You are on page 1of 11

EsP 6

Ang
Kuwento
ng Buhay
ni Jacob
GEN ESI S 25: 19- 34, 27- 33

09/06/2021
Sino si Jacob?
Ama ng 12 lipi ng sinaunang
Israel
apo ni Abraham
Bunsong anak nina Isaac and
Rebeka
Kakambal ni Esau
"Jacob"
"mandaraya"

"sakong"
Sina Jacob at Esau
Naglalaban sa sinapupunan ng ina
at sinabi ng Diyos na magiging
pinuno ng dalawang bansa ang mga
bata ngunit mas malakas ang mas
bata kaysa sa panganay
Magkaibang-magkaiba sa maraming
bagay:
Esau - mabalahibo; mangangaso
Jacob - makinis; tahimik at
palaging nasa bahay
Paborito ni Isaac si Esau
samantalang paborito naman ni
Rebeka si Jacob
Sina Jacob at Esau

Ipinagpalit ni Esau ang


kanyang pagkapanganay sa
isang pagkain noong minsang
umuwi siyang gutom na gutom
Ang Panlilinlang ni Jacob sa Ama
Sa utos ng inang si Rebeka,
nagpanggap bilang si Esau
si Jacob upang mapasakanya
ang basbas ng ama bago ito
mamatay
Nagalit si Esau at inisip
niyang patayin si Jacob
Dahil dito ay inutusan ng
ina si Jacob na pumunta at
tumira sa tiyuhing si Laban
at doon na rin maghanap ng
mapapangasawa
Ang Panaginip ni Jacob
Sa kanyang paglalakbay,
natulog si Jacob na bato ang
ginamit na unan.
Nanaginip siya ng isang
hagdang may mga anghel.
Kinausap siya ng Diyos sa
kanyang panaginip at
binigyan ng pangako.
Sina Leah and Raquel
Mga anak na babae ni Laban
Napaibig si Jacob kay Raquel at
naglingkod kay Laban ng 7 taon
upang mapakasalan ito
Dinaya ni Laban si Jacob sa
gabi ng kasal nito. Ang
ibinigay ay ang mas matandang
anak na si Leah.
Pumayag si Jacob na magsilbi
muli ng 7 taon pa upang
mapakasalan din si Raquel.
Ang Pakikipagbuno ni Jacob sa Diyos
Bumalik si Jacob sa Canaan noong 11 na ang
kanyang anak.
Habang naglalakbay, humiwalay muna si
Jacob sa kanyang pamilya at isang lalaki
ang nakipagbuno sa kanya. Tumanggi si
Jacob na bitawan ang lalaki hanggang sa
mag-umaga.
Tinapik ng lalaki ang balakang ni Jacob at
nalinsad ang buto niya doon.
Humingi siya ng pagpapala sa lalaki at
sinabihan siya nito, "Ang iyong pangalan
ay hindi na tatawaging Jacob, kundi
Israel; sapagkat ikaw ay nakipaglaban sa
Diyos at sa mga tao, at ikaw ay
nagtagumpay."
Ang Pagpapatawad
ni Esau kay Jacob
Kinaumagahan, hindi
nangyari ang kinatatakutan
ni Jacob na pag-atake sa
kanya ni Esau.
Tumakbo si Esau upang
salubungin siya, niyakap
siya, niyapos siya sa
leeg, hinagkan at sila ay
nag-iyakan.

You might also like