You are on page 1of 2

Pagsusuri ng Maria, ang

iyong anak
Pagsusuri: Maria, ang iyong anak

Sa maikling kwento na Maria, ang iyong anak, si Maria ay isang ina na


nagbebenta ng kandila sa harap ng Quiapo upang mapag-aral ang
kanyang anak na si Jesus, sapagkat namatay na ang kanyang asawa
noong nagkaroon ng welga sa kanyang pinagtatrabahuan at siyay
natagpuang lulutang-lutang ang katawan sa isang estero. Ang rason ng
pagkamatay ng ama ay ang naghikayat kay Jesus na ipaglaban ang mga
tao, na maging pantay pantay na ang lahat sa loob ng isang maayos na
sistema.
Kung gagamitan ito ng Peminismong pagbasa, makikita dito ang uri na
Peminismong Amerikano, kung saan ipinaglalaban ang karapatan ng mga
babae. Sa istorya, ipinaglalaban ang karapatan ni Maria na magtrabaho,
at pinatunayan niya na kayang buhayin ng isang ina ang kanyang anak
gamit ang sariling kakayahan lamang. Kahit na umabot pa man siya sa
mga paraan na nagmumukha na siyang salot sa paningin ng iba,
ipinagpatuloy niya parin ito upang maipagpatuloy ng anak ang kanyang
pag-aaral. Nang namatay ang ama ni Jesus na si Jose, ginampanan ni
Maria ang papel na maging tatay at nanay ng sabay para kay Jesus.
Kung gagamitan naman ito ng Kritisismong LGBT na pagbasa, ang lihim at
lantad ng ina at anak ang ipapakita. Sa palagay ko, ang lihim at lantad ni
Jesus ay magkapareho lamang; ang kanyang pagiging aktibista. Sa
paraan na, tinatago niya sa kanyang ina na kasali siya sa grupo ng mga
estudyante na nagwewelga, at sa kabilang dako naman, ipinapakita niya
ang kanyang ugaling aktibista sa pagsasabi na gusto niya maging paris
ng kanyang ama. Kay Maria naman, ang kanyang inilalantad ay ang
kanyang pagmamahal para sa kanyang anak. Ayaw niya na mapagaya
ang anak sa ama, sapagkat mapapasali ito sa mga rally kung saan may
malaking pagkakataon na dumating ang mga pulis, na gumagamit ng
karahasan upang paghiwa-hiwalayin ang mga tao at patigilin ang mga ito.
Ang kanyang nililihim naman ay ang kanyang pagsusuhol, kayat may
pagka-tumbalik ang kwento sapagkat ang kanyang anak mismo ay
ipinaglalaban ang demokrasya at ang maging pantay-pantay ang mga tao
habang ang kanyang ina ay nanunuhol ng pera sa ilalim ng pangit na
sistema. Ang isa pang nililihim ni Maria ay ang kanyang kagustuhang
ipaglaban ang tama. Para sa akin, pinakita ito noong nanaginip siya na
lahat sila ay nasa gubat at pinoprotektahan nila ang kanilang bukal.

Sumali si Maria sa laban na handang isakripisyo ang kanyang buhay.


Sa aking palagay, ang tema ng istorya ay ang paglaban para sa iyong
hangarin, na kung mayroon kang pangarap o lunggati, ipaglalaban mo ito
kahit na anong mangyari. Kung lalapatan ng Peminismong pagbasa at
Kritisismong LGBT ang tema ng istorya, masasabi ko na ang ito ay may
pagkakatulad. Ang hangarin ni Maria para sa kanyang anak ay ang
makatapos ito ng pag-aaral, kayat hindi siya nakatanggi nang alukin siya
ng mga pulis ng isang korap na trabaho, kung saan mas malaki ang
kanyang kikitain kung ikukumpara sa kanyang kinikita sa pagbebenta
lamang ng kandila. Ang hangarin naman ni Jesus ay ang magkaroon ng
pagbabago sa sistema ng gobyerno at makatulong sa marami. Sa paraan
na ito ay para na rin siya ang kanyang ama na si Jose, at paminsan pa
ngay naalala ni Maria ang asawa kapag kinakausap niya itong si Jesus.
Kahit na namatay si Jesus sa dulo ng kwento, alam niya na naitupad parin
niya ang kanyang papel sa kanyang buhay, ang buhay aktibista, sapagkat
mayroong isa, dalawa, apat, lima o sampu na babangon pa upang
ipaglaban ang nakaliyab nang apoy ng pagbabago.

You might also like