Professional Documents
Culture Documents
Bakit Itim Ang Uwak
Bakit Itim Ang Uwak
Tagpuan: Arko
Saglit na Kakintalan:
Agad na tumalima ang uwak sa utos ni Noah. Labis siyang nagimbal sa nakita niya.
Nagkalat ang mga bangkay ng tao at mga hayop.
Kasukdulan: Bumaba siya sa isang patay na kabayo. Dahil marahil sa pagod ay nagutom
ang uwak. Kumagat siya sa katawan ng patay na kabayo
at sa iba pang patay na hayop.
Papataas na Aksyon: Nainip si Noah sa tagal ng uwak. Inutusan niya ang kalapati.
“Humayo ka sa labas ng arko upang tupdin ang dalawang utos ko sa iyo. Una, tingnan
mo kung ano na ang nangyari sa uwak at ikalawa,
alamin mo rin kung maaari na tayong bumaba sa lupa.”
Pababang Aksyon: At umalis na ang kalapati. Tulad ng uwak, nalungkot siya sa mga
nakahambalang nabangkay sa lupa.
Napag-alaman din niyang ligtas nang bumaba sa lupa. Pabalik na sana siya sa arko
nang may mapansin siyang gumagalaw sa ibaba.
Lumapit siya ng kaunti. Kitang-kita niya ang uwak na patuloy parin sa pagkagat sa
mga bangkay ng hayop.
Dali-daling nagbalik ang kalapati sa arko. Ibinalita niya kay Noah ang nasaksihan.
Natuwa si Noah sa katapatan ng kalapati subalit nagalit siya sa inasal ng uwak.
Magmula nga noon ang uwak ay naginging itim. Pumangit siya, ang kanyang tinig ay
naging paos. At ang tanging salitang lumalabas
sa kanyang bibig ay “Uwak, uwak, uwak.”