You are on page 1of 3

Orañola, Jasper P.

STEM12 – A
9/29/22

Bakit Itim ang Kulay ng Uwak?


Noong unang panahon, pinarusahan ng Bathala ang mundo. Ginunaw Niya ito sa
pamamagitan ng napakalaking baha. Walang nalabing buhay maliban kay Noah at sa
mga kasama niya sa malaking arko. Ang arkong ito ang ipinagawa ng Bathala bago pa
man maganap ang pagbaha.

Kasama ni Noah sa kanyang arko ang dalawang ibon, ang uwak at ang kalapati. Ang
mga ibong ito ay parehong kulay puti. Kapwa rin sila may magandang tinig.

Nang humupa ang baha, inutusan ni Noah ang uwak.

“Lumabas ka ng arko at alamin kung maaari na tayong bumaba sa lupa.”

Agad na tumalima ang uwak sa utos ni Noah. Labis siyang nagimbal sa nakita niya.
Nagkalat ang mga bangkay ng tao at mga hayop. Bumaba siya sa isang patay na
kabayo. Dahil marahil sa pagod ay nagutom ang uwak. Kumagat siya sa katawan ng
patay na kabayo at sa iba pang patay na hayop.

Nainip si Noah sa tagal ng uwak. Inutusan niya ang kalapati.

“Humayo ka sa labas ng arko upang tupdin ang dalawang utos ko sa iyo. Una, tingnan
mo kung ano na ang nangyari sa uwak at ikalawa, alamin mo rin kung maaari na tayong
bumaba sa lupa.”

At umalis na ang kalapati. Tulad ng uwak, nalungkot siya sa mga nakahambalang


nabangkay sa lupa. Napag-alaman din niyang ligtas nang bumaba sa lupa. Pabalik na
sana siya sa arko nang may mapansin siyang gumagalaw sa ibaba. Lumapit siya ng
kaunti. Kitang-kita niya ang uwak na patuloy parin sa pagkagat sa mga bangkay ng
hayop.

Dali-daling nagbalik ang kalapati sa arko. Ibinalita niya kay Noah ang nasaksihan.
Natuwa si Noah sa katapatan ng kalapati subalit nagalit siya sa inasal ng uwak.

Ang sabi ni Noah:

“Dahil sa iyong katapatan, kalapati, ikaw ay magiging simholo ng kalinisan, katapatan at


kapayapaan at ang uwak naman ay magiging kulay itim. Papangit ang kanyang tinig at
kaiinisan siya ng mga tao at ibang hayop. Ang kanyang tinig ay mapapaos.”

Magmula nga noon ang uwak ay naginging itim. Pumangit siya, ang kanyang tinig ay
naging paos. At ang tanging salitang lumalabas sa kanyang bibig ay “Uwak, uwak,
uwak.”

Sanggunian:

https://pinoycollection.com/bakit-itim-ang-kulay-ng-uwak/
BUOD NG BAKIT ITIM AND KULAT NG UWAK?

Isang malaking baha ang gumunaw noong unang panahon dahil sa parusa ng diyos sa mundo.

Kasama sa mga nakaligtas ang mga nilalang sa arko ni Noah kabilang na dito ang Uwak at Kalapati na
parehong puti at parehong maganda ang tinig.

Nang humina na ang baha ay inutusan ni Noah ang uwak upang kumpirmahin kung maaari na bang
bumaba sa lupa.

Agad na sumunod ito, subalit habang ito ay nagmamasid sa kalupaan ay nasindak siya sa kanyang
nakitang mga bangkay ng tao at hayop. Dahil sa kanyang pagod ay bumaba muna siya upang kumain ng
isang bangkay ng kabayo na kaniyang nakita.

Nabagot si Noah dahil hindi parin bumabalik ang uwak kaya ay inutusan niya rin ang kalapati na alamin
anong nangyari sa uwak at kumpirmahin kung maaari na bang bumaba sa lupa.

Agad ding sumunod ang kalapati, tulad ng uwak ito rin ay napagod subalit alam nito na delikadong
bumaba at hindi naman rin ito ang kanyang layunin. Nang pabalik na siya sa arko ay may napansin siyang
gumagalaw sa lupa at nakita niya roon ang uwak na patuloy na kumakain.

Nagmadaling bumalik sa arko ang kalapati upang ibalita kay Noah ang kanyang mga nasaksihan.

Dahil sa Katapatan ng kalapati ay ginantimpalaan ito bilang maging simbolo ng kalinisan, katapatan at
kapayapaan at ang uwak naman ay magiging kulay itim bilang parusa dahil sa inasal nito. Magiging
pangit at paos din ang dati nitong magandang tinig at pagmumuhian na ito ng mga tao at hayop.

Magmula sa panahong iyon ay naging itim na ang mga uwak at pumangit na rin ang kanilang tinig.
“Uwak, uwak, uwak” na lamang ang nagiisang salita na lumalabas sa kanilang bibig.
Di maabot ng Kawalang Malay
Sa simula'y ang paglalaro ng dalawang bata ng tumbang-preso, sina Ida at Emy—isang larawan ng
kainosentihan ng dalawang bata. Nang hapon na'y kinailangan nang umuwi ni Ida pagkat pauwi na di
umano ang kanyang ina, may sakit ang kanyang kapatid na si Obet, at baka mapagalitan si Ida kapag
dumating ang ina na wala ito upang bantayan si Obet.

Sa halip na maputol ang paglalaro, sumama na lang si Emy sa bahay ni Ida upang makipagkuwentuhan.
Mauungkat sa kuwentuhang ito ang di nila masigurong trabaho ng nanay ni Ida—umaalis nang bihis na
bihis, magandang-maganda, at kapag bumalik ay marami nang pera. Sa mga kuwentuhang ito'y may mga
kataga pa ring hindi masabi-sabi ang dalawang bata; lalo, pagdating sa usapin ng 'tunay' na trabaho ng
ina ni Ida. Muungkat din na wala nang ama si Ida ngunit hindi na nasabi ang dahilan nito. Si Emy nama'y
magsasabing ang kanyang ina ay laging naglalaro/nagsusugal ng baraha. Ginabi sila sa kuwentuhan at
kinailangan nang umuwi ni Emy.

Naiwan si Ida sa dumidilim na barong-barong. Nagugutom na siya. Nagsindi siya ng gasera. Maya-maya'y
tanaw na niya ang paparating na ina at sinalubong ito. Iniabot ng kanyang ina ang isang supot. Inakyat
ng ina si Obet at pinainom ng gamot. Kinain ni Ida ang pansit mula sa supot. Napansin ni Ida ang
naglandas na luha sa pisngi ng ina. Tinanong ni Ida ang ina. Hindi sumagot ang ina. Nangalahati na sa
kinakaing pansit si Ida nang inalok niya ang kalahati sa kanyang ina. Kumain na daw ito. Nagpaalam si Ida
na dadalhin na lamang ang natirang pansit sa kaibigang si Emy. Pumayag ang ina.

Patakbong dinala ni Ida ang supot na may lamang pansit patungo kina Emy. Sa eskinita'y matitisod si Ida.
Matatapon ang pansit sa kanal.

Ayon sa kuwento: Pagkabalot ng pansit ay nagmamadaling nanaog si Ida. Patakbo niyang tinalunton ang
makitid na na eskinita. Nagkatisud-tisod siya sa nag-usling bato hanggang sa tuluyang marapa.
Sumambulat ang pansit. Humagis na pakalat hanggang sa makutim na labak sa kanal.

Sa buong kuwento'y maaaring silipin ang kaangkinan ng 'kainosentihan' bilang tabing ng dalawang bata
mula sa dahas ng kanilang lunan. Sa bahagi ni Emy, hindi na gaano pagkat nakakarinig-rinig na siya ng
mga 'kuwento' mula sa ibang tao hinggil sa 'tunay' na trabaho ng nanay ni Ida. Gayundin, isang sugarol
ang kanyang ina; na hindi maaaring magkaila ng pagkakaroon ni Emy ng mga kaalamang lampas sa
hinagap ni Ida. Ang mismong nanay ni Ida ay nagtatago sa anak nito hinggil sa 'trabaho' nito.

Si bahagi ni Ida nama'y maaaring siliping metapora ng reyalidad ng lunan ni Ida ang pagkakaroon ng sakit
ng kanyang kapatid na si Obet. Ibig sabihin, hindi lamang ang panlabas na lunan—squatters' area—nina
Ida at Obet ang may problema. Ang problema'y umabot na, hindi lamang sa loob ng bahay, kundi sa loob
na mismo ng tao, si Obet na may sakit.

You might also like