You are on page 1of 5

Christmas as Shalom:

The Birth of Messiah and Its Effects to the Whole Sphere of Relationships
(Isa.11:1-9)
Introduction
 Sa ilang gabi pong pagdadaos natin ng simbang gabi, inaral po natin ang kapanganakan ng Panginoong
Hesus sa pananaw ng Bagong Tipan (New Testament). At nakita po natin doon ang magkakaibang mensahe
at magkakaibang sitwasyon ng mga taong involve pero iisa lang ang focus: ang Panginoong Jesus.
 Sa gabi pong ito, nais ko naman pong aralin natin ang kapanganakan ng Panginoong Jesus sa pananaw ng
Lumang Tipan (Old Testament), kung saan ang kapanganakang ito ay unang binanggit at ipinangako ng
Diyos.
 At kung sa mga unang mensaheng napakinggan po natin ay nakita natin ang epekto ng kapanganakan ni
Cristo sa iba’t-iba, pero specific, na aspeto ng buhay ng mga tao—sa espiritwal, pisikal, political, at buhay
ng lipunan, ngayon naman po, nais kong tignan naman natin ang kabuuang epekto nito sa pangkalahatang
aspeto ng pakikipagrelasyon (kasi ang pananaw po natin at pinaniniwalaan po natin na ang pagiging
Cristiano ay pakikipag relasyon—sa Diyos, sa kapwa tao, at sa sangnilikha ng Diyos).
 At hindi ko na po hahabaan ang pagpapaliwanag kung bakit ang pakikipagrelasyong ito ay naputol at
masira, dahil alam na alam na po natin na ang dahilan ng pagkasirang ito ay walang iba kundi kasalanan.
 Ipinakita po sa unang tatlong kabanata ng Genesis kung paanong sa pagpasok ng kasalanan sa buhay ng tao
ay naputol at nasira ang relasyon ng tao sa Diyos, naputol at nasira ang relasyon ng tao sa kanyang kapwa
tao, at naputol at nasira ang relasyon ng tao sa sangnilikha ng Diyos.
 At ito pong pagkasira ng pangkalahatang relasyon na ito ay isinama din ng Diyos sa isa sa mga nais niyang
baguhin sa hinaharap sa pamamagitan ng kaligtasan na isinakatuparan naman Niya sa pamamagitan ng
pagpapadala ng Messias—ang Panginoong Hesus.
 Hindi lang po nais ng Diyos na tayo ay maligtas at mapatawad sa ating mga kasalanan, nais din po ng Diyos
na maipanumbalik sa ayos ang lahat ng nasirang relasyon: relasyon ng tao sa Diyos, relasyon ng tao sa
kanyang kapwa tao, at relasyon ng tao sa sangnilikha ng Diyos.

(Basahin Isaias 11:1-19)

Christmas as Shalom:
Isaiah’s Vision of the Birth of Messiah and Its Effects to the Whole Sphere of Relationships

 Ang salita pong “shalom” ay wikang Hebreo na isinalin sa salitang Ingles na “peace” (kapayapaan).
Unfortunately po, hindi na-capture nung English word na “peace” ang kabuuang meaning ng salitang
“shalom”. Kasi ang idea po ng salitang English na “peace” (kapayapaan) ay simpleng kapayapaan lang
(peace of mind, basta payapa ka lang).
 Pero ang idea po ng shalom sa Old Testament ay napaka lalim at napaka lawak. Ang kahulugan po ng
shalom sa Old Testament ay may kinalaman sa kaayusan ng kabuuang aspeto ng buhay, hindi lamang po ng
tao, kundi maging ng sangnilikha ng Diyos.
 At ang manifestation po ng kaayusang ito ay payapang relasyon ng tao sa Diyos, payapang relasyon ng tao
sa kanyang sarili, payapang relasyon ng tao sa kapwa tao, at payapang relasyon ng tao sa sangnilikha ng
Diyos.
 At dito po sa tekstong ating binasa sa Isaiah 11:1-9, ipinakita po na itong shalom na ito ang nais i-establish
ng Diyos sa pamamagitan ng Messiah. Punta po tayo sa ating teksto . . .
Analysis of the passage
Dalawang bagay po ang nais kong ibigay na backround:
 Una po, ito pong tesktong ito na tumutukoy sa paglitaw ng isang hari na magmumula sa lahi ni Jesse na ama
ni David ay ibinigay ng Diyos kay Isaiah noong panahon na nasakop ng bansang Assyria ang Judah.
Ipinaliwanag ni Isaiah sa chapter 10 na ginamit ng Diyos ang Assyria para parusahan ang Kanyang bayan
dahil sa kanilang mga kasalanan.
 Pero ipinakita din po ni Isaiah dito na naging palalo ang bansang Assyria at sa 10:13-14 inangkin nila ang
karangalan na tinatamasa nila, hindi nila kinilala na si Yahweh ang nagbigay sa kanila ng lakas para
masakop nila ang mga bansang sakop nila.
 Kaya mula v.15-34, sinabi ni Yahweh na paparusahan Niya ang Assyria, at ginamitan ni Isaiah ng isang
metaphor ang kanyang pagpapaliwanag kung paano ito gagawin ni Yahweh. Sa v.33:34, ang metaphor po na
ginamit ni Isaiah ay kagubatan na maraming matataas na puno (ito po ay simbolo ng Assyria), pero lahat po
ng matataas na punong ito ay puputulin ni Yahweh sa pamamagitan ng palakol, at magsisibagsakan itong
lahat.
 At dito po sa umpisa ng chapter 11, ginamitan din ni Isaiah ng isang metaphor kung paano lilitaw ang haring
magmumula sa lahi ni Jesse na ama ni David. Ang metaphor po na ginamit ni Isaiah ay stem (sanga) at
ipinakita niya na mula sa mga punong pinutol ni Yahweh (sumisimbolo sa pagpaparusa ni Yahweh sa
Assyria), uusbong ang isang sanga na maguugat kay Jesse (ito nga po ang Messiah).
 So, ibig sabihin po, kagaya ng laging tema ng Judgment ng Diyos, pagkatapos Niya pong parusahan ang
Kanyang bayan dahil sa kanilang mga kasalanan, ang kasunod po nito ay restoration. At ang restoration
pong ito ay konektado sa kapanganakan ng Messiah.
 Pangalawa po, bagamat ang pinaguusapan natin dito ay ang Messiah, hindi po ito agad-agad na tumutukoy
kay Jesus. Sa OT po mayroon pong dalawang uri ng fulfilment ng prophecy: (1) Immediate Fulfilment
(agarang katuparan ng propesia) kung saan ang ibinigay na mensahe ng Diyos sa kanyang propeta ay
nagkakaroon agad ng katuparan para i-address ang kanilang present situation, at (2) Final Fulfilment (pinaka
katuparan ng propesia) kung saan ang mensaheng ibinigay ng Diyos sa propeta ay matagal na panahon bago
matupad at kadalasan po ay konektado doon sa tinatawag na last days (huling panahon).
 At ang atin pong teksto ay ganitong uri ng propesia, ito po ay natupad na noong panahon nila. Kasi ibinigay
po ng Diyos ang mensaheng ito kay Isaiah sa panahon ng mga haring sina Uzziah, Jotham, Ahaz, Hezekiah
(1:1) around 765-705 B.C.
 At syempre po noong time na ‘yun ay nangangailangan ng pag-asa at paglingap ang mga kababayan ni
Isaiah, kung bibigyan siya ng propesia ng Diyos na ilang daang taon pa pala bago matupad, mawawalan sila
ng pag-asa, pero makikita po natin na paulit-ulit nagbabangon ang Diyos sa bansang Israel ng mga haring
nagmula sa lahi ni Jesse (David) para iligtas at palayain ang Bayan ng Diyos.
 So ‘yung immediate fulfilment ng prophecy na ito ay natupad na sa panahon nila, pero sa gabi pong ito, nais
kong magfocus tayo sa final fulfilment ng prophecy na ito na tumutukoy sa kapanganakan ng tunay na
Messiah na konektado sa last days, kung saan binabalak ng Diyos na itatag ang shalom hindi lang sa buong
Jerusalem, kundi sa buong sangnilikha.

I.S.: In connection with the Birth of the Messiah, how did God intend to establish Shalom in the whole
Creation?
I. By Establishing Justice On Earth (v.1-5)
 Sa v.2-3 po mapapansin po natin na naka-high light ang role ng Holy Spirit sa pagpapatupad ng Diyos
ng justice. (POWER POINT) Ang role po ng Holy Spirit sa mga talatang ito ay i-equip ang Messiah ng
wisdom, ng understanding, ng counsel, ng strength, ng knowledge and fear of the Lord.
 (POWER POINT) Ito pong mga bagay na ito na dulot ng Holy Spirit, ito po ang mga requirements ng
mga hari sa Israel noong panahon iyon, at dito po ipinapakita ni Isaiah na ang hari (Messiah) na
ipapadala ng Diyos ay mas better sa mga pangkasalukuyan nilang mga hari na walang wisdom,
understanding, counsel, strength, at walang tunay na knowledge tungkol sa Diyos at ang resulta nito
walang fear of the Lord.
 Kaya kung babasahin po natin mula chapter 1 hanggang dito sa chapter 11, ipinakita ni Isaiah na nag fail
si haring Ahaz at haring Hezekiah sa panahon ng paghahari nila sa Israel kasi wala sila ng mga bagay na
ito na tataglayin ng future king (Messiah).
 (POWER POINT) Pero ang katangian po na “fear of the Lord” dito ay ang pinaka mahalaga. Kapag
ang isang hari sa bansang Israel ay may takot sa Diyos, mayroon siyang wisdom, at kapag mayroon
siyang wisdom, maayos ang kaniyang pamumuno (the fear of the Lord is the beginning of wisdom).
 (POWER POINT) Tumutukoy din po ito sa buong pusong pagtitiwala sa Diyos sa lahat ng sitwasyon.
Si haring Ahaz po at haring Hezekiah, hindi sila nagtiwala kay Yahweh, ang ginawa nila, sa tuwing may
threat ang mga kalaban nilang bansa, humihingi sila ng tulong sa mga ka-alyado nilang bansa, sa halip
na humingi sila ng tulong kay Yahweh na kanilang tunay na Hari.
 (POWER POINT) Kaya sa halip na mapabuti ang kanilang bayan, lalo pang napapahamak kasi hindi
sila sumusunod sa instructions ng Diyos. Pero ang pangakong hari na ipapadala ng Diyos ay hindi
ganito. Ang future king (Messiah) na ipapadala ng Diyos will be filled with the Holy Spirit.
 At makikita po natin dito na ang resulta ng pagiging filled with the Holy Spirit ng haring ipinangako ng
Diyos ay ang pagpapalaganap ng Justice (basahin v.4-5):

“v4Bibigyan niya ng katarungan ang mga dukha,


Ipagtatanggol ang karapatan ng mga kawawa.
Ang salita niya'y parang tungkod na ipapalo sa malulupit,
Ang hatol niya'y kamatayan sa masasama.
v5Katarungan at katapatan ang paiiralin niya sa kanyang pamamahala.”

 Kagaya po ng napag-aralan natin kahapon sa Gospel of Luke, konektado ang kapanganakan ng Messias
at ng work of the Spirit sa pagkakaroon ng justice para sa mga marginalized people. Si Luke po kasi, sa
book of Isaiah niya ibinase ang kanyang Gospel, kaya ‘yung ibang theme na dinevelop ni Isaiah, kinuha
din ni Luke sa pagsulat niya ng Gospel, at ipinakita ni Luke na lahat ng ito ay natupad through Jesus.
 At nakita po natin kay Jesus kung paanong ang Banal na Espiritu ay kumilos sa pagbubuntis pa lang ni
Maria hanggang sa pagmiministeriyo ni Jesus. Nasa Kanya ang wisdom and understanding na hindi
matapatan ng mga Pariseo, nasa Kanya ang tamang counsel at kayang i-address ni Jesus lahat ng
katanungan ng tao sa Kanya noong panahon na nagmiministeriyo siya, nasa Kanya ang fear of the Lord
at nakita natin kung paano Siya nag-obey sa Diyos Ama hanggang kamatayan.
 At nakita natin na ipinakita ni Jesus kung ano ang tunay na Justice para sa mga taong mahihina na
biktima ng mga makapangyarihan sa lipunan, bagamat sa ngayon hindi pa totally naeestablish ang
justice dahil hindi pa tapos ang Diyos, pero nagbukas na ang Diyos ng daan para sa katuparan nito.
 Now, kapag ang justice pong ito ay napalaganap na, ano po ang resulta? Wala pong iba kundi peace.
Magkakaroon lang ng peace kapag mayroong justice. Magkakambal po ang dalawang iyan kaya hindi
sila pwedeng paghiwalayin. Kaya makikita po natin ang progression ng resulta na gagawin ng Messiah.
Inuna ng Diyos ang pagkakaroon ng Justice para masiguro na magkakaroon ng Peace.

II. By Establishing Peace on the Whole Sphere of Relationships on Earth (v.6-9)


 (POWER POINT) Kaya naman po sa v.6-9 ito ang binigyang pansin ni Isaiah, dahil po inequip ng
Holy Spirit ang Messiah, at ang naging resulta po nito ay pagpapalaganap ng justice, ang naging naman
resulta po nito ay peace.
 (POWER POINT) Pero makikita po natin dito na hindi lang peace among men ang magaganap kapag
naestablish na ang Justice, dito po, ipinakita ni Isaiah na kasama ang animal kingdom sa peace na
magiging resulta ng pagpapalaganap ng Messiah ng justice.
 At ito po ay simbolo ng harmony within the whole Creation of God (basahin v.6-9):

“v6Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero,


Matutulog ang leopardo sa tabi ng batang kambing,
Magsasama ang guya at ang batang leon,
At ang mag-aalaga sa kanila'y batang paslit.
v7Ang baka at ang oso'y magkasamang manginginain,
Ang mga anak nila'y magkakatabing matutulog,
Kakain ng damo ang leon na animo'y toro.
v8Maglalaro ang batang pasusuhin sa tabi ng lungga ng ahas,
Hindi maaano ang bata kahit laruin ang ulupong.
v9Walang mananakit o mamiminsala
Sa nasasaklaw ng banal na bundok;
Sapagkat kung paanong puno ng tubig ang karagatan,
Lalaganap sa buong lupain ang pagkilala kay Yahweh.”

 (POWER POINT) Ang highlight po ng mga talatang ito ay ang sinabi sa v.6 “pangungunahan sila ng
isang bata”. Ito po ay echo nang sinabi ni Isaiah sa 7:14: “Kaya nga't ang Panginoon na rin ang
magbibigay ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga, at manganganak ng batang lalaki, at ito'y
tatawaging Emmanuel”. At 9:6: “Sapagkat ipanganganak ang isang sanggol na lalaki, At siya ang
mamamahala sa atin. Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos, Walang
Hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan.”
 (POWER POINT) At ipinakita po ni Isaiah na ang peace sa buong sangnilikha ng Diyos ay
pangungunahan ng sanggol na ito, na ipinangakong hari. Sa panahon po kasi ng mga Israelita, ang
primary responsibility ng mga hari ay pageestablish ng peace within the kingdom.
 (POWER POINT) But unfortunately, ang mga haring sumunod kay David ay bigong panatilihin ang
peace sa kanilang kaharian, at ang pagkasira ng peace na ito sa loob ng kaharian ay may epekto sa mga
mamamayan: (1) sa kanilang buhay pakikipag-kapwa tao (kaya madaming injustice sa kanilang bayan
noong panahong iyon), at (2) sa buong lupain at sangnilikha ng Diyos (kagaya po ng napag-aralan natin
dati sa aklat ng Jeremiah, na nawala ang kaayusan sa sangnilikha at nangamatay ang mga puno at mga
hayop).
 So, sa madaling salita, dahil nawala na ang peace and harmony ng lahat ng buhay sa lupain, hindi na
nagagampanan ng sangnilikha ang layunin ng Diyos kung bakit Niya ito nilikha.
 Tignan niyo po ang analysis na ito sa konteksto ng pakikipagrelasyon:
(1) ang layunin ng Diyos sa tao nang likhain Niya ito ay pangalagaan ang sangnilikha—kasama
ang mga tao, mga puno, mga halaman, ang hangin, ang mga hayop, pero ngayon, obvious na
obvious na po sa ating kapaligiran na hindi na ito nagagampanan ng mga tao;
(2) ang pamahalaan na ang original purpose ng Diyos ay gamitin para pangalagaan ang welfare
ng mga tao ay bigo din sa kanyang gampanin (kagaya ni haring Ahaz at Hezekiah dito sa Isaiah);
(3) kahit po ang mga religious groups na ang layunin ng Diyos ay pangalagaan din ang kabuuang
aspeto ng buhay ng mga tao, bigo ding gampanan ang kanyang purpose, kasi ngayon ang mga
relihiyon pa ang nagiging sanhi ng pagaaway-away at pagkakawatak-watak ng mga tao; at
(4) ang layunin naman ng sangnilikha ay ingatan at pangalagaan ang welfare ng mga tao, kasi
lahat ng ikinabubuhay natin ay galing sa sangnilikha (pagkain, damit, herbal medicine, etc.), pero
ngayon, mismong ang kalikasan pa kadalasan ang nagiging sanhi ng pagkamatay ng maraming
tao (kalamidad, sakit, polusyon).
 So ito po ay indication na hindi na nasusunod ng sangnilikha ang layunin ng Diyos kung bakit Niya ito
nilikha. At ang harmony na originally ay tinataglay ng sangnilikha at ang maayos na relasyon ng bawat
nilikha sa isa’t-isa ay nawala na.
 Pero hindi po dito natatapos ang lahat, hindi po dapat ito magdulot sa atin ng kalungkutan at kawalan ng
pag-asa, kasi ipinakita po ni Isaiah na ang Diyos, hindi tumutigil sa Kanyang project sa mundo.
 At ang maganda po nito, niloob Niya na isama sa istoriya ng kapanganakan ng Messiah ang
pagpapanumbalik ng mga nasirang relasyon na ito.

Conclusion: The Church’s Response


 Sa Isaiah po, ito ay vision pa lang, hindi pa naibibigay ng Diyos ang means ng pagtatatag ng Shalom
(Messiah), pero sa atin pong kapanahunan, mahigit 2000 taon na ang nakakalipas noong dumating ang
Messiah.
 So naacomplish na ang pangako ng Diyos na ipadala ang Messiah, pangalawa sabi sa New Testament ang
indwelling ng Holy Spirit ay naganap na noong isinugo ito ni Jesus sa mga unang Mananampalataya at sa
lahat ng mga sumampalataya sa Panginoong Hesus. At napag-aralan po natin kanina na ang role ng Holy
Spirit ay i-equip ang mga Anak ng Diyos para sa gawain ng pagtatatag ng Shalom
 So ang dalawang means na gagamitin ng Diyos ay narito na: ang Messiah at ang Holy Spirit. Ang kulang na
lang po ay ang pagtatatag ng justice at peace. At tayo po, bilang mga Anak ng Diyos, na nabubuhay sa
mundo na tila nawala na sa bokabularyo ang salitang justice at peace, tayo ang inaatasan ng Diyos na
gumawa nito, syempre through the help of the Holy Spirit.
 Tayo ang magpoproclaim hindi lang ng Gospel of Salvation, kundi ng Gospel of Justice at ng Gospel of
Peace na siya rin namang laman ng mensahe ni Jesus Christ nung Siya ay narito pa.

Summary
 Kaya kung isasummarize po natin ang vision ni Isaiah ng pasko (kapanganakan ng Panginoong Hesus),
ganito po ang magiging outline:
According to Isaiah’s Vision of Christmas:
1. Christmas is the Establishment of Harmony between Man and God (through the indwelling of the
Holy Spirit [vv.2-3])
2. Christmas is the Establishment of Harmony between Man and His Fellow Men (through the
establishment of justice among men [vv.4-5])
3. Christmas is the Establishment of Harmony between Man and the Whole Creation (through the
establishment of peace and harmony within the Whole Creation [vv.6-9])

You might also like