You are on page 1of 3

Topic: New Beginning

Text: Luke 10:1-10

Question: Sino po dito ang nakaranas na may bagay ka na gustong gusto mo, pero nahirapan ka na
makuha ito?

Body:

Lucas 19:1-10
Magandang Balita Biblia
Nakilala ni Zaqueo si Jesus

19 Pumasok si Jesus sa Jerico at naglakad sa kabayanan. 2 May isang tao roong ang
pangalan ay Zaqueo, isang pinuno ng mga maniningil ng buwis at siya'y
mayaman. 3 Sinikap niyang makita si Jesus upang makilala kung sino ito, ngunit sa dami
ng tao, hindi niya ito makita dahil siya'y pandak. 4 Kaya't patakbo siyang nauna sa
dadaanan ni Jesus at umakyat sa isang puno ng sikamoro. 5 Pagtapat ni Jesus sa lugar na
iyon, tumingala siya kay Zaqueo at sinabi, “Zaqueo, bumabâ ka agad sapagkat kailangan
kong tumuloy ngayon sa iyong bahay.”

6
Nagmamadaling bumabâ si Zaqueo, at tuwang-tuwang tinanggap si Jesus sa kanyang
bahay. 7 Lahat ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. “Nakikituloy siya sa isang
makasalanan,” sabi nila.

8
Tumayo si Zaqueo at sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, ipamimigay ko po sa mga
mahihirap ang kalahati ng aking mga kayamanan. At kung ako'y may nadayang
sinuman, isasauli ko ito sa kanya ng maka-apat na beses.”

9
At sinabi sa kanya ni Jesus, “Ang kaligtasan ay dumating ngayon sa sambahayang ito
sapagkat anak din ni Abraham ang taong ito. 10
Ang Anak ng Tao ay naparito upang
hanapin at iligtas ang naligaw.”

Zaqueo-isang tax collector, at mayaman


Pero mayron siyang mga bagay na kulang:

1. Pandak
2. Maraming tao kaya hindi niya makikita si Jesus
3. Mandaraya dahil siya ay isang Tax collector.

Subalit hindi ito naging hadlang sa kanya, gumawa siya ng paraan para makita niya si Jesus, umakyat siya
sa puno ng sikomoro subalit matinik ito, pero hindi niya ito inalintana at umakyat nga siya, Nakita niya si
Jesus na papalapit sa kinalalagyan niya at siya pala ang sadya nito.

at sa verse 8 8 Tumayo si Zaqueo at sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, ipamimigay ko po sa mga
mahihirap ang kalahati ng aking mga kayamanan. At kung ako'y may nadayang sinuman, isasauli ko ito
sa kanya ng maka-apat na beses.”

Application:

Kung ihalintulad natin ang ating sarili kay Zaqueo na kahit maraming pagsubok tayong mararanasan
hindi natin alintana ito dahil kay Jesus may bagong pag-asa. Ilagay natin sa kanya ang ating buong
pagtitiwala.

Conclusion:

Tulad ni Zaqueo nang maencounter niya si Jesus nagdulot ito ng pagbabago sa buhay niya ibinigay niya
ang kalahati ng kanyang kayamanan sa mga mahihirap, at hindi lang yon kung may nadaya siya handa
niyang ibalik ng ika apat na beses.

Ikaw ngayon ano ang pwede mong ibigay? Willing ka bang ibigay sa Lord ang buhay mo? Upang
magkaroon ng bagong panimula?
SOL 3 PREACHING

Submitted by:

Glady’s Madarang

Submitted to:

Sarah Mae Reah D. Dipad


John Phillip Magtibay

You might also like