You are on page 1of 2

Ang Bibliya

-Pamagat ng aklat
*Si Cain at Abel (Genesis 4:1-16)
-Pamagat ng kwento
*Author/Manunulat
-Original na isinulat ni Moses at sinalin nang iba't-ibang tagapaglathala
*Bilang ng pahina
-2 pahina
*Mga tauhan
-Adan -Eva -Cain -Abel -Yahweh
Mga pangyayari sa kwento
* Sinipingan ni Adan ang kanyang asawa na si Eva at ito ay nagdalang-tao nang makatapos
nitong isilang ang kanyang anak tinawag niya itong Cain, sinundan si Cain nang isa pang
lalaki at Abel naman ang pinangalan niya dito. Naging magpapastol si Abel at magsasaka
naman si Cain. Dumating ang panahon na naghandog si Cain kay Yahweh nang kaniyang ani
sa bukid,kinuha naman ni Abel ang isa sa mga panganay nang kaniyang kawan.Pinatay niya
ito at hinandog ang pinakamainam na bahagi.Si Yahweh ay nasiyahan kay Abel at sa
kaniyang handog ngunit hindi niya kinalugudan si Cain at ang handog nito.Dahil dito hindi
mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi nang galit, kaya't sinabi ni Yahweh "anong
kinagagalit mo Cain? Bakit ganyan ang mukha mo? kung mabuti ang ginawa ang ginawa mo
dapat kang maging masaya. Kung masama naman ang kasalanan ay tulad ng mabangis na
hayop na laging nag-aabang upang lapain ka. Nais nitong pagharian ka kaya't kailangang
mapaglabanan mo ito" -Isang araw niyaya ni Cain ang kaniyang kapatid,"Abel pumunta tayo
sa bukid ".Sumama naman ito, ngunit pagdating nila sa bukid ay pinatay ni Cain si Abel.
-Tinanong ni Yahweh si Cain, "nasan si Abel"sumagot siya "hindi ko alam".Bakit ako ba'y
taga pag-alaga ng aking kapatid?at sinabi ni Yahweh "Cain,ano itong ginawa mo? Sumisigaw
sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid at humihingi nang katarungan. Sinusumpa
kita ngayon at hindi mo na maaaring bungkalin ang lupa dahil dumanak doon ang dugo nang
kapatid mo na iyong pinaslang. Bungkalin mo man ang lupa upang taniman hindi ka mag-
aani wala kang matitirhan at magiging lagalag ka sa daigdig. "Napaka bigat naman nang
parusang ito sabi ni Cain kay Yahweh. "Ngayon pinapalayas mo ako sa lupaing ito upang
malayo sa iyong paningin,at maglagalag sa daigdig, papatayin ako nang sinumang makakita
sakin". -"Hindi"sagot ni Yahweh"paparusahan ng pitong ibayo ang sinumang papatay sa iyo".
*Suliranin at tunggalian sa kwento -Ang pagkainggit at pagkapoot ni Cain kay Abel dahil sa
mas nagustuhan ni Yahweh ang alay nito kumpara sa alay niya. *Paksa o Tema nang kwento
-Poot, Galit at Inngit *Buod -Nang manganak si Eva pinangalanan niya ito na Cain sinundan
naman ni Abel,nang lumaki na ang mga ito naging magpapastol si Abel,samantalang naging
magsasaka naman si Cain, nang mag-alay sila kay Yahweh nang kani-kanilang alay,mas
nagustuhan ni Yahweh ang alay ni Abel na naging bunga nang pagkainggit ni Cain. Minsan
niyaya niya si Abel sa bukid at pinatay niya ito roon, pagkabalik tinanong ni Yahweh si Cain
kung nasaan si Abel,at nalaman nito ang karumaldumal na sinapit ni Abel sa kamay ni Cain,
nagalit si Yahweh at sinumpang magdusa si Cain at maglagalag sa daigdig. *Aral o Mensahe
-Ang pagkainggit ang pinaka mahirap na kalaban nang kabutihan panloob kaya hanggat
maaari makuntento at maging masaya tayo kung ano at sino tayo, at hindi lahat nang bagay
ay dapat daanin sa dahas o pagpatay bagkus mas pagtuunan natin ang pagpapayabong sa
ating mga sarili at personalidad.

You might also like