You are on page 1of 4

SURING BASA

ANG PARABULA NG
ALIBUGHANG ANAK

LANCE CHRISTOPHER G. DELA VEGA


GRADE 10-NARRA

I. PANIMULA

Uri ng Panitikan
Ang Parabula ng Alibughang Anak ay hango sa Bibliya

Bansang Pinagmulan
Jerusalem sakop ng Bansang Israel
Pagkilala sa may Akda
Ang naglahad ng parabula ay si Jesus na Anak ng Diyos
(Mesias), na isinulat sa Bibliya ni Lucas, isa sa 12 na alagad
ni Jesus.

Layunin ng Akda
Isinulat ito upang maghatid ng aral sa tao tungkol sa
pagpapatawad at pagmamahal ng magulang sa anak;
pagpapatawad at pagmamahal ng Diyos sa tao.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

Tema o Paksa ng Akda


Ang tema ng parabula ay tungkol sa anak na lumayo
matapos makuha ang minanang kayamanan at ang
pagbabalik nito ng makaranas na ng kahirapan.

Mga Tauhan
Ama - mapagmahal at mapagpatawad
Anak na panganay – mabait at responsible
Anak na bunso – nagkasala ngunit nagbalik-loob sa ama

Tagpuan o Panahon
Ang parabula ng Alibughang Anak ay naikwento ni Jesus
sa panahong siya ay nangangaral sa Jerusalem tungkol sa
pagsisisi ng tao sa mga nagawang kasalanan at pagbabalik-
loob sa Diyos. Marami ang sumusunod at nakikinig sa kanya
ngunit marami ring Paraseo ang tumutuligsa sa kanya at
naghahanap ng butas upang siya ay ipapatay.
Balangkas ng Pangyayari
Lumang kwento

Kulturang Masasalamin sa Akda


Makakamit ang pagpapatawad kung magsisisi sa
nagawang kasalanan o hihingi ng kapatawaran

III. PAGSUSURING PANGKAISIPIN


Mga kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
Ang Diyos ay mapagmahal sa kanyang mga anak, kung ito
ay magsisisi at magbabalik-loob sa Kanya ay handa itong
tanggapin at patawarin

Estilo ng Pagkasulat
Ang salitang ginamit sa akda ay epektibo, napapanahon at
tumutugon sa kamalayan ng mambabasa. Kaya maraming tao
ang nagsisisi sa nagawang kasalanan at nagkaroon ng
pananampalataya sa Diyos. Epektibo dahil kung marami ang
nakikinig ay marami din ang nagagalit dahil di nila matanggap
ang kanyang sinasabi.

IV. BUOD
May isang mayaman na may anak na dalawang lalaki. Hiningi
ng anak na bunso ang kanyang mamanahin sa kanyang ama, ipinagbili
ito at nagtungo sa malayong lugar. Inubos niya ang lahat ng kanyang
kayamanan sa iba't ibang bisyo. Nagkaroon ng taggutom sa lugar at
wala siyang makain. Namasukan siya bilang tagapagpakain ng mga
baboy at ang pagkain ng mga baboy ang kinakain din niya. Naalala
niya ang mga alipin ng kanyang ama na may saganang pagkain at
naisipan niyang umuwi sa kanyang ama upang humingi ng tawad at
magpaalipin. Malayo pa lamang ay natanawan na siya ng kanyang
ama, humingi siya ng tawad at nakiusap na tanggapin siya at gawin na
lang na isang alipin. Masayang-masaya ang kanyang ama dahil siya
ay nagbalik, namatay at muling nabuhay. Pinatawad siya ng kanyang
ama at nagdiwang ang lahat dahil sa kanyang pagbabalik.

You might also like