You are on page 1of 3

TAHIMIK NA PAGNINILAY NILAY

PAGPASOK SA SANTUARYO HABANG INAAWIT ANG INTROIT KASABAY NG


PAGSISINDI NG MGA ILAW

INTROIT: HERE I AM TO WORSHIP


Light of the world You stepped down into darkness
Opened my eyes, let me see
Beauty that made this heart adore You
Hope of a life spent with You

Refrain: Here I am to worship, Here I am to bow down


Here I am to say that You're my God
You're altogether lovely, Altogether worthy
Altogether wonderful to me

King of all days Oh so highly exalted


Glorious in heaven above
Humbly You came to the earth You created
All for love's sake became poor

Well, I'll never know how much it cost


To see my sin upon that cross
Well, I'll never know how much it cost
To see my sin upon that cross
Well, I'll never know how much it cost
To see my sin upon that cross
Well, I'll never know how much it cost
To see my sin upon that cross

PAGBASA MULA SA AKLAT NI PROPETA ISAIAS Patnugot

Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa


lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.

3Iyongpinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap
mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng
samsam.

Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at
ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging
Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng
Kapayapaan.
7Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa
luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng
katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng
mga hukbo.

Halikayo, salubungin natin ang liwanag na kaloob ng Kanyang muling pagparito, ihanda ang
ating mga sarili sa pagpupuri. Manalangin tayo:

PANIBUKAS NA PANALANGIN Patnugot


Kay dakila mo, O Diyos Amang walang hangganan,
Ang lahat ng liwanag, ikaw ang pinagmulan.
Darating sa daigdig yaring bukang-liwayway
Tanda ng pag-ibig mo na walang katapusan.
Ikaw, O Hesukristo, ang tunay naming araw
Kaloob mo ay buhay sa katawa’t isipan.
Dinggin mo ang dalanging kami’y iyong tulungang
Malayo sa masama’t anumang kasalanan.
O Espiritu Santo, sa amin ay manahan
Loob ay bigyang-lakas, gawing banal ang buhay
Maghapon ay harapin sa gawang kabutihan
Sa pagsapit ng gabi ay payapang hihimlay. Amen.

IMNO NG PAGPUPURI “O Haring Walang Hanggan” AIC#19


O Haring walang hanggan, kami po’y Iyong tulungang mag-awitan, O Diyos na marangal, at
mapagtagumpay, kami’y pagharian kailanpaman.
O Kristong Hari namin, ang aming mga dalangin, iyong dinggin, laging pagpalain, ang bayan
mong angkin, at pakabanalin sa gawain.
O Diyos na diwang banal, ang mga aral mong sakdal, ay itanglaw, at kami’y turuang ikaw’y
paglingkuran huwag mo kaming iwan kailanpaman
Diyos na tatlong persona ngunit tunay na iisa, Dakila ka! Niluluwalhati Ka nami’t sinisinta,
kami’y sumasamba, Aleluya!

Pagbasa mula sa Papuring Awit ni Zacarias- Lukas 1:68-79 Pastor


Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel!
Sapagka’t nilingap niya at pinalaya ang kanyang bayan.
At nagpadala siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas,
Mula sa lipi ni David na kanyang lingkod.
Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang banal na propeta
noong una, Na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway,
At sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin.
Ipinangako rin niya na kahahabagan ang ating mga magulang,
At aalalahanin ang kanyang banal na tipan.
Iyan ang sumpang binitiwan niya sa ating amang si Abraham,
Na ililigtas tayo sa ating mga kaaway,
Upang walang takot na makasamba sa kanya,
At maging banal at matuwid sa kanyang paningin, habang tayo’y
nabubuhay. Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan;
Sapagka’t mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang mga
daraanan, At ituro sa kanyang bayanang landas ng kaligtasan,
Ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
Sapagka’t lubhang mahabagin ang ating Diyos;
Magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan.
Upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa ilalim ng kamatayan,
At patnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan.
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo,
Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

PAGNINILAY “From Darkness to Light”

PANGWAKAS NA IMNO “Sa Tana’y may balitang mainam”MASP#278

Sa tana’y may balitang mainam, upang puso’y liwananagan, buhay at katotohanan, kapayapaa’t
ilaw, kapayappa’t ilaw

Koro: Ang dilim ay magliliwanag, at sa lupa’y itatatag, ni Kristo ang kaharian ng pag-ibig at
liwanag

Mayroong awit na aawitin, puso kay Kristo ay dalhin, sa kasamaa’y pangsupil, dudurog sa
patalim, dudurog sa patalim (Koro)

Sa kalahatan ay may balita, na ang hari sa itaas, sinugong anak ng liyag, upang tayo’y iligtas,
upang tayo’y iligtas (Koro)

Nagligtas ay ipakikilala, hirap ang dinanas Niya, ang kahirapa’t tinahak, lahat ay nang maligtas,
lahat ay nang maligtas (Koro)

PANGWAKAS NA PANALANGIN AT PAGPAPALA Pastor

TATLONG AMEN

You might also like