• Ay isang uri ng panghalip na gumagamit sa pagtatanong .Ang salitang
Sino at Kanino ay ginagamit sa tao. • Ilan –ginagamit sa dami o bilang. • Alin – ay ginagamit sa pagpapapili ng mga bagay • Magkano –ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa halaga. • Gaano- ginagamit naman sa dami ,bilang halaga,sukat o panahon Maaring ISAHAN o MARAMIHAN Halimbawa ng isahan: 1. Alin diyan ang hindi mo naiintindihan? 2. Ilang taon kana ? 3. Gaano katalas ang kutsilyo nila ? 4. Magkano ang palitan ng dolyar ngayon ? 5. Sino ang may dalang tubig? 6. Kanino mo nakuha yan ? Halimbawa ng maramihan • 1. Alin-alin sa mga kagamitang iyon ang sa iyo ? • 2. Ilan-ilan ang nahanap ninyong uri ng mga dahon? • 3. Gaa-gaano karami ang napitas nilang mangga sa bawat puno? • 4. Tig magka-magkano ang laman ng puti at pulang sobreng pang-aginaldo? • 5. Sino-sino ang marunong sumayaw sa klase ? • 6. Kani-kanino ka nanghihingi ng donasyon ?