You are on page 1of 2

Hesus

SI HESUS AY ANG ANAK NG DIYOS

2000 taon ang nakaraan, isang tao ang lumitaw sa yugto ng kasaysayan .
Ipinanganak siya sa sanlibutan at lumaki ng katulad din ng ibang tao, ngunit ang
taong ito ay naiiba sa lahat. Siya’y hindi pangkaraniwang tao. Siya ay mismong
Diyos, bumaba sa lupa sa anyo ng tao. Siya ang “Anak ng Diyos”. (Juan 1:1,14).

SI HESUS AY PUMUNTA SA SANLIBUTAN PARA SA ISANG NATATANGING


LAYUNIN:

1. Upang iligtas ang sangkatauhan sa kapangyarihan ni satanas.


(Lukas 19:10, Colosas 1:13.)
2. Upang ibigay ang Kanyang buhay bilang pantubos para bilhin tayong muli.
(Mateo 20:28)
3. Upang wasakin ang mga gawa ni satanas sa ating buhay.
(1 Juan 3:8)
4. Upang bigyan tayo ng walang hanggang buhay
(1 Juan 5:11-12, Juan 3:16-17, Juan 10:10)
5. Upang bigyan tayo ng panibagong “pagsilang” sa Angkan ng Diyos.
(Juan 1:12-13, Juan 3:1-2)
6. Upang mapanumbalik ang ating pakikipag-isa sa Diyos Ama.
(1 Juan 1:3)

PUMARITO SI HESUS UPANG IPAKITA SA ATIN KUNG ANO ANG DIYOS

Basahin: (Juan 14:7-11, Juan 1:18)

1. Ipinakita Niya sa atin ang Pag-ibig ng Diyos. (1 Juan 4:9-10, Roma 5:8)
2. Ipinakita Niya sa atin ang kapangyarihan ng Diyos.

 Pinagaling Niya ang may-sakit, ang lumpo at ang bulag.


(Mateo 4:24, Juan 9:1-7)
 Nagpalayas Siya ng masasamang espiritu.
(Marcos 1 :34, Marcos 5 :1-17)
 Gumawa Siya ng mga himala.
(Marcos 4:37-41, Juan 6:1-21)
 Binuhay Niya ang mga patay.
(Juan 11:43-44)

9
NAKIBAHAGI SI HESUS SA ATING MGA PAGHIHIRAP SA KANYANG
BUHAY

Nang nabubuhay pa si Hesus sa daigdig, naranasan niya ang lahat ng


kahirapan ng buhay na hinaharap natin, kaya nauunawaan Niya kung ano ang
ating nararamdaman (Hebreo 4 :15, Mateo 8 :17).

NAMATAY SI HESUS SA KRUS PARA SA ATIN

Ang masasamang tao ay kinuha ang Panginoong Hesus at pinatay siya sa


pamamagitan ng pagpako sa Krus na kahoy na parang karaniwang kriminal.
Maari niyang mailigtas ang sarili, ngunit hindi niya ginawa sapagkat sa
pamamagitan ng Kanyang Kamatayan sa Krus ililigtas ng Diyos ang sanlibutan.
Namatay si Hesus para sa atin ! (Basahin ang Marcos 15 :16-39, 1 Pedro 2:24,
Isaias 53:5-6).

NABUHAY SI HESUS MULA SA MGA PATAY PARA SA ATIN

Makaraan ang tatlong araw sa libingan, binuhay ng Diyos ang Kanyang


Anak mula sa mga patay! (Basahin ang Mateo 28). Ito rin ay para sa atin. (Efeso
2 :4-6, Roma 6 :4).

BINUKSAN NI HESUS ANG PINTUAN NG LANGIT PARA SA ATIN

Nang ang kanyang gawain sa daigdig ay natapos na, si Hesus ay bumalik


sa langit upang makasama ang Diyos, ang kanyang Ama. Ngunit ito rin ay para
sa atin ! Sapagkat binuksan niya ang daan patungo sa presensiya ng Diyos para
sa atin, kung saan maari tayong mabuhay ngayon at magpakailanman. (Hebreo
10 :19-22, Juan 14 :1-3).

ANG AKING PAGTATALAGA

Ngayon ay aking tinatanggap na si Hesus ang Anak ng Diyos at pumarito


Siya sa sanlibutan upang matugunan ang aking malaking pangangailangan ng
isang Tagapagligtas. Sasabihin ko rin sa iba na pumarito Siya sa sanlibutan
para din sa kanila.

10

You might also like