You are on page 1of 2

Late Swimming

PHWEEEEE! Malakas na tunog ng pito ni Sir Max, teacher namin sa PE.

“Our session for today is finished. Umahon na kayo sa pool. Take a shower and pack your things. Tayo
nalang ang tao dito kaya bilisan niyo nang makauwi agad tayong lahat. With that being said, our class is
dismissed.,” batid ni Sir, hudyat na tapos na ang klase namin sa swimming. Palubog na rin kasi ang araw.
Baka abutin pa kami ng dilim. Mahirap na, maglalakad pa kami palabas ng swimming pool ng Enverga
para makasakay. Baka wala na kaming makitang sasakyan paglabas.

Matapos mag-dismiss si Sir ng klase ay agad kaming umahon sa pool, kinuha ang aming mga gamit at
dali-daling pumunta sa swower room upang magpalit. Lima kaming magkakasabay pumunta sa shower
ngunit nahuli ako dahil naiwan ko ang aking tsinelas sa tabi ng pool.

Pagdating ko sa shower room ay matatapos na ang aking mga kasama. Dali-dali akong naglinis ng
katawan ngunit paglipas ng ilang minuto ay lumabas na rin sila at nagpaalam.

“Hanz, pre, una na kami sa labas. Hintayin ka namin dito sa labas sa may entrance,” ani Aiden, kaibigan
ko.

“Ah sige, palabas na rin naman ako. Ayusin ko lang yung mga gamit ko,” saad ko habang isa-isang
inilalagay sa bag ang aking mga gamit.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay narinig kong lumagaslas ang tubig mula sa shower area. Hindi ko
nalang ito pinansin at lumabas na lamang patungo sa aking mga kasama.

“Baka naghugas lang ng kamay si kuyang guard sa sink,” naisip ko.

Paglabas ko mula sa shower area ay pumuta na ako s entrance kung saan naghihintay ang lahat ng aking
kaklase. Nang makumpleto kami ay nagpaalam na kami kay Sir Max at naglakad palabas. Pagliko namin
sa may CME building ay nakapa kong wala sa bulsa ang wallet ko.

“Patay! Naiwan ko sa may shower room yung wallet ko. Pre, hintayin niyo na ako dito, kukunin ko lang,
sabi ko kay Aiden at patakbong bumalik sa shower room. Pagdating ay hinanap ko ang aking wallet
ngunit hindi ko ito makita.

“Nasan na kaya ‘yon? Ang alam ko dito lang sa may sink ipinatong yun, eh. Nahulog kaya?” tanong ko sa
sarili ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ko na talaga mahanap ang wallet ko kaya
napagdesisyunan kong lumabas na lamang.

Binuhay ko ang flashlight ng aking cellphone at nagbakasakaling makita ang wallet sa daan. Sa awa ng
Diyos ay nahanap ko ito ilang metro lang paglabas ng entrance sa swimming pool. Tumungo ako para
kunin ito at sa aking pagtayo ay nakita ko si Aiden.

“Ay, gagi!” sigaw ko sa gulat. “Den naman, ginulat mo ako. Bakit ba sumunod ka pa? Sabi ko naman sa
inyo hintayin nalang ako sa may CME.”

“Antagal mo daw kasi, naghihintay na sila,” aniya.

“Ah ganoon ba? Hinanap ko pa kasi yung wallet. Akala ko nasa loob, nahulog pala dito. Tara nab aka
hinihintay na nila tayo,” sabi ko sa kanya at nagsimula na kaming lumakad.
Paliko na kami nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa aking bag at sinagot ang
text ni Mama. Pag-alis ng aking tingin sa cellphone ay napansin kong nawala si Aiden.

“Den, Pre?” paghahanap ko sa kanya. Lumingo ako sa aking paligid ngunit hindi ko talaga siya makita.
Tumungo nalang ako sa may CME kung nasan ang iba pa naming kasama na naghihintay sa amin.

“Oh Hanz, antagal mo naman. Saan ka ba galing?” tanong sa akin ni Trish.

“Wala ba dito si Den? Pinuntahan niya ako kanina tapos umalis na lang bigla. Sabi niya hinihintay niyo
raw ako. Parang sira,” natatawa ngunit nagtatakang saad ko.

“Si Den? Eh kanina pa umalis yun. Hinahanap na daw siya sa kanila,” sabi ni Trish.

“Eh sino yung kausap ko kanina? Uy, wag kayong joke time,” kinakabahang sabi ko.

“Ha? Joke time ka dyan. Nakaalis na nga siya kanina pa. ikaw kung anu-ano nakikita mo. Tara na. Baka
gutom lang yan,” anyaya ni Trish.

Hindi na ako nakapagsalita. Nanindig ang aking balahibo. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Naglakad kami papalayo at lumingon ako pabalik. Sana nga pagod lang ako. Sana gutom lang ito. Sana
hindi na ito mangyari ulit.

You might also like