You are on page 1of 2

1

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango
mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek
word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o
nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang
taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.

Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo
hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa
pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na
pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong
naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga
talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng
Kaharian ng Diyos.

Pagsusuring Pampanitikan

I. Panimula

II. Pagsusuring Pangnilalaman

A. Paksa

B. Simbolismo

1. Simbolismo ng mga Bagay

2. Simbolismo ng mga Tauhan

C. Uri

D. Magandang Pahayag

III. Pagsusuring Pangkaisipan

A. Mga Pahiwatig at kahulugan nito.

B. Mga Aral at Implikasyon.

C. Kalakasan at Kahinaan ng Pagsulat.

Halimbawa ng Parabula

Isang Mabuting Anak, at Isang Masama

TINGNAN mo ngayon sina Cain at Abel. Malalaki na sila. Si Cain ay naging magsasaka. Nagtatanim siya
ng prutas at gulay. Si Abel ay naging pastol ng mga tupa. Isang araw, sina Cain at Abel ay naghandog sa
Diyos. Nagdala si Cain ng kaniyang pananim. At dinala ni Abel ang pinakamataba sa kaniyang mga tupa.
Natuwa si Jehova kay Abel at sa kaniyang handog. Pero hindi siya natuwa kay Cain at sa handog nito. Alam
mo ba kung bakit?
2

Hindi dahil sa ang handog ni Abel ay mas mabuti kaysa kay Cain. Kasi mabait si Abel. Mahal niya si Jehova
at ang kapatid niya. Pero si Cain ay masama; hindi niya mahal ang kapatid niya.

Sinabi ng Diyos kay Cain na dapat siyang magbago. Pero galit-na-galit si Cain kasi mas mahal ng Diyos si
Abel. Kaya nang dadalawa lang sila sa bukid, hinampas ni Cain si Abel nang ubod-lakas kaya’t ito’y
namatay. Hindi ba napakasama nito?

Naaala-ala pa rin ng Diyos si Abel, kahit patay na ito. Hindi nalilimutan ni Jehova ang mabubuting taong
gaya ni Abel. Darating ang araw na bubuhayin uli ni Jehova si Abel. Kaya si Abel ay hindi na uli
mamamatay. Hindi ba napakainam na makilala ang mga taong gaya ni Abel?

Pero hindi natutuwa ang Diyos sa mga gaya ni Cain. Kaya nang patayin ni Cain ang kapatid niya, siya ay
pinarusahan ng Diyos. Pinalayas siya sa kaniyang pamilya. Isinama ni Cain ang isa sa kaniyang mga kapatid
na babae, at ito ay naging asawa niya.

Nang maglaon ang ibang mga anak na lalaki at babae nina Adan at Eba ay nag-asawa din at nagkaanak.
Kaya hindi nagtagal at dumami ang tao sa lupa. Alamin natin kung sino ang ilan sa kanila.

Genesis 4:2-26; 1 Juan 3:11, 12; Juan 11:25

You might also like