You are on page 1of 5

Filipino-1st Summative

Pabula-isang payak na kwento ng mga hayop na pinakikilos at pinasasalitang tulad


ng tao
 Ang pangunahing layunin ng pabula ay magturo ng aral sa mga mambabasa.
 Mga Halimbawa
1. Ang leon at ang daga
2. Ang uwak at ang pitsel ng tubig
3. Ang Pagong at ang koneho
4. Ang asong makasarili
5. Ang kalapati at ang langgam
6. Ang anak at ang nanay na alimasag
7. Ang kambing at ang asong lobo
8. Ang langgam at ang tipaklong
9. Bakit nagtatago sa kuweba ang mga paniki
10. Ang babaeng nagtitinda ng gatas
1. Pangngalang pantangi – mga tiyak (proper) na ngalan ng tao, hayop, bagay,
lugar, o pangyayari. Ang mga ito ay nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa: Starbucks, Gng. Cruz, Pasko,

2. Pangngalang pambalana – mga pangkalahatang (general) ngalan ng tao, hayop,


bagay, lugar, o pangyayari. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik.
Halimbawa: aso, kape, nanay
Pangalang Pambalana Pangalang Pantangi
Bayani Dr. Jose Rizal
Lungsod Lungsod ng San Pablo
Bansa Pilipinas
Aklat Bukal ng Lahi
Kaibigan Jazlyn

Ang mga pangngalan ay maaaring ipangkat kung ito ay kongkreto o di kongkreto.


Kongkretong pangngalan - ay mga pangngalang nahahawakan, nasasalat,
naririnig o nakikita.
Di kongkretong pangngalan – ay mga pangngalang di nakikita o nabubuo lamang
sa isipan o nararamdaman.

Pangngalang Kongkreto Pangngalang di Kongkreto


Puno Upuan Pagkagulat
Halaman Kuya Pagkasabik
Ate Mama Kalungkutan Kasiyahan
Palengke Ngiti Pagkakaisa Pagmamahal
Luha Lugar Pagka galit Panaginip
Salamin Manok Gutom Himala Pag ibig
Dyaryo Radyo Kaunlaran
Panyo Pari Kabayanihan Paniniwala
Pagkain Bus Kahirapan Paggalang
Kama Unan Katahimikan Pag-aalala
Magalang Kasungitan

Ang Palansak at di palansak na Panggalan


Palansak-tawag sa pangalang isinasaalang alang bilang isang grupo
Di palansak- maaring bilangin ng isa-isa
Di-Palansak Palansak
Manga Piling
Langka Buwig
Mansanas Kawan
Kamatis Lahi
papel Hukbo
Notebook Tumpok
Lapis Bungkos
Aklat Pumpon
buko pulutong
Pagkilala sa pangngalang may lapi
Pangngalang may unlapi (unahan ng salita)
Kasama
Kaibigan
Magkaibigan
Mag-ina
Magtiya
Pangngalang may gitlapi (gitna ng salita)
Sinabi
binili
Pangngalang may hulapi (hulihan ng salita)
Palayan
Daanan
Peryahan
Hulmahan
Pangngalang may kabilaang panlapi (magkabila ng salita)
Pagawaan
Palaruan
Paaralan
Pagamutan
PANLAPING MAKANGALAN

"an" at "han"

1. Lalagyan ng marami sa bagay na isinasaad ng salitang-ugat


halimbawa: aklatan, bigasan, manukan, palayan, tindahan

2. pook na ginaganapan ng kilos ng salitang-ugat


halimbawa: aralan, lutuan, laruan, labahan

3. panahon na maraming pagganap sa isinasaad ng salitang-ugat


halimbawa: pistahan, anihan, taniman, uwian

4. gantihang kilos
halimbawa: barilan, balitaan, sulatan, suntukan

5. di karaniwang laki o labis na dami


halimbawa: pangahan, duguan, uluhan, sugatan, duguan

"in o hin"

1. relasyong isinasaad ng salitang-ugat


halimbawa: tiyuhin, amain, inapo

2. kahugis ng isinasaad ng salitang-ugat


halimbawa: inubas, pinalay, sinampalok

"ka"

1. kasama sa pangkat
halimbawa: kalahi, kagrupo, katropa, kabayan

2. relasyon na isinasaad ng salitang-ugat


halimbawa: kalaro, kagalit, kaaway, kasuyo

"ka – an"

1. nagsasaad ng pinakasentro na salitang-ugat


halimbawa: kabayanan, kanayunan, kabahayan
2. nagsasaad ng kasukdulan ng pangyayari
halimbawa: katanghalian, kainitan

"mag"

1. nagsasaad ng relasyong tinutukoy sa salitang-ugat


halimbawa: maglolo, mag-ama, magkapatid, magbayaw

2. mag- na may pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat na nagsasaad ng gawain


o propesyon
halimbawa: manggagamot, manbibigkas, manananggol

"tag"

1. nagsasaad ng panahon
halimbawa: tag-ulan, tag-araw, taglagas, tagsibol

"taga"

1. nagsasaad ng gawaing isinasaad ng salitang-ugat


halimbawa: tagaluto, tagalinis, tagawalis, tagabasa

"an/han"

1. nagsasaad ng pinaggalingan
halimbawa: talasalitaan, talaarawan, talatinginan

You might also like