
Walang mali, walang reklamo.. walang thrill. Aabot ka sa point na magtataka ka na
bakit walang nangyayaring mali, bakit ang monotonous ng buhay na laging sobrang
okay. Eventually you’ll realize that perfection is boring.

Ano nga yung sabi nila?

Kapag may sobrang saya, may sobrang lungkot din.

And I learned that thing the hard way.

All because of a phone call.


xxx

Despite the traffic jam umuwi pa rin ako sa San Ignacio ng November 1. Masyado
kasing mapilit sina Nana Tinang at Butchoy na umuwi ako sa kanila, at tsaka
bibisitahin ko rin ang puntod ni Tata Greg. Nung summer pa ang huli kong uwi sa
probinsya eh. Kahit hindi nila sa’kin sinasabi, feeling ko nagtatampo na sa’kin
sina Nana dahil mas madalas na ako sa Manila kesa sa kanila. So there, I decided to
spend the remaining nine days of my sembreak sa San Ignacio.

Kaso medyo wrong timing yung pag-uwi ko sa probinsya. Kung kelan wala ako sa
Manila, tsaka nagdecide si Andreau na magstart na sa pre-production ng Tila. Well..
they could start without me. Sus, ano lang ba ako sa movie niya? Hamak na assistant
scriptwriter/magandang consultant lang naman. But Andreau being.. Andreau, ayaw
niyang mapag-iwanan ako sa progress ng Tila. Muntikan pa niyang hintayin ang
pagbalik ko sa Manila bago simulant ang pre-prod. Wow lang, as if ako ang artista!

Speaking of artista, once ko pa lang nameet ang actress na gaganap na si Tila, si


Karmela Hizon. Actually, ako yung nakadiscover sa kanya after kong mapanood yung
isang play niya nung break. The minute I saw her act, that’s it. Nakuha niya kaagad
ang atensyon ko! Medyo baliw kasi ang role niya dun sa play, and since may
pagkaganon si Tila (na isa sa mga bagay na pinag-aawayan namin ni Andreau), I had
this gut feeling na baka si Karmela, or Kami, na ang Tila namin ni Andreau.

To cut the long story short, sinamahan ko si Andreau na manood ng matinee show nina
Kami two days before Jillian’s Halloween Party. Nung una ayaw pang maniwala ni Big
Boss na sakto si Kami para sa role ni Tila. Gusto na nga niyang umalis eh! Kaso
nung napanood niya ang performance ni Kami, he was blown away. Tahimik lang siya
for 45 minutes, then nagstanding ovation pa after ng play. Medyo passive-aggressive
rin si Andreau, ano?

Akala namin ni Andreau hindi papayag si Kami sa offer namin. Sa itsura ni Andreau
noon, feeling ko gagawin at ibibigay niya ang lahat para mapa-oo si Kami. Magaling
na actress si Kami, bonus din na close friends sina Kami at Eddie, yung actor na
nakuha namin for Benny. Tahimik lang na binasa ni Kami yung script sa harap namin
ni Andreau and after ten minutes, ang nag-iisang tanong lang niya sa’min ay: Sure
kayong sa November na ‘to ha? I’m blocking my sked already!

My God, pakaba pa si ate.

Anyway, isa pa sa kamalasan ko ay ang pagkasira ng cell sites sa San Ignacio. Sakto
nung pagdating ko sa bahay nagloko ang signal! Ang hirap tuloy makatanggap at
makasend ng texts! Si Andreau pa naman, talo pa ang 8888 o kung anong spam numbers
sa pagtetext ng updates regarding their meetings. Nagagalit pa kapag hindi ako
nagrereply. Promise, hindi cute si Clingy Andreau! He ended up emailing me the
updates para magbasa ko nang maayos. Ang hirap naman sa part ko, kailangan ko pa
sumakay ng  tricycle para lang makapag-internet! Nakakaloka talaga rito sa
probinsya minsan!

So.. that was ten days without Andreau.. errr.. without any proper communication
kay Andreau. Okay lang ba ako? Of course, bakit naman hindi ako magiging okay?
Kahit paano nakakapag-usap naman kami, paunti-unti nga lang. At least nakakapag-
usap pa! Himala ngang ang dami niyang time para magtext at mag-email kahit busy
siya sa pre-prod. (He did try to call once, kaso nairita lang siya sa pagka-choppy
ng signal. Mga five minutes ata kaming nag-hello hello sa isa’t isa. Mukha kaming
tanga!)

Namiss kaya ako ni Andreau?

Siguro.. slight lang. Between Tila at sa’kin.. malamang mas pipiliin niyang pag-
aksayahan ng brain cells yung pelikula niya. Baby niya ‘yon eh. Anong panama ko
dun?

xxx

TUESDAY

Parang naubos ata ng epal na enrolment na ‘to ang lahat ng pinahinga at saya ko sa
San Ignacio. Partida, wala pang isang araw mula nung nakauwi ako galing ng
probinsya pero imbyerna na agad ako.

Ugh. Halos two hours na akong nakapila dito sa Office of Student Affairs at parang
hindi naman gumagalaw ang pila dito. Nalaro ko na lahat ng games sa phone ko,
nagre-read ng Tessa Tobias ebooks, nagdoodle, nagdaydream... lahat na ginawa ko
para mawala ang boredom ko kaso.. no use. Kaloka ‘tong enrolment!

Sana pala sumama ako kagabi sa workshop nina Andreau kagabi. Yesterday afternoon
kasi ako nakarating sa dorm at todo pilit si Andreau na dumiretso na ako sa condo
niya kaso nagraincheck ako. Hello, five hours akong nakaupo sa bus! Masakit kaya sa
likod! Kaso.. nakakainggit. Based sa e-mail sa’kin ni Andreau kaninang medaling
araw, mukhang masaya ang workshop. Hayy.. sabi na nga ba eh. Hanggang script na
lang ang role ko sa Tila. Nothing more.

Damn, nagdrama na ako. Grabeng boredom ‘to.

My phone suddenly vibrated, saving me from this hell called boredom. Akala ko si
Andreau na, si Mars lang pala.

Wait. Tumatawag si Mars.

First time niya akong tawagan ever. Isa sa mga natutunan ko kay Mars? Hinding-hindi
siya tumatawag not unless emergency. Nalearn ko ‘yan nung naghahanap kami ng gown
for the charity ball. Puro texts lang siya kahit sobrang late na niya. Kaloka.

I answered on the third ring. “Mars? Seryosong tawag ba ‘to or butt dial lang?”

“Nasaan ka?”
Her urgent tone alarmed me a little. Bihira ko lang marinig na ganyan si Mars.
“Uhh... campus? Mamamatay na sa boredom. Bakit?”

“Nagkausap ba kayo ni Andreau kahapon o kanina?”

“Text at e-mail lang last night. Bakit?”

She sighed. “Uhh.. wala lang. Ano kasi.. ang weird niya today.”

“Weird? Eh lagi namang weird yang baby mo!” I joked, trying to ease the tension in
the air. “Bakit? Where are you? Bakit ang tahimik ata dyan?”

“May photoshoot si Andreau ngayon. For the company’s catalogue. Okay na sana eh..
kaso..”

“Kaso ano?”

“Hindi ba kayo nag-away ni Andreau?”

“No! Ba’t naman kami mag-aaway? Wala nga kaming maayos na communication ni Andreau
since the Halloween party eh! Bakit?”

Natahimik si Mars saglit. “Wala lang naman. Ang.. weird talaga niya eh. He’s mad,
Zades. Really really mad. He’s not even using his charm smile right now. Medyo 30
minutes na siyang naka-artista smile, teh.”

“Artista smile? He has an artista smile?” Weh? How come I didn’t notice that?

“Duh, malamang meron! Plastic smile niya ‘yon teh! At.. pag naka-artista smile
siya.. that means this day won’t turn out good.”

Andreau’s mad? The last time na nakita ko siyang ganun.. magkaaway kaming dalawa
dahil dun sa narinig kong tsismis about us months back. Ibang klaseng takot yung
naramdaman ko that time. Never kong inimagine na ganun pala magalit si Andreau
Cortez. Patikim ng impyerno kind of galit pala siya.

Tapos ngayon.. ganun na naman siya? Anong ganap? Baka naman dahil sa workshop
kagabi. Or sa script. Or may nagbackout na sponsor. O—

“Zades? Hoy andyan ka pa ba?” Mars called out on the other line. “Ano.. kaya pala
ako tumawag.. Pwedeng favor? Pwede ka bang pumunta dito sa shoot? Try mo lang
kausapin si Andreau please. Ayaw kasi ako kausapin nang maayos eh. Makikinig ‘yon
sa’yo, promise.”
Haynako. Between Mad Andreau and this god forsaken line? Malamang, Mad Andreau na
ako. At least dun, matutuwa pa akong makita siya.

xxx

On my way to the photo shoot, I couldn’t stop thinking about the reason for
Andreau’s anger. Ang posibleng dahilan lang naman ay yung sa Tila eh. Was he lying
about his report last night? Sabi niya okay at fun naman ang workshop kagabi. What
went wrong then? O baka naman nagsinungaling siya sa report niya para hindi ako
mag-alala. Tutuhurin ko siya if ever nagsinungaling siya!

Sa isang condominium building ang photo shoot ni Andreau para sa annual artist
catalogue ng network nila. Himala, hindi niya naikwento sa’kin ‘tong shoot. Ah,
baka naman kasama sa shoot si Sarah kaya naimbyerna siya? Goodness, Zade, si Sarah
na naman ang i-bring up mo sige ka. Baka ikaw ang maging target ng galit ni Andreau
pag nagkataon.

Sinundo ako ni Mars sa lobby ng building at kinwento niya sa’kin ang strange
behavior ng baby niya habang nasa elevator kami. Mukhang malala nga ‘tong sapak ni
Andreau today, nag-aalala si Mars eh. Kapag hindi ko pa raw napakalma si Andreau,
tatawagin na niya si Ms. Marisse na nasa ibang location para rin sa annual
catalogue shoot. Ugh, nakakapressure naman ‘to!

I was expecting na matutuwa si Andreau kapag nakita niya ako ngayon. Pampagaan ba
ng mood. May ganung vibe kasi akong nase-sense minsan kay Andreau eh.. na para bang
tuwang-tuwa siya kapag nakikita niya ako. Feeling ko tuloy para akong mascot kapag
nagkikita kami eh! Ine-expect ko rin na nakangiti siya, flaunting that mysterious
smile that I love. Aba, lagpas ten days ko na rin ‘di siya nakikitang nakangiti ha!

Kaso.. pagkabukas ni Mars ng room kung saan nagsi-stay si Andreau..

He greeted me with a scowl.

Andreau never ever scowled at me.

“What are you doing here?” he spat out a little angrily, avoiding my eyes. Para
namang napako na ang mga paa at dila ko sa may pinto sa tono niya. Mad is an
understatement. He’s outraged. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at nagpalakad-
lakad sa tabi ng bintana.

“A-andreau. Tinawagan ko si Zade kanina,” mahinahon na paliwanag ni Mars. “Baka


kasi kumalma ka. Kanina ka pa kasi super tensed dyan eh!”

He stopped pacing around and inhaled sharply. With his hand resting on his hips, he
finally looked at us (me). “Mars.. can you please give us a minute?” he said in a
calm tone. Trying to be calm tone pala.
Ayaw akong iwan ni Mars kaso pinandilatan siya ni Andreau kaya no choice siya. She
gave me a light push para tuluyan na akong makapasok sa kwarto at sinarado niya ang
pinto. Shit, walang-wala ‘to dun sa takot ko kay Andreau last time. Ibang klase
talagang magalit ang mga taong bihira magalit ano? Sobrang nakakatakot!

Tahimik lang kaming dalawa for a long time, at nakatalikod siya sa’kin. I could
tell he’s trying his best not to unleash his rage on me. Ginagawa niya ata yung
breathing exercises na sinuggest sa’min ni Kesh last time. Ako, I couldn’t stand
this scary tension between us. Sigawan man niya ako o hindi, bahala na. Let’s get
this over with.

“Andreau.. are we okay?”

Finally looking at me, he sighed. “Bakit ka nandito, Zades?”

This is.. weird. A little bit hurtful, even. Ngayon ko lang naramdaman kay Andreau
na ayaw niya akong makasama o makita man lang. I know sometimes sumusobra na ang
kaepalan at kakulitan ko pero.. wala naman akong ginawa para maging ganito ang
trato niya sa’kin ah? “M-Mars called me,” sagot ko. Ugh, ba’t parang naiiyak pa ako
dito. Nakakainis. “Okay ka lang ba talaga?”

“Yeah, I’m good. Hindi na siguro ako sanay sa photo shoots kaya medyo wala ako sa
mood.” And then he flashed me that artista smile Mars was talking about earlier.
Sobrang layo sa mysterious smile niya. Ni hindi nga umabot sa mga mata niya eh!
“Anything else, Zades?”

“Sure ka bang okay ka? You can’t lie to me, Andreau. I know you.”

I shouldn’t have said that last sentence. Lalo lang na-agit si Andreau sa presence
ko. “Look.. I don’t want to talk about this right now. Pero Zades, okay lang talaga
ako. Promise.” He tried his best to be as reassuring as possible but he failed.

“Are you sure? I know, super kulit ko na pero kasi.. I’m worried about you. You’re
lying straight to my face, Andreau. I don’t know what to feel about that.”

Bigla na lang naging mas mabigat ang atmosphere sa kwarto dahil sa tingin niya
sa’kin. He’s clenching his fists, obviously trying to contain his anger. Saglit
siyang tumalikod sa’kin. “Zades.. please. Not now. It’s just.. me, okay? Ako lang
‘tong may problema. I’m sorry kung nag-alala kayo ni Mars. Okay la—“

“Why do you always do that? Lagi mong sinasabing okay ka pero goodness, you don’t
really hide it very well. Artista ka pa naman. An award-winnng actor tapos..”
lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. “Andreau.. may bago bang tsismis
na hindi ako alam? Nag-away ba kayo ni Dan? Blink twice if yes, Andreau. God,
kinakaba—“

“Zades.. please. Not. Now.”


His clipped and detached tone was my first clue, pero hindi ko pinansin. Tuloy lang
ako sa pagdaldal, pagtanong sa kanya ng kung anu-ano. Ni hindi ko nga napansin na
tinanggal na niya ang kamay ko sa braso niya.

“— si Tristan ba? O si Kami? May problema ba sa sc—“

“Hindi ko nga pwedeng sabihin kasi nga ikaw ang problema ko, Zades!” he suddenly
shouted, making me flinch a little.

“Ha?”

Andreau walked away from me in an instant and sat on the bed. I was expecting him
to face me pero tumalikod lang siya sa’kin. “You won’t.. understand, okay? Ako la—“

“Ako.. yung problema mo? Bakit ako? Anong ginawa ko sa’yo? Look, if this was about
last night, I’m sorry, okay? Maayos naman ang usapan natin na babawi ako next time,
‘di ba? You even said so! Anong pr—“

“Hindi nga ‘yon, Zades! Please, this is not the right time to talk about this!”

“Eh kelan pa natin pag-uusapan? Ayoko ng away, Andreau. Can you plea—“

“Kung ayaw mo ng away e ‘di makakaalis ka na.”

That.. did it. Sa sobrang inis ko, I yanked his shoulder, forcing him to face me.
“What.. did you just say?” I asked in a calm tone. Kinukurot ko na nga ang hita ko
para ‘di ako umiyak eh. “Pina..paalis mo ako?”

“You heard me, Zades. You should go. Please. You don’t really want to hear what’s
going on inside my head right now.”

“I’m a big girl, Andreau. I’m a woman who could handle whatever you have in mind.
Tell. Me. Now.”

Andreau realized na hindi eepekto sa’kin ang pleading option niya kaya nag-iba siya
ng tactic. I was expecting him to brush it off and finally tell me kung ano ba
talaga ang problema. Pero...

An ungraceful snort was his answer. Shit, I wasn’t expecting that. “I don’t think
so.”

“Ha? May nagawa ba ako? Eh hindi naman tayo nag-uu—“


Andreau finally looked at me, eyes piercing to mine. Sana hindi na lang siya
humarap sa’kin. Ayokong makita na galit siya sa’kin. Ang sakit na tignan ka niya na
parang ayaw ka niyang makita sa harapan niya. At ang malala pa? Hindi ko alam kung
ano ang nagawa ko para tratuhin niya ako ng ganito.

He grabbed my shoulders and pushed me a bit farther from him. Tumayo siya at
bumalik sa pwesto niya sa may salamin. Taking another deep breath, Andreau tersely
said, “I know we’re friends, Zade. Close friends, even. But that doesn’t give you a
right to snoop around my things!”

“What are you talking about?” I asked him, completely confused. Ano bang
pinagsasabi nito?

The door suddenly opened and Mars went inside. “Guys, ano na ganap? Rinig na rinig
ko yung sigawan niyo sa la—“

He started to walk towards me but stopped midway. “Ito ang mahirap eh. Sabi na nga
ba, I shouldn’t have trusted other people—“

“Excuse me? So I’m now reduced to other people? Seryoso ka ba, Andreau? Ako ba yang
tinu—“

“Do you see other peope besides you here, huh? Of course I’m talking about you!”

“Andreau Francis! Ano ka ba! Wag mo siyang sigawan!” galit na saway ni Mars kay
Andreau. I felt her arm patting my shoulders to calm me down. “Ba’t ba galit na
galit ka dyan? Kumalma ka nga muna!”

Hindi ko alam kung anong uunahin ko, ang magalit o ang masaktan sa mga pinagsasabi
niya. But one thing’s for sure, I’m crying. “Bakit naman ako? Ano bang ginawa ko
sa’yo? I don’t under—“

“I know I don’t talk about my parents that much. And I know you’re curious and
all.. but Zades.. you crossed the line when you touch my personal things without my
permission!”

“What? I don’t know what you’re talking about!”

The smirk on his face wasn’t like his usual smirks; it was so sarcastic and
intended to hurt me. Well, he succeeded. “Oh come on, Zades. You know what I’m
talking about.”

“Hoy Andreau, excuse me lang ha! First of all, hindi ko pinapakialaman ang mga
gamit mo. At ang kapal ng mukha mo para pagbintangan ako! Hindi ako klepto o member
ng Budol-budol gang! Anong gamit ang pinagsasabi mo dy—“
“How come you knew about Twenty Four, then?”

Everything in the room stopped because of that. Honestly, hindi ‘yon ang ineexpect
kong sasabihin niya. Nagkatitigan lang kami ni Andreau ng ilang minuto bago siya
nagpatuloy sa angry speech niya. “You could’ve asked, Zades! Sasagutin naman kita
eh! Hindi mo na kailangang makialam pa sa mga gamit ko! I know you’re so curious
about my parents but that doesn’t give you any right to..” he stopped and chuckled
dryly. “Shit, everything’s much easier before you, you know? I shouldn’t have
trusted you with this.”

I saw nothing but red after his tirade. Kumalas ako sa pagkakahawak sa’kin ni Mars
at lumapit kay Andreau. He was about to say something when I cut him off by
slapping his face.

Hard. Hard enough for his head to move to the side.

First time kong makasampal ng tao sa buong buhay ko. My palm twitched in pain, but
it felt really good. Si Andreau pa talaga ang nasampulan ko. Baka pagsisihan ko ‘to
bukas o mamayang gabi pero damn.. I’m mad. Furious.

I couldn’t believe this. Parang two weeks ago.. sinabi niya na niligtas ko siya
consciously and unconsciously. Na nagpasalamat pa siya sa’kin. Tapos.. sasabihin
niya na sana hindi na lang niya ako pinagkatiwalaan? So ibig sabihin non joke lang
ang lahat ng sinabi niya before? Akala ko masakit na ‘yung cold shoulder niya
sa’kin. Mali na naman ako pagdating kay Andreau. Lagi na lang ba?

Medyo nakarecover na siya sa sampal ko pero mapula pa rin ang pisngi niya. Eyes
wide, he took a step forward to reach me. “Zades. I’m so—“

“Alam kong... minsan insensitive ako,” I whispered, voice breaking. “Na minsan..
makulit at epal ako. Pero how could you think na gagawin ko ‘yon, ha? Ganun ba
kababa ang tingin mo sa’kin? Excuse me, Andreau. Hindi lang ikaw ang nawalan ng
magulang. Isa nga lang sa’kin pero alam ko kung gaano kasakit. You know that. And
to hear you say that.. sana hindi mo ako pinagkatiwalaan? Just.. wow.”

“Zad—“

Minsan lang ako magalit kaya lulubusin ko na. “I’m sorry if I cared so much. Sana
pala hindi na lang kita hinanap non kung ganyan lang din pala ang tingin mo
sa’kin!”

Dread flashed in his eyes pero wala akong pakialam. “Look, Zades. I’m sorr—“ he
tried to hold my hand but I slapped it away.

“You want me to make things much easier again for you? Fine. I’m done with this.”
Mabilis akong naglakad palayo sa kanya bago pa niya ako mapigilan. Si Mars nga,
gulat na gulat at napanganga na lang sa lahat ng nawitness niya.
Before I slammed the door shut, I heard Mars say, “Holy shit, Andreau. You fight
like an old married couple.”

Kung normal na araw lang ‘to, babalikan ko si Mars at sasabihin ko na wag magjoke
ng ganun. Hah, as if normal pa ‘tong araw na ‘to.

I cut off my ties with Andreau Cortez seconds ago.

And he didn’t run after me so I guess it’s the end for us.

xxx

I was supposed to go home after that big blowout with Andreau. Planado ko na nga
ang gagawin ko sa dorm eh: kakain ng maraming chocolates, magmamarathon ng Doctor
Who at matutulog. Kung mataas lang sana ng alcohol tolerance ko eh uminom na ako ng
tequila.

Sadly, I didn’t do any of those things.

I ended up sharing a cup of coffee with a stranger.

Hindi talaga ako palakausap sa mga taong hindi ko kilala. Pero ewan ko ba, nung
nilapitan ako nitong si Jersey kanina habang nagwa-walling ako sa may fire exit,
biglang umayos ang pakiramdam ko. Mukha namang mabait siya at himalang kilala niya
ako. She did call me Andreau’s girlfriend, though. I was too caught up with our
fight that I didn’t have the heart to correct her.

Well.. tama nga ang hinala ko. Hindi lang mabait si Jersey, galante pa. Nacurious
ata siya sa drama ko kaya dinala niya ako sa pinakamalapit na Starbucks at binilhan
ng kape as bribe para magkwento ako. Tahimik lang ako nung una habang nakikinig sa
flow ng shoot ni Andreau today. Wala talaga ako sa mood na makipagkwentuhan kaya
pinabayaan ko lang siya magtanong. She asked me about the Chismis Squad article at
kung ano raw ang naramdaman ko dun. Sinagot ko naman ang tanong niya, hanggang sa
naikwento ko nang pahapyaw yung away namin ni Andreau. Ayoko sanang magkwento
tungkol don, kaso ang bigat pa rin kasi sa dibdib! Nang wala na akong maikwento,
siya naman ang tinanong ko about sa love life niya.

Jersey snorted, and I didn’t expect that. The sound was so ungraceful na hindi mo
aakalaing sa kanya galing ‘yon. Ang ganda pa naman niya! (Actually, I was a bit
intimidated by her looks. Slight lang naman!)

“Ako ba? Love life? Sige na nga, since feel ko naman na ayaw mong pag-usapan ang
love life niyo ni Andreau!”

Boy, I thought I was really chatty. Tinalo ako ni Jersey sa kwento niya about sa
kanila ng ex-boyfriend niyang si Kevin, na mismong photographer ni Andreau sa taas.
Para akong nakikinig sa isang chick lit audiobook! Possible bang mangyari ‘yon in
real life? Their relationship was really cute and somewhat confusing. All along
akala ko wala nang chance ang couples na nagbreak. Apparently I was wrong.

I told her about my soulmates theory. Siya pa lang ang pinagsabihan ko nun since I
find it a bit.. ridiculous. Hindi naman siguro masamang maniwala sa soulmates ‘di
ba? Ang cute kaya ng idea na may tatlong klase ng soulmates! Jersey seemed to like
my theory, lalo na nung binanggit ko yung third kind of soulmate. Actually, ‘yon
din ang favorite ko sa lahat. Ang exciting kaya!

She was about to ask about Andreau and I again kaya nag-isip na ako ng takas plan.
Nagkunwari ako na nagtext sa’kin si Andreau na hinahanap niya ako para makaalis na.
Natatakot kasi ako na baka may masabi pa akong mas ikagalit ni Andreau. Gusto ko na
ring umiyak pa at magpahinga sa dorm. I really loved Jersey’s company pero.. mas
gusto kong mapag-isa ngayon.

I remembered her comment earlier bago pa kami makatayo sa inuupuan namin. She’s too
nice to me, at ayokong magsinungaling sa kanya. Sighing deeply, I said, “Nga pala,
I’m not his girlfriend.”

Tumawa lang si Jersey. “Sus, okay lang naman, Zade. Hindi ako tsimosa. I won’t tell
anyone about it. Not even Jicker, na feeling ko type si Andreau.”

“Uhhmm... seryoso ako. Andreau and I aren’t a couple.” I even stressed the word
couple to prove my point.

That made her still a little, then looked at me strangely. “Oh..”

“I’m not his girlfriend. He’s not my boyfriend. We’re not a couple.”

“Oh. Okay, I get it,” she replied, smiling, but her tone said otherwise. Shit,
akala niya nagjojoke pa rin ako. Ugh.

Umupo ulit ako, and seconds later ganun din si Jersey. A teasing smile formed on
her lips, making me more annoyed. “We’re friends,” I said defensively.

“Okay.”

“Ba’t ba ganyan ang tono ng boses mo? Ba’t hindi ka naniniwala sa’kin?”

Jersey fell silent for awhile, then she grimaced. “Shit.. you’re serious?”

“Wait.. all along.. akala mo kaming dalawa ni Andreau?”


She nodded slowly, mouth slightly wide open. “What the fuck? Of course! Hello, kung
makaiyak at makakwento ka kanina parang may LQ na kayo!”

Say what? Okay lang ba ‘tong si Jersey o nasobrahan lang siya sa kape at kung anu-
ano na ang pinagsasabi? Hindi ko nga alam kung matatawa o maiinis ako sa kanya eh.
Ang funny niyang tignan ngayon, gulat at nahihiya pa siya! “LQ? Whoa! Excuse me,
hindi kami ni Andreau okay? Walang LQ-LQ na nagaganap! FQ meron! Friendship
quarrel!”

Her face fell instantly upon hearing my lame joke. “Girl, advice lang ha? Wag kang
magjojoke kahit kelan. Sayang ganda mo eh!” she eyed me suspiciously. “Pero Zade..
sorry ha? Akala ko talaga totoo yung tsismis! Sana sinabihan mo ako kaagad!
Nagmukha akong ewan!”

“Okay la—“

“Pero kasi naman! Friends lang kayo sa lagay na yan pero grabe ka na kung makaiyak!
Akala ko nagbreak na kayo! Lagi ba kayo nag-aaway nang ganito?”

I shook my head quickly. “We.. rarely fight. First time naming mag-aaway nang
ganito kalala. Ayaw kasi naming matapos yung araw na hindi kami ayos. It..
unbalances our orbits or whatever. Isn’t that weird?”

Napangiti lang si Jersey sa’kin. Ibang klase rin ‘tong mga ngiti niya ha, parang
may meaning lagi! “Sapakin mo na lang ako pero tangina kinikilig ako sa inyo! Sure
ka bang hindi kayo?”

I didn’t stop my eyes from rolling. Kainis, kulit din niya ano? “Hindi nga kami
magboyfriend-girlfriend. And an hour ago, I’m pretty sure we’re not even friends
anymore.”

She fell silent for awhile, as if taking everything in. finally, she took a deep
breath. “At papabayaan mo na lang na ganun kayo, ha? Matatapos lang kayo dahil sa
isang maliit na away?”

I wanted to defend myself, na hindi lang basta maliit na away ‘yon. Na nasaktan ako
sa mga sinabi ni Andreau sa’kin kanina. Na kasalanan ni Andreau kaya kami nag-away.
But no, I didn’t have the courage to do that. Alam ko rin kasi sa sarili ko na may
kasalanan din ako.. kaso ayokong tanggapin ‘yon.

“I.. I told him that we’re done,” I answered in a low voice. “Nag-away na kami dati
pero.. ibang klase kasi yung kanina eh. Tanggap ko pa sana kung asaran lang ‘yon o
pikunan lang. Hindi eh. Sabi niya.. sana pala hindi niya ako pinagkatiwalaan.”

 “And you believed him?”

“Of course, no! Pero kahit na, masakit pa rin sa’kin na marinig ‘yon. I know he’s
angry at me pero.. ugh. All this time akala ko.. magkaibigan talaga kami. At tignan
mo, nagwalkout ako. I was expecting him to run after me but he didn’t. Isa lang ang
ibig sabihin nun, ‘di ba?”

She sighed. “Zade.. for me ha.. Hindi lahat ng nagwawalkout ay dapat habulin.”

“What does that even mean?”

“Siguro.. gusto lang niyang pag-isipan kung anong sasabihin niya sa’yo. You said it
yourself, this is your first big fight ever. Heightened emotions and frustrations
don’t lead to coherent thoughts, girl. Kung iba ba ang nasa sitwasyon niya, do you
think it would be better if you go after him right away?”

Yung totoo, si Jersey pa ba ‘tong kausap ko o konsensya na? Tamang-tama ako sa mga
sinabi niya eh. Alam ko naman ‘yon kaso.. I’m mad. Bihira nga lang akong magalit!
Masama bang pairalin muna ‘yon kahit saglit lang? “N-no. I think.. mas magiging
malala— shit, I hate this. Bakit pa kasi kami umabot sa point na ‘to?”

Jersey smiled. “That’s life, Zade. Hindi lagging masaya at walang problema. Ayaw
niyo ‘yon, mas tatatag ang relationship niyong dalawa?”

“God, sana ganun nga. First time kong makita si Andreau nag alit nag alit sa’kin.
He obviously hates me. Ayaw na niya sigurong makita ako ulit.”

“Ano ka ba,” she chastised, rolling her eyes. “Imposible ‘yon.”

“How can you be so sure? Sorry, pero you don’t know us that well. I know gusto mong
pagaanin ang pakiramdam ko pero.. how?”

“Tignan mo kami ng ex ko,” Jersey snorted a little. “The guy metaphorically crushed
my heart into tiny pieces. Ilang taon din akong nagalit sa kanya. Kung narinig mo
lang lahat ng pinagsasabi ko.. my God dadalhin mo agad ako sa mental hospital.
But.. look at us now. We’re working together. We’re trying to be friends. Ayaw kong
mag-assume na magiging kami ulit in the future pero.. ‘di ba, we’ve come a long
way. Never kong naimagine na makakabalik, or makakapagsimula ulit kami nang
maayos,” she paused for awhile to clear her throat. “It’s just that.. no matter how
petty or serious the fight was, a part of you will always forgive him and wish for
everything to be okay. Ganun talaga siguro kapag sobrang importante at mahal mo ang
isang tao.

“Well.. that’s just me. Ewan ko na lang kung parehas tayo ng point of view, ha.
Basta Zade, pag-isipan mo munang mabuti okay? Wag mong i-deny sas arili mo na hindi
importante si Andreau sa’yo. Don’t wait for him to do things. Baka mamaya
naghihintayan lang kayong dalawa. So not worth it.”

Haayy.. kung ganun lang kadali gawin ang mga sinabi niya.
xxx

WEDNESDAY

Buong gabi kong pinag-isipan ang sinabi sa’kin ni Jersey. Fine, tama nga siya. I
should do something to fix our problem. Kayang-kaya kong itext si Andreau para
magkita kami sa Café Feliz at magkausap na.

But I didn’t text him.

Call me stubborn or what, pero gusto kong siya ang unang magsorry sa’kin. Siya
naman ang nanguna, ‘di ba? Ako na lang kasi ang unang nagsosorry sa’ming dalawa
kapag nag-aaway kami eh. It wasn’t even my fault this time! Sabi nga sa’kin ni Kesh
mauna na raw ako para magkaayos na. Hindi naman daw porke siya ang may kasalanan ay
siya na rin ang unang magsosorry.

Hah, excusez-moi? Si Andreau Cortez ang dapat magsorry sa’kin.

I waited for a text or a phone call from him the whole day. Mukha na nga akong
tanga sa kakatingin sa phone ko.

Walang dumating.

Okay then, wala na nga atang balikan ‘to. Bahala siya sa buhay niya.

(Medyo masakit na pinalagpas niya ang isang araw na hindi kami okay. I guess I have
to live with that starting today.)

xxx

THURSDAY

Kaboses na ni Jersey ang konsensya ko.

Buong araw kong naririnig ang boses niya sa utak ko, nangungulit na itext ko na raw
si Andreau. Seryoso, pwede ka palang ma-LSS sa boses ng isang tao? Ugh. I hate
this.

Nagtaka na rin si Tristan kung bakit hindi kami nagpapansinan ni Andreau. Sinabi ko
na lang na busy ang pinsan niya sa thesis nito. Thankfully mas focused si Tristan
sa Math assignment niya kesa sa’ming dalawa ni Andreau kaya ‘di na ito nagtanong
pa.

On my way home napadaan ako sa gotohan na malapit sa dorm namin. Gustong kumain don
ni Andreau nung sembreak kaso sarado since umuwi sa probinsya ang may-ari. I
grabbed my phone and typed a quick message for Andreau. Buti na lang naalala ko na
magkagalit kaming dalawa bago ko mai-send ang text kaya pinatay ko kaagad ang phone
ko.

Triple shit, I miss him already.

Bumili na lang ako ng dalawang order ng goto at tahimik na kumain sa stall nila.

Damn, ang sarap nito. Andreau would definitely love this goto.

(But that doesn’t mean I will destroy my resolve. Asa siya.)

xxx

FRIDAY

Three days without any communication. Wow, himalang nakayanan ko ‘to.

Himala rin na natiis ni Andreau na tatlong araw kaming magkagalit. I don’t really
know what to feel about that.

Fine. Muntik ko na siyang itext kaninang umaga. Akalain mo ‘yon, nakakamiss din
pala siya. Tatlong araw na kasing tahimik ang phone ko. Siya lang naman ang nagti-
text sa’kin so.. ugh sobrang hirap pala nito.

Sobrang hirap na nga, mas lalo pang pinahirap ni Roldan. Grr.

“So.. what did you do this time?” he asked in mock seriousness. Bigla na lang
siyang sumulpot dito sa table namin ni Andreau sa Café Feliz. I went here straight
from class para ayusin ang ilang papers ko sa org. Isang sem na rin kasi akong
inactive, at kinukulit na ako ng batchmates ko na bumalik sa org since wala na nga
si Ate Anya.

I turned off my laptop before replying. “Aba, pag magkagalit kami ako na agad ang
may kasalanan?” I bit back angrily. “Yang best friend mo ang nanguna, Dan! Bigyan
mo nga siya ng kaunting bait man lang!”

Roldan laughed, shaking his head. “Holy shit, Zades. You’re really scary.”

“Tss. Ewan ko sa inyong dalawa!”

“What really happened last Tuesday, then? Wala masyadong naikwento si Mars eh. She
said there was violent shou—“
“Itanong mo dun sa best friend mong panget! Akala niya kung sino siya! Kapal ng
mukha na sigawan ako!”

“Wait.. he shouted at you?” imbis na maawa sa’kin, tawang-tawa pa ‘tong si Roldan.


I shot him a deadly look pero walang panama sa kanya. “Shit, Mars was right.”

“Right about what?” I groaned. Ano na namang tsismis ang sinabi nun kay Roldan?!

Grinning, he straightened up and shook his head carefully. “You two are so
married.”

“Tse! You’re not helping at all, Dan. Go away.”

“Hala.. nagalit agad? Ang cute niyo kayang mag-away! Sana pala andun ako, noh? Mom,
Dad stop fighting!”

Binato ko siya ng tissue sa mukha. Ugh, minsan mas nakakairita pa ‘tong si Roldan
kesa sa best friend niya! “Dan.. I think it’s best for us not to talk for awhile.
Kami ni Andreau, I mean.”

“But you miss him,” he said slowly and he smiled.

I frowned for a moment. Am I that transparent? “Ugh. You’re right. I miss him,” I
said, shrugging.

He settles back into the sofa, a smug grin plastered on his face. “That bad, huh?”

“No, not that bad. Kaso.. naghintay ako na siya ang unang magsosorry, you know? He
was the first one who exploded. Three days, Dan. Not a single word from him.”

“I’m sorry, Zades,” he said after a moment, glancing outside the café. “My best
friend’s really like that. He’s not really good at talking about his feelings.
Minsan nga hindi ako kinakausap niyan ng isang buwan. For no reason at all! But I
promise you, he’ll come around. Ikaw pa, hindi ka matitiis ni Andreau.”

“So hihintayin ko lang na maging okay siya, ganun? Nganga lang ako?”

“Kaya mo pa bang tiisin siya?”

“Kakayanin!” I replied coolly.

Tuwang-tuwa naman siya. “Eh yun naman pala eh! Anong pinakain sa’yo ni Andreau at
natitiis mo siya? We’ve been friends for almost all of our lives but damn, minsan
gusto ko na siya sukuan.”

“He’s importante to me. That’s why.”

“Oh. Good, good. So.. ano nga ba yung pinag-awayan niyong dalawa?”

I closed my eyes, and with a soft sigh, I gave in. “Wait.. come to think of it,
hindi ko nga matandaan kung anong pinag-awayan naming dalawa. He’s already angry
and broody when I got there. Anyway are you aware na may loud voice si Andreau?  He
started screa—“

“Zades, focus. What did he say to you?”

Saglit akong tumahimik at inalala yung away namin three days ago. Ano ba yan, ang
hirap naman nito! Puro sigawan lang na lang ang naalala ko! “Uhmm.. pagpasok ko
kasi.. tahimik na siya. He’s hiding something kaya kinulit ko. Ayun, nagal— Ah! I
get it!” I clapped my hands a little. “Sabi niya pinakialaman ko raw ang gamit
niya. Tapos nagalit siya na alam ko yung Twenty Four. Hello, kung magbintang si—“

“Twenty Four?” Roldan suddenly interrupted. “Anong Twe—“

“The short story! Alphabet thingy. Anyway—“

“Paano mo nalaman yung Twenty Four?” he asked, voice sharp.

Okay.. this is weird. Bakit naging agit din ‘tong si Roldan sa Twenty Four? He
stared at me suspiciously so I explained right away. “Five years old ako nung
nalaman ko ‘yon. Ewan ko ba kung bakit siya ga—“ Roldan’s eyes widened in
surprised. “O bakit? Did I say something wrong?”

For a while, Roldan said nothing. Kinabahan ako sa katahimikan niya. Ano bang meron
dun sa short story at parang kasalanan na alam ko ‘yon?

“Zades,” he finally spoke. “Are you aware na mommy ni Andreau ang nagsulat ng
Twenty Four?”

Say.. what?

“N-no.. that’s impossible. T.V. yung initials nung author nun ah!”

“Trisha Lianne Valerio ang full name ni Tita. Baka Trisha yung gamit niyang name
nung college. Naging editor in chief din siya ng Kule dati. Creative Writing major
siya sa university, Zades.”
I couldn’t believe this. Yung mommy ni Andreau? Like seriously? Baka naman
pakonsensya moves lang ‘to ng magbest friend! “You mean same university as.. us?”

He nodded carefully. “And Zades.. sa’min lang nina Andreau at Ninna kinukwento ni
Tita yung Twenty Four. All time favorite story ni Andreau ‘yon nung mga bata pa
kami, and until now as well.”

“Oh.”

“So.. Zades.. another question.. paano mo nalaman yung Twenty Four?”

xxx

SUNDAY

It took him five freaking days to talk to me.

Five.

Sunday afternoon nang makita ko ang Dodge niya na nakapark sa harap ng dorm namin.
Ilang beses ko nang inimagine ang moment na ‘yon pero nung nagkatotoo na... natakot
ako bigla.

Finally, Andreau’s here.

Gustung-gusto na ng mga paa ko na tumakbo sa sasakyan niya para magsorry. Heck,


binilisan ko na nga ang paglalakad kahit nasa kanto pa ako. Miss na miss ko na
talaga si Andreau. As in. Sasakyan pa lang niya ang nakikita ko pero ganito na agad
ang reaksyon ko. Paano na kaya kung siya na mismo ang kaharap ko?

I was seven houses away from our dorm nang bigla akong lumiko sa may eskinita. I
couldn’t do it. Sobrang natatakot ako sa magiging asta sa’kin ni Andreau. Imbis na
tumuloy sa sasakyan niya, dumiretso na lang ako sa likod ng dorm namin. Naabutan ko
dun si Ate Mel na kinukuha ang mga labahin niya.

“O, ba’t dyan ka dumaan?” tanong niya sa’kin. “Si Pogi nandyan sa labas ah. Kanina
pang tanghali. Pinapapasok nga namin ni Kesh sa sala kanina kaso ayaw. Hintayin ka
raw niya dyan.”
There had never been any reported cases of someone dying from their heart bursting
from their ribcage, right? At this rate, I’m pretty sure I could be the first.

God, iniimagine ko pa lang yung itsura ni Andreau sa loob ng sasakyan niya.. shit,
ayoko na. Umakyat muna ako sa kwarto namin at kinuha ang isang old brown envelop.
Finally, alam ko na kung paano aayusin ‘tong problema naming dalawa. I’m not sure
kung makakabalik pa kami sa dati after ng explanation ko. Fingers crossed, Zades.
This would be worth it.

Nakita niya siguro na papunta ako sa sasakyan niya kaya bukas na ang pinto sa
passenger seat. Wordlessly, I went inside and sat beside him, still not looking at
him. Siya rin, todo iwas na tignan ako. Nagbilang pa ako ng tatlo bago ko siya
tignan and.. damn. Andreau looked absolutely worn out. His eyes were red rimmed and
he had big dark circles under them, and he had this day old stubble. Ugh, my knees
weakened at the sight of his stubble. Bakit nakalimutan na naman niyang mag-ahit?

Triple shit, I missed him so much.

I felt him tense beside me and he wasn’t looking anywhere else except me. Hindi ko
na kinaya ang tension kaya ako na ang unang nagsalita sa’ming dalawa.

“Natatandaan mo pa ba yung kinwento ko sa’yo before? Na illustrator si Papa?” I


asked in a small voice. He couldn’t say anything so he nodded. “Fine Arts din siya
sa university natin, though hindi siya nakagraduate dahil.. nakilala niya si Mima.
Anyway, third year college siya nung nagtry siya na maging cartoonist ng Kule.
And.. your mom was the editor in chief back then. Ang kwento ni Papa kay Mima dati,
kaya raw natanggap si Papa sa Kule kasi raw may connection daw yung cartoon na
dinrawing niya sa editorial ng mom mo. So there, naging cartoonist na siya.. and
eventually naging magkaibigan si Papa at ang mom mo. What a weird coincidence,
right?” I let out a faint laugh, just enough to release the tension. Andreau
remained quiet and frigid in his seat though, so I continued.

“So.. one day, your mom asked my father for a commissioned work. That time kasi
naghahanap si Papa ng raket sa campus since ayaw niyang umasa sa grandparents ko.
Tumatanggap siya ng paintings, portraits, basta kahit anong project na kailangan ng
skills niya as an artist, go siya. Pinitch sa kanya ng mom mo yung isang short
story niya na ipupublish sa isang folio ng university. Fan na fan daw ng mom mo si
Papa. Nagkakasundo pa raw silang dalawa sa mga libro that time eh. She was the one
who introduced Arabian Nights to him. Tignan mo, kung hindi dahil sa mom mo, baka
simpleng pangalan lang ang binigay sa’kin ng parents ko. Baka nga Shaira pa eh.
We’ll never know.

“Of course, Papa couldn’t say no to your mom. Hindi na niya pinabayaran yung
illustrations for her short story, friends naman kasi sila. Ilang linggong
pinaghirapan ni Papa yung illustrations. Gusto niya perfect ang lahat kasi gustung-
gusto niya ang story. And.. that story was Twenty Four.”

Binuksan ko ang brown envelope na hawak ko at nilabas ang isang folder na may laman
na isang makapal at lumang sketchbook. May nakasulat na Twenty Four, Jan 1991 sa
cover nito. Halos sira-sira na ang plastic cover ng sketchbook, na isinalba lang ng
scotch tape. Maingat kong inabot ang sketchbook kay Andreau. He was a bit hesitant
to accept it at first. “Nasa loob niyan yung drafts and final sketches ni Papa para
dun sa folio. Honestly, yan ang pinakafavorite kong gawa ni Papa ever. Try mong
buksan, Andreau. Hindi yan masisira, promise,” I assured him.

He took a quick glance at me before opening the sketchbook slowly. Matagal niyang
tinitigan ang bawat page, as if ina-analyze niya ang drawings ni Papa. The first
few pages were just rough sketches, and some comments written in red ink. Not my
father’s handwriting, but definitely feminine. Napansin kong titig na titig si
Andreau sa comments and that’s when it hit me. “Is that you—“

“Mom’s handwriting, yes,” he murmured, eyes fixed on the paper. “Definitely hers.”

Patuloy pa rin niyang tinignan ang drawings. Sa bandang gitna ng sketchbook


nagsimula ang mas maayos na drawings na pinatungan ng sign pen. May ilang drawings
din ang may kulay na gamit ang colored pencils. Nakastaple rin sa bawat page ng
drawings ang parts ng story na ginawan ni Papa ng illustration. Naninilaw na ang
ibang pages ng sketchbook, may ilan din na tagpi-tagpi lang ng scotch tape. Si
Andreau naman.. hindi maalis ang mga mata niya sa sketches. Ang higpit nga ng hawak
niya eh.

“Uhh.. natapos ni Papa ang folio nung araw na.. nagpropose ang dad mo sa mom mo,”
nakangiti kong kwento sa kanya. He didn’t look up, but I swear I saw him smile a
little. “Graduating na rin sila ata nun, kung tama ako. Then months later, sa
launch ng folio.. may isang babae raw na lumapit sa mom mo. College freshman from
another university. Nagpakilala siya sa mom mo. HRM major daw na hindi mahilig
magbasa. Natawa raw yung mom mo, kasi karamihan ng nasa launch ay Creative Writing
and Literature majors. The girl quickly explained na nacurious daw siya sa libro na
binabasa ng prof niya the other day kaya hiniram niya. It turned out na isa yung
prof nung girl sa mga nabigyan ng advance copies ng folio. Gustung-gusto raw nung
girl yung Twenty Four kasi first time lang niyang makabasa ng kwento about sa
origin ng alphabet. That, and nainlove raw siya sa illustrations na kasama ng
story. Kung wala raw kasi yung illustrations, iisipin niyang as in nagsasalitang
letters A & Z ang main characters sa story. Gusto rin niyang makilala yung
illustrator kasi ibang klase raw yung pagkakadrawing niya. And to quote the girl
The illustrator translated the story’s meaning to a magnificent piece of art!
Parang one soul lang ang story and drawings!

So.. ayun.. pinakilala ng mom mo dun sa girl yung illustrator. And.. that’s how my
parents met,” I ended my long story with a big smile.

Ang love story ng parents ko ang isa sa mga kwentong never kong pagsasawaan.
Kinikilig pa rin kasi si Mima kapag kinukwento niya ‘yon kahit wala na si Papa at
halos 20 years ago na ang nakalipas. Sa kwentong ‘yon ako unang kinilig. Biased na
kung biased, but that’s the best love story for me.. ever.

I caught Andreau smiling, too. After five long days nakahinga na rin ako sa wakas.
Umiwas ulit ako ng tingin sa kanya, baka kasi maiyak ako bigla. “Importante sa’kin
yung Twenty Four kasi.. kung hindi dahil sa kwentong ‘yon.. hindi magkakakilala ang
parents ko. E ‘di sana.. wala ako ngayon sa Earth. Tandang-tanda ko pa nung una
kong nakita yang sketchbook. Five years old ako nun. Well, hindi ko pa
naiintindihan masyado yung kwento pero tuwang-tuwa ako sa drawings. Si Papa kasi
nagdrawing eh. Importante sa’kin yung Twenty Four kasi.. yan talaga ang dahilan
kung bakit nainlove ako sa literature. Alam mo ba, idol ko yang mom mo. Bilib ako
sa writing style niya eh, tsaka naisip niya yung ganung kwento. Dahil sa kwentong
‘yon nainlove ako sa mga salita. Honestly, hinahanap ko pa rin hanggang ngayon yung
word na sinabi ng mom mo. Yung pinagsamahan nina A at Z. Kaya ang dami kong alam na
weird words.. hinahanap ko kasi.”

With a sharp intake of breath, I felt him reach out for my hand and gently held it.
I took it as an affirmation to go on with my explanation. How did I survive five
days without this? Hindi naman masamang isipin na namiss din niya ako, ‘di ba?
“Andreau.. alam kong sobrang importante ng story sa’yo. Roldan told me the other
day ab—“

“Zades,” he interrupted in a strangled voice.

I gripped his hand a bit tighter to stop him. “No, let me finish. You said things..
hurtful things,” napalunok na lang ulit ako nang maalala ang away namin. Masakit pa
rin pala. “Hindi ka lang basta.. You snapped at me. I know kinulit kita.. I know
hindi totoo lahat ng sinabi mo.. pero kasi.. ang sakit lang. Para kasing totoo yung
sina—“

“Zades, I’m sorry.”

My heart almost stopped at those words. “W-what?”

He let go of my hand, and the sudden loss felt like a punch to my gut. Wait.. aalis
ba—

“Zades, let me finish, please?” Andreau whispered audibly, halting my negative


thoughts. He touched my chin, forcing me to tilt my head towards his direction and
my eyes lock with his. “I.. I.. Zades.. I’m really sorry about everything I did the
last time. I was out of li—“

“Andreau.. breathe.”

He did breathe for a second, then continued. “You know me.. I’m not really
comfortable talking about my emotions. I really suck at i—“

“Alam ko. Firsthand experience, remember?” I teased and he chuckled.

“— especially when it comes to my parents. Lagi ko kasing iniisip na.. walang


makakaintindi sa’kin. Sure, they would listen. People always do. But listening is
way different than understanding. Wanna know my greatest fear?” Bigla akong
kinabahan sa sasabihin niya. Bihira lang kasing magsabi ng super personal stuff si
Andreau. “Takot ako na mag-open up tapos may makakarinig nga, pero hindi nila
maiintindihan.”

“Hey.. I know it’s hard to tell people.. pero Andreau, you can’t keep everything
bottled up inside forever. Don’t push people away. Siguro ngayon maiintindihan pa
namin kung bakit ka ganyan kaso dadating din yung araw na mapapagod kami. Kung
gusto mong maintindihan ka ng ibang tao.. magpaintindi ka. Sina Mars at Dan.. hell,
pati nga sina Tristan.. nag-aalala na sa’yo. Pasalamat ka, kahit topakin ka nandito
pa rin ako.”

“You’re different, you know?” he removed his hand from my chin and held my hand
again.

“Different.. what? Different good or different bad?”

“Different good, of course. You understood me.. though it took you sometime. Until
now nagtataka ako kung bakit ang dali kong mag-open up sa’yo—“

“Kasi maganda ako?”

Then the impossible happened. Andreau laughed. Shit, nakakamiss. “Maybe?”

“I’m just kidding. Go on.”

Once again, Oliver grew tense next to me but he calmed down when I smiled at him.
“I’m not gonna lie, Zades. Nagalit ako nung sinabi sa’kin ni Tristan na kinwento mo
sa kanya yung Twenty Four. I’m 100% sure na never kong naikwento ‘yon sa’yo kasi..
it was too personal. I got mad at you for a fraction of a second. I know you. Kapag
may gusto kang malaman..”

“.. gagawin ko ang lahat para malaman ko,” I finished, smiling tightly. “Yep,
that’s me. Not my best quality. Don’t worry, Kesh hates it, too.”

“Zades.. I’m not mad at you. I’m really mad at myself because for a second there I
thought you betrayed my trust. Alam kong sobrang kulit mo pero hindi ka naman aabot
sa point na papakialaman mo ang gamit ko. Hiyang-hiya ako sa sarili ko na pinag-
isipan kita ng masama. Ako talaga ang may problema that day. I didn’t want to tell
you right away because I know it would upset you. Sasabihin ko naman talaga sa’yo
eh kaso..”

“Kaso dumating ako sa photoshoot. At.. kinulit kita.

Andreau nodded slowly. “Yup. And I haven’t had caffeine that time so.. it was very
crucial.”

“Tell me about it. Sobrang broody mo kaya kapag hindi ka nakakainom ng kape sa
umaga! You always have your Mr. Grrr face on!”

“Hey, I don’t brood!” he shot back defensively.


“Eh ano yung drama mo kanina dito? Halos buong araw ka raw nasa loob ng sasakyan
eh. If that wasn’t brooding...” I have to admit, may times na mas attractive ang
Broody Andreau kesa sa ibang modes niya. Those intense eyes of hi— shit, Pascual. F
O C U S!

“Zades..” sumeryoso ulit siya. “Yung mga sinbi ko the other day.. I didn’t mean
them. I’m really sorry. I—“

“I know that, Andreau. parehas tayong galit nun and.. I’m so sorry for everything..
lalo na dun sa sampal. My emotions got out of hand and honestly, ginalit mo talaga
ako nun.”

The corners of his mouth curled up to a small smile. “That was the hardest slap
I’ve ever received, Zades. Question: matagal mo na ba akong gustong sampalin?”

Rolling my eyes at him, I shot back. “Pwede rin. Ilang beses ka ring annoying eh.
Want another demonstra—“

Andreau jerked back, holding up his hands to his chest. “Oh no no no. My cheek
still stings from that slap. Once is enough.”

We easily fell into laughter, as if hindi kami nag-away days ago. God, how can I be
so stupid? I’m really stupid to say we’re over. Nagsisisi tuloy ako sa mga sinab—

“Zades?”

“Hmm?”

“I hurt you. I made you cry.”

“T-that you did.”

He inhaled sharply. “I don’t want you to cry because of me.”

Puso ko, kalma lang.

Laughing Andreau was replaced by my another favorite, Shy Andreau. “I really


thought I lost you,” he admitted in a low voice. “The moment you said that we’re
done.. I.. I couldn’t think. I—“

“But you didn’t run after me.”

“Of course, I did! Kinausap pa kasi ako ni Mars kaya nung lumabas ako.. wala ka na.
Ipaparesked ko na nga yung photoshoot pero hindi pumayag yung photographer. Ayun,
Kevin and I ended up talking for like 20 mi—“

“Kevin? The photographer?”

“Yep. Sabi niya sa’kin wag muna kitang kausapin. I must let you cool down.. the
likes. Where did you go anyway?”

Okay.. that was weird. Really creepy weird. “Oh, funny story. I was with Jersey the
whole afternoon.”

Nagulat si Andreau sa sinabi ko. “The other photographer? Bakit?”

“Nasa Starbucks lang kami the whole time. You know, kwentuhan. Actually.. sinabi
rin niya sa’kin yung sinabi sa’yo ni Kevin. Weird, ‘di ba?”

“Yep, definitely weird,” he sighed.

Naku, babalik na naman siya sa brooding mode niya. I must lighten up the mood!
“Obviously you took his advice. Hello, buong lingo akong nag-abang ng isang text o
tawag galing sa’yo!”

“I’m sorry, okay? I was so damn scared. I thought we’re really over. You said it
like you really mea—“

“Ikaw din naman eh!” I countered. “Seryoso ka dun sa I shouldn’t have trust—“

“Galit ako n—“

“Me too. So.. why are you here then?”

“Because I realized that I couldn’t just give you up. I couldn’t just give us up,”
he said softly, eyes steeled with determination.

I felt my heart drop to my stomach. Triple shit. How could he say that so
effortlessly? He’s serious. He meant it. Triple s h i t. “Oh, really?” was all I
could say. Ano pa bang masasabi ko ha?

“Our friendship, I mean,” he quickly added, not looking at me.

“Oh.. okay.”

“You have every right to hate me, Zades. I would understa—“


“I forgive you.”

His eyes grew wide. “But you shouldn’t! You should be angry at me.. and hate me..
an—“

“I can’t hate you, Andreau,” I admitted, quietl, surprising him into silence.
Turning to look at him, I took a deep breath before continuing. “Too bad, I really
can’t. I tried, though. But shit, hanggang angry levels lang ang kaya ko.”

There’s a beat of silence, in which we just stared at each other with silly smiles
on our faces. Sa wakas, okay na kami. Well, not that okay okay, but getting there.

“I don’t like fighting with you,” I declared moments after, breaking the stare off.

“I don’t like fighting with you either.”

“Then we should stop fighting. Know what? Let’s never fight about anything. Ever.”

Tinawanan niya ang suggestion ko. “You really think that’s possible? Wow, I doubt
tatagal ka, Zades. Ikaw ang pinakapikon sa’ting dalawa.”

“Wow, excuse me? Just hear me out, okay?” I egged on, totally ignoring his annoying
eye roll. “I’m suggesting two options here. Either isa sa’ting dalawa ang laging
tama o alternate tayo kung sino ang tama sa’tin. Pero Andreau, you know me,” I shot
him a challenging look. “I always pick my battles wisely and maghahanda na ako ng
witty rebuttals para matalo ka. I’m the woman here, I should be always right.”

He shook his head and tried, unsuccessfully, to wipe the smile off his face. (I
missed that annoying smile that made his face more stunningly attractive.) “You’re
an idiot.”

I nodded in agreement. “But a gorgeous idiot.”

Andreau chuckled lightly as he grabbed my hand and kissed it. Whoa there. “God, I
missed you,” he said thoughtfully.

Mind. Blown. Shocks may ganito ba lagi kapag mag-aaway kami ni Andreau? Baka hindi
kayanin ng puso ko ‘to ah! “Hmm.. sakto lang.”

His eyebrows quirked upwards as he smiled. “Really?”

“Let’s see,” I pretended tot think for a moment, and nodded. “Kung gaano mo ako
kamiss.. kalahati nun ang intensity ng pagkamiss ko sa’yo.”
“Eh kaya mo bang i-compute ang kalahati ng infinity?”

“Oh my god,” I drew my hand away from him, laughing my head off. I could feel a
betraying blush crept quickly across my cheeks. Damn it! “Yuck ka! Ang corny mo!
Magtanong ka sa Math majors! Kadiri ka, Francisco!”

“But you blushed. That tells me otherwise.” I noticed him staring at me intently
once I lifted my eyes to his face. A smile flirted around the edges of his mouth
and.. He looked so smug. Kainis talaga ‘to. He knew he’d affected me, knocked me
off balance, and he was reveling in it. Hah, I’m not going to give in that easily,
Francisco. Two could play this game.

“Oh shut up. I know what you’re doing. Aftselakhis.”

“What?”

“Aftselakhis. A Yiddish noun maning the desire or impulse to do something beause


someone else doesn’t want you to, usually to get them annoyed or upset.”

The smug look turned into that mysterious smile again. Much much better. “And
you’re back!”

“Ahah! I knew it. Namiss mo ang words ko, ano?”

“Yeah. But I missed you more.”

“Aww.. don’t stop being cute, Andreau,” I even pinched his cheek to annoy him. Ayaw
niyang tinatawag siyang cute. He even hates that word.

“I’m not cute,” he said, brooding already.

“So.. we’re okay now?”

“Yeah, I guess so.” He sighed deeply. “You’re right. I should start letting people
in. It might take me awhile.. bu—“

“Naku, magsimula ka sa best friend mo. Nagsumbong siya sa’kin the other day na
minsan daw isang buwan mo siyang hindi kinakausap. Ang cute ring magtampo ni
Roldan, ano?”

“Fine. I will talk to him tomorrow. Happy now?”


“Naman! And just so you know.. I’m always here to help you. Well.. magtext o
tumawag ka muna, okay? Remember, Zade needs a head up always.”

“Aahh, Zade the Listener. I should give you a trophy.”

“Trophy lang? Pwede bang dambana or statue?”

Andreau snorted, which was really an unattractive sound but I don’t care. “What a
nerd! Dambana talaga?” he paused. “So.. we’re solid?”

“Yup, diamond as ever.” Nalearn na ni Andreau na hindi ako gagaya sa solid chuchu
niya. Ang baduy kasi ng solid, walang character!

“And.. I will try my best to tell you the things I don’t normally tell others.”

“O— well okay lang sa’kin. Just don’t tell me the x-rated things ha? Kay Dan na la
—“

“Zade—“

“Yep, shutting up now.” Wow, way to go for an awkward start, Pascual! X-rated
things, really? Asa kang kukwentuhan ka ni Andreau ng sexual fanta—

Kelan pa naging dirty ‘tong utak ko? Ugh.                     

“Ako rin, I’m here if you need me,” Andreau said with a smile. Buti na lang hindi
siya naweirduhan sa sinabi ko. Hindi ko talaga maitatawid ‘yon.

“Agreed. Just don’t be too broody ha. And oh, your loud voice is so annoying.”
Saglit siyang nagtaka sa sinabi ko so ginaya ko ang loud voice niya. He grimaced
for a moment, not sure kung sa imitation ko ba o sa idea na ganun ka-annoying ang
boses niya.

“I know,” he shrugged. “I sounded like a real dick last time. I’ll work on that.
Promise.”

“Yeah. What a hardheaded dick,” the words rolled out of my mouth before I could
even stop them. “Holy shi—“

“What the hell, Zades?” Andreau started to laugh his ass off, with tears .

Oh God. I’m so mortified. I di— “I’m so sorry! I didn’t mean to say it like that!
I’m not talking about your private pa— oh God Andreau please stop me from talking
please!” I shrieked, face red from embarrassment. Isip din naman minsan, Pascual!
Napapikit na lang ako sa sobrang hiya. Kakaayos lang naming dalawa tapo—

“Shit, Zades. It’s okay,” I heard him say beside me. Great, medyo natatawa pa rin
siya. His hand landed on my shoulder, making me jump a little. “Hey. Wala ‘yon,
promise. Just.. filter your brain or mouth or—“

“I-I get it. Wow.. that was embarrassing. Shutting up now.”

Goto lang pala ang magpapawala ng kahihiyan ko. Andreau was a gentleman enough not
to tease me about that D-word incident. Golly, sobrang nakakahiya talaga! Gusto ko
pa sanang magpaliwanag na wala akong x-rated thoughts about him pero sinamaan niya
ako ng tingin. Fine, bahala siya.

I never thought na makakain pa ako ng goto na kasama ko siya. Last time na kumain
ako dito.. naah, drama pa ba? We’re okay now. He promised na magiging okay siya.
I’m holding onto that. Nakakatuwa lang na makita siyang masaya sa isang bowl ng
goto. Para siyang.. hindi artista sa lagay na ‘to. He looked so.. normal. So happy.
Ganito rin kaya siya kasaya before, nung nagtatrabaho pa si—

“Zades?” his voice interrupted my internal monologue. Kumaway-kaway pa siya para


mapansin ko. “Paabot nung paminta, please?”

“Ha? O-okay,” kinuha ko naman ang hinahanap niya. Doon ko lang napansin na
pangalawang bowl na niya ng goto. I knew it, hindi siya masyado kumain this week.
Pakonsensya pa ba, Francisco?

I didn’t notice na nakatitig pala siya sa’kin. “Okay ka lang ba, Zades?” he asked,
completely concerned.

“Yup. Masarap yung goto, ano?” Tumango siya at bumalik ulit sa pagkain. Minutes
later I heard him call my name. “Hmm?”

“Don’t ever think that I don’t trust you, okay?”

Muntik na akong masamid sa sinabi niya. “O-okay. Got it.”

“And just so you know.. I trust you more than anyone.”

Damn it, hindi na ako makakain ng goto. I couldn’t wipe this stupid smile on my
face.

Well.. that makes the two of us.

Goodness, we’re really idiots.


=================

[37] My Favorite Person

Quick AN: Yung Twenty Four na mentioned sa Ch 36 ay ang prologue nitong TSIB. Don't
get confused ;)

This is just a filler chapter! Supposedly ipopost ko lang 'to sa Anthology as an


outtake kaso I got carried away. After this one.. may shift na. Promise.

**

Chapter 37: My Favorite Person

“Baguio?”

“Nope.”

“Mt. Pulag?”

“Nope.”

“Ilocos?”

Rolling his eyes, Andreau sighed. “Hindi nga.”

“London?” I asked too enthusiastically. Tinanggal ko pa ang seatbelt ko para mas


makagalaw ako nang maayos. Andreau just shot me a weird look. “Oh my god. Pupunta
nga tayo ng London?”

“Saan mo naman nakuha yan? No, we’re not going to London. Dream on.”

“Aww damn it! Akala ko pa naman sa London na! I even cleared my Tuesday afternoon
for this tapos hindi tayo pupunta ng London?!”

“Sa tingin mo ba makakarating tayo ng London gamit ‘tong kotse ko?”


“Duh, everything’s possible! Who knows, baka may built-in wings or jets ‘tong Dodge
mo! Or OMG, baka naman TARDIS ‘to! Andreau! Baka ikaw na si Doctor!”

Tawang-tawa si Andreau sa sinabi ko. Badtrip talaga ‘to, medyo seryoso ako dun eh!
“Parang ewan ‘to!”

“O baka naman... are you kidnapping me?”

He choked back a laugh. “Kulang ka pa ata sa tulog, Zades. Sabi na sa’yo eh, wrong
move na bumalik ka pa sa org mo. Haggard ka na eh.”

Ugh. Here we go again! Two days pa lang kaming magkaayos pero may isang bagay na
naman kaming pinag-awayan: ang org ko. Pinipilit niya kasi ako na mag-inactive sa
org namin ni Ate Anya since takaw-oras ang activities namin. Hah, kung ako nga lang
masusunod magqu-quit na ako eh. Unfortunately, nanghihinayang ako sa contributions
ko sa org at gusto ko rin naman ang mga ginagawa namin. Bawal kasing mag-inactive
sa’min ng two consecutive sems kaya eto ako, sapilitang bumalik.

Ewan ko ba dito kay Andreau at iritang-irita siya sa decision ko. Wow, hawak niya
buhay ko? “Hindi nga kasi wr— wait.. what did you just say?” tumigil ako saglit
para alalahanin ang sinabi niya seconds ago. Did he just..

“Hoy! Bastos ‘to!” sinuntok ko siya sa braso, na walang epekto sa kanya. Shit, have
I learned nothing? Kahit anong suntok ko sa braso ni Francisco, ako lang din ang
masasaktan sa huli. Bakal na ata ‘tong biceps niya sa sobrang tigas! “Excuse me ha
pero number one rule sa friendship natin: wag na wag mo akong tatawaging haggard e-
v-e-r! Foul sa’ming magaganda ang tawagin non!”

“Whatever you say..” Andreau only gruntled in reply and focused on the road again.
Hindi na nga ako nagrereklamo na kanina pa kami nagdi-drive kung saan-saan tapos..
tinamaan na naman ng sapak ‘to!

“Hoy! Say you agree!”

“Only if you promise not to call me cute.”

It really amazed me na isang four-letter word naiirita ang six footer na si Andreau
Cortez. Of all words, sa cute pa. At first akala ko ayaw niyang tinatawag siyang
cute kasi hello, artista siya at parang hindi sapat ang salitang ‘yon para
idescribe siya. I didn’t mind his pleas, though. Pakialam ba niya na gusto ko
siyang tawagin non? Kaso it turned out na iritang-irita talaga siya sa salitang
‘yon. How.. cute.

“But why?” I questioned him.

The tentative smile that had been on his lips for the entirety of our conversation
slipped into a deep scowl and he huffed. Good, he’s a bit annoyed. “Ang panget kaya
pakinggan ng cute,” he spat, using his right hand to do the “air quotes” thing he’d
adapted from me. “Why is it even a word, anyway? And FYI, I am not cute.”

“Oo na, hindi ka na cute! You’re hot, sexy, handsome, attractive, seductive,
titillating, alluring, hottie, mackadocious sex on wheels bangable hot stuff,” I
recited proudly. We had an argument months ago and he challenged me to find other
words to describe him besides cute. Aba sorry siya, forte ko ata ang pagreresearch
ng words!

I could’ve sworn his eyes grew wide at my last words. “Mackadocious sex on wheels
bangable hot stuff?” he repeated, his tone almost disgusted. “What the fuck?”

“They’re words, obviously.”

“I know, but really? Wala naman yan sa Merriam-Webster or Oxford!”

“Wow, besties na kayo nina Merriam at Oxford? Ni hindi ka nga nagbabasa ng


paperback eh! And FYI, those were slangs. Search mo sa urban dictionary, Sir,”
sinadya kong gamitin ang all-knowing tone para mas mainis siya. “God, and I thought
I’m the hopeless one...”

“Minutes ago yung cute ang topic natin ah. Ba’t nasa dictionary na tayo?”

“Ah basta! Don’t call me haggard.”

“Then don’t call me cute.”

“Goodness Andreau, for a guy who hates that word, you sure say it a lot.”

“Wha—“

“Can we just meet halfway he—“

“Nope,” he replied, popping the ‘p’ and leaning back his seat.

Kaya kong tiisin ang Annoying Andreau ng ilang oras.. pero ibang usapan na kapag
sinaniban na siya ni Persistent Andreau. He knew very well kung gaano ako naiinis
kapag magkasabay ang dalawang modes na ‘yon (though hindi niya alam na may
nicknames ako for those) at sinasadya niya ‘to para bumigay ako. Well he’s wrong.
Malas niya na ako pa ang tinalo niya.

“Fine,” I said in mock resignation. Napangiti naman agad ang loko. “Ayaw mo ha? The
next time I set foot in your condo, I will rearrange your DVD collection in reverse
chronological order, genres combined. Pati guguluhin ko rin ang arrangement ng Top
100 shelf mo. Ilalagay ko yung Fight Club sa Number 80-100 row.”

Andreau froze in his seat and swore under his breath. “Don’t you dare, Zades.”

Boy, did I dare to do that. Other than inflicting physical pain (which would
definitely hurt me in the end), ayan na ang pinakamalalang bagay na kaya kong gawin
kay Andreau. My God, he’s super OC with his DVD collection! Mas mahal pa niya ata
‘yon kesa sa buhay niya at todo alaga siya, parang over protective dad! Of course I
had to learn this the hard way. One time kasi hiniram ko ang Blu-ray ng Atonement
para sa isang subject ko. I wasn’t aware na may critical arrangement pala ang DVDs
niya so basta ko na lang nilagay sa shelf yung case. Minutes later ayun, sinermunan
niya ako at binigyan ng crash course sa Cortez’ DVD Do’s and Don’ts. Akala ko last
stretch ng pagiging choleric niya ang Gantt charts at endless to-do lists. May mas
malala pa pala! Meron siyang listahan (hardcopy at softcopy na meron sa iPad, phone
at laptop. I bet may backup ‘yon sa Google Drive niya) ng lahat ng DVDs niya in
different arrangements, all color coded depending on the genre, year etc. Triple
shit talaga, kulang na lang gumawa siya ng sarili niyang Dewey Decimal System para
sa DVDs!

“Not only that,” I continued, completely undeterred by his death glares.


“Pagpapalitin ko rin ang CDs sa loob. I bet magwawala ka kapag nagising kai sang
umaga na CD na ng Hi-5 ang laman ng The Godfather II case mo!”

“T-that’s so.. diabolical..” he gripped the steering wheel tightly that his
knuckles turned white. “What an evil plan, Zades. Wala ka na bang puso?”

Aahh.. so nice to see him at my mercy. Lagi ko kayang gawing panakot ‘yon?
“Pasalamat ka hindi na kita inasar sa Hi-5 DV—“

“Kay Tristan kasi ‘yon!” he shot back defensively.

“Whatever you say, Francisco...”

He sighed, totally defeated. “Fine, you win. I won’t call you the h-word anymore.”

“Nice. Nagcocomply ka agad dun sa usapan natin nung Sunday. If I were you, choose
your battles wisely. Obvious naman na ako talaga ang panalo dito ngayon.” I was
about to say more when I saw something on the backseat that made me stop.

A bouquet of tulips.

Anong ginagawa ng tulips dun? Halos isang oras na kaming nasa sasakyan pero bakit
ngayon ko lang napansin ang bouquet of tulips!?

“Wait.. are we going on a date?!” halos pasigaw na ako. My sudden outburst startled
him also. Andreau only mouthed a soft What to my direction. “Date, Andreau. A
romantic date, which I was against to since the beginning of time.”
“Huh? Date?”

Ugh, Dumb Blonde Andreau again huh? “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na never
akong makikipagdate sa’yo! Ang kulit mo rin ha!”

“Ano bang pinagsasabi mo dyan?” he said, eyebrows furrowed in confusion. “We’re not
going on a date. Calm down.”

Agad kong tinignan ang dinadaanan namin. Shit.. kanina lang nasa national highway
kami tapos ngayon.. bakit parang secluded na? How come hindi ko ‘to napansin?
Masyado kasi akong pre-occupied sa paghihiganti ko kay Andreau! Him being so
distractive wasn’t even remotely funny. Kainis!

“Eh saan tayo pupun—“ I stopped in mid-sentence (again), thoroughly surprised. Doon
ko lang talaga napansin kung saan kami papunta. The white and blue sign displayed
on the gate welcomed my shocked being. Oh my.. “Are you serious? Naoffend ka ba
talaga dun sa DVD threat ko, Andreau? Ililibing mo agad ako nang buhay!?!”

“Zad—“

“O baka naman tama ako sa date? God, hindi ka nga romantic pero really? Date sa
sementeryo? Tatalon na la—“

Tumigil si Andreau sa may guardhouse at binati siya ng guard don. Wow, first name
basis pa sila ni Kuya ha! So ito ang frequent dating spot niya? If yes, then he’s
totally hopeless! “Pwede ba munang i-park ko muna ‘tong sasakyan bago ka tumalon?”
sabi niya sa’kin nang makaalis kami sa may guardhouse. Sa pinakadulong parte pa
kami ng sementeryo pumunta. I chose not to say anything kahit kating-kati na ako sa
kinauupuan ko. Bakit ba nandito kami?

Sa ilalim ng malaking puno nagpark si Andreau. Ngiting-ngiti pa siya sa’kin, nang-


iinis na sa kanya ang huling halakhak. “I didn’t know na may lahi ka pa lang
stuntman, Zades.”

Ignoring his lame attempt to tease me, I glared at him. “Teka nga. Kung hindi ‘to
date, eh ano? Bakit tayo nandito?”

Andreau only cocked an eyebrow as my eyes narrowed further and stared at him.
“Answer me first. Bakit mo naman naisip na date ‘to?”

“Because of the flowers!” tinuro ko ang bouquet na nasa backseat. “Ayan oh!
Subtlety isn’t your best suit, Andreau.”

“I am very subtle, Zades. Ikaw lang ang bulag dyan.”


“Whatever! Just answer me!”

He sighed dramatically and sank lower into his seat. “First of all, this isn’t a
date. I maybe not the romantic type but I’m well aware na hindi romantic ang
sementeryo.”

“And the flowers?”

“Who says they’re for you?” his smug smirk widened as he opened the door beside
him.

Oh. Oh.

“They’re not for me, then?” I said dumbly. Way to go, Zades! Nagmukha ka na namang
engot sa harap ni Andreau!

Bumaba si Andreau sa sasakyan at binuksan ang pinto sa likod para kunin ang
scandalous na bouquet. “You said you don’t like flowers, right? Don’t worry, never
kitang bibigyan ng flowers.”

“Eh para kanino ‘yon?”

“Let’s just say you’re not the only woman in my life, Zades. Do try to keep up.”

What?

xxx

Hindi naman ako takot sa sementeryo pero todo buntot ako kay Andreau habang
naglalakad kami. Ugh, anong gusto niyang iparating dun sa sinabi niya kanina? Kelan
ko sinabi sa kanya na ako lang ang babae sa buhay niya? Galing din gumawa nito ng
kwento minsan!

The small smile he sported all throughout our three-minute walk grew wide when we
reached a mausoleum. Finally, nakahinga rin nang maluwag! Hinanda ko kasi ang
sarili ko in case na ilibing nga ako ni Andreau nang buhay dito. Weird, I know. Mas
mabuti nang handa!

Dumiretso si Andreau sa loob ng mausoleum, leaving me a few feet away. May dalawang
puntod sa loob. Shit.. could this be..
“Andreau.. what’s this? Ba’t mo ako dinala dito?”

Lumuhod siya sa harap ng puntod na nasa bandang kanan at nilapag doon ang bouquet.
He remained silent for awhile before he replied, looking at me. “Sabi mo.. idol mo
ang nanay ko. So here you go. Meet and greet with my mom.. featuring my dad.”

Oh my God. I wasn’t expecting this to happen today. Not that it was too soon pero..
oh my Lord. Bigla akong kinabahan. “H-hindi naman sa pagiging bastos or what.. pero
imi-meet and greet ko ‘tong mga nitso?”

He laughed softly and shook his head. “Well.. yeah. Anong sa tingin mo, huhukayin
ko pa sila for you?”

“Very funny. Seryoso kasi ako don! Sinong kakausapin ko?”

“Talk to them,” tinuro niya ang dalawang puntod sa tabi niya.

“I’ll talk to the.. concrete?”

“Of course,” Andreau rolled his eyes. “Bakit, hindi mo ba kinakausap yung papa mo o
si Tata Greg kapag binibisita mo sila?”

Not this question again. Lagi naming pinag-aawayan nina Mima at Nana Tinang ang
hindi ko pagkausap sa puntod nina Papa kapag bumibisita kami. So ngayong tatlong
tao na ang nagju-judge sa’kin. Great. “Oh no. Never,” I answered truthfully.
Nagulat siya sa sagot ko. “Well.. kinukulit pa ako nina Mima para kausapin ko. Duh,
ang weird kasing kausapin yung mga bato.. Sorry po, Mr. & Mrs. Cortez.”

Lumabas si Andreaus sa mausoleum at tumabi sa’kin. Nararamdaman ko na hihigitin


niya ako sa loob maya-maya. “Zades.. okay lang naman na kausapin mo sila. Kwentuhan
mo lang, ganun,” he said in a very reassuring tone.

“Eh what if biglang may sumagot sa’kin?” then something clicked inside my head.
Shit, pwedeng mangyari ‘to! “Hoy Andreau ha! Umayos ka! Pag ito kalokohna niyo na
naman ni Roldan hahanapan ko kayo ng lote dito sige!”

Andreau snorted out a laugh, shaking vigorously. “Too hardcore, Zades. Too
hardcore.” And my prediction happened: hinigit na nga ako ni Andreau papasok sa
mausoleum. Goodness, anong sasabihin ko dito? Magmumukha akong tanga sa harap ng
mga bato.. and possibly sa kaluluwa ng mga magulang niya (at ibang.. tao.)

Tumigil kami sa harap ng dalawang puntod. Ang higpit ng hawak ni Andreau sa braso
ko, as if tatakas pa ako. “Mom, Dad,” he said with a warm smile, “it’s been a
while. May kasama po pala ako. Si Zades.” Napansin niya atang pagala-gala ang mga
mata ko dito sa loob. “Anong hinahanap mo?”
“Ah wala naman. Nag-eexpect lang ako na lumitaw si Casper anytime,” I know he was
about to tease me so inunahan ko na siya. “Contrary to your belief, hindi ganun ka-
deprived ang childhood ko!”

He just laughed at my short diversion, and continued the introductions. “Mom,


Dad... si Zades po pala. Zades, I would like you to meet my awesome parents.”

Napatitig ako sa dalawang puntod sa harapan ko. Oohh.. marble. How nice. Well
maintain— Zades focus! “Uuhh.. h-hello po. G-good afternoon po.”

“Don’t let her fool you. Hindi talaga siya mahiya—“ kinurot ko siya sa braso para
manahimik na. “Ouch! Violence in front of my parents? Wala ka ring patawad ha!”

“Shut. Up! Pinapahiya mo ako eh!”

“Okay okay.. I’m giving you a chance to redeem yourself.”

“Anong gagawin ko? Mag-aalay ako ng dugo?”

He shot me a Duh? look. “Really now? Seriously stop joking,” then to his parents,
“Anyway.. iiwanan ko muna kayo dito nina Zades, ha? May mga sasabih—“

“What!?” I exclaimed loudly. I’m sure nagulat din ang ibang kaluluwa dito sa
sobrang lakas non. “You’re leaving me here?! Alone?”

“Sure ka bang tayo lang ang nandito ngayon? Marami kang hindi nakiki—“

“Sige takutin mo pa ako! One, two, Freddy’s coming fo—“

“Hindi na ako takot dyan,” he said through gritted teeth. Hindi na raw takot pero
napalunok siya nung kumanta ako. Joker din ‘to minsan, ano?

“What am I going to say? No offense pero wala naman akong kakausapin dito!”

“Sus, araw-araw mo kayang kinakausap ang sarili mo. Sanay ka na dun, ‘di ba?”

Bastos ‘to. Kanina pa niya ako inaasar ha! “Fine, you win. Kakausapin ko na—“

Ngiting tagumpay naman si Francisco! “Promise, walang recorder or bug dito. I’ll be
in my car, okay?”

“Ayusin mo, Francisco. Pag ito joke mo la—“


“Zades.. I won’t ever joke about my parents. Do this for me, please?” At para
sureball na pumayag ako, he flashed that damned smile of his. Makakatanggi pa ba
ako? Please + that smile? A lethal combination. Sana matutunan kong humindi sa
kanya!

“Okay, since you asked so nicely.”

Seconds later ako na lang mag-isa sa loob ng mausoleum. Well.. techinically tatlo
kami dito.. or even more. Oh Lord, things I do for him.

xxx

Isa sa pampalipas-oras ko kapag nasa sementeryo kami ay ang pagbabasa ng mga


epitaph. Doon ko hinahasa ang non-existent Math skills ko sa pag-alam ng edad ng
nakalibing sa puntod na ‘yon. May ibang puntod din akong nakitang may quotes or
last words, and I really found them interesting.

Pero pinakainteresting na ata ‘tong sa parents ni Andreau.

VICTOR E. CORTEZ

April 5, 1969 – October 11, 2003

“I just feel that a certain point you have to go back to the beginning again.” ~
Francis Ford Coppola

TRISHA LIANNE VALERIO-CORTEZ

August 13, 1970 – October 11, 2003

“Whatever our souls are made of, his and mine are the same.” ~ Emily Bronte’s
Wuthering Heights

So. Cool.

Wala talaga akong maisip na sasabihin sa kanilang dalawa. I sat there in silence
for almost ten minutes bago ako makaisip ng sasabihin. Wala na namang sigurong
mawawala kung kakausapin ko, ‘di ba? Kung may sumagot man.. bahala na.

H-hello po.. Sorry for the awkwardness but wow.. ang cool ng epitaphs niyo. Nice
touch with the quotes by the way. Wuthering Heights.. wow. A very good choice.
Hmm.. ano kayang ilalagay ko sa’kin? Oh no. Hindi naman sa pinaplano ko.. Gusto ko
lang maging prepared kasi who know— okay shutting up now.

God.. this is so weird. Talking to the both of you. Tama naman kasi si Andreau,
habit ko pong kausapin ang sarili ko. Minsan nga ang sama ng tingin sa’kin ng mga
tao sa daan eh. Sobrang hindi ako aware na ginagawa ko ‘yon, promise. Sometimes I
wish na tumigil din ako sa pagsasabi ng nonsense. I guess today’s not that day.

Hindi ko po alam kung anon a ang naikwento sa inyo ni Andreau about me.. kung meron
man o wala. Ako nga po pala si Zade Pascual, partner po ng anak niyo. Partner in
the sense na co-writer niya ako ng Tila. Contrary to popular belief, we’re not
romantically involved. Honestly, what were they thinking? Hindi kami bagay ni
Andreau ano! At hindi ko rin po masight ang sinasabi nila about us. Baka alam niyo
rin na nablind item ako sa Chismis Squad, yung online chismis blog. Goodness,
napakaunflattering ng photos! Magbi-blind item na nga lang hindi pa inayos!

Ano pa bang sasabihin ko? Uhmm.. I’ve seen your short films, Sir Victor. Walang
halong biro, ang ganda po nila. Akala ko nung una isa kayo dun sa mga gumagawa ng
poverty porn. Ang dami na po kasing ganun ngayon. Pero kayo po? Iba talaga. Ang
ganda ng atake niyo sa bawat film, kitang-kita yung feelings ng subjects niyo.
Hindi niyo tinake advantage ang situation nila. Wow, kung makapagsalita ako parang
ang dami ko nang napanood! Naiintindihan ko na kung saan nakuha ni Andreau yung eye
niya sa subjects. Maganda po ang taste niyo, Sir Victor. Ay, alam niyo po bang
pina-assignment sa’kin ng magaling niyong anak na panoorin ko raw yung Top 100
films ng AFI ba ‘yon? Makautos parang professor ko!

Uhh... speaking of.. Miss Lianne? Okay lang po bang tawagin ko kayong Miss?
Anyway.. O M G. Kung alam niyo lang po ang gulat ko nung sinabi sa’kin ni Roldan na
kayo yung writer ng Twenty Four!!! Sa totoo lang naiiyak ako kapag naalala ko ang
story. The concept was.. just wow. Well.. wala pa naman akong utak nung nabasa ko
‘yon. Not literally walang utak po ha oh God Zades shut. Up.

Okay.. take two!! Sobrang saya ko po na nameet ko kayo finally! Sabi ko pa naman sa
sarili ko na yayakapin ko ang writer ng Twenty Four kapag nagkita kami kaso.. hindi
ata kaya ng mga braso ko na yakapin ‘tong puntod niyo. Ang laki eh! Yung kwento
niyo po ang nag-inspire sa’kin na mahalin ang literature at mga salita. Five years
old po ako nung nabasa ko ‘yung kwento at hanggang ngayon in love pa rin ako. Tsaka
po pala Miss Lianne, does that word even exist? Yung pinagsamahan nina A & Z? Ang
tagal ko na rin kasing hinahanap ‘yon eh. May ilang words na akong nakita pero
hindi sakto dun sa meaning na sinabi niyo. I guess I have to deepen my research.
Pag-uwi ko mamaya sa dorm maghahanap ulit ako!

Shit.. sorry po. Baka nagtataka kayo kung bakit ko alam yung Twenty Four. Ugh,
kulang pala yung introduction ko. Anak po pala ako ni Joseph Pascual. Do you still
remember him? Siya po yung illustrator niyo sa folio. He’s my dad. Small world,
ano? Actually two days ago ko lang po nalaman yung connection niyo kay Papa. Ilang
beses na rin pong nakwento sa’kin ni Mima, that’s my mom, kung paano sila nagmeet
ni Papa years ago pero hindi niya alam yung pangalan niyo. Yung initials niyo lang
ang tanda niya since ‘yon lang ang nakalagay sa folio. Si Mima talaga minsan oo!

Sobrang weird po, ano? Nagkakilala kami ni Andreau, not knowing na magkakilala pala
ang parents namin. Si Mima rin po, nagulat na kayo po pala yung nakausap niya
before. Nakausap ko po siya kahapon and may message po pala siya sa inyo. Hindi raw
po siya nakapagthank you sa inyo before after nung folio launch so.. maraming
salamat po sa inyo. Ako rin po.. sobrang thank you po sa inyong dalawa. Una, dahil
sa inyo nagkakilala ang parents ko. Tapos dahil sa Twenty Four, nadiscover ko ang
passion ko for literature.

Since nakilala niyo naman po si Papa.. what was he like?

Marami namang nakwento sa’kin si Mima dati pa, pero medyo may pagka-OA nga lang. No
doubt na mabait si Papa kasi sinabi rin ‘yon ni Nana Tinang. Gusto ko lang pong
malaman kung anong klaseng estudyante si Papa. Wala kasing masyadong nabanggit si
Mima eh. Puro papuri lagi! Tamad po ba siya? Pasaway sa deadlines? Mahilig din ba
siyang magpuyat? Was he a coffee drinker? Si Mima kasi ayaw sa kape, which was very
ironic dahil dati po akong nagtrabaho sa isang café sa campus. Magaling po ba
siyang magjoke? Ako po kasi laging waley eh.

Sa pictures ko nga lang siya nakita, medyo faded pa. Sayang, wala kaming videos
together. Gustung-gusto kong marinig yung boses ni Papa. Sabi kasi nila magaling
daw siyang kumanta, at hindi ko namana ‘yon. Ilang beses ko ring inimagine na
sabihin niya yung full name ko. Scheherazade Pascual. Ang cute, ‘di ba?

Honestly, naiinggit ako sa mga nakakilala kay Papa. Naiinggit po ako sa inyo. Is
that even possible? Maiinggit ka sa bagay na never mo namang nakuha o nakita o..
ugh. Sorry po, ang drama ko na ata. Buti pa kayo, nakasama niyo si Papa. Nakasama
ko naman siya kaso.. wala pa akong malay nun. Sa tingin niyo po ba proud siya
sa’kin ngayon? One year na lang po gagraduate na ako. Asa pa akong magka-honors!
Alam niyo po ba.. bihira ko lang kausapin si Papa kapag binibisita namin siya?
Ngayon gets ko na si Mima. Okay din palang kausapin ang mga puntod. In fairness
gumaan po ang pakiramdam ko. Ugh, tama na naman si Andreau. Ihahanda ko na po ang
sarili ko sa “See Zades? I was right” speech niya pauwi.

Wow.. look at your son. Hanggang dito sa sementeryo nagtatrabaho pa rin. Feeling ko
talaga girlfriend niya yang iPad niya eh. Laging kasama, laging hawak.. hay nako.
Sabi ni Ms. Marisse sa’kin, kay Miss Lianne raw namana ni Andreau ang pagiging
choleric. Kaloka po yang anak niyo! Sobrang workaholic at perfectionist, a very
lethal combo! Well this year medyo well-rested na siya at isang beses pa lang
siyang nacoconfine sa ospital. Last year ata three times? Walang kapaguran! Minsan
nga pinagpaplanuhan namin ni Mars, his road manager, na lagyan ng sleeping pills
yung kape niya para magpahinga siya. Intense po kasi! He could go on days without
sleep. Sobrang palaisipan sa’kin at gwapo pa rin siya kahit ganun. And damn, bagay
sa kanya ang may stubble. Ang h—

Oh my god, I’m rambling! I’m so sorry! Hindi po ako pervert or sexual predator..
hindi ko po pinagnanasaan ang anak niyo wag niyo po akong multuhin sa dorm mamayang
gabi please.

...

...

God, akala ko po bigla kayong magpapakita sa’kin dito. Kinabahan ako!

Gusto niyo po ba ng real talk? Sir Victor, mas gwapo po kayo kesa sa anak niyo. No
joke. I’ve seen some photos in his condo.. totoo po ang sinasabi ko. Mas gwapo po
kayo sa anak niyo. Ay shit Miss Lianne sorry po, hindi ko po nilalandi ang asawa
niyo! Just stating some facts hehehe.

Haayy.. alam niyo po minsan.. nakakalimutan ko na artista yang anak niyo. Sure,
I’ve seen almost of his movies (Dreauster po kasi si Mima at si Kesh, roommate ko)
pero mas matagal ko siyang nakasama as.. Andreau. Sobrang namangha po talaga ako sa
performance niya sa Waiting Shed eh. Can I tell you a little secret? Idol ko yang
si Andreau. Just.. don’t tell him that. Tinanong niya sa’kin yan before and I
answered no. Sus, ‘di rin naman siya maniniwala kapag sinabi ko ‘yon. Pahumble pa
si Kuya!

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kaibigan ko siya. Kasi.. who
would’ve thought, right? Last year ang simple lang ng buhay ko, medyo boring na
nga, tapos boom! Pumunta siya sa café at hinanap ako. And the rest is.. history.
Nakakastarstruck nung una kasi shit, idol ko ‘to tapos kinakausap at pinapansin
ako. Anong meron sa’kin o ano bang ginawa ko para madeserve ko ‘to?  Tapos..
nakalimutan niya ang pangalan ko. Four letters na nga lang eh! Kinalimutan pa!

Hala, nagsumbong? Pero grabe.. ang layo na naming dalawa mula dun sa Andreau at
Zade na nagkakilala nung Valentine’s last year. Sobrang unbelievable ng kwento pero
here we are. I even surprised myself na nandito pa rin ako sa tabi niya. God, he
could be so damn annoying! As in! Lalo na pag tungkol sa trabaho my golly. What a
choleric! The Gantt charts, to-do lists.. oh god the highlighters and Sharpies.
Dapat planado at perfect lahat.. nakakaloka! Minsan ayaw pa niyang tumanggap ng
criticisms kasi sa tingin niya lagi siyang tama blahblahblah.. ugh. Feeling ko nga
sinasadya niya na magpakaepal para galitin ako. Aba, hindi po ako nagpapatalo dyan
sa anak niyo!

Then.. exactly a week ago.. nag-away kami. Lagi kaming nagtatalo ni Andreau pero
naayos naman. But last week was.. different. Galit na galit siya at.. nagwalkout
ako. Ayaw ko talagang magwalkout pero ang sakit kasi ng mga sinabi niya. Galit na
galit din ako sa kanya! As in! Sinabi ko pa na ayoko na. Drama pa ba? Pero after
that, may times na napaisip ako kung okay lang sa’kin na mawala yung pinagsamahan
namin. Ang hirap pala. Isipin ko pa lang na hindi na kami magkakaayos naiiyak na
ako. Bwiset po kasi yang si Andreau, masyadong epal. Masyadong paimportante. Ako
naman ‘tong si engot pinabayaan lang. Tumambay tuloy. Pero okay na po kaming
dalawa. Akala ko talaga hindi na kami magkakaayos. Laki rin ng problema niya sa
feelings chuchu. We’re working on it, though. In the end kinain ko rin yung drama
ko. Wala eh, hindi ko po talaga matiis yang si Andreau. Kahit sobrang annoying o
sobrang broody niya.. hindi ko kayang iwan.
Wala po akong long term friends nung high school. Palipat-lipat kasi ako sa friends
ni Mima dati, four times to be exact. May naging kaclose naman ako kaso as time
passed nawala rin ng connection. Friends kami sa Facebook, but it isn’t the same.
Ngayong college nga lang ako nagkaroon ng mga kaibigan talaga eh. Si Kesh, na patay
na patay po dyan sa anak niyo. She’s a friend of Andreau, too. Si Roldan din na
kasing epal ni Andreau. Then.. your son. Kung alam ko lang na magiging magkaibigan
kami ni Andreau.. my God. So surreal.

He told me before na maghanap daw ako ng best friend para maintindihan ko raw ang
dynamics nila ni Roldan. I even became his temporary best friend nung nasa Coron
kami. Sabi niya magkaiba raw ‘yon blahblah.. daming sinabi ‘di ko na pinakinggan.
Oo, close nga kami ni Kesh. I tell her about my day, my feelings pero.. iba po yung
kay Andreau eh. It’s einfuhlungsvermogen. German noun meaning a deep understanding
of someone’s feelings, thoughts and motives that are easily comprehended by
yourself. Sorry po, mahilig talaga ako sa word porn. Oh, I remember the first time
na nagsabi ako ng weird word kay Andreau. Nasa San Ignacio po kami nun, tapos
sinabi ko yung nelipot. Sanay na ako na masabihan ng weird since hello, may
matinong tao bang gumagamit ng word porn sa normal conversations? Pero siya.. he
was amused. Hanggang ngayon ganun pa rin siya, kahit minsan iritang-irita siya sa
words na sinasabi ko.. game pa rin siya.

I realized that we have friends who just listen and friends who just understand.
I’m so lucky that he’s both.

And because of that.. I think.. no, I know he’s my best friend. My favorite person
in this world.. maybe next to Matt Smith? Kidding.

He’s my favorite person.

Bihira ka lang siguro makakahanap ng ganung tao, ano? And of all people.. si
Andreau pa yung natagpuan ko. Sobrang overwhelming na.. siya pa. Ayoko nang sabihin
na siya yung tinuturing kong best friend, I’m sure magfi-feeling lang ‘yon.

Sa totoo lang, I don’t know how we do.. this. We’re completely different from each
other yet.. we jive fluidly.. effortlessly. Some people say na may “palpable
chemistry” daw kaming dalawa kaya ang cute naming tignan. Yuck, now I get why he
hates that word. Ang annoying pala kapag sa tao ginagamit ang cute! Anyway..
chemistry. I don’t know if we really have it. I can’t really see what other people
see. All I see is us.. this.. friendship we have.. and we get stronger and wiser..
and maybe weirder and sillier?

Last week.. wasn’t easy, you know. Not talking to him. Not seeing him. Obvious na
siguro na sobrang daldal ko, at siya lagi kong kausap kaya sobrang hirap. Halos
lahat ng kakilala ko tinu-tune out na ako kapag sobrang daldal ko na. Si Andreau..
he listens. Kahit sinasabi niyang hindi siya nakikinig.. alam kong pasimple lang
siya. Well.. it was really hard. If five days was hard... I don’t know what years
without him are going to be like.

He’s having a hard time talking about his feelings. Sabi niya he’ll work on it. Ako
naman.. I say we’ll work on it. He needs help.. so here I am, ready to rescue. He’s
really good at that, shutting himself out from people. Good thing that I’m the
persistent one this friendship. I would try my best to always open him up.. in a
totally platonic circumstance. Lagi niya kasing inuuna yung nararamdaman ng ibang
tao. Kelan ba siya magiging selfish? Lagi siyang nagbibigay.. kelan kaya siya
tatanggap?

Shit, sorry po. Ang drama ko na ata! Kainis kasi yang anak niyo. Ang daming alam!

Pero seriously? Andreau’s a great man. You’ve raised him well. Sobrang proud siya
sa inyong dalawa. Lagi nga kayong binibida sa’kin eh! I’m sure proud na proud kayo
kay Andreau. Ako? I can never be more proud. He’s trying his best everyday, kahit
minsan ang annoying na niya. There’s always something, right?

Shocks.. I made it. Ang dami kong nasabi. Ang sarap pala ng ganito! Kahit hindi
kayo sumasagot.. okay lang. That would scare the hell out of me kapag sumagot kayo.
Thank po.. for listening. Thank you rin po for bringing Andreau to this world.
Don’t worry, I’ll always keep my eyes on him. Nakaready na rin po ang kamao ko in
case kailangan ko siyang suntukin. But I guess I have to workout more. Ako lagi
yung nasasaktan pag sinusubukan ko siyang saktan. Oh god Zades just shut up and
pray for them. You talk so much.

xxx

After small prayer, tinext ko si Andreau na puntahan ako sa mausoleum at sunduin


ako. Wow.. medyo 30 minutes din akong nagsalita! That really felt good. Next time
nga kakausapin ko rin si Papa kapag bumisita ako sa kanya.

Ngiting-ngiti si Andreau nang lapitan niya ako. Sarap suntukin! “So.. ayaw mo
palang kausapin ha?” he teased, nudging me. “Are you okay?”

I nodded thoughtfully. “I hate to say this but you’re right. Masaya palang kumausap
ng.. you know. Although may ilang moments na nag-expect ako na magpapakita ang
parents mo sa’kin kasi ang dami kong sinabi. But you know me, I really talk a lo—“

“What did you say to them?”

“Uhmm.. nagthank you ako. Then the rest.. secret.”

“Don’t hide secrets from me, Zades. Spill.”

“Ayoko nga,” binelatan ko siya. “I believe conversations inside cemeteries must


remain a secret. That’s a rule.”
“According to what, The Book of Dead?”

Ugh. Corny Andreau, shut up. “Maybe. Respect the dead, Andreau,” I said my final
respects to his parents before leaving the mausoleum, giving them some private
time. Akala ko maghihintay pa ako ng 30 minutes sa kanya. It just took him less
than three minutes bago siya lumabas sa mausoleum. “Wow.. that was.. quick,” I
said, totally surprised.

Andrea seemed unaffected, though I caught his lips curled up to a small smile.
“Told you, I always visit them.”

The walk to his car was relatively silent. Ano kayang sinabi niya sa parents niya
at sobrang bilis lang? I’m sure hindi niya sasagutin ‘yon, at ipapamukha lang niya
sa’kin yung sinabi ko kanina. Badtrip.

“Nga pala, I told your father na mas gwapo siya kesa sa’yo,” sabi ko bago siya
pumasok sa kotse niya.

He stopped, then shot me a ridiculous look. “Just to be clear.. you made a pass on
my fa—“

“Oh my God. Sinabi ko lang na mas gwapo siya kesa sa’yo! Don’t twist my words!”

“Good, good. Buti na lang hindi mo siya tinawag na bangable hot stuff. That would
scar me forever.”

This man’s so unbelievable! “Kapal mo please!” marami pa siyang sinabi na pang-asar


habang pasakay ako ng kotse niya pero ‘di ko na pinakinggan. Maubos sana laway niya
sa kakasalita!

“So.. where to?” he asked as he started the car. “Goto na lang ulit tayo, Zades.
I’m starving.”

“Thank you sa courtesy na tinanong mo pa ako.”

“Then goto it is.”

“Goodness, aaraw-arawin mo ba ang pagkain ng goto? Paano na yang diet diet na


kaartehan niyo ni Roldan?”

“Eh sa masarap yung goto eh!” he retorted back, glaring at me. Ugh, ang cute niya
rin kapag medyo childish siya. “Tsaka it’s on me. Wag ka na tumanggi.”
Sighing dramatically, I gave in. “Parang may choice pa ako, ano? Fine, goto na
lang!”

On our way back kinulit niya ako para sabihin yung kinwento ko sa parents niya. He
said and bribed me things, tempting things kaso hindi ako nagpaapekto. Kulang na
lang ihulog niya ako sa highway eh! Finally, nang makarating kami sa gotohan, I
said something.

“Relax, Andreau. I just told them true things.”

I couldn’t read the expression on his face, though. “True.. things?”

“Yep. True, positive and very meaningful things.”

There was silence. Then, tentatively. “Are you going to tell me those things? In
the future?”

His eyes locked once more to mine, and his mouth grew into a smile. I returned the
smile, and said, “Yeah. In time. But.. stomach first, please? Gutom na talaga ako.”

To be honest, gusto ko na sabihin sa kanya na siya ang best friend ko kaso.. I felt
that that moment wasn’t right. Maybe I wasn’t ready to hear or see his reaction.
Maybe.. I’m not ready to reveal this tiny and ridiculous notion of mine. Mayb—

Hay, whatever. As long as he’s with me.. everything’s right and fine. 

=================

[38] Possessive Pronouns 101

This update: a 9k word vomit with a very weird title. Apologies if medyo magulo..
kailangan ko lang 'tong ilabas. Mas importante yung note sa end ng chapter so..
gora na!

(all mistakes are mine)

**

Chapter 38: Possessive Pronouns 101

So this is what a normal semester feels like. Again.


Normal, in the sense na pre-Andreau Cortez phase, wherein ang routine ko lang ay
dorm-acads-org-dorm-Café Feliz-acads. Inoffer nga ulit sa’kin ni Sir TJ ang
position ko sa café last time, kaso tumanggi ako. Honestly, stressed pa rin ako sa
Tila stint namin ni Andreau last sem, plus bumalik na ulit ako sa org, ergo no time
for a job. As much as gusto kong magkaroon pa ng extra income, gusto ko ring
magfocus sa acads ko ngayon. Right now pinag-iisip na ako ng adviser ko ng thesis
topic (!!!) kaya medyo ngaragan na.

So.. this is what it feels like na wala si Andreau sa buhay ko.. I mean, dito sa
tabi ko sa Café Feliz. (Sobrang drama naman ng buhay ko.)

I kinda miss him here beside me.  Fine, another confession: I miss him. 

(Just don’t tell him that and we’re good.)

It’s impossible for me not to miss him. Hello, halos six months din kaming
magkasama! Halos araw-araw kaming nag-uusap, nagkikita.. tapos ngayong sem biglang
wala na. Yung dating Andreau and Zade na nag-aaway sa (infamous) corner table sa
Café Feliz from 6:30 PM – 9:30 PM? Naging si Zade na kinakausap ang sarili from
6:00 PM – 7:45 PM.

Hay, life. Bakit ba kasi nasanay ako na kasama siya?

Okay lang sana kung nagkikita kami sa Skyline eh. Kaso hindi na muna ako nagtututor
kay Tristan during weekdays since nagbreak si Ms. Marisse from Wanderlust ng ilang
buwan. I get to tutor him on Sundays, though. Kaso busy si Andreau sa filming ng
Tila kaya... okay, I must shut up now.

Alam ko namang dadating kami sa point na ‘to. I was actually afraid of.. this. We
instantly fell into a routine together. Pero hindi naman ganun kabilis makalimutan
ang routine, ‘di ba? Kaso.. parang ganun nga ang nangyari sa’ming dalawa eh. 

Ilang beses namang inassure sa’kin ni Andreau na magkaibigan pa rin kami kahit
tapos na namin ang Tila. I believe in him. I really do.

But I couldn’t help to doubt just a tiny bit. What if hindi na kami maging okay? Na
bumalik nga kami sa dati?

Damn it. I must stop thinking about what ifs. Walang magagawang matino ‘to sa’kin.

***
“Zade.. hindi ba talaga dadaan si Andreau ngayon?”

Dear Lord, pakibigyan pa po ako ng marami-raming patience. That was the third time
Sir TJ asked me that question this afternoon, at dalawang beses ko rin siyang
sinagot ng Hindi po eh. I won’t give him the same answer for the third time.

Sinara ko muna ang laptop ko bago ko siya sinagot. His hopeful face was kinda..
annoying. Really, annoying naman talaga si Sir minsan, pero extra annoying siya
ngayon. “Sir.. ba’t niyo ba hinahanap sa’kin si Andreau? I’m not his keeper,” I
replied in a very calm yet sarcastic way.

“Wala lang,” oh great, he didn’t even recognized the sarcasm. How expected. “Weird
lang kasing makita kang mag-isa dito. For the past months kasi la—“

“Lagi kaming magkasama ni Andreau. I get it,” I finished his sentence in a very
sarcastic way. Sana naman makaramdam na ‘to! “Sir.. tapos na po namin ni And—“

“Break na kayo?” the sincere surprise in his tone shocked me. All this time...?

“We were never together romantically, Sir. Magkaibigan lang po talaga kami ni
Andreau.”

“Weh? Seryoso ba talaga?”

Panalo rin ‘to sa kakulitan, ano? “Oo nga po! Nakamove on na kami sa couple issue
dati, Sir. Sana kayo rin po.”

Nakuha na rin ni Sir TJ ang sarcasm ko kaya napatango na lang siya. “Fine fine.
Sorry naman ha,” sabi niya na parang nahihiya na ewan. “All along akala ko kayo,
okay? Thank you for clearing things up. Sige... iwan na kita dyan. Thesis prop—“

“Sir.. busy?”

“Okay okay. Sorry again!” Kumaripas siya ng takbo pabalik sa kitchen, sa takot na
sigawan ko siya. Hay, ang kulit talaga! Ibang klaseng pasensya rin ang meron si
Kesh at natatagalan niyang maging boss ‘tong si Sir TJ! Okay, why am I still
calling him sir? TJ na lang siya sa’kin simula ngayon. Sobrang nakakairita!

Hindi lang si TJ ang weird sa drama kong Alone ngayon. Pati sina Kesh at Kuya Rico,
wagas makabato ng meaningful looks sa’kin. Mas malala naman ang roommate ko,
sinasadya pa na ibigay sa’kin ang laging inoorder ni Andreau sabay sabi ng Oopps
sorry, girl. Nasanay kasi akong siniserve yan. Kainin mo na, tinatamad na akong
palitan at kikindat pa! (Takot ko na lang gumanti, ano. Kesh could be pretty scary
sometimes.) Dumagdag pa ang ibang frequent customers ng café na hindi magaling
magtago ng gulat nila na makitang mag-isa lang ako sa usual table ni Andreau. The
other day may tumigil sa harap ko para magtanong kaso nahiya ata siya kaya umalis
na lang.

Weird people making things weirder for them. Hay, life.

I was about to open my laptop nang may narinig akong mabigat na footsteps sa
likuran ko. That’s definitely not Andreau kasi hello, the guy’s quiet as a cat.
Lagi niya akong ginugulat! Si TJ talaga, ang kulit!

Not looking up, I cleared my throat and said, “Naku Sir TJ! How many times do I
have to te—“

“Whoever that guy is, I’m sure it’s not me.”

Whoa. Who the hell was that?

Napatingin tuloy ako bigla and.. whoa. 

Beside me stood a guy, an attractive guy. He’s wearing a plain gray shirt, dark
jeans and.. black shoes. Damn, his prominent jaw line was kinda familiar. Parang
nakita ko na siya somewhere kaso hindi ko matandaan kung saan.

He cleared his throat, and that was enough for me to stop ogling at him. Nakakahiya
ka talaga, Pascual! “Oh my god, I’m so sorry!” I said in a rush, fighting the urge
to run away. “Sure akong hindi ikaw yunng sinisigawan ko because whoa you look
better than him. Oh shit, I’m so sorry I don’t mean to make you feel uncomforta—“ I
immediately shut my eyes and bit my tongue to stop talking. Way to humiliate
yourself, girl!

Of all things, he laughed. That’s a good sign, ‘di ba? He wasn’t creeped out or
something? “It’s okay. I’m completely fine. Can I sit here?” he pointed at
Andreau’s chair in front of me. All I can do was nod.

(And I must stop referring that chair as Andreau’s ‘coz he won’t be spending his
time here anymore. Drama ko talaga minsan nakakairita!)

Okay.. marami namang bakanteng upuan dito sa café pero bakit sa’kin pa siya tumabi?
Wala naman siyang dalang laptop so hindi siya makikisaksak sa outlet sa tabi ko.
Hmm.. hindi kaya member siya ng isang networking agency?

The guy stared at me for a moment before speaking. “So.. you’re Zade Pascual,
right?” 

“How’d you know my name?” Triple shit, stalker ba ‘to? O baka naman isang rabies-
infested Dreauster? Or taga-Minutes With Beau Perez!?!  Is this an ambush
interview!?

“That was kinda creepy, wasn’t it?” he said sheepishly, gaining a nod from me in
reply. “And I need to answer you question, right?”

“Well... telling me your name first works, too.”

Napanganga siya saglit. Okay, fina-flaunt ba niya ang jawline niya sa’kin? Kasi
hello I’m convinced na maganda na ang jawline niya! “Right right.. I’m Philip
Artadi, by the way. But everyone calls me Pipo.” Flashing a businessman-like smile,
he extended his hand. Nahiya naman akong ‘di kamayan ‘to. Parang kagalang-galang na
ewan eh!

“Okay.. second question.. paano mo nalaman ang pangalan ko?”

“I’m the Chapter President of Nu Sigma Chi Fraternity in our ca—“

Siya, frat man? No offense pero mukhang hindi siya fratman.. at lalo na chapter
president. Mas muha siyang businessman o model ng Hanes or something. “Wait.. kayo
yung partner naming frat sa project namin sa February?”

Kaya naman pala familiar ang pangalan niya! Every February kasi may medical mission
and outreach program ang org namin, at lagi kaming may partner org or
fratnerity/sorority. Narinig ko yung name niya sa last GA namin but I never
thought.. ganito ang itsura niya.

Tama na nga, Zades! FOCUS!

“Yes, that’s us.”

“Oh. Nice to meet you. Pero.. bukas pa yung meeting natin, right?” I asked him out
of curiosity. “Don’t get me wrong ha, okay lang naman na kausapin mo ako. I just
don’t understand.. t—“

Saglit natahimik si Pipo. God, para kaming nasa business meeting! Yung posture pa
lang niya parang ayaw magrelax na ewan eh! “Well.. you see.. this is our biggest
activity this semester.. and I sought help from Anya. She suggested yo—“

“Si Ate Anya? Nandito na si Ate Anya sa Pinas?” hindi ko napigilang taasan ang
boses ko sa gulat. Of all people, sa isang stranger ko pa malalaman na nandito na
siya!?

Pipo nodded slowly, at parang may gusto siyang itanong kaso ‘di na niya tinuloy.
“Yes. We met yesterday and siya rin ang nagsabi sa’kin na dito kita mahahanap. So..
the thing is.. I want you to be a part of the project committee.” He flashed yet
another smile, a friendly one. Wow, akala ba talaga ng mga lalaki na kaya nila
akong daanin sa ngiti nila? Excuse me!

“Wow.. seryoso ka? Me, project comm? Hell, sorry ha. But I’m the least organized
pers—“

“You helped Andreau Cortez in that documentary of his, right? Dagat ng Buhay?”

Unbelievable. The way he talked about Ate Anya parang close silang dalawa. Kaso..
never ko namang siya narinig from Ate or even kay Kuya Lee. “You’ve seen it?”

“Last year, nung pinalabas sa Film Insti. I was very impressed, actually. And you
helped hi—“

“Kaya naman maganda ‘yon kasi si Andreau ang gumawa. He’s an incredible filmmaker!”
Ewan ko ba pero gusto kong ipagmayabang si Andreau that moment. Wala lang, proud
ako na kaibigan ko siya! “And hello, wala akong kinalama—“

“I heard you’re the one who fixed the papers.”

He’s not gonna let this go, right? “Yeah, I did. Pero hindi naman sa San Ignacio
ang site ng project natin, ‘di ba?”

“Oo nga,” he sounded a bit annoyed, “pero gusto pa rin kita sa planning team. Anya
spoke highly of you. And I trust her judgement. So.. are you in?”

Seriously, ano bang meron sa’kin at ako na lang lagi ang kinukuha para sa mga
project na ganito? Hello, Literature major po ako, hindi Management o kung anumang
planning course! Ni hindi nga ako part ng Logistics Committee ng org tapos.. ako?
Ate Anya naman oh!

“Can I think about it first? Kakabalik ko lang kasi sa org and nag-aadjust pa ako.
You’ll have my answer tomorrow night sa GA. Promise.”

He seemed contented with my answer. Hay buti naman! Ang dami ko na namang iisipin
tonight! Pipo gracefully stood up, smiling at me. Nope, kahit anong ngiti mo sa’kin
hindi ‘yan effective. Naumay na ako sa kakangiti ni Andreau okay? “Okay then. Thank
you for considering and for your time, Zade.”

“Thanks din, Philip.”

That stopped him from walking away. Did I say something wrong? May arte ba yung
pronunciation ng Philip niya at mali ako? “Just call me Pipo. Parang pinapagalitan
ako sa Philip eh. Looking forward to work with you. See you tomorrow, Zade.”

“Uhh.. okay. See you rin!”


Pasimple kong pinanood ang paglabas niya sa café. Wow, siya na cool maglakad! And
in fairness, ang ganda ng red car niya ha! Yamings si Ku—

“Holy shit ka! Holy shit!!!” I heard someone screaming towards my direction. Bago
pa ako makapagreact, isang malakas na hampas sa likod ang natanggap ko. Si Kesh
pala ‘yon, namumula sa ‘di ko malamang dahilan. “Holy shit ka!!!”

“Keisha! Wag mo nga akong saktan!” buti na lang nasalo ko yung kamay niya kung
hindi may latay ako sa braso. “Shift mo ngayon ah! What’s wrong with you!?”

Kesh stilled for a moment, ginagawa niya yung breathing exercises niya na
pampakalma. After a minute, akala ko okay na siya kaso shit, pinalo na naman niya
ako sa braso. “Holy shit ka! Bakit lahat na lang ng crush ko sa’yo lumalapit?”

“Sino? Si Pipo ba? Crush mo ‘yon?”

She glared at me. “Hoy, don’t judge me! Siya si Kuya Bright Smile.”

“Kuya Brig— holy shit, seriously?”

Oh gosh. Now I know why he’s so familiar! Siya nga si Kuya Bright Smile, ang kauna-
unahang campus crush ni Kesh (hindi counted si Andreau, though) nung freshmen kami.
Nabigyan kasi siya ni Pipo ng rose nung anniv week ng frat nila at halos himatayin
ang loka sa sobrang kilig. Until now nakaipit sa Intro to Psych book niya yung
rose! Ibang klase ang pagiging sentimental ng roommate ko, ano?

“Oo nga!” irit ni Kesh na kaunti na lang iiyak na. “My god, nilapitan ka niya! He
shook you hand!! Anong ganap? Bakit ikaw!?”

“Partner namin yung frat nila sa project ng org this sem. Yung sa Feb? He wants me
in the project committee. Apparently si Ate Anya ang nagrecommend sa—“

“She’s here?” she blurted out, as surprised as I was earlier.

“Mukhang. I can’t believe na nandito na siya tapos wala man lang tawag o text? Wala
rin sinabi si Andreau sa’kin. Hay, busy kasi ‘yon sa—“ Kesh’s laugh interrupted my
almost ramble. “O, natuluyan ka na ata dyan?”

Napaupo pa si Kesh sa chair ni Andreau (that’s not his chair, Zades!) dahil sa
kakatawa. Ang sama tuloy ng tingin sa’min nung nasa kabilang table. “Ca-can’t you
see the pattern here?” she asked in an amused tone. Napailing na lang ako. “Si Ate
Anya rin ang nagrecommend kay Andreau sa’yo, ‘di ba?”

“So?”
She plastered that infamous I know something that you don’t smirk on her face.
“Maybe.. she’s trying to set you up.”

Say what? Si Ate Anya, of all people? Okay fine, sinet up niya yung pagiging tutor
ko ni Tristan before pero itong kay Pipo? Bakit naman? “Baliw ka!” I retorted back
defensively. “Mga iniisip mo! Bumalik ka na nga lang don, hanapin ka pa ni TJ eh!”

“Aba malay mo lang! Pero nakakainis ka ha! May Andreau ka na, tapos may Pipo pang
aaligid ngayon! Ganda mo talaga teh!”

“Alam ko naman ‘yon, thanks ha. And FYI, Andreau is not mine, nor I am his. I don’t
own people.”

Hindi na nawala sa labi ni Kesh yung annoying smirk na ‘yon. “Whatever you say,
Zades. Whatever you say.”

**

So in the end, napunta nga ako sa project committee.

At kaya pala todo pilit sa’kin si Pipo na maging part ng committee na ‘yon dahil
siya ang project committee head, at may power siya na pumili ng members niya. Hindi
naman ako makatanggi kasi sinabi ni Pipo na recommended daw ako ni Ate Anya kaya
todo agree ang orgmates ko. Ugh, pinagkanulo nila akong lahat!

Nainis ba ako kay Pipo? Oo naman! Hello, sana sinabi niya sa’kin kahapon na siya
pala yung head! Wala naman pla along masyadong choice sa project na ‘to. I feel
like I was played. Ilang beses kong pinaulit-ulit sa utak ko yung usapan namin
kahapon, baka namiss ko lang na Sayang, mukha pa naman siyang mabait! Pasalamat
siya binigay ko sa kanya ang number ko at hindi ko siya sinungitan. (Well at least
siya, kinuha agad ang number ko. Di gaya ni Francisco na si Roldan pa ang human
cellphone niya dati. Kung kelan tutor na ako ni Tristan tsaka lang niya kinuha
number ko! Ugh.)

Kasama ko si Pipo sa project committee. That only meant one thing: lagi kaming
magkasama sa mga susunod na linggo. Mag-iipon na ako ng maraming pasensya nang
hindi ko siya masigawan bigla.

Anyway, nawala naman ang pagkabadtrip ko nang itext ako ni Andreau right after ng
GA namin. Meron daw silang workshop para sa Tila ngayong gabi sa condo niya at
pinapapunta niya ako. Since malapit lang ang meeting place ng GA namin sa Skyline,
hindi na ako nagpasundo kay Andreau (pinag-awayan pa namin ‘to kainis).
I’m so excited to meet the cast! Once ko pa lang nameet ang actors and finally,
makikita ko na rin kung paano nila ipo-portray ang Tila in flesh. Based sa reports
ni Andreau sa’kin, meant to be sina Kami at Eddie para sa roles nina Tila at Benny.
Pinapavideohan ko nga sa kanya yung workshop kaso ayaw niya, dapat daw makita ko
nang live ang acting ng dalawa. Biniro ko nga siya na baka namimiss lang niya ako
kaya gusto niya akong pumunta sa workshop. Aba, tinawanan lang niya ako. Nahiya pa
eh!

Nasa kalagitnaan sila ng reading ng second half ng script nang makarating ako sa
condo ni Andreau. Syempre, siya pa ang nagbukas ng pintuan for me. Sabi na nga ba,
miss na ako nito!

“Zades!” My heart skipped a nanosecond when I saw his eyes lit up. Okay, minsan may
Jolly Andreau modes siya pero iba ‘tong ngayon.. Galak na Galak Andreau ata siya!
“Finally, you’re here!”

Wait.. almost a week din kaming hindi nagkita. Hindi ko na napigilan ang sarili ko
at niyakap ko siya. “Ang panget mo pa rin kakainis ka!” sabi ko sa kanya sabay
higpit ng yakap. God.. I missed that manly smell of his! Nagulat ata siya sa
biglang pagyakap ko at hindi siya nakayakap pabalik. Eto talaga, ngayon pa naging
mahiyain! I counted up to three then bumitaw na ako. Baka masinghot ko pa yung
pabango niya!

“T-thanks ha,” the slight blush on his cheeks overpowered the fake nonchalance in
his tone. Damn, hindi na naman siya nagshave. Scruffy Andreau ang peg niya ngayon,
huh?

“Shit, is that Zade?” a female voice asked behind Andreau, making me step back a
little. Sumilip yung babae sa may gilid ni Andreau and.. “Oh shit! Ikaw nga!!!!
I’ve been dying to meet you, girl!”

Bago pa ako makareact (at tuluyang makapasok sa loob ng condo), the woman wrapped
me in the tightest bear hug I’ve ever received in my entire life. Take note, mas
matangkad at mas payat ako sa kanya pero triple shit, halos pigain niya lahat ng
oxygen sa katawan ko. Grabe!

“Uy Kami, kalma lang!” natatawang sabi ni Andreau habang dahan-dahan niyang
hinihila si ate palayo sa’kin. Wait.. si Kami ‘yon? Ba’t parang iba ang itsura
niya? Nung first and last time na nakita ko siya.. I have to admit, hindi ako
nagandahan sa kanya. Dahil siguro sa make up and costume niya nung play. Pero
ngayon.. damn. Simpleng pretty siya pero wow, there's something in her na
attractive. Must be her long, black hair and full lips.

She must’ve sensed na hindi ko siya namukhaan kaya natawa siya. “Uy girl, okay ka
lang? Si Kami ‘to! Ganito talaga itsura ko kapag walang make up at costume! Ganda
ko, ‘di ba?”

Oh..okay.. Now gets ko na ang feeling nina Andreau at Kesh kapag sinasabi kong
maganda ako. Ang weird pala talaga. “H-hi, Kami! Sorry, medyo windang lang ako sa
meeting namin kanina,” I said as I went inside the condo. Doon ko lang napansin ang
ibang kasama sa workshop.. kumpleto pala ang cast! Isa-isa ako pinakilala ni
Andreau sa kanila (May tanga moment pala ako dito. Si Eddie kasi, nagpakilala as
Eddie Guerrero. Hindi ko nagets kung bakit tawang-tawa sina Kami at Andreau nung
hindi ako nagreact. Yun pala Eddie Hermoso ang name niya at professional wrestler
daw si Eddie Guerrero. Aba malay ko ba!) and they all said the same thing (well..
the gist, though): Aahh.. ikaw pala si Zade! It’s so nice to finally meet you!

So weird.

Si Andreau naman.. todo smile at feel na feel ko ang excitement niya habang
kinukwento sa’kin yung mga namiss ko. Apparently karamihan sa actors na kinuha
namin ay first time aacting for a movie, at kailangan nilang mag-adjust acting-wise
kasi magkaiba raw ang pag-arte for movie and theater. (Sa theater pala kailangang
OA ang movements since ang goal ng actors ay makita ng audience sa very last row
ang actions nila. Sa movie minimized lang ang galaw compared on stage. In fairness,
fountain of knowledge si Andreau ngayon!) For weeks (twice a week lang sila
nagmimeet), tinuruan sila ni Andreau ng acting for film dynamics and ngayon ang
first full reading ng script. Nandoon na sila sa scene na kung saan pinagtatanong
ni Benny si Tila sa mga kapitbahay nito, and that’s the part I wrote. 

Naging isang makeshift stage ang sala ni Andreau, natira na lang ang sofa kung saan
kami nakaupo, tapos sa lapag na sila nakaupo (trip daw talaga nila ‘yon, and it’s
weird). Goodness, ibang klase pala yung feeling na makita mong unti-unting
nagkakatotoo yung pinaghirapan mo ng ilang buwan! In fairness, natural na natural
si Eddie ah. Ginawa niyang totoong tao si Benny! Napasandal na lang ako sa balikat
ni Andreau para maitago yung kilig ko. Siya naman, ngiting-ngiti sa'kin. Hah, I'm
sure kinikilig din 'to.

"My god Andreau, kinikilig ako!" bulong ko sa kanya sabay takip ng papel sa mukha
ko. Nakakahiya naman kasi, baka isipin nila na may crush ako kay Eddie!

Andreau chuckled, and the mirth in his eyes made me smile. Damn, he's so proud of
this baby of his. "Kalma lang, Zades. Wag kang magfangirl dito, okay?"

Aawayin ko pa sana siya sa pang-iinis niya sa fangirling moments ko nang may


biglang tumabi kay Andreau sa kabilang side ng sofa. Si Kami pala, hawak-hawak ang
iPad ni Andreau. "Hey Dreau," Kami said, eyes fixed on Andreau's iPad, "Nasaan dito
yung file na sinend ko sa'yo the other night? Can't find it eh!"

Kinuha ni Andreau ang iPad niya at nag-appear na naman ang patented OC


concentration line sa noo niya. "Oh shit, wait let me check."

Ok..ay. Kami's using his iPad. Wow. That's new.

You see.. ayaw ni Andreau na pinapakialaman ang gadgets niya, especially that
beloved iPad of his. Ako nga, mga three months ko pa bago nahawakan 'yon at ilang
beses na rin niyang pinalitan ang passcode para hindi ko mapakialaman. That's his
freaking girlfriend for Austen's sake!
Tapos.. kay Kami.. pinapahiram niya?

And Dreau? Really, she called him that? Sina Roldan at Ms. Marisse lang ang
tumatawag sa kanya nun ah. I can't even call him that kasi.. naiilang ako. Mas okay
na ako sa Francisco at Big Boss, thank you.

Nawalan tuloy ako ng ganang panoorin si Eddie. Instead, my attention was drawn to
the people beside me. Parang.. ang close na nilang dalawa ni Kami. May nickname pa
na Cams ha. He's even laughing at her (lame) jokes! They looked so comfortable with
each other. I get it, may one month na rin silang nagmi-meet for workshops pero.. 

WHAT THE HELL'S WRONG WITH YOU, PASCUAL?

"Earth to Zade!? Earth to Zade yoohoo!!" Kami's (annoying) voice cut through my
inner monologue. Nakatitig silang dalawa sa'kin, totally confused. "Are you okay,
girl? Want some water?"

I shook my head, ignoring the concerned look on Andreau's face. Binalik ko na lang
ang atensyon ko kay Eddie na nahihirapan ata sa pagdeliver ng isang line. I called
Andreau's attention about it at pinuntahan niya si Eddie, leaving me alone with
Kami.

Great. Aside from Jersey, nathreathen ang ganda ko kay Kami. Kaloka.

To my great relief, Kami stood up and went to the kitchen. Pasimple kong pinanood
kung anumang gagawin niya don. Okay, so familiar na rin siya sa layout ng condo ni
Andreau?! Madalas ba talaga silang magworkshop dito!? Sa ref siya kaagad pumunta
(Ugh. The ref.) at naglabas ng 1.5 bottle ng Coke. Then, sa cupboards siya pumunta.
Kami opened the rightmost one, and..

"Holy mother shit! Ang cute ng mugs!"

OH GREAT. SHE SAW MY MUGS. Baka gusto na rin niyang angkinin 'yon. Lahatin na niya.

Andreau instantly perked up at pinuntahan niya si Kami sa kitchen. On the other


hand, tuwang-tuwa si Kami sa hawak niyang Ghostbusters mug. Kalma lang, Zades. It's
just a mu--

"Wow, where'd you buy this?" she asked Andreau na busy sa pagkuha ng chips sa
kabilang cupboard. Ano ba, Andreau! Kunin mo na sa kanya yung mug! Baka maba--

"Si Zades. Birthday gift niya sa'kin yan." Kahit hindi siya nakaharap sa'kin, I
could tell from his voice na nakangiti siya. Hah, beat that, Kami!

Akala ko matitinag si Kami sa sinabi ni Andreau, kaso shit, mas natuwa pa siya. She
turned her attention to me, smiling widely. "Zade! Saan mo 'to binili? I want one,
too! I'm a huge fan of Ghostbusters! This is so fanfuckingtastic cool!"

TRIPLE SHIT. Fan din siya ng Ghos--

Damn it. Eh 'di sila na magkakaintindihan ni Andreau.

***

TWO DAYS LATER

Ayoko talagang magcompare. I really do. Alam kong magkaibang tao sina Andreau at
Pipo pero.. hindi ko talaga mapigilan.

Anothe confession: mas madaling katrabaho si Pipo kesa kay Andreau.

Look, don't get me wrong. I love working with Andreau. Hindi naman ako tatagal ng
isang buong sem at kalahating sembreak na kasama siya kung pinaplastic ko lang
siya, 'di ba? Marami akong natutunan sa kanya, to the point na minsan sumasakit na
ang ulo ko sa information overload. Kaso.. iba kasi si Andreau kapag Serious Big
Boss Andreau mode siya. He's so.. intense at lumalabas ang annoying choleric traits
niya. For instance, nung unang beses naming inedit si Tila, lahat na lang ng
suggestions ko kinuwestiyon niya. Hindi nabubuo ang meetings namin ng walang
debate, at ayaw na ayaw niyang magpatalo. He's so bossy! Tapos defensive pa siya
kapag nag-eexplain at super sarcastic. In fairness naman nabawasan din 'yon
throughout last sem pero.. kapag naalala ko, sobrang naiinis ako.

(Sabi ni Kesh masyado ko raw sineryoso ang temperament ni Andreau. Hindi naman daw
evident ang lahat ng traits sa isang tao. Oh well, I'm still keeping my checklist.)

Pero 'tong si Pipo? Sobrang kabaligtaran.

Nawala yung inis ko sa kanya nung first meeting ng project committee. Akala ko
choleric din siya but no, he's the opposite. Open siya sa suggestions, hindi siya
sarcastic, nakikinig siya sa sinasabi namin and magaling siyang magfacilitate ng
meeting. Kaya siguro siya yung chapter president ng frat nila, he's obviously a
great leader. In fairness kay Kuya ha, ang bait niya. Twice ko ngang sinubukan na
magbigay ng so-so na idea pero hindi niya nilait; instead, he considered it for a
moment then improved it. Ganun ba talaga mag-isip ang Business majors? Galing niya
ha!

Ang.. weird. Hindi ko alam kung paano mag-aadjust sa bago kong boss. Masaya namang
kasama si Pipo kaso I don't think we could be friends, the Andreau-level like
friends ba. Mas sanay lang siguro ako na laging kasama si Andreau kaya ako ganito.
Chance ko na nga 'to para lakawan pa ang sobrang liit na circle of friends ko. I
could sense that Pipo's a nice guy, at wala naman sigurong masama kung kaibiganin
ko siya, 'di ba? Alangan namang umikot lang kay Andreau ang buong buhay ko?

Aackk ano ba yan! Napunta na naman kay Andreau! Ba't sa kanya na lang lagi ang
bagsak ko? Nakakairita na ha!

Siguro gusto ni Lord at ng tadhana na lumawak ang circle of friends ko. Right after
ng meeting namin, niyaya kami ni Pipo na magdinner.. at libre niya. Kahit saan. At
duh,  pinasakay pa niya kami sa napakaganda niyang red car. Mamaya nga isesearch ko
sa internet kung anong model nitong sasakyan niya. Bet ko 'to!

(See, magaling din talaga akong pumili ng mga kaibigan! Mga yamings talaga! Laging
libre yay!)

"O, where to?" tanong niya sa'min habang palabas kami ng campus. Naweirduhan ako na
sa backseat ako nakaupo at hindi sa shotgun seat. Lagi kasi akong nakaupo dun kapag
kasama ko si An-- okay Zades, new friends, 'di ba? Andreau ka na naman eh!

May ilang minuto ring nagtalo yung mga kasama ko kung saan kami kakain. Pinabayaan
lang ni Pipo na magkagulo sila. Aba, ayoko na ngang makisali sa kanila! Basta gusto
ko lang kumain ng lib--

"Zade? Ikaw, any suggestions?"

Shit. May pagka-epal din 'tong si Pipo ha. Nakakatakas na nga ako eh! "H-huh? Ako
ba? I'm craving for.. burgers. Gusto niyo ba ng burgers? May alam ko na masarap na
burger shop sa village. Promise, 'di kayo magsisisi."

Buti na lang mukhang burgers din 'tong mga kasama ko at pumayag sila sa suggestion
ko. Medyo naligaw pa nga kami papunta dun sa burger shop (sorry, hindi rin ako
matandain sa directions!). Natatandaan pa rin ako nung ilang crew members so
nakakuha kami ng magandang seats. Mukhang impressed naman sina Pipo sa place, at
kinulit pa nila ako kung paano ko raw nalaman 'to. Of course I told them the truth,
na kaming dalawa ni Andreau ang nakadiscover nito. Thank goodness dumating na ang
orders namin bago pa nila ako intrigahin about sa'min ni Andreau.

Nagkukwento si Pipo about their project last year nang biglang magring ng phone ko.
Iignore ko sana kaso si Andreau pala yung tumatawag. I answered it immediately.

"Hey Andreau!" napatigil si Pipo saglit at napangiti sa'kin. Loko 'to ah! "Is there
something wrong?"

"Ah.. wala lang. Saan ka?"


"Uhh.. I'm out. Bakit?"

"Tara, burgers!" excited niyang sabi. "Last week pa ako nagki-crave ng quarter
pounder eh. Sunduin kita. Saan ka banda?"

Oh shit. How to tell him this? "Uhh.. pwede bang raincheck muna?"

"Ha? Bakit? Zades, you're breaking the burger rule. Never ever use raincheck for
burg--"

"I'm actually here right now, Andreau." Napapikit na lang ako sa sobrang kaba.
Ayoko pa namang nadidisappoint si Andreau. Well.. that's too late for now.

He fell silent on the other line. Ano ba yan, ayokong mag-away kami nang dahil lang
sa burger! "Uhh.. okay," he replied sadly. Ugh, konsensyahin mo pa ako, Andreau!
Dyan ka magaling eh! "So.. raincheck nga talaga?"

I nodded even though he couldn't see me. Gets naman niya 'yon. "Sorry talaga ha? Sa
weekend na lang tayo pumunta, okay? Sama natin sina Tristan at Mars. I'm sure
they'll love it. Okay ba 'yon?"

That promise seemed to lighten up his mood. Nagsimula na siyang magplano ng lakad
namin sa Sabado. Para naman kay Tristan 'yon, Zades. He misses you a lot. Palusot
talaga nito!

I couldn't help but smile right after he hung up. Ang sama tuloy ng tingin sa'kin
ng mga kasama ko, nagpipigil na asarin ako. Whatever.

**

SUNDAY AFTERNOON

So.. natuloy naman yung Saturday lakad namin nina Tristan.. kaso wala si Andreau.

He had this emergency meeting with his manager sa station kaya hindi siya nakasama
sa'min. Kinabahan  ako na baka may gimmick na naman sila for him or something but
Mars assured me na tungkol lang 'yon sa isang endorsement niya for the station's
mobile sim thingy. Ayun, masaya naman kahit kaming tatlo lang ang kumain ng burger.
Iniwan kasi sa'min ni Andreau yung isang credit card niya kaya tuwang-tuwa kami ni
Mars.

May meeting kami ng project committee ngayon sa Cafe Feliz, updates lang about sa
sponsors na kukunin namin and other details. Actually, natutuwa ako sa dynamics ng
grupo namin. I never thought na magkakaroon ako ng actual interaction sa ilang
fratmen. I admit, they scare the shit out of me sometimes. I blame those stories na
kinukwento sa'kin dati ni Kuya Lee nung freshman ako. As if wala siyang kabarkada
na kasali sa frat!

I usually arrive earlier than the meeting time kapag sa Cafe Feliz ang location
namin. Before kasi ako yung taga-save ni Andreau ng table, at naiinis siya sa'kin
pag may nauna sa favorite spot namin. Later on lagi na nakareserve yung table for
us. (Maybe he threatened TJ to do that. Well, kahit ano naman ata gagawin nun para
kay Andreau.)

But when I arrived there.. nandoon na si Pipo.

Sa upuan ni Andreau.

A part of me wanted to shout na Hoy, kay Andreau na upuan yan! Dun ka na lang sa
kabila please! pero sino ba naman ako? I'm not with Andreau anymore, at hindi naman
alam ni Pipo ang history sa upuan na 'yon. Mawiweirduhan lang sa'kin si Pipo at
baka pag-isipan pa niya kami ng masama. Duh, umay na ako sa mga taong nag-aakalang
may relasyon kami ni Andreau! Can't they see na we're just platonic!?

"Uy Zade!" Pipo waved at me. Nagmadali naman akong maglakad at umupo sa favorite
seat ko. "Uhh.. sorry, I ordered already. Ikaw ba, anong gusto mo?" tanong niya
sa'kin. Oohh.. he's a sandwich guy pala. Nanibago ako bigla, sanay kasi akong puro
cupcakes ang nasa table na 'to.

"Aahh.. mamaya na lang ako. I used to work here so.."

Nagulat siya sa admission ko. "Oh really? I used to come here often, kaso 'di naman
ako nagtatagal. Hindi kita napansin before."

"Naku, that was a year ago! I had to stop kasi nagtu--"

"Zades!"

Oh Lord. Agad akong napalingon sa likuran ko.. and hello there, Andreau Cortez!
ANONG GINAGAWA NIYA DITO!?

He stopped walking midway nang mapansin niyang may kasama ako. Dahan-dahang nawala
ng ngiti sa labi niya. Okay.. what's wrong? Don't tell me may Protective Andreau
mode rin siya?

"Hey Francisco!" I exclaimed happily, hoping to stop any tension from starting.
Pasimple ko ring tinignan si Pipo.. at mukhang kalmado naman siya. "What are you
doing here?"

"Uhhmm.. umorder lang ako ng kape for Kami and others. Final meeting before the
shoot on Wednesday."

Alam kong maraming sinabi si Andreau pero yung Kami lang ang nagregister sa utak
ko. May coffee maker naman sa condo ah, ba't kailangan pang bumili dito sa cafe?
Nagdrive pa tuloy si Andreau! What if naaksidente siya papunta rito? Wh--

"Uy Andreau, nice to see you again," to my surprise, Pipo stood up and extended his
hand to Andreau. Eto namang si Francisco, nakipagkamay kaso mabilisan lang.

"MAGKAKILALA KAYONG DALAWA?"

Both of them shot me weird look. Pinandilatan ko si Andreau para mag-explain siya
(it works every single time), and he obliged. "We were.. introduced before," he
said tentatively, his voice steady than usual. "Brods sila ni--"

"Badz," Pipo finished the sentence in a hushed tone. "You know Badz, right?"

"Nakwento lang nina Ate Anya though I never met him." Nag-iisip pa ako ng pwedeng
sabihin nang marinig ko na tinatawag ni Kesh si Andreau para sa order nito. Andreau
left us for a moment to grab his orders tapos bumalik din siya sa table.

Sa likuran ko siya pumwesto, at nagulat na lang ako nang bigla niyang nilagay ang
kamay niya sa balikat ko. I looked up, giving him a warning look but as always, he
didn't budge. "Hey," bulong niya sa'kin, "if you need someone to pick you up.. text
me, okay?"

"Ha? Eh 'di ba all-nighter kayo la--"

His grip on my shoulder tightened a little. "Don't worry about it, okay? I'll take
you home. No buts," pinandilatan niya ako, na unfortunately hindi effective sa'kin.
He then turned to  Pipo with a curt smile. "Philip, nice to see you again."

Pipo nodded, a tight smile plastered on his lips. "You too."

Is it just me or may weird tension sa kanilang dalawa? Dahil sa'kin kaya 'yon?

Okay feel na feel ko na naman!


Saktong dumating ang iba naming kameeting pagkalabas ni Andreau kaya hindi ko na
nakulit si Pipo sa ganap nila ni Andreau. What's with them, really? Ang taas ng
testosterone level kanina eh. At first time ko lang makitang tensed si Andreau sa
harap ng ibang lalaki. Hindi 'to katulad nung kay Kuya Hybrid sa charity ball ah.
Mas.. deep pa yung sa kanila ni Pipo, and definitely mutual ang pagkainis niya.

Damn, I really couldn't understand men.

Around 10 PM na kami natapos sa meeting namin. Sa wakas tapos na rin ang project
plan at ipapasa na namin sa ibang committee ang mga gawain. Nagkukwentuhan na lang
kami dito sa cafe, mostly about our courses. Ako lang kasi ang taga-Arts and
Letters, tapos sila either Business or Science. Nung una ako pa ang may upperhand
sa usapan, inaasar ko sila about sa stereotypes ng courses nila. Kaso epal 'tong si
Pipo, siya pa ang nagsimula ng jokes sa literature. I found it amusing rather than
annoying, though. Barado kasi siya sa'kin.

Nagliligpit si Pipo ng mga gamit niya nang.. "Oh shit, Zade."

I turned to him. "Ha? Bakit?" He started to rummage around his things. Inangat ang
folders at papers, sinilip ang laptop bag at tumingin sa ilalim ng table. "Hoy,
Pipo. Ano nga?"

"Uhhh.. I'm sorry, I think I lost your pen," he said sheepishly.

My wh-- oh shit. Nagpanic ako bigla. He lost the ballpen Andreau gave me. Yung
mamahaling brown pen! Hinanap ko rin sa mga gamit ko at pati sa gamit ng iba yung
ballpen kaso.. wala talaga. Pati sa ibang table, wala rin. Baka raw nahulog niya
nung bumili siya ng junk food sa 711.. an hour ago. Masyado kasi kaming focused sa
paggawa ng plan kaya..

Oh no. Patay ako kay Andreau.

Oo na, isang set yung binigay sa'kin ni Andreau. Isa pa lang ang nagamit ko dun
at.. nawala pa. Gusto ko talagang ipreserve yung ballpen kaso nagtatampo si Andreau
kapag hindi ko ginagamit. Ang ganda pa naman ng sulat ko don!

"Zade, sorry talaga," sabi ni Pipo sa'kin pagkabalik ko sa table namin. "Anong
brand ba nun? Papalitan ko na lang."
I shook my head. "Uy ano ka ba. Okay lang! May isang set pa ako nung ba--"

"You looked so worried about the pen, hindi lang basta okay 'yon. I'm gonna replace
it, okay?" he used his business tone.. and I have to say effective siya. Tatanggi
pa ba ako? At least hindi malalaman ni Andreau na nawala ko yung pen!

As if on cue, my phone rang, Andreau's name flashed on the screen. "Hey Zades!
Tapos na ba meeting niyo?" May naririnig akong ibang boses sa background.. at isang
malakas na busina. Shit, I forgot to text him!

"Ha? Uhh y--"

"Zaaaadeeeesss!!!!" a familiar female voice screamed on the other line.


"Yooohooo!!! Sayang you missed us! Ang saya namin kanina!"

Just.. great. Si Kami.

And wait a minute.. nakalagay sa dash ni Andreau ang phone niya kapag nagdidrive
siya.. and sobrang lapit ng boses ni Ka--

Nakaupo siya sa upuan ko.

Wow.

"Zades? Hoy, still there?" inquired Andreau. "Text mo ako pag natapos na meeting
niyo ha? Ihahatid ko lang sina Kami. Nauna na kasi si Eddie kanina, may meeting daw
kasi siya ng 7AM bu.."

I tuned out his explanation and focused on one thing instead. Bakit nakaupo si Kami
sa upuan ko? Anong karapatan niya ha? Porke close lang sila ni Andreau pwede na
siyang umupo dun? I saw Pipo and the gang standing up, at mukhang aalis na sila. Oh
damn it. Bahala na nga!

"Uhh.. actually, kanina pa tapos meeting namin. Sorry hindi kita natext ah?"
napalingon si Pipo sa'kin and mouthed Zade? Seriously? Pinandilatan ko na lang
siya. "Nasa dorm na ako ngayon. Wala pa nga lang si Kesh kasi may pinuntahan pa ata
siya."

He drew a deep breath before responding. "Ah ganun ba? Sinong nagha--"

"Nakisabay ako kina Pipo. On the way naman kasi sil--"

"Okay okay. Glad you came home safe. Wait, can we meet tomorrow? May suggestions
kasi ang cast sa script.. gusto ko lang i-discuss sa'yo. Kung libre ka lang naman
bukas ha. Baka kasi may meeting ulit kayo."
Is it just me o parang inis pa siya? Aba excuse me, ako ang dapat mainis dito! "Ah.
Tomorrow sounds good. Wala naman kaming meeting bukas. Same time, dito sa Feliz?"

Andreau hummed in approval. "I'll see you tomorrow, Zades. Goodnight."

Nasa labas na sina Pipo nang matapos ang usapan namin ni Andreau. He greeted me
with a confused look. "So.. mukhang sasabay ka sa'min ngayon?" he asked slowly.
"May away ba ka--"

"Not a single word, Philip," I warned him as I opened his car door. Thank god
walang nagtanong sa'kin kung bakit ako nagsinungaling kay Andreau. Ayoko lang
aminin sa kanila (at sa sarili ko) na si Kami talaga ang dahilan.

Super ugh.

(And that's my seat.)

**

MONDAY AFTERNOON

One word to sum up our meeting?

Superawkward.

(Ah basta, one word yan para sa'kin.)

Ewan ko ba kung ako ang weird o siya.. pero mostly siguro siya since sa kanya
talaga yung unang naging weird sa'ming dalawa (Read: Kami.) at ako 'tong.. chill
lang.

Fine, may contribution din ako sa awkwardness namin. Okay naman ako kanina bago
niya ako sunduin sa dorm eh. Kaso nung nakita kong binuksan niya ang pinto sa
shotgun seat, uminit bigla ang ulo ko. And the result?
Sa backseat ako umupo. For the very first time.

He was surprised, alright. Kinulit pa niya ako kung ba't doon ako umupo. Eto namang
si tanga na nagngangalang Scheherazade Pascual, sinabing Ay sorry ang sakit kasi ng
legs ko, iuunat ko lang sana. Duh, Zades. Ang bobo mo rin magsinungaling eh! As if
kasya ako sa backseat ano! Sa tangkad kong 'to!

Andreau must've sensed na ayaw kong kulitin niya ako kaya nagkwento na lang siya
about sa gagawin sa shooting sa Wednesday. I tried, oh boy I tried to be super
attentive, to be super Zade, to the point na naging fake na ang lahat ng reactions
ko. I knew it alarmed him a bit, pero hindi na niya ako kinulit kasi learn na niya
kung paano ako mainis kapag pinush ako.

Okay na yung awkward eh. Siguro kaya kami ganito kasi first time lang ulit kaming
nagsolo since.. kelan nga ba yung huli? Ah, nung binisita namin ang parents niya.
Two whole weeks of not talking or seeing each other personally at eto ang nangyari
sa'ming dalawa. It wasn't the first time na matagal kaming hindi nagkita kaso..
Awkward.

Pero.. fine, aaminin ko na. Ako talaga ang may kasalanan kung bakit naging
superawkward kaming dalawa.

"Zades.. bakit ibang ballpen yung gamit mo?"

Nabutas tuloy yung script na hawak ko dahil sa tanong na 'yon. Kanina ko pa


pinagdadasal na sana hindi mapansin ni Andreau na gamit ko ulit yung cheap kong
brown pen. But hello, he's Andreau, the guy who notices almost everything, at
walang makakaligtas sa kanya. Ballpen na nga lang hindi pa pinalagpas!

Nginitian ko siya. "H-ha? Naiwan ko kasi yung isang ballpen ko sa dorm. Ito lang
yung nasa bag ko," I replied coolly. Sana effective! 

"Zades.."

"Fine! I'm sorry. I.. lost the pen," I finally admitted with a shrug.

For a moment, he appraised me, but quickly shook his head. "Oh. Okay lang na--"

"Actually.. si Pipo yung nakawala nung ballpen pero ako yung nagpahiram so
technically it's my--"

Andreau stopped moving for a second, glaring at me. Hindi ko mabasa ang facial
expression niya. Parang surprised na.. offended? "Philip.. lost your pen?" he
mumbled, voice low that I had to lean towards him.

Hala, patay. First name basis na, at 'di pa nickname. Lagot ako dito. "Uy Andreau,
kalma lang okay? I said I was sorry! Kagabi kasi nawalan ng tinta yung ballpen
niya! Pero sabi niya papalitan daw niya yun so don--"

"Pakisabi sa kanya na wag na siyang bumili ng ballpen. A--" There was a familiar
edge to his voice, cold and clipped. That only meant one thing: he's angry.

"Nakabili na ra--"

"Then don't accept it!"

Nilapag ko sa table ang script na hawak ko at tinitigan si Andreau. His stare


remained focused on me, eyes tensed. "Ba't ba ang init ng ulo mo ha?" I argued,
lowering my voice so people around us won't hear anything. "Papalitan naman niya
a--"

"Ako nagbigay sa'yo kaya ako ang magpapalit!"

His sudden admission surprised the both of us. Andreau seemed a bit ashamed, but
also determined not to take it back. Ako naman? I wasn't expecting that.
Maiintindihan ko pa kung magagalit siya na nawala ni Pipo yung ballpen eh. Pero ang
magalit siya dahil papalitan ni Pipo? So weird.

I don't have anything to say to that.

The long silence between us was a deeply uncomfortable one as Andreau struggled to
maintain his cool composure. Me? I was reduced to this confused, blushing mess at
ang kaya ko lang gawin ay titigan yung script sa table. This wasn't supposed to be
this.. awkward between us.

Nangyayari na nga ba ang greatest fear ko para sa'min ni Andreau?

Triple shit.. sana hindi. Marami-rami na rin kaming misunderstandings na


nalagpasan, tapos dito pa kami magpapatalo? I hope not.

Our meeting ended after a quick rundown of Wednesday's plan and some reminders.
Never na naming napag-usapan ni Andreau yung mini outburst niya kanina. We're not
ready to talk about it now. Baka may sampalan na namang mangyari. No one dared to
speak on our way home. He let me to choose the driving playlist for tonight,
though. During our early days ayaw niyang pinapakialaman ang jazz driving playlist
niya but eventually he adapted to my likes kaya may acoustic playlist na rin siya.

Pati yung goodnight sobrang strained at pilit. Okay na 'yon kesa sigawan, 'di ba?

We will fix this. I swear. 


**

WEDNESDAY AFTERNOON

I let Andreau have his space to think and prepare for Tila's first shooting day.
I'm sure he's in his Serious Director Andreau at (pasamantala) niyang kakalimutan
ang ballpen fight naming dalawa. Gusto ko sanang itanong kay Kesh kung ano ang
reading niya sa drama ni Andreau pero nakikita ko na ang sasabihin niya. So
married, Zades. So married.

Lagot talaga sina Mars at Roldan sa'kin the next time na magkita kami. Sila 'tong
nagsimula ng so married na pang-asar sa'ming dalawa. Grrr.

Awkward nga kaming dalawa, but that doesn't mean na magpapakaunprofessional na ako.
I co-wrote the script so may right din akong bumisita sa shooting at makialam. That
is, kung papansinin ako ni Andreau. Ah bahala na!

Sa isang apartment malapit sa Skyline ang unang location ng shoot. Ayon sa kanyang
color coded schedule at Gantt chart, uunahin munang ishoot ang lahat ng interior
scenes, namely Eddie's and Tila's apartment, police station etc. For today, sa
apartment ni Eddie ang unang take. Buti na lang sumakto ako sa scene na 'to, mas
hindi ko ata kakayanin kapag sa apartment na ni Tila ang location. Puro si Kami na
lang makikita ko. Umay umay din naman!

Una kong napansin yung trailer ni Andreau na nakapark sa labas ng apatment complex.
Buti naman sinunod niya yung suggestion ko na gawing editing/viewing/anything room
'yon for the shoots. He was adamant at first pero nagising siguro siya sa
katotohanan na tama ako. May ilang bagong mukha rin akong nakita na pakalat-kalat
sa area, must be the crew (Film friends and other friends) he hired for the film.
Kung alam niyo lang ang gastos ni Andreau para mashoot 'tong 45 minute thesis film
niya.. malulula kayo.

Without any heads up, dumiretso na ako sa trailer niya. I stood by the door and
watched him silently as he mumbled profanities with that (cute) concentration line
on his forehead. Ewan ko ba pero mas gumagwapo si Andreau kapag seryoso siya..
basta wag lang niya akong susungitan.

"Hey," I said softly, fighting the urge to go beside me. Ang hina na nga ng boses
ko pero nagitla pa siya. "Relax lang, it's just me."

"Sorry. I wa--"

"Busy, I know. Can I--"

He gestured me to go inside. In fairness, nakaset up na nga dito yung ilang screens


at nagkalat din ang scripts, costumes at camera lenses. Ang cute na magulo ang mga
gamit ni Andreau!

Umupo ako sa safe spot sa sofa niya. Akala ko pa naman mag-uusap na kami pero aba,
tinalikuran ulit ako ng loko! "Andreau," I started tentatively, "Ayoko sana--"
humarap siya sa'kin at inabot ang isang rectangular box.. na katulad nung regalo
niya sa'kin nung July. "What's this?"

"Uhh.. here's your pen," sagot niya. Nahihiya pa niyang nilapit yung box sa'kin.
"Ipapa-engrave ko pa sana yung pangalan at number mo just in case mawala ulit ne--"

"Seryoso ka ba? Engrave sa plastic?" Is he for real? Alam kong may pagkaweirdo
'tong si Andreau minsan pero... dear Lord sobrang stressed na ba siya kaya kung
anu-ano na naiisip?!

A wide smile formed on his lips nang kunin ko yung box. Shit, nakakamiss makitang
nakangiti 'to ah. "Don't underestimate my charm, Patty B. It's possible. Tinanong
ko sa saleslady kanina."

"Ugh.. no need to remind me. But.. that doesn't mean you can charm me. You know you
don't."

"Yet I'll keep trying."

Ugh. Medyo nagpalpitate ako dun ah. "Panget mo rin ano?"

Napalitan na nga niya yung ballpen.. pero nandun pa rin ang tension sa'ming dalawa.
Ako na ba ang mauunang mag-open up o siya? Aba, siya dapat ha. Exercise 'to sa pag-
oopen up niya ng feel--

"Zades.. are we okay? Don't tell me yes.. because we both know we're not okay
okay."

Oh. That small voice of his gets me every single time.

Wanting to make the tension a bit lighter, I joked. "Similar words with different
stresses. I do--"

"Zades."

Papatagalin ko pa ba? Wag na, sayang sa oras. "I think.. we're not okay. And I
think.. I'm the problem."

Andreau shook his head in disbelief. "No, I'm the problem."


"W-what? Bakit ikaw? Eh ako 'tong weird since last week!"

"I'm weird too! You didn't notice at all?"

Napatayo tuloy ako. Anong pinagsasabi nito? "Hello! Kahapon ko lang napansin na
weird ka. Sinigawan mo ako dahil sa ballpen. Sinong mas we--"

"And for that.. I'm sorry," he lowered his head. "I overreact--"

"Oo, overacting ka kahapon! Ballpen lang naman 'yon, Andreau! Of all things, sa
ball--"

"It's not about the ballpen, Zades."

"Sorry, what?" I whipped around, blinking in surprise. I had heard him perfectly,
but I didn't understand that sentence. "Kung hindi sa ballpen.. eh ano?"

Andreau looked in every directon and at everything but.. me. A crimson red flush
grew over his cheeks.

"Andreau.. what do you mean?"

The first time he spoke it was so quiet, only ants could have heard it. Pumunta na
ako sa harapan niya, kaso todo iwas pa rin siya sa'kin.

"Andreau.." I said softly as I touched his shoulder. He relaxed a bit upon contact,
a good sign. "I can't hear you."

He huffed and finally looked at me. "I'm.. a creature of habit, Zades. You know
that pretty well. Kapag may nakasanayan ako.. gagawin ko lahat para masustain 'yon.
Just like going to the gym and drinking coffee every morning. For the past few
months--"

"Six months," I supplied, at natawa siya.

"--okay, six months.. nasanay ako na kasama kita araw-araw. Not that I'm comparing
you to the gym or cof--"

"I get it. Go on."

"And I thought.. this could go on for a long time. Tambay lang sa cafe after class,
movie marathons, kina Tristan.. ganun. Nasanay ako na tayong dalawa lang magkasama.
It's like we've enclosed ourselves in this tight impenetrable bubble.. and we shut
other people out. Nakuntento tayo na lagi tayong magkasama tapos ngayon.." he let
out a frustrated sigh. "Fuck, ang drama pala ni--"

"Andrea--"

"Alam ko naman na mag-iiba na ulit yung dynamics natin ngayong sem. Tapos na tayo
sa script, busy ka na sa org.. ako naman busy na sa shooting and likes. I was
hoping that nothing would change but.. it doesn't work that way, right? Lately I
realized na.. hindi lang pala tayo yung tao dito sa mundo. Na kailangan ko ring
magfunction na wala ka sa tabi ko. Kaya nga lagi akong nagrereport sa'yo, 'di ba?
Iniistorbo kita kahit hindi naman dapat kasi.. I want you to be there. With me.
This.. Tila is our thing. We did this together. Six months, right?

"Lagi kong kasama sina Kami.. masaya naman silang kasama pero let's face it.
They're not you, Zades. Sinubukan ko namang hindi isipin 'yon kaso.. damn it. Maybe
I just miss you that much."

Okay gusto bang malaman ni Andreau kung capable akong umiyak in front of the camera
kaya ganyan ang pinagsasabi niya? I thought.. ako lang ang nakakaramdam ng ganun.
Siya rin pala. Umiwas na lang ako ng tingin, baka maiyak pa ako nito lalo.

"Yung sa ballpen. Nairita ako kasi papalitan ni Philip 'yung regalo ko sa'yo.
Honestly, I didn't know what hit me last time. Ang babaw na magalit ako dahil lang
sa ballpen. Tatawanan ako ni Mars kapag nalaman niya 'yon.. and please don't tell
her.

"Kanina ko lang talaga narealize kung bakit ako ganito. I'm just used to being your
go to guy. Your sidekick.. your partner in crime. Your food buddy. Your.. driver.
Seeing you with Philip made me realize that I can't be that guy forever. Ang
selfish naman nun ku--"

"Ssshh," I reached towards his face, cupping at his cheek, drawing him closer to
me. "Hey, don't be silly. You'll always be my guy, Andreau."

His eyes widened a little. "So.. I'm still your guy?"

"Yeah. You're still my guy. Whatever happens." Andreau flashed his patented I know
grin, na ginagamit lang niya kapag may sinabi akong weird. Agad kong nireview ang
sinabi ko seconds ago and.. "Oh god.. I mean.. not my guy guy. I'm not saying I own
you or what.. what I meant was.. you're still that guy.. pero hindi ka sa--"

At ang bwiset, tuwang-tuwa sa pagkagulo ko! Tinawanan lang niya ako! "What do we
have here? Zade Pascual, Literature major and logophile, na nalilito pa sa paggamit
ng possessive pronouns?" he teased.

Kinurot ko siya sa braso para makaganti. "Ang kapal ng mukha mo! Excuse me, I know
my pronouns very well, thank you. And besides, ikaw ang unang nagsabi ng maling
pronoun dyan!"
"Ha? What'd I say?"

"Sabi mo you're my driver. Wala akong sinabing ganun ha! I don't own you, you don't
own me."

Andreau just shook his head as he stepped away from me and proceeded towards the
door. Sinundan ko siya, takot ko na lang na ilock niya ako dito sa loob! Saktong
pagbaba ko ng trailer, lumingon sa'kin si Andreau. "O ano, mang-aasar ka na naman
ba, Francisco?" inis kong sabi sa kanya. "Yaan mo, pag-uwi ko mamaya aayusin ko na
yung paggamit ko sa possessive pronouns."

And for the first time in weeks, he graced me with that mysterious smile of his.
Ilang beses ko nang nakikita 'yon pero ganun pa rin ang effect sa'kin. "I never
said that you're mine, Zades. I only said that I'm yours. You just confirmed that
earlier, in case you forgot."

We stood outside the trailer, my eyes locked once more on to hers, and my mouth
grew into the most genuine smile I could muster. "Ano, tara na? We'll starting
shooting in 15 minutes," Andreau said, breaking our smile-off. Tumango na lang sa
kanya at pinauna siya sa loob ng apartment. Balik Serious Director Andreau na naman
siya.

Kinakabahan ba ako sa pwedeng mangyari sa'min in the future? Triple shit yes! Pero
magpapadaig ba ako sa kaba ko? Of course no. Siguro maiinis pa ako lalo kay Kami o
magtatampo pa si Andreau in the future but at least ngayon we know better.
Kailangan  lang namin ng affirmation na nandito pa rin kami sa tabi sa isa't isa.

We're Andreau and Zade, for Austen's sake! Whatever happens, we have each other's
backs. Possessive pronouns be damned.

**

Another (important) note: The you'll always be my guy scene is inspired by that


Olicity scene in Arrow Season 2 Episode 14 hahaha.

Character performers!Pipo Artadi - Daniel VelascoKami Hizon - Mara Lopez


YokohamaEddie Hermoso - Edgar Allan Guzman

=================

[39] Of Soulmates and Venn Diagrams

Dapat sa Anthology ko 'to ipopost kaso naisip kong mas okay na dito na lang sa
TSIB. May nagtanong kasi sa Tumblr ko before kung nabasa ba ni Zade ang You're The
One That I Want ending, bilang magkasama ng timeline ang TSIB at If I Fall.
So.. here's my answer to that question. Standalone one shot 'to pero may hugot.
Takes place two days after Chapter 38.

PS: Sa mga hindi pa nakabasa ng If I Fall, don't worry. Included dito yung YTOTIW
chapter ;)

**

Chapter 39: Of Soulmates and Venn Diagrams

Hindi ako iyakin nung bata ako. Tuwang-tuwa nga sa'kin si Mima kasi hindi siya
nahirapan na palakihin ako. Kapag nadadapa ako, titignan ko lang daw yung sugat ko
tapos tatakbo sa kanya para magpagamot. Nangingilid lang daw ang luha ko pero hindi
bumabagsak. Isa 'yon sa signs na bumasag sa pangarap ni Mima na magiging artista
ako paglaki ko.

Nung nagkaisip na ako, bilang na bilang ko kung ilang beses ako umiyak. Less than
30 lang, nung: namatay si Tata Greg, umalis ako kina Tita Angie (na unang tinuluyan
ko sa Manila), napanood ko si Andreau sa Waiting Shed, umalis si Mima papuntang New
York this year, series 2 finale ng Doctor Who ("Quite right, too."), death
anniversary ng parents ni Andreau, nag-away kami dahil sa Twenty Four...

at eto, dahil sa isang bwisit na Wattpad story.

Sinubukan kong basahin yung You're The One That I Want ni notanotherfairytale sa
Wattpad nung nasa San Ignacio ako for sembreak. Tapos ko na kasi yung most read
English stories sa reading list ko at nagdecide akong i-try ang Filipino stories.
Una kong binasa ang Those Three Words ni Mr/s Darcy (and I love it. Super!) at
nakita kong nirecommend niya ang YTOTIW. Maganda naman ang taste ni MRSD sa books
so I gave the story a shot.

It was.. okay. Typical high school pakilig story nung una pero eventually nag-
improve ang writing style ni notanotherfairytale. Umikli ang chapters niya, at mas
nagkaroon ng sense. Hindi ko trip ang ugali ni Denn Estrella nung una.. pero wow.
Nag-improve rin ang characterization. Few chapters later naattach ako sa LeiDenn
pairing! Nakakainis, ba't ba walang ganung ganap nung high school ako?

Matagal ang update interval ni notanotherfairytale. According sa comments, inaabot


pa nga raw ng buwan bago siya mag-update ng YTOTIW. Badtrip nga eh, ang latest
update na naabutan ko ay yung umamin na si Denn kay Leiza!

Sana nga nagbibiro lang ako. Pero eto? Tangina, ilang beses na nagbiro pero ngayon
lang nagseryoso. Elizabeth, I'm falling in love with you.
Lord, kamusta naman po ang feels ko!? Ang simple.. ang bargas ng pagkakasabi pero
nanlumo ako. Ba't ganito yung fictional characters minsan, ano? Wagas magpakilig!

Laking pasalamat ko na hindi siya nag-update nung sobrang busy ako sa project namin
sa org. Nakakakaba kaya ang mga susunod na ganap! Anong sasabihin ni Leiza dun?
Tatanggapin niya ba agad si Denn? I hope not! Aba, pahirapan niya muna si kuya! He
stole her first kiss in the first place, lesson na rin 'yon ano!

Pero ibang klase rin yung timing nitong author na 'to. Kung kelan nasa jeep ako,
saka nag-update ng YTOTIW.

Oo, sa jeep. Sobrang bastusan, ate?

Ang sama nga ng tingin sa'kin nung tita sa harapan ko. Hello, I couldn't contain my
excitement anymore! Halos one month na rin simula nung nag-update siya ah. Buti na
lang malayo ang mall na pinuntahan sa dorm namin, may 45 minutes din ako para
magbasa!

Unang line pa lang tinamaan na ako. Hindi ako kinilig or what.. kinabahan ako.

Hindi nga niya maexplain ang nararamdaman niya nung sinabi sa kanya ni Denn ang mga
salitang 'yon eh.

Isang page lang ang update niya.. and that's weird. Nasa climax na siya ng story
ah. Don't tell me filler update lang 'to? At bakit parang iba yung tono niya this
time? Ang.. lungkot. Sobra.

I'm falling in love with you.

Those six words hold so much promise.

I'm falling in love with you.

Para sa katulad niyang ngayon lang nakaramdam ng ganito.. ano nga ba ang dapat
niyang gawin? She's a novice when it comes to love and romantic stuff. Hindi naman
kasi 'to fiction na ang author na ang bahala sa mga gagawin ng character. Wala
naman kasi siyang author, so san siya kukuha ng tips? Wala rin siyang notes na
irereread. Walang-wala.

Triple shit. Bakit ganito 'to.


Hindi ko na napigilan ang luha ko sa mga sumunod na lines. I wasn't expecting this
to happen. Sure, climax nga naman ng kwento pero.. what the hell? Ba't biglang
naging ganito? Hindi ako naiyak sa sakit ng mga linya na sinulat niya.

Naiyak ako sa sobrang frustration.

BAKIT GANITO ANG NANGYARI!?!

Eto ang problema ng mga babae. Nasabihan lang ng "I love you", wala nang
pinapakinggang iba. Yun lang. Namatay na ang five senses natin sa sakit na maaaring
idulot ng tatlong salitang yon. Puro masasaya at nakakakilig na lang ang iniintindi
natin. Kasi akala natin okay na. Kasi akala natin pag alam nilang pinagkakatiwalaan
natin sila, hindi nila tayo sasaktan.

Tinakpan ko na ang mukha ko, pinagtitinginan na kasi ako ng mga tao sa jeep. Damn
it, I couldn't stop crying! Ang sakit sakit sa ulo at puso 'tong update! Bago pa
ako ngumawa nang tuluyan, bumaba na ako sa jeep. Mga tatlong street pa ang layo
mula sa Skyline ang binabaan ko.. wala na akong pake. Hanggang sa paglalakad ko
papunta sa condo nina Tristan inulit-ulit ko yung binasa ko. Mukha na nga akong
baliw eh. May matinong tao bang umiiyak habang naglalakad sa kalsada? Wala! Ako
lang!!

Sa elevator ko na binasa ang final part ng update. 47 floors naman, siguro titigil
na ako sa kakaiyak.

Well.. I was wrong.

"San ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap ah!" she tried her best to stay
calm.

"I've been thinking."

Kinabahan si Leiza. Iba ang kutob nya rito. "About what?"

"Us."

"Anong tungkol satin?"

"I'm leaving you."

 
Ang I'm falling in love with you na nagsimula ng lahat.. ay ngayo'y napalitan ng
I'm leaving you.

"What?" her voice quivered. Hindi sya makapaniwala.

"I'm sorry."

And he left her.

Ganun na lang.

Kung papapiliin sya kung alin ang mas masakit, ang mamatay sa car crash o ang
masabihan ng "I'm leaving you. I'm sorry"...

mas masakit ang huli.

Wala na. Hanggang dun na lang.    

            END

 What. The. Actual.. Shit.

(I couldn't say the f-word. Andreau dared me to say it once.. hindi ko talaga kaya.
Isipin, oo. Sabihin? No. Way.)

Napatulala ako sa phone ko for God knows how long. Totoo.. ba yung nabasa ko? Basta
na lang niyang tinapos ang kwento niya.. sa ganung paraan? WHAT THE HELL WAS SHE
THINKING?!

She ruined her story. As in. Gumanda na nga eh tapos.. damn it. Hindi ko alam kung
ano ang una kong maramdaman, kung masasaktan ba, maiinis o mafufrustrate.
Nakakaloka!

Tuloy pa rin ako sa pag-iyak nang makarating ako sa tapat ng pintuan nina Ms.
Marisse. Muntik ko na makalimutan kung bakit ako pumunta dito. The other day kasi
nagpromise kasi ako kay Tristan na tutulungan ko siya sa paggawa ng project niya sa
Reading, plus miss na miss ko na siya. Dumaan pa nga ako sa mall para bumili ng
extra designing materials for his project.

Three hours ago sobrang excited ako. Tapos ngayon.. way to ruin the mood,
notanotherfairytale.

Kinalma ko muna ang sarili ko. Nakakahiya naman kung makita ako nina Tristan na
mukhang ewan, 'di ba? Tsaka tatanungin nila ako kung ba't mugto 'tong mga mata ko.
Ayoko namang i-share na dahil sa isang nakakainis na kwento ako umiyak. Ugh talaga!

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng calming exercise ni Kesh nang biglang bumukas ang
pintuan sa harapan ko.. revealing Andreau. Andreau na may kagat-kagat na apple.. na
nakatingin sa'kin.. na..

"Zades.. okay ka lang ba?"

Umiwas agad ako ng tingin kaso mas mabilis siya sa'kin. "Oo naman, ano ba," I
looked down, swallowing thickly. Teka, bakit nandito siya? Busy siya ngayon ah? "S-
sina Trista--"

Kahit hindi ko siya tignan, alam kong naalarma si Andreau sa drama ko. I felt his
hand touched mine, giving it a tight squeeze. "Hey, come on Zades," he said softly,
using his other hand to push my chin up. "Look at me, and breathe with me. In and
out."

Inulit ko ang breathing exercises kanina pero mas effective ata siya ngayon. Heck,
most of the time naman gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Andreau.
Moments later, I felt fine already. Nagrelax na rin si Andreau at inalalayan pa
akong pumasok sa loob ng condo. He helped me sit on the sofa, and even fetched me a
glass of water. Aba, eto pala ang epekto ng kaunting pag-iyak ko sa isang Andreau
Cortez ha. Sobrang noted 'to next time!

"Sina Tristan nga pala nasaan?" I asked him as he sat down beside me. Binuksan niya
ang TV sa isang movie channel. "At bakit ikaw ang nandito?"
"Wow, thanks ha. Bawal na ba ako dito?"

I rolled my eyes. "Just answer me, okay? Stop sassing."

"May emergency sina Marisse kanina. Walang magbabantay kay Trist kaya dinala na
niya dun. They'll be back later.. two hours tops."

Oh. Wala naman akong nareceive na text galing kay Ms. Marisse about that. Well kung
emergency nga naman.. ano pa bang magagawa ko? Baka nakalimutan lang nila na
magtext sa'kin sa sobrang busy nila. Aangal pa ba ako?

Tahimik lang kaming dalawa ni Andreau habang pinapanood niya yung movie sa TV.
Mukhang interesting naman yung palabas kaso wala ako sa mood para manood. That
damned story really spoiled my mood today! Gusto kong manuntok, magrant, and hell,
uminom! Nakakastress talaga! I decided na matulog na lang while waiting for Tristan
para maayos naman ang pakiramdam ko pagdating niya. Kaso.. nakalimutan kong may
Curious Andreau akong katabi dito.. at hindi ako nakaligtas sa mala-Beau Perez na
Q&A niya.

"So.. why were you crying earlier?" his eyes remained fixed on the TV. "May kaaway
ka ba or something?"

Magpapanggap na sana akong tulog kaso takot ko na lang na kilitiin niya ako. And
besides, knowing him, kukulitin lang niya ako hanggang mawala ang antok ko. Might
as well end his curiosity now. "Wala.. I was just.. reading something earlier.
Nafrustrate lang ako, that's all."

"What, a Tessa Tobias novel or Shakespeare?"

"No. Some stupid story on Wattpad. Nainis lang ako."

He, of all things, laughed at me. "Nagbabasa ka pa rin dun?"

"Wag ka ngang judgemental! Bakit, did I judge you nung iniyakan mo yung Toy Story
3?"

That shut him up instantly. Isa yan sa mga bagay na never naming dapat pag-usapan.
Months ago kasi nahuli ko siyang nagpupunas ng luha sa CR right after nilang manood
ng Toy Story 3. Si Tristan nga hindi naiyak eh.. pero si Andreau Cortez? So
adorable. "You don't understand, Zades," he said through gritted teeth, clenching
his fists. "It's my childhood, okay?"

"I don't really get the reference so I'll just shut up."

"Thank you. You promised not to speak about it ev--"


"Oo na nga," I glared at him. "Promise na."

"So.. ba't ka nga naiyak? Hindi ka naman iyakin ah. What gives?"

For five straight minutes nilabas ko lahat ng frustration ko sa YTOTIW. I shouted,


I grunted.. I even threw a pillow at Andreau para marelease lang ang lahat ng inis
ko. Tawang-tawa naman siya sa inability kong magmura nang malutong. I really wanted
to, promise. Hindi ko talaga kaya. Hanggang triple shit lang ang limit ko.

"Eh kasi hello.. why would she do that? It's unfair for the readers, for her
characters! She's doing so good tapos.. why ruin her art?" Andreau handed me a box
of tissue and I gingerly wiped the tears off my face. "Siguro.. sobrang taas ng
expectations ko sa flow ng story. Nasa climax pa lang talaga, Andreau! Nakakabit--"

"O baka naman may pinagdadaanan yung tao, Zades. I mean.. I don't know this author
pero I guess she's also a student or an employee. There's this thing called real
life. Minsan masyado tayong absorbed sa fiction na gawa nila na nakakalimutan natin
na hindi lang 'yon ang buhay nila."

"Eh kung may pinagdadaanan siya sana 'di muna siya nagsulat!"

He sighed. "Maybe kailangan lang niya ng outlet para marelease ang frustrations
niya sa buhay. Siguro hindi naman niya intended na mafrustrate rin kayo. People
sometimes do that, Zades. Tignan mo bukas, you'll get over it."

"But.. words are powerful. Sure, nabasa ko 'to ngayon. Naramdaman ko 'to ngayon.
Pero days, months or even years later maalala ko 'to at eventually makakaapekto sa
decisions ko."

"Well.. you're right," inayos niya ang unan sa likuran ko para mas makasandal ako
nang maayos. "Pero Zades.. you'll get over it. And if it helps, magrant ka na lang
sa comments section niya. Ginagawa ko yan sa Rotten Tomatoes kapag may hindi ako
nagustuhang pelikula."

That made me chuckle a little. "I don't know kung ano yang Rotten Tomatoes pero ang
benta sa'kin ha. Nag-aaksaya ka ng oras para dun?"

"That makes me feel a lot better. Ikaw, try mo. Pero ayusin mo naman ang
pagkakasabi, ha? Baka nga may pinagdadaanan yung tao tapos gagatungan mo pa," he
patted my shoulder before standing up. "Hey, if you want, pwede kitang gawan ng mug
cake. I promised Tristan na gagawan ko siya ngayong hapon kaya andito ako so.."

"Mug cake?" bigla akong sumaya upon hearing that. Hindi ko alam kung ano bang meron
dun sa mug cake na ginawa ni Andreau before na tuwang-tuwa ako. "Please gawan mo
rin ako please? Pampalubag-loob mo na lang sa'kin!"
"Yes, Ma'am!" Andreau replied with a mini-salute. Mabilis siyang naglakad papunta
sa kitchen at ginawa na ang kung anumang magic ng mug cakes niya. Ako? Pinag-isipan
kong mabuti ang icocomment ko kay notanotherfairytale. She disappointed me big
time, kaso tama rin si Andreau na baka nga may pinagdadaanan siya ngayon. Aayusin
ko na lang ang words na gagamitin ko! Ayoko na makadagdag sa problema ni ate, baka
biglang magcomment back eh.

**

Akala ko magiging okay na ako kapag nakain ko na yung mug cake at napost ko na ang
comment dun sa chapter.

I was wrong.

Hindi na ako bothered sa nabasa ko. Medyo nakakaget over na nga ako eh. Kaso.. iba
pa rin ang pakiramdam ko. Ang.. bigat pa rin. Gusto ko pa ring maiyak at magalit
pero kanino? Ugh, nasiraan na ata ako ng bait dahil sa mga pinagbabasa ko!

Andreau and I ended up watching a rerun of Breaking Bad, at todo kwento siya
sa'kin. I only gave him half-hearted replies, not because hindi ako interested sa
show ha.. distracted lang talaga ako. Oblivious naman siya sa ganap ko kasi as
usual, Fanboy Andreau ang drama niya. Mabuti na siguro 'yon para hindi niya ako
mainterrogate!

I was so busy overthinking na hindi ko napansin na kinakausap niya pala ako.


Narealize ko lang 'yon nung kinurot niya ako sa braso. Damn, ang sakit talagang
kumurot nito! "Hoy! Ano bang problema mo at nangungurot ka bigla!" hinampas ko siya
ng unan kaso nakailag siya. "Nagulo tuloy yung iniisip ko!"

"Sorry," he said, but he didn't sound sorry at all. Nakangisi lang siya sa'kin for
few seconds bago siya ulit nagsalita. Doon ko lang napansin na naka-off na ang TV
sa harap namin. "Okay ka na ba talaga? Kanina ka pa kasi nakatulala dyan eh. Nabore
ka ba sa Breaking Bad?"

Well shit, he noticed. Lord, pwede bang bigyan niyo ako ng isang araw na hindi niya
mapapansin ang mga ginagawa ko? O kahit pansinin niya, basta wag lang siyang
magcomment? Nacoconscious ako eh! "Sorry na! Hindi naman ako nabore. Inaantok lang
ako kasi sa power cry ko earlier. Hello kapagod kaya!"

"Yun lang ba?"

"Oo nga. Ba't ba ang kulit mo?"


"Akala ko ba tulungan sa pagsabi ng feelings, Zades? Don't tell me hindi applicable
sa'yo 'yun? Madaya naman ata kung ganun."

Aba, turning tableska ngayon, Andreau? "Excuse, don't use my words against me!
Fine.. nabobother ako ngayon kaso hindi ko mapoint out kung bakit. Can you give me
10 minutes to collect my thoughts?"

Sumang-ayon naman si Andreau (as if may magagawa pa siya). Iniwan niya ako sa sala
at hinugasan niya yung mugs na pinagkainan namin ng cakes. Dalawang mugs lang 'yun
ha pero he really took his time. Todo isip naman ako ng maayos na explanation para
sa problema ko. The story triggered me about.. something eh. Isip, Zades! Isip!

Almost 15 minutes later, tinawag ko siya para mag-explain na. Dinalhan pa niya ako
ng isang tumbler ng tubig just in case umiyak daw ulit ako.

"Ano kasi.." I started off hesitantly. "Yun nga.. natrigger nung story yung isa sa
unsolved issues ko sa buhay. Sina.. Ate Anya at Kuya Lee."

He was clearly surprised with what I said. "Huh? Bakit? Is this because of the
leaving thing?"

"Yeah. They're.. perfect for each other. Soulmates, even. Okay naman sila, 'di ba?
Parang wala silang problema tapos.. bigla na lang poof! Wala na. Natapos sila
without any explanation. I know they have the right to be private about things
pero.. kaibigan natin sila eh. Hindi lang sila ang nagbreak eh, pati tayo binreak
nilang dalawa.Siguro.. nanghihinayang lang ako kasi may potential sila eh. They're
gonna make it to the finish line. End game sila."

"Zades.." he warned.

"No, I'm sorry. Just.. hear me out, okay? Maybe this is my romantic side talking
but.. I'm still rooting for them. They're so.. perfect. So.. ewan ko. Until now
nalulungkot pa rin ako sa break up nila. Pero naniniwala ako na sila ang epitome ng
soulmates #3. Ugh nakakainis naman kasi 'tong si notanotherfairytale eh, daming
alam! Kahit hindi na magkatuluyan sina Denn at Leiza basta magkabalika--"

"Wait a second.. soulmates #3? Is there such thing?"

Triple shit. Lagot na. Hindi ako lulubayan nito hangga't hindi ko naeexplain kung
ano 'yon. Ba't ba hindi ko iniisip ang mga sinasabi ko minsan? Ako pa napapahamak
eh! "H-ha? Anong soulmates #3? Wala 'yon. Kalokohan ko lang. Don't mind me, it's
not interesting."

The corners of his mouth turned up and he looked so amused. "Oh, try me."
Inayos ko muna ang wording ko bago ko ikwento ang soulmate theory ko. Nakakakabang
ikwento 'to kay Andreau kasi for sure tatawanan lang niya ako. Mas okay pa yung
pagkakwento ko kay Jersey eh! Baliw-baliw din kasi si Jersey, pero 'tong isa? Para
akong nasa thesis defense!

#1: soulmates na unang beses pa lang nilang magkita, alam na nilang sila ang para
sa isa't isa, at 'di na nila papakawalan ang isa't isa kailanman

#2: soulmates na kahit kailan ay hindi magtatagpo, kasi kahit sila ang para sa
isa't isa, may nangangailangan naman sa kanilang iba. Sila yung mga taong kuntento
na malaman na may soulmate sila pero alam nilang magiging mas fulfilled sila kapag
iba ang pinili nila. Sila yung mga martyr.

#3: soulmates na kahit anong tanggi nila, alam nilang sila talaga ang para sa isa't
isa. Akala nila may ibang humahadlang pero ang totoong kalaban nila ay ang kanilang
sarili. Maraming barriers, unresolved issues. Ang pangatlo ang pinakaexciting sa
lahat. Unpredictable kasi. Pero sila yung madalas na nasasaktan, napaglalaruan kasi
sila ng tadhana. Matagal pa bago sila maging masaya.

Agad akong napapapikit after ng monologue ko. Shit, nakakahiya talaga. Baka
friendship over na kami after nito! "Okay.. that's my soulmate theory. Don't
judge."

I was expecting him to say something pero lumagpas na ang ilang segundo.. wala pa
rin akong narinig mula sa kanya. It's so.. weird. Ba't biglang tumahimik 'to?
"Yoohhoo," binuksan ko na ang mga mata ko. He's just staring at me, as if still
processing the things I said. "Andreau, are you okay? Are you mentally berating me
right now?"

"N-no. I'm not judging you, Zades. It's just that.. I don't agree with it."

Ano raw?

"Hindi ka naniniwala sa soulmates?" I didn't bother to hide my disappointment and


shock. Well again, he's not romantic. This shouldn't surprise me at all.

"I do believe in soulmates.. hindi lang tayo parehas ng pinaniniwalaan."

Dear Lord, akala ko script lang ang pag-aawayan naming dalawa. Pati ba naman
definition ng soulmates?! This is so absurd!

"Anong mali sa sinabi ko ha?"

He held up his hands. "Kalma lang, Zades. I'm not contesting your beliefs. I
respect them, okay? But correct me if I'm wrong.. pero yung definition mo ng
soulmates.. dalawang tao lang, 'di ba?"
Ha? Ano raw? "Oo. Ganun naman talaga, 'di ba?"

Finally, he smiled. "See.. that's my problem. I don't believe that."

It was my turn to get confused. "I.. don't really understand what you're saying."

Napatitig siya sa'kin saglit bago siya nag-explain. "You know Plato's Symposium?" I
nodded, rolling my eyes. "In that, Aristophanes presented a story about humans were
once born with four arms, four legs, two genitals and a single head made up of two
faces--"

Bigla kong naimagine yung sinabi niya. Yuck. "God, that's totally creepy. I--"

"Pwede bang magkwento muna ako?" I nodded sheepishly. Ang sungit talaga nito!
"Okay.. where was I? Oh. Then here came Zeus, who feared humans' power. He decided
to split them into half and condemned them to spend their entire life searching for
their other half to complete them. Plato then believed that every person has only
one true soulmate, and that without the other, one would not be complete. And just
like in Disney movies, he thought that a person is a beast.. and only a true and
only one love's kiss will complete them."

I've heard this story before kaso ibang version. It's so.. weird. "Hindi mo ba ako
niloloko, Andreau?" I said sarcastically, pretending to be annoyed. "Beauty and the
Beast ata yan eh!"

"Ayon 'to sa nabasa ko, okay? Kung ayaw mong maniwala, e 'di wag."

"O, eh anong point mo?"

Rolling his eyes, he continued. "Hindi lang ako agree sa notion na kailangang
hanapin yung other half para makumpleto ang isang tao, Zades. Yun kasi ang
paniniwala ng karamihan. I find it very morbid, though."

"Morbid? Anong morbid dun, ha? It's romantic! Wow ha, of all people, sa'yo pa
nanggagaling 'to. Ikaw na nagpapakilig ng rabid fangirls!"

"I get it, romantic nga. Siguro may kasalanan din kaming mga gumagawa ng pakilig na
pelikula. But let's be realistic here. Tignan mo nga yung soulmates #2 mo, isn't
that tragic? And if we're going to use Plato's definition, hindi pasok sa criteria
niya yung so--"

"Hindi based kay Plato yung soulmate theory ko, okay? I have my own. Hindi ako
copycat!"  

"Pero Zades.. consider this. What if patay na pala ang soulmate niya tapos siya
naghahanap at naghihintay pa rin? O paano kung hindi naniniwala ang soulmate niya
sa konseptong 'yon? Hindi ba unfair para sa kanya na siya lang ang naniniwala at
nasasaktan? And.. if there's only one person for you and they screw up, then where
the hell does that leave you? What if paulit-ulit ka na niyang sinasaktan pero
iniisip mo na okay lang kasi siya ang soulmate mo.. okay pa rin ba 'yon? Okay lang
ba na kunin niya ang lahat ng meron siya para siya na lang ang kailanganin mo sa
buong buhay mo? What if dumating ang isang tao na mahal na mahal siya, tapos
iniisip pa rin niya na Hah, there's someone better than him/her. Hindi
nakukuntento. He would end up searching fo that non-existent perfection for the
rest of his life. He's more focused on the search rather than on the actual
relationship. In the end, when he realized that no one will ever complete him, he's
already alone.

 See, that's my problem with it. The biggest risk of this one soulmate thing is the
possibility of never finding love at all.

Yes, the idea of having a soulmate is so romantc.. but it's also cruel. Crazy.
Brutal. And if you don't find your other half, you'll end up alone and lonely."

Wow.. holy shit. Akala ko nakilala ko na dati ang Deep Thinker Andreau. Ngayon pa
lang pala. May point siya.. I didn't consider those realistic points kasi hello,
nakuha ko lang naman yung tatlong klase ng soulmates sa novels na nabasa ko eh. But
that's what makes it romantic, 'di ba? The challenges.. the journey..

Mali ba ako ng notion pagdating sa pag-ibig? Hindi ba sapat ang mga nabasa kong
romance novels para masabi kong Ah gets ko na ang love kahit hindi pa talaga ako
naiinlove?

Nakakainis naman 'tong si Andreau, pinag-iisip na naman ako nang malalim!!

"Andreau.." I whispered moments later, "akala ko choleric ka lang.. yun pala


cynical ka rin. Convinced na ako na hindi ka romantic, swear."

"Gee, thanks! You asked for my explanation, and I complied. But Zades.. the way I
see it.. you don't have a sole soulmate. A person alone cannot and will never
complete you. One can only give things up to a certain extent. A soulmate, as I now
perceive it to be, can be a person or even a bunch of people who understands you
before you even explain yourself, who could bring out the hidden part of your soul.
Who makes you feel accepted, you feel you are in sync to.

It doesn't have to be romantic. They could be the people who meet your criteria, be
it emotional, physical, intellectual or even spiritual. I could explain this better
with a venn diagram, Zades."

Say what now? "Oh great. Lecture pala 'to. Dapat nagdala ako ng--"

Kumuha siya ng papel at ballpen sa tabi ng telephone at nagdrawing nga ng venn


diagram. My god, kailangan pa niya talagang magdrawing to prove his point. At least
perfect circles ang drawing niya ha. Wish I could say the same kapag nagdrawing na
siya ng mga tao.

"Plato's stand on soulmates tells us that soulmates are made up of two halves
coming together to form a whole. I think.. it doesn't work that way. This diagram
perfectly illustrates my point: two complete and different circles overlapping and
making something even more impressive in the middle." He shaded the intersection
and darkened the outline of the circles. "They remain as whole individuals, but
they share and influence things that neither would be capable of creating alone.

Having a soulmate is different from solving a puzzle, Zades They.. exist because
they help us grow in many ways."

Wala na akong masabi sa lecture niya. Really.. it made sense. Oo nga ano, bakit
ganun yung iba kong nababasa? Instead na tulungan ng isang character ang love
interest niya or ibang character na magbago, sila mismo yung nagrerepair ng mga
kamalian nila? Bakit yung iba.. laging may empty space na kailangang punan pa ng
ibang tao? Hindi ba pwedeng sarili ang maglagay ng laman dun?

Oh my god what am I saying?? Andreau ano ba 'tong ginagawa mo sa'kin!

"That's why I'd like to believe that I have a handful of soulmates," he continued.
"See, there's Roldan, my best friend. Kahit hindi kami magkita ng ilang buwan okay
lang. It's like we're soul brothers. Siya yung unang tao na nakilala ko na
naiintindihan kaagad ako, at ganun din ako sa kanya. Si Mars din, soulmate ko rin
yan. Agad kaming nagclick nung una kaming nagkakilala. She was the one who told me
to explore new things and appreciate life to its fullest. Kahit madalas akong
ginagago nun, supportive siya sa mga ginagawa ko."

Hmm.. based sa definition ni Andreau ng soulmate.. sino nga kaya sa'kin? Siguro..
si Kesh. Gaya nung sinabi ni Andreau about Mars.. nagclick kami agad ni Kesh nung
first day pa lang namin sa dorm. Siya yung pumilit sa'kin na maging friendly sa
ibang tao, nagbukas sa'kin sa mundo ng showbiz and sometimes pop culture at.. siya
ang una kong naging totoong kaibigan. We understand each other so well kahit
madalas akong annoying at sobrang pushy niya.

Ahh.. so pwede ngang hindi romantic ang soulmate. Now I get it.

"Just to be clear," sabi ko sa kanya, "pwede mong maging soulmate ang kaibigan mo
ganun?"

Napangiti siya. "Damn straight."

"Then.. given that context.. pwede kitang maging soulmate?"

His eyes grew wide in an instant. Did I say something wrong or offensive? Honest
question naman 'yun ah! "Y-yeah," he replied, voice faltering. "Why not? Hindi
naman ako magrereklamo, Zades. Kahit annoying ka."
"Oh.. good. Now that explains why we have that brain sex thing," I quipped, not
looking at him.

Hindi ko naman alam na umiinom pala siya ng tubig nung sinabi ko 'yun. It wasn't my
fault na nasamid siya! "Sinadya mo talagang gamitin 'yon ano?" he accused. I shot
him an innocent look to annoy him. "The brain sex! God, you just made me say it.
You did it on purpose!"

"Damn straight," I replied with a wicked grin. Kumuha siya ng tissue at pinunasan
ang mukha niya. God, I really love it kapag namumula siya sa word na sex. Paano
kaya kung sa public mangyari ‘yon, mamumula rin kaya siya?

"Fine. Whatever. Have it your way."

"Eto naman, init agad ng ulo!”I punched his shoulder playfully. “Aba, akalain mo
'yun.. the impossible happened. Naging very platonic soulmate ko si Andreau
Cortez."

"Wag ka nga. Mukha kang ewan, Zades." Kunwari pa siyang naiinis pero napapangiti
naman. What an idiot!

"Eh tama naman ako ah! Very platonic soulmates mo kami ni Dan. Tapos si Worth The
Trouble yung super non-platonic soulmate mo. Di ba sabi mo pwedeng maging romantic
yung soulmate sa definition mo? O malay mo, ganun din kayong dalawa! Ugh, ang cute
non promise! Ako na kinikilig para sa inyo!" Seryoso, kinikilig talaga ako! Basta
hindi si Kami yung Worth The Trouble okay na sa’kin!

Napailing na lang si Andreau. "You should stop reading those Wattpad stories,
Zades. Nagiging cheesy ka na."

"I'm always cheesy, Francisco. And you like that about me."

"Well.. yeah,” okay ba’t ngiting-ngiti naman siya? “Just don't overdo it, though.
Tama na yang annoying level mo, no need to increase it.”

"Grabe ka talaga! Alam mo, minsan pinagdadasal ko na sana makilala mo na agad yang
si Worth The Trouble para kahit paano magkaroon ka naman ng katiting na romantic
bone dyan sa katawan mo! Sayang kagwapuhan mo kung hindi ka maalam eh!"

"Hah. Really now?" He suddenly looked amused.

"Oo nga. Sana talaga dumating na siya para naman may kakampi ako sa mga bagay-
bagay. Maybe we could be bestfriends!” Kung anu-ano na ang naiimagine kong
scenarios! “Oh my god please choose someone na mahilig sa books, okay? Para naman
may kakwentuhan ako! O kahit mahilig lang sa kape para may mapag-usapan naman kami.
Basta ha, off limits s--"
"Off limits si Jillian Cabrera. I get it. And just so you know, alam kong hindi si
Jillian si Worth The Trouble."

"Ah ayun naman pala! Nagkakaintindihan naman pala tayo! Basta ha, dadaan muna
sa'min nina Mars at Dan ha? Mahirap na, ba psycho pa--"

"Zades.. ba't ba mas excited ka pa kesa sa'kin?" Andreau didn’t sound offended at
all. In fact.. parang excited pa siyang malaman ang sagot ko sa tanong niya. Weird.

Sitting up straight, I faced him and said, "Ha? Bakit, bawal na ba akong maexcite
for you? Wala lang.. gusto ko lang makita na maging romantic ka kahit minsan. Yung
hindi pang-acting ha. The real deal! Ikaw ba.. hindi ka naeexcite na dadating yung
araw na makikilala mo siya?"

A mellow smile formed on his lips. Wow.. that was a first. I guess iniimagine niya
yung time na maimeet niya si WTT. (Sana romantic naman kahit sa imagination lang
niya please.) "Of course.. excited naman. Meeting the future Mrs. Cortez will be
one of the most memorable days of my life. But.. that's not my priority right now.
Thesis film then graduation. After that.. marami pa eh. Hindi ako nagmamadali."

"Ay.. ganun?” I sounded a bit disappointed, pero mukhang ‘di niya napansin. “Gusto
ko pa namang mawitness firsthand yung interactions niyo ni Worth The Trouble! Ta--"

"And besides.. some things are worth slowing down for, Zades."

Gigisahin ko pa sana siya kaso dumating na sina Tristan and Ms. Marisse. Sayang,
minsan na nga lang mag-open up si Andreau about sa love life niya eh! Matagal-tagal
ulit bago ko siya makausap about this stuff.. swertehan lang siguro.

Pero.. in fairness ha.. unti-unti siyang nagiging romantic. What an improvement!


Kung sinuman yung WTT ni Andreau.. nakakainggit siya. Ang swerte niya ha. Scratch
that, swerte sila sa isa’t isa.

 **

Yung soulmate talk ng AZ ay tame version ng nangyaring talk between me and a


friend. Kinwento ko kasi sa kanya yung tatlong soulmates shit from TDG and yung
reaction ni Andreau ang gist ng mga pinagsasabi niya. Kung hindi kayo agree sa
point niya, please do tell me at ako ang aaway sa kanya for you lol <3

=================

[40] Fight. Flirt. Talk. Protect


Again, this is a 10k word vomit. Promise, mas maikli na ang next updates! Mga 15
chapters na lang siguro 'to so... yes <3 Thank you for waiting and the support,
guys! <3

**

Chapter 40: Fight. Flirt. Talk. Protect

After days of working with Kami, I realized something. She's not that bad at all.

Look, medyo annoying pa rin siya, with that semi-high pitched voice and that absurd
(and yeah, funny) laugh of hers. Pero wow, ibang klase siya pag trabaho na ang
usapan. Lumelevel siya sa professionalism ni Andreau! In character na agad siya
pagdating sa set, laging alert, tinutulungan ang ibang actors and the likes. Unlike
Eddie and the others, madali siyang naka-adjust sa film life at in fairness, taob
niya si Kesh sa pagpep talk! Andreau na Andreau ang datingan niya kaya gets ko na
kung bakit tuwang-tuwa si Francisco sa kanya. Sino bang hindi matutuwa na finally
magiging totoo na ang pangarap mo at nakahanap ka ng perfect na tao na gaganap sa
character mo? Aba kaming dalawa ni Andreau, we're beyond happy. (A secret: I think
I saw tears sa mga mata ni Andreau after naming ishoot ang isa sa favorite scenes
niya. Sayang, ang bilis ng reflexes niya, 'di ko nakita kung tumulo nga ba or
hindi.)

So, I therefore conclude that Kami is Andreau's girl version. Ayon din sa
observation ko, may pagka-choleric din si Kami. Nakuha niya yung stubborness at
competitiveness ni Andreau dear god. And boy, tumitigil talaga ang oras sa set
kapag nag-uusap silang dalawa. Perfectionist din kasi 'tong si Kami, kahit
satisfied na si Andreau sa isang take, uulitin pa niya. And vice-versa. Tapos just
the other day, nireject ni Andreau ang suggestion ni Kami na isang scene revision.
They argued about it for like 20 minutes at ramdam sa buong set ang tension, as in
tumigil kaming lahat sa ginagawa namin. (Eddie and I ended up eating a dozen of
mini donuts while listening to them fighting. Ang lala talaga) Ayun, kung hindi pa
ako umepal, baka nagwalkout na si Andreau sa set. In the end, nagcompromise na lang
silang dalawa at mukhang satisfied na si Kami don. Tumambay pa nga kami sa Cafe
Feliz after the shoot, at nagbibiruan na ang dalawa, as if hours ago hindi nila
naisip na busalan ang bibig ng isa't isa. Sila na madaling makamove on!

Compared sa first meeting namin na wala akong halos nasabi, mas maayos na ang
communication namin ni Kami. Usually siya ang nag-iinitiate ng conversations about
anything, and just like Andreau, amused siya sa pop culture handicap ko. But unlike
Andreau, hindi niya ako niyayabangan! Pinapaliwanag pa niya sa'kin nang maayos yung
mga mali ko. Mas gusto ko siya kesa kay Andreau for that. Hah.

At ako rin ang takbuhan niya sa Andreau-related problems niya. Well, twice siyang
humingi ng tulong sa'kin para kausapin si Andreau about sa schedules at script kasi
raw sa'yo lang naman nakikinig 'yon, Zade. Parang awa mo na he's driving me crazy!
Hindi naman ako makatanggi, maapektuhan lalo ang shooting kaya todo sunod naman
ako.

"So.. you and Kami, huh?" sabi ni Andreau sa'kin two nights ago nung ihatid niya
ako pauwi after ng shoot. He used that same voice nung inaasar niya ako kay
Jillian. God, ang annoying talaga kahit kelan!  "Are you friends now?"

I sighed. "Sakto lang. Hindi pa besties. She still annoys me sometimes pero
tolerable naman."

"Ganyan din sinabi mo kay Jillian dati, 'di ba?"

"At anong gusto mong iimply dyan ha?"

He shrugged, suppressing a grin. "Wala lang. It's just that.. you'll never know
what may happen, Zades. Baka mamaya maging close kayong dalawa during or after the
filming."

"Sus, kunwari ka pa. Worried ka lang na agawin niya ako sa'yo," I joked. Isang
madiin na kurot ang sagot niya sa'kin. Bastos. "Grabe ka! Don't worry, si Jillian
nga hindi ako naagaw, si Kami pa kaya? Loyal ata ako sa'yo!"
Ngiting tagumpay naman 'tong loko at nilibre pa ako ng goto bago ako ihatid sa gate
ng dorm. (A secret: nabibili po ang loyalty ko. Buy me goto and I'm yours.) Excuse
me, hilo ba 'tong si Andreau? As if ipagpapalit ko siya kay Kami ano! Sa daming
benefits na nakukuha ko sa kanya, ipagpapalit ko pa ba 'yon sa semi-high pitched na
boses ni Kami!? Unbelievable.

**

Apparently, third time's the charm. Masyado atang nag-enjoy si Kami sa powers ko na
pakalmahin si Andreau at eto na naman siya, humihingi ng tulong sa'kin. Dumating
ako sa set ng mga 3:30 PM (a bit too late sa standards ni Andreau) at didiretso
sana sa trailer nang bigla akong harangin ni Kami. She's wearing her patented Tila
costume: a white skimpy sando and flowy bohemian skirt. Natigilan pa nga ako for
awhile eh, until now nagugulat pa rin ako na totoo na si Tila.

"Zade! Oh my god thank goodness you're here!" she gushed immediately and pulled me
into a tight hug. Hindi na ako nakapalag sa yakap niyang mala-vise grip! Bago pa
ako mawalan ng hininga, she let go of me. Thank you, Lord! "Dapat tatawagan sana
kita kaso walang nakaalam ng number mo sa kanil. My god plea—"

Then I noticed something. She's extra antsy today. And unlike the first two times
na nilapitan niya ako for a favor, parang mas intense ang pangangailangan niya
ngayon. "Kami, slow down. What happened?"

Kami fought the urge to roll her eyes. "Si Andreau na naman, as usual."

"O anong meron? Nag-away na naman ba kayo?"

She shook her head quickly. "God, I wish nag-away na lang kami, 'di ba? This is way
different than the last time. He's kinda.. scary."

Hala, natakot siya kay Andreau? This is a first. "Ano na naman ginawa niya? Kung
tungkol 'to sa daily coffee run niya, I assure you na mas maa—"

"No, that's not it. May shoot tayo ng Christmas Eve, Zade. Christmas Eve."

"Say what!?" Did I hear her right? Shooting... ng Noche Buena? December 24? Kay
Andreau ba nanggaling 'yon? How come I didn't know this!? Parang kagabi la— "Kami..
did he tell you why?"

Finally, she rolled her eyes. "Naman. Sabi niya.. magiging busy daw siya sa isang
documentary? The China thing?"
Oh God. Is he for real? See, last night kasi, nakatanggap si Andreau ng tawag
galing sa isang former prof niya. Inaalok siya nito na maging director of
photography sa documentary na gagawin niya sa China this coming January. Sabi niya
sa'kin pag-iisipan pa raw niya 'yon since busy nga siya sa thesis niya. Obvious
naman na yes ang isasagot niya eh, nahiya pang magsabi sa'kin. Hindi naman ako
magagalit! Tapos.. ganito? Seriously, Andreau? Lagot siya sa'kin mamaya!

"Look Zade," Kami continued, relaxing a bit. "Okay lang naman sa'ming lahat na
magtrabaho. Sanay na kami sa lagari. Pero.. it's freaking Christmas! I know it's
still a month away pero.. gusto rin naman sana namin magpahinga ng buong Christmas
week. Si Eddie nga.. nahihiyang sumabat kanina. Uuwi kasi ang parents niya from
Korea ngayong Pasko, and knowing his mom, magtatampo 'yon kapag wala siya sa Noche
Buena." She took a deep breath and let out an unsure smile. "We were a bit scared
earlier. Alam mo yun, he just announced the new filming sked without consulting
us.. and mukhang ikaw din. I'm sorry if sa'yo kami pupunta pero we don't know how
to approach him. He's so damn scary at the moment."

Stressed and Sleep Deprived Andreau = Scary As Hell Andreau, one of the modes I
liked the least. Kailangan ko na 'tong maagapan bago pa siya maging Beast Andreau.
Mahirap na, baka bigla ko na lang siya itulak sa kalsada or something sa sobrang
irita.

"Fine, I'll talk to him." Kami's nervousness turned to relief in an instant. Okay
bilib na talaga ako sa actors, ang bilis magbago ng facial expressions! "I'll even
kick him in the ass if I have to. Deserve naman nating lahat ang Christmas bre—
oof!" I was cut off by her surprise tight hug. Lord, her vise grip-like hold help.

"Sobrang thank you talaga, Zade! Oh my god sana pumayag siya! Thank you thank you
THANK YOU!"

Oh god. Ano ba 'tong pinasok ko.

**

// FIGHT //

Akala ko kilala ko na nang mabuti si Andreau Cortez. Hello, halos araw-araw kaming
magkasama for like six months! Pero ibang klaseng experience pala na makasama siya
sa isang film shoot, at siya ang Big Boss in every way. Feeling ko tuloy ¼ lang ni
Andreau Cortez ang kakilala ko.

Pagdating kasi sa Tila set, he's so different. Serious Director Andreau mode siya
for the rest of the shoot. Bihira ngumiti, laging nakakunot ang noo at gamit niya
ang kanyang director voice (which I find very very attractive. Medyo lumalim ang
boses niya, with a dash of authority... and is it just me or he sounds huskier?
Okay I must stop imagining things). And meron din siyang Serious Director Andreau
look: he's now scruffy, at lagi siyang nakasuot ng backwards na baseball cap kahit
nasa indoors. Biniro ko nga siya one time, kung plano ba niyang magpatubo ng balbas
ala-Albus Dumbledore. Ayun, naasar sa'kin at sinabi ba namang Pasalamat ka naliligo
pa ako, Zades. May iba dyan hindi naliligo kapag gumagawa ng pelikula.

I rest my case.

Anyway, dumiretso na ako sa trailer niya right after magsumbong ni Kami. Naplano ko
na nga ang sasabihin at pangongonsensya ko sa kanya eh. At may plan B na rin ako
that involves his precious DVD collection and Star Wars memorabilia. Wag sana
siyang maging epal ngayon para hindi ko magawa ang plan B ko.

Kaso.. pagkapasok ko pa lang ng trailer niya...

"The answer's no, Zade."

WHAT.

"Ha? Anong no ka dyan?" I said innocently as I entered his trailer. God, kahit
stressed na siya ang linis pa rin ng trailer niya. Siguro nagligpit 'to kanina!
"Wala pa nga akong sinasabi!"

Sitting pretty pa si Andreau sa sofa, hawak-hawak ang call sheet for today's shoot.
Kunwari pa siyang nagbabasa eh kabisado naman niya lahat ng call sheets! At eto
pala ang maayos na pag-oopen up ng feelings ha! "I know Kami talked to you earlier.
Wag mo na i-deny, nakita ko kayo dyan sa labas kanina."

"Andreau.. pumayag ka dun sa China thing?"

He nodded, still not looking at me. Ano bang problema nito at ang init na agad ng
ulo? Hindi ko pa nga siya inaaway!? "I couldn't say no, Zades. The offer's very
tempting."

"Pero.. bakit kailangan pang magtrabaho sa Christmas break? Ni hindi mo man lang
kami tinanong kung may mga plano ka—"

"Santa isn't even real, Zades. Why are you so—" he stopped in mid-sentence, wincing
a little. Gusto niyang bawiin ang sinabi niya kaso it's too late. Finally, with a
deep sigh, he looked at me. "Zades I—"

"Excuse me!? Andreau.. naririnig mo ba sarili mo? I know na crunch time na 'to and
everything but.. you don't have to be a Grinch about it."

"How the hell did you know about the Grinch?"

"I may have seen it lately bu— don't change the subject!!!" in two big strides, I
was in front of him, arms akimbo. His eyebrows shoot up, and then he smirked.
This.. bwiset! "Ang panget mo!!! Wag ka nga Andreau!"

"I'm not gonna change my mind, Zades. It's final. May shoot tayo sa Christmas Eve."

"Eh paano kaming may mga plano for Christmas? Yeah right may halos isang buwan pa
pero hello we've been shooting nonstop!! We deserve a break!"

He rubbed at his temples briefly as he sank back to the sofa, pausing for a moment
to stare at me. Now he's not amused. "Zades.. this is work. And sometimes work
requires sacrifice. Christmas Eve lang naman 'yon, not Christmas itself. Ba't ba
galit na galit ka?"

God I wanted to smack his head with a vase so hard. Sinusubukan kong intindihin na
pressured siya sa mga bagay-bagay, na pagod na siya.. pero hindi naman niya
kailangang maging asshole! I really hate Asshole Andreau! I couldn't believe that
part of him exists!!

"Ang unreasonable mo kasi!" hindi ko na napigilang sumigaw. Andreau's eyes widened


in shock. "Gagawa ka ng desisyon na hindi lang ikaw ang maapektuhan tapos you
expect us to be okay with it? HELLO! Oo na, we freaking work for you! We enjoy
doing this with you pero we need a BREAK. Pasko na nga lang ang hinihingi namin
sa'yo! Don't steal Christmas away from us!"

"I'm not stealing anything! This is work!" he almost shouted. "Ano bang hindi mo
maintindihan dun, Zades? You said you're in this 100%! Now I need your 100%! Ba—"

"When was the last time na nag-Noche Buena ka kasama nina Tristan, ha?" that shut
him up instantly. Ayoko talagang gawing pangkontra 'to but he practically begged
for this. Bahala na. "Don't tell me na last year kasi I was there and you weren't!
Yes, this is work. Yes, you love this film of yours. Pero Andreau, magpakita ka
naman ng compassion kahit minsan! Don't be too freaking uptight!"

"I am not uptight!"

"Mukha mo uptight ka! Guess what, you love controlling people. Oo na, we work for
you pero you don't own us! Alam mo, pwedeng-pwede ka naming iwan dito ngayon,
swear. Mag-isa ka dyan sa paggawa ng Tila!"

"I don't control people!!" he hissed, angry, so so angry, and that made me angrier.
Hindi 'to kasing lala ng ibang away namin pero holy shit, iritang-irita ako sa
kanya.

"Yes you do! For heaven's sakes, you're so bossy, so controlling.. so freaking
annoying!!"

"Freaking? Wow you're 18 years old and can't say the word fuck? Anong klase yan?"
"And you're 21 freaking years old pero talo mo pa magblush ang isang pre-pubescent
kapag namemention ang sex!"

"Oh shut up, Pascual!"

"Ugh pasalamat ka at natatagalan pa kita!"

Andreau flinched and looked away, taking a deep breath. Shit, I didn't mean to yell
that. Me and my stupid mouth again. Great job, Zades. Nahihirapan na nga siyang
magsabi ng nararamdaman niya, sinaktan ko pa. Anong klase ka, self?

There's more silence, and just for something to do, kumuha na lang ako ng soda sa
ref niya. Buti hindi niya ako pinigilan, baka naibato ko sa kanya 'tong lata. When
I came back, Andreau seemed calm, but his eyes were still angry. Isa 'to sa
instances na sana alam ko kung anong iniisip niya para kahit paano matulungan ko
siya. Ang hirap kasing hulaan eh! Kung mutant 'tong si Andreau, I bet emotions and
feelings concealment ang power niya. He's so damn good with it! I really hate it.

I let seven minutes pass bago ko siya ulit kausapin. "Hey, I'm going out. Baka
kailangan na nila ng tulong sa labas or something. I.." I paused for awhile,
thinking of the right words to say. "I.. I'm not here to fight, Andreau. The guys
asked my help para kausapin ka, para baguhin sana yung sked. You know I don't like
fighting with you. I'm sorry.. for the things I've said earlier. Well.. some of
them were true, though. Hindi ko lang gustong sabihin sa'yo yun na pagalit." As
usual, tinitigan lang niya ako. Then, he tried opening his mouth several times, but
no words came out. "Think about it, Andreau. It's Christmas. Don't you want to
spend it with your family? The people you love? Gusto rin naman nina Tristan at
Marisse na makasama ka sa Pasko. Family first, right?"

Andreau nodded curtly, and I left him alone to think. Hay nako, sana naman nabago
ko ang isip niya kahit paano. Sana hindi nasayang ang laway ko sa kakaaway sa
kanya.

**

The shoot resumed 30 minutes later. Thank God kalmado na si Andreau! Todo abang
naman kaming lahat sa magiging announcement niya kaso.. wala. Ugh, hindi ata siya
naconvince sa sinabi ko kanina. Ano kayang sinabi ko na mali? The sex thing? Hello,
totoo naman 'yon ah!

Nilapitan ko si Kami habang inaayos niya ang costume niya. Great, ako na ang
conversation initiator ngayon. "Hey Kami," humarap siya kaagad sa'kin. "I'm so
sorry ha? I did every—"

"No no, it's okay. I understand. And.. we actually heard your shouting match
earlier," nakangiti niyang sabi. There's something about her smile na.. nah. I must
be imagining things. "Baka bukas magbago na isip niya. Mukhang okay na siya o!"
Nakalimutan na ng lahat ang problema nila nang tawagin na sila ni Andreau for the
take. Me? Sitting pretty lang ako behind the monitors. Ako nga pala ang script
supervisor ng Tila.. na hindi ako sure kung legit position ba sa production crew.
Well.. Andreau said so. Maniniwala na lang ako. (Or I'll Google it later.
Pinahirapan ko pa sarili ko!) We're shooting one of the pivotal scenes sa apartment
ni Eddie, at ito ang part na ako ang nagsulat. I'm so excited na mapanood 'to kaso
antok na antok na ako. Wala pang 5PM for the love of God, pero pang-11PM levels na
pagod na 'tong katawan ko.

They're in the middle of the scene when I felt myself dozing off. Shit, nakakahiya
namang makatulog ako dito sa set! Bukod sa possible bad impression, natatakot din
ako sa stolen shots ni Eddie, ang self proclaimed professional stolen shot
photographer. I don't like unglamorous photos of myself FYI.

Tatayo pa lang sana ako para magpaalam kay Andreau for a quick coffee run nang
akong hinarang ng AD ni Andreau. "Zade, here you go," sabi niya sa'kin sabay abot
ng isang venti cup from Starbucks. Huh, weird. May telepathy na ba ako ngayon?

Never pa akong tumanggi sa libre, lalo na pag kape. I immediately accepted the cup
and smelled the— "Wait.. is this—"

"Venti caramel macchiato with six shots of espresso and extra extra caramel," he
replied with a smile.

"Paano mo nala—" oh right. Andreau must've told him. Ako pa ba ang nagulat? Silang
dalawa lang naman ni Kesh ang may alam sa addiction ko sa espresso. At sila lang
ang hindi judgemental kapag six shots ang pinapalagay ko. (The world is a cruel
place for espresso lovers like me.)

Nabuhayan ako ng loob at diwa dahil sa kapeng 'to. Hay Andreau, you can't just
bribe me with my favorite coffee. Oh well.. medyo effective nga siya bu—

One thing caught my eye, though. Instead of Andreau's name on the cup, I saw a
drawing. Andreau's drawing.. or doodle... basta trying hard na drawing pero hindi.
It's a stickman.. or girl (because long haired? O baka lalaki talaga 'to??) na
nakaskirt (so it's a girl) na may malaking smile sa mukha. May hawak siyang mga
papel (or an iPad, can't distinguish) and.. oh. May backpack.

It's me.

Dinrawing ako ni Andreau Cortez.

God this guy's a dork. And an idiot. A dorkiot. Or idiork. Triple shit I'm
inventing words right now.

This mere drawing made my stomach do little flips. Dami niyang time para i-drawing
ako ha! Pero in fairness, A for effort. Ang panget niyang magdrawing pero.. ugh
Andreau Cortez minsan sarap mong kotongan ha!

Paunti-unti lang ang inom ko sa kape kahit gustung-gusto ko nang laklakin 'to.
Nahiya naman ako kay Andreau, baka sa kanya pala 'tong kape at joke lang yung
drawing sa cup. Pero.. ang sarap talaga ng kape.. at nung drawing.. nawala pagod
ko. Swear. Nag-away nga ba kaming dalawa kanina? Parang hindi naman?

After ng take nila, nilapitan ko si Andreau sa may cameras. Kausap niya yung
cameraman at gaffer (siya na mayaman swear) nang tapikin ko siya sa balikat. He
glanced over his shoulder, at nung nakita niya na ako 'yon, agad siyang humarap
sa'kin. "Uhh.. yes, Zades?"

Wow, using the professional and innocent tone ha. Not having that now, sir.
"Uuhhmm.. can I talk to you for awhile? Saglit lang, promise," I tipped my head to
the side, grinning. The look on his face.. goodness, kinakabahan siya. Is he scared
na bigla ko siyang sapakin sa harap ng ibang tao? "Kung okay lang sa inyo, guys?" I
smiled at the others. They seemed to get the idea at nagpaalam na kay Andreau na
may aayusin daw or something.

"So?" I said once the others were out of earshot. Andreau looked down at me with
that shy expression I secretly love. "You bought me coffee."

Napangiti siya sa hawak kong cup. "Y-yeah. That I did."

"Just when I really needed it."

"Yeah. I know."

Much to his surprise, I handed him the cup (well, kinda forced it). Ayaw pa niya
sanang tanggapin kaso natakot ata siya sa pandidilat ko so he gave in and drank
some. It wasn't weird for us to share coffee now. Sa halos araw-araw naming
pagtambay sa Café Feliz last sem, marami-rami na ring instances na nagkamali kami
ng dampot ng mug. Thank God hindi siya maarte!

"Ang OA naman nung ngiti ni ate sa drawing mo," biro ko sa kanya habang umiinom
siya ng kape. His mouth curled up to a faint, small smile. "Parang yan nasa horror
movie na weird. The one you made me watch.. with.. Dr. Phil? Was that Hammer or
something?"

Andreau laughed, nearly spraying coffee from his nose.  Dati, nung hindi pa kami
super close, I really thought na hindi kayang tumawa ni Andreau nang ganito. Sure,
he has different dazzling smiles.. pero iba pa rin yung full on hearty naiiyak na
ako sa kakatawa laugh. I would never get tired listening to his laughter. Wala
lang, ang sarap pakinggan. Parang.. ang tagal sa kanyang pinagkait na tumawa ng
ganun, pero ngayon, malaya na siya.

What am I saying? Coffee overdose na ba 'to?


"You know that's Saw, right? God you really messed that up on purpose!" he
exclaimed right after his laughter subsided. Hah, operation erase the awkwardness
is a success! "And about the drawing, that's the best that I could do. A for
effort, Zades." Sighing deeply, he handed me back my coffee and placed his hand
inside the pocket of his jeans. Shy Andreau is really darn cute. "Zades?" he said
quietly.

"Hmm?"

He inched closer to me and I felt his hand sought mine. That made me looked up at
him, totally confused. "I'm sorry," Andreau said apologetically, his eyes fixed
unto mine. Kitang-kita ko sa kanya na nahihirapan siyang magsorry. Ang problema
kasi rito kay Andreau, nahihirapan siya na magsorry kasi aminado siya na minsan
hindi niya inaacknowledge na mali siya (hmmm...). Na mas gusto niyang maunang
magsorry ang iba bago siya. Pero kapag aware siya na siya ang may kasalanan,
mahihirapan siyang magsorry pero kapag nasabi na niya 'yon, malulunod ka naman sa
redundancy. Sumasakit din ang ulo ko sa issues niya minsan, Lord.

Smiling up to him, I said. "I accept the coffee, not the apology," the smile on his
lips faded turned into a small pout. I can never unsee a Pouting Andreau. It's
weird, cute and amusing at the same time (and also it gives me feelings). "Right
now, fix your issue with them. Mas importante 'yon kesa sa away natin. We'll deal
with our issues later, okay?"

He let out a bit of a breathless sigh as he gave my hand a quick squeeze before
letting go. "Yeah, okay. I will. And you're right. Dapat tinanong ko muna kayo bago
ako nagdesisyon.."

"See? I'm always right. I'm here to pull your head out of your ass, remember?" I
patted his chest lightly. "Honestly, Andreau, how will you survive without me?"

His reply was just that smile again. Wish I could decipher what that smile means.
"Okay. Later," he murmured.

"Yeah. Definitely later."

I let him talk to the cast and crew alone, watching him from afar. Hindi ko marinig
kung anong sinasabi niya pero by the looks of it, he handled it pretty well. Hah,
Andreau wearing his big boy pants! What a work in progress, that man. Natawa nga
ako sa kanya, he rambled somewhere in the middle (with hand gestures), na rarely
niyang ginagawa. After his little speech, mukhang naging mas okay ang aura niya at
ng lahat. All of them were laughing, including Kami na halos mabanat ang mukha sa
kakangiti. She even mouthed a short thank you at me just before the next take. Ang
saya, I saved the day again.

(Kaming dalawa ni Andreau? Our later became the next day since bumalik siya sa
Serious Director Andreau mode niya. Dinalhan niya ulit ako ng burgers as peace
offering and the usual Solid? Diamond thing to fix our issue. Aaah.. life is
definitely good.)
// FLIRT //

Thursday ang favorite day ng buong Tila cast and crew kasi.. wala kaming shoot. Si
Andreau na mismo ang nagdecide nun nung una pa lang para raw may break kami to do
our non-Tila things. Buti na lang talaga walang shoot kapag Thursday, doon pa naman
jampacked ang schedule ko. On the other hand, tuwing Thursday aasikasuhin ni
Andreau ang preparation niya for his China trip. Goodness, that man. A month and
half away pa ang trip pero nagsisimula na mag-organize ng kung anu-anong listahan
at likes. He couldn't give himself a short break!

Worried about his well being, pinilit ko siyang magdinner sa favorite burger joint
namin kasama si Tristan that Thursday night. Ilang linggo ko na rin hindi nakikita
si Little Boss since sobrang busy ko with other things! Si Mars na nga ang naging
temporary tutor niya habang wala ako. I missed Tristan so much!

Malamang, miss na miss din ako nitong si Tristan. Mula sa condo nila hanggang sa
pagkain ng burger, todo kwento siya about his Grade 1 Chronicles. Andreau and I
listened to him earnestly, letting him take the floor. Grabe, ang dami niyang baong
kwento! My favorite was the one with his seatmate, Janelle. Ibang klase rin yung
batang 'yon, biglang hinalikan si Tristan during their snack break at umiyak after!
Sa sobrang clueless ni Tristan, tinawag niya ang atensyon ng teacher nila at
pinatahan si Janelle. Naiimagine ko talaga si Tristan that moment, being cute,
clueless and gentlemanly at the same time. Sobrang adorable!

Hindi kami maka-get over ni Andreau sa kwento ni Tristan, na topic pa rin namin
'yon nung hinatid niya ako sa dorm. Ewan ko ba dito, inuna pang hinatid si Tristan
sa Skyline kesa sa'kin kahit mas malapit ang dorm ko sa burger joint!

"I told you, Zades. Ibang klase ang charm ng Valerio men," Andreau said, grinning
wolfishly. Kanina pa niya kasi pinaglalaban na sadyang irresistible silang
magpinsan. "See, at 7 years old, Tristan already kissed a girl. That's charm."

I rolled my eyes. "Oy, kapal mo please. That Janelle girl kissed Tristan. Don't
twist things."

"Potato-potahto. It's still a kiss."

"Hay nako it's different nga. Janelle kissed Tristan, not the other way around.
Maybe that's because of the charm thing. Pero hindi lahat nadadaan sa charm niyo
ha. Tristan kissed me. Walang kinalaman 'yon sa charm niyong dalawa. It's all about
my allure."

He laughed a short, choked noise that made me a bit curious. I glanced at him, only
to find a silly grin on his face. "Oh.. your allure. Right, Zades.
Funny

."

"Kapal ng mukha mo please. May pictures at videos na magpapatunay na hinalikan ako


ni Tristan. You even saw it with your two eyes. God, I think I'm a kid catnip. Or a
weird kiss catnip."

Weird kiss from the Valerios catnip ako, hindi ko lang masabi kay Andreau. Doon ko
lang narealize na nahalikan ko na pala ang magpinsan in just one year. Triple shit.
Una, the ref kiss. Then Tristan's birthday kiss. The last one.. the proving the
point kiss. This is so we—

"So.. you kissed the both of us," Andreau stated coolly, looking straight at the
road. "And that sounded so.. weird."

Did I say it aloud? Hindi naman ah?! Seriously, is this because of the brain sex
thing? May kasama na rin bang telepathy 'yon? "Hoy wag ka nga. Don't think about
it. Ang creepy.. and weird.. and.."

His right hand touched my arm, gripping it lightly. "Okay. Let's just drop the
conversation if you answer this question."

"Hmm?"

"Who's the better kisser? Me or Tristan?"

Napabalikwas ako sa tanong niya. "Seriously, you're asking me that?!" I exclaimed


in shock. Ngiting-ngiti naman 'tong loko sa reaksyon ko. "I'm not gonna answer
that."

"But why? Simpleng tanong lang naman ah. Just answer it and we're good."

I shook my head profusely. "No. You're baiting me, Cortez. Kapag si Tristan ang
sinagot ko, you'll go full on broody and ask me kung bakit hindi ikaw ang pinili
ko. Kapag ikaw naman ang pinili ko, dagdag na naman sa napakalaking ego mo 'yon at
baka pumutok ka na. In the end, ako ang kawawa so I'm not gonna answer that
question, Francisco."

"Aww.. killjoy."

"Tse. Hindi ako killjoy! And besides, kayong dalawa ang humalik sa'kin at 'di ako.
At sa'yo na rin nanggaling na hindi kiss yung sa'ting dalawa so.. your point is
invalid, Andreau. Now drop this subject or else tatalon ako palabas ng sasakyan
mo."
Tumawa na naman siya. "Just so you know, I'm a good kisser."

"Sino nagsabi? Si Ms. Klara o sina Jillian?"

Natigilan siya sa sinabi ko. Hah, subukan pa niyang kulitin ako dito sa kiss issue,
ibi-bring up ko talaga ang first kiss niya. Kaso shit.. baka naman pag sinabi ko
ulit 'yon, bigla niyang sabihin na alam niya yung ref kiss! Oh my god, maybe this
is just a bait. Hinuhuli niya siguro ako para umamin dun sa kasalanan ko nung
February.

Oh no. No no no Zades. Stop talking about kisses. Madudulas ka la—

"Wow, low blow, Zades. Low blow," sabi niya, kunwari pang nasasaktan pero amused
naman ang loko. "Don't bring up that one again."

"Then stop asking me about kissing!"

"I'll stop if you answer my simple question. Swear."

Pinitik ko ang tenga niya sa sobrang inis. "Ewan ko sa'yo Andreau Cortez ang kulit
mo! Pasalamat ka nagdidrive ka dyan kundi nahalikan na kita para manahimik ka na
bwiset ka!"

All of a sudden the car stopped. Thank God for seatbelts, muntik na akong tumalsik
sa biglang pagpreno ni Andreau. "What the hell!? Gusto mo ba ak—"

Andreau held his hands up in surrender. "Not driving anymore, Zades," he said,
giving me a glorious smug smirk.

I just stared back at him, mouth wide open and in shock. He didn't just.. I didn't
say.. Shit. Triple freaking shit.

Andreau's flirting with me. Again. At ako 'tong si tanga, gumatong pa.

Triple freaking shit.

"MABAHO KA!!" pinagsusuntok ko siya sa braso nang makarecover ako. Nakakainis yung
smirk sa mukha niya! Damn it, that stupid smirk annoyed and made me blush at the
same time. Never talaga akong hindi magugulat sa Flirty Andreau dear God.
"Paandarin mo 'tong sasakyan! As in!"

"Nope. Not gonna do that. Sinunod ko lang naman ang sinabi mo ah. Now.. not driving
anymore Zades."
"And now you're expecting me to kiss you?"

"What do you think?"

With that, kinurot ko siya ng sobrang diin sa braso. "Hoy! Mabaho ka! I'm not gonna
kiss you!!! Pinag-usapan na natin 'to before, 'di ba? No more kissi—"

"If I remember correctly.. wala akong pinangako. I even said that I might do it a—"

"Aaaghh Andreau ano ba!!!" umiwas na ako ng tingin at tinakpan ng bag ang mukha ko.
Tatawanan niya lang ako pag nakita niyang kayang-kaya niya akong mapa-blush nang
ganito. "Joke lang kasi 'yon! A rant! You know me, I always say weird things.
Weird, Andreau. And why would I kiss you anyway? Kiss deprived ka na ba? And I've
had enough kisses in my lifetime. I can die without kissing an—Oh god fifty shades
of shutting up right now."

I swear his car shook a bit when he roared in laughter. Halos maiyak na siya sa
kakatawa! "Oh God.. I'm just kidding, Zades. Hey, Zades! Huy, wag ka na magtago
dyan! I can totally tell you're blushing. It's adorable."

"Adorable ka dyan mabaho ka! Just freaking start the car!!!"

Still laughing, Andreau started the car and continued driving. Hindi man lang niya
tinago ang kasiyahan niya na bwisitin ako ngayong gabi! Ano bang klaseng kasiyahan
ang naidudulot sa kanya ng pagbublush ko? Hello, hindi na niya kailangan pang
halikan ako! He could just smile at me with that smile or show his abs or his
scruff mamumula na ako! Wag na yung kiss! Naaalala ko na naman kasi damn it!

Ngiting-ngiti pa rin siya hanggang makarating kami sa dorm. Bahala siya sa buhay
niya, 'di ko na ulit siya kakausapin ever.

"Mabaho, goodnight," sabi ko bago ko buksan ang pinto ng sasakyan niya. "And for
the record, you will never kiss me again."

"That's fine, Zades. I'll never kiss you again. But you're free to claim my lips
anytime. After all, I'm your guy. Part of my job description."

The blush on my cheeks blossomed to a full on red. The way he says things
sometimes.. sarap niyang suntukin sa mukha!

"Mabaho ka talaga kahit kelan, Andreau Cortez!!!!! Maligo ka pag-uwi mo pwe!!!"

(the sound of his laughter haunted me that night. Screw him.)


**

// TALK //

After a very long and tiring week, ineexpect ko na magkakaron ako ng saglit na
relaxation ng Friday night. Maaga natapos ang shooting naming dahil may meeting si
Andreau with his other work-related friends. I took this early night off para
magrewatch ng Doctor Who at bonggang bumawi ng tulog. I badly needed a break from
acads and Tila, tsaka minsan ko lang masolo ang dorm namin ng Friday night. (Nasa
org house si Kesh ngayon, busy sa pag-aayos ng fund raising activity nila)

So there, I was enjoying my happy little bubble nang may dumating na epal na text
ng bandang 2AM.

It's from my prof. Ang pinakaayaw kong prof ngayong sem. Why? Kasi feeling niya
alam na namin lahat ng tinuturo niya to the point na wala na siyang ineexplain.
Gets na raw namin 'yon blahblah since matatalino naman daw kami blahblah and all
that crap.

At ang text niya sa'min? Gusto niyang magpasa kami ng review of related literature
next next Friday.

Two weeks.

50 freaking pages. Minimum. At ang finale? Dapat paraphrased, precis at kung anu-
ano pang anek na gusto niya.

Wow, sir. Diyos ka?

It's so frustrating! Iniisip ko pa lang ang mga ireresearch ko.. nanlulumo na ako.
Paano ko ipagsisiksikan lahat 'yon sa isang linggo? Maghahanda pa ako sa alumni
homecoming ng org, Tila, at iba pang subjects! UGH SIYA LANG BA ANG PROF KO SA
MUNDO!?

Isa lang ang ibig sabihin nito: I have to give up one thing. Hindi pwede yung sa
org.. magagalit ang orgmates ko. Hindi rin pwede acads.. lagot din ako sa nanay ko.

So... I have to give up Tila. For one week.

Kinapalan ko na ang mukha ko. 2 AM naman na, probably tulog na si Andreau at bukas
na niya mababasa ang text ko.

To: Andreau Sungit


            Pssst. Uy, okay lang ba na wag muna ako pumunta sa shoot starting tom?
Pagninilayan ko muna ang life choices ko. Bukas ko na lang iexplain, lutang na ako.
goodnight

Nagsisi agad ako nang masend yung text. Loko ka, Pascual. Sana inayos ko man lang
ng wording yung te—

EXTERMINATE! EXTERMINATE!

HOLY SHIT. MY PHONE'S RINGING.

Hindi ko na tignan pa ang screen. Sa ringtone pa lang alam ko na kung sino 'yon. Si
Andreau. (He doesn't know na Dalek ang ringtone ko sa kanya. I'm sure maiinis
sa'kin 'yon pag nalaman niya. Niresearch ko pa nga kung paano i-customize ang
ringtones sa iPhone. Kamusta po ang dedication ko para mainis siya ano?)

Sa sobrang kaba at lito ko, I cancelled his call. No, I can't talk to him like
this. Sa text pa nga lang naiiyak na ako, paano pa kaya kung marinig ko na ang
boses niya? I'm sure papagalitan niya ako at maglelecture siya about commitments
and priorities. God, I could hear the disappointed voice inside my head. Ayoko na
talaga.

Bago pa niya ulit ako tawagan, nagtext ulit ako sa kanya.

No calls please. Bukas ng umaga na lang tayo mag-usap. Sorry kung nagising kita.
Night.

Wala pang 30 seconds nakatanggap na ako ng reply.

What's wrong?

Hala patay. Hindi ako lulubayan nito.

Wala naman. May kailangan lang akong gawin. Acads stuff. Bukas na lang natin pag-
usapan.

Zades. Ano nga?

I'm calling you.

Wag ka nga. Don't call me.

Facetime?
Don't call me nga tapos Facetime. Bangag ka ba

Facetime o pupunta ako dyan. Take your pick.

Holy shit naman, Francisco!? Of all times na kukulitin mo ako, ba't ngayon pa?

Ayoko namang gumawa siya ng eksena dito sa dorm, baka ma-Chismis Squad ulit kami.
Baka maloka ako lalo sa dagdag na problema. Psh, fine. No choice ako kundi mag-
Facetime. Nakakainis, tinext ko kasi kaagad!

Oo na. Sige na. Ikaw na tumawag.

Pinatay ko muna ang ilaw sa kwarto namin habang hinihintay ang tawag niya. Aba,
ayokong makita niya na panget at problemado ako ano! Baka asarin niya ulit ako ng
haggard eh!

His tired but still handsome face appeared on my phone screen. Wow, siya na ganun
kapresentable kahit stressed na! Hmm.. nasa sofa siya ng sala niya. That means
either nanonood siya ng series o pinapagod ang sarili sa non-existent na trabaho.
Tsk tsk, kahit kelan!

"Uy Zades! What's wrong?" he asked softly. Suddenly, Andreau squinted his eyes.
"Zades? Brownout ba dyan sa inyo?" tanong niya sa'kin.

I chuckled lowly. "Hindi, sira. Pinatay ko lang yung ilaw."

Kumunot ang noo ni Andreau. How cute. "Huh? Why?"

"Basta."

"Di nga? Anong meron?"

"Uhmm.. I don't know where to begin," I said with a sigh. Andreau frowned and was
about to ask something when I cut him off. "Ano kasi.."

"May problema ba sa crew? Script? Shooting schedule? O si Kami? Galit ka pa rin ba


sa'k—"

"Andreau, stop. You're being ridiculous."

"Then what's the problem?"


"Acads stuff nga," I replied in a small voice. Right move na pinatay ko ang ilaw,
hindi ko namalayan na tumutulo na luha ko. "May kailangan kasi akong.. akong gawing
paper.."

"Zades.. sshh. Don't cry."

"Kanina pa ako naiiyak dito, okay!? Grabe naman kasi! Sobrang unreasonable!" I
finally lashed out. Andreau was completely shocked but didn't say anything. "Bwiset
naman kasi si Sir! Akala niya siya ang araw!"

"What did he do this time?"

Umupo na ako sa kama ko at kahit hindi niya nakikita, nagtali ako ng buhok.
"Nagtext kanina, 2AM. May deadline kaming paper in two weeks," I started off, tears
in my eyes. "Okay sana kung simpleng reaction paper lang or something, kayang-kaya
i-cram 'yon. But no, gusto niya RRL! 50 freaking pages minimum! 1.5 spacing! Nahiya
pa siyang gawing single spaced! Bawal pa direct quotations! My God.. paano ko
pagkakasyahin lahat ng gagawin ko in two weeks!? This week magpeprepare na kami for
alumni homecoming. Tapos next Thursday na 'yon! May reporting pa ako sa 120 at 113
on Wednesday. May shooting pa.. and.. oh my god I don't know what to do anymore," I
cried, almost like a whine.

"Zades.. it's okay," he said reassuringly, so concerned that it calmed me down a


bit. "Tungkol saan ba yung paper mo?"

Wiping away my tears, I replied. "About sa film adaptations ng novels ni Jane


Austen. Lahat ng film adaptations! My god Andreau, paano ko gagawin 'yon? I've only
seen two! At ang tagal na non! Magreresearch pa ako ng impacts ng films na 'yon sa
understanding ng mga tao, kung same message rin ba ang meron sa films and novels.
Ugh this is so hard! Paano ko—"

"Hey, calm down. Walang mangyayari kung iiyak ka lang dyan, Zades," Andreau half-
smiled, eyes still full of concern. "So.. you need the RRL in two weeks? I have an
Austen collection here if you want. Pwede ko ipahiram sa'yo."

Shit, nahiya ako bigla. Parang ewan 'tong paggambala ko kay Andreau. Sinasayang ko
oras niya sa kaka-rant ko ng mga bagay na hindi naman siya concerned. Magpapaalam
lang ako eh. Tapos ngayon.. tutulong pa siya. So embarrassing! "Sus, wag na.
Magreresearch na lang ako. Kailangan ko lang ng time off sa shooting if that's
okay. Starting sana buka—"

"Stop changing the subject, Zades. If you need something, just ask me. I can help
you."

"Time off is all I need, Andreau. And your blessing. Nakakahiya na sa'yo, ang busy
mo ka—"

"Okay, whatever you need, Zades." He huffed in completed surrender. Buti naman at
'di na niya pinagpilitan pa, mapapaaway na naman ako nang wala sa oras. "So.. two
weeks without you, huh. The guys will totally miss you."

"Please lang ha," I couldn't help but roll my eyes, on which I heard him chuckle.
Wow, kita niya 'yon kahit sobrang dilim ng view ko rito? E 'di siya na may malinaw
na mata! "Wala nga akong masyadong ginagawa dun besides minor edits eh. Pero
mamimiss ko rin kayo promise. Mas gusto ko pang pumunta sa set kesa magresearch ng
kung anu-ano about Jane Austen. I love her so much pero lunod na lunod na ako sa
kanya."

He smiled again, much softer this time. "Can I say something?"

"Hmm?"

"Kinabahan ako dun sa text mo kanina," he quietly admitted, looking down. "I
thought may nangyaring hindi maganda sa set na ayaw mo kaya—"

Oh boy, I knew it. "I'm so sorry about that, Andreau," I said contritely. "That was
an implusive text. A very frustrated and impulsive text and I won't do it again.
Ahah, another addition in your Andreau's Don't Do That Again list mo: don't sent
impulsive text messages. Very well noted, Boss."

Silence engulfed us and I felt myself get lighter. Kanina lang gusto ko na manakit
ng unan (hanggang unan lang, 'di ko kaya ang tao) at kalbuhin ang sarili ko sa
sobrang frustration. Pero ngayon? Wala na. A small talk with him made a big
difference. He clearly understood me right away, and I'm very grateful for that.
Listener na siya ngayon my golly. So darn proud.

"Andreau?"

He blinked. "Huh?"

"Sa tingin mo ba matatapos ko 'yon?"

As if on cue, his mysterious smile appeared, melting away the last strains of
frustration inside me. "You're Scheherazade Pascual, the brightest and smartest
woman I know. Napaganda mo nga ang script ko, tapos sa isang RRL ng favorite author
mo susuko ka? Please, woman up. You can do it, Zades."

"Wow, thank you ha," I gushed a bit, blushing like hell. "Galing mo ring mambola,
ano? Sige na nga, dadaanin ko na lang sa ganda at talino 'tong paper. Keber na
keber ko na 'yon!"

"Basta Zades, just always remember: nanakorobi yaoki."

"Ha? Ano 'yon? Minumura mo ba ako in Japanese?"


Walang tigil si Andreau sa kakatawa sa sinabi ko. Hala, parang engot talaga 'to.
Pinabayaan ko na lang siyang tumawa, ayokong nakawan siya ng saglit niyang
kasiyahan. It's good to hear him laugh and talk to me like that.

"Siraulo," he said after a minute of laughing. "That's a Japanese phrase meaning


fall seven times and stand up eight. So.. don't give up, Zades. You'll definitely
kill that paper."

It was my turn to laugh like a hyena. "W-walang hiya ka," sabi ko sa kanya. "Saying
weird words is my job! Ba't mo ako inaagawan!? Nagsearch ka ng word porn para
lamangan ako, ano?"

"What? No. I've been watching old Japanese films lately. Wag ka nga, minsan lang
ako magcontribute ng weird words?"

"Old Japanese films nga ba? Or Japanese art films?" I couldn't help but tease him.
Si Roldan kasi, inaasar din si Andreau one time na may extensive art film
collection daw. When I researched about it.. let's just say na not safe for work
pala 'yon. Goodness gracious nagbura ako ng browsing history ng laptop ko.

"Zades!" he exclaimed loudly, cheeks suddenly turned to light pink. "What the
hell!? Wag ka ngang maniwala kay Roldan! And don't talk to him ever again, okay?"

Malakas na tawa na lang ang sagot ko sa kanya. Moments later naki-join na siya sa
pagtawa ko. Haayy.. Wala lang. Months ago, never kong naimagine na aabot kami sa
ganitong point, na may tawagan portion ng 2 AM para magvent out. I'm not
complaining at all. In fact, I'm very very grateful to have this in my life right
now.

**

// PROTECT //

I spent my whole weekend watching Jane Austen films. Oo na, bumigay din ako sa alok
ni Andreau na pahiramin ako ng Austen collection niya. Na kinagulat ko since ang
dami palang Jane Austen movie adaptations! Dear Lord, six books lang naman ang
nagawa ni Miss Austen sa buong buhay niya tapos.. ibang klase talaga!

In fairness, ang lungkot palang manood ng movie mag-isa ha. I was kinda expecting
na magpipilit si Andreau na manood kasama ko kasi you know, pakitang-gilas siya
lagi when it comes to films. Kaso wrong timing, may out of town trip pala sila ni
Roldan sa Zambales buong weekend at sa Tuesday pa babalik ng Manila. Kahapon nga
lang sinabi sa'kin ni Andreau na may lakad sila eh. Hindi naman ako nagtatampo,
slight lang.

Sunday morning nang ayain ako ni Kesh na sa Café Feliz na lang manood ng movies.
Kahapon kasi hindi rin ako productive; isang movie lang ang napanood ko (inulit ko
lang ang Pride & Prejudice ni Keira Knightley) at ayun, natulog lang ako magdamag.
Siguro nairita na sa'kin si Kesh sa kakareklamo ko about life, kaya hinigit niya
ako papunta rito.

I was in the middle of my third film of the day (Bridget Jones' Diary! My god, I
didn't know na reinterpretation 'to ng Pride and Prejudice!) nang biglang pumasok
si Mars sa napakatahimik na café. And a thing about Mars, scene stealer lagi ang
mga entrance niya. "Kesh!" I heard her ask my roommate na nasa espresso machine.
"Nasan si Zades!?"

The urgency in her tone alarmed me a little. Napacheck tuloy ako ng phone ko. Hindi
naman siya nagtext at once pa lang niya akong tinawagan ever. Ano kayang meron
dito? "Mars!" tawag ko sa kanya. Nakapwesto kasi ako sa favorite spot namin ni
Andreau, sa pinakadulo ng café.

"Hoy teh!! Asan ka ba!!! " todo kaway siya sa'kin. Then to Kesh, "Teh wala namang
customer, sumama ka muna sa'min! Dalian mo!"

Pinause ko saglit ang movie at tinabi ang laptop ko. Ito namang si Mars, masyado
kaming tinataranta ni Kesh! "Hoy, anong meron?" I immediately asked her nang umupo
siya sa may kanan ko. "Ba't 'di ka man lang nagtext? Or kahit taw—"

"Tanda mo nung unang beses na tumawag ako?" she cut me off with an eye roll, "Gusto
mo ba maulit 'yon?"

Right. The first time na tumawag siya sa'kin, hindi kami nagpansinan ni Andreau for
three days. "O-okay fine. Shut up na lang ako," I mumbled quietly. Kahit kelan taob
ako sa kanya!

Kesh and I watched her as she opened her iPad's internet browser. Tinanong pa niya
kay Kesh ang wifi password ng café. This.. is so weird. Ba't siya biglang pumunta
dit—

"Oh my god," I heard Kesh gasp beside me, her eyes wide in shock. Mas siniksik pa
niya ako kay Mars para lang makita yung nasa iPad. "Ba't anong meron? Na-Chismis
Squad ulit si Zades!?"

"ANONG CHISMIS SQUAD KAYO DYAN!?" I exclaimed in panic. Napatingin na rin ako sa
iPad ni Mars and shit, nakabukas nga ang Chismis Squad website. Aagawin ko sana
yung iPad nang paluin niya nang malakas ang kamay ko. "Aray ha! Ang sakit non!"

"Kumalma ka nga muna dyan! Mabagsak ko 'tong iPad ko eh!"

"Mars! Ba't na-Chismis Squad ako?! Na naman? What did I do?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Gaga, kalma nga! Hindi kasi ikaw ang na-Chismis
Squad! Yung baby ko!!"

Baby niya? Sin— "Si Andreau?" halos sabay naming sabi ni Kesh. "Bakit?"

"Teka lang ha, ang bagal naman ng internet dito ayaw magload! O wait, " inayos muna
niya ang hawak sa iPad bago iharap sa'min. "Surprise!"

It took me awhile to finally comprehend what was on the screen. Ang simple lang
naman ng title ng article eh.. kaso.. hindi ko maintindihan. Rather, ayaw
intindihin ng utak ko.

Insta Scoop: Andreau Cortez Responds to a Commenter

Nakahinga ako ng maluwag nang magets ko na. "My god, akala ko pa naman kung ano,
Mars! Si Andreau lang pa—"

"Gaga! Sa tingin mo ba't siya na-CS ulit ha?"

"Eh bakit nga ba?"

In a huff, tumayo si Mars at nakipagpalit ng pwesto sa'kin para nasa gitna namin
siya ni Kesh. "Titigan mo 'tong mabuti ha?" inis niyang sabi habang sinu-scroll
down ang page. "O, ayan!"

Mas hindi nagregister sa utak ko ang sunod na pinakita ni Mars.

It's me. A photo of me. Hindi ko alam kung paano 'to nakunan ni Andreau days ago sa
set ng Tila. Nakikialam lang ako ng

camera

and.. shit, he wasn't even there! Paano niya 'to nakunan!?

"Mars... anong ginagawa ng picture ko dyan?" I dumbly asked her. Natawa na lang ang
dalawa kong kasama sa pagkatanga ko. "No, seriously. Ba't nga may picture ako
dyan?"

Kesh patted my shoulder lightly. "Girl, pinost ni Andreau yan three days ago sa IG
niya."

"Paano mo nalaman?"

"Duh, finafollow ko siya!"


Binaling ko ang atensyon ko kay Mars, na parang tuwang-tuwa pa sa confusion ko.
"Mars! So bakit na-CS si Andreau dahil sa picture ko?"

"Nabasa mo ba yung title, teh? Jusko, for someone na Comparative Lit ang course,
ang hina ng comprehension mo! Gusto mo ba samahan ulit si Tristan sa Grade 1?
Reading ulit?"

"Mars!"

"Oo na teka na!" may ginawa ulit siya sa iPad niya bago ibigay sa'kin. "Wag OA ang
react ha! Kalma lang!"

Tahimik naming binasa ni Kesh ang article. Well, screen shot pala 'to ng Instagram
post ni Andreau, aka my candid shot. May caption na testing ang photo ko. In
fairness ha, naka 14,301 likes ang picture ko in three days! Ganda ko talaga!

"Shit, Zades. Yung comments!" bulong sa'kin ni Kesh sabay turo sa next screenshot.
Oo nga, may nagcocomment dun na trish_1219 ang username.

trish_1219 hindi raw gf pero daming photos sa ig. tsk

trish_1219 i don't really see why he's so fond of her. look, sa kanya lang ang
colored photos. kina sarah and jillian black and white. Unbelievable

dreauster4ver ate ano na naman pinaglalaban mo sa comments mo? trip ni kuya andreau
na colored ang photos nila ni zade. Wag na lang tayo makialam, okay? @trish_1219 J

trish_1219 @dreauster4ver all I'm saying is if hindi sila, why post these photos?
obviously there's something. hindi lang basta magpopost si andreau ng colored
photos kung wala lang, right?

trish_1219 nasira yung b&w feed mo with her colored photos. she's not even good
looking at all. mas maganda pa mga leading ladies mo kesa sa kanya.

trish_1219 sana di masamain nina sarah at jillian tong colored photos. remember
kung di dahil sa kanila di ka sisikat.

sardreau.world grabe ka naman makapagsalita @trish_1219! Why do you care about the
colored photos? HATER ka masyado

trish_1219 @sardreau.world Im just stating my opinion. I have a right to do so

andreaucortez Hi @trish_1219. If you don't like my feed and my posts, you can
unfollow me anytime. Just don't talk trash about Zade. You don't know her that well
so stop judging her based on the photos I posted. Have a nice day! J

Wow.

Just.

Wow.

"Alam mo Zades," napatingin ulit ako kay Mars. She's smiling.. as if.. may
sasabihin siyang pambomba ganun? "First time yan."

"Ang alin?"

She sighed. "Hindi patola yang baby ko. You should've seen the comments nung issue
nila ni Roldan. Mas grabe pa dyan. Pero.. never siyang nagcomment back. Hindi rin
nagblock or whatever. Wala namang pumipigil sa kanya na magcomment back eh."

I couldn't find the right words for my reaction. This is.. weird. Aware ako na may
fans siya na ayaw sa'kin. Hello, never kong makakalimutan yung unang Chismis Squad
blind item ko! Ni hindi nga siya nagreact doon eh! Pero bakit ngayon.. simpleng
comment (okay, it's not simple. Medyo masakit yung comments ni ategirl but
still!!!) lang.. pinatulan na niya?

I don't get it. At all.

"Zades, kiligin ka naman!" sabi sa'kin ni Kesh with matching kurot sa tagiliran ko.
"Pinagtanggol ka ni Andreau oh!!! In public!!"

"Thankful ako, pero ba't kailangan ko pang kiligin?" The two of them stared at me
as if I said the dumbest sentence ever. "Di nga, ba't ako kikiligin?"

"Teh, 'di ba nagregister sa'yo yung comments nung Trish na epal?"

"Uhh.. nagregister naman. She doesn't like me—"

Mars slapped her forehead in frustration. "Uulitin ko ha. Ever since nag-Instagram
si Andreau, black and white na ang lahat ng photos na pinopost niya. Kahit mapa-
scenery, promo posters, selfie.. lahat black and white. Siya ang first Filipino

celebrity

na gumawa non sa feed niya. Then, he broke that theme nung charity ball. Nagpost
siya ng photo niyong dalawa na colored."
Say what? Nagpost siya ng picture naming dati!? How come walang nagsabi sa'kin?

"Issue na 'yon dati pa, girl," Mars continued. "Kaso hindi lang nafeature sa CS na
until now nagtataka ako. Eventually natabunan na rin yung photo na yun until nung
nagpost siya ng

Halloween

costume niyong dalawa. Then yung childhood photo mo. At ang finale.. yang candid
shot mo. Colored, girl. Out of 1001 Instagram photos ni Andreau, apat don colored.
Kasi nasa picture ka."

What.

Bigla na lang napatili si Kesh at niyugyog ako nang bongga. "Oh my god girl!!!
Hindi ka ba kinikilig!?! Kasi ako OO. Utas na ako sa kilig revive me please!!"

Shit.. this is so.. awkward. Anong sasabihin ko!? Malay ko ba na may ganung ganap
sa Instagram? Bastos din 'tong si Francisco, wala man lang pasabi!

"Ano ba kayo guys," I tried my best to sound chill, "ako kaya nagsabi sa kanya na
laging colored ang photos ko sa Instagram niya. You know, mas maganda ako kapag
colored." Please po minsan lang ako magsinungaling sana tumawid man lang at 'di ako
masagasa—

"Hoy umayos ka nga!" kontra sa'kin ni Mars. "Asa ka, hindi mo nga alam na ganun ang
feed ng baby ko eh! Ops wag na tumanggi, kitang-kita ko sa mukha mo girl!"

"Fine! Hindi ko nga alam! Pano ko malalaman eh binago na niya passcode ng iPad
niya!"

"Zades kiligin ka naman!"

"Hindi ako kinikilig! Di uso kilig sa'kin!" Pero deep inside? Konti na lang sasabog
na ako. Alam kong wala sa lugar 'tong kilig ko pero.. Lord, bakit po ganito!?

"Wag ka, teh. Kami nga ni Roldan sobrang tagal na naming pinipilit yan na magpost
ng colored photo namin. Ayaw pumayag. Tapos ngayon.. grabe," Mars sighed. "Ayaw
niyang gawin 'yon nung BZ."

"BZ? What's that?" tanong ni Kesh.

"BZ. Before Zades! Duh!!" pinandilatan kami ni Mars. "My god mga teh, ang witty ko
don, ano? BZ, Before Zades. Matalino na, maganda pa!" proud na proud niyang sabi.

"Mars!!!"

Tawang-tawa ang dalawa sa reaction ko. Eh paano nga ba magreact sa ganitong bagay?
Ugh. I don't know what to feel about this!

"Pero hayaan mo na, Zades," Mars smiled brightly at me. "Protective talaga yang si
Andreau. He shows it in a weird way but.. that makes him adorable.. sometimes."

Yeah, tell me about it. Really adorable. And weird. Adoweible.

**

TUESDAY

At dahil gusto kong magthank you kay Andreau for that (weird) Instagram comment,
sinurprise namin siya ni Mars sa set ng Tila with bribe: hamburgers, cheese fries
and shake. Of course, napabili na rin kami ng pagkain for everybody (at uuwi akong
luhaan dahil naubos ang allowance ko for the week. Worth it naman, nag-enjoy naman
silang lahat sa surprise ko). Nilatag namin ni Mars ang pagkain sa mahabang table
sa harap ng trailer ni Andreau. It was a slow shooting day, minor scenes lang ang
kinunan nila. Pinaghahandaan nila (namin?) ang shoot sa Friday night, sa simbahan
na kasi ang location. That's my favorite part!

"So.. eto sa'yo, boss," sabi ko kay Andreau sabay abot ng cheese fries platter
niya. His eyes lit up upon seeing the food. "Oo na, extra extra cheese sauce, bacon
and lemon garlic dip. You're welcome."

He sat beside me, holding the platter. Medyo namayat si Andreau dahil sa scruff
niya, pero knock out pa rin sa kagwapuhan. So unfair, universe. "Wait.. what did I
do to deserve the extras?" he asked, totally confused. "May kasalanan ka ba
sa'kin?"

"Uy, wala ah. Masama bang maging mabait sa'yo?"

Andreau chuckled. "Hindi naman. It's just.. weird. This is the first time na hindi
mo ako inagawan sa cheese fries."

Usually kasi hindi ako umoorder ng cheese fries at nakikikuha ako sa kanya.
Malamang, mas masarap ang pagkain pag galing sa plato ng iba (given na 'di pa nila
nahahawakan or naduduraan or something). And Andreau being.. Andreau, mapapansin
niya na may something weird sa'kin ngayon. Lagi na lang niya ako napapansin 'di na
ako natutuwa ha.

I leaned over and whispered against his ear. "Thank you. For that Instagram thing.
You didn't have to do that."

He smiled down at me. "Sus, it's nothing. Ang tagal ko nang gustong gawin 'yon,
Zades. I'll do it again if I have to."

Leaning away from him, I patted his arm. "Ano ka ba, no need. Pabayaan mo na lang
sila. Kulang lang sa atensyon 'yon. They'll get over it."

We were interrupted by a blinding flash in front of us. Sabay kaming napapikit ni


Andreau don. "Eddie! Sabi ko sa'yo ninja moves!" I heard Kami's shrill voice in
front of us. She couldn't stop giggling! "Nabulag mo ata silang dalawa eh!"

It took us seconds bago kami nakakita nang matino. Grabe yung flash ng phone ni
Eddie, nakakabulag! "Hoy Eddie! Burahin mo yan pag panget ako!! I don't like
unglamorous photos of myself! Lagot ka sa'kin sige ka!" I threatened him lightly,
in which he replied with a laugh. "Wag na wag mong ipopost sa Instagram yan ha!"

Si Mars naman, natawa sa tabi ni Andreau. "Sus, palagpasin niyo muna yung Chismis
Squad issue nung dalawa bago niyo ipost yan ah? Ayoko na maloka sa dami ng mentions
ko sa Twitter ano!!"

With that, Kami suddenly grabbed a chair and sat across us. Bigla akong kinabahan
sa tingin niya sa'min ni Andreau.. parang.. you know, mangangain siya ng tao. "So
guys, may gusto sana kaming itanong sa inyong dalawa," pasimple niyang sabi habang
naglalagay ng mustard sa burger niya. "We've heard your chismis squad issue
yesterday.. and.." she stopped, then stared right at us. "Medyo matagal na tayong
magkakatrabaho dito. Uhh.. it's okay kung ayaw niyong sabihin yung real score
niyong dalawa but rest assured, walang makakalabas sa'min, especially from me. I
know na medyo madaldal ako and all but.. I could keep secrets. All of us could. And
we support you 120%! This mouth? Locked!" she pretended to zip her mouth.

Andreau and I exchanged weirded out glances, then our eyes landed on them. My god,
lahat sila nakangiti sa'ming dalawa, at sobrang expectant. Lalo na sina Kami at
Eddie, ngiting tagumpay sa'min.

Holy triple shit.

A loud and strangled What came out of my mouth. Nagulat silang lahat sa reaction
ko. "Zades, nabulunan ka ba?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Mars. "Hoy, sumagot
ka!"

"Guys, we're not together," I blurted out too fast. Nang wala pa ring nagbago sa
reaction nila, inulit ko nang mas mabagal. "Guys.. Andreau and I aren't together."

There's a beat of silence, which was immediately followed by Kami's (annoying)


laugh. Nakitawa na rin ang lahat maliban sa'ming tatlo nina Mars at Andreau. "Sus
Zade, okay lang talaga! No need to hide! All of us noticed. It was kinda hard not
to unsee things, you know," sabi sa'kin ni Eddie nang humupa na ang tawa niya.
Andreau must've sensed my discomfort and decided to butt in. "Seriously, guys,
we're not together. Zade and I are just friends," he stated matter-of-factly.

"Yeah, we're just friends. Close friends. That's all," I added a bit
enthusiastically, hoping they would drop the subject ASAP.

The smiles on their faces were replaced with confused frowns. "Weh? Seryoso?" Kami
exclaimed. "We don't believe you."

"We're telling the truth, Kami," Andreau chastised. Then.. "Wait a minute... all of
you.. thought we're together?"

Nagkatinginan silang lahat sa isa't isa bago sabay-sabay na tumango.

UNBELIEVABLE

"What the hell!?" napatayo ako sa sobrang gulat. "Seriously, guys! Hindi nga kami
ni Andreau! We totally scream platonic! Hoy Andreau, tulungan mo nga ako dito!"

"Y-yeah, we're totally platonic," Andreau repeated a bit dumbly. Kaloka, ako na
lang ba magtatayo sa platonic ship naming dalawa!?

"Platonic!? Kayong dalawa? Alam mo ba ibig sabihin non sa dictionary, girl?" Kami
almost shouted in an amused way. "Seriously girl, iba dating sa'ming lahat! You two
definitely exhibit the signs!"

"Signs? What signs?" Andreau and I exclaimed at the same time.

"You guys fight like a married couple, flirt like first loves, talk like
bestfriends and lastly, protect each other like siblings. That totally screams non-
platonic to us."

Napanganga na lang ako sa sinabi ni Kami, habang si Andreau tulala. Si Mars lang
ang tuwang-tuwa, na todo palakpak pa. "Nako girl, love na kita!!!" sabi niya sabay
turo kay Kami. Tapos kami naman ang pinansin niya. "Di ba? Sabi sa inyo, SO
MARRIED!!!"

Before Kami could say anything, I lashed out. "He's not my best friend! My god! And
hello, we're not fighting. We're discussing. Big difference at marunong akong
gumamit ng dictionary!" I felt Andreau's hand gripped my arm tightly, hoping to
calm me down. Inangat ko yung braso ko na hawak niya. "And this? This is a hold of
friendship. A very very platonic hold. Nothing else. We're just close!"

"Eh kasi Zades.. " sabat ni Eddie na medyo nahihiya. "I'm sorry to say this pero..
mukha talagang kayo. The way you talk to each othe—"

"And goodness, the heart eyes! Can't you see the way he looks at you? And the way
you look at her?" Kami let out an exasperated sigh. "And the coffee the other day!
I saw Andreau struggling with the pentel pen. You even shared the coffee like my
parents during mornings! I swear you could cut the sexual tension with a butter
knife."

"Kami!" saway ni Eddie, kaso ayaw patinag ng kaibigan niya.

She dramatically rolled her eyes. "Eh.. fine, let's say 'di kayo," nag-air

quotes

pa si Kami. "But hello, you two have so much chemistry! It's literally insane!
Dude, Why in the hell aren't you two together?"

The question knocked me out pretty bad. First time kasing may magtanong sa'kin
(sa'min) in that way. Yung iba kasi laging ay ba't di kayo? Sayang naman blah blah.
Nanghihinayang agad. Pero yung tanong ni Kami.. iba eh. Hindi siya nanghihinayang.
Gusto niyang malaman kung bakit.. at ramdam ko ang frustration niya.

Pati tuloy ako napaisip na rin.

Bakit nga ba?

My thoughts were interrupted by Andreau's light squeeze on my arm. I glanced at


him, and he seemed.. a bit nervous. Yet he's smiling. Ang weird. "Yeah, Zades," he
said softly. "Why aren't we together?"

Whoa. There, boy. Calm down.

I felt my stomach dropped down a notch with that question. Ibang klase yung
pagkakasabi ni Andreau. He didn't say it para lang matigil sila sa kakatanong.
Gusto rin niyang malaman kung anong sagot ko.

Triple shit, ganito ba ang feeling ng mga artista?

Hindi ko kayang magsinungaling kay Andreau. I promised na isang beses lang ako
magsisinungaling sa kanya (and lie of omission pa, so I don't think it's counted)
at.. anong masama kung sasagutin ko, 'di ba?

"Because you never asked," I said, directing my eyes to him.


No one made a sound, well, except for Mars na napamura sa gulat. I stared up at
Andreau, only to find his eyes wide in.. what? Hindi ko mabasa ang tingin niya
sa'kin. So.. weird.. and comforting at the same time.

"Okay, I get it now," Kami piped in, cutting the tension very quickly. "This isn't
an in-progress, hidden from the press secret relationship, is it? It's a slow burn,
full of denial, stubbornness and shyness, friends to lovers kind of thing. All
right, I can live with that. In fact, yan ang favorite kong love story. Deny deny
muna bag—"

"Okay Kami, tama na," tinakpan na ni Eddie ang bibig ni Kami at pinaupo ito sa tabi
niya. "Sorry na guys, ganyan talaga siya kapag hindi pagod. Daming sinasabi."

Andreau and I fell in a comfortable silence after that, at kumain na lang kami.
It's comfortable, all right, but something bothered me inside. Should we talk about
this? About us?

Wait.. is there an us us?

Goodness, Pascual. You and your possessive pronouns. Don't think about it too much.

=============

SOFTCOPY PREPARED BY WATTPAD TALES


LIKE OUR FACEBOOK FAN PAGE

www.facebook.com/WattpadTalesOfficial

=============

You might also like