You are on page 1of 79

Aklat ng Bibliya Bilang 24Jeremias

Manunulat: Si Jeremias Saan Isinulat: Sa Juda at Ehipto Natapos Isulat: 580 B.C.E. Panahong Saklaw: 647580 B.C.E.

SI PROPETA Jeremias ay nabuhay sa mapanganib at maligalig na panahon. Inatasan siya ni Jehova noong 647 B.C.E., ika-13 tang paghahari ng maytakot-sa-Diyos na si Haring Josias ng Juda. Nang kinukumpuni ang bahay ni Jehova, ang aklat ng Kautusan ni Jehova ay natagpuan at binasa sa hari. Sinikap niyang ipatupad ito ngunit pansamantala lamang niyang naibaling ang bayan mula sa idolatriya. Ang lolo ni Josias na si Manasses, na 55 taon naghari, at ang ama niyang si Amon, na pinatay pagkaraang maghari lamang ng 2 taon, ay kapuwa naging balakyot. Inakay nila ang bayan sa mahahalay sa seremonya at nakaririmarim na rituwal, kaya nakaugalian noon ang paghahandog ng insenso sa reyna ng langit at ng mga haing tao sa mga demonyo. Ang Jerusalem ay pinuno ni Manasses ng walang-salang dugo.Jer. 1:2; 44:19; 2 Hari 21:6, 16, 19-23; 23:26, 27. Hindi madali ang atas na ito. Bilang propeta ni Jehova, ihuhula niya ang pagkawasak ng Juda at Jerusalem, ang pagkasunog ng maringal na templo ni Jehova, at ang pagkabihag ng kaniyang mga kababayanmga sakunang mahirap paniwalaan! Tatagal nang 40 taon ang panghuhula niya sa Jerusalem, sa panahon ng masamang paghahari nina Joas, Joiakim, Joiachin (Conias), at Zedekias. (Jer. 1:2, 3) Nang maglaon, sa Ehipto, humula din siya tungkol sa idolatriya ng mga Judiong takas doon. Ang aklat ay natapos noong 580 B.C.E. Ito ay sumasaklaw sa isang makasaysayang yugto ng 67 taon.52:31.
2

Sa Hebreo, ang pangalan ng propeta at ng aklat ay Yirmeyah o Yirmeyahu, ibig sabihin marahil ay Si Jehova ang Nagtatanghal; o, si Jehova ang Nagkakalag [wari ay mula sa bahay-bata]. Ang aklat ay nasa mga katalogo ng Hebreong Kasulatan, at ang pagiging-kanonikal nito ay tinatanggap ng lahat. Ang madulang katuparan ng maraming hula noong panahon mismo ni Jeremias ay mariing patotoo ng pagiging-tunay nito. Si Jeremias ay madalas ding tukuyin sa pangalan sa mga Kristiyanong Kasulatang Griyego. (Mat. 2:17, 18; 16:14; 27:9) Maliwanag na may kaalaman si Jesus sa aklat ni Jeremias sapagkat pinagtambal niya ang Jeremias 7:11 at Isaias 56:7 nang nililinis niya ang templo. (Mar. 11:17; Luc. 19:46) Dahil sa kagitingan at tibay-loob ni Jesus, inakala ng iba na siya mismo si Jeremias. (Mat. 16:13, 14) Ang hula ni Jeremias hinggil sa bagong tipan (Jer. 31:31-34) ay tinutukoy ni Pablo sa Hebreo 8:812 at 10:16, 17. Sinisipi ni Pablo ang Jeremias 9:24 sa pagsasabing: Siya na nagmamalaki, si Jehova ang kaniyang ipagmalaki. (1 Cor. 1:31) Sa Apocalipsis 18:21 ay may isa pang mas mariing pagkakapit ng ilustrasyon ni Jeremias (Jer. 51:63, 64) sa pagbagsak ng Babilonya. Ang arkeolohiya ay umaalalay din sa ulat ng Jeremias. Halimbawa, iniulat ng isang kronika ng Babilonya ang pagbihag ni Nabukodonosor (Nabukadrezar) sa Jerusalem noong 617 B.C.E., nang dakpin niya ang hari (si Joiachin) at atasan ang isa na kaniyang pinili (si Zedekias).24:1; 29:1, 2; 37:1. Mas kumpleto ang talambuhay ni Jeremias kaysa sinomang sinaunang propeta maliban kay Moises. Maraming sinasabi si Jeremias tungkol sa sarili, sa kaniyang damdamin at emosyon, kababakasan ito ng kagitingan at tibay-loob, na tinatambalan ng kapakumbabaan at ng pusong mahabagin. Hindi lamang siya propeta kundi isang ring saserdote, tagapagtipon ng Kasulatan, at bihasang mananalaysay. Anak siya ng saserdoteng si Hilkias ng Anatoth, lungsod ng mga saserdote sa hilaga ng Jerusalem, sa
-15 4

lupain ng Benjamin. (1:1) Malinaw, tuwiran, at madaling unawain ang estilo ng Jeremias. Sagana ito sa mga ilustrasyon at makalarawang salaysay, at ang aklat ay binubuo kapuwa ng prosa at ng tula.

magwasak at maggiba, upang magtayo at magtanim. At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi: Ano ang nakikita mo, Jeremias? Kaya sinabi ko: Isang supling ng punong almendras ang nakikita ko. At sinabi ni Jehova sa akin: Nakita mo nang mahusay, sapagkat ako ay nananatiling gising may kinalaman sa aking salita upang tuparin iyon. At ang salita ni Jehova ay dumating sa akin sa ikalawang pagkakataon, na nagsasabi: Ano ang nakikita mo? Kaya sinabi ko: Isang palayok na maluwang ang bibig na hinihipan ang nakikita ko, at ang bibig nito ay palayo sa hilaga. Sa gayon ay sinabi ni Jehova sa akin: Mula sa hilaga ay pakakawalan ang kapahamakan laban sa lahat ng tumatahan sa lupain. 15 Sapagkat narito, tatawagin ko ang lahat ng pamilya ng mga kaharian sa hilaga, ang sabi ni Jehova; at tiyak na paroroon sila at ilalagay ang kani-kaniyang trono sa pasukan ng mga pintuang-daan ng Jerusalem, at laban sa lahat ng kaniyang mga pader sa palibot at laban sa lahat ng mga lunsod ng Juda. 16 At sasalitain ko sa kanila ang aking mga kahatulan tungkol sa lahat ng kanilang kasamaan, sapagkat iniwan nila ako at patuloy silang gumagawa ng haing usok para sa ibang mga diyos at yumuyukod sa mga gawa ng kanilang mga kamay. At ikaw naman, bigkisan mo ang iyong mga balakang, at bumangon ka at salitain mo sa kanila ang lahat ng iniuutos ko sa iyo. Huwag kang mangilabot dahil sa kanila, upang hindi kita pangilabutin sa harap nila. 18 Ngunit sa ganang akin, narito, ngayon ay ginawa kitang isang nakukutaang lunsod at isang haliging bakal at mga pader na tanso laban sa buong lupain, sa mga hari ng Juda, sa kaniyang mga prinsipe, sa kaniyang mga saserdote at sa bayan ng lupain. 19 At tiyak na
17 14 13 12 11

Jeremias 1 Ang mga salita ni Jeremias na anak ni Hilkias, isa sa mga saserdote na nasa Anatot sa lupain ng Benjamin; 2 na dinatnan ng salita ni Jehova nang mga araw ni Josias na anak ni Amon, na hari ng Juda, noong ikalabintatlong taon ng kaniyang paghahari. 3 At patuloy pa itong dumating nang mga araw ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, hanggang sa pagtatapos ng ikalabing-isang taon ni Zedekias na anak ni Josias, na hari ng Juda, hanggang sa yumaon sa pagkatapon ang Jerusalem nang ikalimang buwan. At ang salita ni Jehova ay nagsimulang dumating sa akin, na nagsasabi: 5 Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas mula sa bahay-bata ay pinabanal kita. Ginawa kitang propeta sa mga bansa. Ngunit sinabi ko: Ay, O Soberanong Panginoong Jehova! Narito, hindi nga ako marunong magsalita, sapagkat ako ay isang bata lamang. At sinabi ni Jehova sa akin: Huwag mong sabihin, Ako ay isang bata lamang. Kundi sa lahat niyaong pagsusuguan ko sa iyo ay paroroon ka; at ang lahat ng iuutos ko sa iyo ay sasalitain mo. 8 Huwag kang matakot dahil sa kanilang mga mukha, sapagkat Ako ay sumasaiyo upang iligtas ka, ang sabi ni Jehova. Sa gayon ay iniunat ni Jehova ang kaniyang kamay at hinipo nito ang aking bibig. Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin: Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig. 10 Tingnan mo, inaatasan kita sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang bumunot at magbagsak at
-29 7 6 4

makikipaglaban sila sa iyo, ngunit hindi sila mananaig laban sa iyo, sapagkat Ako ay sumasaiyo, ang sabi ni Jehova, upang iligtas ka. 2 At ang salita ni Jehova ay dumating sa akin, na nagsasabi: 2 Yumaon ka, at tumawag ka sa pandinig ng Jerusalem, na sinasabi, Ito ang sinabi ni Jehova: Naaalaala kong lubos, sa ganang iyo, ang maibiging-kabaitan ng iyong kabataan, ang pag-ibig noong ikaw ay nakatipang magpakasal, ang pagsunod mo sa akin sa ilang, sa isang lupaing hindi hinahasikan ng binhi. 3 Ang Israel ay banal kay Jehova, ang unang ani para sa Kaniya. Ang sinumang tao na lalamon sa kaniya ay magkakasala. Kapahamakan ang darating sa kanila, ang sabi ni Jehova. Dinggin mo ang salita ni Jehova, O sambahayan ni Jacob, at lahat kayong mga pamilya sa sambahayan ng Israel. 5 Ito ang sinabi ni Jehova: Anong bagay na dimakatarungan ang nasumpungan sa akin ng inyong mga ama, anupat lumayo sila sa akin, at sila ay patuloy na sumunod sa walangkabuluhang idolo at naging walang kabuluhan din? 6 At hindi nila sinabi, Nasaan si Jehova, ang Isa na nag-ahon sa atin mula sa lupain ng Ehipto, ang Isa na pumatnubay sa atin sa ilang, sa lupain ng disyertong kapatagan at hukay, sa lupain na walang tubig at may matinding karimlan, sa lupain na hindi dinaraanan ng tao at hindi tinatahanan ng makalupang tao? At sa kalaunan ay dinala ko kayo sa isang lupain ng taniman, upang kainin ang mga bunga nito at ang mabubuting bagay nito. Ngunit pumasok kayo at dinungisan ang aking lupain; at ang aking mana ay ginawa ninyong karima-rimarim. 8 Ang mga saserdote ay hindi nagsabi, Nasaan si Jehova? At sila mismo na humahawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin; at ang mga pastol ay sumalansang laban sa akin, at maging ang mga propeta ay nanghula sa pamamagitan ni Baal, at yaong mga hindi
7 4

makapagdudulot ng pakinabang ay sinundan nila. Kaya ako ay makikipaglaban pa sa inyo, ang sabi ni Jehova, at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipaglaban ako. Ngunit dumaan kayo sa mga baybaying lupain ng mga Kitim at tingnan ninyo. Oo, magsugo kayo sa Kedar at pag-isipan ninyong mabuti, at tingnan ninyo kung nangyari na ang anumang tulad nito. 11 Nakipagpalit ba ng mga diyos ang isang bansa, para nga roon sa hindi mga diyos? Ngunit ipinagpalit ng aking sariling bayan ang kaluwalhatian ko para roon sa hindi makapagdudulot ng pakinabang. 12 Titigan ninyo ito sa pagkamangha, O kayong mga langit; at mangilabot kayo dahil sa napakatinding pagkagimbal, ang sabi ni Jehova, 13 sapagkat dalawang masasamang bagay ang ginawa ng aking bayan: Iniwan nila ako, ang bukal ng tubig na buhy, upang humukay para sa kanilang sarili ng mga imbakang-tubig, mga imbakang-tubig na sira, na hindi makapaglalaman ng tubig. Ang Israel ba ay isang lingkod, o isang aliping ipinanganak sa sambahayan? Bakit siya naukol sa pandarambong? 15 Laban sa kaniya ay umuungal ang mga may-kilng na batang leon; inilakas nila ang kanilang tinig. At ang kaniyang lupain ay ginawa nilang bagay na panggigilalasan. Ang kaniyang mga lunsod ay sinunog, anupat walang tumatahan. 16 Maging ang mga anak ng Nop at ng Tapanes ay patuloy na nanginginain sa iyo sa tuktok ng ulo. 17 Hindi ba ito ang ginawa mo sa iyong sarili nang iwan mo si Jehova na iyong Diyos noong panahon na pinapatnubayan ka niya sa daan? 18 At ngayon ay bakit mo ikababahala ang daan ng Ehipto upang inumin ang tubig ng Sihor? At bakit mo ikababahala ang daan ng Asirya upang inumin ang tubig ng Ilog? 19 Dapat kang ituwid ng iyong kasamaan, at dapat kang sawayin ng iyong mga gawa ng kawalang-katapatan. Alamin mo nga at tingnan na ang pag-iwan mo kay Jehova na iyong Diyos ay isang bagay na masama at mapait, at hindi ito nagbunga sa iyo ng panghihilakbot sa
14 10 9

-3-

akin, ang sabi ng Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo. Sapagkat noong sinaunang panahon ay pinagdurug-durog ko ang iyong pamatok; nilagot ko ang iyong mga panali. Ngunit sinabi mo: Hindi ako maglilingkod, sapagkat sa ibabaw ng bawat mataas na burol at sa ilalim ng bawat mayabong na punungkahoy ay humihiga kang nakahilata, na nagpapatutot. 21 At sa ganang akin, itinanim kita bilang piling punong ubas na pula, na ang kabuuan nito ay tunay na binhi. Kaya paano ka nagbago sa akin at naging mababang-uring mga supang ng banyagang punong ubas? Ngunit kahit hugasan mo ng sosa at kumuha ka man ng maraming lihiya, ang iyong kamalian ay tiyak na magiging mantsa sa harap ko, ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova. 23 Paano mo masasabi, Hindi ako nagpakarungis. Sa mga Baal ay hindi ako sumunod? Tingnan mo ang iyong daan sa libis. Pansinin mo kung ano ang iyong ginawa. Isang matuling batang kamelyong babae na tumatakbong paroot parito nang walang patutunguhan sa kaniyang mga lakad; 24 isang sebra na sanay sa ilang, sa paghahangad ng kaniyang kaluluwa, sinisinghot ang hangin; sa kaniyang panahon ng pakikipagtalik, sino ang makapipigil sa kaniya? Silang lahat na naghahanap sa kaniya ay hindi magpapakapagod. Sa kaniyang kabuwanan ay masusumpungan nila siya. 25 Ingatan mong ang iyong paa ay huwag magtapak, at ang iyong lalamunan ay hindi mauhaw. Ngunit sinabi mo, Wala nang pag-asa! Hindi, kundi umibig nga ako sa mga taga-ibang bayan, at sa kanila ay susunod ako. Gaya ng kahihiyan ng magnanakaw kapag siya ay nahuli, gayon nakadama ng kahihiyan yaong mga nasa sambahayan ng Israel, sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga prinsipe at ang kanilang mga saserdote at ang kanilang mga propeta. 27 Sinasabi nila sa isang punungkahoy, Ikaw
26 22 20

ang aking ama, at sa bato, Ikaw ang nanganak sa akin. Ngunit sa akin ay iniharap nila ang batok at hindi ang mukha. At sa panahon ng kanilang kapahamakan ay sasabihin nila, Bumangon ka at iligtas mo kami! Ngunit nasaan ang iyong mga diyos na ginawa mo para sa iyong sarili? Bumangon sila kung maililigtas ka nila sa panahon ng iyong kapahamakan. Sapagkat ayon sa bilang ng iyong mga lunsod ay naging gayon ang iyong mga diyos, O Juda. Bakit kayo patuloy na nakikipaglaban sa akin? Bakit kayo sumalansang, kayong lahat, laban sa akin? ang sabi ni Jehova. 30 Walang kabuluhan ang pananakit ko sa iyong mga anak. Hindi sila tumanggap ng disiplina. Nilamon ng inyong tabak ang inyong mga propeta, na parang isang leon na nagpapahamak. 31 O salinlahi, tingnan ninyo sa ganang inyo ang salita ni Jehova. Ako ba ay naging isa na lamang ilang para sa Israel o isang lupain ng matinding kadiliman? Bakit nga ang mga ito, ang aking bayan, ay nagsasabi, Gumala-gala na kami. Hindi na kami paroroon sa iyo? 32 Malilimutan ba ng dalaga ang kaniyang mga palamuti, ng kasintahang babae ang kaniyang mga pamigkis sa dibdib? Gayunmay ang aking sariling bayannilimot nila ako sa mga araw na walang bilang. O babae, bakit mo pinabubuti ang iyong lakad upang humanap ng pag-ibig? Kaya sa masasamang bagay rin ay tinuruan mo ang iyong mga lakad. 34 Gayundin, sa iyong laylayan ay nasumpungan ang mga bahid ng dugo ng mga kaluluwa ng mga dukhang walang-sala. Hindi ko nasumpungan ang mga iyon sa akto ng panloloob, kundi nasa lahat ng mga ito. Ngunit sinasabi mo, Ako ay nananatiling walang-sala. Tiyak na ang kaniyang galit ay napawi na mula sa akin. Narito, papasok ako sa pakikipagtalo sa iyo dahil sa pagsasabi mo, Hindi ako
-435 33 29 28

nagkasala. 36 Bakit mo itinuturing na napakawalang-halaga ng pagbabago ng iyong lakad? Ang Ehipto rin ay ikahihiya mo, kung paanong ikinahiya mo ang Asirya. 37 Sa dahilang ito rin ay lalabas kang nakapatong sa iyong ulo ang iyong mga kamay, sapagkat itinakwil ni Jehova ang iyong mga pinagtitiwalaan, at hindi ka magtatagumpay sa kanila. 3 May kasabihan: Kung paaalisin ng isang lalaki ang kaniyang asawa at ito ay umalis nga sa kaniya at mapasa ibang lalaki, dapat pa ba niya itong balikan? Hindi ba talagang narumhan na ang lupaing iyon? At ikaw ay nagpatutot sa maraming kasamahan; at dapat pa ba akong balikan? ang sabi ni Jehova. 2 Itingin mo ang iyong mga mata sa mga dinaraanang landas at masdan. Saan ka pa hindi nagagahasa? Sa tabi ng mga daan ay umupo ka para sa kanila, gaya ng isang Arabe sa ilang; at patuloy mong dinudumhan ang lupain sa iyong mga pagpapatutot at sa iyong kasamaan. 3 Kaya ang saganang ulan ay ipinagkakait, at kahit ang ulan sa tagsibol ay hindi dumarating. At ang noo ng isang asawang babaing nagpapatutot ang napasaiyo. Tumanggi kang mapahiya. 4 Mula ba ngayon ay tumawag ka sa akin, Ama ko, ikaw ang matalik na kaibigan ng aking kabataan! 5 Ang isa ba ay dapat na manatiling may hinanakit hanggang sa panahong walang takda, o laging magbantay sa isang bagay magpakailanman? Narito! Ikaw ay nagsalita, at gumawa ka ng masasamang bagay at nanaig. At sinabi ni Jehova sa akin nang mga araw ni Josias na hari: Nakita mo ba kung ano ang ginawa ng di-tapat na Israel? Pumaparoon siya sa ibabaw ng bawat mataas na bundok at sa ilalim ng bawat mayabong na punungkahoy, upang makapagpatutot siya roon. 7 At pagkatapos niyang gawin ang lahat ng bagay na ito ay patuloy kong sinasabi na dapat siyang
-56

bumalik sa akin, ngunit hindi siya bumalik; at ang Juda ay patuloy na tumitingin sa kaniyang taksil na kapatid na babae. 8 Nang makita ko iyon, sa dahilang nangalunya ang di-tapat na Israel, pinaalis ko siya at ibinigay ko sa kaniya ang kasulatan ng kaniyang ganap na diborsiyo, gayunmay hindi natakot ang Juda na kapatid niyang taksil kung makitungo, kundi siya rin ay nagsimulang humayo at magpatutot. 9 At ang kaniyang pagpapatutot ay nangyari dahil sa kaniyang mababaw na pangmalas, at patuloy niyang dinumhan ang lupain at nangalunya sa mga bato at sa mga punungkahoy; 10 at maging sa lahat ng ito ang taksil niyang kapatid na Juda ay hindi bumalik sa akin nang kaniyang buong puso, kundi may kabulaanan, ang sabi ni Jehova. At sinabi pa ni Jehova sa akin: Ipinakilala ng di-tapat na Israel na ang kaniyang kaluluwa ay higit na matuwid kaysa sa Juda na taksil kung makitungo. 12 Yumaon ka, at ihayag mo ang mga salitang ito sa dakong hilaga at sabihin mo: Manumbalik ka, O suwail na Israel, ang sabi ni Jehova. Hindi ko na ititingin sa inyo ang aking mukha nang may galit, sapagkat ako ay matapat, ang sabi ni Jehova. Hindi ako mananatiling may hinanakit hanggang sa panahong walang takda. 13 Gayunmay bigyang-pansin mo ang iyong kamalian, sapagkat si Jehova na iyong Diyos ang sinalansang mo. At patuloy mong ipinangalat ang iyong mga lakad sa mga taga-ibang bayan sa ilalim ng bawat mayabong na punungkahoy, ngunit ang aking tinig ay hindi ninyo pinakinggan, ang sabi ni Jehova. Manumbalik kayo, O kayong mga anak na suwail, ang sabi ni Jehova. Sapagkat ako ang naging inyong asawang nagmamay-ari; at kukunin ko kayo, isa mula sa isang lunsod at dalawa mula sa isang pamilya, at dadalhin ko kayo sa Sion. 15 At bibigyan ko kayo ng mga pastol na kaayon ng aking puso, at tiyak na pakakainin nila kayo ng kaalaman at kaunawaan. 16 At mangyayari nga na kayo ay darami at tiyak na mamumunga sa lupain sa
14 11

mga araw na iyon, ang sabi ni Jehova. Hindi na nila sasabihin, Ang kaban ng tipan ni Jehova! ni iyon man ay sasapuso, ni maaalaala man nila iyon o hahanap-hanapin, at hindi na iyon gagawin pa. 17 Sa panahong iyon ay tatawagin nilang trono ni Jehova ang Jerusalem; at sa kaniya ay titipunin ang lahat ng mga bansa sa pangalan ni Jehova sa Jerusalem, at hindi na sila lalakad ayon sa pagkasutil ng kanilang masamang puso. Sa mga araw na iyon ay lalakad sila, ang sambahayan ni Juda kasama ng sambahayan ng Israel, at magkasama silang lalabas mula sa lupain ng hilaga patungo sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno bilang minanang pag-aari. 19 At ako ay nagsabi, O anot inilagay kitang kasama ng mga anak at ibinigay ko sa iyo ang kanaisnais na lupain, ang minanang pag-aari ng palamuti ng mga hukbo ng mga bansa! At sinabi ko pa, Ama ko! ang itatawag ninyo sa akin, at hindi kayo tatalikod mula sa pagsunod sa akin. 20 Tunay na kung paanong may-kataksilang lumisan ang isang asawang babae mula sa kaniyang kasamahan, gayon kayo nakitungo sa akin nang may kataksilan, O sambahayan ng Israel, ang sabi ni Jehova. Sa mga dinaraanang landas ay may narinig na tinig, ang pagtangis, ang mga pamamanhik ng mga anak ni Israel. Sapagkat pinilipit nila ang kanilang lakad; nilimot nila si Jehova na kanilang Diyos. Manumbalik kayo, kayong mga anak na suwail. Pagagalingin ko ang inyong pagkasuwail. Narito kami! Pumarito kami sa iyo, sapagkat ikaw, O Jehova, ang aming Diyos. 23 Tunay na ang mga burol at pati ang kaguluhan sa mga bundok ay nauukol sa kabulaanan. Tunay na nasa kay Jehova na aming Diyos ang kaligtasan ng Israel. 24 Ngunit nilamon ng kahiya-hiyang bagay ang pinagpagalan ng aming mga ninuno mula sa aming kabataan, ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan, ang
-622 21 18

kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae. 25 Humihiga kami sa aming kahihiyan, at ang aming pagkaaba ay palaging tumatakip sa amin; sapagkat nagkasala kami kay Jehova na aming Diyos, kami at ang aming mga ama mula sa aming kabataan at hanggang sa araw na ito, at hindi namin sinunod ang tinig ni Jehova na aming Diyos. 4 Kung manunumbalik ka, O Israel, ang sabi ni Jehova, ay makapanunumbalik ka nga sa akin. At kung aalisin mo ang iyong mga kasuklam-suklam na bagay nang dahil sa akin, kung magkagayon ay hindi ka yayaon bilang takas. 2 At kung susumpa ka nga, Buhy si Jehova sa katotohanan, sa katarungan at sa katuwiran! sa kaniya nga ay pagpapalain ng mga bansa ang kanilang sarili, at sa kaniya ay ipaghahambog nila ang kanilang sarili. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova sa mga tao ng Juda at sa Jerusalem: Mag-araro kayo sa ganang inyo ng sakahang lupain, at huwag na kayong maghasik sa gitna ng mga tinik. 4 Magpatuli kayo para kay Jehova, at alisin ninyo ang mga dulong-balat ng inyong mga puso, kayong mga tao ng Juda at mga tumatahan sa Jerusalem; upang ang aking pagngangalit ay huwag lumabas na gaya ng apoy, at magningas nga ito na walang sinumang papatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga pakikitungo. Sabihin ninyo iyon sa Juda, at ipahayag ninyo sa Jerusalem, at ibalita ninyo, at hipan ninyo ang tambuli sa buong lupain. Tumawag kayo nang malakas at sabihin: Magpisan kayo, at pumasok tayo sa mga nakukutaang lunsod. 6 Magtaas kayo ng isang hudyat tungo sa Sion. Maglaan kayo ng masisilungan. Huwag kayong tumigil. Sapagkat isang kapahamakan ang dadalhin ko mula sa hilaga, isa ngang malakas na pagbagsak. 7 Siya ay umahong gaya ng isang leon mula sa kaniyang palumpungan, at yaong gumigiba ng mga bansa ay lumisan; lumabas siya mula sa kaniyang dako upang ang iyong lupain ay gawing bagay na panggigilalasan. Ang iyong
5 3

mga lunsod ay guguho anupat walang tatahan. 8 Dahil dito ay magbigkis kayo ng telang-sako. Dagukan ninyo ang inyong mga dibdib at magpalahaw, sapagkat ang nagaapoy na galit ni Jehova ay hindi pa napapawi mula sa atin. At mangyayari sa araw na iyon, ang sabi ni Jehova, na ang puso ng hari ay masasawi, gayundin ang puso ng mga prinsipe; at ang mga saserdote ay tiyak na manggigilalas, at ang mga propeta ay mamamangha. At sinabi ko: Ay, O Soberanong Panginoong Jehova! Tunay na lubusan mong nilinlang ang bayang ito at ang Jerusalem, na sinasabi, Ang kapayapaan ay mapapasainyo, at ang tabak ay umabot na hanggang sa kaluluwa. Sa panahong iyon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem: May nakapapasong hangin sa mga dinaraanang landas sa ilang sa daang patungo sa anak na babae ng aking bayan; hindi iyon para sa pagtatahip, ni para sa paglilinis man. 12 Ang malakas na hangin ay dumarating sa akin mula sa mga ito. Ngayon ay sasalitain ko rin ang mga kahatulan sa kanila. 13 Narito! Aahon siyang gaya ng mga ulap-ulan, at ang kaniyang mga karo ay gaya ng bagyong hangin. Ang kaniyang mga kabayo ay mas matulin kaysa sa mga agila. Sa aba natin, sapagkat tayo ay sinamsaman! 14 Hugasan mo nang malinis ang iyong puso mula sa matinding kasamaan, O Jerusalem, upang maligtas ka. Hanggang kailan mananatili sa loob mo ang iyong maling mga kaisipan? 15 Sapagkat may tinig na nagbabalita mula sa Dan at naghahayag ng isang bagay na nakasasakit mula sa bulubunduking pook ng Efraim. 16 Oo, banggitin ninyo iyon sa mga bansa. Ipahayag ninyo iyon laban sa Jerusalem. Ang mga nagbabantay ay dumarating mula sa isang lupain sa malayo, at ilalakas nila ang kanilang tinig laban sa mismong mga lunsod ng Juda. 17 Gaya ng mga bantay sa
-711 10 9

malawak na parang, sila ay naging laban sa kaniya sa magkabi-kabila, sapagkat naghimagsik siya laban sa akin, ang sabi ni Jehova. 18 Ang iyong lakad at ang iyong mga pakikitungogagawin sa iyo ang mga ito. Ito ang kapahamakan sa iyo, sapagkat iyon ay mapait; dahil nakaabot iyon hanggang sa iyong puso. O ang bituka ko, ang bituka ko! Ako ay dumaranas ng matitinding kirot sa mga dingding ng aking puso. Ang aking puso ay kumakabog sa loob ko. Hindi ako matahimik, sapagkat tunog ng tambuli ang narinig ng aking kaluluwa, ang babalang hudyat ng digmaan. 20 Pagbagsak at pagbagsak ang siyang isinisigaw, sapagkat ang buong lupain ay sinamsaman. Biglang sinamsaman ang aking mga tolda, sa isang sandali ay ang aking mga telang pantolda. 21 Hanggang kailan ko pa makikita ang hudyat, maririnig ang tunog ng tambuli? 22 Sapagkat ang aking bayan ay mangmang. Sa akin ay hindi sila nagbigaypansin. Sila ay mga anak na di-marurunong; at hindi sila yaong mga may unawa. Marurunong sila sa paggawa ng masama, ngunit sa paggawa ng mabuti ay talagang wala silang kaalaman. Nakita ko ang lupain, at, narito! ito ay walang laman at tiwangwang; at sa mga langit, at ang kanilang liwanag ay wala na. 24 Nakita ko ang mga bundok, at, narito! ang mga iyon ay umuuga, at ang lahat ng mga burol ay niyayanig. 25 Tumingin ako, at, narito! wala ni isang makalupang tao, at ang lahat ng mga lumilipad na nilalang sa langit ay tumakas. 26 Tumingin ako, at, narito! ang taniman ay ilang, at ang lahat ng mga lunsod nito ay giniba. Iyon ay dahil kay Jehova, dahil sa kaniyang nag-aapoy na galit. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: Magiging tiwangwang na kaguhuan ang buong lupain, at hindi ba ako magsasagawa ng lubos na paglipol? 28 Dahil dito ay magdadalamhati ang lupain, at ang langit sa itaas ay tiyak na magdidilim. Ito ay dahil nagsalita ako, nagsaalang-alang ako, at hindi
27 23 19

ako nanghinayang, ni uurungan ko man iyon. 29 Dahil sa ingay ng mga mangangabayo at ng mga mamamana ng busog ay tumatakas ang buong lunsod. Pumasok sila sa mga palumpungan, at sa malalaking bato ay sumampa sila. Ang bawat lunsod ay iniwan, at walang taong tumatahan sa mga iyon. Ngayong ikaw ay sinamsaman, ano ang gagawin mo, yamang dati kang nagdadamit ng iskarlata, yamang dati kang naggagayak ng mga palamuting ginto, yamang dati mong pinalalaki ang iyong mga mata sa pamamagitan ng itim na pinta? Walang kabuluhan ang dati mong pagpapaganda ng iyong sarili. Itinakwil ka niyaong mga maykahalayang nagnanasa sa iyo; patuloy nilang hinahanap ang iyo mismong kaluluwa. 31 Sapagkat isang tinig na gaya ng sa babaing may sakit ang narinig ko, ang kabagabagang gaya ng sa babaing nagsisilang ng kaniyang unang anak, ang tinig ng anak na babae ng Sion na sumisinghap sa paghinga. Patuloy niyang iniuunat ang kaniyang mga palad: Sa aba ko ngayon, sapagkat ang aking kaluluwa ay pagod na dahil sa mga pumapatay! 5 Lumibot kayo sa mga lansangan ng Jerusalem at tingnan ninyo ngayon at alamin, at maghanap kayo sa kaniyang mga liwasan kung makasusumpong kayo ng isang tao, kung may sinumang nagsasagawa ng katarungan, sinumang humahanap ng katapatan, at patatawarin ko siya. 2 Sabihin man nila: Buhy si Jehova! gayunman ay sumusumpa sila sa ganap na kabulaanan. O Jehova, hindi ba ang iyong mga mata ay nakatingin sa katapatan? Sinaktan mo sila, ngunit hindi sila nagkasakit. Nilipol mo sila. Tumanggi silang tumanggap ng disiplina. Ang kanilang mga mukha ay ginawa nilang matigas pa kaysa sa malaking bato. Tumanggi silang manumbalik. 4 Ako man ay nagsabi: Talagang sila ay mababang uri. Kumilos sila nang may kamangmangan, sapagkat ipinagwalang-bahala nila ang daan ni Jehova, ang kahatulan ng kanilang Diyos.
3 30

Ako ay paroroon sa mga dakila at makikipagusap sa kanila; sapagkat tiyak na nagbigaypansin sila sa daan ni Jehova, sa kahatulan ng kanilang Diyos. Tiyak na magkakasama nilang binali ang pamatok; tiyak na nilagot nila ang mga panali. Kaya naman sinaktan sila ng isang leon mula sa kagubatan, isang lobo ng mga disyertong kapatagan ang patuloy na nananamsam sa kanila, isang leopardo ang laging gising sa kanilang mga lunsod. Ang lahat ng lumalabas mula sa mga iyon ay napagluluray-luray. Sapagkat ang kanilang mga pagsalansang ay dumami; ang kanilang mga gawa ng kawalang-katapatan ay lumago. Paano kita mapapatawad sa mismong bagay na ito? Iniwan ako ng iyong mga anak, at patuloy silang sumusumpa sa pamamagitan niyaong hindi naman Diyos. At patuloy ko silang binubusog, ngunit patuloy silang nangangalunya, at sa bahay ng babaing patutot ay pumaparoon sila nang pulupulutong. 8 Sila ay naging mga kabayong pinananaigan ng seksuwal na pagnanasa, na may malalakas na bayag. Bawat isa ay humahalinghing sa asawa ng kaniyang kasamahan. Hindi ba ako dapat humingi ng sulit dahil sa mismong mga bagay na ito? ang sabi ni Jehova. O hindi ba dapat maghiganti ang aking kaluluwa sa isang bansa na gaya nito? Sumampa kayo laban sa kaniyang mga hanay ng punong ubas at manggiba, ngunit huwag kayong magsagawa ng lubusang paglipol. Alisin ninyo ang kaniyang yumayabong na mga supang, sapagkat ang mga iyon ay hindi kay Jehova. 11 Sapagkat ang sambahayan ng Israel at ang sambahayan ni Juda ay walang pagsalang nakitungo sa akin nang may kataksilan, ang sabi ni Jehova. 12 Ikinaila nila si Jehova, at lagi nilang sinasabi, Wala siya. At sa atin ay walang kapahamakang darating, at hindi tayo makakakita ng tabak ni ng taggutom. 13 At ang mga propeta ay naging hangin, at ang salita ay
10 9 7 6

-8-

wala sa kanila. Ganiyan ang gagawin sa kanila. Kaya ito ang sinabi ni Jehova, na Diyos ng mga hukbo: Sa dahilang sinasabi ninyo ang bagay na ito, narito, gagawin kong apoy ang aking mga salita na nasa inyong bibig, at ang bayang ito ay magiging mga piraso ng kahoy, at tiyak na lalamunin sila nito. Narito, dadalhin ko sa inyo ang isang bansa mula sa malayo, O sambahayan ng Israel, ang sabi ni Jehova. Iyon ay isang matibay na bansa. Iyon ay isang bansa noon pang sinaunang panahon, isang bansa na ang wika ay hindi mo alam, at hindi mo maririnig nang may pagkaunawa ang kanilang sinasalita. 16 Ang kanilang talanga ay gaya ng buks na dakong libingan; silang lahat ay makapangyarihang mga lalaki. 17 Tiyak na uubusin din nila ang iyong ani at ang iyong tinapay. Uubusin ng mga tao ang iyong mga anak na lalaki at ang iyong mga anak na babae. Uubusin nila ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan. Uubusin nila ang iyong punong ubas at ang iyong puno ng igos. Dudurugin nila sa pamamagitan ng tabak ang iyong mga nakukutaang lunsod na pinagtitiwalaan mo. At maging sa mga araw na iyon, ang sabi ni Jehova, ay hindi ako magsasagawa ng paglipol sa inyo. 19 At mangyayari nga na sasabihin ninyo, Ano ang dahilan at ginawa sa atin ni Jehova na ating Diyos ang lahat ng bagay na ito? At sasabihin mo sa kanila, Kung paanong iniwan ninyo ako at naglingkod kayo sa banyagang diyos sa inyong lupain, gayon kayo maglilingkod sa mga taga-ibang bayan sa isang lupain na hindi inyo. Sabihin ninyo ito sa sambahayan ni Jacob, at ipahayag ninyo iyon sa Juda, na sinasabi: 21 Pakinggan ito ngayon, O dimarunong na bayang walang puso: Sila ay may mga mata, ngunit hindi sila makakita; sila ay may mga tainga, ngunit hindi sila makarinig. 22 Hindi ba kayo natatakot sa akin, ang sabi ni Jehova, o hindi ba kayo
-920 18 15 14

dumaranas ng matitinding kirot dahil nga sa akin, na siyang naglagay ng buhanginan bilang hangganan ng dagat, isang tuntuning namamalagi nang walang takda anupat hindi ito makalalampas? Umalimbukay man ang mga alon nito ay hindi pa rin sila makapananaig; at dumaluyong man ang mga iyon ay hindi pa rin sila makalalampas doon. 23 Ngunit ang mismong bayang ito ay nagkaroon ng pusong sutil at mapaghimagsik; sila ay lumihis at patuloy na lumalakad sa kanilang landasin. 24 Ngunit hindi nila sinabi sa kanilang puso: Matakot tayo ngayon kay Jehova na ating Diyos, ang Isa na nagbibigay ng buhos ng ulan at ng ulan sa taglagas at ng ulan sa tagsibol sa kapanahunan nito, ang Isa na nagbabantay sa itinakdang mga sanlinggo ng pag-aani para sa atin. 25 Ang inyong sariling mga kamalian ang nagtaboy sa mga bagay na ito, at ang inyong sariling mga kasalanan ang nagkait sa inyo ng kabutihan. Sapagkat sa gitna ng aking bayan ay may nasumpungang mga taong balakyot. Lagi silang nagmamasid, gaya ng pagyukyok ng mga manghuhuli ng ibon. Naglagay sila ng kapaha-pahamak na bitag. Mga tao ang hinuhuli nila. 27 Kung paanong ang isang hawla ay pun ng mga lumilipad na nilalang, ang kanila ring mga bahay ay pun ng panlilinlang. Kaya naman sila ay naging dakila at nagtatamo sila ng kayamanan. 28 Sila ay tumaba; sila ay nangintab. Nag-umapaw rin sila sa masasamang bagay. Wala silang ipinagtanggol na usapin sa batas, maging ang usapin sa batas ng batang lalaking walang ama, upang magtamo sila ng tagumpay; at ang kahatulan sa mga dukha ay hindi nila ginampanan. Hindi ba ako dapat humingi ng pagsusulit dahil sa mismong mga bagay na ito, ang sabi ni Jehova, o hindi ba dapat maghiganti ang aking kaluluwa sa isang bansa na gaya nito? 30 Isang nakapanggigilalas na kalagayan, isa ngang kakila-kilabot na bagay, ang nangyayari sa lupain: 31 Ang mga propeta ay nanghuhula nang may kabulaanan; at kung tungkol sa mga saserdote, sila ay nanunupil
29 26

ayon sa kanilang mga kapangyarihan. At gayon ang inibig ng aking sariling bayan; at ano ang gagawin ninyo sa wakas nito? 6 Sumilong kayo, O kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem; at sa Tekoa ay hipan ninyo ang tambuli. At sa Bethakerem ay magtaas kayo ng hudyat na apoy; sapagkat ang kapahamakan ay nakatanaw mula sa hilaga, isa ngang malakas na pagbagsak. 2 Ang anak na babae ng Sion ay nakahalintulad nga ng isang babaing kahali-halina at pinalaking mayumi. 3 Sa kaniya ay pumaroon ang mga pastol at ang kanilang mga kawan. Laban sa kaniya ay nagtayo sila ng kanilang mga tolda sa buong palibot. Nanginain sila ng kani-kaniyang bahagi. 4 Laban sa kaniya ay nagpabanal sila ng digmaan: Bumangon kayo, at umahon tayo sa katanghaliang tapat! Sa aba natin, sapagkat ang araw ay nagtatapos na, sapagkat ang mga anino sa gabi ay patuloy na humahaba! Bumangon kayo, at umahon tayo sa gabi at gibain natin ang kaniyang mga tirahang tore. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: Pumutol kayo ng kahoy at itindig ninyo laban sa Jerusalem ang isang muralyang pangubkob. Siya ang lunsod na hihingan ng pagsusulit. Siya ay walang iba kundi paniniil lamang sa gitna niya. 7 Kung paanong pinananatiling malamig ng imbakang-tubig ang tubig nito, gayon niya pinananatiling malamig ang kaniyang kasamaan. Ang karahasan at pananamsam ay naririnig sa kaniya; ang sakit at salot ay palaging nasa harap ng aking mukha. 8 Magpatuwid ka, O Jerusalem, upang ang aking kaluluwa ay hindi lumayo sa iyo sa pagkasuklam; upang hindi kita gawing tiwangwang na kaguhuan, isang lupaing hindi tinatahanan. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: Walang pagsalang hihimalayin nila ang nalabi ng Israel na parang isang punong
9 6 5

ubas. Ibalik mo ang iyong kamay na gaya niyaong namimitas ng ubas sa mga pangkuyapit ng baging. Kanino ako magsasalita at magbibigay ng babala, upang marinig nila? Narito! Ang kanilang tainga ay di-tuli, anupat hindi sila makapagbigay-pansin. Narito! Ang mismong salita ni Jehova ay naging kadustaan sa kanila, na salitang hindi nila kinalulugdan. 11 At napuno ako ng pagngangalit ni Jehova. Nanghimagod ako sa kapipigil. Ibuhos mo iyon sa batang nasa lansangan at sa matalik na kapisanan ng mga kabataang lalaki nang magkakasabay; sapagkat mahuhuli rin sila, ang lalaki kasama ang kaniyang asawa, ang matanda kasama ang isang puspos ng mga araw. 12 At ang kanilang mga bahay ay tiyak na ibibigay sa iba upang ariin, ang mga bukid at ang mga asawa nang magkakasabay. Sapagkat iuunat ko ang aking kamay laban sa mga tumatahan sa lupain, ang sabi ni Jehova. Sapagkat mula sa pinakamababa sa kanila hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay naghahanap sa ganang kaniya ng di-tapat na pakinabang; at mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay gumagawi nang may kabulaanan. 14 At sinisikap nilang pagalingin nang bahagya ang pagkasira ng aking bayan, na sinasabi, May kapayapaan! May kapayapaan! gayong wala namang kapayapaan. 15 Nakadama ba sila ng kahihiyan sapagkat isang bagay na karimarimarim ang ginawa nila? Una, talagang hindi sila nakadarama ng kahihiyan; isa pa, hindi man lamang nila alam kung paano mapahiya. Kaya mabubuwal sila sa gitna niyaong mga nabubuwal; sa panahon ng paghingi ko sa kanila ng pagsusulit ay matitisod sila, ang sabi ni Jehova. Ito ang sinabi ni Jehova: Tumayo kayo sa mga daan at tingnan, at ipagtanong ninyo ang mga landas noong sinaunang panahon, kung nasaan nga ang mabuting daan; at lakaran ninyo iyon, at makasumpong kayo ng kaginhawahan para sa inyong mga kaluluwa.
- 10 16 13 10

Ngunit patuloy nilang sinasabi: Hindi namin lalakaran. 17 At nagbangon ako sa inyo ng mga bantay, Magbigay-pansin kayo sa tunog ng tambuli! Ngunit patuloy nilang sinasabi: Hindi kami magbibigay-pansin. 18 Kaya dinggin ninyo, O kayong mga bansa! At alamin mo, O ikaw na kapulungan, kung ano ang darating sa kanila. 19 Pakinggan mo, O lupa! Narito, magpapasapit ako ng kapahamakan sa bayang ito bilang bunga ng kanilang mga kaisipan, sapagkat hindi sila nagbigay-pansin sa akin mismong mga salita; at ang aking kautusanpatuloy rin nilang itinatakwil iyon. Ano ang halaga nito sa akin kung nagdadala ka man ng olibano mula sa Sheba at ng mainam na kania mula sa lupain sa malayo? Ang inyong mga buong handog na sinusunog ay hindi nagdudulot ng kaluguran, at ang inyo mismong mga hain ay hindi kasiya-siya sa akin. 21 Kaya ito ang sinabi ni Jehova: Narito, maglalagay ako ng mga katitisuran para sa bayang ito, at tiyak na matitisod sila sa mga iyon, mga ama at mga anak na magkakasama; ang kapitbahay at ang kaniyang kasamamalilipol sila. Ito ang sinabi ni Jehova: Narito! Isang bayan ang dumarating mula sa lupain ng hilaga, at may isang dakilang bansa na magigising mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa. 23 Ang busog at ang diyabelin ay kanilang hahawakan. Iyon ay malupit, at hindi sila mahahabag. Ang kanilang tinig ay aalingawngaw na parang dagat, at sasakay sila sa mga kabayo. Iyon ay nakahanay sa pagbabaka gaya ng isang lalaking mandirigma laban sa iyo, O anak na babae ng Sion. Narinig namin ang ulat tungkol doon. Ang aming mga kamay ay nanlupaypay. Pinanaigan kami ng kabagabagan, ng mga kirot ng pagdaramdam na gaya ng sa babaing nanganganak. 25 Huwag kang lumabas sa parang, at huwag kang lumakad sa daan; sapagkat naroon ang tabak ng kaaway, may pagkatakot sa buong palibot.
24 22 20

26

O anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka ng telang-sako at gumumon ka sa abo. Ang iyong pagdadalamhati ay gawin mong gaya niyaong para sa kaisa-isang anak, ang paghagulhol na may kapaitan; sapagkat biglang darating sa atin ang mananamsam. Ikaw ay ginawa kong tagauri ng metal sa gitna ng aking bayan, isa na lubusang nagsusuri; at magbibigay-pansin ka at susuriin mo ang kanilang lakad. 28 Silang lahat ang pinakasutil na mga tao, gumagala-gala bilang mga maninirang-puritanso at bakal. Silang lahat ay mapagpahamak. 29 Ang mga bulusan ay nasunog. Mula sa kanilang apoy ay may tingga. Ang isa ay patuloy na puspusang nagdadalisay na wala namang kabuluhan, at yaong masasama ay hindi nahihiwalay. 30 Pilak na itinakwil ang tiyak na itatawag sa kanila ng mga tao, sapagkat itinakwil sila ni Jehova. 7 Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova, na nagsasabi: 2 Tumayo ka sa pintuang-daan ng bahay ni Jehova, at ihayag mo roon ang salitang ito, at sabihin mo, Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, kayong lahat na nasa Juda, na pumapasok sa mga pintuang-daang ito upang yumukod kay Jehova. 3 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga pakikitungo, at patuloy ko kayong patatahanin sa dakong ito. 4 Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mapandayang mga salita, na nagsasabi, Ang templo ni Jehova, ang templo ni Jehova, ang templo ni Jehova ang mga iyon! 5 Sapagkat kung walang pagsalang pabubutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga pakikitungo, kung walang pagsalang maglalapat kayo ng katarungan sa pagitan ng isang tao at ng kaniyang kapuwa, 6 kung hindi ninyo sisiilin ang naninirahang dayuhan, ang batang lalaking walang ama at ang babaing balo, at hindi kayo magbububo ng dugong walang-sala sa dakong ito, at sa ibang mga diyos ay hindi kayo susunod sa ikapapahamak ninyo, 7 patuloy ko naman kayong patatahanin sa dakong ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno, mula sa
- 11 27

panahong walang takda at maging hanggang sa panahong walang takda. Narito, naglalagak kayo ng inyong tiwala sa mapandayang mga salitatiyak na hindi iyon mapakikinabangan sa anumang paraan. 9 Maaari bang magkaroon ng pagnanakaw, pagpaslang at pangangalunya at pagsumpa nang may kabulaanan at paggawa ng haing usok para kay Baal at pagsunod sa ibang mga diyos na hindi ninyo nakilala, 10 at paririto ba kayo at tatayo sa harap ko sa bahay na ito na tinatawag sa aking pangalan, at sasabihin ba ninyo, Tiyak na maliligtas kami, sa kabila ng paggawa ng lahat ng karima-rimarim na bagay na ito? 11 Ang bahay bang ito na tinatawag sa aking pangalan ay naging isa lamang yungib ng mga magnanakaw sa inyong paningin? Narito, ako rin mismo ang nakakita nito, ang sabi ni Jehova. Gayunman, pumaroon kayo ngayon sa aking dako na nasa Shilo, kung saan ko pinatahan ang aking pangalan noong una, at tingnan ninyo kung ano ang ginawa ko roon dahil sa kasamaan ng aking bayang Israel. 13 At sa dahilan nga na patuloy ninyong ginagawa ang lahat ng mga gawang ito, ang sabi ni Jehova, at patuloy akong nagsasalita sa inyo, na bumabangon nang maaga at nagsasalita, ngunit hindi kayo nakinig, at patuloy akong tumatawag sa inyo, ngunit hindi kayo sumagot, 14 gagawin ko rin sa bahay na tinatawag sa aking pangalan, na pinagtitiwalaan ninyo, at sa dako na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno, ang gaya ng ginawa ko sa Shilo. 15 At palalayasin ko kayo mula sa harap ng aking mukha, gaya ng pagpapalayas ko sa lahat ng inyong mga kapatid, ang buong supling ni Efraim. At ikaw naman, huwag kang manalangin para sa bayang ito, ni magpailanlang para sa kanila ng pagsusumamo o ng panalangin ni mamanhik man sa akin, sapagkat hindi ako makikinig sa iyo. 17 Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginagawa nila sa mga lunsod ng Juda at sa
16 12 8

mga lansangan ng Jerusalem? 18 Ang mga anak ay namumulot ng mga patpat na kahoy, at ang mga ama ay nagpapaningas ng apoy, at ang mga asawang babae ay nagmamasa ng masang harina upang gumawa ng mga haing tinapay para sa reyna ng langit; at ibinubuhos ang mga handog na inumin para sa ibang mga diyos sa layuning galitin ako. 19 Ako ba ang sinasaktan nila? ang sabi ni Jehova. Hindi ba ang kanila mismong sarili, ukol sa ikahihiya ng kanilang mga mukha? 20 Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, Narito! Ang aking galit at ang aking pagngangalit ay mabubuhos sa dakong ito, sa mga tao at sa alagang hayop, at sa punungkahoy sa parang at sa bunga ng lupa; at iyon ay magniningas, at hindi iyon sasawatain. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Idagdag ninyo ang inyong mga buong handog na sinusunog sa inyong mga hain at kumain kayo ng karne. 22 Sapagkat hindi ako nagsalita sa inyong mga ninuno, ni nag-utos man ako sa kanila nang araw na ilabas ko sila mula sa lupain ng Ehipto may kinalaman sa buong handog na sinusunog at hain. 23 Ngunit ang salitang ito ang ipinahayag ko sa kanila bilang utos, na sinasabi: Sundin ninyo ang aking tinig, at ako ang magiging inyong Diyos, at kayo mismo ang magiging aking bayan; at lumakad kayo sa lahat ng daan na iuutos ko sa inyo, upang mapabuti kayo. 24 Ngunit hindi sila nakinig, ni ikiniling man nila ang kanilang pandinig, kundi lumakad sila sa mga panukala ayon sa pagkasutil ng kanilang masamang puso, anupat naging paurong sila at hindi pasulong, 25 mula nang araw na lumabas ang inyong mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito; at patuloy kong isinusugo sa inyo ang lahat ng aking mga lingkod na mga propeta, na araw-araw ay bumabangon nang maaga at isinusugo sila. 26 Ngunit hindi sila nakinig sa akin, at hindi nila ikiniling ang kanilang pandinig, kundi patuloy nilang pinatigas ang kanilang leeg. Gumawi sila nang mas masama kaysa sa kanilang mga ninuno!
21

- 12 -

At sasalitain mo sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, ngunit hindi sila makikinig sa iyo; at tatawag ka sa kanila, ngunit hindi ka nila sasagutin. 28 At sasabihin mo sa kanila, Ito ang bansa na ang mga tao roon ay hindi sumunod sa tinig ni Jehova na kanilang Diyos, at hindi tumanggap ng disiplina. Ang katapatan ay naglaho, at iyon ay nahiwalay sa kanilang bibig. Gupitin mo ang iyong di-nagupitang buhok at itapon mo, at sa ibabaw ng mga hantad na burol ay humiyaw ka ng panambitan, sapagkat itinakwil ni Jehova at pababayaan niya ang salinlahi na kaniyang kinapopootan. 30 Sapagkat ginawa ng mga anak ni Juda ang masama sa aking paningin, ang sabi ni Jehova. Inilagay nila ang kanilang mga kasuklam-suklam na bagay sa bahay na tinatawag sa aking pangalan, upang dungisan iyon. 31 At itinayo nila ang matataas na dako ng Topet, na nasa libis ng anak ni Hinom, upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae, isang bagay na hindi ko iniutos ni pumasok man sa aking puso. Kaya nga, narito! ang mga araw ay dumarating, ang sabi ni Jehova, kapag hindi na iyon tatawaging Topet at libis ng anak ni Hinom, kundi libis ng pagpatay; at maglilibing sila sa Topet na doon ay wala nang sapat na dako. 33 At ang mga bangkay ng bayang ito ay magiging pagkain para sa mga lumilipad na nilalang sa langit at para sa mga hayop sa lupa, at walang sinumang magpapanginig sa kanila. 34 At paglalahuin ko mula sa mga lunsod ng Juda at mula sa mga lansangan ng Jerusalem ang tinig ng pagbubunyi at ang tinig ng pagsasaya, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae; sapagkat ang lupain ay lubusang magiging isang wasak na dako. 8 Sa panahong iyon, ang sabi ni Jehova, ilalabas din ng mga tao ang mga buto ng mga hari ng Juda at ang mga buto ng mga prinsipe nito at ang mga buto ng mga
32 29

27

saserdote at ang mga buto ng mga propeta at ang mga buto ng mga tumatahan sa Jerusalem mula sa kanilang mga libingan. 2 At ihahantad nga nila ang mga iyon sa araw at sa buwan at sa buong hukbo ng langit na inibig nila at pinaglingkuran nila at sinundan nila at hinanap nila at niyukuran nila. Hindi titipunin ang mga iyon, ni ililibing man. Magiging gaya ng dumi sa ibabaw ng lupa ang mga iyon. At ang kamatayan ay higit pa ngang pipiliin kaysa sa buhay niyaong lahat ng nalabi sa mga malalabi sa masamang pamilyang ito sa lahat ng mga dako ng mga malalabi, kung saan ko sila ipananabog, ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. At sasabihin mo sa kanila, Ito ang sinabi ni Jehova: Mabubuwal ba sila at hindi na muling babangon? Kung may isang manunumbalik, hindi ba manunumbalik din yaong isa pa? 5 Bakit nga ba ang bayang ito, ang Jerusalem, ay di-tapat at may namamalaging kawalang-katapatan? Nanghawakan sila sa pandaraya; tumanggi silang manumbalik. 6 Ako ay nagbigay-pansin, at patuloy akong nakinig. Hindi tama ang patuloy nilang pagsasalita. Walang isa mang tao ang nagsisisi sa kaniyang kasamaan, na nagsasabi, Ano ba ang ginawa ko? Ang bawat isa ay bumabalik sa landasin ng karamihan, gaya ng kabayong dumadaluhong sa pagbabaka. 7 Maging ang siguana sa langitnalalaman nitong lubos ang kaniyang mga takdang panahon; at ang batu-bato at ang sibad at ang taratsinusunod nilang mabuti ang panahon ng kani-kaniyang pagdating. Ngunit kung tungkol sa aking bayan, hindi nila napag-alaman ang kahatulan ni Jehova. Paano ninyo masasabi: Kami ay marurunong, at ang kautusan ni Jehova ay nasa amin? Ang totoo nga, ang bulaang panulat ng mga kalihim ay sumulat ng ganap na kabulaanan. 9 Ang marurunong ay napahiya. Sila ay nasindak at mahuhuli. Narito! Itinakwil nila ang mismong salita ni Jehova, at anong karunungan ang taglay nila? 10 Kaya ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa ibang
8 4 3

- 13 -

mga lalaki, ang kanilang mga bukid doon sa mga magmamay-ari; sapagkat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila, ang bawat isa ay humahanap ng di-tapat na pakinabang; mula sa propeta hanggang sa saserdote, ang bawat isa ay gumagawi nang may kabulaanan. 11 At sinisikap nilang pagalingin nang bahagya ang pagkasira ng anak na babae ng aking bayan, na sinasabi: May kapayapaan! May kapayapaan! gayong wala namang kapayapaan. 12 Nakadama ba sila ng kahihiyan sapagkat gumawa nga sila ng bagay na karimarimarim? Una, talagang hindi sila makadama ng kahihiyan; isa pa, ni hindi man lamang nila alam kung paano mapahiya. Kaya mabubuwal sila sa gitna niyaong mga nabubuwal. Sa panahon ng pagtutuon ng pansin sa kanila, sila ay matitisod, ang sabi ni Jehova. Kapag isinasagawa ang pagtitipon ay dadalhin ko sila sa kanilang katapusan, ang sabi ni Jehova. Hindi magkakaroon ng mga ubas sa punong ubas, at hindi magkakaroon ng mga igos sa puno ng igos, at ang mga dahon ay tiyak na malalanta. At ang mga bagay na ibinibigay ko sa kanila ay makalalampas sa kanila. Bakit tayo nakaupong tahimik? Magpisan kayo, at pumasok tayo sa mga nakukutaang lunsod at manahimik tayo roon. Sapagkat si Jehova na ating Diyos ang siyang nagpatahimik sa atin, at binibigyan niya tayo ng tubig na may lason upang inumin, sa dahilang nagkasala tayo laban kay Jehova. 15 Inaasahan ang kapayapaan, ngunit walang dumating na mabuti; ang panahon ng kagalingan, ngunit, narito! kakilabutan! 16 Mula sa Dan ay narinig ang pagsingasing ng kaniyang mga kabayo. Dahil sa ingay ng paghalinghing ng kaniyang mga barakong kabayo ay nagsimulang umuga ang buong lupain. At dumarating sila at nilalamon ang lupain at ang lahat ng naroroon, ang lunsod at ang mga tumatahan doon.
14 13

Sapagkat narito, magsusugo ako sa gitna ninyo ng mga serpiyente, ng makamandag na mga ahas, na hindi maeengkanto, at tiyak na kakagatin nila kayo, ang sabi ni Jehova. Isang pamimighati na hindi mapagagaling ang sumapit sa akin. Ang aking puso ay may sakit. 19 Narito, may ingay ng paghingi ng tulong ng anak na babae ng aking bayan mula sa isang lupain sa malayo: Wala ba si Jehova sa Sion? O wala ba sa kaniya ang kaniyang hari? Bakit nila ako ginagalit sa pamamagitan ng kanilang mga nililok na imahen, sa pamamagitan ng kanilang walang-kabuluhang mga banyagang diyos? Ang pag-aani ay nakaraan na, ang tagaraw ay nagwakas na; ngunit kung tungkol sa atin, hindi tayo naligtas! Dahil sa pagkasira ng anak na babae ng aking bayan ay nasaktan ako. Ako ay nalungkot. Pinanaigan ako ng matinding panggigilalas. 22 Wala bang balsamo sa Gilead? O wala bang tagapagpagaling doon? Kung gayon ay bakit hindi pa dumarating ang paggaling ng anak na babae ng aking bayan? 9 O kung ang aking ulo sana ay tubig, at ang aking mga mata ay bukal ng mga luha! Kung magkagayon ay makapananangis ako araw at gabi para sa mga napatay sa anak na babae ng aking bayan. O kung sa ilang sana ay mayroon akong dakong tuluyan ng mga manlalakbay! Kung magkagayon ay iiwan ko ang aking bayan at lilisanin ko sila, sapagkat silang lahat ay mga mangangalunya, isang kapita-pitagang kapulungan ng mga taksil makitungo; 3 at hinuhutok nila ang kanilang dila bilang kanilang busog sa kabulaanan; ngunit hindi sila naging makapangyarihan sa lupain ukol sa katapatan. Sapagkat sa kasamaan at kasamaan ay humayo sila, at ako ay ipinagwalang-bahala nila, ang sabi ni Jehova.
2 21 20 18

17

- 14 -

Mag-ingat kayo, bawat isa laban sa kaniyang kasamahan, at huwag ilagak ang inyong tiwala sa sinumang kapatid. Sapagkat maging ang bawat kapatid ay mang-aagaw, at ang bawat kasamahan ay gagala bilang maninirang-puri, 5 at bawat isa ay patuloy na nandaraya sa kaniyang kasamahan; at hindi sila nagsasalita ng anumang katotohanan. Tinuruan nilang magsalita ng kabulaanan ang kanilang dila. Nagpakapagod sila sa paggawa ng mali. Ang iyong pag-upo ay sa gitna ng panlilinlang. Sa pamamagitan ng panlilinlang ay tumanggi silang kilalanin ako, ang sabi ni Jehova. Kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: Narito, tutunawin ko sila, at kailangan ko silang suriin, sapagkat ano pa nga ba ang gagawin ko dahil sa anak na babae ng aking bayan? 8 Ang kanilang dila ay palasong pumapatay. Panlilinlang ang sinasalita nito. Sa pamamagitan ng kaniyang bibig, kapayapaan ang laging sinasalita ng isang tao sa kaniyang kasamahan; ngunit sa loob niya ay inihahanda niya ang kaniyang pagtambang. Hindi ba ako dapat humingi sa kanila ng pagsusulit dahil sa mga bagay na ito? ang sabi ni Jehova. O hindi ba dapat maghiganti ang aking kaluluwa sa isang bansa na gaya nito? 10 Para sa mga bundok ay tatawag ako ng pagtangis at ng pagtaghoy, at ng panambitan para sa mga pastulan sa ilang; sapagkat masusunog ang mga iyon anupat hindi daraanan ng sinumang tao at hindi nga maririnig ng mga tao ang ingay ng mga alagang hayop. Kapuwa ang lumilipad na nilalang sa langit at ang hayop ay tatakas; sila ay mag-aalisan. 11 At ang Jerusalem ay gagawin kong mga bunton ng mga bato, na tirahan ng mga chakal; at ang mga lunsod ng Juda ay gagawin kong tiwangwang na kaguhuan, na walang tumatahan. Sino ang taong marunong, upang maunawaan niya ito, ang isa nga na kinausap ng bibig ni Jehova, upang masabi
- 15 12 9 7 6

niya iyon? Sa ano ngang dahilan malilipol ang lupain, na masusunog na parang ilang na hindi daraanan ninuman? At sinabi ni Jehova: Dahil iniwan nila ang aking kautusan na ibinigay ko upang malagay sa harap nila, at sa dahilang hindi nila sinunod ang aking tinig at hindi nila iyon nilakaran, 14 kundi patuloy silang lumakad ayon sa pagkasutil ng kanilang puso at sumunod sa mga imahen ni Baal, na itinuro sa kanila ng kanilang mga ama; 15 kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Narito, sila, samakatuwid nga, ang bayang ito, ay pakakainin ko ng ahenho, at paiinumin ko sila ng tubig na may lason; 16 at pangangalatin ko sila sa mga bansa na hindi nila nakilala ni ng kanilang mga ama, at pasusundan ko sila sa tabak hanggang sa malipol ko sila. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, Gumawi kayo nang may unawa, at tawagin ninyo ang mga babaing umaawit ng panambitan, upang pumarito sila; at magsugo kayo sa mga babaing dalubhasa, upang pumarito sila, 18 at upang magmadali sila at humiyaw ng isang panaghoy tungkol sa atin. At daluyan nawa ng mga luha ang ating mga mata at tuluan ng tubig ang ating nagniningning na mga mata. 19 Sapagkat tinig ng pagtaghoy ang narinig mula sa Sion: Anot sinamsaman tayo! Anong tindi ng ating pagkapahiya! Sapagkat iniwan natin ang lupain; sapagkat itinapon nila ang ating mga tahanan. 20 Ngunit dinggin ninyo, O kayong mga babae, ang salita ni Jehova, at tanggapin nawa ng inyong pandinig ang salita ng kaniyang bibig. Pagkatapos ay turuan ninyo ang inyong mga anak na babae ng isang panaghoy, at ng bawat babae ang kaniyang kasamahan ng isang panambitan. 21 Sapagkat ang kamatayan ay umakyat sa ating mga bintana; pumasok iyon sa ating mga tirahang tore, upang ihiwalay ang bata mula sa lansangan, ang mga kabataang lalaki mula sa mga liwasan. Salitain mo, Ito ang sabi ni Jehova: Ang mga bangkay ng mga tao ay mabubuwal ding
22 17 13

gaya ng dumi sa ibabaw ng bukid at gaya ng isang hanay ng kapuputol na uhay pagkatapos ng manggagapas, na hindi titipunin ninuman. Ito ang sinabi ni Jehova: Huwag ipagyabang ng taong marunong ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang karunungan, at huwag ipagyabang ng makapangyarihang lalaki ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang kalakasan. Huwag ipagyabang ng taong mayaman ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang kayamanan. Kundi ang nagyayabang tungkol sa kaniyang sarili ay magyabang dahil sa mismong bagay na ito, sa pagkakaroon ng kaunawaan at sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa akin, na ako ay si Jehova, ang Isa na nagpapakita ng maibiging-kabaitan, katarungan at katuwiran sa lupa; sapagkat ang mga bagay na ito ay kinalulugdan ko, ang sabi ni Jehova. Narito! Ang mga araw ay dumarating, ang sabi ni Jehova, at hihingi ako ng pagsusulit sa lahat ng tuli ngunit nasa kalagayan pang di-tuli, 26 sa Ehipto at sa Juda at sa Edom at sa mga anak ni Ammon at sa Moab at sa lahat niyaong ginupitan ng buhok sa dakong pilipisan na tumatahan sa ilang; sapagkat ang lahat ng mga bansa ay di-tuli, at ang buong sambahayan ng Israel ay may pusong di-tuli. 10 Dinggin ninyo ang salita na sinalita ni Jehova laban sa inyo, O sambahayan ng Israel. 2 Ito ang sinabi ni Jehova: Huwag na huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa, at huwag kayong mangilabot sa mga tanda sa langit, dahil ang mga bansa ay nangingilabot sa mga iyon. 3 Sapagkat ang mga kaugalian ng mga bayan ay isa lamang singaw, dahil isang punungkahoy lamang mula sa kagubatan ang pinutol ng isa, ang gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa sa pamamagitan ng daras. 4 Sa pamamagitan ng pilak at ginto ay pinagaganda niya iyon. Sa pamamagitan ng mga pako at ng mga martilyo ay ikinakabit
- 16 25 24 23

nila ang mga iyon, upang walang mabuwal. 5 Sila ay gaya ng panakot ng ibon sa bukid ng mga pipino, at hindi makapagsalita. Kailangang buhatin sila, sapagkat hindi sila makahakbang. Huwag kayong matakot dahil sa kanila, sapagkat hindi sila makagagawa ng anumang kapaha-pahamak at, isa pa, ang paggawa ng anumang mabuti ay wala sa kanila. Talagang walang sinumang katulad mo, O Jehova. Ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kalakasan. 7 Sino ang hindi matatakot sa iyo, O Hari ng mga bansa, sapagkat sa iyo nga nararapat; sapagkat sa gitna ng lahat ng marurunong sa mga bansa at sa gitna ng lahat ng kanilang mga pagkahari ay talagang walang sinumang katulad mo. 8 At sila ay pawang walang-katuwiran at hangal. Ang isang punungkahoy ay isa lamang payo ukol sa kawalang-kabuluhan. 9 Pilak na pinitpit upang maging mga pohas ang dinadala mula pa sa Tarsis, at ginto mula sa Upaz, ang gawa ng bihasang manggagawa at ng mga kamay ng platero; ang kanilang pananamit ay sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura. Lahat ng mga iyon ay gawa ng mga taong dalubhasa. Ngunit si Jehova ay totoo ngang Diyos. Siya ang Diyos na buhy at ang Hari hanggang sa panahong walang takda. Dahil sa kaniyang pagkagalit ay uuga ang lupa, at walang mga bansa na makatatagal sa ilalim ng kaniyang pagtuligsa. 11 Ito ang sasabihin ninyo sa kanila: Ang mga diyos na hindi siyang maygawa ng langit at ng lupa ang siyang malilipol mula sa lupa at mula sa silong ng langit na ito. 12 Siya ang Maylikha ng lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ang Isa na matibay na nagtatatag ng mabungang lupain sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at ang Isa na sa pamamagitan ng kaniyang unawa ay nag-unat ng langit. 13 Sa pamamagitan ng kaniyang tinig ay pinangyayari niya ang pagkagulo ng tubig sa langit, at nagpapailanlang siya ng singaw mula sa dulo ng lupa. Gumawa pa man din siya ng mga paagusan para sa ulan, at inilalabas niya ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan.
10 6

Ang bawat tao ay gumagawi nang lubhang di-makatuwiran anupat walang nalalaman. Ang bawat platero ay tiyak na mapapahiya dahil sa inukit na imahen; sapagkat ang kaniyang binubong imahen ay kabulaanan, at walang espiritu sa kanila. 15 Sila ay walang kabuluhan, isang gawang kakutyaan. Sa panahon ng pagtutuon ng pansin sa kanila ay malilipol sila. Ang Bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga bagay na ito, sapagkat siya ang Tagapag-anyo ng lahat ng bagay, at ang Israel ang baston ng kaniyang mana. Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan. Pulutin mo sa lupa ang iyong daladalahan, O babaing nananahanan sa ilalim ng kaigtingan. 18 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: Narito, patatalsikin ko ang mga tumatahan sa lupa sa pagkakataong ito, at pipighatiin ko sila upang matuklasan nila. Sa aba ko dahil sa aking pagkasira! Ang aking sugat ay nagdulot ng sakit. At ako ay nagsabi: Tiyak na ito ang aking sakit, at papasanin ko ito. 20 Ang aking tolda ay sinamsaman, at ang lahat ng aking mga panaling pantolda ay napatid. Nilisan ako ng sarili kong mga anak, at wala na sila. Wala nang naglaladlad ng aking tolda o nagtataas ng aking mga telang pantolda. 21 Sapagkat ang mga pastol ay gumawi nang dimakatuwiran, at hindi nila hinanap si Jehova. Kaya naman hindi sila kumilos nang may kaunawaan, at ang lahat ng kanilang mga hayop na nanginginain ay nangalat. Makinig kayo! Isang ulat! Narito, iyon ay dumating, gayundin ang isang malakas na pagdagundong mula sa lupain ng hilaga, upang ang mga lunsod ng Juda ay gawing tiwangwang na kaguhuan, na tirahan ng mga chakal. Nalalaman kong lubos, O Jehova, na ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang. 24 Ituwid mo ako, O Jehova, ngunit sa
23 22 19 17 16

14

pamamagitan ng kahatulan; huwag sa iyong galit, upang hindi mo ako iuwi sa wala. 25 Ibuhos mo ang iyong pagngangalit sa mga bansang nagwawalang-bahala sa iyo, at sa mga pamilyang hindi tumatawag sa iyong pangalan. Sapagkat nilamon nila ang Jacob. Oo, nilamon nila siya, at patuloy nila siyang nililipol; at ang kaniyang tinatahanang dako ay itiniwangwang nila. 11 Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova, na nagsasabi: 2 Dinggin ninyo ang mga salita ng tipang ito! At salitain mo ang mga iyon sa mga tao ng Juda at sa mga tumatahan sa Jerusalem, 3 at sabihin mo sa kanila, Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel: Sumpain ang tao na hindi nakikinig sa mga salita ng tipang ito, 4 na iniutos ko sa inyong mga ninuno nang araw na ilabas ko sila mula sa lupain ng Ehipto, mula sa hurnong bakal, na sinasabi, Sundin ninyo ang aking tinig, at gawin ninyo ang mga bagay ayon sa lahat ng iniuutos ko sa inyo; at kayo ay tiyak na magiging aking bayan at ako ang magiging inyong Diyos, 5 sa layuning tuparin ang sumpa na ipinanumpa ko sa inyong mga ninuno, na ibigay sa kanila ang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan, gaya ng sa araw na ito. At ako ay sumagot at nagsabi: Amen, O Jehova. At sinabi pa ni Jehova sa akin: Ihayag mo ang lahat ng mga salitang ito sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem, na sinasabi, Dinggin ninyo ang mga salita ng tipang ito, at isagawa ninyo ang mga iyon. 7 Sapagkat marubdob kong pinaalalahanan ang inyong mga ninuno nang araw na iahon ko sila mula sa lupain ng Ehipto at hanggang sa araw na ito, na bumabangon nang maaga at nagpapaalala, na sinasabi: Sundin ninyo ang aking tinig. 8 Ngunit hindi sila nakinig o nagkiling ng kanilang pandinig, kundi patuloy silang lumakad bawat isa ayon sa pagkasutil ng kanilang masamang puso; kaya pinasapit ko sa kanila ang lahat ng mga salita ng tipang
6

- 17 -

ito na iniutos kong isagawa nila, ngunit hindi nila isinagawa. Karagdagan pa, sinabi ni Jehova sa akin: May sabuwatang nasumpungan sa gitna ng mga tao ng Juda at sa gitna ng mga tumatahan sa Jerusalem. 10 Bumalik sila sa mga kamalian ng kanilang mga ninuno, ang mga nauna, na tumangging sumunod sa aking mga salita, ngunit sila mismo ay sumunod sa ibang mga diyos upang maglingkod sa kanila. Sinira ng sambahayan ng Israel at ng sambahayan ni Juda ang aking tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga ninuno. 11 Kaya ito ang sinabi ni Jehova, Narito, magpapasapit ako sa kanila ng isang kapahamakan na hindi nila malalabasan; at tiyak na hihingi sila sa akin ng saklolo, ngunit hindi ko sila pakikinggan. 12 At ang mga lunsod ng Juda at ang mga tumatahan sa Jerusalem ay yayaon nga at hihingi ng saklolo sa mga diyos na pinaghahandugan nila ng haing usok, ngunit ang mga ito ay hindi nga makapagdadala ng kaligtasan sa kanila sa panahon ng kanilang kapahamakan. 13 Sapagkat ang iyong mga diyos ay naging kasindami ng iyong mga lunsod, O Juda; at naglagay kayo ng mga altar na kasindami ng mga lansangan sa Jerusalem para sa kahiya-hiyang bagay, mga altar na paghahandugan ng haing usok para kay Baal. At ikaw naman, huwag kang manalangin para sa bayang ito, at huwag kang magpailanlang para sa kanila ng pagsusumamo o ng panalangin, sapagkat hindi ako makikinig sa panahon ng kanilang pagtawag sa akin may kinalaman sa kanilang kapahamakan. Ano ang kinalaman ng minamahal ko sa aking bahay, upang gawin ng marami sa kanila ang bagay na ito, ang masamang katha? At sa pamamagitan ba ng banal na karne ay palalampasin nila iyon mula sa iyo, kapag dumating ang iyong kapahamakan? Sa panahon bang iyon ay magbubunyi ka? 16 Isang mayabong na punong olibo,
15 14 9

maganda dahil sa bunga at sa anyo, ang itinawag ni Jehova sa iyong pangalan. Kasabay ng ingay ng malakas na pag-ungal, siya ay nagpaliyab ng apoy laban sa kaniya, at binali nila ang mga sanga nito. At si Jehova ng mga hukbo, ang Tagapagtanim sa iyo, ay nagsalita laban sa iyo ng isang kapahamakan dahil sa kasamaan ng sambahayan ng Israel at ng sambahayan ni Juda na ginawa nila sa ganang kanila upang galitin ako sa paggawa ng haing usok para kay Baal. At sinabihan ako ni Jehova upang malaman ko. Nang panahong iyon ay ipinakita mo sa akin ang kanilang mga pakikitungo. 19 At ako ay tulad ng lalaking kordero, isa na matalik, na dinadala upang patayin, at hindi ko nalaman na laban sa akin ang inisip nilang mga pakana: Sirain natin ang punungkahoy pati ang pagkain nito, at lipulin natin siya mula sa lupain ng mga buhy, upang ang kaniya mismong pangalan ay hindi na maalaala pa. 20 Ngunit si Jehova ng mga hukbo ay humahatol taglay ang katuwiran; sinusuri niya ang mga bato at ang puso. O makita ko nawa ang paghihiganti mo sa kanila, sapagkat sa iyo ko isiniwalat ang aking usapin sa batas. Kaya ito ang sinabi ni Jehova laban sa mga lalaki ng Anatot na naghahanap sa iyong kaluluwa, na nagsasabi: Huwag kang manghula sa pangalan ni Jehova, upang hindi ka mamatay sa aming kamay; 22 kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: Narito, ibabaling ko sa kanila ang aking pansin. Ang mga kabataang lalaki ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak. Ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae ay mamamatay sa pamamagitan ng taggutom. 23 At hindi man lamang sila magkakaroon ng nalabi, sapagkat magpapasapit ako ng kapahamakan sa mga lalaki ng Anatot, ang taon ng pagtutuon ng pansin sa kanila. 12 Ikaw ay matuwid, O Jehova, kapag inihaharap ko sa iyo ang aking karaingan, kapag nakikipag-usap nga ako sa iyo tungkol
- 18 21 18 17

sa mga bagay na ukol sa kahatulan. Bakit kaya ang lakad ng mga balakyot ang siyang nagtatagumpay, at silang lahat na gumagawa ng kataksilan ang siya pang hindi nababahala? 2 Itinanim mo sila; sila ay nagugat din. Patuloy silang sumusulong; nagluwal din sila ng bunga. Ikaw ay malapit sa kanilang bibig, ngunit malayo sa kanilang mga bato. 3 At ikaw, O Jehova, ay lubos na nakakakilala sa akin; nakikita mo ako, at sinuri mo ang aking puso kaisa ng iyong sarili. Piliin mo silang gaya ng tupang papatayin, at ibukod mo sila para sa araw ng pagpatay. 4 Hanggang kailan pa matutuyot ang lupain, at matutuyo ang mismong pananim ng buong bukid? Dahil sa kasamaan ng mga nananahanan doon ay nalipol ang mga hayop at ang mga lumilipad na nilalang. Sapagkat sinabi nila: Hindi niya nakikita ang ating kinabukasan. Sapagkat tumakbo kang kasama ng mga tagatakbo, at pinapagod ka nila, kaya paano ka ngang makikipagkarera sa mga kabayo? At sa lupain ba ng kapayapaan ay panatag ka? Kaya paano ka gagawi sa gitna ng mapagmalaking mga palumpungan sa tabi ng Jordan? 6 Sapagkat maging ang iyong sariling mga kapatid at ang sambahayan ng iyong sariling ama, sila man ay nakitungo sa iyo nang may kataksilan. Sila man ay sumigaw nang malakas sa likuran mo. Huwag kang manampalataya sa kanila, dahil lamang sa nagsasalita sila sa iyo ng mabubuting bagay. Iniwan ko ang aking bahay; pinabayaan ko ang aking mana; ibinigay ko ang minamahal ng aking kaluluwa sa palad ng kaniyang mga kaaway. 8 Sa akin ay naging gaya ng leon sa kagubatan ang aking mana. Inilakas niya ang kaniyang tinig laban sa akin. Kaya naman kinapootan ko siya. 9 Sa akin ang aking mana ay gaya ng ibong maninila na maraming kulay; ang mga ibong maninila ay nasa palibot nito. Halikayo, magtipon kayo, lahat kayong maiilap na hayop sa parang; dalhin ninyo sila upang kumain. 10 Maraming pastol ang sumira sa
- 19 7 5

aking ubasan; niyapakan nila ang aking bahagi. Ang aking kanais-nais na bahagi ay ginawa nilang ilang ng tiwangwang na kaguhuan. 11 Iyon ay ginawang tiwangwang na kaguhuan; iyon ay natuyot; iyon ay nakatiwangwang sa akin. Ang buong lupain ay itiniwangwang, sapagkat walang taong nagsapuso nito. 12 Sa lahat ng mga dinaraanang landas na tumatahak sa ilang ay dumating ang mga mananamsam. Sapagkat ang tabak ni Jehova ay nanlalamon mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain. Walang kapayapaan para sa anumang laman. 13 Naghasik sila ng trigo, ngunit mga tinik ang ginapas nila. Nagtrabaho sila hanggang sa magkasakit; hindi sila magiging kapaki-pakinabang. At tiyak na ikahihiya nila ang inyong mga bunga dahil sa nag-aapoy na galit ni Jehova. Ito ang sinabi ni Jehova laban sa lahat ng aking masasamang kapitbahay, na gumagalaw sa minanang pag-aari na pinangyari kong ariin ng aking bayan, ng Israel nga: Narito, bubunutin ko sila mula sa kanilang lupa; at ang sambahayan ni Juda ay bubunutin ko mula sa gitna nila. 15 At mangyayari nga na matapos ko silang bunutin ay tiyak na kaaawaan ko silang muli at ibabalik ko sila, bawat isa sa kaniyang minanang pag-aari at bawat isa sa kaniyang lupain. At mangyayari nga na kung walang pagsalang matututuhan nila ang mga lakad ng aking bayan sa panunumpa sa pangalan ko, Buhy si Jehova! kung paanong tinuruan nila ang aking bayan na manumpa sa pamamagitan ni Baal, itatayo rin sila sa gitna ng aking bayan. 17 Ngunit kung hindi sila susunod, bubunutin ko rin ang bansang iyon, na binubunot iyon at winawasak, ang sabi ni Jehova. 13 Ito ang sinabi ni Jehova sa akin: Yumaon ka, at kumuha ka sa ganang iyo ng isang sinturong lino at ilagay mo iyon sa iyong mga balakang, ngunit huwag mong ilubog iyon sa tubig. 2 Kaya kinuha ko ang sinturon ayon sa salita ni Jehova at inilagay ko iyon sa aking
16 14

mga balakang. 3 At ang salita ni Jehova ay dumating sa akin sa ikalawang pagkakataon, na nagsasabi: 4 Dalhin mo ang sinturon na kinuha mo, na nasa iyong mga balakang, at bumangon ka, pumaroon ka sa Eufrates, at itago mo iyon doon sa isang awang ng malaking bato. 5 Sa gayon ay yumaon ako at itinago ko iyon sa tabi ng Eufrates, gaya ng iniutos ni Jehova sa akin. Ngunit nangyaring sa pagwawakas ng maraming araw ay sinabi sa akin ni Jehova: Bumangon ka, pumaroon ka sa Eufrates at kunin mo mula roon ang sinturon na iniutos kong itago mo roon. 7 Sa gayon ay pumaroon ako sa Eufrates at hinukay ko at kinuha ang sinturon mula sa dakong pinagtaguan ko nito, at, narito! ang sinturon ay sira na; hindi na iyon mapakikinabangan sa anumang bagay. Sa gayon ay dumating sa akin ang salita ni Jehova, na nagsasabi: 9 Ito ang sinabi ni Jehova, Sa gayunding paraan ay sisirain ko ang pagmamapuri ng Juda at ang malaking pagmamapuri ng Jerusalem. 10 Ang masamang bayang ito na tumatangging sumunod sa aking mga salita, na lumalakad ayon sa pagkasutil ng kanilang puso at patuloy na sumusunod sa ibang mga diyos upang maglingkod sa kanila at yumukod sa kanila, ay magiging gaya rin ng sinturong ito na hindi mapakikinabangan sa anumang bagay. 11 Sapagkat kung paanong ang sinturon ay kumakapit sa mga balakang ng lalaki, gayon ko pinakapit sa akin ang buong sambahayan ng Israel at ang buong sambahayan ni Juda, ang sabi ni Jehova, upang sa akin ay maging isang bayan at isang pangalan at isang kapurihan at isang bagay na maganda; ngunit hindi sila sumunod. At sabihin mo sa kanila ang salitang ito, Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel: Ang bawat malaking banga ay isang bagay na pinupuno ng alak. At tiyak na sasabihin nila sa iyo, Hindi nga ba namin alam na ang bawat malaking banga ay isang
12 8 6

bagay na pinupuno ng alak? 13 At sabihin mo sa kanila, Ito ang sinabi ni Jehova: Narito, pupunuin ko ng kalasingan ang lahat ng tumatahan sa lupaing ito at ang mga hari na nakaupo para kay David sa kaniyang trono at ang mga saserdote at ang mga propeta at ang lahat ng tumatahan sa Jerusalem. 14 At ihahampas ko sila laban sa isat isa, kapuwa ang mga ama at ang mga anak na lalaki, nang magkakasabay, ang sabi ni Jehova. Hindi ako mahahabag, ni malulumbay man, at hindi ako magkakaroon ng awa na pipigil sa pagpapahamak sa kanila. Makinig kayo at magtuon ng pandinig. Huwag kayong magpalalo, sapagkat si Jehova ang nagsalita. 16 Magbigay kayo ng kaluwalhatian kay Jehova na inyong Diyos, bago siya magpasapit ng kadiliman at bago maptid ang inyong mga paa sa isat isa sa mga bundok sa dapit-hapon. At tiyak na hihintayin ninyo ang liwanag, at iyon ay gagawin nga niyang matinding dilim; iyon ay gagawin niyang makapal na karimlan. 17 At kung hindi ninyo iyon diringgin, sa mga kublihang dako ay tatangis ang aking kaluluwa dahil sa pagmamapuri at talagang luluha; at ang aking mata ay dadaluyan ng mga luha, sapagkat ang kawan ni Jehova ay dadalhing bihag. Sabihin mo sa hari at sa ginang, Umupo kayo sa mas mababang dako, sapagkat mula sa inyong mga ulo ay tiyak na mahuhulog ang inyong korona ng kagandahan. 19 Ang mga lunsod sa timog ay sinarhan, anupat walang sinumang nagbubukas ng mga iyon. Ang buong Juda ay dinala sa pagkatapon. Iyon ay lubusang dinala sa pagkatapon. Itingin mo ang iyong mga mata at masdan yaong mga dumarating mula sa hilaga. Nasaan ang kawan na ibinigay sa iyo ng isa, ang iyong magandang kawan? 21 Ano ang sasabihin mo kapag ang isa ay nagbaling sa iyo ng kaniyang pansin, gayong tinuruan mo sila bilang matatalik na kaibigan sa mismong tabi mo noong pasimula? Hindi ka ba pananaigan ng mga hapdi ng panganganak, na
20 18 15

- 20 -

gaya niyaong sa asawang babae na nagsisilang? 22 At kapag sasabihin mo sa iyong puso, Bakit nangyari sa akin ang mga bagay na ito? sapagkat sa dami ng iyong kamalian ay nalilis ang iyong laylayan bilang panakip; ang iyong mga sakong ay pinakitunguhan nang marahas. Mababago ba ng Cusita ang kaniyang balat? o ng leopardo ang mga batik nito? Kayo man ay makagagawa rin ng mabuti, na mga taong naturuang gumawa ng masama. 24 Kaya pangangalatin ko silang gaya ng pinaggapasan na dumaraan sa hangin mula sa ilang. 25 Ito ang iyong kahinatnan, ang iyong sinukat na bahagi mula sa akin, ang sabi ni Jehova, sapagkat nilimot mo ako at ang iyong tiwala ay patuloy mong inilalagak sa kabulaanan. 26 At ang iyong laylayan ay ilililis ko rin hanggang sa iyong mukha, at ang iyong kasiraang-puri ay tiyak na makikita, 27 ang iyong mga pangangalunya at ang iyong mga paghalinghing, ang iyong mahalay na paggawi sa pagpapatutot. Sa ibabaw ng mga burol, sa parang, ay nakita ko ang iyong mga kasuklam-suklam na bagay. Sa aba mo, O Jerusalem! Hindi ka na luminishanggang kailan pa kaya? 14 Ito ang dumating bilang salita ni Jehova kay Jeremias may kinalaman sa mga tagtuyot: 2 Ang Juda ay nagdalamhati, at ang mismong mga pintuang-daan nito ay naglaho. Ang mga iyon ay nalugmok sa lupa, at ang hiyaw nga ng Jerusalem ay pumailanlang. 3 At isinugo ng kanilang mga taong mariringal ang mga walang-halaga sa kanila upang umigib ng tubig. Pumaroon sila sa mga estero. Wala silang nasumpungang tubig. Bumalik sila na walang laman ang kanilang mga sisidlan. Sila ay nalagay sa kahihiyan at nabigo, at tinakpan nila ang kanilang ulo. 4 Dahil sa lupa na nagkabitakbitak sapagkat walang dumating na ulan sa lupain, ang mga magsasaka ay napahiya; tinakpan nila ang kanilang ulo. 5 Sapagkat maging ang babaing usa sa parang ay nagsilang, ngunit iniwan iyon, dahil walang murang damo. 6 At ang mga sebra ay
- 21 23

nakatigil sa ibabaw ng mga hantad na burol; sinisinghot nila ang hangin na parang mga chakal; ang kanilang mga mata ay nanlalabo dahil walang pananim. 7 Bagaman ang aming sariling mga kamalian ay nagpapatotoo laban sa amin, O Jehova, kumilos ka alang-alang sa iyong pangalan; sapagkat ang aming mga gawa ng kawalang-katapatan ay dumami; nagkasala kami laban sa iyo. O ikaw na pag-asa ng Israel, na Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging gaya ng naninirahang dayuhan sa lupain, at gaya ng manlalakbay na lumiliko upang magpalipas ng gabi? 9 Bakit ka magiging gaya ng isang lalaking lubhang namamangha, gaya ng makapangyarihang lalaki na hindi makapagligtas? Ngunit ikaw ay nasa gitna namin, O Jehova, at sa amin itinatawag ang iyong sariling pangalan. Huwag mo kaming biguin. Ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa bayang ito: Gayon nila iniibig ang magpagala-gala; ang kanilang mga paa ay hindi nila pinipigilan. Kaya si Jehova ay hindi nalulugod sa kanila. Ngayon ay aalalahanin niya ang kanilang kamalian at pagtutuunan niya ng pansin ang kanilang mga kasalanan. At sinabi ni Jehova sa akin: Huwag kang manalangin para sa bayang ito ukol sa anumang ikabubuti. 12 Kapag nag-aayuno sila, hindi ko dinirinig ang kanilang pagsusumamo; at kapag inihahandog nila ang buong handog na sinusunog at ang handog na mga butil, hindi ko kinalulugdan ang mga iyon; sapagkat sa pamamagitan ng tabak at ng taggutom at ng salot ay pasasapitin ko sila sa kanilang kawakasan. Sa gayon ay sinabi ko: Ay, O Soberanong Panginoong Jehova! Narito, ang mga propeta ay nagsasabi sa kanila, Hindi kayo makakakita ng tabak, at walang taggutom na mangyayari sa inyo, kundi tunay na kapayapaan ang ibibigay ko sa inyo sa dakong ito.
13 11 10 8

At sinabi ni Jehova sa akin: Kabulaanan ang inihuhula ng mga propeta sa aking pangalan. Hindi ko sila isinugo, ni inutusan ko man sila o nagsalita sa kanila. Isang bulaang pangitain at panghuhula at isang walang-kabuluhang bagay at ang pandaraya ng kanilang puso ang sinasalita nila sa inyo bilang hula. 15 Kaya ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa mga propeta na nanghuhula sa pangalan ko na hindi ko naman isinugo at nagsasabing walang tabak o taggutom na darating sa lupaing ito, Sa pamamagitan ng tabak at ng taggutom ay darating ang mga propetang iyon sa kanilang katapusan. 16 At ang mismong bayan na doon sila nanghuhula ay magiging bayan na itinapon sa mga lansangan ng Jerusalem dahil sa taggutom at sa tabak, at walang sinumang maglilibing sa kanilasa kanila, sa kanilang mga asawa at sa kanilang mga anak na lalaki at sa kanilang mga anak na babae. At ibubuhos ko sa kanila ang kanilang kapahamakan. At sabihin mo sa kanila ang salitang ito, Daluyan nawa ng mga luha ang aking mga mata gabi at araw at huwag nawang tumigil ang mga ito, sapagkat ang anak na dalaga ng aking bayan ay nawasak na may malakas na pagbagsak, na may sugat na labis na nagdudulot ng sakit. 18 Kung lalabas nga ako sa parang, narito ngayon, yaong mga napatay sa pamamagitan ng tabak! At kung papasok nga ako sa lunsod, narito rin, ang mga karamdamang dulot ng taggutom! Sapagkat kapuwa ang propeta at ang saserdote ay lumilibot sa isang lupain na hindi pa nila nakikilala. Lubusan mo na bang itinakwil ang Juda, o kinamuhian na ba ng iyong kaluluwa ang Sion? Bakit mo nga kami sinaktan, anupat walang kagalingan para sa amin? Inaasahan ang kapayapaan, ngunit walang dumating na mabuti; at ang panahon ng kagalingan, at, narito! kakilabutan! 20 O Jehova, kinikilala namin ang aming kabalakyutan, ang kamalian ng aming mga ninuno, sapagkat nagkasala kami laban sa
- 22 19 17

14

iyo. 21 Huwag mo kaming walaing-galang alang-alang sa iyong pangalan; huwag mong hamakin ang iyong maluwalhating trono. Alalahanin mo; huwag mong sirain ang iyong tipan sa amin. 22 Mayroon bang sinuman sa mga walang-kabuluhang idolo ng mga bansa na makapagpapaulan, o makapagbibigay ba ng saganang ulan ang langit? Hindi ba ikaw ang Isang iyon, O Jehova na aming Diyos? At umaasa kami sa iyo, sapagkat ikaw ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito. 15 At sinabi ni Jehova sa akin: Kung sina Moises at Samuel ay nakatayo sa harap ko, ang aking kaluluwa ay hindi kikiling sa bayang ito. Paaalisin sila mula sa harap ng aking mukha, upang palabasin sila. 2 At mangyayari nga na kung sasabihin nila sa iyo, Saan kami lalabas? sabihin mo rin sa kanila, Ito ang sinabi ni Jehova: Ang sinumang ukol sa nakamamatay na salot, sa nakamamatay na salot! At ang sinumang ukol sa tabak, sa tabak! At ang sinumang ukol sa taggutom, sa taggutom! At ang sinumang ukol sa pagkabihag, sa pagkabihag! At mag-aatas ako sa kanila ng apat na pamilya, ang sabi ni Jehova, ang tabak upang pumatay, at ang mga aso upang kumaladkad, at ang mga lumilipad na nilalang sa langit at ang mga hayop sa lupa upang kumain at lumipol. 4 At ibibigay ko sila ukol sa pangangatal sa lahat ng mga kaharian sa lupa dahilan kay Manases na anak ni Hezekias, na hari ng Juda, dahil sa ginawa niya sa Jerusalem. 5 Sapagkat sino ang mahahabag sa iyo, O Jerusalem, at sino ang makikiramay sa iyo, at sino ang babaling upang magtanong tungkol sa iyong kalagayan? Iniwan mo ako, ang sabi ni Jehova. Lumalakad ka nang paurong. At iuunat ko ang aking kamay laban sa iyo at lilipulin kita. Nagsawa na ako sa panghihinayang. 7 At tatahipin ko sila sa pamamagitan ng tinidor sa mga pintuang-daan ng lupain. Uulilahin ko sila sa anak. Pupuksain ko ang aking bayan, yamang hindi sila nanunumbalik mula sa kanilang sariling mga lakad. 8 Sa akin ay
6 3

dumami ang kanilang mga babaing balo nang higit pa kaysa sa mga butil ng buhangin sa mga dagat. Dadalhin ko sa kanila, laban sa ina, sa kabataang lalaki, ang mananamsam sa katanghaliang tapat. Bigla kong pasasapitin sa kanila ang pagkabagabag at mga kaligaligan. 9 Ang babaing nanganganak ng pito ay naglaho; ang kaniyang kaluluwa ay naghabol ng hininga. Ang kaniyang araw ay lumubog habang araw pa; iyon ay napahiya at nalito. At sa tabak ay ibibigay ko ang nalabi sa kanila sa harap ng kanilang mga kaaway, ang sabi ni Jehova. Sa aba ko, o aking ina, sapagkat isinilang mo ako, isang lalaking nasasangkot sa away at isang lalaking nasasangkot sa pakikipaghidwaan sa buong lupa. Hindi ako nagpapautang, at hindi nila ako pinauutang. Silang lahat ay sumusumpa sa akin. Sinabi ni Jehova: Tiyak na paglilingkuran kita sa ikabubuti. Tiyak na mamamagitan ako para sa iyo sa panahon ng kapahamakan at sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaaway. 12 Mapagdudurug-durog ba ng isa ang bakal, ang bakal na mula sa hilaga, at ang tanso? 13 Ang iyong mga pag-aari at ang iyong kayamanan ay ibibigay ko bilang samsam, hindi bilang kapalit ng isang halaga, kundi dahil sa lahat ng iyong mga kasalanan, sa lahat nga ng iyong mga teritoryo. 14 At patatawirin ko silang kasama ng iyong mga kaaway patungo sa isang lupain na hindi mo pa nakikilala. Sapagkat isa ngang apoy ang nagliyab sa aking galit. Nagniningas iyon laban sa inyo. Ikaw mismo ang nakaaalam. O Jehova, alalahanin mo ako at ibaling mo sa akin ang iyong pansin at ipaghiganti mo ako sa mga nang-uusig sa akin. Sa iyong kabagalang magalit ay huwag mo akong kunin. Bigyangpansin mo ang pagpapasan ko ng kadustaan dahil sa iyo. 16 Ang iyong mga salita ay nasumpungan, at kinain ko ang mga iyon; at sa akin ang iyong salita ay naging pagbubunyi at pagsasaya ng aking puso;
15 11 10

sapagkat ang iyong pangalan ay itinatawag sa akin, O Jehova na Diyos ng mga hukbo. 17 Hindi ako umupong kasama ng matalik na kapisanan niyaong mga nagbibiruan at ako ay nagbunyi. Dahil sa iyong kamay ay umupo lamang akong mag-isa, sapagkat pinun mo ako ng pagtuligsa. 18 Bakit malala ang aking kirot at di-malunasan ang aking sugat? Ayaw nitong gumaling. Sa akin ay naging tulad ka nga ng isang bagay na mapanlinlang, tulad ng tubig na di-mapagkakatiwalaan. Kaya ito ang sinabi ni Jehova: Kung manunumbalik ka ay ibabalik kita. Sa harap ko ay tatayo ka. At kung ilalabas mo yaong mahalaga mula sa walang-kabuluhang mga bagay, ikaw ay magiging gaya ng sarili kong bibig. Sila ay manunumbalik sa iyo, ngunit ikaw ay hindi manunumbalik sa kanila. At sa bayang ito ay ginawa kitang isang nakukutaang pader na tanso; at tiyak na makikipaglaban sila sa iyo, ngunit hindi sila mananaig sa iyo. Sapagkat ako ay sumasaiyo, upang iligtas ka at upang hanguin ka, ang sabi ni Jehova. 21 At hahanguin kita mula sa kamay ng masasama, at tutubusin kita mula sa palad ng mga mapaniil. 16 At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi: 2 Huwag kang kukuha sa ganang iyo ng asawa, at huwag kang magkaroon ng mga anak na lalaki at mga anak na babae sa dakong ito. 3 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa mga anak na lalaki at may kinalaman sa mga anak na babae na ipinanganganak sa dakong ito, at may kinalaman sa kanilang mga ina na nagsisilang sa kanila at may kinalaman sa kanilang mga ama na nagpapangyari ng kanilang kapanganakan sa lupaing ito, 4 Mamamatay sila sa mga kamatayang sanhi ng mga karamdaman. Hindi sila hahagulhulan, ni ililibing man sila. Sila ay magiging gaya ng dumi sa ibabaw ng lupa; at sa pamamagitan ng tabak at ng taggutom ay sasapit sila sa kawakasan, at ang kanilang mga bangkay ay magsisilbi ngang pagkain para sa mga
20 19

- 23 -

lumilipad na nilalang sa langit at para sa mga hayop sa lupa. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, Huwag kang pumasok sa bahay na may piging ng nagdadalamhati, at huwag kang pumaroon upang humagulhol at huwag kang makiramay sa kanila. Sapagkat inalis ko ang aking kapayapaan mula sa bayang ito, ang sabi ni Jehova, maging ang maibiging-kabaitan at kaawaan. 6 At tiyak na mamamatay sila, ang malalaki at ang maliliit, sa lupaing ito. Hindi sila ililibing, ni dadagukan man ng mga tao ang kanilang sarili para sa kanila, ni may sinumang maghihiwa sa kaniyang sarili o magpapakalbo para sa kanila. 7 At hindi sila mamimigay sa kanila ng tinapay dahil sa pagdadalamhati upang aliwin ang sinuman dahil sa patay; ni ibibigay man nila sa kanila ang kopa ng kaaliwan upang inuman dahil sa kaniyang ama at dahil sa kaniyang ina. 8 At huwag kang papasok sa bahay ng pagpipiging upang umupong kasama nila sa pagkain at sa pag-inom. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Narito, pinaglalaho ko mula sa dakong ito sa inyong paningin at sa inyong mga araw ang tinig ng pagbubunyi at ang tinig ng pagsasaya, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae. At mangyayari nga, kapag sinabi mo sa bayang ito ang lahat ng mga salitang ito at sabihin nga nila sa iyo, Sa anong dahilan sinalita ni Jehova laban sa amin ang lahat ng malaking kapahamakang ito, at ano ang aming kamalian at ano ang aming kasalanan na ipinagkasala namin laban kay Jehova na aming Diyos? 11 sasabihin mo rin sa kanila, Sa dahilang iniwan ako ng inyong mga ama, ang sabi ni Jehova, at patuloy silang sumusunod sa ibang mga diyos at naglilingkod sa kanila at yumuyukod sa kanila. Ngunit ako ay iniwan nila, at ang aking kautusan ay hindi nila tinupad. 12 At kayo ay gumawi nang mas masama kaysa sa inyong
- 24 10 9 5

mga ama sa inyong ginagawa, at narito, lumalakad kayo, bawat isa ay ayon sa pagkasutil ng kaniyang masamang puso sa hindi pagsunod sa akin. 13 At itatapon ko kayo mula sa lupaing ito tungo sa lupain na hindi pa ninyo nakikilala, ni ng inyong mga ama, at doon ay maglilingkod kayo sa ibang mga diyos araw at gabi, sapagkat hindi ko kayo bibigyan ng anumang lingap. Kaya nga, narito! ang mga araw ay dumarating, ang sabi ni Jehova, kapag hindi na sasabihin: Buhy si Jehova na nag-ahon sa mga anak ni Israel mula sa lupain ng Ehipto! 15 kundi: Buhy si Jehova na nagahon sa mga anak ni Israel mula sa lupain ng hilaga at mula sa lahat ng mga lupain kung saan niya sila ipinanabog! at tiyak na ibabalik ko sila sa kanilang lupa, na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno. Narito, ipatatawag ko ang maraming mangingisda, ang sabi ni Jehova, at sila ay tiyak na mangingisda sa kanila; at pagkatapos ay ipatatawag ko ang maraming mangangaso, at tiyak na hahanapin nila sila sa bawat bundok at sa bawat burol at mula sa mga awang ng malalaking bato. 17 Sapagkat ang aking mga mata ay nasa lahat ng kanilang lakad. Hindi sila nakubli mula sa harapan ko, ni natago man ang kanilang kamalian mula sa harap ng aking mga mata. 18 At, una sa lahat, igaganti ko ang kabuuang dami ng kanilang kamalian at ng kanilang kasalanan, dahil sa paglapastangan nila sa aking lupain. Ang aking mana ay pinun nila ng mga bangkay ng kanilang mga kasuklam-suklam na bagay at ng kanilang mga karima-rimarim na bagay. O Jehova na aking lakas at aking moog, at aking dakong matatakasan sa araw ng kabagabagan, sa iyo paroroon ang mga bansa mula sa mga dulo ng lupa, at sasabihin nila: Tunay nga na ang aming mga ninuno ay nagmay-ari ng ganap na kabulaanan, kawalang-kabuluhan at mga bagay na hindi kapaki-pakinabang. 20 Ang makalupang tao ba ay makagagawa ng mga diyos para sa
19 16 14

kaniyang sarili gayong hindi naman sila mga diyos? Kaya narito, ipakikilala ko sa kanila; sa isang pagkakataong ito ay ipakikilala ko sa kanila ang aking kamay at ang aking kalakasan, at kanila ngang makikilala na ang aking pangalan ay Jehova. 17 Ang kasalanan ng Juda ay nakasulat sa pamamagitan ng panulat na bakal. Sa pamamagitan ng tulis na diamante ay nakalilok iyon sa tapyas ng kanilang puso, at sa mga sungay ng kanilang mga altar, 2 kapag inaalaala ng kanilang mga anak ang kanilang mga altar at ang kanilang mga sagradong poste sa tabi ng mayabong na punungkahoy, sa ibabaw ng matataas na burol, 3 sa mga bundok sa parang. Ang iyong mga pag-aari, ang lahat ng iyong kayamanan, ay ibibigay ko bilang samsam ang iyong matataas na dako dahil sa kasalanan sa lahat ng iyong mga teritoryo. 4 At binitiwan mo, sa sarili mo ngang kagustuhan, ang iyong minanang pag-aari na ibinigay ko sa iyo. Paglilingkurin din kita sa iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo pa nakikilala; sapagkat pinagliyab kayong gaya ng apoy dahil sa aking galit. Hanggang sa panahong walang takda ay magniningas iyon. Ito ang sinabi ni Jehova: Sumpain ang matipunong lalaki na naglalagak ng kaniyang tiwala sa makalupang tao at laman ang ginagawa niyang kaniyang bisig, at may pusong tumatalikod kay Jehova. 6 At siya ay tiyak na magiging gaya ng punong nag-iisa sa disyertong kapatagan at hindi niya makikita kapag dumating ang mabuti; kundi tatahan siya sa mga dakong tigang sa ilang, sa lupain ng asin na hindi tinatahanan. 7 Pagpalain ang matipunong lalaki na naglalagak ng kaniyang tiwala kay Jehova, at ang kaniyang pag-asa ay si Jehova. 8 At siya ay tiyak na magiging gaya ng punungkahoy na nakatanim sa tabi ng tubig, na nagpapayaon ng mga ugat nito sa mismong tabi ng daanang-tubig; at hindi niya makikita
5 21

kapag dumating ang init, kundi magiging mayabong nga ang kaniyang mga dahon. At sa taon ng tagtuyot ay hindi siya mababalisa, ni titigil man siya sa pagluluwal ng bunga. Ang puso ay higit na mapandaya kaysa anupamang bagay at mapanganib. Sino ang makakakilala nito? 10 Akong si Jehova ang sumisiyasat sa puso, sumusuri sa mga bato, upang ibigay nga sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mga lakad, ayon sa bunga ng kaniyang mga pakikitungo. 11 Gaya ng ibong perdis na nagpipisan niyaong hindi nito ipinangitlog ay gayon siya na nag-iipon ng kayamanan, ngunit hindi sa katarungan. Sa kalagitnaan ng kaniyang mga araw ay iiwan niya ang mga iyon, at sa kaniyang wakas ay mapatutunayan siyang hangal. Naroon ang maluwalhating trono sa kaitaasan mula nang pasimula; iyon ang dako ng ating santuwaryo. 13 O Jehova, na pag-asa ng Israel, lahat niyaong mga umiiwan sa iyo ay malalagay sa kahihiyan. Yaong mga nagaapostata sa akin ay mapapasulat sa lupa, sapagkat iniwan nila ang bukal ng tubig na buhy, si Jehova. 14 Pagalingin mo ako, O Jehova, at ako ay gagaling. Iligtas mo ako, at ako ay maliligtas; sapagkat ikaw ang aking pinupuri. Narito! May mga nagsasabi sa akin: Nasaan ang salita ni Jehova? Paratingin mo iyon, pakisuyo. 16 Ngunit sa ganang akin, hindi ako nagmadali mula sa pagiging pastol na sumusunod sa iyo, at ang araw ng kawalangpag-asa ay hindi ko hinangad. Nalalaman mo ang pananalita ng aking mga labi; sa harap ng iyong mukha ay dumating iyon. 17 Huwag kang maging kasindak-sindak sa akin. Ikaw ang aking kanlungan sa araw ng kapahamakan. 18 Ilagay mo nawa sa kahihiyan ang mga nanguusig sa akin, ngunit ako mismo ay huwag mong ilagay sa kahihiyan. Sila nawa ang pangilabutin mo, ngunit ako mismo ay huwag mong pangilabutin. Pasapitin mo sa kanila ang araw ng kapahamakan, at wasakin mo sila ng pagkawasak na makalawang ulit.
15 12 9

- 25 -

Ito ang sinabi ni Jehova sa akin: Yumaon ka, at tumayo ka sa pintuang-daan ng mga anak ng bayan na pinapasukan ng mga hari ng Juda at nilalabasan nila, at sa lahat ng mga pintuang-daan ng Jerusalem. 20 At sabihin mo sa kanila, Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, ninyong mga hari ng Juda at ng buong Juda at ninyong lahat na tumatahan sa Jerusalem, na pumapasok sa mga pintuang-daang ito. 21 Ito ang sinabi ni Jehova: Ingatan ninyo ang inyong mga kaluluwa, at huwag kayong magdala sa araw ng sabbath ng anumang pasan na ipapasok ninyo sa mga pintuang-daan ng Jerusalem. 22 At huwag kayong maglalabas ng anumang pasan mula sa inyong mga tahanan sa araw ng sabbath; at huwag kayong gagawa ng anumang gawain. At pababanalin ninyo ang araw ng sabbath, gaya ng iniutos ko sa inyong mga ninuno; 23 ngunit hindi sila nakinig o nagkiling ng kanilang pandinig, at pinatigas nila ang kanilang leeg upang hindi makarinig at upang huwag tumanggap ng disiplina. At mangyayari nga, kung mahigpit kayong susunod sa akin, ang sabi ni Jehova, na huwag magpasok ng anumang pasan sa mga pintuang-daan ng lunsod na ito sa araw ng sabbath at pabanalin nga ang araw ng sabbath sa hindi paggawa ng anumang gawain, 25 tiyak na papasok din sa mga pintuang-daan ng lunsod na ito ang mga hari na may kasamang mga prinsipe, nakaupo sa trono ni David, nakasakay sa karo at sa mga kabayo, sila at ang kanilang mga prinsipe, ang mga tao ng Juda at ang mga tumatahan sa Jerusalem; at ang lunsod na ito ay tiyak na tatahanan hanggang sa panahong walang takda. 26 At ang mga tao ay darating mula sa mga lunsod ng Juda at mula sa palibot ng Jerusalem at mula sa lupain ng Benjamin at mula sa mababang lupain at mula sa bulubunduking pook at mula sa Negeb, na may dalang buong handog na sinusunog at hain at handog na mga butil at olibano at may dalang haing pasasalamat sa bahay ni Jehova.
24

19

Ngunit kung hindi ninyo ako susundin sa pagpapabanal sa araw ng sabbath at sa hindi pagdadala ng pasan, kundi may papasok na may dala nito sa mga pintuang-daan ng Jerusalem sa araw ng sabbath, magpapalagablab din ako ng apoy sa kaniyang mga pintuang-daan, at tiyak na lalamunin nito ang mga tirahang tore ng Jerusalem at hindi mapapatay. 18 Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova, na nagsasabi: 2 Bumangon ka, at lumusong ka sa bahay ng magpapalayok, at doon ay iparirinig ko sa iyo ang aking mga salita. At lumusong ako sa bahay ng magpapalayok, at doon ay may gawain siyang ginagawa sa ibabaw ng mga gulong ng magpapalayok. 4 At ang sisidlan na ginagawa niya sa luwad ay nasira ng kamay ng magpapalayok, at bumaling siya at iyon ay ginawa niyang ibang sisidlan, ayon sa inaakalang tamang gawin sa paningin ng magpapalayok. At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi: 6 Hindi ko ba magagawa sa inyo ang gaya ng ginawa ng magpapalayok na ito, O sambahayan ng Israel? ang sabi ni Jehova. Narito! Gaya ng luwad sa kamay ng magpapalayok, gayon kayo sa aking kamay, O sambahayan ng Israel. 7 Sa sandaling magsalita ako laban sa isang bansa at laban sa isang kaharian upang bunutin iyon at ibagsak iyon at wasakin iyon, 8 at ang bansang iyon ay tumalikod nga mula sa kasamaan nito na laban doon ay nagsalita ako, ikalulungkot ko rin ang kapahamakan na inisip kong ilapat doon. 9 Ngunit sa sandaling magsalita ako may kinalaman sa isang bansa at may kinalaman sa isang kaharian upang itayo iyon at itatag iyon, 10 at gawin nga nito ang masama sa aking paningin sa hindi pagsunod sa aking tinig, ikalulungkot ko rin ang mabuti na sinabi ko sa aking sarili na gawin sa ikabubuti nito. At ngayon ay sabihin mo, pakisuyo, sa mga tao ng Juda at sa mga tumatahan sa
- 26 11 5 3

27

Jerusalem, Ito ang sinabi ni Jehova: Narito, ako ay bubuo laban sa inyo ng isang kapahamakan at mag-iisip laban sa inyo ng isang kaisipan. Tumalikod kayo, pakisuyo, bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad, at pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga pakikitungo. At sinabi nila: Wala nang pag-asa! Sapagkat sa aming sariling mga kaisipan kami susunod, at isasagawa ng bawat isa sa amin ang pagkasutil ng kaniyang masamang puso. Kaya ito ang sinabi ni Jehova: Magtanong kayo sa gitna ng mga bansa, pakisuyo. Sino ang nakarinig ng ganitong mga bagay? Isang kakila-kilabot na bagay ang ginawa ng dalaga ng Israel nang labislabis. 14 Lilisan ba ang niyebe ng Lebanon mula sa bato sa malawak na parang? O matutuyo ba ang kakaibang tubig, na malamig at tumutulo? 15 Sapagkat nilimot ako ng aking bayan sa paggawa nila ng haing usok para sa isang bagay na walang kabuluhan, at sa pagtisod nila sa mga tao sa kanilang mga lakad, ang mga landas noong sinaunang panahon, upang lumakad sa mga lansangan, isang daan na hindi natambakan, 16 upang ang kanilang lupain ay gawing bagay na panggigilalasan, upang sipulan hanggang sa panahong walang takda. Ang bawat isa na dumaraan doon ay tititig sa panggigilalas at mag-iiling ng kaniyang ulo. 17 Pangangalatin ko sila na waring pinangalat ng hanging silangan sa harap ng kaaway. Likod, at hindi mukha, ang ipakikita ko sa kanila sa araw ng kanilang kasakunaan. At sinabi nila: Halikayo at mag-isip tayo ng mga kaisipan laban kay Jeremias, sapagkat ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote o ang payo mula sa marunong o ang salita mula sa propeta. Halikayo at saktan natin siya ng dila, at huwag tayong magbigay-pansin sa alinman sa kaniyang mga salita. Magbigay-pansin ka sa akin, O Jehova, at pakinggan mo ang tinig ng aking mga
- 27 19 18 13 12

kalaban. 20 Dapat bang gantihan ng masama ang mabuti? Sapagkat nagdukal sila ng hukay para sa aking kaluluwa. Alalahanin mo ang aking pagtayo sa harap mo upang magsalita ng mabuti may kinalaman pa nga sa kanila, upang pawiin ang iyong pagngangalit mula sa kanila. 21 Kaya ibigay mo ang kanilang mga anak sa taggutom, at ibigay mo sila sa kapangyarihan ng tabak; at ang kanilang mga asawa nawa ay maging mga babaing naulila sa anak, at mga balo. At ang kanilang sariling mga lalaki nawa ay maging yaong mga pinatay sa pamamagitan ng nakamamatay na salot, ang kanilang mga kabataang lalaki yaong mga pinabagsak sa pamamagitan ng tabak sa pagbabaka. 22 May marinig nawang sigaw mula sa kanilang mga bahay, kapag bigla mong dinala sa kanila ang pangkat ng mandarambong. Sapagkat nagdukal sila ng hukay upang bihagin ako, at nagtago sila ng mga bitag para sa aking mga paa. Ngunit ikaw, O Jehova, ang lubos na nakaaalam sa lahat ng kanilang payo laban sa akin ukol sa kamatayan ko. Huwag mong takpan ang kanilang kamalian, at huwag mong pawiin ang kasalanan nilang iyon mula sa harap mo; kundi sila nawa ay maging yaong mga natitisod sa harap mo. Sa panahon ng iyong galit ay kumilos ka laban sa kanila. 19 Ito ang sinabi ni Jehova: Yumaon ka, at kunin mo ang isang luwad na prasko ng magpapalayok at ang ilan sa matatandang lalaki ng bayan at ang ilan sa matatandang lalaki ng mga saserdote. 2 At lumabas ka sa libis ng anak ni Hinom, na nasa pasukan ng Pintuang-daan ng mga Basag na Palayok. At doon ay ihayag mo ang mga salita na sasalitain ko sa iyo. 3 At sabihin mo, Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, O kayong mga hari ng Juda at kayong mga tumatahan sa Jerusalem. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Narito, magpapasapit ako ng kapahamakan sa dakong ito, na kapag narinig iyon ng sinuman, ang kaniyang mga tainga ay mangingilabot; 4 sa dahilang iniwan nila ako at
23

lubusan nilang iniba ang dakong ito at gumawa sila rito ng haing usok para sa ibang mga diyos na hindi nila nakilala, sila at ang kanilang mga ninuno at ang mga hari ng Juda; at ang dakong ito ay pinun nila ng dugo ng mga walang-sala. 5 At itinayo nila ang matataas na dako ng Baal upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak bilang mga buong handog na sinusunog para sa Baal, isang bagay na hindi ko iniutos o sinalita, at hindi man lamang pumasok sa aking puso. Kaya nga, narito! dumarating ang mga araw, ang sabi ni Jehova, kapag ang dakong ito ay hindi na tatawaging Topet at ang libis ng anak ni Hinom, kundi ang libis ng pagpatay. 7 At pawawalang-saysay ko ang panukala ng Juda at ng Jerusalem sa dakong ito, at pangyayarihin kong mabuwal sila sa pamamagitan ng tabak sa harap ng kanilang mga kaaway at sa pamamagitan ng kamay niyaong mga naghahanap sa kanilang kaluluwa. At ang kanilang mga bangkay ay ibibigay ko bilang pagkain sa mga lumilipad na nilalang sa langit at sa mga hayop sa lupa. 8 At ang lunsod na ito ay gagawin kong bagay na panggigilalasan at bagay na sisipulan. Ang bawat isa na dumaraan doon ay tititig sa panggigilalas at sisipol dahil sa lahat ng mga salot nito. 9 At ipakakain ko sa kanila ang laman ng kanilang mga anak na lalaki at ang laman ng kanilang mga anak na babae; at kakainin nila ang laman ng kanikaniyang kapuwa, dahil sa kahigpitan at dahil sa kaigtingan na ipanggigipit sa kanila ng kanilang mga kaaway at niyaong mga naghahanap sa kanilang kaluluwa. At basagin mo ang prasko sa paningin ng mga lalaki na yayaong kasama mo. 11 At sabihin mo sa kanila, Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: Sa gayunding paraan ay babasagin ko ang bayang ito at ang lunsod na ito kung paanong binabasag ng isa ang sisidlan ng magpapalayok anupat hindi na iyon makukumpuni; at maglilibing sila sa Topet hanggang sa wala nang dakong mapaglilibingan.
- 28 10 6

Ganiyan ang gagawin ko sa dakong ito, ang sabi ni Jehova, at sa mga tumatahan dito, upang ang lunsod na ito ay gawin ngang gaya ng Topet. 13 At ang mga bahay sa Jerusalem at ang mga bahay ng mga hari ng Juda ay magiging gaya ng dako ng Topet, marurumi, samakatuwid nga, ang lahat ng bahay na sa mga bubong nito ay gumawa sila ng haing usok para sa buong hukbo ng langit at nagbuhos ng mga handog na inumin para sa ibang mga diyos. At si Jeremias ay dumating mula sa Topet, na pinagsuguan sa kaniya ni Jehova upang doon manghula, at tumayo sa looban ng bahay ni Jehova at nagsabi sa buong bayan: 15 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Narito, pasasapitin ko sa lunsod na ito at sa lahat ng mga lunsod nito ang buong kapahamakan na sinalita ko laban dito, sapagkat pinatigas nila ang kanilang leeg upang huwag sundin ang aking mga salita. 20 At si Pasur na anak ni Imer, na saserdote, na siya ring nangungunang komisyonado sa bahay ni Jehova, ay nakikinig kay Jeremias habang inihuhula ang mga salitang ito. 2 Sa gayon ay sinaktan ni Pasur si Jeremias na propeta at inilagay siya sa mga pangawan na nasa Mataas na Pintuang-daan ng Benjamin, na nasa bahay ni Jehova. 3 Ngunit nangyari nang sumunod na araw, inilabas ni Pasur si Jeremias mula sa mga pangawan, at si Jeremias ngayon ay nagsabi sa kaniya: Ang itinawag ni Jehova sa iyong pangalan ay hindi Pasur, kundi Pagkatakot sa buong palibot. 4 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, Narito, gagawin kitang pagkatakot sa iyong sarili at sa lahat ng iyong mangingibig, at tiyak na mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak ng kanilang mga kaaway habang nakatingin ang iyong mga mata; at ang buong Juda ay ibibigay ko sa kamay ng hari ng Babilonya, at dadalhin nga niya sila sa pagkatapon sa Babilonya at pababagsakin niya sila sa pamamagitan ng tabak. 5 At ibibigay ko ang lahat ng nakaimbak na bagay ng lunsod na ito
14

12

at ang lahat ng produkto nito at ang lahat ng mahahalagang bagay nito; at ang lahat ng kayamanan ng mga hari ng Juda ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway. At ang mga iyon ay tiyak na darambungin nila at kukunin nila at dadalhin nila sa Babilonya. 6 At ikaw naman, O Pasur, at ang lahat ng tumatahan sa iyong bahay, yayaon kayo sa pagkabihag; at paroroon ka sa Babilonya at doon ka mamamatay at doon ka ililibing kasama ng lahat ng iyong mangingibig, sapagkat nanghula ka sa kanila nang may kabulaanan. Nilinlang mo ako, O Jehova, anupat ako ay nalinlang. Ginamitan mo ako ng iyong lakas, anupat nanaig ka. Ako ay naging katatawanan sa buong araw; bawat isa ay nang-aalipusta sa akin. 8 Sapagkat sa tuwing magsasalita ako, ako ay sumisigaw. Karahasan at pananamsam ang inihihiyaw ko. Sapagkat sa akin ang salita ni Jehova ay naging sanhi ng kadustaan at ng kakutyaan sa buong araw. 9 At sinabi ko: Hindi ko siya babanggitin, at hindi na ako magsasalita sa kaniyang pangalan. At sa aking puso ay naging gaya iyon ng nagniningas na apoy na nakukulong sa aking mga buto; at pagod na ako sa kapipigil, at hindi ko na iyon matiis. 10 Sapagkat narinig ko ang masamang ulat ng marami. May pagkatakot sa buong palibot. Magpahayag kayo, upang makapagpahayag kami tungkol sa kaniya. Ang bawat taong mortal ay bumabati sa akin ng Kapayapaan!binabantayan nila ang aking pag-ika-ika: Marahil ay malilinlang siya, upang makapanaig tayo laban sa kaniya at makaganti tayo sa kaniya. 11 Ngunit si Jehova ay sumasaakin gaya ng isang kahilahilakbot na makapangyarihan. Kaya naman ang mismong mga umuusig sa akin ay matitisod at hindi mananaig. Tiyak na malalagay sila sa malaking kahihiyan, sapagkat hindi sila uunlad. Ang kanilang kahihiyan na namamalagi nang walang takda ay hindi malilimutan. Ngunit ikaw, O Jehova ng mga hukbo, ang sumusuri sa matuwid; nakikita mo ang
- 29 12 7

mga bato at ang puso. Makita ko nawa ang paghihiganti mo sa kanila, sapagkat sa iyo ko isiniwalat ang aking usapin sa batas. Umawit kayo kay Jehova! Purihin ninyo si Jehova! Sapagkat iniligtas niya ang kaluluwa ng dukha mula sa kamay ng mga manggagawa ng kasamaan. Sumpain ang araw ng aking kapanganakan! Huwag nawang pagpalain ang araw na iyon nang isilang ako ng aking ina! 15 Sumpain ang tao na nagdala ng mabuting balita sa aking ama, na sinasabi: Ipinanganak sa iyo ang isang anak, isang lalaki! Talagang pinasaya niya siya. 16 At ang mismong taong iyon ay magiging gaya ng mga lunsod na giniba ni Jehova na hindi Niya ikinalulungkot. At siya ay makaririnig ng hiyaw sa umaga at ng babalang hudyat sa oras ng katanghaliang tapat. Bakit nga ba hindi niya ako pinatay mula sa bahay-bata, upang ang aking ina ang naging aking dakong libingan at ang kaniyang bahay-bata ay nagdalang-tao hanggang sa panahong walang takda? 18 Bakit pa ako lumabas mula sa bahay-bata upang makakita ng pagpapagal at pamimighati at ang aking mga araw ay magwakas lamang sa kahihiyan? 21 Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova, nang isugo sa kaniya ni Haring Zedekias si Pasur na anak ni Malkias at si Zefanias na anak ni Maaseias, ang saserdote, na nagsasabi: 2 Pakisuyong magusisa ka kay Jehova para sa amin, sapagkat si Nabucodorosor na hari ng Babilonya ay nakikipagdigma laban sa amin. Marahil ay gagawin ni Jehova sa amin ang ayon sa lahat ng kaniyang mga kamangha-manghang gawa, anupat uurong siya mula sa amin. At sinabi ni Jeremias sa kanila: Ito ang sasabihin ninyo kay Zedekias, 4 Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel: Narito, babaligtarin ko ang mga sandatang pandigma na nasa kamay ninyo, na ipinanlalaban ninyo sa hari ng Babilonya, at sa mga Caldeo na nangungubkob laban sa inyo sa labas ng
3 17 14 13

pader, at titipunin ko sila sa gitna ng lunsod na ito. 5 At ako mismo ay lalaban sa inyo na may unat na kamay at may malakas na bisig at may galit at may pagngangalit at may matinding poot. 6 At sasaktan ko ang mga tumatahan sa lunsod na ito, kapuwa ang tao at ang hayop. Sa pamamagitan ng malubhang salot ay mamamatay sila. At pagkatapos niyan, ang sabi ni Jehova, ibibigay ko si Zedekias na hari ng Juda at ang kaniyang mga lingkod at ang bayan at yaong mga natitira sa lunsod na ito mula sa salot, mula sa tabak at mula sa taggutom, sa kamay ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya, sa kamay nga ng kanilang mga kaaway at sa kamay niyaong mga naghahanap sa kanilang kaluluwa, at tiyak na sasaktan niya sila sa pamamagitan ng talim ng tabak. Hindi siya malulungkot dahil sa kanila, ni mahahabag man siya o maaawa. At sa bayang ito ay sasabihin mo, Ito ang sinabi ni Jehova: Narito, inilalagay ko sa harap ninyo ang daan ng buhay at ang daan ng kamatayan. 9 Siyang mananatili sa lunsod na ito ay mamamatay sa tabak at sa taggutom at sa salot; ngunit siyang lalabas at kakampi nga sa mga Caldeo na nangungubkob laban sa inyo ay mananatiling buhy, at ang kaniyang kaluluwa ay tiyak na magiging kaniya bilang samsam. Sapagkat itinuon ko ang aking mukha laban sa lunsod na ito sa ikapapahamak at hindi sa ikabubuti, ang sabi ni Jehova. Sa kamay ng hari ng Babilonya ay ibibigay ito, at tiyak na susunugin niya ito sa apoy. At kung tungkol sa sambahayan ng hari ng Juda, dinggin ninyo ang salita ni Jehova. 12 O sambahayan ni David, ito ang sinabi ni Jehova: Bawat umaga ay maggawad ka ng hatol ayon sa katarungan, at iligtas mo ang ninanakawan mula sa kamay ng mandaraya, upang ang aking pagngangalit ay hindi lumabas na gaya ng apoy at magningas nga at walang sinumang
11 10 8 7

makapapatay nito dahil sa kasamaan ng inyong mga pakikitungo. Narito, ako ay laban sa iyo, O babaing tumatahan sa mababang kapatagan, O bato sa patag na lupain, ang sabi ni Jehova. Kung tungkol sa inyo na nagsasabi: Sino ang bababa laban sa atin? At sino ang papasok sa ating mga tahanan? 14 hihingi rin ako ng pagsusulit laban sa inyo ayon sa mga bunga ng inyong mga pakikitungo, ang sabi ni Jehova. At magpapalagablab ako ng apoy sa kaniyang kagubatan, at tiyak na lalamunin nito ang lahat ng bagay sa palibot niya. 22 Ito ang sinabi ni Jehova: Lumusong ka sa bahay ng hari ng Juda, at salitain mo roon ang salitang ito. 2 At sabihin mo, Dinggin mo ang salita ni Jehova, O hari ng Juda na nakaupo sa trono ni David, ikaw kasama ang iyong mga lingkod at ang iyong bayan, yaong mga pumapasok sa mga pintuang-daang ito. 3 Ito ang sinabi ni Jehova: Maglapat kayo ng katarungan at katuwiran, at iligtas ninyo ang ninanakawan mula sa kamay ng mandaraya; at huwag ninyong pagmalupitan ang naninirahang dayuhan, ang batang lalaking walang ama o ang babaing balo. Huwag ninyo silang gawan ng karahasan. At huwag kayong magbubo ng dugong walang-sala sa dakong ito. 4 Sapagkat kung tunay na isasagawa ninyo ang salitang ito, tiyak na papasok din sa mga pintuang-daan ng bahay na ito ang mga haring nakaupo para kay David sa kaniyang trono, nakasakay sa mga karo at sa mga kabayo, siya kasama ang kaniyang mga lingkod at ang kaniyang bayan. Ngunit kung hindi ninyo susundin ang mga salitang ito, sa aking sarili ay sumusumpa ako, ang sabi ni Jehova, na ang bahay na ito ay magiging isang wasak na dako. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa bahay ng hari ng Juda, Ikaw ay gaya ng Gilead sa akin, ang ulo ng Lebanon. Tiyak na gagawin nga kitang ilang; kung tungkol sa mga lunsod, isa man ay hindi tatahanan. 7 At pababanalin ko laban sa iyo yaong mga manlilipol, ang bawat isa at ang
- 30 6 5 13

kaniyang mga sandata; at puputulin nila ang pinakapili sa iyong mga sedro at ibubuwal ang mga iyon sa apoy. 8 At maraming bansa ang daraan nga sa tabi ng lunsod na ito at magsasabi sa isat isa: Sa anong dahilan ginawa ni Jehova ang ganito sa dakilang lunsod na ito? 9 At sasabihin nila: Sa dahilang iniwan nila ang tipan ni Jehova na kanilang Diyos at yumukod sa ibang mga diyos at naglingkod sa kanila. Huwag ninyong tangisan ang patay, at huwag kayong makiramay sa kaniya. Tangisan ninyo nang labis-labis yaong umaalis, sapagkat hindi na siya babalik pa at hindi nga niya makikita ang lupain ng kaniyang mga kamag-anak. 11 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman kay Salum na anak ni Josias, na hari ng Juda na naghaharing kahalili ni Josias na kaniyang ama, na yumaon mula sa dakong ito, Hindi na siya babalik pa roon. 12 Sapagkat sa dakong pinagdalhan nila sa kaniya sa pagkatapon ay mamamatay siya, at ang lupaing ito ay hindi na niya makikita pa. Sa aba niyaong nagtatayo ng kaniyang bahay, ngunit hindi sa pamamagitan ng katuwiran, at ng kaniyang mga pang-itaas na silid, ngunit hindi sa pamamagitan ng katarungan, na ginagamit ang kaniyang kapuwa na naglilingkod nang walang bayad, at ang kaniyang kabayaran ay hindi niya ibinibigay sa kaniya; 14 yaong nagsasabi, Magtatayo ako sa ganang akin ng isang maluwang na bahay at ng maaalwang pangitaas na silid; at ang aking mga bintana ay palalaparin para rito, at ang magiging pinakaentrepanyo ay may sedro at papahiran ng matingkad na pula. 15 Patuloy ka bang maghahari dahil nakikipagpaligsahan ka sa paggamit ng sedro? Kung tungkol sa iyong ama, hindi ba siya kumain at uminom at naglapat ng katarungan at katuwiran? Dahil dito ay napabuti siya. 16 Ipinagtanggol niya ang pag-aangkin sa batas ng napipighati at ng dukha. Dahil dito ay napabuti nga. Hindi ba iyon isang halimbawa ng pagkilala sa akin? ang sabi ni Jehova. 17 Tunay nga na
- 31 13 10

ang iyong mga mata at ang iyong puso ay naroon lamang sa iyong di-tapat na pakinabang, at nasa dugo ng walang-sala upang ibubo iyon, at nasa pandaraya at nasa pangingikil upang isagawa ang mga iyon. Kaya ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman kay Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, Hindi nila siya hahagulhulan: Ay, kapatid kong lalaki! At ay, kapatid kong babae! Hindi nila siya hahagulhulan: Ay, O panginoon! At ay, ang kaniyang dangal! 19 Ililibing siyang gaya ng paglilibing sa asnong lalaki, na kinakaladkad at itinatapon, sa labas ng mga pintuang-daan ng Jerusalem. Umahon ka sa Lebanon at sumigaw ka, at sa Basan ay ilakas mo ang iyong tinig. At sumigaw ka mula sa Abarim, sapagkat silang lahat na masidhing umiibig sa iyo ay winasak. 21 Nagsalita ako sa iyo noong malaya ka sa alalahanin. Sinabi mo, Hindi ako susunod. Ito na ang naging paraan mo mula nang iyong kabataan, sapagkat hindi mo sinunod ang aking tinig. 22 Isang hangin ang magpapastol sa lahat ng iyong mga pastol; at kung tungkol sa mga masidhing umiibig sa iyo, yayaon sila sa pagkabihag. Sapagkat sa panahong iyon ay mapapahiya ka at tiyak na maaaba dahil sa lahat ng iyong kapahamakan. 23 O ikaw na nananahanan sa Lebanon, na namumugad sa mga sedro, tiyak na magbubuntunghininga ka nang gayon na lamang kapag dumating sa iyo ang mga hapdi ng panganganak, ang mga kirot ng pagdaramdam na gaya ng sa babaing nanganganak! Buhy ako, ang sabi ni Jehova, kahit si Conias man na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda, ang siyang maging singsing na pantatak sa aking kanang kamay, mula roon ay huhugutin kita! 25 At ikaw ay ibibigay ko sa kamay niyaong mga naghahanap sa iyong kaluluwa at sa kamay niyaong mga kinatatakutan mo at sa kamay ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya at sa kamay ng mga Caldeo. 26 At ikaw at ang iyong ina na nagsilang sa iyo ay ihahagis ko sa ibang lupain na hindi ninyo kinapanganakan, at doon
24 20 18

kayo mamamatay. 27 At sa lupain na nanasaing balikan ng kanilang kaluluwa, doon ay hindi sila babalik. 28 Ito bang lalaking si Conias ay isa lamang anyo na hinamak, na dinurog, o sisidlang hindi kinalulugdan? Bakit nga siya at ang kaniyang supling ay ibabagsak at itatapon sa lupain na hindi pa nila nakikilala? O lupa, lupa, lupa, dinggin mo ang salita ni Jehova. 30 Ito ang sinabi ni Jehova, Itala ninyo ang lalaking ito bilang walang anak, bilang matipunong lalaki na hindi magtatagumpay sa kaniyang mga araw; sapagkat mula sa kaniyang supling ay wala ni isa man ang magtatagumpay, na uupo sa trono ni David at mamamahala pa sa Juda. 23 Sa aba ng mga pastol na nagpapahamak at nagpapangalat sa mga tupa ng aking pastulan! ang sabi ni Jehova. Kaya ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel laban sa mga pastol na nagpapastol sa aking bayan: Kayo ang nagpapangalat sa aking mga tupa; at patuloy ninyo silang pinananabog, at hindi ninyo sila pinaguukulan ng inyong pansin. Narito, ibabaling ko sa inyo ang aking pansin dahil sa kasamaan ng inyong mga pakikitungo, ang sabi ni Jehova. At titipunin ko ang nalabi sa aking mga tupa mula sa lahat ng mga lupain kung saan ko sila ipinanabog, at ibabalik ko sila sa kanilang pastulan, at sila ay tiyak na magiging palaanakin at darami. 4 At magbabangon ako sa kanila ng mga pastol na talagang magpapastol sa kanila; at hindi na sila matatakot, ni mangingilabot man sila, at walang sinumang mawawala, ang sabi ni Jehova. Narito! Dumarating ang mga araw, ang sabi ni Jehova, at magbabangon ako para kay David ng isang sibol na matuwid. At isang hari ang tiyak na maghahari at kikilos nang may katalinuhan at maglalapat ng katarungan at katuwiran sa lupain. 6 Sa kaniyang mga araw ay maliligtas ang Juda, at
- 32 5 3 2 29

ang Israel ay tatahang tiwasay. At ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Si Jehova Ang Ating Katuwiran. Kaya nga, narito! dumarating ang mga araw, ang sabi ni Jehova, at hindi na nila sasabihin, Si Jehova ay buhy na nag-ahon sa mga anak ni Israel mula sa lupain ng Ehipto, 8 kundi, Si Jehova ay buhy na nag-ahon at nagdala sa supling ng sambahayan ng Israel mula sa lupain ng hilaga at mula sa lahat ng mga lupain kung saan ko sila ipinanabog, at tiyak na mananahanan sila sa kanilang sariling lupa. Kung tungkol sa mga propeta, ang aking puso ay nawasak sa loob ko. Ang lahat ng aking mga buto ay nagsimulang manginig. Ako ay naging gaya ng lalaking lasing, at gaya ng matipunong lalaki na pinanaigan ng alak, dahil kay Jehova at dahil sa kaniyang banal na mga salita. 10 Sapagkat ang lupain ay napuno ng mga mangangalunya. Sapagkat dahil sa sumpa ay nagdalamhati ang lupain, ang mga pastulan sa ilang ay natuyo; at ang kanilang landasin ng pagkilos ay masama, at ang kanilang kalakasan ay hindi tama. Sapagkat kapuwa ang propeta at ang saserdote ay narumhan. Sa aking bahay rin ay nasumpungan ko ang kanilang kasamaan, ang sabi ni Jehova. 12 Kaya para sa kanila ang kanilang daan ay magiging gaya ng madudulas na dako sa karimlan, na doon sila itutulak at tiyak na mabubuwal. Sapagkat magpapasapit ako sa kanila ng kapahamakan, ang taon ng pagtutuon ng pansin sa kanila, ang sabi ni Jehova. 13 At sa mga propeta ng Samaria ay nakakita ako ng katiwalian. Gumanap sila bilang mga propeta na inudyukan ni Baal, at patuloy nilang inililigaw ang aking bayan, ang Israel nga. 14 At sa mga propeta ng Jerusalem ay nakakita ako ng mga kakila-kilabot na bagay, pangangalunya at paglakad sa kabulaanan; at pinalalakas nila ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan upang hindi sila manumbalik, bawat isa mula sa kaniyang sariling kasamaan. Sa akin ay naging tulad
11 9 7

silang lahat ng Sodoma, at ang mga tumatahan sa kaniya ay tulad ng Gomorra. Kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo laban sa mga propeta: Narito, pakakainin ko sila ng ahenho, at bibigyan ko sila ng tubig na may lason upang inumin. Sapagkat mula sa mga propeta ng Jerusalem ay lumabas ang apostasya sa buong lupain. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: Huwag ninyong pakinggan ang mga salita ng mga propeta na nanghuhula sa inyo. Ginagawa nila kayong walang kabuluhan. Ang pangitain ng kanilang sariling puso ang sinasalita nilahindi mula sa bibig ni Jehova. 17 Sinasabi nila nang paulit-ulit doon sa mga walang-galang sa akin, Sinalita ni Jehova: Kapayapaan ang sasainyo. At sa bawat isa na lumalakad ayon sa pagkasutil ng kaniyang puso ay sinabi nila, Walang kapahamakang darating sa inyo. 18 Sapagkat sino ang tumayong kasama ng matalik na kapisanan ni Jehova upang makita niya at marinig ang kaniyang salita? Sino ang nagtuon ng pansin sa kaniyang salita upang marinig niya iyon? 19 Narito! Ang buhawi ni Jehova, ang pagngangalit mismo, ay tiyak na lalabas, isa ngang unos na umiinog. Sa ibabaw ng ulo ng mga balakyot ay iinog iyon. 20 Ang galit ni Jehova ay hindi mapapawi hanggang sa matupad na niya at hanggang sa mapangyari na niyang magkatotoo ang mga kaisipan ng kaniyang puso. Sa huling bahagi ng mga araw ay pag-iisipan ninyo iyon nang may pagkaunawa. Hindi ko isinugo ang mga propeta, gayunmay tumakbo sila. Hindi ako nagsalita sa kanila, gayunmay nanghula sila. 22 Ngunit kung tumayo silang kasama ng aking matalik na kapisanan, naiparinig sana nila sa aking bayan ang aking mga salita, at kanila sanang naitalikod sila mula sa kanilang masamang lakad at mula sa kasamaan ng kanilang mga pakikitungo. Ako ba ay Diyos sa malapit, ang sabi ni Jehova, at hindi Diyos sa malayo?
23 21 16 15

O maikukubli ba ang sinumang tao sa mga kublihang dako at hindi ko siya makikita? ang sabi ni Jehova. Hindi nga ba ang langit at ang lupa ang aking pinupuno? ang sabi ni Jehova. 25 Narinig ko ang sinabi ng mga propeta na nanghuhula ng kabulaanan sa aking pangalan, na sinasabi, Nanaginip ako! Nanaginip ako! 26 Hanggang kailan iyon mananatili sa puso ng mga propeta na nanghuhula ng kabulaanan at siyang mga propeta ng pandaraya ng kanilang sariling puso? 27 Iniisip nilang ipalimot sa aking bayan ang aking pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip na patuloy nilang isinasaysay sa isat isa, kung paanong nalimot ng kanilang mga ama ang aking pangalan dahil kay Baal. 28 Ang propeta na may panaginip, isaysay niya ang panaginip; ngunit ang isa na kinaroroonan ng aking salita, salitain niya ang aking salita nang may katotohanan. Ano ang kinalaman ng dayami sa butil? ang sabi ni Jehova. Hindi ba ang aking salita ay tulad din ng apoy, ang sabi ni Jehova, at tulad ng martilyong pampanday na dumudurog sa malaking bato? Kaya narito, ako ay laban sa mga propeta, ang sabi ni Jehova, yaong mga nagnanakaw ng aking mga salita, bawat isa mula sa kaniyang kapuwa. Narito, ako ay laban sa mga propeta, ang sabi ni Jehova, yaong mga gumagamit ng kanilang dila upang masabi nila, Isang pasabi! Narito, ako ay laban sa mga propeta ng bulaang mga panaginip, ang sabi ni Jehova, na nagsasaysay ng mga iyon at nagliligaw sa aking bayan dahil sa kanilang mga kabulaanan at dahil sa kanilang paghahambog. Ngunit hindi ko sila isinugo o inutusan man. Kaya talagang hindi sila magiging kapakipakinabang sa bayang ito, ang sabi ni Jehova.
32 31 30 29

24

- 33 -

At kapag ang bayang ito o ang propeta o saserdote ay nagtanong sa iyo, na sinasabi, Ano ang pasanin ni Jehova? sabihin mo rin sa kanila, Kayo ngaO anong pasanin! At pababayaan ko nga kayo, ang sabi ni Jehova. 34 Kung tungkol sa propeta o sa saserdote o sa bayan na nagsasabi, Ang pasanin ni Jehova! ibabaling ko rin ang aking pansin sa taong iyon at sa kaniyang sambahayan. 35 Ito ang patuloy ninyong sinasabi, ng bawat isa sa kaniyang kapuwa at ng bawat isa sa kaniyang kapatid, Ano ang isinagot ni Jehova? At ano ang sinalita ni Jehova? 36 Ngunit ang pasanin ni Jehova ay huwag na ninyong banggitin, sapagkat ang nagiging pasanin ng bawat isa ay ang kaniyang sariling salita, at binago ninyo ang mga salita ng Diyos na buhy, ni Jehova ng mga hukbo, na ating Diyos. Ito ang sasabihin mo sa propeta, Anong sagot ang ibinigay sa iyo ni Jehova? At ano ang sinalita ni Jehova? 38 At kung Ang pasanin ni Jehova! ang siyang patuloy ninyong sinasabi, kung gayon ay ito ang sinabi ni Jehova: Dahil sa pagsasabi ninyo, Ang salitang ito ang mismong pasanin ni Jehova, gayong patuloy akong nagsusugo sa inyo, na sinasabi, Huwag ninyong sasabihin: Ang pasanin ni Jehova! 39 kaya narito ako! At pababayaan ko kayo nang lubus-lubusan, at iiwan ko kayo at ang lunsod na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninunomula sa harap ko. 40 At ilalagay ko sa inyo ang kadustaan hanggang sa panahong walang takda at ang kahihiyan hanggang sa panahong walang takda, na hindi malilimutan. 24 At may ipinakita sa akin si Jehova, at, narito! dalawang basket ng igos na nakalagay sa harap ng templo ni Jehova, pagkatapos na dalhin ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya sa pagkatapon si Jeconias na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda, at ang mga prinsipe ng Juda at ang mga bihasang manggagawa at ang mga tagapagtayo ng mga balwarte, mula sa Jerusalem upang madala niya sila sa Babilonya. 2 Kung tungkol
- 34 37

33

sa isang basket, ang mga igos ay napakabuti, tulad ng mga unang igos; at kung tungkol sa isa pang basket, ang mga igos ay napakasama, anupat hindi makakain ang mga iyon dahil sa kasamaan. At sinabi ni Jehova sa akin: Ano ang nakikita mo, Jeremias? Kaya sinabi ko: Mga igos, ang mabubuting igos ay napakabuti, at ang masasama ay napakasama, anupat hindi makakain ang mga iyon dahil sa kasamaan. Sa gayon ay dumating sa akin ang salita ni Jehova, na nagsasabi: 5 Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, Tulad ng mabubuting igos na ito, gayon ko ituturing ang mga tapon ng Juda, na payayaunin ko mula sa dakong ito patungo sa lupain ng mga Caldeo, sa ikabubuti. 6 At itititig ko sa kanila ang aking mata sa ikabubuti, at tiyak na pababalikin ko sila sa lupaing ito. At itatayo ko sila, at hindi ko gigibain; at itatanim ko sila, at hindi ko bubunutin. 7 At bibigyan ko sila ng isang puso upang makilala ako, na ako ay si Jehova; at sila ang magiging aking bayan, at ako ang magiging kanilang Diyos, sapagkat manunumbalik sila sa akin nang kanilang buong puso. At tulad ng masasamang igos na hindi makakain dahil sa kasamaan, ito sa katunayan ang sinabi ni Jehova: Gayon ko ibibigay si Zedekias na hari ng Juda at ang kaniyang mga prinsipe at ang nalabi sa Jerusalem na natitira sa lupaing ito at yaong mga nananahanan sa lupain ng Ehipto 9 ibibigay ko rin sila ukol sa pangangatal, ukol sa kapahamakan, sa lahat ng mga kaharian sa lupa, ukol sa kadustaan at ukol sa isang kasabihan, ukol sa kakutyaan at ukol sa sumpa, sa lahat ng dako kung saan ko sila ipananabog. 10 At isusugo ko laban sa kanila ang tabak, ang taggutom at ang salot, hanggang sa malipol sila mula sa lupa na ibinigay ko sa kanila at sa kanilang mga ninuno. 25 Ang salita na dumating kay Jeremias may kinalaman sa buong bayan ng Juda nang ikaapat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, na siyang unang taon ni
8 4 3

Nabucodorosor na hari ng Babilonya; 2 na sinalita ni Jeremias na propeta may kinalaman sa buong bayan ng Juda at may kinalaman sa lahat ng tumatahan sa Jerusalem, na sinasabi: Mula nang ikalabintatlong taon ni Josias na anak ni Amon, na hari ng Juda, at hanggang sa araw na ito, sa dalawamput tatlong tang ito ay dumarating sa akin ang salita ni Jehova, at patuloy akong nagsasalita sa inyo, na bumabangon nang maaga at nagsasalita, ngunit hindi kayo nakinig. 4 At isinugo ni Jehova sa inyo ang lahat ng kaniyang mga lingkod na mga propeta, na bumabangon nang maaga at isinusugo sila, ngunit hindi kayo nakinig, ni ikiniling man ninyo ang inyong pandinig upang makinig, 5 na sinasabi nila, Manumbalik kayo, pakisuyo, bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad at mula sa kasamaan ng inyong mga pakikitungo, at patuloy kayong manahanan sa lupa na ibinigay ni Jehova sa inyo at sa inyong mga ninuno mula noong sinaunang panahon at hanggang sa mahabang panahong darating. 6 At huwag kayong sumunod sa ibang mga diyos upang maglingkod sa kanila at yumukod sa kanila, upang hindi ninyo ako mapagalit sa gawa ng inyong mga kamay, at upang hindi ako magpangyari ng kapahamakan sa inyo. Ngunit hindi kayo nakinig sa akin, ang sabi ni Jehova, sa layon na mapagalit ninyo ako sa gawa ng inyong mga kamay, sa ikapapahamak ninyo. Kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, Sa dahilang hindi ninyo sinunod ang aking mga salita, 9 narito, magsusugo ako at kukunin ko ang lahat ng pamilya sa hilaga, ang sabi ni Jehova, na nagsusugo pa man din kay Nabucodorosor na hari ng Babilonya, na aking lingkod, at dadalhin ko sila laban sa lupaing ito at laban sa mga tumatahan dito at laban sa lahat ng mga bansang ito sa palibot; at itatalaga ko sila sa pagkapuksa at gagawin ko silang bagay na panggigilalasan at bagay na sisipulan at mga dakong wasak hanggang
8 7 3

sa panahong walang takda. 10 At papawiin ko mula sa kanila ang ingay ng pagbubunyi at ang ingay ng pagsasaya, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae, ang ingay ng gilingang pangkamay at ang liwanag ng lampara. 11 At ang buong lupaing ito ay magiging isang wasak na dako, isang bagay na panggigilalasan, at ang mga bansang ito ay kailangang maglingkod sa hari ng Babilonya nang pitumpung taon. At mangyayari nga na kapag naganap na ang pitumpung taon ay hihingi ako ng sulit laban sa hari ng Babilonya at laban sa bansang iyon, ang sabi ni Jehova, dahil sa kanilang kamalian, laban nga sa lupain ng mga Caldeo, at iyon ay gagawin kong mga tiwangwang na kaguhuan hanggang sa panahong walang takda. 13 At pasasapitin ko sa lupaing iyon ang lahat ng aking mga salita na sinalita ko laban doon, ang lahat nga ng nakasulat sa aklat na ito na inihula ni Jeremias laban sa lahat ng mga bansa. 14 Sapagkat maging sila man, ang maraming bansa at mga dakilang hari, ay gumamit sa kanila bilang mga lingkod; at gagantihan ko sila ayon sa kanilang gawain at ayon sa gawa ng kanilang mga kamay. Sapagkat ito ang sinabi sa akin ni Jehova na Diyos ng Israel: Kunin mo ang kopang ito ng alak ng pagngangalit mula sa aking kamay, at ipainom mo ito sa lahat ng mga bansa na pagsusuguan ko sa iyo. 16 At sila ay iinom at magpapasuray-suray at kikilos na gaya ng mga taong baliw dahil sa tabak na isusugo ko sa kanila. At kinuha ko ang kopa mula sa kamay ni Jehova at pinainom ko ang lahat ng mga bansa na pinagsuguan sa akin ni Jehova: 18 samakatuwid nga, ang Jerusalem at ang mga lunsod ng Juda at ang kaniyang mga hari, ang kaniyang mga prinsipe, upang gawin silang isang wasak na dako, isang bagay na panggigilalasan, isang bagay na sisipulan at isang sumpa, gaya ng sa araw na ito; 19 si Paraon na hari ng Ehipto at ang kaniyang mga lingkod at ang kaniyang mga prinsipe at ang
17 15 12

- 35 -

kaniyang buong bayan; 20 at ang buong haluang pangkat, at ang lahat ng hari sa lupain ng Uz, at ang lahat ng hari sa lupain ng mga Filisteo at ang Askelon at ang Gaza at ang Ekron at ang nalabi ng Asdod; 21 ang Edom at ang Moab at ang mga anak ni Ammon; 22 at ang lahat ng hari ng Tiro at ang lahat ng hari ng Sidon at ang mga hari sa pulo na nasa pook ng dagat; 23 at ang Dedan at ang Tema at ang Buz at silang lahat na ginupitan ng buhok sa dakong pilipisan; 24 at ang lahat ng hari ng mga Arabe at ang lahat ng hari sa haluang pangkat na tumatahan sa ilang; 25 at ang lahat ng hari ng Zimri at ang lahat ng hari ng Elam at ang lahat ng hari ng mga Medo; 26 at ang lahat ng hari ng hilaga na nasa malapit at malayo, sunud-sunod, at ang lahat ng iba pang kaharian sa lupa na nasa ibabaw ng lupa; at ang hari ng Sesac ay iinom pagkatapos nila. At sabihin mo sa kanila, Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Uminom kayo at magpakalasing at dumuwal at mabuwal anupat hindi kayo makabangon dahil sa tabak na isusugo ko sa inyo. 28 At mangyayari nga na kung tatanggi silang kunin ang kopa mula sa iyong kamay upang uminom, sabihin mo rin sa kanila, Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: Iinom kayo nang walang pagsala. 29 Sapagkat, narito! pasisimulan ko sa lunsod na tinatawag sa aking pangalan ang pagpapasapit ng kapahamakan, at kayo kaya ay makaliligtas sa kaparusahan? Hindi kayo makaliligtas sa kaparusahan, sapagkat isang tabak ang tatawagin ko laban sa lahat ng tumatahan sa lupa, ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
30 27

ubas ang ihihiyaw niya laban sa lahat ng tumatahan sa lupa. Isang ingay ang tiyak na makararating hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa, sapagkat may usapin si Jehova sa mga bansa. Siya mismo ay papasok sa paghatol sa lahat ng laman. Kung tungkol sa mga balakyot, ibibigay niya sila sa tabak, ang sabi ni Jehova. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, Narito! Isang kapahamakan ang humahayo sa bansa at bansa, at isang malakas na unos ang pupukawin mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa. 33 At ang mga mapapatay ni Jehova sa araw na iyon ay tiyak na mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa. Hindi sila hahagulhulan, ni pipisanin man sila o ililibing. Magiging gaya sila ng dumi sa ibabaw ng lupa. Magpalahaw kayo, kayong mga pastol, at humiyaw kayo! At gumumon kayo, kayong mariringal sa kawan, sapagkat ang inyong mga araw para sa pagpatay at sa inyong pangangalat ay naganap na, at kayo ay babagsak na parang kanais-nais na sisidlan! 35 At ang dakong matatakbuhan ay naglaho mula sa mga pastol, at ang paraan ng pagtakas mula sa mariringal sa kawan. 36 Makinig kayo! Ang hiyaw ng mga pastol, at ang pagpapalahaw ng mariringal sa kawan, sapagkat sinasamsaman ni Jehova ang kanilang pastulan. 37 At ang mapayapang mga tinatahanang dako ay naging walang-buhay dahil sa nag-aapoy na galit ni Jehova. 38 Iniwan niya ang kaniyang kublihan na gaya ng maykilng na batang leon, sapagkat ang kanilang lupain ay naging bagay na panggigilalasan dahil sa mapagmalupit na tabak at dahil sa kaniyang nag-aapoy na galit. 26 Nang pasimula ng maharlikang pamamahala ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, ang salitang ito ay dumating mula kay Jehova, na nagsasabi: 2 Ito ang sinabi ni Jehova, Tumayo ka sa looban ng bahay ni Jehova, at salitain mo may kinalaman sa lahat ng mga lunsod ng Juda na
34 32 31

At ikaw naman, ihuhula mo sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, at sabihin mo sa kanila, Mula sa kaitaasan ay uungal si Jehova, at mula sa kaniyang banal na tahanan ay ilalakas niya ang kaniyang tinig. Walang pagsalang uungal siya sa kaniyang tinatahanang dako. Isang sigaw na gaya niyaong sa mga yumayapak sa pisaan ng

- 36 -

pumapasok upang yumukod sa bahay ni Jehova ang lahat ng mga salita na iuutos ko sa iyo na salitain sa kanila. Huwag mong babawasan ng isa mang salita. 3 Marahil ay makikinig sila at manunumbalik, bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad, at ikalulungkot ko ang kapahamakan na iniisip kong ilapat sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga pakikitungo. 4 At sabihin mo sa kanila: Ito ang sinabi ni Jehova, Kung hindi kayo makikinig sa akin sa pamamagitan ng paglakad sa aking kautusan na inilagay ko sa harap ninyo, 5 sa pamamagitan ng pakikinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta, na isinusugo ko sa inyo, na bumabangon pa nga nang maaga at isinusugo sila, na hindi ninyo pinakinggan, 6 ang bahay na ito ay gagawin ko namang gaya niyaong sa Shilo, at ang lunsod na ito ay gagawin kong isang sumpa sa lahat ng mga bansa sa lupa. At narinig ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan si Jeremias habang sinasalita ang mga salitang ito sa bahay ni Jehova. 8 Kaya nangyari nga nang matapos ni Jeremias na salitain ang lahat ng iniutos sa kaniya ni Jehova na salitain sa buong bayan, sinunggaban siya ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan, na sinasabi: Ikaw ay tiyak na mamamatay. 9 Bakit ka nanghuhula sa pangalan ni Jehova, na sinasabi, Magiging gaya niyaong sa Shilo ang bahay na ito, at ang mismong lunsod na ito ay mawawasak anupat mawawalan ng tumatahan? At ang buong bayan ay patuloy na nagtipun-tipon sa palibot ni Jeremias sa bahay ni Jehova. Sa kalaunan ay narinig ng mga prinsipe ng Juda ang mga salitang ito, at sila ay umahon sa bahay ni Jehova mula sa bahay ng hari at umupo sa pasukan ng bagong pintuang-daan ni Jehova. 11 At ang mga saserdote at ang mga propeta ay nagsimulang magsabi sa mga prinsipe at sa buong bayan: Nararapat sa lalaking ito ang hatol na kamatayan, sapagkat inihula niya may kinalaman sa lunsod na ito ang gaya
- 37 10 7

nga ng narinig ninyo ng inyong sariling pandinig. Sa gayon ay sinabi ni Jeremias sa lahat ng mga prinsipe at sa buong bayan: Si Jehova ang nagsugo sa akin upang ihula may kinalaman sa bahay na ito at may kinalaman sa lunsod na ito ang lahat ng mga salita na narinig ninyo. 13 At ngayon ay pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga pakikitungo, at sundin ninyo ang tinig ni Jehova na inyong Diyos, at ikalulungkot ni Jehova ang kapahamakan na sinalita niya laban sa inyo. 14 At kung tungkol sa akin, narito, ako ay nasa inyong kamay. Gawin ninyo sa akin ang waring mabuti at waring tama sa inyong paningin. 15 Gayunmay alamin nga ninyo, na kung ako ay inyong papatayin, dugong walang-sala ang ipinapataw ninyo sa inyong sarili at sa lunsod na ito at sa mga tumatahan sa kaniya, sapagkat katotohanang isinugo ako ni Jehova sa inyo upang salitain sa inyong pandinig ang lahat ng mga salitang ito. Nang magkagayon ay sinabi ng mga prinsipe at ng buong bayan sa mga saserdote at sa mga propeta: Hindi nararapat sa lalaking ito ang hatol na kamatayan, sapagkat nagsalita siya sa atin sa pangalan ni Jehova na ating Diyos. Bukod diyan, ang ilan sa matatandang lalaki sa lupain ay tumindig at nagsimulang magsabi sa buong kongregasyon ng bayan: 18 Si Mikas ng Moreset ay nanghuhula noong mga araw ni Hezekias na hari ng Juda at nagsabi sa buong bayan ng Juda, Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: Ang Sion ay aararuhing gaya lamang ng isang bukid, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton lamang ng mga guho, at ang bundok ng Bahay ay magiging matataas na dako ng kagubatan. 19 Pinatay nga ba siya ni Hezekias na hari ng Juda at ng lahat niyaong sa Juda? Hindi ba niya kinatakutan si Jehova at pinalambot ang mukha ni Jehova, anupat ikinalungkot ni Jehova ang kapahamakan na sinalita niya laban sa kanila? Kaya gumagawa tayo ng
17 16 12

malaking kapahamakan laban sa ating mga kaluluwa. At mayroon ding isang lalaki na nanghuhula sa pangalan ni Jehova, si Urias na anak ni Semaias mula sa Kiriat-jearim. At patuloy siyang nanghuhula laban sa lunsod na ito at laban sa lupaing ito kaayon ng lahat ng mga salita ni Jeremias. 21 At narinig ni Haring Jehoiakim at ng lahat ng kaniyang makapangyarihang lalaki at ng lahat ng mga prinsipe ang kaniyang mga salita, at pinagsikapan ng hari na patayin siya. Nang marinig ito ni Urias ay kaagad siyang natakot at tumakas at pumasok sa Ehipto. 22 Ngunit nagsugo si Haring Jehoiakim ng mga lalaki sa Ehipto, si Elnatan na anak ni Acbor at ang iba pang mga lalaking kasama niya patungo sa Ehipto. 23 At inilabas nila si Urias mula sa Ehipto at dinala siya kay Haring Jehoiakim, na pumatay naman sa kaniya sa pamamagitan ng tabak at naghagis ng kaniyang bangkay sa dakong libingan ng mga anak ng bayan. Bukod diyan, ang kamay nga ni Ahikam na anak ni Sapan ang sumasa kay Jeremias, upang huwag siyang maibigay sa kamay ng bayan at maipapatay. 27 Nang pasimula ng kaharian ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, ang salitang ito ay dumating kay Jeremias mula kay Jehova, na nagsasabi: 2 Ito ang sinabi ni Jehova sa akin, Gumawa ka sa ganang iyo ng mga panali at mga pamatok, at ilagay mo sa iyong leeg ang mga iyon. 3 At ipadala mo ang mga iyon sa hari ng Edom at sa hari ng Moab at sa hari ng mga anak ni Ammon at sa hari ng Tiro at sa hari ng Sidon sa pamamagitan ng kamay ng mga mensahero na pumaparoon sa Jerusalem kay Zedekias na hari ng Juda. 4 At magbigay ka sa kanila ng utos para sa kanilang mga panginoon, na sinasabi: Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel; ito ang dapat ninyong sabihin sa inyong mga panginoon, 5 Ako ang gumawa ng lupa, ng
- 38 24 20

sangkatauhan at ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng aking unat na bisig; at ibinigay ko iyon sa sinumang marapat sa aking paningin. 6 At ngayon ay ibinigay ko ang lahat ng mga lupaing ito sa kamay ni Nabucodonosor na hari ng Babilonya, na aking lingkod; at maging ang mababangis na hayop sa parang ay ibinigay ko sa kaniya upang maglingkod sa kaniya. 7 At ang lahat ng mga bansa ay maglilingkod sa kaniya at sa kaniyang anak at sa kaniyang apo hanggang sa dumating ang panahon ng kaniyang sariling lupain, at gagamitin siya ng maraming bansa at ng mga dakilang hari bilang lingkod. At mangyayari nga na ang bansa at ang kaharian na hindi maglilingkod sa kaniya, kay Nabucodonosor nga na hari ng Babilonya; at yaong hindi maglalagay ng leeg nito sa ilalim ng pamatok ng hari ng Babilonya, sa pamamagitan ng tabak at ng taggutom at ng salot ay ibabaling ko ang aking pansin sa bansang iyon, ang sabi ni Jehova, hanggang sa malipol ko sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay. At kung tungkol sa inyo, huwag kayong makinig sa inyong mga propeta at sa inyong mga manghuhula at sa inyong mga mnanaginp at sa inyong mga mahiko at sa inyong mga manggagaway, na nagsasabi sa inyo: Hindi kayo maglilingkod sa hari ng Babilonya. 10 Sapagkat kabulaanan ang inihuhula nila sa inyo, sa layuning mailayo kayo mula sa inyong lupain; at pananabugin ko nga kayo, at kayo ay malilipol. At kung tungkol sa bansa na maglalagay ng leeg nito sa ilalim ng pamatok ng hari ng Babilonya at maglilingkod nga sa kaniya, pananatilihin ko rin sila sa kanilang lupain, ang sabi ni Jehova, at tiyak na sasakahin nila iyon at tatahanan iyon. Maging kay Zedekias na hari ng Juda ay nagsalita ako ayon sa lahat ng mga salitang ito, na sinasabi: Ilagay ninyo ang inyong mga leeg sa ilalim ng pamatok ng hari ng Babilonya
12 11 9 8

at maglingkod kayo sa kaniya at sa kaniyang bayan at patuloy na mabuhay. 13 Bakit nga ikaw at ang iyong bayan ay mamamatay sa tabak, sa taggutom at sa salot ayon sa sinalita ni Jehova sa bansa na hindi maglilingkod sa hari ng Babilonya? 14 At huwag kayong makinig sa mga salita ng mga propeta na nagsasabi sa inyo, Hindi kayo maglilingkod sa hari ng Babilonya, sapagkat kabulaanan ang inihuhula nila sa inyo. Sapagkat hindi ko sila isinugo, ang sabi ni Jehova, kundi nanghuhula sila sa aking pangalan nang may kabulaanan, upang maipanabog ko kayo, at kayo ay malilipol, kayo at ang mga propeta na nanghuhula sa inyo. At sa mga saserdote at sa buong bayang ito ay nagsalita ako, na sinasabi: Ito ang sinabi ni Jehova, Huwag kayong makinig sa mga salita ng inyong mga propeta na nanghuhula sa inyo, na sinasabi: Narito! Ang mga kagamitan sa bahay ni Jehova ay malapit na ngayong ibalik mula sa Babilonya! Sapagkat kabulaanan ang inihuhula nila sa inyo. 17 Huwag kayong makinig sa kanila. Maglingkod kayo sa hari ng Babilonya at patuloy na mabuhay. Bakit nga magiging wasak na dako ang lunsod na ito? 18 Ngunit kung sila ay mga propeta at kung ang salita ni Jehova ay nasa kanila, pakisuyo, mamanhik sila kay Jehova ng mga hukbo, na ang mga kagamitan na natitira sa bahay ni Jehova at sa bahay ng hari ng Juda at sa Jerusalem ay huwag mapunta sa Babilonya. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo may kinalaman sa mga haligi at may kinalaman sa dagat at may kinalaman sa mga karwahe at may kinalaman sa nalalabi sa mga kagamitan na natitira sa lunsod na ito, 20 na hindi kinuha ni Nabucodonosor na hari ng Babilonya nang dalhin niya si Jeconias na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda, sa pagkatapon sa Babilonya mula sa Jerusalem, kasama ang lahat ng mga taong mahal ng Juda at ng Jerusalem;
19 16 15

21

sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, may kinalaman sa mga kagamitan na natitira sa bahay ni Jehova at sa bahay ng hari ng Juda at Jerusalem, 22 Sa Babilonya dadalhin ang mga iyon at doon mananatili ang mga iyon hanggang sa araw ng pagbabaling ko ng aking pansin sa kanila, ang sabi ni Jehova. At iaahon ko ang mga iyon at isasauli sa dakong ito. 28 At nangyari nang tang iyon, nang pasimula ng kaharian ni Zedekias na hari ng Juda, nang ikaapat na taon, nang ikalimang buwan, si Hananias na anak ni Azur, na propetang mula sa Gibeon, ay nagsabi sa akin sa bahay ni Jehova sa paningin ng mga saserdote at ng buong bayan: 2 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Babaliin ko ang pamatok ng hari ng Babilonya. 3 Sa loob ng dalawa pang buong taon ay ibabalik ko sa dakong ito ang lahat ng mga kagamitan ng bahay ni Jehova na kinuha ni Nabucodonosor na hari ng Babilonya mula sa dakong ito upang madala niya sa Babilonya. 4 At si Jeconias na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda, at ang lahat ng mga tapon ng Juda na pumaroon sa Babilonya ay ibabalik ko sa dakong ito, ang sabi ni Jehova, sapagkat babaliin ko ang pamatok ng hari ng Babilonya. At sinabi ni Jeremias na propeta kay Hananias na propeta sa paningin ng mga saserdote at sa paningin ng buong bayan na nakatayo sa bahay ni Jehova; 6 oo, sinabi ni Jeremias na propeta: Amen! Gayon nawa ang gawin ni Jehova! Pagtibayin nawa ni Jehova ang iyong mga salita na inihula mo sa pamamagitan ng pagbabalik sa mga kagamitan ng bahay ni Jehova at sa buong bayang itinapon, mula sa Babilonya tungo sa dakong ito! 7 Gayunman, pakisuyong dinggin mo ang salitang ito na sinasalita ko sa iyong pandinig at sa pandinig ng buong bayan. 8 Kung tungkol sa mga propeta na nauna sa akin at nauna sa iyo mula noong sinaunang panahon, nanghuhula rin sila noon may kinalaman sa maraming lupain at may kinalaman sa mga dakilang kaharian, ng
- 39 5

digmaan at ng kapahamakan at ng salot. 9 Kung tungkol sa propeta na nanghuhula ng kapayapaan, kapag nagkatotoo ang salita ng propeta ay mahahayag ang propeta na totoong isinugo ni Jehova. Sa gayon ay kinuha ni Hananias na propeta ang pamatok mula sa leeg ni Jeremias na propeta at binali ito. 11 At sinabi pa ni Hananias sa paningin ng buong bayan: Ito ang sinabi ni Jehova, Ganito ko rin babaliin ang pamatok ni Nabucodonosor na hari ng Babilonya sa loob ng dalawa pang buong taon mula sa leeg ng lahat ng mga bansa. At si Jeremias na propeta ay yumaon sa kaniyang lakad. Sa gayon ay dumating kay Jeremias ang salita ni Jehova, matapos na baliin ni Hananias na propeta ang pamatok mula sa leeg ni Jeremias na propeta, na nagsasabi: 13 Yumaon ka, at sabihin mo kay Hananias, Ito ang sinabi ni Jehova: Mga pamatok na kahoy ang binali mo, at kahalili ng mga iyon ay gagawa ka ng mga pamatok na bakal. 14 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Isang pamatok na bakal ang ilalagay ko sa leeg ng lahat ng mga bansang ito, upang maglingkod kay Nabucodonosor na hari ng Babilonya; at maglilingkod sila sa kaniya. At maging ang mababangis na hayop sa parang ay ibibigay ko sa kaniya. At sinabi ni Jeremias na propeta kay Hananias na propeta: Makinig ka, pakisuyo, O Hananias! Hindi ka isinugo ni Jehova, kundi ikaw mismo ang nag-udyok sa bayang ito na magtiwala sa kabulaanan. 16 Kaya ito ang sinabi ni Jehova, Narito! Paaalisin kita mula sa ibabaw ng lupa. Sa tang ito ay mamamatay ka, sapagkat nagsalita ka ng tahasang paghihimagsik laban kay Jehova. Sa gayon ay namatay si Hananias na propeta nang tang iyon, nang ikapitong buwan. 29 At ito ang mga salita ng liham na ipinadala ni Jeremias na propeta mula sa
17 15 12 10

Jerusalem sa nalalabi sa matatandang lalaki ng itinapong bayan at sa mga saserdote at sa mga propeta at sa buong bayan, na dinala ni Nabucodonosor sa pagkatapon sa Babilonya mula sa Jerusalem, 2 pagkatapos na si Jeconias na hari at ang ginang at ang mga opisyal ng korte, ang mga prinsipe ng Juda at Jerusalem, at ang mga bihasang manggagawa at ang mga tagapagtayo ng mga balwarte ay makaalis sa Jerusalem. 3 Ito ay sa pamamagitan ng kamay ni Elasa na anak ni Sapan at ni Gemarias na anak ni Hilkias, na isinugo ni Zedekias na hari ng Juda sa Babilonya kay Nabucodonosor na hari ng Babilonya, na nagsasabi: Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, sa buong bayang itinapon, na pinayaon ko sa pagkatapon sa Babilonya mula sa Jerusalem, 5 Magtayo kayo ng mga bahay at tahanan ninyo, at magtanim kayo ng mga hardin at kainin ninyo ang bunga ng mga iyon. 6 Kumuha kayo ng mga asawa at magkaanak kayo ng mga anak na lalaki at mga anak na babae; at kumuha kayo ng mga asawa para sa inyong mga anak na lalaki at ibigay ninyo ang inyong mga anak na babae sa mga asawang lalaki, upang magsilang sila ng mga anak na lalaki at mga anak na babae; at dumami kayo roon, at huwag kayong kumaunti. 7 Gayundin, hanapin ninyo ang kapayapaan ng lunsod na doon ay pinayaon ko kayo sa pagkatapon, at ipanalangin ninyo iyon kay Jehova, sapagkat sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon ng kapayapaan para sa inyo. 8 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Huwag kayong magpalinlang sa inyong mga propeta na nasa gitna ninyo at sa inyong mga manghuhula, at huwag kayong makinig sa kanilang mga panaginip na napapanaginipan nila. 9 Sapagkat may kabulaanan silang nanghuhula sa inyo sa aking pangalan. Hindi ko sila isinugo, ang sabi ni Jehova. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, Ayon sa pagtatapos ng pitumpung taon sa Babilonya ay ibabaling ko sa inyo ang aking pansin, at
10 4

- 40 -

pagtitibayin ko sa inyo ang aking mabuting salita sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito. Sapagkat nalalaman kong lubos ang mga kaisipan na iniisip ko tungkol sa inyo, ang sabi ni Jehova, mga kaisipang ukol sa kapayapaan, at hindi ukol sa kapahamakan, upang bigyan kayo ng kinabukasan at pagasa. 12 At kayo ay tiyak na tatawag sa akin at paririto at mananalangin sa akin, at pakikinggan ko kayo. At hahanapin nga ninyo ako at masusumpungan ako, sapagkat sasaliksikin ninyo ako nang inyong buong puso. 14 At hahayaan kong ako ay masumpungan ninyo, ang sabi ni Jehova. At pipisanin ko ang inyong kalipunan ng mga bihag at titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga bansa at mula sa lahat ng mga dako kung saan ko kayo ipinanabog, ang sabi ni Jehova. At ibabalik ko kayo sa dako na mula roon ay pinayaon ko kayo sa pagkatapon. Ngunit sinabi ninyo, Si Jehova ay nagbangon para sa atin ng mga propeta sa Babilonya. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova sa hari na nakaupo sa trono ni David at sa buong bayan na nananahanan sa lunsod na ito, sa inyong mga kapatid na hindi yumaong kasama ninyo sa pagkatapon, 17 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: Narito, isusugo ko laban sa kanila ang tabak, ang taggutom at ang salot, at gagawin ko silang tulad ng pumutok na mga igos na hindi makakain dahil sa kasamaan. At tutugisin ko sila ng tabak, ng taggutom at ng salot, at ibibigay ko sila ukol sa pangangatal sa lahat ng mga kaharian sa lupa, bilang sumpa at bilang bagay na panggigilalasan at bilang bagay na sisipulan at bilang kadustaan sa gitna ng lahat ng mga bansa kung saan ko nga sila ipananabog, 19 sa dahilang hindi sila nakinig sa aking mga salita, ang sabi ni Jehova, na ipinarating ko sa kanila sa pamamagitan ng aking mga
18 16 15 13 11

lingkod na mga propeta, na bumabangon nang maaga at isinusugo sila. Ngunit hindi kayo nakinig, ang sabi ni Jehova. At kayo naman, dinggin ninyo ang salita ni Jehova, ninyong buong bayang itinapon, na pinayaon ko sa Babilonya mula sa Jerusalem. 21 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, may kinalaman kay Ahab na anak ni Kolaias at kay Zedekias na anak ni Maaseias, na mga nanghuhula sa inyo ng kabulaanan sa aking pangalan, Narito, ibibigay ko sila sa kamay ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya, at pababagsakin niya sila sa inyong paningin. 22 At mula sa kanila ay tiyak na kukunin ang isang sumpa sa bahagi ng buong kalipunan ng mga tapon ng Juda na nasa Babilonya, na nagsasabi: Pangyarihin nawa ni Jehova na ikaw ay maging tulad ni Zedekias at tulad ni Ahab, na inihaw ng hari ng Babilonya sa apoy! 23 sa dahilang nagsagawa sila ng kahangalan sa Israel, at patuloy silang nangangalunya sa mga asawa ng kanilang mga kasamahan at patuloy nilang sinasalita nang may kabulaanan sa aking pangalan ang salita na hindi ko iniutos sa kanila. At ako ang Isa na nakaaalam at isang saksi, ang sabi ni Jehova. At kay Semaias ng Nehelam ay sasabihin mo, 25 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Sa dahilang ikaw ay nagpadala ng mga liham sa iyong pangalan sa buong bayan na nasa Jerusalem, at kay Zefanias na anak ni Maaseias, na saserdote, at sa lahat ng mga saserdote, na sinasabi, 26 Ginawa kang saserdote ni Jehova bilang kahalili ni Jehoiada na saserdote, upang maging dakilang tagapangasiwa ng bahay ni Jehova sa sinumang lalaki na nababaliw at gumagawing tulad ng isang propeta, at ilalagay mo siya sa mga pangawan at sa pikota; 27 ngayon nga, bakit hindi mo sinaway si Jeremias ng Anatot, na gumagawing gaya ng isang propeta sa inyo? 28 Sapagkat iyan ang dahilan kung bakit siya nagsugo sa amin sa Babilonya, na sinasabi: Iyon ay magtatagal
- 41 24 20

pa! Magtayo kayo ng mga bahay at tahanan ninyo, at magtanim kayo ng mga hardin at kainin ninyo ang bunga ng mga iyon, At binasa ni Zefanias na saserdote ang liham na ito sa pandinig ni Jeremias na propeta. Sa gayon ay dumating kay Jeremias ang salita ni Jehova, na nagsasabi: 31 Magsugo ka sa buong bayang itinapon, na sinasabi, Ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman kay Semaias ng Nehelam: Sa dahilang si Semaias ay nanghula sa inyo, gayunmay hindi ko siya isinugo, at tinangka niyang pagtiwalain kayo sa kabulaanan, 32 kaya ito ang sinabi ni Jehova, Narito, ibabaling ko ang aking pansin kay Semaias ng Nehelam at sa kaniyang supling. Hindi siya magkakaroon ng isa mang lalaki na mananahanan sa gitna ng bayang ito; at hindi niya makikita ang mabuti na gagawin ko para sa aking bayan, ang sabi ni Jehova, sapagkat nagsalita siya ng tahasang paghihimagsik laban kay Jehova. 30 Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova, na nagsasabi: 2 Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, Isulat mo sa ganang iyo sa isang aklat ang lahat ng mga salita na sasalitain ko sa iyo. 3 Sapagkat, narito! dumarating ang mga araw, ang sabi ni Jehova, at titipunin ko ang mga nabihag sa aking bayan, sa Israel at Juda, ang sabi ni Jehova, at ibabalik ko sila sa lupain na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno, at tiyak na muli nilang aariin iyon. At ito ang mga salita na sinalita ni Jehova sa Israel at sa Juda. 5 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: Ang ingay ng panginginig ay narinig namin, ang panghihilakbot, at walang kapayapaan. 6 Magtanong kayo, pakisuyo, at tingnan kung ang lalaki ay nagsisilang. Bakit ko nakita ang bawat matipunong lalaki na ang kaniyang mga kamay ay nasa kaniyang mga balakang na tila babaing nanganganak, at ang lahat ng mga mukha ay naging maputla? 7 Ay!
4 30 29

Sapagkat ang araw na iyon ay dakila, anupat walang ibang tulad niyaon, at iyon ang panahon ng kabagabagan para sa Jacob. Ngunit maliligtas nga siya mula roon. At mangyayari sa araw na iyon, ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, na babaliin ko ang pamatok ng isa mula sa iyong leeg, at ang iyong mga panali ay papatirin ko, at hindi na siya gagamitin ng mga taga-ibang bayan bilang lingkod. 9 At tiyak na maglilingkod sila kay Jehova na kanilang Diyos at kay David na kanilang hari, na ibabangon ko para sa kanila. At ikaw naman, huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod, ang sabi ni Jehova, at huwag kang mangilabot, O Israel. Sapagkat narito, ililigtas kita mula sa malayo at ang iyong supling mula sa lupain ng kanilang pagkabihag. At ang Jacob ay tiyak na babalik at mapapanatag at magiging tiwasay, at walang sinumang magpapanginig. Sapagkat ako ay sumasaiyo, ang sabi ni Jehova, upang iligtas ka; ngunit magsasagawa ako ng paglipol sa gitna ng lahat ng mga bansa na pinangalatan ko sa iyo. Gayunman, sa iyo ay hindi ako magsasagawa ng paglipol. At kailangang ituwid kita sa wastong antas, sapagkat talagang hindi kita hahayaang di-naparurusahan. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: Walang lunas ang iyong pagkasira. Ang iyong sugat ay malala. 13 Walang sinumang nagtatanggol ng iyong usapin, para sa iyong sugat. Walang pagpapagaling, walang pagsasaayos, para sa iyo. 14 Silang lahat na masidhing umiibig sa iyo ang siyang lumimot sa iyo. Hindi ikaw ang hinahanap nila. Sapagkat sinaktan kita ng hampas ng kaaway, ng pagpaparusa ng isa na malupit, dahil sa dami ng iyong kamalian; ang iyong mga kasalanan ay dumami. 15 Bakit ka humihiyaw dahil sa iyong pagkasira? Ang iyong kirot ay dimalunasan dahil sa dami ng iyong kamalian; ang iyong mga kasalanan ay dumami. Ginawa ko sa iyo ang mga bagay na ito. 16 Kaya silang lahat na lumalamon sa iyo ay lalamunin din naman; at kung tungkol sa lahat ng iyong mga
- 42 12 11 10 8

kalaban, paroroon silang lahat sa pagkabihag. At ang mga nananamsam sa iyo ay mauukol nga sa pananamsam, at silang lahat na nandarambong sa iyo ay ibibigay ko sa pandarambong. Sapagkat magpapasapit ako ng paggaling para sa iyo, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, ang sabi ni Jehova. Sapagkat babaing itinaboy ang itinawag nila sa iyo: Iyan ang Sion, na hindi hinahanap ninuman. Ito ang sinabi ni Jehova: Narito, titipunin ko ang mga nabihag mula sa mga tolda ng Jacob, at ang kaniyang mga tabernakulo ay kahahabagan ko. At ang lunsod ay muli ngang itatayo sa ibabaw ng kaniyang bunton; at sa ibabaw ng marapat na kalalagyan nito ay malalagay ang tirahang tore. 19 At mula sa kanila ay manggagaling ang pasasalamat, at ang ingay ng mga tumatawa. At pararamihin ko sila, at hindi sila mangangaunti; at pakakapalin ko ang kanilang bilang, at hindi sila magiging walang-halaga. 20 At ang kaniyang mga anak ay magiging gaya noong mga panahong nagdaan, at sa harap ko ay matibay na matatatag ang kaniyang kapulungan. At ibabaling ko ang aking pansin sa lahat ng kaniyang mga maniniil. 21 At ang kaniyang isa na maringal ay tiyak na manggagaling sa kaniya, at mula sa gitna niya ay lalabas ang kaniyang tagapamahala; at palalapitin ko siya, at lalapit siya sa akin. Sapagkat sino nga ang isang ito na nagbigay ng kaniyang puso bilang panagot upang lumapit sa akin? ang sabi ni Jehova. 22 At kayo ay tiyak na magiging aking bayan, at ako ang magiging inyong Diyos. Narito! Ang isang buhawi ni Jehova, ang pagngangalit mismo, ay lumabas, isang unos na bumubugso. Sa ibabaw ng ulo ng mga balakyot ay iinog iyon. 24 Ang nag-aapoy na galit ni Jehova ay hindi mapapawi hanggang sa mailapat na niya at hanggang sa maisagawa na niya ang mga kaisipan ng
23 18 17

kaniyang puso. Sa huling bahagi ng mga araw ay pag-iisipan ninyo iyon. 31 Sa panahong iyon, ang sabi ni Jehova, ako ang magiging Diyos ng lahat ng mga pamilya ng Israel; at kung tungkol sa kanila, sila ang magiging aking bayan. Ito ang sinabi ni Jehova: Ang bayan na binubuo ng mga nakaligtas sa tabak ay nakasumpong ng lingap sa ilang, noong ang Israel ay lumalakad patungo sa kaniyang kapahingahan. 3 Mula sa malayo ay nagpakita sa akin si Jehova, na nagsasabi: At ikaw ay inibig ko ng pag-ibig na hanggang sa panahong walang takda. Kaya naman inilapit kita taglay ang maibiging-kabaitan. 4 Itatayo pa kitang muli at muli ka ngang matatayo, O dalaga ng Israel. Gagayakan mo pa ng iyong mga tamburin ang iyong sarili at hahayo ka nga sa sayaw niyaong mga tumatawa. 5 Magtatanim ka pa ng mga ubasan sa mga bundok ng Samaria. Ang mga tagapagtanim ay tiyak na magtatanim at magpapasimulang gamitin ang mga iyon. 6 Sapagkat may isang araw na ang mga tanod sa bulubunduking pook ng Efraim ay sisigaw, Bumangon kayo, at umahon tayo sa Sion, kay Jehova na ating Diyos. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: Humiyaw kayo nang malakas sa Jacob nang may pagsasaya, at sumigaw kayo nang malakas sa unahan ng mga bansa. Ipahayag ninyo iyon. Magbigay kayo ng papuri at sabihin ninyo, Iligtas mo, O Jehova, ang iyong bayan, ang nalabi ng Israel. 8 Narito, dadalhin ko sila mula sa lupain ng hilaga, at titipunin ko sila mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa. Kasama nila ang bulag at ang pilay, ang babaing nagdadalang-tao at ang nagsisilang, magkakasamang lahat. Babalik sila rito bilang isang malaking kongregasyon. 9 Paririto silang may pagtangis, at dahil sa kanilang mga pagsusumamo ay dadalhin ko sila. Palalakarin ko sila patungo sa mga agusang libis ng tubig, sa tamang daan na doon ay hindi sila matitisod. Sapagkat ako ay naging Ama ng
7 2

- 43 -

Israel; at kung tungkol sa Efraim, siya ang aking panganay. Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, O kayong mga bansa, at ipahayag ninyo iyon sa mga pulo sa malayo, at sabihin ninyo: Ang Isa na nagpapangalat sa Israel ang siyang magtitipon sa kaniya, at tiyak na iingatan niya siya gaya ng pastol sa kaniyang kawan. 11 Sapagkat tutubusin nga ni Jehova ang Jacob at babawiin siya mula sa kamay niyaong mas malakas kaysa sa kaniya. 12 At sila ay tiyak na paririto at hihiyaw nang may kagalakan sa kaitaasan ng Sion at magniningning dahil sa kabutihan ni Jehova, dahil sa butil at dahil sa bagong alak at dahil sa langis at dahil sa mga anak ng kawan at ng mga baka. At ang kanilang kaluluwa ay magiging gaya ng isang hardin na nadidiligang mainam, at hindi na sila muling manghihina. Sa panahong iyon ay magsasaya sa sayaw ang dalaga, gayundin ang mga kabataang lalaki at ang matatandang lalaki, magkakasamang lahat. At ang kanilang pagdadalamhati ay gagawin kong pagbubunyi, at aaliwin ko sila at pagsasayahin sila mula sa kanilang pamimighati. 14 At bibigyang-kasiyahan ko sa katabaan ang kaluluwa ng mga saserdote, at mabubusog sa aking kabutihan ang aking sariling bayan, ang sabi ni Jehova. Ito ang sinabi ni Jehova, Sa Rama ay naririnig ang isang tinig, pagtaghoy at mapait na pagtangis; si Raquel ay tumatangis dahil sa kaniyang mga anak. Siya ay tumangging maaliw dahil sa kaniyang mga anak, sapagkat sila ay wala na. Ito ang sinabi ni Jehova: Pigilan mo ang iyong tinig sa pagtangis, at ang iyong mga mata sa pagluha, sapagkat may gantimpala sa iyong gawa, ang sabi ni Jehova, at tiyak na babalik sila mula sa lupain ng kaaway. At may pag-asa ang iyong kinabukasan, ang sabi ni Jehova, at ang
17 16 15 13 10

mga anak ay tiyak na babalik sa kanilang sariling teritoryo. Narinig ko nga ang Efraim na naghihinagpis para sa kaniyang sarili, Itinuwid mo ako, upang ako ay maituwid, tulad ng isang guya na hindi pa nasasanay. Panumbalikin mo ako, at ako ay kusang-loob na manunumbalik, sapagkat ikaw ay si Jehova na aking Diyos. 19 Sapagkat matapos akong manumbalik ay nagsisi ako; at matapos akong akayin upang makaalam ay tumampal ako sa hita. Ako ay napahiya, at nakadama rin ako ng pagkaaba, sapagkat dinala ko ang kadustaan ng aking kabataan. Ang Efraim ba ay anak na mahal sa akin, o isang batang kinagigiliwan? Sapagkat kung paanong nagsasalita ako laban sa kaniya ay gayon ko nga siya aalalahanin nang higit pa. Kaya naman ang aking mga bituka ay nagkakaingay dahil sa kaniya. Tiyak na kahahabagan ko siya, ang sabi ni Jehova. Magtayo ka ng mga palatandaan sa daan sa ganang iyo. Maglagay ka ng mga posteng tanda sa ganang iyo. Ituon mo ang iyong puso sa lansangang-bayan, sa daan na iyong patutunguhan. Bumalik ka, O dalaga ng Israel. Bumalik ka sa mga lunsod mong ito. 22 Hanggang kailan ka babaling ditot doon, O di-tapat na anak na babae? Sapagkat si Jehova ay lumalang ng isang bagong bagay sa lupa: Palilibutan ng isang babae ang matipunong lalaki. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Sasabihin pa nila ang salitang ito sa lupain ng Juda at sa kaniyang mga lunsod, kapag tinipon ko ang kanilang mga bihag, Pagpalain ka nawa ni Jehova, O matuwid na tahanang dako, O banal na bundok. 24 At doon ay tiyak na mananahanang magkakasama ang Juda at ang lahat ng kaniyang mga lunsod, ang mga magsasaka at yaong mga humayong kasama ng kawan. 25 Sapagkat bibigyang-kasiyahan ko ang kaluluwang pagod, at ang bawat kaluluwang nanlalata ay bubusugin ko.
23 21 20 18

- 44 -

Sa bagay na ito ay nagising ako at nagsimulang makakita; at kung tungkol sa aking tulog, naging kalugud-lugod iyon sa akin. Narito! Dumarating ang mga araw, ang sabi ni Jehova, at hahasikan ko ang sambahayan ng Israel at ang sambahayan ni Juda ng binhi ng tao at ng binhi ng alagang hayop. At mangyayari nga na kung paanong naging mapagbantay ako sa kanila upang bumunot at magbagsak at maggiba at mangwasak at maminsala, gayon ako magiging mapagbantay sa kanila upang magtayo at magtatag, ang sabi ni Jehova. 29 Sa mga araw na iyon ay hindi na nila sasabihin, Ang mga ama ang kumain ng hilaw na ubas, ngunit ang mga ngipin ng mga anak ang nangilo. 30 Kundi ang bawat isa ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kamalian. Ang sinumang tao na kumakain ng hilaw na ubas, kaniyang mga ngipin ang mangingilo. Narito! Dumarating ang mga araw, ang sabi ni Jehova, at makikipagtipan ako ng isang bagong tipan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ni Juda; 32 hindi gaya ng tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga ninuno noong araw na hawakan ko ang kanilang kamay upang ilabas sila mula sa lupain ng Ehipto, na ang tipan kong iyon ay sinira nila, bagaman ako ang nagmamay-ari sa kanila bilang asawa, ang sabi ni Jehova. Sapagkat ito ang tipan na ipakikipagtipan ko sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na iyon, ang sabi ni Jehova. Ilalagay ko sa loob nila ang aking kautusan, at sa kanilang puso ay isusulat ko iyon. At ako ang magiging kanilang Diyos, at sila mismo ang magiging aking bayan. At hindi na sila magtuturo pa, bawat isa ay sa kaniyang kasama at bawat isa ay sa kaniyang kapatid, na sinasabi, Kilalanin ninyo si Jehova! sapagkat silang lahat ay
34 33 31 28 27

26

makakakilala sa akin, mula sa pinakamababa sa kanila at maging hanggang sa pinakadakila sa kanila, ang sabi ni Jehova. Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kamalian, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa. Ito ang sinabi ni Jehova, ang Tagapagbigay ng araw bilang liwanag kung araw, ng mga batas ng buwan at ng mga bituin bilang liwanag kung gabi, ang Isa na pumupukaw sa dagat upang dumaluyong ang mga alon nito, ang Isa na may pangalang Jehova ng mga hukbo: 36 Kung ang mga tuntuning ito ay maaalis mula sa harap ko, ang sabi ni Jehova, sila na binhi ng Israel ay maglilikat din sa pagiging isang bansa na laging nasa harap ko. Ito ang sinabi ni Jehova: Kung ang langit sa itaas ay masusukat at ang mga pundasyon ng lupa sa ibaba ay masisiyasat, maitatakwil ko rin naman ang buong binhi ng Israel dahil sa lahat ng ginawa nila, ang sabi ni Jehova. Narito! Dumarating ang mga araw, ang sabi ni Jehova, at ang lunsod ay tiyak na itatayo para kay Jehova mula sa Tore ng Hananel hanggang sa Panulukang Pintuangdaan. 39 At ang pising panukat ay yayaon pa nga nang tuluy-tuloy hanggang sa burol ng Gareb, at tiyak na lilibot iyon hanggang sa Goa. 40 At ang buong mababang kapatagan ng mga bangkay at ng abo ng taba, at ang lahat ng mga hagdan-hagdang lupain hanggang sa agusang libis ng Kidron, hanggang sa panulukan ng Pintuang-daan ng mga Kabayo patungo sa sikatan ng araw, ay magiging banal kay Jehova. Hindi iyon bubunutin, ni gigibain pa man iyon hanggang sa panahong walang takda. 32 Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova nang ikasampung taon ni Zedekias na hari ng Juda, na siyang ikalabingwalong taon ni Nabucodorosor. 2 At nang panahong iyon ay kinukubkob ng mga hukbong militar ng hari ng Babilonya ang Jerusalem; at kung tungkol kay Jeremias na
- 45 38 37 35

propeta, siya ay nakakulong sa Looban ng Bantay na nasa bahay ng hari ng Juda; 3 sapagkat ikinulong siya ni Zedekias na hari ng Juda, na sinasabi: Bakit ka nanghuhula, na sinasabi, Ito ang sinabi ni Jehova: Narito, ibibigay ko ang lunsod na ito sa kamay ng hari ng Babilonya, at tiyak na bibihagin niya ito; 4 at si Zedekias, na hari ng Juda, ay hindi makatatakas mula sa kamay ng mga Caldeo, sapagkat walang pagsalang ibibigay siya sa kamay ng hari ng Babilonya, at ang kaniyang bibig ay makikipag-usap nga sa bibig ng isang iyon, at makikita ng kaniyang mga mata maging ang mga mata ng isang iyon ; 5 at dadalhin niya sa Babilonya si Zedekias, at doon siya mananatili hanggang sa ibaling ko sa kaniya ang aking pansin, ang sabi ni Jehova; bagaman patuloy kayong makipagdigma laban sa mga Caldeo, hindi kayo magtatagumpay? At sinabi ni Jeremias: Ang salita ni Jehova ay dumating sa akin, na nagsasabi, 7 Narito, si Hanamel na anak ni Salum na iyong tiyo sa ama ay paroroon sa iyo, na nagsasabi: Bilhin mo sa ganang iyo ang bukid ko na nasa Anatot, sapagkat ang karapatang tumubos ay nauukol sa iyo upang bilhin iyon. Sa kalaunan ay pumaroon sa akin si Hanamel na anak ng aking tiyo sa ama, ayon sa salita ni Jehova, sa Looban ng Bantay, at nagsabi sa akin: Bilhin mo, pakisuyo, ang bukid ko na nasa Anatot, na nasa lupain ng Benjamin, sapagkat ang karapatang magmana ay iyo, at ang karapatang tumubos ay iyo. Bilhin mo iyon sa ganang iyo. Dito ay nalaman ko na iyon ay salita ni Jehova. Kaya binili ko kay Hanamel na anak ng aking tiyo sa ama ang bukid na nasa Anatot. At pinasimulan kong timbangin sa kaniya ang salapi, pitong siklo at sampung pirasong pilak. 10 Pagkatapos ay sumulat ako ng isang kasulatan at inilakip ko ang tatak at kumuha ako ng mga saksi habang tinitimbang ko sa timbangan ang salapi. 11 Pagkatapos nito ay
- 46 9 8 6

kinuha ko ang kasulatan ng pagkakabili, yaong tinatakan ayon sa utos at sa mga tuntunin, at yaong iniwang buks; 12 at ibinigay ko ang kasulatan ng pagkakabili kay Baruc na anak ni Nerias na anak ni Maseias sa paningin ni Hanamel na anak ng aking tiyo sa ama at sa paningin ng mga saksi, yaong mga sumusulat sa kasulatan ng pagkakabili, sa paningin ng lahat ng mga Judio na nakaupo sa Looban ng Bantay. Inutusan ko ngayon si Baruc sa kanilang paningin, na sinasabi: 14 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Pagkakuha sa mga kasulatang ito, ang kasulatang ito ng pagkakabili, ang isa nga na tinatakan, at ang isa pang kasulatan na iniwang buks, ilagay mo rin ang mga iyon sa isang sisidlang luwad, upang ang mga iyon ay magtagal nang maraming araw. 15 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Ang mga bahay at mga bukid at mga ubasan ay mabibili pa sa lupaing ito. At ako ay nagsimulang manalangin kay Jehova matapos kong maibigay ang kasulatan ng pagkakabili kay Baruc na anak ni Nerias, na sinasabi: 17 Ay, O Soberanong Panginoong Jehova! Narito, ikaw ang gumawa ng langit at ng lupa sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng iyong unat na bisig. Ang lahat ng bagay na ito ay hindi lubhang kamangha-mangha para sa iyo, 18 ang Isa na nagpapakita ng maibigingkabaitan sa libu-libo, at iginaganti ang kamalian ng mga ama sa dibdib ng kanilang mga anak na kasunod nila, ang tunay na Diyos, ang Isa na dakila, ang Isa na makapangyarihan, Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan, 19 dakila sa layunin at sagana sa mga gawa, ikaw na ang mga mata ay nakadilat sa lahat ng lakad ng mga anak ng mga tao, upang ibigay sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mga lakad at ayon sa bunga ng kaniyang mga pakikitungo; 20 ikaw na naglagay ng mga tanda at mga himala sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito at sa Israel at sa gitna ng mga tao, upang makagawa ka ng pangalan para sa iyong sarili, gaya ng sa araw
16 13

na ito. 21 At inilabas mo ang iyong bayang Israel mula sa lupain ng Ehipto, sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga himala at ng malakas na kamay at ng unat na bisig at ng matinding kakilabutan. Sa kalaunan ay ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito na isinumpa mo sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa kanila, isang lupaing inaagusan ng gatas at pulotpukyutan. 23 At pumasok sila at inari iyon, ngunit hindi nila sinunod ang iyong tinig, at ang iyong kautusan ay hindi nila nilakaran. Ang lahat ng bagay na iniutos mong gawin nila ay hindi nila ginawa, kaya pinasapit mo sa kanila ang lahat ng kapahamakang ito. 24 Narito! Taglay ang mga muralyang pangubkob, may mga lalaking dumating sa lunsod upang bihagin ito, at ang mismong lunsod ay ibibigay nga sa kamay ng mga Caldeo na nakikipaglaban doon, dahil sa tabak at sa taggutom at sa salot; at ang sinabi mo ay nangyari, at narito, nakikita mo. 25 Gayunmay sinabi mo sa akin, O Soberanong Panginoong Jehova, Bilhin mo ng salapi ang bukid sa ganang iyo at kumuha ka ng mga saksi, bagaman ang lunsod ay ibibigay sa kamay ng mga Caldeo. Sa gayon ay dumating kay Jeremias ang salita ni Jehova, na nagsasabi: 27 Narito ako, si Jehova, ang Diyos ng lahat ng laman. Sa akin ba ay may anumang bagay na lubhang kamangha-mangha? 28 Kaya ito ang sinabi ni Jehova, Narito, ibibigay ko ang lunsod na ito sa kamay ng mga Caldeo at sa kamay ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya, at bibihagin niya ito. 29 At ang mga Caldeo na nakikipaglaban sa lunsod na ito ay papasok at sisilaban sa apoy ang lunsod na ito at susunugin ito at ang mga bahay na sa mga bubong nito ay gumawa sila ng haing usok para kay Baal at nagbuhos ng mga handog na inumin para sa ibang mga diyos sa layuning galitin ako. Sapagkat ang mga anak ni Israel at ang mga anak ni Juda ay naging mga manggagawa ng kasamaan sa aking
30 26 22

paningin, mula pa sa kanilang kabataan; sapagkat ginagalit pa man din ako ng mga anak ni Israel sa gawa ng kanilang mga kamay, ang sabi ni Jehova. 31 Sapagkat ang lunsod na ito, mula nang araw na ito ay itayo nila, hanggang sa araw na ito, ay walang iba kundi sanhi ng galit ko at sanhi ng pagngangalit ko, upang alisin ito mula sa harap ng aking mukha, 32 dahil sa lahat ng kasamaan ng mga anak ni Israel at ng mga anak ni Juda na ginawa nila upang galitin ako, sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga prinsipe, ang kanilang mga saserdote at ang kanilang mga propeta, at ang mga tao ng Juda at ang mga tumatahan sa Jerusalem. 33 At patuloy nilang inihaharap sa akin ang likod at hindi ang mukha; bagaman tinuturuan sila, na bumabangon nang maaga at nagtuturo, ngunit walang sinuman sa kanila ang nakikinig upang tumanggap ng disiplina. 34 At inilagay nila ang kanilang mga kasuklam-suklam na bagay sa bahay na tinatawag sa aking sariling pangalan, upang dungisan ito. 35 Bukod diyan, itinayo nila ang matataas na dako ni Baal na nasa libis ng anak ni Hinom, upang ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae ay paraanin sa apoy para kay Molec, isang bagay na hindi ko iniutos sa kanila, ni pumasok man sa aking puso na gawin ang karimarimarim na bagay na ito, sa layuning pagkasalahin ang Juda. Kaya ngayon, ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel may kinalaman sa lunsod na ito na sinasabi ninyo na ibibigay nga sa kamay ng hari ng Babilonya sa pamamagitan ng tabak at ng taggutom at ng salot, 37 Narito, titipunin ko sila mula sa lahat ng mga lupain kung saan ko sila ipananabog sa aking galit at sa aking pagngangalit at sa matinding poot; at ibabalik ko sila sa dakong ito at patatahanin sila nang tiwasay. 38 At sila ay tiyak na magiging aking bayan, at ako ang magiging kanilang Diyos. 39 At bibigyan ko sila ng iisang puso at ng iisang daan upang laging matakot sa akin, sa ikabubuti nila at ng kanilang mga anak na kasunod nila. 40 At makikipagtipan ako sa kanila ng isang tipan na namamalagi nang
36

- 47 -

walang takda, na hindi ako hihiwalay sa likuran nila, upang gawan ko sila ng mabuti; at ang pagkatakot sa akin ay ilalagay ko sa kanilang puso upang huwag lumihis mula sa akin. 41 At magbubunyi ako sa kanila upang gawan sila ng mabuti, at itatatag ko sila sa lupaing ito sa katapatan nang aking buong puso at nang aking buong kaluluwa. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, Kung paanong dinala ko sa bayang ito ang lahat ng malaking kapahamakang ito, gayon ko dadalhin sa kanila ang lahat ng kabutihan na sinasalita ko may kinalaman sa kanila. 43 At ang mga bukid ay tiyak na mabibili sa lupaing ito na tungkol dito ay sasabihin ninyo: Iyon ay tiwangwang na kaguhuan na walang tao at alagang hayop. Ibinigay iyon sa kamay ng mga Caldeo. Sa pamamagitan ng salapi ay bibili ng mga bukid ang mga tao, at magkakaroon ng pagtatala sa kasulatan at pagtatatak at pagkuha ng mga saksi sa lupain ng Benjamin at sa mga dakong nakapalibot sa Jerusalem at sa mga lunsod ng Juda at sa mga lunsod ng bulubunduking pook at sa mga lunsod ng mababang lupain at sa mga lunsod sa timog, sapagkat ibabalik ko ang kanilang mga bihag, ang sabi ni Jehova. 33 At ang salita ni Jehova ay dumating kay Jeremias sa ikalawang pagkakataon, habang nakakulong pa siya sa Looban ng Bantay, na nagsasabi: 2 Ito ang sinabi ni Jehova na Maylikha ng lupa, si Jehova na Tagapag-anyo nito upang itatag ito nang matibay, Jehova ang kaniyang pangalan, 3 Tumawag ka sa akin, at ako ay sasagot sa iyo at agad na magsasabi sa iyo ng dakila at di-malirip na mga bagay na hindi mo pa nalalaman. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel may kinalaman sa mga bahay sa lunsod na ito at may kinalaman sa mga bahay ng mga hari ng Juda na giba dahil sa mga muralyang pangubkob at dahil sa tabak; 5 may kinalaman sa mga pumaparoon upang makipaglaban sa mga Caldeo at upang ang
- 48 4 44 42

mga dako ay punuin nila ng mga bangkay ng mga tao na pinabagsak ko sa aking galit at sa aking pagngangalit, at dahil sa lahat niyaong sa kanilang kasamaan ay ikinubli ko ang aking mukha mula sa lunsod na ito, 6 Narito, dadalhin ko sa kaniya ang paggaling at kalusugan; at pagagalingin ko sila at magsisiwalat ako sa kanila ng saganang kapayapaan at katotohanan. 7 At ibabalik ko ang mga nabihag sa Juda at ang mga nabihag sa Israel, at itatayo ko sila gaya ng sa pasimula. 8 At dadalisayin ko sila mula sa lahat ng kanilang kamalian na ipinagkasala nila laban sa akin, at patatawarin ko ang lahat ng kanilang mga kamalian na ipinagkasala nila laban sa akin at isinalansang nila laban sa akin. 9 At sa akin ay magiging isa siyang pangalang may pagbubunyi, isang kapurihan at isang kagandahan ukol sa lahat ng mga bansa sa lupa na makaririnig sa lahat ng kabutihan na iuukol ko sa kanila. At sila ay tiyak na manghihilakbot at maliligalig dahil sa lahat ng kabutihan at dahil sa lahat ng kapayapaan na iuukol ko sa kaniya. Ito ang sinabi ni Jehova, Sa dakong ito na sasabihin ninyong giba na walang tao at walang alagang hayop, sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem na nakatiwangwang na walang tao at walang tumatahan at walang alagang hayop, maririnig pa roon 11 ang ingay ng pagbubunyi at ang ingay ng pagsasaya, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae, ang tinig ng mga nagsasabi: Pumuri kayo kay Jehova ng mga hukbo, sapagkat si Jehova ay mabuti; sapagkat hanggang sa panahong walang takda ang kaniyang maibigingkabaitan! Magdadala sila ng handog na pasasalamat sa bahay ni Jehova, sapagkat ibabalik ko ang mga nabihag sa lupain gaya ng sa pasimula, ang sabi ni Jehova. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, Sa gibang dakong ito na walang tao at maging alagang hayop at sa lahat ng mga lunsod nito
12 10

ay magkakaroon pa ng pastulan ng mga pastol na nagpapahiga sa kawan. Sa mga lunsod ng bulubunduking pook, sa mga lunsod ng mababang lupain at sa mga lunsod sa timog at sa lupain ng Benjamin at sa mga dakong nakapalibot sa Jerusalem at sa mga lunsod ng Juda ay daraan pa ang mga kawan sa ilalim ng mga kamay niyaong bumibilang, ang sabi ni Jehova. Narito! Dumarating ang mga araw, ang sabi ni Jehova, at tiyak na tutuparin ko ang mabuting salita na sinalita ko, may kinalaman sa sambahayan ng Israel at may kinalaman sa sambahayan ni Juda. 15 Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon ay pasisibulin ko para kay David ang isang sibol na matuwid, at tiyak na maglalapat siya ng katarungan at katuwiran sa lupain. 16 Sa mga araw na iyon ang Juda ay maliligtas at ang Jerusalem ay tatahang tiwasay. At ito ang itatawag sa kaniya, Si Jehova Ang Ating Katuwiran. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, Walang lalaking mula kay David ang aalisin sa pag-upo sa trono ng sambahayan ng Israel. 18 At kung tungkol sa mga saserdote, na mga Levita, walang lalaking aalisin sa harap ko na palaging maghahandog ng buong handog na sinusunog at magpapausok ng handog na mga butil at maghaharap ng hain. At ang salita ni Jehova ay dumating pa kay Jeremias, na nagsasabi: 20 Ito ang sinabi ni Jehova, Kung masisira ninyo ang aking tipan sa araw at ang aking tipan sa gabi, upang ang araw at gabi ay hindi nga dumating sa kanilang kapanahunan, 21 sa gayunding paraan ay masisira ang aking tipan kay David na aking lingkod upang hindi siya magkaroon ng anak na lalaki na mamamahala bilang hari sa kaniyang trono; gayundin sa mga Levita, na mga saserdote, na aking mga lingkod. 22 Kung paanong ang hukbo ng langit ay hindi mabibilang, ni ang buhangin man sa dagat ay matatakal, gayon
- 49 19 17 14 13

ko pararamihin ang binhi ni David na aking lingkod at ang mga Levita na naglilingkod sa akin. At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating kay Jeremias, na nagsasabi: 24 Hindi mo ba nakita kung ano ang sinalita niyaong mga kabilang sa bayang ito, na sinasabi, Ang dalawang pamilya na pinili ni Jehova, itatakwil din niya sila? At ang aking sariling bayan ay patuloy nilang pinakikitunguhan nang walang galang, upang hindi na iyon manatili pa bilang isang bansa sa harap nila. Ito ang sinabi ni Jehova, Kung hindi ko nga itinakda ang aking tipan sa araw at gabi, ang mga batas ng langit at lupa, 26 itatakwil ko rin naman maging ang binhi ni Jacob at ni David na aking lingkod, upang hindi ako kumuha mula sa kaniyang binhi ng mga tagapamahala sa binhi ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob. Sapagkat titipunin ko ang kanilang mga bihag at kahahabagan ko sila. 34 Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova, nang si Nabucodorosor na hari ng Babilonya at ang kaniyang buong hukbong militar at ang lahat ng mga kaharian sa lupa, ang pamunuan na nasa ilalim ng kaniyang kamay, at ang lahat ng mga bayan ay nakikipaglaban sa Jerusalem at sa lahat ng kaniyang mga lunsod, na nagsasabi: Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, Yumaon ka, at sabihin mo kay Zedekias na hari ng Juda, oo, sabihin mo sa kaniya: Ito ang sinabi ni Jehova, Narito, ibibigay ko ang lunsod na ito sa kamay ng hari ng Babilonya, at susunugin niya ito sa apoy. 3 At ikaw ay hindi makatatakas mula sa kaniyang kamay, sapagkat walang pagsalang mahuhuli ka at sa kaniyang kamay ay ibibigay ka. At makikita ng iyong mga mata maging ang mga mata ng hari ng Babilonya, at ang kaniyang bibig ay makikipag-usap nga sa iyong bibig, at paroroon ka sa Babilonya. 4 Gayunman, dinggin mo ang salita ni Jehova, O Zedekias na hari ng Juda, Ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa iyo: Hindi ka mamamatay sa pamamagitan ng tabak. 5 Payapa kang
2 25 23

mamamatay; at gaya ng mga pagsusunog para sa iyong mga ama, ang mga unang hari na nauna sa iyo, gayon sila gagawa ng pagsusunog para sa iyo, at Ay, O panginoon! ang siyang sasabihin nila sa pananaghoy para sa iyo, sapagkat Ako ang nagsalita ng mismong salita, ang sabi ni Jehova. At sinalita ni Jeremias na propeta kay Zedekias na hari ng Juda ang lahat ng mga salitang ito sa Jerusalem, 7 nang ang mga hukbong militar ng hari ng Babilonya ay nakikipaglaban sa Jerusalem at sa lahat ng mga lunsod ng Juda na nalalabi, laban sa Lakis at laban sa Azeka; sapagkat ang mga iyon, na mga nakukutaang lunsod, ang siyang nalabi sa mga lunsod ng Juda. Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova pagkatapos na makipagtipan si Haring Zedekias sa buong bayan na nasa Jerusalem upang maghayag sa kanila ng paglaya, 9 na palayain ng bawat isa ang kaniyang alilang lalaki at ng bawat isa ang kaniyang alilang babae, lalaking Hebreo at babaing Hebreo, upang huwag silang gamitin bilang mga lingkod, samakatuwid nga, ang isang Judio, na kaniyang kapatid. 10 At sumunod ang lahat ng mga prinsipe, at ang buong bayan na pumasok sa tipan na palayain ng bawat isa ang kaniyang alilang lalaki at ng bawat isa ang kaniyang alilang babae, upang huwag na silang gamitin pa bilang mga lingkod, at sumunod sila at pinayaon ang mga ito. 11 Ngunit pagkatapos niyan ay nagbago sila at pinabalik ang mga alilang lalaki at ang mga alilang babae na kanilang pinalaya, at pinaglingkod nila ang mga ito bilang mga alilang lalaki at bilang mga alilang babae. 12 Kaya ang salita ni Jehova ay dumating kay Jeremias mula kay Jehova, na nagsasabi: Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, Ako ay nakipagtipan sa inyong mga ninuno nang araw na ilabas ko sila mula sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng mga lingkod, na sinasabi: 14 Sa pagwawakas ng
13 8 6

pitong taon ay dapat payaunin ng bawat isa sa inyo ang kaniyang kapatid, na isang Hebreo, na ipinagbili sa iyo at naglingkod sa iyo nang anim na taon; at palalayain mo siya mula sa pakikisama sa iyo. Ngunit ang inyong mga ninuno ay hindi nakinig sa akin, ni ikiniling man nila ang kanilang pandinig. 15 At kayo naman ay nanumbalik ngayon at gumawa ng matuwid sa aking paningin sa paghahayag ng paglaya, bawat isa sa kaniyang kapuwa, at nakipagtipan kayo sa harap ko sa bahay na tinatawag sa aking pangalan. 16 Pagkatapos ay tumalikod kayo at nilapastangan ang aking pangalan at pinabalik ng bawat isa ang kaniyang alilang lalaki at ng bawat isa ang kaniyang alilang babae, na pinalaya ninyo nang malugod sa kanilang kaluluwa, at pinaglingkod ninyo sila upang maging inyong mga alilang lalaki at mga alilang babae. Kaya ito ang sinabi ni Jehova, Hindi kayo sumunod sa akin upang patuloy na maghayag ng paglaya, ang bawat isa sa kaniyang kapatid at ang bawat isa sa kaniyang kapuwa. Narito, maghahayag ako sa inyo ng paglaya, ang sabi ni Jehova, ukol sa tabak, ukol sa salot at ukol sa taggutom, at tiyak na ibibigay ko kayo sa pangangatal sa lahat ng mga kaharian sa lupa. 18 At ibibigay ko ang mga lalaking sumusuway sa aking tipan, sa dahilang hindi nila tinupad ang mga salita ng tipan na ipinakipagtipan nila sa harap ko sa pamamagitan ng guya na hiniwa nila sa dalawa upang makaraan sila sa pagitan ng mga piraso nito; 19 samakatuwid nga, ang mga prinsipe ng Juda at ang mga prinsipe ng Jerusalem, ang mga opisyal ng korte at ang mga saserdote at ang buong bayan ng lupain na dumaan sa pagitan ng mga piraso ng guya 20 oo, ibibigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway at sa kamay niyaong mga naghahanap sa kanilang kaluluwa; at ang kanilang mga bangkay ay magiging pagkain ng mga lumilipad na nilalang sa langit at ng mga hayop sa lupa. 21 At si Zedekias na hari ng Juda at ang kaniyang mga prinsipe ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway at sa kamay niyaong mga naghahanap sa kanilang
17

- 50 -

kaluluwa at sa kamay ng mga hukbong militar ng hari ng Babilonya na umuurong mula sa inyo. Narito, nag-uutos ako, ang sabi ni Jehova, at tiyak na ibabalik ko sila sa lunsod na ito, at makikipaglaban sila rito at bibihagin ito at susunugin ito sa apoy; at ang mga lunsod ng Juda ay gagawin kong tiwangwang na kaguhuan na walang tumatahan. 35 Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova nang mga araw ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, na nagsasabi: 2 Pumaroon ka sa bahay ng mga Recabita, at makipag-usap ka sa kanila at dalhin mo sila sa bahay ni Jehova, sa isa sa mga silid-kainan; at bigyan mo sila ng alak na maiinom. Sa gayon ay kinuha ko si Jaazanias na anak ni Jeremias na anak ni Habazinias at ang kaniyang mga kapatid, at ang lahat ng kaniyang mga anak, at ang buong sambahayan ng mga Recabita, 4 at dinala ko sila sa bahay ni Jehova, sa silid-kainan ng mga anak ni Hanan na anak ni Igdalias, isang lalaki ng tunay na Diyos, na katabi ng silidkainan ng mga prinsipe na nasa itaas ng silid-kainan ni Maaseias na anak ni Salum na bantay-pinto. 5 Pagkatapos ay inilagay ko sa harap ng mga anak ng sambahayan ng mga Recabita ang mga kopa na pun ng alak at ang mga saro at sinabi ko sa kanila: Uminom kayo ng alak. Ngunit sinabi nila: Hindi kami iinom ng alak, sapagkat si Jonadab na anak ni Recab, na aming ninuno, ang siyang nagbigay ng utos sa amin, na sinasabi, Huwag kayong iinom ng alak, kayo man ni ang inyong mga anak, hanggang sa panahong walang takda. 7 At huwag kayong magtatayo ng bahay, at huwag kayong maghahasik ng binhi; at huwag kayong magtatanim ng ubasan, ni magiging inyo man iyon. Kundi sa mga tolda kayo mananahanan sa lahat ng inyong mga araw, upang patuloy kayong mabuhay nang maraming araw sa ibabaw ng lupa na inyong pinaninirahan bilang mga dayuhan. 8 Kaya
- 51 6 3 22

patuloy naming sinusunod ang tinig ni Jehonadab na anak ni Recab na aming ninuno sa lahat ng bagay na iniutos niya sa amin sa hindi pag-inom ng alak sa lahat ng aming mga araw, kami, ang aming mga asawa, ang aming mga anak na lalaki at ang aming mga anak na babae, 9 at sa hindi pagtatayo ng mga bahay na matatahanan namin, upang walang ubasan o bukid o binhi ang maging amin. 10 At patuloy kaming nananahanan sa mga tolda at sinusunod namin at ginagawa ang ayon sa lahat ng iniutos sa amin ni Jonadab na aming ninuno. 11 Ngunit nangyari nga, nang sumampa si Nabucodorosor na hari ng Babilonya laban sa lupain ay sinabi namin, Halikayo, at pumasok tayo sa Jerusalem dahil sa hukbong militar ng mga Caldeo at dahil sa hukbong militar ng mga Siryano, at manahanan tayo sa Jerusalem. At ang salita ni Jehova ay dumating kay Jeremias, na nagsasabi: 13 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Yumaon ka, at sabihin mo sa mga tao ng Juda at sa mga tumatahan sa Jerusalem: Hindi ba kayo patuluyang tumanggap ng payo na sundin ang aking mga salita? ang sabi ni Jehova. 14 Tinutupad ang mga salita ni Jehonadab na anak ni Recab, na iniutos niya sa kaniyang mga anak, na huwag uminom ng alak, at hindi sila umiinom hanggang sa araw na ito, sapagkat sinusunod nila ang utos ng kanilang ninuno. At sa ganang akin, nagsalita ako sa inyo, na bumabangon nang maaga at nagsasalita, ngunit hindi ninyo ako sinusunod. 15 At patuloy kong isinusugo sa inyo ang lahat ng aking mga lingkod na mga propeta, na bumabangon nang maaga at isinusugo sila, na sinasabi, Manumbalik kayo, pakisuyo, bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad, at pabutihin ninyo ang inyong mga pakikitungo, at huwag kayong sumunod sa ibang mga diyos upang maglingkod sa kanila. At patuloy kayong manahanan sa lupa na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno. Ngunit hindi ninyo ikiniling ang inyong pandinig, ni nakinig man kayo sa akin. 16 Ngunit tinutupad ng mga anak ni Jehonadab na anak ni Recab ang utos ng
12

kanilang ninuno na iniutos niya sa kanila; ngunit kung tungkol sa bayang ito, hindi sila nakikinig sa akin. Kaya ito ang sinabi ni Jehova, na Diyos ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Narito, pasasapitin ko sa Juda at sa lahat ng tumatahan sa Jerusalem ang lahat ng kapahamakan na sinalita ko laban sa kanila, sa dahilang nagsalita ako sa kanila ngunit hindi sila nakinig, at patuloy akong tumawag sa kanila ngunit hindi sila sumagot. At sa sambahayan ng mga Recabita ay sinabi ni Jeremias: Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Sa dahilang sinunod ninyo ang utos ni Jehonadab na inyong ninuno at patuloy ninyong tinutupad ang lahat ng kaniyang mga utos at ginagawa ang ayon sa lahat ng iniutos niya sa inyo, 19 kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Walang aalisin kay Jonadab na anak ni Recab na lalaking tatayong palagi sa harap ko. 36 At nangyari nga nang ikaapat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, ang salitang ito ay dumating kay Jeremias mula kay Jehova, na nagsasabi: 2 Kumuha ka sa ganang iyo ng isang balumbon ng aklat, at isulat mo roon ang lahat ng mga salita na sinalita ko sa iyo laban sa Israel at laban sa Juda at laban sa lahat ng mga bansa, mula nang araw na magsalita ako sa iyo, mula nang mga araw ni Josias, hanggang sa araw na ito. 3 Marahil yaong mga nasa sambahayan ni Juda ay makikinig sa lahat ng kapahamakan na iniisip kong gawin sa kanila, upang sila ay manumbalik, bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad, at sa gayon ay mapatawad ko nga ang kanilang kamalian at ang kanilang kasalanan. At tinawag ni Jeremias si Baruc na anak ni Nerias upang isulat ni Baruc mula sa bibig ni Jeremias ang lahat ng mga salita ni Jehova na sinalita Niya sa kaniya, sa balumbon ng aklat. 5 Sa gayon ay inutusan ni
- 52 4 18 17

Jeremias si Baruc, na sinasabi: Ako ay nakakulong. Hindi ako makapapasok sa bahay ni Jehova. 6 At ikaw ang pumasok at basahin mo nang malakas mula sa balumbon na isinulat mo mula sa aking bibig ang mga salita ni Jehova sa pandinig ng bayan na nasa bahay ni Jehova sa araw ng pag-aayuno; at sa pandinig din ng buong Juda na dumarating mula sa kanilang mga lunsod ay basahin mo nang malakas ang mga iyon. 7 Marahil ay makararating sa harap ni Jehova ang kanilang paghiling ng lingap at manunumbalik sila, bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad, sapagkat malaki ang galit at ang pagngangalit na sinalita ni Jehova laban sa bayang ito. At ginawa ni Baruc na anak ni Nerias ang ayon sa lahat ng iniutos sa kaniya ni Jeremias na propeta, na basahin nang malakas mula sa aklat ang mga salita ni Jehova sa bahay ni Jehova. At nangyari nga nang ikalimang taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, nang ikasiyam na buwan, ang buong bayan na nasa Jerusalem at ang buong bayan na dumarating sa Jerusalem mula sa mga lunsod ng Juda ay naghayag ng pag-aayuno sa harap ni Jehova. 10 At pinasimulan ni Baruc na basahin nang malakas mula sa aklat ang mga salita ni Jeremias sa bahay ni Jehova, sa silidkainan ni Gemarias na anak ni Sapan na tagakopya, sa mataas na looban, sa may pasukan ng bagong pintuang-daan ng bahay ni Jehova, sa pandinig ng buong bayan. At narinig ni Micaias na anak ni Gemarias na anak ni Sapan ang lahat ng mga salita ni Jehova mula sa aklat. 12 Sa gayon ay bumaba siya sa bahay ng hari, sa silid-kainan ng kalihim, at, narito! doon nakaupo ang lahat ng mga prinsipe, si Elisama na kalihim at si Delaias na anak ni Semaias at si Elnatan na anak ni Acbor at si Gemarias na anak ni Sapan at si Zedekias na anak ni Hananias at ang lahat ng iba pang prinsipe. 13 At sinabi ni Micaias sa kanila ang lahat ng mga salita na narinig niya nang bumasa si Baruc nang malakas mula sa aklat sa pandinig ng bayan.
11 9 8

Sa gayon ay isinugo kay Baruc ng lahat ng mga prinsipe si Jehudi na anak ni Netanias na anak ni Selemias na anak ni Cusi, na sinasabi: Ang balumbon na mula roon ay bumasa ka nang malakas sa pandinig ng bayantanganan mo iyon sa iyong kamay at pumarito ka. At tinanganan ni Baruc na anak ni Nerias sa kaniyang kamay ang balumbon at pumaroon sa kanila. 15 Sa gayon ay sinabi nila sa kaniya: Umupo ka, pakisuyo, at basahin mo iyan nang malakas sa aming pandinig. Kaya si Baruc ay bumasa nang malakas sa kanilang pandinig. At nangyari nga, nang marinig nila ang lahat ng mga salita, sila ay nagtinginan sa isat isa nang may panghihilakbot; at sinabi nila kay Baruc: Walang pagsalang sasabihin namin sa hari ang lahat ng mga salitang ito. 17 At si Baruc ay tinanong nila, na sinasabi: Sabihin mo sa amin, pakisuyo, Paano mo naisulat ang lahat ng mga salitang ito mula sa kaniyang bibig? 18 Sa gayon ay sinabi ni Baruc sa kanila: Mula sa kaniyang bibig ay patuloy niyang ipinahahayag sa akin ang lahat ng mga salitang ito, at ako ay sumusulat sa aklat sa pamamagitan ng tinta. 19 Nang maglaon ay sinabi ng mga prinsipe kay Baruc: Yumaon ka, magkubli ka, ikaw at si Jeremias, upang walang sinumang makaalam ng inyong kinaroroonan. Pagkatapos ay pumaroon sila sa hari, sa looban, at ang balumbon ay ipinagkatiwala nila sa silid-kainan ni Elisama na kalihim; at pinasimulan nilang sabihin ang lahat ng mga salita sa pandinig ng hari. Sa gayon ay isinugo ng hari si Jehudi upang kunin ang balumbon. Kaya kinuha niya iyon mula sa silid-kainan ni Elisama na kalihim. At pinasimulan ni Jehudi na basahin iyon nang malakas sa pandinig ng hari at sa pandinig ng lahat ng mga prinsipe na nakatayo sa tabi ng hari. 22 At ang hari ay nakaupo sa bahay na pantaglamig, nang ikasiyam na buwan, at may braserong nagniningas sa harap niya. 23 At nangyari
21 20 16

14

nga, nang makabasa si Jehudi ng tatlo o apat na tudling ng pahina, pinilas niya iyon ng kutsilyo ng kalihim, at inihagis din iyon sa apoy na nasa brasero hanggang sa ang buong balumbon ay matupok sa apoy na nasa brasero. 24 At hindi sila nakadama ng panghihilakbot; ni hinapak man ng hari at ng lahat ng kaniyang mga lingkod, na nakikinig sa lahat ng mga salitang ito, ang kanilang mga kasuutan. 25 At maging sina Elnatan at Delaias at Gemarias ay nakiusap sa hari na huwag sunugin ang balumbon, ngunit hindi siya nakinig sa kanila. 26 Bukod diyan, inutusan ng hari si Jerameel na anak ng hari at si Seraias na anak ni Azriel at si Selemias na anak ni Abdeel na kunin si Baruc na kalihim at si Jeremias na propeta. Ngunit iningatan silang nakakubli ni Jehova. At ang salita ni Jehova ay dumating pa kay Jeremias matapos na sunugin ng hari ang balumbon na kinaroroonan ng mga salita na isinulat ni Baruc mula sa bibig ni Jeremias, na nagsasabi: 28 Kumuha kang muli sa ganang iyo ng isang balumbon, isa pa, at isulat mo roon ang lahat ng mga unang salita na nasa unang balumbon, na sinunog ni Jehoiakim na hari ng Juda. 29 At laban kay Jehoiakim na hari ng Juda ay dapat mong sabihin, Ito ang sinabi ni Jehova: Sinunog mo ang balumbong ito, na sinasabi, Bakit mo isinulat doon, na sinasabi: Ang hari ng Babilonya ay darating nang walang pagsala at wawasakin nga ang lupaing ito at paglalahuin ang tao at hayop mula rito? 30 Kaya ito ang sinabi ni Jehova laban kay Jehoiakim na hari ng Juda, Hindi siya magkakaroon ng sinumang uupo sa trono ni David, at ang kaniyang bangkay ay itatapon sa init ng araw at sa matinding lamig ng gabi. 31 At ihihingi ko ng sulit laban sa kaniya at laban sa kaniyang supling at laban sa kaniyang mga lingkod ang kanilang kamalian, at pasasapitin ko sa kanila at sa mga tumatahan sa Jerusalem at sa mga tao ng Juda ang lahat ng kapahamakan na sinalita ko laban sa kanila, at hindi sila nakinig. At si Jeremias ay kumuha ng isa pang balumbon at ibinigay iyon kay Baruc na anak ni
- 53 32 27

Nerias, na kalihim, at isinulat niya roon mula sa bibig ni Jeremias ang lahat ng mga salita ng aklat na sinunog sa apoy ni Jehoiakim na hari ng Juda; at dinagdagan ang mga iyon ng mas marami pang katulad na mga salita. 37 At si Haring Zedekias na anak ni Josias ay nagsimulang maghari bilang kahalili ni Conias na anak ni Jehoiakim, na ginawang hari ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya sa lupain ng Juda. 2 At siya at ang kaniyang mga lingkod at ang bayan ng lupain ay hindi nakinig sa mga salita ni Jehova na sinalita niya sa pamamagitan ni Jeremias na propeta. At isinugo ni Haring Zedekias si Jehucal na anak ni Selemias at si Zefanias na anak ni Maaseias na saserdote kay Jeremias na propeta, na sinasabi: Pakisuyo, manalangin ka para sa amin kay Jehova na ating Diyos. 4 At si Jeremias ay pumapasok at lumalabas sa gitna ng bayan, sapagkat hindi nila siya inilagay sa bahay-kulungan. 5 At isang hukbong militar ni Paraon ang lumabas mula sa Ehipto; at narinig ng mga Caldeo na kumukubkob sa Jerusalem ang ulat tungkol sa kanila. Kaya umurong sila mula sa Jerusalem. 6 Sa gayon ay dumating kay Jeremias na propeta ang salita ni Jehova, na nagsasabi: 7 Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, Ito ang dapat ninyong sabihin sa hari ng Juda, na siyang nagsusugo sa inyo sa akin upang mag-usisa sa akin: Narito! Ang hukbong militar ni Paraon na pumapariyan sa inyo sa layuning tumulong ay babalik nga sa kanilang lupain, sa Ehipto. 8 At ang mga Caldeo ay tiyak na babalik at makikipaglaban sa lunsod na ito at bibihagin ito at susunugin ito sa apoy. 9 Ito ang sinabi ni Jehova: Huwag ninyong linlangin ang inyong mga kaluluwa, na sinasabi, Ang mga Caldeo ay walang pagsalang aalis mula sa atin, sapagkat hindi sila aalis. 10 Sapagkat kung mapabagsak man ninyo ang buong hukbong militar ng mga Caldeo na lumalaban sa inyo at may matira sa kanila na mga lalaking inulos,
3

babangon sila sa kani-kaniyang tolda at susunugin nga sa apoy ang lunsod na ito. At nangyari nga nang ang hukbong militar ng mga Caldeo ay makaurong mula sa Jerusalem dahil sa hukbong militar ni Paraon, 12 si Jeremias ay lumabas ng Jerusalem upang pumaroon sa lupain ng Benjamin at kunin ang kaniyang bahagi mula roon sa gitna ng bayan. 13 At nangyari nga nang siya ay nasa Pintuangdaan ng Benjamin, ang opisyal na may hawak ng pangangasiwa, na ang pangalan ay Irias na anak ni Selemias na anak ni Hananias, ay naroon. Kaagad niyang pinigilan si Jeremias na propeta, na sinasabi: Sa mga Caldeo ka kumakampi! 14 Ngunit sinabi ni Jeremias: Kabulaanan! Hindi ako kumakampi sa mga Caldeo. Ngunit hindi siya pinakinggan nito. Kaya dinakip ni Irias si Jeremias at dinala siya sa mga prinsipe. 15 At ang mga prinsipe ay nagalit kay Jeremias, at sinaktan nila siya at inilagay siya sa bahay-pangawan, sa bahay ni Jehonatan na kalihim, sapagkat ito ang ginawa nilang bahay-kulungan. 16 Nang makarating si Jeremias sa bahay ng imbakang-tubig at sa mga nakaarkong silid, si Jeremias nga ay patuloy na nanahanan doon nang maraming araw. At nagsugo si Haring Zedekias at ipinakuha siya, at ang hari ay nagsimulang magtanong sa kaniya ng mga tanong sa kaniyang bahay sa isang kubling dako. At sinabi niya: Mayroon bang salita mula kay Jehova? Dito ay sinabi ni Jeremias: Mayroon! At sinabi pa niya: Ibibigay ka sa kamay ng hari ng Babilonya! Pagkatapos ay sinabi ni Jeremias kay Haring Zedekias: Sa anong paraan ako nagkasala laban sa iyo at laban sa iyong mga lingkod at laban sa bayang ito, anupat inilagay ninyo ako sa bahay-kulungan? 19 Nasaan nga ang inyong mga propeta na nanghula sa inyo, na sinasabi, Ang hari ng Babilonya ay hindi paririto laban sa inyo at laban sa lupaing ito? 20 At ngayon ay makinig ka, pakisuyo, O panginoon kong hari. Makarating nawa sa harap mo ang paghiling ko ng lingap, pakisuyo,
18 17 11

- 54 -

at huwag mo akong pabalikin sa bahay ni Jehonatan na kalihim, upang hindi ako mamatay roon. 21 Kaya nag-utos si Haring Zedekias, at sa gayon ay inilagay nila si Jeremias sa pag-iingat sa Looban ng Bantay; at binibigyan siya ng isang bilog na tinapay araw-araw mula sa lansangan ng mga magtitinapay, hanggang sa maubos ang lahat ng tinapay sa lunsod. At si Jeremias ay patuloy na nanahanan sa Looban ng Bantay. 38 At narinig ni Sepatias na anak ni Mattan at ni Gedalias na anak ni Pasur at ni Jucal na anak ni Selemias at ni Pasur na anak ni Malkias ang mga salita na sinasalita ni Jeremias sa buong bayan, na nagsasabi: 2 Ito ang sinabi ni Jehova, Yaong patuloy na mananahanan sa lunsod na ito ang siyang mamamatay sa tabak, sa taggutom at sa salot. Ngunit yaong lalabas sa mga Caldeo ang siyang mananatiling buhy at magtatamo ng kaniyang kaluluwa bilang samsam at nang buhy. 3 Ito ang sinabi ni Jehova, Walang pagsalang ang lunsod na ito ay ibibigay sa kamay ng hukbong militar ng hari ng Babilonya, at tiyak na bibihagin niya ito. At ang mga prinsipe ay nagsimulang magsabi sa hari: Ipapatay mo ang lalaking ito, pakisuyo, sapagkat sa ganiyang paraan niya pinanghihina ang mga kamay ng mga lalaking mandirigma na nalalabi sa lunsod na ito at ang mga kamay ng buong bayan, sa pagsasalita sa kanila ayon sa mga salitang ito. Sapagkat ang hinahanap ng lalaking ito ay hindi ang ikapapayapa ng bayang ito kundi ang ikapapahamak. 5 Sa gayon ay sinabi ni Haring Zedekias: Narito! Siya ay nasa inyong mga kamay. Sapagkat sa anumang bagay ay hindi makapananaig ang hari laban sa inyo. At kinuha nila si Jeremias at inihagis siya sa imbakang-tubig ni Malkias na anak ng hari, na nasa Looban ng Bantay. Sa gayon ay ibinaba nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. At ang imbakang-tubig ay walang tubig, kundi lusak; at si Jeremias ay nagsimulang lumubog sa lusak.
6 4

At narinig ni Ebed-melec na Etiope, isang lalaking bating at nasa bahay ng hari, na inilagay nila si Jeremias sa imbakang-tubig; at ang hari ay nakaupo sa Pintuang-daan ng Benjamin. 8 Kaya si Ebed-melec ay lumabas mula sa bahay ng hari at nagsalita sa hari, na sinasabi: 9 O panginoon kong hari, ang mga lalaking ito ay gumawa ng masama sa lahat ng ginawa nila kay Jeremias na propeta, na inihagis nila sa imbakang-tubig, anupat mamamatay siya sa kinaroroonan niya dahil sa taggutom. Sapagkat wala nang tinapay sa lunsod. Sa gayon ay inutusan ng hari si Ebedmelec na Etiope, na sinasabi: Kunin mo sa iyong pangangasiwa ang tatlumpung lalaki mula sa dakong ito, at iahon mo si Jeremias na propeta mula sa imbakang-tubig bago siya mamatay. 11 Kaya kinuha ni Ebed-melec sa kaniyang pangangasiwa ang mga lalaki at pumasok sa bahay ng hari sa ilalim ng ingatang-yaman at mula roon ay kumuha ng mga sira-sirang basahan at mga sira-sirang piraso ng tela at ibinaba ang mga ito kay Jeremias sa imbakang-tubig sa pamamagitan ng mga lubid. 12 Pagkatapos ay sinabi ni Ebedmelec na Etiope kay Jeremias: Pakisuyo, ilagay mo ang mga sira-sirang basahan at ang mga piraso ng tela sa iyong mga kilikili sa ilalim ng mga lubid. Gayon nga ang ginawa ni Jeremias. 13 Sa wakas ay hinila nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid at iniahon siya mula sa imbakang-tubig. At si Jeremias ay patuloy na nanahanan sa Looban ng Bantay. At nagsugo si Haring Zedekias at ipinadala si Jeremias na propeta sa kaniya sa ikatlong pasukang-daan, na nasa bahay ni Jehova, at sinabi ng hari kay Jeremias: May itatanong ako sa iyo. Huwag kang maglihim sa akin ng anuman. 15 Dito ay sinabi ni Jeremias kay Zedekias: Kung sasabihin ko sa iyo, hindi mo ba ako papatayin nang walang pagsala? At kung magpapayo ako sa iyo, hindi mo ako pakikinggan. 16 Sa gayon ay sumumpa si Haring Zedekias kay Jeremias sa kubling dako, na sinasabi: Buhy si Jehova, na gumawa ng
- 55 14 10

kaluluwang ito para sa atin, hindi kita papatayin, at hindi kita ibibigay sa kamay ng mga lalaking ito na naghahanap sa iyong kaluluwa. At sinabi ni Jeremias kay Zedekias: Ito ang sinabi ni Jehova, na Diyos ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Kung lalabasin mo nga ang mga prinsipe ng hari ng Babilonya, ang iyong kaluluwa ay tiyak na mananatili ring buhy at ang lunsod na ito ay hindi susunugin sa apoy, at ikaw at ang iyong sambahayan ay tiyak na mananatiling buhy. 18 Ngunit kung hindi mo lalabasin ang mga prinsipe ng hari ng Babilonya, ang lunsod na ito ay ibibigay rin sa kamay ng mga Caldeo, at susunugin nga nila ito sa apoy, at ikaw ay hindi makatatakas mula sa kanilang kamay. Sa gayon ay sinabi ni Haring Zedekias kay Jeremias: Ako ay natatakot sa mga Judio na kumampi sa mga Caldeo, dahil baka ibigay ako ng mga iyon sa kanilang kamay at baka pahirapan nga nila ako. 20 Ngunit sinabi ni Jeremias: Hindi nila gagawin ang gayong pagbibigay. Sundin mo, pakisuyo, ang tinig ni Jehova sa bagay na sinasalita ko sa iyo, at mapapabuti ka, at ang iyong kaluluwa ay mananatiling buhy. 21 Ngunit kung ikaw ay tatangging lumabas, ito ang bagay na ipinakita sa akin ni Jehova: 22 At, narito! ang lahat ng mga babae na naiwan sa bahay ng hari ng Juda ay inilalabas sa mga prinsipe ng hari ng Babilonya, at sinasabi nila, Ang mga lalaking may pakikipagpayapaan sa iyo ay nanghikayat sa iyo at nanaig sa iyo. Pinalubog nila sa burak ang iyong paa; umurong sila patungo sa kabilang direksiyon. At ang lahat ng mga asawa mo at mga anak mo ay ilalabas nila sa mga Caldeo, at ikaw ay hindi makatatakas mula sa kanilang kamay, kundi sa pamamagitan ng kamay ng hari ng Babilonya ay susunggaban ka, at
23 19 17

dahil sa iyo ay susunugin sa apoy ang lunsod na ito. At sinabi ni Zedekias kay Jeremias: Wala nawang sinumang tao ang makaalam ng tungkol sa mga bagay na ito, upang hindi ka mamatay. 25 At sakaling marinig ng mga prinsipe na nakipag-usap ako sa iyo at pumaroon nga sila sa iyo at magsabi sa iyo, Sabihin mo sa amin, pakisuyo, Ano ang sinalita mo sa hari? Huwag kang maglihim sa amin ng anuman, at hindi ka namin papatayin. At ano ang sinalita sa iyo ng hari? 26 sasabihin mo rin sa kanila, Pinararating ko sa harap ng hari ang aking paghiling ng lingap, na huwag niya akong pabalikin sa bahay ni Jehonatan upang mamatay roon. Sa kalaunan ay pumaroon kay Jeremias ang lahat ng mga prinsipe at nagsimulang magtanong sa kaniya. Sinabi naman niya sa kanila ang ayon sa lahat ng mga salitang ito na iniutos ng hari. Sa gayon ay tumahimik sila sa harap niya, sapagkat ang bagay na iyon ay hindi narinig. 28 At si Jeremias ay patuloy na nanahanan sa Looban ng Bantay hanggang sa araw na mabihag ang Jerusalem. At nangyari nga iyon nang mabihag ang Jerusalem. 39 Nang ikasiyam na taon ni Zedekias na hari ng Juda, nang ikasampung buwan, si Nabucodorosor na hari ng Babilonya at ang kaniyang buong hukbong militar ay dumating sa Jerusalem at pinasimulan nilang kubkubin iyon. Nang ikalabing-isang taon ni Zedekias, nang ikaapat na buwan, noong ikasiyam na araw ng buwan, ang lunsod ay napasok. 3 At ang lahat ng mga prinsipe ng hari ng Babilonya ay pumasok at umupo sa Gitnang Pintuangdaan, samakatuwid nga, sina Nergal-sarezer, Samgar-nebo, Sarsekim, Rabsaris, Nergalsarezer na Rabmag at ang lahat ng iba pang prinsipe ng hari ng Babilonya. At nangyari nga nang makita sila ni Zedekias na hari ng Juda at ng lahat ng mga lalaking mandirigma, sila ay nagsimulang tumakas at lumabas nang kinagabihan mula sa
4 2 27 24

- 56 -

lunsod sa daan ng hardin ng hari, sa pintuang-daan sa pagitan ng doblihang pader; at sila ay nagsilabas sa daan ng Araba. 5 At hinabol sila ng isang hukbong militar ng mga Caldeo, at naabutan nila si Zedekias sa mga disyertong kapatagan ng Jerico. Sa gayon ay kinuha nila siya at dinala siya kay Nabucodorosor na hari ng Babilonya sa Ribla sa lupain ng Hamat upang makapaglapat ito sa kaniya ng mga hudisyal na pasiya. 6 At pinatay ng hari ng Babilonya ang mga anak ni Zedekias sa Ribla sa kaniyang paningin, at ang lahat ng mga taong mahal ng Juda ay pinatay ng hari ng Babilonya. 7 At ang mga mata ni Zedekias ay binulag niya, pagkatapos ay iginapos niya ito ng mga pangaw na tanso, upang dalhin ito sa Babilonya. At ang bahay ng hari at ang mga bahay ng mga tao ay sinunog ng mga Caldeo sa apoy, at ang mga pader ng Jerusalem ay giniba nila. 9 At ang iba pa sa mga tao na naiwan sa lunsod, at ang mga humiwalay na kumampi sa kaniya, at ang iba pa sa mga tao na naiwan ay dinala ni Nebuzaradan na pinuno ng tagapagbantay sa pagkatapon sa Babilonya. At ang iba sa bayan, ang mga maralita na walang anumang pag-aari, ay hinayaan ni Nebuzaradan na pinuno ng tagapagbantay na maiwan sa lupain ng Juda; at binigyan niya sila ng mga ubasan at sapilitang pinaglingkod nang araw na iyon. Bukod diyan, nag-utos si Nabucodorosor na hari ng Babilonya may kinalaman kay Jeremias sa pamamagitan ni Nebuzaradan na pinuno ng tagapagbantay, na sinasabi: 12 Kunin mo siya at ituon mo sa kaniya ang iyong mga mata, at huwag mo siyang gawan ng anumang masama. Kundi kung ano ang salitain niya sa iyo, gayon ang gawin mo sa kaniya. Sa gayon ay nagsugo si Nebuzaradan na pinuno ng tagapagbantay at si Nebusazban na Rabsaris, at si Nergalsarezer na Rabmag at ang lahat ng mga
- 57 13 11 10 8

pangunahing lalaki ng hari ng Babilonya; 14 nagsugo nga sila at kinuha si Jeremias mula sa Looban ng Bantay at ipinaubaya siya kay Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Sapan, upang iuwi siya sa kaniyang bahay, upang manahanan siya sa gitna ng bayan. At dumating kay Jeremias ang salita ni Jehova samantalang nakakulong siya noon sa Looban ng Bantay, na nagsasabi: 16 Yumaon ka, at sabihin mo kay Ebed-melec na Etiope, Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Narito, pangyayarihin kong magkatotoo ang aking mga salita sa lunsod na ito sa ikapapahamak at hindi sa ikabubuti, at tiyak na mangyayari ang mga ito sa harap mo sa araw na iyon. At ililigtas kita sa araw na iyon, ang sabi ni Jehova, at hindi ka ibibigay sa kamay ng mga lalaki na iyong kinatatakutan. Sapagkat walang pagsalang maglalaan ako sa iyo ng pagtakas, at hindi ka mabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at tiyak na mapapasaiyo ang iyong kaluluwa bilang samsam, sapagkat nagtiwala ka sa akin, ang sabi ni Jehova. 40 Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova pagkatapos na ipadala siya ni Nebuzaradan na pinuno ng tagapagbantay mula sa Rama, nang kunin siya nito habang nakagapos siya ng mga posas sa gitna ng lahat ng mga tapon ng Jerusalem at ng Juda, na dinadala sa pagkatapon sa Babilonya. 2 At kinuha si Jeremias ng pinuno ng tagapagbantay at sinabi sa kaniya: Si Jehova na iyong Diyos ang nagsalita ng kapahamakang ito laban sa dakong ito, 3 upang pangyarihin ni Jehova na iyon ay magkatotoo at magawa ang gaya ng kaniyang sinalita, sapagkat kayo ay nagkasala laban kay Jehova at hindi sumunod sa kaniyang tinig. At ang bagay na ito ay nangyari sa inyo. 4 At ngayon, narito! pinawalan kita ngayon mula sa mga posas na nasa iyong mga kamay. Kung mabuti sa iyong paningin ang sumama sa akin sa Babilonya, halika, at iingatan kong nakatuon sa iyo ang aking mata. Ngunit kung masama
18 17 15

sa iyong paningin ang sumama sa akin sa Babilonya, tumanggi ka. Tingnan mo! Ang buong lupain ay nasa harap mo. Saanman mabuti at tama sa iyong paningin na pumaroon, pumaroon ka. At hindi pa sana siya babalik, nang sabihin ni Nebuzaradan: Bumalik ka kay Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Sapan, na inatasan ng hari ng Babilonya sa mga lunsod ng Juda, at manahanan kang kasama niya sa gitna ng bayan; o saanman tama sa iyong paningin na pumaroon, pumaroon ka. At ang pinuno ng tagapagbantay ay nagbigay sa kaniya ng panustos na pagkain at isang regalo at pinayaon siya. 6 Sa gayon ay pumaroon si Jeremias kay Gedalias na anak ni Ahikam sa Mizpah at nanahanang kasama nito sa gitna ng mga tao na naiwan sa lupain. Sa kalaunan ay narinig ng lahat ng mga pinuno ng mga hukbong militar na nasa parang, nila at ng kanilang mga lalaki, na inatasan ng hari ng Babilonya si Gedalias na anak ni Ahikam sa lupain at na inatasan siya nito sa mga lalaki at sa mga babae at sa maliliit na bata at sa ilan sa mga taong maralita sa lupain, na hindi dinala sa pagkatapon sa Babilonya. 8 Kaya pumaroon sila kay Gedalias sa Mizpa, si Ismael na anak ni Netanias at si Johanan at si Jonatan, na mga anak ni Karea, at si Seraias na anak ni Tanhumet at ang mga anak ni Epai na Netopatita at si Jezanias na anak ng Maacateo, sila at ang kanilang mga lalaki. 9 At si Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Sapan ay sumumpa sa kanila at sa kanilang mga lalaki, na sinasabi: Huwag kayong matakot na maglingkod sa mga Caldeo. Patuloy kayong manahanan sa lupain at maglingkod kayo sa hari ng Babilonya, at mapapabuti kayo. 10 At kung tungkol sa akin, narito, mananahanan ako sa Mizpa, upang tumayo sa harap ng mga Caldeo na paririto sa atin. At kayo naman, magtipon kayo ng alak at mga bungang pantag-araw at langis
7 5

at ilagay ninyo sa inyong mga sisidlan at manahanan kayo sa inyong mga lunsod na nasakop ninyo. At ang lahat ng mga Judio na nasa Moab at nasa gitna ng mga anak ni Ammon at nasa Edom at yaong mga nasa lahat ng iba pang lupain, narinig din nila na ang hari ng Babilonya ay nagbigay ng nalabi sa Juda at na inatasan niya sa kanila si Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Sapan. 12 At ang lahat ng mga Judio ay nagsimulang bumalik mula sa lahat ng dako kung saan sila nanabog, at patuloy silang nagsiparoon sa lupain ng Juda kay Gedalias sa Mizpa. At nagtipon sila ng alak at mga bungang pantag-araw na pagkaramirami. Kung tungkol kay Johanan na anak ni Karea at sa lahat ng mga pinuno ng mga hukbong militar na nasa parang, pumaroon sila kay Gedalias sa Mizpa. 14 At sinabi nila sa kaniya: Hindi mo ba alam na isinugo ni Baalis, na hari ng mga anak ni Ammon, si Ismael na anak ni Netanias upang saktan ka hanggang sa kaluluwa? Ngunit si Gedalias na anak ni Ahikam ay hindi naniwala sa kanila. At sinabi ni Johanan na anak ni Karea kay Gedalias, sa isang kubling dako sa Mizpa: Nais kong pumaroon ngayon at pabagsakin si Ismael na anak ni Netanias, yamang walang sinumang makaaalam. Bakit ka nga niya sasaktan hanggang sa kaluluwa, at bakit mangangalat ang lahat niyaong sa Juda na natitipon sa iyo at malilipol ang nalabi ng Juda? 16 Ngunit sinabi ni Gedalias na anak ni Ahikam kay Johanan na anak ni Karea: Huwag mong gawin ang bagay na ito, sapagkat isang kabulaanan ang sinasalita mo may kinalaman kay Ismael. 41 Kaya nangyari nga nang ikapitong buwan, si Ismael na anak ni Netanias na anak ni Elisama na mula sa maharlikang supling at mula sa mga pangunahing lalaki ng hari at ang sampung iba pang mga lalaki na kasama niya ay pumaroon kay Gedalias na anak ni Ahikam sa Mizpa. At doon ay magkakasama silang kumain ng tinapay sa Mizpa. 2 Sa gayon ay
- 58 15 13 11

tumindig si Ismael na anak ni Netanias at ang sampung lalaki na kasama niya at sinaktan si Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Sapan sa pamamagitan ng tabak. Gayon niya pinatay ang isa na inatasan ng hari ng Babilonya upang mamahala sa lupain. 3 At ang lahat ng mga Judio na kasama niya, na kasama nga ni Gedalias, sa Mizpa, at ang mga Caldeo na nasumpungan doon, samakatuwid nga, ang mga lalaking mandirigma, ay pinagpapatay ni Ismael. At nangyari nang ikalawang araw matapos na patayin si Gedalias, noong wala pang sinumang nakaaalam nito, 5 may dumating na mga lalaki mula sa Sikem, mula sa Shilo at mula sa Samaria, walumpung lalaking nag-ahit ng kanilang mga balbas at naghapak ng kanilang mga kasuutan at naghiwa sa kanilang sarili, at may handog na mga butil at olibano sa kanilang kamay upang dalhin sa bahay ni Jehova. 6 Kaya si Ismael na anak ni Netanias ay lumabas mula sa Mizpa upang salubungin sila, at tumatangis siya habang lumalakad. At nangyari na nang masalubong niya sila ay sinabi niya sa kanila: Pumaroon kayo kay Gedalias na anak ni Ahikam. 7 Ngunit nangyari nga na nang makapasok sila sa loob ng lunsod ay pinagpapatay sila ni Ismael na anak ni Netanias at inihagis sila sa loob ng imbakang-tubig, niya at ng mga lalaking kasama niya. Ngunit sampung lalaki na nasumpungang kasama nila ang kaagad na nagsabi kay Ismael: Huwag mo kaming patayin, sapagkat mayroon kaming mga nakatagong kayamanan sa parang, trigo at sebada at langis at pulot-pukyutan. Kaya nagpigil siya, at hindi niya sila pinatay sa gitna ng kanilang mga kapatid. 9 At ang imbakang-tubig na pinaghagisan ni Ismael ng lahat ng bangkay ng mga lalaking pinagpapatay niya ay isang malaking imbakang-tubig, yaong ginawa ni Haring Asa dahil kay Baasa na hari ng Israel. Iyon ang pinun ni Ismael na anak ni Netanias ng mga napatay.
- 59 8 4

Nang magkagayon ay binihag ni Ismael ang lahat ng nalabi sa mga tao na nasa Mizpa, ang mga anak na babae ng hari at ang buong bayan na natira sa Mizpa, na inilagay ni Nebuzaradan na pinuno ng tagapagbantay sa pag-iingat ni Gedalias na anak ni Ahikam. Binihag nga sila ni Ismael na anak ni Netanias at yumaon upang tumawid patungo sa mga anak ni Ammon. Sa kalaunan ay narinig ni Johanan na anak ni Karea at ng lahat ng pinuno ng mga hukbong militar na kasama niya ang lahat ng kasamaang ginawa ni Ismael na anak ni Netanias. 12 Dahil dito ay isinama nila ang lahat ng mga lalaki at yumaon upang makipaglaban kay Ismael na anak ni Netanias at nasumpungan nila siya sa tabi ng saganang tubig na nasa Gibeon. At nangyari nga, nang makita ng lahat ng mga taong kasama ni Ismael si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng pinuno ng mga hukbong militar na kasama niya, sila ay nagsaya. 14 At ang lahat ng mga tao na dinalang bihag ni Ismael mula sa Mizpa ay yumaon at bumalik at pumaroon kay Johanan na anak ni Karea. 15 At kung tungkol kay Ismael na anak ni Netanias, tumakas siyang kasama ng walong lalaki mula sa harap ni Johanan, upang makaparoon siya sa mga anak ni Ammon. Kinuha ngayon ni Johanan na anak ni Karea at ng lahat ng pinuno ng mga hukbong militar na kasama niya ang lahat ng nalabi sa mga tao na naibalik nila mula kay Ismael na anak ni Netanias, mula sa Mizpa, pagkatapos nitong pabagsakin si Gedalias na anak ni Ahikam, matitipunong lalaki, mga lalaking mandirigma, at ang mga asawa at ang maliliit na bata at ang mga opisyal ng korte, na ibinalik niya mula sa Gibeon. 17 Kaya sila ay yumaon at nanahanan sa tuluyang dako ni Kimham na nasa tabi ng Betlehem, upang magpatuloy at pumasok sa Ehipto, 18 dahil sa mga Caldeo; sapagkat natakot sila dahil sa mga iyon, sapagkat pinatay ni Ismael na anak ni Netanias
16 13 11

10

si Gedalias na anak ni Ahikam, na inatasan ng hari ng Babilonya upang mamahala sa lupain. 42 At ang lahat ng pinuno ng mga hukbong militar at si Johanan na anak ni Karea at si Jezanias na anak ni Hosaias at ang buong bayan, mula sa pinakamaliit at hanggang sa pinakadakila, ay lumapit 2 at nagsabi kay Jeremias na propeta: Makarating nawa sa harap mo ang aming paghiling ng lingap, pakisuyo, at manalangin ka kay Jehova na iyong Diyos para sa amin, para sa lahat ng nalabing ito, sapagkat naiwan kami, kakaunti na nanggaling sa marami, gaya ng nakikita sa amin ng iyong mga mata. 3 At sabihin nawa sa amin ni Jehova na iyong Diyos ang daan na dapat naming lakaran at ang bagay na dapat naming gawin. Sa gayon ay sinabi sa kanila ni Jeremias na propeta: Narinig ko. Narito, mananalangin ako kay Jehova na inyong Diyos ayon sa inyong mga salita; at mangyayari nga na ang bawat salita na isasagot sa inyo ni Jehova ay sasabihin ko sa inyo. Hindi ko ipagkakait sa inyo ang isa mang salita. At sila, sa ganang kanila, ay nagsabi kay Jeremias: Si Jehova nawa ay maging totoo at tapat na saksi laban sa amin kung hindi ayon sa bawat salitang pararatingin sa iyo ni Jehova na iyong Diyos para sa amin ang mismong gagawin namin. 6 Mabuti man o masama, ang tinig ni Jehova na aming Diyos na pinagsusuguan namin sa iyo ang susundin namin, sa layon na mapabuti kami sapagkat sinusunod namin ang tinig ni Jehova na aming Diyos. At nangyari sa pagwawakas ng sampung araw, ang salita ni Jehova ay dumating kay Jeremias. 8 Kaya ipinatawag niya si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng pinuno ng mga hukbong militar na kasama niya at ang buong bayan, mula sa pinakamaliit at hanggang sa pinakadakila; 9 at sinabi niya sa kanila: Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, na pinagsuguan
- 60 7 5 4

ninyo sa akin upang paratingin sa harap niya ang inyong paghiling ng lingap, 10 Kung talagang patuloy kayong mananahanan sa lupaing ito, itatayo ko rin kayo at hindi ko kayo gigibain, at itatanim ko kayo at hindi ko kayo bubunutin; sapagkat tiyak na ikalulungkot ko ang kapahamakan na pinangyari ko sa inyo. 11 Huwag kayong matakot dahil sa hari ng Babilonya, na inyong kinatatakutan. Huwag kayong matakot dahil sa kaniya, ang sabi ni Jehova, sapagkat ako ay sumasainyo, upang iligtas kayo at hanguin kayo mula sa kaniyang kamay. 12 At magbibigay ako sa inyo ng kaawaan, at tiyak na kaaawaan niya kayo at ibabalik niya kayo sa inyong sariling lupa. Ngunit kung sasabihin ninyo: Hindi; hindi kami mananahanan sa lupaing ito! upang suwayin ang tinig ni Jehova na inyong Diyos, 14 na sinasabi: Hindi, kundi sa lupain ng Ehipto kami papasok, kung saan hindi kami makakakita ng digmaan at ang tunog ng tambuli ay hindi namin maririnig at sa tinapay ay hindi kami magugutom; at doon kami mananahanan; 15 ngayon pa man ay dinggin nga ninyo ang salita ni Jehova, O nalabi ng Juda. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Kung kayo ay talagang magtutuon ng inyong mga mukha na pumasok sa Ehipto at pumasok nga kayo upang manirahan doon bilang mga dayuhan, 16 mangyayari rin na aabutan kayo roon ng mismong tabak na inyong kinatatakutan sa lupain ng Ehipto, at ang mismong taggutom na inyong kinasisindakan ay kaagad na susunod sa inyo roon sa Ehipto; at doon kayo mamamatay. 17 At mangyayari nga na ang lahat ng mga lalaki na nagtuon ng kanilang mga mukha na pumasok sa Ehipto upang manirahan doon bilang mga dayuhan ang siyang mamamatay sa tabak, sa taggutom at sa salot; at hindi magkakaroon sa kanila ng isa mang nakaligtas o takas, dahil sa kapahamakan na pasasapitin ko sa kanila. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Kung paanong
18 13

ang aking galit at ang aking pagngangalit ay nabuhos sa mga tumatahan sa Jerusalem, gayon ibubuhos sa inyo ang aking pagngangalit dahil sa pagpasok ninyo sa Ehipto, at kayo ay tiyak na magiging sumpa at bagay na panggigilalasan at kasumpaan at kadustaan, at hindi na ninyo makikita pa ang dakong ito. Si Jehova ay nagsalita laban sa inyo, O nalabi ng Juda. Huwag kayong pumasok sa Ehipto. Alamin nga ninyo na ako ay nagpatotoo ngayon laban sa inyo, 20 na kayo ay gumawa ng kamalian laban sa inyong mga kaluluwa; sapagkat isinugo ninyo ako kay Jehova na inyong Diyos, na sinasabi, Manalangin ka kay Jehova na aming Diyos para sa amin; at ayon sa lahat ng sasabihin ni Jehova na aming Diyos ay sabihin mo sa amin nang gayon, at tiyak na gagawin namin. 21 At sinasabi ko sa inyo ngayon, ngunit tiyak na hindi ninyo susundin ang tinig ni Jehova na inyong Diyos o ang anumang bagay na pinagsuguan niya sa akin para sa inyo. 22 At ngayon ay alamin nga ninyo na sa tabak, sa taggutom at sa salot ay mamamatay kayo sa dako na kinalulugdan ninyong pasukin upang manirahan bilang mga dayuhan. 43 At nangyari nga nang matapos ni Jeremias na salitain sa buong bayan ang lahat ng mga salita ni Jehova na kanilang Diyos na pinagsuguan sa kaniya ni Jehova na kanilang Diyos para sa kanila, ang lahat nga ng mga salitang ito, 2 si Azarias na anak ni Hosaias at si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng mga lalaking pangahas ay nagsabi kay Jeremias: Kabulaanan ang iyong sinasalita. Hindi ka isinugo ni Jehova na aming Diyos, na sinasabi, Huwag kayong pumasok sa Ehipto upang manirahan doon bilang mga dayuhan. 3 Kundi sinusulsulan ka ni Baruc na anak ni Nerias laban sa amin sa layuning ibigay kami sa kamay ng mga Caldeo, upang patayin kami o dalhin kami sa pagkatapon sa Babilonya.
19

At si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng pinuno ng mga hukbong militar at ang buong bayan ay hindi sumunod sa tinig ni Jehova, na manatili sa pagtahan sa lupain ng Juda. 5 Kaya kinuha ni Johanan na anak ni Karea at ng lahat ng pinuno ng mga hukbong militar ang lahat ng nalabi ng Juda na bumalik mula sa lahat ng mga bansa kung saan sila nanabog, upang manirahan nang sumandali sa lupain ng Juda, 6 maging ang matitipunong lalaki at ang mga asawa at ang maliliit na bata at ang mga anak na babae ng hari at ang bawat kaluluwa na hinayaan ni Nebuzaradan na pinuno ng tagapagbantay na manatiling kasama ni Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Sapan, at si Jeremias na propeta at si Baruc na anak ni Nerias. 7 At sa kalaunan ay pumasok sila sa lupain ng Ehipto, sapagkat hindi nila sinunod ang tinig ni Jehova; at nakarating sila hanggang sa Tapanhes. At ang salita ni Jehova ay dumating kay Jeremias sa Tapanhes, na nagsasabi: 9 Magdala ka sa iyong kamay ng malalaking bato, at itago mo ang mga iyon sa argamasa sa hagdan-hagdang laryo na nasa pasukan ng bahay ni Paraon sa Tapanhes sa paningin ng mga lalaking Judio. 10 At sabihin mo sa kanila, Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Narito, magsusugo ako at kukunin ko si Nabucodorosor na hari ng Babilonya, na aking lingkod, at ilalagay ko ang kaniyang trono sa ibabaw mismo ng mga batong ito na aking itinago, at tiyak na ilaladlad niya ang kaniyang maringal na tolda sa ibabaw ng mga iyon. 11 At darating siya at sasaktan ang lupain ng Ehipto. Ang sinumang marapat sa nakamamatay na salot ay magiging ukol sa nakamamatay na salot, at ang sinumang marapat sa pagkabihag ay magiging ukol sa pagkabihag, at ang sinumang marapat sa tabak ay magiging ukol sa tabak. 12 At magpapalagablab ako ng apoy sa mga bahay ng mga diyos ng Ehipto; at tiyak na susunugin niya sila at dadalhin silang bihag at babalutin niya ang kaniyang sarili sa lupain ng Ehipto, kung paanong ibinabalot ng pastol sa kaniyang sarili ang kaniyang kasuutan, at lalabas nga
8

- 61 -

siya mula roon nang payapa. 13 At tiyak na pagdudurug-durugin niya ang mga haligi ng Bet-semes, na nasa lupain ng Ehipto; at ang mga bahay ng mga diyos ng Ehipto ay susunugin niya sa apoy. 44 Ang salita na dumating kay Jeremias para sa lahat ng mga Judio na nananahanan sa lupain ng Ehipto, yaong mga nananahanan sa Migdol at sa Tapanhes at sa Nop at sa lupain ng Patros, na nagsasabi: 2 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Nakita ninyo ang lahat ng kapahamakan na pinasapit ko sa Jerusalem at sa lahat ng mga lunsod ng Juda, at narito, ang mga iyon ay wasak na dako sa araw na ito, at walang tumatahan sa mga iyon. 3 Ito ay dahil sa kanilang kasamaan na ginawa nila upang galitin ako sa kanilang paghayo at paggawa ng haing usok at paglilingkod sa ibang mga diyos na hindi nila nakilala, ninyo man o ng inyong mga ninuno. 4 At patuloy kong isinugo sa inyo ang lahat ng aking mga lingkod na mga propeta, na bumabangon nang maaga at nagsusugo, na nagsasabi: Pakisuyo, huwag ninyong gawin ang ganitong uri ng karima-rimarim na bagay na kinapopootan ko. 5 Ngunit hindi sila nakinig, ni ikiniling man nila ang kanilang pandinig upang talikuran ang kanilang kasamaan sa pamamagitan ng hindi paggawa ng haing usok para sa ibang mga diyos. 6 Kaya ang aking pagngangalit, at ang aking galit, ay nabuhos at ito ay nagningas sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem; at ang mga iyon ay naging wasak na dako, isang tiwangwang na kaguhuan, gaya ng sa araw na ito. At ngayon ay ito ang sinabi ni Jehova, na Diyos ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Bakit kayo nagpapasapit ng malaking kapahamakan sa inyong mga kaluluwa, upang lipulin mula sa inyo ang lalaki at ang babae, ang bata at ang pasusuhin, mula sa gitna ng Juda, anupat wala kayong itinitirang nalabi sa ganang inyo; 8 na ginagalit ako dahil sa mga gawa ng inyong mga kamay sa pamamagitan ng paggawa ng haing usok
- 62 7

para sa ibang mga diyos sa lupain ng Ehipto, na doon ay pumapasok kayo upang manirahan bilang mga dayuhan; sa layuning magpangyari ng inyong pagkalipol at sa layuning kayo ay maging kasumpaan at kadustaan sa gitna ng lahat ng mga bansa sa lupa? 9 Nalimutan na ba ninyo ang masasamang gawa ng inyong mga ninuno at ang masasamang gawa ng mga hari ng Juda at ang masasamang gawa ng kanilang mga asawa at ang inyong sariling masasamang gawa at ang masasamang gawa ng inyong mga asawa, na ginawa nila sa lupain ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem? 10 At hanggang sa araw na ito ay hindi sila nabagbag, at hindi sila natakot, ni lumakad man sila sa aking kautusan at sa aking mga batas na inilagay ko sa harap ninyo at sa harap ng inyong mga ninuno. Kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Narito, itutuon ko ang aking mukha laban sa inyo sa ikapapahamak at upang malipol ang buong Juda. 12 At kukunin ko ang nalabi ng Juda na nagtutuon ng kanilang mga mukha na pumasok sa lupain ng Ehipto upang manirahan doon bilang mga dayuhan, at silang lahat ay tiyak na malilipol sa lupain ng Ehipto. Mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak; at sa pamamagitan ng taggutom ay malilipol sila, mula sa pinakamaliit at hanggang sa pinakadakila; sa pamamagitan ng tabak at ng taggutom ay mamamatay sila. At sila ay magiging isang sumpa, isang bagay na panggigilalasan at isang kasumpaan at isang kadustaan. 13 At hihingi ako ng pagsusulit laban sa mga nananahanan sa lupain ng Ehipto, kung paanong humingi ako ng pagsusulit laban sa Jerusalem, sa pamamagitan ng tabak, ng taggutom at ng salot. 14 At hindi magkakaroon ng takas o ng sinumang makaliligtas sa nalabi ng Juda na pumapasok upang manirahan doon bilang mga dayuhan, sa lupain ng Ehipto, upang bumalik nga sa lupain ng Juda na pinagnanasaang balikan ng kanilang kaluluwa upang tahanan; sapagkat hindi sila babalik, maliban sa ilang takas.
11

At ang lahat ng mga lalaki na nakaaalam na ang kanilang mga asawa ay gumagawa ng haing usok para sa ibang mga diyos, at ang lahat ng mga asawang babae na tumatayo bilang isang malaking kongregasyon, at ang buong bayan na nananahanan sa lupain ng Ehipto, sa Patros, ay sumagot kay Jeremias, na sinasabi: 16 Kung tungkol sa salita na sinalita mo sa amin sa pangalan ni Jehova, hindi kami makikinig sa iyo; 17 kundi talagang gagawin namin ang bawat salita na lumabas sa aming bibig, upang gumawa ng haing usok para sa reyna ng langit at magbuhos para sa kaniya ng mga handog na inumin, gaya ng ginawa namin at ng aming mga ninuno, ng aming mga hari at ng aming mga prinsipe sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem, noong kami ay nabubusog sa tinapay at mariwasa, at hindi kami nakakita ng anumang kapahamakan. 18 At mula nang panahong maglubay kami sa paggawa ng haing usok para sa reyna ng langit at sa pagbubuhos ng mga handog na inumin para sa kaniya ay kinulang na kami sa lahat ng bagay, at sa pamamagitan ng tabak at ng taggutom ay dumating kami sa aming katapusan. Gayundin, noong kami ay gumagawa ng haing usok para sa reyna ng langit at nagbubuhos ng mga handog na inumin para sa kaniya, gumawa ba kami para sa kaniya ng mga haing tinapay nang hindi nagpapaalam sa aming mga asawang lalaki, upang gumawa ng kaniyang imahen, at magbuhos ng mga handog na inumin para sa kaniya? Sinabi naman ni Jeremias sa buong bayan, sa matitipunong lalaki at sa mga asawang babae at sa buong bayan, na sumagot sa kaniya ng salita, na sinasabi: 21 Kung tungkol sa haing usok na ginawa ninyo sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem, kayo at ang inyong mga ninuno, ang inyong mga hari at ang inyong mga prinsipe at ang bayan ng lupain, hindi ba ito ang inalaala ni Jehova at siyang
- 63 20 19

15

pumasok sa kaniyang puso? 22 Nang dakong huli ay hindi na nakapagtiis si Jehova dahil sa kasamaan ng inyong mga pakikitungo, dahil sa mga karima-rimarim na bagay na ginawa ninyo, kung kaya ang inyong lupain ay naging isang wasak na dako at isang bagay na panggigilalasan at isang kasumpaan, na walang tumatahan, gaya ng sa araw na ito. 23 Sa dahilang gumawa kayo ng haing usok at nagkasala kayo laban kay Jehova at hindi kayo sumunod sa tinig ni Jehova at ang kaniyang kautusan at ang kaniyang mga batas at ang kaniyang mga paalaala ay hindi ninyo nilakaran, iyan ang dahilan kung bakit nangyari sa inyo ang kapahamakang ito gaya ng sa araw na ito. At si Jeremias ay patuloy na nagsabi sa buong bayan at sa lahat ng mga babae: Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, buong Juda na nasa lupain ng Ehipto. 25 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Kung tungkol sa inyo na mga lalaki at sa inyong mga asawa, kayong mga babae ay nagsasalita rin sa pamamagitan ng inyong mga bibig, (at sa pamamagitan ng inyong mga kamay ay tinupad ninyo,) na sinasabi: Isasagawa namin nang walang pagsala ang aming mga panata na ipinanata namin, na gumawa ng haing usok para sa reyna ng langit at magbuhos ng mga handog na inumin para sa kaniya. Walang pagsalang tutuparin ninyong mga babae ang inyong mga panata, at walang pagsalang isasagawa ninyo ang inyong mga panata. Kaya dinggin ninyo ang salita ni Jehova, buong Juda na nananahanan sa lupain ng Ehipto, Narito, ako ay sumumpa sa pamamagitan ng aking dakilang pangalan, ang sabi ni Jehova, na ang aking pangalan ay hindi na sasambitin ng bibig ng sinumang tao ng Juda, na sasabihin, Buhy ang Soberanong Panginoong Jehova! sa buong lupain ng Ehipto. 27 Narito, ako ay magiging mapagbantay sa kanila sa ikapapahamak at hindi sa ikabubuti; at ang lahat ng mga tao ng Juda na nasa lupain ng Ehipto ay tiyak na malilipol sa pamamagitan ng tabak at ng
26 24

taggutom, hanggang sa maglaho sila. 28 At kung tungkol sa mga makatatakas mula sa tabak, babalik sila sa lupain ng Juda mula sa lupain ng Ehipto, na kakaunti ang bilang; at malalaman nga ng lahat ng kasama sa nalabi ng Juda, na papasok sa lupain ng Ehipto upang manirahan doon bilang mga dayuhan, kung kaninong salita ang magkakatotoo, yaong mula sa akin o yaong mula sa kanila. At ito ang tanda para sa inyo, ang sabi ni Jehova, na ibabaling ko sa inyo ang aking pansin sa dakong ito, upang malaman ninyo na ang aking mga salita ay walang pagsalang magkakatotoo sa inyo sa ikapapahamak: 30 Ito ang sinabi ni Jehova: Narito, ibibigay ko si Paraon Hopra, na hari ng Ehipto, sa kamay ng kaniyang mga kaaway at sa kamay niyaong mga naghahanap sa kaniyang kaluluwa, kung paanong ibinigay ko si Zedekias na hari ng Juda sa kamay ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya, ang kaniyang kaaway at siyang naghahanap sa kaniyang kaluluwa. 45 Ang salita na sinalita ni Jeremias na propeta kay Baruc na anak ni Nerias nang isulat niya sa isang aklat ang mga salitang ito mula sa bibig ni Jeremias nang ikaapat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, na nagsasabi: Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel may kinalaman sa iyo, O Baruc, 3 Sinabi mo: Sa aba ko ngayon, sapagkat dinagdagan ni Jehova ng pamimighati ang aking kirot! Nanghimagod ako dahil sa aking pagbubuntunghininga, at wala akong nasumpungang pahingahang-dako. Ito ang dapat mong sabihin sa kaniya, Ito ang sinabi ni Jehova: Narito! Ang itinayo ko ay aking gigibain, at ang itinanim ko ay aking bubunutin, ang buong lupain nga. 5 Ngunit kung tungkol sa iyo, patuloy kang humahanap ng mga dakilang bagay para sa iyong sarili. Huwag ka nang maghanap.
4 2 29

Sapagkat narito, magpapasapit ako ng kapahamakan sa lahat ng laman, ang sabi ni Jehova, at ibibigay ko sa iyo ang iyong kaluluwa bilang samsam sa lahat ng dako na iyong paroroonan. 46 Ito ang dumating bilang salita ni Jehova kay Jeremias na propeta may kinalaman sa mga bansa: 2 Para sa Ehipto, may kinalaman sa hukbong militar ni Paraon Neco na hari ng Ehipto, na naroon sa tabi ng ilog ng Eufrates sa Carkemis, na natalo ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya nang ikaapat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda: 3 Maghanda kayo ng pansalag at ng malaking kalasag, at lumapit kayo sa pagbabaka. 4 Singkawan ninyo ang mga kabayo, at sumakay kayo, O kayong mga mangangabayo, at tumayo kayong suot ang helmet. Pakintabin ang mga sibat. Magsuot kayo ng mga kutamaya. Bakit ko sila nakitang lipos ng pangingilabot? Umuurong sila, at ang kanilang makapangyarihang mga lalaki ay nalupig; at tumakas nga sila, at hindi sila lumilingon. May pagkatakot sa buong palibot, ang sabi ni Jehova. 6 Ang matulin ay huwag magtangkang tumanan, at ang makapangyarihang lalaki ay huwag magtangkang tumakas. Sa hilaga sa may pampang ng ilog ng Eufrates ay natisod sila at nabuwal. Sino ang isang ito na dumarating na parang Ilog Nilo, parang mga ilog na may tubig na umaalimbukay? 8 Ang Ehipto ay dumarating na parang Ilog Nilo, at ang tubig ay umaalimbukay na parang mga ilog. At sinasabi nito, Aahon ako. Tatakpan ko ang lupa. Kaagad kong wawasakin ang lunsod at ang mga tumatahan doon. 9 Umahon kayo, O kayong mga kabayo; at humagibis kayo, O kayong mga karo! At magsilabas ang makapangyarihang mga lalaki, sina Cus at Put, na humahawak ng kalasag, at ang mga Ludim, na humahawak at yumayapak sa busog. At ang araw na iyon ay nauukol sa Soberanong Panginoon, kay Jehova ng mga hukbo, ang araw ng paghihiganti upang
- 64 10 7 5

maghiganti sa kaniyang mga kalaban. At ang tabak ay tiyak na manlalamon at magpapakabusog at magpapakasasa sa kanilang dugo, sapagkat ang Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ay may hain sa lupain ng hilaga sa tabi ng ilog ng Eufrates. Umahon ka sa Gilead at kumuha ka ng balsamo, O anak na dalaga ng Ehipto. Walang kabuluhan ang pagpaparami mo ng mga pagpapagaling. Wala nang pagsasaayos para sa iyo. 12 Narinig ng mga bansa ang iyong kasiraang-puri at napuno ng iyong hiyaw ang lupain. Sapagkat natisod sila, makapangyarihang lalaki laban sa makapangyarihang lalaki. Magkasama silang nabuwal, silang dalawa. Ang salita na sinalita ni Jehova kay Jeremias na propeta may kinalaman sa pagdating ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya upang pabagsakin ang lupain ng Ehipto: 14 Sabihin ninyo iyon sa Ehipto, at ipahayag ninyo sa Migdol, at ipahayag ninyo sa Nop at sa Tapanhes. Sabihin ninyo, Tumayo ka, at maghanda ka rin sa ganang iyo, sapagkat isang tabak ang tiyak na manlalamon sa buong palibot mo. 15 Bakit natangay ang iyong mga makapangyarihan? Hindi sila nakapanindigan, sapagkat si Jehova ang nagtaboy sa kanila. 16 Natitisod sila nang maramihan. Nabubuwal din sila. At patuloy silang nagsasabi sa isat isa: Bumangon ka, at bumalik tayo sa ating bayan at sa lupain ng ating mga kamag-anak dahil sa mapagmalupit na tabak. 17 Doon ay inihayag nila, Si Paraon na hari ng Ehipto ay isang ingay lamang. Pinalipas niya ang panahon ng pista. Buhy ako, ang sabi ng Hari, na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo, darating siyang gaya ng Tabor sa gitna ng mga bundok at gaya ng Carmel sa tabi ng dagat. 19 Gumawa ka sa ganang iyo ng bagahe para sa pagkatapon, O babaing nananahanan, na anak na babae ng Ehipto. Sapagkat ang Nop ay magiging isang bagay lamang na
18 13 11

panggigilalasan at susunugin nga, anupat mawawalan ng tumatahan. 20 Ang Ehipto ay tulad ng isang napakagandang dumalagang baka. Mula sa hilaga ay isang lamok ang tiyak na darating laban sa kaniya. 21 Karagdagan pa, ang kaniyang mga upahang kawal sa gitna niya ay parang mga guyang pinataba. Ngunit sila rin ay umurong; tumakas silang samasama. Hindi sila nakapanindigan. Sapagkat ang mismong araw ng kanilang kasakunaan ay dumating sa kanila, ang panahon ng pagtutuon ng pansin sa kanila. Ang kaniyang tinig ay tulad ng sa isang serpiyente na yumayaon; sapagkat ang mga lalaki ay hahayong may kalakasan, at paroroon nga sila sa kaniya na may mga palakol, gaya ng mga nangunguha ng mga piraso ng kahoy. 23 Tiyak na puputulin nila ang kaniyang kagubatan, ang sabi ni Jehova, sapagkat hindi iyon mapasok. Sapagkat dumami sila nang higit pa kaysa sa balang, at wala silang bilang. 24 Ang anak na babae ng Ehipto ay tiyak na mapapahiya. Talagang ibibigay siya sa kamay ng bayan sa hilaga. Si Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, ay nagsabi, Narito, ibabaling ko ang aking pansin kay Amon na mula sa No at kay Paraon at sa Ehipto at sa kaniyang mga diyos at sa kaniyang mga hari, kay Paraon nga at sa lahat ng nagtitiwala sa kaniya. At ibibigay ko sila sa kamay niyaong mga naghahanap sa kanilang kaluluwa at sa kamay ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya at sa kamay ng kaniyang mga lingkod; at pagkatapos ay tatahanan siyang gaya ng mga araw noong una, ang sabi ni Jehova. At kung tungkol sa iyo, huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod, at huwag kang malipos ng pangingilabot, O Israel. Sapagkat narito, ililigtas kita mula sa malayo at ang iyong supling mula sa lupain ng kanilang pagkabihag. At ang Jacob ay tiyak na babalik at hindi na maliligalig at magiging tiwasay at hindi panginginigin ninuman. 28 Kung tungkol sa iyo, huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod, ang sabi ni Jehova, sapagkat ako ay
- 65 27 26 25 22

sumasaiyo. Sapagkat magsasagawa ako ng paglipol sa gitna ng lahat ng mga bansa kung saan kita ipinanabog, ngunit sa iyo ay hindi ako magsasagawa ng paglipol. Gayunman ay kailangang parusahan kita sa wastong antas, at talagang hindi kita hahayaang dinaparurusahan. 47 Ito ang naging salita ni Jehova kay Jeremias na propeta may kinalaman sa mga Filisteo bago pabagsakin ni Paraon ang Gaza. 2 Ito ang sinabi ni Jehova: Narito! May tubig na umaahon mula sa hilaga at naging humuhugos na ilog. At babahain nito ang lupain at ang lahat ng naroroon, ang lunsod at ang mga tumatahan doon. At tiyak na hihiyaw ang mga tao, at magpapalahaw ang lahat ng nananahanan sa lupain. 3 Sa ingay ng pagpadyak ng mga paa ng kaniyang mga barakong kabayo, sa pagkalampag ng kaniyang mga karong pandigma, ang hugong ng kaniyang mga gulong, hindi lilingunin ng mga ama ang mga anak, dahil sa paglaylay ng kanilang mga kamay, 4 dahil sa araw na dumarating upang samsaman ang lahat ng mga Filisteo, upang lipulin mula sa Tiro at mula sa Sidon ang bawat nakaligtas na tumutulong. Sapagkat sinasamsaman ni Jehova ang mga Filisteo, na siyang mga nalalabi mula sa pulo ng Captor. 5 Ang pagkakalbo ay darating sa Gaza. Ang Askelon ay pinatahimik. O nalabi ng kanilang mababang kapatagan, hanggang kailan ka pa maghihiwa sa iyong sarili? Aha, ang tabak ni Jehova! Hanggang kailan ka hindi mananahimik? Masuksok ka sa iyong kaluban. Magpahinga ka at manahimik. Paano iyon makapananahimik, gayong inutusan iyon ni Jehova mismo? Iyon ay para sa Askelon at para sa baybayin ng dagat. Doon niya iyon itinakdang maparoon. 48 Para sa Moab ay ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Sa aba ng Nebo, sapagkat siya ay sinamsaman! Ang Kiriataim ay nalagay sa
7 6

kahihiyan, nabihag. Ang matibay na kaitaasan ay nalagay sa kahihiyan at dinatnan ng kakilabutan. 2 Wala nang anumang kapurihan ang Moab. Sa Hesbon ay nag-isip sila ng kapahamakan laban sa kaniya: Halikayo at pawiin natin siya mula sa pagiging isang bansa. Ikaw rin, O Madmen, ay dapat na manahimik. Isang tabak ang lumalakad na kasunod mo. 3 May ingay ng paghiyaw mula sa Horonaim, pananamsam at malaking pagkagiba. 4 Ang Moab ay nagiba. Ang kaniyang maliliit na bata ay nagparinig ng isang sigaw. 5 Sapagkat sa daang paahon sa Luhit ay may pagtangis na umaahon ang isa may pagtangis. Sapagkat sa daang palusong mula sa Horonaim ay may hiyaw ng pamimighati dahil sa pagkagiba na narinig ng mga tao. Tumanan kayo; maglaan kayo ng pagtakas para sa inyong mga kaluluwa, at kayo ay maging gaya ng puno ng enebro sa ilang. 7 Dahil ang iyong tiwala ay nasa iyong mga gawa at nasa iyong kayamanan, ikaw ay bibihagin din. At si Kemos ay tiyak na yayaon sa pagkatapon, ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasabay. 8 At ang mananamsam ay papasok sa bawat lunsod, at walang lunsod na makatatakas. At ang mababang kapatagan ay tiyak na mapapahamak at ang patag na lupain ay maglalaho, isang bagay na sinabi ni Jehova. Magbigay kayo sa Moab ng palatandaan sa daan, sapagkat sa pagkaguho ay lalabas siya; at ang kaniya mismong mga lunsod ay magiging isang bagay lamang na panggigilalasan, na walang sinumang tatahan sa mga iyon. Sumpain siya na nagsasagawa ng atas ni Jehova nang may kapabayaan; at sumpain siya na nagpipigil ng kaniyang tabak mula sa dugo! Ang mga Moabita ay tiwasay mula nang kanilang kabataan, at sila ay nananatiling
11 10 9 6

- 66 -

panatag sa kanilang latak. At hindi pa sila napagsalin-salin sa sisidlan at sisidlan, at hindi pa sila yumayaon sa pagkatapon. Kaya naman ang kanilang lasa ay nananatili sa kanila, at ang kanilang amoy ay hindi nagbabago. Kaya nga, narito! dumarating ang mga araw, ang sabi ni Jehova, at ako ay magpapadala sa kanila ng mga tagapagtagilid ng sisidlan, at tiyak na itatagilid sila ng mga iyon; at ang kanilang mga sisidlan ay sasairin nila, at ang kanilang malalaking banga ay pagdudurug-durugin nila. 13 At tiyak na ikahihiya ng mga Moabita si Kemos, kung paanong ikinahiya ng mga nasa sambahayan ng Israel ang Bethel na kanilang pinagtitiwalaan. 14 Anot nangahas kayong magsabi: Kami ay makapangyarihang mga lalaki at mga lalaking may kalakasan para sa digmaan? Ang Moab ay sinamsaman, at ang isa ay umahon laban sa kaniyang mga lunsod. At ang kanilang pinakapiling mga kabataang lalaki ay bumaba sa patayan, ang sabi ng Hari, na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo. Ang kasakunaan sa mga Moabita ay malapit nang dumating, at ang kapahamakan nila ay lubhang nagmamadali. 17 Ang lahat ng nasa palibot nila ay makikiramay sa kanila, ang lahat nga ng nakaaalam ng kanilang pangalan. Sabihin ninyo, O anot nabali ang tungkod ng lakas, ang baston ng kagandahan! Bumaba ka mula sa kaluwalhatian, at umupo kang uhw, O nananahanang anak na babae ng Dibon; sapagkat ang mananamsam ng Moab ay umahon laban sa iyo. Talagang gigibain niya ang iyong mga nakukutaang dako. Tumayo ka at mag-abang ka sa daan, O babaing tumatahan sa Aroer. Tanungin mo yaong tumatanan at siya na tumatakas. Sabihin mo, Ano ang nangyari? 20 Ang Moab ay nalagay sa kahihiyan, sapagkat
19 18 16 15 12

sinapitan siya ng pangingilabot. Magpalahaw ka at humiyaw. Sabihin ninyo sa Arnon na ang Moab ay sinamsaman. 21 At ang kahatulan ay dumating sa lupain ng kapatagan, sa Holon at sa Jahaz at laban sa Mepaat, 22 at laban sa Dibon at laban sa Nebo at laban sa Betdiblataim, 23 at laban sa Kiriataim at laban sa Bet-gamul at laban sa Bet-meon 24 at laban sa Keriot at laban sa Bozra at laban sa lahat ng mga lunsod ng lupain ng Moab, yaong malalayo at yaong malalapit. Ang sungay ng Moab ay pinutol, at ang kaniyang bisig ay binali, ang sabi ni Jehova. 26 Lasingin ninyo siya, sapagkat lubha siyang nagpalalo laban kay Jehova; at ang Moab ay gumumon sa kaniyang suka, at siya ay naging tampulan ng panunuya, siya mismo. At hindi ba ang Israel ay naging tampulan lamang ng panunuya sa iyo? O nasumpungan ba siyang kasama ng mga pusakal na magnanakaw? Sapagkat umiiling ka sa tuwing magsasalita ka laban sa kaniya. Iwan ninyo ang mga lunsod at manahanan kayo sa malaking bato, kayong mga tumatahan sa Moab, at maging tulad kayo ng kalapati na namumugad sa mga dako sa bunganga ng hukay. Narinig namin ang tungkol sa pagmamapuri ng Moabsiya ay lubhang palaloang kaniyang kataasan at ang kaniyang pagmamapuri at ang kaniyang kapalaluan at ang pagmamataas ng kaniyang puso. Nalalaman ko mismo ang kaniyang poot, ang sabi ni Jehova, at hindi ito magkakagayon; ang kaniyang walangkatuturang usaphindi nga nila gagawin nang gayon. 31 Kaya naman magpapalahaw ako dahil sa Moab, at dahil sa buong Moab ay hihiyaw ako. Dahil sa mga tao ng Kir-heres ay may hahalinghing. Tatangis ako dahil sa iyo nang higit kaysa sa pagtangis dahil sa Jazer, O punong ubas ng Sibma. Ang iyong lumalagong mga supang ay tumawid ng dagat. Hanggang sa
- 67 32 30 29 28 27 25

dagathanggang sa Jazernakaabot ang mga iyon. Sa iyong mga bungang pantagaraw at sa iyong pamimitas ng ubas ay dumaluhong ang mananamsam. 33 At ang pagsasaya at ang pagkakagalak ay inalis mula sa taniman at mula sa lupain ng Moab. At mula sa mga pisaan ng ubas ay pinaglaho ko ang alak. Walang sinumang yayapak na may hiyawan. Ang hiyawan ay hindi magiging hiyawan. Mula sa sigaw sa Hesbon hanggang sa Eleale, hanggang sa Jahaz ay inilakas nila ang kanilang tinig, mula sa Zoar hanggang sa Horonaim, sa Eglat-selisiya; sapagkat maging ang tubig ng Nimrim ay matitiwangwang. 35 At paglalahuin ko mula sa Moab, ang sabi ni Jehova, yaong nagdadala ng handog sa ibabaw ng mataas na dako at yaong gumagawa ng haing usok para sa kaniyang diyos. 36 Kaya naman ang aking puso ay mag-iingay dahil sa Moab, gaya ng mga plawta; at dahil sa mga tao ng Kir-heres ay mag-iingay ang aking puso, gaya ng mga plawta. Kaya ang mismong kasaganaan na kaniyang nagawa ay tiyak na mapapawi. 37 Sapagkat sa bawat ulo ay may pagkakalbo, at ang bawat balbas ay ginupitan. Sa lahat ng mga kamay ay may mga hiwa, at sa mga balakang ay may telang-sako! Sa lahat ng mga bubong ng Moab at sa kaniyang mga liwasanlahat ng itoay may paghagulhol; sapagkat binasag ko ang Moab na parang sisidlan na hindi kinalulugdan, ang sabi ni Jehova. 39 O anot nasindak siya! Magpalahaw kayo! O anot iniharap ng Moab ang likod! Siya ay napahiya. At ang Moab ay naging tampulan ng panunuya at bagay na kasindak-sindak sa lahat ng nasa palibot niya. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, Narito! Gaya ng agila na nananaklot, may isang mag-uunat din ng kaniyang mga pakpak sa ibabaw ng Moab. 41 Ang mga bayan ay bibihagin, at ang kaniyang matitibay na dako ay tiyak na aagawin. At sa araw na
40 38 34

iyon ang puso ng makapangyarihang mga lalaki ng Moab ay magiging gaya ng puso ng asawang babaing naghihirap sa panganganak. At ang Moab ay tiyak na malilipol mula sa pagiging isang bayan, sapagkat lubha siyang nagpalalo laban kay Jehova. 43 Ang panghihilakbot at ang hukay at ang bitag ay sumasaiyo, O tumatahan sa Moab, ang sabi ni Jehova. 44 Ang sinumang tumatakas dahil sa panghihilakbot ay mahuhulog sa hukay; at ang sinumang umaahon mula sa hukay ay mahuhuli sa bitag. Sapagkat pasasapitin ko sa kaniya, sa Moab, ang taon ng pagtutuon ng pansin sa kanila, ang sabi ni Jehova. 45 Sa lilim ng Hesbon ay tumayong walang lakas yaong mga tumatakas. Sapagkat isang apoy ang tiyak na lalabas mula sa Hesbon, at isang liyab mula sa gitna ni Sihon; at lalamunin nito ang mga pilipisan ng Moab at ang tuktok ng ulo ng mga anak ng kaguluhan. Sa aba mo, O Moab! Ang bayan ni Kemos ay nalipol. Sapagkat ang iyong mga anak na lalaki ay kinuha bilang mga bihag at ang iyong mga anak na babae bilang mga bihag. 47 At titipunin ko ang mga bihag ng Moab sa huling bahagi ng mga araw, ang sabi ni Jehova. Hanggang dito ang kahatulan sa Moab. 49 Para sa mga anak ni Ammon ay ito ang sinabi ni Jehova: Wala bang mga anak ang Israel, o wala ba siyang tagapagmana? Bakit nga inaari ni Malcam ang Gad, at ang kaniyang sariling bayan ay nanahanan sa mismong mga lunsod ng Israel? Kaya nga, narito! dumarating ang mga araw, ang sabi ni Jehova, at pangyayarihin kong marinig ang babalang hudyat ng digmaan laban sa Raba ng mga anak ni Ammon; at siya ay tiyak na magiging bunton ng tiwangwang na kaguhuan, at ang kaniyang mga sakop na bayan ay sisilaban sa apoy. At aariin nga ng Israel yaong mga nagmamay-ari sa kaniya, ang sabi ni Jehova.
- 68 2 46 42

Magpalahaw ka, O Hesbon, sapagkat ang Ai ay sinamsaman! Humiyaw kayo, O mga sakop na bayan ng Raba. Magbigkis kayo ng telang-sako. Humagulhol kayo, at magparoot parito kayo sa gitna ng mga kural na bato, sapagkat si Malcam ay yayaon nga sa pagkatapon, ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe, magkakasamang lahat. 4 Bakit mo ipinagyayabang ang mabababang kapatagan, ang iyong inaagusang mababang kapatagan, O anak na babaing di-tapat, ikaw na nagtitiwala sa kaniyang mga kayamanan, na nagsasabi: Sino ang paririto sa akin? Narito, pasasapitin ko sa iyo ang isang nakapanghihilakbot na bagay, ang sabi ng Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, mula sa lahat ng nasa palibot mo. At tiyak na mananabog kayo, bawat isa sa kaniyang sariling direksiyon, at hindi titipunin ninuman yaong mga tumatakas. Ngunit pagkatapos ay titipunin ko ang mga bihag ng mga anak ni Ammon, ang sabi ni Jehova. Para sa Edom ay ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: Wala na bang anumang karunungan sa Teman? Naglaho ba ang payo mula roon sa mga may unawa? Nabulok na ba ang kanilang karunungan? 8 Tumakas kayo! Umurong kayo! Pumasok kayo sa kaloob-looban upang manahanan, O mga tumatahan sa Dedan! Sapagkat ang kasakunaan ng Esau ay pasasapitin ko sa kaniya, ang panahon ng pagbabaling ko sa kaniya ng aking pansin. 9 Kung ang mga tagapitas ng ubas ay pumaroon nga sa iyo, hindi ba sila mag-iiwan ng mahihimalay? Kung ang mga magnanakaw ay dumating sa gabi, tiyak na maninira lamang sila ng hanggang gusto nila. 10 Ngunit sa ganang akin, huhubaran ko ang Esau. Ilalantad ko ang kaniyang mga kublihang dako, at ang isa ay hindi makapagtatago. Ang kaniyang supling at ang kaniyang mga kapatid at ang kaniyang mga kapitbahay ay tiyak na sasamsaman, at siya ay mawawala na.
7 6 5

11

Iwan mo ang iyong mga batang lalaking walang ama. Aking iingatan silang buhy, at ang iyong mga babaing balo ay magtitiwala sa akin. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: Narito! Bagaman hindi nila kaugaliang uminom sa kopa, iinom sila nang walang pagsala. At ikaw, talaga bang hahayaan kang di-naparurusahan? Hindi ka hahayaang dinaparurusahan, sapagkat iinom ka nang walang pagsala. Sapagkat sa pamamagitan ng aking sarili ay sumumpa ako, ang sabi ni Jehova, na lubusang magiging isang bagay na panggigilalasan, isang kadustaan, isang kagibaan at isang sumpa ang Bozra; at ang lahat ng kaniyang mga lunsod ay magiging mga wasak na dako hanggang sa panahong walang takda. May ulat akong narinig mula kay Jehova, at may sugo na ipinadadala sa mga bansa, na nagsasabi: Magtipon kayo, at pumaroon laban sa kaniya, at bumangon kayo sa pagbabaka. Sapagkat, narito! ginawa nga kitang maliit sa gitna ng mga bansa, hinahamak sa gitna ng sangkatauhan. 16 Ang pangangatog na idinulot mo ang luminlang sa iyo, ang kapangahasan ng iyong puso, O ikaw na tumatahan sa mga puwang ng malaking bato, na humahawak sa kaitaasan ng burol. Bagaman ang iyong pugad ay ginagawa mo sa kaitaasan gaya ng agila, mula roon ay ibababa kita, ang sabi ni Jehova. 17 At ang Edom ay magiging isang bagay na panggigilalasan. Bawat isa na daraan sa tabi niya ay tititig sa panggigilalas at sisipol dahil sa lahat ng kaniyang mga salot. 18 Gaya noong gibain ang Sodoma at ang Gomorra at ang kaniyang kalapit na mga bayan, ang sabi ni Jehova, walang taong mananahanan doon, at walang anak ng sangkatauhan ang maninirahan sa kaniya bilang dayuhan. Narito! May isa na aahong parang leon mula sa mapagmalaking mga palumpungan sa tabi ng Jordan patungo sa matibay na
19 15 14 13 12

- 69 -

tinatahanang dako, ngunit sa isang sandali ay patatakasin ko siya mula sa kaniya. At ang isa na mapipili ay aatasan ko sa kaniya. Sapagkat sino ang tulad ko, at sino ang hahamon sa akin, at sino nga ang pastol na makatatayo sa harap ko? 20 Kaya dinggin ninyo ang pasiya ni Jehova na binalangkas niya laban sa Edom, at ang kaniyang mga kaisipan na inisip niya laban sa mga tumatahan sa Teman: Tiyak na ang maliliit sa kawan ay kakaladkarin. Tiyak na dahil sa kanila ay gagawin niyang tiwangwang ang kanilang tahanang dako. 21 Dahil sa ingay ng kanilang pagbagsak ay nagsimulang umuga ang lupa. May hiyawan! Ang ingay nito ay narinig maging sa Dagat na Pula. 22 Narito! May isa na paiilanlang na parang agila at mananaklot, at iuunat niya ang kaniyang mga pakpak sa ibabaw ng Bozra; at ang puso ng makapangyarihang mga lalaki ng Edom sa araw na iyon ay magiging gaya ng puso ng asawang babaing naghihirap sa panganganak. Para sa Damasco: Ang Hamat at ang Arpad ay napahiya, sapagkat isang masamang ulat ang narinig nila. Sila ay nalansag. Sa dagat ay may pagkabalisa; iyon ay hindi mapanatag. 24 Ang Damasco ay nawalan ng lakas ng loob. Tumalikod siya upang tumakas, at pinanaigan siya ng matinding takot. Ang kabagabagan at ang mga hapdi ng panganganak ay sumapit sa kaniya, gaya ng sa babaing nanganganak. 25 Anot hindi pinabayaan ang lunsod ng kapurihan, ang bayan ng pagbubunyi? Kaya ang kaniyang mga kabataang lalaki ay mabubuwal sa kaniyang mga liwasan, at ang lahat ng mga lalaking mandirigma ay patatahimikin sa araw na iyon, ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. 27 At magpapalagablab ako ng apoy sa pader ng Damasco, at tiyak na lalamunin nito ang mga tirahang tore ni Ben-hadad. Para sa Kedar at sa mga kaharian ng Hazor, na pinabagsak ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya, ito ang sinabi ni Jehova:
28 26 23

Bumangon kayo, umahon kayo sa Kedar, at samsaman ninyo ang mga anak ng Silangan. 29 Ang kanilang mga tolda at ang kanilang mga kawan ay kukunin, ang kanilang mga telang pantolda at ang lahat ng kanilang mga kagamitan. At ang kanilang mga kamelyo ay tatangayin mula sa kanila. At tiyak na sisigaw sila sa kanila, Ang pagkatakot ay nasa buong palibot. Tumakas kayo, tumanan kayo sa malayo; pumasok kayo sa kaloob-looban upang manahanan, O mga tumatahan sa Hazor, ang sabi ni Jehova. Sapagkat si Nabucodorosor na hari ng Babilonya ay nagbalangkas ng isang panukala laban nga sa inyo at nag-isip ng isang kaisipan laban sa inyo. Bumangon kayo, umahon kayo laban sa bansang panatag, na tumatahang tiwasay! ang sabi ni Jehova. Iyon ay walang mga pinto at walang halang. Tumatahan silang nakabukod. 32 At ang kanilang mga kamelyo ay darambungin, at ang kanilang maraming alagang hayop ay magiging samsam. At pangangalatin ko sila sa bawat hangin, yaong mga nagpapagupit ng kanilang buhok sa dakong pilipisan; at mula sa lahat ng pook na malapit doon ay dadalhin ko ang kanilang kasakunaan, ang sabi ni Jehova. 33 At ang Hazor ay magiging tirahan ng mga chakal, isang tiwangwang na kaguhuan hanggang sa panahong walang takda. Walang taong mananahanan doon, at sa kaniya ay walang anak ng sangkatauhan ang maninirahan bilang dayuhan. Ito ang dumating bilang salita ni Jehova kay Jeremias na propeta may kinalaman sa Elam sa pasimula ng paghahari ni Zedekias na hari ng Juda, na nagsasabi: 35 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, Narito, babaliin ko ang busog ng Elam, ang pasimula ng kanilang kalakasan. 36 At pasasapitin ko sa Elam ang apat na hangin mula sa apat na dulo ng langit. At pangangalatin ko sila sa lahat ng mga hanging ito, at walang bansa ang hindi mararating ng mga nanabog mula sa Elam.
- 70 34 31 30

At dudurugin ko ang mga Elamita sa harap ng kanilang mga kaaway at sa harap ng mga humahanap sa kanilang kaluluwa; at magpapasapit ako sa kanila ng isang kapahamakan, ang aking nag-aapoy na galit, ang sabi ni Jehova. At pasusundan ko sila sa tabak hanggang sa malipol ko sila. At ilalagay ko sa Elam ang aking trono, at pupuksain ko mula roon ang hari at ang mga prinsipe, ang sabi ni Jehova. At tiyak na mangyayari nga na sa huling bahagi ng mga araw ay titipunin ko ang mga bihag ng Elam, ang sabi ni Jehova. 50 Ang salita na sinalita ni Jehova may kinalaman sa Babilonya, may kinalaman sa lupain ng mga Caldeo, sa pamamagitan ni Jeremias na propeta: 2 Sabihin ninyo iyon sa gitna ng mga bansa at ipahayag ninyo. At magtaas kayo ng isang hudyat; ipahayag ninyo. Huwag kayong magtago ng anuman. Sabihin ninyo, Ang Babilonya ay nabihag. Si Bel ay nalagay sa kahihiyan. Si Merodac ay nasindak. Ang kaniyang mga imahen ay nalagay sa kahihiyan. Ang kaniyang mga karumal-dumal na idolo ay nasindak. 3 Sapagkat umahon laban sa kaniya ang isang bansa mula sa hilaga. Pinangyayari ng isang iyon na ang kaniyang lupain ay maging bagay na panggigilalasan, anupat walang sinumang tatahan sa kaniya. Kapuwa ang tao at ang alagang hayop ay tumakas. Sila ay yumaon na. Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon, ang sabi ni Jehova, ang mga anak ni Israel, sila at ang mga anak ni Juda na magkakasama, ay darating. Sila ay lalakad, na tumatangis habang lumalakad sila, at si Jehova na kanilang Diyos ay hahanapin nila. 5 Ang daan patungo sa Sion ay patuloy nilang ipagtatanong, habang ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa direksiyong iyon, na sinasabi, Halikayo at lumakip tayo kay Jehova sa isang tipan na namamalagi nang walang takda na hindi malilimutan. 6 Naging isang kawan ng mga nilalang na pumapanaw
4 39 38

37

ang aking bayan. Iniligaw sila ng kanilang sariling mga pastol. Dinala sila ng mga iyon sa mga bundok. Mula sa bundok tungo sa burol ay yumaon sila. Nalimutan nila ang kanilang pahingahang-dako. 7 Nilamon sila ng lahat ng nakasusumpong sa kanila, at ang kanilang mga kalaban ay nagsabi, Hindi kami magkakasala, sa dahilang sila ay nagkasala laban kay Jehova na tinatahanang dako ng katuwiran at pag-asa ng kanilang mga ninuno, si Jehova. Tumakas kayo mula sa gitna ng Babilonya, at lumabas kayo mula sa lupain ng mga Caldeo, at maging gaya kayo ng mga nangungunang hayop sa harap ng kawan. 9 Sapagkat narito, aking pupukawin at paaahunin laban sa Babilonya ang isang kongregasyon ng mga dakilang bansa mula sa lupain ng hilaga, at tiyak na hahanay sila laban sa kaniya. Mula roon ay bibihagin siya. Ang mga palaso ng isa ay gaya ng sa makapangyarihang lalaki na nagpapangyari ng pagkaulila sa mga anak, na hindi bumabalik nang walang resulta. 10 At ang Caldea ay magiging samsam. Lahat ng mga nananamsam sa kaniya ay magpapakabusog, ang sabi ni Jehova. Sapagkat patuloy kayong nagsasaya, sapagkat patuloy kayong nagbubunyi kapag nandarahas sa aking mana. Sapagkat patuloy kayong dumadamba na parang dumalagang baka sa murang damo, at patuloy kayong humahalinghing na parang mga barakong kabayo. 12 Ang inyong ina ay lubhang napahiya. Siya na nagsilang sa inyo ay nabigo. Narito! Siya ang may pinakamaliit na halaga sa mga bansa, isang ilang na walang tubig at disyertong kapatagan. 13 Dahil sa galit ni Jehova ay hindi siya tatahanan, at siya ay magiging tiwangwang na kaguhuan sa kaniyang kabuuan. Kung tungkol sa sinumang daraan sa tabi ng Babilonya, siya ay tititig sa panggigilalas at sisipol dahil sa lahat ng kaniyang mga salot. Humanay kayo laban sa Babilonya sa bawat panig, lahat kayong mga yumayapak sa
14 11 8

- 71 -

busog. Panain ninyo siya. Huwag kayong magtipid ng palaso, sapagkat laban kay Jehova ang kaniyang pagkakasala. 15 Sumigaw kayo ng hiyaw ng digmaan laban sa kaniya sa bawat panig. Ibinigay niya ang kaniyang kamay. Ang kaniyang mga haligi ay nabuwal. Ang kaniyang mga pader ay nagiba. Sapagkat iyon ang paghihiganti ni Jehova. Maghiganti kayo sa kaniya. Kung ano ang ginawa niya ay gawin ninyo sa kaniya. 16 Ihiwalay ninyo ang manghahasik mula sa Babilonya, at ang humahawak ng karit sa panahon ng pag-aani. Dahil sa mapagmalupit na tabak ay babaling sila, bawat isa ay sa kaniyang sariling bayan, at tatakas sila, bawat isa patungo sa kaniyang sariling lupain. Ang Israel ay isang nangalat na tupa. Mga leon ang siyang nagpanabog. Noong una ay nilamon siya ng hari ng Asirya, at nitong huli ay nginatngat ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya ang kaniyang mga buto. 18 Kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, Narito, ibabaling ko ang aking pansin sa hari ng Babilonya at sa kaniyang lupain kung paanong ibinaling ko ang aking pansin sa hari ng Asirya. 19 At ibabalik ko ang Israel sa kaniyang pastulan, at tiyak na manginginain siya sa Carmel at sa Basan; at sa bulubunduking pook ng Efraim at ng Gilead ay mabubusog ang kaniyang kaluluwa. At sa mga araw na iyon at sa panahong iyon, ang sabi ni Jehova, ang kamalian ng Israel ay sasaliksikin, ngunit ito ay wala na; at ang mga kasalanan ng Juda, at hindi masusumpungan ang mga iyon, sapagkat patatawarin ko yaong mga hinahayaan kong maiwan. Laban sa lupain ng Merataim sumampa ka laban sa kaniya at laban sa mga tumatahan sa Pekod. Hayaang tugisin sila ng lansakang pagpatay at ng pagtatalaga sa pagkapuksa, ang sabi ni Jehova, at gawin mo ang ayon sa lahat ng iniutos ko sa iyo. 22 May ingay ng digmaan sa lupain, at
21 20 17

isang malaking pagkagiba. 23 O anot ang martilyong pampanday ng buong lupa ay naputol at nabali! O anot ang Babilonya ay naging isang bagay lamang na panggigilalasan sa gitna ng mga bansa! 24 Nag-umang ako ng silo para sa iyo at nahuli ka rin, O Babilonya, at hindi mo iyon nalaman. Ikaw ay nasumpungan at sinunggaban din, sapagkat laban kay Jehova ang iyong pagpapakabagabag. Binuksan ni Jehova ang kaniyang imbakan, at inilalabas niya ang mga sandata ng kaniyang pagtuligsa. Sapagkat may gawain ang Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, sa lupain ng mga Caldeo. 26 Pumaroon kayo sa kaniya mula sa pinakamalayong dako. Buksan ninyo ang kaniyang mga imbakan ng butil. Tambakan ninyo siya, katulad niyaong mga nagbubunton, at italaga ninyo siya sa pagkapuksa. Huwag sana siyang magkaroon ng mga nalabi. 27 Pagpapatayin ninyo ang lahat ng kaniyang mga guyang toro. Mpabab nawa sila sa patayan. Sa aba nila, sapagkat ang kanilang araw ay dumating na, ang panahon ng pagtutuon ng pansin sa kanila! May ingay niyaong mga tumatanan at niyaong mga tumatakas mula sa lupain ng Babilonya upang ihayag sa Sion ang paghihiganti ni Jehova na ating Diyos, ang paghihiganti para sa kaniyang templo. Tawagin ninyo laban sa Babilonya ang mga mamamana, lahat ng yumayapak sa busog. Magkampo kayo laban sa kaniya sa buong palibot. Huwag bayaang may makatakas. Gantihan ninyo siya ayon sa kaniyang ginagawa. Ang ayon sa lahat ng ginawa niya ay gawin ninyo sa kaniya. Sapagkat kumilos siya nang may kapangahasan laban kay Jehova, laban sa Banal ng Israel. 30 Kaya ang kaniyang mga kabataang lalaki ay mabubuwal sa kaniyang mga liwasan, at maging ang lahat ng kaniyang mga lalaking mandirigma ay patatahimikin sa araw na iyon, ang sabi ni Jehova. Narito! Ako ay laban sa iyo, O Kapangahasan, ang sabi ng Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,
- 72 31 29 28 25

sapagkat ang iyong araw ay darating, ang panahon ng pagtutuon ko ng pansin sa iyo. 32 At ang Kapangahasan ay tiyak na matitisod at mabubuwal, at hindi ito ibabangon ninuman. At magpapalagablab ako ng apoy sa mga lunsod nito, at lalamunin niyaon ang lahat ng mga dakong nasa palibot nito. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: Ang mga anak ni Israel at ang mga anak ni Juda ay sinisiil na magkakasama, at sinunggaban sila ng lahat niyaong mga kumukuha sa kanila bilang bihag. Ang mga ito ay tumangging payaunin sila. 34 Ang kanilang Manunubos ay malakas, Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan. Walang pagsalang ipakikipaglaban niya ang kanilang usapin sa batas, upang pagpahingahin nga niya ang lupain at ligaligin ang mga tumatahan sa Babilonya. May tabak laban sa mga Caldeo, ang sabi ni Jehova, at laban sa mga tumatahan sa Babilonya at laban sa kaniyang mga prinsipe at laban sa kaniyang marurunong. 36 May tabak laban sa mga nagsasalita nang walang katuturan, at tiyak na kikilos sila nang may kamangmangan. May tabak laban sa kaniyang makapangyarihang mga lalaki, at sila ay talagang masisindak. 37 May tabak laban sa kanilang mga kabayo at laban sa kanilang mga karong pandigma at laban sa buong haluang pangkat na nasa gitna niya, at sila ay tiyak na magiging mga babae. May tabak laban sa kaniyang mga kayamanan, at talagang darambungin ang mga iyon. 38 Isang kagibaan ang sumasakaniyang tubig, at ito ay tutuyuin. Sapagkat iyon ay lupain ng mga nililok na imahen, at dahil sa kanilang nakatatakot na mga pangitain ay gumagawi sila na parang baliw. 39 Kaya ang mga namamalagi sa mga pook na walang tubig ay tatahang kasama ng mga hayop na nagpapalahaw, at tatahanan siya ng mga avestruz; at hindi na siya kailanman tatahanan, ni mananahanan man siya sa salit salinlahi.
35 33

Gaya ng paggiba ng Diyos sa Sodoma at sa Gomorra at sa kaniyang mga kalapit na bayan, ang sabi ni Jehova, walang taong mananahanan doon, ni maninirahan man sa kaniya ang anak ng sangkatauhan bilang dayuhan. Narito! Isang bayan ang dumarating mula sa hilaga; at isang malaking bansa at mga dakilang hari ang pupukawin mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa. 42 Busog at diyabelin ang hinahawakan nila. Sila ay malupit at hindi magpapakita ng awa. Ang ingay nila ay parang dagat na dumadaluyong, at sasakay sila sa mga kabayo; nakahanay na parang iisang lalaki upang makipagdigma laban sa iyo, O anak na babae ng Babilonya. Narinig ng hari ng Babilonya ang ulat tungkol sa kanila, at ang kaniyang mga kamay ay lumaylay. May kabagabagan! Pinanaigan siya ng matitinding kirot, gaya ng babaing nanganganak. Narito! May isa na aahong parang leon mula sa mapagmalaking mga palumpungan sa tabi ng Jordan patungo sa matibay na tinatahanang dako, ngunit sa isang sandali ay patatakasin ko sila mula sa kaniya. At ang isa na mapipili ay aatasan ko sa kaniya. Sapagkat sino ang tulad ko, at sino ang hahamon sa akin, at sino nga ang pastol na makatatayo sa harap ko? 45 Kaya dinggin ninyo ang pasiya ni Jehova na binalangkas niya laban sa Babilonya at ang kaniyang mga kaisipan na inisip niya laban sa lupain ng mga Caldeo. Tiyak na ang maliliit sa kawan ay kakaladkarin. Tiyak na dahil sa kanila ay pangyayarihin niyang matiwangwang ang kanilang tinatahanang dako. 46 Dahil sa ingay kapag napanaigan na ang Babilonya, ang lupa ay tiyak na uuga, at sa gitna ng mga bansa ay maririnig ang isang hiyawan. 51 Ito ang sinabi ni Jehova: Narito, pupukawin ko laban sa Babilonya at laban sa mga tumatahan sa Leb-kamai ang isang kapaha-pahamak na hangin; 2 at magsusugo ako sa Babilonya ng mga mananahip na tatahip nga sa kaniya at mag-aalis ng laman ng
- 73 44 43 41

40

kaniyang lupain; sapagkat sila ay magiging laban sa kaniya sa magkabi-kabila sa araw ng kapahamakan. Ang yumayapak sa kaniyang busog ay huwag yumapak. At huwag tumindig ang sinuman na suot ang kaniyang kutamaya. At huwag kayong mahabag sa kaniyang mga kabataang lalaki. Italaga ninyo sa pagkapuksa ang kaniyang buong hukbo. 4 At mabubuwal silang patay sa lupain ng mga Caldeo at inulos sa kaniyang mga lansangan. Sapagkat ang Israel at ang Juda ay hindi nabalo sa kanilang Diyos, kay Jehova ng mga hukbo. Sapagkat ang lupain ng mga iyon ay pun ng pagkakasala sa pangmalas ng Banal ng Israel. Tumakas kayo mula sa gitna ng Babilonya, at maglaan ang bawat isa ng pagtakas para sa kaniyang sariling kaluluwa. Huwag kayong mawalan ng buhay dahil sa kaniyang kamalian. Sapagkat ito ang panahon ng paghihiganti ni Jehova. Mayroon siyang pakikitungo na iginaganti rito. 7 Sa kamay ni Jehova ay isang ginintuang kopa ang Babilonya, siya na lumalasing sa buong lupa. Mula sa kaniyang alak ay uminom ang mga bansa. Kaya nga ang mga bansa ay patuloy na gumagawi na parang baliw. 8 Biglang bumagsak ang Babilonya, anupat siya ay nawasak. Magpalahaw kayo dahil sa kaniya. Kumuha kayo ng balsamo para sa kaniyang kirot. Marahil ay mapagagaling siya. Pagagalingin sana natin ang Babilonya, ngunit hindi siya napagaling. Iwan ninyo siya, at yumaon ang bawat isa sa atin sa kaniyang sariling lupain. Sapagkat umabot hanggang sa langit ang kaniyang kahatulan, at iyon ay pumaitaas hanggang sa maulap na kalangitan. 10 Si Jehova ay nagpangyari ng mga gawa ng katuwiran para sa atin. Halikayo at isalaysay natin sa Sion ang gawa ni Jehova na ating Diyos.
9 6 5 3

Pakinisin ang mga palaso. Punuin ninyo ang mga bilog na kalasag. Pinukaw ni Jehova ang espiritu ng mga hari ng mga Medo, sapagkat ang kaniyang kaisipan ay laban sa Babilonya, upang gibain siya. Sapagkat iyon ang paghihiganti ni Jehova, ang paghihiganti para sa kaniyang templo. 12 Magtaas kayo ng isang hudyat laban sa mga pader ng Babilonya. Patibayin ninyo ang pagbabantay. Ilagay ninyo ang mga bantay. Ihanda ninyo ang mga mananambang. Sapagkat binuo ni Jehova ang kaisipan at tiyak na gagawin din ang sinalita niya laban sa mga tumatahan sa Babilonya. O babaing tumatahan sa ibabaw ng maraming tubig, sagana sa mga kayamanan, ang iyong kawakasan ay dumating na, ang sukat ng iyong pagtitipon ng pakinabang. 14 Si Jehova ng mga hukbo ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluluwa, Pupunuin kita ng mga tao, na gaya ng mga balang, at tiyak na aawitin nila tungkol sa iyo ang isang sigaw. 15 Siya ang Maylikha ng lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ang Isa na matibay na nagtatatag ng mabungang lupain sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at ang Isa na sa pamamagitan ng kaniyang unawa ay nag-unat ng langit. 16 Sa pamamagitan ng kaniyang tinig ay pinangyayari niya ang pagkagulo ng tubig sa langit, at nagpapailanlang siya ng singaw mula sa dulo ng lupa. Gumawa pa man din siya ng mga paagusan para sa ulan, at inilalabas niya ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan. 17 Ang bawat tao ay gumagawi nang lubhang di-makatuwiran anupat walang nalalaman. Ang bawat platero ay makadarama ng pagkapahiya dahil sa inukit na imahen; sapagkat ang kaniyang binubong imahen ay kabulaanan, at walang espiritu sa kanila. 18 Sila ay walang kabuluhan, isang gawang kakutyaan. Sa panahon ng pagtutuon ng pansin sa kanila ay malilipol sila. Ang Bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga bagay na ito, sapagkat siya ang Tagapaganyo ng lahat ng bagay, ang baston nga ng
19 13

11

- 74 -

kaniyang mana. Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan. Ikaw ay isang pamalo para sa akin, gaya ng mga sandatang pandigma, at sa pamamagitan mo ay pagdudurug-durugin ko nga ang mga bansa, at sa pamamagitan mo ay gigibain ko ang mga kaharian. 21 At sa pamamagitan mo ay pagdudurug-durugin ko ang kabayo at ang nakasakay sa kaniya, at sa pamamagitan mo ay pagdudurug-durugin ko ang karong pandigma at ang nakasakay roon. 22 At sa pamamagitan mo ay pagdudurug-durugin ko ang lalaki at ang babae, at sa pamamagitan mo ay pagdudurug-durugin ko ang matandang lalaki at ang batang lalaki, at sa pamamagitan mo ay pagdudurug-durugin ko ang binata at ang dalaga. 23 At sa pamamagitan mo ay pagdudurug-durugin ko ang pastol at ang kaniyang kawan, at sa pamamagitan mo ay pagdudurug-durugin ko ang magsasaka at ang kaniyang pareha ng mga hayop, at sa pamamagitan mo ay pagdudurug-durugin ko ang mga gobernador at ang mga kinatawang tagapamahala. 24 At igaganti ko sa Babilonya at sa lahat ng tumatahan sa Caldea ang lahat ng kanilang kasamaan na ginawa nila sa Sion sa inyong paningin, ang sabi ni Jehova. Narito, ako ay laban sa iyo, O bundok na mapangwasak, ang sabi ni Jehova, ikaw na tagapagwasak ng buong lupa; at iuunat ko ang aking kamay laban sa iyo at pagugulungin kita mula sa malalaking bato at gagawin kitang bundok na sung. At ang mga tao ay hindi kukuha sa iyo ng bato para sa panulukan o ng bato para sa mga pundasyon, sapagkat ikaw ay magiging mga tiwangwang na kaguhuan hanggang sa panahong walang takda, ang sabi ni Jehova. Magtaas kayo ng isang hudyat sa lupain. Hipan ninyo ang tambuli sa gitna ng mga bansa. Pabanalin ninyo ang mga bansa laban sa kaniya. Tawagan ninyo laban sa kaniya ang mga kaharian ng Ararat, Mini at Askenaz. Mag-atas kayo ng tagapangalap na opisyal laban sa kaniya. Paahunin ninyo ang
- 75 27 26 25 20

mga kabayo na gaya ng mga balang na mabalahibo. 28 Pabanalin ninyo ang mga bansa laban sa kaniya, ang mga hari ng Media, ang mga gobernador nito at ang lahat ng mga kinatawang tagapamahala nito at ang buong lupain na pinamumunuan ng bawat isa. 29 At hayaang ang lupa ay umuga at dumanas ng matinding kirot, sapagkat bumangon laban sa Babilonya ang mga kaisipan ni Jehova na ang lupain ng Babilonya ay gawing isang bagay na panggigilalasan, na walang tumatahan. Ang makapangyarihang mga lalaki ng Babilonya ay tumigil sa paglaban. Nanatili silang nakaupo sa matitibay na dako. Ang kanilang kalakasan ay natuyo. Sila ay naging mga babae. Ang kaniyang mga tahanan ay sinilaban. Ang kaniyang mga halang ay winasak. Ang isang mananakbo ay tumatakbo upang salubungin ang isa pang mananakbo, at ang isang tagapag-ulat upang salubungin ang isa pang tagapag-ulat, upang iulat sa hari ng Babilonya na ang kaniyang lunsod ay nabihag na sa bawat dulo, 32 at na ang mga tawiran ay naagaw na, at ang mga bangkang papiro ay sinunog nila sa apoy, at ang mga lalaking mandirigma ay naligalig. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Ang anak na babae ng Babilonya ay tulad ng isang giikan. Panahon na upang yapakan siya hanggang sa mapikpik. Kaunting panahon pa at ang panahon ng pag-aani ay darating sa kaniya. Nilamon ako ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya; ako ay nilito niya. Ginawa niya akong gaya ng sisidlang walang laman. Nilulon niya akong gaya ng isang malaking ahas; pinun niya ang kaniyang tiyan ng aking mga bagay na kaiga-igaya. Pinalis niya ako. 35 Ang karahasang ginawa sa akin at sa aking katawan ay sumapit nawa sa Babilonya! sasabihin ng babaing tumatahan sa Sion. At ang aking dugo nawa ay mapataw sa mga tumatahan sa Caldea! sasabihin ng Jerusalem.
34 33 31 30

Kaya ito ang sinabi ni Jehova: Narito, ipakikipaglaban ko ang iyong usapin sa batas, at tiyak na maglalapat ako ng paghihiganti para sa iyo. At tutuyuin ko ang kaniyang dagat, at pangyayarihin kong matuyo ang kaniyang mga balon. 37 At ang Babilonya ay magiging mga bunton ng mga bato, na tirahan ng mga chakal, isang bagay na panggigilalasan at isang bagay na sisipulan, na walang tumatahan. 38 Magkakasama silang uungal na gaya ng mga may-kilng na batang leon. Tiyak na uungol silang gaya ng mga anak ng mga leon. Kapag nag-iinit sila ay ihahanda ko ang kanilang mga piging at lalasingin ko sila, upang sila ay magbunyi; at matutulog sila ng pagtulog na namamalagi nang walang takda, na mula roon ay hindi sila magigising, ang sabi ni Jehova. 40 Ibababa ko silang gaya ng mga tupang lalaki patungo sa patayan, gaya ng mga barakong tupa kasama ng mga kambing na lalaki. O anot ang Sesac ay nabihag, at anot napanaigan ang Kapurihan ng buong lupa! Anot ang Babilonya ay naging isang bagay lamang na panggigilalasan sa gitna ng mga bansa! 42 Ang dagat ay umapaw sa Babilonya. Sa karamihan ng mga alon nito ay natakpan siya. 43 Ang kaniyang mga lunsod ay naging isang bagay na panggigilalasan, isang lupaing walang tubig at disyertong kapatagan. Bilang lupain, sa mga iyon ay walang taong mananahanan, at sa mga iyon ay walang anak ng sangkatauhan ang daraan. 44 At ibabaling ko ang aking pansin kay Bel sa Babilonya, at ang kaniyang nilulon ay palalabasin ko mula sa kaniyang bibig. At hindi na huhugos sa kaniya ang mga bansa. Gayundin, ang mismong pader ng Babilonya ay babagsak. Lumabas kayo mula sa gitna niya, O bayan ko, at bawat isa ay maglaan ng pagtakas para sa kaniyang kaluluwa mula sa nag-aapoy na galit ni Jehova. 46 O kung hindi ay manlulupaypay ang inyong puso, at
45 41 39

36

matatakot kayo dahil sa ulat na maririnig sa lupain. At sa isang taon ay darating nga ang ulat, at pagkatapos nito sa isa pang taon ay darating ang ulat at ang karahasan sa lupa at ang tagapamahala laban sa tagapamahala. 47 Kaya nga, narito! dumarating ang mga araw, at ibabaling ko ang aking pansin sa mga nililok na imahen ng Babilonya; at ang kaniyang buong lupain ay mapapahiya, at ang lahat ng mga napatay sa kaniya ay mabubuwal sa gitna niya. At dahil sa Babilonya ay tiyak na hihiyaw nang may kagalakan ang langit at ang lupa at ang lahat ng naroroon sa kanila, sapagkat mula sa hilaga ay darating sa kaniya ang mga mananamsam, ang sabi ni Jehova. 49 Hindi lamang dahil ang Babilonya ang siyang sanhi ng pagkabuwal ng mga napatay sa Israel kundi sa Babilonya rin nabuwal ang mga napatay sa buong lupa. Kayong mga takas mula sa tabak, patuloy kayong yumaon. Huwag kayong tumigil. Mula sa malayo ay alalahanin ninyo si Jehova, at ang Jerusalem nawa ay sumainyong puso. Nalagay kami sa kahihiyan, sapagkat nakarinig kami ng pandurusta. Ang kahihiyan ay tumakip sa aming mga mukha, sapagkat ang mga taga-ibang bayan ay dumating laban sa mga dakong banal ng bahay ni Jehova. Kaya nga, narito! dumarating ang mga araw, ang sabi ni Jehova, at ibabaling ko ang aking pansin sa kaniyang mga nililok na imahen, at sa kaniyang buong lupain ay daraing ang isang inulos. Ang Babilonya man ay umakyat sa langit at gawin man niyang di-malapitan ang kaitaasan ng kaniyang lakas, mula sa akin ay darating sa kaniya ang mga mananamsam, ang sabi ni Jehova. Makinig kayo! May isang hiyaw mula sa Babilonya, at isang malakas na pagbagsak mula sa lupain ng mga Caldeo, 55 sapagkat sinasamsaman ni Jehova ang Babilonya, at tiyak na papawiin niya mula rito ang dakilang
- 76 54 53 52 51 50 48

tinig, at ang kanilang mga alon ay dadaluyong na gaya ng maraming tubig. Ang ingay ng kanilang tinig ay tiyak na ilalakas. 56 Sapagkat darating sa kaniya, sa Babilonya, ang mananamsam, at ang kaniyang makapangyarihang mga lalaki ay tiyak na mabibihag. Ang kanilang mga busog ay dudurugin, sapagkat si Jehova ay Diyos ng mga kagantihan. Walang pagsalang gaganti siya. 57 At lalasingin ko ang kaniyang mga prinsipe at ang kaniyang marurunong, ang kaniyang mga gobernador at ang kaniyang mga kinatawang tagapamahala at ang kaniyang makapangyarihang mga lalaki, at matutulog sila ng pagtulog na namamalagi nang walang takda, na mula roon ay hindi sila magigising, ang sabi ng Hari, na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: Ang pader ng Babilonya, bagaman malapad, ay walang pagsalang mabubuwag; at ang kaniyang mga pintuang-daan, bagaman matataas, ay sisilaban sa apoy. At ang mga bayan ay magpapagal na wala namang kabuluhan, at ang mga liping pambansa para lamang sa apoy; at magpapakapagod lamang sila. Ang salita na iniutos ni Jeremias na propeta kay Seraias na anak ni Nerias na anak ni Maseias nang yumaon itong kasama ni Zedekias na hari ng Juda sa Babilonya nang ikaapat na taon ng kaniyang paghahari; at si Seraias ang pinunong tagapangasiwa. 60 At isinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat ng kapahamakan na darating sa Babilonya, ang lahat nga ng mga salitang ito na nakasulat laban sa Babilonya. 61 Bukod diyan, sinabi ni Jeremias kay Seraias: Kapag dumating ka sa Babilonya at nakita mo siya, basahin mo rin nang malakas ang lahat ng mga salitang ito. 62 At sabihin mo, O Jehova, ikaw ang nagsalita laban sa dakong ito, upang lipulin anupat hindi na magkakaroon ng tatahan dito, tao man o kahit alagang hayop, kundi siya ay magiging mga tiwangwang na kaguhuan hanggang sa panahong walang takda. 63 At mangyayari
- 77 59 58

nga na kapag natapos mo nang basahin ang aklat na ito, itatali mo rito ang isang bato, at ihagis mo ito sa gitna ng Eufrates. 64 At sabihin mo, Ganito lulubog ang Babilonya at hindi na muling lilitaw dahil sa kapahamakan na pasasapitin ko sa kaniya; at sila ay tiyak na magpapakapagod. Hanggang dito ang mga salita ni Jeremias. 52 Si Zedekias ay dalawamput isang tang gulang nang magsimula siyang maghari, at labing-isang taon siyang naghari sa Jerusalem. At ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal na anak ni Jeremias ng Libna. 2 At patuloy siyang gumawa ng masama sa paningin ni Jehova, ayon sa lahat ng ginawa ni Jehoiakim. 3 Sapagkat dahil sa galit ni Jehova kung kaya iyon nangyari sa Jerusalem at Juda, hanggang sa mapalayas niya sila mula sa harap ng kaniyang mukha. At si Zedekias ay naghimagsik laban sa hari ng Babilonya. 4 Nang dakong huli ay nangyari nga nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari, nang ikasampung buwan, noong ikasampung araw ng buwan, si Nabucodorosor na hari ng Babilonya ay dumating, siya at ang kaniyang buong hukbong militar, laban sa Jerusalem, at sila ay nagsimulang magkampo laban sa kaniya at magtayo laban sa kaniya ng pader na pangubkob sa buong palibot. 5 Sa gayon ay nakubkob ang lunsod hanggang sa ikalabingisang taon ni Haring Zedekias. Nang ikaapat na buwan, noong ikasiyam na araw ng buwan, ang taggutom sa lunsod ay naging matindi at wala nang tinapay para sa bayan ng lupain. 7 Sa kalaunan ay napasok ang lunsod; at kung tungkol sa lahat ng mga lalaking mandirigma, sila ay nagsimulang tumakas at lumabas mula sa lunsod nang kinagabihan sa daan ng pintuang-daan sa pagitan ng doblihang pader na nasa tabi ng hardin ng hari, habang ang mga Caldeo ay nasa buong palibot laban sa lunsod; at patuloy silang yumaon sa daan ng Araba. 8 At hinabol ng isang hukbong militar ng mga Caldeo ang hari, at naabutan nila si Zedekias sa mga disyertong kapatagan ng Jerico; at ang
6

kaniyang buong hukbong militar ay nangalat mula sa kaniyang tabi. 9 Nang magkagayon ay dinakip nila ang hari at dinala siya sa hari ng Babilonya sa Ribla sa lupain ng Hamat, upang makapaglapat ito sa kaniya ng mga hudisyal na pasiya. 10 At pinatay ng hari ng Babilonya ang mga anak ni Zedekias sa kaniyang paningin, at gayundin ang lahat ng mga prinsipe ng Juda ay pinatay niya sa Ribla. 11 At ang mga mata ni Zedekias ay binulag niya, pagkatapos ay iginapos siya ng hari ng Babilonya ng mga pangaw na tanso at dinala siya sa Babilonya at inilagay siya sa bahay-kulungan hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan. At nang ikalimang buwan, noong ikasampung araw ng buwan, samakatuwid nga, noong ikalabinsiyam na taon ni Haring Nabucodorosor, na hari ng Babilonya, si Nebuzaradan na pinuno ng tagapagbantay, na nakatayo sa harap ng hari ng Babilonya, ay dumating sa Jerusalem. 13 At sinunog niya ang bahay ni Jehova at ang bahay ng hari at ang lahat ng mga bahay sa Jerusalem; at ang bawat malaking bahay ay sinunog niya sa apoy. 14 At ang lahat ng pader ng Jerusalem, sa palibot, ay giniba ng lahat ng hukbong militar ng mga Caldeo na kasama ng pinuno ng tagapagbantay. At ang ilan sa mga maralita sa bayan at ang iba pa sa bayan na naiwan sa lunsod at ang mga humiwalay na kumampi sa hari ng Babilonya at ang iba pa sa mga dalubhasang manggagawa ay dinala ni Nebuzaradan na pinuno ng tagapagbantay sa pagkatapon. 16 At ang ilan sa mga maralita sa lupain ay hinayaan ni Nebuzaradan na pinuno ng tagapagbantay na maiwan bilang mga tagapag-alaga ng ubasan at bilang mga sapilitang trabahador. At ang mga tansong haligi na bahagi ng bahay ni Jehova at ang mga karwahe at ang dagat na tanso na nasa bahay ni Jehova ay pinagputul-putol ng mga Caldeo at dinala nila sa Babilonya ang lahat ng tanso ng mga iyon. 18 At ang mga lata at ang mga pala at ang
17 15 12

mga pamatay ng apoy at ang mga mangkok at ang mga kopa at ang lahat ng tansong kagamitan na ginagamit nila noon sa paglilingkod ay kinuha nila. 19 At ang mga kawa at ang mga lalagyan ng apoy at ang mga mangkok at ang mga lata at ang mga kandelero at ang mga kopa at ang mga mangkok na yari sa tunay na ginto, at yaong mga yari sa tunay na pilak, ay kinuha ng pinuno ng tagapagbantay. 20 At ang dalawang haligi, ang isang dagat, at ang labindalawang torong tanso na nasa ilalim ng dagat, ang mga karwahe, na ginawa ni Haring Solomon para sa bahay ni Jehova. Hindi na inalam ang bigat ng tanso ng mga itolahat ng mga kagamitang ito. At kung tungkol sa mga haligi, labingwalong siko ang taas ng bawat haligi, at isang sinulid na labindalawang siko ang maipalilibot dito; at ang kapal nito ay apat na sinlapad-ng-daliri, at ito ay hungkag. 22 At ang kapital na nasa ibabaw nito ay yari sa tanso, at ang taas niyaong isang kapital ay limang siko; at kung tungkol sa kayariang tila lambat at sa mga granada na nasa kapital, sa buong palibot, ang kabuuan ay yari sa tanso; at ang ikalawang haligi ay mayroon ding gaya ng mga ito, gayundin ang mga granada. 23 At may siyamnaput anim na granada, sa mga tagiliran, at ang lahat ng mga granada na nasa kayariang tila lambat sa palibot ay isang daan. Karagdagan pa, kinuha ng pinuno ng tagapagbantay si Seraias na punong saserdote at si Zefanias na ikalawang saserdote at ang tatlong bantay-pinto, 25 at mula sa lunsod ay kumuha siya ng isang opisyal ng korte na siyang komisyonado sa mga lalaking mandirigma, at ng pitong lalaki mula sa mga nakalalapit sa hari, na mga nasumpungan sa lunsod, at ang kalihim ng pinuno ng hukbo, na siyang nagpipisan sa bayan ng lupain, at ng animnapung lalaki sa bayan ng lupain, na mga nasumpungan sa gitna ng lunsod. 26 Kaya ang mga ito ay kinuha ni Nebuzaradan na pinuno ng tagapagbantay at dinala sila sa hari ng Babilonya sa Ribla. 27 At ang mga ito ay pinabagsak ng hari ng Babilonya at pinatay sila
- 78 24 21

sa Ribla sa lupain ng Hamat. Sa gayon ay yumaon ang Juda sa pagkatapon mula sa lupa nito. Ito ang mga tao na dinala ni Nabucodorosor sa pagkatapon: nang ikapitong taon, tatlong libo at dalawamput tatlong Judio. Nang ikalabingwalong taon ni Nabucodorosor, mula sa Jerusalem ay nanggaling ang walong daan at tatlumput dalawang kaluluwa. Nang ikadalawamput tatlong taon ni Nabucodorosor, si Nebuzaradan na pinuno ng tagapagbantay ay nagdala ng mga Judio sa pagkatapon, pitong daan at apatnaput limang kaluluwa. Ang lahat ng mga kaluluwa ay apat na libo at anim na raan. Nang maglaon ay nangyari nang ikatatlumput pitong taon ng pagkatapon ni Jehoiakin na hari ng Juda, nang ikalabindalawang buwan, noong ikadalawamput limang araw ng buwan, itinaas ni Evil-merodac na hari ng Babilonya, nang taon ng kaniyang pagiging hari, ang ulo ni Jehoiakin na hari ng Juda at inilabas ito mula sa bahay-bilangguan. 32 At nagsimula siyang magsalita sa kaniya ng mabubuting bagay at inilagay niya ang trono nito nang mas mataas kaysa sa mga trono ng ibang mga hari na kasama nito sa Babilonya. 33 At hinubad nito ang kaniyang mga kasuutang pambilangguan, at palagian itong kumain ng tinapay sa harap niya sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay. 34 At kung tungkol sa kaniyang panustos, may palagiang panustos na ibinibigay sa kaniya mula sa hari ng Babilonya, araw-araw gaya ng nararapat, hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.
31 30 29 28

- 79 -

You might also like