You are on page 1of 12

May isang batang

nagngangalang Pedring.
Siya ay bibo, makulit at
higit sa lahat mahilig mag-
aksaya ng tubig. Wala
siyang pakialam kung ano
man ang magiging
kalalabasan ng kanyang
ginagawa.

3
Araw ng Lunes,
naghahanda ang lahat sa
pagpasok sa paaralan.
“Hoy, Pedring! Bumangon
ka na at maghanda para
pumasok sa paaralan!” sabi
ng kanyang ate Miling.
Pagkarinig ay nag-inat si
Pedring at binuksan ang
kanyang isang mata.

2
3
Dali-daling bumangon si
Pedring para maghandang
maligo. Kinuha ang
tuwalya at mga kailangan
sa paliligo at tumungo sa
banyo. Pero sa halip na
maligo, binuksan lang nya
ang gripo at iniwanan ito.

3
“Pedring, ikaw ba ang
nagbukas ng gripo?”
pasigaw na tanong ni
Miling. Sinagot niya ito ng
pasigaw, “Opo ate!”
Tumakbo siya papuntang
banyo. Nakita niyang
bumabaha na ang tubig sa
sahig. Agad niyang isinara
ang gripo.

3
Pagkatapos maligo at
kumain ay handa na silang
pumasok sa paaralan.
“Inay, Itay aalis na po
kami”, sabi ni Pedring.
“Oo nga po Inay, Itay,”
sabi naman ni Miling.
“Sige, kayo’y mag-
ingat”, sagot ng kanilang
mga magulang.

3
Sa unang asignatura nila
Pedring sa Unang Grado sa
Edukasyon Sa
Pagpapakatao ay tinalakay
ng kanilang guro ang
tamang paggamit at
kahalagahan ng tubig sa
pamumuhay ng tao. Ngunit
sa kabilang banda, hindi
naman nakikinig si
Pedring.

3
Tumunog ang bell.
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnggggggg
g! Pagkarinig ay agad-agad
na tumayo sina Pedring at
kanyang mga kaklase.
Patakbong tumungo sa
Hand-washing area at
naghugas ng kanilang mga
kamay. Pagkatapos ay
iniwan na naman niya ang
gripong nakabukas.

3
Pagkabalik sa silid-
aralan, nakita ni Pedring sa
lapag ang lalagyan ng
tubig ni Ella. Kinuha niya
ito at pinaglaruan.
Hinagis-salo at tinapon
niya ang laman nito.
Nakita iyon ni Ella at
isinumbong sa kanyang
guro.

3
“Pedring, bakit mo
ginawa iyon? Bakit ka
nag-aaksaya ng tubig?”
tanong ni Binibining
Maria.
“Alam mo ba na
mahalaga ang tubig sa
buhay ng tao?”, dagdag ng
guro. Ngunit hindi umimik
si Pedring.

3
Kinagabihan, maagang
natulog si Pedring sa
sobrang pagod. Sa
kalagitnaan ng
pagkahimbing nagising si
Pedring. Nakaramdam siya
ng matinding uhaw.
Tuyong-tuyo ang kanyang
Lalamunan. Bumalikwas
siya at agad tumayo upang
uminom ng tubig.

10

3
Ngunit pagbukas nya ng
gripo,wala ni isang patak
ng tubig na lumalabas.
Naghanap siya nang
naghanap pero wala talaga
siyang makita. Sumigaw
siya, pero walang boses na
lumalabas. Takot na takot
siya.

11

3
Bigla siyang nagising.
Pawis na pawis at
nagwikang ”salamat at
panaginip lang pala!”
pangako, simula ngayon ay
hinding-hindi na ako mag-
aaksaya ng tubig. Kailangan
talagang magsinop sa tubig
dahil mahalaga ito sa buhay
ng tao.

12

You might also like