You are on page 1of 5

Ano ang Panghalip Pananong

Ang panghalip pananong o interrogative pronoun sa wikang Ingles ay isang


uri ng panghalip na ginagamit sa pagtatanong o pagsusuri ng impormasyon
tungkol sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. Karaniwan, ito ay tumutukoy
sa mga salitang tanong tulad ng sino, ano, alin, kanino, saan, at kailan.

1. Sino – Tumutukoy sa isang tao.


 Halimbawa:
 Sino ang nagluto ng hapunan?
 Sino ang umubos sa masarap na adobo?
 Sino ang bida sa pelikulang pinanood mo?
 Sino ang iyong pinakamatalik na kaibigan?
2. Ano – Tumutukoy sa isang bagay o konsepto.
 Halimbawa:
 Ano ang paborito mong pelikula?
 Ano ang ginagawa mo dito?
 Anong oras na ba ngayon?
 Ano ang pinakamagandang lugar na
napuntahan mo?
 Ano ang iyong paboritong kanta?
3. Alin – Ginagamit upang pumili sa pagitan ng bagay o tao.
 Halimbawa:
 Alin ang mas gusto mo, kape o tsaa?
 Alin sa mga damit ang gusto mong isuot sa
party?
 Alin ang mas gusto mong prutas, mansanas o
orange?
 Alin sa mga kotse ang gusto mong bilhin?
4. Kanino – Tumutukoy sa pag-aari ng isang bagay.
 Halimbawa:
 Kanino ang susi na ito?
 Kanino galing ang regalong ito?
 Kanino mo ibibigay ang bulaklak?
 Kanino ang perang natagpuan sa kalsada?
5. Saan – Tumutukoy sa isang lugar.
 Halimbawa:
 Saan ka nakatira?
 Saan mo gustong magbakasyon?
 Saan ka nag-aaral?
 Saan mo gustong magtrabaho pagkatapos
mong magtapos ng pag-aaral?
 Saan ka pupunta bukas?
6. Kailan – Tumutukoy sa oras o petsa.
 Halimbawa:
 Kailan ang iyong kaarawan?
 Kailan nagsimula ang palabas na ito?
 Kailan ang iyong graduation?
 Kailan mo balak mag-asawa?
 Save

Uri ng Panghalip Pananong


Mayroong dalawang uri ng panghalip pananong, ang isahan at maramihan:

Panghalip Pananong na Isahan


Ito ay ang mga panghalip na ginagamit upang itanong ang impormasyon
tungkol sa isang tao o bagay lamang. Ang mga halimbawa ng salitang
pananong sa isahan ay ang ano, sino, alin, ilan, magkano, at kanino.

Mga Halimbawa ng Panghalip Pananong na Isahan

 Sino ang nagturo sa iyo ng pagluluto?


 Ano ang pangalan ng iyong aso?
 Saan ka nakatira?
 Kailan ang iyong kaarawan?
 Kanino mo ibinigay ang libro?
 Alin ang gusto mong kulay sa dalawa?
 Magkano ang repolyo?
 Anong oras ang iyong klase?
 Saan mo itinapon ang basura?
 Kailan ang iyong alis papuntang ibang bansa?
 Anong klaseng cellphone ang gusto mong bilhin?
 Kanino galing ang mensaheng ito?
 Saan mo nakuha ang balita?
 Anong pangalan ng iyong guro sa Filipino?
 Kailan mo tatapusin ang iyong proyekto?
 Ano ang kahulugan ng salitang “pagmamahal”?
 Saan nanggaling ang amoy ng bulaklak?
 Sino ang kasama mo sa paglalakbay?
 Anong uri ng halaman ito?
 Kailan ang huling pagkikita ninyo?
 Alin sa mga sapatos ang gusto mong suotin?
Panghalip Pananong na Maramihan
Ito naman ay ang mga panghalip na ginagamit upang itanong ang
impormasyon tungkol sa dalawa o higit pang mga tao o bagay. Ang mga
halimbawa nito sa maramihan ay ang anu-ano, sinu-sino, alin-alin, ilan-
ilan, saan-saan, magka-magkano, at kani-kanino.

Mga Halimbawa ng Panghalip Pananong na Maramihan

 Sinu-sino ang mga kasama mo sa paglalakbay?


 Anu-ano ang mga paborito mong pagkain?
 Saan-saan mo ibig magpunta sa iyong bakasyon?
 Kani-kanino mo ibinahagi ang iyong kwento?
 Magka-magkano kaya ang tumpok ng gulay?
 Alin-alin sa mga libro ang gusto mong basahin?
 Saan-saan mo itinapon ang mga basura?
 Kanino-kanino galing ang mga mensaheng natanggap mo?
 Sinu-sino ang natanggap sa trabaho?
 Kani-kanino mo ibinigay ang mansanas?
 Sinu-sino ang iyong mga guro sa paaralan?
 Anu-ano ang mga laruan mo?
 Alin-alin dito ang maaari ng ipamigay?
 Sinu-sino ang mga kasama mo sa bahay?
 Magka-magkano kaya ang laruan sa kanto?
 Alin-alin sa mga sapatos ang gusto mong suotin sa linggo?
 Ilan-ilan ang damit na mayroon ka?

You might also like