You are on page 1of 1

Buod ng God’s Not Dead

Ang kuwentong God’s Not Dead ay tumutukoy sa mga taong pinaglalaban ang kanilang
pananampalataya sa Diyos. Sa kabila ng nakukuha nilang pagpapahirap o panghuhusga ng kanilang
kapwa. Ginampanan ito ng isang magaaral na nagngangalang Josh Wheaton na kung saan ay pinaglaban
ang kaniyang pananampalataya sa panginoon laban sa kanyang guro na si Jeffrey Radisson at napalawak
o naibahagi rin niya ito sa kaniyang mga kamag-aral. Si Josh ay kumuha ng klaseng philosophy sa ilalim
ng propesor na si Jeffrey, sa kanilang unang klase inatasan ng propesor ang kaniyang mga estudyante na
isulat sa isang papel ang mga katagang “God is Dead”, lahat ng estudyante ay isinulat ito maliban na
lamang kay Josh kaya binigyan siya ng pagkakataon ng kanyang guro na makipagdebate laban dito at ang
mga iba pang magaaral ang magpapasya kung sino ang mananalo. Sa dalawang beses na pagdedebate ay
laging kinokontra ng guro ang sinasabi nito, ngunit ng sumapit ang ikatlo, ipinaglaban na ni Josh ito ng
lubos, kaya naman may isang mag aaral na nagngangalang Martin ang nagsabi ng God’s Not Dead at
sumunod naman ang iba, sa huli si Josh ang nanalo. Dahil sa hindi paniniwala ng propesor sa Diyos ay
hihiwalayan ito ng kaniyang karelasyon, ngunit ng mabasa niya ang sulat ng kaniyang ina ay hinabol niya
ang kaniyang karelasyon ngunit huli na ang lahat dahil siya’y nasangkot sa isang aksidente ngunit bago
pa pumanaw ay tinanggap niya ang panginoon. May ibang tao din ang nakasama sa kuwento tulad ng
muslim na naging kristiyano, babaeng may kanser na nabigyan ng panibagong pag- asa, at marami pang
iba.

You might also like