You are on page 1of 9

Nagkaroon ng maraming anak sina Adan at Eba.

Sila ay nagkaroon ng anak


na lalaking nagngangalang Cain. Siya ay gumagawa sa bukid. Mas minahal
niya si Satanas kaysa sa Diyos.
Sina Adan at Eba ay may isa pang anak na lalaking, nagngangalang Abel. Si
Abel ay nag-aalaga ng tupa. Sinunod niya ang mga kautusan ng Diyos.
Si Cain ay masama. Siya ay galit sa Diyos at kay Abel. Isang araw, sina
Cain at Abel ay nasa bukid. Sinabi ni Satanas kay Cain na patayin niya si
Abel. Pagkatapos ay pinatay nga ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel.
Alam ng Diyos na pinatay ni Cain si Abel. Tinanong Niya si Cain kung
nasaan si Abel. Nagsinungaling si Cain. Sinabi niyang hindi niya alam.
Sinabi ng Diyos na alam Niya ang ginawa ni Cain. Sinabi ni Cain na sinabi
ni Satanas na patayin niya si Abel. Sinabi ng Diyos na parurusahan si Cain
sa ginawa niyang pagpatay sa kanyang kapatid na si Abel.
Hindi na maaaring makasama pa ni Cain ang Diyos. Si Cain at ang kanyang
asawa ay nagpunta sa ibang lugar upang doon na tumira. Ilan sa mga kapatid
na lalaki ni Cain ay sumama sa kanila.
Si Cain at ang kanyang mga kapatid na lalaki ay nagkaroon ng malalaking
mag-anak. Hindi nila sinunod ang mga kautusan ng Diyos. Sila ay naging
labis na masasama.
Si Set ay isa sa mga anak na lalaki nina Adan at Eba. Si Set ay isang
mabuting tao. Tinuruan niya ang kanyang mga anak na mahalin ang Diyos.
Tinuruan niya silang magbasa at magsulat. Taglay nila ang pagkasaserdote.
Ang pagkasaserdote ay ang kapangyarihan ng Diyos.
Maraming taon ang lumipas. Marami nang tao ang nabuhay sa mundo.
Sinabi ni Satanas sa mga taong gumawa ng masasamang bagay. Karamihan
sa mga tao ay sumunod kay Satanas. Hindi nasiyahan ang Diyos sa kanila.

You might also like