You are on page 1of 4

December 19, 2019

Misa De Gallo 4 (O Clavis David)


Unang Pagbasa:                
  
Pagbasa sa Lumang Tipan hango sa Aklat ni Propeta
Sofonias, kabanata tatlo, nagsisimula sa talata labing-apat
hanggang talata dalawmpu.( Sofonias 3:14- 20)
 
Umawit ka nang malakas, Lunsod ng Sion; sumigaw ka,
Israel! Magalak ka ng lubusan, Lunsod ng Jerusalem! Ang
mga nagparusa sa iyo ay inalis na ni Yahweh, at itinapon
niya ang inyong mga kaaway. Nasa kalagitnaan mo ang
Hari ng Israel, si Yahweh; wala nang kasawiang dapat pang
katakutan. Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem:
“Huwag kang matakot, Sion; huwag manghina ang iyong
loob. Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, parang
bayaning nagtagumpay; makikigalak siya sa iyong
katuwaan, babaguhin ka ng kanyang pag-ibig; at siya’y
masayang aawit sa laki ng kagalakan, gaya ng nagdiriwang
sa pista. Ililigtas kita sa iyong kasawian upang huwag mo
nang maranasan ang kadustahang bunga nito. Tingnan mo,
sa panahong iyon ay haharapin ko ang mga umapi sa iyo.
Pagagalingin ko ang mga lumpo at titipunin ang mga
itinakwil, at ang kanilang mga kahihiyan ay papalitan ko ng
karangalan at katanyagan sa buong sanlibutan. Ibabalik kita
sa iyong tahanan sa panahonh iyon, sa panahong kayo’y
aking tipunin, oo gagawin kitang tanyag at dakila sa gitnan
ng lahat ng bansa sa lupa, at pauunlarin kitang muli.” Si
Yahweh ang may sabi nito.
 
Ito ang mga Salita ng Panginoon
December 19, 2019
Misa De Gallo 4 (O Clavis David)
Pahayag 22:12-17, 20-21

         

Reader: Pagbasa sa Bagong Tipan hango sa Pahayag kay


Juan, kabanata dalawampu’t dalawa nagsisimula sa talata
labing-dalawa hanggang labing-pito, at magpapatuloy sa
talata dalawampu’t isa hanggang dalawampu’t isa.

“Makinig kayo!” wika ni Jesus. “Darating na ako! Dala ko


ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa
kanyang ginawa! Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at
ang huli, ang Simula at ang Wakas.”
Mapapalad ang naglilinis ng kanilang kasuutan sapagkat
bibigyan sila ng karapatang pumasok sa lunsod at kumain
ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. Subalit
maiiwan sa labas ng lunsod ang mga buhong, mga
mangkukulam, mga mapakiapid, mga mamamatay-tao,
mga sumasamba sa diyus-diyusan, at mga sinungaling – sa
salita at sa gawa.
“Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang ang
mga bagay na ito’y ipahayg sa inyo na nasa mga iglesya.
Ako’y mula sa angkan ni David; ako ang maningning na tala
sa umaga.”
Sinasabi ng Espiritu at ng Babaing ikkasal, “Halika!” lahat
ng nakaririnig nito ay magsabi rin, “Halika!” Lumapit ang
sinumang nauuhaw; kumuha ang may ibig ng tubig na
nagbibigay-buhay – ito’y walang bayad.
Sinasabi ng nagpapatotoo sa lahat ng ito, “Tiyak na nga!
Darating na ako!” Amen. Sana’y dumating ka na,
Panginoong Jesus! Nawa’y kamtan ng lahat ang pagpapala
ng Panginoong Jesus.   
  
Mga kapatid, Ito ang mga Salita ng Panginoon.
December 19, 2019
Misa De Gallo 4 (O Clavis David)
First Reading Isaias 22:22-25

Reader: Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Isaias,


kabanata dalawamput dalawa, magsisimula sa talata
dalawamput dalawa hanggang dalawamput lima.

Ibibigay ko sa kanya ang susi ng sambahayan ni


David; walang makakapagsara ng anumang buksan
niya, at walang makakapagbukas ng anumang sarhan
niya. Itatayo ko siyang parang haligi ng tolda, itatayo
ko nang matibay sa isang matatag na lugar, at siya’y
magiging marangal na trono sa sambahayan ng
kanyang ama. Sa kanya maaatang ang lahat ng
kaluwalhatian ng sambahayan ng kanyang ama. Ang
kanyang mga kamag-anak ay sa kanya aasa, parang
mga sisidlan, mga kopaat palayok na nakasabit.
“Kung magkagayun,” sabi ni Yahweh ma
Makapangyarihan sa lahat, “mababali ang sabitan at
malalaglag. At ang lahat ng nakasabit doon ay
madudurog.
Mga Kapatid ito sa salita ng Panginoon!
December 19, 2018
Misa De Gallo 4 (O Clavis David)
Pahayag 22:12-17, 20-21

You might also like