You are on page 1of 1

GENESIS – mula sa salitang griego na ang kahulugan ay “pasimula”

DALAWANG PANGUNAHING BAHAGI NG GENESIS

1. Kabanatang 1-11: Ang paglikha sa sanlibutan at unang kasaysayan ng sangkatauhan.

 Kasaysayan nina Adan at Eva


 Kasaysayan nina Cain at Abel
 Noe at ang malaking baha
 at ang Tore ng Babel.

2. Kabanatang 12-50: Ang kasaysayan ng mga ninuno ng Israel.

 Kasaysayan ni Abraham
 Kasaysayan ng kanyang anak na si Isaac
 at kanyang apo na si Jacob (tinatawag ding Israel) at ng labindalawang anak nito,
 ang mga tagapagtatag ng labindalawang lipi ng Israel.

 May tanging banggit sa anak niyang si Jose, at ang mga pangyayaring nag-udyok kay
Jacob at sa iba niyang mga anak at kani-kanilang pamilya para mahirahan sa Egipto.

Bagamat nagsasalaysay tungkol sa mga tao ang aklat na ito, pangunahin dito ay ang ulat tungkol sa
ginawa ng Diyos. Nagpasimula ito sa pagpapahayag na ang Diyos ang lumikha sa sandaigdigan, at
nagwawakas sa isang pangako na patuloy na ipapakita ng Diyos ang kanyang malasakit sa kanyang
bayang hinirang. Ang Diyos ang pangunahing tauhan sa buong aklat.

You might also like