You are on page 1of 25

PANGATNIG

PANGATNIG
Ang tawag sa mga kataga o salitang
nag-uugnay ng dalawang salita, parirala
o sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap.
Halimbawa:
Dalawang salita
1 Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay ginagawa ng
pamahalaan.
Parirala
2 Ang pag-aalaga ng hayop at pagtatanim ng mga gulay ay
nakatutulong sa paghahanapbuhay.

3 Sugnay
Ang ama ang haligi ng tahanan at ang ina ang
puso nito.
Dalawang Panlahat na Pangkat ng mga
Pangatnig

1 Nag-uunay ng magkatimbang na yunit

2 Nag-uugnay ng ‘di magkatimbang na


yunit.
Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Salita,
Parirala at Sugnay na Magkatimbang

at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit, atb.

Hal.
Bumili ako ng ubas at mansanas.
Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Salita, Parirala at Sugnay na Magkatimbang

at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit, atb.

Hal.
• Maging ang lupaing iyan ay sa aming angkan.
• Ano ang makakatalo sa gunting, bato o papel?
• Matalino sana si Buboy ngunit tamad mag-aral.
• Maliligo sana kami bukas sa sapa subalit hindi
ako pinayagan ni tatay.
Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Sugnay na
Hindi Magkatimbang

kung, kapag o pag, upang, sana, kapag, dahil


sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon,
sana
Hal.
• Walang kasalanang ‘di mapatatawad ang Diyos kung
ang nagkasala ay nagsisisi.
Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Sugnay na Hindi Magkatimbang

kung, kapag o pag, upang, sana, dahil sa, sapagkat,


palibhasa, kaya, kung gayon
Hal.
• Ang isang nagpipildoras ay dapat sumangguni agad sa doktor
kapag mayroon siyang naramdamang pagbabago sa katawan.
• Sundin mo ang mga utos ng Diyos upang magtamo ng biyaya sa
langit.
• Sana’y ’di mo nilimot na ang pagsisisi ay nasa huli.
• Marami na sa ating mga kababayan ang nakauunawa sa
pagpaplano ng pamilya dahil sa puspusang pagpapalaganap ng
pamahalaan ng impormasyon tungkol dito.
URI NG PANGATNIG
URI NG PANGATNIG

1 PAMUKOD
Ginagamit sa pagbukod o pagtanggi, gaya ng: o, ni, man,
maging

Hal.
 Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay
mabigo.
 Paalisin ko ba sila o huwag?
URI NG PANGATNIG

1 PAMUKOD

Hal.
 Ni Ikaw ni ako ay walang-kaya sa gawaing iyan.
 Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking
anak.
 Siya man ,ako man ,hindi makatiis sa gayon.
 Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Jose
man ang piliing lider natin.
 Walang diprensiya sa akin maging si Juan ang magwagi
sa paligsahan
URI NG PANGATNIG

2 PANINSAY
Kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap
ang iklawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat,
subalit, bagaman, samantala, kahit.
URI NG PANGATNIG

2 PANINSAY

Hal.
 Ibig kong bumili ngunit wala akong pera.
 Pumayag na nga sila datapwat marami namang pasubali.
 Maaari na tayong maglakbay sa taong ito; subali’y mabuti yatang
lalo sa isang taon na.
 Matalinong mangatwiran, bagaman ’di nag-aral.
 Pumasok din siya kahit may sakit.
 Kahit na umuulan ay nagbibilid ng damit.
 Samantalang punit ka nang punit,tahi naman ako nang tahi.
URI NG PANGATNIG

3 PANUBALI
• Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at
nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang
mabuo ang kahulugan.
• Nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung,
pag, kapag, sakali, sana at disin.
URI NG PANGATNIG

3 PANUBALI

Hal.
 Kakain ako kung kakain ka rin.
 Pag hindi kita isinumbong, ikaw ang bahala.
 Kapag ako’y nagkasalapi, bibilhn ko ang inyong lupain.
 Sakaling mahal, huwag ka nang bumili.
 Kayo sana’y magpakabait sa Maynila, pagka’t doo’y
napakaraming tukso.
 Ikaw disin ang nagtamo ng gantimpala, kung sumali ka
sa patimpalak.
URI NG PANGATNIG

4 PANANHI
• Nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa
pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi
sa, sapagkat, mangyari.
URI NG PANGATNIG

4 PANANHI

Hal.
 Dahil sa iyo siya’y nagtitiis.
 Nagtitipid kami dahil kay Aden aming kapatid na pinag-
aaral sa Maynila ng pag-aabogasya.
 Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
 Naghimagsik ang mga Pilipino sapagkat totoo nang api
sa sariling bansa.
URI NG PANGATNIG

5 PANLINAW
• Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan
ng isang banggit. Ang mga ito ay: anupa’t,
samakatwid, kaya, kung gayon
URI NG PANGATNIG

5 PANLINAW
Hal.
 Natagalan bago kami nagkabalita sa kanya, anupa’t
kulang na santaon.
 Anim na araw pa pala sa pagamutan, samakatwid
aabutan pa siya roon ng linggo.
 Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si
Juan.
 Kung gayon pala’y matutuloy din ang kanilang kasal?
URI NG PANGATNIG

6 PANULAD
• Ang tugunang mga parirala sa pagtutulad o
pagwawangki ng mga gawa o pangyayari ay siyang
mga pangatnig na panulad, gaya ng kung ano, siya
rin, kung gaano, kung paano, gayon din; kung
saan, doon,din at atb.
URI NG PANGATNIG

6 PANULAD

Hal.
 Kung ano kahoy, siya ring tatal.
 Kung ano ang hiningi, siya mong ibigay.
 Kung gaano magalit,gayon ding matuwa.
 Kung paanong iniwan, gayon ding dinatnan.
 Kung saan narapa,doon din bumangon.
 Kung sinong malinis,siyang magpukol ng unang bato.
 Kung alin ang matuwid, siyang sundin.
URI NG PANGATNIG

7 PANAPOS
• Ang mga pangatnig na nagsasaad ng layon ng
pangungusap o nagbababala ng wakas ng pagsasalita,
ay siyang mga tinatawag na panapos. Ang karaniwang
ginagamit ay ang mga sumusunod: sa bagay na ito,
sa lahat ng ito, at sa wakas , atb.
URI NG PANGATNIG

7 PANAPOS

Hal.
 Sa bagay na ito, ay hinihingi namin sa kataastaasang
Pangulo na huwag tulutang mapairal ang batas na
iyang pampahirap pa sa mga mahihirap na
mamamayan.
 Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
 At sa wakas, natamo rin ang lahat ng
pinaglulunggatian.
URI NG PANGATNIG

8 PAMANGGIT
• Gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng:
daw/raw, umano, diumano, sa ganang akin/iyo.
URI NG PANGATNIG

8 PAMANGGIT

Hal.
 Huwag daw kayong maingay.
 Ipinapasabi sa inyong wala raw siyang maibibigay.
 Diumano,mahusay umawit si Juan.
 Sa ganang akin ay mabuti na nag kaniyang ginawa.

You might also like