You are on page 1of 14

Birtud, Himutok sa Isipan at Pangarap ng mga T-square Warriors

Pug ArayNaalimpungatan ako sa sakit ng pagkakaumpog ko sa T- square na nakapatong sa drafting table ko. Habang pinipilit gisingin ang diwa, iniangat ko ang nangalay kong kamay hindi para iexercise kundi para hawiin ang kurtinang tumataklob sa liwanag ng labas, pero pinigilan ito ng drafting table ko para makasilip man lang kahit kapirasong liwanag. Epic fail; di ko na pinilit pang hawiin. Kinapa ko na lang ang cellphone ko para tignan ang oras. Pagkasilip ko, andami kong received messages mula kay Sheryl. Mas lalo akong naalarmang malaman ang oras sa sunud- sunod na texts nya. Owshit! 3:56! Dali- dali akong tumayo at inabot ang sabonera sa drawer pero kaagad ko ring binalik. Di na muna ako maliligo. Mabilis na isinuot ang maong na nakasabit sa plywood na pader, naghilamos at nagsipilyo. Dinampot ang bag at T-square at humagibis palabas. Hindi ko na nagawa pang maki-spray ng pabango sa boardmate ko. LRT po! sumakay kaagad ako sa pinakaunang pedicab sa mahabang pila ng PODA. At dun ko pa lang binasa ang mga texts ni Sheryl. : (2:35 PM) Bhe my esquisse tau ngaun. Pasok kna bilis!!! : (2: 42 PM) Bhe, asan kna? Nag-istart na kmi!

: (2:44PM) Eto topic: Green and Sustainable Design of MixedUsed Condominium. 10- 15 Storey. Mg- icp kna. : (3:50PM) Ptapos na kmi! Mlapit n nming ipasa. San knb? Reply asap. Di ko na sya nireplyan. Sa room na lang ako magpapaliwanag. Nang makarating sa Cubao Station, tigti- three threads na ng escalator ang hinahakbang ko makarating lang sa ticket booth. Napakahaba ng pila. Nakakaubos talaga ng pasensya lalo na kapag nagmamadali ka na. Napakainit pa na nakapagpatagaktak ng pawis ko. Gusto ko na sanang sabihan ang nasa unahan ko na, Sir, wow nice shirt! Ahm pwedeng ako muna, please?! pero baka bigla akong sapukin. Wala na akong magagawa kundi umayos- mukha at sundin ang mabagal na usad ng pila. Nang ako na, Pureza po!, dali-dali kong inabot ang bayad sa counter. Ipinasok ang ticket sa tollgate at tinakbo paakyat ang escalator na maraming nakasakay. Excuse me po. Excuse me po. Sabi ko habang hinahawi ang mga braso nila. Humahampas na sa kanila ang T-square at canister ko pero patuloy pa rin ako; umaasang mahahabol pa ang papaalis nang tren. Pagkarating ko sa platform ay papasara na ang pinto ng tren pero mabilis kong isinuksok ang T-square ko. Buzzer beater! Ayun! Muling bumukas ang pinto; dahilan para makapasok ako at ang mga nasagi ko sa

escalator na umaasa ring mahahabol ang tren. Mabilis kumalat ang lamig ng aircon sa pawisan kong katawan. Sa salamin ng tren, kitang- kita ko ang skyline ng buong Kamaynilaan. Ang Araneta Center. Mga malls. Ang hilera ng naggagandahang buildings sa Makati. Nagsisiksikang ulupong ng mga sasakyan sa makikipot at pulu-pupot na daan sa Cubao. Ang mga Residential areas na sala- sala ang pwesto sa Ramon Magsaysay Ave. Mga squatters at tagpi- tagping bahay sa gilid ng mabasurang estero sa San Juan at V. Mapa. Ang mala-imburnal na Ilog Pasig sa likod ng School. Nakakapanlumo. Nakakapanghina. Di ko lubos maisip na unti- unting sinasapot ng karukhaan ang dating kaaya- ayat kainggit- inggit na lungsod. Naisip kong bigla ang mga pinsan ko sa Zambales. Lagi nilang sinasabi sakin na one time titira sila dito sa Maynila. Marami raw kasing job opportunity dito kumpara sa probinsya. Oo, maraming oportunidad dito at naggagandahang eskwelahan kaya dito ako nag-aaral. Pero compressed na dito. At kung ako ang tatanungin, ipipirmi ko ang sarili ko sa gandang-dilag ng probinsya ko. Lalo na sa Iba na mukhang malapit- lapit na ring maging city; dumadagsa na rin ang mga job opportunities, ang mga tao, ang mga infrastructures, ang mga dayong nanggagaling sa mga lungsod na unti- unti na ring namamahay at gagalugad sa mga virging yaman ng bayan ko.

May the Architect be high- minded

Arriving at Pureza Station. Paparating na sa Pureza Station. Sa pagkakarinig ko ng batingaw ng tren, bigla kong naalala na may pinuproblema pala ako kanina. Bigla akong kumaripas palabas. Habang nakasakay sa pedicab papuntang College of Engineering and Architecture, iniisip ko na kung anong mga spaces ang ilalagay ko sa first floor, second floor at pataas. Kung anong building character at kung anong mga building systems ang maaari kong iapply sa exercise plate namin ngayon. Letsugas! Bakit ko pa kasi ginawa ang five minute- down head. Tuloy, nagtuluy-tuloy ang tulog ko! Pagpasok ko sa room, tumambad sakin ang mga kaklase kong nanllata sa paggawa na halatang wala ring tulog. Namumutok ang mga eyebags at mapupula ang mga mata at parang mga Zombies na nangangailangan ng karneng utak ( o mahabang tulog). Mahahalata mo rin ang mga naligo o naghilamos lang (sa paniniwalang nakamamatay ang pagligo kapag walang tulog. O dahil wala nang lakas o oras para maligo pa?)Hindi ko na sila binati ni inistorbo basta tuluy- tuloy ako kay Sheryl at sa likod niya na may drafting table na halatang nireserve nya para sakin dahil sa nakapatong nyang mga gamit. San ka ba galing?! Ipapasa na namin to maya-maya. Sa boarding house lang. Nakatulog kasi ako. Tinatapos ko kasi ung floor plan at elevation nung ginagawa natin sa Tropical Design at yung

Proposed Project ko kay Sgt. Canumoy. Schematic Site Analysis pa lang ako don. Sagot ko habang paspas sa pagdidikit ng tracing paper sa table. Sabi ko kasi sayo tsaka mo na gawin yung kay Sergeant. Eh mukhang jinojoke time ka lang nung piggy bank na yon. Eh sabi nya kasi sa Thursday nya na gustong makita ung schemes. Kaya ginagawa ko na sabay nung sa Trop Design. Di na siya sumagot pamukhang may tampo sa hindi ko pagrereply sa kanya kanina; maya konting lambing lang yon sa kanya, o-Ok ulit. Sa halip, inasikaso ko muna ang pagseset ng dodrowingan.Alam kong hindi na ako makakagawa pa pero pinalakas ko ang sarili sa milagro. Pero bigla akong napalingon sa pinto at nakitang papasok na si Sir Illiad. Owshit! napatingin din ang lahat. May mga pumaspas, may mga tumigil na; habang ako ay napahinto na lang. Lumingon sakin si Sheryl na may halong tampo at simpatya. At humarap ulit para ipasa sa harapan ang plates nya. Idinantay ko ang katawan ko sa upuan, itinaklob ang mga palad sa pagal kong mukha. Haaay Buhay Arkitekto sambit ko na may pagbubuntonghininga. Maya mayay unti unti kong naramdaman ang pagkalma sa mainit na yakap ni Sheryl.

Sa sumunod na klase sa 4th floor ng CEA, tumambad ang mukha ng mga kaklase ko na kaninay mukhang Zombie, ngayoy mukhang Intsik na nalugi sa negosyo. Andaming nagdadabog, ang ibay napapatakip ng mukha. Nagtaka kami ni Sheryl sa nangyayaring mass poker face sa room. Umupo na kami sa bandang dulo ng room at maya mayay dumating na rin ang prof namin sa Professional Practice. Doon mas umingay ang mga kaklase ko ( Ha? Mas umingay?), habang clueless kami sa nangyayari (Ha? Anung meron?). Maya mayay nagsalita si Sir Besi. Yes, I know what you feel class. Its very disappointing to know that our Court of Appeal favored PICE [Philippine Institute of Civil Engineers] to pass SB 2770. What?! napalakas ang sigaw ko. May mga napalingon sakin at nanalim ang tingin. Di mo lam?! sabad sakin ni Jugs. Hindi. Wala kaming TV sa boarding house. Bigla akong tinapik ni Sheryl. Senyas na wag nang magsalita pa. Nagsalita na kaagad si Sir Besi. January 5, 2012 when CA signed the Bill. What can you say about that class?

Sumagot si Cris na naabutan ko kaninang nagdadabog. Sir, halatang pinaboran ng CA ang mga CE! It is said that CE can sign now and do their own Architectural Plans that they dont even master or take serious of it. Isang sem nga lang nila ang Architectural Drawing, puro linya, turnilyo at sample architectural design na puro copy- paste lang, tapos tayo 5 years na duguang planning and design! Tayo ang entitled para don! Thats our job! Intellectual Property mo, gawa mo pero iba ang papangalan. Korak! sagot ng bading. Sir, Sayang lang ang 5 years na pagpupuyat at pagsusunog ng kilay! Ang 2 years na Specialized Course bago makakuha ng katakut- takot na licensure exam. Minamaster natin ang pagpaplano at pag-aanalyze ng effective design ng structures for quality, healthy and safety living ng mga users. Hindi lang basta box- type of structures, eh yun na yon! Unfair! Dugtong ni Ryiel na katabi ko. Gusto kong dumagdag pero mas pinili ko pang makinig at baka tapikin pa ako ulit ni Sheryl. Evident naman sa Manila no?! Tignan nyo, puro traffic, baha at informal settlers. Walang effective Urban Planning. Matagal na sanang tapos yan pero hanggang ngayon ito pa rin tayo.kung alam lang sana nila. Sabad ng boses ni di ko alam kung sino sya. Naki-seat in lang. Oo nga pag-atungal ng iba.

Lumugar naman dapat ang CE. Atin ang Architectural, sa kanila ang Structural Plans! Walang dugasan ng trabaho! Inientitle nga natin sila sa mga Structural and Cost Materials nila eh?! laab ni Vincent na animoy isa nang ganap na Arkitekto. Hindi ibig sabihing Arki tayo eh di na natin kayang magcompute ng mga loads, weights, at stress! Ang Math natutunan pero ang pagdodrawing at creative thinking, innate yan! Gift yan hindi pinupwersa! Tignan nyo ko. sabad naman ni Robert na nagpatawa pa at nagyabang. You know class back in our time in 70s and early 80s, Philippines was considered as Trend- setter of Asia when it comes to design and planning of structures. Kinaiinggitan tayo ng Japan, Singapore, Hongkong, China and also Middle East in terms of Asian Modernism and Filipino Contemporary Architecture . That era was the boom period for the Philippines and also for us Filipino Architects not only here in the Philippines but also in some other countries! There came the Leandro Locsins CCP, Diliman Chapel. And also Francisco Maosas Coconut Palace and San Miguel Building! Napakaayos at organisado at ansaya dati sa Manila at talaga namang dagsa ang turista ; that hailed Philippines as the number 1 progressive country in Asia! Napakalaking parte ng Arkitektura sa pagpapalago ng bansa! At nakakalungkot lang isipin ngayon na hindi na binibigyang importansya ang mga Architects at Architecture. Mas lalo pang pinaliliit ang mundo natin dahil sa approved Bill.

Wow ha! Its more fun in the Philippines! Hahaha.. at sumegway si Dianne. Its More fun and only in the Philippines talaga! Satin lang ata ang may 2-in-1 na course! Kapag nagtake ka ng Civil Engineering may BS Architecture for free! Di mo na kelangan ng madugong pag-aaral at pagmamaster ng Architecture for 5 years, kasi pagkagraduate mo 2 diplomas na ang matatanggap mo! sagot ni Cris na parang nag- popromote ng Nescaf 3-in-1 na strong and rich. Tawanan ang lahat. Di ko na napigil ang pag-imik. But to be fair to CEs Sir, though Im Archi Student, sana hindi tulad ng CEs ang CA na walang consideration, at imbalanced. Sana makipagkasundo ang CEs at lalo na ang mga clients na laging kumuha ng Architect at ientitle ang Architectural Plans sa mga Architects, if it is Engineers work dapat iconsult nya sa Architect ang Design dahil hindi basta- basta ang pagdedesign at pagpaplano kahit pa bungalow lang yan. Wag sana silang magmarunong. Hindi yung ilang segundo na pagpirma katumbas ay ilang dekadang pasakit sa mga clients at users sa hindi effective at quality- designed structures. Still meron din namang integrity na pinapangalagaan ang nga Engineers. Nanahimik ang lahat. Nabigla rin ako sa sinabi ko. Pang- Miss Universe ata. Hindi ko alam kung natuwa ang mga kaklase ko sa sinabi ko o nainis. Hindi ko mabasa sa mga mukha nila. Hinawakan ni Sheryl ang kamay ko at agad ko itong pinatungan din ng isa ko pang kamay. Ilang segundong

nanahimik. Lima. Walo. Sampu. Labing isa. Labing lima. Labing anim. Dead air. PaDotA- DotA lang tapos pipirma na ng Architectural Plans! Astig! Imba! Humirit pa at biglang nangibabaw ang boses ni Pidol. Nagtawanan ang buong klase.

not arrogant, but faithful. Patapos na ang klase at mahaba- habang diskusyon sa room. Tigil na rin ang mga boses na umalingawngaw sa apat na sulok ng room. Naguumpisa nang magsitayuan ang lahat pero biglang nagsalita si Sir Besi. By the way class, please go back to your seat. Have you heard about the filing of Motion for Reconsideration of UAP [United Architects of the Philippines] to Court of Appeal regarding the approved Bill? Yes, Sir. Malumanay na sabi namin. Mukhang naghihintay si Sir Besi ng kumento pero ilang segundo na naman ang pagkabingi ng lahat sa katahimikan. Masyadong mabibigat ang mga reaksyon natin sa SB 2770. Well, we just expressed ourselves on whats going on to our present situation. But please, let us be professionals as we go outside this building. Ipakita nating may pinapangalagaan tayong integrity kahit na balu-baluktot na ang nangyayari satin. Hintayin natin at ipagdasal na maging maganda ang

resulta ng Motion for Reconsideration natin; not only about this but for the betterment of our society. Do you get me class? nangibabaw pa rin ang pagiging Philosopo niya, Arkitektong -Philosopo. Yeeesss!!! Iboto si Sir! Pabiro pa ng ilan. Unti- unti nang naglabasan ang mga kaklase ko. Madilim na ang kalangitan pero inaagaw ng liwanag ang dilim ng mga ilaw ng kainan at establishments. Unti- unti na ring umuwi ang mga estudyante sa CEA at kaming dalawa na magkahawak- kamay. Dito ay unti- unti na ko na rin nilalambing ang apat na taon ko nang girlfriend na si Sheryl. Si Sheryl na may magandang pigura ng mukha, wavy hair-- na hindi nakisabay sa usong hair rebond, balingkinitang katawan at katamtamang kulay na isang dalagang Filipina na kinapipitagan ng madla. Si Sheryl na matalino, talented at mabait kong minamahal. Si Sheryl, ikaw na Sheryl! Quinota mo na lahat! Si Sheryl na hindi ko ipagpapalit kanino man. Si Sheryl na handa kong gawin ang lahat makasama lang habang buhay.

just, and easy to deal with, without avarice Napagsaraduhan na kami ng LRT kaya nag-jeep na lang kami papuntang Cubao, kung saan ako nagboboarding house. Pagkarating sa boarding house, sumalubong kaagad sa akin ang mga kaboardmate kong naghihinang ng circuits at nagsosolve ng Strength of Materials. Engineering

ang lahat at tatlo sa mga ito ay Civil na laging handang tumulong sakin kapag gipit ako sa badyet o kaya walang perang pang- date tuwing monthsary namin ni Sheryl. Kaya ganun na lang ang pagtatanggol ko sa kanila kanina nung discussion sa SB 2770. Agad na akong naligo habang kinakausap ni Sheryl ang mga kaboardmate ko. Naghapunan kami kasama ang pamilya ni Sheryl sa Kamuning. Makwela ang pamilya niya na tanggap na tanggap ako ng Papa at Kuya niya lalo na ang Mama nya na walang ginawa kundi patawanin kami habang naghahapunan; na alam ko na kung san nagmana itong si Sheryl. Laughtrip pa sa kwento nya nung napagkamalan daw siyang shoplifter ng isang clerk sa Department Store ng SM Sta. Mesa. Sinusundan daw siya kahit san pumunta hanggang sa dumampot siya ng item para lang masabing bibili siya. Pagkabayad sa cashier, nagkakahalagang P2,700 ang presyo. Napalunok siya sa presyo. Para hindi mapahiya, binili na lang niya. Ubos ang laman ng ATM card ni Sheryl at kung di pa ikukwento ay di pa malalaman ni Sheryl. Pero imbes na sitahin ang Mama nya ay siya pa ang may pinakamalakas na tawa. At bigla ko na namang naalala ang pamilya ko Zambalessi Mama, si Papa at sila Kuya na halos pareho rin nilamasarap kasama. Di bale, ilang linggo na lang at uuwi na ako, kasama si Sheryl. At duon inabot na ako ng hating gabi kayat napagdesisyunang makitulog sa kwarto niya.

At sa kwarto ni Sheryl nakatambad ang mga working drawings na nakapalumpon sa bilog na container at ang iba ay nakadikit sa pader kung saan naroon din ang drafting table nya. Binulatlat ko ang mga working drawings na nakarolyo at isa- isang tinignan habang naghihintay ako sa kama hanggang sa matapos na siyang maligo. Tumambad sakin ang isang mabangong at kaakit akit na hubog ng isang dalaga. Binitawan ko ang mga blueprints. Nakakabuhay ng dugo, nakakapanginig ng laman. Napansin nya ang tila pagtitig ko sa kanya kaya lumapit siya sakin at humiga sa kama at tumitig na parang nanghi-hypnotize. Kumabog ang dibdib ko at uminit ang pakiramdam. Humiga rin ako sa kama at bigla nyang kinabig ang braso ko para idantay ang ulo nya. Niyakap ko siya. At pinatay niya ang lamp shade na nagsisilbing liwanag sa kanyang kwarto. At kung ano man ang nasa isip ninyo, isinara lang namin ang aming mga mata at natulog sa pagod at puyat sa nagdaang umaga.

NAKATAKDANG GAWAIN NGAYONG LINGGO: Sabado- 7AM onwards, gagawa ng Major Plate- Proposed Gen. Hospital. Lingo- pahinga. Magsisimba sa Quiapo kasama si Sheryl. Gawa ulit ng plates pagkatapos. Lunes- 7PM after school- Research paper sa Design. Martes- 7PM after school plate sa Tropical Design. Bukas pasahan.

Miyerkules- Vacant day. 7AM-7PM continue Gen. Hospital. 7PM- 7AMdo Final Schemes- Sgt. Canumoy. BAWAL MATULOG! Huwebes. Ngayon na pala yun. Di ko akalaing nakaraos ako sa buong linggong walong oras lang ang tulog. Mas lalo pa atang lumakas ang pakiramdam ko, dahil kaya sa pag-inom ko ng kape? Dahil sa pinakauna kong proyekto. Project deal with Sgt. Canumoy.

You might also like