Professional Documents
Culture Documents
Pagsusulit Wika
Pagsusulit Wika
sa Pasusulit Pangwika
Lydia B. Liwanag, Ph.D.
LAPIT AT DIREKSYON SA PAGTUTURO
NG FILIPINO
• Palakasin at palaganapin ang Filipino upang
maging kumpetitibo ang Pilipino
• Pagpapatibay at pagpapasulong ng
karunungan,kasanayan sa pakikipagtalastasan
at wastong pag-uugali
• Tulay sa daigdig sa pagpapaabot sa
karamihang Pilipino ng mga bagong kaalaman
at kakayahan na dala ng teknolohiya at
agham.
PAGTUTURO NG FILIPINO
AWTENTIKONG PAGGAMIT NG WIKA SA
IBA’T IBANG SITWASYON
MGA KARANASAN
PAGSUSULIT
SA PAGKATUTO .
MGA PRINSIPYO NG PAGTATAYA AYON
SA K-12 KURIKULUM
1. PAGDULOG NA DISCRETE-
POINT
- Gumagamit ng mga test na sumusukat
ng isang (discrete) elemento ng wika,
hal., talasalitaan, balarila at pagbaybay
MGA PAGDULOG SA PAGSUSULIT-WIKA
2. PAGDULOG NA INTEGRAYTIV
- Gumagamit ng mga aytem na
sumusukat sa pang kalahatang
kasanayan tulad ng pagsasanay,
interbyu, padikta, pag-unawa sa isang
katha/teksto
MGA PAGDULOG SA PAGSUSULIT-WIKA
3. PAGDULOG NA
KOMUNIKATIBO
- Gumagamit ng mga aytem na sumusukat hindi
lamang ng kung ano ang nalalaman ng mag-aaral
tunkol sa wika at kung paano gamitin ito kundi pati
na rin kung hanggang saan kayang ipakita nito ang
kanyang nalalaman sa isang makabuluhang
sitwasyong pangkomunikatibo. May mga test na
integreytiv ngunit hindi komunikatibo; ngunit lahat
ng test na komunikatibo ay integreytiv.
MGA URI NG TEST AYON SA PANAHON NG
PAGBIBIGAY NG TEST
1. FORMATIVE TEST- ibinibigay sa panahon
ng pagtututo upang malaman kung ano-anong
aspeto ng aralin ang alam na alam na; ang
paggagrado ay passed – failed lamang.