You are on page 1of 14

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat: __________________

Paaralan: __________________________ Petsa:_____________________________

SHEET NG GAWAIN SA FILIPINO 8


Ikaapat na Markahan:
MGA KABIGUAN SA BUHAY NINA
Aralin
FLORANTE AT ALADIN
4
(Mga Saknong 66-133)

Pamantayang Pangnilalaman:
Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na
pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit sa
naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan
paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan
Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin (F8PN-
IVc-d-34);
2. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa
(F8PB-IVc-d-34);
3. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay, simbolo
(F8PT-IVc-d-34); at
4. Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa
pagkapoot, pagkatakot at iba pang damdamin (F8PU-IVc-d-36).

GAWAIN 1
I. Panuto: Tukuyin ang nakatagong kahulugan ng matatalinghagang ekspresyon, tayutay
at simbolo na ginamit ni Balagtas mula sa sumusunod na bahagi ng saknong. Bilugan
ang letra ng tamang sagot.

1. Ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante


a. Ang madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansa sa panahong iyon
b. Ang madadawag na kagubatang nakapalibot sa bansa sa panahong iyon
c. Ang mga gawain ng mga kriminal na nakahahadlang sap ag-unlad ng
sambayanan
d. Ang mababangis na hayop na saganang nakakain ang mga tao sa
kagubatan
2. Ang mga syerpe’t (ahas o serpiyenteng) basiliskong gumagala sa gubat
a. Ang mga Espanyol na nandayuhan sa bansa upang alipinin ang mga
Pilipino
b. Ang mga sakit o karamdamang hindi nabigyang-lunas sa panahong iyon
c. Ang mga mananakop na tila nag-aabang upang makagawa ng masama
sa mga Pilipino
d. Ang mababangis na hayop sa gubat na anomang oras ay handing
sumila o pumatay.
3. Ang balang bibig na pinagmumulan ng katotohanan
a. Ang mga taong mapanira sa kanilang kapwa at nagkukuwento tungkol
sa buhay nang may buhay.
b. Ang mga taong nagsasabi o naglalahad ng katotohanan tungkol sa
pagmamalabis ng mga mananakop
c. Ang mga Espanyol na naglalahad ng plataporma ng kanilang
pamumuno sa ating bansa
d. Ang mga Espanyol na tapat sa layunin sa mga Pilipino subalit ayaw
paniwalaan
4. Ang kalis (espada o tabak) na ginagamit sa pagbibiyak o pampigil sa bibig
na pinagmumulan ng katotohanan
a. Ang mga Espanyol na nagsasanay sa paghawak ng kalis upang higit
pang humusay ang kanilang kakayahan sa larangang ito
b. Ang mga sundalong Espanyol na handang magtanggol sa mga Pilipino
kapag sila ay naapi ng sinoman
c. Ang mga Espanyol na handang magparusa sa sinomang Pilipinong
maglalakas-loob na lumaban o maglahad ng katotohanan
d. Ang mga sundalong Espanyol na walang pakundangan tinatapyas o
hinihiwa ang bibig ng mga Pilipinong magsasabi ng totoo
5. Ang kahabag-habag at nakagapos na si Florante sa puno ng higera
a. Ang kawalang kayamanan ng Pilipino sa panahong iyon
b. Ang kawalang trabaho ng mga Pilipino sa panahong iyon
c. Ang kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa panahong iyon
d. Ang kawalang pag-asa ng mga Pilipino sa panahong iyon
6. Ang paligid ng gubat ay kulay luksa at nakikiayon, sa nakaliliyong
masangsang na amoy.
a. nagsasaad ng labis na kalungkutan, pagkatalo, at kawalang pag-asa
b. nagpapahayag ng pagkamatay ng mahal sa buhay.
c. nagsasaad na bukod sa mabaho ay sobrang dilim sa gubat
d. nagpapahayag ng pagguho ng mundo ng isang tao
7. Sa punong kahoy ay napayukayok, ang liig ay supil ng lubid na gapos.
a. kakikitaan ng pagkaubos ng lakas
b. nagpapakita ng kawalang kalayaan
c. maraming lubid ang nakapulupot sa leeg
d. sobrang pagkasakal sa pagkakatali
GAWAIN 2

II. Panuto: Suriin kung ang mahahalagang pangyayari o pangunahing kaisipang


nakalahad sa ibaba ay taglay ng sumusunod na bahagi ng aralin. Isulat ang titik ng
HINDI kabilang sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Mula sa “Kay Selya”


a. Ang pag-aalaala ni Balagtas sa masasayang sandaling magkasama sila ng
pinakamamahal niyang si Selya
b. Ang balitang pagpapakal nina Balagtas at ni Selya
c. Ang paglikha sa walang kamatayang awit bunga ng labis na kalungkutang
dahil sa kabiguan sa pag-ibig
d. Ang sakit na nadama ni Balagtas dahil sa pagkawala sa kanya ng
pinakamamahal
_____ 2. Mula sa “Babasa Nito”
a. Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin ang berso ng awit
b. Ang paghiling na gumawa ng palabas o pelikulang hango sa mensahe ng
awit
c. Ang pagsasabing kung may malabong bahagi, suriin munang mabuti
d. Ang pasasalamat sa babasa kung pahahalagahan ang kanyang pagod

_____ 3. Mula sa mga paghihinagpis at pag-aalaala ni Florante


a. Ang panunumbat, pangunguwestiyon at pagtanggap ni Florante sa kalooban
ng Diyos
b. Ang labis na sakit at kabiguang dinaranas niya dahil sa kataksilan ni Adolfo
c. Ang pagbabalik-tanaw sa malupit na dinanas niya sa kanyang pagkabata
d. Ang kawalang pag-asa dahil sa pagkakatali niya at pag-iisa sa gitna ng
masukal at madilim na kagubatan

GAWAIN 3

I. Panuto: Punan ng angkop na titik ang mga bakanteng kahon upang mabuo ang salita
gamit ang mga pahiwatig na larawan at ginulong mga letra sa ibaba ng bakanteng
kahon. Isulat ito sa kahon sa ibaba ng larawan.
Ang mga larawan ay hinango sa http://www.google.com/search

GAWAIN 4

I. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa iyong natutuhan sa tinalakay.


Isenyas gamit ang isa o kahit ng dalawang kamay ang ganito kung tama ang
pahayag na binanggit samantalang ganito naman kung hindi. Kapag hindi ang
iyong sagot, sabihin ang maiksing pagpapaliwanag kung bakit.

Paalala: Maaari itong gawin sa pasulat na paraan sa pamamagitan ng tsek (✓) o ekis
(✗) sa patlong bago ang bilang. Huwag sulatan ang patlang sa ibaba ng pahayag kung
tsek (✓) ang isinagot. Samantala, magiging bahagi ng kasagutang ekis (✗) ang
paliwanag sa inilaang linya.

_____ 1. Ang bukas ang palad ay nangangahulugang madalas makapulot ng pera.


_____________________________________________________________________

_____ 2. Ang madilim at mapanglaw na kagubatang kinagagapusan ni Florante ay


sumasalamin sa walang kalayaang kalagayan ng bansa sa panahong iyon.
_____________________________________________________________________

_____ 3. Ang kalapati ay sumisimbolo sa ligtas na paglalakbay.


_____________________________________________________________________

_____ 4. Ang parang korales na daliri ay nangangahulugang magagandang daliri.


_____________________________________________________________________

_____ 5. Ang ahas ay nangangahulugang madikit sa tao.


_____________________________________________________________________
Pokus na Tanong

Paano ba ang tamang pagharap sa kabiguan?


Bakit mahalaga ang bukas na isipan at maayos na pagharap dito?

Bahagi na ng buhay ang kabiguan, suliranin, pagsubok, o mahirap na kalagayan.


Magkakaiba nga lang tayo ng paraan ng pagharap sa mga ito. Makabubuti ang pagsasabi nito
sa kaibigan, mga magulang, upang mabigyan ng payo o tulong, sa pamamagitan din ng
paglilibang o pagbibigay-oras sa mga gawaing makabuluhan, higit sa lahat ang paghingi ng
gabay sa Panginoon sa pamamagitan ng pagdarasal ay tunay na makatutulong. Sabi nga:
“Sa mga panahong nakararanas ka ng dusa at hinagpis,
Manalig kang may Diyos na didinig sa ‘yong pagtangis.”
Mahalaga rin ang pagkakaroon ng bukas na isipan at maayos na pagharap dito upang
maiwasan ang mga bagay na posibleng mangyari gaya ng pagkasira ng buhay o
pagpapakamatay. Ikaw, paano mo hinaharap ang mga pagsubok at masasakit na pangyayaring
dumarating sa iyong buhay?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Mula sa saknong 66-133, “Mga Kabiguan sa Buhay Nina Florante at Aladin”.


GAWAIN 5
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Anong suliranin o problema ang dala-dala ni Aladin sa kanyang paglalagalag sa gubat?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Bakit naisipan niyang magparaya na lamang sa ama sa halip na ipaglaban ang kanyang
kasintahan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Kung ikaw si Aladin, ano ang iyong gagawin kapag inagaw ang iyong minamahal o
maging isang bagay na napakahalaga sa iyo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Kung babalikan mo ang kasaysayan ng ating bayan, sino o ano ang sinasagisag ng
pagdating ni Aladin sa gubat habang nakagapos at tila wala nang pag-asa ang kaawa-
awang si Florante? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Paano naiba ang ama ni Aladin sa ama ni Florante?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
6. Bakit namamaalam na si Florante? Ano-ano ang mga habilin niya sa kanyang mga
pinagpapaalamanan lalo na kay Laura?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
7. Sa iyong palagay, maituturing bang bayani ng kanyang bayan si Florante? Ano-ano ang
makapagpapatunay sa kanyang kabayanihan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
8. Bakit iniligtas ni Aladin ang binatang Kristiyano kahit pa itinuturing na magkalaban ang
kanilang mga lahi? Ano ang pinatunayan nito sa uri ng pagkatao ng gererong Moro?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
GAWAIN 6: THINK-PAIR-SHARE
Panuto: Humanap ng kapareha sa iyong kaklase. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa loob
ng mind map sa pamamagitan ng pagpapalitan ng inyong kasagutan. Isulat mo ang
kanyang sagot sa iyong worksheet kasama ang kanyang pangalan. Ganoon din naman
ang kanyang gagawin sa kanyang worksheet.
Paalala: Maaari mong kontakin ang iyong nakasundong maging kapareha sa pamamagitan ng
text/chat o kaya’y pagtawag gamit ang cell phone.

Pangalan ng Kapareha: __________________________________

Naghihinala si
Florante na
nagtataksil na si Kailan? Ano ang
Laura. Nakadama naramdaman mo?
ka na ba ng
paninibugho? _______________________
_______________________
_______________ _______________________
____ _______________________

Aling saknong ang


Sino at ano ang isinigaw ng
nagsasaad ng tila
puso ni Florante? Ilarawan
paghihinanakit ni Florante
ang anyo ni Florante na labis
sa Diyos? Alin naman ang
na naninibugho.
nagpapahayag ng ‘di
pagkawala ng pananalig at ________________________
pagdakila sa Diyos? ________________________
________________________
______________________
________________________
______________________
________________________
______________________
________________________
______________________
______________________
______________________
Pinatnubayang Pagsasanay 1

GAWAIN 7: HANAP-SALITA
Panuto: Tukuyin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit
sa bawat bilang. Isulat ang wastong sagot sa inilaang patlang.

pagputol hindi makapagsalita naapi


minaliit matinding lungkot
hindi makapagsalita traydurin nasambit
sakmalin pagsugod napasubsob umiral
sibat hinaing kalasag

__________________ 1. Sa puno ng kahoy ay napayukayok, ang liig ay supil ng lubid


na gapos
__________________ 2. estatwa manding nakatayo’t umid, ang buntonghininga niya’y
walang patid
__________________ 3. sa madlang himutok ay kasalamuha, ang wikang “Flerida’y
tapos na ang tuwa!”
__________________ 4. hindi ko masasabi kung ang pikang tanga’y, bubugo ng libo’t
laksang kamatayan.
__________________ 5. nasnaw sa bibig mong huling pangungusap, Ang adiyos,
bunso’t buhay mo’y lumipas.
__________________ 6. Ang lahat ng tuwa’y natapos sa akin, sampu niring buhay ay
naging hilahil;
__________________ 7. Ang matatawag kong palayaw sa akin, ng ama ko’y itong
ako’y pagliluhin,
__________________ 8. Sa loob mo nawa’y huwag mamilantik, ang panirang talim ng
katalong kalis,
__________________ 9. huwag yaring buhay ang siyang itangis kundi ang pagsintang
lubos na naamis.
__________________ 10. nang darakmain na’y siyang pagsagasa niyong bagong
Marteng lumitaw sa lupa.
Pinatnubayang Pagtatasa 1
GAWAIN 8: HALAW-KAISIPAN
Panuto: Tukuyin ang pangunahing kaisipan sa mga pahayag. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. “Nasa harap ko na ang lalong marawal, mabangis na lubhang lahing


kamatayan; malulubos na ang iyong kasam-an, gayundin ang aking
kaalipustaan”
a. Nasa harap na ni Florante ang nakatatakot na kamatayan
b. Nasa harap na ni Florante si Adolfo na papatay sa kanya
c. Mamamatay si Florante na hindi minamahal ni Laura
d. Mamamatay si Florante na halos madurog ang puso
2. “Pagkabata ko na’y walang inadhika, kundi paglilingkod sa iyo’t kalinga; di
makailan kang babal-ing masira, ang mga kamay ko’y siyang tumimawa”
a. Mula sa kanyang pagkabata, pangarap na niyang maglingkod sa Albanya
b. Mula pagkabata, pinangarap na niyang ibigin ni Laura
c. Ginusto ng bayan na siya’y mapatay ng leon upang hindi maghari sa
Albanya
d. Ginusto niyang mapaglingkuran si Haring Linceo
3. “Yaong aking Laurang hindi mapapaknit, ng kamatayan man sa tapat ng
dibdib; paalam, Bayan ko, paalam na, ibig, magdarayang sintang di manaw
na isip!”
a. Malulubos na ngayon ang kaligayahan ng kanyang bayan, ni Laura at ni
Adolfo
b. Si Florante ay nagpapaalam na kay Laura at sa kanyang bayan
c. Ibinigay niya ang huling pamamaalam kay Laura at Adolfo
d. Kahit na kamatayan ang iginanti ni Adolfo ay magpapasalamat pa rin siya
dahil minahal niya si Laura
4. “Sa loob mo nawa’y huwag mamilantik, ang panirang talim ng katalong kalis;
magka-espada kang para nang binitbit, niring kinuta mong kanang
matangkilik
a. Malaki ang panghihinayang ni Florante sa bayang Albanya
b. Masama ang kanyang loob sa mga nasasakupan ng kaharian sa
pagtatraydor sa kanya
c. Pinapangarap niyang huwag sirain ni Adolfo ang bayang pinaglingkuran
d. Inaasam niyang sana’y magkaroon ng tapang ang bayan na ipagtanggol
ang kanyang kaharian
5. “Sa puno ng kahoy ay napayukayok, ang liig ay supil ng lubid na gapos
a. Pagpapakita ng kawalang kalayaan
b. Kakikitaan ng kawalang pag-asa
c. Mababakas ang labis na takot at sakit ng katawan
d. Nagsasaad ng labis na kalungkutan at pagkatalo
6. “Nagwikang “O palad” sabay ang pagtulo, sa mata ng luhang anaki’y palaso
a. Makikita ang mga matang maningning at masaya
b. Bakas sa mga mata ang panghihinayang sa minamahal
c. Halos sibat na tila nakakahawa ang kanyang pag-iyak
d. Lumuluha nang walang patid dahil sa labis na dalamhati

Pinatnubayang Pagsasanay 2

GAWAIN 9
Ang pagkasira ng isang magandang relasyon o samahan ng magkakaibigan,
pamilya, o magsing-irog man ay nagdudulot ng sakit ng kaloobang hindi basta
mapaghihilom ng panahon. Makikita ito sa sakit na nadama ni Balagtas nang mawala
sa kanya si Selya, sa nadama ni Florante nang maisip na wala na si Laura at marahil ay
nasa piling ni Adolfo, at sa nadama ni Aladin nang agawin ng sariling ama ang kanyang
pinakamamahal.
Baon ang kaisipang ito’y pag-isipan mo kung paanong higit na mapagtitibay ang
samahan o relasyon mo sa mga taong mahalaga sa iyo o mahal mo upang kung may
dumating mang pagsubok ay hindi ito agad-agad masisira.

Panuto: Dugtungan ng paliwanag ang mga pahayag ng gagawin mo.

Ang mga gagawin ko upang mapagtibay ang samahan o


relasyon ko sa mga taong mahalaga sa akin ay…

 Kahit gaano ako kaabala ay maglalaan ako ng panahon para


______________________________________________________________
______________________________________________________________

 Kung may nakikita akong problema ay


______________________________________________________________
______________________________________________________________

 Kung may bagay akong gustong sabihin na maaaring makagalit sa


kanya/kanila ay
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__

 Kung masama ang loob ko tungkol sa isang bagay na ginawa


niya/nila ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________
 Kung napapansin kong nagkukulang siya/sila ng panahon sa akin ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Malayang Pagsasanay 1

GAWAIN 10: PAGSULAT NG JOURNAL


Panuto: Isulat sa journal na ito ang iyong sagot sa mga tanong. Maaari mong ipakita
ang iyong sariling istilo sa pagsasagot basta siguraduhin lamang na
masasagutan mo lahat.

1. Ano ang kaya mong gawin o isakripisyo para sa iyong mga kapamilya?
Ano ang pinatutunayan ng sakripisyong ito?
2. Bakit dapat maging huwaran ang isang ama sa kanyang anak/mga anak?
3. Bakit mahalagang ang bawat mamamayan ay gumawa ng kahit mumunting
kabayanihan para sa ikabubuti ng bayan?
Malayang Pagtatasa 1
GAWAIN 11
Panuto: Gamit ang mind map, isulat ang mga kaisipang nais iparating ni Balagtas mula
sa saknong 66-133 sa thought bubble.

Malayang Pagtatasa 2
GAWAIN 12: MONOLOGO: SUMULAT AT BIGKASIN
Senaryo at Panuto: Ikaw ay isang artista sa entabladong nakadama sa matitinding
damdaming taglay ng mga tauhan sa ating bansa. Nais mong buhayin sa puso
ng mga manoood ang isa sa mga ito. Sumulat ka ng monologong
magsasalaysay at magpapakita sa damdaming napili mo at saka humandang
bigkasin ito nang may angkop na kilos, ekspresyon at damdamin. Pumili ng isa
sa mga damdaming nakalahad sa ibaba para sa iyong gagawin.

 Poot o matinding galit


 Pagkatakot at kawalang pag-asa
 Matinding dalamhati o kalungkutan
 Kaligayahan

Karagdagang panuto: Isulat ang monologo sa inilaang espasyo sa ibaba. Puwede mo


muna itong gawin sa isang burador o scratch paper at tsaka isalin ang pinal na
gawa rito. Ang monologong mabubuo ay bibigkasin mo sa iyong guro –
maaaring sa pamamagitan ng aktuwal na pagbigkas gamit ang online
platforms gaya ng Facebook, Google Meet at iba pa o ‘di kaya’y pagpapasa ng
recorded video.
Gawin mong gabay ang pamantayang ito na magiging batayan ng
pagmamarka sa iyo.

Pagsumikapan pa!
Mahusay-husay
Napakahusay

Mahusay
Pamantayan

(3-2)
(4)
(5)

(1)
1. Maliwanag na nabigkas at nalapatan ng
wastong damdamin ang monologo.

2. Naiangkop ang lakas at hina ng tinig sa


damdamin at diwa ng monologo.

3. Angkop ang bawat kilos at ekspresyon ng


mukha sa damdaming inihahayag gayundin
ang kumpas ng kamay, galaw ng mata, labi, at
iba pa.

4. Naging kawili-wili at nahikayat ang lahat na


makinig sa pagbigkas.

Kabuoang Puntos

Paalala: Dito m o isulat ang iyong pinal na monologo.


Malayang Pagtatasa 3
GAWAIN 13: 3-2-1 EXIT CARD
Panuto: Sagutin ang nasa loob ng kahon bilang pagtataya sa iyong natutuhan sa
aralin.

3-2-1 EXIT CARD


3 Bago kong natutuhan ay ang…
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2 Halimbawa ng tayutay at kahulugan na kaya kong ibigay ay…


______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

1 Pangunahing aral na aking pakakatandaan ay…


_____________________________________________________________________

You might also like