You are on page 1of 34

FILIPINO 3

QUARTER 4
Naiuugnay
ang binasa
sa sariling
karanasan
Panalangin
Mga palatandaan:
• Laging magsuot ng face
mask
• Panatilihin ang isang metrong
distansya
• Makinig ng mabuti
• Itaas ang kamay kong sasagot
• Intindihin / unawain ang binasa
BALIKAN
Tingnan natin ngayon kung naalala niyo pa ang tungkol sa talata.
PANUTO: Isulat ang salitang
TAMA kung wasto ang
ipinapahayag ng pangungusap at
MALI kung di-wasto:
_____ 1. Ang talata ay lipon ng mga
pangungusap na may isang paksa.
_____ 2. Nagsisimula sa malaking letra ang
bawat salita ng pamagat ng talata.
_____ 3. Dapat na may pasok o indensyon
ang pasimula ng talata.
_____ 4. Lagyan nang tamang bantas ang
dulo ng bawat pangungusap.
_____ 5. Ang mga pangungusap sa isang
talata ay dapat magkakaugnay.
Handa ka na bang makinig sa ating
bagong aralin?
Tingnan ang mga larawan. Ano-
ano ang iyong nakikita? Saan mo
ito madalas na nakikita? Nakaranas
ka na bang dumalo sa pagdiriwang
na ito? Ano sa tingin mo ang
ipinagdiriwang?
Ano ang ibig
sabihin
ng Pista?
handaan

pista
piging
Ano nga ba ang Pista, Bakit ipinagdiriwang
ito ng isang lugar?
➢ Sa ibang lugar ang Pista ay
pagpapasalamat sa kanilang Patron dahil
sa mabuting ani at magandang buhay.

➢ Ano- ano ang iyong mga nakita at


naranasan sa pagdiriwang ng Pista?
➢ Nasiyahan ka ba sa mga naging
karanasan mo sa pagdalo sa Pista?
Nais mo bang dumalo sa pagdiriwang ng
Pista sa ibang lugar?
Ating basahin ang maikling kuwento.
Ang Pistang Babalikan Ko
Araw ng Sabado noon. Isinama ako ni
Nanay sa Poblacion, Bislig City upang
dumalo sa Karawasan Festival. Malugod
kaming tinanggap ng aming mga kamag-
anak.
Napakaraming pagkain ang nakahain sa
lamesa. Maraming mga tao ang
bumibisita sa kanilang lugar sa ganitong
araw. Bigla akong napalabas ng bahay ng
marinig ko ang mga sigawan.
“Hayan na! Hayan na! Magsisimula na
ang parada!” ang sigaw ng mga tao. Ang
daming tao sa kalsada! Lahat sila gustong
manood. Dahil ako ay maliit, wala akong
masyadong makita.
Natuwa ako sa isang dayuhan nang yayain niya
akong lumipat sa kanyang puwesto sa unahan.
Agad akong nagpasalamat sa kanya.
“Wow! Nakakatuwa talaga dito. Sana ay isama uli
ako ni Nanay sa susunod na taon,” ang sabi ni
Lino.
“Naku! lalo kang malilibang kapag nakita mo ang
maririkit na palamuti sa kanilang mga bahay.
Talagang malikhain ang mga taga Bislig,” sambit
ni Nanay. Hinding-hindi ko malilimutan ang
pistang ito. Babalik ako dito.
Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento ?

____________________________
2. Saang Pista pumunta ang mag- ina?

_______________________________
3. Ano- ano ang kanyang nakita at naranasan sa
pagdiriwang ng Pista sa Bislig City?

____________________________
4. Bakit kaya nasabi niyang babalik siya ?

____________________________
5. Kung ikaw ang bata sa kuwento nanaisin mo
rin bang bumalik? Bakit?

_____________________________
6. Ano – anong mga karanasan mo ang
maiuugnay mo sa iyong binasa?

_____________________________
Halimbawa:
Masayang masaya ako kapag
ipinagdiriwang ang Pista sa aming
barangay. Dahil…..
• Napakaraming hinahandang pagkain
• May parada ng banda.
• May iba’t- ibang palaro at paligsahan.
• Maraming bisita .
Paano mo nasasabi na naiuugnay mo ang
binabasang kuwento sa iyong sariling
karanasan?

• Mas madali mong nauunawaan ang


binabasa mo kung ito ay naranasan mo
na.
• Nararamdaman mo ang damdamin ng
tauhan sa kuwentong binabasa mo kung
ito ay naranasan mo na.
Pangkatang
Gawain
Unang pangkat
PANUTO: Basahin ang maikling kwento.
Isulat ang mga hinihingi sa bawat bilang:
Ang Plano ni Bitoy
Marami nang nakasabit na parol at makukulay
na ilaw sa bintana. Naririnig na rin ang mga
awiting pamasko.
May plano si Bitoy at ang kaniyang mga
kaibigan. Kumuha si Lino ng basyong lata ng
gatas. Binutasan niya ito sa magkabilang dulo.
Tinakpan ang butas gamit ang plastic
na inunat at ipinirmi ng goma.
Si Mario naman ay kumuha ng
maraming tansan. Gamit ang malaking
bato, pinipi niya ito. Binutasan niya sa
gitna ang mga napiping tansan. Isinuot
niya ang binilog na alambre sa mga
tansan.
Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Sinu-sino ang mga tauhan
nito?
3.Ano-anu ang ginagawa ng
magkaibigan?
4. Ano kaya ang kanilang plano?
5. Ginagawa mo rin ba ang mga
gawaing ito kasama ang inyong
mga kaibigan?
Pangalawang pangkat
PANUTO: Ano - anong mga
karanasan mo sa buwan ng
Disyembre ang maiuugnay mo sa
mga ginawa nina Bitoy at ng
kanyang mga kaibigan?
Isulat ang mga ito sa loob ng
parol.
Isahang
Pagsasanay
Independent Practice
PANUTO: Basahin ang maikling talata at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
Ang Sakit na Coronavirus (COVID-19)
Ang ating bansa ay lubos na naapektuhan ng sakit
na tinatawag nating “Corona Virus”. Nagdulot ito
ng matinding suliranin hindi lamang sa ating
bansa kundi sa buong mundo. Umabot sa milyon
ang naapektuhan at daang libo ang mga namatay.
Maraming kababayan natin ang nawalan ng
trabaho pati na rin ang mga OFW.
Marami sa mga “frontliners” na tinuturing nating
mga bayani sa panahong ito ang nagbuwis rin ng
kanilang buhay. Nakakatakot ang sakit na ito hindi
natin ito nakikita at napakabilis ng pagkalat nito.
Upang maiwasan natin ang sakit na ito at matigil
ang paglaganap nito kailangan nating sundin ang
mga alituntunin ng DOH at ng ating
pamahalaan. Manalangin tayo sa Panginoong Diyos
na malagpasan natin ang pagsubok na ito sa ating
buhay at bumalik na sa normal ang ating
pamumuhay.
Sagutin ang mga tanong:
1. Anong sakit ang nagdulot ng matinding suliranin sa ating bansa at sa
buong mundo ?

____________________________________
2. Paano mo masasabi na matindi ang epekto ng virus na ito?

_________________________________________
3. Sino ana mga itinuturing nating mga bayani sa ating bansa ngayon?

_____________________________________
4. Bakit nakakatakot ang sakit na Corona Virus ?

_____________________________________
5. Habang binabasa mo ang talatang ito, Ano ang iyong nararamdaman?
Bakit ?

_____________________________________
Marami ka bang natutuhan sa ating naging aralin?
PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang bilang na
nagsasaad ng natutuhan mo ngayong araw.
_____1. Natutuhan ko na ang pagbabasa ay mahalaga sa
buhay ng tao.
_____2. Nalaman ko na maari nating iugnay ang ating
mga binabasa sa ating sariling karanasan.
_____3. Nalaman ko na sa pamamagitan ng pagbabasa
ay maari tayong makapagbigay ng sarili nating ideya o
reaksyon batay sa ating mga karanasan.
Sa panahon ng Pandemya, marami tayong
nababasang mga negatibong balita sa telebisyon,
social media at mga diyaryo patungkol sa
negatibong dala ng COVID-19. Bilang isang
mag-aaral marapat na sundin natin ang mga payo
na sinasabi ng ating mga magulang upang tayo ay
mailayo sa kapahamakan. Gamitin natin ang mga
nabasang impormasyon bilang aral para sa ating
mga sarili. Sa kasalukuyan, huwag nating
kalimutang manalangin at mag-ingat para
kaayusan ng sanlibutan.
Ebalwasyon
PANUTO: Sumulat ng
maikling panalangin na nais
mong hilingin sa Diyos
patungkol sa Pandemyang
sumalanta sa ating bansa at
sa buong mundo.
Isulat ito sa loob ng puso.
PANUTO: Batay sa iyong mga nabasa tungkol sa
Pandemyang dulot ng COVID 19. Sumulat ng limang
pangungusap na nagsasaad ng iyong mga naging
karanasan.
sa panahon na ang Bislig City at ibang bahagi ng Pilipinas
ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community
Quarantine MECQ ).
1. ______________________________________________
2. ______________________________________________
3. ______________________________________________
4. _______________________________________________
5. _______________________________________________

You might also like