You are on page 1of 2

Story: Moses Dies and Joshua Becomes a Leader

Deuteronomy 31-34, Joshua 1:1-9


Moses see the Promised Land then dies and Joshua takes command.

Matapos makalaya mula sa pagkakaalipin ang mga Israelita sa Ehipto, sila ay nagsimulang maglakbay
patungo sa lupang ipinangako ng Diyos sa kanila. Alam nyo ba na may promised land si Lord sa mga Israelita?
Ano ang pangalan ng lugar na iyun? Alam nyo ba?
Tama! Ang Canaan. Kung saan nila sasambahin at pupurihin ang Panginoon. Ang lupain na iyon ay punung-puno
ng gatas at pulot (honey), saganang lupain. Ngunit hindi sila agad nakarating sa lupain na iyon dahil sa
maraming problemang pinagdaanan nila. At tumatanda na rin si Moses kaya kailangan niya ng papalit sa
kanya bilang leader ng Israelita. Ang sabi niya, “Ako ay 120 taong gulang na, at hindi ko na kayo kayang
pangunahan patungo sa lupang pangako.
Ang sabi ng Diyos sa akin ay “hindi ako makakasama sa pagtawid sa ilog Jordan at makakapasok sa lupang
pangako. Ngunit sasamahan kayo ng ating Diyos para magtagumpay laban sa mga nakatira sa lupang pangako
kaya magpakatatag kayo dahil hindi Niya kayo pababayaan at iiwanan!”
Ipinatawag ni Moises si Josue at sa harapan ng sambayanan ng Israel ay sinabi ang ganito: “Magpakatatag
ka at lakasan mo ang iyong loob sapagkat ikaw ang mangunguna sa bayang ito sa pagsakop sa lupaing
ipinangako ni Yahweh sa kanilang mga ninuno. 8 Si Yahweh ang mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi
ka niya bibiguin o pababayaan man, kaya't huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.”
At isinulat ni Moses ang mga tuntunin at batas na ibinigay niya sa mga Israelita at ibinigay ito sa mga
priest. Sinabi niya na kailangan nila itong basahin tuwing ika-pitong taon kapag nagsama-sama sila sa pista
ng mga tolda (“Sa Pista ng mga Tolda basahin ninyo ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa lugar na
pipiliin ni Yahweh upang doo'y sambahin siya at sumunod sa Kanya.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Malapit ka nang mamatay. Tawagin mo si Josue at pumunta kayo sa Toldang
Tipanan upang bigyan siya ng mga bilin.” Gayon nga ang ginawa nila. 15 Si Yahweh ay bumabâ sa Toldang
Tipanan sa anyong haliging ulap at tumayo sa pintuan.


Sinabi pa ni Yahweh kay Moises, “Nalalapit na ang iyong kamatayan. Kapag nangyari na ito, ang Israel ay
magpapakasama at maglilingkod sa mga diyus-diyosan sa lupaing pupuntahan nila. Tatalikod sila sa akin at
sisira sa aming kasunduan. 17 Kung magkaganoon, magagalit ako sa kanila. Itatakwil ko sila't tatalikuran, at
sila'y madaling mabibihag ng kaaway. Daranas sila ng mga kaguluhan at kapahamakan hanggang sa mapag-
isip-isip nilang ito'y dahil sa akong Diyos nila ay hindi nila kasama.

18 
“Pababayaan ko sila dahil sa kasamaang ginawa nila, ang pagsamba nila sa mga diyus-diyosan. 19 Kaya nga,
isulat mo ang awiting ito at ituro sa bansang Israel upang maging tagapagpaalala sa kanila. 

Kapag nadala ko na sila sa lupaing mayaman at sagana sa lahat ng bagay, tulad ng aking pangako sa kanilang
mga ninuno, mamumuhay na sila nang sagana at tiwasay. Ngunit sasamba sila at maglilingkod sa mga diyus-
diyosan. Tatalikod sila sa akin at sisira sa aming kasunduan. 21 Kung dumating na sa kanila ang matinding
kahirapan at kaguluhan, ang awit na ito ang siyang susumbat sa kanila sapagkat matatanim ito sa isipan ng
magiging lahi nila. Hindi ko pa sila nadadala sa lugar na ibibigay ko sa kanila ay alam ko na ang kanilang
binabalak.”

22 
Nang araw ring iyon, sinulat niya ang isang awit at itinuro ito sa mga Israelita.

Nang araw ring iyon, sinabi ni Yahweh kay Moises, 49 “Umakyat ka sa Abarim, sa Bundok ng Nebo na sakop ng
Moab, sa tapat ng Jerico, at tanawin mo ang Canaan, ang lupaing ibibigay ko sa mga Israelita. 50 Doon ka
mamamatay sa bundok na iyon tulad ng nangyari kay Aaron sa Bundok ng Hor, 51 sapagkat sinuway ninyo ako
sa harapan ng bayang Israel noong sila'y nasa tabi ng tubig sa Meriba-kades sa ilang ng Zin. Hindi ninyo
pinakita sa mga Israelita na ako ay banal. 52 Matatanaw mo ang lupaing ibibigay ko sa bayang Israel ngunit
hindi mo ito mararating.”
Umahon si Moises mula sa kapatagan ng Moab patungo sa Bundok ng Nebo, sa taluktok ng Pisga, sa gawing
silangan ng Jerico. Ipinakita sa kanya roon ni Yahweh ang buong lupain. Mula sa Gilead hanggang Dan, 2 ang
buong Neftali, ang lupain ng Efraim at Manases, ang buong lupain ng Juda hanggang sa Dagat ng
Mediteraneo, 3 ang katimugan at ang kapatagan, samakatuwid ay ang libis ng Jerico, ang lunsod ng mga
palmera, hanggang Zoar.

Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Iyan ang lupain na aking ipinangako sa iyong mga ninunong sina Abraham, Isaac
at Jacob. Sinabi ko sa kanilang ibibigay ko ito sa kanilang lahi. Ipinakita ko ito sa iyo ngunit hindi mo
mararating.”

At si Moises na lingkod ni Yahweh ay namatay sa lupain ng Moab, tulad ng sinabi ni Yahweh. 6 Inilibing siya ni
Yahweh sa isang libis sa Moab sa tapat ng Beth-peor, ngunit hanggang ngayo'y walang nakakaalam ng tiyak
na lugar. 7 Siya'y sandaa't dalawampung taóng gulang nang mamatay. Hindi lumabo ang kanyang paningin at
hindi rin nanghina ang kanyang pangangatawan. 8 Tatlumpung araw siyang ipinagluksa ng Israel sa kapatagan
ng Moab.
 
Mula noon ay wala nang lumitaw sa Israel na propetang katulad ni Moises na nakipag-usap nang harap-
harapan kay Yahweh. 11 Wala na ring nakagawa ng mga kababalaghang tulad ng ipinagawa sa kanya ni Yahweh
sa Egipto, sa harapan ng Faraon at ng mga lingkod nito. 12 Walang ibang nakagawa ng makapangyarihan at
pambihirang mga gawa tulad ng ginawa ni Moises sa harapan ng bayang Israel.

Si Josue na anak ni Nun ay napuno ng karunungan sa pamamahala sapagkat ipinatong sa kanya ni Moises ang
kanyang mga kamay. Sumunod sa kanya ang mga Israelita at ginawa nila ang lahat ng utos na ibinigay ni
Yahweh sa pamamagitan ni Moises.

Pagkamatay ni Moises na lingkod ni Yahweh, sinabi ni Yahweh kay Josue na anak ni Nun at lingkod ni
Moises, 2 “Patay na ang lingkod kong si Moises. Ngayo'y humanda ka at ang buong Israel, at tumawid kayo sa
Ilog Jordan, patungo sa lupaing ibinibigay ko sa kanila. 3 Gaya ng aking sinabi kay Moises, ibinigay ko na sa
inyo ang lahat ng lupaing inyong mararating. 4 Ito ang magiging hangganan ninyo: sa hilaga ay ang kabundukan
ng Lebanon; sa timog ay ang disyerto; sa silangan, ang malaking Ilog Eufrates; at sa kanluran, mula sa lupain
ng mga Heteo hanggang sa Dagat Mediteraneo. 5 Walang makakagapi sa iyo habang ikaw ay nabubuhay.
Sasamahan kita gaya ng pagpatnubay ko kay Moises. Hindi kita iiwan ni hindi pababayaan
man. 6 Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob sapagkat ikaw ang mamumuno sa bayang ito sa
pagsakop nila sa lupaing ibibigay ko sa kanila, ayon sa aking pangako sa inyong mga ninuno. 7 Basta't
magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. 

Sundin mong mabuti ang buong Kautusang ibinigay sa inyo ni Moises. Huwag kang susuway sa anumang
nakasaad doon, at magtatagumpay ka saan ka man magpunta. 8 Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng
kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon,
magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay. 9 Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at
lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na
iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.”

You might also like