You are on page 1of 14

LEKSIYON 3

SOURCE: YOUTUBE (SLAM VIDEO COLLECTION)


Si Abel ay naging pastol
at si Cain naman ay
naging magsasaka.
Si Yahweh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog.
Ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito.
Dahil dito ,hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit.
Kaya’t sinabi ni Yahweh, Anong ikinagalit mo Cain? Bakit ganyan ang mukha mo?

“Kung Mabuti ang ginawa mo ay dapat kang magsaya. Kung masama naman, ang kasalana’y
tulad ng mabangis na hayop na lagging nag-aabang upang lapain ka. Nais nitong pagharian
ka. Kaya’t kailangang mapaglabanan mo ito”
Sumama naman ito ,ngunit
pagdating nila sa bukid ay
pinatay ni Cain si Abel.
Tinanong ni Yahweh si Cain , Nasaan ang kapatid mong si Abel?
Sumagot siya, “Hindi ko alam. Bakit, ako ba’y tagapag-alaga ng aking kapatid?”
At sinabi ni Yahweh, “Cain, ano itong ginawa mo? Sumisigaw sa akin mula sa lupa
ang dugo ng iyong kapatid at humihingi ng katarungan.
Sinusumpa kita ngayon, at hindi mo na maaaring bungkalin ang lupa dahil dumanak
doon ang dugo ng kapatid mo na iyong pinaslang. Bungkalin mo man ang lupa upang
tamnan hindi ka mag-aani. Wala kang matitirhan at magiging lagalag ka sa daigdig.

“Napakabigat naming parusa ito!”, sabi ni Cain kay Yahweh.


“Ngayong pinalayas mo ako sa lupaing ito, upang malayo sa iyong paningin at maglagalag sa
daigdig papatayin ako ng sinumang makakakita sa akin”. “Hindi” ,sagot ni Yahweh
.”Paparusahan ng pitong ibayo ang sinumang papatay sa iyo.”
Kaya’t nilagyan ni Yahweh ng palatandaan si Cain upang maging babala sa sinuman na ito’y
hindi dapat patayin. Iniwan ni Cain si Yahweh at tumira siya sa lupain ng Nod,isang lugar
sa Silangan ng Eden.

You might also like