You are on page 1of 12

Mission Sunday

Victoria Grace Church


Victoria, Oriental Mindoro
July 30, 2023
I. A. Greetings
B. Opening Prayer
C. Teksto: Isaias 6: 1 - 13
1 Nang taong mamatay si Haring Uzias, nakita ko si Yahweh.
Nakaupo siya sa isang napakataas na luklukan. Ang laylayan ng
kanyang damit ay nakalatag sa buong templo.
2 May mga serapin sa kanyang ulunan at bawat isa'y may anim na
pakpak. Dalawa ang ginagamit sa paglipad.
3 Wala silang tigil nang kasasabi sa isa't- isa ng ganito:
" Banal, banal, banal si Yahweh na Makapangyarihan; ang
kanyang kaningninga'y laganap sa sanlibutan."
4 Sa lakas ng kanilang tinig ay nayanig ang pundasyon ng templo at ang loob
nito'y napuno ng usok.
5 Sinabi ko, " kawawa ako. Marumi ang aking labi at naninirahan sa piling ng
mga taong marurumi rin ang labi. Mapapahamak ako pagkat ako'y isang
makasalanang nakakita kay Yahweh, ang Makapangyarihang Hari.
6 Pagkatapos may isang seraping sumipit ng baga sa dambana at lumipad na
patungo sa akin.
7 Ang baga ay idiniit sa aking mga labi at sinabi: " Wala ka nang sala. Napawi na
ang mga kasalanan mo."
8 Narinig ko ang tinig ni Yahweh, " Sino ang aking ipadadala? Sino ang aming
susuguin?" Sumagot ako, " Narito po ako. Ako ang isugo nyo."
9 Sinabi niya, Humayo ka, sabihin mo sa mga tao: " Makinig man kayo nang
makinig ay hindi kayo makauunawa; tumingin man kayo nang tumingin ay
hindi kayo makakita.

10 Papurulin mo ang kanilang isip . Bulagin mo sila para hindi makakita. Gawin
mo silang bingi para hindi makarinig o makaunawa. Baka sila'y magbalik-loob
at magsigaling. “

11 Itinanong ko: Hanggang kailan, Panginoon? " Ganito ang sagot niya:
" Hanggang ang mga lunsod ay mawasak at mawalan ng tao, hanggang sa
maiwang walang nakatira ang mga tahanan, hanggang sa matiwangwang ang
lupain; 12 Hanggang sa ang mga tao'y itapon ni Yahweh sa malayong lupain at
ang lupai'y maging malawak na ilang
13 Matira man ang ikasampung bahagi ng mga tao sila ay
mapupuksa, parang pinutol na puno ng ensina, tuod lamang ang
natira. Ang tuod na iyan ang binhing banal.
II. A. Pambungad: Tuwing ika- limang linggo ng buwan ay Mission
Sunday. Ang mensahe ay tungkol sa misyon at ito ay may direktang
may kaugnayan sa misyon ng iglesya - ang pagbabahagi ng
ebanghelyo, ang Mabuting Balita ng kaligtasan sa pamamagitan ni
Jesu-Cristo.
 Ang iglesyang nagmimisyon ay iglesyang buhay at lumalago
samantalang ang iglesyang hindi nagmimisyon at iglesyang unti-
unti at dahan-dahang nawawalan ng sigla, nanghihina, hanggang sa
tuluyan ng mamatay.
Bakit kailangan ang pagmimisyon? Dahil " Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti
ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may- ari na magpadala siya ng mga
manggagawa sa kanyang anihin( Lucas 10: 2 ).
 
Dahil ang pagdating Panginoon ay mangyayari lamang kung ipangangaral sa
sanlibutan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ito'y
makilala ng lahat
( Mateo 24: 14 ).
 
Dahil ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig at makakapakinig lamang
kung may mangangaral tungkol kay Cristo ( Roma 10: 12 ).
B. Paglalahad: Ngayong umaga pag-uusapan natin kung sino si Elias,
ang pagtawag sa kanya ni Yahweh at kung paano siya tumugon.
Aalamin din natin kung sino ang mga Elias sa ating kapanahunan
ngayon.
 
III. A. Pagtalakay
1. Sino si Elias? Siya ang propeta ni Yahweh na gumanap ng
mahalagang papel sa plano ng Diyos. Inihula niya ang pagdating ng
Mesiyas at nagdala ng pag-asa sa kanyang bayan sa panahon ng
kaguluhan. Ang pangakong ito ng pag-asa ay hindi lamang sa bansang
Usrael, kundi para din sa lahat ng lahi sa daigdig. Siya ay nagsilbing
propeta ng Jerusalem sa loob ng 40 years( approximately 740 - 701 B.C)
during the reigns of Uzziah, Jotham, Ahaz, Hezekiah and Manasseh of
the Southern Kingdom of Judah.
Ang pangalang ISAIAS sa Hebreo ay nangangahulugan ng " Salvation
of the Lord". It was derived from a Hebrew phrase: Yeshayahu
meaning " God saves".
2. Ang Pagtawag ni Yahweh kay Elias. Paano siya tumugon?
t. 5 kinilala niya ang kanyang kasalanan. Alam niya na siya ay
mapapahamak. Alam niya na hindi siya karapat-dapat sa aumang
pabor mula kay Yahweh . Alam niya na may tiyak na kaparusahang
naghihintay sa kanya.
t. 6 at tumugon ang Diyos sa pamamagitan ng isang serapin ( isang
nilikhang taga langit ). Sumipit ng baga sa dambana at lumipad na
patungo sa akin. 7 ang baga ay idiniit sa aking labi at sinabi: " WALA
KA NANG SALA. NAPAWI NA ANG MGA KASALANAN MO."
In verse 5 Elijah repented; in verse 6 he was forgiven; in verse 8 he heard God's
call and he responded readily. Wala ng pero pero. Katulad ng pagtawag ni Jesus
sa apat na mangingisda. Mateo 4: 18 - 22 sa paglalakad ni Jesus sa tabi ng Lawa
ng Galilea, nakita ni.ya ang dalawang mangingisda , si Simon na tinatawag na
Pedro, at ang kanyang kapatid na si Andres. Sila'y naghahagis ng lambat.

19 Sinabi niya sa kanila, " Sumunod kayo sa akin, at kayo'y gagawin kong
mamamalakaya ng mga tao." 20 Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga lambat
at sumunod kay Jesus.
21 Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago
at Juan , mga anak ni Zebedeo, sila'y nasa bangka at naghahayuma ng lambat.
Tinawag din sila ni Jesus 22 Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama
at sumunod kay Jesus.
Mateo 9:9 Umalis si Jesus sa lugar na iyon. Sa kanyang paglakad nakita niya ang
isang taong ang pangalan ay Mateo ; nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi
ni Jesus sa kanya, " Sumunod ka sa akin. " Tumindig si Mateo at sumunod sa
kanya. Isaiah responded immediately and positively to the Lord's call. IKAW,
paano ka tutugon sa tawag ng Panginoon?
 t. 9 - 10 heeded God's command and followed His instructions faithfully.
 Sinabi niya " Humayo ka, sabihin mo sa mga tao: " Makinig man kayo nang
makinig ay hindi kayo makauunawa; Tumingin man kayo ng tumingin ay hindi
kayo makakikita. Papurulin mo ang kanilang isip, bulagin mo sila para hindi
makakita. Gawin mo silang bingi para hindi makarinig o makaunawa. Baka sila'y
magbalik- loob at magsigaling.
 
t. 11 - 13 Time frame - unknown
Worked wholeheartedly and patiently.
Itinanong ko: Hanggang kailan po, Panginoon? Ganito ang sagot niya: hanggang
ang mga lunsod ay mawasak at mawalan ng tao, hanggang sa maiwang walang
nakatira ang mga tahanan, hanggang sa matiwangwang ang lupain; hanggang sa
ang mga tao'y itapon ni Yahweh sa malayong lupain at ang lupa'y maging
malawak na ilang. Matira man ang ikasampung bahagi ng mga tao sila ay
mapupuksa, parang pinutol na puno ng ensina. Tuod lamang ang natira. Ang
tuod na iyan ang binhing banal ( Isaias 11: 1- 3 Ang paghahari ng angkan ni David
ay nalagot na parang punong- kahoy na naputol. Ngunit sa lahi niya'y lilitaw ang
isang hari tulad ng supling mula sa isang tuod. 2 Mananahan sa kanya ang
espiritu ni Yahweh, bibigyan siya ng katalinuhan at pagkaunawa, ng kaalaman at
kapangyarihan, ng karunungan at takot sa Panginoon.
3 Kagalakan niya ang tumalima kayYahweh. Hindi siya hahatol ayon sa nakikita o
batay sa narinig sa iba. 11:10 Sa araw ba iyon, isisilang ang hari mula sa lahi ni
David. Ang magiging palatandaab para sa mga bansa. Ang mga baya'y tutungo
sa banal na lunsod upang parangalan siya.
3. Sino ang mga Elias sa ating kapanahunan ngayon? Tayong LAHAT na mga
mananampalataya kay Cristo. Katulad ng mga unang alagad ng Panginoong
Jesus tayo ay tinawag din ng Panginoon ang dakilang atas: Mateo 28: 19 - 20
Kaya humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan
ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod
sa lahat ng ipinag-uutos ko. Tandaan ninyo: AKO'Y laging Kasama ninyo
hanggang sa katapusan ng sanlibutan.
 
B. Sagana ang anihin, sino ang mag- aani? Ikaw ba.
 
IV. " THE CHURCH THAT DOES NOT EVANGELIZE WILL FOSSILIZE. "
( Oswald J. Smith)

You might also like