You are on page 1of 11

ARALIN 3:

PAMAMARAAN SA
PAGSULAT NG
BUOD NG MGA
SULATING
PIKSIYON
Sa pagbubuod ng piksiyon, tula, kanta, at iba pa, maaaring gumawa
muna ng story map linawin ang daloy ng pangyayari. Pagkatapos,
isulat ang buod sa isang talata kung saan ilalahad ang pangunahing
karakter, ang tunggalian at ang resolusyon ng tunggalian.
Narito ang halimbawa ng story map o graphic organizer
sa pagbubuod ng sulating piksiyon sa anyong tuluyan

PAMAGAT
SIMULA
 TAUHAN
 TAGPUAN
 SULYAP SA SULIRANIN
GITNA
 SAGLIT NA KASIGLAHAN
 TUNGGALIAN (PISIKAL, NATURAL, SIKOLOHIKAL)
 KASUKDULAN
WAKAS
 KAKALASAN
 KALUTASAN
 Narito ang natukoy na haylayt ng isang sulating piksiyon sa
anyong tuluyan:
“Ang Alibughang Anak” hango sa Lucas 15:11-32

SIMULA
1.TAUHAN
A. Ama. Isang mayamang tao na may dalawang anak na lalaki.
B. Panganay na Anak. Naging tapat at nanatili sa piling ng ama.
C. Bunsong Anak. Maagang kinuha ang mana at nilustay.
2. TAGPUAN
• Sa tahanan ng Ama kung saan marasiwa at payapa ang pamumuhay.
3. SULYAP SA SULIRANIN
• Ipinagpili ng bunsong anak ang manang ari-arian at kumawala sa poder ng
ama.
GITNA
1.SAGLIT NA KASIGLAHAN
• Walang pakundagang paggasta at paglustay ng anak sa mana. Pagsunod sa sariling
layaw.
2.TUNGGALIAN
A. Tao vs Tao (Pisikal): Pagpapaalila sa asyendero.
B. Tao vs Kalikasan (Natural): Pagsapit ng taggutom.
C. Tao vs Sarili (Sikolohikal): Pagsisisi sa nagawang pagkakamali.
3. KASUKDULAN
• Pagbalik ng bunsong anak sa Ama, pagtanggap ng Ama sa anak, at pagsalungat at
panunumbat ng panganay na anak.
WAKAS
1. KAKALASAN
• Pamamagitan at pagpapaunawa ng Ama lalo sa panganay sa nagging pasya
2. KALUTASAN
• Tuluyang pagtanggap ng lahat sa alibughang anak sa payapa at mariwasang tahanan ng Ama.
Narito ang Buod ng isang sulating piksiyon sa anyong tuluyan:

ANG ALIBUGHANG ANAK

May isang mayamang ama na may dalawang anak na lalaki. Maagang kinuha ng bunsong anak ang mana,
ipinagbili, at nagpakalayo-layo habang ang panganay ay nanatili sa piling ng ama. Nilustay ng anak sa mga
makamundong gawain ang minana. Nang sumapit ang taggutom at wala na siyang magugol na salapi ay
napil itan siyang magpaalila sa isang asyendero at doo'y namuhay na masahol pa sa kat ayuan ng mga
alipin sa dating tahanan. Dahil sa mga hirap at sakit ay napagtanto niya ang masasamang ginawa at nagsisi.
Bumalik siya sa kaniyang ama at humingi ng tawad. Buong puso namang tinanggap ng ama ang kaniyang
anak dahil sa labis na pagmamahal sa anak. Ipinagdiwang pa ang pagbabalik ng bunsong anak na iki
nasama naman ng loob ng panganay dahil ni minsan ay hindi nito naranasang ipa ghanda ng piging ng
kaniyang ama. Inamo ng ama ang panganay na anak sa pagp apaunawa na siya ay lagi nitong kapiling at
ang lahat ng ari-arian niya ay para dito subalit ang bunsong anak ay itinuring nang patay ngunit muling
nabuhay, nawala ngunit nasumpungan. Sa gayon, tuluyang tinanggap ang aligbughang anak sa payapa at
mariwasang tahanan ng ama.
Narito ang halimbawa ng Graphic Organizer sa pagbubuod ng sulating piksiyon sa
anyong patula .

PAMAGAT, MAKATA, AT PETSA NG PAGLIMBAG


(Opisyal ang pagbahagi nito)

PUNONG KAISIPAN

PANTULONG NG KAISIPAN

KONGKLUSYON O MAHALAGANG ARAL


Narito ang natukoy na haylayt ng isang sulating piksiyon sa anyong patula:

“May Huklubang Ama sa may Tumba-tumba”


(Vlademeir Gonzales, halaw sa tulang Proposals ni Edwin Thumboo, Ugat, 2003)

PAMAGAT: May Huklubang Ama sa Tumba-tumba


MAKATA: Edwin Thumboo
PETSA/TAON NG PAGLIMBAG: 2003
PANGUNAHING KAISIPAN: Paghingi ng pahintulot ng isang nobyo sa ama ng
kasintahan upang makaisang-dibdib
PANTULONG NG KAISIPAN: Panghihina ng loob ng binata kaya nauumid
KONGKLUSYON/MAHALAGANG ARAL: Pagkatuto sa aral ng kahapon
Narito ang buod ng isang sulating piksiyon sa anyong tuluyan:

MAY HUKLUBANG AMA SA ISANG TUMBA-TUMBA


Ang tula ni Gonzales (2003) na pinamagatang "May Huklubang Ama sa Isang Tumba-tumba" ay tungkol sa
paghingi ng pahintulot ng isang nobyo sa ama ng kasintahan upang maikaisang-dibdib. Bawat tangkang
pagdulog ng binata sa matandang ama na nasa tumba-tumba ay pinanghihinaan ito ng loob, nauumid, at
panay ang buntong-hininga. Subalit, puno man ng pangamba, naglakas-loob itong magtapat upang humingi
ng basbas sapagkat ayaw nitong matulad sa sinapit ng ama ng mapapangasawa na tumandang nag-iisa sa
kaniyang tumba-tumba. Tumutulong ang pagbubuod sa pagpapaunlad ng analitikal na pag-iisip na isang
mahalagang kasanayan sa pag-aaral. Sinusuri dito ang mga impormasyon at pinaghihiwalay ang mahalaga sa
di-mahalagang punto, ang idea sa halimbawa o ebidensiya, at pinagsasama-sama ang mahahalagang idea
upang makabuo ng malinaw at mapagbuod na mga pangungusap na maglalahad ng pangunahing punto ng
teksto.

You might also like