You are on page 1of 7

I

NARRATOR: Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng PANGINOONG


Yahweh. Minsan ay tinanong nito ang babae
AHAS: Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kang kakain ng anumang bungangkahoy sa
halamanan?
BABAE: Hindi naman! Ipinakakain sa amin ang lahat sa halamanan, huwag lamang ang bunga
ng puno sa gitna niyon. Pag kami raw ay kumain o humipo man lamang sa punong iyon,
mamatay kami.
AHAS: Hindi totoo yan! Hindi kayo mamatay! Gayon ang sabi ng Diyos sapagkat kung kakain
kayo ng bunga niyon, magkakaroon kayo ng pagkaunawa. Kayo,y magiging parang Diyos;
malalaman ninyo ang mabuti at masama.
NARRATOR: Napakaganda sa paningin ng babae ang punongkahoy at sa palagay niya’y
masarap ang bunga nito. Nabuo sa isipan nya na mabuti ang maging marunong. Kaya,t pumitas
siya ng bunga at kumain. Kumuha din siya ng para sa kanyang asawa at kumain din nito.
Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain (Lumapit sya kay Adan at ibinigay ang
prutas). Noon nga nila nalaman na sila’y hubad (background music plays: Dark tension
rising). Nang dapit-hapon na, narinig nilang naglalakad sa halamanan
ang PANGINOONG Yahweh, kaya't nagtago sila sa mga puno. Ngunit tinawag niya ang lalaki at
tinanong.
PAGINOONG YAHWEH: Saan ka naroroon?
ADAN: Natakot po ako nang marinig kong kayo'y nasa halamanan; nagtago po ako sapagkat
ako'y hubad
PANGINOONG YAHWEH: Sinong may sabi sa iyong hubad ka? Bakit? Kumain ka ba ng
bungang ipinagbabawal ko?
ADAN: Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin
PANGINOONG YAHWEH: Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?
BABAE: Mangyari po'y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain
NARRATOR: At mula dito’y inihayag ng Diyos ang kaparusahan sa Ahas, kay Adan at sa
Babae.
PANGINOONG YAHWEH: (nakaharap/hawak ang ahas) Sa iyong ginawa ay may parusang
dapat, na tanging ikaw lang ang yaong magdaranas. Ikaw ay gagapang, ang hatol kong Gawad at
alikabok ang pagkaing dapat. Kayo ng babae’y laging mag-aaway, binhi mo’t binhi niya’y
laging maglalaban. Ito ang dudurog ng ulo mong iyan at ang sakong niya’y ikaw ang tutuklaw.
(nakaharap sa babae) Sa pagbubuntis mo,y mahihirapan, lalo kung sumapit ang iyong
pagluluwal; ang lalaking ito na asawang hirang susundin mong lagi habang nabubuhay.
(humarap kay Adan) Pagkat nakinig ka sa asawang hirang nang iyong kainin yaong bungang
bawal, sa nangyaring ito ang lupang tanima’y aking susumpain magpakailanman, ang lupaing ito
para pag-anihan pagpapawisan mo habang nabubuhay. Mga damo at tinik ang iyong aanihin,
halaman sa gubat ang iyong kakainin; upang pag-anihan ang iyong bukirin, magpakahirap ka
hanggang sa malibing. Yamang sa alabok ka nanggaling, sa alabok ay babalik ka din.
NARRATOR: Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat siya ang ina ng
sangkatauhan. Pinalayas nga si Adan at si Eva sa halamanan upang magbungkal ng lupa na
kanilang pinanggalingan at sa dakong silangan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na
Kerubin. Naglagay din siya ng espadang nagniningas upang hindi malapitan ninuman (entrance
ni Adan at Eva. background music: sad cinematic music) . Hindi naglaon ay nagkaroon ng
anak na lalaki si Adan at Eva. Tinawag nila itong Cain, sinundan si Cain ng isa pang anak na
lalaki at tinawag itong Abel. Naging pastol si Abel at naging magsasaka naman si Cain
(entrance Cain at Abel na may kasamang yakap). Dumating ang panahon na si Cain ay
naghandog kay Yahweh ng ani nya sa bukid. Kinuha naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng
kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi.
PANGINOONG YAHWEH: (background music: Choirs from heaven). Abel, ang iyong
handog ay aking kinalulugdan. Ito ay akin ngayong pinagpapala.
ABEL: (yuyuko), nagpapasalamat po ako sa inyo Panginoon!
NARRATOR: Si Yahweh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog ngunit hindi niya
kinalugdan si Cain at ang handog nito. Dahil dito, hindi maipinta ang mukha ni Cain sa tindi ng
galit (magwawala si Cain, sisigaw, itutumba at ibabato ang altar at ang gulay).
PANGINOONG YAHWEH: Anong ikinagagalit mo Cain? Bakit ganyan ang mukha mo? Kung
mabuti ang ginawa mo dapat kang magsaya. Kung masama naman, ang kasalana’y tulad ng
mabangis na hayop na laging nag-aabang upang lupigin ka at pagharian. Kailangang
pagtagumpayan mo ito”
NARRATOR: Isanga araw nilapitan ni Cain ang kanyang kapatid at nagwika.
CAIN: Abel, mamasyal tayo sa kabukiran. Madaming magagandang tanawin doon at iba’t-ibang
uri ng hayop.
ABEL: Sige aking Kapatid
NARRATOR: Sumama nga si Abel kay Cain ngunit pagdating sa kabukiran ay pinatay nya ito
(hahanapin ni Abel is Cain dahil hindi niya ito makita sa kabukiran, samantalang si Cain
ay palihim na lumalapit upang patayin si Abel, background music: dramatic sound)
NARRATOR:(entrance Cain na nanlilisk at naninibugho pa din ang damdamin,
background music: dramiatic sound # 2) Nalaman nga ito ng PANGINOONG YAHWEH at
siya ay nagwika kay Cain
PANGINOONG YAHWEH: Nasaan si Abel?
CAIN: Hindi ko alam, bakit? Ako ba’y tagapag-alaga ng aking kapatid
PANGINOONG YAHWEH: Cain, nakapangingilabot ang ginawa mo. Sumisigaw sa akin mula
sa lupa ng dugo ng iyong kapatid at humihingi ng paghihiganti. Susumpain ka at palalayasin sa
lupaing ito, lupang natigmak sa dugo ng kapatid mo na iyong pinaslang. Bungkalin mo man ang
lupang ito upang tamnan, hindi ka mag-aani; wala kang matatahanan at magiging lagalag ka sa
daigdig.
CAIN: Napakabigat naman ng parusang ito, ngayong pinalalayas mo na ako sa lupaing ito upang
malayo sa iyong paningin at maglalagalag sa daigdig papatayin ako ng sinumang makakakita sa
akin.
PANGINOONG YAHWEH: Hindi, parurusahan ng pitong ibayo ang sinumang papatay sa iyo,
lalagyan kita ng palatandaan bilang babala na hindi dapat patayin si Cain.
NARRATOR: Nilagyan nga ng Diyos ng palatandaan si Cain pagkatapos nito’y nilisan na niya
si Yahweh at tumira sa lupain ng Nod, isang lugar sa silangan ng Eden. Si Adan at Eva naman ay
muling biniyayaan ng Anak na lalaki at tinawag nila itong Set.

II
NARRATOR: (entrance mga taong nag-aaway [magsasalubong pagpasok] background
music: Warriors Screaming). Nagdaan ang ilang taon, makapal na ang tao sa daigdig. Nakita
ng PANGINOONG Yahweh na labis na ang kasamaan ng tao at wala na itong inisip na mabuti.
Kaya’t ikinalungkot niya ang pagkalalang sa tao at kanyang sinambit.
PANGINOONG YAHWEH: Lilipulin ko ang lahat ng tao na aking nilalang, lilipulin ko rin ang
lahat ng hayop at mga ibon. Bakit nilalang ko pa ang mga ito?
NARRATOR: (entrance Noe) Sa mga nilalang niya’y si Noe lamang ang naging kalugodlugod
sa kanya. Napakabuting tao ni Noe, siya na lamang ang natitirang matuwid nang panahong iyon,
palibahasa’y namumuhay na kasama ng Diyos (entrance asawa ni Noe) Siya ay may tatlong
anak na lalaki sina Shem, Ham at Jafet.
ASAWA: Tawagin muna ang mga bata
NOE: Mga anak halina kayo at tayo’y mananalangin.
MAGKAKAPATID: Nariyan na po, Ama
(mananalangin si Noe kasama ang kanyang pamilya)
NARRATOR: Hindi nais ng Diyos na mapasama si Noe at ang kanyang pamilya sa pagkalipol
kaya’t isang araw ay tinawag niya si Noe at inutusan niyang gumawa ng isang Arko.
PANGINOONG YAHWEH: Napagpasyahan ko nang lipulin ang lahat ng tao sa daigdig.
Umabot na sa sukdulan ang kanilang kasamaan. Gugunawin ko sila kasama ng daigdig. Kaya
gumawa ka ng isang malaking barko na yari sa kahoy na sipres. Lagyan mo ito ng mga silid at
pahiran mo ng alkitran ang loob at labas nito. Ang barkong gagawin mo ay 135 metro ang haba,
22 metro ang luwang, at 13.5 metro ang taas. Bubungan mo ito at lagyan ng kalahating metrong
pagitan mula sa bubong hanggang sa tagiliran. Gawin mong tatlong palapag ang barko at lagyan
mo ng pintuan sa tagiliran. Palulubugin ko sa tubig ang buong daigdig at malilipol ang lahat ng
may buhay sa balat ng lupa. Ngunit ako'y gagawa ng kasunduan natin: Isama mo ang iyong
asawa at mga anak na lalaki, pati mga asawa nila, at pumasok kayo sa barko. Magsakay ka ng
isang lalaki at isang babae ng bawat uri ng hayop at ibon upang magpatuloy ang lahi nila.
Magsakay ka rin ng tig-iisang pares sa bawat uri ng ibon at hayop at mga gumagapang sa lupa
upang magpatuloy rin ang lahi ng mga ito. Maglaan ka ng lahat ng uri ng pagkain para sa inyo at
sa kanila.
NARRATOR: Ginawa nga ni Noe ang iniutos ng Diyos sa kanya kaya’t siya ay kumuha ng mga
materyales para sa paggawa ng Arko. Ginawa niya ang arko sa loob ng ilang taon. Samantalang
ginagawa niya ito (background music: construction sound). Pinuntahan siya ng mga tao at
pinagmasdan nila ang ginagawa niyang arko. Sila ay kanyang binalaan at pinagwikaan ng ganito.
NOE: (background music: crowds walking and talking outside) Nang dahil sa kasamaan ng
tao. Ang Diyos ay magpapadala ng isang baha na siyang lilipol sa lahat ng nilalang sa Daigdig.
Itakwil Ninyo ang masamang Gawain at pagsisihan Ninyo ang inyong mga kasalanan
(background music: crowds laughing).
NARRATOR: Nang marinig ito ng mga tao. Siya ay kanilang tinuligsa at pinagtawanan. Kaya’t
kanilang sinabi.
TAO 1: Nasisiraan na ata ng bait ang taong ito, Walang baha ang darating sa daigdig.
TAO 2: Paano kami maniniwala sa iyo? May katunayan ba ang iyong sinabi at nalalaman
TAO 3: Itigil mo na itong ginagawa mong kabaliwan Noe, sinasayang mo lamang iyong
panahon.
NARRATOR: (background music: construction sound). Lumipas ang 120 taon nang matapos
ni Noe ang pagtatayo sa Arko, Muling nagsalita ang Diyos sa kanya.
PANGINOONG YAHWEH: Pumasok kayong mag-anak sa barko. Sa lahat ng tao'y ikaw
lamang ang nakita kong namumuhay ng matuwid. Magdala ka ng pitong pares sa bawat hayop na
malinis, at isang pares naman sa di-malinis. Pitong pares din sa bawat uri ng ibon ang iyong
dadalhin. Gawin mo ito upang magpatuloy ang kanilang lahi sa balat ng lupa. Pagkaraan ng
isang linggo, pauulanin ko nang apatnapung araw at apatnapung gabi upang lipulin ang lahat ng
aking nilikha sa daigdig.
(background music: Noah’s ark animal stampede, pangunugunahan ni Noah ang mga
hayop).
NARRATOR:Nang dumating na ang lahat ng hayop. Pumasok nga siya sa malaking barko
kasama ang kanyang asawa, mga anak, at mga manugang upang maligtas sa baha. Sa bawat uri
ng hayop, malinis o hindi, sa bawat uri ng ibon at maliliit na hayop, ay nagsama siya sa barko
ayon sa utos ng Diyos. Samantalang nasa loob na sila ang mga tao sa labas ng Arko ay patuloy
silang kinukutya.
TAO 1: Nasaan ang tubig na magpapalutang sa iyong arko Noe! Umaasa ka lamang sa wala.
TAO 2: Halika ka dito Noe, uminom tayo at magpakasaya, huwag kang magkulong dyan sa
ginawa mong arko.
TAO 3: Pabayaan na natin siya, tila pinanawan na nga siya ng bait.
NARRATOR: Pagkaraan ng pitong araw, bumaha nga sa buong daigdig (background music:
Violent Thunderstorm). Si Noe ay 600 taóng gulang na noon. Noong ikalabimpitong araw ng
ikalawang buwan, nabuksan ang lahat ng bukal sa ilalim ng lupa. Nabuksan din ang mga bintana
ng langit. Bumuhos ang ulan sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Pumasok noon sa
barko si Noe at ang kanyang asawa, kasama ang kanilang tatlong anak na lalaki na sina Shem,
Ham at Jafet at ang kani-kanilang asawa. Pinapasok din niya ang bawat uri ng hayop—mailap at
maamo, lumalakad at gumagapang sa lupa, at bawat uri ng ibon. Isang lalaki at isang babae ng
bawat may buhay ang isinama ni Noe, ayon sa utos ng Diyos. Pagkatapos, isinara ni Yahweh ang
pinto ng barko. (background music: crowds panicking). Nasindak ang mga tao sa labas ng
arko at lahat sila nagmamakaawang sumigaw.
TAO 1: Papasukin mo kami Noe!
TAO 2: Nagmamakaawa kami sayo! Iligtas mo ang aming buhay.
TAO 3: Noe! Pakiusap papasukin mo kami!
NOE: Sinabihan ko na kayo magmula pa noong una, ngunit hindi kayo nakinig, wala na akong
magagawa pa.
NARRATOR: (entrance Noe at ang kanyang pamilya) Apatnapung araw na bumaha sa
daigdig. Lumaki ang tubig at lumutang ang barko. Palaki nang palaki ang tubig habang palutang-
lutang naman ang barko. Patuloy pang lumaki ang tubig hanggang sa lumubog ang lahat ng
matataas na bundok, at tumaas pa nang halos pitong metro sa taluktok ng mga bundok. Namatay
ang bawat may buhay sa lupa—mga ibon, maaamo at maiilap na mga hayop, lahat ng
gumagapang sa lupa, at lahat ng tao. Ang lahat ng may hininga sa ibabaw ng lupa ay namatay.
Ang mga tao at mga hayop sa daigdig ay nilipol ng Diyos, maliban kay Noe at sa kanyang mga
kasama sa barko. Nagsimulang bumabâ ang tubig pagkatapos ng 150 araw (background music:
stormy sea sound).
SHEM: Ama, kalian ba matatapos ito?
HAM: Hindi pa din tumitila ang ulan.
JAFET: At pakiramdam ko ay napakalalim pa ng baha.
NOE: Hindi ako nakatitiyak mga Anak, ngunit wala tayong ibang gagawin kundi ang manalig sa
Diyos. Halikayo, tayo ay manalangin.
NARRATOR: Hindi nawaglit sa isipan ng Diyos si Noe at ang lahat ng hayop na kasama niya
sa malaking barko. Kaya't pinaihip niya ang hangin, at nagsimulang humupa ang tubig. Huminto
ang mga bukal at tumigil ang pagbuhos ng ulan. Patuloy na humupa ang tubig, at pagkaraan ng
150 araw ay mababa na ang baha. Sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat noong
ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan. Patuloy ang paghupa ng tubig at nang unang araw ng
ikasampung buwan, lumitaw ang taluktok ng mga bundok. Pagkalipas ng apatnapung araw,
binuksan ni Noe ang bintana ng barko na kanyang ginawa. Pinalipad niya ang isang uwak at ito'y
nagpabalik-balik hanggang matuyo ang tubig sa lupa (magpapalipad si Noah ng uwak)
Pagkatapos nito, pinalipad naman niya ang isang kalapati upang tingnan kung wala nang tubig.
Palibhasa'y laganap pa ang tubig, hindi makalapag ang kalapati, kaya't nagbalik ito at muling
ipinasok ni Noe sa barko Pitong araw pang naghintay si Noe, at pagkatapos ay muli niyang
pinalipad ang kalapati. Pagbalik nito kinagabihan, ito'y may tangay nang sariwang dahon ng
olibo (background music: Choirs from heaven, uusisain ni Noe ang olibo).
NOE: Unti-unti ng natutuyo ang baha, isa itong magandang senyales
NARRATOR: Kaya't natiyak ni Noe na kati na ang tubig. Nagpalipas ng pitong araw si Noe
saka pinalipad muli ang kalapati.
NOE: Ang kalapati ay hindi na bumalik.
ASAWA 1: Marahil tuyo ng Tubig at nakalitaw na ang mga Puno.
ASAWA 2: Sa wakas, makakalabas na tayo at masisilayang muli ang daidig.
ASAWA 3: Isa itong bagong buhay at bagong simula.
NARRATOR: Noon ay 601 taóng gulang na si Noe. Nang unang araw ng unang buwan, inalis
ni Noe ang takip ng barko at nakita niyang natutuyo na ang lupa. Nang ikadalawampu't pitong
araw ng ikalawang buwan, tuyung-tuyo na ang lupa. Sinabi ng Diyos kay Noe
PANGINOONG YAHWEH: (background music: The Lion King-Circle of Life) Lumabas
ka na sa barko kasama ng iyong asawa, mga anak at mga manugang. Palabasin mo na rin ang
lahat ng mga hayop na kasama mo—maamo at mailap, gumagapang at lumalakad sa lupa, at pati
ang mga ibon. Hayaan mo silang dumami at manirahan sa buong daigdig.
NARRATOR: At lumabas na nga si Noe at ang kanyang asawa, mga anak at mga manugang.
Gayundin, sunud-sunod na lumabas ang lahat ng hayop, mailap at maamo, lahat ng gumagapang
at lumalakad, pati ang mga ibon ayon sa kani-kanilang uri.
NOE: Purihin ang Panginoon! Sa kanyang kadakilaan, Purihin siya Magpakailanman. Halikayo
at magtayo tayo ng altar, Maghandog tayo sa Diyos at siya’y ating parangalan.
NARRATOR: Si Noe ay nagtayo ng altar para kay Yahweh. Kumuha siya ng isa sa bawat
malinis na hayop at ibon, at sinunog bilang handog.Nang maamoy ni Yahweh ang mabangong
samyo nito, sinabi niya sa sarili.
PANGINOONG YAHWEH: Hindi ko na susumpain ang lupa dahil sa gawa ng tao bagama't
alam kong masama ang kanyang isipan mula sa kanyang kabataan. (lilitaw ang bahaghari,
background music: glitter sound effect) Ito ang magsisilbing tanda na Hindi ko na lilipuling muli
ang anumang may buhay kagaya ng ginawa ko ngayon.
Hanggang naririto't buo ang daigdig,
tagtanim, tag-ani, palaging sasapit;
tag-araw, tag-ulan, tag-init, taglamig,
ang araw at gabi'y hindi mapapatid.
NARRATOR: (continue background music: The Lion King-The Circle of Life). Pinagpala
ng Diyos si Noe at ang kanyang Pamilya, sa kanila magsisimula ang bagong lahi ng mga tao at
uumpisahan ang bagong simula.

ITUTULOY

You might also like