You are on page 1of 2

LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO 5

QUARTER 3: WEEK 4

Pangalan: ____________________________________________ Grade & Section____________

I. Pamagat ng Aralin
Pagbuo ng mga tanong sa Napakinggang Salaysay

II. MELC
Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang salaysay F5PS -IIIb-e-3.1

III. Mga Tiyak na Layunin


 Nakabubuo ng mga tanong sa napakinggang salaysay gamit ang mga salitang
sino,saan,kalian,gaano,alin,ilan,magkano at kanino.
 Nasasagot ang mga tanong ng napakinggang salaysay.

IV. Pangunahing Konsepto


Kailangan natin ng mga katanungan upang mas lalo nating maintindihan ang mga kuwento at pangyayari tungkol
sa salaysay ng ating binasa o napakinggan. Ginagamitan ito ng Sino, Kanino, Ano, Kailan, Saan, Paano, at
Bakit sa unahan ng pangungusap.

Ipabasa sa kapatid o kahit na sinong kasama sa bahay ang talaarawang isinulat ni Isabella.

Sa Puso at Isipan ni Isabella

Sabado, 9 Nobyembre 2013, ika-3 ng hapon


Tanghali na nang magbalik ang koryente sa aming lugar kung kaya’t hapon na namin nalaman ang nangyari sa
bansa matapos manalasa ang bagyong Yolanda. Labis akong nalungkot sa mga nakita kong imahen sa telebisyon.
Marami palang naapektuhan at namatay sa bagyo lalong-lalo na ang mga nakatira sa Tacloban. Kawawa naman sila.
Tahimik akong umiyak para sa kanila.

Linggo, 10 Nobyembre 2013 ,ika-8 ng umaga


Maaga kaming nagsimba ng aking pamilya. Taimtim kong ipinagdasal ang mga naging biktima ng kalamidad
na matinding nanalasa sa mga taga- Tacloban. Patuloy akong nalungkot para sa kanila.

Lunes, 11 Nobyembre 2013,ika-10 ng umaga


Seryosong tinalakay sa klase ng aming guro ang mga nangyayaring trahedya sa Tacloban. Maayos niyang
naipaliwanag ang kanilang kalagayan at madali niya kaming nahikayat kung paano kami makatutulong. Mabilis na
nagtakda ang aming paaralan ng lugar kung saan dadalhin ang aming donasyon.

Lunes, 11 Nobyembre 2013, ika-9 ng gabi


Agad kong inilabas ang aking mga lumang gamit. Hinanap ko sa cabinet ang aking mga lumang damit na
maayos pa ang kalagayan tulad ng kamiseta, pantalon, mga damit panloob at laruan na matagal ko nang hindi
nagagamit. Masaya ring tumulong ang aking mga ate at kuya upang makapagbigay sa mga nangangailangan. Tunay
ngang masayang nakapagbibgay ka sa mga taong nangangailangan ng pagkalinga at pagmamahal.

 Ang mga salitang sino,saan,kailan,gaano,alin,ilan ,magkano at kanino ay tinatawag na mga panghalip na


pananong.
 Ang mga nakatala sa tsart ay mga halimbawa ng panghalip na pananong at kung saan maaaring gamitin.
V. Pangngalang Isahang Sagot sa Pagtanong Maramihang Sagot sa Pagtanong Pamprosesong
Itinatanong Tanong
Bagay ano ano-ano Ngayong
Lugar saan saan-saan nakabuo ka na
Tao sino sino-sino ng mga
Bilang o dami ilan ilan-ilan katanungan sa
Pinipiling Bagay alin alin-alin napakinggang
Sukat o Timbang gaano gaa-gaano salaysay gamit
Petsa o Panahon kailan kai-kailan ang panghalip
Halaga magkano magkakano pananong
marahil handa ka na sa mga tanong upang maproseso ang iyong nalaman mula sa diskusyon.
1. Ano-ano ang mga salitang ginagamit sa pagtatanong?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

2. Ang mga mayayaman o maykaya lamang ba sa buhay ang dapat na tumulong sa mga nangangailangan?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

3. Paano nalaman ni Isabella ang pananalasa ng bagyo sa Tacloban?

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

4. Bakit dapat tulungan ang mga nasalanta ng kalamidad?

_______________________________________________________________________________________________

VI. Mga Gawain ; Narito ang salaysay ng isang batang babae.

Ala-una ng hapon, nakita kong umakyat sa bubong ng kapitbahay namin ang magnanakaw. Kulay pula ang
suot niyang t-shirt. Nang lumabas siya ng bahay ay may dala na siyang laptop. Dali-dali siyang sumakay sa
putting kotse at saka umalis. Nahagilap siya ng “CCTV Camera” at agad siyang hinuli ng mga pulis.

Panuto: Mula sa napakinggang salaysay, bumuo ng tatlong tanong tungkol sa tauhan na nagsisimula sa tanong
na Sino, Kanino, Ano, Kailan, Saan, Paano at Bakit.

1.__________________________________________________________________________.

2.__________________________________________________________________________.

3.__________________________________________________________________________.

VII. .Pagninilay-nilay
Ang mga salitang ginagamit sa pagtatanong tungkol sa mga pangngalan ay tinatawag na panghalip na pananong.

You might also like