You are on page 1of 2

Tula Ng Isang Mag-aaral na Nangangarap

By: Roselito G. Faeldoña

Ako’y isang mag-aaral na nangangarap


Hangad ay maayos na kinabukasan
Para sa hinaharap ay ‘di maghirap
Nang ako ay walang pagsisihan bukas.

Sa paaralan ako’y nagaaral


Bagong kaalaman aking natututunan
Araw-araw ako’y nagsisikap ng lubos
Sa mga pagsulit ay ‘di sumusuko.

Sa aking paglalakbay Diyos aking gabay


Sa mahabang paglalakbay
Aking Ama’t Ina, Salamat sa lahat
Utang na loob ko aking buong buhay.

Di man kasing talino ni Jose Rizal


Sisikaping makasungkit ng Parangal
Para sa aking mabubuting Guro,
Salamat sa matiyagang pagtuturo.

You might also like