You are on page 1of 1

Abakada

Janina Angeli M. Magundayao

Alas sais na ng umaga


Babangong mabilis at dali-dali ang kwaderno’y bubuksan na
Kanina, sa aking banlintataw, ako’y nasa kalawakan pala
Dala ang aking manyika, naglalakad sa pagitan ng mga tala
Engganyo akong pilit, nilapitan ko ang isa
Galak at tuwa, sa pagsilip ay nadama
Handaang masagana’t maganda ang aking nakita
Ilang sandali pa’y ako’y nakaupo na sa mesa
Lasap na lasap ko ang sarap ng spageting mahaba
Matamis pati ang juice at ang mga kendi nitong kasama
Napasulyap ako sa nagluto nitong tunay na kahanga-hanga
Nguya ko’y biglang napatigil, ang nagluto’y aking gurong mahilig sa Abakada!
Oh no! Aking biglang-sambit kasabay ng pagpapalit niya sa anyong bruha
Patalilis na sana ako ngunit ang spageti’y biglang pumalupot at nagkabuhay
Ramdam ko ang sakit ng pulupot, pawis ko’y tumulo at nagbutil-butil pa
Sa silid-aralan bigla akong napunta at naroon din pati mga ka-eskwela
Tatas na tatas sila sa pagbigkas ng Abakada
Umiyak na lamang ako nang ako ay tinawag na
Wala akong maalala sa mga mararaming pantig at mga letra!
Yan na nga ba kinatatakutan ko, at ako’y tinawanan pa

At ngayon ako’y bumangon na ng maaga


Babalikan ang aking mga tala at puspusang aaralin pa
Kakabisaduhin upang mamaya’y maisulat sa pisara
Dala ko ang pag-asang ako’y hindi na hahamakin pa.

You might also like