You are on page 1of 3

IKA-3 LINGGO NG ADBIYENTO

Sunday, December 15, 2019

Unang Pagbasa

Isaias 35:1-6ª.10 (Electronic Filipino Bible 2005)

Muling sasaya ang ulilang lupain na matagal nang tigang;

mamumulaklak ang mga halaman sa disyerto.

v2Ang disyerto ay aawit sa tuwa,

ito'y muling gaganda tulad ng mga Bundok ng Lebanon

at mamumunga nang sagana tulad ng Carmel at Sharon.

Mamamasdan ng lahat ang kaluwalhatian

at kapangyarihan ni Yahweh.

v3Inyong palakasin ang mahinang kamay,

at patatagin ang mga tuhod na lupaypay.

v4Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob:

"Huwag kang matakot, lakasan mo ang iyong loob!

Darating na ang Diyos,

at ililigtas ka sa mga kaaway."

v5Ang mga bulag ay makakakita,

at makakarinig ang mga bingi.

v6Ang mga pilay ay lulundag na parang usa,

aawit sa galak ang mga pipi.

v10Babalik sa Jerusalem ang mga tinubos ni Yahweh

na masiglang umaawit ng pagpupuri.

Paghaharian sila ng kaligayahan.

Ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman.


Ikalawang Pagbasa

Santiago 5:7-10 (Electronic Filipino Bible 2005)

v7Mga kapatid, kaya nga't magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang
magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang kapana-panabik na ani ng kanyang bukirin, at
minamatyagan ang pagpatak ng ulan. v8Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob
sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

v9Mga kapatid, huwag na kayong magsisihan sa isa't isa upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat
malapit nang dumating ang Hukom. v10Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa
pangalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan.

Tinapay ng Buhay

Mateo 11:2-11 (Electronic Filipino Bible 2005)

v2Nakabilanggo na noon si Juan na Tagapagbautismo. Nabalitaan niya ang mga ginagawa ni Cristo kaya't
nagsugo siya ng ilang mga alagad v3upang itanong, "Kayo po ba ang ipinangakong darating, o
maghihintay pa kami ng iba?" v4Sumagot si Jesus, "Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo sa kanya ang
inyong naririnig at nakikita. v5Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at
lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at
ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. v6Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa
akin!"

v7Nang paalis na ang mga alagad ni Juan, nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan, "Bakit kayo
nagpunta sa ilang? Ano ang nais ninyong makita? Isa bang tambo na hinihipan ng hangin? v8Bakit kayo
pumunta sa ilang? Para makita ang isang taong may mamahaling kasuotan? Ang mga nagdaramit ng
ganyan ay nasa palasyo ng mga hari! v9Ano nga ba ang nais ninyong makita? Isang propeta? Oo, siya'y
propeta. At sinasabi ko sa inyo, siya'y higit pa sa isang propeta. v10Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng
kasulatan, 'Ipadadala ko ang aking sugo na mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.'
v11Tandaan ninyo: higit na dakila si Juan na Tagapagbautismo kaysa sinumang isinilang sa daigdig, ngunit
ang pinakahamak sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa kanya.

PAGNINILAY - PANDESAL 2019

(Claretian Communications Foundation, Inc.)


Wika sa Ebanghelyo, “…mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng Langit.” Ito marahil ang
dahilan kung bakit winika ni Jesus na marapat na tularan ang mga bata kung nais makapasok sa kaharian
ng Langit (Mk 10:15).

Bible Verse: (Bible Qoutes – Special Daily 2014-2019 & Electronic Filipino Bible 2005)

Josue 1:9

v9Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o
mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man
magpunta."

You might also like